مخالفات الحج والعمرة والزيارة
Ang mga Pagsalungat sa Pagsasagawa ng Ḥajj, `Umrah, at Ziyārah
Ang mga Pagsalungat sa Pagsasagawa ng Ḥajj, `Umrah, at Ziyārah
ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Ang mga Kamalian at ang mga Pagsalungat na Nauugnay sa Pagsasagawa ng `Umrah
Una: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Iḥrām
1. Ang pagwaksi ng ihlāl§ sa pamamagitan ng hindi pagtataas ng tinig sa pagsambit ng nusuk§ na ninais niya sa pagsisimula ng pagsasagawa ng iḥrām.
Ang Sunnah ay ang pagtataas ng tinig sa pagsambit niyon.
2. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao na ang iḥrām ay ang kasuutan (ang pagsusuot ng izār (tapis) at ridā' (balabal).
Ang iḥrām ay ang layunin ng pagpasok lamang sa nusuk at ang palatandaan nito ay ang magsagawa ng ihlāl ng talbiyah. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ihlāl ng talbiyah habang naglalayong magsagawa ng ḥajj o `umrah ay nakapagsagawa nga ng iḥrām.
3. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkakinakailangan ng pagpaligo para sa pagsasagawa ng iḥrām.
Ito ay sunnah lamang, na walang anuman sa sinumang nagwaksi nito.
4. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkakinakailangan ng dalawang rak`ah na ṣalāh sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām o na ang dalawang rak`ah ay sunnah na natatangi na walang pagkaiwas dito kaya darasalin ito sa bawat kalagayan.
Ang tama ay ang pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng ṣalāh bago magsagawa ng iḥrām subalit wala itong ṣalāh na natatangi. Kaya kung sakaling nagsagawa ng tungkulin na ṣalāh o alinmang isinasabatas na ṣalāh, isinasabatas para sa kanya na magsagawa ng iḥrām matapos agad nito.
5. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkakinakailangan ng pagtigil-tigil sa mīqāt at pagbaba papunta sa masjid.
Hindi kinakailangan iyon sapagkat ang sinumang naging nakahanda sa pagsusuot ng iḥrām at naparaan sa mīqāt at sumambit ng talbiyah doon, o sa nakatatapat doon habang siya ay nasa sasakyan niya; sasapat sa kanya iyon, gaya ng nasa eroplano habang sumasambit ng talbiyah sa sandali ng pagkatapat o bago nito nang kaunting sandali nang sa gayon hindi siya lumampas sa mīqāt.
6. Ang pagpapabango ng kasuutan ng iḥrām.
Ang tama ay ang pagkakasya sa pagpapabango ng katawan.
7. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkakinakailangan ng pagkaahit ng buhok sa ari, pagkaputol ng mga kuko, pagkaahit ng mga kilikili sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām o ang pagpapalagay niyon bilang sunnah sa iḥrām.
Ito ay isang pangakalahatang sunnah lamang sa sandali ng pangangailangan dito.
8. Ang pagsasagawa ng iḥrām bago ng mīqāt.
Ito ay kasalungatan ng sunnah subalit ang sinumang nasa eroplano, ukol sa kanya ang kaunting pagpapauna nang sa gayon hindi makaalpas sa kanya ang lugar ng pagkatapat dahil sa bilis ng eroplano. Gayundin kung sakaling natakot na makatulog saka makaalpas sa kanya ang pagkatapat, ukol sa kanya ang magpauna ng pagsasagawa ng iḥrām alinsunod sa pangangailangan niya niyon.
9. Ang pagkalampas ng nagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah sa mīqāt nang hindi nakapagsagawa ng iḥrām, na maaaring dala ng kamangmangan o dala ng kapabayaan o dahil siya ay nasa eroplano.
Ang kinakailangan sa kanya – kapag lumampas siya sa mīqāt habang siya ay naglalayon ng `umrah o ḥajj at hindi siya nakapagsagawa ng iḥrām mula roon – ay ang bumalik sa mīqāt at ang magsagawa ng iḥrām mula roon. Gayundin ang sinumang bumaba sa paliparan ng Jeddah at hindi nakapagsagawa ng iḥrām sa eroplano dahil sa alinmang kadahilanan, inoobliga sa kanya ang pumunta sa isa sa mga mīqāt para magsagawa ng iḥrām mula roon. Ibinubukod mula roon ang sinumang hindi nagdaraan sa isang mīqāt at hindi natatapat sa isang mīqāt sapagkat tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām mula sa Jeddah gaya ng mga naninirahan sa Sudan kapag dumating sila lulan ng eroplano o barko, maliban na makaalam sila na sila ay natatapat sa mīqāt ng Yalamlam o mīqāt ng Al-Juḥfah mula sa daan na dumating sila mula roon.
10. Ang maling pagkaintindi sa tinahian (makhīṭ) na ito raw ay ang bawat anumang may tahi. Kaya naman naaasiwa sila sa pagsuot ng waistband o sinturon o sapatos na may tahi.
Ito ay hindi tumpak sapagkat ang tinahian ay ang tinahi o sinastre ayon sa sukat ng katawan gaya ng mga damit at mga pantalon, kapag isinuot ayon sa anyo nitong nakahiratian.
11. Ang pagsusuot ng babae ng guwantes at burqa` o niqāb o kumpletong lithām.
Ang kinakailangan sa kanya – sa sitwasyon ng pagiging siya ay nasa presensiya ng mga estrangherong lalaki – ay ang magtakip ng mukha niya at mga kamay nang hindi gumagamit ng niqāb at guwantes, batay sa pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsusuot ng dalawang ito.
12. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao na ang babae ay may natatanging kasuutan para sa iḥrām, na maaaring kulay itim o kulay berde o kulay puti.
Ito ay hindi tumpak sapagkat ang babaing muḥrim ay makapagsusuot ng anumang niloob niya na mga damit habang hindi nagtatanghal ng gayak.
13. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng hindi pagpayag sa pagpapalit ng kasuutan ng iḥrām o paghuhubad nito.
Ang tama ay na ukol sa muḥrim ang magpalit o ang maglaba nito pagkatapos magsuot nito sa muli.
14. Ang iḍṭibā`§ ay mula sa simula ng pagkasagawa ng iḥrām hanggang sa wakas nito.
Ang tumpak ay na ang iḍṭibā` ay tanging isinasabatas sa ṭawāf ng `umrah o ṭawāf ng qudūm (pagdating) lamang.
15. Ang pagtanggi sa iḥrām at ang taḥallul (pagkalas) mula rito nang walang pagkairal ng tagapag-obligang legal para roon.
Ang kinakailangan sa muḥrim ay na manatili siya sa iḥrām niya hanggang sa malubos ang nusuk niya malibang kapag umiral ang tagapag-obligang legal para sa taḥallul: ang iḥṣār.§ Sa kalagayang ito, pinapayagan sa kanya ang taḥallul. Kaya kung nagsakundisyon siya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām niya, magsasagawa siya ng taḥallul at walang anuman sa kanya. Kung hindi naman siya nagsakundisyon, kinakailangan sa kanya ang magkatay ng fidyah (pantubos) at ang magpaahit ng buhok o ang magpaikli nito, pagkatapos ang magsagawa ng taḥallul.
***
Ikalawa. Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Ṭawāf
1. Ang pananatili sa mga du`ā' na hindi nasaad sambitin sa sandali ng pagpasok sa Masjid na Pinakababanal o pagkakita ng Ka`bah.
Ang sunnah ay ang paglilimita sa nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Ang pagbigkas ng nīyah (layunin) bago ng pagsisimula ng ṭawāf.
Ang nīyah ay nakalagay sa puso. Kaya naman hindi isinasabatas ang pagbigkas nito.
3. Ang paglalayon ng pagsisimula sa pagsasagawa ng ṭawāf bago matapat sa Batong Itim bilang pag-iingat
Ito ay bahagi ng pagpapakalabis-labis at pagpapakahigpit-higpit.
4. Ang pagsisimula ng pagsasagawa ng ṭawāf matapos ng pagkalampas sa Batong Itim at ang pag-uumpisa sa shawṭ (paglibot) na ito.
Ito ay mali sapagkat kung gumawa siya nito ay hindi natutumpak para sa kanya ang pag-umpisa sa shawṭ na ito.
5. Ang pag-angat sa dalawang kamay sa sandali ng pagkatapat sa Batong Itim gaya ng pag-angat sa ṣalāh o ang pag-uulit-ulit ng pag-angat ng mga kamay nang makatatlo.
Ang sunnah ay na magturo siya ng kanang kamay niya nang iisang ulit lamang.
6. Ang paghinto nang matagal sa sandali ng pagkatapos sa Batong Itim.
Ang sunnah ay ang hindi pagpapatagal ng pagtigil.
7. Ang matinding pakikipagsiksikan para makarating sa Batong Itim para halikan ito.
Ang sunnah ay na hindi makipagsiksikan sapagkat kung makakakaya na makarating doon nang walang pakikipagsiksikan, gagawin ito; at kung hindi naman, tunay na siya ay magtuturo na lamang niyon.
8. Ang pagbabalik kapag nalampasan ang Batong Itim nang hindi nakasambit ng takbīr upang tumuro at sumambit ng takbīr, o ang pagsambit ng takbīr matapos ng pagkalampas doon.
Ang lahat ng ito ay mali sapagkat iyon ay sunnah na nakaalpas ang lugar niyon. Hindi ibinibilang na sunnah ang pagbabalik para gawin ito at wala namang kaasiwaan sa sinumang nakalimot sa pagsambit ng takbīr o nagsaisang-tabi nito nang sadyaan.
9. Ang paglalaan sa bawat shawṭ ng isang itinatanging du`ā'.
Walang patunay rito. Ang sunnah ay na manalangin ang tagapagsagawa ng ṭawāf ng anumang naibigan niya na kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. Mag-aalaala siya kay Allāh sa pamamagitan ng alinmang dhikr na isinasabatas gaya ng tasbīḥ o taḥmīd o tahlīl o takbīr o pagbigkas ng Qur'ān.§
10. Ang pagsasagawa ng raml sa lahat ng mga shawṭ ng ṭawāf.
Ang sunnah ay na ito ay maging nasa unang tatlong shawṭ lamang.
11. Ang hindi pananatili sa pagpuwesto sa Ka`bah sa gawing kaliwa niya sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf, nang walang maidadahilan.
Ang sunnah ay na ang Ka`bah ay maging nasa gawing kaliwa niya. Kaya naman hindi nararapat sa kanya ang magwalang-bahala sa pakikipagsalungatan doon. Kung siya naman ay may maidadahilan dahil sa siksikan at tulad nito, walang anuman sa kanya roon.
12. Ang paghalik sa Rukn Yamānīy (Panulukang Yamānīy) o ang pagturo roon sa sandali ng kawalang-kakayahan sa paghalik doon.
Ang sunnah ay ang paghipo niyon ng kamay lamang nang walang paghalik; ngunit kung hindi niya makakaya ang paghipo niyon, tunay na siya ay hindi magtuturo roon.
13. Ang paghipo at ang paghalik sa lahat ng mga panulukan ng Ka`bah o mga dingding nito at ang pagpahid-pahid doon.
Ito ay nakikisalungatan sa sunnah sapagkat tunay na walang isinasabatas kundi ang paghalik sa Batong Itim at ang paghipo sa Rukn Yamānīy lamang.
14. Ang pagpapalagay na ang paghipo sa Rukn Yamānīy at Batong Itim ay para sa pagkamit ng pagpapala hindi para sa pagpapakamananamba [kay Allāh].
Ang lahat ng ito ay kamangmangan at pagkaligaw sapagkat ang pagpapakinabang at ang pagpinsala ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya. Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Batong Itim saka humalik dito saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakaaalam na ikaw ay isang batong hindi nakapipinsala at hindi nakapagpapakinabang. Kung sakaling hindi dahil ako ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humahalik sa iyo, hindi sana ako humalik sa iyo."}[1] [1] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1597.
15. Ang pagtataas ng tinig sa pagdalangin sa isang pagtataas na nangyayari dahil dito ang paggambala sa mga tagapagsagawa ng ṭawāf.
Ang sunnah ay na mag-alaala sa Panginoon at dumalangin sa Kanya sa pagitan Niya at ng sarili upang hindi makagambala sa iba.
16. Ang pagkaabala sa paglilitrato o sa mga karaniwang usap-usapan sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf.
Ang isinasabatas sa tagapagsagawa ng ṭawāf ay na siya ay maging tagapag-alaala sa Panginoon niya nang may kataimtiman, pagpapakumbaba, at pagkadalo ng puso.
17. Ang pagwawakas sa pagsasagawa ng ṭawāf bago magpakatiyak sa pagkaabot sa Batong Itim.
Ang kinakailangan ay na kumpletuhin ang ikapitong shawṭ hanggang sa makatiyak-tiyak o manaig sa palagay niya na siya ay umabot na sa pagkatapat sa Batong itim.
18. Ang paniniwala na ang ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf ay walang pagkaiwas na ito ay maging nasa likuran ng Maqām Ibrāhīm nang direktahan o malapit mula roon. Kaya nagsisiksikan sila roon at nakapeperhuwisyo sila sa mga tagapagsagawa ng ṭawāf sa mga araw ng panahong matao at nakasasagabal sila sa daloy ng ṭawāf ng mga iyon.
Ang pagpapalagay na ito ay mali sapagkat ang ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf ay sasapat sa alinmang lugar sa Masjid na Pinakababanal. Maaari sa nagdarasal na magpuwesto ng Maqām sa pagitan niya at ng Ka`bah kahit pa siya ay naging malayo roon. Kaya makapagdarasal siya sa atriyo o arkada§ ng Masjid na Pinakababanal at maliligtas siya sa perhuwisyo at mangyayari sa kanya ang pagdarasal nang may kataimtiman at kapanatagan.
19. Ang pagpapatagal ng ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf at ang pagdalangin matapos nito.
Ang sunnah ay ang pagpapaikli nito at na hindi manalangin matapos nito ng anuman dahil sa kawalan ng pagkakasaad nito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
20. Ang pagganap ng ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf habang nasa kalagayan ng iḍṭibā`.
Ang sunnah ay na magbalik ng ridā' sa magkabilang balikat matapos ng pagwawakas ng ṭawāf kaagad.
***
Ikatlo. Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Sa`y
1. Ang Pagsasagawa ng Iḍṭibā` sa Sandali ng Pagsasagawa ng Sa`y.
Nauna nang nabanggit na ang iḍṭibā` ay hindi isinasagawa kundi sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf lamang.
2. Ang pagbigkas ng nīyah (layunin) bago ng pagsisimula ng sa`y.
Nauna nang nabanggit na ang nīyah ay nakalagay sa puso at ang pagbigkas nito ay hindi isinasabatas.
3. Ang pagsisimula sa Marwah sa pagsasagawa ng sa`y.
Ito ay mali. Ang sinumang gumawa niyan ay hindi makapagsasaalang-alang ng shawṭ na ito.
4. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao sa iisang shawṭ ng sa`y bilang isang pagparoon at isang pagparito kaya nagsasagawa ng sa`y na 14 shawṭ.
ito ay mali sapagkat tunay na ang pagparoon mula sa Ṣafā papunta sa Marwah ay isang shawṭ at mula sa Marwah papunta sa Ṣafā ay isang shawṭ. Ang pagsisimula ay sa Ṣafā at ang pagwawakas ay sa Marwah.
5. Ang pag-akyat sa pinakamataas na Burol ng Ṣafā dala ng pagpapalagay na walang pagkaiwas doon.
Walang patunay sa pagsasakundisyon niyon.
6. Ang pagtaas ng mga kamay at ang pagturo ng mga ito gaya ng ginagawa sa mga takbīr ng ṣalāh.
Ang tama ay ang pagkakasya sa pagharap sa qiblah at ang pagdalangin sa pamamagitan ng nasasaad na panalangin.
7. Ang pagsasagawa ng sa`y ng babae nang mabilis sa pagitan ng dalawang tanda tulad ng mga lalaki.
Ang isinasabatas para sa kanya ay ang pagkakasya sa paglalakad ayon sa pagkakabuklod ng hatol ng mga maalam bilang pangangalaga para sa kanya laban sa pagkabuyangyang.
8. Ang paglalaan sa bawat isa sa mga shawṭ ng sa`y ng isang natatanging panalangin.
Ito ay hindi nagkaroon ng patunay; bagkus mananalangin ng anumang naibigan nang walang paglalaan.
9. Ang pagtataas ng tinig sa pagdalangin sa pinagsasagawaan ng sa`y sa isang pagtataas na nangyayari dahil dito ang paggambala sa mga tao.
Ang sunnah ay na mag-alaala sa Panginoon at dumalangin sa Kanya sa pagitan Niya at ng sarili upang hindi makagambala sa iba.
10. Ang pagmamabilis sa pinagsasagawaan ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah sa bawat shawṭ.
Ang sunnah ay na ang matinding pagmamabilis sa pagitan ng dalawang berdeng palatandaan lamang.
11. Ang pagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng pagkasagawa ng sa`y.
Ito ay hindi nagkaroon ng patunay kaya hindi isinasabatas ang paggawa nito.
12. Ang pagsasagawa ng sa`y bilang pagkukusang-loob sa hindi ḥajj o `umrah.
Ang pagsasagawa ng sa`y ay hindi isinasabatas bilang pagkukusang-loob.
***
Ikaapat: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagpapaahit o Pagpapaikli ng Buhok
1. Ang pagwawalang-bahala sa paglalahat sa buhok ulo sa pagpapaahit o pagpapaikli.
Ang sunnah ay ang paglalahat sa buhok ulo sa pagpapaahit o pagpapaikli.
2. Ang pagpapaahit o ang pagpapaikli ng buhok sa loob ng Masjid na Pinakababanal at ang pagtatapon ng buhok doon.
Ang kinakailangan ay ang pagdakila sa Masjid na Pinakababanal at ang pagsisigasig sa kalinisan nito.
3. Ang pagpapahuli ng pagpapaahit o pagpapaikli ng buhok nang lubhang matagal hanggang sa makalimutan ito o makaligtaan ito.
Ang isinasabatas ay ang pagdadali-dali roon kaagad sa pagwawakas ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y.
4. Ang paggawa ng mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām bago ng pagpapaahit o pagpapaikli.
Ang kinakailangan ay na hindi gumawa ng anuman mula sa mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām malibang matapos ng pagpapaahit o pagpapaikli ng buhok.
***
Ang mga Mali at ang mga Pagsalungat na Nauugnay sa Pagsasagawa ng Ḥajj
Una: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Araw ng Tarwiyah
1. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng iḥrām sa Araw ng Tarwiyah mula sa Masjid na Pinakababanal o mula sa ilalim ng alulod [ng Ka`bah].
Ang sunnah ay na magsagawa ng iḥrām mula sa lugar na kinaroroonan niya, maging siya man ay nasa Makkah o Minā.
2. Ang pagpapahuli ng pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa matapos ng ṣalāh sa tanghali.
Ang sunnah ay na magsagawa ng iḥrām ng ḥajj sa ḍuḥā (pagkasikat ng araw) bago ng ṣalāh sa tanghali.
3. Ang pagwaksi ng pagpapamagdamag sa Minā sa kabila ng kakayahan doon.
Ang sunnah para sa tagapagsagawa ng ḥajj ay na magpamagdamag sa Minā hanggat nakakakaya niyon batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
4. Ang pagsasama ng mga ṣalāh sa Minā.
Ang sunnah ay na dasalin ang mga ṣalāh sa Minā nang pinaikli na walang pagsasama bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
***
Ikalawa: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Araw ng `Arafah
1. Ang pagtigil sa `Arafah sa isang bahagi ng ikawalong araw [ng Dhulḥijjah] bilang pag-iingat.
Ito ay bahagi ng pagpapakahirap at pagpapakalabis-labis na sinasaway.
2. Ang pagpunta sa `Arafah sa ikawalong araw o sa gabi ng ikasiyam na araw [ng Dhulḥijjah] at ang pagpapamagdamag doon.
Ito ay kasalungatan ng sunnah. Dito ay may pagsasayang ng sunnah ng pagpapamagdamag.
5. Ang pagtigil sa labas ng mga hangganan ng `Arafah.
Ang kinakailangan sa tagapagsagawa ng ḥajj ay na magsikap sa pagtigil sa loob ng mga hangganan ng `Arafah.
Ang pagpapalagay na walang pagkaiwas mula sa pagsasagawa ng ṣalāh kasama ng imām sa Masjid ng Namirah at matinding pagsisiksikan sa pinanatilihan.
Ito ay hindi obligado. Hindi isinasabatas ang pagsisiksikan alang-alang doon.
5. Ang pagharap sa Bundok ng Ilāl sa sandali ng pananalangin.
Ang sunnah ay ang pagharap sa qiblah.
6. Ang paniniwala sa pagkakinakailangan ng pag-akyat sa Bundok ng Ilāl o na iyon ay kabilang sa mga gawain ng ḥajj o na dito ay may kainaman o kalamangan sa nalalabi sa `Arafah.
Walang patunay roon; bagkus ito ay nakikisalungat sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
7. Ang pagtawag sa Bundok ng Ilāl bilang Bundok ng Awa o Bundok ng Panalangin.
Ang tumpak ay na ang pangalan ng bundok ay Ilāl at walang patunay sa pagtawag dito bilang Bundok ng Awa o Bundok ng Panalangin.
8. Ang pagpasok sa kupola (qubbah) na nasa ibabaw ng Bundok ng `Arafah, ang pagtawag dito bilang Kupola ni Adan (Qubbah Ādam), ang pagsasagawa ng ṣalāh dito, at ang pagsasagawa ng ṭawāf dito gaya ng ṭawāf sa Ka`bah.
Ang lahat ng ito ay kabilang sa mga bid`ah na sinasaway at maaaring umaabot sa Shirk.
9. Ang paghango ng pagpapala sa kolumnang itinukod sa ibabaw ng Bundok ng Awa sa Arafah at ang pagsusulat ng mga pangalan doon.
Ang lahat ng ito ay kabilang sa mga bid`ah na sinasaway at maaaring umaabot sa Shirk.
10. Ang paglalagay ng pera sa mga bitak na natatagpuan sa Bundok ng `Arafah o Bundok ng Liwanag o ang paglalagay ng buhok o kuko o anuman mula sa mga kasuutan at tulad ng mga ito at ang paniniwala na ito ay nauuwi sa pagbabalik ng mga tagagawa ng mga ito sa mga lugar na ito.
Ang lahat ng ito ay kabilang sa mga bid`ah na sinasaway at maaaring umaabot sa Shirk.
11. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkakinakailangan ng pagtigil sa tinigilan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o ang pagpapakahirap doon.
Ang tama ay na ito ay hindi kinakailangan. Hindi isinasabatas ang pagpapakahirap doon.
12. Ang pagsasayang ng oras, ang pag-iwan ng pagdalangin at pagsambit ng dhikr, at ang pagpapakaabala sa hindi nagbibigay-katuturan.
13. Ang pagpapakahuli sa pagsisimula ng pagdalangin hanggang sa malapit sa paglubog ng araw o huling bahagi ng maghapon.
14. Ang pagpapakahirap sa pagtayo habang nakatindig sa pagdalangin at ang pagpapalagay na ito ay ang sunnah o ang pagpapalagay na ang kahulugan ng pagtigil (wuqūf) sa `Arafah ay ang pagtayo sa pagdalangin.
Ang tama ay na ang pagtigil sa `Arafah ay maging naroon sa oras na ito habang nakatayo o nakaupo, o nakasakay o naglalakad.
15. Ang paglisan mula sa `Arafah bago ng paglubog ng araw.
Ito ay bawal dahil ito ay salungat sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Ah at pangalagaan).
16. Ang pagpapakahuli sa pag-alis matapos ng paglubog ng araw nang walang maidadahilan.
Ang sunnah ay ang pagdadali-dali sa pag-alis matapos ng paglubog ng araw kaagad malibang may maidadahilan.
17. Ang paniniwala ng ilan sa kanila na ang pagkatigil sa `Arafah sa araw ng Biyernes ay nakatutumbas sa 70 ḥajj.
Walang patunay roon.
***
Ikatlo: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Ifāḍah sa Muzdalifah at Pagpapagabi Roon
1. Ang pagmamabilis sa oras ng paglisan mula sa `Arafah at ang paggambala dahil sa mga sasakyan.
Ang sunnah ay ang paglisan nang may kapanatagan, kahinahunan, at walang pamemerhuwisyo.
2. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagkaisinasabatas ng pagpaligo sa patay sa Muzdalifah.
Walang patunay sa pagkaisinasabatas niyon.
3. Ang pagpapalagay ng ilan sa mga tao ng pagsasakaibig-ibig ng pagbaba ng nakasakay upang pumasok sa Muzdalifah nang naglalakad.
Walang patunay sa pagkaisinasabatas niyon.
4. Ang pagbaba sa isang lugar bago ng pagpapakatiyak sa pagiging ito ay nasa loob ng mga hangganan ng Muzdalifah.
5. Ang pagwaksi ng pagdadali-dali sa pagsasagawa ng ṣalāh sa umpisa ng pagtuloy sa Muzdalifah.
Ang sunnah ay ang pagdadali-dali sa pagsasagawa ng ṣalāh kaagad sa pagdating sa Muzdalifah.
6. Ang pagkaabala sa pagtipon ng mga munting bato sa umpisa ng pagpasok sa Muzdalifah, ang pagsisigasig dito kaysa sa ṣalāh, at ang pagpapalagay ng pagkaisinasabatas nito.
Walang patunay roon.
7. Ang pagpapahuli ng ṣalāh na maghrib at ṣalāh na `ishā' hanggang sa makalabas ang oras ng dalawang ito, at ito ay sa hatinggabi.
Ang kinakailangan ay ang pagganap ng ṣalāh na maghrib at ṣalāh na `ishā' bago maghatinggabi kahit pa man bago ng pagdating sa Muzdalifah.
8. Ang pagbibigay-buhay sa gabi ng Muzdalifah sa pamamagitan ng pagdarasal o pagsamba o paglilibang o paglalaro.
Ang sunnah ay ang pagdadali-dali sa pagtulog at pamamahinga bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Ah at pangalagaan) upamang magpatulong sa pamamagitan niyon sa mga gawain ng Araw ng Eid.
9. Ang paglabas ng mga mahihina at mga kumakasama sa kanila bago maghatinggabi.
Ang kinakailangan ay na hindi sila lumabas kundi matapos maghatinggabi.
10. Ang paglabas ng sinumang hindi kabilang sa mahihina at walang kasama sa kanya na mahihina bago ng Fajr.
Ang kinakailangan ay ang manatili sa Muzdalifah hanggang sa Fajr.
11. Ang pagpapakahuli sa paglabas mula sa Muzdalifah hanggang sumikat ang araw.
Ang Sunnah ay ang paglabas mula roon bago ng pagsikat ng araw.
***
Ikaapat: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa mga Gawain sa Araw ng Pag-aalay
1. Ang pagpapalagay ng ilan sa kanila ng pagkaisinasabatas ng pagpaligo para sa pagsasagawa ng ramy.
Walang patunay sa pagkaisinasabatas niyon.
2. Ang paghuhugas ng mga munting bato ng mga jamrah.
Walang patunay sa pagkaisinasabatas niyon.
3. Ang paniniwala na ang pagsasagawa ng ramy ay hindi natutumpak kapag ang mga munting bato ay mula sa Muzdalifah.
Walang patunay roon kaya ukol sa kanya ang mamulot ng mga ito mula sa alinmang lugar.
4. Ang pagsasagawa ng ramy sa pamamagitan ng iba pa sa mga munting bato o ang pagsasagawa ng ramy sa pamamagitan ng mga malaking bato.
Ito ay nakikisalungat sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5. Ang pagkagalit sa sandali ng pagsasagawa ng ramy at ang paniniwala na ang binabato ay ang demonyo.
6. Ang pagpapalibot at ang pagdudugtungan bilang mga grupo sa sandali ng pagpunta para magsagawa ng ramy at ang pagperhuwisyo sa mga tao.
7. Ang pagdaragdag sa isinasabatas sa dhikr na sinasambit sa sandali ng pagsasagawa ng ramy.
Ang pinakamarapat ay ang paglilimita sa pagsambit ng takbīr.
8. Ang pagpukol ng pitong pambato sa iisang pagpukol.
Sa kalagayang ito, hindi ito makasasapat kundi sa isang pagbato lamang. Ang kinakailangan ay ang pagbato para sa bawat iisa nang mag-isa.
9. Ang paglalagay ng mga bato sa sahuran sa isang paglalagay nang walang pagpukol.
Hindi nakasasapat iyon. Ang isinasabatas ay ang magpukol ng mga ito sa pinakamalapit na kahulugan ng tinatawag na pagpukol.
10. Ang paglalayon sa pader na pinupuntirya sa pagpukol at ang pagpapalagay roon bilang ang pangunahing nilalayon.
Ang isinasabatas ay na bumagsak ito sa sahuran kahit pa hindi tumama ito sa pinupuntirya (pader).
11. Ang pagsasagawa ng ramy mula sa malayong puwesto at ang hindi pagpapakatiyak sa pagbagsak ng munting bato sa sahuran ng pinupukulan.
12. Ang pagtigil para sa pagdalangin matapos ng pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah.
Ito ay hindi isinasabatas dahil ito ay walang patunay sa pagkaisinasabatas nito.
13. Ang pagkakatay ng handog ng tamattu` at qirān bago ng Araw ng Pag-aalay.
Ang sinumang gumawa niyon, hindi sasapat iyon sa kanya. Kinakailangan sa kanya ang pag-uulit ng pagkakaya niya sa oras na tinakdaan ayon sa batas, ang Araw ng Eid hanggang sa kahuli-hulihan sa mga araw ng Tashrīq.
14. Ang pag-ayaw sa pagkatay para magkawanggawa nalang sa halaga nito.
Ang sinumang gumawa niyon, hindi sasapat iyon sa kanya. Kinakailangan sa kanya ang pagkatay nito.
Ang pagpapaahit o ang pagpapaikli ng isang bahagi ng buhok sa ulo.
Ang sunnah ay ang paglalahat sa buhok ulo sa pagpapaahit o pagpapaikli.
16. Ang pagkakasya sa pagsasagawa ng ṭawāf ng pagdating (qudūm) sa halip ng ṭawāf ng paglisan (ifāḍah) o ang pagpapauna nito sa halip ng pagtigil sa `Arafah at Muzdalifah.
Ang sinumang gumawa niyon, hindi sasapat iyon sa kanya dahil ang ṭawāf ng paglisan (ifāḍah) ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng ḥajj, na hindi natutumpak ang pagsasagawa ng ḥajj malibang kalakip nito at hindi pinapayagan ang pagsasagawa nito malibang matapos ng pagtigil sa `Arafah at Muzdalifah.
***
Ikalima: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa mga Gawain sa mga Araw ng Minā (mga Araw ng Tashrīq)
1. Ang pagwawalang-bahala sa pagpapahalili at pagpapakatawan (Tawkil) sa pagsasagawa ng ramy.
Ang batayang panuntunan ay na magsagawa ng ramy ang tagapagsagawa ng ḥajj mismo malibang may maidadahilang legal na maisasaalang-alang na magpapahintulot sa kanya sa pagpapakatawan sa sinumang hahalili para sa kanya.
2. Ang paglalakbay ng sinumang nagpakatawan sa iba sa pagsasagawa ng ramy para sa kanya bago ng pagkawakas ng mga gawain ng ḥajj at mga araw nito.
Ito ay mali. Ang kinakailangan sa kanya ay na manatili siya sa Minā o lugar na kinaroroonan niya hanggang sa magwakas ang mga gawain ng ḥajj saka magsagawa siya ng ṭawāf ng pamamaalam (wadā`), pagkatapos ay lilisan siya.
3. Ang pagsasagawa ng ramy sa mga araw ng Tashrīq bago ng paglihis sa katanghaliang-tapat ng araw.
Ang sunnah ay ang magsagawa ng ramy matapos ng paglihis sa katanghaliang-tapat ng araw.
4. Ang hindi pagkakasunud-sunod ng tatlong jamrah sa pagsasagawa ng ramy.
Ang kinakailangan ay ang pagkakasunud-sunod sa punto na magsasagawa ng ramy sa unang jamrah, pagkatapos sa gitnang jamrah, pagkatapos sa malaking jamrah: ang Jamrah Al-`Aqabah. Kaya ang sinumang nagbaliktad o nakisalungat, kinakailangan sa kanya ang pag-uulit nito nang magkakasunud-sunod. Magsisimula sa maliit na jamrah pagkataos magsasagawa ng ramy sa matapos nito.
5. Ang pagtigil para sa pagdalangin matapos ng pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah.
Ang Sunnah ay na ang pagdalangin ay matapos ang pagsasagawa ng ramy sa unang jamrah at gitnang jamrah lamang.
***
Ikaanim: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Ṭawāf ng Pamamaalam
1. Ang pagpapauna sa ṭawāf ng pamamaalam kaysa sa pagsasagawa ng ramy ng huling araw upang magbiyahe matapos ng pagsasagawa ng ramy kaagad.
Ito ay mali. Ang sinumang gumawa nito ay nagsagawa nito sa hindi oras nito. Kaya naman hindi ito sasapat at inoobliga sa kanya ang pag-ulit nito matapos na pagsasagawa ng ramy.
2. Ang pagpapakatawan sa sinumang magsasagawa ng ramy para sa kanya at ang pagsasagawa ng ṭawāf bago ng pagsasagawa ng ramy ng kinatawan.
2. Ang tama ay na siya ay maghihintay hanggang sa kapag nakapagsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam.
3. Ang paglalayon ng hindi pagbaling ng likod sa Ka`bah kaya bumabalik nang paurong bilang pagdakila sa Ka`bah.
Walang patunay sa pagkaisinasabatas niyon. Ang pinakamabuti sa pagpatnubay ay ang pagpatnubay ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
4. Ang pagtigil para sa pagdalangin sa sandali ng paglabas mula sa Masjid na Pinakababanal.
Walang patunay roon.
5. Ang matagal na pananatili sa Makakah matapos magsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam nang walang maidadahilang legal na maisasaalang-alang.
Ang kinakailangan ay ang pagdali-dali sa paglabas mula sa Makkah matapos magsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam. Wala namang masama sa paghihintay sa kasamahan o pagbili ng pangangailangan sa paglalakbay at tulad niyan.
Kung mananatili siya nang matagal nang walang maidadahilan, kakailanganin sa kanya ang pag-uulit ng pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam.
Ang mga Kamalian at ang mga Pagsalungat na Nauugnay sa Pagbisita sa Masjid ng Propeta
1. Ang pagpahid-pahid sa mga dingding at mga rehas na bakal sa sandali ng pagbisita sa libingan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtatali ng mga sinulid at tulad ng mga ito sa mga bintana bilang pagtamo ng biyaya.
Ang pagpapala ay nasa isinabatas ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), hindi sa mga bid`ah.
2. Ang pagpunta sa mga pinaglusuban sa Bundok ng Uḥud at tulad nito ang Yungib ng Ḥirā' at ang Yungib ng Thawr sa Makkah, ang pagtatali ng retaso sa tabi ng mga ito, ang pagdalangin sa pamamagitan ng mga panalanging hindi nagpahintulot ng mga ito si Allāh, at ang pagbata ng pahirap dahil doon.
Ang lahat ng ito ay mga bid`ah na walang pinag-ugatan sa Batas na dinalisay.
3. Ang pagbisita sa ilan sa mga lugar na inaakala nila na ang mga ito ay mga relikiya ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pinagluhuran ng inahing kamelyo niya at Balon ng Singsing o Balon ni `Uthmān; ang pagkuha ng alabok mula sa mga lugar na ito para sa pagpapala raw.
4. Ang pagdalangin sa mga patay sa sandali ng pagbisita sa sementeryo ng Baqī` at sementeryo ng mga martir ng Uḥud at ang pagtatapon ng mga barya sa tabi ng mga ito bilang pagpapakalapit-loob sa mga ito at bilang pagtamo ng pagpapala sa pamamagitan ng mga nakahimlay sa mga ito.
Ang mga ito ay kabilang sa mga malalaking mali; bagkus bahagi ng Malaking Shirk gaya ng pagkabanggit ng mga may kaalaman. Nagpatunay rito ang Aklat ni Allāh at ang Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) dahil ang pagsamba ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya – na hindi pinapayagan ang pagbaling ng anuman mula rito sa iba pa sa Kanya gaya ng pagdalangin, pag-aalay, pamamanata, at tulad niyon, batay sa sabi ni Allāh: {Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo...} (Qur'ān 98:5)
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad.