المختصر في صفة العمرة وأحكامها
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagpapatuloy:
Ito ay isang pinaigsing polyeto sa paraan ng pagsasagawa ng `umrah, mga patakaran nito, at mga etiketa nito. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagapagsagawa ng `umrah.
Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Pauna
Una. Ang mga Kundisyon ng Pagtanggap ng Pagsamba
Ang pagsamba ay hindi nagiging tinatanggap sa ganang kay Allāh maliban ayon sa dalawang kundisyon:
Ang Pagpapakawagas. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakay rito ng kaluguran ng mukha ni Allāh at ng tahanang pangkabilang-buhay. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 98:5): {Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo,}[1] (Qur'ān 98:5) Ibig sabihin: Bilang mga nakatuon sa Kanya at sa pagsamba sa Kanya, bilang mga umaayaw sa iba pa sa Kanya. Tafsīr As-Sa`dīy, p. 536.
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." [2] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1 at Imām Muslim sa numero 1907.
Ang Pagsunod sa Propeta Rito sa Sinasabi at Ginagawa. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." Sa isang salaysay ni Imām Muslim: 1718: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan." [3] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2697 at Imām Muslim sa numero 1718. [4] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1718.
***
Ang Hatol sa Pagpapakatuto ng Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
Nararapat sa sinumang nagnais na magpakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng isang pagsamba na magpakatuto ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito upang ang gawain niya ay nakikisang-ayon sa Sunnah. Ang Propeta nga noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humihimok sa mga tao sa pagsunod sa kanya at pagkapatnubay sa patnubay niya. Ayon kay Mālik bin Al-Ḥuwayrith (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo sa akin habang nagdarasal ako." [5] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 6008.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabato sakay ng sasakyang hayop niya sa Araw ng Pag-aalay habang nagsasabi: "Matuto kayo ng mga gawaing pagsamba ninyo sapagkat tunay na ako ay hindi nakaaalam baka ako ay hindi makapagsagawa ng ḥajj matapos ng ḥajj kong ito."} [6] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1297.
***
Ikatlo. Ang Kainaman ng Pagsasagawa ng `Umrah
Ang pagsasagawa ng `umrah ay may dalawang kainaman: pangkalahatan at pangnatatangi.
Ang Pangkalahatan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang `umrah hanggang sa kasunod na `umrah ay panakip-sala sa pagitan ng dalawang ito. Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay walang ganti rito kundi ang Paraiso."} [7] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1773 at Imām Muslim sa numero 1349.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."} Kinalalagyan ng apoy ng panday at platero. At-Tamhīd Li-Ibn `Abdilbarr, 15/102. [9] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 810 at Imām An-Nasā'īy: 2631.
Ang pangnatatangi ay sa Ramaḍān sapagkat ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "... isang `umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko."[3]} Ibig sabihin: "makatutumbas ang ḥajj niya kasama ko," gaya ng nasaad sa ibang salaysay.
***
Ang Pagsasagawa ng `Umrah
Una. Ang mga Patakaran ng mga Mīqāt
Ang mga mīqāt ay ang mga lugar na tinukoy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magsagawa ng iḥrām sa mga iyon ang sinumang nagnais na magsagawa ng ḥajj at `umrah.
Kaya ang sinumang dumaraan sa isa sa mga iyon habang naglalayong magsagawa ng ḥajj o `umrah, kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām doon at hindi pinapayagan sa kanya na lumampas doon nang walang pagsasagawa ng iḥrām.
Ang sinumang higit na malapit sa Makkah kay sa mga mīqāt na ito, tunay na ang mīqāt niya ay ang lugar niya. Kaya magsasagawa siya roon ng ḥajj at `umrah.
Hinggil naman sa mga mamayan ng Makkah at mga naglalayong magsagawa ng iḥrām mula roon, magsasagawa sila ng iḥrām para sa ḥajj sa Makkah. Hinggil naman sa `umrah, tunay na sila ay lalabas papunta sa labas ng Makkah at magsasagawa ng iḥrām doon gaya ng sa Tan`īm at tulad nito.
Ang sinumang nasa eroplano, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām kapag natapat sa mīqāt. Kaya magpapakahanda siya at magsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām bago ng pagtapat sa mīqāt. Kapag natapat siya rito, maglalayon siya ng pagsasagawa ng iḥrām kaagad-agad. Hindi pinapayagan sa kanya ang pagpapaliban nito hanggang sa lumapag ang eroplano sa paliparan. Maaari sa kanya na magsagawa ng pag-iingat kaya sasambit siya ng talbiyah bago ng pagtapat sa mīqāt dala ng takot na makalampas sa lugar ng pagsambit ng talbiyah dahil sa bilis ng eroplano.
Ikalawa. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at ang mga Patakaran Nito
Isinasabatas para sa nagnanais magsagawa ng iḥrām ang sumusunod:
Ang pagpaligo, na isang sunnah mu'akkadah (binibigyang-diin) sa panig ng mga lalaki at mga babae, pati na sa nireregla at dinurugo [dahil sa panganganak].
Ang Pagpapabango ng pinakamabango na natatagpuan niya, gaya ng langis ng `ūd (sandalwood) o iba pa, sa ulo niya at balbas niya. Hindi nakapipinsala sa kanya ang pananatili niyon matapos magsagawa ng iḥrām. Hinggil naman sa babae, hindi pinapayagan para sa kanya ang pagpapabango ng anumang may mabangong amoy upang hindi siya maamoy ng mga lalaking estranghero.
Ang pagsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām. Ang mga ito ay tapis at balabal. Ang sunnah ay dalawang puting malinis o bagong tela. Magsasagawa ang babae ng iḥrām nang nakasuot ng anumang niloob niya na damit, nang hindi nagtatanghal ng gayak, maliban na siya ay iiwas sa pagsusuot ng niqāb at guwantes ngunit makapagtatakip siya ng mukha niya at mga kamay niya sa pamamagitan ng iba pa roon.
Ang pagsasagawa ng iḥrām ay matapos kaagad na magsagawa ng isang ṣalāh na isinasabatas, na tungkulin man o kusang-loob, ngunit iyon ay hindi kinakailangan.
[Sa pagpasok sa kalagayan ng iḥrām,] magsasabi siya ng: "Labbayka -llāhumma `umrah. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah.)" Kung siya ay nagsasagawa ng `umrah para sa iba, magsasabi siya ng: "Labbayka -llāhumma `umratan `an fulān. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah para kay Polano.)"
Kapag ang sinumang nagnanais magsagawa ng iḥrām ay nangangamba sa isang nakasasagabal na makasasagabal sa kanya sa paglubos sa mga gawaing pagsamba niya, pinapayagan sa kanya na magsakundisyon sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām saka magsabi siya: "Labbayka -llāhumma `umrah. Wa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥābasanī. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah. At kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagsasagawaan ng taḥallul ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)" Kaya kapag nagsakundisyon siya nito at nangayari sa kanya ang pipigil sa kanya sa paglubos ng gawaing pagsamba niya, tunay na siya ay magsasagawa ng taḥallul at walang anuman sa kanya.
Pagkatapos magpaparami siya ng pagsambit ng talbiyah: "Labbayka -llāhumma labbayk; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku; lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"[4] Mag-aangat ang lalaki ng tinig niya roon at gayundin ang babae hanggat hindi nasa pagkahalubilo ng mga lalaking estranghero. Nararapat sa muḥrim na magparami ng pagsambit ng talbiyah lalo na sa pagbabago ng mga kalagayan at mga panahon tulad ng pag-akyat sa isang mataas na lugar o pagbaba sa isang mababang lugar o pagdating ng gabi o araw. Ang kahulugan ng pagsabi ng tao ng: "Labbayk (Bilang pagtugon sa iyo)" ay "dahil sa pagsagot sa Iyo, O Panginoon, ng isang pagsagot matapos ng isa pa." Ang kahulugan nito ay ang pagsagot ng tao sa Panginoon niya at ang pananatili nito sa pagtalima sa Kanya. Ang kahulugan ng pagsabi ng: "Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku; (Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari;)" ay ang paglalarawan sa pinapupurihan ng kalubusan kasama ng pag-ibig at pagdakila. Kaya kapag inulit-ulit ay nagiging isang pagbubunyi. Ang biyaya ay ang ipinagmamabuting-loob ni Allāh sa mga lingkod Niya sapagkat si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay ang Tagapaghari – tanging Siya. Ang pagsabi naman ng: "lā sharīka laka (walang katambal sa Iyo)" ay nangangahulugang walang nakikitambal sa Iyo sa anumang natatangi sa Iyo sa mga katangiang lubos na kabilang doon ang pagkabukod-tangi Niya sa paghahari, paglikha, pangangasiwa, at pagkadiyos. (Kalipunan ng mga Fatwā at mga Sanaysay ni Al-`Uthaymīn, 96/22, bilang buod.)
Ang pagsambit ng talbiyah ay isinasabatas sa `umrah mula sa pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa magsimula sa pagsasagawa ng ṭawāf.
Kinakailangan sa muḥrim ang mag-ingat sa pagkasadlak sa anuman sa mga ipinagbabawal sa hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥhallul sa iḥrām niya.
Ikatlo. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṭawāf
Kapag pumasok ang muḥrim sa Masjid na Pinakababanal, itinuturing na sunnah para sa kanya na mag-una ng kanang paa niya at magsabi ng panalangin ng pagpasok sa masjid. Kabilang sa pinakatumpak na nasaad kaugnay roon na magsabi siya ng: "Allāhumma -ftaḥ lī abwāb raḥmatik. (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo.)" Ang panalanging ito ay sinasabi sa sandali ng pagpasok ng alinmang masjid at hindi natatangi sa Masjid na Pinakababanal.
Kapag nagnais siya na magsimula sa pagsasagawa ng ṭawāf, tunay na siya ay magsasagawa ng iḍṭibā`. Ang paraan ng pagsasagawa ng iḍṭibā` ay maglagay ang lalaki ng gitna ng balabal niya sa loob ng kanang kilikili niya samantalang ang magkabilang dulo nito ay nakapatong sa kaliwang balikat niya. Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf, magpapanumbalik siya nito sa kalagayan nito bago magsagawa ng ṭawāf dahil ang iḍṭibā`ay isinasagawa sa ṭawāf lamang.
Pagkatapos lalapit siya sa Batong Itim saka hihipo siya sa Batong Itim sa pamamagitan ng kanang kamay niya at hahalik siya sa kamay. Kung hindi naging posible sa kanya ang paghalik doon, hihipo siya niyon sa pamamagitan ng kamay niya at hahalik siya sa kamay niya. Kung hindi naging posible sa kanya ang paghipo roon sa pamamagitan ng kamay niya, hihipo siya niyon sa pamamagitan ng anumang nasa kanya gaya ng tungkod at tulad nito at hahalik siya rito. Kung hindi ito naging posible sa kanya, tunay na siya ay haharap sa Batong Itim at magtuturo siya niyon sa pamamagitan ng kamay niya nang isang pagturo at hindi siya hahalik dito. Ang pinakamainam ay hindi siya makipagsiksikan para makaperhuwisyo siya sa mga tao o maperhuwisyo siya dahil sa kanila.
Magsasabi siya sa sandali ng paghalik o pagturo sa Batong Itim: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)"
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan at maglalagay sa Ka`bah sa gawing kaliwa niya. Kapag umabot siya sa Rukn Yamānīy, hihipo siya nito nang walang paghalik. Kung hindi ito naging posible sa kanya, hindi siya makikipagsiksikan doon at hindi siya magtuturo niyon.
Magsasabi siya sa pagitan ng Rukn Yamānīy at Batong Itim: "Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"
Sa tuwing mapaparaan siya sa Batong Itim, magtuturo siya nito ng kamay niya at magsasabi siya ng: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)"
Magsasabi siya sa nalalabi sa pagsasagawa ng ṭawāf niya ng naiibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur'ān.
Ang sunnah ay magsagawa siya ng raml sa unang tatlong paglibot lamang. Ang raml ay ang pagpapabilis ng paglalakad kasabay ng pagpapalapit ng mga hakbang. Hinggil naman sa nalalabing apat na paglibot, walang pagsasagawa ng raml sa mga ito. Maglalakad lamang siya gaya ng nakagawian niya.
Kapag nalubos ang pagsasagawa ng ṭawāf, pupunta siya sa Maqām Ibrāhīm saka bibigkas siya ng: "Wa-ttakhidhū mim maqāmi ibrāhīma muṣallā. (Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan.)" (Qur'ān 2:125) Pagkatapos magdarasal siya ng dalawang rak`ah sa likuran niyon kung naging posible ito. Kung hindi naman, magdarasal siya nito sa alinmang lugar sa Masjid na Pinakababanal. Bibigkas siya sa unang rak`ah, matapos ng Al-Fātiḥah, ng: Sūrah Al-Kāfirūn, (Qur'ān 109:1-6) at bibigkas siya sa ikalawang rak`ah, matapos ng Al-Fātiḥah, ng: Sūrah Al-Ikhlāṣ. (Qur'ān 112:1-4)
Ikaapat. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Sa`y
Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf at dalawang rak`ah na ṣalāh niya, tunay na siya ay lalabas papunta sa mas`ā. Kapag nakalapit siya sa Ṣafā, bibigkas siya ng: "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh. (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh.)" (Qur'ān 2:158) Pagkatapos magsasabi siya: "Magsisimula ako sa sinimulan ni Allāh." "Abda'u bi-mā bada'a llāhu bih. (Nagsisimula ako sa sinimulan ni Allah.)"[12] [12] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1218.
Pagkatapos aakyat siya sa Ṣafā hanggang sa makita niya ang Ka`bah o ang dako nito saka haharap doon. Magpapahayag ng kaisahan ni Allāh at madadakila sa Kanya. Magsasabi siya ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu. Anjaza wa`dahu, wa-naṣara `abdahu, wa-hazama -l'aḥzāba waḥdah. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Tumupad Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa Lingkod Niya, at gumapi Siya sa mga magkakampi [laban sa Islām] nang mag-isa.)" Mag-uulit siya nito ng tatlong ulit at mananalangin siya sa pagitan ng mga pag-uulit na ito. "Lā ilāha illa -llāhu wa-llāhu akbar. Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Yuḥyī wa-yumītu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdah. Anjaza wa`dah, wa-naṣara `abdah, wa-hazama -l'aḥzāba waḥdah." (Walang Diyos kundi si Allāh at si Allāh ay pinakadakila. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Gumanap Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa lingkod Niya, at tumalo Siya sa mga lapian nang mag-isa.)"[13] [13] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1218.
Pagkatapos bababa siya sa Ṣafā patungong Marwah nang naglalakad. Kapag umabot siya sa luntiang palatandaan, magmamadali siya sa paglakad nang matindi. Kapag umabot siya sa ikalawang luntiang palatandaan, maglalakad siya gaya ng nakagawian niya. Hindi isinasabatas ang matinding mabilisang paglalakad para sa mga babae.
Kapag sumapit siya sa Marwah, isinasabatas sa kanya na gawin ang ginawa sa Ṣafā.
Pagkatapos bababa siya mula sa Marwah patungong Ṣafā nang naglalakad. Kapag umabot siya sa luntiang palatandaan, magmamadali siya sa paglakad nang matindi. Kapag umabot siya sa ikalawang luntiang palatandaan, maglalakad siya gaya ng nakagawian niya.
Ganito hanggang sa makakumpleto siya ng pitong pagparoon. Ang pagpunta niya mula sa Ṣafā patungong Marwah ay isang pagparoon. Ang pagbabalik niya mula Marwah patungong Ṣafā ay isa pang pagparoon.[5]
Makapagsasabi siya sa pagsasagawa niya ng sa`y niya ng anumang naibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur'ān.
Ikalima. Ang Paraan ng Pagpapaahit at Pagpapaiksi ng Buhok
Kapag nakalubos ang tagapagsagawa ng `umrah ng pagsasagawa ng ṭawāf niya, kinakailangan sa kanya na magpaahit ng ulo niya o magpaikli ng buhok nito kung siya ay lalaki. Ang sunnah ay ang pagpapaahit o ang pagpapaiksi nang masaklaw sa buong ulo.
Ang pagpapaahit ay higit na mainam kaysa sa pagpapaikli maliban sa kung ang panahon ng ḥajj ay malapit na kung kailan hindi na makakaya na tumubo ang buhok ng ulo kaya naman tunay na ang pinakamainam ay ang pagkakasya sa pagpapaikli.
Hinggil naman sa babae, tunay na siya ay magpapaputol mula sa mga dulo ng buhok niya ng sukat na isang pulgada.
Ang mga Ipinagbabawal sa Iḥrām
Ang mga ipinagbabawal sa iḥrām ay ang sumusunod:
Ang pag-ahit ng buhok o ang pagputol nito o ang pagbunot nito mula sa alinmang parte ng katawan.
Ang pagputol ng mga kuko sa kalahatan ng mga ito o bahagi ng mga ito mula sa mga paa o mga kamay.
Ang pagtatakip sa ulo ng anumang makadidiit dito tulad ng kupya, ghutrah, at turban; ang pagtatakip ng balabal sa ulo o ang paglalagay ng panyo o kumot o iba pa roon na anumang pinapakay rito ang pagtatakip, na natatangi sa lalaki hindi sa babae.
Ang pagsusuot ng karaniwang kasuutang gawang-sastre ayon sa sukat sa katawan sa karaniwang anyo nito tulad ng thob na gawang-sastre, pantalon, polo, medyas, at guwantes. Ito ay natatangi lamang sa lalaki hindi sa babae sapagkat ang babae ay iiwas naman sa:
Pagsusuot ng niqāb o burqā' o lithām (belo na nagtatakip ng bahaging sa ibaba ng mukha) na nakawawangis ng niqāb. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mukha sa harap ng mga lalaking estranghero na karaniwang panakip sa mukha, kahit pa man masaling ng panakip ang mukha niya. Hindi isinasabatas sa babae na maglagay ng isang benda – tulad nito – sa mukha niya sa layon na hindi makasaling ang panakip sa mukha. Ito ay dahil sa kawalan ng nagpapatunay sa pagkaisinasabatas niyon.
Ang pagsusuot ng guwantes sa mga kamay niya. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mga kamay niya sa harap ng mga lalaking estranghero sa pamamagitan ng paglalagay nito sa loob ng abaya niya.
Ang pagpapabango sa katawan o kasuutan ng iḥrām.
Ang pagpatay ng hayop na nahuhuli sa ilang at ang panghuhuli ng mga ito kahit pa hindi pinapatay.
Ang kasunduang pagpapakasal para sa sarili o para sa iba pa sa kanya.
Ang pagdaraos ng kasal.
Ang pakikipagromansa na hindi umaabot sa pagtatalik gaya ng paghalik at pagsaling nang may pagnanasa.
Ang pakikipagtalik nang direktahan sa ari.
Ang Buod ng mga Gawain ng `Umrah (Ilalagay sa pabalat ng aklat sa mga huling pahina nito.)
Ang Pagpaligo
Ang Pagpapabango
Ang Pagsusuot ng mga Kasuutan ng Iḥrām.
Ang Iḥrām: Ang Layunin ng Pagpasok sa Gawaing Pagsamba
Ang Talbiyah.
Ang Pagsasagawa ng Ṭawāf sa Bahay ni Allāh.
Ang Pagsasagawa ng Ṣalāh na Dalawang Rak`ah sa Likuran ng Maqām Ibrāhīm.
Ang Pagsasagawa ng Sa`y sa Pagitan ng Ṣafā at Marwah.
Ang Pagpapaahit o ang Pagpapaikli ng Buhok. Si Allah ay higit na maalam. Basbasan ni Allah at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad.