المنهج لمريد العمرة والحج
كتيب يحتوي على دليل مفصل حول مناسك الحج والعمرة، يشرح بدقة الخطوات والآداب الواجب اتباعها خلال تأدية هذه الشعائر. يبدأ بالتأكيد على أهمية الحج في الإسلام كونه أحد أركان الإسلام الخمسة. ويشدد على ضرورة الإخلاص في النية واتباع سنة النبي محمد صلى الله عليه وسلم في جميع الأفعال والأقوال أثناء تأدية هذه الشعيرة المباركة.
Ang Metodolohiya ng Tagapagnais ng Ḥajj at `Umrah
Sa panulat ng Kagalang-galang na Shaykh na Pantas
Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Magpatawad nawa si Allāh sa kanya, sa mga magulang niya, at sa mga Muslim.
Ang Panimula
ِِAng papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagbabalik-loob tayo sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at laban sa mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya – basbasan Niya ito, ang mag-anak nito, ang mga Kasamahan nito, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas at pangalagaan nang pangangalagang palagi. Sa pagpapatuloy,
Tunay na ang ḥajj ay kabilang sa pinakamainam sa mga pagsamba at pinakakapita-pitagan sa mga pagtalima dahil ito ay isa sa mga haligi ng Islām na ipinadala ni Allāh dahil dito si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan), na hindi natutuwid ang Relihiyon ng tao malibang sa pamamagitan ng mga ito.
Yayamang ang pagsamba ay hindi natutuwid ang pagpapakalapit-loob ng tao kay Allāh at hindi ito nagiging tanggap malibang sa pamamagitan ng dalawang bagay:
Ang Una: Ang Pagpapakawagas kay Allāh (Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan) sa pamamagitan ng pagpapakay rito ng kaluguran ng mukha ni Allāh at ng tahanang pangkabilang-buhay: hindi nagpapakay rito ng pagpapakitang-tao ni katanyagan.
Ang Ikalawa: Ang Pagsunod sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) dito sa sinasabi at ginagawa. Ang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi maaari ang pagsasakatotohanan nito malibang sa pamamagitan ng pagkakaalam sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Dahil doon walang pagkaiwas sa sinumang nagnais ng pagsasakatotohanan ng pagsunod na magpakatuto ng Sunnah niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng pagtanggap nito mula sa mga may kaalaman dito, na maaaring sa pamamaraan ng pakikipagsulatan o sa pamamaraan ng pakikipag-usapan. Naging bahagi ng kinakailangan sa mga may kaalaman na nagmana sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at humalili sa kanya sa Kalipunan niya na magpatupad siya ng mga pagsamba nila, mga kaasalan nila, at mga pakikitungo nila ayon sa nalaman nila mula sa Sunnah ng Propeta nila (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na magparating sila niyon sa Kalipunan at mag-anyaya sa kanila tungo rito upang maisakatotohanan sa kanila ang pagmamana sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kaalaman, sa gawa, sa pagpapatupad, sa pagpapaabot, at sa pag-aanyaya at upang sila ay maging kabilang sa mga nagtamo, na sumampalataya, gumawa ng mga maayos, at nagpayuhan sa katotohanan at nagpayuhan sa pagtitiis.
ito ay buod hinggil sa nauugnay sa mga gawaing-pagsamba ng ḥajj at `umrah, na tumahak ako sa mga ito ayon sa nalalaman ko mula sa teksto ng Qur'ān at Sunnah, habang umaasa mula kay Allāh (napakataas Siya) na ito ay maging wagas na ukol sa Kanya, na nagpapakinabang sa mga lingkod Niya.
Ang May-akda
***
Ang mga Etiketa ng Paglalakbay
Nararapat sa sinumang lumisan para sa ḥajj o iba pa rito kabilang sa mga pagsamba na maggunita ng layunin ng pagpapakalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga kalagayan niya upang ang mga sinasabi niya, ang mga ginagawa niya, at ang mga ginugugol niya ay maging tagapagpalapit-loob sa kanya kay Allāh (napakataas Siya) sapagkat: "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang."[1] [1] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Bad' Al-Waḥy Ilā Rasūl Allāh, numero 1; at Imām Muslim: Kitāb Al-Imārah, Bāb Qawluhu: "Innama -l'a`mālu bi-nnīyah" Wa Annahu Yadkhul Fīhi Al-Ghazw Wa Ghayruhu Min Al-A`māl, numero 1907; mula sa ḥadīth ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya).
Nararapat na magsakaasalan ng mga kaasalang nakahihigit, tulad ng pagkamapagbigay, kaluwagan, kagitingan, pagkamasayahin sa kapisanan niya, pagtulong sa kanila sa pampananalapi at pisikal, at pagpapasok ng galak sa kanila. Ito ay karagdagan pa sa pagsasagawa niya ng inobliga ni Allāh sa kanya na mga pagsamba at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.
Nararapat na magparami siya ng panggugol at kakailanganin sa paglalakbay at magdasal ng higit sa pangangailangan niya roon bilang pag-iingat para sa sasapit na mga pangangailangan.
Nararapat na magsabi sa sandali ng paglalakbay niya at sa paglalakbay niya ng nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kabilang doon:
1. Kapag naglagay siya ng paa niya sa sinasakyan niya, magsasabi siya ng: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)" saka kapag nakaluklok siya rito ay banggitin niya ang pagpapala ni Allāh sa mga lingkod Niya at ang pagpapadali ng sarisaring sinasakyan, pagkatapos magsabi siya ng: "Allāhu akbar, Allāhu akbar, Allāhu akbar. Subḥāna -lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa-mā kunnā lahū muqrinīn, wa-innā ilā rabbinā la-munqalibūn. Allāhumma, innā nas'aluka fī safarinā hādha -lbirra wa-ttaqwā wa-mina l`amali mā tarḍā. Allāhumma, hawwin `alaynā safaranā hādhā, wa-ṭwi `annā bu`dah. Allāhumma anta -ṣṣāhibu fi ssafar, wa-lkhalīfatu fi -l'ahli. Allāhumma innī a`ūdhu bika min wa`thā'i -ssafar, wa-ka'ābati -lmanḍ̆ar, wa-sū'i -lmunqalabi fi -lmāli wa-l'ahli. (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila. Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa amin nito at kami rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang mga magbabalik. O Allāh, tunay na kami ay humihiling sa Iyo sa paglalakbay naming ito ng pagsasamabuting-loob, pangingilag magkasala, at gawang ikalulugod Mo. O Allāh, pagaanin Mo sa amin ang paglalakbay naming ito at paiksiin Mo para sa amin ang layo nito. O Allāh, Ikaw ang kasamahan sa paglalakbay at ang pinag-iwanan sa mag-anak. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa hirap ng paglalakbay, panglaw ng tanawin, at kasaklapan ng madadatnan sa ari-arian at mag-anak.)"[2] [2] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Yaqūlu Idhā Rakiba Ilā Safar Al-Ḥajj Wa Ghayrih, numero 1342; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
2. Ang pagsambit ng takbīr kapag umakyat sa isang kataasang lugar at ang pagsambit ng tasbīḥ kapag lumapag sa isang mababang lugar.[3] [3] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Jihād Wa As-Sayr, Bāb At-Tasbīḥ Idhā Habaṭa Wādiyā, numero 2993; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
3. Kapag nanuluyan sa isang tuluyan ay magsabi ng: "A'ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri ma khalaq. (Nagpapakupkop ako sa lubos na mga salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya.)"[4] Tunay na ang sinumang nagsabi nito ay walang makapipinsala sa kanya na anuman hanggang sa lumisan siya mula sa tuluyan niyang nagsabi siya nito roon. [4] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Adh-Dhikr Wa Ad-Du`ā' Wa At-Tawbah Wa Al-Istighfār, Bāb Fi At-Ta`awwudh Min Sū' Al-Qaḍā' Wa Dark Ash-Shaqā' Wa Ghayrih, numero 2708; mula sa ḥadīth ni Khawlah bint Ḥakīm (malugod si Allāh sa kanya).
***
Ang Paglalakbay ng Babae
Hindi pinapayagan sa babae na maglakbay para sa ḥajj o `umrah malibang may kasama sa kanya na isang maḥram, maging ang paglalakbay man ay mahaba o maikli, maging may kasama sa kanya na mga babae o wala, maging siya man ay dalaga o matanda, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi maglalakbay ang babae malibang kasama ng isang maḥram ..."[5] [5] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Aṣ-Ṣayd, Bāb Ḥajj An-Nisā', numero 1862; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Safar Al-Mar'ah Ma`a Maḥram Ilā Ḥajj Wa Ghayrih, numero 1341; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ang kasanhian sa pagpigil sa babae sa paglalakbay nang walang maḥram ay ang kakulangan ng babae sa pag-iisip niya at pagtatanggol sa sarili niya. Siya ay mapag-iimbutan ng mga lalaki kaya marahil malilinlang siya o mapupuwersa siya o mahina siya sa Relihiyon kaya matatangay siya sa hatak ng mga pagnanasa niya at siya sa mga ito ay magiging isang mapag-iimbutan ng mga nag-iimbot. Ang maḥram ay magsasanggalang sa kanya, mangangalaga sa dangal niya, at magtatanggol sa kanya. Dahil doon isinasakundisyon na ang maḥram ay adultong nakapag-uunawa kaya hindi makasasapat ang bata na hindi pa nag-adulto ni ang sinumang walang pag-iisip.
Ang maḥram ay ang asawa ng babae at ang bawat sinumang naibabawal [mapangasawa] sa kanya ayon sa pagbabawal na palagi dahil sa pagkakamag-anak o pagkapasuso o pagkapakasal. Ang mga maḥram sa pagkakamag-anak ay pito:
1. Ang mga ama at ang mga lolo gaano man sila tumaas, maging sa panig man ng ina o sa panig man ng ama.
2. Ang mga lalaking anak, ang mga lalaking anak ng mga lalaking anak, at ang mga lalaking anak ng mga babaing anak, gaano man sila bumaba.
3. Ang mga lalaking kapatid, maging sila man ay mga lalaking kapatid sa magulang o sa ama o sa ina.
4. Ang mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid, maging sila man ay mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid sa mga magulang o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid sa ama o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid sa ina.
5. Ang mga lalaking anak ng mga babaing kapatid, maging sila man ay mga lalaking anak ng mga babaing kapatid sa mga magulang o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid sa ama o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid sa ina.
6. Ang mga tiyuhin-sa-ama, maging sila man ay mga tiyuhing kapatid ng ama sa mga magulang nito o sa ama nito o sa ina nito.
7. Ang mga tiyuhin-sa-ina, maging sila man ay mga tiyuhing kapatid ng ina sa mga magulang nito o sa ama nito o sa ina nito.
Ang mga maḥram dahil sa pagkapasuso ay katapat ng mga maḥram dahil sa pagkakamag-anak, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Naibabawal [mapangasawa] dahil sa pagpapasuso ang naibabawal [mapangasawa] dahil sa kaangkanan."[6] [6] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Ash-Shahādāt, Bāb Ash-Shahādah `Ala Al-Ansāb, numero 2645; at Imām Muslim: Kitāb Ar-Riḍā`, Bāb Taḥrīm Ibna Al-Akh Min Ar-Raḍā`ah, numero 1447; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ang mga maḥram dahil sa pagkapakasal ay:
1. Ang mga lalaking anak ng asawa ng babae, ang mga lalaking anak ng mga lalaking anak nito, at ang mga lalaking anak ng mga babaing anak nito gaano man sila bumaba, maging sila man ay mula maybahay bago niya o kasama niya o matapos niya.
2. Ang mga ama ng asawa ng babae at ang mga lolo nila gaano man sila tumaas, maging ang mga lolo nito man ay sa panig ng ama nito o sa panig ng ina nito.
3. Ang mga asawa ng mga babaing anak, ang mga asawa ng mga babaing anak ng mga lalaking anak, at ang mga asawa ng mga babaing anak ng mga babaing anak gaano man sila bumaba.
Ang tatlong uring ito ay napagtibay ang pagkamaḥram sa kanila dahil sa payak na pagkadaos ng kasal, kahit pa man nakipaghiwalay sa mga ito dahil sa pagkamatay o pagdiborsiyo o pagpapawalang-bisa (faskh), sapagkat ang pagkamaḥram ay mananatili sa mga ito.
4. Ang mga asawa ng mga ina at ang mga asawa ng mga lola, gaano man sila tumaas, subalit ang mga asawang ito ay hindi nagiging mga maḥram para sa mga babaing anak ng mga maybahay nila o mga babaing anak ng mga lalaking anak ng mga maybahay nila o mga babaing anak ng mga babaing anak ng mga maybahay nila hanggang sa makipagtalik sila sa mga maybahay. Kapag nangyari ang pagtatalik, ang asawa ay naging isang maḥram para sa mga babaing anak ng maybahay niya mula sa isang asawa nito bago niya o isang asawa nito matapos niya at mga babaing anak ng mga lalaking anak nito at mga babaing anak ng mga babaing anak nito kahit pa man nagdiborsiyo siya nito matapos niyan. Hinggil naman sa kapag nagdaos ng kasal sa babae nagdiborsiyo siya nito bago ng pagtatalik, tunay na siya ay hindi nagiging isang maḥram para sa mga babaing anak nito ni para sa mga babaing anak ng mga lalaking anak nito ni para sa mga babaing anak ng mga babaing anak nito.
***
Ang Ṣalāh ng Manlalakbay
Ang Relihiyong Islām ay relihiyon ng ginhawa at kagaanan, na walang pagkaasiwa rito ni pagkahirap. Sa tuwing natatagpuan ang pagkahirap, nagbubukas si Allāh ng mga pinto para sa ginhawa. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {.... Siya ay humalal sa inyo at hindi naglagay sa inyo sa Relihiyon ng anumang pagkaasiwa, ...} (Qur'ān 22:78) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Relihiyon ay ginhawa."[7] Nagsabi naman ang mga may kaalaman: "Ang pagkahirap ay humahatak ng pagpapaginhawa." [7] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Aymān, Bāb Ad-Dīn Yusr, numero 39; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
Yayamang ang paglalakbay ay pinagpapalagayan ng pagkahirap sa kadalasan, pinagaan ang mga patakaran nito kaya naman kabilang doon:
1. Ang pagpayag sa pagsasagawa ng tayammum para manlalakbay kapag hindi siya nakatagpo ng tubig o sa kanya ay may tubig na kakailanganin niya para sa pagkain niya at pag-inom lamang niya subalit kapag nanaig sa palagay niya na siya ay aabot sa tubig bago ng paglabas ng piniling oras, ang pinakamainam ay ang pagpapahuli ng ṣalāh hanggang sa umabot siya sa tubig upang magpakadalisay siya sa pamamagitan nito.
2. Ang pagiging ang isinasabatas sa panig ng manlalakbay na magpaikli siya ng ṣalāh na apatang rak`ah kaya gagawin niya ito na dalawang rak`ah mula sa sandali na lumisan siya mula sa bayan niya hanggang sa makabalik siya roon kahit pa man tumagal ang yugto [ng pagkalisan] batay sa napagtibay sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanahanan sa Makkah sa taon ng pagsakop nang labinsiyam na araw habang nagdarasal ng dalawang rak`ah."[8] Nanahanan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Tabūk nang dalawampung araw habang nagpapaikli ng ṣalāh.[9] [8] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy: Abwāb Ṭaqṣīr Aṣ-Ṣalāh, Bāb Mā Jā'a Fi Aṭ-Ṭaqṣīr Wa Kam Yuqīm Ḥattā Yuqaṣṣir, numero 1080; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [9] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud: Tafrī` Ṣalāh As-Safar, Bāb Idhā Aqām Bi-Arḍ Al-`Adūw yuqaṣṣir, numero 1235; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Subalit kapag nagsagawa ng ṣalāh ang manlalakbay sa likuran ng imām na nagdarasal ng apat na rak`ah, tunay na siya ay magdarasal ng apat na rak`ah bilang pagsunod sa imām niya, maging nakaabot man siya sa imām mula sa simula ng ṣalāh o sa sandali nito. Kapag nagsagawa ng taslīm ang imām, magsasagawa siya ng kalubusan ng apat na rak`ah batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinalaga lamang ang imām upang sundan siya kaya huwag kayong umiba sa kanya."[10] at pagkapangkalahatan ng sabi niya: "saka ang anumang naabutan ninyo ay dasalin ninyo at ang anumang nakaalpas sa inyo ay lubusin ninyo."[11] Tinanong ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naiisip ng manlalakbay: nagdarasal siya ng dalawang rak`ah kapag namumukod siya at apat na rak`ah kapag pinamunuan siya ng isang nananahanan?" Kaya nagsabi siya: "Iyan ang sunnah."[12] [10] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ādāb, Bāb Innamā Ju`il Al-Imām Li-Yu'tamma Bih, numero 589; at Imām Muslim: Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb I'timām Al-Ma'mūm Bi-l-Imām, numero 411; mula sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya). [11] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ādāb, Bāb Lā Yas`ā ilā Aṣ-Ṣalāh Wa Liya'ti Bi-s-Sakīnah Wa Al-Waqār, numero: 636; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid Wa Mawāḍi` Aṣ-Ṣalāh, Bāb Istiḥbāb Ityān Aṣ-Ṣalāh Bi-Waqār Wa Sakīnah Wa An-Nahy `An Ityānihā Sa`yā, numero 602; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). [12] Nagtala nito si Imām Aḥmad: 1/215.
{Ang Anak ni `Umar noon (malugod si Allāh sa kanilang dalawa, kapag nagdasal siya kasama nila, ay nagdarasal ng apat na rak`ah, at kapag nagdasal naman siya nang mag-isa, ay nagdarasal ng dalawang rak`ah. Nangangahulugan ito: sa paglalakbay.}[13] [13] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Qaṣr Aṣ-Ṣalāh Bi-Minā, numero 694.
3. Tunay na ang isinasabatas sa panig ng manlalakbay na magsama siya ng [ṣalāh na] ḍ̆uhr at `aṣr at ng [ṣalāh na] maghrib at `ishā' kapag nangailangan siya sa pagsasama, tulad ng kung siya ay nagpapatuloy sa paghayo niya. Ang pinakamainam sa sandaling iyon ay na gawin niya ang pinakamaginhawa sa kanya na pagpapauna o pagpapahuli.
Hinggil naman sa kapag siya ay hindi nangangailangan sa pagsasama, ang pinakamainam ay na hindi siya magsama; at kung nagsama siya, wala namang masama. Ang halimbawa nito ay na siya ay nanunuluyan sa isang lugar, na hindi siya nagnanais na lumisan mula rito kundi matapos ng pagpasok ng oras ng ikalawang ṣalāh. Magdarasal siya ng bawat tungkuling ṣalāh sa oras nito dahil siya ay walang pangangailangan dito sa pagsasama.
