من الأحكام الفقهية في الطهارة والصلاة والجنائز

من الأحكام الفقهية في الطهارة والصلاة والجنائز

جمع المؤلف في هذا المؤلف ما تيسر كتابته مختصرًا من الأحكام الفقهية في أبواب الطهارة والصلاة والجنائز، معتمدًا فيه على ما جاء في كتاب الله تعالى وما صح عن رسول الله صلى الله عليه وسلم.

Language: lang_tl
Prepared by: Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Version: 2.0
Translations 13
Bengali English Persian French +9
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Ilan sa mga Patakarang Pang-Fiqh sa Pagdadalisay, Pagdarasal, at Paglilibing

Akda ng Kagalang-galang na Shaykh `Allāmah

Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn

Magpatawad nawa si Allāh sa kanya, sa mga magulang niya, at sa mga Muslim.

Ang Panimula

Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagbabalik-loob tayo sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at laban sa mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya – basbasan Niya ito, ang mag-anak nito, ang mga Kasamahan nito, at ang mga tagasunod sa kanila sa paggawa ng maganda, at pangalagaan nang pangangalagang palagi. Sa pagsisimula,

Tunay na ang pagsamba ay hindi nalulubos at hindi tinatanggap hanggang sa ito ay maging nakabatay sa dalawang pangunahing bagay: ang pagpapakawagas kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang pakikipagsunuran sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, ...} (Qur'ān 98:5) Ang pagpapakawagas kay Allāh ay na magpakay sa gawain ng kaluguran ng mukha ni Allāh (napakataas Siya) at pagsasakatuparan ng utos Niya. Ang pakikipagsunuran sa Sugo ni Allāh ay na magbatay ng gawain sa inihatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nang hindi nagdaragdag dito at hindi nagbabawas buhat dito. Hindi nalulubos ang pagkasakatotohanan niyon kundi sa pamamagitan ng pag-alam sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Dahil dito, naging bahagi ng lubhang mahalaga na magsigasig ang tao na ang mga pagsamba niya sa kalahatan ng mga ito ay maging ayon sa patunay mula sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya) at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) upang siya ay maging nagpapakamananamba kay Allāh batay sa isang pagkatalos, na napapanatag sa kaligtasan ng daan na tinatahak niya sa pagsamba niya, na gumugunita sa pamumuno ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanya sa gawain niya at na siya naman ay tagasunod dito; at upang madagdagan ang pag-ibig niya kay Allāh at sa Sugo Nito at makaramdam siya ng pagpapakalapit-loob niya kay Allāh (napakataas Siya) dahil sa gawaing ito. {Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, ...} (Qur'ān 98:5)

Alamin niya na ang kabilang sa mga pagsamba ang ginagawa sa sarisaring paraan lalo na ang mga pagsambang nauulit-ulit gaya ng wudu, ghusl, at salah.

Ang kasanhian doon - at si Allah ay higit na maalam - ay mula sa maraming punto:

Ang Una: Ang pagpapadali sa naaatangan ng tungkulin upang makapamili siya sa mga uring iyon at upang maging sumusunod sa alinmang uring ginawa niya at pinili niya.

Ang Ikalawa: Ang pag-iwas sa panghihinawa at pagkasawa dahil sa pananatili sa iisang uri.

Ang Ikatlo: Ang pagkilos ng puso at ang kasiglahan nito sa pagsasakatotohanan sa pagsamba dahil siya, kapag namalagi sa iisang uri, masasanay siya rito hanggang sa ito ay maging gaya ng gawi. Dahil doon, makatatagpo ka sa kanya, kapag nagpatuloy siya roon, na marahil nagsasabi nito o gumagawa nito sa punto na hindi na niya nararamdaman. Kapag naman nagpapalipat-lipat siya mula sa isang uri sa iba pang uri, tunay na ang puso ay kumikilos at sumisigla sa pagpapakay ng pagpapakamananamba, pagsasakatotohanan ng pagsamba kay Allāh (napakataas Siya), at pagtulad sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Nagkaiba-iba nga ang mga maalam (kaawaan sila ni Allāh) sa uring ito ng mga pagsamba kung ang pinakamainam kaya ay na manatili sa iisang uri mula sa mga ito saka pipiliin ang pinakamasaklaw sa mga ito o ang pinakatumpak sa mga ito o ang tulad niyan at magpatuloy rito; o ang pinakamainam na gumawa ng ganito minsan at ng ganyan minsan?

Ang matimbang ay na ang pinakamainam ay na magsagawa ng ganito minsan at ng ganyan minsan upang matamo sa kanya ang paggawa ng dalawang uri at malubos sa kanya ang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) maibang kapag ang pagkakauri-uri ay dahil sa kaangkupan ng isang kalagayang natatangi sa isa sa dalawa sapagkat maglilimita siya sa naaangkop na uring iyon, tulad ng ilan sa mga uri ng ṣalāh ng pangamba (ṣalāh khawf).

Kabilang sa nasaad sa mga sarisaring uri at napaloloob sa panuntunang ito ang ilan sa mga patakaran ng ṭahārah at mga porma ng pagsasagawa ng ṣalāh at mga sinasabi rito.

Naisagawa na ang pagtipon ng ilan sa naisaposibleng isulat nang maiksi o repasuhin mula sa mga patakarang pang-Fiqh sa mga kategorya ng ṭahārah,§ ṣalāh, at paglilibing, habang sumasalig dito sa nasaad sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya) o napagtibay ang katumpakan buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Humihiling tayo kay Allāh (napakataas Siya) na gumawa Siya sa gawain natin bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at na gumawa Siya roon bilang pag-iingat sa Palabatasan Niya at bilang pakinabang para sa mga lingkod Niya; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya at Sugo Niyang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya nang lahatan, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn

Ang Unang Parte: Ang Ṭahārah

Ang Wuḍū'

Ang Ghusl

Ang Tayammum

Ang Pagpahid sa Khuff

Ang Pagpahid sa Turban

Ang Pagpahid sa Balantik

Ang Wuḍū'

Ang wuḍū' ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng paghuhugas ng apat na bahagi ng katawan ayon sa paraang itinatangi.

Ito ay kinakailangan sa bawat muḥdith§ kapag nagnais siya na magsagawa ng ṣalāh, batay sa sabi ni Allāh: {O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, ng mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – magpahid kayo sa mga ulo ninyo – at ng mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong.} (Qur'ān 5:6)

Ito ay isang kundisyon para sa katumpakan nito at pagkatanggap nito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy at ang iba pa sa kanya mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).[1] [1] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Ḥīl, Bāb Fī Aṣ-Ṣalāh, numero 6954; at Imām Muslim sa Ṭahārah Al-Ḥajj, Bāb Wujūb Aṭ-Ṭahārah Li-ṣ-Ṣalāh, numero 225.

Kabilang sa nasaad kaugnay sa kainaman ng wudu:

Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang kabilang sa inyo na isang nagsasagawa ng wuḍū' saka naglubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi ng: "Ashadu an lā ilāha illa -llāh, wa-anna muḥammadan `abdu -llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya)," malibang bubuksan para sa kanya ang walong pintuan ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}[2] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Adh-Dhikr Al-Mustaḥabb `Aqba Al-Wuḍū', numero 234, Dūwna Qawlihi: "Allāhumma -j`alnī mina -ttawwābīna wa-j`alnī mina -lmutaṭahhirīn. (O Allāh, gawin Mo ako kabilang sa mga tagapagbalik-loob at gawin Mo ako kabilang sa mga nagpapakadalisay.)" Nagtala nga nito si Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Fīmā Yuqāl Ba`da Al-Wuḍū', numero 55.

Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.[3] [3] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Khurūj Al-Khaṭāyā Ma`a Mā' Al-Wuḍū', numero 245.

Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang paglubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū‘ sa mga kinasusuklamang sandali, ang pagpapagana ng paghakbang papunta sa mga masjid, at ang paghihintay sa ṣalāh matapos ng [naunang] ṣalāh ay naghuhugas ng mga kamalian talaga."}[4] [8] Nagtala nito sina Abū Ya`lā sa numero 488; Al-Bazzār: 2/161, sa numero 528; at Al-Ḥākim sa Al-Mustadrak: 1/132.

* Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Wuḍū'

1. Na maglayon siya sa puso niya – nang walang pagbigkas ng layunin – ng pagpawi ng ḥadath o pagsasagawa ng wuḍū' para sa anumang isinasabatas sa kanya gaya ng pagsasagawa ng ṣalāh dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nakaaalam ng nasa puso niya at dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi bumigkas ng layunin sa pagsasagawa ng wuḍū' niya ni ng ṣalāh niya ni ng anupaman sa mga pagsamba niya.

2. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)."

3. Pagkatapos maghuhugas siya ng mga kamay niya nang tatlong ulit.

4. Pagkatapos magmumumog siya, sisinghot ng tubig, at magsisinga nito nang tigtatlong ulit sa tatlong pagsalok.

5. Pagkatapos maghuhugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit. Ang hangganan ng mukha ay mula sa nakahiratiang tinutubuan ng buhok sa ulo hanggang sa ibaba ng balbas at baba pahaba, at mula sa kanang tainga hanggang sa hangganan ng kaliwang tainga pahalang.

6. Pagkatapos maghuhugas siya ng kamay at braso niya mula sa mga dulo ng daliri hanggang sa mga siko nang tatlong ulit. Ang mga siko ay napaloloob sa paghuhugas.

7. Pagkatapos magpapahid siya sa ulo niya ng mga kamay niya nang iisang ulit. Babasain niya muna ang mga kamay at magsimula siya sa unahan ng ulo niya hanggang sa magwakas sa batok niya, pagkatapos magpapabalik siya ng mga ito hanggang sa bahaging pinagsimulan niya. Ang ulo ay ang tinutubuan ng buhok mula sa hangganan ng mukha mula sa harapan hanggang sa pinakamataas na bahagi ng leeg mula likuran, at ang nasa pagitan ng mga tainga ng kanan at kaliwa.

8. Pagkatapos magpapahid siya sa mga tainga niya nang iisang ulit. Magpapasok siya ng mga hintuturo niya sa mga bukana ng daanan ng pandinig ng mga ito, ang mga butas ng pandinig, habang naghahaplos ng mga hinlalaki niya sa likod ng mga tainga.

9. Pagkatapos maghuhugas siya ng kanang paa niya, pagkatapos kaliwang paa, mula sa mga dulo ng mga daliri ng paa hanggang sa mga bukungbukong nang tatlong ulit. Ang mga bukungbukong ay napaloloob sa paghuhugas. Ang mga ito ay dalawang butong nakausli sa ibaba ng binti.

Pinapayagan na maglimita sa hinuhugasan nang tatlong ulit sa iisang paghuhugas at na maglimita sa dalawang paghuhugas.

Ang Ghusl

Ang ghusl (paligo) ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagdalisay sa buong katawan. ito ay kinakailangan sa bawat sinuman sa kanya ay may pagkakailangang-maligo (janābah) o iba pa rito kabilang sa mga tagapag-obliga ng ghusl, batay sa sabi ni Allāh: {... Kung kayo ay Junub (kailangang-maligo) ay maligo kayo...} (Qur'ān 5:6)

* Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ghusl

1. Na maglayon siya sa puso niya – nang walang pagbigkas ng layunin – ng pagpawi ng malaking ḥadath o pagsasagawa ng ghusl para sa anumang isinasabatas sa kanya ang pagsasagawa ng ghusl gaya ng ṣalāh sa Biyernes.

2. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)."

3. Pagkatapos maghuhugas siya ng mga kamay niya nang tatlong ulit.

4. Pagkatapos maghuhugas siya ng ari niya.

5. Pagkatapos magsasagawa siya ng buong wuḍū' kung paanong nagsasagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh.

6. Pagkatapos maghuhugas siya ng ulo niya sapagkat kukuha siya ng tubig saka magsisingit nito sa anit ng buhok niya hanggang sa umabot ito. Pagkatapos magbubuhos siya rito nang tatlong ulit.

7. Pagkatapos maghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya.

Kapag sa anuman sa katawan niya ay may pilay o sugat na nangangailangan ng paglalagay na harang dito, maglalagay nito at magpapahid dito sa halip ng paghuhugas ng nasa ilalim nito; dahil noong nagsaposible ang paghuhugas nito dahil sa harang, makasasapat ang paghahaplos sa ibabaw nito, batay sa sabi ni Allāh: {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo...} (Qur'ān 64:16) Ito ay pagpahid ng pagkakailangan. Kaya naman tinataya-taya ito sa pamamagitan ng sukat nito sa saklaw at panahon. Kaya naman hindi nakalalampas ito dahil sa harang sa lugar ng pangangailangan. Kapag gumaling ang pilay o ang sugat, mag-aalis siya nito.

Kapag sa anuman sa katawan niya ay nagkaroon ng pilay o sugat na nakapipinsala ang paghuhugas at wala ritong harang, magpapahid dito ng tubig sa halip ng paghuhugas; saka kung mapipinsala ito ng pagpahid, magsasagawa ng tayammum para rito, batay sa sabi ni Allāh: {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, ...} (Qur'ān 64:16) at sabi pa Niya: {... at hindi Siya naglagay sa inyo sa Relihiyon ng anumang pagkaasiwa, ...} (Qur'ān 22:78)

Ang pagpahid na ito – maging ito man ay nasa harang o nasa bahaging maysakit- ay tumatayo sa katayuan ng ghusl. Kaya naman naisasagawa rito ang ṭahārah at hindi ito nangangailangan ng pag-uulit ng paghuhugas dito matapos ng paglaho ng maidadahilan.

Kapag nakatagpo ng tubig na sasapat sa isang bahagi ng katawan, gagamit nito at magsasagawa ng tayammum para sa natitirang bahagi.

Ang Tayammum

Ang tayammum ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpapakadalisay sa pamamagitan ng alabok sa pamamagitan ng pagpapahid nito sa mukha at mga kamay sa sandali ng pagkaimposible ng paggamit ng tubig dahil sa kawalan nito, pagkapinsala dahil sa paggamit nito dahil sa isang karamdaman o iba pa.

Ito ay isang pamalit para sa ṭahārah sa pamamagitan ng tubig mula sa maliit o malaking ḥadath. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo...} hanggang sa sabi Niya: ... Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa dumihan, o sumaling kayo ng mga babae saka hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo [ng alikabok] mula roon. Hindi nagnanais si Allāh na maglagay sa inyo ng anumang pagkaasiwa, subalit nagnanais Siya na dumalisay sa inyo at lumubos sa pagpapala Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur'ān 5:6)

Ang Tahārah sa pamamagitan ng tayammum ay isang kumpletong Tahārah na nagpapawi ng ḥadath hanggang sa makakaya sa paggamit ng tubig, batay sa sabi ni Allāh: {... subalit nagnanais Siya na dumalisay sa inyo ...} (Qur'ān 5:6) Ang sabi naman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ginawa para sa akin ang lupa bilang masjid at pandalisay. Ang alinmang lalaking kabilang sa Kalipunan ko na umabot sa kanya ang pagdarasal ay magdasal siya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.[5] Ang pandalisay ay ang natatamo sa pamamagitan nito ang ṭahārah. [5] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Tayammum, Kabanata Sabi ni Allāh: {... saka hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo [ng alikabok] ...}, numero 335; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, numero 521, mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).

Alinsunod dito, kapag nagsagawa ng tayammum para sa ṣalāh ng pagkukusang-loob, makapagsasagawa sa pamamagitan nito ng ṣalāh ng tungkulin. Natutumpak ang pagkasagawa ng tayammum para sa ṣalāh bago ng pagpasok ng oras nito at hindi nawawalang-saysay ito sa pagkalabas niyon. Kapag nagsagawa ng tayammum para sa isang maliit na ḥadath, hindi nawawalang-saysay ang pagkakasagawa ng tayammum niya para roon malibang dahil sa isang ḥadath. Kapag nagsagawa ng tayammum para sa isang malaking ḥadath, hindi nawawalang-saysay ang pagkakasagawa ng tayammum niya para roon malibang dahil sa isang malaking ḥadath.

Subalit nawawalang-saysay ang pagkasagawa ng tayammum dahil sa paglaho ng maidadahilan. Kaya naman kapag nakatagpo siya ng tubig, nawawalang-saysay ang pagkasagawa ng tayammum niya. Kapag gumaling siya sa pagkakasakit, nawawalang-saysay ang pagkasagawa ng tayammum niya, maging ito man ay para sa isang maliit o malaking ḥadath. Kaya naman magsasagawa siya ng wuḍū' para sa maliit na ḥadath na nagsagawa siya ng tayammum para roon bago pa nito at maliligo siya para sa malaking ḥadath na nagsagawa siya ng tayammum para roon bago pa nito.

Natutumpak ang pagsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng bawat lupa, na maalikabok man o mabuhangin o mabato at sa pamamagitan ng anumang nadikit dito kabilang sa kauri nito gaya ng pader, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ginawa para sa akin ang lupa bilang masjid at pandalisay."[6] [6] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito sa naunang talababa.

Ayon kay Abū Juhaym bin Al-Hārith bin Aṣ-Ṣimmah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatagpo ng isang lalaki saka bumati ito sa kanya ngunit hindi siya tumugon dito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa nakaharap siya sa pader saka pumahid sa mukha niya at mga kamay niya, pagkatapos tumugon siya rito ng pagbati ng kapayapaan.} Nagsalaysay ng dalawang ito si Imām Al-Bukhārīy.[7] [7] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Tayammum, Bāb At-Tayammum Fi Al-Ḥaḍr Idhā Lam Yajid Al-Mā', numero 337, kung paanong nagkomento rito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Ḥayḍ, Bāb At-Tayammum, numero 369.

* Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Tayammum

Na maglayon siya sa puso niya ng pagpawi ng ḥadath para sa pagsasagawa ng ṣalāh at tulad nito kabilang sa isinasabatas sa kanya ang tayammum. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," magtatapik siya sa lupa ng mga kamay niya nang iisang tapik, at magpapahid siya ng mga ito sa mukha niya at mga palad niya.

Ang Pagpahid sa Khuff

Ang tinutukoy na khuff ay ang isinusuot sa paa na yari sa katad at tulad nito.

Ang ng tinutukoy na medyas ay ang isinusuot sa paa na yari sa bulak (tela) at tulad nito.

* Ang Kahatulan sa Pagpahid sa Khuff at Medyas

Ang pagpahid dito ay ang sunnah na dumating buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya ang sinumang nakasuot nito, ang pagpahid dito ay higit na mainam kaysa sa paghuhubad nito para maghugas ng paa.

Ang patunay niyon ay ang ḥadīth ni Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya): na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū'. Nagsabi si Al-Mughīrah: {... kaya pumaspas ako upang mag-alis ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo ang dalawang iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok ng dalawang iyan habang dalisay pa." Saka nagpahid siya sa dalawang ito.}[8] [8] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Wuḍū', Bāb Idhā Adkhal Rijlayhi Wa Humā Ṭāhiratān, numero 206; at Imām Muslim sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Al-Masḥ Al-Khuffayn, numero: 79/274.

Ang pagkaisinasabatas ng pagpahid sa khuff ay matibay sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Hinggil sa Aklat ni Allāh, nasaad sa sabi Niya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, ng mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – magpahid kayo sa mga ulo ninyo – at ng mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong...} (Qur'ān 5:6) Tunay na ang sabi Niya (napakataas Siya): {... at mga paa ninyo ...} ay may dalawang pagbigkas na pampituhang bigkas na tumpak buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang una sa dalawa ay: "wa-arjulakum (at NG mga paa ninyo" bilang ugnay sa sabi Niyang: "wujūhAkum (NG mga mukha ninyo)" kaya ang dalawang paa ay hinuhugasan.

Ang ikalawa ay: "wa-arjulikum (at SA mga paa ninyo" sa kaukulang palayong pampang-ukol (jarr) bilang ugnay sa: "bi-ru'ūsikum (SA mga ulo ninyo)" kaya ang dalawang paa ay pinapahiran.[9] [9] Bumigkas sa kaukulang palayong pampandiwa (naṣb) sina Nāfi`, `Āmir, at Ḥafṣ ayon kina Āṣim at Al-Kisā'īy; at sa kaukulang palayong pampang-ukol (jarr) sina Ibnu Katīr, Abū `Amr, at Shu`bah ayon kina Āṣim at Ḥamzah, gaya ng nasaad sa Al-Kashshāf `An Wujūh Al-Qirā'āt As-Sab`: 1/406.

Ang naglinaw na ang paa ay magiging pinapahiran o hinuhugasan ay ang Sunnah sapagkat ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag ang mga paa niya ay nalalantad, ay naghuhugas NG mga ito; at kapag ang mga ito ay natatakpan ng khuff, ay nagpapahid SA mga ito.

Hinggil sa katunayan ng Sunnah doon, ang sunnah ay mutawātir (nagkakatuluy-tuluyang salaysay) kaugnay rito buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh): "Sa puso ko kaugnay sa pagpapahid ay walang anumang [tutol]. May nasaad dito na apatnapung ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya."

Kabilang sa nababanggit mula sa pataludtod na aralin ang sabi ng tagpagtaludtod:[10]

Kabilang sa nagkatuluy-tuluyang salaysay ay ang ḥadīth sa isang nagsinungaling *** isang pinatayuan ni Allāh ng bahay at umasa ng gantimpala,

at pagkakita, pamamagitan, at ang tubigan *** pagpahid sa khuff, at ito ay ilan [10] An-Naḍ̆m ni At-Tāwudīy Ibnu Sawdah gaya ng nabanggit niya sa anotasyon niya sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 1/125.

* Ang mga Kundisyon ng Pagpapahid sa Khuff

Isinasakundisyon sa pagpapahid sa khuff ang apat na kundisyon:

Ang Unang Kundisyon: Na siya ay nagsuot nito habang nasa kadalisayan. Ang patunay niyon ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mughīrah bin Shu`bah: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasaok niyan habang dalisay pa."[11] [11] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.

Ang Ikalawang Kundisyon: Na ang khuff o ang medyas ay dalisay; sapagkat kung ito ay marumi (najis), tunay na hindi pinapayagan ang pagpapahid dito. Ang patunay niyon ay: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdasal isang araw kasabay ng mga Kasamahan niya habang may nakasuot sa kanya na khuff ngunit naghubad siya nito sa sandali ng pagdarasal niya at nagpabatid siya na si Anghel Gabriel ay nagpabatid sa kanya na rito ay may perhuwisyo o kasalaulaan.}[12] Ito ay nagpapatunay na hindi pinapayagan ang pagdarasal habang may suot na isang karumihan dahil ang marumi, kapag pinahiran ng tubig, ay mahahawaan ang tagapahid ng karumihan kaya hindi natutumpak ito na maging tagapagdalisay. [12] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Aṣ-Ṣalāh Fi An-Na`l, numero 650; at Imām Aḥmad: 3/20, mula sa ḥadīth ni Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya).

Ang Ikatlong Kundisyon: Na ang pagpahid dito ay kaugnay sa maliit na ḥadath, hindi kaugnay sa janābah (pagkakailangang-maligo), o anumang nag-oobliga sa pagsasagawa ng ghusl. Ang patunay roon ay ang ḥadīth ni Ṣafwān bin `Assāl (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: {Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag kami ay [nasa] isang paglalakbay na hindi kami mag-alis ng mga medyas namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito malibang dahil sa janābah, subalit [hindi] dahil sa pagdumi o pag-ihi o pagkatulog.}[13] Kaya isinasakundisyon na ang pagpapahid ay maging kaugnay sa maliit na ḥadath. Hindi pinapayagan ang pagpahid kaugnay sa malaking ḥadath dahil sa ḥadīth na ito na binanggit natin. [13] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Al-Masḥ `Ala Al-Khuffayn, numero 96; Imām An-Nasā'īy sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb At-Tawqīt Fi Al-Masḥ `Ala Al-Khuffayn, numero 127; at Imām Ibnu Mājah sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Al-Wuḍū' Min An-Nawm, numero 478; at Imām Aḥmad: 4/239.

Ang Ikaapat na Kundisyon: Na ang pagpahid ay maging nasa oras na tinakdaan ayon sa Batas, na isang araw at isang gabi para sa nananahanan at tatlong araw at mga gabi nito para sa manlalakbay, batay sa isinalaysay ni `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: "Nagtalaga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa nananahanan ng isang araw at isang gabi at para sa manlalakbay ng tatlong araw at mga gabi nito.} Tumutukoy siya sa pagpapahid sa Khuff." Nagtala nito si Imām Muslim.[14] [14] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb At-Tawqīt Fi Al-Masḥ `Ala Al-Khuffayn, numero 276.

Ang yugtong ito ay nagsisimula mula sa unang pagkakataon ng pagpapahid matapos ng ḥadath at nagwawakas pagkalipas ng 24 oras kaugnay sa nananahanan at 72 oras kaugnay sa manlalakbay. Kaya kapag nagtaya tayo na may isang taong nagsagawa ng ṭahārah para sa ṣalāh na fajr sa araw ng Martes at nanatili sa ṭahārah niya hanggang sa nakapagsagawa siya ng ṣalāh na `ishā' ng bisperas ng Miyerkules at natulog pagkatapos bumangon para magsagawa ng ṣalāh na fajr sa araw ng Miyerkules at nagpahid nang 5 AM, tunay na ang pagsisimula ng yugto ay magiging mula sa 5 AM ng umaga ng araw ng Miyerkules hanggang sa 5 AM ng umaga ng araw ng Huwebes. Kaya kung sakaling tinaya na siya ay nagpahid sa araw ng Huwebes bago ng pagkalubos ng 5 AM, tunay na ukol sa kanya na magsagawa ng ṣalāh na fajr – ibig sabihin: fajr ng araw ng Huwebes – sa pagkapahid na ito at magsagawa ng ṣalāh ng niloloob niya roon hanggat nasa ṭahārah pa siya dahil ang wuḍū' ay hindi nasisira kapag nalubos ang yugto ayon sa pahayag na matimbang mula sa mga pahayag ng mga may kaalaman. Iyon ay dahil ang Sugo ni Allāh (napakataas Siya) ay hindi naglimita sa oras ng bisa ng ṭahārah at naglimita lamang sa oras ng pagpapahid. Kaya kapag nalubos ang yugto, wala nang pagpapahid; subalit siya, kapag nasa ṭahārah pa niya, ang ṭahārah niya ay nananatili dahil ang ṭahārah na ito ay napagtibay sa pamamagitan ng hinihiling ng isang legal na patunay. Ang anumang napagtibay sa pamamagitan ng hinihiling ng isang legal na patunay at walang patunay sa pagkasira ng wuḍū' dahil sa pagkalubos ng yugto ng pagpapahid dahil ang batayang panuntunan ay ang pananatili ng anumang dati na sa anumang dati na hanggang sa mapaglinawan ang pagkalaho nito. Ang mga kundisyon na ito na isinasakundisyon ay para sa pagpapahid sa khuff. Mayroong mga iba pang kundisyon na binanggit ng ilan sa mga may kaalaman. Sa ilan sa mga ito ay may puna.

Katipunan ng mga Tanong sa Paksa ng Pagpapahid sa Khuff, mga Turban, at Balangkat

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Dumadalangin ako ng basbas at dumadalangin ako ng pangangalaga sa Propeta nating si Muḥammad, sa mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

Sa pagpapatuloy, narinig ko nga ang sagot sa mga tanong na ito na itinuon sa akin kaugnay sa paksa ng pagpapahid sa khuff, mga turban, at balangkat. Ang mga ito ay nakikiayon sa sagot na namutawi sa akin sa recorder. Nagpasok ako sa mga ito ng isang kaunting bahagi ng mga pagbabago. Nagpermiso na ako ng paglimbag ng mga ito ng sinumang nagnais na maglimbag ng mga ito sa kundisyong may pagmamalasakit sa tumpak at na hindi magreserba ng mga karapatan ng paglimbag para sa sarili niya ni para sa iba pa sa kanya.

Humihiling ako kay Allāh para sa lahat ng pagtutuon at pagtanggap.

Nagsabi niyon ang tagasulat nito,

Si Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn

noong Jumādā I 19, 1410 AH (Disyembre 17, 1989 CE).

Ang Pagpahid sa Khuff

Tanong 1: Ano ang katumpakan ng isinakundisyon ng ilan sa mga faqīh na ang dalawang ito ay maging mga nakatakip sa lugar ng tungkulin ng paghuhugas?

Ang Sagot: Ang kundisyong ito ay hindi tumpak dahil ito ay walang patunay sapagkat tunay na ang katawagang khuff o medyas, hanggat ito ay nananatili, ay tunay na pinapayagan ang pagpapahid dito dahil ang Sunnah ay nagsaad ng pagpapahid sa khuff sa isang paraang walang-takda. Ang anumang winalang-takda ng tagapagbatas, tunay na hindi ukol sa isa man na maglimita rito malibang kapag sa kanya ay may isang teksto mula sa tagapagbatas o may isang tuntuning pambatas na napaglilinawan dahil dito ang paglilimita.

Batay roon, tunay na pinapayagan ang pagpapahid sa khuff na napunit at pinapayagan ang pagpapahid sa khuff na manipis dahil ang pinapakay sa pagsusuot ng khuff ay hindi ang pagtatakip (pagtatakip ng balat). Ang pinapakay lamang sa pagsusuot ng khuff ay na ito ay maging isang tagapagpainit ng paa at isang tagapagpakinabang dito.

Pinayagan lamang ang pagpapahid sa khuff dahil ang pag-aalis nito ay nakapagpapahirap. Ito ay walang pagkakaiba sa pagitan ng manipis na medyas at makapal na medyas ni sa pagitan ng napunit na medyas at maayos na medyas. Ang mahalaga ay na hanggat ang katawagang khuff ay nananatili, tunay na ang pagpapahid dito ay pinapayagan.

Tanong 2: May lalaking nagsagawa ng tayammum at nagsuot ng khuff. Pinapayagan kaya sa kanya na magpahid sa khuff kapag nakatagpo siya ng tubig gayong alam na siya ay nagsuot nito habang nasa ṭahārah?

Ang Sagot: Hindi pinapayagan sa kanya na magpahid sa khuff kapag ang taharah ay taharah ng tayammum batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan habang dalisay pa."[15] Ang ṭahārah ng tayammum ay hindi nauugnay sa paa; tanging ito ay nasa mukha at mga kamay lamang. [15] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.

Ayon dito rin, kung sakaling may isang taong walang taglay na tubig o maysakit na hindi nakakakaya sa paggamit ng tubig sa pagsasagawa ng wuḍū', siya ay magsusuot ng khuff kahit pa man hindi nasa ṭahārah at mananatili ang khuff sa kanya nang walang yugtong tinatakdaan hanggang sa makatagpo siya ng tubig kung siya dati ay wala nito o gumaling sa sakit niya kung siya dati ay maysakit dahil ang paa ay walang kaugnayan dito dahil sa ṭahārah ng tayammum.

Tanong 3: Ang layunin kaya ay kinakailangan ayon sa kahulugan na siya, kapag nagnais na magsuot ng medyas o sapatos, ay maglalayon na siya ay magpapahid dito, at gayundin maglalayon na siya ay magpapahid nang pagpapahid ng isang nananahanan o nang pagpapahid ng isang manlalakbay; o ito ay hindi kinakailangan?

Ang Sagot: Ang layunin dito ay hindi kinakailangan dahil ito ay gawaing iniugnay ang kahatulan sa payak na pag-iral nito. Kaya hindi siya nangangailangan ng isang layunin; gaya ng kung sakaling nagsuot siya ng damit, tunay na hindi isinasakundisyon na maglayon siya rito ng pagtatakip ng `awrah niya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, halimbawa. Kaya naman hindi isinasakundisyon sa pagsusuot ng khuff na maglayon siya na siya ay magpapahid dito at walang layunin ng yugto, gayundin; bagkus kung siya ay manlalakbay, ukol sa kanya ay tatlong araw, naglayon man siya nito o hindi man siya naglayon nito; at kung siya naman ay isang nananahanan, ukol sa kanya ay isang araw at isang gabi, naglayon man siya nito o hindi man siya naglayon nito.

Tanong 4: Ano ang distansiya o ang paglalakbay na pinapayagan ang pagpapahid sa khuff nang tatlong araw kalakip ng mga gabi nito?

Ang Sagot: Ang paglalakbay na pinapayagan dito ang pagpapaikli ng ṣalāh ay ang paglalakbay na ang yugto ng pagpapahid dito ay tatlong araw kalakip ng mga gabi ng mga ito dahil ang hadith ni Ṣafwān bin `Assāl na binanggit natin ay nagsasabi: "... kapag kami ay [nasa] isang paglalakbay ..."[16] Kaya hanggang ang tao ay naglalakbay at nagpapaikli ng ṣalāh, tunay na siya ay makapagpapahid sa tatlong araw. [16] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.

Tanong 5: Kapag dumating ang manlalakbay o naglakbay ang nananahanan habang siya ay nakapagsimula na sa pagpapahid, magiging papaano ang pagtutuos ng yugto niya?

Ang Sagot: Kapag nagpahid siya habang siya ay isang nananahanan, pagkatapos naglakbay siya, tunay na siya ay maglulubos bilang pagpapahid ng manlalakbay ayon sa matimbang na pahayag. Kapag siya ay naging isang manlalakbay, pagkatapos dumating siya, tunay na siya ay maglulubos bilang pagpapahid ng nananahanan. Ito ay ang matimbang na pahayag.

Bumanggit ang ilan sa mga may kaalaman na kapag nagpahid siya habang nasa pamamayan, pagkatapos naglakbay siya, maglulubos siya bilang pagpapahid ng nananahanan subalit ang matimbang ay ang sinabi natin sa una dahil ang taong ito ay may natira na sa kanya na isang bahagi sa yugto ng pagpapahid niya bago siya maglakbay nang naglakbay siya kaya naaangkop sa kanya na siya ay kabilang sa mga manlalakbay na makapagpapahid nang tatlong araw.

Tanong 6: May taong nagduda sa pagsisimula ng pagpapahid at oras nito kaya ano ang gagawin niya?

Ang Sagot: Sa kalagayang ito babatay siya sa tiyak. Kaya kapag nagduda siya kung nagpahid kaya siya para sa ṣalāh na ḍ̆uhr o para ṣalāh na `aṣr, tunay na siya ay magtuturing ng pagsisimula ng yugto mula sa ṣalāh na `aṣr dahil ang batayang panuntunan ay ang hindi pagpapahid.

Ang patunay ng panuntunang ito – na ang batayang panuntunan ay ang pananatili ng anumang dati na sa anumang dati na at na ang batayang panuntunan ay ang kawalan – ay na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinaingan ng lalaking nag-aakala na siya ay nakatatagpo ng anuman sa ṣalāh niya kaya nagsabi ang Propeta: "... hindi siya lilisan hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo siya ng isang amoy."[17] [17] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Wuḍū', Bāb Lā Yatawaḍḍa' Min Ash-Shakk Ḥattā Yastayqin, numero 137; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Ḥayḍ, Bāb Ad-Dalīl `Alā Anna Man Tayaqqan Aṭ-Ṭahārah Thumma Shakka Fi Al-Ḥadath Fa-Lahu An Yuṣalliya Bi-Ṭahāratihi, numero 361, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya).

Tanong 7: May isang lalaking nagpahid matapos ng pagwawakas ng yugto ng pagpapahid, pagkatapos nagsagawa siya ng ṣalāh, kaya ano po ang hatol sa ṣalāh niya?

Ang Sagot: Kapag nagpahid siya matapos ng pagkawakas ng yugto ng pagpapahid, maging siya man ay isang nananahanan o manlalakbay, tunay na ang dinasal niya sa pamamagitan ng ṭahārah na ito ay walang-saysay dahil ang wuḍū' niya ay walang-saysay yayamang tunay na ang yugto ng pagpapahid ay nagwakas. Kaya kailangan sa kanya na magsagawa sa muli ng isang kumpletong wuḍū', na maghuhugas siya rito ng mga paa niya at na mag-ulit ng mga ṣalāh na dinasal niya sa pamamagitan ng wuḍū' na iyan na nagpahid siya matapos ng pagkawakas ng yugto.

Tanong 8: Kapag inalis ng tao ang medyas habang siya ay may wuḍū' pa, pagkatapos ibinalik niya ito bago masira ang wuḍū' niya, pinapayagan pa kaya ang pagpapahid dito?

Ang Sagot: Kapag inalis niya ang medyas, pagkatapos ibinalik niya ito habang siya ay may wuḍū' pa, kung ito ay ang unang wuḍū' – ibig sabihin: hindi pa nasira ang wuḍū' niya matapos magsuot nito – wala namang kaasiwaan sa kanya na magbalik nito at magpahid dito kapag nagsagawa siya ng wuḍū'.

Kapag naman ang wuḍū' na ito ay isang wuḍū' na nakapagpahid na siya rito sa medyas niya, tunay na hindi pinapayagan sa kanya, kapag naghubad siya nito, na magsuot pa nito at magpahid dito dahil kailangan na ang pagsuot niyon ay habang may ṭahārah sa pamamagitan ng tubig samantalang ito ay ṭahārah sa pamamagitan ng pagpapahid. Ito ay ang nalalaman mula sa pananalita ng mga may kaalaman.

Subalit kung may isa mula sa mga may kaalaman na nagsabing kapag nagbalik siya niyon habang may ṭahārah – kahit pa man habang may ṭahārah ng pagpapahid – ukol sa kanya na magpahid hanggat ang yugto ay nananatili sapagkat tunay na ito ay isang malakas na pahayag subalit ako ay hindi nakaalam na may isang nagsabi nito. Ang pumipigil sa akin na magsabi nito ay na ako ay hindi nakabatid sa isang nagsabi nito. Kung may nagsabi nito na isang kabilang sa mga may kaalaman, ito ang tama sa ganang akin dahil ang ṭahārah ng pagpapahid ay isang kumpletong taharah. Kaya nararapat na sabihing kapag siya ay nagpapahid sa isinuot niya habang nasa ṭahārah ng paghugas, magpahid siya sa isinuot niya habang nasa ṭahārah ng pagpapahid; subalit ako ay hindi nakakita sa isang nagsabi ng ganito.

Tanong 9: Samakatuwid, hindi tayo nagsasabi na ang paghubad ng khuff ay kabilang sa mga tagapagpawalang-saysay sa pagpapahid?

Ang Sagot: Kapag hinubad niya ang khuff, hindi nawawalang-saysay ang ṭahārah niya subalit nawalang saysay ang pagpapahid niya. Kapag ibinalik niya ito muli at nasira ang wuḍū' niya, kailangang hubarin niya ang khuff at hugasan ang mga paa niya.

Ang mahalaga ay malaman natin na kailangang isuot ang khuff habang may ṭahārah na naghugas dito ng mga paa, batay sa nalaman natin mula sa pananalita ng mga may kaalaman.

Tanong 10: May lalaking nagpahid sa sapatos sa unang pagkakataon saka sa ikalawang pagkakataon naman ay hinubad niya ang sapatos at nagpahid sa medyas. Natutumpak kaya ang pagpapahid niya o kailangan ng paghuhugas ng paa?

Ang Sagot: Dito ay may pagkakaibahan. Mayroon sa mga may kaalaman na nagtuturing na kapag nagpahid sa isa dalawang khuff§ – ang pantaas o ang pambaba – mauugnay ang patakaran dito at hindi malilipat sa ikalawa.

Mayroon naman sa kanila na nagtuturing na pinapayagan ang paglipat sa ikalawa hanggat ang yugto ay nananatili. Kaya halimbawa, kapag nagpahid siya sa sapatos, pagkatapos naghubad siya nito at nagnais na magsagawa ng wuḍū', ukol sa kanya na magpahid sa medyas ayon sa matimbang na pahayag. Gayundin naman, kapag nagpahid siya sa medyas pagkatapos nagsuot siya sa ibabaw nito ng iba pang medyas o sapatos at nagpahid siya sa pantaas wala namang masama dito ayon sa matimbang na pahayag hanggat ang yugto ay nananatili subalit tinutuos ang yugto mula sa una, hindi mula sa pagpapahid sa ikalawa.

Tanong 11: Madalas na nagtatanong ang mga tao tungkol sa pamamaraan ng tumpak na pagpapahid at lugar ng pagpapahid.

Ang Sagot: Ang pamamaraan ng pagpapahid ay na iparaan ang kamay niya mula sa mga dulo ng mga daliri ng paa hanggang sa [dulo ng] binti lamang. Nangangahulugan ito na ang pinapahiran ay ang pinakaitaas ng khuff at ang pagpapahid ay sa pamamagitan ng mga kamay nang lahatan sa mga paa nang lahatan. Nangangahulugan ito na ang kanang kamay ay magpapahid sa kanang paa at ang kaliwang kamay ay magpapahid sa kaliwang paa sa mismong sandali gaya ng pagpapahid sa mga tainga dahil ito ang nakahayag sa Sunnah batay sa sabi ni Al-Mughīrah bin Shu`bah (kalugdan siya ni Allah): {Saka nagpahid siya sa dalawang ito.}[18] Hindi siya nagsabi: "Nagsimula siya sa kanan" bagkus nagsabi siya: "nagpahid siya sa dalawang ito." Kaya ang nakahayag sa sunnah ay ito. Oo. Kung sakaling ipinagpalagay na ang isa sa dalawang kamay niya ay hindi gumagawa rito, magsisimula sana siya sa kanan bago ng kaliwa. [18] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.

Marami sa mga tao ay nagpapahid sa pamamagitan ng magkasamang kamay sa kanang paa at magkasamang kamay sa kaliwang paa. Ito ay walang batay ayon sa nalalaman ko. Ang mga maalam ay nagsasabi lamang: Magpapahid ng kanang kamay sa kanang paa at kaliwang kamay sa kaliwang paa.

Tanong 12: Nakakita kami ng mga taong nagpapahid mula ilalim at itaas. Kaya ano po ang hatol sa pagpapahid ng mga taong ito? Ano po ang hatol sa ṣalāh nila?

Ang Sagot: Ang ṣalāh nila ay tumpak at ang wuḍū' nila ay tumpak subalit tatawagang-pansin sila na ang pagpapahid mula sa ilalim ay hindi bahagi ng Sunnah sapagkat nasaad sa Sunan mula sa hadith na `Alīy bin Abī Ṭālib (kalugdan siya ni Allāh), na nagsabi: "Kung sakaling ang Relihiyon ay batay sa opinyon, talaga sanang ang ilalim ng khuff ay higit na marapat sa pagpapahid kaysa sa ibabaw nito. Talaga ngang nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagpapahid sa ibabaw ng khuff niya."[19] Ito ay nagpapatunay na ang isinasabatas ay ang pagpapahid sa itaas lamang. [19] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Kayfa Al-Masḥ, numero 162.

Tanong 13: Ano ang panuto ng sabi na Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Hindi nagpahid [sa khuff] ang Sugo matapos ng [Kabanatang] Al-Mā'idah."[20] at ng isinalaysay buhat kay `Alīy (kalugdan siya ni Allāh): "Nauna ang Aklat sa khuff."[21] [20] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad (1/323). [21] Nagtala nito si Ibnu Abī Shaybah sa Al-Muṣannaf: 1/186. Tingnan ang As-Sunan Al-Kubrā ni Al-Bayhaqīy: 1/272.

Ang Sagot: Hindi ko nalalaman kung natutumpak kaya ang sanaysay buhat sa kanilang dalawa o hindi. Nabanggit ko na bago nito na si `Alīy bin Abī Ṭālib (kalugdan siya ni Allāh) ay kabilang sa mga nagsalaysay ng mga hadith ng pagpapahid buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at nagsanaysay siya ng mga ito matapos ng pagkamatay nito. Naglinaw siya na ang Sugo ay nagsaoras nito. Ito ay nagpapatunay na ang patakaran ay napagtibay sa ganang kanya hanggang sa pagkamatay ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at hindi maaari ang pagpapawalang-bisa matapos ng pagkamatay ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). [22] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.

Tanong 14: Ang mga patakaran ba sa pagpapahid sa khuff ay ipinatutupad sa babae gaya ng kung paano ipinatutupad sa lalaki? Mayroon bang pagkakaiba rito?

Ang Sagot: Hindi nagkaroon ng pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at mga babae rito. Nararapat malaman ang isang tuntunin: na ang batayang panuntunan ay na ang napagtibay sa panig ng mga lalaki ay napagtibay sa panig ng mga babae at na ang napagtibay sa panig ng mga babae ay napagtibay sa panig ng mga lalaki, malibang may isang patunay na nagpapatunay sa pagkakaibahan ng dalawang panig.

Tanong 15: Ano ang kahatulan sa paghubad ng medyas o isang bahagi mula rito upang kumamot ng isang bahagi ng paa o mag-alis ng anuman sa paa gaya ng isang maliit na bato at tulad nito?

Ang Sagot: Kapag nagpasok siya ng mga kamay niya sa ilalim ng medyas, walang masama riyan at walang kaasiwaan. Hinggil naman sa kung naghubad siya nito, may isasaalang-alang: kung naghubad siya ng isang kaunting bahagi nito, hindi nakapipinsala iyon; at kung naghubad naman siya ng isang maraming bahagi sa punto na lumilitaw ang pinakamaraming bahagi ng paa, tunay na iyon ay nagpapawalang-saysay sa pagpapahid sa mga ito sa susunod.

Tanong 16: Napatatanyag sa ganang madla ng mga tao na sila ay nagpapahid sa khuff sa limang ṣalāh lamang, pagkatapos niyon ay nag-uulit sila sa muli.

Ang Sagot: Oo; ito ay napatanyag sa ganang madla. Nagpapalagay sila na hindi nagpapahid kundi sa limang ṣalāh. Ito ay hindi tumpak; bagkus ang pag-ooras ay isang araw at isang gabi. Nangangahulugan ito na ukol sa kanya na magpahid sa isang araw at isang gabi, maging siya man ay nagsagawa ng limang ṣalāh o higit pa.

Ang pagsisimula ng yugto ay magiging mula sa [unang]pagpapahid gaya ng naunang nabanggit natin saka maaaring makapagsagawa ng sampung ṣalāh o higit pa. Kaya kung sakaling may isa na nagsuot ng khuff para sa ṣalāh sa fajr nang araw ng Lunes at nanatili siya sa ṭahārah niya hanggang sa natulog siya sa bisperas ng Martes, pagkatapos nagpahid siya sa khuff sa unang pagkakataon para sa ṣalāh na fajr nang araw ng Martes. Dito ukol sa kanya na magpahid hanggang sa ṣalāh na fajr nang araw ng Miyerkules. Kaya dito siya, sa araw ng Lunes, ay magiging nakapagsagawa ng ṣalāh na fajr, ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, at `ishā', na sa buong yugtong ito ay hindi tutuusin sa kanya dahil ito ay bago ng pagpapahid; at sa araw ng Martes naman magiging nakapagsagawa ng ṣalāh na fajr at nagpahid, ḍ̆uhr at nagpahid, `aṣr at nagpahid, maghrib at nagpahid, at `ishā' at nagpahid. Gayundin maaaring magpahid para sa ṣalāh sa araw ng Miyerkules kapag nagpahid bago magwakas ang yugto, tulad ng kung siya ay maging nakapagpahid na sa araw ng Martes para sa ṣalāh na fajr nang 5:00 AM at nagpahid sa araw ng Miyerkules nang 4:45 AM at nanatili sa taharah niya hanggang sa nagsagawa siya ng ṣalāh na `ishā' sa bisperas ng Huwebes. Dito sa araw ng Miyerkules nagsasagawa siya sa pamamagitan ng wuḍū' na ito ng ṣalāh na fajr, ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, at `ishā'. Kaya siya ay magiging nakapagsagawa ng 15 ṣalāh mula sa sandali na nagsuot siya ng khuff dahil siya ay nagsuot nito para sa ṣalāh na fajr sa araw ng Lunes at nanatili sa ṭahārah niya at hindi nagpahid kundi para sa ṣalāh na fajr sa araw ng Martes nang 5 AM at nagpahid para sa ṣalāh na fajr sa araw ng Miyerkules nang 4:45 AM at nanatili sa ṭahārah niya hanggang sa magsagawa siya ng ṣalāh na `ishā'. Kaya naman siya ay magiging nakapagdasal ng 15 ṣalāh.

Tanong 17: Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang tao at nagpahid siya sa khuff at sa sandali ng yugto ng pagkapahid ay naghubad siya ng khuff niya bago ng ṣalāh na `aṣr, halimbawa, magsasagawa ba siya ng ṣalāh at natutumpak ba ang ṣalāh niya o ang wuḍū' niya ay nasisira dahil sa paghubad ng khuff?

Ang Sagot: Ang matimbang na pahayag mula sa mga pahayag ng mga may kaalaman, na pinili ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah at ng isang pangkat ng mga may kaalaman (kaawaan sila ni Allāh) ay na ang wuḍū' ay hindi nasisira dahil sa paghubad ng khuff.[23] Kaya kapag naghubad siya ng khuff niya habang siya ay nasa ṭahārah at nakapagpahid na siya nito, tunay na ang wuḍū' niya ay hindi nasisira. Iyon ay dahil kapag nagpahid siya sa khuff, nalubos nga ang taharah niya dahil sa hinihiling ng isang patunay na pambatas. Kapag naman naghubad siya nito, tunay na itong ṭahārah na napagtitibay dahil sa patunay na pambatas ay hindi maaari ang pagkasira nito malibang may isang patunay na pambatas. Walang patunay na ang paghubad ng pinahiran na sapatos o medyas ay nasisira ang wuḍū'. Ayon dito, ang wuḍū' niya ay magiging nananatili subalit kung sakaling nagbalik siya ng khuff matapos niyon at nagnais siya na magpahid dito sa hinaharap, huwag niyang gawin, ayon sa nalalaman ko mula sa pananalita ng mga may kaalaman. [23] Al-Furū`: 1/218.

Ang Pagpahid sa Turban

Tanong 18: Pinapayagan ba ang pagpapahid sa turban? Ano ang mga hangganan niyon?

Ang Sagot: Ang pagpapahid sa turban ay kabilang sa nasaad sa Sunnah buhat sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pinapayagan ang pagpapahid dito kaya makapagpapahid sa turban sa kabuuan nito o higit na malaking bahagi nito. Ibinibilang na sunnah din na magpahid sa nakalitaw mula sa ulo gaya ng bumbunan, tagiliran ng ulo, at mga tainga.

Tanong 19: Napaloloob ba sa turban ang shimāgh ng lalaki at ang pantakip ng ulo ng babae?

Ang Sagot: Hinggil sa shimāgh ng lalaki at kupya niya, tiyakang hindi ito napaloloob sa turban. Hinggil naman sa isinusuot sa mga araw ng taglamig gaya ng mga gora na sumasakop sa ulo at mga tainga, na maaaring sa ilalim nito ay may pambalot sa leeg, tunay na ito ay tulad ng turban dahil sa kahirapan ng pag-alis nito kaya papahiran ito.

Hinggil naman sa mga babae, tunay na sila ay magpapahid sa mga belo nila ayon sa napatanyag sa madhhab ni Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh) kapag ang mga ito ay nakapaikot sa mga leeg nila[24] dahil iyon ay nasaad nga buhat sa ilan sa mga kababaihan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). [24] Al-Inṣāf Ma`a Al-Muqni` Wa Ash-Sharḥ Al-Kabīr: 1/387, at Muntahā Al-Irādāt Ma`a Sharḥ Al-Bayhaqīy: 1/122.

Tanong 20: Ang ṭarbūsh§ ay nasa ibabaw ng ulo at ang nasa tuktok nito ay nakaaabot sa leeg. Magpapahid ba rito?

Ang Sagot: Ang hayag ay na ang ṭarbūsh, kapag ito ay hindi naging mahirap alisin, ay hindi pinapayagan ang pagpapahid dito dahil ito ay nakahahawig ng kupya sa ilang punto. Ang batayang panuntunan ay ang pagkakinakailangan ng pagpapahid sa ulo hanggang sa mapaglinawan sa tao na ito ay kabilang sa pinapayagan ang pagpapahid dito.

Ang Pagpahid sa Balangkat

Tanong 21: Ano ang kahatulan ng pagpapahid sa balangkat at anumang kaugnay sa kahulugan ito? Ano ang patunay sa pagkaisinasabatas nito mula sa Qur'ān at Sunnah?

Ang Sagot: Una. Hindi makaiiwas na malaman muna natin kung ano ang balangkat.

Ang balangkat sa orihinal na kahulugan ay ang ipinangsasaayos sa pilay. Ang tinutukoy rito sa kaugalian ng mga faqīh ay ang inilalagay sa lugar na pinagsasagawaan ng ṭahārah dahil sa isang pangangailangan, tulad ng plaster na nasa pilay o tapal na nasa sugat o nasa hapdi sa likod o anumang nakawangis niyon. Ang pagpapahid sa ibabaw nito ay nakasasapat na pamalit sa paghuhugas.

Kapag nagtakda tayo na sa braso ng nagsasagawa ng wuḍū' ay may tapal sa isang sugat na nangangailangan nito, tunay na siya ay magpapahid dito sa halip ng paghuhugas. Ang ṭahārah na ito ay kumpleto, ayon sa kahulugan na kung sakaling ipinagpalagay na ang taong ito ay nag-alis ng balangkat na ito o tapal na ito, tunay na ang ṭahārah niya ay nananatili at hindi nasisira dahil tunay na ang wuḍū' ay nalubos ayon sa isang legal na paraan. Ang pag-aalis ng benda ay hindi nagkaroon ng isang patunay na ito ay nakasisira sa ṭahārah.

Kaugnay sa balangkat ay hindi nagkaroon ng isang patunay na nalibre sa pagtutol. Kaugnay sa mga ito ay may mga mahinang hadith lamang na pinagbatayan ng ilan sa mga may kaalaman at sinabing tunay na ang kalipunan ng mga ito ay nag-aangat sa mga ito na maging isang katwiran.

Mayroon sa mga may kaalaman na nagsasabing tunay na dahil sa kahinaan ng mga ito, hindi sinasaligan ang mga ito. Ang mga [mga maalam na] ito ay nagkaiba-iba sapagkat mayroon sa kanila na nagsabing tunay na naaalis ang pagkatungkulin ng pagdadalisay ng lugar ng balangkat dahil walang-kakayahan para roon at mayroon sa kanila na nagsabing bagkus magsasagawa ng tayammum para rito at hindi magpapahid dito.

Subalit ang pinakamalapit sa mga pahayag sa mga tuntunin, kasabay ng hindi pag-aalintana sa mga hadith na nasasaad kaugnay rito, ay na ito ay pinapahiran. Ang pagpapahid na ito ay makasasapat kapalit ng pagsasagawa ng tayammum kaya walang pangangailangan doon. Sa sandaling iyon, makapagsasabi tayo na kapag nagkaroon ng sugat sa mga bahaging pinagsasagawaan ng ṭahārah, mayroon itong mga antas:

Ang Unang Antas: Na ito ay nakalantad at hindi nakapipinsala rito ang paghuhugas kaya naman sa kalagayang ito kinakailangan dito ang paghuhugas dito

Ang Ikalawang Antas: Na ito ay nakalantad at nakapipinsala rito ang paghuhugas, hindi ang pagpapahid, kaya naman sa antas na ito kinakailangan dito ang pagpapahid, hindi ang paghuhugas.

Ang Ikatlong Antas: Na ito ay nakalantad at nakapipinsala rito ang paghuhugas at ang pagpapahid, kaya naman dito ay magsasagawa ng tayammum para rito.

Ang Ikaapat na Antas: Na ito ay natatakpan dahil sa isang tapal o kawangis niyan, na nangangailangan niyan. Sa kalagayang ito, magpapahid sa pantakip na iyan at makasasapat riyan para sa paghuhugas ng bahagi ng katawan.

Tanong 22: Mayroon bang mga kundisyon para sa pagpapahid sa balangkat kapag ito ay naging labis sa pangangailangan?

Ang Sagot: Ang balangkat ay hindi pinapahiran malibang sa sandali ng pangangailangan. Kaya naman kinakailangan na halagahan ito ayon sa halaga nito. Ang pangangailangan ay hindi ang lugar ng hapdi o ng sugat lamang; bagkus ang bawat kinakailangan sa pagpapatatag ng balangkat na ito o tapal na ito, halimbawa, sapagkat ito ay bahagi ng pangangailangan.

Tanong 23: Napaloloob ba sa kahulugan nito ang mga benda tulad ng gasa at iba pa rito?

Ang Sagot: Oo; napaloloob ito. Pagkatapos alamin na ang balangkat ay hindi gaya ng pagpapahid sa khuff, na tinataya sa isang yugtong tinakdaan; bagkus ukol sa kanya na magpahid rito hanggat ang pangangailangan ay nananawagan ng pananatili nito. Gayon din naman, magpapahid dito sa maliit na ḥadath at malaking ḥadath, na kasalungatan sa khuff, gaya ng naunang nabanggit. Kaya kapag kinailangan dito ang paghuhugas, magpapahid dito kung paanong nagpapahid sa wuḍū'.

Tanong 24: Ano ang pamamaraan ng pagpapahid sa balangkat? Maglalahat ba rito o magpapahid sa isang bahagi nito? Pakibigay ng detalye.

Ang Sagot: Oo; maglalahat dito sa kabuuan nito dahil ang batayang panuntunan ay na ang pamalit ay kahatulan ng pinalitan hanggat hindi nagsasaad ang Sunnah ng kasalungatan nito. Kaya naman dito ang pagpapahid ay pamalit para sa paghuhugas. Kaya kung paanong ang paghuhugas ay kinakailangan na maglahat sa bahagi ng katawan sa kabuuan nito, gayundin naman, ang pagpapahid ay kinakailangan na maglahat sa kabuuan ng balangkat. Hinggil naman sa pagpapahid sa khuff, ito ay isang permiso. Nagsaad nga ang Sunnah ng pagpayag sa pagkakasya sa pagpapahid sa isang bahagi nito.

Ang Ikalawang Parte: Ang Ṣalāh

Ang Kahalagahan Nito at ang Kainaman Nito

Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh

Ang Pagpapatirapa ng Pagkalingat

Ang Pagpapatirapa ng Pagbigkas

Ang Ṣalāh ng Manlalakbay at ang Ayuno Niya

Ang Sakit at ang Nararapat sa Maysakit na Mapansin

Papaanong magdadalisay ang maysakit, magdarasal, at mag-ayuno?

Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob

Ang mga Oras na Pagbabawal ng Ṣalāh

Ang Kahatulan sa Tagapag-iwan ng Ṣalāh

Ang Pagbabalik-loob

Ang Ṣalāh

* Ang Pagpapakahulugan sa Ṣalāh:

Ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagtayo, pag-upo, pagyukod, at pagpapatirapa kalakip ng mga sambitin sa isang natatanging pamamaraan. Walang pagkaiwas bago ng pagpasok sa pagsasagawa ng ṣalāh sa paggawa ng anumang nauuna rito na mga kundisyon gaya ng kadalisayan, pagtatakip ng kahubaran (`awrah), pagpasok ng oras (kung ito ay tinatakdaan ng oras), at iba pa roon.

Ang Kahalagahan Nito at ang Kainaman Nito

Ang salah ay ang ikalawang haligi mula sa limang haligi ng Islām. Ito ay ang pinakabinibigyang-diin sa mga haligi ng Islām matapos ng Dalawang Pagsaksi. Ang sinumang nagkaila sa pagkatungkulin nito ay tumangging sumampalataya dahil siya ay nagpapasinungaling kay Allāh, sa Sugo Nito, at pagkakabuklod ng hatol ng mga Muslim.

Hinggil naman sa sinumang kumilala sa pagkatungkulin nito subalit siya ay nagwawalang-bahala rito kaya hindi siya nagdarasal nito, nagkaiba-iba nga ang mga maalam hinggil sa hatol sa kanya. Ang matimbang na pahayag ay na siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang kawalang-pananampalatayang nagpapalabas buhat sa kapaniwalaan.

Ang ṣalāh ay ugnayan sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang isa sa inyo, kapag nagdasal siya, ay nakikiniig sa Panginoon niya."[25] Nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya) sa banal na ḥadīth: {Nagbahagi Ako sa ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang hati. Ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito. Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi [Akong] si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi [Akong] si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi [Akong si Allāh]: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi [Akong si Allāh]: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya.}[26] [25] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Mawāqīt Aṣ-Ṣalāh, Bāb Al-Muṣallī Yunājī Rabbah `Azza Wa Jalla, numero 531; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb An-Nahy `An Al-Buṣāq Fi Al-Masjid, numero 551; mula sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya). [26] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Wujūb Qirā'ah Al-Fātiḥah, numero 35/395, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).

Ang ṣalāh ay isang hardin ng mga pagsamba. May narito na bawat uring marilag: takbīr na binubuksan sa pamamagitan nito ang ṣalāh, pagtayong bumibigkas dito ang tagapagdasal ng salita ni Allāh, pagyukod na dumadakila siya rito sa Panginoon, pagtayo mula sa pagkakayukod na pumupuno siya rito ng pagbubunyi kay Allāh, pagpapatirapang nagluluwalhati rito kay Allāh (napakataas Siya) sa kataasan Niya at nagsusumamo sa Kanya sa panalangin, pag-upong para sa panalangin at pagpapakasaksi, at pagwawakas sa pamamagitan ng pagbati ng kapayapaan.

Ang ṣalāh ay tulong sa mga gawain at pagsaway laban sa kahalayan at mga nakasasama. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal...} (Qur'ān 2:45) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. ...} (Qur'ān 29:45)

Ang ṣalāh ay liwanag ng mga mananampalataya sa mga libingan nila at pagkakalapan sa kanila. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ṣalāh ay liwanag."[27] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nangalaga rito, magkakaroon siya ng liwanag, patotoo, at kaligtasan sa Araw ng Pagbangon."[28] [27] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Faḍl Wuḍū', numero 223, mula sa ḥadīth ni Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya). [28] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad: 2/169, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

Ang ṣalāh ay ginhawa ng mga mananampalataya at lugod ng mga mata nila. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inilagay ang ginhawa ng mata ko sa ṣalāh."[29] [29] Nagtala nito sina Imām An-Nasa'īy sa Kitāb `Ushrah An-Nisā', Bāb Ḥubb An-Nisā', numero 3392; at Imām Aḥmad: 3/128; mula sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya).

Ang ṣalāh ay ipinampapawi sa mga kamalian at ipinantatakip-sala sa mga masagwang gawa. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya rito sa bawat araw nang limang ulit, may matitira kaya mula sa karumihan niya na anuman?" Nagsabi sila: "Wala pong matitira mula sa karumihan niya na anuman." Nagsabi siya: "Kaya gayon din ang tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kamalian."[30] [30] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Mawāqīt Aṣ-Ṣalāh, Bāb Aṣ-Ṣalawāt Al-Khams Kafārah, numero 528; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Al-Mashy Ilā Aṣ-Ṣalāh Tumḥā Bihi Al-Khaṭāyā, numero 667; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).

Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang limang ṣalāh at ang Biyernes hanggang sa Biyernes ay panakip-sala para sa pagitan ng mga ito hanggat hindi sinadya ang malalaking kasalanan."[31] [31] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Aṣ-Ṣalawāt Al-Khams Wa Al-Jumu`ah Ila Al-Jumu`ah Mukaffirāt Limā Baynahunna, numero 223, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).

"Ang ṣalāh sa konggregasyon ay higit na mainam kaysa sa ṣalāh ng nag-iisa nang dalawampu't pitong antas." Nagsalaysay nito ang Anak ni `Umar ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).[32] [32] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Faḍl Al-Jamā`ah, numero 645; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Faḍl Ṣalāh Al-Jamā`ah, numero 650.

Nagsabi si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang sinumang nagpagalak sa kanya na makipagkita siya kay Allāh bukas bilang isang Muslim ay mangalaga siya sa mga ṣalāh na ito saan man ipanawagan ang mga ito sapagkat tunay na si Allāh ay nagsabatas para sa Propeta ninyo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga sunnah ng patnubay at tunay na ang mga ito ay bahagi ng mga sunnah ng patnubay. Kung sakaling kayo ay nagdasal sa mga bahay ninyo kung paanong nagdarasal ang nagpapaiwang ito sa bahay niya, talaga sanang nakapag-iwan kayo ng sunnah ng Propeta ninyo. Kung sakaling nag-iwan kayo ng sunnah ng Propeta ninyo, talaga sanang naligaw kayo. Walang anumang lalaking nagpapakadalisay saka nagpapaganda ng pagdadalisay, pagkatapos nagsasadya siya sa isang masjid mula sa mga masjid na ito malibang magtatala si Allāh para sa kanya ng isang magandang gawa para sa bawat hakbang na hahakbangin niya, mag-aangat sa kanya sa pamamagitan nito ng isang antas, at magbababa para sa kanya sa pamamagitan nito ng isang masagwang gawa. Talagang nakita namin at walang nagpapaiwan doon kundi isang mapagpaimbabaw na nalalaman ang pagpapaimbabaw. Talaga ngang noon ang lalaki ay dinadala, na inaakay sa pagitan ng dalawang lalaki hanggang sa maitindig siya sa hanay.}[33] [33] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Ṣalāh Al-Jamā`ah Min Sunan Al-Hudā, numero 654.

Ang kataimtiman sa ṣalāh – ang pagkadalo ng puso – at ang pangangalaga rito ay kabilang sa mga kadahilanan ng tagumpay at pagpasok sa mga paraiso. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {1. Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya, 2. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagtataimtim, 3. na sila sa kabalbalan ay mga tagaayaw, 4. na sila para sa zakāh ay mga tagapagsagawa, 5. na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat, 6. maliban sa mga asawa nila o inari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi, 7. ngunit ang sinumang naghangad ng lampas doon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag, 8. na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at kasunduan sa kanila ay mga tagapag-alaga, 9. na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga. 10. Ang mga iyon ay ang mga tagapagmana, 11. na mga magmamana ng Firdaws. Sila roon ay mga mananatili.} (Qur'ān 23:1-11)

Ang dalawang pangunahing kundisyon para sa pagtanggap ng ṣalāh ay ang pagpapakawagas kay Allāh (napakataas Siya) dito at ang pagganap nito kung paanong nagsaad nito ang Sunnah. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang."[34] Nagsabi pa siya: "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo sa akin habang nagdarasal ako."[35] [34] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Bad' Al-Waḥy, Bāb Kayfa Kāna Bad' Al-Waḥy, numero 1; at Imām Muslim: Kitāb Al-Imārah, Bāb Qawluhu: "Innama -l'a`mālu bi-nnīyah", numero 1907; mula sa ḥadīth ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya). [35] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Al-Ādāb Li-l-Musāfir Idhā Kānū Jamā`ah, numero 631, mula sa ḥadīth ni Mālik bin Al-Ḥuwayrith (malugod si Allāh sa kanya).

Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh

Kapag nalubos ang mga kundisyong ito at humanda siya para sa ṣalāh, magsasagawa siya ng sumusunod:

1. Na humarap siya sa qiblah kasama ng buong katawan niya nang walang paglihis o paglingon;

2. Pagkatapos maglalayon siya ng ṣalāh na ninanais na dasalin sa puso niya nang walang pagbanggit ng layunin.

3. Pagkatapos magsasagawa siya ng takbīratul 'iḥrām kaya magsasabi siya ng Allāhu akbar habang nag-aangat ng mga kamay niya sa pantay sa mga balikat niya o lobulo (lobe) ng mga tainga niya o mga sangay ng mga ito sa sandali ng pagsasagawa ng takbīr.

4. Pagkatapos maglalagay siya ng palad ng kanang kamay niya sa ibabaw ng kaliwang kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya.

5. Pagkatapos dadalangin siya [nang tahimik] ng du`ā'ul'istiftāḥ (panalangin ng pagbubukas) kaya magsasabi siya: "Allāhumma bā`id baynī wa bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī min khaṭāyāya kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa -ththalji wa -lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian ko kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin ng mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at namuong yelo.)"[36] [36] Iyon ay batay sa itinala nina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Mā Yaqūlu Ba`da At-Takbīr, numero 744; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Mā Yaqūlu Bayna Takbīrih, numero 598; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).

6. O magsasabi siya: "Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka -smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. Napakamapagpala ang pangalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)" [37] Iyon ay batay sa itinala nina Imām Abū Dāwud sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Man Ra'ā Al-Istiftāḥ Bi Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdik, numero 775; Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Mā Yaqūlu `Inda Iftitāḥ Aṣ-Ṣalāh, numero 242; Imām An-Nasā'īy sa Kitāb Al-Iftitāḥ, Bāb Naw` Ākhar Min Adh-Dhikr Bayna Iftitāḥ Aṣ-Ṣalāh Wa Bayna Al-Qirā'ah, numero 900; Imām Ibnu Mājah sa Kitāb Iqāmah Aṣ-Ṣalāh, Bāb Iftitāḥ Aṣ-Ṣalāh, numero 804; at Imām Aḥmad: 3/50 mula sa ḥadīth ni Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya); at batay sa itinala nina Imām Abū Dāwud sa naunang talababa, numero 776; Imām At-Tirmidhīy sa naunang talababa, numero 243; at Imām Ibnu Mājah sa naunang talababa, numero 806; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya). Nagtala nga nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Ḥujjah Man Qāla: Lā yajhar bi-lbasmalah, numero 399, bilang nakaugnay kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ang sinumang gumawa nito. Sa sanad nito ay may depekto.

7. Pagkatapos mananalangin siya ng pagpapakupkop kaya magsasabi siya [ng isti`ādhah]: "A`ūdhu bi-­llāhi mina -­shshayṭāni ­rrajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa)."

8. Pagkatapos sasambitin niya ang basmalah at bibigkasin ang Fātiḥah kaya magsasabi siya: {1. Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 2. Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn, (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,) 3. Arraḥmāni -rraḥīm, (ang Napakamaawain, ang Maawain,) 4. Māliki yawmi -ddīn. (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.) 5. Iyyāka na`budu wa iyyāka nasta`īn (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong). 6. Ihdina -ṣṣirāta -lmustaqīm, (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) 7. Ṣirāṭa -lladhīna an`amta `alayhim ghayri -lmaghḍūbi `alayhim wa-la -ḍḍāllīn. (ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.)} (Qur'ān 1:1-7) Pagkatapos magsasabi ako ng: "Āmīn." Nangangahulugan ito: "O Allāh, tugunin Mo."

9. Pagkatapos bibigkas siya ng anumang madali mula sa Qur'ān at magpapahaba siya ng pagbigkas sa ṣalāh sa fajr (madaling-araw).

10. Pagkatapos yuyukod siya, ibig sabihin, magbababa siya ng likod niya bilang pagdakila kay Allāh. Sasambit siya ng takbīr sa sandali ng pagyukod niya. Mag-aangat siya ng mga kamay niya sa pantay sa balikat niya. Ang sunnah ay na mag-unat siya ng likod niya, maglagay siya ng ulo niya nang kanibel ng likod, at maglagay siya ng mga kamay niya sa mga tuhod niya nang magkakahiwalay ang mga daliri.

11. Magsasabi siya, sa pagkakayukod niya, ng: "Subḥāna rabbiya -l'adhim (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" nang tatlong ulit. Kung magdaragdag siya ng: "Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdik. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin),"[38] at at "Subbūḥun quddūsun rabbu -lmalā'ikati wa -rrūḥ. (Kaluwa-luwalhatian, kabanal-banalan, Panginoon ng mga anghel at Espiritu.)"[39] ay maganda naman. [38] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 761 at Imām Muslim sa numero 484. [39] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 487 at Imām Abū Dāwud sa numero 872.

12. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya [kasama ng katawan] mula sa pagkakayukod habang nagsasabi ng: "Sami`a -­llāhu liman ḥamidah (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" habang nag-aangat ng mga kamay [na nakabukas] sa sandaling ito sa pantay sa mga balikat niya.

13. Ang ma'mūm naman ay hindi nagsasabi ng: "Sami`a -­llāhu liman ḥamidah" at nagsasabi lamang ng kapalit nito: "Rabbanā wa laka -lḥamd (O Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)."

14. Pagkatapos magsasabi siya matapos ng pagkaangat niya: "Rabbanā wa-laka ­-lḥamdu mil'a -ssamāwāti wa-mil'a -l'arḍi wa-mil'a mā s̆i'ta min s̆ay'im ba`d. (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri na kasing puno ng mga langit, kasing puno ng lupa, at kasing puno ng anumang niloob Mo na bagay matapos niyon.)"[40] Maganda kung magdaragdag siya ng: "Ahla -t̆t̆anā'i wa-lmajdi, 'aḥaqqu mā qāla -l`abdu wa-kullunā laka `abd: Lā māni`a limā a`ṭayta wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta wa-lā yanfa`u d̆a -ljaddi minka -ljadd. (Marapat sa pagbubunyi at karikitan, ang higit na karapat-dapat sa sinabi ng lingkod at lahat kami ay lingkod: Walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo, at hindi makapagpapakinabang sa may yaman ang yaman laban sa Iyo.)"[41] [40] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 471 at Imām Abū Dāwud sa numero 760. [41] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 477 at Imām Abū Dāwud sa numero 847.

15. Pagkatapos magpapatirapa siya ng unang pagpapatirapa bilang kataimtiman kay Allāh. Magsasabi siya, sa sandali ng pagkakapatirapa niya, ng Allāhu akbar. Magpapatirapa siya na nakadikit sa lapag ang pitong bahagi ng katawan: ang noo kasama ng ilong, ang mga palad ng kamay, ang mga tuhod, at ang mga dulo ng mga paa. Maglalayo siya ng mga braso niya sa mga tagiliran ng katawan at hindi siya maglalatag ng mga braso niya sa lapag. Maghaharap siya sa qiblah ng mga dulo ng mga daliri niya.

14. Magsasabi siya, sa pagkapatirapa niya, ng: "Subḥāna rabbiya -­l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang tatlong ulit. Kung magdaragdag siya ng: "Subḥānaka -llāhumma wa bi-ḥamdik. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin),"[42] at "Subbūḥun quddūsun rabbu -lmalā'ikati wa -rrūḥ. (Kaluwa-luwalhatian, kabanal-banalan, Panginoon ng mga anghel at Espiritu.)"[43] ay maganda naman. [42] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 761 at Imām Muslim sa numero 484. [43] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 487 at Imām Abū Dāwud sa numero 872.

17. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya [kasama ng katawan] mula sa pagkakapatirapa habang nagsasabi ng Allāhu akbar.

18. Pagkatapos uupo siya sa pagitan ng dalawang patirapa sa kaliwang paa niya at magtutukod siya ng kanang paa niya. Maglalagay siya ng kanang kamay niya sa dulo ng kanang hita niya nang malapit sa tuhod niya at magkukuyom siya, mula sa kanang kamay, ng hinliliit at palasingsingan. Mag-aangat siya ng hintuturo at magpapagalaw nito sa sandali ng pagdalangin niya. Maglalagay siya ng dulo ng hinlalaki na nakaugnay sa dulo ng hinggigitna gaya ng aro (loop). Maglalagay siya ng kaliwang kamay niya na nakalatag ang mga daliri sa dulo ng kaliwang hita niya mula sa nalalapit sa tuhod.

19. Magsasabi siya sa pagkakaupo niya sa pagitan ng dalawang patirapa: "Rabbi -ghfir lī, wa-rḥamnī, wa-hdinī, wa-rzuqnī, wa-jburnī, wa-`āfinī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, magtustos Ka sa akin, magpuno Ka sa akin, at magpalusog Ka sa akin.)"[44] [44] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 2697 at Imām Abū Dāwud sa numero 850.

20. Pagkatapos magpapatirapa siya ng ikalawang pagpapatirapa bilang kataimtiman kay Allāh gaya ng una sa sinasabi at ginagawa. Magsasagawa siya ng takbīr sa sandali ng pagpapatirapa niya.

21. Pagkatapos babangon siya mula sa ikalawang pagpapatirapa habang nagsasabi ng Allāhu Akbar. Magdarasal siya ng ikalawang rak`ah gaya ng una sa sinasabi at ginagawa maliban na siya ay hindi dadalangin [nang tahimik] ng du`ā'ul'istiftāḥ dito.

22. Pagkatapos uupo siya matapos ng pagwawakas ng ikalawang rak`ah habang nagsasabi ng Allāhu Akbar at uupo siya gaya ng pag-upo niya sa pagitan ng dalawang patirapa.

23. Bibigkasin niya ang Tashahhud sa pag-upong ito kaya magsasabi siya: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā ṣallayta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; wa bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. A`ūdhu bi-llāhi min `adhābi jahannam, wa-min `adhābi -lqabr, wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāt, wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa atin at ukol sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal; at biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa pagdurusa sa Impiyerno at pagdurusa sa libingan, laban sa pagsubok ng buhay at kamatayan, at laban sa pagsubok ng Bulaang Kristo.)"

24. Pagkatapos dadalangin siya sa Panginoon niya ng anumang naiibigan niya mula sa mabuti sa Mundo at mabuti sa Kabilang-buhay.

25. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa raḥmatu ­-llāh." at sa dakong kaliwa gayon din.

26. Kapag ang ṣalāh ay tatluhang rak`ah o apatang rak`ah, titigil siya sa wakas ng unang tashahhud: ang pagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh.

27. Pagkatapos babangon siya para tumayo habang nagsasabi ng Allāhu akbar at mag-aangat siya ng mga kamay niya nang pantay sa balikat niya sa sandaling iyon.

28. Pagkatapos dadasalin niya ang natira mula sa ṣalāh niya ayon sa pagsasagawa ng ikalawang rak`ah subalit siya ay magkakasya sa pagbigkas ng Fātiḥah.

26. Pagkatapos uupo siya nang upong tawarruk: magtutukod siya ng kanang paa niya, maglalabas siya ng kaliwang paa niya mula sa ilalim ng kanang binti niya, maglalapag siya ng pigi niya sa lapag, maglalagay siya ng mga kamay niya sa mga hita niya ayon sa pagkalarawan ng pagkalagay sa mga ito sa unang tashahhud.

30. Bibigkasin niya sa pagkakaupong ito ang tashahhud sa kabuuan nito.

31. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa raḥmatu ­-llāh." at sa dakong kaliwa gayon din.

* Mga Bagay na Kinasusuklaman sa Ṣalāh:

1. Kinasusuklaman sa ṣalāh ang pagbaling ng ulo o ng paningin. Hinggil naman sa pag-angat ng paningin sa langit, bawat ito.

2. Kinasusuklaman sa ṣalāh ang paglilikot at ang paggalaw nang walang pangangailangan.

3. Kinasusuklaman sa ṣalāh ang pagsama ng anumang nakaaabala gaya ng bagay na mabigat at makulay na nagpapabaling ng paningin.

4. Kinasusuklaman sa ṣalāh ang pamamaywang, ang paglalagay ng kamay sa baywang.

* Mga Pangyayaring Tagapagpawalang-saysay ng Ṣalāh:

1. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa pagsasalita nang sadya kahit na ito ay kaunti.

2. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa paglihis palayo sa qiblah ng buong katawan.

3. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa paglabas ng hangin sa anus at dahil sa lahat ng nag-oobliga ng pagsasagawa ng ghusl o wuḍū'.

4. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa maraming magkakasunud-sunod na paggalaw nang walang pangangailangan.

5. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa pagtawa kahit pa ito ay kaunti.

6. Nawawalang-saysay ang ṣalāh kapag nakadagdag siya rito ng isang pagyukod o isang pagpapatirapa o isang pagtayo o isang pag-upo na sinasadya iyon.

7. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa pakikipag-unahan sa imām nang sadyaan.

8. Kabilang sa mga tagapagpawalang-saysay sa ṣalāh din ang pagsasagawa ng ṣalāh nang nakasuot ng damit na nakapaglalarawan ng balat (gaya ng nasaad nang maliwanag sa sagot sa sumusunod na tanong):

Kagalang-galang na Shaykh Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn,

Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Hinahangad ko po ang sagot sa tanong na ito:

Marami sa mga tao ang nagdarasal habang nakasuot ng manipis na damit na nakapaglalarawan ng balat at nagsusuot sa ilalim ng damit na ito ng maikling salawal na hindi lumalampas sa kalagitnaan ng hita kaya naaaninag ang hita mula sa likuran ng damit. Ano po ang kahatulan sa ṣalāh ng mga ito?

Sumainyo ang kapayapaan, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya.

Ang kahatulan sa ṣalāh ng mga ito ay ang kahatulan sa sinumang nagsagawa ng ṣalāh nang walang suot na damit kundi maikling salawal dahil ang manipis na damit na nakapaglalarawan ng balat ay hindi nakatatakip at ang pagkakaroon nito ay gaya ng kawalan nito. Batay roon, tunay na ang ṣalāh nila ay hindi tumpak ayon sa pinakatumpak sa magkasalungat na pahayag ng mga maalam. Ito ay ang napatanyag mula sa doktrina ni Imām Aḥmad (malugod si Allāh sa kanya).[45] Iyon ay dahil kinakailangan sa tagapagsagawa ng ṣalāh kabilang sa mga lalaki na magtakip ng nasa pagitan ng pusod at tuhod. Ito ay ang pinakamababa sa pagsasakatuparan ng pagsunod sa sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. ...} (Qur'ān 7:31) [45] Al-Inṣāf Ma`a Al-Muqni` Wa Ash-Sharḥ Al-Kabīr: 3/200, at Muntahā Al-Irādāt Ma`a Sharḥ Al-Bayhaqīy: 1/298.

Kaya ang kinakailangan sa kanila ay isa sa dalawa: maaaring magsuot sila ng salawal na nakatatakip sa pagitan ng pusod at tuhod at maaaring magsuot sila sa ibabaw ng maikling salawal ng isang makapal na kasuutang hindi nakapaglalarawan ng balat.

Ang gawaing ito na binanggit sa tanong ay mali at mapanganib. Kaya kailangan sa kanila na magbalik-loob kay Allah (napakataas Siya) at na magsigasig sila sa pagkumpleto ng pagtatakip ng kinailangang takpan sa pagsasagawa ng salah nila.

Humihiling tayo kay Allāh (napakataas Siya) para sa atin at para sa mga kapatid nating Muslim ng kapatnubayan at pagtutuon sa anumang iniibig Niya at kinalulugdan Niya. Tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.

Isinulat ni

Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn

Ramaḍān 5, 1408 Hijrah (Abril 15, 1988)

Ang mga Nasasaad na Dhikr na Sinasambit Matapos ng Salām ng Isinatungkuling Ṣalāh

Nararapat na magsabi ng:

Astaghfiru -llāh, astaghfiru -llāh, astaghfiru -llāh. Allāhumma anta -ssalāmu wa-minka -ssalām. Tabārakta yā dha -ljalāli wa-l'ikrām. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. O Allāh, Ikaw ay ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, o May kapitaganan at pagpaparangal).[46] [46] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 591 at Imām Abū Dāwud sa numero 1512.

Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā hawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā llāha illa -llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu -nni`matu wa-lahu -lfaḍlu wa-lahu -ththanā'u -lḥasan. Lā ilāha illa -llāhu mukhliṣīna lahu -ddīna wa-law kariha -lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh, at wala tayong sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya at ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. [Tayo ay] mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tagatangging-sumampalataya.)[47] [47] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 594 at Imām An-Nasā'īy sa numero 1340.

Lā ilāha illa -llāh waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana‘ta, wa-lā yanfa`u dha -ljaddi minka -ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. O Allāh, walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo. Hindi makapagpapakinabang sa may yaman laban sa Iyo ang yaman.)[48] [48] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6862 at Imām Muslim sa numero 593.

Magsisigasig siya sa pagsambit ng nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paksang ito na tasbīḥ, taḥmīd, at takbīr. Nasaad ito sa ilang anyo kaya ang pinakamainam ay na magsabi ng isang anyo minsan, ng ikalawang anyo minsan, at iba pang anyo minsan.

Ang una ay na magsabi ng: "Subḥāna ­-llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)" nang 33 ulit, "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" nang 33 ulit, at "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" nang 33 ulit; at wakasan ng: Lā ilāha illa -llāh waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa lahat ng bagay ay May-kakayanan.)[49] [49] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Istiḥbāb Adh-Dhikr Ba`da Aṣ-Ṣalāh, numero 597, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).

Ang ikalawa ay na magsabi ng: "Subḥāna ­-llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)" nang 33 ulit, "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" nang 33 ulit, at "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" nang 34 ulit. [50] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Istiḥbāb Adh-Dhikr Ba`da Aṣ-Ṣalāh, numero 596, mula sa ḥadīth ni Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya).

Ang ikatlo ay na magsabi ng: "Subḥāna ­-llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)" nang 10 ulit, "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" nang 10 ulit, at "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" nang 10 ulit. [51] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Ad-Da`awāt, Bāb Ad-Du`ā' Ba`da Aṣ-Ṣalāh, numero 6329, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). Nagtala rin nito sina Imām Abū Dāwud sa Kitāb Al-Ādāb, Bāb Fi At-Tasbīḥ `Inda An-Nawm, numero 5065; Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Ad-Da`awāt, Bāb Mā Jā'a Fī At-Tasbīḥ, At-Taḥmīd, at At-Takbīr `Inda Al-Manām, numero 3410; Imām An-Nasā'īy sa Kitāb As-Sahw, Bāb `Adad At-Tasbīḥ Ba`da At-Taslīm, numero 1349; at Imām Aḥmad, 2/160, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

Ang ikaapat ay na magsabi ng: "Subḥāna ­-llāh", "Alḥamdu lillāh", at "Allāhu akbar" nang 25 ulit.[52] [52] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Ad-Da`awāt, Bāb Mā Jā'a Fī At-Tasbīḥ, At-Taḥmīd, at At-Takbīr `Inda Al-Manām, numero 3413; Imām An-Nasā'īy sa Kitāb As-Sahw, Bāb Naw` Ākhar Min `Adad At-Tasbīḥ, numero 1351; at Imām Aḥmad, 5/184, mula sa ḥadīth ni Zayd bin Thābith (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Nagtala rin nito si Imām An-Nasā'īy sa Kitāb As-Sahw, Bāb Naw` Ākhar Min `Adad At-Tasbīḥ, numero 1352, mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

Nararapat din na bigkasin niya ang Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255) at gayon din: ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112) (Qur'ān 112:1) at ang Sūrah Al-Falaq (Qur'ān 113) (Qur'ān 113:1) at ang Sūrah An-Nās (Qur'ān 114). (Qur'ān 114:1)

Ang mga Patakaran ng Pagpapatirapa ng Pagkalingat

Ang pagpapatirapa ng pagkalingat (sujūd sahw) ay may tatlong kadahilanan: ang pagkadagdag, ang pagkakulang, at ang pagkaduda.

Ang Pagkadagdag

Tulad ng kung makadagdag ang tao sa ṣalāh niya ng isang pagkayukod sapagkat yumukod siya sa iisang rak`ah ng dalawang pagkayukod o ng isang pagkapatirapa, magpapatirapa siya nang tatlong ulit; o ng isang pagtayo sapagkat tumayo siya para sa ikalimang rak`ah, halimbawa, sa ṣalāh na apatang rak`ah, pagkatapos nakaalaala siya at bumalik.

Kapag ang pagpapatirapa ng pagkalingat (sujūd sahw) ay alang-alang dito, tunay na ito ay matapos ng taslīm. Nangangahulugan ito na ikaw ay magsasagawa ng tashahhud at magsasagawa ng taslīm, pagkatapos magpapatirapa nang dalawang patirapa at magsasagawa ng taslīm. Ganito ang ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang siya ay nagdasal ng limang rak`ah saka nagpaalaala sila sa kanya matapos ng taslīm, kaya nagpatirapa siya matapos ng taslīm.[53] [53] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Mā Jā'a Fi Al-Qiblah, numero 404; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb As-Sahw Fi Aṣ-Ṣalāh Wa As-Sujūd Lah, numero 572; mula sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).

Hindi masasabi na [ang pangyayaring] ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpatirapa matapos ng taslīm dito ay kinakailangan na siya ay hindi nakaalam malibang matapos ng taslīm at siya ay gayon naman; subalit tayo ay makapagsasabi na kung sakaling ang patakaran ay naiiba sa ginawa niya, talaga sanang nagsabi siya sa kanila (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakaalam kayo sa pagkadagdag bago kayo magsagawa ng taslīm, magpatirapa kayo para roon bago ng taslīm." Kaya naman noong kinilala niya ang usapin ayon sa nangyari sa kanya, nalaman na ang pagpapatirapa ng pagkalingat para sa pagkadagdag ay matapos ng taslīm.

Nagpapatunay roon na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – noong nagsagawa siya ng taslīm matapos ng dalawang rak`ah ng ṣalāh na ḍ̆uhr o `aṣr, pagkatapos nagpaalaala sila sa kanya – ay naglubos ng ṣalāh niya, pagkatapos nagsagawa ng taslīm, pagkatapos nagpatirapa nang dalawang patirapa, pagkatapos nagsagawa ng taslīm.[54] Iyon ay dahil ang taslīm sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh ay isang pagkadagdag kaya naman nagpatirapa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para rito matapos ng taslīm. [54] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Tashbīk Al-Aṣābi` Fi Al-Masjid, numero 482; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb As-Sahw Fi Aṣ-Ṣalāh Wa As-Sujūd Lah, numero 573; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). Nagtala rin nito si Imām Muslim sa naunang talababa, numero 574; mula sa ḥadīth ni `Imrān Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) maliban na siya ay nagsabi: "... nagsagawa siya ng taslīm matapos ng tatlong rak`ah".

Kung paano na ito ay hinihiling ng epekto, tunay na ito ay hinihiling ng pagmamasid din sapagkat tunay na kapag nakadagdag sa ṣalāh at nagsabi tayo na magpatirapa para sa pagkalingat bago magsagawa ng taslīm, sa ṣalāh ay magiging may dalawang pagkadagdag; at kapag naman nagsabi tayo na magpatirapa matapos magsagawa ng taslīm, sa ṣalāh ay magiging may iisang pagkadagdag na naganap dala ng pagkalingat.

Ang Pagkakulang

Ito ay pagpapatirapa niya bago ng taslīm, tulad ng kung tumindig siya buhat sa unang tashahhud habang nakalilimot, o na makalimot siya na magsabi ng: "Subḥāna rabbiya -l-a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" habang nasa pagpapatirapa o na makalimot, o na makalimot siya na magsabi ng: "Subḥāna rabbiya -l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila.)" habang nasa pagyukod. ito ay magpapatirapa bago magsagawa ng taslīm dahil ang ṣalāh sa sandaling iyon ay nagkulang dahil sa pagkaiwan ng tungkuling ito. Kaya ang hinihiling ng karunungan ay na magpatirapa para sa pagkalingat bago siya magsagawa ng taslīm upang mapunan ang pagkakulang bago siya makipaghiwalay sa ṣalāh.

Nagpatunay nga roon ang ḥadīth ni `Abdullāh Ibnu Buḥaynah: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namuno sa kanila sa ṣalāh na ḍ̆uhr saka tumayo siya mula sa [unang] dalawang rak`ah at hindi naupo. Noong natapos niya ang ṣalāh at naghintay naman ang mga tao ng taslīm niya, sumambit siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng takbīr habang siya ay nakaupo saka nagpatirapa nang dalawang patirapa saka nagsagawa ng taslīm.}[55] [53] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Man Lam Yara At-Tashahhud Al-Awwal Wājiban, numero 829; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb As-Sahw Fi Aṣ-Ṣalāh Wa As-Sujūd Lah, numero 572.

Ang Pagkaduda sa Pagkadagdag o Pagkakulang

Kapag nagduda kung nagdasal kaya siya ng apat o tatlong rak`ah, ito ay may dalawang kalagayan:

Ang Unang Kalagayan: Na manaig sa palagay niya ang isa sa dalawang lagay: maaaring ang pagkadagdag o ang pagkakulang, kaya babatay siya sa nananaig sa palagay niya at magpapatirapa siya para sa pagkalingat matapos ng taslīm, gaya ng nasaad sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya). "Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, pakayin niya ang tama saka maglubos siya rito, pagkatapos magsagawa siya ng taslīm, pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang pagpapatirapa." Ganito ang sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o ang kahulugan nito.[56] [56] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb At-Tawajjuh Ila Al-Qiblah Ḥaythu Kāna, numero 401; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb As-Sahw Fi Aṣ-Ṣalāh Wa As-Sujūd Lah, numero 572; mula sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).

Ang Ikalawang Kalagayan: Kapag nagduda siya sa pagkadagdag o pagkakulang na hindi matimbang-timbang sa ganang kanya ang isa sa dalawang lagay, tunay na siya ay babatay sa katiyakan – ang pinakamababa – pagkatapos maglulubos siya rito, pagkatapos magpapatirapa siya nang dalawang patirapa bago siya magsagawa ng taslīm. Ganito ang nasaad sa Sunnah buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).[57] [57] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb As-Sahw Fi Aṣ-Ṣalāh Wa As-Sujūd Lah, numero 571; mula sa ḥadīth ni Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya).

* Ilan sa mga Patakaran ng Pagpapatirapa ng Pagkalingat:

1. Kapag nananadyang nagsagawa ng taslīm ang nagdarasal bago ng kalubusan ng ṣalāh, nawalang-saysay ang ṣalāh niya.

2. Kapag nananadyang nagdagdag ang nagdarasal sa ṣalāh niya ng isang pagtayo o isang pag-upo o isang pagyukod o isang pagpapatirapa, nawalang-saysay ang ṣalāh niya.

3. Kapag nag-iwan siya ng isang haligi kabilang sa mga haligi ng ṣalāh saka kung ito ay takbīratul'ḥrām, walang ṣalāh para sa kanya, maging iniwan man niya ito dala ng pananadya o dala ng pagkalingat, dahil ang ṣalāh niya ay hindi naisagawa. Kung ang iniwang haligi ay hindi takbīratul'ḥrām saka nag-iwan siya nito dala ng pananadya, nawalang-saysay ang ṣalāh niya.

4. Kung nananadyang nag-iwan siya ng isang kinakailangan kabilang sa mga kinakailangan sa ṣalāh, nawalang-saysay ang ṣalāh niya.

5. Kapag ang pagpapatirapa ng pagkalingat ay matapos ng taslīm, walang pagkaiwas sa pagsasagawa ng taslīm sa ikalawang pagkakataon matapos nito.

* Ang Binuod sa mga Patakaran ng Pagpapatirapa ng Pagkalingat:

Ang Usapin/1. Hinggil sa Taslīm Bago ng Pagkalubos ng Ṣalāh

Kapag nakalilimot na nagsagawa ng taslīm ang nagdarasal bago ng pagkalubos ng ṣalāh

Ang kalagayan nito/ Kapag nakaalaala matapos ng paglipas ng mahabang sandali, magpapasimula siya ng ṣalāh sa muli.

Kung nakaalaala siya matapos ng maikling sandali – gaya ng limang minuto – tunay na siya ay magkukumpleto ng ṣalāh niya at magsasagawa ng taslīm nito.

Ang puwesto ng pagpapatirapa/Magpapatirapa siya nang dalawang patirapa matapos ng taslīm para sa pagkalingat at magsasagawa siya ng taslīm sa ikalawang pagkakataon.

****

Ang Usapin/2. Hinggil sa Pagkadagdag sa Ṣalāh

Kapag nakadagdag ang nagdarasal sa ṣalāh niya ng isang pagtayo o isang pag-upo o isang pagyukod o isang pagpapatirapa

Ang kalagayan nito/ Kapag nakaalaala matapos ng pagtatapos ng pagkadagdag, walang kailangan sa kanya kundi ang pagpapatirapa para sa pagkalingat.

Kung nakaalaala sa sandali ng pagkadagdag, kakailanganin sa kanya ang pagbalik buhat sa pagkadagdag.

Ang puwesto ng pagpapatirapa/Magpapatirapa siya para sa pagkalingat matapos ng taslīm at magsasagawa siya ng taslīm sa ikalawang pagkakataon.

****

Ang Usapin/3. Hinggil sa Pagkaiwan ng mga Haligi Kapag nakalilimot na nag-iwan siya ng isang haligi kabilang sa mga haligi ng ṣalāh na hindi takbīratul'ḥrām

Ang kalagayan nito/Kung umabot siya sa lugar nito sa rak`ah na sumusunod doon, nawalang-bisa ang rak`ah na nakaiwan siya nito mula roon at humalili ang sumusunod doon sa kinalalagyan niyon.

Kung hindi siya umabot sa lugar nito sa rak`ah na sumusunod doon, kakailanganin sa kanya ang pagbalik sa parte ng haliging naiwan at magsasagawa nito at ng matapos nito. Ang puwesto ng pagpapatirapa/Sa kapwa kalagayan, kakailanganin sa kanya ang pagpapatirapa ng pagkalingat at ang parte nito ay matapos ng taslīm.

****

Ang Usapin/4. Hinggil sa Pagdududa sa Ṣalāh

Kapag nagduda siya sa bilang ng mga rak`ah kung nagdasal kaya siya ng dalawang rak`ah o tatlo, hindi nawawalan ito ng dalawang kalagayan:

Ang kalagayan nito/ِAng unang kalagayan na matimbang-timbang sa ganang kanya ang isa sa dalawang lagay kaya magsasagawa siya ng matimbang at maglulubos siya rito ng ṣalāh niya, pagkatapos magsasagawa ng taslīm.

Ang ikalawang kalagayan na hindi matimbang-timbang sa ganang kanya ang isa sa dalawang lagay kaya tunay na siya ay magbabatay sa katiyakan, ang pinakakaunti, pagkatapos maglulubos siya rito.

Ang puwesto ng pagpapatirapa/Magpapatirapa siya para sa pagkalingat matapos ng taslīm sa unang kalagayan.

Magpapatirapa siya para sa pagkalingat bago ng taslīm sa ikalawang kalagayan.

****

Ang Usapin/5. Hinggil sa Pagkaiwan ng Unang Tashahhud Habang Nakalilimot

Ang kahatulan ng mga kinakailangan ay ang kahatulan ng unang tashahhud.

Ang kalagayan nito/Kung hindi siya nakaalaala kundi matapos naisalubos habang tumatayo, tunay na siya ay magpapatuloy sa ṣalāh niya at hindi siya babalik para sa tashahhud.

Kung naalaala niya matapos ng pagbangon niya at bago niya maisalubos ang pagkakatayo, tunay na siya ay babalik, uupo, magsasagawa ng tashahhud, at magkukumpleto ng ṣalāh niya.

Kuna naalaala niya bago siya magbangon ng mga hita niya buhat sa mga binti niya, tunay na siya ay pipirme habang nakaupo at magsasagawa ng tashahhud, pagkatapos magkukumpleto ng ṣalāh niya, at hindi magpapatirapa para sa pagkalingat dahil walang nangyari mula sa kanya na isang pagkadagdag ni isang pagkakulang.

Ang puwesto ng pagpapatirapa/Magpapatirapa siya para sa pagkalingat bago ng taslīm.

Ang Pagpapatirapa ng Pagbigkas

Ang kadahilanan nito: Na makaraan ang tao sa isang talata ng Qur'ān na may binanggit na pagpapatirapa. Ang mga pagpapatirapa sa Marangal na Qur'ān ay nalalaman at markado sa gilid ng mga kopya ng Qur'ān. Kapag naparaan ang tao sa isang pagbanggit ng pagpapatirapa, tunay na natitiyak sa tungkulin niya na magpatirapa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Bagkus nagsabi ang ilan sa mga maalam na ang pagpapatirapa ng pagbigkas ay kinakailangan. Ang tumpak ay na ito ay hindi kinakailangan dahil ang pinuno ng mga mananampalaaya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay nagtalumpati isang araw sa isang Biyernes saka nakabasa siya ng isang talata ng pagpapatirapa sa Sūrah An-Naḥl (Qur'ān 16) saka nagpatirapa siya, pagkatapos bumigkas siya nito sa ibang Biyernes at hindi siya nagpatirapa. Pagkatapos nagsabi siya (malugod si Allāh sa kanya): "Tunay na si Allāh ay hindi nagsatungkulin sa atin ng pagpapatirapa maliban na lumuob tayo."[58] Ang pagkataliwas dito ay pinutol. Ibig sabihin: ang kahulugan ng sabi niya: "maliban na lumuob tayo" ay "subalit kung niloob natin ay magpapatirapa tayo". Hindi ito nangangahulugang: "maliban na lumuob tayo ng isang tungkuling isinatungkulin sa atin" dahil ang mga tungkulin ay hindi nauugnay sa kalooban. Ginawa nga iyan ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa isang kapulungan ng mga Kasamahan at walang nagmasama sa kanya na isa man sa kabila ng sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pagmasama sa anumang naging nakasasama. Kaya naman ang pagkilala ng mga Kasamahan sa dakilang pagtitipong ito sa isang bagay na namutawi mula sa Matinong Khalīfah na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay nagpapatunay na ang pagpapatirapa ng pagbigkas ay hindi isang kinakailangan. Ito ang tumpak, maging ang tao man ay nasa isang ṣalāh o nasa hindi isang ṣalāh. [58] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Sujūd Al-Qur'ān, Bāb Man Ra'ā Anna Allāh `Azza Wa Jalla Lam Yūjib As-Sujūd, numero 1077.

* Ang Pamamaraan ng Pagpapatirapa ng Pagbigkas

Sasambit siya ng takbīr, magpapatirapa siya – gaya ng pagpapatirapa sa ṣalāh – sa pitong bahagi ng katawan, at magsasabi: "Subḥāna rabbiya -l-a`lā. Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa-bi-ḥamdika, allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas. Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Mananalangin siya ng panalanging napatanyag: "Allāhumma laka sajadtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu. Sajada wajhī lillāhi -lladhī khalaqahu, wa-ṣawwarahu, wa-sḥaqqa sam`ahu wa-baṣarahu bi-ḥawlihi wa-qūwatih. Allāhumma -ktub lī bihā ajran, wa-rfa` `annī bihā wizran, wa-j`alhā lī `indaka dhukhran, wa-taqabbalhā minnī kamā taqabbaltahā min `abdika dāwud. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nanalig. Nagpatirapa ang mukha ko kay Allāh na lumikha dito, nag-anyo dito, nagbukas sa pandinig nito at paningin nito. O Allāh, magtala Ka para sa akin dahil doon ng isang pabuya, magpawi Ka buhat sa akin dahil doon ng isang pabigat, gumawa Ka niyon para sa akin sa ganang Iyo bilang isang imbak, at tumanggap Ka niyon mula sa akin kung paanong tumanggap Ka niyon mula sa lingkod Mong si David.)"[59] Pagkatapos tatayo siya nang walang takbīr at walang taslīm. [59] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim sa numero 771 at Imām Abū Dāwud sa numero 760.

Hinggil naman sa kapag nagpatirapa siya sa ṣalāh, tunay na siya ay magsasagawa ng takbīr kapag magpapatirapa at magsasagawa ng takbīr kapag aangat dahil ang lahat ng mga tagapaglarawan ng ṣalāh ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsasagawa ng takbīr niya ay bumabanggit na siya ay nagsasagawa ng takbīr sa tuwing umaangat at sa tuwing bumababa.[60] Tunay na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapatirapa noon para sa pagbigkas sa ṣalāh gaya ng natumpak na salaysay roon mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa ṣalāh sa gabi ng: Sūrah Al-Inshiqāq (Qur'ān 84) (Qur'ān 84:1) saka nagpatirapa rito.[61] [60] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Itmām At-Takbīr Fi Ar-Rukū`, numero 785; at Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Ityān At-Takbīr Fī Kulli Khafḍ Wa Raf`, numero 392; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). [61] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Al-Qirā'ah Fi Al-`Ishā' Bi-s-Sajdah, numero 768; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Sujūd At-Tilāwah, numero 578.

Ang mga naglalarawan ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa takbīr ay hindi nagtataliwas mula rito ng pagpapatirapa ng pagbigkas. Kaya nagpapatunay ito na ang pagpapatirapa ng pagbigkas sa ṣalāh ay gaya ng pagpapatirapa sa kaloob-looban ng ṣalāh kaugnay sa pagsasagawa niya ng takbīr kapag magpapatirapa at kapag aangat.

Walang pagkakaiba na ang patirapa ay maging nasa hulihan ng isang talatang binigkas o nasa sandali ng pagbigkas niya sapagkat tunay na siya ay sasambit ng takbīr kapag magpapatirapa at sasambit ng takbīr kapag aangat pagkatapos sasambit ng takbīr para sa pagyukod sa sandali ng pagyukod. Hindi nakapipinsala ang pagsusunuran ng dalawang takbīr dahil sa pagkakaiba ng kadahilanan ng dalawang ito.

Ang ginagawa ng ilan sa mga tao kapag nakabigkas ng pagpapatirapa sa ṣalāh saka nagpatirapa, na sumasambit ng takbīr para sa pagpapatirapa nang walang pag-angat mula rito, tunay na ako ay hindi nakaaalam para rito ng isang pinag-ugatan. Ang pagkakaibahang nasasaad kaugnay sa takbīr sa sandali ng pag-angat mula sa pagpapatirapa ng pagbigkas ay tanging nasa payak na pagpapatirapang nasa labas ng ṣalāh. Hinggil naman sa kapag ang pagpapatirapa ay nasa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh, tunay na ito ay binibigyan ng kahatulan ng pagpapatirapa sa kaloob-looban ng ṣalāh, ibig sabihin: sasambit ng takbīr kapag magpapatirapa at sasambit ng takbīr kapag tatayo mula sa pagpapatirapa.

Ang Ṣalāh ng Manlalakbay at ang Ayuno Niya

Ang ṣalāh ng manlalakbay ay dalawang rak`ah mula sa sandali na lumabas siya mula sa bayan niya hanggang sa makabalik siya roon, batay sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang kauna-unahan na isinatungkulin ang ṣalāh ay isinatungkulin ito bilang dalawang rak`ah. Kinilala ang ṣalāh ng paglalakbay at nilubos ang ṣalāh ng pananahanan.}[62] Sa isa namang salaysay: "... at dinagdagan sa ṣalāh ng pananahan."[63] [62] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Yuqṣṣīr Idhā Kharaja Min Mawḍi`ihi, numero 1090; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn Wa Qaṣruhā, numero 693. [63] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Kayfa Furiḍat Aṣ-Ṣalāh Fī Al-Isrā', numero 350; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn Wa Qaṣruhā, numero 1/685.

Nagsabi si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Lumisan kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Madīnah papunta sa Makkah saka nagdasal siya nang tigdadalawang rak`ah hanggang sa makabalik kami sa Madīnah.}[64] [64] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Mā Jā'a Fī At-Taqṣīr, numero 1081; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn Wa Qaṣruhā, numero 693.

Subalit kapag nagsagawa siya ng ṣalāh kasama ng isang imām, maglulubos siya at magsasagawa ng apat na rak`ah, maging nakaabot man siya sa ṣalāh mula sa umpisa nito o nakalampas siya ng anuman mula rito, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakarinig kayo ng iqāmah, maglakad kayo papunta sa ṣalāh. Manatili sa inyo ang kapanatagan at ang kahinahunan at huwag kayong magmabilis. Ang anumang naabutan ninyo ay dasalin ninyo at ang anumang nakaalpas sa inyo ay lubusin ninyo."[65] Kaya ang pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang anumang naabutan ninyo ay dasalin ninyo at ang anumang nakaalpas sa inyo ay lubusin ninyo" ay sumasaklaw sa mga manlalakbay na nagsasagawa ng ṣalāh sa likuran ng imām na nagsasagawa ng ṣalāh na apat na rak`ah at sa iba pa sa kanila. Tinanong ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang mayroon sa manlalakbay na nagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah kapag namukod at ng ṣalāh na apat na rak`ah kapag pinamunuan ng isang nanahanan?" Kaya nagsabi siya: "Iyon ang Sunnah."[66] [65] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Lā Yas`ā Ilā Aṣ-Ṣalāh, numero 636, at sa Bāb Qawl Ar-Rajul: Fātatnā Aṣ-Ṣalāh, numero 635; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Istiḥbāb Ityān Aṣ-Ṣalāh Bi-Waqār Wa Sakīnah, numero 602, 603 mula sa ḥadīth nina Abū Hurayrah at Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Ito ay pagkakasambit ng ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). [66] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad: 1/216.

Hindi naaalis sa manlalakbay ang tungkulin ng pagsasagawa ng ṣalāh sa konggregasyon dahil si Allāh (napakataas Siya) ay nag-utos nito sa sandali ng pakikipaglaban sapagkat nagsabi Siya: {Kapag ikaw ay nasa kanila saka namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkatin kabilang sa kanila kasama sa iyo at magdala sila ng mga sandata nila. Kapag nagpatirapa sila, sila ay maging nasa likuran ninyo, pumunta ang isa pang pangkatin na hindi nakapagdasal at magdasal sila kasama sa iyo, ...} (Qur'ān 4:102) Ang Āyah.

Ayon dito, kapag ang manlalakbay ay nasa isang bayan na hindi bayan niya, kinakailangan sa kanya na dumalo sa konggregasyon sa masjid kapag nakarinig siya ng panawagan ng ṣalāh, maliban na siya ay malayo o nangangamba sa pagkaiwan ng mga kasa-kasama niya. Batay ito sa pagkapangkalahatan ng mga patunay na nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ṣalāh sa konggregasyon ng sinumang nakarinig sa adhān o iqāmah.

Hinggil naman sa pagkukusang-loob ng mga kinukusang-loob na ṣalāh, tunay na ang manlalakbay ay magdarasal ng lahat ng mga kinukusang-loob na ṣalāh maliban sa mga kusang-loob na ṣalāh sa ḍ̆uhr, maghrib, at `ishā'. Kaya magdarasal siya ng witr, ṣalāh sa gabi, ṣalāh sa ḍuḥā, kusang-loob na ṣalāh sa madaling-araw, at iba pa roon kabilang sa mga kinukusang-loob na ṣalāh na hindi mga kusang-loob na ṣalāh na hindi napabilang sa mga ito.

Hinggil naman sa pagsasama ng mga ṣalāh, kung siya ay nagbibiyahe, ang pinakamainam para sa kanya ay na pagsamahin niya ang ḍ̆uhr at ang `aṣr, at ang maghrib at ang `ishā', na maaaring pagsasama ng pagpapauna at maaaring pagsasama ng pagpapahuli alinsunod sa pinakamadali para sa kanya. Sa tuwing ito ay higit na madali, ito ay higit na mainam. Kung siya naman ay nanunuluyan, ang pinakamainam ay na hindi siya magsama ng mga ṣalāh; at kung magsama man siya ng mga ṣalāh, wala namang masama. Batay ito sa katumpakan ng dalawang utos buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Hinggil naman sa pag-aayuno ng manlalakbay sa Ramaḍān, ang pinakamainam ay ang mag-ayuno; at kung titigil-ayuno siya, wala namang masama at magbabayad-pagsasagawa siya ng bilang ng mga araw na tumigil-ayuno siya, maliban kung ang pagtigil-ayuno ay higit na madali para sa kanya sapagkat ang pagtigil-ayuno ay higit na mainam dahil si Allāh ay nakaiibig na ibigay ang mga permiso nito. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

Sinulat ito ni Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn.

Dhulḥijjah 5, 1409 Hijrah (Hulyo 7, 1989)

Papaanong magsasagawa ng ṣalāh ang sinumang naglalakbay lulan ng eroplano?

1. Magdarasal siya ng mga kinukusang-loob na ṣalāh lulan ng eroplano habang siya ay nakaupo sa upuan niya kung saan ang pagkaharap ng eroplano. Magpapahiwatig siya ng pagyukod at pagpapatirapa. Gagawin niya ang pagpapatirapa na higit na mababa.

2. Hindi siya magdarasal ng tungkuling ṣalāh lulan ng eroplano malibang kapag siya ay nakakakaya sa pagharap patungo sa qiblah sa buong ṣalāh at nakakakaya rin sa pagyukod, pagpapatirapa, pagtayo, at pag-upo.

3. Kapag siya ay hindi nakakakaya niyon, tunay na siya ay magpapahuli ng pagsasagawa ng ṣalāh hanggang sa makalapag siya saka siya magsasagawa ng ṣalāh sa lupa. Kung nangamba siya ng paglampas sa oras bago ng paglapag, magpapahuli siya nito hanggang sa oras ng kasunod na ṣalāh kung ito ay kabilang sa naisasama gaya ng ḍ̆uhr kasama ng `aṣr at maghrib kasama ng `ishā'. Kaya kung nangamba siya ng paglampas ng oras ng kasunod na ṣalāh, magsasagawa ng dalawang ito sa eroplano bago lumampas ang oras. Gagawin niya ang makakakaya niya mula sa mga kundisyon ng ṣalāh, mga haligi nito, at mga kinakailangan dito.

Halimbawa: Kung sakaling lumipad ang eroplano bago ng paglubog ng araw at naglaho ang araw habang siya ay nasa himpapawid, tunay na siya ay hindi magsasagawa ng ṣalāh na maghrib hanggang sa lumapag ang eroplano sa paliparan saka bababa siya para magsagawa ng ṣalāh sa lupa. Kaya kung nangamba siya ng paglampas ng oras ng maghrib, magpapahuli siya nito hanggang sa oras ng `ishā' saka magsasagawa siya nito bilang pagsasama ng pagpapahuli matapos ng pagbaba niya. Kung nangamba naman siya ng paglampas ng oras – at iyon ay sa sandali ng hatinggabi – magsasagawa siya ng dalawang ito bago lumampas ang oras sa eroplano.

4. Ang pamamaraan ng pagsasagawa sa eroplano ng ṣalāh na tungkulin ay: na tumindig at humarap sa qiblah, saka magsagawa ng takbīr at bumigkas ng Fātiḥah at anumang ibinibilang na sunnah ang pagbigkas niyon bago nito gaya ng istiftāḥ o matapos nito gaya ng Qur'ān, pagkatapos yumukod, pagkatapos umangat mula sa pagkakayukod at mapanatag habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa, pagkatapos umangat mula sa pagkakapatirapa at mapanatag habang nakaupo, pagkatapos magpatirapa sa ikalawang pagkakataon, pagkatapos magsagawa ng gayon sa nalalabi sa ṣalāh niya.

Kung hindi nakakaya sa pagpapatirapa, uupo at magpapahiwatig ng pagpapatirapa habang nakaupo. Kung hindi nalaman ang qiblah at hindi naipabatid ng isang napagkakatiwalaan, magsusumikap, maghahanap, at magsasagawa ng ṣalāh saan man dumako ang pagsusumikap.

5. Ang ṣalāh ng manlalakbay lulan ng eroplano ay pinaikli kaya isasagawa ang apatang rak`ah bilang dalawang rak`ah gaya ng iba pa sa kanya kabilang sa mga manlalakbay.

Papaanong magsasagawa ng iḥrām ng ḥajj at `umrah ang sinumang naglalakbay lulan ng eroplano?

1. Maliligo siya sa bahay niya, mananatili siya sa mga nakahiratiang kasuutan niya. Kung nanaisin niya, magsusuot siya ng mga kasuutan ng iḥrām.

2. Kapag nalapit ang eroplano sa katapat ng mīqāt, magsusuot siya ng mga kasuutan ng iḥrām kung siya ay hindi nakapagsuot nito bago pa nito.

3. Kapag tumapat ang eroplano sa mīqāt, maglalayon siya ng pagpasok sa kalagayan ng iḥrām at sasambit ng talbiyah ng nilayon niya na ḥajj o `umrah.

4. Kung nagsagawa siya ng iḥrām bago ng pagkatapat sa mīqāt bilang pag-iingat dala ng pangamba sa pagkalingat o pagkalimot, wala namang masama.

Sinulat ito ni Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn.

Jumādā Al-Ūlā 2, 1409 Hijrah (Disyembre 3, 1988). Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang.

Ang karamdaman at ang nararapat sa maysakit na maisaalang-alang niya.

Ang sakit ay ang panghihina ng kalusugan at ang paglabas ng katawan buhat sa likas na kaayusan.

Nararapat sa maysakit na magsaalang-alang ng mga usapin:

1. Na sumampalataya siya na ang dumapo sa kanya ay dahil sa pagtatakda at pagtatadhana ni Allāh sapagkat tunay na ang Panginoon niya ay ang nagtakda niyon, na Tagalikha niya at Tagapagmay-ari niya kaya mapapanatag siya, malulugod siya, at magpapasakop siya.

2. Na sumampalataya siya na ito ay nakasulat na at hindi maaari ang pagpapaiba ng naisulat.

3. Na magtiis siya roon batay sa sabi ni Allāh: {... Magtiis kayo; tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis.} (Qur'ān 8:46)

4. Na magpadepende siya ng puso niya sa Panginoon niya at maghintay ng galak mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) batay sa sabi Niya sa banal na ḥadīth: "Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko sa Akin ..."[67] at sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... Alamin mo na ang galak ay kasama ng dalamhati, at na kasama ng hirap ay ginhawa."[68] [67] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Tawḥīd, Bāb Qawl Allāh Ta`ālā: {wa-yuḥadhdhirukumu -llāhu nafsahu}, numero 7405; at Imām Muslim sa Kitāb Adh-Dhikr Wa Ad-Du`ā', Bāb Al-Ḥathth `Alā Dhikr Allāh Ta`ālā, numero 2675; mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya). [68] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad: 1/307, mula sa ḥadīth ng Anak ni Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

5. Na magsamantala siya ng oportunidad ng kawalang-abala niya sa pagpapadalas ng pag-alaala kay Allāh, pagbabasa ng Qur'ān, pagbabalik-loob, at paghingi ng tawad.

6. Na hindi siya dumaing ng sakit niya kundi sa Tagalikha niya, ang Nakakakaya sa pagpawi nito, at wala namang masama na magpabatid siya hinggil sa sakit niya bilang pagpapabatid hindi ng paghihinaing.

7. Na makakilala siya sa halaga ng biyaya ni Allāh (napakataas Siya) sa kanya sa kagalingan para maawa siya sa mga kapatid niyang maysakit.

8. Na makaalam siya na ang sakit ay ipinanakip-sala ni Allāh sa mga kasalanan at ipinapampawi niya sa mga masagwang gawa sapagkat napagtibay nga buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Walang anumang Muslim na tinamaan ng isang perhuwisyo na isang karamdaman saka anumang iba rito malibang maglalaglag si Allāh dahil dito ng mga masagwang gawa niya kung paanong naglalaglag ang punong-kahoy ng mga dahon nito."[69] at napagtibay rin buhat sa kanya na siya ay nagsabi: "Walang anumang kasawiang tumatama sa Muslim malibang nagtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan nito para sa kanya."[70] Ibig sabihin: mga kamalian niya. [69] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Marḍā, Bāb Waḍ` Al-Yad `Alā Al-Marīḍ, numero 5660; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Birr Wa Aṣ-Ṣilah, Bāb Thawāb Al-Mu'min Fī-mā Yuṣībuhu, numero 2571; mula sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya). [70] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Marḍā, Bāb Mā Jā'a Fī Kaffārah Al-Maraḍ, numero 5640; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Birr Wa Aṣ-Ṣilah, Bāb Thawāb Al-Mu'min Fī-mā Yuṣībuhu, numero 2572; mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).

Papaanong magpapakadalisay ang maysakit?

1. Kinakailangan sa maysakit na magpakadalisay sa pamamagitan ng tubig kaya magsasagawa siya ng wuḍū' para sa maliit na ḥadath at maligo para sa malaking ḥadath.

2. Kung siya ay hindi nakakakayang magsagawa ng pagpapakadalisay sa pamamagitan ng tubig dahil sa kawalang-kakayahan niya o pangamba sa paglala ng sakit o pagkahuli ng paggaling niya, tunay na siya ay magsasagawa ng tayammum.

3. Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng tayammum ay na magtapik siya sa lupang dalisay ng mga kamay niya nang iisang tapik at magpahid siya ng mga ito sa mukha niya, pagkatapos magpahid siya ng mga kamay niya sa isa't isa.

4. Kung hindi niya makakaya na magpakadalisay sa pamamagitan ng sarili niya, tunay na siya ay pagsasagawaan ng wuḍū' o pagsasagawaan ng tayammum ng ibang tao.

5. Kapag sa ilan sa mga bahagi ng katawan na pinagsasagawaan ng ṭahārah ay may sugat, tunay na ito ay huhugasan ng tubig [sa wuḍū’]. Ngunit kung ang paghuhugas ng tubig [sa sugat] ay makaaapekto rito, papahiran ito nang isang pahid, kaya babasain ang kamay at ihahaplos ito sa sugat. Kung ang pagpapahid ay makaaapekto rin dito, magsasagawa ng tayammum para sa [hindi mahuhugasang] ito.

6. Kapag sa isa sa mga bahagi ng katawan niya ay may pilay na binigkisan ng benda o plaster, tunay na siya ay magpapahid dito ng tubig bilang kapalit ng paghuhugas dito at hindi ito nangangailangan ng tayammum dahil ang pagpapahid ay kapalit ng paghuhugas.

7. Pinapayagan na magsagawa ng tayammum sa dingding o pader o sa iba pang bagay na dalisay na may alikabok. Kung ang pader o ang dingding ay pinahiran ng isang hindi kauri ng lupa gaya ng pintura, hindi magsasagawa ng tayammum doon maliban na mayroon itong alikabok.

8. Kapag hindi maaari ang magsagawa ng tayammum sa lupa o dingding o pader o sa iba pang bagay na may alikabok, wala namang masama na maglagay ng alikabok sa lalagyan o panyo at magsagawa ng tayammum mula rito.

9. Kapag nagsagawa siya ng tayammum para sa ṣalāh at nanatili siya sa kadalisayan niya hanggang sa oras ng ibang ṣalāh, tunay na siya ay magsasagawa nito sa pamamagitan ng unang tayammum at hindi mag-uulit ng tayammum para sa kasunod na ṣalāh dahil siya ay hindi naalis sa kadalisayan niya at hindi nakatagpo ng nagpapawalang-saysay rito. Kapag nagsagawa siya ng tayammum para sa janābah, tunay na siya ay hindi mag-uulit ng tayammum para rito maliban na may mangyari sa kanya na iba pang janābah, subalit magsasagawa siya ng tayammum sa yugtong ito para sa maliit na ḥadath.

10. Kinakailangan sa maysakit na magdalisay ng katawan niya mula sa mga karumihan (najāsah); ngunit kung siya ay hindi nakakakaya nito, magsasagawa siya ng ṣalāh sa kalagayan niya at ang ṣalāh niya ay tumpak at walang pag-uulit na kailangan sa kanya.

11. Kinakailangan sa maysakit na magsagawa ng ṣalāh sa mga dalisay na kasuutan. Kaya kung narumihan ang mga kasuutan niya, kinakailangan ang paglalaba sa mga ito o ang pagpapalit sa mga ito ng mga dalisay na kasuutan; ngunit kung hindi naisaposible ito, magsasagawa siya ng ṣalāh sa kalagayan niya at ang ṣalāh niya ay tumpak at walang pag-uulit na kailangan sa kanya.

12. Kinakailangan sa maysakit na magsagawa ng ṣalāh sa isang bagay na dalisay. Kaya kung narumihan ang lugar niya, kinakailangan ang paghuhugas nito o ang pagpapalit nito ng isang bagay na dalisay o ang paglalatag dito ng isang bagay na dalisay; ngunit kung hindi naisaposible ito, magsasagawa siya ng ṣalāh sa kalagayan niya at ang ṣalāh niya ay tumpak at walang pag-uulit na kailangan sa kanya.

13. Hindi pinapayagan sa maysakit na magpahuli ng pagsasagawa ng ṣalāh lampas sa oras nito dahil sa kawalang-kakayahan sa pagsasagawa ng kadalisayan; bagkus magpapakadalisay siya sa abot na makakayanan niya, pagkatapos magsasagawa siya ng ṣalāh sa oras nito kahit pa man sa katawan niya o kasuutan niya o lugar niya ay may karumihang nawalang-kakayahan siya sa pag-aalis nito. Nagsabi si Allāh: {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo...} (Qur'ān 64:16)

Sinulat ito ng maralita kay Allāh na si Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn.

Muḥarram 9, 1403 Hijrah (Oktubre 26, 1982)

Papaanong magsasagawa ng ṣalāh ang maysakit?

1. Kinakailangan sa maysakit na magsagawa ng ṣalāh na tungkulin habang nakatayo kahit pa man namamaluktot o nakasandal sa isang dingding o isang tungkod na nangangailangan ng pagsandal doon.

2. Kung siya ay hindi nakakakaya ng pagtayo, magsasagawa siya ng ṣalāh habang nakaupo. Ang pinakamainam ay na siya ay nakasalampak sa puwesto ng pagtayo at pagyukod.

3. Kung siya ay hindi nakakakaya na magsagawa ng ṣalāh habang nakaupo, magsasagawa siya ng ṣalāh habang nakahiga sa tagiliran niya habang nakaharap sa qiblah. Ang paghiga sa kanang tagiliran ay higit na mainam. Kung hindi siya nakakakaya sa pagharap sa qibalh, magsasagawa siya ng ṣalāh maging saan man ang pagkaharap niya at ang ṣalāh niya ay tumpak at walang pag-uulit na kailangan sa kanya.

4. Kung siya ay hindi nakakakaya na magsagawa ng ṣalāh habang nakahiga sa tagiliran niya, magsasagawa siya ng ṣalāh habang nakahiga habang nakaharap ang mga paa niya sa qiblah. Kung hindi siya nakakakaya na ang mga paa niya ay nakaharap sa qiblah, magsasagawa siya ng ṣalāh maging saan man ang mga ito at walang pag-uulit na kailangan sa kanya.

5. Kinakailangan sa maysakit na yumukod at magpatirapa sa ṣalāh niya. Kung hindi siya nakakaya, magpapahiwatig siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng ulo niya. Gagawin niya ang pahiwatig ng pagpapatirapa na higit na mababa kaysa sa pahiwatig ng pagyukod. Kung nakakaya siya ng pagpapatirapa hindi ng pagyukod, magpapatirapa siya sa sandali ng pagpapatirapa at magpapahiwatig ng pagyukod.

6. Kung siya ay hindi nakakakaya ng pagpapahiwatig sa pamamagitan ng ulo niya sa pagyukod at pagpapatirapa, sesenyas siya sa pamamagitan ng mata niya. Kaya pipikit siya nang kaunti para sa pagyukod at pipikit siya nang pagpikit na higit para sa pagpapatirapa. Hinggil naman sa pagsenyas sa pamamagitan ng daliri gaya ng ginagawa ng ilan sa mga maysakit, hindi tumpak ito. Hindi ako nakaaalam na may isang batayan ito mula sa Qur'ān at Sunnah ni mula sa mga sinasabi ng mga may kaalaman.

7. Kung siya ay hindi nakakakaya ng pagpapahiwatig sa pamamagitan ng ulo niya ng pagsenyas sa pamamagitan ng mata, magsasagawa siya ng ṣalāh sa puso niya. Kaya naman magsasagawa siya ng takbīr at bibigkas, maglalayon siya ng pagyukod, pagpapatirapa, pagtayo, at pag-upo sa puso niya. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya.

8. Kinakailangan sa maysakit na magsagawa ng bawat ṣalāh sa oras nito gumawa ng bawat nakakaya sa kanya mula sa kinakailangan dito. Kung naging mahirap sa kanya ang pagsasagawa ng bawat ṣalāh sa oras nito, ukol sa kanya ang pagsasama ng ḍ̆uhr at `aṣr at ng maghrib at `ishā'. Maaaring ito ay pagsasama ng pagpapauna (jam` taqdīm) kung saan aagahan ang pagsasagawa ng `aṣr matapos ng ḍ̆uhr at ng `ishā' matapos ng maghrib at maaaring ito ay pagsasama ng pagpapahuli (jam` ta'khīr) kung saan ipahuhuli ang pagsasagawa ng `ḍ̆uhr sa oras ng `aṣr at ng maghrib sa oras ng `ishā', alinsunod sa anumang magiging higit na madali para sa kanya. Hinggil naman sa fajr, hindi naisasama ito sa ṣalāh na bago nito ni sa ṣalāh na matapos nito.

9. Kapag ang maysakit ay manlalakbay, na nagpapagamot sa hindi niya bayan, tunay na siya ay magpapaikli ng ṣalāh na apatang rak`ah kaya magsasagawa siya ng ṣalāh na ḍ̆uhr, `aṣr, at `ishā' sa dalawang rak`ah hanggang sa makauwi siya sa bayan niya, humaba man ang yugto ng paglalakbay niya o umikli.

Papaanong mag-aayuno ang maysakit?

1. Ang maysakit ay may tatlong kalagayan sa pag-aayuno:

Ang Unang Kalagayan: Na hindi nagiging mahirap sa kanya ang pag-aayuno at hindi nakapipinsala ito sa kanya kaya naman kinakailangan sa kanya ang pag-aayuno.

Ang Ikalawang Kalagayan: Na nagiging mahirap sa kanya ang pag-aayuno kaya naman kinasusuklaman para sa kanya na mag-ayuno siya dahil siya ay hindi nakatatanggap ng permiso ni Allāh (napakataas Siya).

Ang Ikatlong Kalagayan: Na nakapipinsala sa kanya ang pag-aayuno kaya naman naibabawal sa kanya na mag-ayuno siya at siya ay nagiging nagkakasala dahil sa pag-aayuno niya batay sa sabi ni Allāh: {... Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.} (Qur'ān 4:29) at sabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, ..." (Napagkasunduan sa katumpakan nito sa isang mahabang hadith.)[71] [71] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taḥajjud, numero 1153; at Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣiyām, Bāb An-Nahy `An Ṣawm Ad-Dahr, numero: 1159/182-186; mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang).

2. Kailangan sa maysakit na magbayad-pagsasagawa ng ayuno niya kapag pinagaling siya ni Allāh (napakataas Siya) at hindi magpahuli nito hanggang sa kasunod na Ramaḍān.

3. Kapag naging hindi maaari sa kanya ang pagbabayad-pagsasagawa sa hinaharap dahil sa pagiging ang sakit niya ay kabilang sa hindi naaasahan ang paggaling nito, magpapakain siya sa Ramaḍān ng isang dukha para sa bawat araw ng buwan kung saan maghahanda siya ng pagkaing ipahahapunan niya sa mga dukha ayon sa bilang ng mga araw ng buwan o sa tuwing lumipas ang sampung araw ay magpapakain siya ng sampung dukha.

4. Kapag gumaling ang maysakit matapos ng Ramaḍān at naisaposible sa kanya ang pag-aayuno ngunit hindi siya nakapag-ayuno hanggang sa namatay siya, mag-aayuno para sa kanya ang katangkilik niya; ngunit kung hindi makagagawa ito niyon, magpapakain ng isang dukha mula sa naiwan niya para sa bawat araw. Kung mag-aabuloy ang katangkilik niya ng pagpapakain, wala namang masama.

Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob

* Ang Kainaman Nito

Bahagi ng awa ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa mga lingkod Niya na gumawa Siya para sa bawat isa sa mga uri ng tungkuling pagsamba ng kusang-loob na pagsamba. Ang ṣalāh ay may kusang-loob na nakawawangis nito na mga ṣalāh. Ang zakāh ay may kusang-loob na nakawawangis nito na mga kawanggawa. Ang pag-aayuno ay may kusang-loob na nakawawangis nito na pag-aayuno. Gayon din ang ḥajj. Ito ay bahagi ng awa ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa mga lingkod Niya upang madagdagan sila ng gantimpala at kalapitang-loob sa Kanya (napakataas Siya) at upang makapagtapal sila sa kakulangang ibinunga sa mga tungkuling pagsamba sapagkat tunay na ang mga boluntaryong pagsamba ay ipangkukumpleto sa mga tungkuling pagsamba sa Araw ng Pagbangon.

Kabilang sa Pagkukusang-loob sa Ṣalāh:

1. Ang mga rātibah (kasunod) na sumusunod sa mga ṣalāh na isinatungkulin.

Ang mga ito ay apat na rak`ah (2 tigdadalawang rak`ah) na may dalawang taslīm bago ng ḍ̆uhr at ang mga ito ay matapos ng pagkapasok ng oras ng ṣalāh na ḍ̆uhr at hindi bago ng pagkapasok ng oras ng ṣalāh, at dalawang rak`ah matapos nito. Kaya naman ito ay anim na rak`ah (3 tigdadalawang rak`ah), na ang lahat ng mga ito ay rātibah ng ḍ̆uhr. Hinggil naman sa `aṣr, wala itong rātibah. May [mga rātibah na] dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na maghrib, dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na `ishā', at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh na fajr.

Natatangi ang dalawang rak`ah na rātibah bago ng ṣalāh na fajr

sa pagiging ang pinakamainam ay na magdasal nito ang tao nang maiksi

at na bumigkas siya ng: ng Sūrah Al-Kāfirūn (Qur'ān 109:1) sa unang rak`ah at Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112:1) sa ikalawang rak`ah; o ng sabi ni Allāh: Qūlū āmannā bi-llāhi wa-mā unzila ilaynā ... (Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, ...) (Qur’an 2:136) na talata sa Sūrah Al-Baqarah sa unang rak`ah at Qul yā'ahla -lkitābi ta`ālaw ilā kalimatin sawā'im baynanā wa-baynakum ... (Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: ...) (Qur'ān 3:64) na talata sa Sūrah Āl `Imrān sa ikalawang rak`ah.

Natatangi rin ang rātibah bago ng ṣalāh na fajr na dinadasal ito sa pananahanan at paglalakbay

at na dito ay may isang dakilang kainamang nagsabi hinggil dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dalawang rak`ah [na salah na sunnah] sa madaling-araw ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito."[72] [72] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Istiḥbāb Rak`atay Sunnah Al-Fajr, numero 725, mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).

2. Kabilang sa mga ito ang ṣalāh na witr.

Ito ay kabilang sa pinakabinibigyang-diin sa mga boluntaryong pagsamba hanggang sa nagsabi ang ilan sa mga maalam ng pagkakinakailangan nito. Nagsabi naman hinggil dito si Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh): "Ang sinumang nagwaksi ng witr, siya ay isang tao ng kasagwaan, na hindi nararapat na tanggapan ng isang pagsaksi."[73] [73] Tingnan: Masā'il Imām Aḥmad, na salaysay ng anak niyang si Abu Al-Faḍl, p. 53, sa numero 159. Limbag ni Ṭāriq `Awḍullāh.

Winawakasan sa pamamagitan ng witr ang ṣalāh sa gabi. Kaya naman ang sinumang nangamba na hindi makabangon sa huling bahagi ng gabi, magsasagawa siya ng witr bago siya matulog. Ang sinumang nagmithi na bumangon sa huling bahagi ng gabi, magsasagawa siya ng witr sa huling bahagi ng gabi matapos ng pagtapos ng kusang-loob na ṣalāh dito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gawin ninyo ang pinakahuli sa ṣalāh ninyo sa gabi na witr."[74] [74] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Witr, Bāb Li-Yaj`al Ākhir Ṣalātihi Witran, numero 998; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Ṣalāh Al-Layl Mathnā Mathnā, numero 751; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

Ang pinakakaunti nito ay iisang rak`ah at ang pinakamarami nito ay 11 rak`ah. Ang pinakamababa sa kakumpletuhan ay tatlong rak`ah.

Kung magsasagawa siya ng witr na tatlong rak`ah, siya ay makapipili: kung loloobin niya, maitutuluy-tuloy niya sa isang pagtutuluy-tuloy na may iisang tashahhud; at kung loloobin niya, makapagsasagawa siya ng taslīm matapos ng dalawang rak`ah, pagkatapos magsasagawa siya ng ṣalāh na iisang rak`ah.

Kapag nakalimutan niyang isagawa ang witr o nakatulugan niya ito, tunay na siya ay magbabayad-pagsasagawa nito sa maghapon ng tukol na bilang ng rak`ah hindi gansal na bilang. Kaya naman kapag naging bahagi ng nakahiratian niya na magsagawa ng witr na tatlong rak`ah, magdarasal siya ng apat na rak`ah; kung naging bahagi ng nakahiratian niya na magsagawa ng witr na limang rak`ah, magdarasal siya ng anim na rak`ah; at gayon nga dahil napagtibay sa Ṣaḥīḥ na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon, kapag may nanaig sa kanya na isang pagtulog o isang sakit na nakapigil sa pagdarasal sa gabi, ay nagdarasal sa maghapon ng 12 rak`ah.[75] [75] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Jāmi` Ṣalāh Al-Layl, numero 746, mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).

3. Kabilang sa mga ito ang ṣalāh na ḍuḥā.

Ang pinakakaunti nito ay dalawang rak`ah. Walang hangganan sa pinakamarami nito dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng ṣalāh na ḍuḥā na apat na rak`ah at nagdaragdag siya ng niloob ni Allāh.[76] [76] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Istiḥbāb Ṣalāh Aḍ-Ḍuḥā, numero 719, mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).

Ang oras ng pagsasagawa nito ay mula sa pagkaangat ng araw sa sukat ng isang sibat. Ibig sabihin: 15 minuto matapos ng pagsikat ng araw hanggang sa bago ng paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat, ibig sabihin: mga 10 minuto o malapit bago ng paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat.

Ang patunay na pagkaisinasabatas nito ay ang ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagsabi: "Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog."[77] [77] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taṭawwu`, Bāb Ṣalāh Aḍ-Ḍuḥā Fi Al-Ḥaḍr, numero 1178; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Istiḥbāb Ṣalāh Aḍ-Ḍuḥā, numero 721.

at ang ḥadīth ni Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa umaga, kailangan sa bawat kasukasuan ng [bawat] isa sa inyo na [magbigay ng] isang kawanggawa. Bawat pagsabi ng subḥāna -­llāh (kaluwalhatian kay Allāh) ay kawanggawa. Bawat pagsabi ng alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay isang kawanggawa. Bawat pagsabi ng lā ilāha illa -­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) ay isang kawanggawa. Bawat pagsabi ng Allāhu akbar (Si Allāh ay Dakila) ay isang kawanggawa. [Bawat] pag-uutos ng nakabubuti ay isang kawanggawa at [bawat] pagsaway ng nakasasama ay isang kawanggawa. May makatutumbas doon na dalawang rak`ah na dadasalin sa umaga."[78] [78] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Istiḥbāb Ṣalāh Aḍ-Ḍuḥā, numero 720.

Ang mga Oras ng Pagsaway

Ang mga ito ay ang mga oras na sumaway ang Tagapagbatas sa mga ito ng pagsasagawa ng ṣalāh ng pagkukusang-loob, ibig sabihin: ang mga boluntaryong ṣalāh na walang-takda na walang kadahilanan sa mga ito.

Ang mga oras ng pagsaway ay tatlo:

Ang unang oras ay mula sa matapos ng ṣalāh na fajr hanggang sa umangat ang araw sa sukat ng isang sibat. Nangangahulugan ito na mga 15 minuto matapos ng pagsikat nito. Ang isinasaalang-alang sa ṣalāh na fajr ay ang pagsasagawa ng ṣalāh ng bawat tao mismo.

Ang ikalawang oras ay kapag sumasapit ang katanghaliang-tapat hanggang sa lumihis ang araw. Iyon ay sa kalagitnaan ng tanghali mga 10 minuto o malapit bago ng paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat.

Ang ikatlong oras ay mula sa matapos ng ṣalāh na `aṣr hanggang sa paglubog ng araw. Ang isinasaalang-alang ay ang pagsasagawa ng ṣalāh ng bawat tao mismo. Kaya kapag nagsagawa ang tao ng ṣalāh na `aṣr, ibinabawal sa kanya ang pagsasagawa ng ṣalāh hanggang sa lumubog ang araw.

Subalit naitatangi mula roon:

1. Ang ṣalāh na tungkulin, tulad ng kung sa tao ay may isang ṣalāh na nakaligtaan, na nakapagsaalaala nito sa mga oras na ito sapagkat tunay na siya ay magsasagawa nito batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakatulog sa isang ṣalāh o nakalimot nito ay magsasagawa nito kapag nakaalaala siya nito; ..."[79] [79] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Mawāqīt Aṣ-Ṣalāh, Bāb Man Nasiya Ṣalāh, numero 597; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Qaḍā' Aṣ-Ṣalāh Al-Fā'itah, numero 684; mula sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya). Hindi binanggit ni Imām Al-Bukhārīy ang pagkatulog.

2. Subalit naitatangi mula roon ayon sa matimbang na pahayag ang bawat ṣalāh na boluntaryong may kadahilanan dahil ang ṣalāh na ito na may kadahilanan ay nakaugnay sa kadahilanan nito. Nasasaimposible ang ṣalāh ayon sa kadahilanang ito yayamang naikakaila rito ang kasanhian na alang-alang dito umiral ang pagsaway. Kaya halimbawa: kung sakaling pumasok ka sa masjid matapos ng ṣalāh na `aṣr, tunay na ikaw ay magsasagawa ng dalawang rak`ah na ṣalāh batay sa sabi ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, huwag siyang maupo hanggang sa makapagdasal siya ng dalawang rak`ah."[80] Gayon din kung sakaling pumasok ka roon matapos ng ṣalāh na fajr o sa sandali ng pagkalihis ng araw sa katanghaliang-tapat. [80] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taḥajjud, Bāb Mā Jā' Fī At-Taṭawwu` Mathnā Mathnā, numero 1163; at Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Istiḥbāb Taḥiyah Al-Masjid, numero 714; mula sa ḥadīth ni Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya).

Gayon din kung sakaling nag-eklipse ang araw matapos ng ṣalāh na `aṣr sapagkat tunay na siya ay magsasagawa ng ṣalāh para sa eklipse dahil ito ay may kadahilanan.

Gayon din kung sakaling bumigkas ang tao ng Qur'ān at naparaan siya sa isang talata ng pagpapatirapa, tunay na siya ay magpapatirapa kahit pa man sa mga oras na ito ng pagsaway dahil iyon ay isang kadahilanan.

Ang Kahatulan sa Tagapag-iwan ng Ṣalāh

Ang Tanong: Ano ang gagawin ng tao kapag nag-utos siya sa mag-anak niya ng pagsasagawa ng ṣalāh subalit sila ay hindi nakinig sa kanya. Titira ba siya kasama nila at makikihalubilo siya sa kanila o lalabas siya ng bahay?

Ang Sagot: Kapag ang mag-anak na ito ay hindi nagsasagawa ng mga ṣalāh na isinatungkulin magpakailanman, tunay na sila ay mga Kāfir na murtadd na lumabas sa Islām. Hindi pinapayagan na tumira kasama nila.

Subalit kinakailangan sa kanya na mag-anyaya sa kanila, mangulit, at mag-ulit-ulit nang harinawa si Allāh ay magpatnubay sa kanila dahil ang tagapag-iwan ng ṣalāh ay Kāfir – ang pagkupkop ay kay Allāh – batay sa patunay ng Qur'ān, Sunnah, mga sabi ng mga Kasamahan, at tumpak na pagsasaalang-alang. Ito ay humihiling ng pag-iingat laban sa karumal-dumal na gawaing ito.

Hinggil naman sa patunay mula sa Qur'ān, ang sabi ni Allāh tungkol sa mga tagapagtambal: {Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa Relihiyon. ...} (Qur'ān 9:11) Ang pagkaintindi sa talata ay na sila ay hindi gumawa niyon kaya sila ay hindi mga kapatid para sa atin. Hindi naikakaila ang kapatirang panrelihiyon dahil sa mga pagsuway kahit pa bumigat ang mga ito subalit naikakaila ito dahil sa paglabas sa Islām.

Hinggil naman sa patunay mula sa Sunnah, ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa naisalaysay ni Imām Muslim mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh dito): "Sa pagitan ng tao, kawalang-pananampalataya, at shirk ay ang pag-iwan ng ṣalāh."[81] at ang sabi pa niya sa ḥadīth ni Buraydah (malugod si Allāh dito) sa Sunan: "Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang pagdarasal. Kaya naman ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."[82] [81] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Īmān, Bāb Bayān Iṭlāq Ism Al-Kufr `Alā Man Taraka Aṣ-Ṣalāh, numero 82. [82] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Al-Īmān, Bāb Mā Jā'a Fī Tark Aṣ-Ṣalāh, numero 2621; Imām An-Nasā'īy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Al-Ḥukm Fī Tārik Aṣ-Ṣalāh, numero 464; Imām Ibnu Mājah sa Kitāb Iqāmah Aṣ-Ṣalāh, Bāb Mā Jā'a Fī-Man Taraka Aṣ-Ṣalāh, numero 1079; at Imām Aḥmad: 5/346.

Hinggil naman sa mga sabi ng mga Kasamahan, nagsabi ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Walang bahagi sa Islām para sa sinumang nag-iwan ng ṣalāh."[83] Ang bahagi ay ang parte. Ito rito ay nabanggit na di-partikular sa konteksto ng pagkaila kaya naman ito ay nagiging pangkalahatan. Ibig sabihin: walang parte, na hindi marami at hindi kaunti. [83] Nagtala nito sina Imām Mālik sa Al-Muwaṭṭa', na ang tagapagsalaysay nito ay si Yaḥyā bin Yaḥyā sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Al-`Amal Fī-Man `Alayhi Ad-Dam: 1/81, sa numero 93; `Abdurazzāq sa Al-Muṣannaf: 1/150; Ibnu Abī Shaybah sa Al-Muṣannaf: 11/25; at Imām Aḥmad sa Az-Zuhd, p. 154.

Nagsabi si `Abdullāh bin Shaqīq: "'Ang mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsasalaysay ng isang anuman mula sa mga gawain, na ang pag-iwan nito ay isang kawalang-pananampalataya maliban sa ṣalāh."[84] [84] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Al-Īmān, Bāb Mā Jā'a Fī Tark Aṣ-Ṣalāh, numero 2622.

Hinggil naman sa panig ng tumpak na pagsasaalang-alang, masasabi: Maiisip kaya na may isang taong sa puso nito ay may singlaki ng isang buto ng mustasa na pananampalataya, na nakakikilala sa kadakilaan ng ṣalāh at pagmamalasakit ni Allāh rito, pagkatapos nagpupumilit siy sa pag-iwan nito nang walang-pasubali? Ito ay isang bagay na hindi maaari.

Nakapagbulay-bulay ka nga sa mga patunay na ipinampatunay ng nagsasabi na tunay na siya ay hindi tumatangging sumampalataya kaya nakatagpo ka sa mga ito na hindi nakalalabas buhat sa limang kalagayan:

1. Maaaring ang mga ito ay walang patunay sa mga ito sa simula pa;

2. O na ang mga ito ay nalimitahan ng isang pagkalarawang napipigilan sa kanya ang pag-iwan ng ṣalāh;

3. O na ang mga ito ay nalimitahan ng isang kalagayang nabibigyang-dahilan sa mga ito ang pag-iwan ng ṣalāh na ito;

4. O na ang mga ito ay pangkalahatan kaya nalilimitahan ang mga ito ng mga ḥadīth ng kawalang-pananampalataya ng tagapag-iwan ng ṣalāh;

5. O ang mga ito ay mahihinang hindi nakakokontra sa mga tumpak na ḥadīth.

Hindi nasaad sa mga teksto na ang tagapag-iwan ng ṣalāh ay isang mananampalataya o na siya ay papasok sa Paraiso o maliligtas mula sa Impiyerno at tulad nito, na nagpapangailangan sa atin sa pagpapakahulugan ng kawalang-pananampalatayang ipinanghatol sa tagapag-iwan ng ṣalāh, na ito raw ay isang kawalang-pagkilala sa biyaya o isang kawalang-pananampalatayang mababa sa isang kawalang-pananampalataya.

Kapag luminaw na ang tagapag-iwan ng ṣalāh ay isang tagatangging sumampalataya bilang kawalang-pananampalataya ng pagtalikod sa Islām, tunay na inireresulta sa kawalang-pananampalataya niya ang mga patakaran ng mga murtadd. Kabilang sa mga ito:

Una: Na hindi natutumpak na ipakasal siya. Kaya kung idinaos ito sa kanya habang siya ay hindi nagdarasal, ang kasal ay walang-saysay. Hindi ipinahihintulot para sa kanya ang pinangasawa dahil dito batay sa sabi ni Allāh tungkol sa mga babaing tagalikas: {... Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya, huwag kayong magpapabalik sa kanila sa mga tagatangging sumampalataya. Hindi sila ipinahintulot para sa mga ito ni ang mga ito ay pinahihintulutan para sa kanila. ...} (Qur'ān 60:10)

Ikalawa: Na kapag nag-iwan siya ng ṣalāh matapos na idinaos ang kasal para sa kanya, tunay na ang kasal niya ay nakakansela. Hindi ipinahihintulot para sa kanya ang pinangasawa batay sa talatang binanggit natin kanina alinsunod sa pagdedetalyeng nakakikilala sa ganang mga alagad ng kaalaman sa pagitan ng pagiging iyon bago ng unang pagtatalik o matapos nito.

Ikatlo: Na ang lalaking ito na hindi nagsasagawa ng ṣalāh ay hindi makakain ang katay niya kapag nagkatay siya dahil ang katay na ito ay bawal. Kung sakaling may nagkatay na isang Hudyo o isang Kristiyano, ang katay nito ay ipinahihintulot sa atin na kainin natin. Kaya naman ang pagkatay niya – ang pagkupkop ay kay Allāh – ay nagiging higit na karima-rimarim kaysa sa pagkatay ng mga Hudyo at mga Kristiyano.

Ikaapat: Na hindi ipinahihintulot para sa kanya na pumasok sa Makkah o mga hangganan ng saklaw nito batay sa sabi ni Allāh: {O mga sumampalataya, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang kaya huwag silang lumapit sa Masjid na Pinakababanal matapos ng taon nilang ito. ...} (Qur'ān 9:28)

Ikalima: Na kung sakaling may namatay na isa sa mga kamag-anak niya, walang karapatan sa kanya sa pagmamana mula roon. Kaya kung sakaling may namatay na isang lalaking Muslim na nagsasagawa ng ṣalāh, na may anak na hindi nagsasagawa ng ṣalāh at may pinsan sa ama, sino ang magmamana sa kanya?

Ang Sagot: Ang pinsan sa ama niya hindi ang anak niya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ni Usāmah: "Hindi nagmamana ang Muslim sa Kāfir at hindi ang Kāfir sa Muslim." Napagkasunduan sa katumpakan.[85] at batay rin sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ipamigay ninyo ang mga isinasatungkuling [yaman] sa karapat-dapat sa mga ito saka ang anumang matitira ay ukol sa pinakamalapit na lalaki." Napagkasunduan sa katumpakan.[86] Ito ay isang halimbawang naipatutupad sa lahat ng mga tagapagmana. [85] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Farā'iḍ, Bāb Lā Yarith Al-Muslim Al-Kāfir, numero 6764; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Farā'iḍ, numero 1614. [86] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Farā'iḍ, Bāb Mīrāth Al-Walad Min Abīhi Wa Ummih, numero 6732; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Farā'iḍ, Bāb Alḥiqū Al-Farā'iḍ Bi-Ahlihā, numero 1615; mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

Ikaanim: Na kapag namatay siya ay hindi siya paliliguan, hindi babalutin sa kafn, hindi pagsasagawaan ng ṣalāh, at hindi ililibing kasama ng mga Muslim. Samakatuwid, ano ang gagawin natin sa kanya?

Ang Sagot: Magdadala tayo sa kanya sa disyerto, maghuhukay tayo para sa kanya, at maglilibing tayo sa kanya nang nakasuot ng damit niya dahil walang kabanalan sa kanya. Ayon dito, hindi ipinahihintulot sa isang tao – na may namatay sa piling nito na isang taong nalalaman nito na siya ay hindi nagsasagawa ng ṣalāh – na magdala sa kanya sa mga Muslim upang magsagawa ng ṣalāh para sa kanya.

Ikapito: Na kakalapin siya sa Araw ng Pagbangon kasama nina Paraon, Hāmān, Qārūn, at Ubayy bin Khalaf, na mga pinuno ng kawalang-pananampalataya.[87] Ang pagkupkop ay kay Allāh! Hindi siya papasok sa Paraiso at hindi ipinahihintulot sa isa sa mag-anak niya na manalangin para sa kanya ng awa at kapatawaran dahil siya ay isang Kāfir na hindi naging karapat-dapat doon batay sa sabi ni Allāh: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit pa man ang mga ito ay mga mayroong pagkakamag-anak, matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno.} (Qur'ān 9:113) [87] Iyon ay batay sa itinala ni Imām Aḥmad sa Al-Musnad: 2/169, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

Ang usapin, O mga kapatid ko, ay lubhang mapanganib. Sa kasamaang-palad, tunay na ang ilan sa mga tao ay nagwawalang-bahala sa mapanganib na bagay na ito.

Subalit ang pinto ng pagbabalik-loob ay nakabukas – ang papuri ay ukol kay Allāh – gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {59. Saka may humalili matapos na nila, na mga kahalili na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya magkikita sila ng isang pagkalisya, 60. maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman. 61. [Papasok sila] sa mga Hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa nakalingid. Tunay na laging ang pangako Niya ay darating. 62. Hindi sila makaririnig sa mga iyon ng isang kabalbalan maliban sa isang kapayapaan. Ukol sa kanila ang panustos nila sa mga iyon sa umaga at sa hapon.} (Qur'ān 19:59-62)

Kaya humihiling tayo kay Allāh (napakataas Siya) na magpatnubay siya sa atin at mga kapatid nating mga Muslim tungo sa pagsasagawa ng pagtalima sa Kanya sa anyong nagpapalugod sa Kanya sa atin. Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.

Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn

Ang Pagbabalik-loob

Ang pagbabalik-loob ay ang panunumbalik mula sa pagsuway kay Allāh (napakataas Siya) tungo sa pagtalima sa Kanya.

Ang pagbabalik-loob ay kinakailangan sa bawat mananampalataya. {O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh sa isang pagbabalik-loob na tapat.} (Qur'ān 66:8)

Ang pagbabalik-loob ay naiibigan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). {... Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga palabalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay."} (Qur'ān 2:222)

Ang pagbabalik-loob ay kabilang sa mga kadahilanan ng tagumpay. {... Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 24:31) Ang tagumpay ay na matamo para sa tao ang hinihiling niya at maligtas mula sa kinasisindakan niya.

Ang pagbabalik-loob ay nagpapatawad si Allāh dahil sa mga pagkakasala gaano man bumigat ang mga ito at gaano man dumami ang mga ito. {Sabihin mo [na sinabi Ko]: “O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain."} (Qur'ān 39:53) Huwag kang masiraan ng loob, O kapatid kung nagkakasala, sa awa ng Panginoon mo sapagkat ang pinto ng pagbabalik-loob ay nakabukas hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.[88] [88] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb At-Tawbah, Bāb Qabūl At-Tawbah Min Adh-Dhunūb, numero 2759, mula sa ḥadīth ni Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya).

Kay rami ng tagapagbalik-loob buhat sa maraming mabigat na pagkakasala na tumanggap si Allāh sa kanya ng pagbabalik-loob. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {68. [Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan: 69. pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak, 70. maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur'ān 25:68-70)

Ang pagbabalik-loob na tapat ay ang natipon dito ang limang kundisyon:

A. Ang pagpapakawagas kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpapakay dahil dito ng kaluguran ng mukha ni Allāh (napakataas Siya), gantimpala Niya, at kaligtasan mula sa pagdurusang dulot Niya.

B. Ang pagsisisi sa pagkagawa ng pagsuway kung saan malulungkot sa pagkagawa nito at magmimithi na hindi nakagawa nito.

C. Ang pagkalas sa pagsuway kaagad. Kaya naman kung ito ay naging kaugnay sa karapatan ni Allāh, mag-iiwan siya nito kung ito ay isang gawaing ipinagbabawal at magdadali-dali siya rito kung ito ay isang pag-iwang kinakailangan. Kung ito naman ay naging kaugnay sa karapatan ng nilikha, magdadali-dali siya sa pagwaksi nito, na maaaring sa pamamagitan ng pagsauli nito roon o paghiling ng paumanhin doon at pagsasapahintulot niyon nito.

D. Ang pagtitika sa hindi panunumbalik sa pagsuway na iyon sa hinaharap.

E. Na ang pagbabalik-loob ay hindi mangyari bago ng paglampas ng pagtanggap nito, na maaaring dahil sa pagdating ng taning ng buhay o dahil sa pagsikat ng araw mula sa kanluran nito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang pagbabalik-loob ay hindi ukol [tanggapin] sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa; hanggang sa nang dumalo sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon," ...} (Qur'ān 4:18) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagbalik-loob bago sumikat ang araw sa kanluran nito ay tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.[89] O Allāh, magtuon ka sa amin sa tapat na pagbabalik-loob at tumanggap Ka nito mula sa amin; tunay na ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam. [89] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Adh-Dhikr, Bāb Istiḥbāb Al-Istighfār, numero 2703, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).

Sinulat ito ni Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn.

Rabī` Ath-Thānī 17, 1406 Hijrah (Disyembre 29, 1985)

Ang Ikatlong Parte: Ang Paglilibing

Ang Patakaran ng Pagpapaligo sa Patay

Ang Pamamaraan ng Pagpapaligo ng Patay

Ang Pamamaraan ng Pagbabalot ng Patay

Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh Para sa Patay

Ang Pamamaraan ng Paglilibing sa Patay

Ang mga Patakaran ng Pagpapaligo sa Patay

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya na Diyos ng mga una at mga huli – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya, Sugo Niya, Pangwakas ng mga propeta, at Pinuno ng nangingilag magkasala. Basbasan siya ni Allāh, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas at pangalagaan nang pangangalagang palagi. Sa pagpapatuloy,

Ito ay isang buod na nauugnay sa pagpapaligo sa patay, pagbabalot sa kanya, at paglilibing sa kanya. Bago tayo mag-umpisa sa pinapakay, ihahain natin ang mga parapong ito:

1. Ang paghuhugas sa patay na Muslim, ang pagbabalot sa kanya, at ang paglilibing sa kanya ay isang tungkulin ng komunidad (farḍ kifāyah). Kaya naman nararapat sa sinumang nagsasagawa niyon na maglayon na siya ay gaganap ng tungkuling ito upang magkamit ng pabuya rito at gantimpala rito mula kay Allāh (napakataas Siya). Hinggil naman sa Kāfir, hindi pinapayagan ang pagpapaligo sa kanya ni ang pagbabalot sa kanya ni ang paglilibing sa kanya kasama ng mga Muslim.

2. Ang tagapagpaligo ay isang pinagkakatiwalaan sa patay kaya kinakailangan sa kanya na gawin ang inoobliga sa pagpapaligo sa patay at iba pa rito.

3. Ang tagapagpaligo ay isang pinagkakatiwalaan sa patay kaya kinakailangan sa kanya na takpan ang makikita niya sa patay kabilang sa kinasusuklaman.

4. Ang tagapagpaligo ay isang pinagkakatiwalaan sa patay kaya hindi nararapat sa kanya na magpahintulot sa isa man sa pagdalo rito maliban sa sinumang kinakailangan niya para sa pag-alalay sa kanya sa pagpapadapa ng patay, pagbuhos ng tubig, at tulad nito.

5. Ang tagapagpaligo ay isang pinagkakatiwalaan sa patay kaya nararapat na gumamit siya ng kabanayaran sa patay at paggalang at na hindi siya maging marahas o malisyoso rito sa sandali ng paghuhubad ng mga kasuutan nito, pagpapaligo rito, at iba pa roon.

6. Hindi magpapaligo ang lalaki sa babae maliban na ito ay maybahay niya ni ang babae sa lalaki maliban na ito ay asawa niya. Ang sinumang mababa sa pitong taong gulang ay mapaliliguan ng lalaki o babae, maging siya man ay lalaki o babae.

7. Isinasakaibig-ibig para sa tagapagpaligo, kapag nakatapos siya na magpaligo ng patay, na maligo siya kung paanong naliligo siya dahil sa janābah; ngunit kung hindi siya maliligo, wala namang kaasiwaan sa kanya.

Ang Pamamaraan ng Pagpapaligo sa Patay

Ang kinakailangan sa pagpapaligo ng patay ay na hugasan ang buong katawan niya ng tubig hanggang sa luminis ito. Ang pinakamainam ay na gawin ang sumusunod:

1. Ilalagay ng tagapagpaligo ang patay sa ibabaw ng bagay na ninanais niya na paliguan ito nang nakahilig pababa tungo sa mga paa nito.

2. Magbabalot ang tagapagpaligo ng tela sa `awrah ng patay mula sa pusod hanggang sa tuhod bago siya maghubad ng mga kasuutan nito upang hindi makita ang kahubaran nito matapos ng paghubad.

3. Huhubarin niya ang mga kasuutan ng patay nang marahan.

4. Magbabalot ang tagapagpaligo ng isang tela sa mga kamay niya saka huhugasan niya ang `awrah ng patay nang walang paglalantad nito hanggang sa malinis niya ito, pagkatapos papalitan niya ang tela.

5. Babasain niya sa tubig ang isang tela saka ipanlilinis niya ito sa mga ngipin ng patay at mga butas ng ilong nito.

6. Huhugasan niya ang mukha ng patay, ang mga kamay nito hanggang sa mga siko, ang ulo nito, at ang mga paa nito hanggang sa bukungbukong. Magsisimula siya sa kanang kamay ng patay bago ng kaliwang kamay at sa kanang paa bago ng kaliwang paa.

7. Hindi siya magpapasok ng tubig sa bibig ng patay ni sa ilong nito bilang pagkakasya sa paglilinis sa mga ito sa pamamagitan ng tela.

8. Huhugasan ang katawan nito sa kabuuan nito nang tatlong ulit o limang ulit o pitong ulit o higit pa roon alinsunod sa pangangailangan ng katawan hanggang sa luminis. Magsisimula siya sa kanang tagiliran ng katawan bago ng kaliwang tagiliran.

9. Ang pinakamainam ay haluan ng sidr ang tubig na ipinanghuhugas dahil ito ay higit na masinsinan sa paglilinis saka alugin ang tubig na hinaluan ng sidr hanggang sa lumitaw ang bula nito saka huhugasan ng bula ang ulo nito at ang balbas nito at huhugasan ng natitirang bula ang nalalabi sa katawan.

10. Ang pinakamainam ay na maghalo sa panghuling panghugas ng alkampor, na isang uri ng pampapabango.

12. Kapag ang patay ay may buhok, tunay na ito ay susuklayin, hindi ibubungkos, at hindi gugupitan ang anuman mula rito.

12. Kapag ang patay ay isang babae, kakalagin ang buhok niya kung ito ay nakatirintas. Kapag nahugasan ito at nalinis ito, ititirintas ito sa tatlong tirintas at ilalagay sa likod niya.

13. Kapag ang ilan sa mga bahagi ng katawan ng patay ay nahiwalay, tunay na ang mga ito ay huhugasan at ikakabit dito.

14. Kapag ang patay ay nagkalansag-lansag dahil sa pagkasunog o iba pa rito at hindi maaari ang paghuhugas nito, tunay na ito ay pagsasagawaan ng tayammum sa ganang marami sa mga alagad ng kaalaman. Kaya naman magtatapik ang tagapagsagawa ng tayammum ng mga palad niya sa lupa at magpapahid siya ng mga ito sa mukha ng patay at mga kamay nito.

Ang Pamamaraan ng Pagbalot sa Patay

Ang kinakailangan sa pagbabalot sa patay ay isang telang magbabalot sa buong katawan nito subalit ang pinakamainam ay ang sumusunod:

1. Ang pagbabalot ay sa tatlong pirasong puting tela, na ilalagay ang mga ito nang magkakapatong, pagkatapos ilalagay ang patay sa mga ito, pagkatapos babatakin sa ibabaw ng dibdib ng patay ang gilid ng unang pambalot mula sa kanang tagiliran ng patay, pagkatapos ang gilid niyon mula sa kaliwang tagiliran, pagkatapos gagawin ito sa ikalawang pambalot, pagkatapos gayon din sa ikatlong pambalot, pagkatapos babatakin ang gilid ng mga pambalot mula sa tabi ng ulo nito at mga paa nito at tatalian ang mga ito.

2. Pauusukan ang mga pambalot (kafn) ng insenso at wiwisikan sa pagitan ng mga ito ng kaunting ḥanūṭ. Ang ḥanūṭ ay mga pinaghalu-halo mula sa pampabango na ginagawa para sa patay.

3. Maglalagay ng ḥanūṭ sa mukha ng patay, sa mga kilikili at mga singit niya, at mga bahagi ng katawan sa pagpapatirapa niya.

4. Maglalagay ng kaunting ḥanūṭ sa bulak sa ibabaw ng mga mata ng patay, mga butas ng ilong niya, at mga bibig nito.

5. Maglalagay ng kaunting ḥanūṭ sa bulak sa pagitan ng mga pigi ng patay at tatalian ng isang tela.

6. Babalutin ang babae sa limang piraso: pantapis, pambelo, pangkamison, at dalawang pambalot. Kung babalutin siya gaya ng pagbabalot sa lalaki, wala namang masama roon.

7. Kakalagin ang bigkis ng kafn sa sandali ng pagkalagay ng patay sa libingan nito.

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh Para sa Patay

1. Magsasagawa ng salah sa patay na Muslim, bata man o matanda, lalaki man o babae.

2. Magsasagawa ng ṣalāh sa ipinagbubuntis kapag nalaglag ito at umabot na sa apat na buwan. Gagawin dito kung paano ang ginagawa sa nakatatanda kaya paliliguan ito at babalutin ito bago ng pagsasagawa ng ṣalāh dito.

3. Hindi magsasagawa ng ṣalāh sa ipinagbubuntis kapag nalaglag ito bago ng pagkalubos ng apat na buwan dahil hindi pa inihip dito ang kaluluwa. Hindi ito paliliguan at hindi ito babalutin ng kafn. Ililibing lamang ito sa alinmang lugar.

4. Titindig ang imām sa pagsasagawa ng ṣalāh sa patay sa tabi ng lalaki at sa kalagitnaan ng babae at magdarasal naman ang mga tao sa likuran ng imām.

5. Magsasagawa ng apat na takbīr sa ṣalāh sa patay. Sa unang takbīr, bibigkasin matapos ng ta`awwudh (panalangin ng pagpapakupkop) at basmalah ang Sūrah Al-Fātiḥah.

Mananalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng ikalawang takbīr sapagkat magsasabi ng: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"[90] [90] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 3370 at Imām Abū Dāwud sa numero 978.

Mananalangin para sa patay matapos ng ikatlong takbīr. Ang pinakamainam ay na manalangin batay sa nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon.[91] Kung hindi nalalaman ito, mananalangin siya batay sa nalalaman. Kabilang dito: Allāhumma ­-ghfir li-ḥayyinā wa-mayyitinā, wa-shāhidinā wa-ghā'ibinā, wa-ṣaghīrinā wa-kabīrinā, wa-dhakarinā wa- unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa-aḥyihi `ala ­-l'islāmi, wa-man tawaffaytahu minnā fa-tawwaffahu `ala ­-l'īmān. Allāhumma -ghfir laHU, wa-rḥamHU, wa-`āfiHI, wa-`fu `anHU, wa-akrim nuzulaHU, wa-wassi` madkhalaHU, wa-ghsilHU bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbaradi, wa-naqqiHI mina -dhdhunúbi wa-lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi, wa-abdilHU dāran khayram min dāriHI wa-ahlan khayram min ahliHI, wa-adkhilHU -ljannata, wa-a`idhHU min `adhābi -lqabri wa-`adhābi -nnāri, wa-fsaḥ laHU fī qabriHI, wa-nawwir laHU fīhi. Alláhumma lā taḥrimnā ajraHU, wa-lā tuḍillanā ba`daHU. Allāhumma lā taḥrimnā ajraHU, wa-lā tuḍillanā ba`daHU, wa-ghfir lanā wa-laHU, yā rabba -l`ālamīn, wa-fsaḥ laHU fī qabriHI, nawwir laHU fīhi.§ (O Allāh, magpatawad Ka sa buhay sa amin at patay sa amin, nakadalo sa amin at nakaliban sa amin, nakababata sa amin at nakatatanda sa amin, at lalaki sa amin at babae sa amin. O Allāh, ang sinumang binigyang-buhay Mo kabilang sa amin ay magbigay-buhay Ka sa kanya sa Islām at ang sinumang pinapanaw Mo kabilang sa amin ay magpapanaw Ka sa kanya sa Pananampalataya. O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; maawa Ka sa kanya; magpagaling Ka sa kanya; magpaumanhin Ka sa kanya; magparangal Ka sa tuluyan Niya; magpalawak Ka ng pasukan niya; maghugas Ka sa kanya ng tubig, yelo, at granizo; magdalisay Ka sa kanya mula sa mga pagkakasala at mga pagkakamali kung paanong nadadalisay ang puting damit mula sa karumihan; magpalit Ka sa kanya ng isang tahanang higit na mabuti kaysa sa tahanan niya at ng isang asawang higit na mabuti kaysa sa asawa niya; magpapasok Ka sa kanya sa Paraiso; magkupkop Ka sa kanya laban sa pagdurusa sa libingan at pagdurusa sa Apoy; magpaluwag ka para sa kanya sa libingan niya; at magtanglaw Ka para sa kanya roon. O Allāh, huwag Kang magkait sa amin ng pabuya sa kanya, huwag Kang magpaligaw sa amin matapos niya, magpatawad Ka sa amin at sa kanya, O Panginoon ng mga nilalang, magpaluwang Ka para sa kanya sa libingan niya, at magbigay-liwanag Ka roon.) Kung ang patay ay bata, magsasabi ng: Allāhumma -j`alHU dhukhran li-wālidayHI, wa-faraṭan, wa-ajran, wa-shafī`am mujābā. Allāhumma thaqqil bihi mawāzīnahumā, wa-a`ḍ̆im biHI ujūrahumā, wa-alḥiqHU bi-ṣāliḥi -lmu'minīn, wa-j`alHU fī kafālati ibrāhīma `alayhi -ssalām, wa-qiHI bi-raḥmatika `adhāba -ljaḥīm.§ (O Allāh, gawin Mo siya bilang isang laang yaman para sa mga magulang niya, bilang isang paunang gantimpala, bilang isang pabuya, at bilang isang mapagpamagitan na sasagutin. O Allāh, pabigatin Mo dahil sa kanya ang mga timbangan [ng mga gawang maayos] nilang dalawa, pasukdulin Mo dahil sa kanya ang mga pabuya sa kanilang dalawa, isama Mo siya sa matuwid sa Hinalinhan sa mga mananampalataya, ilagay Mo siya sa pag-aaruga ni Abraham, at isanggalang Mo siya sa pamamagitan ng awa Mo laban sa pagdurusa sa Impiyerno.)

Titigil nang saglit ang imām matapos ng ikaapat na takbīr pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm. Kung magsasabi siya bago ng taslīm ng: Rabbanā ātinā fi ­-ddunyā ḥasanatan wa fī -­l'ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -­nnār. (Panginoon namin, bigyan Mo kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy.)[92] wala namang masama roon. [92] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6026 at Imām Muslim sa numero 2690.

Ang Pamamaraan ng Paglilibing ng Patay

1. Ang kinakailangan ay na ilibing ang patay sa isang libingang maisasanggalang ito laban sa mga mabangis na hayop, habang nakaharap sa qiblah. Lalong mainam kapag lalong lumalim ang libingan.

2. Ang pinakamainam ay ang libingan ay maging isang laḥd sa pamamagitan ng paghukay para sa patay ng isa pang hukay sa kalaliman ng libingan mula sa bahaging nakaharap sa qiblah.

3. Pinapayagan na ang libingan ay maging isang simpleng hukay sa pamamagitan ng paghukay para sa patay ng isang hukay sa kalaliman ng libingan sa gitna nito kapag humiling niyon ang pangangailangan dahil sa pagiging ang lupa ay malambot.

4. Ilalapag ang patay sa libingan niya sa kanang tagiliran niya nang nakaharap sa qiblah.

5. [Pagkapasok ng patay sa laḥd], ilalagay sa laḥd ang mga panakip at tatapalan ang nasa pagitan§ upang hindi tumabon ang lupa sa patay.§

6. Tinatabunan ang libingan matapos niyon. Hindi ito inaangat at hindi ito pinapalitadahan ng plaster o iba pa.

7. Hindi pinapayagan ang paglilibing sa tatlong yugto:

A. Kapag sumikat ang araw hanggang sa umangat nang singtaas ng isang sibat.

B. Kapag pumagitna ang araw sa katanghaliang-tapat hanggang sa lumihis ito.

C. Kapag umabot ang araw sa singtaas ng isang sibat sa sandaling paglubog hanggang sa bago tuluyang lumubog ito.

Ang tagal ng unang yugto at huling yugto ay mga 15 minuto at ang tagal ng ikalawang yugto ay mga 10 minuto o malapit dito.

8. Hindi inililibing ang Kāfir sa mga sementeryo ng mga Muslim. Gayon din naman, hindi ito pinaliliguan, hindi ito binabalot, at hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh. Inililibing lamang ito sa isang lugar na hindi minamay-ari ng isang tao, maliban na ilipat ito sa bayan nito.

Ang papuri ay ukol kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang. Pagpalain at pangalagaan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad at ng lahat ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya.

Isinulat ito ng nangangailangan kay Allāh.

Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn