فتاوى الحج والعمرة والزيارة

فتاوى الحج والعمرة والزيارة

Ang mga Fatwā ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita

Language: lang_tl
Prepared by: Ang Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Version: 2.0
Translations 21
Assamese Bengali English Spanish +17
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Ang mga Fatwā ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita

Dumarami ang pangangailangan sa mga ito ng mga tagapagsagawa ng `Umrah.[1] Naisagawa ang pagpili ng mga ito mula sa Kalipunan ng mga Fatwā ng Lupon ng Permanente Lupon ng Pagbibigay-fatwā sa Kaharian ng Saudi Arabya, kasama ng pagpapaigsi ng mga tanong sa pagpapaigsing nababagay sa sitwasyon.

ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika

Una. Mga Fatwā na Pangkalahatan

T: Pinapayagan ba sa ama ko na magsagawa ng `Umrah mula sa perang inutang sa bangko?

S: Kinakailangan sa sinumang nagnais na magsagawa ng ḥajj at `umrah para sa sarili o para sa iba sa kanya na pumili para sa ḥajj niya at `umrah niya ng isang panggastos na kaaya-aya dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi kaaya-aya.

Hinggil naman sa pangungutang sa bangko at iba rito nang may interes, hindi iyon pinapayagan dahil iyon ay kabilang sa ribā (patubo). Isinumpa nga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagkunsumo ng ribā, ang tagapag-awtorisa nito, ang tagasulat nito, at ang mga tagasaksi nito. Nagsabi siya: "Sila ay magkatulad." Ang pagkunsumo ng bawal ay isang kadahilanan ng pagtanggi sa panalangin at hindi pagtanggap ng gawa. Hinggil naman sa kapag ito ay walang interes, walang pagkaasiwa rito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/353.

***

T: Tumpak ba na ang sinumang lumiban sa Makkah nang 40 araw ay naoobliga sa kanya ang pagsasagawa ng `umrah kahit pa nakapagsagawa na siya ng `umrah nang makailang ulit?

S: Ang pagsasagawa ng `umrah ay hindi kinakailangan kundi iisang ulit sa tanang buhay sa nakakakayang mukallaf (naaatangan ng tungkulin). Ang anuman lumabis sa iisang ulit, ito ay sunnah. Ang pagsasagawa ng `umrah ay pinapayagan sa bawat panahon at wala itong isang panahong tinakdaan.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/20.

***

T: Pinapayagan ba ang pagganap ng `Umrah sa alinmang panahon ng taon?

S: Pinapayagan ang pagganap ng `umrah sa lahat ng mga araw ng taon, pati na sa mga buwan ng ḥajj. Kapag gumanap siya nito sa mga buwan ng ḥajj at nagsagawa ng ḥajj matapos nito sa mismong taon, siya ay nagsagawa ng tamattu` ng pagsasagawa ng `umrah hanggang sa ḥajj. Kapag gumanap siya nito kasama ng ḥajj niya, siya ay nagsagawa ng qirān (pag-uugnay) ng ḥajj at `umrah. Kailangan sa bawat isa sa tagapagsagawa ng tamattu` at qirān ng isang handog (hady) na nakasasapat sa isang alay (uḍḥiyah) kapag hindi kabilang sa mga naroroon sa Masjid na Pinakababanal. Kapag gumanap nito ang tagapagsagawa ng ḥajj sa Dhulḥijjah matapos ng mga Araw ng Tashrīq, pinapayagan ito at walang handog (hady) na kailangan sa kanya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 10/353.

***

T: Natutumpak ba para sa tao na magsagawa ng `Umrah bago siya masagwa ng ḥajj na tungkulin?

S: Oo. Pinapayagan para sa tao na magsagawa ng `umrah bago siya masagawa ng ḥajj dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya ay nagsagawa ng `umrah bago sila magsagawa ng ḥajj na tungkulin.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/318.

***

T: Tanong ano ang kahatulan sa pag-uulit-ulit ng pagsasagawa ng `Umrah sa isang taon?

T: Ang tumpak ay na pinapayagan ang pag-uulit-ulit ng pagsasagawa ng `umrah sa isang taon nang makailang ulit batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang `umrah hanggang sa [kasunod na] `umrah ay isang panakip-sala sa pagitan ng dalawang ito. Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay walang ganti rito kundi ang Paraiso." Napagkasunduan sa katumpakan nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/334.

***

T: Ang ilan sa mga tao ay dumarating para magsagawa ng ḥajj. Matapos ng pagkatapos niya sa pagsasagawa ng `umrah ng tamattu`, nagnanais siya na magsagawa ng `umrah para sa isa sa mga magulang niya. Kaya papaano ang gagawin niya?

S: Ang sinumang nagsagawa ng ihram ng `umrah bilang tagapagsagawa ng tamattu` hanggang sa hajj, tunay na, matapos ng pagkatapos niya rito, ang pinakamaganda para sa kanya ay na manatili siya sa Makkah hanggang sa dumating ang takdang panahon ng hajj para magsagawa siya ng ihram nito at hindi siya mag-uulit ng `umrah bago ng hajj. Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng hajj, walang masama na magsagawa siya matapos nito ng isa pang `umrah para sa ama niyang pinapanaw o ina niyang pinapanaw o mga mahihina dahil sa katandaan o karamdamang hindi maaasahan ang paggaling nito o iba pa kabilang sa sinumang ayon sa paglalarawang ito. Walang kaasiwaan dito batay sa pagkapanlahat ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "Ang `umrah hanggang sa [kasunod na] `umrah ay panakip-sala sa pagitan ng dalawang ito. Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay walang ganti rito kundi ang Paraiso." Napagkasunduan sa katumpakan nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/117.

***

T: Ano ang kahatulan sa sinumang nagsasagawa ng higit sa isang `umrah, na sa bawat pagsasagawa ng `umrah ay pumupunta siya sa Tan`īm para magsagawa ng iḥrām mula roon?

S: Ang pag-uulit ng pagsasagawa ng `umrah ng sinumang dumating sa Makkah sa isang maiksing panahon ay hindi bahagi ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi ginawa ng mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila). Kung sakaling ito ay ang pinakamainam, talaga sanang nauna sila roon. Ang isinasabatas para sa sinumang dumating sa Makkah at tumapos sa gawaing-pagsamba nito ay ang pagpaparami ng pagsasagawa ng ṭawāf, higit sa lahat, ang pagbigkas ng Qur'ān, ang pagsasagawa ng ṣalāh, ang pagkakawanggawa, at ang iba pa sa mga ito kabilang sa mga pagsamba. Kung magsasagawa siya ng `umrah para sa sarili niya o para sa iba sa kanya kabilang sa sinumang pinapayagan ang pagsasagawa ng `umrah para roon, gaya ng namatay at mahina dahil sa katandaan o karamdamang hindi inaasahan ang paggaling nito, walang masama rito kapag hindi ito nagkaroon ng pahirap sa kanya ni sa mga tao sa gaya ng mga oras ng siksikan. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang `umrah hanggang sa [kasunod na] `umrah ay panakip-sala sa pagitan ng dalawang ito. Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay walang ganti rito kundi ang Paraiso." Batay rin ito sa napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nag-utos kay `Ā'ishah (malugod si Allāh dito) na magsagawa ito ng `umrah sa Tan`īm matapos ng pagkalas nito mula sa ḥajj nito at `umrah nito noong nagpaalam ito sa kanya kaugnay roon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/355.

***

Ikalawa. Ang mga Fatwā sa mga Mīqāt

T: Kapag nagnais siya na magsagawa ng ḥajj o `umrah at magiging mahirap sa kanya ang magsagawa ng iḥrām sa eroplano, pagkatapos sa kabila pa niyon hindi siya nakaaalam sa pagtataya sa kinaroroonan ng mīqāt, ukol ba sa kanya ang magpahuli ng pagsasagawa ng iḥrām sa Jeddah o hindi?

S: Kapag nagnais siya na magsagawa ng ḥajj at `umrah habang siya ay nasa eroplano, ukol sa kanya na maligo sa bahay niya at magsuot ng tapis at balabal kung loloobin niya. Kapag may natira sa mīqāt na isang kaunting sandali, magsasagawa siya ng iḥrām ng anumang ninanais niya na ḥajj o umrah at walang hirap doon. Kapag siya ay hindi nakaaalam sa mīqāt, tunay na siya ay magtatanong sa kapitan ng eroplano o isa sa mga tauhan nito o sa mga tagapaglingkod o mga pasahero na napagkakatiwalaan niya kabilang sa mga may karanasan doon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/153.

***

T: Pinapayagan ba sa sinumang nagnanais gumanap ng `umrah habang nasa eroplano na sumambit ng talbiyah ng `umrah lamang nang walang pagsusuot ng kasuutan ng iḥrām. Iyon ay dahil nagnanais siya na tumapos ng ilan sa mga gawain niya sa Lungsod ng Jeddah at matapos ng pagkatapos niya sa gawain niya ay magsasagawa siya ng iḥrām mula sa Jeddah at aalis para gumanap ng `umrah o ano ang kinakailangan sa kanya?

S: Ang sinumang nagpasimula ng paglalakbay habang siya ay nagnanais magsagawa ng isang gawaing-pagsamba ng ḥajj o `umrah, hindi pinapayagan sa kanya ang paglampas sa mīqāt malibang bilang muḥrim ng nilayon niya, na nakahubad ng tinahian, na nakaiwas sa mga sinasawata sa sandali ng iḥrām.

Alinsunod dito, hindi pinapayagan sa iyo ang paggawa ng binanggit mo sa nabanggit na tanong dahil sa pakikipagsalungatan nito sa kahatulang pambatas subalit walang hadlang na pumuna sa Jeddah habang hindi muḥrim para sa pagtugon sa mga pangangailangan niya, pagkatapos magbabalik sa mīqāt saka magsagawa ng iḥrām mula roon para sa ḥajj niya o `umrah niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/81.

***

T: Natutumpak ba para sa tagapagsagawa ng ḥajj o tagapagsagawa ng `umrah na magsagawa ng iḥrām sa Ābār `Alīy sa Madīnah Munawwarah sa kabila na siya ay bumaba sa paliparan ng Jeddah subalit siya ay nagpauna sa pagbiyahe patungo sa Madīnah at mula roon nagsagawa siya ng iḥrām sa Ābār `Alīy.

S: Ang tagapagsagawa ng ḥajj, kapag bumaba siya sa paliparan ng Jeddah habang siya ay nagnanais pumunta mula sa Jeddah tungo sa Madīnah bago magsagawa ng ḥajj, tunay na siya, kapag nagbigay-wakas sa pagdalaw niya sa Madīnah pagkatapos nagnais siya na bumalik sa Makkah para sa pagganap ng ḥajj at `umrah, ay magsasagawa ng iḥrām sa mīqāt ng mga mamamayan ng Madīnah, sa Dhulḥulayfah na tinatawag na Ābār `Alīy, dahil ang kahatulan sa kanya ang kahatulan sa mga mamamayan ng Madīnah batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa mīqāt: "Ang mga lugar na ito ay ukol sa mga lugar na iyon at ukol sa sinumang pumunta sa mga lugar na iyon kabilang sa hindi mga mamamayan ng mga iyon, kabilang sa mga nagnais magsagawa ng ḥajj o `umrah." Ang ḥadīth ay napagkasunduan sa katumpakan nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/94.

***

T: Kapag nagsagawa ng isang `umrah sa araw ng Biyernes ng alinmang buwan at nagnais pumunta sa isa pang rehiyon at matapos ng dalawang araw o tatlo ay bumalik sa Makkah at nagnais magsagawa ng ikalawang `umrah, pinapayagan ba ang magsagawa ng isang `umrah nang hindi nagsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām?

S: Ang sinumang nagnais na magsagawa ng `umrah ay hindi makaiiwas na magsagawa ng iḥrām sa mīqāt na daraanan niya papunta sa Makkah at hindi pinapayagan sa kanya na lumampas doon nang walang pagsasagawa ng iḥrām dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtakda ng mga mīqāt na ito para sa pagsasagawa ng iḥrām mula sa mga ito sa panig ng sinumang nagnanais magsagawang ḥajj o `umrah, maging iyon man ay para sa unang pagkakataon o para sa ikalawang `umrah o higit pa. Hinggil naman sa sinumang nasa loob ng mga mīqāt, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām sa lugar na namutawi mula roon ang layunin ng pagsasagawa ng `umrah, maliban na siya ay nasa Makkah sapagkat kailangan sa kanya na lumabas patungo sa labas ng Makkah para magsagawa ng iḥrām ng `umrah, gaya ng ginawa ni Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/354.

***

T: Ano ang hatol sa pagsasagawa ng `umrah para sa magulang matapos na nagsagawa ng `umrah para sa sarili niya at umulit ng `umrah ng ama niya mula sa lugar ng pagsasagawa ng iḥrām sa Makkah Mukarramah (sa Tan`īm)?

S: Kapag nagsagawa ka ng isang `umrah para sa sarili mo pagkatapos nagsagawa ka ng taḥallul mula roon at nagnais ka na magsagawa ng isang `umrah para sa ama mo kung ito ay patay na o mahina na, tunay na ikaw ay lalabas papunta sa labas ng Makkah gaya ng sa Tan`īm, magsasagawa ka ng iḥrām ng `umrah mula roon, at hindi kinakailangan sa iyo ang magbiyahe papunta sa mīqāt.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/135.

***

Ikatlo. Ang mga Fatwā ng Iḥrām at ang mga Sinasawata Rito

T: Kapag nagsuot siya ng iḥrām para sa isang `umrah o isang ḥajj, pagkatapos nagpawalang-saysay siya nito, ano ang kinakailangan sa kanya?

S: Kapag nagsuot siya ng tapis at balabal at hindi naglayon ng pagpasok sa ḥajj o `umrah at hindi sumambit ng talbiyah doon, siya ay makapipili: kung loloobin niya ay makapapasok siya sa ḥajj o `umrah at kung loloobin niya ay makapag-iiwan siya niyon. Walang pagkaasiwa sa kanya kapag siya ay nakaganap na ng isang ḥajj o isang `umrah sa Islām.

Hinggil naman sa kung naglayon na siya ng pagpasok sa ḥajj o `umrah, hindi ukol sa kanya ang magpawalang-saysay niyon at ang umurong doon; bagkus kinakailangan sa kanya na magkumpleto ng pinagsagawaan niya ng iḥrām sa paraang legal batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Lubusin ninyo ang ḥajj at `umrah para kay Allāh.} (Qur'ān 2:196)

Dahil dito, lilinaw sa iyo na ang Muslim, kapag pumasok siya sa isang ḥajj o isang `umrah nang may layunin, ay hindi ukol na tumanggi roon; bagkus kailangan sa kanya na magkumpleto ng isinabatas doon batay sa marangal na talatang nabanggit maliban na nakapagsakundisyon na siya at nangyari sa kanya ang tagahadlang na pinangambahan niya sapagkat ukol sa kanya na kumalas batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ḍubā`ah bint Az-Zubayr noong nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagnanais magsagawa ng ḥajj samantalang ako ay maysakit." Nagsabi siya: "Magsagawa ka ng ḥajj at magsakundisyon ka [na nagsasabi]: Ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin." Napagkasunduan sa katumpakan nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/166.

***

T: May nagsagawang isang babae ng iḥrām ng `umrah. Pagkatapos nagregla siya kaya hindi siya nakapagsagawa ng ṭawāf at hindi nakapagsagawa ng sa`y. Umuwi siya sa tahanan niya at nagkalas ng iḥrām niya. Kaya sa kanya ba ay may anuman. Kung hindi siya nagkalas ng iḥrām niya, sa kanya ba ay may anuman?

S: Ang sinumang babaing nagsagawa ng iḥrām ng `umrah, pagkatapos niregla kaya nakakalas siya sa iḥrām niya bago siya makapagsagawa ng ṭawāf at sa`y, saka kung siya ay di-nakaaalam sa kahatulan at hindi nakitalik sa kanya ang asawa niya, kinakailangan na magkumpleto siya ng `umrah niya matapos ng paghinto ng regla niya, pagkatapos ng pagpaligo niya dahil doon kung paanong naliligo siya dahil sa janābah, saka magsasagawa siya ng ṭawāf at sa`y at makakakalas siya [sa `umrah] matapos ng pagpapaikli ng buhok ng ulo niya at walang anumang kailangan sa kanya.

Kung may nangyaring isang pagtatalik, nawalang-kabuluhan ang `umrah niya. Kailangan sa kanya na magkumpleto nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ṭawāf, pagsasagawa ng sa`y, at pagpapaikli ng buhok. Kinakailangan sa kanya na mag-ulit nito kaya magsasagawa siya ng isang `umrah na kapalit niyon mula sa mīqāt na pinagsagawaan niya ng `umrah sa unang pagkakataon. May kailangan sa kanya na isang alay: maaaring isang tupa na ang edad ay anim na buwan pataas o kambing na ang edad ay isang taon pataas, na kakatayin sa Makkah at ipamamahagi sa mga maralita roon.

Hinggil naman sa kung siya ay hindi nakakalas sa `umrah niya, kailangan sa kanya na magkumpleto ng `umrah niya kaya magsasagawa siya ng ṭawāf at sa`y at makakakalas siya sa `umrah niya sa pamamagitan ng pagputol ng isang pulgada mula sa buhok ng ulo niya at hindi mawawalang-kabuluhan ang `umrah niya dahil sa pagreregla gayon pa man.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/323.

***

T: Pinapayagan ba ang paggamit ng mabangong sabon para sa muḥrim?

S: Hindi pinapayagan para sa muḥrim, lalaki man o babae, ang paggamit ng mabango, na kabilang doon ang paggamit ng mabangong sabon. Ang sinumang sumaling ng mabango nang nananadya na nakaaalam, kailangan sa kanya ang fidyah. Ang sinumang di-nakaaalam sa kahatulan nito o nakalilimot, walang anuman sa kanya. Batay ito sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:286): {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} at batay rin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "nagpaumanhin sa Kalipunan ko sa pagkakamali, pagkalimot, at anumang ipinilit sa kanila."

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/137.

***

T: Bago ng pagpasok ko sa Ḥaram, pumasok ako sa banyo. Dala ng pagkalingat ko, nailagay ko ang iḥrām sa ulo ko nang kaunti. Pagkatapos nakaalaala ako matapos niyon at iniangat ko ito. Ang tanong: Mayroon ba sa aking anuman?

S: Kapag nakagawa ang muḥrim ng anuman mula sa mga sinasawata sa iḥrām dala ng pagkalimot, tunay na ang kinakailangan sa kanya ay ang pagtigil doon kapag nakaalaala siya. Walang kasalanan sa kanya at walang panakip-sala batay sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:286): {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} Nagsabi naman si Allāh: "Ginawa Ko nga." Nasaad ito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) . Naisalaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Nagpaumanhin sa Kalipunan ko sa pagkakamali, pagkalimot, at anumang ipinilit sa kanila."

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/149.

***

T: Talaga ngang nagsagawa ako, ang maybahay ko, at ang babaing kapatid ko ng isang `umrah sa Ramaḍān subalit silang dalawa ay nagsuot ng guwantes dahil sa isang utos ko sa sandali ng pagsasagawa ng `umrah. Iyon ay dahil sa kamangmangan sa patakaran. Kaya ano ang kailangan naming gawin?

S: Kapag ang pagsusuot ng babaing muḥrim ng guwantes ay dahil sa kamangmangan sa patakaran, walang anuman sa kanya; subalit kapag nakaalam siya sa patakaran sa sandali ng iḥrām, kailangan sa kanya na maghubad ng guwantes kaagad.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/156.

***

T: Nagsagawa ako at ang maybahay ko ng iḥrām ng `umrah. Matapos ng pagsasagawa ng iḥrām dumating sa maybahay ko ang dugo ng regla. Dahil sa kamangmangan ko sa patakaran, kumalas ako sa iḥrām ko, naghubad ako ng mga kasuutan ng iḥrām, at hindi kami pumunta sa Makkah. Pagkatapos sa Ramaḍān ng taong iyon, nagsagawa ako at ang maybahay ko ng gawain ng `umrah – dahil sa kabutihang-loob ni Allāh. Umaasa ako ng pagpaparangal ng paglilinaw sa kahatulang legal. Ano ang gawain na gagawin ko ngayon?

S: Ang kinakailangan sa inyo ay ang pagganap ng `umrah at ang hindi pagpapawalang-saysay nito. Yayamang ang pagkalas ninyo sa layunin ng iḥrām at ang pagsusuot ng mga karaniwang kasuutan ay hindi nakapagpapaiba ng anuman sa naganap yayamang ang iḥrām ay nananatiling hindi napawalang-saysay, tunay na ang ikalawang `umrah ninyo ay itinuturing na isang pagpapatuloy ng unang `umrah ninyo. Kung may nangyari sa inyo na pagtatalik sa yugtong ito na bago ng pagganap ninyo ng `umrah, tunay na kailangan sa inyo ang pagsasagawa ng isa pang `umrah bilang pagbabayad para sa `umrah na nasira dahil sa pagtatalik mula sa mīqāt na pinagsagawaan ninyo ng unang `umrah. Kailangan sa inyo ng isang fidyah (pantubos), na isang tupa para sa bawat isa sa inyong dalawa. Kakatayin ito sa Makkah, na ipamamahagi sa mga maralita ng Makkah.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/384.

***

T: Ano ang kahatulan ng pagsusuot ng sinturon kapag ito ay yari sa katad na may tinahian, ibig sabihin: tinahi ng makina, at gayundin ang mga sapatos na tinahi?

S: Pinapayagan sa sinumang nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj o `umrah na magsuot ng sinturon at sapatos, kahit pa ang mga ito ay tinahian ng makina.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/170.

***

T: Nang nagsagawa ako ng iḥrām sa Abyār `Alīy at naglakad kami sa daan namin papuntang Makkah, nahirapan ako sa daan at dinapuan ako ng isang matinding lagnat kaya natulog ako at nagtakip ako ng ulo. Kaya may kinakailangan ba sa akin na gumawa ng anuman?

S: May kinakailangan sa iyo na isang fidyah (pantubos). Ito ay pag-aayuno ng tatlong araw o pagpapakain ng anim na dukha o pagkatay ng isang tupa sa Ḥaram.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/181.

***

T: Ano ang hatol sa pagsusuot ng medyas sa mga paa at pagsasagawa ng ṭawāf nang nakasuot nito? Ang medyas ba ay [napabibilang sa] tinahian?

S: Hindi pinapayagan sa lalaki ang magsuot ng medyas habang siya ay muḥrim ng ḥajj o `umrah. Kung nangailangan siya na magsuot niyon dahil sa karamdaman at tulad nito, pinapayagan ito at may kakailanganin sa kanya na fidyah (pantubos). Ito ay pag-aayuno ng tatlong araw; o pagpapakain ng anim na dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā` ng datiles o tulad nito; o pagkatay ng isang tupa.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/183.

***

T: Pinapayagan ba sa muḥrim na maghugas ng katawan niya sa kabuuan nito para magpalamig at bakit?

S: Pinapayagan sa Muslim na maghugas ng katawan niya sa kabuuan nito para magpalamig kapag nasa kainitan. Ito ay may dulot na pagpapasigla sa pagsambang ito. Magsisigasig siya sa sandali ng pagpaligo niya na walang maglaglagang anuman mula sa buhok niya o kutis niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/184.

***

T: Kapag nakasagasa ang muḥrim ng kotse niya sa mga puno o mga damo, may kailangan po ba sa kanya na anuman?

S: Kapag nakasagasa siya ng mga ito samantalang siya ay nasa hindi lupain ng Ḥaram, walang anumang kailangan sa kanya maliban sa halaga ng nasira niya para sa nagmamay-ari nito kung ito ay minamay-ari. Kapag nakasira siya ng anuman mula sa mga punong-kahoy ng Ḥaram o mga damo nito, na minamay-ari ng isang tao, gayundin, kailangan sa kanya ang [magbayad ng] halaga nito sa nagmamay-ari nito. Kung ito naman ay hindi minamay-ari ng isang tao, walang anumang kailangan sa kanya. Hindi nararapat sa kanya na manadya niyon batay sa pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban doon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/185.

***

T: Pinapayagan ba sa muḥrim kabilang sa mga lalaki at mga babae ang magpalit ng iḥrām niya ng iba pang iḥrām, maging ito man ay sa oras ng ḥajj o `umrah?

S: Pinapayagan sa muḥrim ng ḥajj o `umrah ang magpalit ng iḥrām ng mga ibang kasuutan para sa iḥrām at walang pag-epekto para sa pagpapalit na ito sa iḥrām niya ng ḥajj o `umrah.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/185.

***

T: Sa sandali ng pagdalangin ko at pagkadikit ko sa Marangal na Ka`bah sa Multazam (pagitan ng pintuan ng Ka`bah at Batong Itim), natagpuan ko ang mga kamay ko na nakahihipo ng langis ng pabango ng Marangal na Ka`bah. Nagpahid ako sa katawan ko at buhok ko ng pabangong ito. Kaya ano ang kahatulan ng pagpapabango ng pabango ng Multazam na nahipo ko dala ng pagkalingat nang walang pananadya, pagkatapos nagsagawa ako ng wuḍū' at inalis ko humigit-kumulang?

S: Ang pagkahipo ng kamay mo sa pabangong naririyan sa Ka`bah dala ng pagkalingat, pagkatapos ang pagsasagawa mo matapos niyon ng pagpahid ng pabango sa katawan mo, buhok mo, mga kasuutan mo ay ipinagbabawal sa iyo. May kinakailangan doon na isang kaffārah (panakip-sala). Ito ay pag-aayuno ng tatlong araw; o pagpapakain ng anim na dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā` [ng pagkain]; o pagkatay ng isang tupa, maliban na siya ay mangmang sa kahatulang legal o nakalilimot sapagkat walang anuman sa kanya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/186.

***

T: May isang babaing nagsagawa ng `umrah nang tatlong ulit. Siya ay nagsusuot ng burqa`. Siya ay nagsusuot sa ibabaw ng burqa` ng isang manipis na panakip. Siya ay naglalagay nito paminsan-minsan sa burqa` at nag-aalis nito paminsan-minsan. Siya ay hindi nakaaalam sa patakaran ng pagsusuot ng burqa`. Kaya ano ang kahatulan, Shaykh?

S: Hindi pinapayagan sa babaing muḥrim sa ḥajj o `umrah na magsuot ng niqāb sa pamamagitan ng pagsusuot ng niqāb sa mukha niya; ito ay ang burqa`; subalit kapag sa presensiya niya ay may mga lalaking estranghero, tunay na siya ay maglulugay ng belo niya sa mukha niya gaya ng paggawa niyon ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥajj ng Pamamaalam. Hanggat ang babaing nabanggit ay nagsuot ng niqāb dala ng kamangmangan, walang anuman sa kanya dahil siya ay napauumanhinan dahil sa kamangmangan.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/194.

***

Ikaapat. Mga Fatwā sa Pagsasagawa ng Ṭawāf

T: Nagsagawa ako ng pagganap ng mga gawaing-pagsamba ng `umrah. Sa pagsasaalang-alang sa kawalan ng pagkakaalam ko nang kumpleto sa mga gawaing-pagsamba kaya naman nang nagsimula ako ng pagsasagawa ng ṭawāf, hindi ako nagsimula mula sa Batong Itim bagkus ako ay nagsimula mula sa Rukn Yamānīy. Iyon ay dala ng kamangmangan mula sa akin sa mga kundisyon at mga kinakailangan. Nakumpleto ko naman nang tumpak ang natitira sa mga gawaing-pagsamba, kung niloob ni Allāh. Kaya Inaasahan po namin mula sa inyong kagalang-galang ang magpatalos sa akin ng anumang iniresulta nito sa akin?

S: Ang ginawa ng tagapagtanong kaugnay sa pagsasagawa ng ṭawāf na pagpapasimula sa Rukn Yamānīy ay itinuturing na kamalian dahil ang pagpapasimula ay mula sa Batong Itim subalit ang kamaliang ito ay hindi nakaaapekto sa katumpakan ng ṭawāf niya dahil ito ay itinuturing na isang karagdagan sa unang paglibot. Ito ay hindi nakapipinsala kapag nakakumpleto siya ng ikapitong paglibot at nagwakas siya sa Batong Itim.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/210.

***

T: Ang iḍṭibā` sa ṭawāf ay sunnah ba? Ano ang kailangan sa sinumang nakalimot na magsagawa ng iḍṭibā`? Nakasasapat ba ang paghalik sa Batong Itim kapalit ng pagsabi ng: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar (Si ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila)"? Ano ang kailangan sa sinumang nag-iwan ng pagsabing ito at nagkasya sa paghalik sa Batong Itim dala ng pagkalimot at nakaalaala samantalang siya ay nakalayo na sa kinalalagyan ng Batong Itim at nagsabi niyon habang siya ay papunta sa Maqām Ibrāhīm?

S: Ang iḍṭibā` ay ang paglalagay ng muḥrim ng gitna ng balabal niya sa ilalim ng kanang kilikili niya habang ang mga dulo nito ay nasa kaliwang balikat niya kaya ang kanang balikat niya at ang braso niya ay nakalantad. Ito ay sunnah sa unang ṭawāf kapag dumarating siya sa Makkah. Ito ay ang ṭawāf ng `umrah para sa tamattu` o ang ṭawāf ng pagdating para sa qirān at ifrād. Ang sinumang nakawaglit nito ay wala namang anuman sa kanya.

Walang anuman sa sinumang nag-iwan ng takbīr at tasmiyah sa sandali ng pagsisimula ng ṭawāf dahil ang takbīr, ang dhikr, at ang panalangin sa ṭawāf at sa`y ay lahat sunnah at hindi tungkulin. Ang kinakailangan lamang ay na magsagawa ng ṭawāf nang may layunin at magsagawa ng sa`y nang may layunin mula sa simula ng ṭawāf at sa`y.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/210.

***

T: Sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf, kumakarga ako ng babaing anak ko habang ito ay nakasuot ng diaper. Nakarinig nga ako na ang pagsasagawa ng ṭawāf sa ganitong kalagayan ay hindi pinapayagan yayamang ang diaper ay maaaring nabasa na ng ihi kadalasan. Kaya ninanais po naming malaman mula sa inyong kagalang-galang ang kahatulan doon.

S: Pinapayagan sa tagapagsagawa ng ṭawāf ang pagkarga ng bata kahit pa ito ay nakasuot ng diaper kapag hindi nasagi ang katawan ng tagapagsagawa ng ṭawāf at mga kasuutan niya ng anuman mula sa najāsah at gayon din ang pagsasagawa ng ṣalāh dito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/236.

***

T: Pinapayagan ba sa nireregla na magsagawa ng ṭawāf?

S: Hindi pinapayagan sa nireregla na magsagawa ng ṭawāf sa Ka`bah hanggang sa madalisay siya at makapaligo siya mula sa pagreregla batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Āishah noong niregla ito: "Huwag kang magsagawa ng ṭawāf sa Ka`bah hanggang sa madalisay ka."

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/249.

***

T: Natutumpak ba para sa babae na magsagawa ng ṭawāf at magsagawa ng sa`y habang ang asawa niya o ang maḥram niya ay naghihintay sa kanya hanggang sa makatapos siya sa paraang walang kasama sa kanya sa pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y; bagkus naghihintay ito sa kanya sa Ḥaram at hanggang sa makatapos siya ng pagsasagawa ng `umrah niya?

S: Hindi kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng pagsasagawa ng ṭawāf para sa babae ang pagkakaroon ng isang maḥram na kasama sa kanya sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf para sa `umrah o ḥajj. Isinasakundisyon lamang ang pagkakaroon ng maḥram para sa babae sa paglalakbay para sa `umrah o iba pa riyan.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/353.

***

T: May isang taong nagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah, na habang siya ay nasa ikalimang paglibot, halimbawa, at bago nalubos ang ikalimang paglibot, isinagawa naman ang iqāmah ng ṣalāh kaya nagdasal siya pagkatapos tumayo siya upang maglubos ng pagsasagawa ng ṭawāf. Magbabatay ba siya sa ikalimang paglibot na pinutol niya para magsagawa ng ṣalāh at magsisimula siya kung saan siya tumigil o magpapawalang-saysay siya sa ikalimang paglibot at magsisimula siya nito sa ikalawang pagkakataon mula sa Batong Itim?

S: Ang tumpak ay na hindi nawawalang-saysay ang paglibot sa tulad ng kalagayang ito; bagkus magsisimula siya sa paglubos ng paglibot kung saan niya pinutol ito alang-alang sa pagsasagawa ng ṣalāh niya kasama ng imām.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/230.

***

T: Ang Batong Itim ba ay bumaba mula sa langit o ito ay isang batong gaya ng nalalabi sa mga bato?

S: Ang Batong Itim ay itinangi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) dahil sa isinabatas Niya para sa atin na paghalik doon at paghipo roon. Ninais Niya na iyon ay nasa haligi ng Ka`bah na hinaharapan natin sa ṣalāh natin. Isinabatas Niya ang paghalik doon at ang pagturo roon para sa mga tagapagsagawa ng ṭawāf kapag may kakayahan; ngunit kung hindi naging posible ito, magtuturo roon sa sandali ng pagkatapat doon kasama ng pagsambit ng takbīr. Nasaad nga sa isang ḥadīth na isinalaysay ni Imām At-Tirmidhīy at ng iba pa sa kanya na ito ay bumaba mula sa Paraiso ngunit sa sanad ng ḥadīth ay may kahinaan.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/228.

***

T: Ang paghalik sa Pinarangalang Ka`bah sa mga gawain ng ḥajj o `umrah ay pinahihintulutan ba o bawal?

S: Ang isinasabatas ay ang paghalik sa Batong Itim. Napagtibay nga na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humalik sa Batong Itim at hindi humalik sa iba pa rito mula sa Pinarangalang Ka`bah.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/228.

***

T: Natutumpak ba para sa babae ang paghalik sa Batong Itim kasabay ng pagkakaroon ng mga lalaking estranghero sa paligid niya?

S: ang paghalik sa Itim na Bato sa ṭawāf ay isang sunnah na binigyang-diin kabilang sa mga sunnah ng ṭawāf kung naging posible ang pagsasagawa niyon nang walang pakikipagsiksikan o pamemerhuwisyo sa isa dahil sa pagsasagawa mo, bilang pagtulad sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) roon. Kung hindi naging posible ito malibang may pakikipagsiksikan at pamemerhuwisyo, naoobliga ang pag-iwas nito at ang pagkakasya sa pagtuturo roon ng kamay, lalo na sa babae dahil siya ay `awrah at dahil ang pakikipagsiksikan sa panig ng mga lalaki ay hindi isinasabatas kaya naman sa panig ng mga babae ay higit na marapat. Hindi rin pinapayagan sa babae sa sandali ng pagiging posible ng paghalik doon nang walang pakikipagsiksikan na maglantad siya ng mukha sa sandali ng paghalik sa Batong Itim dahil sa pagkakaroon ng hindi maḥram para sa kanya sa katayuang iyon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/229.

***

T: Natutumpak ba para sa tagapagsagawa ng ḥajj o tagapagsagawa ng `umrah sa sandali ng pagsasagawa ng Bahay [ni Allāh] na pumasok sa Ḥijr Ismā`īl sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf niya?

S: Hindi pinapayagan sa tagapagsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] sa ḥajj o `umrah o ṭawāf ng pagkukusang-loob na pumasok sa Ḥijr Ismā`īl at hindi nakasasapat sa kanya iyon kung sakaling ginawa niya dahil ang Ḥijr ay bahagi ng Bahay [ni Allāh] batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.} at batay sa isinalaysay ni Imām Muslim at ng iba pa sa kanya ayon kay `Āishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Ḥijr kaya naman nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng Bahay [ni Allāh]."} Sa isang pananalita nagsabi ito: {Tunay na ako ay namanata na magdasal sa Bahay [ni Allāh]. Nagsabi siya: "Magdasal ka sa Ḥijr sapagkat tunay na ang Ḥijr ay bahagi ng Bahay [ni Allāh]."}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/223.

***

Ikalima. Mga Fatwā sa Pagsasagawa ng Sa`y

T: Patungkol sa paspasang paglalakad sa pagitan ng dalawang luntiang guhit sa pagsasagawa ng sa`y sa nauukol sa mga babae, hindi po ako nakatagpo sa limitadong pagbabasa ko sa mga aklat ng fiqh sa paksa ng ḥajj at `umrah ng pumipigil sa babae sa paspasang paglalakad. Nakarinig ako minsan sa telebisyon mula sa isa sa mga maalam na ang babae ay hindi maglalakad nang paspasan sa pagsasagawa ng sa`y, na ito ay kailangan sa mga lalaki lamang, at na ito ay higit na mapag-ingat para sa babae at nang sa gayon hindi matanghal ang mga pang-akit niya sa sandali ng paspasang paglalakad. Hindi siya naglahad ng alinmang patunay sa sabi niyang ito. Kaya nagsabi ako sa sarili ko na kung naging totoo ang isang opinyon mula sa ijtihād niya, ang paspasang paglalakad din ay isang sunnah na nagsimula mula kay Hagar (malugod si Allāh sa kanya) subalit ako kalakip ng papuri kay Allāh ay nakaiintindi sa opinyon – ang papuri ay ukol kay Allāh – na ang Relihiyon ay hindi batay sa opinyon, gaya ng sabi ng pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya). Magbigay-kabatiran po kayo sa amin. Pagpalain kayo ni Allāh.

S: Nagsabi si Ibnu Al-Mundhir: "Nagkaisa ang mga alagad ng Kaalaman na walang mabilis na paglalakad na kailangan sa mga babae sa paligid ng Bahay [ni Allāh] ni sa pagitan ng Ṣafā at Marwah at walang kailangan sa kanila na iḍṭibā`. Iyon ay dahil ang batayang panuntunan ay ang paglalantad ng balat at hindi nauukol iyon sa mga babae at dahil nauukol sa mga babae ang pagtatakip samantalang sa mabilis na paglakad at ang iḍṭibā` ay isang pagkakasailalim sa paglalantad."

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/226.

***

Ikaanim. Mga Fatwā sa Taḥallul (Pagkalas) sa `Umrah

T: Ang sinumang naahitan ng buhok sa `umrah ng linggong ito pagkatapos nagsagawa ng `umrah sa kasunod na linggo, ano po ang kailangan sa kanya na gawin niya yayamang ang buhok niya ay lubhang maikli at marahil hindi pa tumubo?

S: Ang sinumang nagsagawa ng `umrah o ḥajj, tunay na kinakailangan sa kanya na maahit ang buhok sa ulo niya o mapaiklian ng buhok niya. Kapag hindi nagkaroon sa ulo ng anumang buhok, naaalis ang tungkulin doon at ang ḥajj niya o ang `umrah niya ay tumpak.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/327.

***

T: May lumisang isang grupo para gumanap ng `umrah at nakalubos sila ng mga gawaing-pagsamba nila. Nagsagawa ang isa sa kanila ng pag-aahit ng buhok ng mga iba, pagkatapos nagsagawa naman ang isa sa kanila ng pag-ahit para sa kanya at nakapagsagawa sila ng taḥallul dahil doon. Kaya ano po ang hatol doon?

S: Kapag nag-ahit ang muḥrim ng ulo ng ibang muḥrim na nagnanais magsagawa ng taḥallul, walang masama roon dahil iyon ay isang pag-ahit na pinapayagan.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/146.

***

T: Mangyaring magbigay-kabatiran po sa amin tungkol sa tumpak na pag-aahit sa ḥajj at `umrah. Ito po ba ang pag-aahit sa pamamagitan ng blade o shaver? Ang pag-aahit po ba sa pamamagitan ng blade ay higit na mainam kaysa sa pag-aahit sa pamamagitan ng shaver o ang dalawang ito ay magkatulad?

S: Ang isinasaalang-alang ay ang pagkatamo ng pagkaahit o pagkapaikli sa pamamagitan ng alinmang kagamitan na natamo kasama ng kaalaman na ang pag-ahit ay higit na mainam. Ang pag-ahit ay ang pag-aalis ng buhok sa pamamagitan ng blade o iba pa rito. Natumpak nga ang ulat buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay dumalangin ng kapatawaran at awa para sa mga nagpaahit nang tatlong ulit at para sa mga nagpaikli nang iisang ulit.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/201.

***

T: Kapag nagsagawa ng `umrah ang naninirahan sa Jeddah at hindi siya nagpaahit ng buhok ng ulo niya kundi sa Jeddah na, ano ang hatol sa gawang ito?

S: Wala namang masama sa pag-ahit ng ulo para sa gawaing-pagsamba ng ḥajj o `umrah sa alinmang lugar sa labas o loob ng Ḥaram subalit sa `umrah ay hindi naisasagawa ang taḥallul mula sa iḥrām hanggang sa maahit ang ulo o mapaikli ito. Sa ḥajj naman, kapag nakapagsagawa na ng ramy sa jamrah at nakapagsagawa na ng ṭawāf at sa`y, tunay na siya ay hindi muna makikipagtalik sa maybahay niya hanggang sa makapagpaahit ng ulo niya o makapagpaikli nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/203.

***

T: May taong dumating sa Jeddah pagkatapos sa sumunod na araw ay umalis para gumanap ng kauna-unahang `umrah sa buhay niya at umalis kasama niya ang isang taong kamag-anak niya at nakalubos naman ng `umrah. Matapos ng pagkasagawa ng sa`y, nagsabi ako sa kanya: "Magpapaahit tayo o magpapaikli [ng buhok]?" Nagsabi siya: "Magpapaahit tayo sa bahay." Matapos na nakauwi kami sa bahay, nakalimot kami na magpaahit [ng buhok] at naghubad kami ng mga kasuutan ng iḥrām. Kaya ano po ang kailangan sa amin? Gantimpalaan kayo ni Allāh.

S: Ang sinumang nakalimot magpaahit o magpaikli [ng buhok] ngunit nakapagsagawa ng ṭawāf at nakapagsagawa ng sa`y pagkatapos nagsuot ng damit niya bago makapagpaahit o makapagpaikli [ng buhok], tunay na ang kinakailangan sa kanya ay na magdali-dali siya ng pag-aalis ng damit niya kapag nakaalaala siya at magsuot siya ng mga kasuutan ng iḥrām, pagkatapos magpaahit siya o magpaikli [ng buhok], pagkatapos magsuot siya ng damit niya at walang anuman sa kanya roon at walang kasalanan sa kanya dahil siya ay napagpapaumanhinan dahil sa pagkalimot.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/206.

***

Mga Fatwā na Dumadalaw ang Pangangailangan ng Tagapagsagawa ng Ḥajj sa mga Ito Naisagawa ang pagpili ng mga ito mula sa Kalipunan ng mga Fatwā ng Lupon ng Permanente Lupon ng Pagbibigay-fatwā sa Kaharian ng Saudi Arabia, kasama ng pagpapaigsi ng mga tanong sa pagpapaigsing nababagay sa sitwasyon.

Ang Kahatulan ng Pagsasagawa ng Ḥajj, ang Katayuan Nito, at ang Paghahalili Rito

T: Ano ang kahalagahan ng Makkah sa Mundong Islāmiko?

S: Ginawa nga ito ni Allāh bilang balikan para sa mga tao, bilang katiwasayan, at bilang pinagbanalang tiwasay, na nagtitipon doon ang mga tagapagsagawa ng ḥajj at ang mga maalam para sa pagganap ng mga gawaing-pagsamba ninyo sa kasukdulan ng ginhawa at kapanatagan habang umaasa sa gantimpala ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at natatakot sa parusa Niya. Nagkakakilalahan doon ang mga Muslim, nagpapayuhan sila, at nagsasanggunian sila sa minamahalaga sa kanila na nauukol sa Relihiyon nila at Mundo nila. Nag-iibayo para sa kanila roon ang pagdarasal at ang mga maayos na gawain.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/8.

***

T: Ang ama ko ay nagsagawa ng ḥajj nang iisang ulit noon una sa pamamagitan ng paglalakad malapit sa 40 taon na ang nakalilipas. Nakapagsagawa nga siya ng dalawang `umrah, na ang isa ay hindi bababa sa tatlong taon bago ng pagpanaw niya. Tunay na siya ay isang lalaking hindi nakababasa at hindi nakasusulat. Hindi ko alam kung papaano niya nagampanan ang ḥajj na ito. Kaya naoobliga po ba ako na magsagawa ng ḥajj para sa kanya? Ano po ang pananaw ng inyong kagalang-galang doon?

S: Ang pagsasagawa ng ḥajj ay kinakailangan lamang isang ulit sa tanang buhay. Ang batayang hatol sa pagkaganap ng mga gawain at mga gawaing-pagsamba ay ang pagkamaayos kaya naman hindi kinakailangan ang pagsasagawa ng ḥajj nang makalawang ulit subalit kapag nagsagawa ka ng ḥajj para sa ama mo, ito ay magiging isang kusang-loob. Sa gayon ay may ukol sa iyo at ukol sa kanya ng isang dakilang pabuya kapag tinanggap ni Allāh mula sa iyo.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/15.

***

T: Ano ang kahatulan ng paglabas ng maybahay papunta sa ḥajj na tungkulin nang walang pahintulot ng asawa niya?

S: Ang ḥajj na tungkulin ay kinakailangan kapag umiral ang mga kundisyon ng kakayahan. Wala ritong pahintulot ng asawa. Hindi pinapayagan sa asawa na pigilan ang maybahay; bagkus isinasabatas sa asawa na makipagtulungan sa maybahay sa pagganap ng tungkulin.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/20.

***

T: Pinapayagan po ba sa babaing may-asawa na pumunta sa ḥajj nang walang pagkalugod ng asawa niya at siya naman ay kasama ng mga kamag-anak niya na mga lalaking kapatid niya?

S: Hindi pinapayagan sa babae na maglakbay para sa pagsasagawa ng ḥajj malibang may permiso ng asawa niya, malibang kapag ang ḥajj ay isang ḥajj na tungkulin dahil ang asawa ay walang karapatan sa maybahay niya sa pagpigil dito roon kapag nagkaroon ito ng kasamang maḥram. Hindi pinapayagan sa babae na maglakbay nang walang kasamang maḥram: hindi sa ḥajj at hindi sa iba pa rito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot sa isang babaing sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na maglakbay malibang may kasama sa kanya na isang maḥram." Ang grupo ng mga babae ay hindi nakasasapat kapalit ng maḥram. Ang ḥajj na tungkulin at iba pa kaugnay rito ay magkatulad.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/40.

***

T: Kapag nagnais ako na magsagawa ng ḥajj kasama ko ang maliit na anak kong ito na hindi pa nag-teen-ager, magpapasuot po ba ako sa kanya ng mga kasuutan ng iḥrām at magsasagawa ako bilang kahalili sa kanya ng lahat ng mga gawaing-pagsamba gaya ng pagsasagawa ng ṭawāf para sa kanya at iba pa o magpapasuot ako sa kanya ng mga karaniwang kasuutan niya at hindi ako magsasagawa para sa kanya ng anuman yayamang siya ay bata pa at wala namang ḥajj na kailangan sa kanya?

S: Ang batang nakatatalos na hindi pa nag-teen-ager, kapag nagnais ang guardian niya na pagsagawain siya ng ḥajj, ay uutusan nito na magsuot ng mga kasuutan ng iḥrām at magsagawa mismo ng lahat ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj magmula sa pagsasagawa ng iḥrām sa mīqāt hanggang sa kahuli-hulihan sa mga gawain ng ḥajj. Magsasagawa ng ramy ang guardian niya para sa kanya kung hindi siya makakakaya sa pagsasagawa mismo ng ramy at mag-uutos sa kanya na umiwas sa mga sinasawata habang nasa iḥrām. Kung ang bata ay hindi pa nakatatalos, ang guardian ay maglalayon para sa kanya ng pagsasagawa ng iḥrām ng `umrah o ḥajj, magpapasagawa sa kanya ng ṭawāf at sa`y, magpapadalo sa kanya kasama nito sa natitira sa mga gawaing-pagsamba, at magsasagawa ng ramy para sa kanya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/22.

***

T: Ang batang lalaki o ang munting batang babae, kapag gumanap ito ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj, ay maituturing po ba na nakasasapat o maituturing lamang bilang pagkukusang-loob at ang pabuya niya ay ukol sa mga magulang niya?

S: Itinuturing ang `umrah o ang ḥajj na naisagawa ng hindi adulto bilang pagkukusang-loob at hindi nakasasapat kapalit ng ḥajj [na isinatungkulin] ng Islām at `umrah nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/23.

***

T: May pumuntang isang babae sa Saudi Arabia at naging posible para sa kanya ang pagganap ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj dahil sa paggugol ng amo. Nagtatanong siya kung sasapat po ba ang ḥajj na ito bilang ḥajj na tungkulin gayong siya ay hindi gumugol ng anuman mula sa salapi niya para sa ḥajj niya?

S: Ang pagganap niya ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj ay hindi nakaaapekto sa katumpakan nito na siya ay hindi gumugol dito ng anuman mula sa salapi niya o na siya ay gumugol ng kaunting halaga at nagsagawa ang iba pa sa kanya ng paggugol ng malaking halaga mula sa mga pinaggugulan sa ḥajj niya. Alinsunod dito, kapag ang ḥajj niya ay nakakumpleto ng mga kundisyon, mga haligi, at mga kinakailangan, ito ay makatutugon para sa kanya sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj, kahit pa nagsagawa ang iba pa sa kanya ng mga paggugol dito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/34.

***

T: Kinakailangan sa sinumang nagnanais magsagawa ng hajj dito sa ... na maglagak ng halagang umaabot sa 125 libo ... sa bangko. Ito ay isang halagang lubhang malaki kalakip ng kaalaman na ang bangko ay patubuan. Hindi nagkaroon ng isang kaparaanan sa pagpunta sa hajj malibang sa kaparaanang ito. Kaya ang pagsasagawa po ba ng hajj sa sitwasyong ito ay isang tungkulin sa Muslim na nakakakaya? Kapag nagsagawa ng hajj ang Muslim, ang hajj po ba niya ay tumpak sa kabila ng kaalaman na umalalay sa kanya ang bangkong patubuan at ang estado?

S: Ang ḥajj ay tumpak. Ang binanggit niya ay hindi naisasaalang-alang bilang maidadahilan sa pagpapaliban ng pagsasagawa ng ḥajj kapag ang Muslim ay nakakakaya niyon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/42.

***

T: Ano po ang kahatulan sa sinumang nagsagawa ng ḥajj mula sa salaping bawal? Ang ḥajj na ito ba ay tinatanggap o hindi?

S: Ang pagiging ang ḥajj ay ginugulan mula sa salaping bawal ay hindi nakapipigil sa katumpakan ng ḥajj kasabay ng kasalanan kaugnay sa pagkita ng bawal. Ito ay nakababawas sa gantimpala ng ḥajj ngunit hindi nakapagpapawalang-saysay.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/43.

***

T: Kumuha ako mula sa bangko ng isang loan na binabayaran nang hulugang taunan. May karapatan po ba ako na magsagawa ng ḥajj samantalang ang halagang ito ay utang ko sa bangko?

S: Ang kakayahan sa pagsasagawa ng ḥajj ay isang kundisyong kabilang sa mga kundisyon ng pagkakinakailangan nito. Kaya kung makakaya mo iyon at ang pagbabayad ng installment na hinihiling sa iyo kapag magsagawa na ḥajj, inoobliga sa iyo na magsagawa ka ng ḥajj. Kung nagdatingan ang dalawang ito nang magkasama at hindi mo makakaya ang dalawang ito nang sabayan, unahin mo ang pagbabayad sa hulugang hinihiling sa iyo at ipagpaliban mo ang pagsasagawa ng ḥajj hanggang sa makaya mo ito, batay sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang *magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/45.

***

T: Ang nagsasagawa po ba ng ḥajj para sa patay o para sa isang lubhang matanda at hindi pa nakapagsagawa ng ḥajj para sa sarili at walang pera kundi ang pera ng tagapagtalaga sa kanya bilang kahalili ay mag-uuna ng ḥajj para sa sarili niya o ang nagtalaga sa kanya bilang kinatawan?

S: Hindi pinapayagan sa tao na magsagawa ng ḥajj para sa iba pa sa kanya bago magsagawa ng ḥajj para sa sarili niya. Ang batayang panuntunan doon ay isinalaysay ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Bilang pagtugon sa Iyo, para kay Shubrumah." ... Nagsabi siya: "Nakapagsagawa ka naba ng ḥajj para sa sarili mo?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa sarili mo, pagkatapos para kay Shubrumah."}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/50.

***

T: Pinapayagan po ba sa Muslim na nakaganap ng tungkulin niya na magsagawa ng ḥajj para sa isa sa mga kamag-anak niya dahil sa kawalan ng kakayahan niyon sa pagdating [sa Makkah] para sa pagganap ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj?

S: Pinapayagan sa Muslim na nakaganap na ng ḥajj na tungkulin para sa sarili niya na magsagawa ng ḥajj para sa iba pa sa kanya kapag ang ibang iyon ay hindi nakakakaya na magsagawa mismo ng ḥajj dahil sa katandaan ng edad niya o isang karamdamang hindi inaasahan ang paggaling nito o dahil sa pagiging iyon ay patay na. Batay ito sa mga tumpak na ḥadīth na nasasaad kaugnay roon. Hinggil naman sa kung ang sinumang pinagnanaisang pagsagawaan ng ḥajj ay nakakakaya na magsagawa ng ḥajj dahil sa isang bagay na tagabalakid na inaasahan ang paglaho nito gaya ng karamdamang inaasahan ang paggaling nito, gaya ng kadahilanang pampulitika, gaya ng kawalan ng katiwasayan ng daan, at tulad niyan, tunay na hindi nakasasapat ang pagsasagawa ng iba ng ḥajj para sa kanya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/51.

***

T: Magsasagawa po ba ako ng ḥajj para sa mga magulang ko na namatay samantalang hindi kinakailangan sa kanila ang tungkulin ng ḥajj dahil sa karalitaan nila, maliban na ako ay nagnanais magsagawa ng ḥajj? Dahil dito, ninanais ko ang kahatulan ng Batas dito.

S: Pinapayagan sa iyo na magsagawa ka mismo ng ḥajj para sa mga magulang mo o magpahalili ka sa sinumang magsasagawa ng ḥajj para sa kanila kapag ikaw ay dati nang nakapagsagawa ng ḥajj para sa sarili mo o ang taong magsasagawa ng ḥajj para sa kanila ay dati nang nakapagsagawa na ng ḥajj para sa sarili niya. Batay ito sa isinalaysay ni Imām Abū Dāwud sa Sunnah niya ayon kay `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ' ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Bilang pagtugon sa Iyo, para kay Shubrumah." Nagsabi naman siya: "Sino si Shubrumah?" Nagsabi ito: "Isang kapatid ko po." Nagsabi siya: "Nakapagsagawa ka naba ng ḥajj para sa sarili mo?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa sarili mo, pagkatapos para kay Shubrumah."} Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah na nagsabi si Imām Al-Bayhaqīy na ito ay isang tumpak na isnād, na wala sa paksa ang higit na tumpak kaysa rito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/53.

***

T: Pinapayagan po ba na magsagawa ng ḥajj ang tao nang iisang ulit saka siya ay magiging isang tagapagsagawa ng ḥajj dito para sa ama niya, ina niya, at sarili niya?

S: Pinapayagan ang paghalili sa pagsasagawa ng ḥajj para sa patay at para sa buhay na hindi nakakakaya ng pagsasagawa ng ḥajj. Hindi pinapayagan sa tao na magsagawa ng ḥajj nang iisang ulit at iukol ito para sa dalawang tao sapagkat ang pagsasagawa ng ḥajj ay hindi nakasasapat kundi para sa isang tao at gayon din ang pagsasagawa ng `umrah subalit kung sakaling nagsagawa siya ng ḥajj para sa isang tao at nagsagawa siya ng `umrah para naman sa iba pa sa iisang taon, sasapat iyon kapag ang tagapagsagawa ng ḥajj ay nakapagsagawa na ng ḥajj para sa sarili niya at nakapagsagawa na ng `umrah para sarili.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/57.

***

T: Ano po ang kahatulan sa sinumang naglakbay papunta sa ḥajj at naglayon ng pagsasagawa ng `umrah niya para sa ina niya at ng ḥajj niya para sa ama niya at sa kasunod na taon naman ay binaliktad niya: nagsagawa siya ng ḥajj para sa ina niya at nagsagawa siya ng `umrah para sa ama niya. Pinapayagan po ba ito o hindi?

S: Ang bawat isa sa ḥajj at `umrah ay gawaing-pagsambang magkahiwalay. Nilinaw nga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pamamaraan ng pagganap sa dalawang ito bilang qirān, ifrād, at tamattu` ng `umrah hanggang sa ḥajj. Ang sinumang nagnais na magsagawa ng iḥrām ng `umrah para sa ina niya, halimbawa, at ng iḥrām ng ḥajj matapos ng taḥallul mula sa `umrah para sa ama niya o ang kabaliktaran, ukol sa kanya iyon. Kapag nagsagawa siya ng iḥrām ng qirān o ifrād para sa sarili niya at matapos na nagsagawa siya ng taḥallul mula roon, magsasagawa siya ng iḥrām ng isa pa para sa ama niya, halimbawa. Ito ay pinapayagan dahil ang mga gawain ay batay sa mga layunin at ukol sa bawat tao ang nilayon niyon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/58.

***

T: Ang asawa ko (kaawaan siya ni Allāh) ay pumanaw po. Nagnanais ako, ayon sa pahintulot ni Allāh, na magtalaga ng isang taong magsasagawa ng ḥajj para sa kanya sa ḥajj ng taon na ito. Natutumpak po ba sa sinumang magsasagawa ng ḥajj para sa kanya na kumuha ng pabuya (pera) kapalit ng pagod niya, na iba pa sa kukunin niya bilang pasahe sa mga transportasyon at pambayad sa pagkain at inumin o hindi? Magbigay-kabatiran po kayo sa akin. Gantihan kayo ni Allāh ng pinakamabuting ganti.

S: Pinapayagan sa sinumang itinalaga na magsagawa ng ḥajj para sa iba pa sa kanya na kumuha ng ginawa para sa kanya na pabuya kapalit ng pagsasagawa niya ng ḥajj na iyon kahit pa man higit kaysa sa ginugol niya sa mga transportasyon, pagkain, inumin, at tulad niyan na kabilang sa kinakailangan niya, na tulad nito ang pagganap ng ḥajj. Isinasabatas sa kanya na magpakay sa pamamagitan niyon ng pakikilahok sa kabutihan at pagganap sa anumang ginawang posible ni Allāh para sa kanya na mga pagsamba sa Marangal na Pinagbanalan at na hindi maging ang salapi lamang ang pakay niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/60.

***

T: Nagsagawa kami ng ḥajj. May kasama sa amin na isang munting bata at nagsagawa kami para sa kanya ng layunin para sa isang babae bilang paghalili. Nagsagawa kami ng ṭawāf, nakatapos kami, at nag-alay kami para sa kanya bilang paghalili sa babaing pinapanaw. Kaya ano po ang hatol doon?

S: Ang naganap mula sa bata ay itinuturing na isang pagsambang kinukusang-loob para sa kanya. Hindi ukol sa kanya na magsagawa ng ḥajj para sa iba pa sa kanya hanggang sa makapagsagawa siya ng ḥajj para sa sarili niya at hindi ito nakasasapat para sa ḥajj ng tungkulin malibang matapos na magbinata siya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/68.

***

T: Pinapayagan po ba sa tao na magpadala ng mga magulang niya sa ḥajj bago siya mismo pumunta sa ḥajj?

S: Ang pagsasagawa ng ḥajj ay isang tungkulin sa bawat Muslim na malaya, nakapag-uunawa, adulto, nakakakayang makarating sa pagganap nito isang beses sa tanang buhay. Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang at ang pagtulong sa kanila sa pagganap ng kinakailangan ay isang bagay na isinasabatas ayon sa sukat ng makakaya, maliban na kailangan sa iyo na magsagawa ng ḥajj para sa sarili mo muna pagkatapos tutulong ka sa mga maulang mo kung hindi naging posible ang pagsasama ng pagsasagawa ng ḥajj ng lahat. Kung sakali mang nag-una ka sa mga magulang mo kaysa sa sarili mo, tumpak ang ḥajj nilang dalawa.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/70.

***

Kapiling ko ang inang matanda na. Ang edad niya ay hindi bababa sa 100 taon at walang-kakayahan sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj. Nakapagsagawa na ako ng ḥajj para sa kanya at ng `umrah para sa kanya noong nagdaang taon sa gastos niya. Nagsabi naman ang ilan sa mga tao na hindi natutumpak ang pagsasagawa ng ḥajj para sa kanya malibang matapos ng pagpanaw niya at ang pagsasagawa ko raw ng ḥajj na ito ay walang silbi rito. Kaya ano po ang tugon ng Inyong Kabunyian?

S: Kapag ang ina mo ay hindi nakakakaya mismo dahil sa katandaan niya, ang pagsasagawa mo ng ḥajj at ang pagsasagawa mo ng `umrah para sa kanya ay tumpak, kung ikaw ay nakapagsagawa na ng ḥajj at nakapagsagawa na ng `umrah para sa sarili mo na isinatungkulin sa iyo.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/71.

***

T: Ano ang mga bagay-bagay na pinapayagan sa mga ito ang pagpapahalili at ang pagtalaga ng kinatawan sa mga gawaing-pagsamba ng ḥajj? Kailan pinapayagan ang pagsasagawa ng ḥajj para sa iba pa?

S: PInapayagan ang pagsasagawa ng ḥajj at `umrah para sa patay na Muslim at para sa buhay na Muslim na nawalang-kakayahan sa pagganap nito sa sarili niya dahil sa katandaan ng edad o karamdamang hindi inaasahan ang paggaling nito. Pinapayagan ang paghalili sa pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah para sa nawalang-kakayahan na walang lakas sa pagsasagawa mismo ng ramy gaya ng bata, maysakit, at matanda kapag ang tagahalili ay kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj ng taon na iyon at nakapagsagawa na ito ng ramy para sa sarili nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/76.

***

T: May isang Muslim na namatay sa bayang Muslim na hindi Kaharian ng Saudi Arabia. Hindi siya ay nakapagsagawa ng ḥajj sa kabila ng kaalaman na ang ḥajj ay isinatungkulin nga sa kanya. Pinapayagan po ba sa akin na magsagawa ako ng ḥajj para sa kanya mula sa Kaharian ng Saudi Arabia kung saan ako ay nakatira? Mayroon po bang kaibahan sa pagitan ng gantimpala sa pagsasagawa ng ḥajj ng isang mula sa isang malayong bayan o isang malapit na bayan?

S: Pinapayagan sa iyo na magsagawa ka ng ḥajj mula sa Kaharian ng Saudi Arabia para sa alinmang Muslim na namatay sa bayan niya o iba pa roon, maging siya man ay nakapagsagawa na ng ḥajj o hindi pa nakapagsagawa ng ḥajj. Walang epekto sa kaibahan ng distansiyang nabanggit subalit batay sa sukat ng pagpapakawagas, paggugol, pagkapata, at paghahangad ng mga bagay-bagay na isinasabatas ang pabuya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/77.

***

T: May lalaking nagsasagawa ng ḥajj kapalit ng isang upa para sa isang patay, maging ito man ay lalaki o babae, o para sa isang nawalang-kakayahan dahil sa katandaan o karamdamang hindi inaasahan ang paggaling nito. Ang inuupahan po bang ito ay may pabuya mula kay Allāh?

S: Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj o `umrah para sa iba pa sa kanya kapalit ng upa o walang upa, ang gantimpala ng pagsasagawa ng ḥajj at `umrah ay ukol sa sinumang hinalilihan at hinahangad na mayroon din siyang dakilang pabuya ayon sa pagpapakawagas niya at paghahangad niya ng kabutihan. Ang bawat sinumang umabot sa Masjid na Pinakababanal at nagparami roon ng mga kinukusang-loob sa mga pagsamba at mga uri ng mga pampalapit-loob [kay Allāh], tunay na siya ay inaasahang magkaroon ng maraming kabutihan kapag nagpakawagas siya kay Allāh sa gawain niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/77.

***

T: May taong nakatira sa Afrika at nagnanais na magtalaga ng ibang tao na magsagawa ng ḥajj para sa ina niya. Magbabayad po ba siya rito ng upa sa magsasagawa ng ḥajj na manggagaling sa Afrika papunta sa Makkah Mukarramah? Pinapayagan ba sa kanya na magbawas ng upa?

S: Pinapayagan sa taong nabanggit na magtalaga mula sa Makkah o iba pa riyan kabilang sa mga katiwa-tiwala ng sinumang magsasagawa ng ḥajj para sa ina niya kapag ito ay pinapanaw na o nawalang-kakayahan sa pagsasagawa ng ḥajj mismo dahil sa katandaan ng edad o karamdamang hindi inaasahan ang paggaling nito kapalit ng pabuyang kaunti o marami o walang upa.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/80.

***

T: Pinapanaw ang ama ko habang hindi nakaganap ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj. Naintindihan ko na isang kinakailangan sa akin na magsagawa ako ng ḥajj para sa kanya. Nakagugol na ako sa isang taong magsasagawa ng ḥajj para sa kanya subalit nang nagtanong ito sa akin ng pangalan ng ama ko at pangalan ng ina niyang pinapanaw, hindi namin napag-alaman ang pangalan ng ina niya. Kaya sasapat po ba ang pangalan ng pinapanaw [na ama] para sa pangalan ng ina niya?

S: Ang pagsasagawa ng ḥajj para sa iba ay nakasasapat dito ang layunin para sa kanya. Hindi inoobliga rito ang pagpapangalan ng pinagsasagawaan ng ḥajj: hindi sa pangalan niya lamang ni sa pangalan niya at pangalan ng ama niya at ina niya. Kung bumigkas ito ng pangalan niya sa sandali ng pagsisimula ng pagsasagawa ng iḥrām o sa sandali ng pagsambit ng talbiyah o sa sandali ng pagkatay ng alay sa ḥajj na tamattu` kung nagsasagawa ng tamattu` o nagsasagawa ng qirān, maganda ito. Batay ito sa isinalaysay nina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Mājah, na sinang-ayunang tumpak ni Ibnu Ḥibbān ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh dito): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Bilang pagtugon sa Iyo, para kay Shubrumah." Nagsabi naman siya: "Sino si Shubrumah?" Nagsabi ito: "Isang kapatid ko po [o isang kamag-anak ko]." Nagsabi siya: "Nakapagsagawa ka naman ng ḥajj para sa sarili mo?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa sarili mo, pagkatapos para kay Shubrumah."}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/81.

***

T: May isang lalaking ang edad ay 25 taon na pinapanaw habang hindi pa nakapagsagawa ng ḥajj. Kaya pinapayagan po ba na magsagawa kami ng ḥajj para sa kanya? Makasasapat po ba ang isang ḥajj nang walang `umrah gayong may pera naman siya?

S: Ang sinumang kinailangan sa kanya ang pagsasagawa ng ḥajj at namatay siya bago ng pagganap niya nito, magkakaltas para sa kanya mula sa lahat ng yaman niya ng ipansasagawa ng ḥajj at `umrah para sa kanya. Pinapayagan na magsagawa ng ḥajj para sa kanya ng walang pagkakaltas mula sa yaman niya kapag nakatagpo ng sinumang magkukusang-loob niyon. Hinggil sa ḥajj, nalalaman na ito ay isa sa mga haligi ng Islām at hindi naaalis [ang pagkatungkulin] dahil sa pagkamatay ng sinumang kinailangan ito sa kanya. Nagsalaysay nga si Imām Al-Bukhārīy (kaawaan siya ni Allāh) sa Ṣaḥīḥ niya: {May isang babaing kabilang sa Liping Juhaynah na dumating sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ang ina ko ay namanata na magsagawa ng ḥajj saka hindi nakapagsagawa ng ḥajj hanggang sa namatay siya. Kaya magsasagawa po ba ako ng ḥajj para sa kanya?" Nagsabi siya: "Oo; magsagawa ka ng ḥajj para sa kanya. Nagsaalang-alang ka ba na kung sakaling nagkaroon sa ina mo ng isang utang, ikaw ba ay magbabayad nito? Magbayad kayo kay Allāh sapagkat si Allāh ay higit na karapat-dapat sa pagtupad [ninyo]."} {Nagtanong sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang isang babaing kabilang sa Liping Khat`am, na nagsasabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang pagsasatungkulin ni Allāh sa mga lingkod Niya kaugnay sa ḥajj ay umabot sa ama ko nang lubhang matanda na hindi na nakapipirme sa pag-upo sa sasakyang hayop. Kaya magsasagawa po ba ako ng ḥajj para sa kanya?" Nagsabi siya: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa ama mo."} Hinggil naman sa pagsasagawa ng `umrah, batay ito sa isinalaysay ng Lima ayon kay Abū Razīn Al-`Uqaylīy: {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na ang ama ko ay lubhang matanda, na hindi nakakakaya na magsagawa ng ḥajj ni ng `umrah ni ng pagbiyahe." Kaya nagsabi ito: "Magsagawa ka ng ḥajj para sa ama mo at magsagawa ka ng `umrah."}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/87.

***

T: Pinapayagan po ba sa babaing Muslim na gumanap ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj kasama ng mga babaing katiwa-tiwala kapag naging imposible sa kanya na makasama sa kanya ang isa sa mga kasapi ng pamilya niya o na ang ama niya ay pinapanaw na? Nararapat po ba sa ina niya ang sumama sa kanya para gampanan ang tungkulin o sa tiyahin sa ina niya o tiyahin sa ama niya o alinmang taong pipiliin niya upang maging kasama sa kanya bilang maḥram sa pagsasagawa ng ḥajj niya?

T: Ang tumpak ay na siya ay hindi pinapayagan na maglakbay malibang kasama ng asawa niya o ng isang maḥram para sa kanya na mga lalaki. Kaya naman hindi pinapayagan sa kanya na maglakbay kasama ng mga katiwa-tiwalang babae o mga katiwa-tiwalang lalaki na hindi mga maḥram o kasama ng tiyahin sa ama niya o tiyahin sa ina niya o ina niya; bagkus walang pagkaiwas na siya ay maging kasama ng asawa niya o ng isang maḥram para sa kanya na mga lalaki. Kung hindi siya nakatagpo ng sinumang makasasama sa kanya mula sa kanila, hindi kinakailangan sa kanya ang pagsasagawa ng ḥajj hanggat siya ay gayon dahil sa pagkawala ng kundisyon ng kakayahang legal. Nagsabi nga si Allāh (Qur'ān 3:97): {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/91.

***

T: Kinakailangan pa po ba sa babae ang magsagawa ng ḥajj kapag nawalan siya ng asawa o maḥram habang siya naman ay nakakakaya o kapag siya ay nasa `iddah ng pagkabalo?

S: Hindi kinakailangan ang magsagawa ng ḥajj sa babae kapag hindi siya nakatagpo ng isang maḥram para sa kanya na maglalakbay kasama sa kanya papunta roon. Hindi pinapayagan sa kanya na lumisan patungo sa ḥajj habang siya ay nasa `iddah ng pagkabalo.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/94.

***

T: May isang babae na nagsagawa ng ḥajj nang walang maḥram kasama ng isang maayos na grupo ng mga babae sa ḥajj na tungkulin. Kaya naalis na po ba sa kanya ang tungkulin [ng pagsasagawa ng ḥajj] o hindi?

S: Kapag ang naganap ay gaya ng binanggit, ang ḥajj niya ay tumpak, na naalis na sa kanya dahil dito ang tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj subalit siya ay nagkakasala sa paglalakbay niya nang walang maḥram at kailangan sa kanya ang pagbabalik-loob kay Allāh at ang paghingi ng tawad.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/97.

***

T: May isang lalaking namatay habang hindi pa siya nakatapos ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj. Nagtagubilin siya na magsagawa ng ḥajj para sa kanya mula sa yaman niya at magtanong tungkol sa katumpakan ng ḥajj. Ang pagkasagawa ba ng ḥajj ng iba ay tulad ng pagkasagawa niya ng ḥajj para sa sarili niya?

S: Kapag namatay ang Muslim habang hindi pa siya nakatapos ng tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj samantalang siya ay nakakukumpleto naman ng mga kundisyon ng pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ḥajj, kinakailangan na magsagawa ng ḥajj para sa kanya mula sa yaman niya ang pinag-iwanan niya, nagtagubilin man siya niyon o hindi nagtagubilin. Kapag nagsagawa ng ḥajj para sa kanya ang iba pa sa kanya kabilang sa sinumang natutumpak dito ang magsagawa ng ḥajj at nagampanan na nito ang tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj para sa sarili nito, tumpak ang pagsasagawa nito ng ḥajj para sa kanya at nakasasapat iyon sa pagkaalis ng tungkulin sa kanya. Hinggil naman sa pagtataya ng pagsasagawa ng ḥajj ng tao para sa iba pa sa kanya kung ito ba ay gaya ng pagkasagawa niya ng ḥajj para sa sarili niya o higit na kaunti sa kalamangan o higit na marami, iyon ay nauukol kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Walang duda na ang kinakailangan sa kanya ay ang magdali-dali sa pagsasagawa ng ḥajj kapag nakaya niya bago siya mamatay, batay sa mga pangkapahayagang patunay roon. Kinatatakutan para sa kanya ang kasalanan ng pagpapaliban.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/100.

***

T: Kapag nangyari mula sa lalaki ang ilang pakikipagtalo sa mga kasamahan niya sa ḥajj, magiging tumpak ba ang pagkasagawa ng ḥajj niya at sasapat ito sa kanya kahit pa man ito ay ḥajj na tungkulin?

S: Ang ḥajj niya ay tumpak at sasapat sa kanya para sa tungkulin subalit nababawasan ang pabuya niya doon ayon sa sukat ng nangyari mula sa kanya na isang pakikipagtalong napupulaan. Kailangan sa kanya ang pagbabalik-loob mula roon batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 24:31)

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/112.

***

Mga Fatwā sa mga Mīqāt at Iḥrām

T: Ang pagsasagawa ba ng iḥrām sa Jeddah ay pinapayagan?

Ang Jeddah ay hindi isang mīqāt ng ḥajj o `umrah maliban sa mga mamamayan o mga residente roon at gayon din sa sinumang dumating doon dahil sa isang pangangailangan habang hindi naman nagpapasya ng pagsasagawa ng ḥajj o `umrah pagkatapos minabuti niya na magsagawa ng ḥajj o magsagawa ng `umrah. Hinggil naman sa sinumang may mīqāt bago nito gaya ng Dhulḥulayfah kaugnay sa mga naninirahan sa Madīnah at lampas niyon o tumapat doon sa kati o sa himpapawid, gaya ng Al-Juḥfah para sa mga naninirahan doon at sinumang tumapat doon sa kati o sa dagat o naparaan doon sa himpapawid, at gaya ng Yalamlam gayon din, tunay na kinakailangan sa kanya na magsagawa ng iḥrām sa mīqāt niya o mula sa tumatapat doon sa himpapawid o sa dagat o sa kati.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/130.

***

T: Kapag nagsagawa ng iḥrām ang tagapagsagawa ng ḥajj at nagnais siya na magpabango, magpapabango po ba siya bago ng pagpaligo o matapos ng pagpaligo para sa iḥrām?

S: Kapag ninais ng nagnanais magsagawa ng gawaing-pagsamba ng `umrah o ḥajj ang magpabango sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām bago ng pagsambit ng talbiyah ng ḥajj o `umrah, ukol sa kanya iyon. Ang higit na marapat ay matapos ng pagpaligo, batay sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Nangyaring ako ay nagpapabango sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa pagsasagawa ng iḥrām niya bago siya magsagawa ng iḥrām at para sa pagsasagawa niya ng taḥallul bago siya magsagawa ng ṭawāf sa Ka`bah." Napagkasunduan sa katumpakan nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/168.

***

T: Bakit po nagbawal si Allāh sa mga tagapagsagawa ng ḥajj ng pagsusuot ng tinahian at ano ang kasanhian niyon?

S: Una: Nagsatungkulin si Allāh ng ḥajj sa sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas kabilang sa mga naaatangan ng tungkulin isang beses sa tanang buhay at gumawa Siya nito bilang haligi kabilang sa mga haligi ng Islām, batay sa nalalamang mula sa Relihiyon nang kusa. Kaya kailangan sa Muslim na gumanap ng isinatungkulin ni Allāh sa kanya bilang pagpapalugod kay Allāh at pagsunod sa utos Niya, bilang pag-asa sa gantimpala Niya at pangamba sa parusa Niya kasama ng pagtitiwala na si Allāh (napakataas Siya) ay Marunong sa pagbabatas Niya at lahat ng mga gawain Niya, Maawain sa mga lingkod Niya. Kaya wala Siyang isinabatas sa kanila kundi ang mayroong kabutihang dulot sa kanila at ang mayroong babalik sa kanila na malawak na pakinabang sa mundo at sa Huling-Araw. Kaya nasa Panginoon natin, Ang Hari Ang Marunong ang pagbabatas. At nasa lingkod ang pagtugon kasama ng pagpapasakop.

Ikalawa: Ang pagkaisinasabatas ng pagkahubad mula sa lahat ng tinahian sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah ay may maraming kasanhian, na kabilang sa mga ito ang pagsasaalaala ng mga kalagayan ng mga tao sa Araw ng Pagkabuhay sapagkat tunay na sila ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon bilang mga nakayapak na mga hubad, pagkatapos padadamitan sila, at sa pagpapaalaala ng mga kalagayan sa Kabilang-buhay ay may pangaral at maisasaalang-alang. Kabilang sa mga ito ang pagpapasailalim ng sarili at ang pagpapadama rito ng pagkakinakailangan ng pagpapakumbaba at pagdadalisay rito mula sa kasalaulaan ng pagkamapagmalaki. Kabilang sa mga ito: ang pagpapadama sa sarili ng simulain ng pagkakalapitan, pagkakapantay, pagpapakasakit, paglayo sa karangyaang kinamumuhian, pagpapalubag-loob sa mga maralita at mga dukha, at iba pa riyan kabilang sa mga pinapakay ng pagsasagawa ng ḥajj ayon sa pamamaraang isinabatas ni Allāh at nilinaw ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/179.

***

T: Bakit ang tagapagsagawa ng ḥajj ay nagsusuot ng mga kasuutan iyon sa ḥajj?

Nag-utos sa atin si Allāh ayon sa pagkakasabi ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ng pagsusuot ng tapis at balabal sa pagsasagawa ng ḥajj at sa pagsasagawa ng `umrah dahil sa isang kasanhiang nalalaman Niya. Kaya naman kailangan sa atin ang sumunod bilang paghahangad ng gantimpala, nalaman man natin ang kasanhian o hindi man natin nalaman ito. Kabilang sa nabanggit ng mga maalam kaugnay roon ang pagpapaalaala sa kalagayan ng mga tao sa Araw ng Pagtipon at Pagkabuhay sa Araw ng Pagbangon at ang pagpapadama sa tagapagsagawa ng ḥajj ng pagpapakumbaba at pagkakapantayan sa pagitan ng mayaman at maralita. Hinihiling namin kay Allāh para sa amin at para sa iyo ang pagtutuon, ang pagkatama, at ang katatagan sa katotohanan hanggang sa makipagkita tayo sa Kanya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/171.

***

T: Ano ang kahatulan sa pagsasagawa ng ḥajj ng nireregla?

S: Ang pagreregla ay hindi nakapipigil sa pagsasagawa ng ḥajj. Kailangan sa babaing nagsasagawa ng iḥrām habang siya ay nireregla na magsagawa ng mga gawain ng ḥajj gayon pa man siya ay hindi magsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah malibang kapag huminto ang pagreregla niya at nakapaligo siya at gayon din ang nagdurugo. Kaya kapag nagsagawa siya ng mga haligi ng ḥajj, ang ḥajj niya ay tumpak.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/172.

***

T: May isang babaing pumunta rito sa Kaharian ng Saudi Arabia para gampanan ang ḥajj, pagkatapos niregla siya bago ng pagsasagawa ng ṭawāf ng pagdating. Kaya ano pa ang kahatulan sa kanya? Maaari po ba sa kanya na pumunta sa `Arafah sa yugto ng pagreregla niya at ano po ang kahatulan dito?

S: Mananatili siya sa iḥrām niya at gagawa siya ng bawat ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj gayon pa man siya ay hindi magsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah hanggang sa madalisay siya, huminto ang dugo ng pagreregla, at makapaligo siya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/173.

***

T: Pinapayagan po ba sa lalaki, kapag nagsagawa siya ng iḥrām sa mīqāt, na manatili at pumutol ng mga kuko niya o hindi pinapayagan sa kanya iyon maliban matapos na makapaghandog ng alay?

S: Kapag gumawa siya niyan bago magsagawa ng iḥrām, wala namang pagkaasiwa roon, maliban na siya ay nagnais na mag-alay at nakapasok na ang buwan ng ḥajj sapagkat hindi pinapayagan sa kanya iyon dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sumaway laban doon. Hinggil naman sa paggawa niyon matapos magsagawa ng iḥrām, ibig sabihin: matapos ng paglayon ng pagpasok sa iḥrām, hindi ito pinapayagan nang walang pasubali dahil ang muḥrim ay hindi ukol na pumutol ng mga kuko niya o kumuha ng anuman mula sa buhok niya malibang kapag nakatapos sa pagsasagawa ng ṭawāf niya at sa`y niya para sa `umrah sapagkat tunay na siya ay magsasagawa ng taḥallul sa iḥrām niya sa pamamagitan ng pagpapaahit o pagpapaikli [ng buhok]. Ganito rin sa ḥajj kapag nakapagsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sapagkat tunay na isinasabatas sa kanya na magpaahit o magpaikli [ng buhok] bagamat ang pagpapaahit ay higit na mainam. Pagkatapos magsasagawa siya ng taḥallul, maging iyon man ay bago ng pag-aalay o matapos nito. Ang pagiging ito ay matapos ng pag-aalay ay higit na mainam kapag naging posible.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 10/178.

***

T: Nakapagsagawa na ng ḥajj ang ama ko sa nagdaang taon. Siya ay nagkasakit ng isang matinding sakit at hindi nakakaya sa pagsasagawa ng iḥrām. Kaya ano po ang kinakailangan sa kanya?

S: Kapag nagsagawa ng iḥrām ang tagapagsagawa ng ḥajj nang nakasuot ng mga [karaniwang] kasuutan niya dahil sa panawagan ng pangangailangan doon dahilan sa lamig o sakit at tulad niyan, siya ay pinapayagan doon ayon sa Batas. Ang kinakailangan sa kanya kaugnay sa pagsusuot ng tinahian ay pag-aayuno ng tatlong araw; o pagpapakain ng anim na dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā` ng pagkain ng bayan; o pagkatay ng isang tupa na nakasasapat bilang alay. Gayon din ang kahatulan kapag nagtakip siya ng ulo niya. Nakasasapat sa kanya ang pag-aayuno sa bawat lugar. Hinggil naman sa pagpapakain at pag-aalay ng tupa, ang lugar nito ay sa Ḥaram ng Makkah.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/180.

***

T: Tunay na ako ay nakaiibig sa pagsasagawa ng ḥajj kung loloobin ni Allāh. Ang suliranin ko ay na ako ay isang lalaking kalbo na walang buhok na nagtatakip sa ulo. Ang kutis ko ay lubhang sensitibo at alinmang sinag ng araw ay nakaaapekto sa kalusugan ko at nagdadahilan ng isang pamamaga sa anit ng ulo at paglitaw ng mga ugat-ugat sa ulo lalo na sa mukha sa pangkalahatan. Gaya ng pagkakaalam mo na kabilang sa mga sinasawata sa iḥrām ang pagtatakip ng ulo. Umaasa ako sa Inyong Kabunyian na magbigay-fatwā sa akin tungkol sa sitwasyong ito yayamang tunay na ako ay isang lalaking kapos sa tangkad at hindi makagagawa na magdala ng payong dahil ito ay makapeperhuwisyo sa mga nakapaligid sa akin. Alinsunod dito, si Allāh ay mag-aruga sa inyo at magtama sa hakbang ninyo.

S: Kung ang lagay ay gaya ng binanggit, tunay na ikaw ay magtatakip ng ulo mo habang ikaw ay muḥrim. Mag-aalay ka kaya magkakatay ng isang tupa na ipakakain mo sa mga maralita ng Makkah o ipakakain mo sa anim na dukha sa Ḥaram, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā` ng datiles o iba pa riyan kabilang sa pagkain ng bayan; o pag-aayunuhan mo nang tatlong araw. ito ay may kaugnayan sa iḥrām ng ḥajj. Gayon din kung sakaling nagsagawa ka ng iḥrām ng `umrah, kailangan sa iyo ang iba pang alay.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/181.

***

T: May isang taong nagsasagawa ng ḥajj na nasadlak sa isang binibigyang-babala, ang paghalik sa maybahay at ang pagpapalabas niya ng punlay sa labas ng ari nang may pagnanasa matapos magsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah at ng pagpapaahit ng buhok at bago ng pagsasagawa ng ṭawāf al-ifāḍah samantalang ang babae naman ay hindi nagsasagawa ng ḥajj. Magbigay-fatwā po kayo sa amin, pabuyaan po nawa kayo.

S: Hindi pinapayagan sa isang Muslim na nagsagawa ng iḥrām para sa isang ḥajj o isang `umrah o sa dalawang ito na sumuong sa anumang nakasisira sa pagkakasagawa ng iḥrām niya o nakababawas sa [gantimpala ng] gawain niya. Ang paghalik ay bawal sa sinumang nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥallul na kumpleto. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, pagpapaahit o pagpapaikli ng buhok, ṭawāf ifāḍah, at sa`y kung may kailangan sa kanya na sa`y. Ito ay dahil siya ay nasa kahatulan pa ng pagsasagawa ng iḥrām na ipinagbabawal pa sa kanya ang babae. Hindi nasisira ang ḥajj ng sinumang humalik sa maybahay niya at nagpalabas ng punlay matapos ng unang taḥallul. Kailangan sa kanya na humingi ng tawad kay Allāh at hindi manumbalik sa tulad ng gawaing ito. Mag-oobliga iyon ng pagkatay ng isang tupa na nakasasapat sa alay, na ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram ng Makkah. Ang kinakailangan ay ang magdali-dali sa pagsagawa niyon alinsunod sa posibilidad.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/188.

***

T: Gumanap ako ng tungkulin na ḥajj. Isang gabi, habang ako ay nasa Minā, nakaranas ako ng wet dream at hindi ako nakapagsagawa ng ghusl. Kaya may kailangan po ba sa akin na anuman?

S: Ang wet dream mula sa sinumang nakasuot ng kasuutan ng iḥrām ng ḥajj o umrah ay hindi nakaaapekto sa ḥajj niya ni sa `umrah niya kaya hindi nawawalang-saysay ang dalawang ito. Ang sinumang nangyari sa kanya iyon, tunay na siya ay magsasagawa ng ghusl ng janābah matapos ng pagkagising niya mula sa pagkatulog kung nakakita siya ng punlay. Walang pantubos na kailangan sa iyo dahil ang wet dream ay hindi dahil sa pagpili mo.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/188.

***

T: Mayroon po bang mga partikularidad sa mga kalapati ng Makkah at Madīnah?

S: Walang partikularidad sa mga kalapati ng Makkah ni mga kalapati ng Madīnah maliban na ang mga ito ay hindi hinuhuli at hindi tinataboy hanggang nasa mga hangganan ng Ḥaram. Batay ito sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth: "Tunay na si Allāh ay nagpabanal sa Makkah. Kaya naman [sa pakikipaglaban ay] hindi ito ipinahintulot sa isa bago ko, hindi ito ipinahihintulot sa isa matapos ko, at ipinahihintulot lamang ito sa akin sa isang oras mula sa maghapon. Hindi binabakli ang palumpong nito, hindi tinitigpas ang mga punong-kahoy nito, at hindi pinagtataboy ang mga ligaw na hayop nito." Ang ḥadīth ay isinalaysay ni Imām Al-Bukhārīy. Batay rin ito sa sabi pa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Abraham ay nagpabanal sa Makkah. Tunay na ako ay nagpabanal sa Madīnah sa pagitan ng dalawang kabundukan nito: hindi pinuputol ang mga puno nito at hindi hinuhuli ang mga ligaw na hayop nito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/202.

***

T: Pinapayagan po ba ang paghubad ng mga kasuutan ng iḥrām matapos ng pagganap ng `umrah kasabay ng kaalaman na ako ay tagapagsagawa ng tamattu`?

S: Isinasabatas para sa sinumang nagsagawa ng ḥajj na tamattu` na kumalas sa iḥrām matapos ng pagganap ng `umrah gaya ng pagsasagawa ng ṭawāf, sa`y, pagpapaahit, at pagpapaikli ng buhok, at magsuot ng mga karaniwang kasuutan niya gaya ng pag-uutos niyon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya na hindi umakay ng handog sa Ḥajj ng Pamamaalam, pagkatapos magsasagawa ng iḥrām ng ḥajj sa ikawalong araw.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/202.

***

T: Umaasa ako na banggitin ninyo sa akin ang mga bagay na pinapayagan para sa tagapagsagawa ng ḥajj na tamattu` sa sandali ng pagkalas niya mula sa iḥrām matapos ng pagganap ng `umrah?

S: Ang sinumang nagsagawa ng iḥrām bilang tagapagsagawa ng tamattu` ng `umrah hanggang ḥajj, pagkatapos gumanap ng mga gawaing-pagsamba ng `umrah niya gaya ng ṭawāf, sa`y, at pagpapaahit o pagpapaiksi ng buhok, nakakalas nga siya mula sa `umrah niya at pinayagan sa kanya ang anumang ipinagbabawal dati sa kanya dahil sa pagkasagawa ng iḥrām gaya ng pagpapaahit ng buhok, pagpuputol ng mga kuko, pagsusuot ng tinahian, pagtatakip ng ulo, pagpapabango, panghuhuli ng ligaw na hayop, pagdaraos ng kasal, at pakikipagtalik at mga pang-udyok nito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/204.

***

T: Ano po ang kahatulan ng panggrupong pagsambit ng talbiyah ng mga tagapasagawa ng ḥajj kung saan ang isa sa kanila ay sumasambit ng talbiyah at ang mga iba naman ay sumusunod sa kanya?

S: Hindi pinapayagan iyon dahil sa kawalan ng pagkakasaad niyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni buhat sa mga Matinong Khalīfah niya (ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila); bagkus ito ay isang bid`ah.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/358.

***

T: Ano po ang kahatulan sa sinumang niregla sa panahon ng yugto ng pagsasagawa ng ḥajj? Gaganapin po ba niya ang lahat ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj at inoobliga po ba sa kanya ang pagpaligo dahil doon o mayroong mga gawaing-pagsamba na hindi maaari sa kanya ang pagganap ng mga ito? Papaano po siyang maoobliga? Gantihan po kayo ni Allāh ng mabuti.

S: Kapag nagregla ang babae habang siya ay nagnanais magsagawa ng ḥajj, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām at mananatili sa pagkakasagawa ng iḥrām niya. Gagawin niya ang ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj gaya ng pagtigil sa `Arafah, pagpapamagdamag sa Muzdalifah at Minā, at pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah gayon pa man siya ay hindi magsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah hanggang sa madalisay siya at makapaligo.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/128.

***

T: Pinapayagan po ba sa babae na maggayak sa sandali ng pagganap niya ng tungkulin na ḥajj?

S: Ang paghahangad ng babae ng paggayak sa sandali ng pagganap ng gawaing-pagsamba ay hindi pinapayagan na gawin niya subalit ang anumang suot niya na alahas o ang anumang nasa kanya na pangkulay ay kailangan sa kanya na magkubli nito sa mga lalaki at hindi inoobliga sa kanya ang pag-aalis nito mula sa kamay niya o iba pa rito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/144.

T: Nagsagawa ako ng ḥajj. Naglayon ako matapos na nagsagawa ako ng iḥrām mula sa mīqāt habang ako ay isang tagapagsagawa ng ifrād at nagsabi ako ng: "Labbayka -llāhumma labbayka ḥajjā. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng ḥajj.)" Matapos niyon nakalimot ako at nagsabi ako ng: "Labbayka -llāhumma labbayka ḥajjan wa `umrah. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah.)" Magbigay-kabatiran po kayo sa akin, gantihan kayo ni Allāh ng pinakamabuting ganti, tungkol sa kinakailangan sa akin.

S: Kapag ang nangyari sa iyo na pagkabigkas dala ng pagkadulas ng dila ay hindi mo pinapakay, walang kailangan sa iyo roon na anuman batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} at batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang."

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/132.

***

T: Nakasaksi ako sa isa sa mga tagapagsagawa ng ḥajj na pumuputol mula sa mga sanga ng mga punong-kahoy bilang mga miswāk at ipinangkikiskis niya sa ngipin. Kaya ano po ang hatol sa pagputol ng mga punong-kahoy sa Minā at ano po ang hatol sa pagtanggap ng regalo na mga miswāk na pinutol mula sa mga punong-kahoy ng Ḥaram?

S: Hindi pinapayagan ang pagputol ng anuman mula sa mga punong-kahoy ng Ḥaram: hindi sa muḥrim at hindi sa iba pa sa kanya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi pinuputol ang mga tinik nito, hindi tinitigpas ang mga punong-kahoy nito, ..." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Kaya kailangan sa sinumang gumawa ng anuman mula roon ang pagbabalik-loob kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang hindi panunumbalik sa tulad niyon. Hindi pinapayagan ang pagtanggap ng regalong siwāk kapag ito ay pinutol mula sa mga puno ng Ḥaram dahil sa dulot niyon na pagkilala at pagtulong sa ipinagbabawal.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/166.

***

Ang Pagpapamagdamag sa Minā

T: Pumunta ako sa ḥajj kasama ng isang grupo at nagpamagdamag kami sa Minā nang gabi ng ika-9 ng Dhulḥijjah. Lumisan kami mula roon papunta sa `Arafah bago ng ṣalāh na fajr yayamang nagsagawa kami ng ṣalāh na fajr sa `Arafah kung saan ang mga tagapangasiwa sa grupo ay nagsagawa ng hakbang na ito dala ng pangamba sa trapiko. Kaya may anuman po ba sa amin?

S: Walang anuman sa inyo subalit ang pinakamainam para sa tagapagsagawa ng ḥajj ay na umalis sa Minā papunta sa `Arafah matapos ng pagsikat ng araw ng ika-9 araw ng buwan ng Dhulḥijjah.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/210.

***

T: Talaga ngang nagsagawa ako ng ḥajj kasama ng isang lokal na kompanya. Ang tinuluyan namin ay sa labas ng Minā. Talaga ngang natulog ako sa lugar na iyon sa gabi ng ika-9 ng Dhulḥijjah subalit sa mga gabi ng mga araw ng Tashrīq ay natulog ako sa loob ng Minā. Kaya ang pagpapamagdamag po ba sa gabi ng ika-9 ay kinakailangan o sunnah? Kapag iyon ay kinakailangan, ano po ang gagawin ko? Gantihan kayo ni Allāh para sa akin at para sa Islām at mga Muslim ng kabutihan.

S: Ang pagpapamagdamag (mabīt) sa Minā sa gabi ng ika-9 ng Dhulḥijjah ay ibinibilang na sunnah para sa tagapagsagawa ng ḥajj at hindi kinakailangan kaya walang kailangan sa iyo na anuman dahil sa pag-iwan ng pagpapamagdamag sa gabing iyon. Nakalampas lamang sa iyo ang pabuya ng sunnah ng pagpapamagdamag.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/177.

***

Ang Pagtigil sa `Arafah

T: Nagsasabi ang ilan sa mga tao na ang Araw ng `Arafah, kapag natapos sa araw ng Biyernes gaya nitong taon, ay magiging gaya ng nagsagawa ng pitong ḥajj. Mayroon po bang patunay mula sa Sunnah kaugnay roon?

S: Walang tumpak na patunay kaugnay roon. Nag-akala pa nga ang ilan sa mga tao na ito ay nakatutumbas sa 70 ḥajj o 72 ḥajj. Hindi rin tumpak ito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/211.

***

T: Pinapayagan po ba matapos ng pagsasagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj ng ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr kasama ng imām sa `Arafah na magdasal siya ng mga nāfilah hanggang sa maghrib?

S: Hindi nagdasal ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang nāfilah sa Araw ng `Arafah matapos ng pagsasagawa niya ng ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr bilang pinagsamang pagpapauna sa `Arafah. Kung sakaling ito ay naging isinasabatas, talaga sanang siya ay naging higit na masigasig dito kaysa sa atin. Ang kabutihan na buong kabutihan ay nasa pagtulad sa kanya at pagsunod sa Sunnah niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/211.

***

T: Ano po ang kahatulan sa sinumang lumabas mula sa `Arafah bago ng tinakdaang oras para sa pagsasagawa ng ṣalāh na maghrib iisang minuto bago ng itinakdang oras batay sa kalendaryo dahil sa pagkaalam na ang mga pasahero ng sasakyan ay nagsabing ang araw ay lumubog na?

S: Ang batayang panuntunan ay ang pananatili ng tagapagsagawa ng ḥajj sa ika-9 na araw. Kaya naman hindi siya lilisan mula roon hanggang sa makasigurado siya sa pagkalubog ng araw. Hindi ipinahihintulot sa kanya ang paglisan mula roon bago niyan sapagkat ang pagsasaalang-alang ay nasa pagkalubog ng araw. Kung lumabas mula roon matapos ng pagkatiyak ng pagkalubog ng araw, nagampanan nga niya ang kinakailangan sa kanya at walang anuman sa kanya kaugnay roon. Kung lumabas naman siya bago ng pagkalubog ng araw o hindi siya nakatiyak doon, hindi siya bumalik doon, at hindi nanatili roon hanggang nakalubog ang araw; o hindi siya bumalik kahit pa man isang saglit ng gabi, tunay na may kakailanganin sa kanya na alay, na isang pagkatay ng isang tupa, dahil sa pagkaiwan niya ng isang kinakailangang kabilang sa mga kinakailangan sa ḥajj.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/181.

***

Ang Pagpapamagdamag sa Muzdalifah

T: Nagsagawa ako ng ḥajj kasama ng mga pamilyang umuupa sa akin ng kotse para sa ḥajj. Sa gabi ng fayḍah, bumaba kami sa `Arafah nang 9:00 at dumating kami sa Muzdalifah nang 2:00. Nagpumilit sila sa hindi pagpapamagdamag sa Muzdalifah dahil sa katwiran na may kasama silang mga pamilya at na ang Batas ay pumayag sa kanila nito. Hindi kami tumigil sa Muzdalifah nang higit sa 15 minuto. Kaya may kailangan po bang anuman dito?

S: Kapag ang kalagayan nila ay gaya ng binanggit mo na may kasama silang mga pamilya na natatakot sila para sa mga ito sa pagpapamagdamag hanggang sa pagsapit ng madaling-araw, walang kaasiwaan sa iyo at sa kanila kapag ang paglisan ninyo mula sa Muzdalifah ay sa 2:00 ayon sa regular na oras dahil iyon ay matapos ng hatinggabi at ang mga mahina at ang mga babae ay pinahihintulutan niyon bilang awa sa kanila.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/212.

***

T: Sa pagsasaalang-alang sa matinding siksikan sa ḥajj ng nagdaang taon, hindi nakaya ng ilan sa mga tagapagsagawa ng ḥajj ang pagpapamagdamag sa Muzdalifah dahil sa kahirapan ng pagdating doon at ang ilan sa kanila ay naligaw roon. Kaya ano po ang gagawin nila?

S: Ang sinumang hindi nakakaya sa pagpapamagdamag sa Muzdalifah dahilan sa siksikan, tunay na naaalis sa kanya ang tungkulin ng pagpapamagdamag. Hinggil naman sa sinumang naligaw roon at nagpamagdamag sa lugar na iba pa roon, inoobliga sa kanya ang mag-alay dahil posible naman sa kanya na magtanong tungkol sa Muzdalifah at mapatnubayan papunta roon kaya naman siya ay nagkulang dahil sa hindi pagtatanong niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/189.

***

T: May nagtatanong sa nakapagsagawa ng ḥajj sa Bahay na Pinakababanal na siya raw ay lumipat mula sa Muzdalifah humigit-kumulang unang ikatlong bahagi ng gabi, ibig sabihin: mga 10:00. Ang idinadahilan niya ay siya raw ay may kasamang mga babae. Kaya ano po ang kinakailangan sa panig niya at panig nila? Salamat po.

S: Ang lumisan mula sa Muzdalifah bago maghatinggabi nang walang maidadahilang legal gaya ng karamdaman ay hindi nga nakapagsagawa ng kinakailangang pagpapamagdamag doon. Kaya naman kailangan sa kanya ng isang pantubos na pagkatay ng isang tupa sa Makkah na nakasasapat bilang alay at ipamahagi ito sa mga maralita roon dahil ang pinakamaiksing kinakailangang pagpapamagdamag ay hanggang sa hatinggabi dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagpahintulot sa mahihina sa paglisan mula sa Muzdalifah malibang matapos ng hatinggabi.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/194.

***

Ang mga Gawain sa Araw ng Pag-aalay

T: Kapag lumisan ang mga tao at ang mga mahina mula sa Muzdalifah papunta sa Minā bago ng pagsapit ng madaling-araw ng Araw ng Pag-aalay at matapos ng hatinggabi nito, ukol po ba sa kanila na magsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah bago ng pagsapit ng madaling-araw? Kapag nagkaroon sila ng maluwag na oras, na nagsasaposible sa kanila ng pagsasagawa ng ṭawāf ifāḍah bago ng pagsapit ng madaling-araw, ukol po ba sa kanila iyon?

S: Pinapayagan sa mahihina kabilang sa mga babae, mga matanda, at tulad nila ang paglisan mula sa Muzdalifah matapos ng hatinggabi. Ukol sa kanila na magsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, magsagawa ng ṭawāf ifāḍah, at magpaahit ng buhok bago ng madaling-araw dahil iyon ay higit na banayad sa kanila.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/190.

***

T: Pinapayagan po ba sa tagapagsagawa ng ḥajj ang pagpapaliban ng unang pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah hanggang sa ikalawa o ikatlong araw ng mga araw ng Tashrīq nang walang maidadahilan o hindi pinapayagan? Ano po ang kahatulan sa sinumang gumawa niyon?

S: Hindi pinapayagan sa tagapagsagawa ng ḥajj ang pagpapaliban ng pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah hanggang sa ikalawa o ikatlong araw ng mga araw ng Tashrīq nang walang maidadahilan dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng ramy roon sa Araw ng `Īd at sumunod sa kanya roon ang mga Kasamahan sapagkat hindi sila nagpaliban niyon hanggang sa mga araw ng Tashrīq nang walang maidadahilan. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo." Ang sinumang nagpaliban nito hanggang sa mga araw ng Tashrīq nang walang maidadahilan ay sumalungat nga sa Sunnah at napagkaitan ng ilan sa pabuya ng gawaing-pagsamba. Kailangan sa kanya na humingi ng tawad kay Allāh para sa nagdaan at magsigasig sa pagganap ng gawaing-pagsamba nito ayon sa legal na anyo nito sa hinaharap.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/217.

***

T: Nakakita kami sa ḥajj ng ilan sa mga tao sa sandali ng pagpapaikli ng buhok sa ḥajj o `umrah na nagpapaikli sila mula sa ibaba ng ulo lamang sa korteng pabilog, na nagpaparaan sa ilalim nito mula sa lahat ng mga dako. Hinggil naman sa natitira, hindi sila kumukuha mula roon ng anuman. Noong nagsabi kami sa kanila na ang pagpapaikli ay kailangan na maging sa pamamagitan ng paglalahat sa ulo, nagsabi sila sa amin na ito ang hinihiling. Kaya alin pong gawain ang kinakailangan?

S: Ang kinakailangan ay ang paglalahat ng ulo sa kabuuan nito ng pag-ahit o pagpapaikli sa ḥajj o `umrah. Hindi inoobliga sa kanya na kumuha mula sa bawat buhok niya mismo. Ang ginawa ng binanggit mo ay hindi nakasasapat ayon sa pinakatumpak sa mga sabi ng mga maalam at hindi kabilang sa Sunnah ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) .

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/217.

***

T: May isang tagapagsagawa ng ḥajj na tumigil sa `Arafah, nagpamagdamag sa Muzdalifah, at inumaga sa Minā sa Araw ng `Īd saka nagsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, nag-alay, at nagsagawa ng pagpapaahit ng buhok niya saka naghubad ng mga kasuutan [ng iḥrām] niya habang siya ay nasa Minā. Pagkatapos matapos niyon, pumunta siya sa Makkah saka nagsagawa siya ng ṭawāf ifāḍah. Kaya ito po ba ay pinapayagan ayon sa batas yayamang tunay na nagbigay-kabatiran sa akin ang isa sa mga lokal na hindi raw pinapayagan ang pagpapaahit at ang paghubad ng mga kasuutan [ng iḥrām] sa Minā malibang matapos ng ṭawāf ifāḍah?

S: Pinapayagan ang pagpapaahit bago ng pagsasagawa ng ṭawāf ifāḍah at matapos nito.Tunay na ang ginawa niya sa Araw ng `Īd na pagsasagawa ng ramy, pagkatapos pag-aalay, pagkatapos pagpapaahit, pagkatapos pagsasagawa ng ṭawāf ay ang Sunnah. Ito ang ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥajj ng Pamamaalam.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/218.

***

T: Kailan nagwawakas ang Ṭawāf Ifāḍah?

S: Nagsisimula ang ṭawāf ifāḍah matapos ng hatinggabi ng gabi ng pag-aalay para sa mahihina at sinumang nasa kahatulan nila. Ang wakas nito ay walang oras na tinakdaan subalit ang marapat ay na magdali-dali ang tagapagsagawa ng ḥajj ng pagsasagawa ng ṭawāf ifāḍah sa abot ng kakayahan niya kasama ng pagsasaalang-alang sa kabanayaran sa sarili niya at darating ang mga oras na ang pinagsasagawaan ng ṭawāf doon ay magiging magaan sa siksikan nang sa gayon hindi siya makaperhuwisyo at hindi siya maperhuwisyo.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/227.

***

Kapag nagsagawa ang tagapagsagawa ng ḥajj ng ṭawāf ifāḍah at nakalimot siya sa isa sa mga paglibot at hindi nakaalam nito kundi matapos ng pagkalabas niya sa Masjid na Pinakababanal, ano po ang kahatulan? Kapag ang pagkaalam dito ay matapos ng unang taḥallul ayon sa pagbatay na ang ṭawāf na ito ay isa sa dalawa na nangyayari dahil sa dalawang ito ang unang taḥallul, [ano po ang kahatulan?]

S: Kapag nagsagawa ang tagapagsagawa ng ḥajj ng ṭawāf ifāḍah at nakalimot siya sa isa sa mga paglibot at tumagal ang namagitan, tunay na siya ay mag-uulit ng ṭawāf. Kung ang namagitan naman ay madali, tunay na siya ay magsasagawa ng paglibot na nakalimutan niya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/253.

***

T: ِAno po ang kahatulan sa sinumang nagsagawa ng ṭawāf ifāḍah at hindi nagsagawa ng sa`y hanggang sa lumubog ang araw matapos ng kahuli-hulihan sa mga araw ng Tashrīq? Ano po ang kahatulan sa pagsasagawa ng sa`y kapag nagsagawa nito matapos ng paglubog ng araw ng araw na iyon o matapos ng mga araw ng Tashrīq?

S: Ang pagkasagawa ng sa`y mo sa kahuli-hulihan sa mga araw ng Tashrīq o matapos ng mga araw ng Tashrīq ay tumpak at wala namang pagkaasiwa sa iyo sa pagpapaliban nito dahil hindi kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan nito na maging karugtong ng ṭawāf subalit bahagi ng kakumpletuhan na ito, matapos ng ṭawāf, ay maging karugtong niyon bilang pagpapakatulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) .

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/262.

***

T: Kinakailangan po ba ang pagpapaahit o ang pagpapaikli sa malaking taḥallul matapos na nagpaahit siya o nagpaikli siya ng buhok niya sa maliit na taḥallul, ibig sabihin: matapos ng pagwawakas ng pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah?

S: Hindi kinakailangan ito at hindi isinasama ang pagpapaahit o ang pagpapaikli matapos ng malaking taḥallul matapos na nagpaahit siya o nagpagupit siya ng buhok niya sa maliit na taḥallul, ibig sabihin: matapos ng pagwawakas ng pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah dahil iyon ay isang gawaing-pagsamba ng ḥajj kaya naman ito ay isang pagsamba. Ang mga pagsamba ay nakabatay sa pantekstong pagkakasaad. Hindi napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagpaahit o nagpaikli [ng buhok] matapos ng malaking taḥallul, bagkus gumawa siya niyon matapos ng maliit na taḥallul lamang. Napagtibay buhat sa kanya na siya ay nagsabi: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/263.

***

T: Ginampanan ko ang mga gawaing-pagsamba ng `umrah. Matapos ng pagganap ko ng mga ito, umuwi ako sa bayan ko. Dahil sa ako ay nagpapasya, kung niloob ni Allāh, ng pagganap ng tungkulin na ḥajj sa taong ito, may kailangan po ba sa akin na mga pantubos (fidyah) o wala? Gantihan po kayo ni Allāh ng mabuti.

S: Ang mayoriya ng mga hurista (faqīh) ay nagtuturing na walang kailangan sa iyo na mga pantubos (fidyah) dahil ikaw ay hindi nagpakatamasa (Tamattu') ng `umrah hanggang sa ḥajj sa iisang paglalakbay yayamang nabanggit mo na ikaw ay umuwi matapos ng pagganap ng `umrah sa Shawwāl ng taong 1395 Hijrah sa bayan mo at hindi ka nanatili sa Makkah hanggang sa gampanan mo ang ḥajj.

Nagtuturing naman ang iba sa mga hurista na kailangan sa iyo ang alay kapag nagsagawa ka ng ḥajj sa taon mo kahit pa man umuwi ka sa bayan mo o sa higit na malayo pa roon batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ni Allāh: {Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagpakatamasa ng `umrah [sa mga buwan ng ḥajj] hanggang sa ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog.} (Qur'ān 2:196) Ang fatwā at ang paggawa ay naipatutupad ayon sa pahayag ng mayoriya na kawalan ng pagkakinakailangan ng alay kaugnay roon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/366.

***

T: Ano po ang kahatulan sa sinumang nakalimot magpagupit ng buhok matapos ng pagtatapos ng mga gawain ng ḥajj at hindi nakaaalaala niyon kundi matapos ng isang matagal na yugto?

S: Ang pagpapaahit ng buhok ng ulo o ang pagpapaikli nito ay isang kinakailangang gawaing-pagsamba sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah. Ang sinumang nagwaksi nito habang nakalilimot, kakailanganin sa kanya ang pagpapaahit o ang pagpapaikli kapag nakaalaala siya. Kung may nangyaring pagtatalik bago ng pagpapaahit o pagpapaikli, may kakailanganin sa kanya na pantubos dahil sa pagtatalik, na isang tupa na nakasasapat sa pag-aalay, na kakatayin sa Makkah at ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram dahil siya sa ḥajj ay hindi nakakumpleto ng ikalawang taḥallul at ang pakikipagtalik bago niyan ay isang tagapag-obliga ng pantubos. Gayon din sa `umrah, hindi natamo ang taḥallul mula roon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/204.

***

T: Wala po bang pagkakaiwas sa tagapagsagawa ng qirān, kapag nakapagsagawa ng ṭawāf para sa pagdating (qudūm), sa ṭawāf ng paglisan (ifāḍah)?

S: Hindi nakasasapat ang ṭawāf ng pagdating (qudūm) bilang kapalit sa ṭawāf ng paglisan (ifāḍah) sa panig ng tagapagsagawa ng qirān at tagapagsagawa ng ifrād dahil ang ṭawāf ifāḍah ay hindi ito ang oras niyan. Ang ṭawāf ifāḍah ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng ḥajj, na hindi nalulubos ito kundi sa pamamagitan niyan at ang oras niyan ay matapos ng pagtigil sa `Arafah at paglisan mula sa Muzdalifah. Hinggil naman sa ṭawāf ng pagdating, ito ay sunnah, na kung niloob ay maisasagawa at kung niloob ay maisasangtabi.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/217.

***

T: Pinapayagan po ba sa akin ang pagpapahalili sa isang magsasagawa para sa akin ng ṭawāf ifāḍah at ṭawāf ng pamamaalam kapag hindi naging posible sa akin ang pagbabalik sa Makkah Mukarramah. Iyon ay dahil sa katandaan ng edad ko at kahinaan ng kalusugan ko.

S: Hindi pinapayagan ang paghalili sa ṭawāf ifāḍah ni sa ṭawāf ng pamamaalam. Ang walang-kakayahan ay pagsasagawain ng ṭawāf habang binubuhat kaya naman walang pagkaiwas sa pagdating sa Makkah gaya ng binanggit sa fatwā. Sa pamamagitan ni Allāh ang pagtutuon. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya, at pangalagaan.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/271.

***

Ang mga Araw ng Tashrīq at ang Pagsasagawa ng Ramy sa mga Jamrah

T: Ano po ang kinakailangan sa sinumang nagsagawa ng ramy sa mga jamrah sa pagkasikat ng araw sa ikalawang Araw ng `Īd, pagkatapos nakaalam matapos niyon na ang oras ng pagsasagawa ng ramy ay matapos ng katanghaliang-tapat?

S: Ang sinumang nagsagawa ng ramy sa mga jamrah sa ikalawang araw ng `Īd Al-Aḍḥā bago ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat, kailangan sa kanya na mag-ulit ng pagkasagawa ng ramy sa mga iyon matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat ng araw na iyon. Kung hindi siya nakaalam sa pagkakamali niya kundi sa ikatlo o ikaapat na araw, mag-uulit siya ng pagkasagawa ng ramy sa mga iyon matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat ng ikatlo o ikaapat na araw matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat bago makapagsagawa ng ramy para sa araw na iyon na nakaalaala siya saka kung hindi siya nakaalam malibang matapos ng pagkalubog ng araw ng ikaapat na araw ay hindi na siya magsagawa ng ramy. Kailangan sa kanya ng isang alay na kakatayin sa Ḥaram at ipakakain sa mga maralita.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/273.

***

T: Ano po ang kahulugan ng sabi ni Allāh (Qur'ān 2:203): {ngunit ang sinumang nagmadali [sa pag-alis] sa dalawang araw ay walang kasalanan sa kanya} kasama ng pagpapaliwanag sa itinadhana ng talatang ito?

Nagsasabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Alalahanin ninyo si Allāh sa mga araw na binilang, ngunit ang sinumang nagmadali [sa pag-alis] sa dalawang araw ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala.} (Qur'ān 2:203) Ang tinutukoy ng {mga araw na binilang} dito ay ang tatlong araw ng Tashrīq: ang ika-11, ang ika-12, at ang ika-13 [ng Dhul Hijjah]. Kaya ang sinumang aalis kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj matapos magsagawa ng ramy sa mga jamrah sa ika-12 araw matapos ng pagkalihis sa katanghaliang-tapat at bago ng pagkalubog ng araw, nagmadali nga ito; at ang sinumang nanatili sa Minā hanggang sa makapagsagawa ng ramy sa mga jamrah sa ika-13, nagpaliban nga ito at iyon ay higit na mainam dahil sa pakikipagsang-ayon nito sa gawa niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/297.

***

T: Pinapayagan po ba ang pagtapos ng pagsasagawa ng ramy sa umaga bago ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat sa ikalawang araw o magsasagawa ng ramy sa mga iyon matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat kasabay ng ramy para sa araw na matapos nito?

S: Ang pagsasagawa ng ramy sa mga araw ng Tashrīq ay hindi natutumpak malibang matapos ng pagkalihis sa katanghaliang-tapat ng araw. Hindi ito pinapayagan at hindi nakatutumbas sa umaga dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsagawa ng ramy malibang matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Nagsabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo." Ang sinumang nakaligta ng pagsasagawa ng ramy sa isang araw, tunay na siya ay magsasagawa ng ramy nito sa araw na matapos nito matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Magsisimula siya nito sa kabuuan nito bago ng pagsasagawa ng ramy ng araw na kasunod nito, pagkatapos babalik siya matapos ng pagsasagawa ng ramy sa huling jamrah saka magsasagawa ng ramy sa tatlong jamrah para sa kasunod na araw.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/189.

***

T: Nagsagawa ako ng ḥajj sa isa sa mga taon at nagsagawa ako ng ramy sa ikalawang araw bago ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Kaya sa akin po ba ay may anuman at iyon ay dahil sa kamangmangan ko roon?

S: Ang pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah bago ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat sa mga araw ng Tashrīq ay hindi natutumpak dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsagawa ng ramy malibang matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Nagsabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo." Alinsunod dito, tunay na kailangan sa iyo ng isang pantubos dahil sa pagkasagawa ng ramy mo bago ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Ito ay ang pagkatay ng isang tupa na nakasasapat sa pag-aalay, na kakatayin sa Makkah at ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram at hindi siya kakain mula rito ng anuman.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/293.

***

T: May isang nakalimot na mayroon siyang mga munting bato mula sa Minā. Sinabi sa kanya na ang nakakuha ng mga munting bato mula sa Minā ay inoobliga na magbalik ng mga ito sa Makkah. Inaasahan po namin ang pagbibigay-kabatiran?

S: Ang sinumang may natira sa kanya na anuman mula sa mga munting bato ng mga jamrah ay hindi inoobliga na magbalik ng mga ito sa Minā dahil sa kawalan ng patunay roon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/294.

***

T: May isang taong nagsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa ḥajj ng pitong munting bato sa iisang pagbato.

S: Kinakailangan sa sinumang bumato ng mga munting bato sa jamrah sa iisang pagbato na mag-ulit ng pagsasagawa ng ramy sa mga araw nito yayamang ang kinakailangan ay ang pagbato ng mga ito nang isang pagbato matapos ng isang pagbato. Ang pagbato ng mga ito nang lahat ay nasa antas ng isang pagbato ng iisang munting bato. Kapag hindi siya umulit ng pagsasagawa ng ramy, may kakailanganin sa kanya dahil doon na isang pag-aalay dahil sa pagkawaksi niya ng isang kinakailangang kabilang sa mga kinakailangan sa pagsasagawa ng ḥajj. Ang alay ay isang tupa na nakasasapat sa pag-aalay, na kakatayin sa Makkah at ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram; ngunit kung hindi siya nakatagpo, mag-ayuno siya ng sampung araw, maging ito man ay nagkakasunuran o magkakahiwa-hiwalay.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/310.

***

T: Nagsagawa ng ḥajj ang tiyahin sa ina ko noong nagdaang taon subalit siya ay nagsasabi na sa sandali ng pagbato niya sa mga jamrah ay hindi siya nakakikita kung saan bumabagsak ang mga munting bato dahil sa tindi ng siksikan, kung ang mga ito kaya ay nasa sahuran o hindi, bagamat siya ay nakakikita sa jamrah minsan habang siya ay bumabato. Kaya ano po ang kailangan sa kanya? Magbigay-fatwā po kayo sa amin, pabuyaan nawa kayo.

S: Kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng pagsasagawa ng ramy ang pagkatiyak ng pagkabagsak ng mga munting bato sa pinagbabatuhan. Kung siya ay nakatitiyak sa pagkabagsak nito sa sandali ng pagbato sa sahuran, pagkatapos nagduda siya matapos niyon, walang epekto ang pagdududa at ang pagbato niya ay tumpak. Kung siya ay nagdududa at hindi siya nakatiyak sa pagbagsak ng munting bato sa sandali ng pagbato, kailangan sa kanya ang pantubos sa pamamagitan ng isang alay na kakatayin para sa mga maralita ng Ḥaram; ngunit kung hindi niya nakaya, mag-aayuno siya ng sampung araw.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/311.

***

T: Ang ilan sa mga tagapagsagawa ng ḥajj – patnubayan sila ni Allāh – ay bumabato sa mga jamrah ng bawat anumang natatagpuan nila gaya ng mga sapatos hanggang sa mga walang-lamang bote ng tubig at iba pa sa mga ito. Nawawalang-saysay po ba ang pagbato nila dahilan sa inaasal nilang ito o sila ay hindi masisisi sa kamangmangan nila?

S: Hindi pinapayagan ang pagbato sa mga jamrah ng mga sapatos ni ng mga bote at tulad ng mga ito dahil iyon ay hindi isinasabatas at dito ay may pagsalungat sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat tunay na siya ay bumato sa mga jamrah ng mga maliliit na bato na higit na malaki nang kaunti sa garbansos. Nagsabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo." Sila ay mga nagkakasala dahil sa gawain nilang ito. Ang sinumang nakakita sa kanila ay nararapat sa kanya ang sumaway sa kanila at magpayo sa kanila. Hindi nawawalang-saysay ang pagsasagawa nila ng ramy dahil sa nagawa nilang ito kapag bumato sila ng batong isinasabatas.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/324.

***

T: Ano po ang kahatulan ng mga nagsagawa ng ḥajj, na noong mga araw ng Tashrīq ay nagnais sila na magmadali kaya bumato sila sa tatlong jamrah sa unang araw at sa ikalawang araw naman ay gayon din, pagkatapos pumunta sila sa Makkah nang direktahan bago ng paglubog ng araw ng ikalawang araw at nagpamagdamag sila roon at hindi nagsagawa ng ramy sa ikatlong araw? May kailangan po ba sa kanila na isang alay o wala?

Ang sinumang nagsagawa ng ramy sa tatlong jamrah sa ika-12 ng Dhulḥijjah at nagnais magmadali, tunay na siya ay lilisan mula sa Minā bago ng paglubog ng araw. Hindi kailangan sa kanya ang magsagawa ng ramy sa ika-13, maging namalagi man siya sa Makkah o sa iba pa roon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/335.

***

Ang Ṭawāf ng Pamamaalam

T: Naninirahan ako sa Lungsod ng Jeddah at pumupunta ako sa Makkah Mukarramah palagi. Kaya mamaalam po ba ako sa Bahay na Pinakababanal matapos ng pagkasagawa ng ḥajj o magpapaliban ako nito sa sandali ng pagbibiyahe ko papunta sa bayan ko? Sa pagkapaliban po ba ng pamamaalam ay may panakip-sala?

S: Kapag nagsagawa ka ng ḥajj, huwag kang magbiyahe matapos na matapos ng pagkasagawa mo ng ḥajj papunta sa Jeddah hanggang sa makapagsagawa ka ng ṭawāf ng pamamaalam. Kapag nagbiyahe ka bago ng pamamaalam, kailangan sa iyo ng isang handog na kakatayin sa Ḥaram at hindi ka kakain mula rito, bagkus magpapakain ka nito sa mga maralita dahil ang ṭawāf ng pamamaalam ay kinakailangan matapos ng pagkasagawa ng ḥajj batay sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay maging sa Bahay [ni Allāh] gayon pa man siya ay nagpagaan sa babaing nireregla.} Napagkasunduan sa katumpakan nito. Kailangan sa iyo ang pagbabalik-loob kay Allāh dahil sa paglisan mo papunta sa Jeddah bago ng pagkasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/303.

***

T: Pinapayagan po sa tagapagsagawa ng ḥajj sa mga araw ng Minā na pumunta sa Ṭā'if at matapos ng pagkalipas ng 20 araw ay magbabalik saka magsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam?

S: Hindi pinapayagan sa sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay na Pinakababanal na maglakbay hanggang sa magwakas ng mga gawain ng ḥajj at mga gawaing-pagsamba nito at kabilang dito ang ṭawāf ng pamamaalam.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/307.

***

T: Ang nireregla at ang nagdurugo po ba ay inoobliga sa kanila ang pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam, at ang walang-kakayahan at ang maysakit?

S: Hindi kailangan sa nireregla ni sa dinurugo ang pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam. Hinggil naman sa walang-kakayahan, pagsasagawain ito ng ṭawāf habang binubuhat at gayon din sa maysakit. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang lilisan ang isa sa inyo hanggang sa ang kahuli-hulihan sa tipan niya ay maging nasa Bahay [ni Allāh]." Batay rin ito sa Ṣaḥīḥān ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay maging sa Bahay [ni Allāh] gayon pa man siya ay nagpagaan sa babaing nireregla.} Nasaad ito sa iba pang ḥadīth na nagpapatunay na ang dinurugo tulad ng nireregla ay walang kailangan sa kanya na isang [ṭawāf ng] pamamaalam.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/307.

***

T: Sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam, nagkasakit ako at tumigil ako sa pagsasagawa ng ṭawāf at kumumpleto naman ang natitira sa mga kasamahan ko ng ṭawāf nila. Matapos na nagwakas sila, pumunta ako kasama ng isa sa kanila para sa pagkumpleto ng natitira sa ṭawāf ko. Talaga ngang may nakalimutan akong isang paglibot sa ṭawāf ng pamamaalam at hindi ko nalaman malibang matapos ng pagbabalik ko sa bayan ko. Mayroon po ba akong pagtutubos o anuman?

S: Kapag ikaw ay nakatitiyak sa pagkaiwan ng isang paglibot mula sa ṭawāf ng pamamaalam, tunay na kailangan sa iyo ang pagtubos. Ito ay pagkatay ng isang tupa sa Makkah na nakasasapat bilang alay at ipamamahagi mo ito sa mga maralita ng Ḥaram; ngunit kung hindi mo nakaya ang magtubos, mag-ayuno ka ng sampung araw.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/126.

***

T: Nagsagawa ako ng ḥajj. Sa ikalawang araw naman ng Tashrīq ay nagsagawa ako ng ṭawāf ng pamamaalam matapos ng `aṣr gayon pa man ako ay nagpamagdamag sa Makkah Mukarramah. Hindi ako nagbiyahe papunta sa Ṭā'if malibang sa umaga ng kasunod na araw. Umaasa po ako na magbigay-kabatiran sa akin kung ang ṭawāf ng pamamaalam na isinagawa ko at ng mag-anak ko ay nakasasapat o kailangan sa akin ng isang panakip-sala, o nag-oobliga sa akin at ng mag-anak ko ng pag-ulit ng ṭawāf? Magbigay-kabatiran po kayo sa akin, gantimpalaan kayo ni Allāh.

S: Ang sinumang nagsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam para sa ḥajj, pagkatapos nanatili sa Makkah matapos ng ṭawāf sa isang maiksing yugto, walang pag-uulit na kailangan sa kanya. Hinggil naman sa kapag ang pamamalagi matapos ng ṭawāf ay matagal, tunay na inoobliga sa kanya ang pag-ulit ng ṭawāf. Hanggat kayo ay nakapagsagawa na ng ṭawāf ng pamamaalam matapos ng `aṣr at hindi kayo nagbiyahe kundi sa umaga ng kasunod na araw at nagbiyahe kayo nang walang pag-ulit ng ṭawāf, tunay na may inoobliga sa bawat isa sa inyo na isang alay na nakasasapat sa pag-aalay, na kakatayin sa Makkah at ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram; subalit kapag may kasama sa inyo na isang babaing nireregla o dinurugo, walang kailangan sa kanya na isang ṭawāf ng pamamaalam.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/337.

***

T: Nagsagawa ng ḥajj ang maybahay ko noong nakaraang taon. Ang ḥajj niya ay ḥajj na tamattu`. Nang nagampanan niya ang mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa kabuuan ng mga ito maliban sa ṭawāf ng pamamaalam, na ang kadahilanan ay ang pagdating ng buwanang dalaw sa kanya, sa sandaling iyon ay hindi siya namaalam, ibig sabihin: ng ṭawāf ng pamamaalam. Nagsagawa naman ang ama ko ng paghatid sa kanya sa Masjid na Pinakababanal, nagpapasok sa kanya, at nakasaksi naman siya sa Pinarangalang Ka`bah sa isang pagkasaksi. Ano po ang kahatulan doon? Magbigay-kabatiran ka po sa akin, mapabuyaan ka nawa kung loloobin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

S: Ang ṭawāf ng pamamaalam ay naaalis ang pagkatungkulin sa nireregla at walang anumang kailangan sa maybahay mo batay sa napagtibay ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay maging sa Bahay [ni Allāh] gayon pa man siya ay nagpagaan sa babaing nireregla.} Ayon naman kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagregla si Ṣafīyah bint Ḥuyay (malugod si Allāh dito) matapos na nakapagsagawa siya ng ṭawāf ifāḍah. Bumanggit ako niyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi naman siya: "Mag-aantala ba siya sa atin?" Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay nakapagsagawa na ng ṭawāf ifāḍah at nakapagsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh], pagkatapos nagregla siya matapos ng ṭawāf ifāḍah." Nagsabi naman siya: "Kaya lumisan na siya, samakatuwid."}

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/342.

***

T: Ang sinumang pumasok sa Makkah na hindi tagapagsagawa ng `umrah ni tagapagsagawa ng ḥajj at nagnais lumabas mula roon ay inoobliga po ba sa kanya ang ṭawāf ng pamamaalam? May kailangan po ba sa tagapagsagawa ng `umrah na isang ṭawāf ng pamamaalam kapag nanatili siya sa Makkah nang isang araw o dalawang araw o tulad ng dalawang ito? Mayroon po bang ṭawāf na tinatawag na ṭawāf ng pamamaalam na nasasaad buhat sa Hinirang (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o na ang bawat ṭawāf ay natutumpak na maging ang pamamaalam kapag lumabas matapos nito mula sa Makkah? Magbigay-fatwā po kayo sa amin, magpabuya nawa sa inyo ng hindi pagkakait ni Allāh ng Paraiso. Āmīn.

S: Ang ṭawāf ng pamamaalam ay kinakailangan lamang sa tagapagsagawa ng ḥajj kapag nagnais siyang maglakbay mula sa Makkah matapos ng pagkasagawa ng ḥajj batay sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay maging sa Bahay [ni Allāh] gayon pa man siya ay nagpagaan sa babaing nireregla.} Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ang dinurugo ay tulad sa nireregla sa kahatulan. Hinggil naman sa hindi tagapagsagawa ng ḥajj, walang kailangan sa kanya na isang ṭawāf ng pamamaalam ayon sa tumpak na pahayag dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-utos nito sa mga tagapagsagawa ng `umrah. Ang pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam para sa ḥajj ay walang pagkaiwas sa pagkakaroon ng layunin dahil ito ay isang pagsamba at isang gawain. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." Si Allāh ay higit na maalam.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/344.

***

T: Pinapayagan po ba ang pagbili ng ilan sa mga kinakailangan matapos ng pagkasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam. Ang sinumang bumili matapos magsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam ay may kailangan ba sa kanya na anuman?

S: Ang kinakailangan ay na ang ṭawāf ng pamamaalam ay maging ang kahuli-hulihan sa gagawin ng tagapagsagawa ng ḥajj mula sa mga gawain ng ḥajj niya at lalabas siya matapos nito mula sa Makkah. Subalit kung may natirang kaunting panahon para sa paghihintay ng kasamahan niya o pagdadala ng bagahe niya o pagbili ng ilan sa mga pangangailangan niya, wala namang kaasiwaan sa kanya.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/345.

***

T: May lalaking kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj na nagsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam sa araw ng ika-12 [ng Dhulḥijjah], pagkatapos pumunta siya sa Minā at nagsagawa ng ramy sa mga jamrah. Kaya ang pagsasagawa ng ṭawāf niya ay tumpak po ba yayamang nagsagawa siya ng ṭawāf bago ng pagsasagawa ng ramy? Ano po ang kailangan sa lalaking ito samantalang siya ay kabilang sa mga mamamayan ng Jeddah?

S: Ang sinumang nagsagawa ng ṭawāf ng pamamaalam bago ng pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah, tunay na ito ay hindi nakasasapat sa kanya dahil ang pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam ay walang pagkaiwas na maging kahuli-hulihan sa mga gawain ng ḥajj. Hanggat siya ay nagbiyahe bago ng pag-ulit ng pagsasagawa niya ng ṭawāf ng pamamaalam matapos ng pagsasagawa ng ramy, kailangan sa kanya na magkatay ng isang pantubos sa Makkah. Ipamamahagi ito sa mga maralita ng Ḥaram at hindi siya kakain mula rito ng anuman. Hindi sasapat dito kundi ang sasapat sa pag-aalay; ngunit kung nawalang-kakayahan siya, mag-aayuno siya nang sampung araw.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/345.

***

T: Ang pagkakalarawan sa tubig ng Zamzam na ito ay nagtataglay ng ilang kakanyahan. Mayroon po bang isang tumpak na ḥadīth hinggil sa paksang ito?

S: Ang tubig ng Zamzam ay pinakamarangal na tubig sa lupa. Ang pinakatumpak sa nasaad sa kainaman nito ang napagtibay sa Ṣaḥīḥ Muslim na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kaugnay sa Zamzam: "Tunay na ito ay pinagpala at tunay na ito ay isang pagkaing malasa." Nagdagdag si Abū Dāwud nang may isang isnād na tumpak: "at isang kagalingang ng isang karamdaman." At naisalaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang tubig ng Zamzam ay ukol sa anumang ininom ito dahil doon." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām Ibnu Mājah, at iba pa sa kanilang dalawa.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/168.

***

Mga Fatwā na Nauugnay sa Pagbisita sa Lungsod ng Pampropeta

T: Kapag ako ay naglalayon ng pagsasagawa ng `umrah sa Ramaḍān kung loloobin ni Allāh at ng pagbisita sa Lungsod ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ', hinggil sa ano po ang igagabay ninyo sa akin?

S: Isinasabatas ang paghahanda ng mga sasakyan para sa pagbisita sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hindi para sa pagbisita sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa iba pa rito kabilang sa mga libingan batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi inihahanda ang mga sasakyang hayop malibang papunta sa tatlong masjid: Masjid na Pinakababanal, Masjid kong ito, at Masjid na Pinakamalayo." Subalit isinasabatas sa sinumang bumisita sa Masjid na Pampropeta na bumati sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa dalawang Kasamahan niya na sina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa); isinasabatas sa kanya rin ang pagbisita sa mga libingan ng Al-Baqī` at mga martir, ang pagdalangin para sa kanila, ang paghiling ng awa para sa kanila, at ang pag-alaala ng kamatayan at anumang matapos nito; at isinasabatas sa kanya rin ang pagbisita sa Masjid ng Qubbā' para magsagawa ng ṣalāh doon. Batay ito sa mga ḥadīth na nasaad kaugnay roon.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/78.

***

T: Inoobliga po ba sa mga tagapagsagawa ng ḥajj, mga lalaki man o mga babae, ang pagbisita sa libingan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ', sa Al-Baqī`, sa isang tao, at sa Masjid ng Qubbā' o sa mga lalaki lamang?

S: Hindi inoobliga sa mga tagapagsagawa ng ḥajj, mga lalaki man o mga babae, ang pagbisita sa libingan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa Al-Baqī`; bagkus ipinagbabawal ang paghahanda ng mga sasakyan papunta sa pagbisita sa mga libingan nang walang pasubali at ipinagbabawal iyon sa mga babae kahit pa man walang paghahanda ng mga sasakyan, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi inihahanda ang mga sasakyang hayop malibang papunta sa tatlong masjid: Masjid kong ito, Masjid na Pinakababanal, at Masjid na Pinakamalayo." Napagkaisahan ang katumpakan. Ito ay dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa mga babaing dumadalaw sa mga libingan. Nakasasapat sa mga babae na magdasal sa Masjid na Pampropeta at magparami ng pagdalangin ng basbas sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid at iba pa rito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Unang Kalipunan, 11/362.

***

T: Mayroon akong isang lalaking kapatid na nagsasagawa ng pagpapabisita sa mga tagapagsagawa ng ḥajj at mga tagapagsagawa ng `umrah kapag dumating sila sa amin sa Madīnah Munawwarah sa ilan sa mga binibisitahan. Ang ilan sa mga ito ay hindi ayon sa Batas. Kumukuha siya ng kapalit doon bilang upang pera na isinasakundisyon niya. Kaya ang gawain niyang iyon po ba ay pinapayagan ayon sa Batas?

S: Ang gawaing ito na isinasagawa ng kapatid mo, ang paghahatid sa mga tagapagsagawa ng ḥajj at mga tagapagsagawa ng `umrah sa mga lugar sa Madīnah ay hindi pinapayagan ang pagbisita sa mga iyon. Ito ay isang gawaing ipinagbabawal. Ang kinukuha niya kapalit niyon ay mula sa salaping kinita nang Haram. Kailangan sa iyo ang makipagpayuhan sa kanya sa pagwaksi ng gawaing ito.

Mga Fatwā ng Permanenteng Lupon – Ang Ikalawang Kalipunan, 10/390.

***