***
Ang mga Mīqāt
Ang mga mīqāt ay ang mga lugar na itinalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magsagawa ng iḥrām sa mga ito ang sinumang nagnanais na magsagawa ng ḥajj o `umrah. Ang mga mīqāt ay lima:
1. Ang Dhulḥulayfah, na tinatawag na Abyār `Alīy at tinatawag naman ng iba sa mga tao na Al-Ḥasā'. Sa pagitan nito at ng Makkah ay mga 10 marḥalah§ (mga 544 km). Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Madīnah at mga naparaan doon na iba pa sa kanila.
2. Ang Al-Juḥfah, na isang matandang nayon, na sa pagitan nito at ng Makkah ay mga 5 marḥalah (mga 272 km). Nasira na ito kaya ang mga tao ay nagsasagawa na ng iḥrām kapalit nito mula sa Rābigh. Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Shām (Sirya, Jordan, at Palestina) at mga naparaan doon na iba pa sa kanila.
3. Ang Yalamlam, na isang bundok o isang lugar sa Tihāmah, na sa pagitan nito at ng Makkah ay mga dalawang marḥalah (mga 109 km). Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Yemen at mga naparaan doon na iba pa sa kanila.
4. Ang Qarnulmanāzil, na tinatawag na As-Sayl, na sa pagitan nito at ng Makkah ay mga dalawang marḥalah (mga 109 km). Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Najd at mga naparaan doon na iba pa sa kanila.
5. Ang Dhātu`irq, na tinatawag na Aḍ-Ḍarībah, na sa pagitan nito at ng Makkah ay mga dalawang marḥalah (mga 109 km). Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Iraq at mga naparaan doon na iba pa sa kanila.
Ang sinumang higit na malapit sa Makkah kaysa sa mga mīqāt na ito, tunay na ang mīqāt niya ay ang lugar niya. Kaya magsasagawa siya ng iḥrām mula roon pati na ang mga naninirahan sa Makkah mula sa Makkah. Ito ay kapag nagsagawa sila ng iḥrām ng ḥajj. Hinggil naman sa `umrah, magsasagawa sila ng iḥrām mula sa Ḥill§ batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Abdurraḥmān bin Abī Bakr: "Lumabas ka kasabay ng kapatid mo," tinutukoy niya si `Ā'ishah, "mula sa Ḥaram saka magpaumpisa siya ng isang `umrah."[14] [14] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Qawl Allāh Ta`ālā (Qur'ān 2:197): {Alḥajju ashhurun ma`lūmāt ... fi -lḥajj}, numero 1560; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Bayān Wujūh Al-Iḥrām: "Na pinapayagan ang pagsasagawa ng ḥajj na ifrād, tamattu`, at qirān; at ang pagpayag sa pagpapasok ng ḥajj sa `umrah at kung kailan kakalas ang qārin (tagapagsagawa ng ḥajj na qirān) ng gawaing-pagsamba niya", numero 1211; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang sinumang ang daan niya ay sa kanan o sa kaliwa ng mga mīqāt na ito, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām kapag natatapat siya sa pinakamalapit sa mga mīqāt sa kanya. Ang sinumang nasa eroplano, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām kapag natapat [sa isa] sa mga mīqāt mula sa ibabaw. Kaya naman magpapakahanda-handa siya at magsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām bago ng pagkatapat [sa isa] sa mga mīqāt. Kapag natapat siya roon, maglalayon siya na magsagawa ng iḥrām kaagad-agad at hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito. Maidagdag pa rito, habang ang iba sa mga tao ay nasa eroplano samantalang siya naman ay nagnanais na magsagawa ng ḥajj o `umrah saka natapat siya sa mīqāt ngunit hindi siya nagsagawa ng iḥrām mula roon, bagkus nagpahuli siya ng pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa makababa siya sa paliparan. ito ay hindi pinapayagan dahil ito ay bahagi ng paglabag sa mga hangganan ni Allāh (napakataas Siya). Maaari ito kung sakaling napararaan siya [sa isa] sa mga mīqāt samantalang siya ay hindi nagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah subalit siya, matapos niyon, ay naglayon na magsagawa ng ḥajj o `umrah, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām mula sa lugar ng layon niya at wala namang anuman sa kanya.
Ang sinumang naparaan [sa isa] sa mga mīqāt na ito samantalang siya ay hindi nagnanais na magsagawa ng ḥajj ni ng `umrah at nagnanais lamang na pumunta sa Makkah para sa isang pagbisita sa isang kamag-anak o isang pangangalakal o isang paghahanap ng kaalaman o isang pagpapagamot o iba pa sa mga ito na mga pakay, tunay na hindi kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām, batay sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalaga ng mga mīqāt, pagkatapos nagsabi: "Ang mga [lugar na] ito ay ukol sa mga [lugar na iyon] at ukol sa sinumang pumunta sa mga [lugar na] iyon kabilang sa hindi mga naninirahan sa mga iyon, kabilang sa mga nagnais magsagawa ng ḥajj o `umrah."[15] Isinadepende ang patakaran sa sinumang nagnanais na magsagawa ng ḥajj o `umrah. Kaya ang naiintindihan dito ay na ang sinumang hindi nagnanais na magsagawa ng ḥajj o umrah ay hindi kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām mula roon. Ang pagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah ay hindi kinakailangan sa sinumang nakaganap ng tungkulin. Ang pagsasagawa ng ḥajj ay hindi kinakailangan sa tanang buhay kundi iisang ulit batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ḥajj ay isang ulit; kaya naman ang sinumang nagdagdag, ito ay isang pagkukusang-loob."[16] Subalit ang pinakamarapat ay na hindi mapagkaitan ang sarili niya ng pagkukusang-loob sa gawaing-pagsamba upang matamo sa kanya ang pabuya dahil sa kadalian ng pagsasagawa ng iḥrām sa panahong ito. Ukol kay Allāh ang papuri at ang pagmamabuting-loob! [15] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Muhall Ahl Makkah Li-l-Ḥajj Wa Al-`Umrah, numero 1524; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mawāqīt Al-Ḥajj Wa Al-`Umrah, numero 1181; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [16] Nagtala nito sina Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Farḍ Al-Ḥajj Marrah Fi Al-`Umr, numero 1337; at Imām Aḥmad: 1/290 at ang pagkakasambit ay sa kanya; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
***
Ang mga Uri ng Nusuk (Istilo ng Ḥajj)
Ang mga nusuk at tatlo: tamattu`, ifrād, at qirān.
Ang tamattu` ay na magsagawa siya ng iḥrām ng `umrah nang mag-isa nito sa mga buwan ng ḥajj. Kapag nakarating siya sa Makkah, magsasagawa siya ng ṭawāf at sa`y para sa `umrah at magpapaahit siya o magpapaikli siya ng buhok. Kapag sumapit ang Araw ng Tarwiyah, ang ikawalong araw ng Dhulḥijjah, magsasagawa naman siya ng ḥajj nang mag-isa nito at magsasagawa siya ng lahat ng mga gawain nito.
Ang ifrād ay na magsagawa siya ng iḥrām ng ḥajj nang mag-isa nito. Kapag nakarating siya sa Makkah, magsasagawa siya ng ṭawāf para sa pagdating, pagkatapos magsasagawa siya ng sa`y para sa ḥajj. Hindi siya magpapaahit at hindi siya magpapaikli ng buhok. Hindi siya kakalas sa iḥrām niya, bagkus mananatili siyang muḥrim§ hanggang sa kumalas siya rito matapos makapagsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa Araw ng Pagdiriwang. Kung nagpahuli siya sa pagsasagawa ng sa`y ng ḥajj hanggang sa matapos ng ṭawāf ng ḥajj, wala namang masama.
Ang qirān ay na magsagawa siya ng iḥrām ng `umrah at ḥajj nang magkasama o magsagawa siya ng `umrah muna, pagkatapos magpapasok siya ng ḥajj dito bago ng pagsisimula sa pagsasagawa ng ṭawāf nito. Ang gawain ng qārin§ ay gaya ng gawain ng mufrid§ sa pagkakatulad maliban na ang qārin ay may kailangan sa kanya na handog samantalang ang mufrid ay walang handog na kailangan sa kanya.
Ang pinakamainam sa tatlong uring ito ay ang tamattu`. Ito ang ipinag-utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya at hinimok niya sa kanila. Kahit pa man nagsagawa ang tao ng iḥrām na qirān o ifrād, nabibigyang-diin sa kanya na magpalit ng iḥrām niya para maging `umrah upang siya ay maging isang mutamatti` kahit pa man matapos na nakapagsagawa ng ṭawāf at sa`y dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nakapagsagawa ng ṭawāf at sa`y sa taon ng Ḥajj ng Pamamaalam habang kasama niya ang mga Kasamahan niya, ay nag-utos sa bawat sinumang walang kasamang handog na magpalit ng iḥrām niya para maging `umrah, magpaikli ng buhok, at kumalas. Nagsabi siya: "Kung hindi dahil ako ay nag-akay ng handog, talaga sanang gumawa ako ng tulad ng ipinag-utos ko sa inyo."[17] [17] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb At-Tamattu` Wa Al-Iqrān Wa Al-Ifrād Bi-l-Ḥajj, numero 1568; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Bayān Wujūh Al-Iḥrām, numero 1216; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Dagdag pa rito, maaaring magsagawa ang tao ng iḥrām ng `umrah habang nagpakatamasa nito [sa mga buwan ng ḥajj] hanggang sa ḥajj, pagkatapos hindi siya makakaya sa paglubos ng `umrah bago ng pagtigil sa `Arafah kaya sa kalagayang ito magpapasok siya ng ḥajj sa `umrah at magiging isang qārin. Maghalimbawa tayo para roon ng dalawang halimbawa:
Ang Unang Halimbawa: May isang babaing nagsagawa ng iḥrām ng `umrah, na nagtatamasa (Tamattu) nito hanggang sa ḥajj saka nagregla siya o dinugo siya bago siya makapagsagawa ng ṭawāf at hindi siya nadalisay hanggang sa dumating ang oras ng pagtigil sa `Arafah. Tunay na siya sa kalagayang ito ay maglalayon ng pagpasok ng ḥajj sa `umrah at siya ay magiging isang qārin saka magpapatuloy sa iḥrām niya at gagawa ng ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj gayon pa man siya ay hindi magsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah ni magsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah hanggang sa madalisay siya at makapaligo siya.
Ang Ikalawang Halimbawa: May isang taong nagsagawa ng iḥrām, na nagtatamasa nito hanggang sa ḥajj saka may nangyari sa kanya na isang tagasagabal na pumipigil sa kanya sa pagpasok sa Makkah bago ng araw ng [pagtigil sa] `Arafah. Tunay na siya ay maglalayon ng pagpasok ng ḥajj sa `umrah at siya ay magiging isang qārin saka magpapatuloy sa iḥrām niya at gagawa ng ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj.
***
Ang Muḥrim na Inoobliga sa Kanya ang Paghahandog
Ang muḥrim na inoobliga sa kanya ang paghahandog ay ang mutamatti` at ang qārin. Hinggil naman sa mufrid, hindi ito inoobliga sa kanya.
Ang mutamatti` ay ang nagsasagawa ng iḥrām ng `umrah sa mga buwan ng ḥajj – ibig sabihin: matapos ng pagpasok ng buwan ng Shawwāl at kumakalas sa mga buwan na ito – pagkatapos nagsasagawa ng iḥrām ng ḥajj sa taon na ito. Kung nagsagawa siya ng iḥrām ng `umrah bago ng pagpasok ng buwan ng Shawwāl, siya ay hindi isang mutamatti`. Kaya naman walang handog na kailangan sa kanya, maging siya man ay nakapag-ayuno na sa Ramaḍān sa Makkah o hindi sapagkat ang pag-aayuno sa Ramaḍān sa Makkah ay walang epekto rito at tanging ang isinasaalang-alang ay nasa pagkasagawa ng iḥrām ng `umrah. Kaya kapag ito ay bago ng pagpasok ng buwan ng Shawwāl, siya ay isang mutamatti` na inoobliga sa kanya ang pag-aalay kapag nalubos ang mga kundisyon ng pagkakinakailangan. Hinggil naman sa pinaniniwalaan ng iba sa madla na ang isinasaalang-alang daw ay nasa pagkaayuno sa Ramaḍān, na ang sinumang nag-ayuno sa Makkah ay walang handog na kailangan sa kanya at ang sinumang hindi nag-ayuno roon ay may kailangan sa kanya na handog, ito ay isang paniniwalang hindi tumpak.
Hinggil naman sa qārin, siya ay ang nagsasagawa ng iḥrām ng `umrah at ḥajj nang magkasama o nagsasagawa ng `umrah, pagkatapos magpapasok ng ḥajj dito bago ng pagsisimula sa pagsasagawa ng ṭawāf nito.
Hindi kinakailangan ang handog sa mutamatti` at qārin malibang ayon sa isang kundisyon: na hindi sila kabilang sa mga nakadalo sa Masjid na Pinakababanal. Kaya kung sila ay kabilang sa mga nakadalo sa Masjid na Pinakababanal, walang handog na kailangan sa kanila. Ang mga nakadalo sa Masjid na Pinakababanal ay ang mga naninirahan sa Ḥaram at ang mga malapit mula roon kung saan sa pagitan nila at ng Ḥaram ay walang distansiyang naibibilang na isang paglalakbay, gaya ng ahlu sharā'i`§ at tulad nila sapagkat tunay na walang handog na kailangan sa kanila. Hinggil naman sa mga malayo mula sa Ḥaram kung saan sa pagitan nila at ng Ḥaram ay may distansiyang naibibilang na isang paglalakbay, gaya ng mga naninirahan sa Jeddah, tunay na hindi inoobliga sa kanila ang paghahandog. Ang sinumang kabilang sa mga naninirahan sa Makkah, pagkatapos naglakbay sa ibang lugar para maghanap ng kaalaman o iba pa rito at bumalik sa Makkah bilang isang mutamatti`, tunay na walang handog na kailangan sa kanya dahil ang isinasaalang-alang ay nasa lugar ng pananahanan niya at paninirahan niya, ang Makkah, maliban na lumipat siya sa lugar na iba pa sa Makkah para manirahan sapagkat tunay na kapag bumalik siya roon bilang isang mutamatti`, inoobliga kanya ang paghahandog dahil siya sa sandaling iyon ay hindi na kabilang sa mga nakadalo sa Masjid na Pinakababanal.
Ang handog na kailangan sa mutamatti` ay isang tupang sasapat sa pag-aalay o sangkapito (1/7) ng isang kamelyo o sangkapito ng isang baka; ngunit kung hindi nakatagpo nito ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag nakabalik sa mag-anak niya. Pinapayagan na mag-ayuno ng tatlong araw sa mga araw ng Tashrīq, na ika-11, ika-12, at ika-13 ng Dhulḥijjah. Pinapayagan na mag-ayuno ng mga ito bago niyon matapos magsagawa ng iḥrām ng `umrah subalit hindi siya mag-aayuno nito sa Araw ng Pagdiriwang ni sa `Arafah dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway laban sa pag-aayuno sa dalawang Araw ng Pagdiriwang[18] at sumaway laban sa pag-aayuno sa araw ng `Arafah sa `Arafah. Pinapayagan na mag-ayuno sa tatlong araw na ito nang nagkakasunuran o magkakahiwa-hiwalay subalit hindi siya magpapalitan ng mga ito lampas sa mga araw ng Tashrīq. Hinggil naman pitong araw na natitira, mag-aayuno siya ng mga ito kapag nakabalik siya sa mag-anak niya. Kung loloobin niya, mag-aayuno siya ng mga ito nang nagkakasunuran o magkakahiwa-hiwalay. [18] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Aṣ-Ṣawm, Bāb Ṣawm Yawm Al-Fiṭr, numero 1990; at Imām Muslim: Kitāb Aṣ-Ṣiyām, Bāb An-Nahy `An Ṣawm Yawm Al-Fiṭr Wa Yawm Al-Aḍḥā, numero 1137; mula sa ḥadīth ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya). [19] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Fī Aṣ-Ṣawm, Bāb Fī Ṣawm Yawm `Arafah Bi-`Arafah, numero 2440; at Imām Ibnu Mājah: Kitāb Aṣ-Ṣiyām, Bāb Ṣiyām Yawm `Arafah, numero 1732; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang mga araw ng pagkatay ng handog ay apat: ang Araw ng Pagdiriwang at ang tatlong araw matapos nito. Ang sinumang nagkatay bago ng mga araw na ito, ang tupa niya ay tupa ng karne na hindi nakatutumbas sa handog dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagkatay ng handog niya bago ng Araw ng Pagdiriwang at ang handog ay bahagi ng gawaing-pagsamba. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."]20] Sa ḥadīth buhat sa kanya, siya ay nagsabi: "Ang lahat ng mga araw ng Tashrīq ay pagkakatay [ng handog]."[21] Ang mga araw ng Tashrīq ay ang tatlong araw na matapos ng Pagdiriwang. [20] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Ramy Jamrah Al-`Aqabah Yawm An-Naḥr Rākiban Wa Bayān Qawlihi (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam): {li-ya'khudhū manāsikakum}, numero 1297; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya). [21 Nagtala nito si Imām Aḥmad: 4/82 mula sa ḥadīth ni Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya).
Pinapayagan ang pagkatay [ng handog] sa mga araw na ito sa gabi at sa maghapon subalit ang maghapon ay higit na mainam. Pinapayagan din ito sa Minā at sa Makkah subalit sa Minā ay higit na mainam, maliban na ang pagkatay sa Makkah ay higit na kapaki-pakinabang para sa mga maralita kung saan ang pakikinabang dito sa Minā ay kaunti kaya naman tunay na siya ay susunod sa higit na angkop at higit na kapaki-pakinabang. Ayon dito, kung sakaling nagpahuli siya ng handog niya hanggang sa ika-13 at nagkatay siya nito sa Makkah, wala namang masama.
Alamin mo na ang pagtugon sa paghahandog para sa nakakakaya o ang pag-aayuno para sa sinumang hindi nakatagpo ng handog ay hindi isang multa sa tao o isang pagpapagod sa katawan niya nang walang kabuluhan. Ito lamang ay bahagi ng paglubos ng gawaing-pagsamba at pagkumpleto nito at bahagi ng awa ni Allāh at paggawa Niya ng maganda yayamang nagsabatas Siya para sa mga lingkod Niya ng may dulot na pagkumpleto sa pagsamba nila, pagpapakalapit-loob nila sa Panginoon nila, karagdagan sa pabuya sa kanila, at pag-angat sa mga antas nila.
