صفة العمرة لابن باز
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah
Ang May-akda:
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Matapos nito:
Ito ay isang pinaiksing polyeto tungkol sa mga gawain ng mga gawaing-pagsamba ng `umrah. Ukol sa mambabasa ang paglilinaw niyon:
Kapag dumating ang sinumang nagnanais magsagawa ng `umrah sa miqat, isinakaibig-ibig para sa kanya na maligo at maglinis ng sarili. Gayundin ang gagawin ng babae kahit pa man siya ay nireregla o dinurugo gayon pa man siya ay hindi magsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah hanggang sa madalisay siya at makapaligo siya.
Magpapabango ang lalaki sa katawan niya hindi sa mga kasuutan ng iḥrām niya. Kung hindi naging posible ang pagpaligo sa mīqāt, walang pagkaasiwa rito. Isinasakaibig-ibig na maligo siya kapag dumating siya sa Makkah bago magsagawa ng ṭawāf kapag naging posible iyon.
Mag-aalis ang lalaki ng lahat ng mga kasuutang tinahian at magsusuot siya ng isang tapis at isang balabal. Isinasakaibig-ibig na ang dalawang ito ay malinis na puti.
Hinggil naman sa babae, magsasagawa siya ng iḥrām sa mga kasuutan niyang nakahiratian (maliban sa niqāb, burqa`, at guwantes sapagkat maghuhubad siya ng mga ito at magtatakip ng mukha niya at mga kamay niya sa harap ng mga lalaking hindi maḥram sa pamamagitan ng iba pa sa mga ito na mga kasuutan) na walang gayak ni katanyagan.
Pagkatapos maglalayon siya ng pagpasok sa nusuk (gawaing pagsamba) sa pamamagitan ng puso niya at bibigkas sa pamamagitan ng dila niya habang nagsasabi ng: "Labbayka `umratan (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)" o "Allāhumma labbayka `umratan (O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)." Kung nangamba ang muḥrim na hindi siya makakaya ng pagganap ng gawaing pagsamba niya dahil sa pagiging siya ay maysakit o nangangamba sa isang kaaway niya at tulad nito, isinabatas sa kanya na magsakundisyon siya sa sandali ng pagsasagawa niya ng iḥrām kaya magsasabi siya: "Fa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥabasanī. (Kaya kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)" Batay ito sa hadith ni Ḍubā`ah bint Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya). [1] Assunan Al-Kubrā ni Imām Al-Bayhaqīy sa numero 10117.
Pagkatapos sasambit siya ng talbiyah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Labbayka -llāhumma labbayk. Labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)" "Labbayka -llāhumma labbayk. Labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)" Magpaparami ng pagsambit ng talbiyah na ito at ng pag-aalaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at pagdalangin sa Kanya hanggang sa makarating sa Bahay na Pinakababanal, ang Ka`bah.
(Magtataas ang mga lalaki ng mga tinig nila at magbababa naman ang mga babae ng mga tinig nila gaya ng ginawa ng mga Kasamahan – malugod si Allāh sa kanila.)
Kapag nakarating siya sa Bahay ni Allāh, puputulin niya ang pagsambit ng talbiyah. Pagkatapos magsasadya siya sa Batong Itim at haharap siya roon, pagkatapos hihipo siya niyon at hahalik siya roon kung naging posible iyon at hindi siya makapeperhuwisyo sa mga tao dahil sa pakikipagsiksikan. Magsasabi siya sa sandali ng paghipo niya sa Batong Itim ng: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar. (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila.)" Kung naging mahirap sa kanya ang paghalik, hihipo siya sa pamamagitan ng kamay niya o isang tungkod o tulad nito at hahalik siya sa nahipo nito. Kung naging mahirap ang paghipo niyon, ituturo niya iyon at magsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" at hindi niya hahalikan ang ipinanturo niya.
Isinasakundisyon sa katumpakan ng pagsasagawa ng ṭawāf ay na ang tagapagsagawa nito ay nasa isang kadalisayan mula sa maliit at malaking ḥadath dahil ang ṭawāf ay tulad ng ṣalāh bagamat pinayagan dito ang pagsasalita.
Idadako niya ang Ka`bah sa gawing kaliwang bahagi niya at magsasagawa siya ng ṭawāf nang pitong paglibot. Kapag natapat siya sa Rukn Yamānīy, hihipo siya roon ng kanang kamay niya kung naging posible ito, magsasabi siya ng: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila)," at hindi siya hahalik doon. Kung naging mahirap sa kanya ang paghipo niyon, iiwan niya iyon. Magpapatuloy siya sa pagsasagawa ng ṭawāf niya, hindi siya magtuturo niyon, at hindi siya sasambit ng takbīr dahil ang gawaing iyon ay hindi naiparating buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hinggil naman sa Batong Itim, sa tuwing matatapat siya roon, hihipo siya roon at hahalikan iyon, gaya ng naunang nabanggit natin, at kung hindi naman, ituturo niya iyon at sasambit siya ng takbīr. Isinasakaibig-ibig ang raml – ang pagpapabilis sa paglalakad kasama ng paglalapitan ng mga hakbang – sa tatlong unang paglibot ng ṭawāf ng pagdating para sa lalaki, lalo na. Isinasakaibig-ibig ang raml – ang pagpapabilis sa paglalakad kasama ng paglalapitan ng mga hakbang – sa tatlong unang paglibot ng ṭawāf ng pagdating para sa lalaki, lalo na.
Isinasakaibig-ibig din para sa lalaki na magsagawa ng iḍṭibā` sa pagsasagawa ng tawaf ng pagdating sa lahat ng mga paglibot. Ang iḍṭibā` ay ang maglagay ng kalagitnaan ng balabal sa ilalim ng kanang kilikili at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kanang balikat. Ang iḍṭibā` ay ang maglagay ng kalagitnaan ng balabal sa ilalim ng kanang kilikili at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kanang balikat.
Isinasakaibig-ibig ang pagpaparami ng pagsambit ng dhikr at panalangin ng anumang naging posible sa lahat ng mga paglibot.
Sa pagsasagawa ng ṭawāf ay walang panalanging itinangi ni dhikr na itinangi; bagkus mananalangin at sasambit ng dhikr kay Allāh ng anumang naging posible na mga dhikr at mga panalangin at magsasabi sa pagitan ng dalawang panulukan [ng Rukn Yamānīy at Batong Itim]: "Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" (Qur'ān 2:201) Sa bawat paglibot ito dahil iyon ay napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Wawakasan ang ikapitong paglibot sa paghipo sa Batong Itim at paghalik doon kung naging posible ito o pagturo roon kasama ng pagsambit ng takbīr alinsunod sa pagdedetalyeng nabanggit kanina. Matapos ng pagkasagawa ng ṭawāf na ito, magsusuot ng balabal: maglalagay nito sa magkabilang balikat at ng magkabilang dulo nito sa dibdib.
Pagkatapos magsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah sa likuran ng Maqām Ibrāhīm kung naging posible iyon; ngunit kung hindi nakaya iyon, magsasagawa nito sa alinmang puwesto ng Masjid na Pinakababanal. Bibigkas sa dalawang rak`ah, matapos ng Al-Fātiḥah, ng Sūrah Al-Kāfirūn sa unang rak`ah at ng Sūrah Al-Ikhlāṣ sa ikalawang rak`ah. Ito ay ang pinakamainam. Kung bumigkas ng iba pa sa dalawang ito, walang masama. Pagkatapos matapos magsagawa ng taslīm ng dalawang rak`ah, magsasadya sa Batong Itim kung naging posible iyon. ng Sūrah Al-Kāfirūn (Qur'ān 109:1-6) sa unang rak`ah at ng Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112:1-4) sa ikalawang rak`ah. Ito ay ang pinakamainam. Kung bumigkas ng iba pa sa dalawang ito, walang masama. Pagkatapos matapos magsagawa ng taslīm ng dalawang rak`ah, magsasadya sa Batong Itim kung naging posible iyon. Ibinibilang na sunnah matapos ng ṣalāh ng dalawang rak`ah ng ṭawāf ang pag-inom ng tubig ng Zamzam kung naging posible ito.
Pagkatapos lalabas papunta sa Ṣafā, saka aakyat doon o tatayo sa tabi niyon [para magsagawa ng sa`y]. Ang pag-akyat ay higit na mainam kung naging posible ito. Bibigkas ng sabi ni Allāh: "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh. (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh.)" (Qur'ān 2:158)
Isinasakaibig-ibig na humarap sa qiblah, magpuri kay Allāh, magdakila sa Kanya (magsabi ng Allāhu akbar), at magsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu. Anjaza wa`dahu, wa-naṣara `abdahu, wa-hazama -l'aḥzāba waḥdah. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Tumupad Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa Lingkod Niya, at gumapi Siya sa mga magkakampi [laban sa Islām] nang mag-isa.)" Pagkatapos mananalangin ng anumang naging posible habang nag-aangat ng mga kamay. Mag-uulit ng panalangin at dhikr na ito nang tatlong ulit. "Allāhu akbar. Allāh akbar. Lā ilāha illa -llāhu. Allāhu akbar. Allāh akbaru wa-lillāhi -lḥamd. Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdah. Anjaza wa`dah, wa-naṣara `abdah, wa-hazama -l'aḥzāba waḥdah." (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Walang Diyos kundi si Allāh. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila at ukol kay Allāh ang papuri. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Gumanap Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa lingkod Niya, at tumalo Siya sa mga lapian nang mag-isa.)"[2] Mananalangin siya ng anumang naging posible na panalangin. Pagkatapos mag-uulit-ulit siya ng dhikr at panalangin nang tatlong ulit. Ganyan ang Sunnah na ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakaharap sa qiblah. Pagkatapos bababa saka maglalakad papunta sa Marwah hanggang makarating sa unang palatandaan, saka magmamabilis ang lalaki sa paglakad hanggang sa makarating sa ikalawang palatandaan. [2] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero: 1218.
Hinggil naman sa babae, hindi isinasabatas sa kanya ang pagmamabilis dahil siya ay `awrah. Pagkatapos maglalakad saka aakyat sa Marwah o tatayo sa tabi nito. Ang pag-akyat ay higit na mainam kung naging posible ito. Gagawin sa Marwah kung paano ang sinabi at ginawa sa Ṣafā. Pagkatapos bababa saka maglalakad sa puwesto ng paglakad at magmamabilis sa puwesto ng pagmamabilis hanggang sa makarating sa Ṣafā. Gagawin iyon nang pitong ulit. Ang pagpunta niya ay isang bilang ng pagparoon at ang pagbalik niya ay isang bilang ng pagparoon. Kung nagsagawa ng sa`y habang nakasakay, walang kaasiwaan dito higit sa lahat sa sandali ng pangangailangan. Ang sinumang nagsagawa ng sa`y habang nakasakay ay wala namang kaasiwaan dito, higit sa lahat sa sandali ng pangangailangan. Isinasakaibig-ibig na magparami sa pagsasagawa ng sa`y ng pagsambit ng dhikr at pagdalangin ng anumang naging posible, at na maging nakapagdalisay mula sa malaki at maliit na ḥadath.
Isinasakaibig-ibig na magparami sa pagsasagawa ng sa`y ng pagsambit ng dhikr at pagdalangin na anumang naging posible at na maging nakapagdalisay mula sa malaki at maliit na ḥadath. Kung sakaling nagsagawa ng sa`y sa hindi kadalisayan, sasapat sa kanya iyon.
Kapag nakumpleto ang sa`y, magpapaahit ang lalaki ng ulo niya o magpaikli ng buhok niya. Ang pagpapaahit ay higit na mainam. Kapag ang pagdating niya sa Makkah ay naging malapit sa oras ng pagsasagawa ng ḥajj, ang pagpapaikli ng buhok sa panig niya ay higit na mainam upang makapagpaahit siya ng natitira sa buhok ng ulo niya sa ḥajj. Hinggil naman sa babae, pagkukumpulin ang buhok niya at gugupitin mula sa dulo nito ang singhaba ng isang pulgada. Kapag ginawa ng muḥrim ang nabanggit, nalubos na ang `umrah niya – ang papuri ay ukol kay Allāh – at ipinahintulot na sa kanya ang bawat bagay na ipinagbawal sa kanya dahil sa iḥrām. (Hindi nagsagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagwawakas ng `umrah. Kaya naman ang sinumang umibig sa kanya ay gagawa ng tulad sa kanya.) {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.} (Qur'ān 33:21)
Magtuon nawa sa atin sa tama si Allāh at sa nalalabi sa mga kapatid nating mga Muslim para sa pag-unawa sa Relihiyon Niya at pagpapakatatag dito at tumanggap nawa Siya mula sa lahat; tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay galante, mapagbigay.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, Sugo Niya, at Propeta nating si Muḥammad; ang mag-anak niya; ang mga Kasamahan niya; at ang mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
Isang pinaiksing polyeto ng mga gawain ng mga gawaing-pagsamba ng `umrah, na inilabas mula sa opisina ng Kanyang Kabunyian noong 13/2/1416 H (Hulyo 11, 1995). (Kalipunan ng mga Fatwā at mga Lathalain ni Shaykh Ibnu Bāz, 17/425.)