آداب السفر وأحكامه
Ang mga Etiketa ng Paglalakbay at ang mga Patakaran Nito Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Ang mga Etiketa ng Paglalakbay at ang mga Patakaran Nito Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagpapatuloy:
Ito ay isang pinaigsing polyeto sa mga etiketa ng paglalakbay at mga patakaran nito, na nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kakailanganin ng manlalakbay.
Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Una. Ang mga Etiketa ng Paglalakbay
Nararapat sa sinumang maglalakbay para sa ḥajj o iba pa rito kabilang sa mga pagsamba na magsagawa ng sumusunod:
1. Mananalangin siya ng istikhārah kay Allāh kaugnay sa oras, masasakyan, makakasama, at direksiyon ng daan kung marami ang daan; at sasangguni siya kaugnay roon sa mga kabatiran at kaangkupan. Hinggil naman sa ḥajj at `umrah, tunay na ang dalawang ito ay mabuti, walang duda rito. Ang paraan ng panalangin ng istikhārah ay magdasal siya ng dalawang rak`ah, pagkatapos manalangin siya ng pagtutuon sa tama sa pamamagitan ng panalanging nasaad buhat sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
2. Kinakailangan sa magsasagawa ng ḥajj at magsasagawa ng `umrah na magpakay siya sa pagsasagawa ng ḥajj niya at `umrah niya ng kaluguran ng mukha ni Allāh (napakataas Siya) at pagpapakalapit-loob sa Kanya at na mag-ingat siya sa pagpapakay ng mga walang-kapararakan ng Mundo o pakikipagmayabangan o pagtamo ng mga taguri o pagpapakitang-tao o reputasyon sapagkat tunay na iyon ay isang kadahilanan sa pagkawalang-saysay ng gawa at hindi pagtanggap dito. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: “Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.”} (Qur'ān 18:110) Nasaad naman sa banal na ḥadīth: "Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng itinambal niya."[1] [1] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 2985.
3. Kailangan sa magsasagawa ng ḥajj at magsasagawa ng `umrah ang magpakaunawa sa mga patakaran ng `umrah at ḥajj at mga patakaran ng paglalakbay bago siya maglakbay upang hindi siya makaiwan ng isang tungkulin o masadlak sa isang ipinagbabawal. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagnais dito si Allāh ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya rito sa Relihiyon."[2] [2] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 3116 at Imām Muslim sa numero 100.
4. Kailangan sa magsasagawa ng ḥajj at magsasagawa ng `umrah na pumili ng pinahihintulutang yaman para sa pagsasagawa ng ḥajj niya at `umrah niya dahil si Allāh ay Kaaya-aya na hindi tumatanggap kundi ng isang kaaya-aya at dahil ang bawal na yaman ay isang kadahilanan sa hindi pagtugon sa panalangin.
5. Ang pagbabalik-loob mula sa lahat ng mga pagkakasala at mga pagsuway; at kung mayroon siyang mga paglabag sa mga tao, managot siya sa mga ito at kumalas siya sa kanila sa mga ito, maging ang mga iyon man ay dangal o ari-arian o iba pa roon.
6. Isinasakaibig-ibig sa manlalakbay na magsulat ng tagubilin niya at anumang ukol sa kanya at kailangan sa kanya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi marapat sa taong Muslim na may bagay na magtatagubiin siya hinggil dito na magpalipas siya ng dalawang gabi malibang ang tagubilin niya ay nakasulat sa piling niya."[3] Magpapasaksi siya rito, magbabayad siya ng tungkulin sa kanya na mga utang, at magsasauli siya ng mga lagak sa kanya sa mga may-ari ng mga ito o magpaalam sa kanila sa pananatili ng mga ito sa kanya. [3] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2738 at Imām Muslim sa numero 1627.
