كيفية صلاة النبي - صلى الله عليه وسلم -

كيفية صلاة النبي - صلى الله عليه وسلم -

Ang Pamamaraan ng Ṣalāh ng Propeta

Language: lang_tl
Prepared by: Ang Kanyang Kabunyian Shaykh `Abdul`azīz bin `Abdillāh bin Bāz
Version: 2.1
Translations 74
Afrikanns Amharic Assamese Azerbaijani +70
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Ang Pamamaraan ng Ṣalāh ng Propeta

Ang Kanyang Kabunyian Shaykh

`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain

Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay sa Lingkod Niya at Sugo Niya, na Propeta nating si Muḥammad, mag-anak niya, at mga Kasamahan. Sa pagsisimula,

Ang mga ito ay mga pinaikling pangungusap sa paglilinaw sa paraan ng pagsasagawa ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagnais akong maghain nito sa bawat Muslim at Muslimah upang magsipag ang bawat sinumang makabatid nito sa pagtulad sa kanya roon batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo sa akin habang nagdarasal ako."[1] Ukol sa mambabasa ang paglilinaw niyon: (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero: 605.)

1. Maglulubus-lubos siya sa pagsasagawa ng wuḍū': nagsasagawa siya ng wuḍū' gaya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh bilang paggawa sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – magpahid kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong.}[2] (Qur'ān 5:6) Āyah:

Ang sabi naman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tinatanggap ang isang ṣalāh nang walang pagpapakadalisay."[3] (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero: 224.)

Ang sabi pa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nagpapasagwa sa ṣalāh nito: "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal ay maglubus-lubos ka ng pagsasagawa ng wuḍū'."[4] (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero: 5782.)

2. Dadako ang tagapagsagawa ng ṣalāh sa harap ng qiblah, ang Ka`bah, saan man siya kalakip ng buong katawan niya habang nagpapakay sa puso niya ng pagsasagawa ng ṣalāh na ninanais niya na tungkulin o kusang-loob. Hindi siya bibigkas sa dila niya ng layunin (nīyah) dahil ang pagbigkas sa dila ay hindi isinasabatas; bagkus isang bid`ah dahil sa pagiging ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi bumigkas ng layunin ni ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila). Maglalagay siya para sa kanya ng isang sutrah (pantabing), na magdarasal siya paharap doon kung siya ay isang imām o isang munfarid. Ang pagharap sa qiblah ay isang kundisyon sa pagsasagawa ng ṣalāh, maliban sa mga di-nasasaklawang nalalamang naipaliwanag na usapin sa mga aklat ng mga alagad ng kaalaman.

3. Magsasagawa siya ng takbīratul'iḥrām (takbīr ng pagpapasimula) habang nagsasabi: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" habang tumututok ng paningin niya sa lugar ng pagpapatirapa niya.

4. Mag-aangat siya ng mga kamay niya sa sandali ng pagsasagawa ng takbīr tungo sa tapat ng mga balikat niya o tungo sa kapantay ng mga tainga niya.

5. Maglalagay siya ng mga kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya: ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay niya, ng pupulsuhan at braso, dahil sa katibayan niyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

6. Itinuturing na sunnah na bumigkas ng du`ā' istiftāḥ (panalangin ng pagbubukas): "Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī min khaṭāyāya kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi. Allāhumma -ghsil khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian ko kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin ng mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at granizo.)"[5] [4] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 744 at Imām Muslim sa numero 598.

Kung loloobin niya, magsasabi siya sa halip niyon ng: Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdik. Wa-tabāraka -smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. Napakamapagpala ang pangalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)[6] Kung sasambit siya ng iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga pagbubukas na matibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), wala namang masama. Ang pinakamainam ay gumawa siya nito minsan at niyan minsan dahil iyon ay higit na kumpleto sa pagsunod. Pagkatapos magsasabi siya ng: "A`ūdhu bi-llāhi mina -shshayṭāni -­rrajīm. Bismi -llāhi -rraḥmān -rraḥīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa. Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)" Bibigkas siya ng Sūrah Al-Fātiḥah batay sa sabi ng Propeta: "Walang ṣalāh para sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."[7] Magsasabi siya matapos nito ng āmīn nang hayagan sa ṣalāh na binibigkas nang hayagan at nang patahimik sa ṣalāh na binibigkas ng patahimik. Pagkatapos bibigkas siya ng naging posible sa kanya mula sa Qur'ān. Ang pinakamainam ay na bumigkas siya, matapos ng Al-Fātiḥah, sa ḍ̆uhr, `aṣr, at `ishā' mula sa katamtaman sa mga sūrah; sa fajr mula sa mahahaba sa mga ito; at sa maghrib mula sa mahahaba sa mga ito minsan at mula sa maiiksi sa mga ito minsan bilang pagsasagawa ayon sa mga ḥadīth na nasasaad kaugnay roon. (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 399.) (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 756.)

7. Yuyukod siya habang nagsasagawa ng takbīr habang nag-aangat ng mga kamay niya tungo sa tapat ng mga balikat niya o mga tainga niya, habang nagpupuwesto ng ulo niya nang kapantay ng likod niya, habang naglalagay ng mga kamay niya sa mga tuhod niya, habang nagpahiwa-hiwalay ng mga daliri niya at napapanatag siya sa pagkakayukod niya. Magsasabi siya: "Subḥāna rabbiya -l`aḍ̆īm. (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila.)" Ang pinakamainam ay na mag-ulit siya nito nang tatlong ulit o higit pa at isinasakaibig-ibig na magsabi siya kasama niyon ng: Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.) (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 817 at Imām Muslim sa numero 484.)

8. Mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod habang nag-aangat ng mga kamay niya tungo sa tapat ng mga balikat niya o mga tainga niya, habang nagsasabi: Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Duminig si Allāh sa sinumang pumuri sa Kanya.) Ito ay kung siya ay imām o munfarid. Magsasabi naman siya sa sandali ng pagkatayo niya ng: Rabbanā wa-laka ­-lḥamdu ḥamdan kathīran ṭayyibam mubārakan fīhi mil'a -ssamāwāti wa-mil'a -l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri bilang papuring maraming kaaya-ayang mapagpala rito ng kasing puno ng mga langit, kasing puno ng lupa, at kasing puno ng anumang niloob Mo na bagay matapos niyon.)"[9] (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 711 at Imām Muslim sa numero 598.)

Hinggil naman sa kung siya ay ma'mūm, tunay na siya ay magsasabi sa sandali ng pagkaangat ng: "Rabbanā wa-laka ­-lḥamdu ..." hanggang sa hulihan ng naunang nabanggit. Kung magdaragdag ang bawat isa sa kanila – tinutukoy ko ang imām, ang ma'mūm, at ang munfarid – ng: "Ahla –ththanā'i wa-lmajdi, aḥaqqu mā qāla -l`abdu wa-kullunā laka `abd: Allāhumma lā māni`a limā 'a`ṭayta wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta wa-lā yanfa`u dha -ljaddi minka -ljadd. (Marapat sa pagbubunyi at karingalan, ang pinakakarapat-dapat sa sinabi ng lingkod at lahat kami ay lingkod Mo: O Allāh, walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo, at hindi makapagpapakinabang sa may yaman ang yaman laban sa Iyo.)" ito ay maganda dahil sa katibayan niyon buhat sa Propeta. (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 477.)

Isinasakaibig-ibig na maglagay ang bawat isa sa kanila – tinutukoy ko ang imām, ang ma'mūm, at ang munfarid – ng mga kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya gaya ng ginawa niya sa pagkakatayo niya bago ng pagyukod dahil sa katibayan ng nagpapatunay roon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa ḥadīth nina Wā'il bin Ḥujr at Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

9. Magpapatirapa siya habang nagsasagawa ng takbīr habang naglalapag ng mga tuhod niya bago ng mga kamay niya kapag naging posible iyon para sa kanya. Kung naging mahirap iyon sa kanya, mag-uuna siya ng mga kamay niya bago ng mga tuhod niya habang nakaharap, kasama ng mga daliri ng mga paa niya at mga kamay niya, sa qiblah habang nagdidikit ng mga daliri ng mga kamay niya habang nag-uunat ng mga ito. Siya ay magiging nakapatirapa sa pitong bahagi ng katawan niya: ang noo kasama ng ilong, ang mga kamay, ang mga tuhod, at ang ilalim ng mga daliri ng mga paa. Magsasabi siya ng: "Subḥāna rabbiya -l'a`alā. (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas.)" Itinuturing na sunnah na magsabi siya niyon nang tatlong ulit o higit pa at isinasakaibig-ibig na magsabi siya kasama niyon ng: Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.) Magpaparami siya ng panalangin batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "Hinggil naman sa pagyukod, magdakila kayo rito sa Panginoon. Hinggil naman sa pagpapatirapa, magmasipag kayo sa pagdalangin sapagkat angkop na tugunin kayo."[11] (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 479.)

Hihiling siya sa Panginoon niya mula sa mabuti ng Mundo at Kabilang-buhay, maging ang ṣalāh man ay tungkulin o kusang-loob. Magpapahiwalay siya ng mga mataas na braso niya palayo sa mga tagiliran niya, ng tiyan niya palayo sa mga hita niya, at ng mga hita niya palayo sa mga binti niya; at mag-aangat siya ng mga mababang braso niya palayo sa lapag, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumuwid kayo sa pagpatirapa at huwag maglatag ang isa sa inyo ng mga mababang braso niya gaya ng pagkalatag ng aso."[12] (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 788 at Imām Muslim sa numero 493.)

10. Mag-aangat siya ng ulo niya habang nagsasagawa ng takbīr. Maglalatag siya ng kaliwang paa niya at uupo siya rito. Magtutukod siya ng kanang paa niya at maglalagay siya ng mga kamay niya sa ibabaw ng mga hita niya at mga tuhod niya. Magsasabi siya ng: "Rabbi –ğfir lī, wa-rḥamnī, wa-hdinī, wa-rzuqnī, wa-`āfinī, wajburnī. (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, pumatnubay Ka sa akin, magtustos Ka sa akin, at magpagaling Ka sa akin, at magpahalaga Ka sa akin.)"[13] Mapapanatag siya sa pag-upong ito. (Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy sa numero 284, Imām Abū Dāwud sa numero 850, at Imām Ibnu Mājah sa numero 898.)

11. Magpapatirapa siya ng ikalawang pagkapatirapa habang nagsasagawa ng takbīr. Gagawin niya rito ang gaya ng ginawa niya sa unang pagkapatirapa.

12. Mag-aangat siya ng ulo niya habang nagsasagawa ng takbīr. Uupo siya nang saglit na pagkaupo gaya ng pagkaupo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa. Tinatawag ito na pagkaupo ng pamamahinga. Ito ay isinasakaibig-ibig. Kung iiwan ito, wala namang kaasiwaan sa kanya. Wala ritong dhikr at walang panalangin. Pagkatapos babangon siya patayo patungo sa ikalawang rak`ah habang sumasandal sa mga tuhod niya kung naging posible para sa kanya iyon. Kung naging mahirap iyon sa kanya, sasandal siya sa lapag. Pagkatapos bibigkas siya ng Al-Fātiḥah at ng anumang naging posible para sa kanya mula sa Qur'ān matapos ng Al-Fātiḥah. Pagkatapos gagawin niya ang gaya ng ginawa niya sa unang rak`ah.

13. Kapag ang salah ay dalawahan – ibig sabihin: tigdalawang rak`ah – gaya ng salah sa fajr, Biyernes, at `īd, uupo matapos ng ikalawang pagkapatirapa habang nakatukod ang kanang paa habang nakalatag ang kaliwang paa habang nakalapag ang kanang kamay niya sa ibabaw ng kanang hita niya habang nakakuyom ang mga daliri sa kalahatan ng mga ito maliban sa hintuturo sapagkat nagpapahiwatig sa pamamagitan nito ng Tawḥīd. Kung ikinuyom ang hinliliit at ang hinsisingsing ng kanang kamay, binilog ang hinlalaki nito kasama ng hingigitna, ipinanturo ang hintuturo, maganda ito dahil sa katibayan ng dalawang paraan buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang pinakamainam ay gumawa siya nito minsan at niyan minsan. Maglalapag siya ng kaliwang kamay niya sa ibabaw ng kaliwang hita niya at tuhod niya. Pagkatapos bibigkasin niya ang Tashahhud sa pag-upong ito: Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sumaatin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.) Pagkatapos magsasabi siya: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"[14] (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 797 at Imām Muslim sa numero 402.)

Hihiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa apat kaya magsasabi siya: Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi jahannam, wa-min `adhābil lqabri, wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min sharri fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa tukso ng pagkabuhay at pagkamatay, at laban sa kasamaan ng tukso ng Bulaang Kristo.)[15] (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1311 at Imām Muslim sa numero 588.)

Pagkatapos mananalangin siya ng anumang niloloob niya mula sa mabuti ng Mundo at Kabilang-buhay. Kapag dumalangin siya para sa mga magulang niya o iba pa sa kanilang dalawa kabilang sa mga Muslim, wala namang masama, maging ang ṣalāh man ay tungkulin o kusang-loob, dahil sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh dito) noong itinuro niya rito ang Tashahhud: "Pagkatapos mamili siya ng panalangin na nagpahanga sa kanya saka mananalangin siya."[16] Sa ibang pananalita: "Pagkatapos pumili siya ng paghiling na niloob niya."[17] (Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy sa numero 1298.) (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 402.)

Ito ay sumasaklaw sa lahat ng hinihipan ng tao sa Mundo at Kabilang-buhay. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa gawing kanan niya at kaliwa niya habang nagsasabi: "As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)" at "As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)"

Kung ang ṣalāh ay tatluhang rak`ah gaya ng maghrib o apatang rak`ah gaya ng ḍ̆uhr, `aṣr, at `ishā', bibigkasin niya ang Tashahhud na nabanggit kanina kasama ng panalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos babangon siya patayo habang sumasandal sa mga tuhod niya, habang nag-aangat ng mga kamay niya tungo sa tapat ng mga balikat niya o mga tainga niya habang nagsasabi: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)." Maglalagay siya ng mga ito – ibig sabihin: mga kamay niya – sa ibabaw ng dibdib niya gaya ng naunang ginawa niya. Bumibigkas siya ng Al-Fātiḥah lamang. Kung bibigkas siya sa ikatlo at ikaapat na rak`ah ng ḍ̆uhr ng isang karagdagan sa Al-Fātiḥah sa ilan sa mga pagkakataon, wala namang masama dahil sa katibayan ng nagpapatunay roon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa ḥadīth ni Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya). Kung iiwanan niya ang panalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng Unang Tashahhud, wala namang masama dahil ito ay isinakaibig-ibig at hindi kinakailangan sa Unang Tashahhud. Pagkatapos sumasambit siya ng tashahhud matapos ng ikatlong rak`ah ng maghrib at matapos ng ikaapat na rak`ah ng ḍ̆uhr, `aṣr, at `ishā' gaya ng naunang pagbanggit niyon sa ṣalāh na dalawahang rak`ah. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa gawing kanan niya at kaliwa niya at hihingi siya ng tawad kay Allāh nang tatlong ulit. Pagkatapos magsasabi siya: Allāhumma anta -ssalāmu wa-minka -ssalām. Tabārakta yā dha -ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O tagapagtaglay ng kapitaganan at pagpaparangal.)[18] Bago siya bumaling sa mga tao kung siya ay imām, pagkatapos magsasabi siya: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha -ljaddi minka -ljadd. Lā ilāha illa -llāh wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu -nni`matu wa-lahu -lfaḍlu wa-lahu -ththanā'u -lḥasan. Lā ilāha illa -llāhu mukhliṣīna lahu -ddīna wa-law kariha -lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. O Allāh, walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo at hindi makapagpapakinabang sa may yaman ang yaman laban sa Iyo. Walang Diyos kundi si Allāh at hindi tayo sumasamba kundi sa Kanya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh, habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.) (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 591.) (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 402.)

At magluluwalhati siya kay Allāh nang 33 ulit, nagpupuri siya sa Kanya nang tulad ng bilang na iyon, nagdadakila siya sa Kanya nang tulad ng bilang na iyon, at nagsasabi siya sa kalubusan ng isang daan: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" Bumibigkas siya ng Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255), Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112), Sūrah Al-Falaq (Qur'ān 113), at Sūrah An-Nās (Qur'ān 114) matapos ng bawat ṣalāh. Isinasakaibig-ibig ang pag-uulit ng tatlong sūrah na ito nang tigtatlong ulit matapos ng ṣalāh na fajr at ṣalāh na maghrib dahil sa pagkakasaad ng mga ḥadīth hinggil dito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang lahat ng mga dhikr na ito ay sunnah at hindi tungkulin.

Isinasabatas para sa bawat Muslim at Muslimah na magdasal ng apat na rak`ah (tigdadalawang rak`ah) bago ng ṣalāh na ḍ̆uhr at ng dalawang rak`ah matapos nito, ng dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na maghrib, ng dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na `ishā', at ng dalawang rak`ah bago ng ṣalāh na fajr. Ang lahat ay labindalawang rak`ah. Ang mga rak`ah na ito ay tinatawag na mga rātibah dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapanatili noon ng mga ito habang namamayan siya. Hinggil naman sa paglalakbay, siya noon ay nag-iiwan ng mga ito maliban sa ṣalāh na sunnah sa fajr at witr sapagkat tunay na siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagpapanatili sa dalawang ito sa pamamayan at sa paglalakbay. Ang pinakamainam ay na magdasal ng mga rātibah na ito at witr sa bahay; ngunit kung nagdasal siya ng mga ito sa masjid, wala namang masama batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na ṣalāh ng lalaki ay sa bahay niya maliban sa ṣalāh na isinatungkulin."[20] (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero: 6860.)

Ang pagpapanatili sa pagdarasal ng mga rak`ah na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng labindalawang rak`ah sa isang araw at isang gabi, may ipinatayo para sa kanya dahil sa mga ito na isang bahay sa Paraiso."[21] (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 728.)

Kung magdarasal sila ng apat na rak`ah na kusang-loob bago ng `aṣr, ng dalawang rak`ah bago ng ṣalāh na maghrib, at ng dalawang rak`ah bago ng ṣalāh na `ishā', maganda naman dahil may natumpak na ulat buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagpapatunay roon. Kung nagdasal siya ng apat na rak`ah matapos ng ṣalāh na ḍ̆uhr at apat na rak`ah bago nito, maganda naman batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpanatili sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."[22] Ang kahulugan ay na siya nagdaragdag sa sunnah rātibah ng dalawang rak`ah matapos ng ḍ̆uhr dahil ang sunnah rātibah ay apat na rak`ah bago nito at dalawang rak`ah matapos nito. Kapag nagdagdag siya ng dalawang rak`ah matapos nito, mangyayari ang binanggit sa ḥadīth ni Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya). (Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad sa numero 25547, Imām At-Tirmidhīy sa numero 393, Imām Abū Dāwud sa numero 1077.)

Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad bin `Abdillāh; ang mag-anak niya; ang mga Kasamahan niya; at ang mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.