شروط الصلاة وأركانها وواجباتها
كتاب نافع مختصر في بيان شروط الصلاة، وأركانها، وواجباتها، مبينًا تسعة شروط للصلاة. ويشرح أركانها الأربعة عشر، بالإضافة إلى واجباتها ومبطلاتها. يعتبر الكتاب مرجعًا مهمًا للمسلمين لفهم كيفية أداء الصلاة بشكل صحيح وفقًا لأحكام الشريعة الإسلامية، مستندًا إلى أدلة الوحي من القرآن الكريم والسنة النبوية المطهرة.
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh, ang mga Haligi Nito, at ang mga Kinakailangan Dito
Pag-aakda ni Shaykh Al-Islām, ang Tagapagpanariwa, si Imām Muḥammad bin `Abdilwahhāb – kaawaan siya ni Allāh.
1115-1206 AH (1703-1792 CE)
Nagsiyasat nito, nagbigay-pansin dito, at nagsadokumento ng mga ḥadīth nito ang nangangailangan kay Allāh (napakataas Siya):
Si Dr. Sa`īd bin `Alīy bin Wahaf Al-Qaḥṭānīy
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Paunang Salita ng Tagapagsiyasat
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, at humihingi tayo ng tawad sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Basbasan Niya ito, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito, at pangalagaan nang pangangalagang palagi. Sa pagsisimula...
Tunay na ang aklat na "Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh, ang mga Haligi Nito, at ang mga Kinakailangan Dito" ni Imām Muḥammad bin `Abdilwahhāb ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang sa mga aklat, lalo na sa mga nagsisimula at mga madlang tao; bagkus nagpakinabang nga si Allāh sa pamamagitan nito sa mga piling tao at mga madlang tao kung paanong nagpakinabang Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan ng nalalabi sa mga inakdaan nito sa lahat ng mga rehiyon ng lupa. Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa kanya at sa mga tao.
Naipaliwanag na ng Kanyang Kabunyian, ang Shaykh nating si Imām `Abdul`azīz bin `Abdillāh bin Bāz (kaawaan siya ni Allāh), ang pinagpalang aklat na ito sa masjid niyang katabi ng tirahan niya. Binasa ito sa kanya ng imām ng masjid niya na si Shaykh Muḥammad Ilyās `Abdulqādir. Iyon ay noong humigit-kumulang taong 1410 AH. Ipinaliwanag ito ng Kanyang Kabunyian, ang Shaykh, sa mga nagdarasal sa loob ng limang araw sa limang sesyon sa pagitan ng adhān at iqāmah ng ṣalāh na `ishā'. Iyon ay naging isang pagpapaliwanag na namumukod, na nasiyasat, na pinaikli, na nagbibigay-katuturan, na kapaki-pakinabang. Ang total ng haba ng limang araling ito ay 90 minuto sa iisang cassette tape. Nanatili ito sa piling ko nang humigit-kumulang 25 taon hanggang sa buwan ng Muḥarram ng 1435 H, kaya padaliin nawa ni Allāh ang paglalathala ng cassette tape.
Ang gawain ko ay ayon sa sumusunod na paraan:
1. Inihambing ko ang nakarekord na pananalita ng Shaykh (kaawaan siya ni Allāh) sa cassette tape sa nakalathala, maging ito man ay sa teksto o paliwanag, nang salita sa salita nang masusi. Ang papuri ay ukol kay Allāh.
2. Inihambing ko ang teksto ng aklat na "Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh, ang mga Haligi Nito, at ang mga Kinakailangan Dito" sa apat na kopya. [Ang una ay] sa kopya ng tagabasa na nagbabasa dati rito sa Shaykh kung paano nitong binasa iyon habang ang Shaykh ay nakikinig. Ginawa ko ito bilang batayan. [Ang ikalawa ay] sa dalawang kopyang nakasulat-kamay. Ang unang kopya ay kumpleto sa isang sulat-kamay na maliwanag at marikit. Ang tagakopya nito ay si Muḥammad bin Ibrāhīm Aḍ-Ḍawayān na may petsang 6/5/1307AH. Ito ay iniingatan sa Sentro Haring Fays̄al Para sa mga Pananaliksik at mga Pag-aaral Islāmiko sa microfilm numero 5250. Ang orihinal ng manuskrito ay nasa aklatan ng Jāmi` `Unayzah sa Al-Qaṣīm. Ang kopyang ito ay napaloob sa isang pangkat ng mga manuskritong Thalāthah Al-Uṣūl (Ang Tatlong Batayan), Al-Qawā`id Al-Arba`ah (Ang Apat na Panuntunan), at Kashf Ash-Shubuhāt (Ang Pagbubunyag ng mga Maling Akala). Ang lahat ng mga ito ay akda ng tagapag-akdang ito (kaawaan siya ni Allāh). Ang ikalawang kopyang nakasulat-kamay ay nasa Sentro Haring Fayṣal sa loob ng microfilm numero 5265. Ang orihinal ng lugar ng manuskritong ito ay ang aklatan ng Jāmi` `Unayzah sa Al-Qaṣīm. Ito ay napaloob sa isang pangkat ng mga manuskritong Thalāthah Al-Uṣūl (Ang Tatlong Batayan), Al-Qawā`id Al-Arba`ah (Ang Apat na Panuntunan), at Kashf Ash-Shubuhāt (Ang Pagbubunyag ng mga Maling Akala), Al-Qawā`id Al-Arba`ah (Ang Apat na Panuntunan), Kitāb At-Tawḥīd (Ang Aklat ng Tawḥīd), at Adāb Al-Mashy Liṣ-Ṣalāh (Ang mga Etiketa sa Paglalakad Tungo sa Ṣalāh). Ang lahat ng mga ito ay akda ng tagapag-akdang ito (kaawaan siya ni Allāh). Kasama ng mga ito gayon din ang manuskrito ng Al-`Aqīdah Al-Wāsiṭīyah (Ang Paniniwalang Wāsiṭeo) na akda ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah (kaawaan siya ni Allāh). Ang ikalawang kopyang ito ay kinopya noong taong 1338 AH. Hindi isinulat rito ng tagakopya ang pangalan niya. Ito ay isang manuskritong nasa isang sulat-kamay na maliwanag at marikit subalit mayroon ditong bahagyang butas mula sa sabi ng tagapag-akda: "Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi..." hanggang sa sabi niya: "...sumakanya at pangalagaan sa magkasabay na oras..." Ang kopyang ito ay inihambing ko sa mga ibang kopya. Ang ikaapat na kopya ay edisyon ng Pamantasang Islāmiko ng Imām Muḥammad Bin Sa`ūd na nagsagawa ng pagtutumpak nito at paghahambing nito sa kopyang nakasulat-kamay 86/269: Shaykh `Abdul`azīz bin Zayd Ar-Rūmīy at Shaykh Ṣāliḥ bin Muḥammad Al-Ḥasan.
3. Pinagtibay ko ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kopya sa talababang pangkomentaryo.
4. Tinunton ko ang mga talata ng Qur'ān sa mga kabanata ng mga ito.
5. Isinadokumento ko ang lahat ng mga ḥadīth at mga athar.
6. Gumawa ako ng isang indise ng mga talata ng Qur'ān, mga ḥadīth, at mga athar.
7. Pinangalanan ko ang paliwanag [na ito] bilang "Ash-Sharḥ Al-Mumtāz Li-Samāḥah Shaykh Al-Imām `Abdul`azīz bin `Abdillāh bin Bāz" (Ang Namumukod na Paliwanag ng Kanyang Kabunyian, ang Shaykh na Imām `Abdul`azīz bin `Abdillāh bin Bāz). Matapos na natapos ko ang Ash-sharḥ Al-Mumtāz (Ang Namumukod na Paliwanag) na nabanggit kanina at inilimbag ito, inibig ko na ibukod-tangi ko ang teksto ng "Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh, ang mga Haligi Nito, at ang mga Kinakailangan Dito" sa isang aklat na nakabukod-tangi, kalakip ng lahat ng pagsisikap na ipinagkaloob dito, buhat sa paliwanag niya na "Ang Namumukod na Paliwanag". Harinawang si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay magpakinabang nito. Ito ay dahil ang pagbubukod-tangi rito buhat sa paliwanag nito ay magiging higit na madali sa pagsasaulo nito, lalo na sa mga nagsisimula at iba pa sa mga ito. Ang sinumang nakaibig na sumangguni sa nabanggit na Namumukod na Paliwanag ay sumangguni rito.
Si Allāh (napakataas Siya) ay hinihilingan ko na gawin Niya ang gawang ito bilang wagas ba ukol sa marangal na Mukha Niya, na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang may-akda nito na si Imām Muḥammad bin `Abdilwahhāb (kaawaan Niya ito) at ang tagapagpaliwanag nito na Shaykh nating si Ibnu Bāz (kaawaan Niya ito), na gawin Niya ito para sa kanilang dalawa kabilang sa kaalamang nagpapakinabang, na pakinabangin Niya ako sa pamamagitan nito sa buhay ko at matapos ng pagkamatay ko, at pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang sinumang hinantungan nito sapagkat tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay pinakamabuting hinihilingan at pinakamapagbigay na inaasahan. Siya ay kasapatan sa atin at kay inam Siya, ang Pinananaligan. Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Mataas, ang Sukdulan. Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at gawaran Niya ng pagpapala ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito nang magkakasama.
Isinulat ito ni Abū `Abdirraḥmān,
Sa`īd bin `Alīy bin Wahaf Al-Qaḥṭānīy.
Isinatitik ito matapos ng dasal sa tanghali ng araw ng Miyerkules ng 25/5/1435 AH (26 ng Marso, 2014).
Ang ikaanim na pahina mula sa unang manuskrito ay may numero 5258 sa Sentro Haring Fayṣal. Ito ay pinag-iingatan sa aklatan ng Jāmi` `Unayzah sa Qaṣīm.
Ang ikalimang pahina mula ikalawang manuskrito ay may numero 5265 sa Sentro Haring Fayṣal.
Ito ay pinag-iingatan sa aklatan ng Jāmi` `Unayzah sa Qaṣīm.
[Nagsabi ang may-akda na si Shaykh Al-Islām, ang Tagapagpanariwa, Imām Muḥammad bin `Abdilwahhāb – kaawaan siya ni Allāh]:
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang mga kundisyon ng ṣalāh ay siyam:
1. ang [pagkaanib sa] Islām, 2. ang [katinuan ng] pag-iisip, 3. ang [edad ng] pagkawari, 4. ang pagkapawi ng kasiraan ng wuḍū', 5. ang pagkaalis ng karumihan, 6. ang pagtatakip ng kahubaran (`awrah), 7. ang pagpasok ng oras, 8. ang pagharap sa qiblah, at 9. ang layunin.
Ang Unang Kundisyon: Ang [pagkaanib sa] Islām at ang kasalungatan nito ay ang kawalang-pananampalataya. Ang tagatangging sumampalataya, ang gawain niya ay tinatanggihan, kahit pa man gumawa siya ng alinmang gawain.[1], [2]. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Hindi naging ukol sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni Allāh habang mga tagasaksi laban sa mga sarili nila sa kawalang-pananampalataya nila. Ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila, at sa Impiyerno sila ay mga mamamalagi.}[3] Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawin namin ito na alabok na isinabog.}[4] [1] Sa una at ikalawang kopyang nakasulat-kamay: <
Ang Ikalawang [Kundisyon][5]: Ang [katinuan ng] pag-iisip at ang kasalungatan nito ay ang kabaliwan. Ang baliw ay nakaangat para sa kanya ang panulat [ng mga gawa] hanggang sa matauhan siya. Ang patunay ay ang ḥadīth:[6] {Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa baliw hanggang sa matauhan siya, at sa bata hanggang sa umabot siya [sa sapat na gulang].}[7] [5] Sa kopya ng tagabasa at kopya ng Pamantasan: <
Ang Ikatlo: Ang [edad ng] pagkawari at ang kasalungatan nito ay ang pagkabata, na ang hangganan nito ay pitong taon, pagkatapos uutusan ito[8] ng pagdarasal, batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal sa edad na pito, mamalo kayo sa kanila dahil doon sa edad na sampu, at magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."[9] [8] Sa unang manuskrito: <
Ang Ikaapat[10] na Kundisyon: Ang pagpawi ng kasiraan ng wuḍū'. Ito ay ang [pagsasagawa ng] nalalamang wuḍū' at ang tagapag-obliga nito ay ang kasiraan ng wuḍū'. [10] Sa unang manuskrito: <
Ang mga kundisyon nito ay sampu: 1. ang [pagkaanib sa] Islām, 2. ang [katinuan ng] pag-iisip, 3. ang [edad ng] pagkawari, 4. ang layunin, 5. ang pagsasama ng patakaran nito sa pamamagitan ng hindi paglalayon ng pagputol nito hanggang sa malubos ang kadalisayan,[11] 6. pagkaputol ng tagapag-obliga, 7. paghuhugas o pagpapahid [matapos dumumi o umihi], 8. pagkadalisay at pagkapinapayagan ng tubig, 9. ang pagkaalis ng anumang nakapipigil sa pag-abot ng tubig balat, at 10. pagpasok ng oras[12] para sa sinumang ang kasiraan ng wuḍū' ay palagi, para sa tungkulin [na dasal] dito. [11] Sa unang manuskrito: <
Hinggil naman sa mga tungkulin nito, ito ay anim: 1. Ang paghuhugas ng mukha at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinga ng sininghot na tubig, na ang hangganan nito sa pababa ay mula sa mga tinutubuan ng buhok sa ulo hanggang sa baba, at sa pahalang ay sa magkabilaan ng mga tainga; 2. ang paghuhugas ng mga kamay hanggang sa mga siko; 3. ang pagpahid sa buong ulo at bahagi nito ang mga tainga; 4. ang paghuhugas ng mga paa hanggang sa mga bukungbukong; 5. ang pagkakasunud-sunod; at 6. ang pagkatuluy-tuloy.[13] Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – humaplos kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong.}[14] Ang talata.[15] [13] Sa unang nakasulat ay bumanggit matapos ng pagkatuluy-tuloy: <
Ang patunay ng pagkakasunud-sunod ay ang ḥadīth: {Magsimula kayo ng ipinangsimula ni Allāh.}[16] [16] Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy, Kitāb Manāsik Al-Ḥajj: Al-Qawl Ba`da Rak`atay Aṭ-Ṭawāf, nang may numero 2962, mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Tamām Al-Minnah, pahina 88. Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa [Kitāb] Al-Ḥajj, Bāb Ḥijjah An-Nabīy, nang may numero 1218, na ang pananalita nito: "Magsimula kayo ng ipinangsimula ni Allāh."
Ang patunay ng pagkatuluy-tuloy ay ang ḥadīth ng may-akda ng Al-Lum`ah, ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: {Noong nakakita siya ng isang lalaki, na sa paa (qadam) nito[17] ay may isang bahagi na kasukat ng dirham na hindi tumama roon ang tubig, nag-utos siya rito[18] na umulit."[19] [17] Sa unang manuskrito: <
Ang kinakailangan dito ay ang pagsambit ng pangalan [ni Allāh] kalakip ng pagsambit ng pag-alaala [sa Kanya].[20] [20] Sa unang kopyang nakasulat-kamay ay may pagpapauna sa sugnay na ito matapos ng sabi niya: <
Ang mga tagasira nito ay walo: 1. ang lumalabas sa dalawang labasan [ng ihi at dumi], 2. ang lumalabas na labis-labis na marumi[21] mula sa katawan, 3. ang paglaho ng isip, 4. ang paghipo sa babae nang may pagnanasa,[22] 5. ang paghipo sa maselang bahagi sa pamamagitan ng kamay maging[23] sa ari man o sa anus, 6. ang pagkain ng karne ng kamelyo, 7. ang pagpapaligo ng patay,[24] at 8. ang pagtalikod sa Islām – kupkupin tayo ni Allāh laban doon. [21] Ang <
Ang Ikalimang[25] Kundisyon: Ang pag-alis ng karumihan mula sa tatlo: mula sa katawan, mula sa damit, at mula sa puwesto. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sa mga damit mo ay magdalisay ka.}[26] [25] Sa unang kopyang nakasulat-kamay lamang: <
Ang Ikaanim na Kundisyon: Ang pagtatakip ng kahubaran (`awrah). Nagkaisa ang hatol ng mga may kaalaman sa pagkasira ng dasal ng sinumang nagdasal nang hubad samantalang nakakakaya [na hindi maging hubad]. Ang hangganan ng kahubaran ng lalaki ay mula pusod hanggang sa tuhod. Ang babaing alipin ay gayon din. Ang babaing malaya naman sa kabuuan niya ay kahubaran maliban sa mukha niya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid.}[27] Ibig sabihin: sa sandali ng bawat pagdarasal. [27] Qur'ān 7:31.
Ang Ikapitong Kundisyon: Ang pagpasok ng oras. Ang patunay mula sa Sunnah ay ang ḥadīth ni [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) na siya ay namuno Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dasal sa unang bahagi ng oras at sa huling bahagi nito[28] saka nagsabi: {O Muḥammad, ang pagdarasal ay sa pagitan ng dalawang oras na ito.}[29] [28] Sa unang kopyang nakasulat-kamay lamang: <
Ang sabi Niya (napakataas Siya):[30] {Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng oras.}[31] Ibig sabihin: isinatungkulin sa mga oras. Ang patunay ng mga oras[32] ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagdilim ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur'ān sa Fajr; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa Fajr ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].}[33] [30] Ang pagsisimula ng pagwawakas ng patlang mula sa ikalawang kopyang nakasulat-kamay. [31] Qur'ān 4:103. [32] Sa unang kopyang nakasulat-kamay: <
Ang Ikawalong Kundisyon: Ang pagharap sa qiblah. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Nakakikita nga Kami[34] sa pagtuon ng mukha mo sa langit, kaya magbabaling nga Kami sa iyo sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal. Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon.}[35] [34] Sa unang kopyang nakasulat-kamay: <
Ang Ikasiyam na Kundisyon: Ang layunin. Ang kinalalagyan nito ay ang puso. Ang pagbigkas nito ay bid`ah. Ang patunay ay ang ḥadīth:[36] {Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang.}[37] [36] Sa unang kopyang nakasulat-kamay ang <
Ang mga haligi ng ṣalāh ay labing-apat na haligi: 1. ang pagtayo sa abot ng kakayahan, 2. ang takbīr ng pagpapasimula, 3. ang pagbigkas ng Fātiḥah, 4. ang pagyukod, 5. ang pag-angat mula rito, 6. ang pagpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan,[38] 7. ang pagtindig mula rito, 8. ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa, 9. ang kapanatagan sa lahat ng mga haligi, 10.ang pagkakasunud-sunod,[40] 11. ang huling tashahhud, 12. ang pag-upo para rito, 13. ang [panalangin ng] basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at 14. ang dalawang taslīm. [38] Sa unang kopyang nakasulat-kamay at ikalawang nakasulat-kamay: <
Ang Unang Haligi: Ang pagtayo sa abot ng kakayahan. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Mangalaga kayo[41] sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin.}[42] [41] Sa unang kopyang nakasulat-kamay at ikalawang kopyang nakasulat-kamay: {Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin.} Inalis ang unang bahagi ng talata. [42] Qur'ān 2:238.
Ang Ikalawa:[43] Ang takbīr ng pagpapasimula. Ang patunay ay ḥadīth:[44] {...ang pagpapasimula nito ay ang pagsasagawa ng takbīr,[45] at ang pagpapawakas nito ay ang pagsasagawa ng taslīm.}[46] Matapos nito ang pagbubukas [ng ṣalāh], na isang sunnah, ang pagsabi ng:[47] "Subḥānaka –llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka –smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā 'ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo; napakamapagpala ang ngalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)"[48] Ang kahulugan ng "Subḥānaka –llāhumma (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh)" ay nagpapawalang-kapintasan ako sa Iyo ayon sa pagpapawalang-kapintasang nababagay sa pagpipitagan sa Iyo.[49] Ang "wa-bi-ḥamdika (kalakip ng papuri sa Iyo)" ay nangangahulugang: pagbubunyi sa Iyo. Ang "wa-tabāraka –smuka[50] (napakamapagpala ang ngalan Mo)" ay nangangahulugang: ang pagpapala ay natatamo sa pag-alaala sa Iyo. Ang "wa-ta`ālā jadduka (napakataas ang kabunyian Mo)" ay nangangahulugang: kapita-pitagan ang kadakilaan Mo.[51] Ang "wa-lā 'ilāha ghayruk (at walang Diyos na iba pa sa Iyo)" ay nangangahulugang: walang sinasamba sa lupa ni sa langit ayon sa karapatan[52] na iba sa Iyo, O Allāh. [43] Ang <
"Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa."[53] Ang kahulugan ng "nagpapakupkop ako" ay "nagpapakanlong ako", "dumudulog ako", at "nangungunyapit ako" sa Iyo, O Allāh, laban sa demonyong[54] isinumpa, na itinaboy, na pinalayo sa awa ni Allāh,[55] na hindi ito mamiminsala sa akin sa relihiyon ko ni sa mundo ko.[56] [53] Sa ikalawang kopyang nakasulat-kamay: <
Ang pagbigkas ng Fātiḥah ay isang haligi sa bawat rak`ah gaya ng nasa isang ḥadīth:[57] "Walang pagdarasal para sa sinumang hindi bumigkas ng Fātiḥah ng Aklat."[58] Ito ay ang Ina ng Qur'ān. [57] Sa unang kopyang nakasulat-kamay, ikalawang kopyang nakasulat-kamay, at inilimbag ng Pamantasan: <
{Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.}[59]: isang pagpapala at isang pagpapatulong. [59] Sa kopya ng tagabasa at unang kopyang nakasulat-kamay: <
{Ang papuri ay ukol kay Allāh}: Ang papuri ay pagbubunyi. Ang [paggamit ng] ANG ay para sa pagsaklaw sa lahat ng mga pagpupuri. Hinggil naman sa [gawain] marikit na walang ginawa para sa tao kaugnay rito tulad ng karikitan [ng gawain] at tulad nito, [ito ay] ang pagbubunyi sa kanya [60] na tinatawag na pagtatampok (madḥ) hindi papuri (ḥamd). [60] Ang <
{Ang Panginoon ng mga nilalang): Ang Panginoon ay Siya[61] ang Sinasamba, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos[62], ang Tagapagmay-ari, ang Tagapatnugot, ang Tagapag-alaga ng lahat ng nilikha sa pamamagitan ng mga biyaya.[63] [61] Ang <
{Ang mga nilalang}: Bawat anumang iba kay Allāh ay nilalang. Siya ay ang Panginoon ng lahat.
{Ang Napakamaawain}: isang awang pangkalahatan [para] sa lahat[64] ng mga nilikha. [64] Sa limbag ng Pamantasan at sa ikalawang kopyang nakasulat-kamay: <
{ang Maawain}: isang awang natatangi sa mga mananampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain.}[65] [65] Qur'ān 33:43.
{ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}: Araw ng Pagganti at Pagtutuos, sa araw[66] na ang bawat isa ay gagantihan sa gawa niya, na kung naging kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung naging kasamaan ay kasamaan [ang ganti]. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas? Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?[67] [Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.}[68] at ang ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang matalino ay ang sinumang sumusupil sa sarili niya at gumagawa para sa matapos ng kamatayan[69] at ang nawawalang-kakayahan ay ang sinumang nagpasunod sa sarili niya sa pithaya nito at nagmimithi kay Allāh ng mga mithiin."[70] [66] Ang <
Ang {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba} ay nangangahulugang: hindi kami sumasamba sa iba pa sa Iyo, na isang kasunduan sa pagitan ng tao at ng Panginoon niya na hindi ito sumamba maliban sa Kanya.[71] [71] Sa unang kopyang nakasulat-kamay: <
Ang {at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong} ay isang kasunduan sa pagitan ng tao at ng[72] Panginoon niya, na hindi ito magpatulong sa isa na iba pa kay Allāh. [72] Sa unang kopyang nakasulat-kamay: <
Sa {Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid}, ang kahulugan ng {Magpatnubay Ka sa amin} ay magturo Ka sa amin, gumabay Ka sa amin, at magpatatag Ka sa amin;[73] {ang landasin} ay ang Islām at sinabing ang Sugo[74] at sinabing ang Qur'ān, na lahat ay totoo; at ang {tuwid} ay ang walang kabaluktutan doon. [73] Ang <
Ang {ang landasin ng mga biniyayaan Mo} ay ang daan ng mga biniyayaan, at ang patunay[75] ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo, ang mga iyon ay kasama ng mga biniyayaan ni Allāh kabilang sa mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga maayos. Kay ganda ang mga iyon bilang kasama!}[76] [75] Mula sa sabi niya: <
Ang {hindi ng mga kinagalitan}, sila ay ang mga Hudyo; may taglay silang kaalaman at hindi sila gumagawa[77] ayon doon. Humihiling ka kay Allāh na magpaiwas Siya sa iyo sa daan nila. [77] Sa una at ikalawang kopyang nakasulat-kamay: <
Ang {at hindi ng mga naliligaw}, sila ay ang mga Kristiyano. Sumasamba sila kay Allāh[78] ayon sa pagkamangmang at pagkaligaw. Humihiling ka kay Allāh na magpaiwas Siya sa iyo sa daan nila. Ang patunay ng "mga naliligaw" ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain, na mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay[79] na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa?}[80][81] Ang ḥadīth[82] ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga bago ninyo tulad ng balahibo ng palaso sa balahibo ng palaso hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa lungga ng ibid ay talagang papasok nga kayo." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ang mga Hudyo ba at ang mga Kristiyano [sila]? Nagsabi siya: "Kaya sino pa?"}[83] [78] Sa ikalawang kopyang nakasulat-kamay, nawala ang kataga ng pagkapinagpipitaganan na <
at ang ikalawang ḥadīth:[84] {"Nagkahati-hati ang mga Hudyo sa pitumpu't isang pangkatin. Nagkahati-hati ang mga Kristiyano sa pitumpu't dalawang pangkatin. Magkakahati-hati ang Kalipunang ito sa pitumpu't tatlong pangkatin, na ang kabuuan ng mga ito ay [mapupunta] sa Apoy maliban sa iisa." Nagsabi kami: "Sino ang mga ito,O[85] Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang naging batay sa tulad sa anumang ako ay batay roon[86] at ang mga Kasamahan ko."}[87] [84] Sa unang kopyang nakasulat-kamay: <
4. ang pagyukod, 5. ang pag-angat mula rito, 6. ang pagpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan, 7. ang pagtindig mula rito, 8. ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo,...}[88][89] at ang ḥadīth ayon sa kanya[90] (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inutusan ako na magpatirapa sa pitong buto..."[91][92] 9. ang kapanatagan[93] sa lahat ng mga gawain,[94] 10.ang pagkakasunud-sunod sa pagitan ng mga haligi. Ang patunay ay ang ḥadīth tungkol sa gumagawa ng masagwa, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Samantalang kami ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) biglang may pumasok na isang lalaki[95] saka nagdasal ito, [saka tumayo ito][96], saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi naman siya:[97] "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Ginawa nito iyon nang tatlong ulit, pagkatapos[98] nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan bilang propeta, hindi ako nakagagawa ng magandang iba pa[99] rito kaya magturo ka sa akin." Kaya naman nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):[100] "Kapag tumayo ka patungo sa ṣalāh ay dumakila ka [kay Allāh], pagkatapos bumigkas ka ng naging madali sa iyo mula sa Qur'ān, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka na nakayukod, pagkatapos umangat ka hanggang sa tumuwid[101] ka na nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka na nakapatirapa, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka na nakaupo, pagkatapos gawin mo iyon sa pagdarasal mo sa kabuuan nito."}[102] Ang huling tashahhud ay isang haliging isinatungkulin,[103] gaya ng nasaad sa ḥadīth ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay nagsasabi bago maisatungkulin sa amin ang tashahhud: "Assalāmu `ala –llāhi min `ibādih, assalāmu `alā jibrīla wa-mīkā’īl (Ang Salām ay sa kay Allāh mula sa mga lingkod Niya; ang Salām ay sa kina [Anghel] Gabriel at [Anghel] Miguel). Nagsabi[104] ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magsabi ng: Assalāmu `ala –llāhi min[105] `ibādih (Ang Salām ay sa kay Allāh mula sa mga lingkod Niya) sapagkat tunay na si Allāh ay ang Salām,[106] subalit magsabi kayo: "Attaḥīyātu lillāhi[107] wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, 'ashhadu 'an lā 'ilāha 'illa –llāh, wa-'ashhadu 'anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh.[108] (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, ang mga dasal, at ang mga gawan kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya. Ang pangangalaga ay matamo natin at matamo ng mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"} Ang kahulugan ng "Attaḥīyātu... (Ang mga pagbati...)" ay ang lahat ng mga pagdakila ay ukol kay Allāh,[109] sa paghahari at pagkakarapat-dapat – tulad ng pagyuko, pagyukod,[110] at pagpapatirapa – [ang lahat ng] pananatili at pamamalagi; at ang lahat[111] ng ipinandadakila sa Panginoon ng mga nilalang sapagkat ito ay ukol kay Allāh. Kaya ang sinumang nagbaling mula rito ng anuman sa iba pa kay Allāh, siya ay isang tagapagtambal na tagatangging sumampalataya.[112] Ang "wa-ṣṣalawātu... (ang mga dasal)" ay nangangahulugang: ang lahat ng mga panalangin. Sinabi [ring ito ay] ang limang pagdarasal. Ang "wa-ṭṭayyibātu lillāhi[113] (at ang mga gawang kaaya-aya ay ukol kay Allāh)" ay [nangangahulugang:] si Allāh ay kaaya-aya at hindi tumatanggap mula sa mga sinasabi at mga ginagawa maliban sa kaaya-aya sa mga ito.[114] [Sa] "assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh (ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya.)" ay dumadalangin ka para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaligtasan, awa,[115] at pagpapala.[116] Ang idinadalangin para sa kanya ay hindi idinadalangin sa kasama kay Allāh. [Sa] "assalāmu[117] `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn (Ang pangangalaga ay matamo natin at matamo ng mga maayos na lingkod ni Allāh)" ay bumabati ka sa sarili mo at sa bawat maayos na lingkod sa[118] langit at lupa. Ang salām ay isang panalangin. Ang mga maayos ay idinadalangin ngunit hindi dinadalanginan kasama kay Allāh. [Sa] "'ashhadu 'an lā 'ilāha 'illa –llāhu waḥdahu[119] lā sharīka lah[120] (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya)" ay sumasaksi ka ng pagsaksi ng katiyakan na walang sinasamba sa lupa[121] ni sa langit ayon sa karapatan kundi si Allāh. Ang pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay na siya[122] ay isang lingkod na hindi sinasamba at isang sugong hindi pinasisinungalingan, bagkus tinatalima at sinusunod. Nagparangal sa kanya si Allāh ng pagkamananamba. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Napakamapagpala ang nagbaba ng pamantayan sa Lingkod Niya[123] upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala,}[124] "Allāhumma ṣalli `alā muḥammad, [wa-`alā 'āli muḥammad,][125] kamā ṣallayta `alā 'ibrāhīma [wa-`alā 'āli 'ibrāhīm,][126] 'innaka ḥamīdum majīd.[127] (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad [at ang mag-anak ni Muḥammad] gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham [at sa mag-anak ni Abraham]; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)" Ang ṣalāh mula kay Allāh ay ang pagbubunyi Niya[128] sa lingkod Niya sa Pinakamataas ng Konseho, gaya ng ikinuwento ni Imām Al-Bukhārīy (kaawaan siya ni Allāh) sa Ṣaḥīḥ niya ayon kay Abū Al-`Āliyah na nagsabi: "Ang ṣalāh ni Allāh ay ang pagbubunyi Niya sa lingkod Niya sa Pinakamataas na Konseho.[129][130] Sinabi [rin na ito ay] ang awa. Ang tama ay ang una. [Ang ṣalāh] mula sa mga anghel ay ang paghingi ng tawad at mula sa mga tao ay ang panalangin. [Ang pagsabi ng] bārik…(basbasan Mo...) at ng anumang matapos nito[131] ay mga sunnah ng mga sinasabi at mga ginagawa." [88] Qur'ān 22:77. [89] Sa ikalawang kopyang nakasulat-kamay ay may pagdaragdag ng: <
Ang mga kinakailangan (wājib) ay walo: 1. ang lahat na mga takbīr (pagsabi ng: Allāhu 'akbar) na iba pa sa takbīr ng pagpapasimula, 2. ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya –l`aḍ̆īm" sa pagyukod, 3. ang pagsabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah" para sa imām at munfarid, 4. ang pagsabi ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd" para sa lahat, 5. ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā) sa pagpapatirapa, 6. ang pagsabi ng: "rabī –ghfir lī…" sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa, 7. ang unang tashahhud, at 8. ang pag-upo para rito.
Kaya ang mga haligi,[132] [kapag may] anumang nawaglit mula sa mga ito dala ng pagkalingat o dala ng pananadya, ay nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa pagkaiwan nito. Ang mga kinakailangan (wājib), [kapag may] anumang nawaglit mula sa mga ito dala ng pananadya, ay nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa pagkaiwan nito; at [kapag] dala ng pagkalingat ay nag-aayos rito ang pagpapatirapa para sa pagkalingat (sujūd lissahw).[133] Si Allāh ay higit na maalam. [Basbasan ni Allāh ang Pinuno nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya at pangalagaan siya nang lubos na pangangalaga.][134] [132] Sa ikalawang kopyang nakasulat-kamay: <