7. Isinasakaibig-ibig sa manlalakbay na magsumikap sa pagpili ng kakasamahing maayos at magsigasig na iyon ay maging kabilang sa mga estudyante ng kaalamang Islāmiko sapagkat tunay na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtutuon sa kanya sa tama at hindi pagkasadlak niya sa mga mali sa paglalakbay niya at sa ḥajj niya at `umrah niya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."[4] at batay rin sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kang makikipagkaibigan kundi sa isang mananampalataya at huwag kumain ng pagkain mo kundi ang isang mapangilag magkasala."[5] [4] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud sa numero 4833. [5] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 4832 at Imām At-Tirmidhīy sa numero 2395.
8. Isinasakaibig-ibig sa manlalakbay na magpaalam sa mag-anak niya, mga kamag-anak niya, mga kapit-bahay niya, at mga kasamahan niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagnais maglakbay ay magsabi siya sa maiiwanan niya: Nagpapalagak ako sa inyo kay Allāh na hindi nawawala ang mga lagak sa Kanya."[6] Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinagpapaalaman noon ng mga Kasamahan niya kapag nagnais ang isa sa kanila na maglakbay saka nagsasabi: "Astawdi`u -llāha dīnak, wa-amānatak, wa-khawātīma `amalik.(Naglalagak ako kay Allāh ng relihiyon mo, ipinagkatiwala mo, at mga pangwakas ng gawain mo.)"[7] Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa mga hinilingan niya na magtagubilin sa kanya kabilang sa mga maglalakbay: "Zawwadaka -llāhu -ttaqwā, wa-ghafara dhambak, wa-yassara laka lkhayra ḥaythu mā kunta. (Ipabaon sa iyo ni Allāh ang pangingilag magkasala, patawarin Niya ang pagkakasala mo, at padaliin Niya para sa iyo ang mabuti saan ka man naroon.)"[8] May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagnanais maglakbay saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, magtagubilin ka sa akin." Kaya nagsabi naman siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdakila [kay Allāh] sa bawat mataas na lugar." Noong nakaaalis ito, nagsabi siya: "O Allāh, paurungin Mo para sa kanya ang lupa at pagaanin Mo sa kanya ang paglalakbay."}[9] [6] Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabrānīy sa numero 823. [7] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 4524. [8] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 3444. [9] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 9724.
9. Hindi sasama sa kanya ang kalembang, ang mga instrumentong pangmusika, at ang aso sa paglalakbay batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."[10] [10] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 2113.
10. Kapag nagnais siya na maglakbay kasama ng isa sa mga maybahay niya kung mayroon siyang higit sa iisang maybahay, magpapalabunutan siya sa kanila. Kaya ang alinmang maybahay na nabunot, sasama ito sa kanya batay sa ḥadīth ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya ng isang paglalakbay, ay nagpapalabunutan sa pagitan ng mga maybahay niya; kaya naman ang alin sa kanila na mabunot ang toka nito, lilisan siya kasama nito sa kanya."[11] [11] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2593 at Imām Muslim sa numero 2770.
11. Isinasakaibig-ibig para sa kanya na lumisan para sa paglalakbay sa araw ng Huwebes sa simula ng maghapon kung naging madali sa kanya iyon batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Ka`b bin Mālik (malugod si Allāh dito): "Talagang madalang noon na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumilisan, kapag lumisan siya sa isang paglalakbay, malibang sa araw ng Huwebes."[12] [12] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 2949.
12. Isinasakaibig-ibig para sa kanya na manalangin ng panalangin ng paglabas mula sa tahanan sa sandali ng paglalakbay at iba pa rito. Kaya naman magsasabi siya sa sandali ng paglabas niya: "Bismi -llāh, tawakkaltu `ala -llāh; lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh; Allāhumma innī a`udhu bika an aḍilla aw uḍalla aw azilla aw uzalla aw aḍ̆lima aw uḍ̆lama aw ajhala aw yujhala `alayya. (Sa ngalan ni Allāh, sumampalataya ako kay Allāh. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo upang huwag akong maligaw o mailigaw ako, o matisod ako o maitisod ako, o mang-api ako o maapi ako, o makagawa ako ng kamangmangan o magawa ang kamangmangan sa akin.)"[13] [13] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud sa numero 5094.
