Pinakahinahanap
Ang Panalangin Mula sa Qur'ān at Sunnah
Akda ng nangangailangan kay Allāh (napakataas Siya): {Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 7:180) Allāh - Al-Awwal (Ang Una) - Al-Ākhir (Ang Huli) - Aḍ̆-Ḍ̆āhiru (Ang Nakaiibabaw o Ang Nakalantad) - Al-Bāṭin (Ang Nakaiilalim o Ang Nakakubli) - Al-`Alīy (Ang Mataas) - Al-A`lā (Ang Pinakamataas) Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Ang Panalangin Mula sa Qur'ān at Sunnah
Akda ng
nangangailangan kay Allāh (napakataas Siya):
Dr. Sa`īd bin `Alīy ibni Wahaf Al-Qaḥṭānīy {Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 7:180)
Allāh - Al-Awwal (Ang Una) - Al-Ākhir (Ang Huli) - Aḍ̆-Ḍ̆āhiru (Ang Nakaiibabaw o Ang Nakalantad) - Al-Bāṭin (Ang Nakaiilalim o Ang Nakakubli) - Al-`Alīy (Ang Mataas) - Al-A`lā (Ang Pinakamataas) Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Panimula
Al-Muta`āl (Ang Pagkataas-taas) - Al-`Aḍ̆īm (Ang Sukdulan) - Al-Majīd (Ang Maringal) - Al-Kabīr (Ang Malaki o Ang Dakila) - As-Samī` (Ang Madinigin) - Al-Baṣīr (Ang Nakakikita) - Al-`Alīm (Ang Maalam)
Al-Khabīr (Ang Mapagbatid) - Al-Ḥamīd (Ang Kapuri-puri) - Al-`Azīz (Ang Makapangyarihan) - Al-Qadīr (Ang May-kakayahan) - Al-Muqtadir (Ang Tagakaya) - Al-Qawīy (Ang Malakas) Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, at humihingi tayo ng tawad sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at laban sa mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya – basbasan Niya ito, ang mag-anak nito, ang mga Kasamahan nito, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas at pangalagaan nang pangangalagang palagi. Sa pagpapatuloy,
Al-Matīn (Ang Matibay) - Al-Ghanīy (Ang Walang-pangangailangan - Ang Mayaman) - Al-Ḥakīm (Ang Marunong) - Al-Ḥalīm (Ang Matimpiin) - Al-`Afūw (Ang Mapagpaumanhin) - Al-Ghafūr (Ang Mapagpatawad) - Al-Ghaffār (Ang Palapatawad) Ito ay isang pinaiksi mula aklat kong "Ang Sambitin, ang Panalangin, at ang Lunas sa Pamamagitan ng mga Orasyon Mula sa Qur'ān at Sunnah,"[2] na nagpaiksi ako rito ng bahagi ng panalangin upang dumali ang pakikinabang dito. Nagdagdag ako rito ng mga panalangin at mga katuturang nagpapakinabang kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya). Humihiling ako kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pamamagitan ng mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas na gawain Niya ito bilang wagas na ukol sa marangal na mukha Niya; tunay na Siya ay ang Katangkilik doon at ang Nakakakaya niyon. [2] Nailimbag na ang orihinal na nabanggit – ukol kay Allāh ang papuri – kasama ng pagsasadokumento ng mga ḥadīth nito sa isang pinalawak na pagsasadokumento sa apat na tomo: Al-Adhkār (Ḥiṣn Al-Muslim) sa Una at Ikalawang Tomo, Ad-Du`ā' sa Ikatlong Tomo, at Al-`Ilāj Bi-r-Ruqā sa Ikaapat na Tomo mula sa mga ito.
At-Tawwāb (Ang Palatanggap ng Pagbabalik-loob) - Ar-Raqīb (Ang Mapagmasid) - Ash-Shahīd (Ang Saksi) - Al-Ḥafīḍ̆ (Ang Tagapag-ingat) - Al-Laṭīf (Ang Mapagtalos o Ang Mabait) - Al-Qarīb (Ang Malapit) - Al-Mujīb (Ang Tagatugon) Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at biyayaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad; ang mag-anak niya; ang mga Kasamahan niya; at ang mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
Al-Wadūd (Ang Mapagmahal) - Ash-Shākir (Ang Tagapagpasalamat) - Ash-Shakūr (Ang Mapagpasalamat) - As-Sayyid (Ang Pinapanginoon) - Aṣ-Ṣamad (Ang Dulugan) - Al-Qāhir (Ang Tagalupig) - Al-Qahhār (Ang Palalupig) Isinulat ito ni Sa`īd bin `Alīy bin Wahaf Al-Qaḥṭānīy.
Al-Jabbār (Ang Palasupil) - Al-Ḥasīb (Ang Mapagtuos) - Al-Hādī (Ang Tagapagpatnubay) - Al-Ḥakam (Ang Hukom) - Al-Quddūs (Ang Kabanal-banalan) - As-Salām (Ang Sakdal) - Al-Barr (Ang Mabuting-loob) Isinatitik ito noong Sha`bān, 1408 Hijrah (Abril, 1988 CE).
Ang Kainaman ng Panalangin
Al-Wahhāb (Ang Palakaloob) - Ar-Raḥmān (Ang Napakamaawain) - Ar-Raḥīm (Ang Maawain) - Al-Karīm (Ang Mapagbigay) - Al-Akram (Ang Pinakamapagbigay) - Ar-Ra'ūf (Ang Mahabagin) - Al-Fattāḥ (Ang Palahatol)
Ar-Rāziq (Ang Tagatustos) - Ar-Razzāq (Ang Palatustos) - Al-Ḥayy (Ang Buháy) - Al-Qayyūm (Ang Mapagpanatili) - Ar-Rabb (Ang Panginoon) - Al-Malik (Ang Tagahari, Ang Hari) - Al-Malīk (Ang Hari) Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.} (Qur'ān 40:60) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan.} (Qur'ān 2:186) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagdalangin ay ang pagsamba. {Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo."}"[3] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang Panginoon ninyo (napakamapagpala Siya at napakataas) ay mahiyain, mapagbigay, na nahihiya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng dalawang kamay nito sa Kanya, na magbigay sa dalawang ito ng wala."}[4] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang Muslim na dumadalangin ng isang panalanging wala ritong kasalanan at wala ritong pagputol ng ugnayang pangkaanak malibang magbibigay sa kanya si Allāh dahil dito ng isa sa tatlo: Maaari na madaliin para sa kanya ang panalangin niya, maaari na mag-imbak nito para sa kanya sa Kabilang-buhay, at maaari na magbaling palayo sa kanya ng kasagwaan tulad nito." Nagsabi sila: "Samakatuwid, magpaparami tayo [ng panalangin]." Nagsabi siya: "Si Allāh ay higit na marami [sa pagtugon]."[5] [3] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud, 2/78 sa numero 1481; Imām At-Tirmidhīy, 5/211 sa numero 2959; at Imām Ibnu Mājah, 2/1258 sa numero 3828. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy (kaawaan siya ni Allāh) sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaghīr 3/150 at Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/324. [4] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud, 2/78 sa numero 1488; Imām At-Tirmidhīy, 5/557 sa numero 3556; Imām Ibnu Mājah, 2/1258 sa numero 3828. Nagsabi si Ibnu Ḥajar na ang sanad nito ay mahusay. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy 3/179. [5] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy, 5/566 at 5/462 sa numero 3573; at Imām Aḥmad, 3/18 sa numero 11150. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaghīr 5/116 at Ṣaḥīḥ Sunan At-Tirmidhīy, 3/140.
Al-Wāḥid (Ang Nag-iisa) - Al-Aḥad (Ang Iisa o Nag-iisa) - Al-Mutakabbir (Ang Nakapagmamalaki) - Al-Khāliq (Ang Tagalikha) - Al-Khallāq (Ang Palalikha) - Al-Bāri' (Ang Tagapaglalang) - Al-Muṣawwir (Ang Tagapag-anyo) Kabilang sa mga Etiketa ng Panalangin at mga Kadahilanan ng Pagtugon:[6] [6] Tingnan itong mga etiketa ng panalangin at mga kadahilanan ng pagtugon kasama ng mga patunay sa mga ito sa orihinal na aklat, 3/927-975.
Al-Mu'min (Ang Tagapagpasampalataya) - Al-Muhaymin (Ang Tagapagsubaybay) - Al-Muḥīṭ (Ang Tagapaligid) - Al-Muqīt (Ang Tagapagpakain) - Al-Wakīl (Ang Pinananaligan) - Al-Kāfī (Ang Tagapagpasapat) - Al-Wāsī` (Ang Malawak) 1. Ang pagpapakawagas kay Allāh;
Al-Ḥaqq (Ang Totoo) - Al-Jamīl (Ang Tagatipon) - Ar-Rafīq (Ang Kasama) - Al-Ḥayīy (Ang Mahiyain) - As-Sittīr (Ang Mapagtakip ) - Al-Ilāh (Ang Diyos) - Al-Qābiḍ (Ang Tagapagpagipit) 2. Na magsimula sa pamamagitan ng papuri kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya, pagkatapos sa pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan), magpawakas sa pamamagitan niyon;
Al-Bāsiṭ (Ang Tagapagpaluwag o Ang Tagapag-abot) - Al-Mu`ṭī (Ang Tagapagbigay) - Al-Muqaddim (Ang Tagapagpauna) - Al-Mu'akhkhir (Ang Tagapagpahuli) - Al-Mubīn (Ang Tagapaglinaw) - Al-Mannān (Ang Tagapagmagandang-loob ) - Al-Walīy (Ang Katangkilik) 3. Ang pagtiyak sa panalangin at ang katiyakan sa pagtugon;
Al-Mawlā (Ang Mapagtangkilik, Ang Pinagpapatangkilikan) - An-Naṣīr (Ang Mapag-adya) - Ash-Shāfī (Ang Tagapagpagaling, Ang Tagalunas) - Mālikulmulk (Tagapagmay-ari ng Paghahari) - Jāmi`unnās (Tagatipon ng mga Tao) 4. Ang pangungulit sa panalangin at ang kawalan ng pagmamadali;
Nūru-ssamāwāti-wa-l'arḍ (Liwanag ng mga Langit at Lupa) - Dhu-ljalāli-wa-l'ikrām (Pinag-uukulan ng Kapitaganan at Pagpaparangal) - Badī`u-ssamāwāti-wa-l'arḍ (Mapagpasimula ng mga Langit at Lupa)[1] 5. Ang pagkadalo ng puso sa panalangin; [1] Tingnan ang mga pangalang ito kasama ng mga patunay sa mga ito sa Qur'ān at Sunnah sa Aklat na Sharḥ Asmā' Allāh Al-Ḥusnā Fī Ḍaw' Al-Kitāb Wa As-Sunnah ng may-akda.
6. Ang panalangin sa kaginhawahan at kahirapan;
7. Na hindi humiling kundi kay Allāh – tanging sa Kanya;
8. Ang hindi pagdalangin laban sa asawa, ari-arian, anak, at sarili;
9. Ang pagbababa ng tinig sa pagdalangin sa pagitan ng pagbulong at paghahayag;
10. Ang pag-amin ng pagkakasala, ang paghingi ng tawad dito, at ang pag-amin ng pagpapala at ang pasasalamat kay Allāh dito;
11. Ang hindi pagpapakahirap sa patulang pagbigkas sa panalangin;
12. Ang pagsusumamo, ang pagtataimtim, ang paghahangad, at ang pagkasindak;
13. Ang paglunas sa mga paglabag sa katarungan kasama ng pagbabalik-loob;
14. Ang pagdalangin nang makatatlo;
15. Ang pagharap sa qiblah;
16. Ang pag-angat ng mga kamay sa panalangin;
17. Ang pagkasagawa ng wuḍū' bago ng panalangin kung naging posible ito;
18. Na hindi mangaway sa panalangin;
19. Na magsimula ang tagapanalangin sa sarili kapag mananalangin para sa iba sa ba kanya;[7] [7] Napagtibay nga buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsimula sa sarili niya sa pagdalangin. Napagtibay rin na siya ay hindi nagsimula sa sarili niya gaya ng pagdalangin niya para kina Anas, Ibnu `Abbās, Ummu Ismā`īl, at iba pa sa kanila. Tingnan ang pagdedetalye sa usaping ito sa Sharḥ An-Nawawīy Li-Ṣaḥīḥ Muslim 15/144, Tuḥfah Al-Aḥwādīy Sharḥ Sunan At-Tirmidhīy 9/328, at Fatḥ Al-Bārī Sharḥ Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy 1/281.
20. Na magpamagitan kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas o sa pamamagitan ng isang maayos na gawa na isinagawa ng tagapanalangin mismo o sa pamamagitan ng panalangin ng isang taong buhay na nakadalo sa kanya;
21. Na ang kinakain, ang iniinom, at ang isinusuot ay mula sa pinahihintulutan;
22. Na hindi manalangin ng isang kasalanan o isang pagputol ng ugnayan sa kaanak;
23. Na mag-utos ng nakabubuti at sumaway sa nakasasama;
24. Ang paglayo sa lahat ng mga pagsuway.
Ang mga Oras, mga Kalagayan, at mga Lugar na Tinutugon ang Panalangin:[8] [8] Tingnan ang mga oras, mga kalagayan, at mga lugar kasama ng mga patunay sa mga ito sa orihinal na aklat, 3/975-1117.
1. Ang Gabi ng Pagtatakda;
2. Ang kalaliman ng katapusan ng gabi;
3. Ang mga katapusan ng mga ṣalāh na isinatungkulin;
4. Sa pagitan ng adhān at iqāmah;
5. Isang yugto sa bawat gabi;
6. Sa sandali ng panawagan para sa mga ṣalāh na isinatungkulin;
7. Ang sandali ng pagbaba ng ulan;
8. Sa sandali ng pagmartsa ng mga hukbo sa landas ni Allāh;
9. Isang oras sa araw ng Biyernes,
na ang pinakamatimbang sa mga pahayag hinggil dito ay na ito ay huling sandali ng mga sandali ng hapon ng araw ng Biyernes at maaaring oras ng khuṭbah at ṣalāh;
10. Sa sandali ng pag-inom ng tubig ng Zamzam kasama ng tapat na layunin;
11. Sa pagkapatirapa;
12. Sa sandali ng pagkagising mula sa tulog sa gabi at ang pagdalangin sa pamamagitan ng naipaabot hinggil doon;
13. Kapag natulog habang nasa kadalisayan pagkatapos nagising sa gabi at nanalangin;
14. Sa sandali ng pagdalangin ng: "Lā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu mina -đđālimīn. (Walang Diyos kundi Ikaw, kaluwalhatian sa Iyo; tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.);"
15. Ang panalangin ng mga tao matapos kaagad ng pagpanaw ng patay;
16. Ang panalangin matapos ng pagbunyi kay Allāh at ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Huling Tashahhud;
17. Sa sandali ng pagdalangin kay Allāh sa pamamagitan ng dakilang pangalan Niya, na kapag dinalanginan Siya sa pamamagitan nito ay tumutugon Siya at kapag hinilingan Siya sa pamamagitan nito ay nagbibigay Siya;[9] [9] Tingnan ang pinakadakilang pangalan ni Allāh sa ḥadīth numero 203, numero 104, at numero 105 ng aklat na ito.
18. Ang panalangin ng Muslim sa kapwa niyang Muslim sa kaibuturan ng puso;
19. Ang panalangin sa Araw ng `Arafah sa `Arafah;
20. Ang panalangin sa buwan ng Ramaḍān;
21. Sa sandali ng pagtitipon ng mga Muslim sa mga umpukan ng pagsambit ng dhikr;
22. Sa sandali ng pagdalangin, kaugnay sa kasawian, ng: "Inna lillāhi wa-innā ilayhi rāji`ūn. Allāhumma -'jurnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya magbabalik. O Allāh, gantimpalaan Mo ako dahil sa kasawian ko at palitan Mo ako ng mainam kaysa rito.);"
23. Ang panalangin sa kalagayan ng pagkatuon ng puso kay Allāh at pagkatindi ng pagpapakawagas;
24. Ang panalangin ng nilabag sa katarungan laban sa lumabag sa katarungan sa kanya;
25. Ang panalangin ng magulang para sa anak niya o laban sa anak niya;
26. Ang panalangin ng manlalakbay;
27. Ang panalangin ng tagapag-ayuno hanggang sa makatigil-ayuno;
28. Ang panalangin ng tagapag-ayuno sa sandali ng pagtigil-ayuno niya;
29. Ang panalangin ng nagigipit;
30. Ang panalangin ng makatarungang pinuno;
31. Ang panalangin ng mabuting-loob na anak sa mga magulang niya;
32. Ang panalangin matapos kaagad ng pagkasagawa ng wuḍū' kapag dumalangin siya sa pamamagitan ng naipaabot hinggil doon;
33. Ang panalangin matapos ng pagbato sa Maliit na Jamrah;
34. Ang panalangin matapos ng pagbato sa Kalagitnaang Jamrah;
35. Ang panalangin sa loob ng Ka`bah at ang sinumang nagdasal sa loob ng Ḥijr sapagkat ito ay bahagi ng Ka`bah;
36. Ang panalangin sa Ṣafā;
37. Ang panalangin sa Marwah;
38. Ang panalangin sa tabi ng Mash`ar Ḥarām;
Ang mananampalataya ay nananalangin sa Panginoon niya palagi saan pa man siya. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan.} (Qur'ān 2:186) Subalit itong mga oras, mga kalagayan, at mga lugar ay itinatangi sa pamamagitan ng dagdag na malasakit.
Ang Panalangin Mula sa Qur'ān at Sunnah
Ang papuri ay ukol kay Allāh: tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya na wala nang propeta matapos niya.
1. {1. Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 2. Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,) 3. Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain). 4. Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.) 5. Iyyāka na`budu wa iyyāka nasta`īn (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.) 6. Ihdina -ṣṣirāta -lmustaqīm, (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) 7. Ṣirāṭa -lladhīna an`amta `alayhim ghayri -lmaghḍūbi `alayhim wa la -ḍḍāllīn (ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.)} (Qur'ān 1:1-7)
2. Rabbanā taqabbal minnā innaka anta -ssamī`u -l`alīm (Panginoon Namin, tanggapin Mo mula sa amin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam) (Qur'ān 2:127)
3. Wa-tub `alaynā innaka anta -ttawābu -rraḥīm. (at tanggapin Mo ang pagbabalik-loob namin; tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.) (Qur'ān 2:128)
4. Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fī -l'ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, bigyan Mo kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy.) (Qur'ān 2:201)
5. Sami`nā wa-aṭa`nā: ghufrānaka rabbanā wa-ilayka -lmaṣīr. (Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.) (Qur'ān 2:285)
6. Rabbanā lā tu'ākhidhnā in nasīnā aw akhṭa'nā, rabbanā wa lā taḥmil `alaynā iṣran kamā ḥamaltahū `ala -lladhīna min qablinā, rabbanā wa lā tuḥammilnā mā lā ṭāqata lanā bihī: wa-`fu `annā wa-ghfir lanā wa-rḥamnā, anta mawlānā fa-nṣurnā `ala -lqawmi -lkāfirīn. (Panginoon namin, huwag Kang *magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami. Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga *bago pa namin.* Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon. Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay *Mapagtangkilik sa amin,* kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.) (Qur'ān 2:286)
8. Rabbanā innanā amannā fa-ghfir lanā dhunubanā wa-qinā `adhābana -nnār. (Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.) (Qur'ān 3:16)
9. Rabbi hab lī mil ladunka dhurrīyatan ṭayyibatan; innaka samī`u -ddu`ā' (Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang supling na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin.) (Qur'ān 3:38)
10. Rabbanā amannā bimā anzalta wa-ttaba`nā -rrasūla fa-ktubnā ma`a -shshāhidīn. (Panginoon namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo at sumunod kami sa sugo kaya isulat Mo kami kasama sa mga tagasaksi.) (Qur'ān 3:53)
11. Rabbana -ghfir lanā dhunūbanā wa-isrāfanā fī amrinā wa-thabbit aqdāmanā wa-nṣurnā `ala -lqawmi -lkāfirīn. (Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at pagpapakalabis namin sa pumapatungkol sa amin, magpatatag Ka sa mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.) (Qur'ān 3:147)
12. Rabbanā mā khalaqta hādhā bāṭilan subḥānaka fa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, hindi Ka lumikha nito nang walang-saysay. Kaluwalhatian sa Iyo, kaya magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.) Rabbanā innaka man tudkhili -nnāra fa-qad akhzaytah, wa mā liđđālimīna min anṣār, (Panginoon namin, tunay na Ikaw, sa sinumang ipapasok Mo sa Apoy, ay nagpahiya nga sa kanya. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.) Rabbanā innanā sami`nā munādiyan yunādī lil'īmāni an āminū bi-rabbikum fa'āmannā, rabbanā fa-ghfir lanā dhunūbanā wa kaffir `annā sayyi'ātinā wa tawaffanā ma`a -l'abrār, (Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagapanawagang nananawagan para sa pananampalataya, na [nagsasabi]: “Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo,” kaya sumampalataya kami. Panginoon namin, kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin, magtakip-sala Ka sa amin sa mga masagwang gawa namin, at magpapanaw Ka sa amin kasama ng mga mabubuting-loob.) Rabbanā wa ātinā mā wa`attanā `alā rusulika wa lā tukhzinā yawma -lqiyāmah; innaka lā tukhlifu -lmī`ād, (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng ipinangako Mo sa mga sugo Mo, at huwag Kang magpahiya sa amin sa Araw ng Pagbangon; tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa ipinangako.) (Qur'ān 3:191-194)
13. Rabbanā amannā fa-ktubnā ma`a -shshāhidīn. (Panginoon namin, sumampalataya kami kaya isulat Mo kami kasama ng mga tagasaksi.) (Qur'ān 5:83)
14. Rabbanā ḍ̆alamnā anfusanā wa-il lam taghfir lanā wa-tarḥamnā la-nakūnanna mina -lkhāsirīn. (Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi.) (Qur'ān 7:23)
15. Rabbanā lā taj`alnā ma`a -lqawmi -ḍ̆ḍ̆ālimīn. (Panginoon Namin, huwag Kang maglagay sa amin kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.) (Qur'ān 7:47)
16. Allāhumma, (O Allāh,) Anta walīyunā fa-ghfir lanā wa-rḥamnā wa-anta khayru -lghāfirīn. (Ikaw ay ang Katangkilik namin kaya magpatawad Ka sa Amin at maawa Ka sa amin. Ikaw ay ang pinakambuti sa mga tagapagpatawad.) Wa-ktub lanā fī hādhihi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirah; (Magtakda Ka para sa amin sa Mundong ito ng isang maganda at sa Kabilang-buhay;) (Qur'ān 7:155-156)
17. Ḥasbiya -llāhu lā ilāha illā huwa `alayhi tawakkaltu wa-huwa rabbu -l`arshi -l`aḍ̆im. (Kasapatan sa akin si Allāh. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ako nanalig. Siya ay ang Panginoon ng tronong dakila.) (Qur'ān 9:129)
18. Rabbanā lā taj`alnā fitnatal li-lqawmi -ḍ̆ḍ̆ālimīn(Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag sa katarungan,) Wa-najjinā bi-raḥmatika mina -lqawmi -lkāfirīn. (at iligtas Mo kami sa pamamagitan ng awa Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.) (Qur'ān 10:85-86)
19. Rabbi innī a`ūdhu bika an as'alaka mā laysa lī bihi `ilmun wa-illā taghfir lī wa-tarḥamnī akum mina -lkhāsirīn. (O Panginoon ko, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi.) (Qur'ān 11:47)
20. Allāhumma yā (O Allāh, O) Fāṭira -ssamāwāti wa-l'arḍi, anta walīyī fi -ddunyā wa-l'ākhirati tawaffanī musliman wa-alḥiqnī bi-ṣṣāliḥīn. (Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Ikaw ay Katangkilik ko sa Mundo at Kabilang-buhay. Magpapanaw Ka sa akin bilang Muslim at magpasama Ka sa akin sa mga maayos.) (Qur'ān 12:101)[10] [10] Tingnan para sa benepisyo: Kitāb Al-Fawā'd ni Ibnu Al-Qayyim, p. 436 at 437.
21. Rabbi -j`al hādha -lbalada āminan wa-jnubnī wa-banīya an na`buda -l'aṣnām. (Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito.) (Qur'ān 14:35)
22. Rabbi -j`alnī muqīma -ṣṣalāti wa-min dhurrīyati, Rabbanā wa-taqabbal du`ā'. (Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang [marami] kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko.) (Qur'ān 14:40)
23. Rabbana -ghfir lī wa-li-wālidayya wa-li-lmu'minīna yawma yaqumu lḥisāb. (Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na magaganap ang pagtutuos.) (Qur'ān 14:41)
24. Rabbanā ātinā mil ladunka raḥmatan wa-hayyi' lanā min amrinā rashadā. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan.) (Qur'ān 18:10)
25. Rabbi -shraḥ lī ṣdrī, (Nagsabi ito: "Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko;) Wa-yassir lī amrī (magpadali Ka para sa akin ng nauukol sa akin;) Wa-ḥlul `uqdatam mil lisānī yafaqahū qawlī;(magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko, makauunawa sila sa sasabihin ko;) (Qur'ān 20:25-28)
26. Rabbi zidnī `ilmā. (Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman.) (Qur'ān 20:114)
27. Lā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu mina -đđālimīn. (Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.) (Qur'ān 21:87)
28. Rabbi lā tadharnī fardan wa-anta khayru -lwārithin. (Panginoon ko, huwag Mo akong hayaang mag-isa. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagmana.) (Qur'ān 21:89)
29. Rabbi a`ūdhu bika min hamazāti -shshayāṭīn; (Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo;) wa-a`ūdhu bika an yaḥḍurūn. (at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin.) (Qur'ān 23:97-98)
30. Rabbanā āmannā fa-ghfir lanā wa-rḥamnā wa-anta khayru -rrāḥimīn. (Panginoon namin, sumampalataya kami kaya magpatawad Ka sa amin at maawa Ka sa amin; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa.) (Qur'ān 23:109)
31. Rabbi- ghfir wa-anta khayru -rrāḥimīn. (Panginoon ko, magpatawad Ka at maawa Ka yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa.) (Qur'ān 23:118)
32. Rabbana -ṣrif `annā `adhāba jahannama; inna `adhābahā kāna gharāmā. (Panginoon namin, maglihis Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit.) Innahā sā'at mustaqarran wa-maqāmā. (Tunay na iyon ay kay sagwa bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan!) (Qur'ān 25:65-66)
33. Rabbanā hab lanā min azwājinā wa-dhurrīyātinā qurrata a`yunin wa-j`alnā li-lmuttaqīna imāmā. (Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng ginhawa ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang tagapanguna.) (Qur'ān 25:74)
Rabbi -hab lī ḥukman wa-alḥiqnī bi-ṣṣāliḥīn. (Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.) Wa-j`al lī lisāna ṣidqin fi -l'ākhirīn. (Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].) Wa-j`alnī min warathati jannati -nna`īm. (Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.) (Qur'ān 26:83-85)
35. Wa-lā tukhzinī yamwa yub`athūn: (Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:) yawma lā yanfa`u mālun wa-lā banūn, (sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,) illā man atā -llāha bi-qalbin salīm. (maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.) (Qur'ān 26:87-89)
36. Rabbi awzi`nī an ashkura ni`mataka -llatī an`amta `alayya wa-`alā wālidayya wa-an a`mala ṣāliḥan tarḍāhu wa-adkhilnī bi-raḥmatika fī `ibādika -ṣṣāliḥīn. (Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa mga lingkod Mong mga maayos.) (Qur'ān 27:19)
37. Rabbi innī ḍ̆alamtu nafsī fa-ghfir lī. (Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin.) (Qur'ān 28:16)
38. Rabbi najjinī mina -lqawmi -ḍ̆ḍ̆ālimīn. (Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.) (Qur'ān 28:21)
39. `Asā rabbī an yahdiyanī sawā'a -ssabīl. (Marahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas.) (Qur'ān 28:22)
40. Rabbi innī limā anzalta ilayya min khayrin faqīr (Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang kabutihan, ay nangangailangan.) (Qur'ān 28:24)
41. Rabbi -nṣurnī `ala -lqawmi -mufsidīn. (Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo.) (Qur'ān 29:30)
42. Rabbi hab lī mina -ṣṣaliḥīn. (Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin [ng anak] kabilang sa mga maayos.) (Qur'ān 37:100)
43. Rabbi awzi`nī an ashkura ni`mataka -llatī an`amta `alayya wa-`alā wālidayya wa-an a`mala ṣāliḥan tarḍāhu wa-aṣliḥ lī fī dhurrīyātī; innī tubtu ilayka wa-innī mina -lmuslimīn. (Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko; tunay na ako ay nagbalik-loob sa Iyo at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.) (Qur'ān 46:15)
10. Rabbana -ghfir lanā wa-li-ikhwānina -lladhīna sabaqūnā bi-l'imāni wa-lā taj`al fī qulūbinā ghillal li-lladhīna āmanū. rabbanā innaka ra'ūfur rāḥīm. (Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain.) (Qur'ān 59:10)
45. Rabbanā `alayka tawakkalnā wa-ilayka anabnā wa-ilayka -lmaṣīr.(Panginoon namin, sa Iyo kami nanalig, tungo sa Iyo kami nagsisising bumalik, at tungo sa Iyo ang kahahantungan.) (Qur'ān 60:4)
47. Rabbi -ghfir lī wa-liwālidayya wa-liman dakhala baytī mu'minan wa-lilmu'minīna wa-lmu'mināt. (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya.) (Qur'ān 71:28)
49. Rabbanā atmim lanā nūranā wa-ghfir lanā; innaka `alā kulli shay'in qadīr. (Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.) (Qur'ān 66:8) (Qur'ān 66:8)
49. Allāhumma -hdinī lima -k̆tulifa fīhi mina -lḥaqqi bi-'id̆nika; 'innaka tahdī man tas̆ā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm. (O Allāh, magpatnubay Ka sa akin para sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon na katotohanan ayon sa pahintulot Niya. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid.)"[11] [11] Ibinatay mula sa Qur'ān 2:213.
50. Allāhumma -'tini -lḥikmata -llatī man ūtiyahā fa-qad ūtiya khayran kathīrā. (O Allāh, magbigay Ka sa akin ng karunungan na ang sinumang binigyan ng karunungan ay nabigyan nga ng kabutihang marami.)[12] [12] Ibinatay mula sa Qur'ān 2:269.
51. Allāhumma thabbitnī bi-lqawli -ththābiti fi -lḥāyati -ddunyā wa-fi -l'ākhirah. (O Allāh, magpatatag Ka sa akin sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay.)[13] [13] Ibinatay mula sa Qur'ān 14:27.
52. Allāhumma ḥabbib ilaynā -l'īmāna wa-zayyinhu fī qulūbinā wa-karrih ilaynā -lkufra wa-lfusūqa wa-l`iṣyāna wa-j`alnā mina -rrāshidīn. (O Allāh, magpaibig Ka sa amin sa pananampalataya; magpaakit Ka nito sa mga puso namin; magpasuklam Ka sa amin ng kawalang-pananampalataya, kasuwailan, at pagsuway; at gumawa Ka sa amin kabilang sa mga nagagabayan.)[14] [14] Ibinatay mula sa Qur'ān 49:7.
53. Allāhumma qinī shuḥḥa nafsī, wa-j`alnī mina -lmufliḥīn. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin sa kasakiman ng sarili ko at gumawa Ka sa akin kabilang sa mga magtatagumpay.)[15] [15] Ibinatay mula sa Qur'ān 64:16.
54. Allāhumma ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)[16] [16] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 4522 at numero 6389, at Imām Muslim sa numero 2690.
Allāhumma innī a`ūdhu bika min fitnati -nnāri wa-`adhābi -nnār, wa-fitnati -lqabri wa-`adhābi -lqabr, wa-sharri fitnati -lghinā wa-sharri fitnati -lfaqr. Allāhumma innī a`ūdhu bika min sharri fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. Allāhumma -ghsil qalbī bi-mā'i -ththalji wa-lbarad, wa-naqqi qalbī mina -lkhaṭāyā, kamā naqqayta -ththawba -l'abyaḍa mina -ddanas, wa-bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghrib. Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lkasali wa-lharami wa-lma'thami wa-lmaghram. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa sigalot ng Impiyerno at pagdurusa sa Impiyerno, sa sigalot sa libingan at pagdurusa sa libingan, at kasamaan ng sigalot ng pagkamayaman at kasamaan ng sigalot ng pagkamaralita. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng sigalot ng Bulaang Kristo. O Allāh, hugasan Mo ang puso ko sa pamamagitan ng tubig ng yelo at niyebe, linisin Mo ang puso ko mula sa mga kamalian kung paanong naglinis Ka sa puting damit mula sa karumihan, at paglayuin Mo ako at ang mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa katamaran, pagkaulyanin, kasalanan, at pagkakautang.)[17] [17] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 832 at Imām Muslim sa numero 589.
56. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lharami, wa-lbukhli; wa-a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri, wa-min sharri fitnati -lmaḥyā wa-lmamāt. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, pagkaulyanin, at karamutan; at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa kasamaan ng sigalot ng buhay at pagkamatay.)[18] [18] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2823 at Imām Muslim sa numero 2706.
57. Allāhumma innī a`ūdhu bika min jahdi -lbalā' wa-daraki -shshaqā'i wa-su'i -lqaḍā' wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pahirap ng kasawiang-palad, kalaliman ng kamiserablehan, kasagwaan ng pagkatadhana, at pagkagalak ng mga kaaway.)[19] [19] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6347 at Imām Muslim sa numero 2707. Ang pagkakasambit nito: "Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin ng pagpapakupkop laban sa pahirap ng kasawiang-palad, kalaliman ng kamiserablehan, kasagwaan ng pagkatadhana, at pagkagalak ng mga kaaway."
59. Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wa-ttuqā wa-l`afāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)[21] [21] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2721.
61. Allāhumma -hdinī wa-saddidnī. Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wa-ssadād. (O Allāh, magpatnubay Ka sa akin at magtama Ka sa akin. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay at pagkatama.)]23] [23] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2725.
62. Allāhumma innī a`ūdhu bika min zawāli ni`matika, wa-taḥawwuli `āfiyatika, wa-fujā'ati niqmatika, wa-jamī`i sakhaṭik. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabagong-anyo ng kagalingang dulot Mo, at pambibigla ng higanti Mo at lahat ng inis Mo.)[24] [24] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2739.
63. Allāhumma innī a`ūdhu bika min sharri mā `amiltu wa-min sharri mā lam a`mal. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang ginawa ko at laban sa kasamaan ng anumang hindi ko ginawa.)[25] [25] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2716.
64. Allāhumma akthir mālī wa-waladī, wa-bārik lī fī-mā a`ṭaytanī,[26] [wa-aṭil ḥayātī `alā ṭa`ātika, wa-aḥsin `amalī,] wa-ghfir lī.[27] (O Allāh, magparami Ka ng yaman ko at anak ko, magpala Ka sa akin sa ibinigay Mo sa akin, magpahaba Ka ng buhay ko sa pagtalima sa Iyo, magpaganda Ka ng gawain ko, at magpatawad Ka sa akin.) [26] Nagpapatunay rito ang panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para kay Anas: "O Allāh, magparami Ka ng yaman niya at anak niya at magpala Ka sa kanya sa ibinigay Mo sa kanya." Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1982 at Imām Muslim sa numero 660. [27] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 653. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah sa numero 2241 at sa Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad, p. 244. Ang nasa pagitan ng mga panalikop ay ipinahihiwatig ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tinanong siya kung sino ang pinakamabuti sa mga tao. Nagsabi naman siya na ang sinumang humaba ang edad niya at gumanda ang gawain niya. Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 2329. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/271. Nagtanong nga ako sa Kanyang Kabunyian, ang Shaykh nating si Ibnu Bāz (kaawaan siya ni Allāh), tungkol sa pagdalangin sa pamamagitan nito at kung ito ba ay sunnah. Nagsabi naman siya na oo.
65. Lā ilāha illā -llāhu -l`ađīmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`ađīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamāwāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)[28] [28] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6345 at Imām Muslim sa numero 2730.
66. Allāhumma raḥmataka arjū fa-lā takilnī ilā nafsī ṭarfata `ayn, wa-aṣliḥ lī sha'nī kullah. Lā ilāha illā ant. (O Allāh, ang awa Mo ay inaasahan ko kaya huwag Mo akong ipagkatiwala sa sarili ko sa isang kisap-mata, at pabutihin Mo ang buong kalagayan ko. Walang Diyos kundi Ikaw.)[29] [29] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 5090 at Imām Aḥmad, 5/42. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Abī Dāwud, 3/250; at sa Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad, 260. Sumang-ayon nga sa kagandahan ng isnād nito rin ang Pantas na si Ibnu Bāz sa Tuḥfah Al-Akhyār, p. 24.
67. Lā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu mina -đđālimīn. (Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.)[30] [30] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3505 at Imām Al-Ḥākim, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/505. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/168. Ang pagkakasambit nito: Ang panalangin ni Jonas noon dumalangin siya habang siya ay nasa tiyan ng balyena: "Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." (Qur'ān 21:87) Tunay na walang nanalangin nito na isang taong Muslim kaugnay sa anuman kailanman malibang tumugon si Allāh sa kanya.
68. Allāhumma innī `abduk, ibnu `abdik, ibnu amatik, nāṣīyatī bi-yadik, māḍin fīya ḥukmuk, `adlun fīya qaḍā'uk, as'aluka bi-kulli -smin huwa lak, sammayta bihi nafsak, aw anzaltahu fī kitābik, aw `allamtahu aḥadam min khalqik, awi -sta'tharta bihi fī `ilmi -lghaybi `indak, an taj`ala -lqur'āna rabī`a qalbī, wa nūra ṣadrī, wa jalā'a ḥuznī, wa dhahāba hammī. (O Allāh, tunay na ako ay alipin Mo, anak ng lalaking alipin Mo, at anak ng babaing alipin Mo. Ang bumbunan ko ay nasa kamay Mo, matutupad sa akin ang hatol Mo, at makatarungan sa akin ang paghuhukom Mo. Hinihiling ko sa Iyo sa pamamagitan ng bawat pangalan na taglay Mo na ipinangalan Mo sa sarili Mo, o ibinaba Mo sa Aklat Mo, o itinuro mo sa isa sa mga nilikha Mo, o sinarili Mo sa kaalaman sa nakalingid na nasa Iyo, na gawin Mo ang Qur'ān bilang bukal ng puso ko, liwanag ng dibdib ko, tagapagpalisan ng kalungkutan ko, at tagapag-alis ng pag-aalala ko.)[31] [31] Nagtala nito si Imām Aḥmad, 1/391, 452; at Imām Al-Ḥākim 1/509. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Ḥāfiḍ̆ sa pagsasadokumento ng Al-Adhkār. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa pagsasadokumento ng Al-Kalim aṭ-Ṭayyib, p. 73.
69. Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbana `alā ṭa`ātik. (O Allāh, Tagapagpabaling ng mga puso, magpabaling Ka ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo.)[32] [32] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2654.
70. Yā muqalliba -lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagpabagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)[33] [33] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3522; Imām Aḥmad, 4/182; at Imām Al-Ḥākim, 1/525, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 6/309; at Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/171. Nagsabi nga si Ummu Salamah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito noon ay ang pinakamadalas na panalangin niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
71. Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l'ākhirah. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay.)[34] [34] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3514 at Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 726. Ang pagkakasambit nito sa ganang kay Imām At-Tirmidhīy: "Hilingin ninyo kay Allāh ang kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay." Sa isa namang pagkakasambit: "Hilingin ninyo kay Allāh ang paumanhin at ang kagalingan sapagkat tunay na ang isa ay hindi nabigyan, matapos ng katiyakan, ng higit na mabuti kaysa sa kagalingan." Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 3/180, 3/185, at 3/170. Mayroon itong mga tagasaksi; tingnan ang mga ito sa Musnad Al-Imām Aḥmad ayon sa pagsusunud-sunod ni Aḥmad Shākir, 1/156-157.
72. Allāhummā aḥsin `āqibatanā fi -l'umūri kullihā wa-ajirnā min khizyi -ddunyā wa-`adhābi -l'ākhirah. (O Allāh, pagandahin Mo ang kahihinatnan namin sa mga bagay-bagay sa kabuuan ng mga ito at kalingain Mo kami laban sa kahihiyan sa Mundo at pagdurusa sa Kabilang-buhay.)[35] [35] Nagtala nito sina Imām Aḥmad, 4/181; Imām At-Ṭabarānīy sa Al-Kabīr, 2/33/1169, at sa Ad-Du`ā' sa numero 1436; at Ibnu Ḥibbān sa numero 2424 at 2425 (Mawārid). Nagsabi si Al-Ḥāfiḍ̆ Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 10/178: "Ang mga tagasalaysay ni Imām Aḥmad at ang isa sa mga isnād ni Imām At-Ṭabarānīy ay mga mapagkakatiwalaan."
73. Rabbi a`innī wa-lā tu`in `alayya, wa-nṣurnī wa-lā tanṣur `alayya, wa-mkur lī wa-lā tamkur `alayya, wa-hdinī wa-yassiri -lhudā ilayya, wa-nṣurnī `alā man baghā `alayya. Rabbi -j`alnī laka shakkāran, laka dhakkāran, laka rahhāban, laka miṭwā`an, ilayka mukhbitan awwāhan munībā. Rabbi taqabbal tawbatī, wa-ghsil ḥawbatī, wa-ajib da`watī, wa-thabbit ḥujjatī, wa-hdi qalbī, wa-saddid lisānī, wa-slul sakhīmata qalbī. (Panginoon ko, tumulong Ka sa akin at huwag Kang tumulong laban sa akin, mag-adya Ka sa akin at huwag Kang mag-adya laban sa akin, magpakana Ka para sa akin at huwag kang magpakana laban sa akin, magpatnubay Ka sa akin at magpadali Ka ng patnubay sa akin, mag-adya Ka laban sa sinumang maglapastangan sa akin. Panginoon ko, gumawa Ka sa akin bilang isang palasalamat sa Iyo, bilang isang palaalaala sa Iyo, bilang isang palasindak sa iyo, bilang isang mapagtalima sa Iyo, bilang isang nagmamababang-loob na palataghoy na nagsisising tagapanumbalik sa Iyo. Panginoon ko, tanggapin Mo ang pagbabalik-loob ko, hugasan Mo ang kasalanan ko, sagutin Mo ang dalangin ko, patatagin Mo ang katwiran ko, patnubayan Mo ang puso ko, itama Mo ang dila ko, at hugutin Mo ang hinanakit ng puso ko.)[36] [36] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 664 at 665; Imām Abū Dāwud sa numero 1510 at 1511; Imām At-Tirmidhīy sa numero 3551; Imām Ibnu Mājah sa numero 3830; Imām Aḥmad sa numero 1/127; at Imām Al-Ḥākim, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/519. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Abī Dāwud, 1/414, at sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/178.
74. Allāhumma innā nas'aluka min khayri mā sa'alaka minhu nabīyuka muḥammadun – ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam – wa-na`ūdhu bika min sharri ma -isti`ādha minhu nabīyuka muḥammadun – ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam – wa-anta -lmusta`ānu wa-`alayka -lbalāgh; wa-lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh. (O Allāh, tunay na kami ay humihiling mula sa kabutihan ng hiniling sa Iyo mula rito ng Propeta Mong si Muḥammad – basbasan siya, Allāh, at pangalagaan – at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang [humiling sa Iyo ng pagkupkop][laban dito] ang Propeta Mong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh, at pangalagaan. Walang kapangyarihan ni lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.)[37] [37] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3521 at Imām Ibnu Mājah sa numero 3846 ayon sa kahulugan nito. Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy na ito ay isang bihirang ḥadīth. Sumang-ayon si Al-Albānīy sa Ḍa`īf At-Tirmidhīy, p. 387.
75. Allāhumma innī a`ūdhu bika min sharri sam`ī, wa-min sharri baṣarī, wa-min sharri lisānī, wa-min sharri qalbī, wa-min sharri manīyi. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko, laban sa kasamaan ng paningin ko, laban sa kasamaan ng dila ko, laban sa kasamaan ng puso ko, at laban sa kasamaan ng punlay ko.)[38] [38] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1551; Imām At-Tirmidhīy sa numero 3492; Imām An-Nasā'īy sa numero 5470; at iba pa sa kanila. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/166, at Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1108.
76. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lbaraṣi wa-ljunūn, wa-ljudhām, wa-min sayy'i -l'asqām. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa ketong, kabaliwan, at filariasis, at laban sa masagwa sa mga karamdaman.)[39] [39] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1554, Imām An-Nasā'īy sa numero 5493, at Imām Aḥmad 3/192. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1116, at Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/184.
77. Allāhumma innī a`ūdhu bika min munkarāti -l'akhlāqi wa-l'a`māli wa-l'ahwā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga gawain, at mga pithaya.)[40] [40] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3591; Ibnu Ḥibbān sa numero 2422 (Mawārid); Imām Al-Ḥākim, 1/532; at Imām At-Ṭabarānīy sa aklat na Al-Kabīr, 19/19/36. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/184.
78. Allāhumma, innaka `afūwun karīmun tuḥibbu -l`afwa fa-`fu `annī. (O Allāh, tunay na Ikaw ay Mapagpaumanhin na Mapagbigay, na umiibig sa pagpapaumanhin, kaya magpaumanhin Ka sa akin.)[41] [41] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3513 at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 7712. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/170.
79. Allāhumma innī as'aluka fi`la -lkhayrāt, wa-tarka -lmunkarāt, wa-ḥubba -lmasākin, wa-an taghfira lī, wa-tarḥamnī – wa-idhā aradta fitnata qawmin fa-tawaffanī ghayra maftūn – wa-as'aluka ḥubbaka, wa-ḥubba man yuḥibbuka, wa-ḥubba `amalin yuqarribunī ilā ḥubbik. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paggawa ng mga kabutihan, pag-iwan ng mga nakasasama, at pag-ibig sa mga dukha; at na magpatawad Ka sa akin at maawa Ka sa akin – at kapag nagnais Ka ng isang ligalig sa mga tao, magpapanaw Ka sa akin nang hindi niligalig; at humihiling sa Iyo ng pag-ibig Mo, pag-ibig ng sinumang umiibig sa Iyo, at pag-ibig sa isang gawaing nagpapalapit sa akin sa pag-ibig Mo.)[42] [42] Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad ayon sa pagkakasambit niya, 5/243; at Imām At-Tirmidhīy sa numero 3235 ayon sa tulad nito, na sumang-ayon sa kagandahan nito at nagsabi: "Tinanong ko si Muḥammad bin Ismā`īl," tinutukoy niya si Imām Al-Bukhārīy, "kaya naman nagsabi siya na ito ay isang magandang tumpak na ḥadīth." Sa hulihan ng ḥadīth ay nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ito ay totoo kaya mag-aral kayo nito at magpakatuto kayo nito." Nagsalaysay rin nito si Imām Al-Ḥākim, 1/521. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/318.
80. Allāhumma innī as'aluka mina -lkhayri kullih, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam; wa-a`ūdhu bika mina -shsharri kullihi, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam. Allāhumma innī as'aluka min khayri mā sa'alaka `abduka wa-nabīyuka; wa-a`ūdhu bika min sharri ma [-sta`ādha bika][minhu] `abduka wa-nabīyuka. Allāhumma innī as'aluka -ljannata wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amalin; wa-a`ūdhu bika mina -nnāri wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amal; wa-as'aluka an taj`ala kulla qaḍā'in qaḍaytahu lī khayrā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, ng nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, ng nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan ng anumang humiling nito sa Iyo ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang [humiling sa Iyo ng pagkupkop][laban dito] ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng Paraiso at anumang nagpapalapit doon na sabi o gawa; nagpapakupkop sa Iyo laban sa Impiyerno at anumang nagpapalapit doon na sabi o gawa; at humihiling sa Iyo na gumawa Ka sa bawat pagtatadhanang itinadhana bilang kabutihan para sa akin.)[43] [43] Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah sa numero 3846 ayon sa pagkakasambit niya; Imām Aḥmad, 6/134, na ang pagkakasambit ng ikalawang karagdagan ay sa kanya; at Imām Al-Ḥākim – na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy – na ang pagkakasambit ng unang karagdagan ay sa kanya. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/327.
81. Allāhumma -ḥfaḍ̆nī bi-l'slāmi qā'iman, wa-ḥfaḍ̆nī bi-l'slāmi qā`idan, wa-ḥfaḍ̆nī bi-l'slāmi rāqidan, wa-lā tushmitu bī `adūwan wa-lā ḥāsidā. Allāhumma innī as'aluka min kulli khayrin khazā'inuhu bi-yadika wa-a`ūdhu bika min kulli sharrin khazā'inuhu bi-yadik. (O Allāh, ingatan Mo ako sa pamamagitan ng Islām habang nakatayo, ingatan Mo ako sa pamamagitan ng Islām habang nakaupo, at ingatan Mo ako sa pamamagitan ng Islām habang nakahiga. Huwag kang magpatuwa sa kasawian ko ng isang kaaway ni ng isang naiinggit. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa bawat kabutihang ang mga imbakan nito ay nasa kamay Mo at nagpapakupkop sa Iyo mula sa bawat kasamaang ang mga imbakan nito ay nasa kamay Mo.)[44] [44] Nagtala nito si Imām Al-Ḥākim, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy 1/525. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 2/398, at sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 4/54, sa numero 1540.
82. Allāhumma -qsim lanā min khashyatika mā taḥūlu bihi baynanā wa-bayna ma`āṣīka, wa-min ṭa`ātika mā tuballighunā bihi jannataka, wa-min -lyaqīni mā tuhawwinu `alaynā maṣā'iba -ddunyā. Allāhumma matti`nā bi-asmā`inā, wa-abṣārinā, wa-qūwatinā mā aḥyaytanā, wa-j`alhu -lwāritha minnā, wa-j`al tha'ranā `alā man ḍ̆alamanā, wa-nṣurnā `alā man `ādānā, wa-lā taj`al muṣibatanā fī dīninā, wa-lā taj`ali -ddunyā akbara hamminā, wa-lā mablagha `ilminā, wa-lā tusalliṭ `alaynā man lā yarḥamunā. (O Allāh, magbahagi Ka para sa amin mula sa pagkatakot sa Iyo ng sasagabal sa pamamagitan nito sa pagitan namin at ng mga pagsuway sa Iyo, mula sa pagtalima sa Iyo ng magpapaabot sa amin sa pamamagitan nito sa Paraiso Mo, at mula sa pagkatiyak ng magpapagaan sa pamamagitan nito sa amin ng mga kasawiang-palad ng Mundo. O Allāh, magpatamasa Ka sa amin ng mga pandinig namin, mga paningin namin, at mga lakas namin hanggat nagbigay-buhay Ka sa amin; gumawa Ka ng tagapagmana mula sa amin; gumawa Ka ng paghihiganti namin sa sinumang lumabag sa katarungan sa amin; mag-adya Ka sa amin laban sa sinumang nakipag-away sa amin; huwag Kang gumawa ng kasawiang-palad namin sa pagrerelihiyon namin; huwag Kang gumawa sa Mundo bilang pinakamalaking alalahanin namin ni hangganan ng kaalaman namin; at huwag Kang magbigay-kapamahalaan sa amin ng sinumang hindi naaawa sa amin.)[45] [45] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 3502; at Imām Al-Ḥākim 1/528, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya sina Adh-Dhahabīy at Ibnu As-Sunnīy sa numero 446. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/168, at Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` 1/400.
83. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -ljubni, wa-a`ūdhu bika mina -lbukhli, wa-a`ūdhu bika min an urradda ilā ardhali -l`umuri, wa-a`ūdhu bika min fitnati -ddunyā, wa-`adhābi -lqabri. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa karuwagan, nagpapakupkop sa Iyo laban sa karamutan, nagpapakupkop sa Iyo na hindi ako paabutin sa pinakahamak na gulang, at nagpapakupkop sa Iyo laban sa sigalot ng Mundo at pagdurusa sa libingan.)[46] [46] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 2822.
84. Allāhumma -ghfir lī khaṭī'atī, wa-jahlī, wa-isrāfī fī amrī, wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī hazlī wa-jiddī, wa-khaṭa'ī wa-`amdī, wa-kullu dhālika `indī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng kamalian ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin, at anumang Ikaw ay higit na maalam doon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagbibiru-biro ko at pagseseryoso ko at pagkakamali ko at pananadya ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin.)[47] [47] Napagkasunduan sa katumpakan: sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6398 at Imām Muslim sa numero 2719.
85. Allāhumma innī ḍ̆alamtu nafsī ḍ̆ulman kathīrā, wa-lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, fa-ghfir lī maghfiratam min `indika wa-rḥamnī, innaka anta -lghafūru -rraḥīm.(O Allāh, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko nang maraming paglabag sa katarungan at walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw, kaya magpatawad Ka sa akin ng isang kapatawarang mula sa Iyo at maawa Ka sa akin; tunay na Ikaw ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.)[48] [48] Napagkasunduan sa katumpakan: sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 834 at Imām Muslim sa numero 2705.
86. Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ay ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)[49] [49] Napagkasunduan sa katumpakan: sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6398 at Imām Muslim sa numero 2719.
87. Allāhumma innī as'aluka mūjibāti raḥmatika, wa-`azā'ima maghfiratika, wa-ssalāmata min kulli ithmin, wa-lghanīmata min kulli birrin, wa-lfawza bi-ljannati, wa-nnajāta mina -nnār (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng mga tagapag-obliga ng awa Mo, mga pagtitika ng kapatawaran Mo, kalayaan mula sa bawat kasalanan, pakinabang mula sa bawat pagsasamabuting-loob, pagkatamo ng Paraiso, at kaligtasan mula sa Impiyerno.)[50] [50] Nagtala nito sina Imām Al-Ḥākim 1/525, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy; at Al-Bayhaqīy sa Ad-Da`awāt sa numero 206. Tingnan: Al-Adhkār ni An-Nawawīy, p. 340. Sumang-ayon sa kagandahan nito ang tagapagsiyasat na si `Abdulqādir Al-Arnā'ūṭ.
88. Allāhumma -ghfir li-lmu'minīna wa-lmu'mināt. (O Allāh, magpatawad Ka sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya.)[51] [51] Batay sa ḥadīth in `Ubādah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang humingi ng tawad para mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, magtatala si Allāh para sa kanya ng isang magandang gawa dahil sa bawat lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya."} Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Kabīr, 5/202, sa numero 5092, at 3/334 sa numero 2155. Sumang-ayon sa kahusayan ng isnād nito si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 10/210. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` sa numero 5902, 5/242.
89. Allāhumma -ghfir lī dhambī, wa-wassi` lī fī dārī, wa-bārik lī fī-mā razaqtanī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko, magpaluwag Ka para sa akin ng tahanan ko, magpala Ka sa akin sa anumang itinustos Mo sa akin.)[52] [52] Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa numero 16599, numero 23114, at numero 23188; at Imām At-Tirmidhīy sa numero 3500. Nagsabi ang mga tagapagsiyasat ng Al-Musnad, 27/144, sa 38/197, at sa 38/145, na maganda dahil sa iba pa.
90. Allāhumma innī as'aluka min faḍlika wa-raḥmatika fa-innahu lā yamlikuhā illā anta. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo at awa Mo sapagkat tunay na walang nagmamay-ari nito kundi Ikaw.)[53] [53] Nagtala nito si Aṭ-Ṭabarānīy at nagsabi naman si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 10/159: "Ang mga mananalaysay nito ay mga mananalaysay ng tumpak bukod kay Muḥammad bin Ziyād, na isang mapagkakatiwalaan." Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 1/404, sa numero 1278.
91. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lharami, wa-ttaraddī, wa-lhadmi, wa-lgharaqi, wa-lḥaraqi; wa-a`ūdhu bika an yatakhabbaṭani -shshayṭānu `inda -lmawti; wa-a`ūdhu bika an amūta fī sabilīka mudbiran; wa-a`ūdhu bika an amūta ladīghā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagkaulyanin, pagkalaglag, pagkawasak, pagkahapis at pagkasunog; nagpapakupkop ako sa Iyo na makapagtuliro sa akin ang demonyo sa sandali ng kamatayan; nagpapakupkop ako sa Iyo na mamatay ako sa landas Mo habang tumatalikod; at nagpapakupkop ako sa Iyo na mamatay ako habang natuklaw.)[54] [54] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1552 at Imām An-Nasā'īy sa numero 5531 at numero 5532. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1123, at Ṣaḥīḥ Sunan Abī Dāwud, 1/425.
92. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -ljū`i fa-innahu bi’sa -ḍḍajī`u, wa-a`ūdhu bika mina -lkhiyānati fa-innahā bi’sati -lbiṭānah. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa gutom sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kasiping at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kataksilan sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kapiling).[55] [55] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1547 at Imām An-Nasā'īy sa numero 5483. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1112.
93. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni. wa-lbukhli, wa-lharami, wa-qaswati, wa-lghaflati, wa-`aylati, wa-dhdhillati, wa-lmaskanati; wa-a`ūdhu bika mina -lfaqri, wa-lkufri, wa-lfusūqi, wa-shshiqāqi, wa-nnifāqi, wa-ssum`ati, wa-rriyā'i; wa-a`ūdhu bika mina -ṣṣamami, wa-lbakami, wa-ljunūn, wa-ljudhāmi, wa-lbaraṣi, wa-sayy'i -l'asqām. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pagkaulyanin, kabagsikan, pagkalingat, pagkadahop, kaabahan, at pagkadukha; nagpapakupkop sa Iyo laban sa karalitaan, kasuwailan, hidwaan, pagpapaimbabaw, pagpapasikat, at pagpapakitang-tao; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagkabingi, pagkapipi, pagkabaliw, filariasis, at masagwa sa mga karamdaman.)[56] [56] Nagtala nito sina Imām An-Nasā'iy sa numero 5493 at Imām Al-Ḥākim, 1/530. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 1/406, at Irwā' Al-Ghalīl sa numero 852.
94. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lfaqri wa-lqillati wa-dhdhillati wa-a`ūdhu bika min an aḍ̆lima aw uḍ̆lam. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa karalitaan, kasalatan, at kahamakan; at nagpapakupkop sa Iyo na makapang-api ako o maapi ako.)[57] [57] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1544 at Imām An-Nasā'īy sa numero 5475. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1111, at Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 1/407. Ang nasa pagitan ng mga panalikop ay sa ganang kay Ibnu Ḥibbān (Mawārid). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Mawārid Aḍ̆-Ḍ̆am'ān, 2/455.
95. Allāhumma innī a`ūdhu bika min jāri -ssū'i fī dāri -lmuqāmati fa-inna jāra -lbādiyati yataḥawwal. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kapitbahay ng kasagwaan sa tahanan ng panananatilihan sapagkat tunay ang kapitbahay sa ilan ay nagpapalit-anyo.)[58] [58] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 117 at Imām Al-Ḥākim, 1/532, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa numero 5517. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 1/408, at Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1118.
96. Allāhumma innī a`ūdhu bika min qalbil lā yakhsha`, wa-min du`ā'il lā yusma`, wa-min -nafsil lā tashba`, wa-min `ilmil lā yanfa`; wa-a`ūdhu bika min hā'ulā'i -l`arba`. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa isang pusong hindi nagtataimtim, laban sa isang panalanging hindi dinidinig, laban sa isang sariling hindi nabubusog, at laban sa isang kaalamang hindi nagpapakinabang; at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa apat na ito.)[59] [59] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3482 at Imām Abū Dāwud sa numero 1549. Sumang-ayon sa katumpakan nito ang pantas na si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` sa numero 1295 at Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1113.
97. Allāhumma innī a`ūdhu bika min yawmi -ssū'i, wa-min laylati -ssū'i, wa-min sā`ati -ssū'i, wa-min ṣāḥibi -ssū'i, wa-min jār -ssū'i fī dār -lmuqāmati. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa araw ng kasagwaan, laban sa gabi ng kasagwaan, laban sa oras ng kasagwaan, laban sa kasamahan ng kasagwaan, at laban sa kapit-bahay ng kasagwaan sa tahanan ng panananatilihan.)[60] [60] Nagtala nito si Aṭ-Ṭabarānīy at nagsabi naman si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 10/144: "Ang mga mananalaysay nito ay mga mananalaysay ng tumpak." Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 1/411, sa numero 1290.
98. Allāhumma innī as'aluka -ljannata wa-astajīru bika mina -nnār. (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa iyo ng Paraiso at nagpapakalinga sa iyo laban sa Impiyerno.)[61] [61] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 2572, Imām Ibnu Mājah sa numero 3340, at Imām An-Nasā'īy sa numero 5536. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/319, at Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy 3/1121. Ang pagkakasambit nito: "Ang sinumang humiling kay Allāh ng Paraiso nang tatlong ulit, magsasabi ang Paraiso: O Allāh, magpapasok Ka sa kanya sa Paraiso. Ang sinumang nagpakalinga laban sa Impiyerno nang tatlong ulit, magsasabi ang Impiyerno: O Allāh, magpalabas Ka sa kanya mula sa Impiyerno."
99. Allāhumma faqqihnī fi -ddīn. (O Allāh, magpaunawa Ka sa akin sa Relihiyon.)[62] [62] Nagpapahiwatig nito ang salaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 143 at Imām Muslim sa numero 2477.
100. Allāhumma innī a`ūdhu bika an ushrika bika wa-anā a`lamu, wa-astaghfiruka limā lā a`lam. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo na magtambal ako sa Iyo samantalang ako ay nakaaalam at humihingi sa Iyo ng tawad sa anumang hindi ko nalalaman.)[63] [63] Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, 4/403; Ibnu Abī Shaybah, 10/337; at Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Mu`jam Al-Awsaṭ, 4/284. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Targhīb Wa At-Tarhīb, 1/19.
101. Allāhumma -nfa`nī bimā `allamtanī wa-`allimnī mā yanfa`unī, wa-zidnī `ilmā. (O Allāh, magpakinabang Ka sa akin ng itinuro Mo sa akin, magturo Ka sa akin ng magpapakinabang sa akin, at magdagdag Ka sa akin ng kaalaman.)[64] [64] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3599 at Imām Ibnu Mājah sa numero 259. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 1/47.
102. Allāhumma innī as'aluka `ilman nāfi`an wa-rizqan ṭayyiban wa-`amalan mutaqabbalā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kaalamang nagpapakinabang, panustos na kaaya-aya, at gawang tinatanggap.)[65] [65] Nagtala nito sina Imām Ibnu Mājah sa numero 925; Imām An-Nasā'īy sa `Amal Al-Yawm Wa Al-Laylah sa numero 102; at Imām Aḥmad, 6/294 at 305. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 1/152.
103. Allāhumma innī as'aluka yā allāh bi-annaka -lwāhidu -l'ahadu -ṣṣamadu -lladhī lam yalid wa-lam yūlad wa-lam yakul lahu kufuwan aḥad, an taghfira lī dhunūbī; innaka anta -lghafūru -rraḥīm. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo, O Allāh, dahil Ikaw ay ang Nag-iisa, ang Kaisa-isa, ang Dulugan, na hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man, na magpatawad Ka sa akin ng mga pagkakasala ko. Tunay na Ikaw ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.)[66] [66] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa numero 1300 at ang pagkakasambit ay sa kanya, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 7665, at Abū Dāwud sa numero 985. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Sunan An-Nasā'īy, 1/147.
104. Allāhumma innī as'aluka bi-anna laka -lḥamdu lā ilāha illā anta [waḥdaka lā sharīka lak]. almannānu, [yā] badī`a -ssamāwāti wa -l'ard, yā dha -ljalāli wa -l'ikrām, yā ḥayyu, yā qayyūmu, innī as'aluka -ljannata wa-a`ūdhu bika mina -nnār. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo dahil ukol sa Iyo ang papuri; walang Diyos kundi Ikaw [ – tanging Ikaw: walang katambal sa Iyo]. Ang Mapagbiyaya, O Tagapagpasimula ng mga langit at lupa, O pinag-uukulan ng kapitaganan at pagpaparangal, O Buháy, O Mapagpanatili, tunay na ako ay humihiling sa Iyo [ng Paraiso at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Apoy].)[67] [67] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1495, Imām Ibnu Mājah sa numero 3858, Imām An-Nasā'īy sa numero 1299, at Imām At-Tirmidhīy sa numero 3544. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 1/279, at sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah 2/329.
105. Allāhumma innī as'aluka bi-annī ashhadu annaka anta -llāhu lā ilāha illā anta -l'aḥadu -ṣṣamadu -lladhī lam yalid wa-lam yūlad wa-lam yakul lahu kufuwan aḥad. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo, O Allāh, dahil Ikaw ay ang Nag-iisa, ang Kaisa-isa, ang Dulugan, na hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.)[68] [68] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 985; Imām At-Tirmidhīy sa numero 3475; Imām Ibnu Mājah sa numero 3857; at Imām Aḥmad, 5/360. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Sunan At-Tirmidhīy, 3/163.
106. Rabbi -ghfir lī wa-tub `alayya; innaka anta -ttawwābu -lghafūr. (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at tumanggap Ka sa akin ng pagbabalik-loob; tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Mapagpatawad.)[69] [69] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1518, Imām At-Tirmidhīy sa numero 3434 at ang pagkakasambit ay sa kanya, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 10292, at Imām Ibnu Mājah sa numero 3814. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/321, at sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/153.
107. Allāhumma bi-`ilmika -lghayba wa-qudratika `alā -lkhalqi, aḥyinī mā `alimta -lḥayāta khayran lī, wa-tawaffanī idhā `alimta -lwafāta khayran lī. Allāhumma innī as'aluka khashyataka fī -lghaybi wa-shshahādah, wa-as'aluka kalimata -lḥaqqi fī -rriḍā wa-lghaḍab, wa-as'aluka -lqaṣda fi -lghinā wa-lfaqri, wa-as'aluka na`īman lā yanfad, wa-as'aluka qurrata `aynin lā tanqaṭi`, wa-as'aluka -rriḍā ba`da -lqaḍā', wa as'aluka barda -l`ayshi ba`da -lmawt, wa-as'aluka ladhdhata -nnaḍ̆ari ilā wajhika wa-shshawqa ilā liqā'ika fī ghayri ḍarrā'a muḍirratin wa-lā fitnatin muḍillah. Allāhumma zayyinnā bi-zīnati -l'īmān, wa-j`alnā hudātan muhtadīn. (O Allāh, sa pamamagitan ng kaalaman Mo sa Nakalingid at kapangyarihan Mo sa paglikha, bigyang-buhay Mo ako hanggat nalaman Mo na ang buhay ay mabuti para sa akin at papanawin Mo ako kapag nalaman Mo na ang pagpanaw ay mabuti para sa akin. O Allāh, tunay na ako ay humihiling ng pagkatakot sa iyo sa nakalingid at nasasaksihan, humihiling sa Iyo ng salita ng totoo sa pagkalugod at pagkagalit, humihiling sa Iyo ng katamtaman sa pagkayaman at pagkadalita, humihiling sa Iyo ng isang kaginhawahang hindi na nauubos, humihiling sa Iyo ng isang galak ng mata na hindi napuputol, humihiling sa Iyo ng pagkalugod matapos ang pagtatadhana, humihiling sa Iyo ng kaalwanan ng buhay matapos ng kamatayan, at humihiling sa Iyo ng sarap ng pagtingin sa mukha Mo at pananabik sa pakikipagtagpo sa Iyo, nang walang kapinsalaang nakapipinsala ni sigalot na nakapagliligaw. O Allāh, gayakan Mo kami ng gayak ng pananampalataya at gawin Mo kami na mga tagapatnubay na mga napatnubayan.)[70] [70] Nagtala nito sina Imām An-Nasā'īy sa numero 1305 at Imām Aḥmad, 4/264. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 1/280 at 1/281.
108. Allāhumma -rzuqnī ḥubbaka wa-ḥubba man yanfa`unī ḥubbuhu `indaka. Allāhumma mā razaqtanī mimmā uḥibbu fa-j`alhu qūwatal lī fī mā tuḥibb. Allāhumma mā zawayta `annī mimmā uḥibbu fa-j`alhu farāghal lī fī-mā tuḥibb. (O Allāh, magtustos Ka sa akin ng pag-ibig Mo at pag-ibig ng sinumang magpapakinabang sa akin ang pag-ibig niya sa ganang Iyo. O Allāh, ang anumang itinustos Mo sa akin mula sa iniibig ko ay gawin Mo ito bilang lakas para sa akin sa anumang iniibig Mo. O Allāh, ang anumang inalis Mo sa akin mula sa iniibig ko ay gawin Mo ito bilang bakante para sa akin sa anumang iniibig Mo.)[71] [71] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 3491 at sumang-ayon siya sa kagandahan nito. Nagsabi si Shaykh `Abdulqādir Al-Arnā'ūṭ: "Ito ay gaya ng sinabi." Tingnan ang pagsisiyasat niya sa Jāmi` Al-Uṣūl, 4/341.
109. Allāhumma ṭahhirnī mina -dhdhunūbi wa-lkhaṭāyā. Allāhumma naqqinī minhā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma ṭahhirnī bi-ththalji wa-lbaradi wa-lmā'i -lbārid. (O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga pagkakasala at mga kamalian. O Allāh, maglinis Ka sa akin mula roon kung paanong nalilinis ang puting damit mula sa karumihan. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa pamamagitan ng yelo, niyebe, at malamig na tubig.)[72] [72] Nagtala nito sina Imām Muslim sa numero 476 at Imām An-Nasā’īy sa numero 400.
110. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lbukhli wa-ljubni wa-sū'i -l`umuri, wa-fitnati -ṣṣadri, wa-`adhābi -lqabri. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa karamutan, karuwagan, kasagwaan ng edad, sigalot ng dibdib, at pagdurusa sa libingan.)[73] [73] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa numero 5469 at ang pagkakasambit nito: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin ng pagpapakupkop laban sa lima: laban sa karamutan, karuwagan, kasagwaan ng edad, sigalot ng dibdib, at pagdurusa sa libingan." Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 1539. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Arnā'ūṭ sa pagsasadokumento niya ng Jāmi` Al-Uṣūl, 4/363.
111. Allāhumma rabba jibra'īla wa-mīkā'īla wa-rabba isrāfīla, a`ūdhu bika min ḥarri -nnār, wa-min `adhābi -lqabri. (O Allāh, Panginoon nina Jibrā'īl at Mīkā'īl at Panginoon ni Isrāfīl, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa init ng Apoy at laban sa pagdurusa sa libingan.)[74] [74] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa numero 1344, Imām Aḥmad 6/61, at Al-Bayhaqīy sa Ad-Da`awāt sa numero 109. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1121, at Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah sa numero 1544.
112. Allāhumma, alhimnī rushdī wa-a`idhnī min sharri nafsī (O Allāh, udyukan Mo ako sa paggabay sa akin at kupkupin Mo ako laban sa kasamaan ng sarili ko).[75] [75] Nagtala nito sina Imām Muslim, na ang pagkakasambit ay sa kanya, sa numero 3483. Nagtala nito ayon sa tulad nito sina Imām Aḥmad, 33/197, sa numero 19992; at Imām Al-Ḥākim, 1/510 ayon sa tulad nito rin, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Nagsabi ang mga tagapagsiyasat ng Al-Musnad ayon sa ḥadīth ni Aḥmad, 33/197: "Ang isnād nito ay tumpak ayon sa kundisyon ng dalawang Shaykh." Hinggil naman sa pagkakasambit ni Imām At-Tirmidhīy, sumang-ayon sa kahinaan nito si Al-Albānīy sa Ḍa`īf At-Tirmidhīy, p. 397.
113. Allāhumma innī as'aluka `ilman nāfi`an wa-a`ūdhu bika min `ilmil la yanfa`. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kaalamang nagpapakinabang at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang.)[76] [76] Nagtala nito sina Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 7867 at Imām Ibnu Mājah sa numero 3843. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Sunan Ibni Mājah, 2/327. Ang pagkakasambit nito: "Humiling kayo kay Allāh ng isang kaalamang nagpapakinabang at manalangin kayo ng pagpapakupkop kay Allāh laban sa isang kaalamang hindi nagpapakinabang."
114. Allāhumma rabba -ssamāwāti [-ssab`i] wa-rabba -l'arḍi wa-rabba -l`arshi -l`aḍ̆īm, rabbanā wa-rabba kulli shay'in, fāliqa -lḥabbi wa-nnawā, wa-munzila -ttawrāti wa-l'injīli wa-lfurqān, a`ūdhu bika min sharri kulli shay'in anta ākhidhum bi-nāṣiyatih. Allāhumma anta -l'awwalu fa-laysa qablaka shay'un, wa-anta -l'ākhiru fa-laysa ba`daka shay'un, wa-anta -ḍ̆ḍ̆āhiru fa-laysa fawqaka shay'un, wa-anta -lbāṭinu fa-laysa dūnaka shay'un, iqḍi `annā -ddayna wa-aghninā mina -lfaqri. (O Allāh, Panginoon ng [pitong] langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay, tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, tagapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito. O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nakaiibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Nakaiilalim kaya walang anuman sa ilalim Mo. Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan.)[77] [77] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2713, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
115. Allāhumma allif bayna qulūbinā, wa-aṣliḥ dhāta bayninā, wa-hdinā subula -ssalām, wa-najjinā mina -ḍ̆ḍ̆ulumāti ila -nnūr, wa-jannibna -lfawāḥisha wa-lfitani mā ḍ̆ahara minhā wa-mā baṭan, wa-bārik lanā fī asmā`inā wa-abṣārinā wa-qulūbinā wa-azwājinā wa-dhurriyātinā, wa-tub `alaynā; innaka anta -ttawwābu -rraḥīm, wa-j`alnā shākirīnā li-ni`amika muthnīna bihā `alayka qābilīna lahā, wa-atmimhā `alaynā. (O Allāh, magbuklod Ka sa pagitan ng mga puso namin; magsaayos Ka ng nasa pagitan namin; magpatnubay Ka sa amin sa mga landas ng kapayapaan; magligtas Ka sa amin mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag; magpalayo Ka sa amin sa mga mahalay at mga sigalot: sa nalantad sa mga ito at nakubli; magpala Ka sa amin sa mga pandinig namin, mga puso namin, mga kabiyak namin, at mga supling namin; tumanggap Ka sa amin ng pagbabalik-loob – tunay na Ikaw ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain; gumawa Ka sa amin bilang mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Mo, na mga tagapagbunyi dahil sa mga ito sa Iyo, na mga tagatanggap ng mga ito; at maglubos Ka ng mga ito sa amin.)[78] [78] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero at Imām Al-Ḥākim, na ang pagkakasambit ay sa kanya, 1/265; at nagsabing tumpak ayon sa kundisyon ni Imām Muslim, at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/26. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad sa numero 630.
116. Allāhumma innī as'aluka khayra -lmas'alah, wa-khayra -ddu`ā, wa-khayra -nnajāḥ, wa-khayra -l`amal, wa-khayra -ththawāb, wa-khayra -lḥayāh, wa-khayra -lmamāt. Wa-thabbitnī wa-thaqqil mawāzīnī, wa-ḥāqqiq īmānī, wa-rfa` darajātī, wa-taqabbal ṣalātī, wa-ghfir khaṭī'atī. Wa-as'aluka -ddarajāti -l`ulā mina -ljannah. Allāhumma innī as'aluka fawātiḥa -lkhayri wa-khawātimahu, wa-jawāmi`ahu, wa-awwalahu, wa-ḍ̆āhirahu, wa-bāṭinahu, wa-ddarajāti -l`ulā mina -ljannah. Āmīn. Allāhumma innī as'aluka an tarfa`a dhikrī, wa-taḍa`a wizrī, wa-tuṣliḥa amrī, wa-tuṭahhira qalbī, wa-tuḥaṣṣina farjī, wa-tunawwira qalbī, wa-taghfira lī dhambī; wa-as'aluka -ddarajāti -l`ulā mina -ljannah. Āmīn. Allāhumma innī as'aluka an tubārika fī nafsī wa-fī sam`ī wa-fī baṣarī, wa-fī rūḥī, wa-fī khalqī, wa-fī khuluqī, wa-fī ahlī, wa-fī maḥyāya, wa-fī mamātī, wa-fī `amalī, fa-taqabbal ḥasanātī; wa-as'aluka -ddarajāti -l`ulā mina -ljannah. Āmīn. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng mabuti ng paghiling, mabuti ng panalangin, mabuti ng tagumpay, mabuti ng gawain, mabuti ng gantimpala, mabuti ng buhay, at mabuti ng pagkamatay. Patatagin Mo ako, pabigatin Mo ang mga timbangan [ng gawa] ko, isakatotohanan Mo ang pananampalataya ko, iangat Mo ang mga antas ko, tanggapin Mo ang dasal ko, at patawarin Mo ang pagkakamali ko. Hinihiling ko ang mga antas na pinakamatataas mula sa Paraiso. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng mga tagabukas ng kabutihan, mga tagapinid nito, mga tagatipon nito, una nito, panlabas nito, panloob nito, at mga antas na pinakamatataas mula sa Paraiso. Amen. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo na mag-angat Ka ng pagbanggit sa akin, mag-alis Ka ng pasanin ko, magsaayos Ka ng nauukol sa akin, magdalisay Ka ng puso ko, magpaingat Ka ng kalinisang-puri ko, magtanglaw Ka ng puso ko, at magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko; humiling sa Iyo ng mga antas na pinakamatataas mula sa Paraiso. Amen. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo na magpala Ka sa sarili ko, sa pandinig ko, sa paningin ko, sa espiritu ko, sa pagkalikha sa akin, sa kaasalan ko, sa mag-anak ko, sa pagkabuhay ko, sa pagkamatay ko, at sa gawain ko kaya tanggapin Mo ang mga magandang gawa ko; at humiling sa Iyo ng mga antas na pinakamatataas mula sa Paraiso. Amen.)[79] [79] Nagtala nito sina Imām Al-Ḥākim – ayon kay Ummu Salamah bilang marfū` 1/520 – na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/520; Al-Bayhaqīy sa Ad-Da`awāt sa numero 225; at At-Ṭabarānīy sa Al-Kabīr, 23/326, sa numero 717.
117. Allāhumma jannibnī munkarāti -l'akhlāqi, wa-l'ahwā'i, wa-l'a`māli, wa-l'adwā'. (O Allāh, magpalayo Ka sa akin sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga pithaya, mga gawain, at mga karamdaman.)[80] [80] Nagtala nito si Imām Al-Ḥākim, 1/523, at nagsabing tumpak ayon sa kundisyon ni Imām Muslim, na nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/532. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ḍ̆ilāl Al-Jannah sa numero 13.
119. Allāhumma qanni`nī bimā razaqtanī wa-bārik lī fīhi, wa-khluf `alayya kulla ghā'ibatin lī bi-khayr. (O Allāh, magpakuntento Ka sa akin sa itinustos Mo sa akin, magpala Ka sa akin dito, at mag-iwan Ka sa akin sa bawat wala sa akin ng isang kabutihan.)[81] [81] Nagtala nito sina Imām Al-Ḥākim, 1/532, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/510, ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa); at Al-Bayhaqīy sa Al-Ādāb sa numero 1084 at sa Ad-Da`awāt Al-Kabīr, 211. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Ḥajar sa Al-Futūḥāt Ar-Rabbānīyah, 4/383.
119. Allāhumma ḥāsibnī ḥisāban yasīrā. (O Allāh, magtuos Ka sa akin ng isang magaang pagtutuos.)[82] [82] Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, 6/48; at Imām Al-Ḥākim, na nagsabing tumpak ayon sa kundisyon ni Imām Muslim at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy, 1/255. Nagsabi si `Ā'ishah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Noong nakatapos siya, nagsabi ako: "O Propeta ni Allāh, ano po ang magaang pagtutuos?" Nagsabi siya: "Na tumingin Siya sa talaan nito saka magpalampas Siya rito; tunay na ang sinumang tinalakay ang pagtutuos sa araw na iyon, O `Ā'isha, ay mapapahamak. Ang bawat anumang dumadapo sa mananampalataya ay magtatakip-sala si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) dito para sa kanya, pati na ang tinik na tumitinik sa kanya."} Nagsabi tungkol dito ang pantas na si Al-Albānīy sa Mishkāh Al-Maṣābīḥ: "Ang isnād nito ay mahusay."
120. Allāhumma a`innā `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo kami sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapaganda sa pagsamba sa Iyo.)[83] [83] Nagtala nito sina Imām Aḥmad, 2/299; at Imām Al-Ḥākim, 1/499, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Ito ay gaya ng sinabi ng dalawa. Ito sa ganang kay Abū Dāwud ay sa numero 1524 at kay An-Nasā'īy sa Al-Kubrā ay sa numero 9973. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad sa numero 534.
121. Allāhumma innī as'aluka īmānal lā yartaddu wa-na`īmal lā yanfadu wa-murāfaqata nabīyika muḥammadin – ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallama – fī a`lā jannati -lkhuld. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng isang pananampalataya na hindi tumatalikod, isang kaginhawahang hindi nauubos, at pakikisamahan sa Propeta Mong si Muḥammad – basbasan [Mo] siya, O Allāh, at pangalagaan – sa pinakamataas ng Paraiso ng Pananatili.)[84] [84] Nagtala nito si Ibnu Ḥibbān sa (Mawārid), p. 604, sa numero 2436, ayon kay Ibnu Mas`ūd (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang mawqūf. Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad mula sa isa pang daan, 1/386, 400; at Imām An-Nasā'īy sa `Amal Al-Yawm Wa Al-Laylah sa numero 869. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥah sa ilalim ng numero 2301.
122. Allāhumma qinī sharra nafsī, wa-`zim lī `alā arshadi amrī. Allāhumma -ghfir lī mā asrartu, wa-mā a`lantu, wa-mā akhṭa'tu, wa-mā `amadtu, wa-mā `alimtu, wa-mā jahiltu. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin sa kasamaan ng sarili ko at magpatika Ka sa akin sa pinakamatino sa nauukol sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng anumang inilihim ko, anumang inihayag ko, anumang ipinagkamali ko, anumang sinadya ko, anumang nalaman ko, at anumang ikinamangmang ko.)[85] [85] Nagtala nito sina Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, 6/246, sa numero 10830; at Imām Al-Ḥākim, 1/510, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Nagtala nito si Imām Aḥmad, 4/444. Ito ay nasa Al-Musnad Al-Muḥaqqaq, 33/197, sa numero 19992. Nagsabi si Al-Ḥāfiḍ̆ sa Al-Iṣābah na ang isnād nito ay tumpak. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa pagsasadokumento sa Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn sa komentaryo niya sa ḥadīth numero 1495.
123. Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)[86] [86] Nagtala nito sina Imām An-Nasā'īy sa numero 5475; at Imām Aḥmad, 2/173. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ An-Nasā'īy, 3/1113.
124. Allāhumma -ghfir lī, wa-hdinī, wa-rzuqnī, wa-`āfinī. A`ūdhu bi-llāhi min ḍīqi -lmaqāmi yawma -lqiyāmah. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, magtustos Ka sa akin, at magpalusog Ka sa akin. Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa kasikipan ng tayuan sa Araw ng Pagbangon.)[87] [87] Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā'īy sa numero 1617 at Imām Ibnu Mājah sa numero 1356. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Sunan An-Nasā'īy, 1/356, at sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 1/226.
125. Allāhumma matti`nī bi-sam`ī wa-baṣarī, wa-j`alhuma -lwāritha minnī, wa-nṣurnī `alā man yaḍ̆limunī, wa-khudh minhu bi-tha'rī. (O Allāh, pagtamasain Mo ako ng pandinig ko at paningin ko, gawin Mo ang dalawang ito bilang ang tagapagmana mula sa akin, iadya Mo ako laban sa sinumang mang-aapi sa akin, at kunin Mo mula sa kanya ang paghihiganti sa akin.)[88] [88] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 3681; Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 650; at Imām Al-Ḥākim 1/523, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/188.
126. Allāhumma innī as'aluka `īshatan naqīyatan wa-mītatan sawīyatan wa-maraddan ghayra mukhzin wa-lā fāḍiḥ. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng isang pamumuhay na dalisay, isang pagkamatay na katamtaman, isang mauuwiang hindi magpapahiya ni mag-iiskandalo.)[89] [89] Nagtala nito si Imām Al-Ḥākim 1/541; ang Zawā'id Musnad Al-Bazār, 2/442, sa numero 2177; at si Aṭ-Ṭabarānīy sa Ad-Du`ā' sa numero 1435. Nagsabi naman si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 10/179: "Ang isnād ni Aṭ-Ṭabarānīy ay mahusay."
127. Allāhumma laka -lḥamdu kulluh. Allāhumma lā qābiḍa limā basaṭta wa-lā bāsiṭa limā qabaḍta, wa-lā hādiya li-man aḍlalta wa-lā muḍilla li-man hadayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta wa-lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā muqarriba limā bā`adta wa-la mubā`ida limā qarrabta. Allāhumma -bsuṭ `alaynā min barakātika, wa-raḥmatika, wa-faḍlika, wa-rizqika. Allāhumma innī as'aluka -nna`īma -muqīma -lladhī lā yaḥūlu wa-lā yazūl. Allāhumma innī as'aluka -nna`īma yawma -l`aylati, wa-l'amna yawma -lkhawf. Allāhumma innī `ā'idhun bika min sharri mā a`ṭaytanā wa-sharri mā mana`tanā. Allāhumma ḥabbib ilaynā -l'īmāna wa-zayyinhu fī qulūbinā wa-karrih ilaynā -lkufra wa-lfusūqa wa-l`iṣyāna, wa-j`alnā mina -rrāshidīn. Allāhumma tawaffanā muslimīna wa-aḥyinā muslimīna, wa-alḥiqnā bi-ṣṣāliḥīna ghayra khazāyā wa-lā maftūnīn. Allāhumma qātili -lkafarata -lladhīna yukadhdhibūna rusulaka wa-yaṣuddūna `an sabīlika, wa-j`al `alayhim rijzak wa-`adhābaka. Allāhumma qātili -lkafarata -lladhīna ūtu -lkitāba, ilāha -lḥaqq, āmīn. (O Allāh, ukol sa Iyo ang papuri sa kabuuan nito. O Allāh, walang tagapagpagipit sa anumang pinaluwagan at walang tagapagpaluwag sa anumang ginipitan, walang tagapatnubay sa sinumang pinaligaw Mo at walang tagapagligaw sa sinumang pinatnubayan Mo, walang tagapagbigay ng anumang pinigilan Mo at walang tagapagpigil ng anumang ibinigay Mo, walang tagapagpalapit sa anumang pinalayo Mo at walang tagapagpalayo sa anumang pinalapit Mo. O Allāh, magpaluwag Ka sa amin mula sa mga pagpapala Mo, awa Mo, kabutihang-loob Mo, at panustos Mo. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kaginhawahang nananatili na hindi nagbabago at hindi naglalaho. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kaginhawahan sa araw ng pagkadahop at katiwasayan sa araw ng pangamba. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang ibinigay Mo sa amin at kasamaan ng pinigilan Mo sa amin. O Allāh, magpaibig Ka sa amin sa pananampalataya; magpaakit Ka nito sa mga puso namin; magpasuklam Ka sa amin ng kawalang-pananampalataya, kasuwailan, at pagsuway; at gumawa Ka sa amin kabilang sa mga nagagabayan. O Allāh, magpapanaw Ka sa amin bilang mga Muslim, magbigay-buhay Ka sa amin bilang mga Muslim, at magpasama Ka sa amin sa mga maayos, na hindi mga hiniya at hindi mga niligalig. O Allāh, makipaglaban Ka sa mga tagatangging-sumampalataya na nagpapasinungaling sa mga sugo Mo at bumabalakid sa landas Mo, gumawa Ka sa kanila ng pasakit na dulot Mo at pagdurusang dulot Mo. O Allāh, makipaglaban Ka sa mga tagatangging-sumampalataya na binigyan ng kasulatan, Diyos ng totoo. Amen.) [90] Nagtala nito si Imām Aḥmad ayon sa pagkakasambit niya, 3/424 at 24/246, sa numero 15492. Ang nasa pagitan ng mga panalikop ay kay Imām Al-Ḥākim, 1/507 at 3/23-24. Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 699. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa pagsasadokumento sa Fiqh As-Sīrah, p. 84, at sa Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad ni Imām Al-Bukhārīy sa numero 538, p. 259.
128. Allāhumma -ghfir lī, wa-rḥamnī, wa-hdinī, wa-`āfinī, wa-rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, patnubayan Mo ako, palusugin Mo ako, at tustusan Mo ako.)[91] [91] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2696 at numero 2697. Sa salaysay ni Imām Muslim: "Tunay na ang mga [panalanging] ito ay nagtitipon para sa iyon ng Mundo mo at Kabilang-buhay Mo." Sa Sunan Abī Dāwud sa numero 850, nagsabi siya: {Noong tumalikod ang Arabeng-disyerto, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang pumuno siya sa mga kamay niya ng kabutihan."}
"... wa jburnī ... wa-rfa`nī. (... pariwasain Mo ako, ... at iangat Mo ako.)[92] [92] Tingnan: Sunan Ibni Mājah sa numero 898; Sunan At-Tirmidhīy sa numero 284; Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 1/148, at Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 1/90.
129. Allāhumma zidnā wa-la tanquṣnā, wa-akrimnā wa-lā tuhinnā, wa-a`ṭinā wa-lā taḥrimnā, wa-āthirnā wa-lā tu'aththir `alaynā, wa-arḍinā wa-rḍa `annā. (O Allāh, magdagdag Ka sa amin at huwag Kang magbawas sa amin, magparangal Ka sa amin at huwang Kang manghamak sa amin, magbigay Ka sa amin at huwag Kang magkait sa amin, magtangi Ka sa amin at huwag Kang magtangi laban sa amin, at magpalugod Ka sa amin at malugod Ka sa amin.)[93] [93] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy, 5/326, sa numero 3173; at Imām Al-Ḥākim, 2/98, na sumang-ayon siya sa katumpakan nito. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Shaykh `Abdulqādir Al-Arnā'ūṭ sa pagsisiyasat niya sa Jāmi` Al-Uṣūl, 11/282, sa numero 8847.
130. Allāhumma aḥsanta khalqī fa-aḥsin khuluqī. (O Allāh, nagpaganda Ka ng pagkalikha sa akin kaya magpaganda Ka ng kaasalan ko.)[94] [94] Nagtala nito si Imām Aḥmad, 6/68, 155 at 1/403; si Ibnu Ḥibbān (2423 - Mawārid); si Aṭ-Ṭayālisīy 374; at ang Musnad Abī Ya`lā sa numero 5075. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Irwā'u -lghalīl, 1/115, sa numero 74.
131. Allāhumma thabbitnī wa-j`alnī hādiyan mahdīyā. (O Allāh, patatagin Mo ako at gawin Mo ako bilang tagapatnubay na pinatnunubayan.)[95] [95] Nagpahiwatig dito ang panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para kay Jarīr (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tingnan: Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy sa numero 6333 at gayundin sa mga numero 3020, 3036, at iba pa sa mga ito.
Allāhumma innī as'aluka -ththabāta fi -l'amri wa-l`azīmata `ala -rrushdi, wa-as'aluka mūjibāti raḥmatika wa-`azā'ima maghfiratika, wa-as'aluka shukra ni`matika wa-ḥusni `ibādatika, wa-as'aluka qalban salīman wa-lisānan ṣādiqan, wa-as'aluka min khayri mā ta`lamu, wa-a`ūdhu bika min sharri mā ta`lamu, wa-astaghfiruka limā ta`lamu; innaka anta `allāmu -lghuyūb. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng katatagan sa utos at pagtitika sa gabay, humihiling sa Iyo ng mga tagapag-obliga ng awa Mo at mga pasya ng kapatawaran Mo, humihiling sa Iyo ng pagpapasalamat sa biyaya Mo at kagandahan ng pagsamba sa Iyo, humihiling sa Iyo ng isang pusong malinis at isang dilang tapat, humihiling sa Iyo mula sa kabutihan ng nalalaman Mo, nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng nalalaman Mo, at humihingi ng tawad sa Iyo sa nalalaman Mo; tunay na Ikaw ay palaalam ng mga nakalingid.)[96] [96] Nagtala nito sina Imām Aḥmad, 28/338, sa numero 17114, at 28/356, sa numero 17133; Imām At-Tirmidhīy sa numero 3407; at Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Mu`jam Al-Kabīr ayon sa pagkakasambit niya, sa numero 7135, sa numero 7157 at 7175, at numero 7176, 7177, 7178, 7179, at 7180. Nagtala nito si Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ niya, 3/215, sa numero 935, at 5/310, sa numero 1974. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Shu`ayb Al-Arnā'ūṭ sa Ṣaḥīḥ Ibni Ḥibbān, 5/312. Sumang-ayon sa kagandahan nito ayon sa mga daan nito ang mga tagapagsiyasat ng Al-Musnad, 28/338. Binanggit ito ni Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah sa ikapitong tomo sa numero 3228 at sa Ṣaḥīḥ Mawārid Aḍ̆-Ḍ̆am'ān sa numero 2416 at 2418, at sinabing tumpak dahil sa iba pa rito.
133. Allāhumma innī as'aluka -lfirdawsa a`la -ljannah. (O Allāh, tunay na ako ay humiling sa Iyo ng Firdaws na pinakamataas ng Paraiso.)[97] [97] Kinuha mula sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... kaya naman kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws sapagkat tunay na ito ay ang pinakagitna ng Paraiso at ang pinakamataas ng Paraiso. Nasa ibabaw nito ang trono ng Napakamaawain at mula roon bumubukal ang mga ilog ng Paraiso." Al-Bukhārīy sa numero 2790 at numero 7423.
Allāhumma jaddidi -l'īmāna fī qalbī.(O Allāh, panibaguhin Mo ang pananampalataya sa puso ko.)[98] [98] Ibinatay mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang damit. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na panibaguhin Niya ang pananampalataya sa mga puso ninyo." Nagtala nito si Imām Al-Ḥākim 1/4, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy. Nagsabi naman si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 1/52: "Nagsalaysay nito si At-Ṭabarānīy sa Al-Kabīr. Ang isnād nito ay maganda." Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 4/113, sa numero 1585.
135. Allāhumma innī a`ūdhu bika min ṣalātin lā tanfa`. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa Salah na hindi nakapagpapakinabang.)[99] [99] Nagtala nito si Abī Dāwud sa numero 1549. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Sunan Abī Dāwud, 1/424.
136. Allāhumma innī a`ūdhu bika min jāri -ssū'i, wa-min zawjin tushayyibunī qabla -lmashībi, wa-min waladin yakūnu `alayya rabban, wa-min mālin yakūnu `alayya `adhāban, wa-min khalīlin mākirin `aynuhu tarānī wa-qalbuhu yar`ānī, in ra'ā ḥasanat dafanahā wa-idhā ra'a sayyi'atan adhā`ahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kapit-bahay ng kasagwaan at laban sa asawang nagpapauban sa akin bago ng pag-uban, laban sa anak na sa akin ay magiging panginoon, laban sa yaman na sa akin ay magiging pagdurusa, laban sa matalik na kaibigang nagpapakana, na ang mata niya ay nakakikita sa akin at ang puso niya nakasubaybay sa akin, na kung nakakita ng isang maganda ay naglilibing nito at kapag nakakita ng isang masagwa ay naghahayag nito.)[100] [100] Nagtala nito si Imām At-Ṭabarānīy sa Ad-Du`ā', 3/1425, sa numero 1339. Nagsabi si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 7/377, sa numero 3137: "Nagsabi ako: Ito ay isang mahusay na isnād. Ang mga mananalaysay nito sa kabuuan nila ay mga mananalaysay ng paglinang ..."
137. Allāhumma lā tukhzinī yawm -lqiyāmah. (O Allāh, huwag Kang manghiya sa akin sa Araw ng Pagbangon.)[101] [101] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad, 29/596, sa numero 18056. Nagsabi ang mga tagapagsiyasat ng Al-Musnad: "Ang isnād nito ay tumpak." Nagtala nito si At-Ṭabarānīy sa Al-Mu`jam Al-Kabīr, 3/20, sa numero 2524 sa pagkakasambit: "O Allāh, huwag Kang manghiya sa akin sa Araw ng Pagbangon at huwag Kang manghiya sa akin sa araw ng kagipitan."
138. Allāhumma innī as'aluka -lmu`āfāta fi -ddunyā wa-l'ākhirah. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng pagpapagaling sa Mundo at Kabilang-buhay.)[102] [102] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 3851. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 3/259, at sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah sa numero, 1138.
139. Allāhumma innī a`ūdhu bika min `ilmil lā yanfa`, wa-`amalil lā yurfa`, wa-qalbil lā yakhsha`, wa-qawlil lā yusma`. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa isang kaalamang hindi nagpapakinabang, isang gawaing hindi inaangat, isang pusong hindi nagtataimtim, isang sinasabing hindi dinidinig.)[103] [103] Nagtala nito si Ibnu Ḥibbān sa numero 2440 (Mawārid). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Mawārid Aḍ̆-Ḍ̆am'ān, 2/454, sa numero 2066.
140. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lhammi, wa-lḥazani, wa-l`ajzi, wa-lkasali, wa-lbukhli, wa-ljubni, wa-ḍala`i -ddayni, wa-ghalabati -rrijāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa alalahanin, kalungkutan, kawalang-kakayahan, katamaran, karamutan, karuwagan, bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)[104] [104] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 6363. Nagsabi si Anas (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako noon ay nagsisilbi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tuwing bumababa [ang kapahayagan]. Kaya naman ako noon ay nakaririnig sa kanya habang nagpaparami siya ng pagsabi ng: "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo ..."
141. Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -nāri, wa-a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri, wa-a`ūdhu bika mina -lfitani mā ḍ̆ahara minhā wa-mā baṭana, wa-a`ūdhu bika min fitnati -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa Impiyerno, nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan, nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga ligalig: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli, at nagpapakupkop sa Iyo laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)"[105] [105] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2867 at nasaad dito: "Manalangin kayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa pagdurusa sa Impiyerno,. ... Manalangin kayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa pagdurusa sa libingan. ..."
142. Allāhumma innī as'aluka shahādatan fī sabīlika. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng isang pagkamartir sa landas Mo.)[106] [106] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1909. Ibinatay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang humiling kay Allāh ng pagkamartir nang may katapatan, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga antas ng mga martir, kahit pa namatay siya sa higaan niya."
143. Allāhumma -ghfir lī. Allāhumma -j`alnī yawma -lqiyāmati fawqa kathīrin min khalqika mina -nnās. Allāhumma -ghfi lī dhambi wa-adkhilnī yawma -lqiyāmati mudkhalan karīmā. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin. O Allāh, maglagay Ka sa akin sa Araw ng Pagbangon sa ibabaw ng marami sa mga tao. O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko at magpapasok Ka sa akin sa Araw ng Pagbangon sa isang pinagpapasukang marangal.)[107] [107] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 4323 at Imām Muslim sa numero 2498. Ibinatay mula sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para kay `Ubayd Abū `Āmir at mula sa panalangin niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa Ama ni Bardah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
144. Allāhumma -hdinī fī-man hadayta, wa-`āfinī fī-man `āfayta, wa-tawallanī fī-man tawallayta, wa-bārik lī fī-mā a`ṭayta, wa-qinī sharra mā qaḍayta; innahū lā yadhillu man wālayta, tabārakta rabbanā, wa ta`ālayt. (O Allāh, patnubayan Mo ako kasama sa sinumang pinatnubayan Mo, pangalagaan Mo ako kasama sa sinumang pinangalagaan Mo, tangkilikin Mo ako kasama sa sinumang tinangkilik Mo, pagpalain Mo ako sa anumang ibinigay Mo, ipagsanggalang Mo ako sa kasamaan ng anumang itinadhana Mo; tunay na hindi nahahamak ang sinumang kinampihan. Napakamapagpala Ka, O Panginoon namin, at napataas Ka.)[108] [108] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad 3/249 sa numero 1723. Nagsabi ang mga tagapagsiyasat ng Al-Musnad, 3/249: "Ang isnād nito ay tumpak." Ito ay isang salaysay na walang-pasubali na hindi nalilimitahan sa witr gaya ng nasaad sa iba pang salaysay sapagkat sa salaysay na ito ay nagsabi si Anas (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Siya noon ay nagtuturo sa amin ng panalanging ito. ..."
145. Rabbi -ghfir lī khaṭī'atī yawm -ddīn.(Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko sa Araw ng Pagtutumbas.)[109] [109] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 214. Sinabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, tunay na ang Anak ni Jud`ān noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nagpapanatili ng ugnayan sa kaanak at nagpapakain ng dukha, kaya iyan po ba ay magpapakinabang sa kanya?" Nagsabi siya: "Hindi magpapakinabang sa kanya iyan; tunay na siya ay kailanman hindi nagsabi: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko sa Araw ng Pagtutumbas."
146. Astaghfiru -llāha -l`aḍ̆īma -lladhī lā ilāha illā huwa -lḥayy -lqayyūm wa-atūbu ilayhi. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh, ang Sukdulan, na walang Diyos kundi Siya, ang Buhay, ang Mapagpanatili; at nagbabalik-loob ako sa Kanya.)[110] [110] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 3577. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy 3/469: "Ang sinumang nagsabi nito, magpapatawad sa kanya si Allāh kahit pa siya ay tumakas mula sa martsa sa labanan."
147. Allāhumma -ghfir lī dhambī wa-adhhib ghayḍ̆a qalbī wa-a`idhnī min muḍillāt -lfitan. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko, mag-alis Ka ng ngitngit sa puso ko, at magkupkop Ka sa akin laban sa mga tagapagligaw ng mga sigalot.)[111] [111] Kinuha mula sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para kay `Ā'ishah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, magpatawad Ka sa kanya sa pagkakasala niya, mag-alis Ka ng ngitngit sa puso niya, at magkupkop Ka sa kanya laban sa mga tagapagligaw ng mga sigalot." Nagtala nito si Ibnu `Asākir kalakip ng isnād nito sa Al-Arba`ūn Fī Manāqib Ummahāt Al-Mu`minīn, p. 85, ayon kay `Ā'ishah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi siya: "Ito ay isang ḥadīth na tumpak na maganda mula sa ḥadīth ni Baqīyah bin Al-Walīd. Nagtala nito si Ibnu As-Sunnīy ayon sa tulad nito sa `Amal Al-Yawm Wa Al-Laylah sa numero 457. Sa isa pang kopya ni Ibnu As-Sunnīy, nagsabi naman siya: "at magkalinga Ka sa akin laban sa demonyo" sa halip na: "laban sa mga tagapagligaw ng sigalot." Tingnan ang pagsasadokumento nito sa ganang kay Al-Albānīy sa Aḍ-Ḍa`īfah sa numero 4207. Mayroon itong isang tagasaksi ayon kay Ummu Salamah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ganang kay Imām Aḥmad sa numero 26576, 2/44, ayon sa tulad nito. Ang pagkakasambit dito: "O Allāh, Panginoon ni Muḥammad, ang Propeta, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko, mag-alis Ka ng ngitngit sa puso ko, at magkalinga Ka sa akin laban sa mga tagapagligaw ng mga sigalot hanggat nagbigay-buhay Ka sa amin." Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 10/27. Ito naman sa ganang kay Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Mu`jam Al-Kabīr, 23/338, sa numero 785 ay walang pagkakasambit niyon ng: "hanggat nagbigay-buhay Ka sa amin." Mayroon itong isang tagasaksi buhat kay Ummu Hāni' (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, magturo ka sa akin ng isang panalanging mananalangin ako sa pamamagitan nito." Nagsabi naman siya: "Magsabi ka: O Allāh, magpatawad ka sa akin ng pagkakasala ko ..." Ang ḥadīth ay itinala ni Al-Kharā'iṭīy sa I`tilāl Al-Qulūb sa numero 52 at Masāwi' Al-Akhlāq sa numero 323
147. Allāhumma aḥyinī `alā sunnati nabīyika (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam) wa tawaffanī `alā millatihi wa-a`idhnī min muḍillāt -lfitan. (O Allāh, magbigay-buhay Ka sa akin sa sunnah ng Propeta Mo (basbasan [Mo] siya, at pangalagaan), magpapanaw Ka sa akin sa kapaniwalaan niya, at magkupkop Ka sa akin laban sa mga tagapagligaw ng mga sigalot.)[112] [112] Nagsalaysay nito si Al-Bayhaqīy sa Al-Kubrā, 5/95, mula sa panalangin ng Anak ni `Umar bilang mawqūf dito. Sumipi nga niyon si Ibnu Al-Mulaqqin sa Al-Badr Al-Munīr, 6/309. Nagsabi siya bilang pagsipi buhat sa Aḍ-Ḍiyā': "Ang isnād niyon ay mahusay." Nagsabi si Ibnu Mas`ūd (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag magsabi ang isa sa inyo: O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa sigalot, sapagkat walang isa man malibang siya ay masasaklawan ng sigalot dahil si Allāh ay nagsasabi: {Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang sigalot lamang samantalang si Allāh sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan.} (Qur'ān 64:15) Kaya naman ang alinman sa inyo na hihiling ng pagkupkop ay humiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga tagapagligaw ng mga sigalot." Nagtala nito si Ibnu Jarīr sa pagpapakahulugan niya, 13/475, sa numero 15912. Bumanggit nito si Ibnu Baṭṭāl sa pagbibigay-liwanag niya sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, 4/13.
149. Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"[113] [113] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 3370. Ang nasa pagitan ng mga panalikop ay mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ganang kay Imām MUslim sa numero 405.
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, gaya ng pagkaangkop sa kapitaganan sa Kanya at kadakilaan ng kapamahalaan Niya. O Allāh, basbasan Mo ang Propeta naming si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang mga tagasunod niya sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
Ang Paglulunas sa Pamamagitan ng mga Ruqyah
Mula sa Qur'ān at Sunnah
Ang nangangailangan kay Allāh (napakataas Siya):
Dr. Sa`īd bin `Alīy ibni Wahaf Al-Qaḥṭānīy
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Panimula: Ang Kahalagahan ng Paglulunas sa Pamamagitan ng Qur'ān at Sunnah
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, at humihingi tayo ng tawad sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya – basbasan Niya ito, ang mag-anak nito, ang mga Kasamahan nito, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas at pangalagaan nang pangangalagang palagi. Sa pagpapatuloy,
Walang pagdududa at walang pag-aalinlangan na ang paglulunas sa pamamagitan ng Marangal na Qur'ān at sa pamamagitan ng anumang napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga ruqyah ay paglulunas na nagpapakinabang at pagpapagaling na lubos. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Sabihin mo: "Ito para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang pagpapagaling."}. (Qur'ān 41:44) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya, at walang naidaragdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi.} (Qur'ān 17:82) Mula rito ay may paglilinaw sa uri sapagkat tunay na ang Qur'ān sa kabuuan nito ay isang pagpapagaling gaya ng nasaad sa naunang talata.[1] Nagsabi si Allāh: {O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang lunas para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 10:57)
Ang Qur'ān ay ang lubos na pagpapagaling sa lahat ng mga karamdamang pampuso at pangkatawan at mga karamdaman sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang bawat isa ay hindi pinapaging-dapat at hindi naitutuon sa pagkahanap ng pagpapagaling sa pamamagitan ng Qur'ān. Kapag nagpahusay ang maysakit sa pagpapagamot sa pamamagitan niyon at lumunas sa pamamagitan niyon ng karamdaman niya nang may katapatan, pananampalataya, lubos na pagtanggap, tiyakang paniniwala, at pagkatugon sa mga kundisyon niyon, hindi makakokontra sa kanya ang karamdaman magpakailanman. Papaanong makakokontra ang mga karamdaman sa Salita ng Panginoon ng lupa at langit, na kung sakaling bumaba iyon sa mga bundok ay talagang magbibitak-bitak iyon sa mga ito o kung sakaling bumaba iyon sa lupa ay talagang magpuputul-putol iyon dito. Kaya walang anumang sakit kabilang sa mga sakit ng mga puso at mga katawan malibang sa Qur'ān ay may landas sa katunayan sa paglulunas nito at kadahilanan nito. Ang diyeta ay bahagi nito para sa sinumang tinustusan ni Allāh ng isang pag-intindi sa Aklat Niya. Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay bumanggit nga sa Qur'ān ng mga sakit ng mga puso at mga katawan at medisina ng mga puso at mga katawan. [1] Tingnan ang Al-Jawāb Ash-Kāfī Li-Man Sa'ala `An Ad-Dawā' Ash-Shāfī ni Ibnu Al-Qayyim, p. 20.
Hinggil naman sa mga sakit ng mga puso, ang mga ito ay dalawang uri: sakit ng maling akala at pagdududa at sakit ng pagnanasa at pagkalisya. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay bumabanggit ng mga sakit ng mga puso nang detalyado at bumabanggit ng mga kadahilanan ng mga sakit at paglulunas sa mga ito.[2] Nagsabi si Allāh: {Hindi ba nakasasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya.} (Qur'ān 29:51) Nagsabi ang pantas na si Ibnu Al-Qayyim (kaawaan siya ni Allāh): "Ang sinumang hindi nagpagaling sa kanya ang Qur'ān, hindi nagpagaling sa kanya si Allāh; ang sinumang hindi nagpasapat ito sa kanya, hindi nagpasapat sa kanya si Allāh."[3] [2] Zād Al-Ma`ād ni Ibnu Al-Qayyim, 4/6 at 4/352. [3] Zād Al-Ma`ād, 4/352.
Hinggil naman sa mga sakit ng mga katawan, gumabay nga ang Qur'ān tungo sa mga saligan ng medisina nito, mga pinagtitipunan nito, at mga panuntunan nito. Iyon ay dahil ang mga panuntunan ng medisina ng mga katawan sa kabuuan ng mga ito ay nasa Dakilang Qur'ān. Ang mga ito ay tatlo: ang pag-iingat sa kalusugan, ang diyeta sa nakapeperhuwisyo, at ang pagpapalabas ng mga materyal na nakasisirang nakapeperhuwisyo. Ang paghango ng patunay roon ay nasa nalalabi sa mga individuwal ng mga uring ito.[4] [4] Zād Al-Ma`ād, 4/352 at 4/6.
Kung sakaling nagpahusay ang tao sa paggagamot sa pamamagitan ng Qur;an, talaga sanang nakita niya ang kahanga-hangang pag-epekto nito sa mabilis na paggaling.
Nagsabi si Imām Ibnu Al-Qayyim (kaawaan siya ni Allāh): Talaga ngang may dumaan sa aking panahon sa Makkah na nagkasakit ako roon at hindi ako nakatagpo ng isang manggagamot ni isang gamot. Kaya naman naglulunas ako ng sarili ko sa pamamagitan ng Fātiḥah saka nakakita naman ako rito ng isang kahanga-hangang pag-epekto. Kumukuha ako ng inumin mula sa tubig ng Zamzam at bumibigkas ako ng Fātiḥah dito nang ilang ulit pagkatapos iniinom ko ito saka natagpuan ko dahil doon ang lubos ng paggaling. Pagkatapos ako ay umaasa na roon sa sandali ng marami sa mga sakit. Nakinabang ako rito ng sukdulang pakinabang kaya ako ay nagmumungkahi niyon sa sinumang dumaraing ng isang sakit saka may marami naman sa kanila na gumagaling nang mabilis. [5] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/178; at ang Al-Jawāb Al-Kāfī, p. 21.
Gayundin, ang pagpapalunas sa mga ruqyah na pampropetang nagpatibay ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang sa mga gamot. Ang panalangin, kapag lumaya sa mga tagahadlang, ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang sa mga kadahilanan sa pagtulak sa kinasusuklaman at pagtamo ng hinihiling kaya naman ito ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang sa mga gamot at lalo na kasabay ng pagpupumilit dito. Ito ay kaaway ng kalamidad. Nagtutulak ito niyon, lumulunas ito roon, at pumipigil ito sa pagbaba niyon o nagpapagaan ito roon kapag bumaba iyon,[6] batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang panalangin ay nagpapakinabang sa anumang bumaba at anumang hindi bumaba. Kaya manatili kayo, mga lingkod ni Allāh, sa pagdalangin."[7] at batay pa sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang nakatutulak sa pagtatadhana kundi ang panalangin at walang nakadaragdag sa buhay kundi ang pagsasamabuting-loob." Subalit dito ay may bagay na nararapat mapagtantu-tanto: na ang mga āyah, ang mga dhikr, ang mga panalangin, at ang mga pampagpapakupkop na ipinampapagaling at inoorasyon ay mismong nagpapakinabang na nagpapagaling subalit nanawagan ang mga ito ng pagtanggap at lakas ng tagagawa o pag-epekto nito. Kaya kapag naatrasado ang paggaling, ito ay dahil sa kahinaan ng pag-epekto ng tagagawa o dahil sa kawalan ng pagtanggap ng ginagawan o dahil sa isang malakas na tagahadlang dito na humahadlang na magbenipisyo rito ang gamot sapagkat tunay na ang paglulunas sa pamamagitan ng mga ruqyah ay sa pamamagitan ng dalawang sanhi: [6] Tingnan ang Al-Jawāb Al-Kāfī, p. 22-25. [7] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 3548; Al-Ḥākim, 1/670; at Musnad Aḥmad sa numero 22044. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy. Tingnan: Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 3/151, sa numero 3403. [8] Al-Ḥākim, 1/670; at Sunan At-Tirmidhīy sa numero 2139. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 1/76, sa numero 154.
Ang Unang Sanhi: Sa panig ng maysakit. Ito ay sa pamamagitan ng lakas ng sarili niya, katapatan ng pagtuon niya kay Allah, at tiyakang paniniwala niya na ang Qur'an ay pampapagaling at awa para sa mga mananampalataya at ang pampagpapakupkop na nagkatugmaan dito ang puso at ang dila sapagkat tunay na ito ay isang uri ng pakikidigma at ang nakikidigma ay hindi naisasakatuparan sa kanya ang pagwawagi laban sa kaaway niya malibang sa pamamagitan ng dalawang sanhi:
na ang sandata ay mahusay na tumpak sa sarili nito at na ang bisig ay malakas sapagkat kapag napag-iwanan ang isa sa dalawa, hindi makapagdudulot ang sandata ng maraming silbi. Kaya papaano na kapag nawala ang dalawang sanhi nang magkasama? Ang puso ay magiging sira sa Tawḥīd, pananalig, pangingilag magkasala, at pagtuon, at walang sandata para rito.
Ang Ikalawang Sanhi: Sa panig ng tagalunas sa pamamagitan ng Qur'ān at Sunnah, na maging nasa kanya ang dalawang sanhing ito rin. Dahil dito, nagsabi si Ibnu At-Tīn (kaawaan siya ni Allāh): "Ang ruqyah sa pamamagitan ng mga panalanging pampagpapakupkop at iba pa sa mga ito kabilang sa mga pangalan ni Allāh ay ang medisinang espirituwal, na kapag sinambit ng dila ng mga mabuting-loob kabilang sa mga nilikha ay nangyayari ang paggaling ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya)."[10] [9] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/68; at ang Al-Jawāb Al-Kāfī, p. 21. [10] Fatḥ Al-Bārī ni Ibnu Ḥajar, 10/196.
Nagkabuklod sa hatol ang mga maalam sa pagpayag sa mga ruqyah sa sandali ng pagkakabuklod ng tatlong kundisyon:
Ang Unang Kundisyon: Na ito ay sa pamamagitan ng pananalita ni Allāh (napakataas Siya) o sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya o pananalita ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Ang Ikalawang Kundisyon: Na ito ay sa pamamagitan ng wikang Arabe o sa pamamagitan ng anumang nalalaman ang kahulugan mula sa iba pa rito.
Ang Ikatlong Kundisyon: Na pinaniniwalaan na ang ruqyah ay hindi nakaaapekto dahil sa sarili nito, bagkus dahil sa kapangyarihan ni Allāh (napakataas Siya).[11] Ang ruqyah ay isang kadahilanan lamang kabilang sa mga kadahilanan. [11] Tingnan: Fatḥ Al-Bārī ni Ibnu Ḥajar, 10/196; at Fatāwā Al-`Allāmah Ibni Bāz, 2/384.
Dahil sa masidhing kahalagahang ito, pinaiksi ko ang bahagi ng mga ruqyah mula sa aklat kong: Ang Dhikr, ang Panalangin, at ang Paglulunas sa Pamamagitan ng mga Ruqyah Mula sa Qur'ān at Sunnah. Nagdagdag ako rito ng mga benepisyong nagpapakinabang kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya). Humihiling ako kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pamamagitan ng mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa marangal na mukha Niya, na ipakinabang Niya sa akin ito, at na ipakinabang Niya ito sa sinumang bumasa nito o naglimbag nito o naging kadahilanan sa paglathala nito sa lahat ng mga Muslim; tunay na Siya ay ang Katangkilik doon at ang Nakakakaya niyon. Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at biyayaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
Ang nangangailangan kay Allāh (napakataas Siya),
Dr. Sa`īd bin `Alīy bin Wahaf Al-Qaḥṭānīy
Isinatitik ito noong Jumādā Ath-Thānī 18, 1414 Hijrah (Disyembre 1, 1993 CE).
1. Ang Paglulunas sa Panggagaway
Ang paglulunas na pandiyos sa panggagaway ay dalawang uri:
Ang Unang Uri: Ang ipinananggalang sa panggagaway bago ng pagkaganap nito:
1. Ang pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin, ang pagwaksi sa lahat ng mga ipinagbabawal, at ang pagbabalik-loob sa lahat ng mga masagwang gawa.
2. Ang pagpaparami ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān kung saan gagawa siya rito bilang sambitin sa bawat araw.
3. Ang pagpapakatibay ay sa pamamagitan ng mga panalangin, mga pagpapakupkop, at mga dhikr na isinasabatas. Kabilang doon [ang pagsambit ng]: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa-lā fi -ssamā'i, w- huwa -ssamī`u -l`alīm. (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anuman sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.)" nang tatlong ulit sa umaga at gabi;[12] ang pagbigkas ng Āyatulkursīy sa pagkatapos ng bawat ṣalāh, sa pagtulog, at sa umaga at gabi;[13] ang pagbigkas ng: Sūrah Al-Ikhlāṣ, at Dalawang Pagpapakupkop (Sūrah Al-Falaq at Sūrah An-Nās) nang tatlong ulit sa umaga at gabi; at ang pagsabi ng: "Lā 'ilāha 'illa -llāhu waḥdahu lā s̆arīka lah, lahu -lmulku wa lahu -lḥamdu wa-huwa `alā kulli s̆ay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh - tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" nang isandaang ulit sa bawat araw.[14] Ang pagpapanatili sa pagsambit ng mga dhikr ng umaga at gabi, mga dhikr ng mga pagkatapos ng mga ṣalāh, ng mga dhikr ng pagtulog at pagkagising mula rito, mga dhikr ng pagpasok sa tahanan at paglabas mula rito, mga dhikr ng pagsakay, mga dhikr ng pagpasok sa masjid at paglabas mula rito, mga panalangin ng pagpasok sa palikuran at paglabas mula rito, mga panalangin ng sinumang nakakita ng sinusulit, at iba pa roon. Bumanggit na ako ng marami mula riyan sa "Muog ng Muslim" alinsunod sa mga kalagayan, mga okasyon, mga lugar, at mga oras. Walang duda na ang pagpapanatili niyon ay kabilang sa mga kadahilanang pumipigil sa pagtama ng panggagaway, usog, at jinn ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya). Ang mga ito rin ay kabilang sa pinakamatindi sa mga lunas matapos ng pagdapo ng mga salot na ito at iba pa sa mga ito. [12] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 3388, Sunan Abī Dāwud sa numero 5088, at Sunan Ibni Mājah sa numero 3869. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/332. [13] Al-Ḥākim, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman sa kanya si Adh-Dhahabīy 1/562. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Targhīb Wa At-Tarhīb, 1/273, sa numero 658. [14] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, 4/95, sa numero 3293; at Ṣaḥīḥ Muslim, 4/2071, sa numero 2691. [15] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/126; at ang Majmū` Fatāwā Al-`Allāmah Ibni Bāz, 3/277. Tingnan: Ang Sampung Kadahilanan na Naitutulak sa Pamamagitan ng mga Ito ang Kasamaan ng Naiinggit at Manggagaway sa Ikatlong Bahagi ng Paglulunas sa Usog sa aklat na ito.
4. Ang pagkain ng pitong datiles na `ajwah nang walang laman ang tiyan sa umaga kapag naisaposible, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang kumain sa umaga ng pitong datiles na `ajwah, walang makapipinsala sa kanya sa araw na iyon na lason ni panggagaway."[16] Ang pinakakumpleto na ito ay maging mula sa datiles ng Madīnah mula sa pagitan ng dalawang kaparangan gaya ng nasa salaysay ni Imām Muslim. Naniniwala ang Kanyang Kabunyiang Shaykh nating si `Allāmah `Abdul`azīz bin `Abdullāh Ibni Bāz (kaawaan siya ni Allāh) na ang lahat ng datiles ng Madīnah ay katatagpuan ng katangiang ito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang kumain ng pitong datiles mula sa pagitan ng dalawang kalatagan nito[17] kapag nag-uumaga ..." Sinipi ang hadith.[18] [16] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/247, sa numero 5445; at Ṣaḥīḥ Muslim, 3/1618, sa numero 2047. [17] Ang kalatagan (lābah) ay ang kaparangan. Ito ay isang lupaing may mga batong itim na nabubukbok na para bang ang mga ito ay sinunog ng isang apay. Tumutukoy siya sa dalawang kalatagan dito sa dalawang kaparangang pumapaligid sa Lungsod ng Propeta. Tingnan ang Fayḍ Al-Qadīr ni Al-Manāwīy, 2/514. [18] Ṣaḥīḥ Muslim, 3/1618, sa numero 2047.
Naniniwala rin siya (kaawaan siya ni Allāh) na iyon ay inaasahan sa sinumang kumain ng pitong datiles mula sa iba pa sa datiles ng Madīnah nang walang pasubali.
Ang Ikalawang Bahagi: Ang Paglulunas sa Panggagaway Matapos ng Pagkaganap Nito, na ilang Uri:
Ang Unang Uri: Ang pagpapalabas nito at ang pagpapawalang-saysay Nito kapag nalamang ang lugar sa pamamagitang ng mga pamamaraang pinapayagan ayon sa batas. Ito ay kabilang sa pinakamasidhing ipinanlulunas sa nagaway.[19] [18] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/124; ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/132, sa numero 5765; ang Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1917, sa numero 2189; at ang Majmū` Fatāwā Ibni Bāz, 3/228.
Ang Ikalawang Uri: Ang Ruqyah na Pambatas. Kabilang rito ang sumusnod:[20] [20] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn Fī `Ilāj Aṣ-Ṣar` Wa As-Siḥr Wa Al-`Ayn, p. 138.
Una: Dudurog ng pitong dahon ng luntiang sidr (mansanitas) sa pagitan ng dalawang bato o tulad ng mga ito, pagkatapos magbubuhos dito ng tubig na sasapat para sa pagpaligo at bibigkas dito ng:
"A`ūdhu bi-llāhi mina -shshayṭāni -rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa isinumpang Demonyo.)" {Allāhu lā ilāha illā huwa -lḥayyu -lqayyūm, lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm, lahū mā fi -ssamāwāti wa-mā fi -l'arḍ; man dhā -lladhī yashfa`u `indahū illā bi-idhnih, ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum: wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā ', wasi`a kursīyuhu -ssamāwāti wa-l'arḍ: wa-lā ya'ūduhū hifḍ̆uhumā, wa-huwa -l`alīyu -l`aḍ̆īm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)} (Qur'ān 2:255)
{117. Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Pumukol ka ng tungkod mo," kaya biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila. 118. Kaya napagtibay ang katotohanan at napawalang-saysay ang dati nilang ginagawa. 119. Kaya nadaig sila roon at umuwi na mga nanliliit. 120. Ipinukol ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. 121. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang, 122. na Panginoon nina Moises at Aaron."} (Qur'ān 7:117-122)
{79. Nagsabi si Paraon: "Magdala kayo sa akin ng bawat manggagaway na maalam. 80. Kaya noong dumating ang mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol." 81. Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: "Ang inihatid ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagatiwali. 82. Nagsasakatotohanan si Allāh sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man nasuklam ang mga salarin." (Qur'ān 10:79-82)
{65. Nagsabi sila: "O Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami ay kauna-unahan sa sinumang pupukol." 66. Nagsabi siya: "Bagkus pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad. 67. Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises. 68. Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas." 69. Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Tunay na ang niyari nila ay isang panlalansi ng isang manggagaway. *Hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta. 70. Kaya ipinukol ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises."} (Qur'ān 20:65-70)
Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) {1. Qul yā'ayyuha -lkāfirūn (Sabihin mo: "O mga tagatangging sumampalataya,) 2. Lā a`budu mā ta`budūn, (hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo,) 3. Wa-lā antum `ābidūna mā a`bud; (ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;) 4. Wa-lā ana `ābidum mā `abadttum, (ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo,) 5. Wa-lā antum `ābidūna mā a`bud; (ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;) 6. Lakum dīnukum wa-liya dīn. (Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.")}
{Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)} {1. Qul huwa -llāhu aḥad. (Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.) {2. Allāhu -ṣṣamad. (Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].) 3. Lam yalid wa-lam yūlad. (Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.) 4. wa lam yakul lahū kufuwan aḥad. (at walang isa na sa Kanya ay naging kapantay.)}
{Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)} {1. Qul a`ūdhu bi-rabbi -lfalaq (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway) 2. min sharri mā khalaq, (laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya,) 3. wa-min sharri ghāsiqin idhā waqab, (at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,) 4. wa-min sharri -nnaffāthāti fi -l`uqad, (at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,) 5. wa min sharri ḥāsidin idhā ḥasad. (at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag naiinggit ito.)}
{Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)} {1. Qul a`ūdhu bi-rabbi -nnās, (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,) 2. maliki -nnās, (na Hari ng mga tao,) 3. ilāhi -nnās (na Diyos ng mga tao,) 4. min sharri -lwaswāsi -lkhannās, (laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,) 5. alladhī yuwaswisu fī ṣudūr -nnās, (5. na nagpapasaring sa mga dibdib ng mga tao,) 6. mina -ljinnati wa -nnās. (na kabilang sa mga jinn at mga tao.)}
Matapos bigkasin sa tubig ang nabanggit, iinom mula rito nang tatlong ulit at ipampapapaligo ang natitira. Sa pamamagitan niyon, maglalaho ang sakit kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya). Kung mananawagan ang pangangailangan sa pag-ulit niyon nang dalawang ulit o higit pa, wala namang masama hanggang sa maglaho ang karamdaman. Nasubok nga ito nang maraming ulit saka nagpakinabang naman si Allāh nito. Ito ay mahusay para sa sinumang napigilang makipagtalik sa maybahay niya.[21] [21] Tingnan ang Majmū` Fatāwā Ibni Bāz, 3/279; ang Fatḥ Al-Majīd, p. 346; ang Aṣ-Ṣārim Al-Battār Fi At-Taṣaddī Li-s-Saḥarah Wa Al-Ashrār ni Waḥīd `Abdussalām, p. 109-117. Mayroong ruqyah na mebenepisyo at pinahabang nagpapakinabang kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya), ang inakdaan ni `Abdurrazzāq, 11/13; at ang Fatḥ Al-Bārī ni Ibnu Ḥajar, 10, 233.
Ikalawa: Binibigkas ang Sūrah Al-Fātiḥah; ang Āyatulkursīy; ang dalawang huling talata ng Sūrah Al-Baqarah; at ang Sūrah Al-Ikhlāṣ at ang Dalawang Mu`awwidhah (ang Sūrah Al-Falaq at ang Sūrah An-Nās) nang tatlong ulit o higit kasama ng pag-ihip at pagpahid ng kanang kamay sa sakit.[22] [24] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1728, sa numero 2202.
Ikatlo: Ang mga Pampagpapakupkop, ang mga Ruqyah, at ang mga Panalanging Masaklaw [22] Tingnan ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 9/62, sa numero 5016; ang Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1723, sa numero 2192; at ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/208.
1. As'alu -llāha -l`ađīma rabba -l`arshi -l`ađīmi an yashfiyak. (Pitong ulit.) (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya.)[23] [23] Sunan Abī Dāwud, 3/187, sa numero 3106; at Sunan At-Tirmidhīy, 2/410, sa numero 2083. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 5/180 at 322; at sa Ṣaḥīḥ Sunan Abī Dāwud, 2/276.
2. Maglalagay ang maysakit ng kamay niya sa nakasasakit sa kanya sa katawan niya. Magsasabi siya ng: "Bismi -llāhi (Sa ngalan ni Allāh)" nang tatlong ulit at magsasabi siya ng: "A`ūdhu bi-llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa uḥādhir. (Nagpapakupkop ako kay Allāh at sa kakayahan Niya laban sa kasamaan ng anumang nararamdaman ko at pinangingilagan ko.)"[24] [27] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1728, sa numero 2709.
3. Allāhumma, rabba -nnāsi, adhhibi -lba'sa, wa-shfi anta -shshāfī, lā shifā'a illā shifā'uka, shifā'an lā yughādiru saqmā. (O Allāh, Panginoon ng mga tao, mag-alis Ka ng kasiraan at magpagaling Ka; Ikaw ay ang Tagapagpagaling: walang pagpapagaling kundi ang pagpapagaling Mo bilang pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman.)[25] [68] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/206, sa numero 5745; at Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1724, sa numero 2194.
4. A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -tāmmati min kulli shayṭānin wa-hāmmah, wa min kulli `aynin lāmmah. (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa bawat demonyo at salot at laban sa bawat matang masama.)[26] [26] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 6/408, sa numero 3371.
6. A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min ghaḍabihi wa-`iqābihi, wa-sharri `ibādihi, wa-min sharri hamazāti -shshayāṭīni wa-an yaḥḍurūn. (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa galit Niya at parusa Niya, at laban sa kasamaan ng mga lingkod Niya, at laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo at sa pagdating nila.)[28] [23] Sunan Abī Dāwud sa numero 3893 at Sunan At-Tirmidhīy sa numero 3528. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/171.
7. A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti -llatī lā yujāwizuhunna barrun wa-lā fājirun min sharri mā khalaqa wa-bara'a wa-dhara'a, wa-min sharri mā yanzilu mina -ssamā'i, wa-min sharri mā ya`ruju fīhā, wa-min sharri mā dhara'a fi -l'arḍi, wa min sharri mā yakhruju minhā, wa-min -sharri fitani -llayli wa-nnahāri, wa-min sharri kulli ṭāriqin illā ṭāriqan yaṭruqu bi-khayrin, yā raḥmān. (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh, na hindi malalampasan ng nagpapakabuti ni ng masamang-loob, laban sa kasamaan ng nilikha Niya, ginawa Niya, at nilalang Niya, laban sa kasamaan ng anumang bumababa mula sa langit, laban sa kasamaan ng anumang umaakyat doon, laban sa kasamaan ng anumang nilalang sa lupa, laban sa kasamaan ng anumang lumalabas mula rito, laban sa kasamaan ng mga pagsubok sa gabi at maghapon, laban sa kasamaan ng bawat dumadalaw sa gabi maliban sa isang dumadalaw sa gabi na may dalang kabutihan, O Napakamaawain.)[29] [29] Musnad Aḥmad, 3/119, sa numero 15461, sa isang isnād na tumpak; at Ibnu As-Sunnīy sa numero 637. Tingnan ang Majma` Az-Zawā'id, 10/127. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 7/196.
8. "Allāhumma rabba -ssamāwāti -ssab`i wa-rabba -l'arḍi wa-rabba -l`arshi -l`ađīm, rabbanā wa-rabba kulli shay', fāliqa -lḥabbi wa-nnawā, wa-munzila -ttawrāti wa-l'injīli wa-lfurqān. A`ūdhu bika min sharri kulli shay'in anta ākhidhum bi-nāṣiyatih. Allāhumma anta -l'awwalu fa-laysa qablaka shay', wa-anta -l'ākhiru fa-laysa ba`daka shay', wa-anta -ḍ̆ḍ̆āhiru fa-laysa fawqaka shay', wa-anta -lbāṭinu fa-laysa dūnaka shay', ... (O Allāh, Panginoon ng pitong langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay, tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, tagapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito. O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nakaiibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Nakaiilalim kaya walang anuman sa ilalim Mo.)"[30] [30] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/2084, sa numero 2713.
9. "Bismi -llāhi arqīka min kulli shay'in yu'dhīka wa-min sharri kulli nafsin aw `aynin ḥāsidin; Allāhu yashfīka, bismi -llāhi arqīk.(Sa ngalan ni Allāh, bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allāh ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allāh, bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo.)"[31] [31] Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya), 4/1718, sa numero 2186.
10. "Bismi -llāhi yubrīk, wa-min kulli dā'in yashfīk, wa-min sharri ḥāsidin idhā ḥasad, wa-min sharri kulli dhī `ayn. (Sa ngalan ni Allāh, mag-ingat Siya sa iyo, mula sa bawat sakit magpagaling Siya sa Iyo, laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag naiinggit ito, at laban sa kasamaan ng bawat may usog.)"[32] [32] Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), 4/1718, sa numero 2185.
11. "Bismi -llāhi arqīka min kulli shay'in yu'dhīka min ḥāsidin idhā ḥasad, wa-min sharri kulli dhī `ayn. Allāhu yashfīk. (Sa ngalan ni Allāh, bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo na isang inggit ng isang naiinggit at laban sa may usog. Si Allāh ay magpagaling sa iyo.)"[33] [33] Sunan Ibni Mājah sa numero 3527, ayon kay `Ubādan bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/268.
Ang mga Pampagpapakupkop, ang mga Panalangin, at ang mga Ruqyah na ito ay ipinanlulunas laban sa panggagaway, usog, pagkasaling ng jinn, at lahat ng mga sakit sapagkat tunay na ang mga ito ay mga orasyong masaklaw na nagpapakinabang ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya):
Ang Ikatlong uri: Ang pagpapaluwa ng sakit sa pagsasagawa ng ḥijāmah sa kinalalagyan o bahagi ng katawan na nilitawan ng bakas ng panggagaway kung naisasaposible iyon at kung hindi naman naisasaposible ay makasasapat ang naunang nabanggit na paglulunas kalakip ng papuri kay Allāh (napakataas Siya).[34] [34] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/125. Mayroong mga uri ng lunas sa panggagaway matapos ng pagkaganap nito, na wala namang masama sa mga ito kapag sinubukan saka nagpakinabang. Tingnan ang inakdaan ni Ibnu Abī Shaybah, 7/386-387; ang Fatḥ Al-Bārī, 10/233-234; ang inakdaan ni `Abdurrazzāq, 11/13; ang Aṣ-Ṣārim Al-Battār, p. 194-200; at ang As-Siḥru Ḥaqīqatuh Wa Ḥukmuh ni Doktor Musfir Ad-Damīnīy, p. 64-66.
Ang Ikaapat na Uri: Ang mga likas na gamot sapagkat mayroong mga likas na gamot na nagpapakinabang, na nagpatunay sa mga ito ang Marangal na Qur'ān at ang Dinalisay na Sunnah. Kapag gumamit ng mga ito ang tao nang may katiyakan, katapatan, at pagtuon kasama ng paniniwala na ang pagpapakinabang ay nasa ganang kay Allāh, magpapakinabang si Allāh sa pamamagitan ng mga ito kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya). Mayroon ding mga gamot na binubuo ng mga halaman at tulad ng mga iyan. Ang mga ito ay nakabatay sa eksperimento kaya naman walang nakahahadlang sa pagpapabenepisyo sa mga ito ayon sa batas hanggat ang mga ito ay hindi naging bawal.[35] [35] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn Fī `Ilāj Aṣ-Ṣar` Wa As-Siḥr Wa Al-`Ayn, p. 139. [46] Tingnan ang naunang pagtatalakay sa ikalawang uri ng paglulunas sa panggagaway sa aklat na ito.
Kabilang sa mga likas na nagpapakinabang na paglulunas ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya) ang pulut-pukyutan, [36] ang Butil na Itim (Ḥabbah Sawdā'), [37] ang tubig ng Zamzam, at ang tubig ng langit batay sa sabi ni Allāh: {Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na pinagpala} (Qur'ān 50:9) [36] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn, p. 140. Tatalakayin ang paglulunas sa pamamagitan ng pulut-pukyutan sa aklat na ito. [37] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn, p. 141. Tatalakayin ang paglulunas sa pamamagitan ng Butil na Itim (Ḥabbah Sawdā') sa aklat na ito. [38] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn, p. 144. Tatalakayin ang paglulunas sa pamamagitan ng tubig ng Zamzam sa aklat na ito.
at ang langis ng oliba batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng oliba at maglangis kayo nito sapagkat tunay na ito ay mula sa isang punong pinagpala."[39] Napagtibay ng mula sa aktuwal na karanasan, paggamit, at pagbigkas na ito ay pinakamainam na langis.[40] Kabilang sa mga likas na gamot ang pagpaligo, ang pagpapakalinis, at ang pagpapabangon.[41] [39] Aḥmad sa Al-Musnad, 3/497, sa numero 16055; Sunan At-Tirmidhīy sa numero 1851; at Sunan Ibn Mājah sa numero 3319. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/166. [40] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn Fī `Ilāj Aṣ-Ṣar` Wa As-Siḥr Wa Al-`Ayn, p. 142. [41] Tingnan ang naunang sanggunian, p. 145.
2. Ang Paglulunas sa Usog
Ang paglulunas sa pagdapo ng usog ay ilang bahagi:
Ang Unang Bahagi: Bago ng Pagdapo ng Usog, na Ilang Uri:
1. Ang pagpapakatibay at ang pagpapatibay laban sa pinangangambahan sa pamamagitan ng mga dhikr, mga panalangin, mga pagpapakupkop na isinasabatas gaya ng sa Unang Bahagi ng paglulunas sa panggagaway.[42] [42] Tingnan ang naunang pagtatalakay sa paglulunas sa panggagaway sa aklat na ito.
2. Ang sinumang natatakot o nangangamba sa pagdapo ng usog sa kanya –kapag nakakita siya mula sa sarili niya o ari-arian niya o anak niya o kapatid niya o iba pa roon ng anumang nagpapahanga sa kanya – ay mananalangin ng pagpapala kaya magsasabi siya ng: "Mā shā'a -llāhu lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh; Allāhumma bārik `alayh (Ang niloob ni Allāh; walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, O Allah, pagpalain Mo siya rito.)" batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakakita ang isa sa inyo mula sa kapatid niya o mula sa sarili nito o mula sa yaman nito ng hinahangaan niya ay manalangin siya ng pagpapala para rito ..."[43] [43] Muwaṭṭa' Mālik, 2/938; Sunan Ibni Mājah, 2/1160 sa numero 3509; at Musnad Aḥmad, 4/447, sa numero 15700. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/265. Zād Al-Ma`ād, 4/170; at Aṣ-Ṣārim Al-Battār Fi At-Taṣaddī Li-s-Saḥarah Wa Al-Ashrār ni Shaykh Waḥīd `Abdussalām, p. 252-229.
3. Ang pagtatakip sa mga kagandahan ng sinumang pinangangambahan sa kanya ang usog.[44] [44] Tingnan ang Sharḥ As-Sunnah ni Al-Baghawīy, 13/116; at ang Zād Al-Ma`ād, 4/173.
Ang Ikalawang Bahagi: Matapos ng Pagdapo ng Usog, na Ilang Uri:
1. Kapag nakilala ang nakausog, uutusan siya na magsagawa ng wuḍū', pagkatapos maliligo dahil dito ang dinapuan ng usog.[45] [45] Tingnan ang Sunan Abī Dāwud, 4/9, sa numero 5056 – sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 6/61; at ang Zād Al-Ma`ād, 4/163. Tingnan ang Al-Wiqāyah Wa Al-`Ilāj Min Al-Kitāb Wa As-Sunnah ni Muḥammad bin Shāyi`, p. 144-147.
2. Ang pagpaparami ng pagbigkas ng: Sūrah Al-Ikhlāṣ, Dalawang Pagpapakupkop (Sūrah Al-Falaq at Sūrah An-Nās), Sūrah Al-Fātiḥah, Āyatulkursīy, mga pangwakas ng Sūrah Al-Baqarah, ang mga panalanging isinasabatas sa ruqyah kasama ng pag-ihip at pagpahid ng kanang kamay sa kinalalagyan ng sakit gaya ng sa ikalawang uri ng paglulunas sa panggagaway sa parapo C mula sa numero 1-11.[46] [57] Tingnan ang ikalawang uri ng paglulunas sa panggagaway sa aklat na ito.
3. Bibigkas sa tubig kasama ng pag-ihip, pagkatapos iinom mula rito ang maysakit at magbubuhos siya sa kanya ng natitira,[47] o bibigkas siya sa langis at magpupunas nito.[48] Kapag ang pagbigkas ay sa tubig ng Zamzam, ito ay magiging higit na kumpleto kung naging posible ito;[49] o sa tubig ng langit.[50] [47] Sunan Abī Dāwud, 4/10, sa numero 3885. Gumawa niyon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Thābit Ibnu Qays. Sumang-ayon sa kahinaan nito si Al-Albānīy sa Ḍa`īf Abī Dāwud sa numero 836. [48] Musnad Aḥmad, 3/497, sa numero 16055. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 1/108, sa numero 379. [49] Tingnan ang naunang pagtatalakay sa ikaapat na uri ng paglulunas sa panggagaway sa aklat na ito. [52] Tingnan ang ikalawang uri ng paglulunas sa panggagaway sa aklat na ito.
4. Walang masama na magsulat para sa maysakit ng mga talata mula sa Qur'ān, pagkatapos hugasan at inumin ito.[51] Kabilang doon ang Al-Fātiḥah, ang Āyatulkursīy, ang dalawang huling talata ng Sūrah Al-Baqarah, ang Sūrah Al-Ikhlāṣ, ang Dalawang Mu`awwidhah (ang Sūrah Al-Falaq at ang Sūrah An-Nās), at ang mga panalangin ng ruqyah gaya ng sa ikalawang uri ng paglulunas sa panggagaway sa parapo B at C mula sa numero 1-11.[52] [2] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād ni Ibnu Al-Qayyim, 4/170 at ang Fatāwā Ibni Taymiyah,m 19/64. [50] Tingnan ang naunang pagtatalakay sa ikaapat na uri ng paglulunas sa panggagaway sa aklat na ito.
Ang Ikatlong Bahagi: Ang paggawa ng mga kadahilanang nagtutulak sa usog ng naiinggit, na ayon sa sumusunod na paraan:
1. Ang paghiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa kasamaan nito.
2. Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang pag-iingat sa Kanya sa sandali ng pag-uutos Niya at pagsaway Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): "Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya."[53] [53] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 2516. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/309.
3. Ang pagtitiis sa naiinggit at ang pagpapaumanhin sa kanya kaya hindi makikipaglaban sa kanya, hindi magsusumbong sa kanya, at hindi magbabalak sa sarili ng pagperhuwisyo sa kanya.
4. Ang pananalig kay Allāh sapagkat ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan sa kanya.
5. Hindi mangangamba sa naiinggit at hindi magpupuno ng puso ng pag-iisip sa kanya. Ito ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang sa mga gamot.
6. Ang pagtuon kay Allāh, ang pagpapakawagas sa Kanya, at ang paghahangad ng kaluguran Niya (kaluwalhatian sa Kanya).
7. Ang pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala dahil ito ay maghahari sa tao sa mga kaaway nito: {Ang anumang tumama sa inyo na kasawiang-palad ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo – at nagpapaumanhin Siya sa marami.} (Qur;an 42:30)
8. Ang pagkakawanggawa at ang paggawa ng maganda hanggat naisasaposible sapagkat tunay na may kahanga-hangang pag-epekto roon sa pagtulak ng kasawian, usog, at kasamaan ng naiinggit.
9. Ang pag-apula sa apoy ng naiinggit, lumalabag, at namemerhuwisyo sa pamamagitan ng paggawa ng maganda rito. Kaya naman sa tuwing nagdaragdag siya sa iyo ng perhuwisyo, kasamaan, paglabag, at pagkainggit, magdaragdag ka ng paggawa ng maganda sa kanya, pagpapayo sa kanya, at pagkahabag sa kanya. Walang naitutuon dito kundi ang sinumang bumigat ang grasya sa kanya mula kay Allāh.
10. Ang pagdadalisay ng Tawḥīd at ang pagpapakawagas dito para sa Panginoong Makapangyarihang Marunong, na walang nakapipinsala na anuman at walang nakapagpapakinabang malibang ayon sa pahintulot Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Siya ang tagatipon niyon sa kabuuan niyon. Doon ang kinasasalalayan ng mga kadahilanang ito sapagkat ang Tawḥīd ay ang pinakadakilang muog ni Allāh, na ang sinumang pumasok doon, siya ay magiging kabilang sa mga matiwasay.
Ang mga ito ay sampung kadahilanan na naipantutulak sa kasamaan ng naiinggit, nakauusog, at manggagaway.[54] [54] Tingnan ang Badā'i` Al-Fawā'id ni Ibnu Al-Qayyim, 2/238-245.
3. Ang Paglulunas sa Panlilito ng Jinn sa Tao
Ang paglulunas sa sinapian na pinasok ng jinn at nilito nito ay dalawang bahagi:
Ang Unang Bahagi: Bago ng Pagdapo:
Bahagi ng pagsanggalang ang pangangalaga sa lahat ng mga tungkulin at mga kinakailangang gampanan, ang paglayo sa lahat ng mga ipinagbabawal, ang pagbabalik-loob mula sa lahat ng mga masagwang gawa, at ang pagpapakatibay sa pamamagitan ng pagsambit ng mga dhikr, mga panalangin, at mga pagpapakupkop na isinasabatas.
Ang Ikalawang Bahagi: Ang Paglulunas Matapos ng Pagpasok ng Jinn
Ito ay sa pamamagitan ng pagbigkas ng Muslim na sumang-ayon ang puso niya sa dila niya at ruqyah niya sa sinaniban. Ang pinakadakilang paglulunas ay ang ruqyah sa pamamagitan ng Sūrah Al-Fātiḥah,[55] Āyatulkursīy, ang dalawang huling talata ng Sūrah Al-Baqarah, at Sūrah Al-Ikhlāṣ, at Sūrah Al-Falaq at Sūrah An-Nās kasama ng pag-ihip sa sinapian, pag-uulit-ulit niyon nang tatlong beses o higit pa at iba pa roon na mga talata ng Qur'ān dahil ang Qur'ān sa kabuuan nito ay may isang pagpapagaling para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.[56] Ang mga panalangin ng ruqyah ay gaya ng sa ikalawang uri ng paglulunas sa panggagaway sa parapo B at C.[57] Walang pagkaiwas sa paglulunas na ito sa dalawang bagay: [55] Tingnan ang Sunan Abī Dāwud, 4/13-14, sa numero 3896; at ang Musnad Aḥmad, 5/210, sa numero 21835. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah sa numero 2028. [56] Tingnan ang Al-Fatḥ Ar-Rabbānīy Tartīb Musnad Al-Imām Aḥmad, 17/183.
Ang una ay mula sa panig ng sinaniban sa pamamagitan ng lakas ng sarili niya, katapatan ng pagtuon niya kay Allāh, at pagpapakupkop na tumpak na nagkasapakatan dito ang puso at ang dila.
Ang ikalawa ay mula sa panig ng tagapaglunas na siya ay maging gayon sapagkat tunay na ang sandata ay nakasalig sa tagagamit nito.[58] [58] Tingnan ang pinahabang mabenepisyong ruqyah sa Aṣ.Ṣārim Al-Battār, p. 109-117 ni Shaykh Waḥīd `Abdussalām. Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/66-69; ang Īḍāḥ Al-Ḥaqq Fī Dukhūl Al-Jinnīy Bi-l`Insīy Wa Ar-Radd `Alā Man Ankara Dhālik ni `Allāmah `Abdul`azīz Bin `Abdillāh Ibni Bāz, p. 14; ang Fatāwā Ibni Taymiyah, 19/9-65 at 24/276; at ang Al-Wiqāyah Wa Al-`Ilāj Min Al-Kitāb Wa As-Sunnah ni Muḥammad Bin Shāyi`, p. 66-69. Tingnan ang Kayfīyah Ṭard Al-Jinn Min Al-Bayt; ang Al-Wiqāyah Wa Al-`Ilāj ni Muḥammad Bin Shāyi`, p. 59; at ang `Ālam Al-Jinn Wa Ash-Shayāṭīn ni Al-Ashqar, p. 130.
Kung sasambitan ng adhān sa tainga ng sinaniban, maganda ito dahil ang demonyo ay tumatakas mula roon.[59] [59] Tingnan ang Fatḥ Al-Ḥaqq Al-Mubīn Fī `Ilāj Aṣ-Ṣar` Wa As-Siḥr Wa Al-`Ayn, p. 112; at ang Al-Bukhārīy sa numero 574.
4. Ang Paglulunas sa mga Sakit na Sikolohikal:
[60] Tingnan kaugnay roon ang mga kadahilanan ng pagluwag ng dibdib sa Zād Al-Ma`ād, 2/23-28; at aklat na Al-Wasā'il Al-Mufīdah Li-l-Ḥayāh As-Sa`īdah ni `Allāmah `Abdurraḥmān bin Nāṣir As-Sa`dīy (kaawaan siya ni Allāh).
Ang pinakamatindi sa paglulunas sa mga sakit na sikolohikal[60] at paninikip ng dibdib nang may kaiksian ay ang sumusunod:
1. Ang patnubay at ang Tawḥīd kung paanong ang pagkaligaw at ang Shirk ay kabilang sa pinakamatindi sa mga kadahilanan ng paninikip ng dibdib.
2. Ang liwanag ng tapat na pananampalataya na ipinupukol ni Allāh sa puso ng tao kasama ng maayos na gawain.
3. Ang kaalamang nagpapakinabang sapagkat sa tuwing lumalawak ang kaalaman ng tao, lumuluwag ang dibdib niya at lumalawak.
4. Ang pagsisisi at ang pagbabalik kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang pag-ibig sa Kanya ng buong puso at ang pagtuon sa Kanya, at ang pagpapakaginhawa sa pagsamba sa Kanya.
5. Ang pamamalagi sa pag-alaala kay Allāh sa bawat lagay at sa bawat dako sapagkat ang pag-alaala ay may isang kahanga-hangang pag-epekto sa pagkaluwag ng dibdib, kaginhawahan ng puso, at paglaho ng alalahanin at kahapisan.
6. Ang paggawa ng maganda sa nilikha sa pamamagitan ng mga uri ng paggawa ng maganda at ang pagpapakinabang sa kanila ng anumang naisasaposible sapagkat ang mapagbigay na tagagawa ng maganda ay ang pinakamaluwag sa mga tao sa dibdib, ang pinakakaaya-aya sa kanila sa kaluluwa, at ang pinakamalambot sa kanila sa puso.
7. Ang katapangan sapagkat tunay na ang matapang ay maluwag ang dibdib at malawak ang puso.
8. Ang pagpapalabas ng katiwalian[61] ng puso kabilang sa mga katangiang napupulaang nag-oobliga ng kasikipan nito at pagdurusa rito gaya ng pagkainggit, pagkamuhi, hinanakit, pagkapalaaway, pagkasuklam, at paglabag. Napagtibay nga na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinanong tungkol sa pinakamainam sa mga tao kaya nagsabi siya: "Ang bawat binusilak ang puso, na mapagtapat ang dila." Kaya nagsabi sila: "Ang mapagtapat ang dila ay nakakikilala kami nito ngunit ano po ang binusilak ang puso?" Nagsabi siya: "Siya ang mapangilag magkasala, na malinis, na walang kasalanan sa kanya ni paglabag ni hinanakit ni pagkainggit."[62] [61] Ang katiwalian ng anuman ay kapintasang taglay nito na sumisira rito. [62] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 4216. Sumang-ayon sa katumpakan nito si `Allāmah Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/411.
9. Ang pag-iwan ng mga kalabisan sa pagtingin, pagsasalita, pakikinig, pakikihalo, pagkain, at pagtulog sapagkat tunay na ang pag-iwan niyon ay kabilang sa pagluwag ng dibdib, pagginhawa ng puso, at paglaho ng alalahanin nito at kahapisan nito.
10. Ang pagpapakaabala sa isang kabilang sa mga gawain [na mabuti] o isang kaalamang kabilang sa mga kaalamang nagpapakinabang sapagkat tunay na ito ay nagpapalingat sa puso palayo sa anumang nagpabagabag dito.
11. Ang pagpapahalaga sa gawain ng kasalukuyang araw at ang pagputol nito palayo sa pagpapahalaga sa hinaharap na panahon at palayo sa pagkalungkot sa nakalipas na panahon sapagkat ang tao ay nagsisipag sa anumang nagpapakinabang sa kanya sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo, humihiling sa Panginoon niya ng tagumpay sa pinapakay niya, at nagpapatulong sa Kanya roon sapagkat tunay na iyon ay nagpapalibang palayo sa alalahanin at lungkot.
12. Ang pagtingin sa sinumang siyang mababa sa iyo at hindi pagtingin sa sinumang siyang mataas sa iyo sa kagalingan at mga sangay nito at panustos at mga sangay nito.
13. Ang paglimot sa nakalipas na mga kinasusuklaman na hindi naisasaposible ang pagbawi ng mga ito kaya hindi mag-iisip ng mga ito nang walang-pasubali.
14. Kapag may nangyari sa tao na isa sa mga kasawian, kailangan sa kanya ang magpunyagi sa pagpapagaan nito sa pamamagitan ng pagtantiya sa pinakamasaklap sa mga posibilidad na pagwawakasan ng pangyayari at pagtulak dito alinsunod sa nakakakaya niya.
15. Ang lakas ng puso, ang hindi pagkabagabag nito at pagkaapekto nito sa mga haka-haka at mga pantasya na hinahatak ng mga masagwang ideya, at ang hindi pagkagalit. Hindi pakaaasahan ang paglaho ng mga naiibigan at ang pangyayari ng mga kinasusuklaman; bagkus iaasa kay Allāh ang kaganapan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kasabay ng pagsasagawa ng mga kadahilanang nagpapakinabang at paghiling kay Allāh ng paumanhin at kagalingan.
16. Ang pagsandal ng puso kay Allāh, ang pananalig sa Kanya, at ang kagandahan ng palagay sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sapagkat tunay na ang nananalig kay Allāh ay hindi nakaapekto sa kanya ang mga haka-haka. [65] Sunan Abī Dāwud, 4/324, sa numero 5090; at Musnad Aḥmad, 5/42, sa numero 0430. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` sa numero 3388. Sumang-ayon siya sa kagandahan nito sa Ṣaḥīḥ Sunan Abī Dāwud, 3/251.
17. Ang nakapag-uunawa ay nakaaalam na ang tumpak na buhay niya ay ang buhay ng kaligayahan at kapanatagan at na ito ay lubhang maikli. Kaya naman hindi siya nagkukulang dito dahil sa pag-aalala at pagpapalayaw sapagkat tunay na iyon ay kontra sa malusog na buhay.
18. Kapag may dumapo sa kanya na isang kinasusuklaman, maghahambing siya sa pagitan ng nalalabi sa mga biyayang nangyayari sa kanya panrelihiyon man o pangmundo at ng dumapo sa kanya na kinasusuklaman sapagkat sa sandali ng paghahambing ay magliliwanag ang dami ng dulot sa kanya na mga biyaya. Gayundin, maghahambing siya sa pagitan ng pinangangambahan niya na pagkapangyari ng isang kapinsalaan sa kanya at ng maraming malakas na posibilidad. Sa pamamagitan niyon maglalaho ang pag-aalala niya at ang pangangamba niya.
19. Nakaaalam siya na ang perhuwisyo ng mga tao ay hindi nakapipinsala sa kanya, lalo na sa mga sinasabing karima-rimarim; bagkus nakapipinsala ito sa kanila kaya hindi siya nagbibigay rito ng pansin ni alintana nang sa gayon hindi makapinsala ito sa kanya.
20. Ilalagay ang mga iniisip sa magdudulot sa kanya ng pakinabang sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo.
21. Hindi maghahangad ang tao ng pagkilala sa nakabubuting ipinagkaloob niya at iminagandang-loob niya kundi mula kay Allāh. Nakaaalam siya na ito ay isang pakikitungo niya kay Allāh kaya hindi siya nagbibigay-pansin sa pasasalamat ng sinumang pinagmabutihang-loob niya. {Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.} (Qur'ān 76:9)
22. Ang paglalagay ng mga bagay-bagay na nagpapakinabang sa harap ng mga mata, ang paggawa ayon sa pagsasakatotohanan ng mga ito, at ang hindi paglingon sa mga bagay-bagay na nakapipinsala kaya hindi siya magpapaabala dahil sa mga ito sa paglingap niya at pag-iisip niya.
23. Ang pagtapos sa mga gawain sa kasalukuyan at ang paglalaan sa hinaharap nang sa gayon darating sa gawaing panghinaharap nang may lakas ng pag-iisip at paggawa.
24. Mamimili mula sa mga gawaing nagpapakinabang at mga kaalamang nagpapakinabang ayon sa pinakamahalaga saka higit na mahalaga at lalo na ang tumitindi ang pagkaibig dito. Magpapatulong doon kay Allah, pagkatapos sa pamamagitan ng pakikipagsanggunian. Kapag naisakatotohanan ang kapakanan at nagtika, mananalig kay Allah (aj).
25. Ang pagsasanaysay hinggil sa mga biyaya ni Allāh na panlabas at panloob sapagkat tunay na ang pagkakaalam sa mga ito at ang pagsasalita hinggil sa mga ito ay magtutulak si Allāh sa pamamagitan nito ng alalahanin at kahapisan at maghihimok sa tao sa pagpapasalamat.
26. Ang pakikitungo sa kabiyak, kamag-anak, pinakikitunguhan, at bawat sinumang sa pagitan mo at niya ay may kaugnayan, kapag nakatagpo ka sa kanya ng isang kapintasan, dahil sa pagkakilala ng taglay niya na mga kagandahan at paghahambing niyon, dahil sa pagkapansin doon magtatagal ang pagsasama at luluwag ang dibdib. Dahil dito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi namumuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang asal, malulugod siya rito sa ibang asal."[63] [63] Ṣaḥīḥ Muslim, 2/1091, sa numero 1469.
27. Ang pagdalangin ng kaayusan ng mga bagay-bagay sa kabuuan ng mga ito. Ang pinakadakila roon ay: "Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīha ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī ilayhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī min kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang pagrerelihiyon ko na siyang pananggalang sa kapakanan ko, isaayos Mo para sa akin ang Mundo ko na nasa loob nito ang kabuhayan ko, isaayos Mo para sa akin ang Kabilang-buhay ko na doon ang uwian ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"[64] at gayundin: "Allāhumma raḥmataka arjū fa-lā takilnī ilā nafsī ṭarfata `ayn, wa-aṣliḥ lī sha'nī kullah. Lā ilāha illā ant. (O Allāh, ang awa Mo ay inaasahan ko kaya huwag Mo akong ipagkatiwala sa sarili ko sa isang kisap-mata, at pabutihin Mo ang buong kalagayan ko. Walang Diyos kundi Ikaw.)"[65] [64] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/2087, sa numero 2720. [89] Sunan Abī Dāwud, 4/324, sa numero 5092; at Musnad Aḥmad, 5/42, sa numero 20430. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Irwā' Al-Ghalīl, 3/357; at si Al-Arnāūṭ sa pagsisiyasat niya sa Al-Musnad, 34/75.
28. Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makibaka kayo sa landas ni Allāh sapagkat tunay na ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay isang pintuan kabilang sa mga pintuan ng Paraiso, na nagliligtas si Allāh sa pamamagitan nito mula sa alalahanin at kahapisan."[66] [66] Musnad Aḥmad, 5/314, 316, 319, 330, 326, sa mga numero 21624, 22680, 22732. Al-Ḥākim, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman dito si Adh-Dhahabīy, 2/75. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah, 2/274.
Ang mga kadahilanan at ang mga kaparaanang ito ay paglulunas sa mga sakit na sikolohikal at kabilang sa pinakamatinding paglulunas sa pagkabagabag na sikolohikal para sa sinumang nagbulay-bulay sa mga ito at gumawa ayon sa mga ito nang may katapatan at pagpapakawagas. Lumunas nga sa pamamagitan ng mga ito ang mga maalam sa marami sa mga sitwasyon at mga sakit na sikolohikal, saka nagpakinabang naman si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng isang matinding pakinabang.[67] [67] Tingnan ang panimula ng Al-Wasā'il Al-Mufīdah, Ikalimang Limbag, p. 6.
5. Ang Paglulunas sa Ulsera (Ulcer) at Sugat (Wound)
Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumaing ang tao o mayroong itong ulsera o sugat, ay nagsasabi kalakip ng daliri niya ng ganito. Naglagay si Sufyān ng hintuturo niya sa lupa, pagkatapos nag-angat nito at nagsabi: "Bismi -llāh; turbatu arḍinā, bi-rīqati ba`ḍinā yushfĪ bihi saqĪminā bi-idhni rabbinā. (Sa ngalan ni Allāh; ang lupa ng lupa natin, sa pamamagitan ng laway ng isa sa atin, ay magpapagaling sa pamamagitan nito sa maysakit natin ayon sa pahintulot ng Panginoon natin.)"[68] [25] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/206, sa numero 5750; at Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1721, sa numero 2191.
[83] Sinasabing ang inis at ang pagkainis ay kasalungatan ng pagkalugod. Ang nainis ay nangangahulugang nagalit kaya ito ay naiinis. Ang nagpainis ay nangangahulugang nagpagalit.§ Tingnan ang Aṣ-Ṣiḥḥāḥ, salitang-ugat سخظ; at ang ِAl-Miṣbāḥ Al-Munīr, salitang-ugat سخظ.
Ang kahulugan ng ḥadīth ay na siya ay kumuha mula sa laway niya mismo sa pamamagitan ng hinlalaking daliri niya, pagkatapos naglagay siya nito sa alabok kaya may kaunting kumapit dito mula sa alabok saka nagpahid siya nito sa lugar ng sugat o sakit, habang nagsasabi siya ng panalanging iyan sa sandali ng pagpahid.[69] [69] Tingnan ang Sharḥ An-Nawawīy `Alā Ṣaḥīḥ Muslim, 14/184; at ang Fatḥ Al-Bārī ni Ibnu Ḥajar, 10/208. Tingnan ang nakasasapat na pagbibigay-linaw sa ḥadīth sa Zād Al-Ma`ād, 4/186-187. [84] Ibig sabihin: Ang taong Muslim.
6. Ang Paglulunas sa Kasawian
{22. Walang tumamang anumang kasawian sa lupa ni sa mga sarili ninyo malibang nasa isang talaan bago pa Kami lumalang niyon. Tunay na iyon kay Allāh ay madali. 23. [Iyon ay] upang hindi kayo magdalamhati sa anumang nakaalpas sa inyo at hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang.} (Qur'ān 57:22-23)
3. {Walang anumang taong tinamaan ng isang kasawian saka nagsabi: Inna lillāhi wa-innā ilayhi rāji`ūn. Allāhumma 'jurnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya magbabalik. O Allāh, magtumbas Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa riyan.)" malibang magpapabuya sa kanya si Allāh (napakataas Siya) dahil sa kasawian niya at magtutumbas para sa kanya ng higit na mabuti kaysa riyan.} [70] Ṣaḥīḥ Muslim, 2/633, sa numero 918.
4. {Kapag namatay ang anak ng tao, nagsasabi si Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga anghel: "Kinuha ninyo ang anak ng lingkod Ko?" Kaya magsasabi sila: "Oo." Kaya magsasabi Siya: "Kinuha ninyo ang bunga ng puso niya?" Kaya magsasabi sila: "Oo." Kaya magsasabi Siya: "Ano ang sinabi ng lingkod Ko?" Kaya magsasabi sila: "Nagpuri siya sa Iyo at dumalangin ng pagbabalik."[71] Kaya magsasabi Siya: "Magpatayo kayo para sa lingkod Ko ng isang bahay sa Paraiso at tawagin ninyo itong bahay ng pagpupuri."}[72] [71] Ibig sabihin: Nagsabi siya ng: "Alḥamdu lillāhi. Inna lillāhi wa-innā ilayhi rāji`ūn. (Ang papuri ay ukol kay Allāh. Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya magbabalik.)" [72] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 1021. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 1/298.
5. {Magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Walang ukol sa lingkod Kong mananampalataya na isang ganti – kapag kumuha ako ng hirang mula sa mga naninirahan sa Mundo pagkatapos umasa siya ng gantimpala rito – kundi ang Paraiso."}[73] [73] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 11/242, sa numero 6424.
6. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang lalaking namatay ang anak: "Hindi mo ba iibigin na hindi ka pupunta sa isang pintuan kabilang sa mga pintuan ng Paraiso malibang makatagpo ka rito habang naghihintay ito sa iyo?"[74] [74] Musnad Aḥmad sa numero 15595; at Sunan An-Nasā'īy, 4/23, sa Al-Janā'iz, Bāb Al-Amr Bi-l-Iḥtisāb Wa Aṣ-Ṣabr `Inda Nuzūl Al-Muṣībah, sa numero 1870, na ang sanad nito ay tumpak ayon sa kundisyon ng tumpak. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Ibnu Ḥibbān, 8/209. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Targhīb Wa At-Tarhīb sa numero 2007. Tingnan ang Fatḥ Al-Bārī, 11/243.
7. {Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Kapag sumulit ako ng lingkod Ko dahil sa iniibig niya saka nagtiis siya [at umasa siya ng gantimpala], magtutumbas Ako sa kanya dahil dito ng Paraiso."} tinutukoy Niya rito ang dalawang mata niya.[75] [75] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/116, sa numero 5653. Ang nasa pagitan ng mga panaklong ay mula sa Sunan At-Tirmidhīy sa numero 2400. Tingnan ang Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/286.
8. "Walang anumang Muslim na tinamaan ng isang perhuwisyo na isang karamdaman saka anumang iba rito malibang maglalaglag si Allāh dahil dito ng mga masagwang gawa niya kung paanong naglalaglag ang punong-kahoy ng mga dahon nito."[76] [76] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/120, sa numero 5648; at Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1991, sa numero 2571.
9. "Walang anumang Muslim na natinik ng isang tinik saka higit pa rito malibang may itatala ukol sa kanya dahil dito na isang antas at may buburahin para sa kanya dahil dito na isang kamalian."[77] [77] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1991, sa numero 2572.
10. "Walang tumatama sa mananampalataya na isang hapdi[76] ni kapagalan[79] ni karamdaman ni kalungkutan − kahit ang alalahanin na ipinag-aalala niya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan nito sa mga masagwang gawa niya."[81] [78] Ang hapdi ay ang pananakit na namamalagi at gaya nito ang sabi ni Allāh (Qur'ān 37:9): {Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian} Ibig sabihin: namamalaging nananatili. Tingnan ang Sharḥ An-Nawawīy, 16/130. [79] Ang kapagalan ay ang kapaguran. [80] Mabibigkas ito bilang "yahummuhu" at mabibigkas din ito bilang "yuhammuhu" na nangangahulugang: "ikinahahapis niya." Ang dalawa ay kapwa tumpak. Tingnan ang Sharḥ An-Nawawīy sa Ṣaḥīḥ Muslim, 16/130. [81] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1993, sa numero 2573.
11. "Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok. Tunay na si Allāh (napakataas Siya), kapag umibig Siya sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nainis, ukol sa kanya ang inis."[82][83] [85] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 2698 at Sunan Ibni Mājah sa numero 4023. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/286.
12. "... kaya naman hindi matitigil ang pagsusulit sa tao[84] hanggang sa mag-iwan ito sa kanya na naglalakas sa lupa habang sa kanya ay wala nang kamalian."[85] [82] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 2396 at Sunan Ibni Mājah sa numero 4031. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/286.
7. Ang Paglulunas sa Alalahanin at Kalungkutan
1. Walang tumama sa isang tao na isang alalahanin ni isang kalungkutan saka nagsabi siya ng: "Allāhumma innī `abduk, ibnu `abdik, ibnu amatik, nāṣīyatī bi-yadik, māḍin fīya ḥukmuk, `adlun fīya qaḍā'uk, as'aluka bi-kulli -smin huwa lak, sammayta bihi nafsak, aw anzaltahu fī kitābik, aw `allamtahu aḥadam min khalqik, awi -sta'tharta bihi fī `ilmi -lghaybi `indak, an taj`ala -lqur'āna rabī`a qalbī, wa-nūra ṣadrī, wa-jalā'a ḥuznī, wa-dhahāba hammī. (O Allāh, tunay na ako ay alipin Mo, anak ng lalaking alipin Mo, at anak ng babaing alipin Mo. Ang bumbunan ko ay nasa kamay Mo, matutupad sa akin ang hatol Mo, at makatarungan sa akin ang paghuhukom Mo. Hinihiling ko sa Iyo sa pamamagitan ng bawat pangalan na taglay Mo na ipinangalan Mo sa sarili Mo, o ibinaba Mo sa Aklat Mo, o itinuro mo sa isa sa mga nilikha Mo, o sinarili Mo sa kaalaman sa nakalingid na nasa Iyo, na gawin Mo ang Qur'ān bilang bukal ng puso ko, liwanag ng dibdib ko, tagapagpalisan ng kalungkutan ko, at tagapag-alis ng pag-aalala ko.)" – malibang mag-aalis si Allāh ng kalungkutan niya at alalahanin niya at magpapalit sa lugar nito ng tuwa.[86] [86] Musnad Aḥmad, 1/391, sa numero 3712. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Targhīb Wa At-Tarhīb sa numero 182.
2. "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lhammi wa -lḥazani wa -l`ajzi wa -lkasali wa -lbukhli wa -ljubni, wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa alalahanin, kalungkutan, kawalang-kakayahan, katamaran, karamutan, karuwagan, bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)"[87] [87] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, 7/158, sa numero 2893. Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsambit ng panalanging ito. Tingnan ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 11/173.
8. Ang Paglulunas sa Pighati
1. "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamāwāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"[88] [88] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, 7/154, sa numero 6346; at Ṣaḥīḥ Muslim, 4/2092, sa numero 2730.
2.
"Allāhumma raḥmataka arjū falā takilnī ṭarfata `ayn, wa aṣliḥ lī sha'nī kullah, lā ilāha illā ant. (O Allāh, ang awa mo ay inaasahan ko kaya huwag Mo akong ipagkatiwala sa sarili ko sa isang kisap-mata, at pabutihin Mo ang buong kalagayan ko. Walang [totoong] Diyos kundi Ikaw.)"[89]
3. "Lā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu mina -ḍ̆ḍ̆ālimīn. (Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.)"[90] [90] Sunan At-Tirmidhīy, 5/529, sa numero 3505; at Al-Ḥākim, na sumang-ayon sa katumpakan nito at nakisang-ayon naman dito si Adh-Dhahabīy, 1/505. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/168.
4. "Allāhu Allāhu rabbī lā ushriku bihi shay'ā. (Si Allāh, si Allāh ay Panginoon ko. Hindi ako nagtatambal sa Kanya ng anuman.)"[91] [91] Sunan Abī Dāwud, 2/87, sa numero 1525. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/335; at Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 4/196.
9. Ang Paglulunas ng Maysakit Para sa Sarili Niya
"Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng: bismi llāh (sa ngalan ni Allāh) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit na: A`ūdhu bi-llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allāh at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."[92] [92] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1728, sa numero 2202.
10. Ang Paglulunas ng Maysakit sa Pagdalaw sa Kanya
{Walang anumang Muslim na dumadalaw sa isang maysakit, na hindi pa dumating ang taning nito, saka nagsasabi nang pitong ulit: "As'alu -llāha -l`aḍ̆īma rabba -l`arshi -l`aḍ̆īmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya)" malibang pagagalingin siya.}[93] [93] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 2083 at Sunan Abī Dāwud sa numero 3893. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 2/210; at Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`, 5/180.
11. Ang Paglulunas sa Pagkaligalig at Pagkasindak sa Pagtulog
"A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min ghaḍabihi wa-`iqābihi, wa-sharri `ibādihi, wa-min hamazāti -shshayāṭīni wa-an yaḥḍurūn. (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa galit Niya at parusa Niya, at laban sa kasamaan ng mga lingkod Niya, at laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo at sa pagdating nila.)"[94] [94] Sunan Abī Dāwud, 4/12, sa numero 3893. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/171.
12. Ang Paglulunas sa Lagnat
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang lagnat ay mula sa init ng Impiyerno kaya palamigin ninyo ito sa pamamagitan ng tubig."[95] [95] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/174, sa numero 3264; at Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1733, sa numero 2210.
13. Ang Paglulunas sa Kagat at Tuklaw
1. Binibigkas ang Sūrah Al-Fātiḥah kasama ng pagbuga ng kaunting laway sa kinagatan.[96] [96] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/208, Kitāb Aṭ-Ṭibb, Bāb Ruqyah An-Nabīy (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Magpapahid dito ng tubig at asin kasama ng pagbigkas ng: Sūrah Al-Kāfirūn at Dalawang Pagpapakupkop (Sūrah Al-Falaq at Sūrah An-Nās).[97] [97] Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Mu`jam Aṣ-Ṣaghīr 2/830. Sumang-ayon sa kagandahan ng isnād nito si Al-Haythamīy sa Majma` Az-Zawā'id, 5/111. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah sa numero 548.
14. Ang Paglulunas sa Galit
Ang paglulunas sa galit ay sa pamamagitan ng dalawang paraan:
Ang Unang Paraan: Ang Pag-iingat
Nangyayari ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kadahilanan ng galit at kabilang sa mga kadahilanang ito ang pagkamapagmalaki, ang paghanga sa sarili, ang pagmamayabang, ang mapupulaang sigasig, ang pagbibirong wala sa lugar, ang kawalang-seryoso, at ang nakawangis niyan.
Ang Ikalawang Paraan: Ang Paglulunas Kapag Naganap ang Galit
Nalilimitahan ito sa apat na uri:
Ang paghiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa.
Ang pagsasagawa ng wuḍū'.
Ang pagpapaiba sa sitwasyong lumitaw rito ang galit sa pamamagitan ng pag-upo o paghiga o paglabas o pagpipigil sa pagsasalita o iba pa roon.
Ang pagsasagunita sa nasaad na gantimpala kaugnay sa pagpipigil ng ngitngit at nasaad na kabiguan kaugnay sa kahihinatnan ng galit.[98] [98] Tingnan ang pagdedetalyeng ito kalakip ng mga tumpak na patunay sa: Āfāt Al-Lisān, p. 110-112; at Al-Ḥikmah Fi Ad-Da`wah Ila Allāh, p. 64-66, ng may-akda.
15. Ang Paglulunas sa Pamamagitan ng Butil na Itim (Ḥabbah Sawdā')
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa Butil na Itim ay may kagalingan sa bawat sakit maliban sa kasawian." Nagsabi si Ibnu Shihāb: "Ang kasawian (sām) ay ang kamatayan at ang Butil na Itim ay ang Nigella."[99] Ang Butil na Itim ay lubhang marami ang mga kapakinabangan at ang sabi niya na: "kagalingan sa bawat sakit" ay tulad ng sabi ni Allāh: {Wawasak ito sa bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito} (Qur'ān 46:25) Ibig sabihin: Ang bawat bagay ay tatanggap ng pagwasak at mga kapareho nito. [25] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/143, sa numero 5688; at Ṣaḥīḥ Muslim, 1735, sa numero 2215. [100] Tingnan ang Zād Al-Ma`ād, 4/297; at ang Aṭ-Ṭibb Min Al-Kitāb Wa As-Sunnah ni Muwaffaquddīn `Abdullaṭīf Al-Baghdādīy, p. 88.
16. Ang Paglulunas sa Pamamagitan ng Pulut-pukyutan
1. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kaugnay sa pagkabanggit sa bubuyog: {May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.} (Qur'ān 16:69)
2. Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang kagalingan ay nasa tatlo: nasa pagtitistis sa tasa ng ḥijāmah o pag-inom ng pulut-pukyutan o kawterisasyon§ sa apoy. Ako ay sumasaway sa Kalipunan ko laban sa paghehero."[101] [101] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy kasama ng Al-Fatḥ, 10/137, sa numero 5681. Tingnan ang mga benepisyo ng pulut-pukyutan sa Zād Al-Ma`ād, 4/50-62; at ang Aṭ-Ṭibb Min Al-Kitāb Wa As-Sunnah ni Muwaffaquddīn `Abdullaṭīf Al-Baghdādīy, p. 129-136.
17. Ang Paglulunas sa Pamamagitan ng Tubig ng Zamzam
1. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa tubig ng Zamzam: "Tunay na ito ay pinagpala at tunay na ito ay isang pagkaing malasa [at isang kagalingan ng karamdaman]."[102] [102] Ṣaḥīḥ Muslim, 4/1922, sa numero 2473. Ang nasa pagitan ng mga panaklong ay sa ganang kay Al-Bazār, 2/86. Al-Bayhaqīy sa As-Sunan Al-Kubrā, 5/147. Aṭ-Ṭabarānīy sa Mu`jam Al-Awsaṭ, 3/247. Ang isnād nito ay tumpak. Tingnan ang Majma` Az-Zawā'id, 3/286.
2. Ang ḥadīth ni Jābir na inangat niya: "Ang tubig ng Zamzam ay ukol sa anumang ininom ito dahil doon."[103] [103] Sunan Ibni Mājah, 3062, at iba pa sa kanya. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah, 2/183; at Irwā’ Al-Ghalīl, 4/320.
3. Napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay: "nagdadala noon ng tubig ng Zamzam sa mga panabo[104] sisidlang balat at nagbubuhos noon sa mga maysakit at nagpapainom sa kanila."[105] Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim (kaawaan siya ni Allāh): "Nakasubok ako mismo at ang iba pa sa akin mula sa pagpapagaling sa pamamagitan ng tubig ng Zamzam ng mga kahanga-hangang bagay. Nagpagaling ako sa pamamagitan nito mula sa ilang karamdaman saka bumuti[106] naman ako ayon sa pahintulot ni Allāh."[107] [104] Ang panabo (idāwah) ay ang pandalisay na ang pangmaramihan sa Arabe ay adāwā. Mukhtār Aṣ-Ṣiḥḥāḥ, 11/1. [105] Sunan At-Tirmidhīy, 1/180, sa numero 963; at Al-Bayhaqīy, 5/202. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 1/284; at Silsilah Al-Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥah 2/572, numero 883. Zād Al-Ma`ād, 4/392. [106] Ang hindi mga mamamayan ng Ḥijāz ay nagsasabi ng bari'tu (bumuti ako). Tingnan ang An-Nihāyah Fī Gharīb Al-Ḥadīth, 1/111. [107] Zād Al-Ma`ād, 4/393 at 178.
18. Ang Paglulunas sa mga Sakit ng mga Puso
Ang mga puso ay tatlong uri:
1. Pusong ligtas: Hindi makaliligtas sa Araw ng Pagbangon malibang ang sinumang nagdala kay Allāh nito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {88. sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak, 89. maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.} (Qur'ān 26:88-89)
ِAng pusong ligtas ay ang naligtas nga mula sa bawat pagnanasang sumasalungat sa ipinag-uutos ni Allāh at sinasaway Niya at mula sa bawat maling akalang kumukontra sa pabatid Niya kaya naman naligtas ito mula sa pagpapakamananamba sa iba sa Kanya at naligtas ito mula sa pagpapahatol sa iba pa sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Sa kabuuan, ang pusong ligtas na tumpak ay ang naligtas mula sa pagiging ang iba pa kay Allāh sa Kanya ay may pagkatambal sa anumang paraan; bagkus nangyari nga ang pagpapakamananamba niya ukol kay Allāh sa pagnanais, sa pag-ibig, sa pananalig, sa pagsisisi, sa pagmamababang-loob, sa pagkatakot, sa pag-asa, at sa pagkadalisay ng gawain niya para kay Allāh. Kaya kung umibig siya, umibig siya para kay Allāh; kung nasuklam siya, nasuklam siya para kay Allāh; kung nagbigay siya, nagbigay siya para kay Allāh; at kung nagkait siya, nagkait siya para kay Allāh. Kaya naman ang alalahanin niya sa kabuuan nito ay para kay Allāh; ang pag-ibig niya sa kabuuan nito ay para kay Allāh; ang pakay niya ay para sa Kanya; ang mga gawain niya ay para sa Kanya; ang pagtulog niya ay para sa Kanya; at ang paggising niya ay para sa Kanya. Ang pagsanaysay niya at ang pagsanaysay tungkol kay Allāh ay higit na kanasa-nasa sa kanya kaysa sa bawat pagsanaysay. Ang mga kaisipan niya ay umiikot sa mga kaluguran ni Allāh at mga pag-ibig sa Kanya.[108] Humihiling tayo kay Allāh (napakataas Siya) ng pusong ito. [108] Tingnan ang Ighāthah Al-Lahfān Min Maṣā'id Ash-Shayṭān ni Ibnu Al-Qayyim, 1/7 at 73.
2. Ang pusong patay. Ito ay ang kabaliktaran ng una. Ito ang hindi nakakikilala sa Panginoon nito, hindi sumasamba sa Kanya ayon sa utos Niya, hindi umiibig sa Kanya ni nalulugod sa Kanya; bagkus ito ay nakatigil kasama ng mga pagnanasa nito at mga minamasarap nito. Kahit pa man nasa mga ito ang inis ng Panginoon nito at ang galit Niya, ito ay nagpapakamananamba sa iba pa kay Allāh sa pag-ibig, sa pangamba, sa pag-asa, sa pagkalugod, sa pagkainis, sa pagdakila, at sa pagkaaba. Kung nasuklam ito, nasuklam ito para sa pithaya nito; kung umibig ito, umibig ito para sa pithaya nito; kung nagbigay ito, nagbigay ito para sa pithaya nito; at kung nagkait ito, nagkait ito para sa pithaya nito. Kaya naman ang pithaya ay imām niya, ang pagnanasa ay pinuno niya, ang kamangmangan ay tagapagmaneho niya, at ang pagkalingat ay sasakyan niya.[109] Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa pusong ito. [109] Tingnan ang Ighāthah Al-Lahfān Min Maṣā'id Ash-Shayṭān ni Ibnu Al-Qayyim, 1/9.
3. Ang pusong maysakit. Ito ay pusong may buhay at may karamdaman. Kaya naman ito ay may dalawang sangkap na umaayuda rito itong isa minsan at iyan isa minsan. Ito ay dahil sa nanaig dito mula sa dalawa. Mayroon ditong mula sa pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya), pananampalataya sa Kanya, pagpapakawagas sa Kanya, at pananalig sa Kanya: ang siyang sangkap ng buhay nito. Mayroon ditong mula sa pag-ibig sa mga ninanasa, pagsisigasig sa pagtamo ng mga ito, pagkainggit, pagkamapagmalaki, kapalaluan, pag-ibig sa kataasan, katiwalian sa lupa dahil sa kapangyarihan, pagpapaimbabaw, pagpapakitang-tao, kasibaan, at karamutan: ang siyang sangkap ng kasawian nito at pagkawasak nito.[110] Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa pusong ito. [110] Tingnan ang Ighāthah Al-Lahfān ..., 1/9.
Ang paglulunas sa puso sa lahat ng mga sakit nito ay naglaman nga nito ang Marangal na Qur'ān:
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang pagpapagaling para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 10:57) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya, at walang naidaragdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi.} (Qur'ān 17:82)
Ang mga sakit ng mga puso ay dalawang uri:
Isang uring hindi nakasasakit sa tagapagtaglay nito sa kasalukuyan. Ito ay sakit ng kamangmangan, mga maling akala, at mga pagdududa. Ito ay ang pinakamabigat sa dalawang uri sa hapdi subalit dahil sa katiwalian ng puso ay hindi siya nakadarama nito.
Isang uri ng sakit na nakasasakit sa kasalakuyan gaya ng alalahanin, kahapisan, kalungkutan, at ngitngit. Ang sakit na ito ay maaaring maglaho dahil sa mga gamot na likas sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga kadahilanan nito at iba pa roon. [111] Tingnan ang Ighāthah Al-Lahfān ..., 1/44.
Ang paglulunas sa puso ay sa pamamagitan ng apat na sangkap:
Ang Unang Sangkap: Sa pamamagitan ng Marangal na Qur'ān sapagkat tunay na ito ay isang kagalingan para sa nasa mga dibdib na pagdududa at nag-aalis ng nasa mga ito na Shirk, kasalaulaan ng Kufr (Kawalang-pananampalataya), at mga sakit ng mga maling akala at mga pagnanasa. Ito ay isang patnubay para sa sinumang nakaalam ayon sa katotohanan at gumawa ayon dito at isang awa dahil sa anumang natatamo sa pamamagitan nito para sa mga mananampalataya na gantimpalang madalian at matagalan. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Ang sinumang noon ay patay saka bumuhay Kami sa kanya at naglagay Kami sa kanya ng isang liwanag na naglalakad siya sa pamamagitan nito sa mga tao ay gaya ba ng sinumang ang paghahalintulad sa kanya ay nasa mga kadiliman, na hindi lalabas mula sa mga ito? Gayon ipinaakit para sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 6:122)
Ang Ikalawang Sangkap: Ang puso ay nangangailangan ng tatlong bagay:
1. Ang nangangalaga para rito ng lakas nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pananampalataya, maayos na gawa, at paggawa ng mga kusang-loob ng mga pagtalima.
2. Ang pagdidiyeta sa nakapipinsala. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng mga pagsuway at mga uri ng mga paglabag.
3. Ang pagpapaluwa ng bawat materyal na nakapeperhuwisyo. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad.
Ang Ikatlong Sangkap: Ang paglulunas sa sakit ng puso mula sa pagkasakop ng sarili rito.
Dalawang paglulunas: Ang pagtutuos dito at ang pagsalungat dito. Ang pagtutuos ay dalawang uri:
Ang Unang Uri: Bago ng paggawa, na may apat na usapin:
1. Ang gawaing ito ba ay makakaya sa kanya?
2. Ang gawaing ito ba ay higit na mabuti para sa kanya ang paggawa nito kaysa sa pagwaksi nito?
3. Ang gawaing ito ba ay pinapakay rito ang kaluguran ni Allāh?
4. Ang gawaing ito ba ay tinutulungan at may mga tagatulong na umaalalay sa kanya at nag-aadya sa kanya kapag ang gawain ay nangangailangan ng mga tagatulong? Kapag ang sagot ay umiiral, maglalakas-loob at kung hindi ay hindi maglalakas-loob dito magpakailanman.
Ang Ikalawang Uri: Matapos ng paggawa, na tatlong uri:
1. Ang pagtutuos sa sarili sa isang pagtalimang nagkulang dito mula sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya) kaya naman hindi nagpaganap nito sa isang hinihiling na paraan. Kabilang sa mga karapatan ni Allāh (napakataas Siya) ang pagpapakawagas, ang pagpapayo, ang pakikipagsunuran, ang pagsaksi sa aspeto ng paggawa ng maganda, ang pagsaksi sa kabutihang-loob ni Allāh sa kanya rito, at ang pagsaksi sa pagkukulang matapos niyon sa kabuuan niyon.
2. Ang pagtutuos sa sarili niya sa bawat gawaing ang pagwaksi rito ay naging higit na mabuti para sa kanya kaysa sa paggawa nito.
3. Ang pagtutuos sa sarili niya sa isang bagay na pinapayagan o nakahiratian, na hindi niya ginawa. Ninais ba niya rito si Allāh at ang Tahanang Pangkabilang-buhay kaya naman siya ay magiging panalo o ninais niya rito ang Mundo kaya naman siya magiging lugi.
Ang pambuklod niyon ay na magtuos siya ng sarili niya, una, ayon sa mga tungkulin, pagkatapos magkumpleto siya ng mga ito kung ang mga ito ay kulang, pagkatapos magtutuos siya ng mga ito ayon sa mga sinasaway saka kung nakaalam siya na siya ay nakagawa ng anuman kabilang sa mga ito magpapasunod siya rito ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad, pagkatapos ayon sa nagawa ng mga bahagi ng katawan niya, pagkatapos ayon sa pagkalingat.[112] [112] Tingnan ang Ighāthah Al-Lahfān ..., 1/136.
Ang Ikaapat na Sangkap: Ang paglulunas sa puso mula sa pagkasakop ng demonyo rito:
Ang demonyo ay kaaway ng tao at ang pakikipagkalas sa kanya ay ayon sa isinabatas ni Allāh na paghiling ng pagkupkop. Nagbuklod nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paghiling ng pagkupkop laban sa kasamaan ng sarili at kasamaan ng demonyo. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Sabihin mo: Allāhumma fāṭira -ssamāwāti wa--l'arḍ, `ālima -lghaybi wa-shshahādah, rabba kulli shay'in wa-malīkah, ashhadu an lā ilāha illā anta, a`ūdhu bika min sharri nafsī, wa-min sharri -shshayṭāni wa-shirkihi, wa-an aqtarifa `alā nafsī sū'an aw ajurrahu ilā muslim. (O Allāh, Tagapaglalang ng langit at lupa, ang Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, Panginoon ng bawat bagay at May-ari nito, sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng sarili ko, laban sa kasamaan ng Demonyo at pagtatambal nito, at [laban sa] paggawa ko sa sarili ko ng isang kasagwaan o paghila niyon papunta sa isang Muslim.) Sabihin mo ito kapag inumaga ka, kapag ginabi ka, at kapag lumagay ka sa higaan mo."[113] [113] Sunan At-Tirmidhīy sa numero 3392 at Sunan Abī Dāwud sa numero 5058. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy, 3/142.
Ang paghiling ng pagkupkop, ang pananalig, at ang pagpapakawagas ay pumipigil sa paghahari ng demonyo.[114] [114] Tingnan ang Ighāthah Al-Lahfān ..., 1/145-162.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya at ang Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya nang lahatan, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
Related books
All books
التحقيق والإيضاح لكثير من مسائل الحج والعمرة والزيارة على ضوء الكتاب والسنة55 wikaوالسنةالتحقيق والإيضاح لكثير من مسائل الحج والعمرة والزيارة على ضوء الكتاب والسنة
I-click upang tingnan ang mga detalye ng aklat.
Ang Muog ng Muslim Mula sa mga Dhikr ng Qur'ān at Sunnah58 wikaAng Muog ng Muslim Mula sa mga Dhikr ng Qur'ān at Sunnah
Ang aklat ay nagtitipon ng mga dhikr mula sa Qur'ān at Sunnah para sa pagpapadali ng pag-uulit-ulit ng mga ito sa iba't ibang mga oras at mga kalagayan at sumasaklaw sa mga panalangin para sa pagkagising, wuḍū', ṣalāh, paglalakbay, at iba pa roon, na umaalalay sa Muslim sa pagsasanggalang sa sarili niya upang siya ay maging nasa pag-iingat ni Allāh at pangangalaga Niya.
Ang Aklat ng mga Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh11 wikaAng Aklat ng mga Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh
Pag-aakda ni S̆ayk̆ Al-Islām, at isa sa mga prominente, ang imām na tagapanariwa, si S̆ayk̆ Muḥammad bin `Abdulwahhāb – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya). Nagsagawa ng pagtutumpak at paghahambing sa isang kopyang nakasulat-kamay sa Aklatang Sa`ūdīy na may numero 86/269 at sa ilang iba pang kopya na nakaimprenta ang mga S̆ayk̆ na sina `Abdulkarīm bin Muḥammad Al-Lāḥim, Nāṣir bin `Abdullāh Aṭ-Ṭuraym, at Sa`ūd bin Muḥammad Al-Bas̆ar. Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain Kabanata: Ang Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh Ibinibilang na sunnah ang…
الوسائل المفيدة للحياة السعيدة85 wikaالوسائل المفيدة للحياة السعيدة
كتاب "الوسائل المفيدة للحياة السعيدة" للشيخ عبد الرحمن بن ناصر السعدي، يتناول مفهوم السعادة الحقيقية التي يسعى لتحقيقها كل إنسان. الكتاب يوضح أن السعادة تتحقق بطاعة الله ورسوله، والعمل الصالح، والإيمان. ويُقسم السعادة إلى دنيوية مؤقتة وأخروية دائمة، ويربط بينهما بالرضا الإلهي للمؤمنين. يعتمد الكتاب على الأدلة الشرعية من القرآن والسنة لتقديم الأسباب المؤدية للسعادة وكيفية تحقيقها، مما يجعله دليلاً للمسلمين لتنظيم حياتهم على بصيرة وإيمان.