Ang paggugol dito ay tinutumbasan at ang pagpupunyagi rito ay kinikilala. Marami sa mga tao ang hindi nakapapansin sa kabuluhang ito at hindi nagtutuos sa pabuyang ito sa pagtutuos dito. Nakatatagpo ka sa kanila na tumatakas-takas sa pagkakinakailangan ng paghandog at nagpupunyagi sa pag-aalis nito sa pamamagitan ng bawat kaparaanan hanggang sa ang iba sa kanila ay nagbubukod-tangi sa pagsasagawa ng ḥajj nang mag-isa nito alang-alang na hindi kailanganin sa kanya ang paghahandog. Kaya naman nagkakait sila sa mga sarili nila ng pabuya ng tamattu` at pabuya ng paghahandog. Ito ay isang pagkalingat na nararapat ang pagkatawag-pansin dito.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah
Kapag nagnais siya na magsagawa ng iḥrām ng `umrah, ang isinasabatas ay na mag-alis siya ng mga kasuutan niya, maligo siya kung paanong naliligo para sa janābah, at magpabango siya ng pinakamabango na natatagpuan niya na langis ng `ūd (sandalwood) o iba pa rito sa ulo niya at balbas niya. Hindi nakapipinsala sa kanya ang pananatili niyon matapos ng pagkasagawa ng iḥrām dahil sa nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya na magsagawa ng iḥrām, ay nagpapabango ng pinakamabangong natatagpuan niya, pagkatapos nakakikita ako ng pangingintab ng musk sa ulo niya at balbas niya matapos niyon."[22] [22] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Libās, Bāb Aṭ-Ṭīb Fi Ar-Ra's Wa Al-Liḥyah, numero 5923; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Aṭ-Ṭīb Lil-Muḥrim `Inda Al-Iḥrām, numero 1190; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang pagpaligo sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām ay sunnah sa panig ng mga lalaki at mga babae pati na ang dinurugo at ang nireregla dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos kay Asmā' bint `Umays nang dinugo siya na maligo siya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām niya at magtapal ng isang tela at magsagawa siya ng iḥrām. [23] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ḥijjah An-Nabīy, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Pagkatapos matapos ng pagpaligo at pagpapabango, magsusuot siya ng mga kasuutan ng iḥrām. Pagkatapos magdarasal siya – maliban ang nireregla at ang dinurugo – ng tungkuling ṣalāh kung nasa oras ng isang tungkuling ṣalāh; at kung hindi naman, magdarasal siya ng dalawang rak`ah habang naglalayon dito ng sunnah ng wuḍū'; saka kapag nakatapos siya sa ṣalāh, magsasagawa siya ng iḥrām at magsasabi siya ng: "Labbayka `umrah. Labbayka -llāhumma labbayk. Labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah. Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"[24] Magtataas ang lalaki ng tinig niya sa pagsambit niyon. Ang babae naman ay magsasabi nito ayon sa abot ng naririnig ng sinumang katabi niya. [15] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb At-Talbiyah, numero 1549; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb At-Talbiyah Wa Ṣifatuhā, numero 1184; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Kapag ang sinumang nagnanais ng pagsasagawa ng iḥrām ay naging nangangamba sa isang tagasagabal na sasagabal sa kanya sa paglubos ng gawaing-pagsamba niya, tunay na siya ay nararapat na magsakundisyon sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām kaya magsasabi siya: "In ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥabasanī. (Kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)"[25] Ibig sabihin: Kung may hahadlang sa akin na isang tagahadlang sa paglubos ng gawaing-pagsamba ko gaya ng sakit o pagkahuli o iba pa sa mga ito, tunay na ako ay kakalas sa iḥrām ko dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos kay Ḍubā`ah bint Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) nang nagnais ito na magsagawa ng iḥrām, habang ito ay maysakit, na magsakundisyon ito. Nagsabi siya: "sapagkat tunay na ukol sa iyo sa Panginoon mo ang anumang ipinasubali mo."[27] Kaya kapag nagsakundisyon siya at nangyari sa kanya ang hahadlang sa kanya sa paglubos ng gawaing-pagsamba niya, tunay na siya ay kakalas at walang anuman sa kanya. [25] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb Kayfa Yaqūl Idhā Ishtaraṭ, numero 2766; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [26] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb An-Nikāḥ, Bāb Al-Akiffā' Fi Ad-Dīn, numero 5089; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Jawāz Ishtirāṭ Al-Muḥrim At-Taḥallul Ba`da Al-Maraḍ Wa Ghayrih, numero 1207; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya). [27] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb Kayfa Yaqūl Idhā Ishtaraṭ, numero 2766; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Hinggil naman sa sinumang hindi nangangamba sa isang tagasagabal na sasagabal sa kanya sa paglubos ng gawaing-pagsamba niya, tunay na siya ay hindi nararapat na magsakundisyon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsakundisyon at hindi nag-utos ng pagsasakundisyon sa bawat isa. Nag-utos lamang siya nito kay Ḍubā`ah bint Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa kairalan ng sakit dito.
Nararapat sa muḥrim na magparami ng pagsambit ng talbiyah – lalo na sa pag-iba-iba ng mga kalagayan at mga panahon, tulad ng kung pumaitaas sa isang nakaangat na lugar o pumaibaba sa isang mababang lugar o sumasapit ang gabi o ang maghapon – at na humiling kay Allāh matapos ng mga ito ng pagkalugod Niya at Paraiso at humiling ng pagkupkop laban sa Impiyerno sa pamamagitan ng awa Niya.
Ang pagsambit ng talbiyah ay isinasabatas sa pagsasagawa ng `umrah mula sa pagkasagawa ng iḥrām hanggang sa magsimula siya sa pagsasagawa ng ṭawāf at sa ḥajj mula sa pagkasagawa ng iḥrām hanggang sa magsimula siya sa pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa Araw ng Pagdiriwang.
Nararapat, kapag nalapit siya sa Makkah, na maligo siya para sa pagpasok doon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naligo sa sandali ng pagpasok niya.[28] Kapag papasok siya sa Masjid na Pinakababanal, mag-uuna siya ng kanang paa niya at magsasabi siya: "Bismi -llāhi wa-ṣṣalātu wa-ssalāmu `alā rasūli -llāh. Allāhumma -ghfir lī dhunūbī wa-ftaḥ lī abwāba raḥmatik. A`ūdhu bi-llāhi -l`aḍ̆īmi wa-bi-wajhihi -lkarīmi wa-bi-sulṭānihi -lqadīmi mina -shshayṭāni -rrajīm. (Sa ngalan ni Allāh at ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh. O Allāh, magpatawad Ka para sa akin ng mga pagkakasala ko at magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo. Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal at sa kapamahalaan Niyang matanda laban sa demonyong kasumpa-sumpa.)"[29] Pagkatapos susulong siya sa Batong Itim upang magsimula sa pagsasagawa ng ṭawāf saka hihipo siya sa Batong Itim sa pamamagitan ng kanang kamay niya at hahalik siya sa kamay. Kung hindi naging posible sa kanya ang paghalik doon, hahalik siya sa kamay niya kung humipo siya niyon. Kung hindi naging posible sa kanya ang paghipo tunay na siya ay haharap sa Batong Itim at magtuturo niyon sa pamamagitan ng kamay niya nang isang pagturo at hindi hahalik dito. Ang pinakamainam ay na hindi siya makipagsiksikan para makaperhuwisyo siya sa mga tao o maperhuwisyo siya dahil sa kanila. Batay ito sa naisalaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi kay `Umar: "`Umar, tunay na ikaw ay isang lalaking malakas. Huwag kang makipagsiksikan sa Batong Itim para makaperhuwisyo ng mahina. Kung nakatagpo ka ng isang puwang, hipuin mo ito; at kung hindi naman, humarap ka roon saka sumambit ka ng tahlīl at sumambit ka ng takbīr."[30] [28] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Al-Ihlāl Mustaqbil Al-Qiblah, numero 1553; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [29] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud: Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Fīmā Yaqūluhu Ar-Rajul `Inda Dukhūlih Al-Masjid, numero 466; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [30] Nagtala nito si Imām Aḥmad: 1/28. Nagkomentaryo ang Kagalang-galang na Shaykh natin, ang may-akda (kaawaan siya ni Allāh), sa mga ibang reperensiya niya ng aklat sa pamamagitan ng pagsabi niya: "Ang ḥadīth na ito ay mahina."
Magsasabi siya sa sandali ng paghipo sa Batong Itim: "Bismi illāhi wa-llāhu akbar. Allāhumma, īmānam bika wa-taṣdīqam bi-kitābika wa-wafā'am bi-`ahdika, wa-ttibā`al li-sunnati nabīyika muḥammadin. (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila. O Allāh, dahil sa pananampalataya sa Iyo, dahil sa paniniwala sa Aklat Mo, dahil sa pagtupad sa tipan sa Iyo, at dahil sa pagsunod sa sunnah ng Propeta Mong si Muḥammad."[31] [31] Nagsabi si Ibnu Ḥajar sa At-Talkhīṣ Al-Ḥabīr: 2/472: Hindi ako nakatagpo rito bilang ganito. Bumanggit nga nito ang may-akda ng Al-Muhadhdhab mula sa ḥadīth ni Jābir. Kumopya nga sa kanya sina Al-Mundhirīy at An-Nawawīy. Nagtala nito si Ibnu `Asākir mula sa daan ni Ibnu Nājiyah sa isang mahinang sanad niya.
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan at maglalagay sa Ka`bah sa kaliwa niya. Kapag umabot siya sa Rukn Yamānīy, hihipo siya niyon nang walang paghalik. Kung hindi ito naging posible sa kanya, hindi siya makikipagsiksikan doon. Magsasabi siya sa pagitan niya at ng Batong Itim: "Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" (Qur'ān 2:201) "Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l'ākhirah. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay.)"[32] Sa tuwing napararaan siya sa Batong Itim, sasambit siya ng takbīr. Magsasabi siya sa nalalabi sa pagsasagawa ng ṭawāf niya ng naiibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur'ān. "Ginawa lamang ang pag-ikot sa Bahay [ni Allāh], ang pagpabalik-balik sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, at ang pagpukol sa mga jamrah para sa pagpapanatili ng pag-alaala kay Allāh."[33] [32] Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 2957. [33] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Fi Ar-Raml, numero 1888; at Imām At-Tirmidhīy: Abwāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Kayfa Yurmā Al-Jimār, numero 902; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Sa ṭawāf na ito – tinutukoy ko ang ṭawāf sa unang pagdating – nararapat sa lalaki na gumawa ng dalawang bagay:
Ang Una: Ang pagsasagawa ng iḍṭibā` mula sa pagsisimula ng ṭawāf hanggang sa pagwawakas nito. Ang paraan ng pagsasagawa ng iḍṭibā` ay na maglagay siya ng gitna ng balabal niya sa loob ng kanang kilikili niya at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kaliwang balikat niya. Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf, magpapanumbalik siya nito sa kalagayan nito bago magsagawa ng ṭawāf dahil ang iḍṭibā`ay isinasagawa sa ṭawāf lamang.
Ang Ikalawa: Ang pagsasagawa ng raml sa unang tatlong paglibot lamang. Ang raml ay ang pagpapabilis ng paglalakad kasama ng pagpapalapit ng mga hakbang. Hinggil naman sa nalalabing apat na paglibot, walang pagsasagawa ng raml sa mga ito. Maglalakad lamang siya gaya ng nakagawian niya.
Kapag nalubos ang pagsasagawa ng ṭawāf sa pitong pag-ikot, pupunta siya sa Maqām Ibrāhīm saka bibigkas siya ng: "Wa-ttakhidhū mim maqāmi ibrāhīma muṣallā. (... At gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan.)" (Qur'ān 2:125) Pagkatapos magdarasal siya ng dalawang rak`ah sa likuran niyon. Matapos ng Al-Fātiḥah, bibigkas siya sa unang rak`ah ng Sūrah Al-Kāfirūn (Qur'ān 109:1-6) at sa ikalawang rak`ah ng Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112:1-4) matapos ng Al-Fātiḥah.
Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah, babalik siya sa Batong Itim saka hihipo siya roon kung naging posible ito para sa kanya.
Pagkatapos, lalabas siya papunta sa mas`ā saka kapag nakalapit siya sa Ṣafā, bibigkas siya ng: "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh... (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh...)" (Qur'ān 2:158) Aakyat siya sa Ṣafā hanggang sa makita niya ang Ka`bah saka haharap siya roon at magtataas ng mga kamay niya. Magpupuri siya kay Allāh at mananalangin ng anumang niloob niya na ipanalangin. Kabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito: "Lā ilāha illa llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu lmulku wa lahu lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa llāhu waḥdahu, Anjaza wa`dah, wa naṣara `abdah, wa hazama -l'aḥzāba waḥdah. (Walang Diyos kundi si Allāh, tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang Diyos kundi si Allāh, tanging Siya. Tinotoo ni Allāh ang pangako Niya, pinagtagumpay Niya ang Lingkod Niya, at ginapi Niya nang mag-isa ang mga magkakampi [laban sa Islām].)"[34] Mag-uulit siya niyon nang tatlong ulit at mananalangin sa pagitan niyon. [34] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ḥijjah An-Nabīy, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Pagkatapos bababa siya mula sa Ṣafā patungong Marwah nang naglalakad. Kapag umabot siya sa luntiang palatandaan, tatakbo siya nang matinding pagtakbo sa abot ng makakaya niya at hindi mamemerhuwisyo sapagkat naisalaysay nga tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): ""Tunay na siya noon ay tumatakbo hanggang sa makita ang mga tuhod niya dahil sa tindi ng pagtakbo habang umiikot sa kanya ang tapis niya." Sa isang pagkakasambit: "na ang pantapis niya ay talagang umiikot dahil sa tindi ng pagtakbo."[35] Kapag umabot siya sa ikalawang luntiang palatandaan, maglalakad siya gaya ng nakagawian niya hanggang sa makarating siya ng Marwah saka aakyat siya roon. Haharap siya sa qiblah, magtataas siya ng mga kamay niya, magsasabi siya ng sinabi niya sa Ṣafā. Pagkatapos bababa siya mula sa Marwah patungong Ṣafā saka maglalakad siya sa lugar ng nilakaran niya at tatakbo siya sa lugar ng tinakbuhan nya. Kapag nakarating siya sa Ṣafā, gagawa siya ng gaya ng ginawa niya sa unang pagkakataon at gayon din sa Marwah hanggang sa makakumpleto siya ng pitong pagparoon. Ang pagpunta niya mula sa Ṣafā patungong Marwah ay isang pagparoon at ang pagbalik niya mula sa Marwah patungong Ṣafā ay isa pang pagparoon. Magsasabi siya sa pagsasagawa ng sa`y niya ng naiibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur'ān. [35] Nagtala nito si Imām Aḥmad: 6/421; mula sa ḥadīth ni Ḥabībah bint Abī Tajrāh (malugod si Allāh sa kanya).
Kapag nakalubos siya ng pitong pagparoon, magpapaahit siya ng buhok niya kung siya ay lalaki; at kung siya naman ay isang babae, tunay na siya ay magpapaputol mula sa bawat dulo ng buhok ng isang pulgada.
Kinakailangan na ang pagpapaahit ay maging nakasaklaw sa kabuuan ng ulo at, gayon din, ang pagpapaikli ay lumalahat sa kabuuan ng mga dako ng ulo. Ang pagpapaahit ay higit na mainam kaysa sa pagpapaikli dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumalangin para sa mga nagpaahit nang tatlong ulit at para sa mga nagpaikli nang isang ulit,[36] maliban kung ang panahon ng ḥajj ay malapit na kung kailan hindi na makasasapat ito para sa pagtubo ng buhok ng ulo kaya naman tunay na ang pinakamainam ay ang pagpapaikli upang may matira sa ulo para sa pagpapaahit sa ḥajj. Ayon ito sa patunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos sa mga Kasamahan niya sa Ḥajj ng Pamamaalam na magpaikli sila ng buhok para sa `umrah[37] dahil ang pagdating nila ay umaga ng ikaapat na araw ng Dhulḥijjah. [36] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Al-Ḥalq Wa At-Taqṣīr `Inda Al-Iḥlāl, numero 1727; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Tafḍīl Al-Ḥalq `Ala At-Taqṣīr Wa Jawāz At-Taqṣīr, numero 1301; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [37] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb At-Tamattu` Wa Al- Iqrān, numero 1568; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Bayān Wujūh Al-Iḥrām, numero 1216; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nalubos ang pagsasagawa ng `umrah. Kaya ang `umrah ay ang iḥrām, ang ṭawāf, ang sa`y, at ang pagpapaahit o ang pagpapaikli. Pagkatapos niyon, kakalas siya mula roon ng kumpletong pagkalas. Makagagawa na siya ng gaya ng ginagawa ng mga nakakalas gaya ng pagdadamit [ng nakahiratian], pagpapabango, pakikipagtalik, at iba pa roon.
***
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj
Kapag sumapit ang Araw ng Tarwiyah, ang ikawalong araw ng Dhulḥijjah, magsasagawa siya ng iḥrām ng ḥajj sa oras ng ḍuḥā (sa pagitan ng umaga at bago magtanghali) mula sa lugar niya na nagnais siyang magsagawa ng ḥajj mula roon. Gagawin niya sa sandali ng pagsasagawa niya ng iḥrām ng ḥajj ang ginawa niya sa pagsasagawa niya ng iḥrām ng `umrah gaya ng pagpaligo, pagpapabango, at pagsasagawa ng ṣalāh. Maglalayon siya ng pagsasagawa ng iḥrām ng ḥajj at sasambit siya ng talbiyah. Ang paraan ng pagsambit ng talbiyah sa ḥajj ay gaya ng paraan ng pagsambit ng talbiyah sa `umrah maliban na siya ay magsasabi rito ng: "Labbayka ḥajjā" sa halip ng pagsabi niya ng: "Labbayka `umrah." Kung siya ay nangangamba sa isang tagabalakid na pipigil sa kanya sa paglubos ng pagsasagawa ng ḥajj niya, magsasakundisyon siya saka magsasabi: "Wa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥabasanī. (At kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)"[38] Kung siya naman ay hindi nangangamba, hindi siya magsasakundisyon. [38] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb Kayfa Yaqūl Idhā Ishtaraṭ, numero 2766; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Pagkatapos lilisan siya papunta sa Minā saka magdarasal doon ng ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, `ishā', at fajr, na pinaikli nang walang pagsasama dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaikli [ng ṣalāh] sa Minā at hindi nagsasama.[39] Ang pagpapaikli, gaya ng nalalaman, ay ang paggawa sa apatang rak`ah na ṣalāh na maging dalawahang rak`ah. Magpapaikli ng ṣalāh ang mga naninirahan sa Makkah at iba pa sa kanila sa Minā, `Arafah, at Muzdalifah dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namumuno sa ṣalāh sa mga tao sa Ḥajj ng Pamamaalam habang kasama niya ang mga naninirahan sa Makkah at hindi siya nag-utos sa kanila ng paglubos [sa apat na rak`ah]. Kung sakaling kinailangan sa kanila [ang paglubos], talaga sanang nag-utos siya sa kanila nito gaya ng pag-uutos niya sa kanila nito sa Taon ng Pagsakop. [39] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ḥijjah An-Nabīy, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Kapag sumikat ang araw sa Araw ng `Arafah, hahayo siya mula sa Minā papunta sa `Arafah saka manunuluyan sa Namirah hanggang sa paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat – kung naging posible ito sa kanya – at kung hindi ay wala namang kaasiwaan dahil ang panunuluyan sa Namirah ay sunnah.
Kapag lumihis sa katanghaliang-tapat ang araw, magdarasal ng ḍ̆uhr at `aṣr, na nagsasama ng dalwang ito sa isang pagsasama ng pagpapauna, gaya ng ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang humaba ang oras ng pagtigil at pananalangin.
Pagkatapos maglalaan ng sarili matapos ng ṣalāh sa pagsambit ng dhikr, panalangin, at pagsusumamo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Mananalangin ng anumang naibigan habang nag-aangat ng mga kamay habang nakaharap sa qiblah, kahit pa man ang bundok ay nasa likuran niya dahil ang sunnah ay ang pagharap sa qiblah hindi sa bundok. Tumigil nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tabi ng bundok at nagsabi: [40] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Anna `Arafah Kulluhā Mawqif, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya). "Tumigil ako rito [sa Muzdalifah]. Ang `Arafah, ang kabuuan nito ay tigilan."[40]
"at lumayo kayo sa looban ng `Uranah."[41] [41] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Al-Mawqif Bi-`Arafah, numero 3012; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Ang pinakamadalas sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dakilang tigilang iyon ay: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa lahu -lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kapangyarihan)."[42] [42] Nagtala nito sina Imām ِAl-Bukhārīy: Abwāb Al-`Umrah, Bāb Mā Yaqūlu Idhā Raja`a Min Al-Ḥajj Aw Al-`Umrah Aw Al-Ghazw, numero 1797; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Yaqūlu Idhā Qafala Min Safar Al-Ḥajj Wa Ghayrih, numero 1344; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Kung nakadama siya ng panghihinawa at nagnais siya na magpahi-pahinga sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kasamahan niya ng mga pag-uusap na nagpapakinabang o ng pagbabasa ng anumang naging posible na mga makabuluhang aklat lalo na sa nauugnay sa pagkamapagbigay ni Allāh at kasaganahan ng mga kaloob Nito upang magpalakas sa pagkadama ng pag-asa sa araw na iyon, iyon ay maganda. Pagkatapos magbabalik siya sa pagsusumamo at pagdalangin kay Allāh at magsisigasig siya sa pagsamantala sa katapusan ng maghapon sa pagdalangin sapagkat tunay na ang pinakamabuting panalangin ay ang pagdalangin sa Araw ng `Arafah.
Kapag lumubog ang araw, hahayo siya sa Muzdalifah. Kapag nakarating siya roon, magdarasal siya ng maghrib at `ishā' bilang pinagsama maliban na makarating siya sa Muzdalifah bago ng huling `ishā' sapagkat tunay na siya ay magdarasal ng maghrib sa oras nito pagkatapos maghihintay siya hanggang sa pumasok ang oras ng huling `ishā' saka magdarasal siya nito sa oras nito. Ito ang pinaniniwalaan ko sa usaping ito.
Nagpapatunay roon ang sabi ng mga Kasamahan (kaawaan sila ni Allāh) hinggil sa mga takdang oras sa ṣalāh: ang pagpapauna nito – tinutukoy nila ang maghrib – ay higit na mainam maliban sa gabi ng pagsasama para sa sinumang nagsadya roon habang muḥrim kung hindi siya natapat sa oras ng maghrib sapagkat kung natapat siya rito sa oras ng paglubog ng araw, magdarasal siya ng maghrib sa oras nito at hindi magpapahuli nito. Sinabi sa Sharḥ Al-Iqnā`: "Kung natapat dito ang oras nito, hindi siya magpapahuli nito; bagkus magdarasal siya nito sa oras nito dahil walang maidadahilan para sa kanya." Nagsabi naman sila hinggil sa pagsasama: "Ipahuhuli ito sa Muzdalifah." Pagkatapos nagbigay-katwiran sila roon na ang oras ng maghrib ay abala sa paghayo sa Muzdalifah. Nagsabi ang Mālikīyah: "Kung titigil siya kasama ng imām at lilisan siya kasama nito, magsasama siya [ng ṣalāh] sa Muzdalifah. Kung hindi siya titigil kasama ng imām at hindi siya lilisan kasama nito, bagkus titigil siya nang mag-isa o magpapahuli sa paglisan ng imām, magdarasal ng bawat isa sa maghrib at `ishā' sa oras nito." Nagsabi nito sa Jawāhir Al-Iklīl, pahina 181, tomo 1. Naghigpit si Ibnu Ḥazm (kaawaan siya ni Allāh) sapagkat nagsabi siya: "Hindi nakasasapat ang ṣalāh na maghrib sa gabing iyon maliban sa Muzdalifah. Walang pagkaiwas at matapos ng paglubog ng araw at walang pagkaiwas."[43] Nagwakas ang pagsipi. [43] Al-Muḥallā: 3/165.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "na siya ay dumating sa Muzdalifah nang oras ng adhān [ng ṣalāh] sa gabi o malapit doon. Nag-utos siya sa isang lalaki kaya nagsagawa ito ng adhān at nagsagawa ito ng iqāmah. Pagkatapos nagdasal siya ng maghrib at nagdasal siya matapos nito ng dalawang rak`ah. Pagkatapos nagpakuha siya ng hapunan niya saka naghapunan siya. Pagkatapos nag-utos siya sa isang lalaki kaya nagsagawa ito ng adhān at nagsagawa ito ng iqāmah. Pagkatapos nagdasal siya ng `ishā' na dalawang rak`ah." Sa isa namang salaysay: "saka nagdasal siya ng dalawang ṣalāh, na ang bawat ṣalāh ay mag-isa nito nang may adhān at iqāmah. Ang `ishā' ay sa pagitan ng dalawang ito."[44] [44] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Adhdhana Wa Aqāma Li-Kulli Wāḥidah Minhumā, numero 1675; mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
Subalit kung siya ay naging nangangailangan ng pagsasama, maaaring dahil sa pagod o kakauntian ng tubig o iba pa sa dalawang ito, wala namang masama sa pagsasama, kahit hindi pumasok ang oras ng `ishā'. Kung siya ay natatakot na hindi siya makarating sa Muzdalifah malibang matapos ng hatinggabi, tunay na siya ay magdarasal kahit pa bago makarating ng Muzdalifah. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng ṣalāh hanggang sa matapos ang hatinggabi.
Magpapamagdamag siya sa Muzdalifah. Kapag luminaw ang madaling-araw, magdarasal siya nang maaga nang may adhān at iqāmah. Pagkatapos magsasadya siya sa Mash`ar Ḥarām saka sasambit ng tahlīl, sasambit ng takbīr, at mananalangin ng anumang naibigan niya hanggang sa magliwanag nang maigi. Kung hindi magiging posible sa kanya ang pagpunta sa Mash`ar Ḥarām, mananalangin siya sa lugar niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumigil ako rito [sa Muzdalifah]. Ang kabuuan nito ay tigilan."[45] Ang kalagayan ng pagsambit ng dhikr at panalangin ay habang nakaharap sa qiblah habang nag-aangat ng mga kamay. [45] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ḥijjah An-Nabīy, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Kapag nagliwanag nang maigi, lilisan siya bago sumikat ang araw papunta sa Minā. Magmamabilis siya sa Wādī Muḥassir. Kapag nakarating siya sa Minā, magsasagawa siya ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah – ang huling jamrah mula sa nalalapit sa Makkah – sa pamamagitan ng pitong munting bato na magkasunuran: isa matapos ng isa, na ang bawat isang bato ay humigit-kumulang kasinglaki ng buto ng datiles, habang sumasambit ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kasabay ng bawat pagbato. Kapag nakatapos siya, magkakatay siya ng handog niya. Pagkatapos magpapaahit ng buhok ng ulo kung lalaki. Hinggil naman sa babae, ang tungkulin niya ay ang pagpapaikli hindi ang pagpapaahit. Pagkatapos bababa siya sa Makkah saka magsasagawa ng ṭawāf at magsasagawa ng sa`y para sa ḥajj.
Ang sunnah ay na magpabango kapag nagnais bumaba sa Makkah para sa ṭawāf matapos ng pagsasagawa ng ramy at pagpapaahit ng buhok, batay sa sabi ni `Āishah (malugod si Allāh sa kanya): "Nangyaring ako ay nagpapabango sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa pagsasagawa ng iḥrām niya bago siya magsagawa ng iḥrām at para sa pagsasagawa niya ng taḥallul bago siya magsagawa ng ṭawāf sa Ka`bah."[46] [46] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Aṭ-Ṭīb `Inda Al-Iḥrām Wa Mā Yalbasu Idhā Arāda An Yuḥrim Wa Yatarajjalu Wa Yudahhin, numero 1539; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Aṭ-Ṭīb Lil-Muḥrim `Inda Al-Iḥrām, numero 1189; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Pagkatapos matapos magsagawa ng ṭawāf at sa`y, babalik siya sa Minā saka magpapamagdamag siya roon ng dalawang gabi ng ika-11 at ika-12 ng Dhulḥijjah. Magsasagawa siya ng ramy sa tatlong jamrah kapag lumihis sa katanghaliang-tapat ang araw sa dalawang araw. Ang pinakamainam ay na pumunta siya para sa pagsasagawa ng ramy nang naglalakad. Kung sasakay siya, wala namang masama. Magsasagawa siya ng ramy sa unang jamrah – ang pinakamalayo sa mga jamrah buhat sa Makkah at ang pinakamalapit sa Masjid Khayf – sa pamamagitan ng pitong munting bato na magkasunuran: isa matapos ng isa, habang sumasambit ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kasabay ng bawat pagbato. Pagkatapos susulong siya nang kaunti at mananalangin siya ng isang mahabang panalangin hinggil sa anumang naibigan niya. Kung naging mahirap sa kanya ang pagpapatagal ng pagtigil at pagdalangin, mananalangin ng anumang naging madali sa kanya, kahit pa man kaunti upang matamo ang sunnah.
Pagkatapos magsasagawa siya ng ramy sa Kalagitnaang Jamrah sa pamamagitan ng pitong munting bato na magkasunuran, habang sumasambit ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kasabay ng bawat pagbato. Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan dakong kaliwa saka titigil habang nakaharap sa qiblah habang nag-aangat ng mga kamay niya at nananalangin ng isang mahabang panalangin kung naging posible ito sa kanya; at kung hindi naman, titigil siya sa abot ng naging posible. Hindi nararapat na mag-iwan siya ng pagtigil para sa pagdalangin dahil ito ay sunnah. Marami sa mga tao ang nagpapabaya rito, maaaring dahil sa kamangmangan o dahil sa pagwawalang-bahala. Sa tuwing naiwala ang pagsasagawa ng sunnah, ang paggawa nito at ang pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao ay higit na binibigyang-diin upang hindi maiwaksi at hindi mamatay.
Pagkatapos magsasagawa siya ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa pamamagitan ng pitong munting bato na magkasunuran, habang sumasambit ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kasabay ng bawat pagbato. Pagkatapos lilisan siya at hindi mananalangin matapos nito.
Kapag nalubos ang pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah sa ika-12 araw saka kung loloobin niya, magmamadali siya at bababa siya mula sa Minā; at kung loloobin niya, magpapahuli siya saka magpapamagdamag siya roon sa gabi ng ika-13 at magsasagawa siya ng ramy sa tatlong jamrah matapos ng pagkalihis ng araw sa katanghaliang-tapat, gaya ng naunang nabanggit. Ang pagpapahuli ay higit na mainam. Hindi ito kinakailangan maliban na lumubog ang araw sa ika-12 habang siya ay nasa Minā sapagkat tunay na inoobliga sa kanya ang pagpapahuli hanggang sa makapagsagawa siya ng ramy sa tatlong jamrah matapos ng pagkalihis ng araw sa katanghaliang-tapat. Subalit kung sakaling nalubugan siya ng araw sa Minā sa ika-12 araw hindi dahil pinili niya, tulad ng kung lumisan na at nakasakay na subalit nahuli siya dahilan sa trapiko ng mga sasakyan at tulad nito, tunay na hindi inoobliga sa kanya ang pagpapahuli dahil ang pagkahuli niya hanggang sa paglubog ng araw ay hindi dahil pinili niya.
Kapag nagnais siya na lumisan mula sa Makkah patungo sa bayan niya, hindi siya lilisan hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf ng pamamaalam batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang lilisan ang isa sa inyo hanggang sa ang kahuli-hulihan sa panahon niya ay maging nasa Bahay [ni Allāh]."[47] Sa isang salaysay: "Inutusan ang mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay sa Bahay [ni Allāh] subalit ito ay pinagaan sa nireregla."[48] Ang nireregla at ang dinurugo [dahil sa panganganak] ay walang kailangan sa dalawang ito na pamamaalam. Hindi nararapat na tumigil sila sa tabi ng pinto ng Masjid na Pinakababanal para sa pamamaalam dahil sa kawalan ng pagkasaad nito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). [47] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ṭawāf Al-Widā`, numero 1755; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Wujūb Ṭawāf Al-Widā` Wa Suqūṭuh `An Al-Ḥā'iḍ, numero 1327; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): [48] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ṭawāf Al-Widā`, numero 1755; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Wujūb Ṭawāf Al-Widā` Wa Suqūṭuh `An Al-Ḥā'iḍ, numero 1328; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
Gagawin niya ang ṭawāf ng pamamaalam ang kahuli-hulihan sa panahon niya sa Ka`bah kapag nagnais siya na lumisan para magbiyahe. Kung natigil naman siya matapos ng ṭawāf ng pamamaalam dahil sa paghihintay sa kasamahan o pagbubuhat ng mga bagahe niya o bumili ng kailangan sa daan, walang kaasiwaan doon. Hindi siya mag-uulit ng ṭawāf maliban na maglayon siya na magpaliban ng biyahe niya, tulad ng kung magnanais siya na magbiyahe sa simula ng maghapon kaya naman magsasagawa siya ng ṭawāf ng pamamaalam, pagkatapos magpapaliban siya ng biyahe hanggang sa huling bahagi ng maghapon, halimbawa, tunay na inoobliga sa kanya ang pag-ulit ng ṭawāf upang ang kahuli-hulihang sandali niya ay maging nasa Bahay ni Allāh.
***
Ang Pagbisita sa Masjid ng Propeta
Kapag naibigan ng tagapagsagawa ng ḥajj na bumisita sa Masjid ng Propeta bago ng ḥajj o matapos nito, maglayon siya ng pagbisita sa Masjid ng Propeta, hindi ng pagbisita sa libingan, sapagkat tunay na ang paghahanda ng mga masasakyan ayon sa anyo ng pagpapakamananamba ay hindi nagiging ukol sa pagbisita sa mga libingan. Ito lamang ay ukol sa tatlong masjid: sa Masjid na Pinakababanal, Masjid ng Propeta, at Masjid Al-Aqsa, gaya ng nasaad sa ḥadīth na napagtibay ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na siya ay nagsabi: "Hindi inihahanda ang mga sasakyan malibang papunta sa tatlong masjid: Masjid na Pinakababanal, Masjid kong ito, at Masjid Al-Aqsa."[49] [49] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Faḍl Aṣ-Ṣalāh Fī Masjid Makkah Wa Al-Madīnah, Bāb Faḍl Aṣ-Ṣalāh Fī Masjid Makkah Wa Al-Madīnah, numero 1189; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Lā Tushadd Ar-RIḥāl Illā Ilā Thalāthah Masājid, numero 1397; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
Kapag nakarating siya sa Masjid ng Propeta, mag-uuna siya ng kanang paa niya para sa pagpasok doon at magsasabi: "Bismi -llāhi wa-ṣṣalātu wa-ssalāmu `alā rasūli -llāh. Allāhumma -ghfir lī dhunūbī wa-ftaḥ lī abwāba raḥmatik. A`ūdhu bi-llāhi -l`aḍ̆īmi wa-bi-wajhihi -lkarīmi wa-bi-sulṭānihi -lqadīmi mina -shshayṭāni -rrajīm. (Sa ngalan ni Allāh at ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh. O Allāh, magpatawad Ka para sa akin ng mga pagkakasala ko at magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo. Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal at sa kapamahalaan Niyang matanda laban sa demonyong kasumpa-sumpa.)"[50] Pagkatapos magdarasal siya ng anumang niloob niya. [50] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud: Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Fīmā Yaqūluhu Ar-Rajul `Inda Dukhūlih Al-Masjid, numero 466; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ang pinakamarapat ay na ang ṣalāh niya ay maging nasa Rawḍah, na nasa pagitan ng mimbar ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kuwarto niya, naroon ang libingan nito, dahil ang nasa pagitan ng dalawang ito ay isang hardin mula sa mga hardin ng Paraiso.[51] Kapag nakapagdasal siya at nagnais siya ng pagbisita sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tumindig siya sa harapan nito nang may etiketa at kahinahunan at magsabi siya ng: "Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa `alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd.[52] Ashhadu annaka rasūlu -llāhi ḥaqqan wa-annaka qad ballaghta -rrisālah; wa-addayta -l'amānah, wa-naṣaḥta -l'ummah, wa-jāhadta fi -llāhi ḥaqqa jihādih, fa-jazāka -llāhu `an ummatika afḍala mā jazā `an ummatih. (Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. Sumasaksi ako na ikaw ay Sugo ni Allāh sa totoo; at na ikaw ay nagpaabot nga ng mensahe, gumanap nga sa ipinagkatiwalang tungkulin, nagpayo nga sa Kalipunan, at nakibaka nga alang-alang kay Allāh nang totoo sa pakikibaka, kaya gumanti nawa sa iyo si Allāh para sa Kalipunan mo ng pinakamainam sa iginanti Niya para sa kalipunan.)" [51] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Faḍl Aṣ-Ṣalāh Fī Masjid Makkah Wa Al-Madīnah, Bāb Faḍl Mā Bayna Al-Qabr Wa Al-Mimbar, numero 1196; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Bayna Al-Qabr Wa Al-Mimbar Rawḍah Min Riyāḍ Al-Jannah, numero 1391; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). [52] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6350 at Imām Muslim sa numero 406.
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan nang kaunti saka babati siya kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq at mananalangin ng pagkalugod ni Allāh dito. Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan nang kaunti saka babati siya kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb at mananalangin ng pagkalugod ni Allāh dito.
Hindi pinapayagan sa isa man na magpakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagpahid sa kuwarto ng Propeta o pagsasagawa ng ṭawāf doon at hindi haharap doon sa sandali ng pagdalangin, bagkus haharap sa qiblah dahil ang pagpapakalapit-loob kay Allāh ay hindi maaari malibang ayon sa isinabatas ni Allāh at ng Sugo Nito. Ang mga pagsamba ay nakabatay sa pagsunod hindi sa paggawa ng bid`ah.
"Ang babae ay hindi bibisita sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa libingan ng iba pa dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa mga babaing tagadalaw sa mga libingan at sa mga gumagawa sa ibabaw ng mga ito ng mga masjid at mga ilaw."[53] Subalit siya ay mananalangin ng basbas at babati sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa lugar niya sapagkat aabot iyon sa Propeta sa alinmang lugar siya sapagkat nasaad sa ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "... dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang panalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saanman kayo."[54] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay may mga anghel na naglilibot sa lupa, na nagpaparating sa akin mula sa Kalipunan ko ng pagbati."[55] [53] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Janā'iz, Bāb Fī Ziyārah An-Nisā' Al-Qubūr, numero 3236; Imām At-Tirmidhīy: Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Mā Jā'a Fī Karāhiyah An Yuttakhadh `Alā Al-Qabr Masjidan, numero 320; at Imām An-Nasā'īy: Kitāb Al-Janā'iz, Bāb At-Taghlīṭ Fī Ittikhādh As-Surj `Alā Al-Qubūr, numero 2043; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [54] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Ziyārah Al-Qubūr, numero 2042, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). [55] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy: Kitāb As-Sahw, Bāb As-Salām `Alā An-Nabīy, numero 1282, mula sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
Nararapat sa lalaki, lalo na, na bumisita sa Baqī`, ang sementeryo ng Madīnah, saka magsabi: "Assalāmu `alā ahli -ddiyāri mina -lmu'minīn, wa innā in shā'a llāhu bikum la-lāḥiqūn, wa yarḥamu -llāhu -lmustaqdimīna minnā wa-minkum wa-lmusta'khirīn, nas'alu -llāha lanā wa-lakumu -l`āfiyah. (Ang kapayapaan ay sa mga nanunuluyan sa mga libingan mula sa mga mananampalataya. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay talagang mga susunod. Kaawaan ni Allāh ang mga nauna mula sa amin at mula sa inyo at ang mga mahuhuli. Hinihiling namin kay Allāh para sa amin at para sa inyo ang kagalingan.)"[56] "Allāhumma lā taḥrimnā ajrahum, wa-lā taftinnnā ba`dahum, wa-ghfir lanā wa-lahum. (O Allāh, huwag Kang magkait sa amin ng [tulad sa] pabuya nila, huwag Kang magpasigalot sa amin matapos nila, at magpatawad Ka sa amin at sa kanila.)"[57] [56] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Janā'iz, Bāb Mā Yuqāl `Inda Ad-Dukhūl Al-Qubūr Wa Ad-Du`ā Li-Ahlihā, numero 974, mula sa ḥadīth nina `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) at Buraydah (malugod si Allāh sa kanya). [57] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah: Kitāb Mā Jā'a Fi Al-Janā'iz, Bāb Mā Jā'a Fīmā Yuqālu Idhā Dakhala Al-Maqābir, numero 1546, mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Kung nakaibig na pumunta sa Uḥud at magsaalaala ng nangyari sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan nito sa pagsalakay na iyon na pakikibaka, pagsubok, pagsusulit, at pagkamartir; pagkatapos sa mga martir doon, tulad ni Ḥamzah bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya), ang tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), wala namang masama roon. Tunay na ito ay maaaring maging kabilang sa paglalakbay sa daigdig na ipinag-uutos. Si Allāh ay higit na maalam.
***
Ang mga Katuturan
Ito ay mga katuturang nauugnay sa mga gawaing-pagsamba, na nanawagan ang pangangailangan sa paglilinaw sa mga ito at pagkaalam sa mga ito.
Ang Unang Katuturan: Hinggil sa mga Etiketa ng Ḥajj at `Umrah
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman. Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa ḥajj. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh. Magbaon kayo, *saka tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip.} (Qur'ān 2:197) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ginawa lamang ang pag-ikot sa Bahay [ni Allāh], ang pagpabalik-balik sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, at ang pagpukol sa mga jamrah para sa pagpapanatili ng pag-alaala kay Allāh."[58] [58 Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Fi Ar-Raml, numero 1888; at Imām At-Tirmidhīy: Abwāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Kayfa Turmā Al-Jimār, numero 902; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Nararapat sa tao na magsagawa ng mga gawain ng ḥajj sa paraan ng pagdakila, pagpipitagan, pag-ibig, at pagpapakumbaba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, kaya gaganap ng mga ito nang may katiwasayan, kahinahunan, at pagsunod sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nararapat na magpuno siya sa dakilang sagradong lugar na ito ng pagsambit ng dhikr, takbīr, tasbīḥ, taḥmīd, at istighfār dahil siya ay nasa isang pagsamba mula sa sandali na magsimula siya sa iḥrām hanggang sa makakalas siya mula rito. Ang ḥajj ay hindi isang pamamasyal para sa paglilibang at paglalaro, na nagpapakasaya ang tao kung paanong niloob niya nang walang hangganan gaya ng nasasaksihan sa ilan sa mga tao, na nagsasama ng mga kasangkapan ng paglilibang at pag-awit, na bumabalakid sa kanya sa pag-alaala kay Allāh at nagsasadlak sa kanya sa pagsuway kay Allāh. Makakikita ka ng ilan sa mga tao na nagpapakalabis sa paglalaro, pagtawa, pangungutya sa nilikha, at iba pa roon kabilang sa mga gawaing minamasama, na para bang isinabatas ang ḥajj para sa katuwaan at paglalaro.
Kinakailangan sa tagapagsagawa ng ḥajj at iba pa na mangalaga siya sa inobliga ni Allāh sa kanya gaya ng pagsasagawa ng ṣalāh sa konggregasyon sa mga oras nito at pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.
Nararapat na magsigasig sa pagpapakinabang sa mga Muslim at paggawa ng maganda sa kanila sa pamamagitan ng paggabay at pagtulong sa sandali ng pangangailangan at na maawa sa mahina nila lalo na sa mga kalagayan ng pagkaawa gaya ng mga kalagayan ng pagsisiksikan at tulad nito sapagkat tunay na ang awa ng nilikha ay naglalantad ng awa ng Tagalikha. "Naaawa lamang si Allāh sa mga lingkod Niyang maaawain."[59] [59] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Janā'iz, Bāb Qawl An-Nabīy: {Yu`adhdhabu -lmayyitu bi-bukā'i ahlihi `alayhi} idhā kāna -nnawḥu min sunnatih, numero 1284; at Imām Muslim: Kitāb Al-Janā'iz, Bāb Al-Bukā' `Alā Al-Mayyit, numero 923; mula sa ḥadīth ni Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Iiwas siya sa kahalayan, kasuwailan, pagsuway, at pakikipagtalo hindi para sa pag-aadya sa katotohanan. Hinggil naman sa pakikipagtalo alang-alang sa pag-aadya sa katotohanan, ito ay kinakailangan sa kalagayan nito. Iiwas siya sa pangangaway sa nilikha at pagperhuwisyo sa kanila kaya iiwas siya sa panlilibak, pagtsitsismis, pang-aalipusta, panlalait, pananakit, at pagtingin sa mga babaing estranghera sapagkat tunay na ito ay bawal sa loob ng iḥrām at sa labas ng iḥrām kaya naman nabibigyang-diin ang pagkabawal nito sa sandali ng iḥrām.
Umiwas siya sa pinangyayari ng marami sa mga tao na pagsasalitang hindi nababagay sa mga sagradong lugar gaya ng pagsabi ng iba sa kanila kapag nagsagawa ng ramy sa mga jamrah: "Binato namin ang demonyo!" Marahil nilait ang sagradong lugar o pinalo ito ng sapatos at tulad nito na kabilang sa sumasalungat sa kataimtiman at pagsamba at kumukontra sa pinapakay ng pagbato sa mga jamrah, ang pagpapanatili ng pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang Ikalawang Katuturan: Hinggil sa mga Sinasawata sa Pagkasagawa ng Iḥrām
Ang mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām ay ang pinipigilan sa mga ito ang muḥrim ng ḥajj o ng `umrah dahilan sa pagkakasagawa ng iḥrām. Ito ay tatlong bahagi:
Isang bahaging naibabawal sa mga lalaki at mga babae, isang bahaging naibabawal sa mga lalaki hindi sa mga babae, at isang bahaging naibabawal sa mga babae hindi sa mga lalaki.
Hinggil naman sa naibabawal sa mga lalaki at mga babae, kabilang dito ang sumusunod:
1. Ang Pakikipagtalik sa Ari. Ito ang pinakamabigat sa mga sinasawata. Kapag naganap ito sa ḥajj bago ng unang pagkalas (taḥallul), may inireresulta rito na tatlong bagay:
A. Ang pagkasira ng ḥajj subalit siya ay magpapatuloy sa pagsasagawa nito hanggang sa makalubos siya nito.
B. Ang pagkakinakailangan ng bayad-pagsasagawa (qaḍā') nito sa darating na taon, kahit pa man ito ay isang ḥajj na nafl.§
C. Ang pag-aalay ng isang kamelyo sa ḥajj ng bayad-pagsasagawa (qaḍā').
2. Ang Pagtingin at ang Pakikipagdiitan Dahil sa Pagnanasa.
3. Ang Pagsusuot ng Guwantes, ang Pambalot ng mga Kamay.
4. Ang pag-aalis ng buhok mula sa ulo sa pamamagitan ng pag-ahit o iba pa rito at gayon din ang pag-aalis nito sa nalalabing bahagi ng katawan ayon sa napatanyag na kahatulan subalit kung sakaling may bumaba sa mga mata niya na buhok na napeperhuwisyo siya dahil dito at hindi naaalis ang perhuwisyo nito malibang sa pamamagitan ng pagbunot nito, ukol sa kanya ang bumunot nito at walang anuman sa kanya. Pinapayagan sa muḥrim na kumamot sa ulo niya ng kamay niya saka kung may buhok na bumagsak mula rito nang walang pananadya, walang anuman sa kanya.
5. Ang pagputol ng mga kuko sa mga kamay o mga paa malibang kapag nabasag ang kuko niya at napeperhuwisyo siya dahil dito sapagkat walang masama na gupitin ang nakapeperhuwisyo mula rito lamang at walang anuman sa kanya.
6. Ang paggamit ng pabango, matapos ng pagkasagawa ng iḥrām, sa kasuutan o katawan o iba pa sa mga ito. Hinggil naman sa pabango na ipinapabango bago ng pagsasagawa ng iḥrām, tunay na hindi nakapipinsala ang pananatili nito matapos ng pagkasagawa ng iḥrām dahil ang ibinabawal sa pagkasagawa ng iḥrām ay ang pagsisimula sa pabango hindi ang pamamalagi nito. Hindi pinapayagan sa muḥrim na uminom ng kape na may asapran dahil ang asapran ay kabilang sa pabango malibang kapag naalis na ang lasa nito at ang amoy nito dahil sa pagluluto at walang natitira kundi ang payak na kulay kaya wala nang masama.
7. Ang pagpatay ng hayop na hinuhuli. Ito ay ang ipinahihintulutang kaining ligaw na mailap na hayop tulad ng usa, kuneho, kalapati, at balang. Hinggil naman sa nahuhuli sa dagat, pinahihintulutan ito kaya pinapayagan sa muḥrim ang manghuli ng isda mula sa dagat. Gayon din, pinapayagan sa kanya ang alagang hayop gaya ng manok.
Kapag nakalatag ang mga balang sa daan niya at walang daang iba pa roon saka nakaapak siya sa anuman sa mga ito nang walang pananadya, walang anuman sa kanya dahil siya ay hindi nanadyang pumatay nito at hindi naisasaposible sa kanya ang makaiwas sa mga ito.
Hinggil naman sa pagputol ng punong-kahoy, ito ay hindi bawal sa muḥrim dahil ito ay walang pag-epekto sa pagkasagawa ng iḥrām sa kanya. Naibabawal lamang ito sa sinumang nasa loob ng ilang milya sa Ḥaram, maging siya man ay muḥrim o hindi muḥrim. Batay rito, pinapayagan ang pagputol ng punong-kahoy sa `Arafah at hindi pinapayagan sa Minā at Muzdalifah sa loob ng ilang milya.
Kung sakaling hindi sinasadyang nakaapak siya ng isang punong-kahoy habang siya ay naglalakad, walang anuman sa kanya. Hindi naibabawal ang pagputol ng mga patay na punong-kahoy.
Hinggil naman sa naibabawal sa mga lalaki hindi sa mga babae, ito ay dalawang bagay:
1. Ang pagsusuot ng tinahian. Ito ay ang pagsusuot ng mga damit at tulad ng mga ito ayon sa paraan ng pasusuot ng mga ito na nakahiratian gaya ng polo, kamiseta, pantalon, at tulad ng mga ito. Hindi pinapayagan sa mga lalaki ang pagsusuot ng mga bagay na ito ayon sa paraang nakahihiratian. Hinggil naman sa pagsusuot ng mga ito ayon sa hindi paraang nakahihiratian, malamang masama roon tulad ng paggawa sa polo bilang balabal o pagsusuot ng kapa (`abā'ah) nang nakalagay ang mataas na bahagi nito sa mababang bahagi nito sapagkat walang masama doon sa kabuuan niyon. Walang masama na magsuot ng isang tinagpiang ridā' (balabal) o ng isang tinagpian o dinugtungang izār (tapis).
Pinapayagan ang pagsusuot ng sinturon, relo, at salamin; at ang pagbigkis ng ridā' niya ng isang pang-ipit o tulad nito dahil ang mga bagay na ito ay walang nasaad kaugnay sa mga ito na isang pagbabawal buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga ito ay hindi nasa kahulugan ng naisasateksto sa pagbabawal doon. Bagkus tinanong nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa maisusuot ng muḥrim kaya nagsabi siya: "Hindi siya magsusuot ng kamisa, ni ng mga turban, ni ng mga salawal, ni ng mga burnus,§ at ni ng mga khuff."[60] Ang pagsagot niya ng hindi isinusuot tungkol sa tanong sa halip ng isinusuot ay isang patunay na ang lahat ng iba pa sa mga nabanggit na ito ay tunay na kabilang sa maisusuot ng muḥrim. Pumayag ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa muḥrim na magsuot siya ng khuff kapag nawalan ng sandal dahil sa pangangailangan niya sa proteksiyon sa mga paa niya. Kaya naman tulad niyan ang salamin sa mata dahil sa pangangailangan ng tagapagsuot nito sa proteksiyon sa mga mata niya. Pumayag ang mga faqīh ayon sa napatanyag na doktrina sa pagsusuot ng singsing para sa lalaking muḥrim. [60] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Lā Yalbas Al-Muḥrim Min Ath-Thiyāb, numero 1543; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Yubāḥu Li-lMuḥrim Bi-Ḥajj Aw `Umrah Wa Mā Lā Yubāḥu Wa Bayān Taḥrīm Aṭ-Ṭīb `Alayhi, numero 1177; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Pinapayagan sa muḥrim na magsuot ng salawal kapag hindi siya nakatagpo ng izār ni ng pambili nito at na magsuot ng khuff kapag hindi siya nakatagpo ng sandalyas ni ng pambili nito, batay sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi habang siya ay nagtatalumpati sa `Arafah: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sandalyas ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal." [61] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Aṣ-Ṣayd, Bāb Lubs Al-Khuffayn Lil-Muḥrim Idhā Lam Yajid An-Na`layn, numero 1841; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Yubāḥu Li-lMuḥrim Bi-Ḥajj Aw `Umrah Wa Mā Lā Yubāḥu Wa Bayān Taḥrīm Aṭ-Ṭīb `Alayhi, numero 1178; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
2. Ang pagtatakip ng ulo ng isang dumidikit gaya ng turban, ghutrah, kupya, at kawangis ng mga ito. Hinggil naman sa hindi dumidiit – gaya ng kubol, payong, at bubong ng kotse – walang masama rito dahil ang sinasawata ay ang pagtatakip ng ulo hindi ang pagpapalilim. Sa ḥadīth ni Ummu Al-Ḥuṣayn Al-Aḥmasīyah, nagsabi siya: {Nagsagawa kami ng ḥajj kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nakakita ako sa kanya nang pumukol siya sa Jamrah Al-`Aqabah at lumisan habang siya ay sakay ng sasakyang hayop niya habang kasama niya sina Bilāl at Usāmah, na ang isa sa kanilang dalawa ay umaakay sa sasakyang hayop niya at ang isa pa ay nag-aangat ng damit nito sa ulo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang naglilim ito sa kanya laban sa araw.} Sa isa namang salaysay: "Nagtatakip ito sa kanya laban sa init hanggang sa nakapagbato siya sa Jamrah Al-`Aqabah." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad at Imām Muslim.[62] Ito noon ay sa Araw ng Pagdiriwang bago ng pagkalas (taḥallul) dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumabato sa mga jamrah sa hindi Araw ng Pagdiriwang habang naglalakad hindi habang nakasakay.[63] [62] Nagtala nito sina Imām Aḥmad: 6/402; at Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Ramy Jamrah Al-`Aqabah Yawm An-Naḥr Rākiban Wa Bayān Qawlihi (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam): {li-ya'khudhū manāsikakum}, numero 1298; mula sa ḥadīth ni Ummu Al-Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya). [63] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Fī Ramy Al-Jimār, numero 1969, mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Pinapayagan sa muḥrim na magpasan ng dala-dalahan sa ulo niya kapag ang pakay niya ay hindi magtakip ng ulo. Pinapayagan din sa kanya na lumublob sa tubig kahit pa man matakpan ang ulo niya ng tubig.
Hinggil naman sa naibabawal sa mga babae hindi sa mga lalaki, ito ay ang niqāb. Ito ay ang magtakip siya ng mukha niya ng anuman at magbukas para sa mga mata niya ng ipantitingin niya. Mayroon sa mga maalam na nagsasabing hindi pinapayagan na magtakip ang babae ng mukha niya maliban ng niqāb at hindi ng iba pa rito, maliban na dumaan ang mga lalaki malapit mula sa kanya sapagkat tunay na inoobliga sa kanya na magtakip siya ng mukha niya at walang pantubos (fidyah) na kailangan sa kanya, maging sumaling man sa mukha ang panakip o hindi.
Ang tagagawa ng mga sinasawatang naunang nabanggit ay may tatlong kalagayan:
Ang Unang Kalagayan: Na gawin niya ang sinasawata nang walang maidadahilan ni katwiran. Ito ay isang kasalanan at kailangan sa kanya ang pantubos (fidyah).
Ang Ikalawang Kalagayan: Na gawin niya ang sinasawata dahilan sa isang pangangailangan doon, tulad ng pangangailangan sa pagsusuot ng polo para sa pagtulak ng ginaw na pinangangambahan niya mula rito ang pinsala. Pinapayagan na gawin niya iyon at kailangan sa kanya ang pantubos nito, gaya ng nangyari kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya) nang binuhat siya papunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ang mga kuto ay nagkakalatan mula sa ulo niya sa mukha niya. Nagpermiso sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpaahit siya ng ulo niya at maghandog ng fidyah. [64] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Abwāb Al-Maḥṣar, Bāb Al-Iṭ`ām Fi Al-Fidyah Niṣf Ṣā`, numero 1816; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Jawāz Ḥalq Ar-Ra's Lil-Muḥrim Idhā Kāna Bihi Adhā Wa Wujūb Al-Fidyah Li-Ḥalqihi Wa Bayān Qadrahā, numero 1201; mula sa ḥadīth ni Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Ikatlong Kalagayan: Na gawin niya ang sinasawata habang siya ay makapagdadahilan na maaaring dahil mangmang o nakalilimot o natutulog o napilit kaya walang kasalanan sa kanya at walang pantubos, batay sa sabi ni Allāh: {Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. ...} (Qur'ān 33:5) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} (Qur'ān 2:286) Kaya nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya): {Ginawa Ko nga.}[65] [65] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Īmān, Bāb Bayān Qawlihi Ta`ālā, numero 126, mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Nasaad sa ḥadīth buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagpalampas nga sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang ipinilit sa kanila."[66] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah: Kitāb Aṭ-Ṭalāq, Bāb Ṭalāq Al-Mukrah Wa An-Nāsī, numero 2043, mula sa ḥadīth ni Abū Dharr Al-Ghifārīy (malugod si Allāh sa kanya).
Ang mga ito ay mga tekstong pangkalahatan hinggil sa mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām at ang iba pa sa mga ito ay nagpapahiwatig ng pagpawi ng paninisi sa makapagdadahilan dahil sa kamangmangan, pagkalimot, at pamimilit. Nagsabi si Allāh hinggil sa natatangi sa panghuhuli ng hayop, na isa sa mga sinasawata sa pagkakasagawa ng iḥrām: {O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop habang kayo ay mga nasa iḥrām. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, may isang ganti, na tulad ng pinatay niya, mula sa mga hayupan, ... } (Qur'ān 5:95) Nilimitahan ang pagkakinakailangan ng pagganti sa pagiging ang pumatay ay nananadya. Ang pananadya ay isang paglalarawang nababagay sa kaparusahan at garantiya kaya naman kinailangan ang pagsasaalang-alang dito at ang pag-uugnay ng kahatulan dito. Kung ito ay hindi naging sinasadya, walang ganti sa kanya at walang kasalanan.
Subalit kapag naalis ang maidadahilan saka nakaalam ang mangmang, nakaalaala ang nakalilimot, nagising ang natutulog, at naaalis ang pamimilit, tunay na siya ay kinakailangang mag-iwan ng sinasawata kaagad. Kung nagpatuloy siya roon sa kabila ng pagkaalis ng maidadahilan, siya ay nagkakasala at kailangang maghandog ng pantubos. Ang halimbawa niyon ay na magtakip ang lalaki ng ulo niya habang siya ay natutulog. Tunay na siya, hanggat natutulog, ay walang anumang pananagutan. Kapag naman nagising siya, inoobliga sa kanya ang mag-alis ng takip sa ulo kaagad sapagkat kung nagpatuloy siya sa pagtatakip niya sa kabila ng pagkaalam niya sa pagkakinakailangan ng pag-aalis nito, kailangan sa kanya ang maghandog ng pantubos.
Ang uri ng pantubos sa mga sinasawatang nabanggit natin ay gaya ng sumusunod:
1. Hinggil sa pag-aalis ng buhok, pagputol ng kuko, paggamit ng pabango, pakikipagromansa dahil sa isang pagnanasa, pagkapalabas ng punlay dahil sa pag-uulit ng pagtingin, pakikipagtalik matapos ng unang taḥallul, pakikipagtalik sa `umrah, pagsusuot ng guwantes, pagsusuot ng lalaki ng tinahian, pagtatakip nito ng ulo nito, at pagsusuot ng babae ng niqāb, ang pantubos (fidyah) sa mga pangyayaring ito sa bawat isa sa mga ito ay maaaring pagkakatay ng isang tupa, maaaring pagpapakain ng anim na dukha, at maaaring pag-aayuno ng tatlong araw. Makapipili siya ng loloobin niya mula sa tatlong gawaing ito batay sa sabi ni Allāh hinggil sa pag-aahit ng ulo: {Ang sinumang kabilang sa inyo na naging maysakit o sa kanya ay may isang perhuwisyo mula sa ulo niya ...} (Qur'ān 2:196) Isinaanalohiya rito ang nalalabi. Kaya kung pinili niya ang pagkatay ng tupa, tunay na siya ay makapagkakatay ng isang lalaki o isang babae sa mga tupa o mga kambing kabilang sa nakasasapat sa pag-aalay o naipanghahalili rito na isang kapito (1/7) ng isang kamelyo o isang kapito ng isang baka. Paghahati-hatiin ang buong karne sa mga maralita at hindi kakain mula rito ng anuman. Kung pinili ang pagpapakain ng mga dukha, tunay na siya ay magbibigay sa bawat dukha ng kalahating ṣā` mula sa kinakain gaya ng datiles o trigo o iba pa sa dalawang ito. Kung pinili ang pag-aayuno, tunay na siya ay mag-aayuno ng tatlong araw, na kung loloobin niya ay tuluy-tuloy at kung loloobin niya ay hiwa-hiwalay.
2. Hinggil sa ganti sa panghuhuli ng hayop, kung ang hayop na hinuli ay may katulad, pamimiliin siya sa pagitan ng tatlong gawain: maaaring magkatay ng katulad at maghati-hati ng buong karne nito sa mga maralita ng Makkah; maaaring tumingin kung magkano ang nakapapantay nitong hayop na katulad at magpalabas ng nakatutumbas sa halaga nito bilang pagkain, na paghahati-hatiin sa mga dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā`; at maaaring mag-ayuno kapalit ng pagpapakain ng bawat dukha sa isang araw.
Kung ang hayop na hinuli ay hindi nagkaroon ng katulad, pamimillin siya sa pagitan ng dalawang gawain: maaaring tingnan ang halaga ng hayop na katulad na pinatay at magpalabas ng nakatutumbas sa halaga nito bilang pagkain, na paghahati-hatiin sa mga dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā`; at maaaring mag-ayuno kapalit ng pagpapakain ng bawat dukha sa isang araw.
Ang halimbawa ng may katulad sa mga hayop ay ang kalapati at ang katulad nito ay ang tupa. Kaya magsasabi tayo sa sinumang pumatay ng kalapati: "Ikaw ay may pagpipilian; kung loloobin mo, magkatay ka ng isang tupa. Kung loloobin mo, tingnan mo kung magkano ang halaga ng tupa at magpalabas ka ng nakatutumbas dito na pagkain para sa mga maralita ng Ḥaram, na para sa bawat isa ay kalahating ṣā`; at kung loloobin mo, mag-ayuno ka kapalit ng pagpapakain ng bawat dukha sa isang araw."
Ang halimbawa ng hayop na hinuhuli na walang katulad ay ang balang. Kaya magsasabi tayo sa sinumang pumatay ng balang nang sinasadya: "Kung loloobin mo, tingnan mo kung magkano ang halaga ng balang at magpalabas ka ng nakatutumbas dito na pagkain para sa mga maralita ng Ḥaram, na para sa bawat isa ay kalahating ṣā`; at kung loloobin mo, mag-ayuno ka kapalit ng pagpapakain ng bawat dukha sa isang araw."
3. Hinggil sa pakikipagtalik sa ḥajj bago ng unang taḥallul, kamelyo [ang pantubos].
Ang Ikatlong Katuturan: Hinggil sa Pagsasagawa ng Iḥrām ng Bata
Ang bata na hindi pa nagbinata (o nagdalaga) ay hindi kinakailangan sa kanya ang pagsasagawa ng ḥajj subalit kung sakaling nagsasagawa siya ng ḥajj, ukol sa kanya ang pabuya sa pagkakasagawa ng ḥajj ngunit mag-uulit siya nito kapag naging adulto siya. Nararapat sa sinumang bumabalikat ng nauukol sa kanya gaya ng ama o ina o iba pa sa dalawang ito na magsagawa ng iḥrām kasama niya. Ang gantimpala ng gawaing pagsamba ay magiging ukol sa bata. Ang tagatangkilik niya ay may pabuya roon. Batay ito sa nasaad sa Ṣaḥīḥ mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na may isang babaing nag-angat ng isang bata sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "May ḥajj ba ito." Nagsabi naman siya: "Oo, at may ukol sa iyo na pabuya."[67] [67] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ṣiḥḥah Ḥajj Aṣ-Ṣaby, numero 1336, mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Kapag ang bata ay nakatatalos: ang nakaiintindi ng sinasabi sa kanya, tunay na siya ay maglalayon ng pagsasagawa ng iḥrām sa pamamagitan ng sarili niya. Kaya magsasabi sa kanya ang walīy niya: "Maglayon ka ng pagsasagawa ng iḥrām ng ganito." Mag-uutos ito sa kanya na gumawa siya ng makakaya niya mula sa mga gawain ng ḥajj tulad ng pagtigil sa `Arafah, pagpapamagdamag sa Minā at Muzdalifah. Hinggil naman sa hindi nakakayang gawain ng bata gaya ng pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah, tunay na ang walīy niya ay hahalili sa kanya roon o ang iba rito ayon sa pahintulot ng walīy, maliban sa ṭawāf at sa`y sapagkat tunay na kapag hindi siya nakakaya ng dalawang ito, bubuhatin siya at sasabihin sa kanya: "Maglayon ka ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y." Sa kalagayang ito, pinapayagan para sa tagabuhat ng bata na maglayon ito ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y para sa sarili nito rin at pinapayagan para sa bata na maglayon siya ng dalawang ito para sa sarili niya kaya mangyayari ang pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y para sa lahat dahil ang bawat isa sa dalawa ay nagsagawa ng layunin. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang."[68] [68] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Bad' Al-Waḥy Ilā Rasūl Allāh, Bāb Kayfa Kāna Bad' Al-Waḥy Ilā Rasūl Allāh, numero 1; at Imām Muslim: Kitāb Al-Imārah, Bāb Qawluhu: "Innama -l'a`mālu bi-nnīyah" Wa Annahu Yadkhulu Fīhi Al-Ghazw Wa Ghayruhu Min Al-A`māl, numero 1907; mula sa ḥadīth ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya).
Kapag ang bata ay hindi nakatatalos, tunay na ang walīy niya ay maglalayon para sa kanya ng pagsasagawa ng iḥrām; magsasagawa ng ramy para sa kanya; magpapadalo sa kanya sa mga sagradong lugar ng ḥajj, sa `Arafah, Minā, at Muzdalifah; at magsasagawa ng ṭawāf at ramy para sa kanya. Hindi natutumpak sa kalagayang ito na maglayon ang walīy niya ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y para sa sarili nito habang ito ay nagsasagawa ng ṭawāf at sa`y para sa bata dahil ang bata rito ay hindi nakapagsagawa ng layunin ni ng gawain. Ang layunin ay mula sa tagabuhat ng bata lamang. Hindi natutumpak ang iisang gawain sa dalawang layunin ng dalawang tao, na kasalungatan ng kapag ang bata ay nakatatalos dahil siya ay nakapagsagawa ng layunin at ang mga gawain ay batay sa mga layunin. Ito ang hayag sa akin. Alinsunod dito, magsasagawa muna ang walīy niya ng ṭawāf at sa`y para sa sarili nito, pagkatapos magsasagawa ito ng ṭawāf at sa`y para sa bata o magpakarga ito ng bata sa isang mapagkakatiwalaan na magsasagawa ng ṭawāf at sa`y para sa bata.
Ang patakaran ng pagsasagawa ng iḥrām ng bata ay gaya ng pagsasagawa ng iḥrām ng nakatatanda dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumilala na ang bata ay may ḥajj. Kaya kapag napagtibay ang ḥajj, napagtitibay ang mga patakaran nito at ang mga kinakailangan dito. Alinsunod dito, kapag ang nakababata ay isang lalaki, paiiwasin siya ng ipinaiiwas sa lalaking nakatatanda; at kung siya ay isang babae, paiiwasin siya ng ipinaiiwas sa babaing nakatatanda. Subalit ang pananadya ng nakababata ay hindi nasa antas ng kamalian ng nakatanda. Kaya kapag nakagawa ang bata mismo ng isang anumang kabilang sa sinasawata sa pagkakasagawa ng iḥrām, walang pantubos sa kanya at wala sa walīy niya.
Ang Ikaapat na Katuturan: Hinggil sa Pagpapahalili sa Ḥajj
Kapag kinailangan ang pagsasagawa ng ḥajj sa isang tao saka kung siya ay nakakakaya sa pagsasagawa ng ḥajj sa pamamagitan ng sarili niya, kakailanganin sa kanya na magsagawa ng ḥajj. Kung siya naman ay nawalang-kakayahan sa pagsasagawa ng ḥajj sa sarili niya saka kung siya ay umaasa na maglaho ang kawalang-kakayahan niya gaya ng isang maysakit na umaasa ng paggaling, tunay na siya ay magpapahuli ng pagsasagawa ng ḥajj hanggang sa makayanan niya; ngunit kung namatay siya bago niyon, pagsasagawaan siya ng ḥajj mula sa yamang naiwan niya at walang kasalanan sa kanya.
Kung ang taong kinailangan sa kanya ang magsagawa ng ḥajj ay walang-kakayahan sa isang kawalang-kakayahang hindi maaasahan ang paglaho nito gaya ng nakatatanda, maysakit na walang pag-asang gumaling, at sinumang hindi makakakaya sa pagsakay, tunay na siya ay magpapahalili sa sinumang makapagsasagawa ng ḥajj para sa kanya. Batay ito sa nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na may isang babaing kabilang sa liping Khath`am na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang pagsasatungkulin ni Allāh sa mga lingkod Niya sa pagsasagawa ng ḥajj ay nakaabot sa ama bilang isang lubhang matanda, na hindi nakapipirme sa pagsakay sa sasakyang hayop. Kaya magsasagawa po ba ako ng ḥajj para sa kanya?" Nagsabi siya: "Oo."}[69] Iyon ay sa Ḥajj ng Pamamaalam. [69] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Wujūb Al-Ḥajj Wa Faḍluhu, numero 1513; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Al-Ḥajj `An Al-`Ājiz Li-Zamānah Wa Haram Wa Naḥwihimā Aw Li-l-Mawt, numero 1334; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Pinapayagan na ang lalaki ay maging isang kahalili para sa babae at ang babae para sa lalaki.
Kapag ang kahalili ay inobliga nga sa pagsasagawa ng ḥajj at hindi pa nakapagsagawa ng ḥajj para sa sarili niya, tunay na siya ay hindi magsasagawa ng ḥajj para sa iba; bagkus magsisimula muna siya sa sarili niya batay sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Bilang pagtugon sa Iyo, para kay Shubrumah." Nagsabi naman siya: "Sino si Shubrumah?" Nagsabi ito: "Isang kapatid ko po." Nagsabi siya: "Nakapagsagawa ka na ba ng ḥajj para sa sarili mo?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa sarili mo, pagkatapos para kay Shubrumah."} Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Mājah.[70] [70] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Ar-Rajul Yaḥujju `An Ghayrih, numero 1811; at Imām Ibnu Mājah: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Al-Ḥajj `An Al-Mayyit, numero 2903; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ang pinakamarapat ay na magtahasan ang kahalili sa pagbanggit ng hinahalilihan niya kaya magsasabi siya ng: "Labbayka `an .... (Bilang pagtugon sa Iyo para kay ...)." Kung ang hinahalilihan ay isang babae, magsasabi naman siya ng: "Labbayka `an ummi/binti .... (Bilang pagtugon sa Iyo para sa ina/babaing anak ni ...)."
Kung nilayon niya sa puso niya at hindi niya binanggit ang pangalan, wala namang masama. Kung nakalimutan ang pangalan ng hinahalilihan, maglalayon siya sa puso para sa sinumang hinahalilihan niya kahit pa hindi niya maalaala ang pangalan nito. Si Allāh (napakataas Siya) ay nakaaalam rito at hindi ito naikukubli sa Kanya.
Kinakailangan sa kahalili na mangilag magkasala kay Allāh (napakataas Siya) at magsigasig sa pagkumpleto sa gawaing pagsamba dahil siya ay pinagkakatiwalaan doon. Kaya naman magsisigasig siya sa paggawa ng kinakailangan at pagwaksi ng ibinabawal at magkukumpleto siya ng makakaya niya na mga pangkumpleto para sa gawaing pagsamba at mga ibinibilang na sunnah nito.
Ang Ikalimang Katuturan: Hinggil sa Pagpapalit ng mga Damit ng Iḥrām ng Bata
Pinapayagan sa muḥrim ng ḥajj o `umrah, lalaki man o babae, ang magpalit ng mga kasuutan ng iḥrām na ipinansuot sa pagsasagawa ng iḥrām at ang magsuot ng mga kasuutang iba pa sa mga ito kapag ang mga ikalawang kasuutan ay kabilang sa pinapayagan para sa muḥrim ang pagsusuot nito. Gaya niyon, pinapayagan din sa muḥrim na magsuot ng sandalyas matapos ng pagkasagawa ng iḥrām, kahit pa siya, nang nagsagawa nito, ay nakayapak.
Ang Ikaanim na Katuturan: Hinggil sa Puwesto ng Dalawang Rak`ah na Ṣalāh Matapos ng Ṭawāf
Ang sunnah para sa sinumang nakatapos sa pagsasagawa ng ṭawāf ay na magdasal ng dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf sa likuran ng Maqām Ibrāhīm. Kung ang puwestong malapit sa Maqām Ibrāhīm ay maluwag, doon na [magdasal]; at kung hindi naman, magdasal nito kahit pa man malayo roon. Magpupuwesto siya sa Maqām Ibrāhīm sa pagitan niya at ng Ka`bah para matupad sa kanya na siya ay nagdasal sa likuran ng Maqām Ibrāhīm at nakasunod siya roon sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng nasaad sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya) hinggil sa paraan ng pagsasagawa ng ḥajj ng Propeta: "Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpuwesto sa Maqām Ibrāhīm sa pagitan niya at ng Bahay [ni Allāh]."[71] [71] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ḥijjah An-Nabīy, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Ikapitong na Katuturan: Hinggil sa Pagtutuluy-tuloy sa Pagsasagawa ng Sa`y at Sa Pagitan Nito at ng Ṭawāf
Ang pinakamainam ay na ang pagsasagawa ng sa`y ay pagpapatuloy ng ṭawāf. Kung nagpahuli siya ng sa`y sa ṭawāf nang matagal, wala namang masama, tulad ng pagsasagawa ng ṭawāf sa simula ng maghapon at pagsasagawa ng sa`y sa wakas nito o ng pagsasagawa ng ṭawāf sa gabi at pagsasagawa ng sa`y matapos niyon sa maghapon. Pinapayagan sa sinumang napagod sa pagsasagawa ng sa`y na maupo siya at magpahinga siya, pagkatapos magkumpleto siya ng sa`y niya nang naglalakad o sakay ng wheelchair at tulad nito.
Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh habang siya ay nagsasagawa ng sa`y, papasok siya sa pagsasagawa ng ṣalāh. Kapag nakapagsagawa siya ng taslīm, maglulubos siya ng sa`y niya mula sa lugar na natigil siya bago ng iqāmah ng ṣalāh.
Gayon din kung sakaling isinagawa ang iqāmah habang siya ay nagsasagawa ng ṭawāf o may dumating na ililibing na patay, tunay na siya ay magdarasal. Kapag nakatapos siya, maglulubos siya ng pagsasagawa ng ṭawāf niya mula sa lugar niya na natigil siya bago ng ṣalāh. Walang pangangailangan sa pag-uulit ng paglibot na pinutol niya, ayon sa pahayag na matimbang sa ganang akin dahil siya, kapag ang pagputol ay para sa ṣalāh, ay pinagpapaumanhinan kaya naman walang patunay sa pagkawalang-saysay ng unang bahagi ng pag-ikot.
Ang Ikawalong Katuturan: Hinggil sa Pagdududa sa Bilang ngṬawāf at Sa`y
Kapag nagduda ang tagapagsagawa ng ṭawāf sa bilang ng ṭawāf saka kung siya ay naging madalas ang mga pagdududa, tulad ng sinumang nagdaranas ng sulsol [ng demonyo], tunay na siya ay hindi papansin sa pagdududang ito. Kung siya naman ay hindi naging madalas ang mga pagdududa saka kung ang pagdududa niya ay matapos na nakapagsagawa ng ṭawāf, tunay na siya ay hindi papansin sa pagdududang ito rin, maliban na makapagtiyak siya na ito ay kulang kaya magkukumpleto siya ng kinulang. Kung ang pagdududa ay naging sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf, tulad ng kung nagdududa kung ang paglibot na isinasagawa ay ang ikatlo o ang ikaapat, halimbawa, saka kung nagsamatimbang sa ganang kanya ang isa sa dalawa, magsasagawa siya ayon sa matimbang sa ganang kanya. Kung walang nagsamatimbang sa ganang kanya na anuman, magsasagawa siya ayon sa tiyak: ang pinakakaunti.
Sa halimbawang nabanggit, kung nagsamatimbang sa ganang kanya ang tatlong paglibot, magtuturing siya sa mga ito bilang tatlong paglibot at magsasagawa siya ng apat pang paglibot. Kung nagmatimbang sa ganang kanya ang apat na paglibot, magtuturing siya sa mga ito bilang apat na paglibot at magsasagawa siya ng tatlo pang paglibot. Kung walang nagmatimbang sa ganang kanya na anuman, magtuturing siya sa mga ito bilang tatlong paglibot dahil ang mga ito ay ang tiyak at magsasagawa siya ng apat pang paglibot.
Ang patakaran sa pagdududa sa bilang ng sa`y ay gaya ng patakaran sa pagdududa sa bilang ng ṭawāf sa bawat naunang nabanggit.
Ang Ikasiyam na Katuturan: Hinggil sa Pagtigil sa `Arafah
Naunang nabanggit na ang pinakamainam para sa tagapagsagawa ng ḥajj ay na magsagawa ng iḥrām ng ḥajj sa ikawalong araw ng Dhulḥijjah. Pagkatapos pupunta siya sa Minā saka mananatili siya roon sa nalalabi sa araw niya at magpamagdamag siya sa gabi ng ikasiyam ng Dhulḥijjah, pagkatapos pupunta siya sa `Arafah sa pagkasikat ng araw. Ito ay ayon sa kainaman sapagkat kung sakaling pumunta siya sa `Arafah nang hindi pumunta bago nito sa Minā, naiwan nga niya ang pinakamainam subalit walang kasalanan sa kanya roon.
Kinakailangan sa tumitigil sa `Arafah na magpakatiyak siya sa mga hangganan nito. Tunay na ang ilan sa mga tagapagsagawa ng ḥajj ay tumitigil sa labas ng mga hangganan nito, maaaring dahil sa kamangmangan at maaaring dahil sa paggaya-gaya sa iba sa kanila. Itong mga tumigil sa labas ng mga hangganan ng `Arafah ay walang ḥajj sa kanila dahil sila ay hindi tumigil sa `Arafah. Nagsabi na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ḥajj ay [pagtigil sa] `Arafah."[72] Sa alinmang lugar tumigil siya sa mula sa `Arafah, tunay na ito ay sasapat sa kanya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumigil ako rito. Ang `Arafah, ang kabuuan nito ay tigilan."[73] [72] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Man Lam Yudrik `Arafah, numero 1949; Imām At-Tirmidhīy: Abwāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Fīman Adrak Al-Imām Bi-Jam` Faqad Adrak Al-Ḥajj, numero 889; Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb Farḍ Al-Wuqūf Bi-`Arafah, numero 3016; at Imām Ibnu Mājah: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Man Atā `Arafah Qabla Al-Fajr Laylah Jam`, numero 3015; mula sa ḥadīth ni `Abdurraḥmān Ibnu Ya`mur (malugod si Allāh sa kanya). [73] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Anna `Arafah Kullahā Mawqif, numero 1218; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Hindi pinapayagan sa sinumang tumigil sa `Arafah na lumisan mula sa mga hangganan nito hanggang sa lumubog ang araw sa Araw ng `Arafah dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumigil hanggang sa paglubog at nagsabi: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[74] [74] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Ramy Jamrah Al-`Aqabah Yawm An-Naḥr Rākiban Wa Bayān Qawlihi (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam): {li-ta'khudhū manāsikakum}, numero 1297; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Umaabot ang oras ng pagtigil sa `Arafah hanggang sa pagsapit ng madaling-araw sa Araw ng Pagdiriwang. Ang sinumang sinapitan ng madaling-araw sa Araw ng Pagdiriwang at hindi nakatigil sa `Arafah, nakalampas nga sa kanya ang ḥajj. Kung siya ay nagsakundisyon ng sa pagsisimula ng iḥrām sa pagsisimula ng iḥrām: "In ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥabastanī. (Kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)"[75] kakalas siya sa iḥrām niya at walang anuman sa kanya. Kung hindi siya nagsakundisyon, nakalampas sa kanya ang pagtigil (wuqūf) saka tunay na siya ay kakalas sa `umrah niya saka pupunta sa Ka`bah, magsasagawa ng ṭawāf, magsasagawa ng sa`y, at magpapaahit ng ulo. Kapag mayroon siyang handog, magkakatay siya nito. Kapag sumapit ang kasunod na taon, magbabayad siya ng pagsasagawa ng ḥajj na nakalampas sa kanya at maghahandog siya ng isang handog. Kung hindi siya nakatagpo ng isang alay, mag-aayuno siya nang sampung araw: tatlong araw sa ḥajj at pitong araw kapag nakabalik siya sa mag-anak niya. [75] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb Kayfa Yaqūl Idhā Ishtaraṭ, numero 2766; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ang Ikasampung Katuturan: Hinggil sa Paglisan Mula sa Muzdalifah
Hindi pinapayagan sa malakas na lumisan mula sa Muzdalifah hanggang sa makapagsagawa siya ng ṣalāh na fajr sa Araw ng Pagdiriwang dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpamagdamag doon sa bisperas ng Pagdiriwang at hindi lumisan mula roon hanggang sa nakapagsagawa siya ng ṣalāh na fajr. Nagsabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[76] [76] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Ramy Jamrah Al-`Aqabah Yawm An-Naḥr Rākiban Wa Bayān Qawlihi (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam): {li-ta'khudhū manāsikakum}, numero 1297; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Humingi ng pahintulot si Sawdah sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gabi ng Muzdalifah na lumisan bago nito bago ng dagsa ng mga tao. Siya ay isang babaing siksik," ibig sabihin: mabigat, "Kaya nagpahintulot naman ito sa kanya saka lumisan siya bago ng paglisan nito. Pumigil naman ito sa amin hanggang sa inumaga kami saka lumisan kami sa paglisan nito."[77] [77] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Qaddama Ḍa`afah Ahlih Bi-Layl Fa-Yaqifūn Bi-l-Muzdalifah Wa Yad`ūn Wa Yaqdam Idhā Ghāba Al-Qamar, numero 1680; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Taqdīm Daf` Aḍ-Ḍa`afah Min An-Nisā' Wa Ghayrihinna Min Muzdalifah Ilā Minā Fī Awākhir Al-Layl Qabla Zaḥmah An-Nās Wa Istiḥbāb Al-Mukth Li-Ghayrihim Ḥattā Yaṣilū Aṣ-Ṣubḥ Bi-Muzdalifah, numero 1290; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Sa isa namang salaysay: "Nagmithi ako na ako ay humiling ng pahintulot sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung paanong humingi ng pahintulot si Sawdah saka magdasal ako sa madaling-araw sa Minā saka magpukol ako sa Jamrah bago dumating ang mga tao."[78] [78] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Qaddama Ḍa`afah Ahlih Bi-Layl Fa-Yaqifūn Bi-l-Muzdalifah Wa Yad`ūn Wa Yaqdam Idhā Ghāba Al-Qamar, numero 1681; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Taqdīm Daf` Aḍ-Ḍa`afah Min An-Nisā' Wa Ghayrihinna Min Muzdalifah Ilā Minā Fī Awākhir Al-Layl Qabla Zaḥmah An-Nās Wa Istiḥbāb Al-Mukth Li-Ghayrihim Ḥattā Yaṣilū Aṣ-Ṣubḥ Bi-Muzdalifah, numero 1290; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Hinggil naman sa mahina na mahirap sa kanya ang makipagsiksikan sa mga tao sa jamrah, ukol sa kanya na lumisan bago ng madaling-araw kapag naglaho ang buwan at magsagawa ng ramy sa jamrah bago ng mga tao. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Asmā': {Siya minsan ay nag-aabang ng mga paglubog ng buwan at nagtatanong sa alila niya: "Lumubog kaya ang buwan?" Nang nagsabi ito: "Opo," nagsasabi naman siya: "Lumisan ka kasabay ko." Kaya lumisan sila hanggang sa nakapukol siya sa Jamrah, pagkatapos nagdasal siya sa tahanan niya. Nagsabi ako sa kanya: "O Ginang, talaga ngang napaaga po tayo." Nagsabi siya: "Aba'y hindi. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpahintulot sa kababaihan."}[79] [79] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Qaddama Ḍa`afah Ahlih Bi-Layl Fa-Yaqifūn Bi-l-Muzdalifah Wa Yad`ūn Wa Yaqdam Idhā Ghāba Al-Qamar, numero 1679; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Taqdīm Daf` Aḍ-Ḍa`afah Min An-Nisā' Wa Ghayrihinna Min Muzdalifah Ilā Minā Fī Awākhir Al-Layl Qabla Zaḥmah An-Nās Wa Istiḥbāb Al-Mukth Li-Ghayrihim Ḥattā Yaṣilū Aṣ-Ṣubḥ Bi-Muzdalifah, numero 1291; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang sinumang kabilang sa mag-anak ng mga mahihinang ito na pinapayagan sa kanila ang paglisan mula sa Muzdalifah bago ng madaling-araw, tunay na siya ay pinapayagan na lumisan kasama nila bago ng madaling-araw dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpadala sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa mahihina ng mag-anak niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Muzdalifah sa isang gabi. Kung ang kapamilya ay isang mahina, magsasagawa siya ng ramy kasama nila kapag nakarating sa Minā dahil siya ay hindi nakakakaya sa pakikipagsiksikan. Hinggil naman sa kung siya ay nakakakaya sa pakikipagsiksikan sa mga ito, tunay na siya ay magpapahuli sa pagsasagawa ng ramy hanggang sa sumikat ang araw batay sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagpadala sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga binatilyo ng angkan ni `Abdulmuṭṭalib lulan ng mga asno namin mula sa Jam` saka nagsimula siyang tumapik sa mga hita namin at nagsasabi: "Mga anak ko, huwag kayong pumukol sa jamrah hanggang sa sumikat ang araw."} Nagsalaysay nito ang Lima at sumang-ayon sa katumpakan nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Ḥibbān.[80] [80] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb At-Ta`jīl Min Jam`, numero 1940; Imām At-Tirmidhīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Fī Taqdīm Aḍ-Ḍa`afah Min Jam` Bi-Layl, numero 893; Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb An-Nahy `An Ramy Jamrah Al-`Aqabah Qabla Ṭulū` Ash-Shams, numero 3064; Imām Ibnu Mājah: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Man Yaqdam Min Jam` Ilā Minā Li-Ramy Al-Jimār, numero 3025; at Imām Ibnu Ḥibbān Fī Aṣ-Ṣaḥīḥ: 3869; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Kaya ang resulta ay na ang paglisan mula sa Muzdalifah at ang pagpukol sa Jamrah Al-`Aqabah sa Araw ng Pagdiriwang ay magiging ayon sa sumusunod na pamamaraan:
Ang Una: Ang sinumang malakas na walang mahinang kasama sa kanya, tunay na siya ay hindi lilisan mula sa Muzdalifah hanggang sa makapagdasal ng fajr at hindi magpupukol sa Jamrah hanggang sa sumikat ang araw dahil ito ang gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ginawa niya at nagsasabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[81] Hindi siya nagpermiso sa isa kabilang sa mga may kalakasan sa paglisan mula sa Muzdalifah bago ng madaling-araw o pagpukol sa jamrah bago ng pagsikat ng araw. [81] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Ramy Jamrah Al-`Aqabah Yawm An-Naḥr Rākiban Wa Bayān Qawlihi (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam): {li-ta'khudhū manāsikakum}, numero 1297; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Ikalawa: Ang sinumang malakas at may nakasama sa kanya na mag-anak na mahihina, tunay na siya ay lilisan kasama nila sa huling bahagi ng gabi, kung loloobin niya, at magpupukol ang mahina sa Jamrah kapag nakarating sa Minā. Hinggil naman sa malakas, hindi siya pupukol sa Jamrah hanggang sa sumikat ang araw dahil siya ay walang maidadahilan.[82] [82] Nagsabi ang Kagalang-galang na Shaykh natin, ang may-akda (kaawaan siya ni Allāh), sa Fatawā Al-Ḥajj (Tomo 2, pahina 272): "... pinapayagan sa malakas na may kasamang mahihina na lumisan at pumukol sa Jamrah Al-`Aqabah kasama nila bago ng madaling-araw dahil naipatutupad sa kanya dahil sa pagkasunod sa kanya ang hindi naipatutupad sa kanya dahil sa pagkakasarili."
Ang Ikatlo: Ang mahina. Pinapayagan sa kanya ang paglisan mula sa Muzdalifah sa huling bahagi ng gabi kapag naglaho ang buwan at magpupukol siya sa jamrah kapag nakarating sa Minā.
Ang sinumang hindi nakarating sa Muzdalifah malibang matapos sumapit ang madaling-araw sa bisperas ng Pagdiriwang at nakaabot ng ṣalāh doon at nakatigil na sa `Arafah bago ng madaling-araw, ang pagkasagawa ng ḥajj niya ay tumpak batay sa ḥadīth na `Urwah bin Muḍarris at nasaad dito na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakadalo sa ṣalāh nating ito (tinutukoy niya ang fajr) at nakatigil kasama natin hanggang sa lumisan tayo samantalang nakatigil na sa `Arafah bago niyon sa isang gabi o sa isang maghapon, nakalubos nga siya ng ḥajj niya at nakatapos ng gampanin niya." Nagsalaysay nito ang Lima at sumang-ayon sa katumpakan nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām ِAl-Ḥākim.[83] [83] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Man Lam Yudrik `Arafah, numero 1950; Imām At-Tirmidhīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Fīman Adrak Al-Imām Bi-Jam` Faqad Adrak Al-Ḥajj, numero 891; Imām An-Nasā'īy: Kitāb Manāsik Al-Ḥajj, Bāb Fīman Lam Yudrik Ṣalāh Aṣ-Ṣubḥ Ma`a Al-Imām Bi-l-Muzdalifah, numero 3041; Imām Ibnu Mājah: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Man Atā `Arafah Qabla Al-Fajr Laylah Jam`, numero 3016; at Imām Al-Ḥākim: 1/634; mula sa ḥadīth ni `Urwah bin Muḍarris (malugod si Allāh sa kanya).
Ang hayag na kahulugan ng ḥadīth na ito ay na walang dam (alay bilang pambayad-sala) na kailangan sa kanya. Iyon ay dahil siya ay nakaabot ng isang bahagi ng oras ng pagtigil sa Muzdalifah at pag-alaala kay Allāh sa Pinakababanal na Lugar dahil sa pagkaganap niya ng ṣalāh na fajr. Kaya naman ang pagkasagawa ng ḥajj niya ay lubos. Kung sakaling may naging kailangan sa kanya na dam (alay bilang pambayad-sala), talaga sanang naglinaw nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Si Allāh ay higit na maalam.
Ang Ikalabing-isang Katuturan: Hinggil sa Nauugnay sa Pagsasagawa ng Ramy
1. Hinggil sa munting bato na ipinampupukol, ito ay sa pagitan ng garbansos at kastanyas: hindi lubhang malaki at hindi maliit. Pinupulot ang munting bato mula sa Minā o Muzdalifah o iba pa sa dalawang ito sa bawat araw sa araw ng pagpukol nito. Hindi napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay namulot ng munting bato mula sa Muzdalifah ni siya ay namulot at nagtipon ng mga munting bato para sa mga araw ng pagpukol sa kalahatan ng mga ito. Hindi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nag-utos niyon sa isa man kabilang sa mga Kasamahan niya ayon sa nalalaman ko.
2. Hindi kinakailangan sa pagsasagawa ng ramy na tumama ang mga munting bato sa mismong haliging nakaharap; bagkus ang kinakailangan ay na pumirme ang mga ito sa mismong sahuran na siyang tipunan ng mga munting bato. Kaya kung sakaling tumama ang mga ito sa haligi at hindi naman bumagsak sa sahuran, kinakailangan sa kanya na magpukol kapalit ng mga ito. Kung bumagsak ang mga ito sa sahuran at pumirme ang mga ito roon, sasapat ang mga ito kahit pa hindi tumama sa haligi.
3. Kung sakaling may nakalimutan siyang isang munting bato sa isa sa mga jamrah kaya hindi siya nakapagpukol kundi ng anim na munting bato at hindi siya nakaalaala hanggang sa nakarating siya sa puwesto niya, tunay na siya ay babalik at magpupukol ng munting batong nakalimutan niya at wala namang kaasiwaan sa kanya. Kung lumubog ang araw bago siya makapag-alaala, tunay na siya ay magpapahuli nito hanggang sa kasunod na araw. Kapag lumihis ang araw sa katanghaliang-tapat [ng kasunod na araw], ipupukol niya ang munting batong nakalimutan niya bago ng bawat pagpukol, pagkatapos magpupukol siya sa mga jamrah para sa kasalukuyang araw.
Ang Ikalabindalawang Katuturan: Hinggil sa Una at Ikalawang Taḥallul
Kapag nakapagsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah ang tagapagsagawa ng ḥajj sa Araw ng Pagdiriwang at nakapagpaahit ng ulo niya o nakapagpaikli nito, naganap na ang unang taḥallul at pinayagan na sa kanya ang lahat ng mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām gaya ng pabango, karaniwang damit, pagkuha ng buhok at kuko, at iba pa roon maliban sa may kinalaman sa babae sapagkat hindi pinapayagan sa kanya na makipagromansa sa asawa niya o tumingin dito nang may pagnanasa hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf sa Ka`bah at makapagsagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah. Kaya kapag nakapagsagawa siya ng ṭawāf at nakapagsagawa ng sa`y, naganap na ang ikalawang taḥallul at pinayagan na sa kanya ang lahat ng mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām pati na ang may kinalaman sa babae subalit hanggat siya ay nasa loob ng Ḥaram, tunay na hindi pinahihintulutan sa kanya ang panghuhuli ng hayop ni ang pagputol ng mga punong-kahoy at mga luntiang halaman dahil sa pagiging nasa Ḥaram hindi dahil sa pagiging nasa iḥrām dahil ang iḥrām ay nakalasan na niya.
Ang Ikalabintatlong Katuturan: Hinggil sa Pagpapahalili sa Pagsasagawa ng Ramy sa mga Jamrah
Hindi pinapayagan sa sinumang nakakaya sa pagpukol sa mga jamrah sa pamamagitan ng sarili niya na magpahalili sa magpupukol para sa kanya, maging ang ḥajj niya ay isang tungkulin o isang kusang-loob, dahil ang pagkukusang-loob ng pagsasagawa ng ḥajj ay nag-oobliga sa sinumang nagsimula rito ng paglubos nito. Hinggil naman sa nahihirapan sa pagpukol sa pamamagitan ng sarili niya gaya ng maysakit, matanda, babaing nagdadalang-tao, at tulad nila, tunay na siya ay pinapayagan na magpahalili sa magpupukol para sa kanya, maging ang ḥajj niya ay isang tungkulin o isang kusang-loob, at maging pumulot man siya ng mga munting bato at nagbigay ng mga ito sa kahalili o pumulot ng mga ito ang kahalili mismo, sapagkat ang lahat ng iyon ay pinapayagan.
Magsisimula ang kahalili sa pagsasagawa ng ramy para sa sarili niya, pagkatapos para sa hinahalilihan niya, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsimula ka sa sarili mo."[84] at sabi pa niya: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa sarili mo, pagkatapos para kay Shubrumah."[85] [85] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Ar-Rajul Yaḥujju `An Ghayrih, numero 1811; at Imām Ibnu Mājab: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Al-Ḥajj `An Al-Mayyit, numero 2903; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [84] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Az-Zakāh, Bāb Al-Ibtidā' Fī An-Nafaqah Bi-n-Nafsi Thumma Ahlih, numero 997.
Pinapayagan na magsagawa siya ng ramy para sa sarili niya, pagkatapos para sa hinahalilihan niya sa iisang tinitindigan. Kaya makapagpupukol siya sa unang jamrah ng pitong munting bato para sa sarili niya, pagkatapos pitong munting bato para sa hinahalilihan niya; at gayon din sa ikalawa at ikatlong jamrah, gaya ng ipinahihiwatig ng hayag na kahulugan ng ḥadīth na isinalaysay buhat kay Jābir, na nagsabi: {Nagsagawa kami ng ḥajj kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsagawa kami ng talbiyah para sa mga bata at nagsagawa kami ng ramy para sa kanila.} Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ibnu Mājah.[86] Ang hayag na kahulugan nito ay na sila ay gumagawa niyon sa iisang tinitindigan yayamang kung sakaling sila ay kumukumpleto ng tatlong jamrah para sa mga sarili nila pagkatapos bumabalik sila mula sa simula ng mga ito para sa mga bata, talaga sanang bumigat iyon. Si Allāh ay higit na maaalam. [86] Nagtala nito sina Imām Aḥmad: 22/269 (14370) [Limbag ng Ar-Risālah]; at Imām Ibnu Mājah: Kitāb Al-Manāsik, Bāb Ar-Ramy `An Aṣ-Ṣibyān, numero 3038; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Ikalabing-apat na Katuturan: Hinggil sa mga Gawaing Pagsamba sa Araw ng Pagdiriwang
Magsasagawa ang tagapagsagawa ng ḥajj sa Araw ng Pagdiriwang ng apat na gawaing pagsamba na pinagsunud-sunod gaya ng sumusunod:
A. Ang pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah,
B. Ang pagkakatay ng handog kung nagkaroon siya ng handog,
C. Ang pagpapaahit o ang pagpapaikli ng buhok,
D. Ang pagsasagawa ng tawa sa Ka`bah.
Hinggil naman sa sa`y, kung siya ay mutamatti`, magsasagawa siya ng sa`y para sa ḥajj; at kung siya ay qārin o mufrid saka kung nagsagawa siya ng sa`y matapos ng ṭawāf Al-Qudum, makasasapat sa kanya ang unang sa`y niya at kung hindi naman ay magsasagawa siya ng sa`y matapos ng ṭawāf na ito (tinutukoy ko ang ṭawāf ng ḥajj).
Ang isinasabatas ay na magsusunud-sunod siya ng mga iyon ayon sa pagkakasunud-sunod na ito. Kung nag-una siya ng ilan sa mga iyon sa iba sa mga iyon sa pamamagitan ng pagkatay bago ng pagpukol o pagpapaahit ng buhok bago ng pagkakatay o pagsasagawa ng ṭawāf bago ng pagpapaahit ng buhok saka kung siya ay isang mangmang o isang nakalilimot, wala namang kaasiwaan sa kanya. Kung siya naman ay isang nananadyang nakaaalam, ang napatanyag na pahayag mula sa doktrina ni Imām Aḥmad ay na wala namang pagkaasiwa din sa kanya, batay sa isinalaysay ni Imām Al-Bukhārīy ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinanong tungkol sa pagpapaahit ng buhok bago magkatay at tulad nito, saka nagsabi naman siya: "Wala naman kaasiwaan."}[87] [87] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Adh-Dhabḥ Qabla Al-Ḥalq, numero 1722; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Ḥalaqa Qabla An-Naḥr Aw Naḥara Qabla Ar-Ramy, numero 1703; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ayon pa sa kanya, na nagsabi: {Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinatanong sa Minā sa Araw ng Pag-aalay saka nagsasabi: "Walang pagkaasiwa." May nagtanong sa kanya na isang lalaki: "Nag-ahit ako [ng buhok] bago ako nagkatay." Nagsabi siya: "Magkatay ka at wala namang kaasiwaan." Nagsabi ito: "Pumukol ako matapos ako ginabi." Nagsabi siya: "Wala namang kaasiwaan."} [88] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Idhā Ramā Ba`damā Amsā Aw Ḥalaqa Qabla An Yadhbaḥ Nāsiyan Aw Jāhilan, numero 1735; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Ḥalaqa Qabla An-Naḥr Aw Naḥara Qabla Ar-Ramy, numero 1703; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ayon pa rin sa kanya: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sinabihan hinggil sa pagkakatay, pagpapaahit ng buhok, pagpukol, pagpapauna, at pagpapahuli saka nagsabi naman siya: "Wala naman kaasiwaan."}[89] [89] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Idhā Ramā Ba`damā Amsā Aw Ḥalaqa Qabla An Yadhbaḥ Nāsiyan Aw Jāhilan, numero 1734; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Ḥalaqa Qabla An-Naḥr Aw Naḥara Qabla Ar-Ramy, numero 1703; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Tinanong siya tungkol sa dumalaw (ibig sabihin: Nagsagawa ng ṭawāf ng pagdalaw) bago magpukol o nagkatay bago magpukol, saka nagsabi siya: "Wala namang kaasiwaan." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.[90] [90] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Adh-Dhabḥ Qabla Al-Ḥalq, numero 1722; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Ḥalaqa Qabla An-Naḥr Aw Naḥara Qabla Ar-Ramy, numero 1703; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Nasaad sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Amr, na nagsabi: {Hindi tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang araw na iyon tungkol sa isang bagay na ipinauna o ipinahuli malibang nagsabi siya: "Gawin mo at wala namang kaasiwaan."[91] [91] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb Al-`Ilm, Bāb Al-Futyā Wa Huwa Wāqif `Alā Ad-Dābbah Wa Ghayrihā, numero 83; at Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Man Ḥalaqa Qabla An-Naḥr Aw Naḥara Qabla Ar-Ramy, numero 1306; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Kung ipagpapahuli niya ang pagkakatay hanggang sa pagtuloy niya sa Makkah, wala namang masama, subalit hindi siya magpapahuli nito lampas sa mga araw ng Tashrīq. Kung ipagpapahuli niya ang pagsasagawa ng ṭawāf at ang pagsasagawa ng sa`y lampas sa Araw ng Pagdiriwang, wala namang masama, subalit hindi siya magpapahuli ng dalawang ito lampas sa buwan ng Dhulḥijjah malibang may maidadahilan, tulad ng kung may nangyari sa babae na isang pagdurugo (nifās) bago ito makapagsagawa ng ṭawāf sapagkat ipagpapahuli nito ang pagsasagawa ng ṭawāf hanggang sa dumalisay ito (matigil ang pagdurugo) kahit pa man matapos ng buwan ng Dhulḥijjah sapagkat wala namang kaasiwaan dito at walang pantubos (fidyah).
Ang Ikalabinlimang Katuturan: Hinggil sa Oras ng Pagsasagawa ng Ramy at Pagkakasunud-sunod sa Pagitan ng mga Jamrah
Nauna nang nabanggit sa iyo na ang oras ng pagsasagawa ng ramy sa Araw ng Pagdiriwang para sa nakakakaya ay matapos ng pagsikat ng araw at para sa nahihirapan sa pakikipagsiksikan sa mga tao ay mula sa katapusan ng gabi ng bisperas ng Pagdiriwang. Hinggil naman sa oras ng pagsasagawa ng ramy sa mga araw ng Tashrīq, tunay na ito ay mula sa pagkalihis ng araw sa katanghaliang-tapat kaya walang pagsasagawa ng ramy bago ng pagkalihis sa katanghaliang-tapat dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsagawa ng ramy sa mga araw ng Tashrīq malibang matapos ng pagkalihis sa katanghaliang-tapat. Nagsabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[92] [92] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Istiḥbāb Ramy Jamrah Al-`Aqabah Yawm An-Naḥr Rākiban Wa Bayān Qawlihi (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam): {li-ta'khudhū manāsikakum}, numero 1297; mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Nagpapatuloy ang oras sa pagsasagawa ng ramy sa Araw ng Pagdiriwang at matapos nito hanggang sa paglubog ng araw kaya naman hindi magsasagawa ng ramy sa gabi. Naniniwala ang ilan sa mga maalam na kapag nakalampas ang pagsasagawa ng ramy sa maghapon, ukol sa kanya na magsagawa ng ramy sa gabi maliban sa gabi ng ika-14 ng Dhulḥijjah dahil sa pagkawakas ng mga araw ng [pagtigil sa] Minā dahil sa pagkalubog ng araw ng ika-13. Ang unang pahayag ay higit na maingat. Alinsunod dito, kung sakaling nakalampas sa kanya ang pagsasagawa ng ramy ng isang araw, tunay na siya ay magsasagawa ng ramy sa araw na matapos niyon kapag lumihis ang araw sa katanghaliang-tapat. Magsisimula siya sa pagsasagawa ng ramy ng araw na nakalampas sa kanya saka kapag nakakumpleto siya nito ay magsasagawa naman siya ng ramy para sa kasalukuyang araw.[93] [93] Nagsabi ang Kagalang-galang na Shaykh natin, ang may-akda (kaawaan siya ni Allāh), sa Fatawā Al-Ḥajj: "Ang pinakamainam para sa tagapagsagawa ng ḥajj ay na magsagawa siya ng ramy sa mga jamrah sa maghapon. Kung nangangamba naman siya sa siksikan, wala namang masama na magsagawa siya ng ramy sa mga ito sa gabi. Iyon ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtakda ng oras ng pagsisimula ng pagsasagawa ng ramy at hindi nagtakda ng oras ng pagwawakas nito. Kaya naman nagpatunay ito na ang usapin hinggil doon ay malawak."
Ang pagkakasunud-sunod sa pagitan ng mga jamrah ay kinakailangan. Kaya magsasagawa ng ramy, una, sa Unang Jamrah, na nalalapit sa Masjid Khayf, pagkatapos sa Kalagitnaang Jamrah, pagkatapos sa Jamrah Al-`Aqabah. Kaya kung sakaling nagsimula siya sa pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, pagkatapos sa Kalagitnaang Jamrah o nagsimula sa Kalagitnaang Jamrah, saka kung siya ay nananadyang nakaaalam, kakailanganin sa kanya ang mag-ulit sa Kalagitnaang Jamrah pagkatapos sa Jamrah Al-`Aqabah. Kung siya ay isang mangmang o isang nakalilimot, sasapat na ito sa kanya at walang anuman sa kanya.
Ang Ikalabing-anim na Katuturan: Hinggil sa Pagpapamagdamag sa Minā
Ang pagpapamagdamag sa Minā sa gabi ng ika-11 at ika-12 ng Dhulḥijjah ay kinakailangan. Ang kinakailangan ay ang pagpapamagdamag sa karamihang bahagi ng gabi, maging mula sa simula ng gabi o mula sa wakas nito. Kaya kung sakaling tumuloy sa Makkah sa simula ng gabi pagkatapos bumalik bago ng hatinggabi o tumuloy sa Makkah matapos ng hatinggabi mula sa Minā, wala namang kaasiwaan sa kanya dahil siya ay nakapagsagawa nga ng kinakailangan.
Kinakailangan na magpakatiyak sa mga hangganan ng Minā nang sa gayon hindi magpamagdamag sa labas nito. Ang hangganan nito mula sa silangan ay ang Wādī Muḥassir at mula sa kanluran ay ang Jamrah Al-`Aqabah. Ang Wādī Muḥassir at ang Jamrah Al-`Aqabah ay hindi bahagi ng Minā. Hinggil naman sa mga bundok na nakapaligid sa Minā, tunay na ang mga harap nito mula sa nakakatabi ng Minā ay bahagi nito kaya pinapayagan ang pagpapamagdamag sa mga iyon. Mag-ingat ang tagapagsagawa ng ḥajj sa pagpapamagdamag sa Wādī Muḥassir o mula sa likuran ng Jamrah Al-`Aqabah dahil iyon ay labas sa mga hangganan ng Minā kaya ang sinumang nagpamagdamag doon ay hindi sasapat sa kanya ang pagpapamagdamag.[94] [94] Nagsabi ang Kagalang-galang na Shaykh natin, ang may-akda (kaawaan siya ni Allāh), sa Fatawā Al-Ḥajj (Tomo 2, pahina 436): "Ito ay hinggil sa kapag nakatagpo ng isang lugar sa Minā. Hinggil naman sa kapag hindi nakatagpo, wala namang kaasiwaan na magpamagdamag sa labas ng mga hangganan ng Minā sa alinmang dako mula roon at ang tuluyan niya ay maging nakadugtong sa mga tuluyan ng mga tagapagsagawa ng ḥajj upang sila ay maging iisang kalipunan, na mga nagtitipon, gaya ng sinasabi natin hinggil sa kung sakaling napuno ang masjid nang labas sa mga nagdarasal sapagkat tunay na sila ay makagaganap ng ṣalāh nila sa mga hanay na karugtong kahit pa man sila ay nasa labas ng masjid at wala namang kaasiwaan sa kanila roon."
Ang Ikalabimpitong Katuturan: Hinggil sa Ṭawāf ng Pamamaalam
Nauna nang nabanggit na ang ṭawāf ng pamamaalam ay kinakailangan sa bawat tagapagsagawa ng ḥajj at tagapagsagawa ng `umrah sa sandali ng paglabas mula sa Makkah maliban sa nireregla at dinurugo subalit kung nadalisay sila bago ng pakikipaghiwalay sa gusali ng Makkah, tunay na ito ay mag-oobliga sa kanila. Kapag namaalam pagkatapos lumabas ng Makkah at nanatili ng isang araw o higit, hindi inoobliga sa kanya ang pag-uulit ng ṭawāf kahit pa man ang pananatili niya ay sa isang lugar na malapit mula sa Makkah.
Si Allāh ay higit na maalam. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya nang lahatan.
Nalubos ito sa panulat ng tagapag-akda nito na si Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn noong Sha`bān 7, 1387 Hijrah (Nobyembre 3, 1967). Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa pamamagitan ng biyaya Niya nalulubos ang mga maayos na gawa. Nagwakas ang pagtutumpak nito sa umaga ng Huwebes ng Ramaḍān 13 ng taong 1387 Hijrah (Disyembre 14, 1967). Basbasan ni Allāh si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang lahatan.