13. Isinasakaibig-ibig para sa kanya na manalangin ng panalangin ng paglalakbay kapag sumakay siya sa sasakyang hayop niya o kotse niya o eroplano o iba pa sa mga ito na mga masasakyan. Kaya naman magsasabi siya: "Allāhu akbar, Allāhu akbar, Allāhu akbar; subḥāna -lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa-mā kunnā lahū muqrinīn, wa-innā ilā rabbinā la-munqalibūn; Allāhumma innā nas'aluka fī safarinā hādha -lbirra wa-ttaqwā wa-mina l`amali mā tarḍā; Allāhumma hawwin `alaynā safaranā hādhā, wa-ṭwi `annā bu`dah; Allāhumma anta -ṣṣāhibu fi ssafar, wa-lkhalīfatu fi -l'ahli; Allāhumma innī a`ūdhu bika min wa`thā'i -ssafar,[14] wa-ka'ābati -lmanḍ̆ar,[15] wa-sū'i -lmunqalabi[16] fi -lmāli wa-l'ahli. (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila. Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang magbabalik. O Allāh, tunay na kami ay humihiling sa Iyo sa paglalakbay naming ito ng kabutihan, pangingilag sa pagkakasala, at gawang ikalulugod Mo. O Allāh, pagaanin Mo sa amin ang paglalakbay naming ito at paiksiin Mo para sa amin ang layo nito. O Allāh, Ikaw ang kasamahan sa paglalakbay at ang pinag-iwanan sa mag-anak. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa hirap ng paglalakbay, laban sa panglaw ng tanawin, laban sa kasaklapan ng madadatnan sa ari-arian at mag-anak.)"[17] [14] Ang wa`thā'i -ssafar (hirap ng paglalakbay) ay katindihan nito. Al-Ifṣāḥ `An Ma`ānī Aṣ-Ṣiḥāḥ, 4/284. [15] Ang ka'ābati -lmanḍ̆ar (panglaw ng tanawin) ay kasagwaan ng anyo at ang kahapisan dahil sa kalungkutan. Al-Ifṣāḥ `An Ma`ānī Aṣ-Ṣiḥāḥ, 4/284. [16] Ang munqalab (madadatnan) ay ang pag-uwi. Al-Ifṣāḥ `An Ma`ānī Aṣ-Ṣiḥāḥ, 4/284. [17] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 6374.
14. Isinasakaibig-ibig para sa kanya na hindi siya maglakbay nang mag-isa nang walang kasabayan batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nakaaalam ang mga tao, sa kung ano ang nasa pag-iisa, ng nalalaman ko, walang maglalakbay na isang pasahero sa isang gabi nang mag-isa."}[18] [18] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 2998.
15. Pamumunuin ng mga maglalakbay ang isa sa kanila upang ito ay maging higit na mapagbuklod para sa pagkakaisa nila, higit na mapag-anyaya para sa pagkakasang-ayon nila, at higit na malakas para sa pagtamo ng layon nila. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag may lumisang tatlo sa isang paglalakbay, pamunuin nila ang isa sa kanila."[19] [19] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud sa numero 2608.
16. Magsisigasig siya sa pagsasagawa ng inobliga ni Allāh sa kanya na mga pagtalima at pag-iwas sa mga ipinagbabawal at magsasakaasalan siya ng mga kaasalang nakalalamang, kaya naman tutulong siya sa sinumang nangangailangan ng tulong at pag-alalay at magkakaloob siya ng kaalaman sa humihiling nito at nangangailangan nito. Siya ay magiging galante sa yaman niya, kaya naman magkakaloob siya sa mga kapakanan ng sarili niya at mga kapakanan ng mga kapatid niya at mga pangangailangan nila.
17. Nararapat na damihan niya ang paglalaan ng panggastos at mga kailangan sa paglalakbay dahil baka lumitaw ang pangangailangan at mag-iba ang mga bagay-bagay.
18. Nararapat na siya roon sa kabuuan niyon ay maging maaliwalas ang mukha, na kaaya-aya ang sarili, na masigasig sa pagpapasok ng galak sa mga kasabayan niya upang siya ay maging palakaibigang kinakaibigan.
19. Nararapat na magtiis siya sa nangyayari na kagaspangan ng mga kasabayan niya at pagsalungat nila sa pananaw niya at makisama sa kanila sa pamamagitan ng pinakamaganda upang siya ay maging iginagalang sa ganang kanila at pinagpipitaganan sa mga sarili nila.
20. Isinasakaibig-ibig kapag nanuluyan ang mga manlalakbay sa isang tuluyan para sa kanya na magsama-sama ang isa't isa sa kanila sapagkat nangyari nga na ang ilan sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nang nanuluyan sila sa isang tuluyan, ay nagkahiwa-hiwalay sila sa mga libis at mga lambak kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon ay tanging mula sa Demonyo."[20] Kaya sila, matapos niyon, ay nagsama-sama sa isa't isa sa kanila hanggang sa kung sakaling naglatag para sa kanila ng isang kumot ay talagang magkakasya ito sa kanila. [20] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 17736.
21. Isinasakaibig-ibig kapag nanuluyan sa isang tuluyan sa paglalakbay, o iba pa rito na mga matutuluyan, na manalangin sa pamamagitan ng panalanging napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq. (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa masama sa nilikha Niya.)"[21] Kapag nagsabi siya niyon, walang makapipinsala sa kanya na anuman hanggang sa lumisan siya mula sa tinuluyan niyang iyon. [21] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 2708.
22. Isinasakaibig-ibig para sa kanya na sumambit ng takbīr sa pag-akyat sa mga mataas na lugar at sumambit ng tasbīḥ kapag bumaba sa mga mababang lugar at mga lambak. Nagsabi si Jābir (malugod si Allāh sa kanya): "Kami noon, kapag umaakyat, ay nagsasabi ng Allāhu akbar; at kapag naman bumababa, ay nagsabi ng Subḥāna -llāh (Napakamaluwalhati ni Allāh)."[22] Hindi sila magtataas ng mga tinig nila sa pagsambit ng takbīr. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, maghinay-hinay kayo sa mga sarili ninyo sapagkat tunay na kayo ay hindi dumadalangin sa bingi ni sa nakaliban. Tunay na Siya ay kasama sa inyo. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit."[23] [22] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 2994. [23] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 2993.
23. Isinasakaibig-ibig para sa kanya ang pagbiyahe sa sandali ng paglalakbay sa gabi lalo na sa simula nito batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili kayo sa paglalakbay sa gabi sapagkat tunay na ang daigdig ay tinutupi sa gabi."[24] [24] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud sa numero 2571.
24. Isinasakaibig-ibig para sa kanya na magparami ng panalangin sa paglalakbay batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong panalanging tinutugon nang walang duda sa mga ito: ang panalangin ng naaapi, ang panalangin ng naglalakbay, at ang panalangin ng magulang sa anak niya."[25] [25] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 10771.
***
Ikalawa. Ang Kadalisayan sa Paglalakbay
Kinakailangan sa manlalakbay na magmalasakit sa kadalisayan niya kaya naman magsasagawa siya ng wuḍū' dahil sa maliit na ḥadath at maligo dahil sa janābah.
Kung hindi naman siya nakatagpo ng tubig o mayroon siyang kaunting tubig na kakailanganin niya sa pagkain niya at pag-inom niya, tunay na siya ay magsasagawa ng tayammum.
Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng tayammum ay na magtapik siya sa lupa ng mga kamay niya saka magpapahid siya ng mga ito sa mukha niya at mga kamay niya.
Ang kadalisayan ng tayammum ay isang kadalisayang pansamantala. Kaya naman kapag nakatagpo ng tubig, nawawalang-saysay ito at kinakailangan sa kanya ang gumamit ng tubig. Kaya kapag nagsagawa ng tayammum dahil sa janābah, pagkatapos nakatagpo ng tubig, kinakailangan sa kanya ang maligo para rito. Kapag nagsagawa ng tayammum dahil sa pagdumi, pagkatapos nakatagpo ng tubig, kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng wuḍū' para rito. Nasaad sa ḥadīth: "Ang malinis na lupa ay ang [pamalit sa] wuḍū' ng Muslim kahit pa hindi siya nakatagpo ng tubig nang sampung taon; ngunit kapag nakatagpo siya ng tubig, mangilag siyang magkasala kay Allāh at magpahid siya nito sa balat niya."[26] [26] Nagsalaysay nito si Al-Bazzar sa Musnad niya sa numero 10068.
Ang pagpahid sa khuff ay isinasabatas sa Qur'ān, Sunnah, at Ijmā` (pagkakabukluran ng hatol) ng mga Alagad ng Sunnah.
Nagsasakundisyon sa pagpapahid sa khuff at anumang nasa uri nito ng mga sumusunod na kundisyon:
1. Na ang khuff o ang medyas ay pinapayagang bagay na dalisay;
2. Na isinuot niya ito habang nasa kadalisayan;
3. Na ito ay nakatatakip sa bahagi ng tungkuling pagsagawaan;
4. Na ang pagpahid ay dahil sa maliit na ḥadath kaya naman hindi pinapayagan ang pagpahid dahil sa janābah ni dahil sa anumang nag-oobliga ng pagpaligo;
5. Na ang bisa ng pagpahid ay sa tinakdaang panahon na isang araw at isang gabi para sa residente at tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito para sa manlalakbay at ang yugtong ito ayon sa tumpak na panuntunan ay nagsisimula mula sa unang pagkakataon ng pagpahid matapos ng ḥadīth (pagkasira ng wuḍū') at nagwawakas matapos ng 24 oras para sa residente at 72 oras para sa manlalakbay.
Nawawala ang bisa ng pagpahid sa khuff o medyas dahil sa tatlong pangyayari:
1. Kapag nangyari ang anumang nag-oobliga ng pagpaligo gaya ng janābah, nawawalang-bisa ang pagpahid at walang pagkaiwas sa pagpaligo,
2. Kapag hinubad ito matapos ng pagpahid dito,
3. Kapag nagwakas ang yugtong isinasaalang-alang ayon sa batas, nawawalang-bisa ang pagpahid.
***
Ikatlo. Ang mga Patakaran ng Pagpapaikli ng Ṣalāh
Ang pagpapaikli ng ṣalāh sa paglalakbay ay higit na mainam kaysa sa paglulubos subalit kung sakaling nilubos ng manlalakbay ang ṣalāh na apatang rak`ah sa apat na rak`ah, ang ṣalāh niya ay tumpak subalit siya ay sumalungat sa higit na mainam.
Magpapaikli ng ṣalāh ang manlalakbay kapag lumisan siya buhat sa lahat ng mga baranggay niya o bayan niya. Ito ang doktrina ng mayoriya ng mga may kaalaman.
Kapag naglakbay siya matapos ng oras ng pagpasok ng oras ng ṣalāh, ukol sa kanya na magpaikli nito dahil siya ay naglakbay bago ng paglabas ng oras nito.
Hinggil naman sa pagsasama ng ḍ̆uhr at `aṣr at ng maghrib at `ishā', ito ay sunnah para sa manlalakbay sa sandali ng pangangailangan dito kapag nagpanibago siya ng biyahe at nagpatuloy rito saka gagawin niya ang higit na maginhawa sa kanya na pagsasama ng pagpapauna o pagpapaliban.
Hinggil naman sa kapag ang manlalakbay ay hindi nangangailangan ng pagsasama ng mga ṣalāh, hindi siya magsasama ng mga ito. Halimbawa: siya ay nanunuluyan sa isang lugar na hindi siya nagnanais na lumisan mula rito kundi matapos ng pagpasok ng oras ng ikalawang ṣalāh. Ang pinakamarapat ay ang hindi pagsasama ng mga ṣalāh dahil siya ay hindi naman nangangailangan nito. Dahil doon, hindi nagsama ng mga ṣalāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang siya ay nanunuluyan sa Minā sa Ḥajj ng Pamamaalam dahil sa kawalan ng pangangailangan dito.
Hinggil naman sa ṣalāh ng pagkukusang-loob, magkukusang-loob ang manlalakbay ng ṣalāh na ikinukusang-loob ng residente. Kaya makapagdarasal siya ng ṣalāh na ḍuḥā, taḥajjud, witr, at iba pa sa mga ito na mga boluntaryong ṣalāh maliban sa boluntaryong ṣalāh sa ḍ̆uhr, maghrib, at `ishā' sapagkat ang sunnah ay huwag siyang magdasal ng mga ito.
Natutumpak ang magkusang-loob ng ṣalāh sa sinasakyan sa paglalakbay gaya ng sa eroplano, kotse, barko, at iba pa sa mga ito na mga kaparaanan ng transportasyon. Hinggil naman sa ṣalāh na tungkulin, walang pag-iwas sa pagbaba mula sa mga ito malibang sa sandali ng kawalang-kakayahan.
Ang ṣalāh ng manlalakbay sa pamumuno ng residente ay tumpak. Lulubusin ng manlalakbay ang ṣalāh tulad ng ṣalāh ng imām niya, nakaabot man siya sa buong ṣalāh o isang rak`ah o higit na kaunti. Kahit pa man nakasabay siya sa imām sa huling tashahud bago ng taslīm, tunay na siya ay maglulubos nito. Ito ay ang tama mula sa dalawang pahayag ng mga may kaalaman.
***
Ikaapat. Ang mga Etiketa ng Pagbabalik Mula sa Ḥajj at `Umrah o Paglalakbay
Nararapat na magmadali sa pagbalik at hindi magpatagal sa pananatili sa paglalakbay nang walang pangangailangan batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paglalakbay ay isang piraso ng pagdurusa. Nagkakait ito sa isa sa inyo ng pagkain niya, inumin niya, at pagtulog niya. Kaya kapag nakatapos ang isa sa inyo sa pakay niya, magmadali siya sa pag-uwi sa mag-anak niya."[27] [27] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1804 at Imām Muslim sa numero 1927.
Kapag nagnais siyang umuwi sa bayan niya, tunay na siya ay bibigkas ng panalangin ng paglalakbay sa sandali ng pagkasakay niya sa sinasakyan niya at magdaragdag siya sa katapusan nito ng: "Āyibūna, tā’ibūna, `ābidūna, lirabbinā ḥāmidūn. (Mga umuuwi, na mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na sa Panginoon natin ay mga nagpupuri.)"[28] [28] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1797 at Imām Muslim sa numero 1342.
Isinasakaibig-ibig para sa kanya na magsabi sa sandali ng pag-uwi niya mula sa paglalakbay ng napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag umuwi mula sa labanan o ḥajj o `umrah. Sasambit siya ng takbīr sa bawat mataas na lugar ng lupa nang tatlong takbīr, pagkatapos magsasabi siya ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay’in qadīr. Āyibūna, tā’ibūna, `ābidūna, sājidūna li-rabbinā ḥāmidūn. Ṣadaqa -llāhu wa`dahu, wa-naṣara `abdah, wa-hazama -l’aḥzāba waḥdah. {Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Mga umuuwi, na mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpapatirapa sa Panginoon natin, na mga nagpupuri. Tinotoo ni Allāh ang pangako Niya, pinagwagi Niya ang Lingkod Niya, at ginapi Niya nang mag-isa ang mga magkakampi [laban sa Islām].)"[29] [29] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 4116.
Isinasakaibig-ibig para sa kanya, kapag natanaw niya ang bayan niya, na magsabi ng: "Āyibūna, tā’ibūna, `ābidūna, sājidūna li-rabbinā ḥāmidūn. (Mga umuuwi, na mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na sa Panginoon natin mga nagpupuri.)"[30] Mag-uulit-ulit siya niyon hanggang sa makapasok siya sa bayan niya batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). [30] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1797 at Imām Muslim sa numero 1342.
Hindi siya uuwi sa mag-anak niya sa gabi, kapag nagtagal ang pagkaliban niya, nang walang pangangailangan malibang kapag nagpaabot siya sa kanila nito at nagpabatid siya sa kanila ng oras ng pagdating niya sa gabi. Batay ito sa pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban doon. Nagsabi si Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumulpot ang lalaki sa mag-anak niya sa gabi..."[31] Bahagi ng kasanhian kaugnay roon ang ipinakahulugan ng iba pang salaysay: "nang sa gayon makapagsuklay ang babaing gulu-gulo ang buhok[32] at makapag-ahit ang babaing nalibanan."[33] Sa isa pang salaysay: "Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumulpot ang lalaki sa mag-anak niya sa gabi, na magpapakaba-kaba sa kanila at maghanap ng mga katitisuran nila."[34] [31] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 715. [32] Ang babaing gulu-gulo ang buhok ay ang matagal na hindi nakapag-ayos at nakapagsuklay. Ang pag-aahit ay ang paggamit ng pang-ahit sa ari. Ang babaing nalibanan ay ang babaing umalis ang asawa. At-Taḥrīr Fī Sharḥ Ṣaḥīḥ Muslim ni Al-Aṣbahānīy, p. 292. [33] Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy sa numero 9099. [34] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 715.
Isinasakaibig-ibig para sa dumarating mula sa paglalakbay na magsimula sa masjid na nasa kapitbahayan niya at magdasal doon ng dalawang rak`ah, batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Isinasakaibig-ibig para sa manlalakbay, kapag dumating siya mula sa isang paglalakbay, na maglambing sa mga bata ng sambahayan niya at mga kapit-bahay niya at magmagandang-loob sa kanila kapag sumalubong sila sa kanya. Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Makkah, sumalubong sa kanya ang mga munting bata ng Liping `Abdulmuṭṭalib kaya kumarga siya sa iba sa harapan niya at sa isa pa sa likuran. Nagsabi si `Abdullāh bin Ja`far (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumarating siya mula sa isang paglalakbay, ay nakikipagkita sa amin sapagkat nakikipagkita siya sa akin at kay Al-Ḥasan o kay Al-Ḥusayn saka nagkakarga siya sa isa sa amin sa harapan niya at sa iba pa sa likuran niya hanggang sa makapasok kami sa Madīnah."[35] [35] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 2428.
Isinasakaibig-ibig ang pagreregalo dahil sa dulot nito na pagpapaaya-aya ng mga puso at pag-aalis ng pagkasuklam at isinakaibig-ibig ang pagtanggap nito at ang paggantimpala rito. Kinasusuklaman ang pagtanggi rito nang walang isang legal na pagtutol. Dahil dito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magregaluhan kayo, mag-iibigan kayo."[36] Ang pagreregalo ay isang kadahilanan kabilang sa mga kadahilanan ng pagmamahalan sa pagitan ng mga Muslim. [36] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy sa As-Sunan Al-Kubrā sa numero 11946.
Kapag dumating ang manlalakbay sa bayan niya, isinakaibig-ibig ang pagyayakapan batay sa napagtibay buhat sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng sinabi ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Sila noon, kapag nagkita-kita, ay nagkakamayan; at kapag dumating mula sa isang paglalakbay, ay nagyayakapan."[37] [37] Nagsalaysay nito si Imam Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsaṭ sa numero 97.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad.