آداب المشي إلى الصلاة
يتناول الكتاب آداب وسنن المشي إلى الصلاة، وكيفية الاستعداد لها بطهارة وخشوع، والتصرفات المستحبة عند دخول المسجد والخروج منه. يشمل الكتاب تعليمات حول التوجه إلى الصلاة بالسكينة والوقار، والدعاء بالأدعية المأثورة، والتأكيد على أداء ركعتي تحية المسجد عند الدخول. الكتاب يعكس اهتمام الشيخ محمد بن عبد الوهاب بتفاصيل السلوكيات اليومية للمسلم وتعليم الآداب الإسلامية المرتبطة بالصلاة.
Ang Aklat ng mga Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh
Pag-aakda ni S̆ayk̆ Al-Islām, at isa sa mga prominente, ang imām na tagapanariwa, si S̆ayk̆ Muḥammad bin `Abdulwahhāb – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya).
Nagsagawa ng pagtutumpak at paghahambing sa isang kopyang nakasulat-kamay sa Aklatang Sa`ūdīy na may numero 86/269 at sa ilang iba pang kopya na nakaimprenta ang mga S̆ayk̆ na sina `Abdulkarīm bin Muḥammad Al-Lāḥim, Nāṣir bin `Abdullāh Aṭ-Ṭuraym, at Sa`ūd bin Muḥammad Al-Bas̆ar.
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Kabanata: Ang Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh
Ibinibilang na sunnah ang pumunta roon nang may kataimtiman habang nakapagsagawa ng ṭahārah, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo saka nagpaganda siya ng pagsasagawa ng wuḍū' niya, pagkatapos humayo siya na nagsasadya sa masjid, huwag nga siyang magsala-salabat ng mga daliri niya sapagkat tunay na siya ay nasa isang ṣalāh." Na magsabi siya, kapag lumabas siya ng bahay niya kahit pa dahil sa iba pa sa ṣalāh: "Bismi –llāh, āmantu bi-llāh, i`taṣamtu bi-llāh, tawakkaltu `ala –llāhi wa-lā ḥawla wa-llā qūwata illā bi-llāh; Allāhumma 'innī 'a`ūd̆u bika 'an 'aḍilla 'aw 'uḍalla 'aw 'azilla 'aw 'uzalla 'aw 'aḍ̆lima 'aw 'uḍ̆lama 'aw 'ajhala 'aw yujhala `alayya; (Sa ngalan ni Allāh, sumampalataya ako kay Allāh, nangunyapit ako kay Allāh, nanalig ako kay Allāh, at walang pagkilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh; O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo na maligaw ako o mailigaw ako o matisod ako o maitisod ako o makalabag ako sa katarungan o malabag ako sa katarungan o namangmang ako o minamangmang ako.)" Na maglakad siya patungo roon nang may kapanatagan at kataimtiman, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakarinig kayo ng 'iqāmah ay maglakad kayo at sumainyo ang kapanatagan saka ang anumang naabutan ninyo ay dasalin ninyo at ang anumang nakaalpas sa inyo ay ganapin ninyo." Na magpalapit siya sa pagitan ng mga yapak niya at magsabi ng: "Allāhumma as'aluka bi-ḥaqqi –ssā'ilīna `alayka wa bi-ḥaqqi mams̆āyā hād̆ā fa-'innī lam ak̆ruj 'as̆aran wa-lā baṭaran wa-lā riyā'an wa-lā sum`atan, k̆arajtu –ttiq̄'a sak̆ṭika wa-btiğā'a marḍātika, as'aluka 'an tunqid̆anī mina –annāri wa 'an tağfira lī d̆unūbī jamī`an 'innahu lā yağfiru –d̆d̆unūba 'illā 'anta. (O Allāh, humihiling ako ayon sa karapatan ng mga tagahiling sa Iyo at ayon sa karapatan ng paglalakad kong ito sapagkat tunay na ako ay hindi lumabas dala ng kawalang-galang ni dala ng kawalang-pakundangan ni dala ng pakitang-tao ni dala ng pagpapasikat: lumabas ako dala ng pangingilag sa pagkainis Mo at dala ng paghahangad sa kaluguran Mo; humihiling ako na sumagip Ka sa akin mula sa Impiyerno at na magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko sa kalahatan; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.); at magsabi ng: Allāhumma –j`al fī qalbī nūran wa-fī lisānī nūran, wa-j`al fī baṣarī nūran wa-fī sam`ī nūran wa-'amāmī nūran wa-k̆alfī nūran wa-`an yamīnī nūran wa-`an s̆amālī nūran wa-fawqī nūran wa-taḥtī nūran, Allāhumma 'a`ṭinī nūran. (O Allāh, maglagay Ka sa puso ko ng isang liwanag at sa dila ko ng isang liwanag, maglagay Ka sa paningin ko ng isang liwanag, sa pandinig ko ng isang liwanag, sa harapan ko ng isang liwanag, sa likuran ko ng isang liwanag, sa dakong kanan ko ng isang liwanag, sa dakong kaliwa ko ng isang liwanag, sa ibabaw ko ng isang liwanag, at sa ilalim ko ng isang liwanag; O Allāh, magbigay Ka sa akin ng isang liwanag.)" Kapag pumasok siya sa masjid, itinuturing na kaibig-ibig para sa kanya na mag-una ng kanang paa niya at magsabi ng: "Bismi –llāh, 'a`ūd̆u bi-llāhi –l`aḍ̆īmi wa-bi-wajhihi –lkarīmi wa-sulṭānihi –lqadīmi mina –s̆s̆ayṭāni –rrajīm, Allāhumma ṣalli `alā Muḥammad, Allāhumma –ğfir lī d̆unūbī wa-ftaḥ lī 'abwāba raḥmatik. (Sa ngalan ni Allāh, nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal at kapamahalaan Niyang datihan laban sa demonyong isinumpa. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad. O Allāh, magpatawad Ka para sa akin sa mga pagkakasala ko at magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo.)" Sa sandali ng paglabas niya [sa masjid], mag-uuna siya ng kaliwang paa niya at magsasabi siya ng: "Wa-ftaḥ lī 'abwāba raḥmatika. (At magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng kabutihang-loob Mo.)" Kapag pumasok siya sa masjid, huwag siyang umupo hanggang sa makapagdasal siya ng dalawang rak`ah, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, huwag siyang maupo hanggang sa makapagdasal siya ng dalawang rak`ah." Magpapakaabala siya sa pagsambit ng pag-aalaala kay Allāh o manahimik siya. Hindi siya tatalakay ng mga usapang makamundo sapagkat hanggat siya ay gayon, siya ay [para bang] nasa isang ṣalāh habang ang mga anghel ay humihingi ng tawad para sa kanya hanggat hindi siya nanggagambala o nagsasalita.
Paksa: Ang Pamamaraan ng Pagdarasal
Itinuturing na kaibig-ibig na tumayo ang magdarasal papunta sa ṣalāh sa sandali ng pagsabi ng mu'ad̆d̆in ng: "qad qāmati –ṣṣalāh (sumapit na ang pagdarasal)" kung ang imām ay nasa masjid at kung hindi naman ay kapag nakita niya iyon. Sinabi kay Imām Aḥmad: "Bago ng takbīr (pagsabi ng Allāhu 'akbar), magsasabi ka po ba ng anuman?" Nagsabi siya: "Hindi, yayamang walang naipaabot buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni buhat sa isa sa mga Kasamahan." Pagkatapos magpapantay ang imām ng mga hilera sa pamamagitan ng pagtatapat ng mga balikat at mga bukungbukong.
Ibinibilang na sunnah ang pagkumpleto ng unang hilera saka ng kasunod, ang pagdidikitan ng mga ma'mūm (pinamumunuan ng imām), at ang pagpipinid ng mga puwang ng mga hilera. Ang kanan ng bawat hilera ay higit na mainam. Ang kalapitan sa imām ay ang pinakamainam, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumabi sa akin kabilang sa inyo ang mga may mga pagtitimpi at katinuan." Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito. Pagkatapos magsasabi siya habang siya ay nakatayo ayon sa kakayahan, ng: "Allāhu 'akbar (Si Allāh ay pinakadakila.)" Hindi naipantutumbas dito ang iba pa rito. Ang kasanhian kaugnay sa pagbubukas nito sa pamamagitan niyon ay upang makapagsaisip ang nagdarasal sa kadakilaan ni Allāh na hinaharapan ng pagtayo niya para magpakaaba siya. Kapag naman nagpahaba siya ng "A" ng pangalang Allāh o ng [unang] "a" ng 'akbar o nagsabi siya ng 'ikbār, hindi naidaraos ang pagdarasal. Ang pipi ay nagpapasimula sa puso niya at hindi nagpapagalaw ng dila. Gayon din ang patakaran sa pagbigkas, pagluluwalhati, at iba pa sa dalawang ito.
Ibinibilang na sunnah ang pagtataas ng tinig ng imām sa pagsasagawa ng takbīr (pagsabi ng Allāhu 'akbar), batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag bumigkas ng Allāhu 'akbar ang imām, bumigkas kayo nito," at ng tasmī` (pagsabi ng Sami`a –llāhu liman ḥamidah): "Kapag nagsabi siya ng: Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd. (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)"
Bibigkas nang tahimik ang ma'mūm (pinamumunuan ng imām) at ang munfarid (mag-isang nagdarasal). Nag-aangat siya ng mga kamay niya na mga nakaunat ang mga daliri habang magkakadikit, habang nakaharap sa qiblah ang mga palad ng mga ito sa tapat ng mga balikat kung walang maidadahilan. Nag-aangat siya ng mga ito bilang pagpapahiwatig sa paghawi ng tabing sa pagitan niya at ng Panginoon niya, kung paanong ang hintuturo [na nakaturo] ay isang pagpapahiwatig ng kaisahan [ni Allāh]. Pagkatapos hahawak siya sa kaliwang buto ng pupulsuhan niya sa pamamagitan ng kanang palad niya at ipapatong niya ito sa ilalim ng pusod niya. Ang kahulugan nito ay pagpapakaaba sa harapan ng Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Itinuturing na kaibig-ibig ang tumingin siya sa kinalalagyan ng [noo sa] pagpapatirapa niya sa lahat ng mga kalagayan ng ṣalāh maliban sa tas̆ahhud sapagkat titingin siya sa [kanang] hintuturo niya. Pagkatapos magbubukas siya [ng ṣalāh] nang tahimik kaya magsasabi siya [ng istiftāḥ]: "Subḥānaka –llāhumma, wa-bi-ḥamdika, wa-tabāraka –smuka, wa-ta`ālā jadduka, wa-lā 'ilāha ğayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo; napakamapagpala ang ngalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)" Ang kahulugan ng: "Subḥānaka –llāhumma (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh)" ay "nagpapawalang-kapintasan ako sa Iyo ayon sa pagpapawalang-kapintasang naaangkop sa kapitaganan sa Iyo, O Allāh." Ang kahulugan ng: "wa-bi-ḥamdika (at kalakip ng papuri sa Iyo)" ay "nagsasama ako para sa Iyo ng pagluluwalhati at pagpupuri." [Ang kahulugan ng:] "wa-tabāraka –smuka (napakamapagpala ang ngalan Mo)" ay "ang pagpapala ay natatamo sa pamamagitan ng pagsambit ng pag-aalaala sa Iyo." [Ang kahulugan ng:] "wa-ta`ālā jadduka (napakataas ang kabunyian Mo)" ay "pinagpipitaganan ang kadakilaan Mo." [Ang kahulugan ng:] "wa-lā 'ilāha ğayruk (at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)" ay "walang sinasamba sa langit ni sa lupa ayon sa karapatan bukod sa Iyo, O Allāh." Pinapayagan ang pagbubukas [ng ṣalāh] sa pamamagitan ng bawat anumang nasaad [sa ḥadīt̆]. Pagkatapos dadalangin siya ng pagpapakupkop nang tahimik kaya magsasabi siya ng: "'A`ūd̆u bi-llāhi mina –s̆s̆ayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa.)" Papaano man siya dumalangin ng pagpapakupkop mula sa nakasaad [sa ḥadīt̆], maganda iyon. Pagkatapos bibigkas siya ng basmalah nang tahimik. Ito ay hindi bahagi ng Sūrah Al-Fātiḥah o ng iba pa rito [na mga sūrah ng Qur'ān]; bagkus ito ay isang āyah mula sa Qur'ān bago ng Al-Fātiḥah at sa pagitan ng bawat dalawang sūrah maliban sa [pagitan ng] Sūrah Al-'Anfāl at Sūrah At-Tawbah. Ibinibilang na sunnah ang pagsulat ng basmalah sa mga simula ng mga sulatin gaya ng pagsulat nito ni Propeta Solomon (sumakanya ang pangangalaga) at gaya ng ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Binabanggit ito sa pagsisimula ng lahat ng mga gawain. Ito ay nagtataboy ng demonyo. Nagsabi si Imām Aḥmad: "Hindi ito isinusulat sa simula ng tula ni kasama rito." Pagkatapos bibigkas siya ng Al-Fātiḥah nang nauuna na nagtutuloy-tuloy na binibigyang-diin. Ito ay isang haligi sa bawat rak`ah gaya ng nasaad sa ḥadīt̆: "Walang dasal para sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Qur'ān." Tinatawag ito bilang "Ina ng Qur'ān" dahil nasaad dito ang mga pandiyos, ang pangkabilang-buhay, ang mga propesiya, at ang pagtitibay sa pagtatakda (qadr). Ang unang dalawang āyah [matapos ng basmalah] ay nagpapatunay sa mga pandiyos. [Ang āyah na:] "Māliki yawmi –ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.)" ay nagpapatunay sa pangkabilang-buhay. [Ang āyah na:] "'Iyyāka na`budu wa 'iyyāka nasta`īn (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong)" ay nagpapatunay sa pag-uutos, pagsaway, pananalig, at pagpapakawagas doon sa kabuuan niyon kay Allāh. Nasaad dito ang pagtawag-pansin sa daan ng katotohanan, mga alagad nito, at mga tinutularan; at ang pagtawag-pansin sa daan ng pagkalisya at pagkaligaw. Itinuturing na kaibig-ibig na tumigil sa
bawat āyah, batay sa pagbigkas niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay pinakadakilang sūrah sa Qur'ān at ang pinakadakilang āyah rito naman ay ang Āyah Al-Kursīy. Dito ay may 11 pagbibigay-diin. Kinasusuklaman ang pagpapalabis sa pagbibigay-diin at ang pagpapalabis sa pagpapahaba [ng mga patinig]. Kapag nakatapos [ng pagbigkas] ay magsasabi ng 'Āmīn matapos ng isang dagliang pananahimik upang malaman na ito ay hindi bahagi ng Qur'ān. Ang kahulugan ng 'Āmīn ay: "O Allāh, tumugon Ka." Magtataas ng tinig dito ang 'imām at ang ma'mūm nang magkasabay sa isang ṣalāh na binibigkas nang malakas. Itinuturing na kaibig-ibig ang pananahimik ng 'imām matapos nito sa isang ṣalāh na binibigkas nang malakas, batay sa ḥadīt̆ ni Samurah. Inoobliga ang mangmang na matuto nito sapagkat kung hindi niya ginawa iyan sa kabila ng kakayahan ay hindi tutumpak ang ṣalāh niya. Ang sinumang hindi humusay sa pagbigkas ng anuman mula sa Al-Fātiḥah ni mula sa iba pa rito mula sa Qur'ān, maoobliga siya na magsabi ng: "Subḥāna –llāh, wa-lḥamdu lillāh, wa-lā 'ilāha 'illa –llāh, wa-llāhu 'akbar (Kaluwalhatian kay Allāh, ang papuri ay ukol kay Allāh, walang Diyos kundi si Allāh, at si Allāh ay pinakadakila)," batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung mayroon kang [naisaulong āyah ng] Qur'ān, bumigkas ka nito at kung hindi naman ay magsabi ka ng Alḥamdu lillāh, magsabi ka ng Lā 'ilāha 'illa –llāh, at magsabi ka ng Allāhu 'akbar, pagkatapos yumukod ka." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmid̆īy. Pagkatapos bibigkas siya ng basmalah nang tahimik. Pagkatapos bibigkas siya ng isang buong sūrah at makatutumbas siya rito ng isang āyah maliban na si Imām 'Aḥmad ay nagturing na kaibig-ibig na ito ay maging mahaba. Kung siya naman ay nasa iba pa sa ṣalāh, kung loloobin niya ay makapagtataas siya ng tinig sa pagbigkas ng] basmalah at kung loloobin niya ay makapagbababa siya ng tinig. Ang sūrah [sa ṣalāh] sa fajr ay kabilang sa mahahabang sūrah na Al-Mufaṣṣal, na ang kauna-unahan dito ay ang [Sūrah] Qāf, batay sa sabi ni 'Aws: Nagtanong ako sa mga Kasamahan ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung papaano silang nagbabaha-bahagi ng Qur'ān [sa mga sūrah ]. Nagsabi sila: Sa tatlo, sa lima, sa pito, sa siyam, sa labing-isa, at sa labintatlo, at ang bahagi ng Al-Mufaṣṣal ay iisa. Inaayawan na bumigkas [sa ṣalāh] sa fajr ng mula sa maiikli nito nang walang maidadahilan gaya ng paglalakbay, pagkakasakit, at tulad ng dalawang ito. Bumibigkas siya [sa ṣalāh] sa mağrib ng mula sa maiikling sūrah nito at bumibigkas siya roon sa ilan sa mga pagkakataon ng mula sa mahahabang sūrah nito dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas doon ng [Sūrah] Al-'A`rāf. Bumibigkas naman siya sa mga natitirang [ṣalāh] ng mula sa mga katamtamang sūrah nito kung walang maidadahilan at kung hindi naman ay bumibigkas siya ng higit na maikli mula rito. Walang maitututol sa pagtataas ng tinig ng babae sa ṣalāh na binibigkas nang malakas kapag walang nakaririnig sa kanya na isang lalaking di-maḥram. Ang nagdarasal ng kusang-loob na ṣalāh sa gabi ay magsasaalang-alang sa kapakanan. Kung may malapit mula sa kanya na mapeperhuwisyo sa pagtataas ng tinig niya, magbababa siya ng tinig; at kung ito naman ay kabilang sa nakikinig sa kanya, magtataas siya ng tinig. Kung nagtataas siya ng tinig sa isang [ṣalāh na] pinagtataasan ng tinig at nagbababa siya ng tinig sa isang [ṣalāh na] pinagbababaan ng tinig, magpapatuloy siya sa pagbigkas niya. Ang pagkakasunud-sunod ng [pagbigkas ng] mga āyah ay kinakailangan dahil ito ay nasa teksto. Ang pagkakasunud-sunod ng [pagbigkas ng] mga sūrah ay batay sa 'ijtihād
hindi sa teksto ayon sa paniniwala ng mayoriya ng mga maalam. Kaya pinapayagan ang pagbigkas ng [nahuling sūrah na] ito bago ng [naunang sūrah na] iyan. Dahil dito, nagkasari-sari ang mga kopya [ng mga sūrah] ng mga Kasamahan sa pagkakasulat ng mga ito. Umaayaw si 'Imām 'Aḥmad sa pagbigkas nina Ḥamzah at Al-Kisā'īy at sa Al-'Idğām Al-Kabīr ni 'Abū `Amr. Pagkatapos mag-aangat siya ng mga kamay niya gaya ng pag-angat niya sa una matapos ng pagkatapos niya sa pagbigkas at matapos na tumigil siya nang kaunti hanggang sa makabalik sa kanya ang hininga niya. Hindi siya magdurugtong sa pagbigkas niya sa takbīr ng rukū` (pagyukod). Bibigkas siya ng takbīr saka maglalagay ng mga kamay niya na magkakahiwalay ang mga daliri sa mga tuhod habang nakadakma ang bawat kamay sa tuhod. Mag-uunat siya ng likod niya nang tuwid at maglalagay siya ng ulo niya sa kapantay ng likod nang hindi nag-aangat nito ni nagbababa nito, batay sa ḥadīt̆ ni `Ā'is̆ah. Magpapahiwalay siya ng mga siko niya palayo sa mga tagiliran niya, batay sa ḥadīt̆ ni Abū Ḥumayd. Magsasabi siya sa pagkakayukod niya ng: "Subḥāna rabbiya –l`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila)," batay sa ḥadīt̆ ni Ḥud̆ayfah, na isinalaysay ni Imām Muslim. Ang pinakamababa sa pagkalubos nito [sa pagbigkas] ay tatlong ulit at ang pinakamataas nito sa panig ng imām ay sampung ulit. Gayon din ang patakaran sa [pagbigkas ng:] "Subḥāna rabbiya –l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" sa pagkakapatirapa. Hindi siya bibigkas [ng Qur'ān] sa pagkakayukod at pagkakapatirapa batay sa pagsaway niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban doon. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya at mag-aangat siya ng mga kamay niya gaya ng pag-angat sa una habang nagsasabi ang imām at ang munfarid ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" bilang kinakailangan. Ang kahulugan ng "duminig' at "tumugon." Kapag naman nakalubos siya sa pagkakatayo, magsasabi siya ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamdu mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā s̆i'ta min s̆ay'im ba`d. (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri na kasing puno ng mga langit, kasing puno ng lupa, at kasing puno ng anumang niloob Mo na bagay matapos niyon.)" Kung niloob niya, makadaragdag siya ng: "'Ahla –t̆t̆anā'i wa-lmajdi 'aḥaqqa mā qāla –l`abdu wa-kullunā laka `abd; lā māni`a limā 'a`ṭayta wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta wa-lā yanfa`u d̆a –ljaddi minka –ljadd. (Marapat sa pagbubunyi at karikitan, higit na karapat-dapat na sinabi ito ng lingkod at lahat kami ay lingkod; walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo, at hindi makapagpapakinabang sa may yaman ang yaman laban sa Iyo.)" Nasa kanya na magsabi siya ng iba pa rito mula sa [ḥadīt̆ na] nasaad. Kung niloob niya, makapagsasabi siya ng: "Allāhuma rabbanā laka –lḥamdu... (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri...)" nang walang WA (at), dahil sa pagkakasaad nito sa ḥadīt̆ ni Abū Sa`īd at ng iba pa sa kanya. Kapag nakaabot ang ma'mūm sa imām sa pagkakayukod na ito, siya ay nakaabot sa [buong] rak`ah. Pagkatapos magsasabi siya ng takbīr at susubsob na nakapatirapa at hindi siya mag-aangat ng mga kamay niya: maglalapag siya ng mga tuhod niya, pagkatapos ng mga kamay niya, pagkatapos ng mukha niya. Magdidiit siya ng noo niya, ilong niya, at mga palad niya sa lapag. Siya ay [nakatukod] sa mga dulo ng mga daliri ng mga paa niya, habang nagtutuon ng mga dulo ng mga ito paharap sa qiblah. Ang pagkakapatirapa sa pitong bahaging ito ay isang haligi [ng ṣalāh]. Itinuturing na kaibig-ibig ang pagdidiit ng nagdarasal ng mga palad niya at ang pagdidikit ng mga daliri ng mga ito habang itinutuon paharap sa qiblah nang hindi nakakuyom, habang nakapag-angat ng mga siko niya.
Inaayawan ang ṣalāh sa isang lugar na matindi ang init o matindi ang lamig dahil ito ay nag-aalis ng kataimtiman. Ibinibilang na sunnah sa nakapatirapa na magpalayo siya ng mga braso niya buhat sa mga tagiliran niya, ng tiyan niya buhat sa mga hita niya, at ng hita niya buhat sa mga binti niya; maglapag siya ng mga kamay niya sa nibel ng mga balikat niya; at maghiwalay sa pagitan ng mga tuhod niya at mga paa niya. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya habang nagsasabi ng takbīr at uupo siya nang pag-upong muftaris̆: maglalatag siya ng kaliwang paa niya, uupo siya sa ibabaw nito, magtutukod siya ng kanang paa, magpapalabas nito mula sa ilalim niya, at maglalagay ng mga ilalim ng mga daliri nito sa lapag upang ang mga dulo ng mga daliri nito ay maging paharap sa qiblah. [Ito ay] batay sa ḥadīt̆ ni Abū Ḥumayd kaugnay sa paglalarawan sa ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Habang nag-uunat ng mga kamay niya sa mga hita niya, na magkakadikit ang mga daliri, magsasabi siya ng: "Rabbi –ğfir lī. (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)" Walang maitututol sa pagdaragdag dito, batay sa sabi ni Ibnu `Abbās: Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa ng: "Rabbi –ğfir lī, wa-rḥamnī, wa-hdinī, wa-rzuqnī, at wa-`āfinī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, pumatnubay Ka sa akin, magtustos Ka sa akin, at magpalusog Ka sa akin.)" Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Pagkatapos magpapatirapa siya sa ikalawang pagkakataon gaya ng una. Kung niloob niya, dadalangin siya rito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hinggil sa patirapa, magparami kayo rito ng panalangin sapagkat malamang na tutugunin kayo." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Batay sa kanya, ayon kay 'Abū Hurayrah, ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa patirapa niya: "Allāhumma –ğfir lī d̆ambī kullahu diqqahu wa-jillahu, wa-'awwalahu wa-'āk̆irahu, wa-`alāniyatahu wa sirrahu. (O Allāh magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko: sa kabuuan nito, kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayag nito at lihim nito.)" Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo, habang nagsasagawa ng takbīr, habang tumatayo sa unahan ng mga paa niya, habang nakasandal sa mga tuhod niya, batay sa ḥadīt̆ ni Wā'il, maliban na mahirapan siya dahil sa katandaan o karamdaman o kahinaan. Pagkatapos magdarasal siya ng ikalawang rak`ah gaya ng una maliban sa takbīr ng pagpapasimula at pagbubukas [ng ṣalāh] at kahit hindi pa siya nagsagawa ng pagbubukas sa unang rak`ah. Pagkatapos uupo siya para sa tas̆ahhud nang pag-upong muftaris̆ habang naglalagay ng mga kamay niya sa mga hita niya, na nag-uunat ng mga daliri ng kaliwang kamay niya, na magkakadikit na naghaharap ng mga ito sa qiblah; habang mula sa kanang kamay niya ay nagkukuyom ng hinliliit at hinsisingsing habang nagpapabilog ng hinlalaki niya kasama ng hinlalato niya. Pagkatapos bibigkas siya ng tas̆ahhud nang tahimik habang nagtuturo siya ng kanang hintuturo niya sa tas̆ahhud niya bilang pagpapahiwatig ng Tawḥīd. Nagtuturo rin siya nito sa sandali ng panalangin niya sa ṣalāh at sa iba pa rito, batay sa sabi ni Ibnu Az-Zubayr: Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo noon ng daliri niya kapag dumadalangin siya at hindi siya nagpapagalaw nito. Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Pagkatapos magsasabi siya [ng tas̆ahhud]: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, 'as̆hadu 'an lā 'ilāha 'illa –llāh, wa-'as̆hadu 'anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, ang mga dasal, at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya. Ang pangangalaga ay matamo natin at matamo ng mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Alinmang tas̆ahhud ang sasambitin niya mula sa natumpak na ḥadīt̆ ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinapayagan. Ang higit na marapat ay ang pagpapagaan nito at ang hindi pagdaragdag dito. Ito ay ang unang tas̆ahhud. Pagkatapos kung ang ṣalāh ay dalawang rak`ah lamang, sasambit ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsasabi ng: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā 'āli muḥammad, kamā ṣallayta `alā 'ibrāhīma wa-`alā 'āli 'ibrāhīm, 'innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā 'āli muḥammad, kamā bārakta `alā 'ibrāhīm, 'innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.) Ang mag-anak ni Muḥammad ay ang mga kaanib ng sambahayan niya. Ang sabi niya na: "Attaḥīyātu (Ang mga pagbati) ay nangangahulugang: "Ang lahat ng mga pagbati ay ukol kay Allāh (napakataas Siya) bilang pagkakarapat-dapat at pagmamay-ari." Ang "ṣalawāt" ay "ang mga panalangin" at ang "ṭayyibāt" ay "ang mga maayos na gawain" sapagkat Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay bumabati at hindi binibigyan ng salām dahil ang pagbibigay ng salām ay isang panalangin. Pinapayagan ang pagdarasal ng pagbasbas sa iba pa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang indibiduwal kapag hindi nagpaparami nito at hindi ginawa ito bilang rituwal para sa iba sa mga tao o naglayon nito sa ilan sa mga Kasamahan bukod sa iba. Ibinibilang na sunnah ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa iba pa sa ṣalāh at natitiyak ito nang malawakang pagkatiyak sa sandali ng pagkabanggit sa kanya at sa araw ng Biyernes at sa gabi nito. Ibinibilang na sunnah na magsabi ng: "Allāhumma 'innī 'a`ūd̆u bika min `ad̆ābi jahannama wa-min `ad̆ābi –lqabri, wa-'a`ūd̆u bika min fitnati –lmaḥyā wa-lmamāti, wa-'a`ūd̆u bika min fitnati –lmasīḥi –ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa Impiyerno at laban sa pagdurusa sa libingan, nagpapakupkop sa Iyo laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at nagpapakupkop sa Iyo laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)" Kung dumalangin ng iba pa roon kabilang sa anumang nasaad sa ḥadīt̆, maganda din naman, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pagkatapos pumili ka ng panalangin na nagpahanga sa iyo." Hanggat hindi ito nagpahirap sa ma'mūm. Pinapayagan ang pagdalangin para sa isang takdang tao batay sa gawain niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdalangin niya para sa mga minamahina sa Makkah. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm: habang siya ay nakaupo, nagsisimula [sa paglingon] sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llāh, at sa dakong kaliwa niya ng gayon din. Ang paglingon ay sunnah. Ang paglingon sa dakong kaliwa niya ay higit yayamang nakikita ang pisngi niya [mula sa likuran]. Magtataas ng tinig ang imām sa unang taslīm lamang at magbababa ng tinig sa dalawang taslīm ang iba pa sa kanya. Ibinibilang na sunnah ang pagpapaikli nito at ito ay ang hindi pagpapahaba nito, na nangangahulugang hindi babanatin ang tinig niya. Naglalayon siya nito ng paglabas sa ṣalāh at naglalayon din siya ng pagbibigay ng salām sa mga [anghel na] tagapag-ingat [ng mga gawa] at sa mga dumadalo. Kung ang ṣalāh ay higit sa dalawang rak`ah, titindig siya habang nagsasagawa ng takbīr [habang tumatayo] sa unahan ng mga paa niya, kapag nakatapos siya ng unang tas̆ahhud. Magsasagawa siya ng anumang natira mula sa ṣalāh niya gaya ng nauna, maliban na siya ay hindi magtataas ng tinig at hindi bibigkas ng anuman matapos ng Al-Fātiḥah; ngunit kung nagawa niya, hindi naman inaayawan iyon. Pagkatapos uupo siya sa ikalawang tas̆ahhud ng pag-upong mutawarrik: maglalatag siya ng kaliwang paa niya, magtutukod siya ng kanang paa, magpapalabas siya ng dalawang ito sa dakong kanan niya, at maglalagay siya ng pigi niya sa lapag. Saka magsasagawa siya ng unang tas̆ahhud, pagkatapos ng pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos nito ng panalangin, pagkatapos nito ay magsasagawa siya ng taslīm. Babaling ang imām sa mga ma'mūm sa kanan niya o sa kaliwa niya. Hindi magpapatagal ang imām sa pag-upo matapos ng taslīm habang nakaharap sa qiblah at hindi lilisan ang ma'mūm bago niya. Batay ito sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay imām ninyo kaya huwag kayong umuna sa akin sa pagyukod ni sa pagpapatirapa ni sa paglisan. Ngunit kung may nagdasal kasama sa kanila na mga babae, lilisan ang mga babae at mananatili ang mga lalaki nang kaunti upang hindi makaabot ang mga lalaki sa sinumang lumisan sa mga babae. Ibinibilang na sunnah ang pagdalangin at ang paghingi ng tawad matapos kaagad ng ṣalāh. Magsasabi siya ng: "'Astağfiru –llāh (Humihingi ako ng tawad kay Allāh)" nang tatlong ulit. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Allāhumma anta –ssalāmu, wa-minka –ssalām, tabārakta yā d̆a –ljalāli wa-l'ikrām. Lā 'ilāha 'illa –llāhu waḥdahu lā s̆arīka lah, lahu –lmulku wa lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli s̆ay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata 'illā billāh, lā 'ilāha 'illa –llāh, wa-lā na`budu `illā 'iyyāh, lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –t̆t̆anā'u –lḥasan, lā 'ilāha 'illa –llāhu muk̆liṣīna lahu –ddína wa-law kariha –lkāfirūn. (O Allāh, Ikaw ang Salām at mula sa Iyo ang Salām; napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang paggalaw at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at hindi tayo sumasamba kundi sa Kanya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang kabutihang-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi; walang Diyos kundi si Allāh, habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa Relihiyon, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" "Allāhumma lā māni`a limā 'a`ṭayta, wa lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lá yanfa`u d̆a –ljaddi minka –ljadd. (O Allāh, walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo, at hindi makapagpapakinabang sa may yaman ang yaman laban sa Iyo.)" Pagkatapos magluluwalhati siya [kay Allāh sa pagsabi ng: "Subḥāna –llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)"], magpupuri siya [kay Allāh sa pagsabi ng: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)"], at magdadakila siya [kay Allāh sa pagsabi ng: "Allāhu 'akbar (Si Allāh ay pinakadakila)"] nang tig-33 ulit; at magsasabi siya sa paglubos ng isang daan ng: "Lā 'ilāha 'illa –llāhu waḥdahu lā s̆arīka lah, lahu –lmulku wa lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli s̆ay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" Magsasabi siya, matapos ng ṣalāh sa fajr at ṣalāh sa mağrib bago kumausap ng isa sa mga tao, ng: "Allāhumma 'ajirnī mina –nnār (O Allāh, kalingain Mo ako laban sa Apoy)" nang pitong ulit. Ang pagbigkas nang tahimik ng panalangin ay higit na mainam at gayon din ang pagdalangin ng naipaabot [mula sa ḥadīt̆]. Ito ay sa pamamagitan ng pagmamagandang-asal, kataimtiman, kamalayan ng puso, pagmimithi, at pangingilabot batay sa ḥadīt̆:
"Hindi tinutugon ang panalangin mula sa isang pusong nalilingat." Magsusumamo siya sa pamamagitan ng mga pangalan at mga katangian [ni Allāh] at Tawḥīd. Maghahangad siya ng mga oras ng pagtugon [ng panalangin]. Ang mga ito ay sa huling ikatlong bahagi ng gabi, sa pagitan ng ad̆ān at iqāmah, sa pagkatapos ng isinatungkuling ṣalāh, at sa huling oras ng araw ng Biyernes. Maghihintay siya ng pagtugon at hindi magmamadali saka magsasabi: "Dumalangin na ako at dumalangin ngunit hindi Siya tumugon sa akin." Hindi inaayawan na magtangi siya ng sarili niya [sa panalangin] maliban sa isang panalanging pinamumunuan niya. Inaayawan ang pagtaas ng tinig [sa panalangin].
Inaayawan sa ṣalāh ang isang kaunting paglingon, ang pag-angat ng paningin patungo sa langit, ang ṣalāh paharap sa isang larawang nakatirik o paharap sa isang mukha ng tao, ang pagharap sa isang apoy kahit pa ito ay ilaw, at ang pagkalatag ng mga bisig [sa lapag] sa pagkapatirapa. Hindi siya dadalo sa ṣalāh habang siya ay naiihi o nadudumi o sa pagkahain ng pagkaing ninanasa niya; bagkus magpapaliban siya nito kahit pa man makaalpas sa kanya ang ṣalāh sa kongregasyon. Inaayawan [sa ṣalāh] ang paghipo ng mga bato, ang pagsasala-salabat ng mga daliri niya, ang pagsandal sa mga kamay niya sa pag-upo, ang paghipo ng balbas niya, ang pagtirintas ng buhok niya, at ang pagtupi ng damit niya. Kung hihikab siya, magpipigil siya sa abot ng makakaya; at kung nanaig ito sa kanya, maglalagay siya ng kamay niya sa bibig niya. Inaayawan ang pagpatag ng lupa nang walang maidadahilan. Pipigil siya sa dumadaan sa harapan niya, at kahit pa sa pamamagitan ng pagtulak niya sa isang tao man na dumadaan o iba rito, isang tungkulin man ang ṣalāh o isang boluntaryo. Kung tumanggi iyon, maaari sa kanya ang makipaglaban doon kahit pa maglakad siya nang kaunti [para pumigil]. Ipinagbabawal ang pagdaan sa pagitan ng nagdarasal at ng sutrah nito, at sa harapan nito kung hindi siya nagkaroon ng sutrah. Maaari sa kanya ang pumatay ng ahas, alakdan, at kuto; ang paglalapat ng damit o turban; at ang magdala ng anuman at maglagay nito. Maaari sa kanya ang sumenyas sa pamamagitan ng kamay, mukha, at mata para sa isang pangangailangan. Hindi inaayawan ang pagbati sa nagdarasal at maaari sa kanya ang tumugon sa bumati sa pamamagitan ng pagsenyas. Makapagwawasto siya sa imām niya kapag nawalan ito ng mabigkas o nagkamali ito. Kung may nangyari sa kanya na anumang mali sa ṣalāh niya, magluluwalhati ang lalaki at papalakpak ang babae. Kapag nakadama siya ng pagdura o pagsinga samantalang siya ay nasa masjid, dudura siya sa panyo [sa tela] niya; o kapag nasa labas ng masjid, [dudura o sisinga siya] sa gawing kaliwa niya. Inaayawan na dumura siya sa unahan niya o sa gawing kanan niya.
Inaayawan ang [pagsasagawa ng] ṣalāh ng hindi ma'mūm nang hindi paharap sa sutrah, kahit pa hindi siya natakot na may daraan. [Gagawa siya bilang sutrah] mula sa isang dingding o isang bagay na nakatusok gaya ng sibat o iba pa roon tulad ng siyahan ng sasakyang hayop. Ibinibilang na sunnah na lumapit siya roon, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagdasal ang isa sa inyo ay magdasal siya paharap sa isang sutrah at lumapit siya roon." Lilihis siya nang kaunti sa sutrah batay sa ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kung naging imposible [ang magkaroon ng sutrah], guguhit siya ng isang guhit. Kapag may dumaang anuman mula sa likuran niya, hindi ito kinasusuklaman. Kung hindi nagkaroon ng sutrah o may dumaan na isang babae o isang aso o isang asno sa pagitan niya at ng sutrah, mawawalang-saysay ang ṣalāh niya.
Maaari sa kanya ang bumigkas mula sa kopya ng Qur'ān at ang humingi [ng awa] sa sandali ng [pagkabigkas ng] talata [na bumabanggit] ng awa at ang dumalangin ng pagpapakupkop sa sandali ng [pagbigkas ng] talata [na bumabanggit] ng parusa.
Ang pagtayo ay isang haligi sa [ṣalāh na] tungkulin, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin." (Qur'ān 2:238) Maliban sa walang-kakayahan o mahuhubaran o nangangamba o ma'mūm na nagdarasal sa likuran ng imām ng purok na walang-kakayahang tumayo. Kung nakaabot ang nagdarasal sa imām sa pagkakayukod, nakaabot siya sa abot ng pagsisimula niya.
Ang takbīr ng pagsisimula [ng ṣalāh] ay isang haligi [ng ṣalāh], gayon din ang pagbigkas ng Al-Fātiḥah para sa imām at munfarid, at gayon din ang pagyukod, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo,..." (Qur'ān 22:77) Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), may isang lalaking pumasok sa masjid at nagdasal. Pagkatapos pumunta ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumati sa kanya. Nagsabi siya: "Bumalik ka, saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Ginawa nito iyon nang tatlong ulit saka nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan bilang propeta, hindi ako makapagpapahusay ng iba pa riyan kaya turuan mo ako." Kaya naman nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag tumayo ka patungo sa ṣalāh ay dumakila ka kay Allāh, pagkatapos bumigkas ka ng naging madali sa iyo mula sa Qur'ān, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka nang nakayukod, pagkatapos umangat ka hanggang sa tumuwid ka nang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka nang nakapatirapa, pagkatapos umupo ka hanggang sa mapanatag ka nang nakaupo, pagkatapos gumawa ka niyon sa ṣalāh mo sa kabuuan nito." Nagsalaysay nito ang jamā`ah. Kaya nagpatunay ito na ang nabanggit sa ḥadīt̆ na ito ay hindi pinalulusot sa anuman yayamang kung sakaling may pinalampas, talagang pinalampas sana ang mangmang na Arabeng disyerto na ito.
Ang kapanatagan sa mga gawaing ito ay isang haligi dahil sa naunang nabanggit. Nakakita si Ḥud̆ayfah ng isang lalaking hindi lumulubos ng pagyukod nito ni pagpapatirapa nito kaya nagsabi siya rito: "Hindi ka nagdasal. Kung sakaling namatay ka, talagang namatay ka sana sa hindi naturalesa [ng pagkalalang] ni Allāh na lumalang ayon doon kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
Ang huling tas̆ahhud ay isang haligi, batay sa sabi ni Ibnu Mas`ūd: Kami noon ay nagsasabi bago maisatungkulin sa amin ang tas̆ahhud: "Assalāmu `ala –llāhi `alā jibrīl wa-mīka'īl, (Ang Salām ay kay Allāh, kina Gabriel at Miguel,)" kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magsabi ng ganyan, subalit magsabi kayo ng: At-taḥīyātu lillāh… (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh…)" Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy. Ang mga tagapagsalaysay nito ay mga mapagkakatiwalaan.
Ang mga kinakailangan (wājib) na naaalis dala ng pagkalingat ay walo: 1. Ang takbīr (pagsabi ng: Allāhu 'akbar) na iba pa sa unang takbīr, 2. Ang tasmī` (pagsabi ng: Sami`a –llāhu liman ḥamidah) para sa imām at munfarid, 3. Ang taḥmīd (pagsabi ng: Rabbanā wa-laka –lḥamd) para sa lahat, 4. Ang tasbīḥ (pagsabi ng: Subḥāna rabbiya –l`aḍ̆īm) ng pagyukod, 5. [Ang tasbīḥ (pagsabi ng: Subḥāna rabbiya –l'a`lā)] ng pagpapatirapa, 6. Ang pagsabi ng: "rabī –ğfir lī…", 7. Ang unang tas̆ahhud, at 8. Ang pag-upo para rito. Ang anumang iba rito ay mga sunnah ng mga sinasabi at mga ginagawa.
Kaya ang mga sunnah ng mga sinasabi ay 17: 1. Ang istiftāḥ (pagbubukas ng ṣalāh); 2. Ang ta`awwud̆ (panalangin ng pagpapakupkop); 3. Ang basmalah; 4. Ang ta'mīn (pagsabi ng Āmīn); 5. Ang pagbigkas ng sūrah [matapos ng Al-Fātiḥah] sa unang dalawang rak`ah, 6. sa ṣalāh sa fajr, 7. [sa ṣalāh sa] jumu`ah, 8. at [sa ṣalāh na] kusang-loob sa kabuuan nito; 9. Ang pagtataas ng tinig [sa unang dalawang rak`ah ng mga ṣalāh sa fajr, mağrib, `is̆ā, at jumu`ah lamang]; 10. Ang pagbigkas nang tahimik [sa iba pang ṣalāh]; 11. Ang pagsabi [ng munfarid] ng: "mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā s̆i'ta min s̆ay'im ba`d"; 12. Ang humigit sa isang ulit sa [pagsasabi ng] tasbīḥ ng pagyukod at 13. at [tasbīḥ] ng pagpapatirapa; 14. Ang pagsabi ng: "rabī –ğfir lī…"; 15. Ang ta`awwud̆ sa huling tas̆ahhud; 16. Ang pagdalangin ng basbas sa mag-anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at 17. at ng pagpapala sa kanila. Ang iba pa roon ay mga sunnah ng mga gawain tulad ng pagiging ang mga daliri ay magkakadikit na nakaunat na ihinaharap sa qiblah sa sandali ng [takbīr ng] pagsisimula at pagyukod; ang pag-angat mula [sa pagyukod na] ito; ang paglalapag ng mga kamay matapos kaagad niyon; ang paghawak ng kanang kamay sa buto ng pupulsuhan ng kaliwang kamay; ang paglagay ng mga ito sa ilalim ng pusod niya; ang pagtingin sa kinalalagyan ng [noo sa] pagpapatirapa niya; ang pagpapahiwalay niya sa pagitan ng dalawang paa sa pagtayo niya; ang pagsandal niya sa isa sa dalawang paa; ang marahang pagbigkas [ng Qur'ān]; ang pagpapaikli ng pagbigkas ng imām; ang pagiging ang unang rak`ah ay higit na mahaba kaysa sa ikalawang rak`ah, ang paghawak sa mga tuhod niya ng mga kamay niyang magkakahiwalay ang mga daliri sa pagkakayukod; ang pag-unat ng likod niya nang tuwid; ang paglalagay ng ulo niya sa kapantay ng likod; ang paglalapag ng mga tuhod bago ng mga kamay sa pagpapatirapa niya; ang pag-aangat ng mga kamay bago ng mga tuhod sa pagtayo; ang pagdidiit ng noo niya, ilong niya, at mga palad niya sa lapag; ang pagpapalayo ng mga braso niya buhat sa mga tagiliran niya, ng tiyan niya buhat sa mga hita niya, at ng hita niya buhat sa mga binti niya; ang pagkatayo ng mga paa niya at ang pagkalagay ng dulo ng mga daliri ng mga ito sa lapag nang magkakahiwalay; ang paglalapag ng mga kamay niya sa nibel ng mga balikat niya habang nakaunat ang mga daliri kapag nagpatirapa siya, at ang pagtutuon ng mga daliri ng mga kamay niya habang magkakadikit paharap sa qiblah; ang pagdidiit [sa lapag] ng nagdarasal ng mga kamay niya at noo niya; ang pagtayo niya patungo sa kasunod na rak`ah sa unahan ng mga paa niya habang nagsasandal ng mga kamay niya sa mga hita niya; ang pag-upong muftaris̆ sa pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa at sa unang tas̆ahhud at ang pag-upong mutawarrik sa ikalawang tas̆ahhud at ang paglalagay ng mga kamay niya sa mga hita niya habang mga nakaunat na magkakadikit ang mga daliri habang naghaharap ng mga ito sa qiblah sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa at sa tas̆ahhud; ang pagkukuyom ng hinliliit at hinsisingsing mula sa kanang kamay, ang pagpapabilog ng hinlalaki niya kasama ng hinlalato niya, at ang pagtuturo ng kanang hintuturo niya; ang paglingon sa kanan at sa kaliwa sa pagsasagawa niya ng taslīm.
Hinggil naman sa pagpapatirapa ng pagkalingat, nagsabi si Imām Aḥmad: "Nag-iingat dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng limang bagay: nagsagawa siya ng taslīm matapos ng dalawang rak`ah kaya nagpatirapa siya [dahil sa pagkalingat] at nagsagawa siya ng taslīm matapos ng tatlong rak`ah kaya nagpatirapa siya [para sa pagkalingat] dahil sa pagkadagdag at pagkakulang [sa ṣalāh] at [gayon din nang] tumayo siya matapos ng dalawang rak`ah saka hindi nagsagawa ng tas̆ahhud." Nagsabi naman si Al-K̆iṭābīy: "Ang sinasaligan sa ganang mga alagad ng kaalaman ay ang limang ḥadīt̆ na ito." Tinutukoy niya ang dalawang ḥadīt̆ ni Ibnu Mas`ūd, at [ang mga ḥadīt̆] nina 'Abū Sa`īd, 'Abū Hurayrah, at Ibnu Buḥaynah. Ang pagpapatirapa ng pagkalingat ay isinasabatas dahil sa pagkadagdag at kakulangan [sa ṣalāh] at isang pagdududa sa tungkulin o kusang-loob [na ṣalāh], maliban na dumalas ito kaya ito ay magiging gaya ng sulsol [ng demonyo], kaya naman magbabale-wala na siya nito. Ganito rin sa wuḍū', paligo, at pag-aalis ng najāsah (karumihan). Kapag nagdagdag ang nagdarasal sa gawain ng ṣalāh: ng pagtayo o pagyukod o pagpapatirapa o pag-upo, nang sadyaan, nawawalang-saysay ito; ngunit [kapag] dala ng pagkalingat, magpapatirapa para rito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakadagdag ang tao o nakabawas sa ṣalāh niya, magpatirapa siya ng dalawang pagpapatirapa." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Kapag nakaalaala siya, manunumbalik siya sa pagkakasunod-sunod ng ṣalāh nang walang takbīr. Kapag nakadagdag siya ng isang rak`ah, titigil siya kapag nakaalaala siya, magpapatuloy siya sa ginawa niya bago nito, at hindi siya magsasagawa ng tas̆ahhud kung nakapagsagawa na siya ng tas̆ahhud. Pagkatapos magpapatirapa siya at magsasagawa siya ng taslīm. Hindi ibibilang ng masbūq ang naidagdag na rak`ah at hindi siya magpapaloob nito [sa ṣalāh niya] dahil sa pagkakaalam na ito ay naidagdag. [Ang masbūq ay ang nahuli sa pagdalo sa ṣalāh.] Kung siya ay imām o munfarid saka may tumawag-pansin na dalawang taong mapagkakatiwalaan, kakailanganin sa kanya ang manumbalik [sa nakalimutan]. Hindi siya manunumbalik kung tumawag-pansin sa kanya ang iisa maliban na makatiyak siya sa pagkatama niyon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nanumbalik [sa nakalimutang bahagi] batay sa [iisang] sabi ni D̆ulyadayn.
Hindi nagpapawalang-saysay sa ṣalāh ang kaunting [naidagdag na] gawain gaya ng pagbubukas niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pinto para kay `Ā'is̆ah at ang pagkarga niya kay 'Umāmah at paglapag niya rito. Kung nakagawa siya ng isang pagsabing isinasabatas naman sa ṣalāh ngunit sa hindi tamang lugar nito gaya ng pagbigkas [ng Qur'ān] sa pag-upo at ng tas̆ahhud sa pagtayo, hindi mawawalang-saysay ito dahil doon.
Nararapat ang pagpapatirapa para sa pagkalingat dahil sa pagkapangkalahatan ng sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakalimot ang isa sa inyo, magpatirapa siya nang dalawang patirapa." Kung nagsagawa siya ng taslīm bago ng pagkalubos nito nang sadyaan, mawawalang-saysay ito. Kung iyon ay isang pagkalingat pagkatapos nakaalaala siya nang maaga, maglulubos siya nito kahit pa man lumabas na siya ng masjid o nagsalita ng kaunti para sa kapakanan nito. Kung nagsalita siya dala ng pagkalingat o nakatulog siya saka nagsalita siya o may lumabas sa bibig niya sa sandali ng pagbigkas niya [ng Qur'ān] na isang salita na hindi mula sa Qur'ān, hindi mawawalang-saysay ito. Kung humalakhak siya, mawawalang-saysay ito ayon sa pagkakaisa ng hatol; at hindi naman kung ngumiti siya.
Kung may nakalimutan siya na isang haligi [ng ṣalāh] na iba pa sa [takbīr ng] pagpapasimula saka nakaalaala siya nito sa pagbigkas sa rak`ah na matapos nito, mawawalang-saysay ang [rak`ah na] nakaligta siya [ng haligi na] iyon mula sa [rak`ah na] ito at ang [kasunod na rak`ah na] iba pa rito ay magiging isang pamalit para rito. Hindi siya mag-uulit ng [panalangin ng] pagbubukas. Nagsabi nito si Imām Aḥmad. Kung nakaalaala siya niyon bago ng pagsisimula [ng pagbigkas ng Qur'ān], manunumbalik siya saka magsasagawa niyon at ng matapos niyon. Kung nakalimot siya ng pagsasagawa ng unang tas̆ahhud at tumindig siya, naoobliga sa kanya ang bumalik at ang magsagawa niyon hanggat hindi siya nakalubos sa pagkatayo batay sa ḥadīt̆ ni Al-Muğīrah, na isinalaysay ni Imām Abū Dāwud. Maoobliga sa ma'mūm ang sumunod sa imām, maalis sa kanya ang [tungkulin ng] tas̆ahhud, at magpapatirapa siya para sa pagkalingat. Ang sinumang nagduda sa bilang ng mga rak`ah, babatay siya sa katiyakan. Susunod ang ma'mūm sa sandali ng pagdududa niya sa gawain ng imām niya. Kapag nakaabot ang ma'mūm sa imām habang nakayukod at nagduda siya kung nag-angat kaya ang imām ng ulo nito bago ng pagkaabot niya habang nakayukod, hindi siya magsasaalang-alang sa rak`ah na iyon. Kapag bumatay siya sa katiyakan, magsasagawa siya ng natira. Magsasagawa naman nito ang ma'mūm matapos ng taslīm ng imām niya at magpapatirapa siya para sa pagkalingat. Hindi kailangan sa ma'mūm ang pagpapatirapa ng pagkalingat maliban na malingat ang imām niya kaya magpatirapa siya kasama nito kahit hindi pa natapos ang tas̆ahhud [niya], pagkatapos maglulubos siya ng tas̆ahhud matapos ng pagpapatirapa niya [bago ng taslīm]. Magpapatirapa [para sa pagkalingat] ang masbūq dahil sa [pagkasagawa ng] taslīm kasama ng imām niya dala ng pagkalingat [nito]. [Magpapatirapa] ang masbūq para sa pagkalingat niya na namukod-tangi siya [sa pagkagawa] niyon samantalang kasama ng imām niya. Ang sandali ng pagsasagawa nito ay bago ng taslīm maliban kapag nagsagawa ng taslīm dahil sa pagkakulang ng rak`ah o higit pa, batay sa ḥadīt̆ nina `Imrān at D̆ulyadayn, at kung hindi naman ay babatay siya sa nananaig sa pagpapalagay niya, kaya magpapatirapa siya, bilang kanais-nais na gawain, matapos ng taslīm batay sa ḥadīt̆ nina `Alīy at Ibnu Mas`ūd. Kung nakalimot siya ng pagpapatirapa ng pagkalingat bago ng taslīm o matapos nito, magsasagawa siya nito hanggat hindi tumagal ang pagkakahiwalay [sa pagitan nito at ng taslīm]. Ang pagpapatirapa ng pagkalingat at ang sinasabi rito at sa matapos ng pag-angat dito ay gaya ng sa pagpapatirapa sa ṣalāh.
Kabanata: Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
Nagsabi si 'Abul`abbās: Ang pagkukusang-loob ay kukumpleto sa ṣalāh ng tungkulin sa Araw ng Pagbangon kung hindi nangyaring siya ay nakalubos nito." Kaugnay rito ay may isang ḥadīt̆ na marfū`. Gayon din ang zakāh at ang natitira sa mga gawain. Ang pinakamainam sa kusang-loob ay ang pakikibaka, pagkatapos ang mga kaugnay rito gaya ng paggugol dito at iba pa, pagkatapos ang pag-aaral ng kaalaman at ang pagtuturo nito. Nagsabi si 'Abuddardā': Ang nakaaalam at ang nag-aaral sa pabuya ay pantay. Ang nalalabi sa mga tao ay mga langaw na walang mabuti sa kanila. Ayon kay Imām Aḥmad: "Ang paghahanap ng kaalaman ay pinakamainam sa mga gawain para sa sinumang tumumpak ang layunin niya." Nagsabi pa siya: "Ang pag-aaral sa isang bahagi ng gabi ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa pagdarasal dito." Nagsabi pa siya: "Kinakailangan na maghanap ang tao ng kaalaman na makapagsasagawa siya sa pamamagitan nito ng relihiyon." Sinabi sa kanya: "Tulad ng aling bagay?" Nagsabi siya: "Ang hindi maaari sa kanya ang kamangmangan doon sa pagdarasal niya, pag-aayuno niya, at tulad niyon." Matapos niyon ang pagdarasal batay sa ḥadīt̆: "Magpakatuwid kayo at [kahit pa] hindi kaya makagagawa [ng lahat ng pagpapakatuwid]. Alamin ninyo na ang pinakamabuti sa mga gawain ninyo ay ang pagdarasal." Pagkatapos matapos niyon ay ang nalilipat [sa iba] ang pakinabang nito gaya ng pagdalaw sa isang maysakit o pagtugon sa isang pangangailangan ng isang Muslim o pagsasaayos sa pagitan ng mga tao, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawain ninyo at hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng pag-aayuno at pagdarasal? Ang pagsasaayos ng may alitan sapagkat ang kaguluhan ng may alitan ito ay ang tagapuksa." Sumang-ayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmid̆īy. Nagsabi si Imām Aḥmad: "Ang pagdalo sa libing ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal." Ang nalilipat [sa iba] ang pakinabang nito ay nagkakaibahan kaya [ang pagbibigay ng] kawanggawa sa isang kamag-anak na nangangailangan ay higit na mainam kaysa sa pagpapalagay [ng isang alipin] at [ang pagpapalayang] ito ay higit na mainam kaysa sa kawanggawa sa isang estranghero maliban sa panahon ng taggutom, pagkatapos [ang pagsasagawa ng] ḥajj. Ayon kay Anas: Ang sinumang lumabas alang-alang sa paghahanap ng kaalaman, siya ay nasa landas ni Allāh hanggang sa makabalik. Nagsabi si Imām At-Tirmid̆īy: "Magandang ğarīb [ang ḥadīt̆ na ito]." Nagsabi ang S̆ayk̆: "Ang pag-aaral ng kaalaman at ang pagtuturo nito ay napaloloob sa pakikibaka at ito ay isang uri nito." Nagsabi pa siya: "Ang pagpuno sa ikasampung araw ng D̆ulḥijjah ng pagsamba sa gabi at araw ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka na hindi umubos sa buhay niya at ari-arian." Ayon kay Imām Aḥmad: "Walang nakawawangis sa ḥajj na anuman dahil sa pagod dito at dahil sa mga rituwal na iyon at dito ay may nasasaksihan. Sa Islām ay walang tulad niyon: ang gabi sa `Arafah. Dito ay may pagkasaid ng yaman at [lakas ng] katawan. Ayon kay Abū Umāmah: May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Alin po sa mga gawain ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Manatili ka sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay walang katulad." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at iba pa sa kanya nang may kawing ng pagkapaabot na maganda. Nagsabi ang S̆ayk̆: "Ang bawat isa ay maaaring maging higit na mainam sa isang kalagayan batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng mga k̆alīfah niya alinsunod sa pangangailangan at kapakanan." Ang tulad nito ay ang sabi ni Imām Aḥmad: "Tumingin ka sa siyang higit na angkop para sa puso mo saka gawin mo." Nagmagaling si Imām Aḥmad sa kainaman ng pag-iisip higit sa pagdarasal at kawanggawa sapagkat maaaring naipahihiwatig mula sa kanya na ang gawain ng puso ay higit na mainam kaysa sa gawain ng mga bahagi ng katawan samantalang ang tinutukoy ng mga kasamahan ay ang gawain ng mga bahagi ng katawan. Kumakatig dito ang ḥadīt̆ na: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh ay ang pag-ibig alang-alang kay Allāh at ang pagkamuhi alang-alang kay Allāh." at ang ḥadīt̆ na: "Ang pinakamatibay sa mga hawakan ng pananampalataya [ay na umibig ka para kay Allāh at mamuhi ka para kay Allāh.]"
Ang pinakatiyak na pagkukusang-loob ay ang [dasal dahil sa] eklipse, pagkatapos ang [dasal na] sunnah ng fajr, pagkatapos ang [dasal sa] sa mağrib, pagkatapos ang natitira sa mga [dasal na] rātibah, ang [dasal sa] oras ng witr matapos ng [dasal sa] `is̆ā' hanggang sa pagsapit ng fajr. Ang pinakamainam [sa witr] ay huling bahagi ng gabi para sa sinumang nakatiyak ng pagbangon doon at kung hindi naman ay magdarasal siya ng witr bago mahiga. Ang pinakakaunti nito ay isang rak`ah at ang pinakamarami nito ay labing-isa. Ang pinakamainam ay na magsagawa ng taslīm matapos ng [bawat] dalawang rak`ah, pagkatapos magsasagawa ng witr na isang rak`ah. Kung magsasagawa ng iba pa roon kaysa sa nasaad kabilang sa natumpak na ḥadīt̆ buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), maganda [din naman]. Ang pinakamababang bilang ng kalubusan nito ay tatlong rak`ah. Ang pinakamainam ay dalawang taslīm. Pinapayagan ang iisang taslīm. Pinapayagan ang pagsasagawa nito gaya ng sa mağrib.
Ang mga [ṣalāh na] sunnah rātibah ay sampu. Ang pagsasagawa ng mga ito sa bahay ay higit na mainam. Ito ay dalawang rak`ah bago ng [ṣalāh sa] ḍ̆uhr, dalawang rak`ah matapos nito, dalawang rak`ah matapos ng [ṣalāh sa] mağrib, dalawang rak`ah matapos ng [ṣalāh sa] `is̆ā', at dalawang rak`ah [bago ng ṣalāh] sa fajr.
Magpapaikli siya ng dalawang rak`ah [na sunnah rātibah bago ng ṣalāh] sa fajr at bibigkas siya sa dalawang ito ng Sūrah Al-'Ik̆lāṣ o bibigkas siya sa unang rak`ah ng sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Qūlū 'āmannā bi-llāhi wa-mā 'unzila 'ilaynā…(Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin,...)" (Qur'ān 2:136) at sa ikalawang rak`ah: "Qul yā 'ahla –lkitābi ta`ālaw 'ilā kalimatin sawā'im baynanā wa-baynakum…(Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo:...)" (Qur'ān 3:64) [Bibigkasin ito hanggang sa katapusan ng talata.] Maaari sa kanya na magsagawa nito habang nakasakay.
Walang sunnah para sa Jumu`ah bago nito. Matapos nito ay may dalawa o apat na rak`ah. Makatutumbas ang [ṣalāh na] sunnah sa [ṣalāh ng] pagbati sa masjid. Ibinibilang na sunnah para sa nagdarasal ang paghihiwalay sa pagitan ng [mga ṣalāh na] tungkulin at sunnah sa pamamagitan ng isang pagsasalita o isang pagtayo, batay sa ḥadīt̆ ni Mu`āwiyah. Ang sinumang nakaalpas sa kanya ang anuman mula sa mga ito, itinuturing na kaibig-ibig para sa kanya ang magsagawa nito. Itinuturing na kaibig-ibig na magdasal ng sunnah sa pagitan ng 'ad̆ān at 'iqāmah.
Ang tarāwīḥ ay sunnah na isinagawa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang pagsasagawa nito sa isang konggregasyon ay higit na mainam. Magtataas ng tinig ang imām sa pagbigkas batay sa pagpapaabot sa Humaliling Salinlahi buhat sa Salaf. Magsasagawa ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah batay sa ḥadīt̆ na: "Ang ṣalāh sa gabi ay dala-dalawa." Ang oras nitong [ṣalāh na sunnah sa gabi] ay matapos ng `is̆ā'. Ang sunnah nito ay bago ng witr hanggang sa pagsapit ng fajr. Nagdarasal ng witr matapos nito; ngunit kung mayroon siyang tahajjud, gagawin ang witr matapos nito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gawin ninyo ang pinakahuli sa ṣalāh ninyo sa gabi na witr." Kung nakaibig ang sinumang nasa tahajjud habang nasa pagsunod sa imām, tatayo siya kapag nagsagawa ng taslīm ang imām saka magsasagawa siya ng isang rak`ah, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng ṣalāh sa gabi (tahajjud) kasama ng imām hanggang sa nakatapos ito, itatala para sa kanya ang pagkasagawa ng ṣalāh sa gabi." Umayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmid̆īy.
Itinuturing na kaibig-ibig ang pagsasaulo ng Qur'ān ayon sa pagkakaisa ng hatol. Ito ay higit na mainam kaysa sa nalalabi sa mga pagsambit ng pag-aalaala [kay Allāh]. Kinakailangan mula [sa pagsasaulong] ito ang kinakailangan sa ṣalāh. Magpapasimula [sa pagpapasaulo] sa paslit ang katangkilik nito bago [na pagkamit] ng kaalaman maliban na maging mahirap iyon. Ibinibilang na sunnah ang pagtapos [ng pagbigkas] nito sa bawat linggo at mababa pa rito paminsan-minsan. Ipinagbabawal ang pagpapaliban ng pagbigkas kung nangamba ng pagkalimot nito. Mananalangin ng pagpapakupkop bago ng pagbigkas at magsisigasig sa pagpapakawagas at pagtulak ng anumang sumasalungat dito. Tatapusin ito sa unang bahagi ng gabi sa taglamig at sa unang bahagi ng maghapon sa tag-init. Nagsabi si Ṭalḥah bin Muṣraf: "Nakaabot ako sa mga alagad ng kabutihan kabilang sa Kalipunang ito na nagtuturing na kaibig-ibig iyon, na nagsasabi: Kapag tumapos siya [nito] sa unang bahagi ng maghapon, dadalangin para sa kanya ang mga anghel hanggang sa gumabi. Kapag tumapos siya [nito] sa huling bahagi ng gabi, dadalangin para sa kanya ang mga anghel hanggang mag-umaga." Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ. Ang kawing ng pagpapaabot nito ay maganda. Magpapaganda siya ng tinig niya sa [pagbigkas ng] Qur'ān. Bibigkas siya nang may lungkot at pagmumuni-muni. Hihiling siya kay Allāh (napakataas Siya) sa talata tungkol sa awa. Dadalangin siya ng pagpapakupkop sa talata tungkol sa pagdurusa. Hindi siya magtataas ng tinig sa gitna ng mga nagdarasal o mga natutulog o mga bumibigkas sa mataas ng tinig na makapeperhuwisyo sa kanila. Walang maitututol sa pagbigkas nang nakatayo o nakaupo o nakahiga o nakasakay o naglalakad. Hindi ito kinasusuklaman habang nasa daan ni [kapag] may maliit na ḥadat̆ (pangangailangan sa wuḍū' hindi paligo). Kinasusuklaman ito sa mga lugar na marumi. Itinuturing na kaibig-ibig ang pagtitipon para rito at ang pakikinig sa tagabigkas nito. Hindi magsasalita sa sandaling ito hinggil sa anumang walang kabuluhan. Nasuklam si Imām Aḥmad sa pagpapabilis ng pagbigkas nito at nasuklam siya sa pagbigkas na may mga tono, na nakawawangis ng pag-awit. Hindi kinasusuklaman ang pag-uulit [ng pagbigkas ng isang bahagi]. Ang sinumang nagsabi kaugnay sa Qur'ān ayon sa opinyon niya at ayon sa hindi niya nalalaman, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Apoy. Nagkamali siya rito kahit pa tumama siya.
Hindi pinapayagan para sa may ḥadat̆ ang paghipo sa muṣḥaf (pisikal na kopya ng Qur'ān). Maaari sa kanya ang pagdala nito nang may pamigkis o nasa isang bag ng mga dala-dalahan o nasa isang sisidlan. Maaari sa kanya na bumuklat nito sa pamamagitan ng isang patpat at tulad nito. Maaari sa kanya na humipo ng [isang aklat ng] tafsīr o mga aklat na may [sipi mula sa] Qur'ān. Pinapayagan para sa may ḥadat̆ ang pagsulat nito nang walang paghipo at ang pagkuha ng upa sa pagkopya nito. Pinapayagan ang pagpapadamit dito ng seda. Hindi pinapayagan ang paglalagay nito sa likuran o ang pag-inat ng paa patungo rito at tulad niyon kabilang sa anumang may pagtalikod sa paggalang dito. Kinasusuklaman ang pagpapalamuti rito ng ginto o pilak; o ang pagsusulat ng mga ikasampung bahagi, mga pangalan ng mga kabanata, bilang ng mga talata, at iba pa roon kabilang sa hindi umiral sa panahon ng mga Kasamahan.
Ipinagbabawal na isulat ang Qur'ān o anumang may pagbanggit kay Allāh sa pamamagitan ng hindi isang dalisay na bagay. Kaya kung isinulat ito sa pamamagitan ng isang hindi dalisay na bagay o [isinulat] sa isang hindi dalisay na bagay, kinakailangan ang paghugas nito. Kung nasira [at naluma] ang muṣḥaf o nabura ito, ililibing ito dahil si `Ut̆mān (malugod si Allāh sa kanya) ay naglibing ng mga muṣḥaf sa pagitan ng libingan at mimbar.
Itinuturing na kaibig-ibig ang mga nāfilah nang walang limitasyon sa lahat ng mga oras maliban sa mga oras ng pagsaway laban dito. Ang ṣalāh sa gabi ay hinihikayat at ito ay higit na mainam kaysa sa ṣalāh sa araw. Matapos ng pagtulog ito ay higit na mainam dahil ang kasiglahan ay hindi nangyayari malibang matapos nito. Kaya kapag nagising, mag-aalaala siya kay Allāh at magsasabi ng nasaad [sa ḥadīt̆]. Kabilang dito: "Lā 'ilāha 'illa –llāhu waḥdahu lā s̆arīka lah, lahu –lmulku wa lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli s̆ay'in qadīr; Alḥamdu lillāh, wa-subḥāna –llāh, wa-lā 'ilāha 'illa –llāh, wa-llāhu 'akbar; Lā ḥawla wa-lā qūwata 'illā billāh. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Ang papuri ay ukol kay Allāh, kaluwalhatian kay Allāh, walang Diyos kundi si Allāh, at si Allāh ay pinakadakila. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.)" Pagkatapos kung magsasabi siya ng: "Allāhumma –ğfir lī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin)" o dadalangin siya, tutugunin siya; saka kung nagsagawa siya ng wuḍū' at nagdasal siya, tatanggapin ang dasal niya. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Alḥamdu lillāhi –llad̆ī aḥyānī ba`da mā 'amātanī wa-'ilayhi –nnus̆ūr; lā 'ilāha 'illā 'anta waḥdaka lā s̆arīka laka, 'astağfiruka li-d̆ambī wa-'as'aluka raḥmatak. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagbigay-buhay sa akin matapos nagbigay-kamatayan sa akin at tungo sa Kanya ang pagkabuhay. Walang Diyos kundi Ikaw – tanging Ikaw, walang katambal para sa Iyo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo sa pagkakasala ko at humihiling ako sa Iyo ng awa Mo.)" "Allāhumma zidnī `ilman, wa-lā tuziğ qalbī ba`da 'id̆ hadaytanī, wa-hab lī min ladunka raḥmah, 'innaka 'anta –lwahhāb; alḥamdu lillāhi –llad̆ī radda `alayya rūḥī wa-`āfānī fī jasadī wa-'ad̆ina lī bi-d̆ikrih. (O Allāh, magdagdag Ka sa akin ng kaalaman, huwag Kang magpaliko sa puso ko matapos noong nagpatnubay Ka sa akin, at magkaloob Ka sa akin ng awa mula sa panig Mo; tunay na Ikaw ay ang Palakaloob. Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalusog sa akin sa katawan ko, nagsauli sa akin ng kaluluwa ko, at nagpahintulot sa akin sa pag-alaala sa Kanya.)" Pagkatapos gagamit siya ng miswāk. Saka kapag tumayo siya patungo sa ṣalāh, kung loloobin niya ay makapagbubukas siya [ng ṣalāh] sa pamamagitan ng panalangin ng pagbubukas na nakasulat, o kung loloobin niya ay sa pamamagitan ng iba pa rito gaya ng sabi niya: Allāhumma laka –lḥamdu 'anta nūru –ssamāwāti wa-l'arḍi wa-man fīhinnā; wa-laka –lḥamdu 'anta qayyūmu –ssamāwāti wa-l'arḍi wa-man fīhinnā; wa-laka –lḥamdu 'anta maliku –ssamāwāti wa-l'arḍi wa-man fīhinnā; wa-laka –lḥamd 'anta –lḥaqq, wa-wa`duka –lḥaqq, wa-qawluka –lḥaqq, wa-liqā'uka –lḥaqq, wa-ljannatu ḥaqq, wa-nnāru ḥaqq, wa-nnabīyūna ḥaqq, wa-ssā`atu ḥaqq; Allāhumma laka 'aslamtu, wa bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa 'ilayka 'anabtu, wa bika k̆āṣamtu, wa 'ilayka ḥākamtu, fa-ğfir lī mā qaddamtu wa-mā 'ak̆k̆artu, wa-mā 'asrartu wa-mā 'a`lantu, wa-mā 'anta 'a`lamu bihi minnī; 'anta –lmuqaddimu wa 'anta –lmu'ak̆k̆iru, lā 'ilāha 'illā 'anta wa-lā qūwata 'illā bika. (O Allāh, ukol sa Iyo ang papuri; Ikaw ay Liwanag ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito. Ukol sa Iyo ang papuri; Ikaw ay Mapagpanatili ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito. Ukol sa Iyo ang papuri; Ikaw ay Hari ng mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito. Ukol sa Iyo ang papuri; Ikaw ay ang Totoo, ang pangako Mo ay ang totoo, ang sinabi Mo ay ang totoo, ang Paraiso ay totoo, ang Impiyerno ay totoo, ang mga propeta ay totoo, ang Huling Sandali ay totoo. O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisisi, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahukom; kaya patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] Ikaw ay higit na maalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli. Walang Diyos kundi Ikaw at walang lakas kundi sa pamamagitan Mo.) Kung niloob niya, makapagsasabi siya ng: "Allāhumma rabba jibrā'īla wa-mīkā'īla wa-'isrāfīl, fāṭira –ssamāwāti wa-l'arḍ, `ālima –lğaybi wa-s̆s̆ahādah, 'anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yak̆talifūn, ihdinī lima –k̆tulifa fīhi mina –lḥaqqi bi-'id̆nika, 'innaka tahdī man tas̆ā'u 'ilā ṣirāṭim mustaqīm. (O Allāh, Panginoon nina Jibrā'īl, Mīkā'īl, at Isrāfīl, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, Ikaw ay humahatol sa pagitan ng mga lingkod Mo sa anumang dati silang nagkakaiba-iba. Magpatnubay Ka sa akin sa pinagkaiba-ibahan mula sa katotohanan, ayon sa pahintulot Mo; tunay na Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loloobin Mo tungo sa isang landasing tuwid.)"
Ibinibilang na sunnah na magpasimula siya ng tahajjud niya sa pamamagitan ng maikling [ṣalāh na] dalawang rak`ah at na magkaroon siya ng [ṣalāh na] kusang-loob na pinamamalagi niya. Kapag nakaalpas ito sa kanya ay magsasagawa siya nito.
Itinuturing na kaibig-ibig na magsabi sa sandali ng umaga at gabi ng nasaad [sa ḥadīt̆ na panalangin], gayon din sa sandali ng pagtulog at pagkagising, ng pagpasok sa tirahan at paglabas mula roon, at iba pa roon. Ang [ṣalāh na] kusang-loob sa bahay ay higit na mainam at ang paglilihim nito kung ito ay kabilang sa [ṣalāh na] hindi isinasabatas para rito ang [pagdalo sa] konggregasyon. Walang maitututol sa [ṣalāh na] kusang-loob [na isagawa] sa konggregasyon kapag hindi ito ginawa bilang kaugalian. Itinuturing na kaibig-ibig ang paghingi ng tawad at ang pagpapadalas nito. Ang sinumang nakaalpas sa kanya ang tahajjud niya ay magsasagawa nito bago ng ḍ̆uhr. Hindi natutumpak ang magdasal ng [ṣalāh na] kusang-loob nang nakahiga.
Ibinibilang na sunnah ang ṣalāh sa ḍ̆uḥā. Ang oras nito ay mula sa pagkatapos ng oras ng pagsaway [laban sa pagdarasal] hanggang sa kaunting sandali bago ng katanghaliang-tapat. Ang pagsasagawa nito, kapag tumindi ang init, ay higit na mainam. Ito ay dalawang rak`ah; at kung magdaragdag ay maganda rin naman.
Ibinibilang na sunnah ang ṣalāh istik̆ārah (dasal ng pagpapapili). Kapag nagbalak ng isang bagay ay magdarasal ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling [salāh]. Pagkatapos magsabi siya ng: "Allāhumma 'innī 'astak̆īruka bi-`ilmika, wa-'astaqdiruka bi-qudratik, wa-'as'aluka min faḍlika –l`ađīm, fa'-innaka taqdiru wa lā aqdir, wa-ta`lamu wa-lā 'a`lam, wa-'anta `allāmu –lğuyūb; Allāhumma 'in kunta ta`lamu 'anna hād̆a –l'amra [babanggit siya rito ng mismong kailangan niya] k̆ayrun lī fī dīnī wa-dunyāya wa-ma`ās̆ī wa-`āqibati 'amrī (`ājilihi wa-'ājilhi), fa-qdurhu lī wa-yassirhu lī, t̆umma bārik lī fīh; wa-'in kunta ta`lamu 'anna hād̆a –l'amra s̆arrun lī fī dīnī wa-dunyāya wa-ma`ās̆ī wa-`āqibati amrī, fa-ṣrifhu `annī wa-ṣrifnī `anhu, wa-qdur liya –lk̆ayra ḥayt̆u kāna t̆umma raḍḍinī bih. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapapili sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo, humihiling sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan ng kakayahan Mo, at humihingi mula sa kabutihang-loob Mong sukdulan sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya, at hindi ako nakakakaya, at nakaaalam, at hindi ako nakaaalam; at Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. O Allāh, kung Ikaw ay nakaaalam na ang bagay na ito (babanggit siya rito ng mismong kailangan niya) ay mabuti para sa akin sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko [nang madalian nito at matagalan nito] ay magtakda Ka nito para sa akin at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magkaloob Ka ng pagpapala para rito; at kung Ikaw ay nakaaalam na ang bagay na ito ay masama para sa akin sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko ay magbaling Ka nito palayo sa akin at magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito, pagkatapos magpalugod Ka sa akin dito.)" Pagkatapos sasangguni siya at ang oras ng istik̆ārah ay hindi tagapagpasya sa paggawa o di-paggawa.
Ibinibilang na sunnah ang [ṣalāh ng] pagbati sa masjid, ang sunnah [na salāh ng pagkakasagawa] ng wuḍū', at ang [salāh] sa pagitan ng mağrib at `is̆ā'. Ang pagpapatirapa sa pagkabigkas [ng pagpapatirapa sa Qur'ān] ay isang sunnah na binigyang-diin, hindi isang tungkulin, batay sa sabi ni `Umar: "Ang sinumang nagpatirapa ay tumama nga at ang sinumang hindi nagpatirapa ay walang kasalanan sa kanya." Isinalaysay ito sa Al-Muwaṭṭa'. Ibinibilang na sunnah [ang pagpapatirapang] ito sa nakikinig. Ang nakasakay ay magpapahiwatig ng pagpapatirapa niya saanman [nakaharap] ang mukha niya. Ang naglalakad ay magpapatirapa sa lupa nang nakaharap sa qiblah. Hindi magpapatirapa ang nakarinig [lamang], batay sa isinalaysay buhat sa mga Kasamahan. Nagsabi si Ibnu Mas`ūd sa tagabigkas [ng Qur'ān], na isang bata: "Magpatirapa ka sapagkat tunay na ikaw ay imām namin."
Itinuturing na kaibig-ibig ang pagpapatirapa ng pagpapasalamat sa sandali ng pagkatanggap ng isang hayag na pangkalahatang biyaya o isang bagay na natatangi sa kanya. Magsasabi siya kapag nakakita ng isang taong sinusubok sa relihiyon niyon at katawan niyon: "Alḥamdu lillāhi –llad̆ī `āfānī mimmā –btalāka bihi wa-faḍḍalanī `alā kat̆īrim mimman k̆alaqa tafḍīlā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa akin mula sa ipinansubok sa iyo at nagtangi sa akin nang pagtatanging higit sa marami sa nilikha Niya.)"
Ang mga oras ng pagsaway [laban sa ṣalāh] ay lima: 1. matapos ng ṣalāh sa fajr hanggang sa sumikat ang araw, 2. matapos ng pagsikat nito hanggang sa umangat nang singtaas ng sibat [sa abot-tanaw], 3. sa sandali ng paggitna ng araw [hanggang sa lumihis], 4. matapos ng ṣalāh sa `aṣr hanggang sa lumapit ang araw sa paglubog, at 5. matapos [ng paglubog na] iyon hanggang sa lumulubog pa ito. Pinapayagan sa mga [sandaling] ito ang [pagsasagawa ng mga ṣalāh na] nakaligtaan, ang mga [ṣalāh na] ipinamanata, ang [ṣalāh na] dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf, at ang pag-uulit ng [ṣalāh sa] konggregasyon kapag nagsagawa ng iqamāh habang siya ay nasa masjid. Maisasagawa ang ṣalāh ng paglilibing sa [alinman sa] dalawang mahabang oras [matapos ng fajr o `aṣr].
Kabanata: Ang Ṣalāh ng Konggregasyon
Ang pinakakaunting bilang nito ay dalawang rak`ah sa iba pa sa [ṣalāh sa] jumu`ah o `īd. Ito ay kinakailangan sa mga indibiduwal sa panahon ng paninirahan sa isang lugar o paglalakbay, pati na sa [panahong ng] pangamba, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Kapag ikaw ay nasa kanila saka namuno ka sa kanila sa pagdarasal..." (Qur'ān 4:102) Nakalalamang ang ṣalāh sa konggregasyon sa ṣalāh ng munfarid ng 27 antas at isinasagawa ito sa masjid. [Ang ṣalāh sa] Matandang Masjid [sa Makkah] ay pinakamainam. Gayon din ang pinakamalaki bilang konggregasyon at gayon din ang pinakamalayo [ay higit na mainam]. Hindi mamumuno [sa ṣalāh] sa masjid [ang sinuman] bago ng nakatalagang imām nito malibang may pahintulot niya, maliban na mahuli siya [ng pagdating] sapagkat hindi kinasusuklaman iyon batay sa ginawa nina Abū Bakr at `Abdurraḥmān bin `Awf. Kapag isinasagawa na ang ṣalāh, hindi na pinapayagan ang magsimula sa [pagsasagawa sa ṣalāh na] sunnah. Kung isinasagawa na ito habang siya ay nasa [ṣalāh na sunnah na] iyon, lulubusin niya iyon nang mabilisan. Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah kasabay ng imām ay nakaabot nga sa konggregasyon. Naaabutan ito sa pamamagitan ng pagkaabot sa pagyukod kasama ng imām. Makatutumbas ang takbīr ng pagsisimula [ng ṣalāh] para sa takbīr ng pagyukod batay sa ginawa nina Zayd bin T̆ābit at Ibnu `Umar. Walang nakikilalang tagasalungat sa kanilang dalawa mula sa mga Kasamahan. Ang pagsasagawa ng dalawang takbīr [ng pagpapasimula at pagyukod] ay higit na mainam, bilang paglabas mula sa pagsalungat sa sinumang nag-obliga niyon. Kung nakaabot siya sa imām matapos ng pagyukod, siya ay hindi nakaabot sa rak`ah at kailangan sa kanya ang pakikisunod dito. Ibinibilang na sunnah ang paglahok niya kasama ng imām batay sa ulat. Hindi tatayo ang masbūq malibang matapos ng ikalawang taslīm ng imām. Kung nakaabot siya sa imām habang nasa pagpapatirapa ng pagkalingat matapos ng taslīm, hindi siya lalahok kasama sa imām. Kung nakaalpas sa kanya ang konggregasyon, itinuturing na kaibig-ibig para sa sinuman na magdasal [muli] kasama sa kanya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sino ang magkakawanggawa [sa taong] ito para magdasal kasama sa kanya?" Hindi kinakailangan ang pagbigkas [ng Qur'ān] sa ma'mūm, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Kapag binigkas ang Qur'ān ay makinig kayo roon at manahimik kayo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan." (Qur'ān 7:204) Nagsabi si Imām Aḥmad: "Nagkaisa sa hatol ang mga tao na ang talatang ito ay kaugnay sa pagdarasal." Ibinibilang na sunnah ang pagbigkas nito sa [ṣalāh na] hindi nagtataas ng tinig dito ang imām. Ang higit na marami sa mga may kaalaman kabilang sa mga Kasamahan at mga Tagasunod ay nagmamagaling ng pagbigkas sa likuran ng imām sa [ṣalāh na] nagbababa rito ng tinig, bilang paglabas mula sa pagsalungat sa sinumang nag-obliga niyon, subalit hindi tayo gumagawa nito kapag nagtaas ng tinig ang imām, batay sa mga patunay. Nagsisimula ang nagdarasal sa mga kilos niya matapos ng imām niya nang walang pagpapaiwan matapos na nakatapos ang imām. Kung nakisabay siya sa imām, kinasusuklaman ito. Ipinagbabawal ang makipag-unahan sa imām. Kung yumukod siya o nagpatirapa siya bago ng imām dala ng pagkalingat, babalik siya upang magsagawa niyon matapos ng imām; ngunit kung hindi siya nagsagawa niyon habang nakaaalam habang nananadya, mawawalang-saysay ang ṣalāh niya. Kung napag-iwanan siya ng imām sa isang haligi [ng ṣalāh] nang walang maidadahilan, ito ay gaya ng pag-una sa imām. Kung nangyari ito dahil sa isang maidadahilan gaya ng pagkatulog o kapabayaan o pagmamadali ng imām, magsasagawa siya niyon at hahabol sa imām. Kung napag-iwanan siya sa isang rak`ah dahil sa isang maidadahilan, makikisunod siya sa imām sa anumang natira sa ṣalāh niya at magsasagawa siya ng naiwan matapos ng taslīm nito. Ibinibilang na sunnah para sa imām, kapag may nangyari sa isa sa mga ma'mūm na nangangailangan ng paglabas [sa ṣalāh], na magpabilis siya [ng ṣalāh]. Kinasusuklaman ang bilis na humahadlang sa isang ma'mūm sa pagsasagawa ng anumang ibinibilang na sunnah.
Ibinibilang na sunnah ang pagpapahaba ng pagbigkas sa unang rak`ah nang higit na mahaba kaysa sa ikalawa. Itinuturing na kaibig-ibig para sa imām ang maghintay sa lumalahok [sa ṣalāh] upang makaabot ito sa rak`ah kung hindi magpapahirap sa ma'mūm.
Ang pinakamarapat sa mga tao sa pamumuno [sa ṣalāh] ay ang pinakamapagbasa sa kanila ng Aklat ni Allāh. Hinggil naman sa pagpapauna ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Bakr bagaman ang iba pa sa kanya ay higit na mapagbasa kaysa sa kanya gaya nina Ubayy at Mu`ād̆, sumagot si Imām Aḥmad na iyon ay upang makaintindi sila na siya ay ang pinauuna sa pinakamalaking pamumuno. Nagsabi naman ang iba dahil nagpauna sa kanya ang [pinatutungkulan ng] sabi ng Propeta: "Mamumuno [sa dasal] sa mga tao ang pinakamapagbasa sa kanila ng Aklat ni Allāh; ngunit kung sila sa pagbabasa ay naging pantay, ang pinakamaalam sa kanila sa sunnah [ang mamumuno];..." Alam na si Abū Bakr ay pinakamapagbasa sa kanila at pinakamaalam sa kanila dahil sila ay hindi naging lumalampas sa anuman mula sa Qur'ān hanggang sa matuto sila ng mga kahulugan nito at pagsasagawa nito, gaya ng sinabi ni Ibnu Mas`ūd: "Ang lalaki kabilang sa amin, kapag natuto ng sampung talata mula sa Qur'ān, ay hindi lumalampas sa mga ito hanggang sa matuto siya ng mga kahulugan ng mga ito at pagsasagawa ng mga ito." Nagsalaysay si Imām Muslim ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy: "Mamumuno [sa dasal] sa mga tao ang pinakamapagbasa sa kanila ng Aklat ni Allāh; ngunit kung sila sa pagbabasa ay naging pantay, ang pinakamaalam sa kanila sa sunnah [ang mamumuno]; ngunit kung sila sa sunnah ay naging pantay, ang pinakauna sa kanila sa paglikas [ang mamumuno]; ngunit kung sila sa paglikas ay naging pantay, ang pinakauna sa kanila sa edad [ang mamumuno]."
Huwag ngang mamumuno [sa dasal] ang lalaki sa lalaki [na may] kapamahalaan sa kanya at huwag siyang umupo sa bahay nito sa pagpaparangal nito malibang may pahintulot nito. Nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ: "Mamumuno sa inyo [sa dasal] ang pinakamatanda sa inyo." Nasaad sa ilan sa mga pananalita ni Abū Mas`ūd: "ngunit kung sila sa paglikas ay naging pantay, ang pinakauna sa kanila sa [pagyakap sa] Islām."
Ang sinumang nagdasal dahil sa upa ay hindi pagdasalan sa likuran niya. Nagsabi si Abū Dāwud: "Tinanong si Aḥmad tungkol sa isang imām na nagsasabi: 'Mamumuno ako sa dasal sa inyo sa Ramaḍān kapalit ng ganito at ganoon.' Kaya nagsabi siya: 'Humihingi ako kay Allāh ng pangangalaga, at sino naman ang magdarasal sa likuran nito?'" Hindi magdarasal sa likuran ng isang walang-kakayahan sa pagtindig maliban sa imām ng purok, ang bawat nakatalagang imām ng isang masjid. Kapag nagkasakit siya, magdarasal sila sa likuran niyang nang nakaupo. Kung namuno sa dasal ang imām habang siya ay may ḥadat̆ o sa kanya ay may najāsah at hindi siya nakaalam [hinggil dito] kundi matapos na nakatapos ng ṣalāh, hindi uulit ang mga nasa likuran ng imām ngunit mag-uulit ang imām [ng ṣalāh] nang mag-isa dahil sa ḥadat̆. Kinasusuklaman para sa imām na mamuno sa dasal sa mga taong ang higit na marami sa kanila ay nasusuklam sa kanya nang makatwiran. Ibinibilang na tumpak ang pamumuno sa ṣalāh ng imām na nagsagawa ng tayammum sa ma'mūm na nagsagawa ng wuḍū'.
Ang sunnah ay ang pagtindig ng mga ma'mūm sa likuran ng imām batay sa ḥadīt̆ nina Jābir at Jabbār na noong tumindig silang dalawa sa kanan ng Propeta at kaliwa niya ay humawak siya sa mga kamay nilang dalawa saka nagpatayo sa kanilang dalawa sa likuran niya. Nagsalaysay nito si imām Muslim. Hinggil naman sa pamumuno sa ṣalāh ni Ibnu Mas`ūd kina `Alqamah at Al-Aswad habang siya ay nasa pagitan nilang dalawa, sumagot si Ibnu Sirīn na ang lugar ay masikip. Kung ang ma'mūm ay nag-iisa, titindig siya sa dakong kanan ng imām; at kung tumindig ang ma'mūm sa dakong kaliwa ng imām, magpapalipat ito sa kanya sa gawing kanan nito at hindi mawawalang-saysay ang takbīr ng pagpapasimula niya. Kung namuno siya sa isang lalaki at isang babae, titindig ang lalaki sa gawing kanan niya at ang babae sa likuran niya batay sa ḥadīt̆ ni Anas na isinalaysay ni Imām Muslim. Ang kalapitan ng hilera mula sa imām ay higit na mainam, gayon din ang kalapitan ng mga hilera sa isa't isa, at gayon din ang pagpapagitna ng imām sa hilera, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpagitna kayo ng imām at magpinid kayo ng mga puwang." Ibinibilang na tumpak ang pakikihilera ng isang paslit, batay sa sabi ni Anas: "Humanay ako mismo at ang isang ulila sa likuran niya samantalang ang matandang babae ay nasa likuran namin." Kung nagdasal ang mag-isa [sa likuran ng hilera], hindi ito ibinibilang na tumpak. Kung ang ma'mūm ay nakakikita sa imām o sa mga nasa likuran niyon, ibinibilang na tumpak [ang ṣalāh na] ito kahit pa hindi nagkakarugtong ang mga hilera; at gayon din kahit pa hindi nakakikita ang ma'mūm sa kanila kung naririnig naman niya ang takbīr dahil sa pagpapaposible ng pagsunod [sa imām] dahil ang pagkarinig sa takbīr gaya ng pagkasaksi. Kung sa pagitan nila ay may daanan at naputol ang mga hilera, hindi maibibilang na tumpak [ang ṣalāh]. Nag-opinyon sina Al-Muwaffaq at ang iba pa sa kanya na iyon ay hindi pumipigil sa pagsunod [sa imām] dahil sa kawalan ng teksto at pagkakaisa ng hatol.
Kinasusuklaman na ang imām ay [nasa kinatatayuang] higit na mataas kaysa sa mga ma'mūm. Nagsabi si Mas`ūd kay Ḥud̆ayfah: "Hindi ka ba nakaalam na sila ay sumasaway laban diyan?" Nagsabi naman ito: "Oo." Nagsalaysay nito si Imām As̆-S̆āfi`īy nang may kawing ng pagpapaabot ng mga mapagkakatiwalaan. Walang maitututol sa kaunting kataasan [ng kinatatayuan ng imām] gaya ng isang baytang ng pulpito batay sa ḥadīt̆ ni Sahl na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namuno sa dasal sa ibabaw ng pulpito pagkatapos bumaba siya nang paurong at nagpatirapa [sa paanan ng pulpito]. Walang maitututol sa kataasan ng [kinatatayuan ng] ma'mūm dahil si Abū Hurayrah ay nagdasal sa bubungan ng masjid sa pamumuno sa ṣalāh ng imām. Nagsalaysay nito si Imām As̆-S̆āfi`īy. Inaayawan ang kusang-loob [na ṣalāh] ng imām sa puwesto ng tungkuling ṣalāh matapos nito batay sa ḥadīt̆ na marfū` ni Al-Muğīrah na isinalaysay ni Imām Abū Dāwud subalit nagsabi si Imām Aḥmad: "Hindi ako nakaalam nito ayon sa iba pa kay `Alīy." Hindi lilisan ang ma'mūm bago ng imām, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "...huwag kayong umuna sa akin sa pagyukod ni sa pagpapatirapa ni sa paglisan." Kinasusuklaman para sa iba pa sa imām ang gumawa ng isang lugar sa masjid na hindi siya nagdarasal ng tungkuling dasal niya maliban doon, batay sa pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkahirati sa isang puwesto gaya ng pagkahirati sa isang puwesto ng kamelyo.
Nabibigyang-dahilan sa di-pagsasagawa ng ṣalāh sa jumu`ah at konggregasyon ang isang maysakit o ang isang nangangamba sa pagkawala ng ari-arian nito o anumang pinaiingatan sa kanya dahil ang pahirap na mauugnay dahil doon ay higit na marami kaysa sa pagkabasa ng mga kasuutan dahil sa ulan na isang maidadahilan batay sa pagkakasundo ng hatol. Batay ito sa sabi ni `Umar: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananawagan sa tagapanawagan niya sa gabing malamig o maulan sa paglalakbay [na nagsasabing] magdasal kayo sa mga tinutuluyan ninyo. Nagtala nito ang Dalawang Imām at batay sa kanilang dalawa ayon kay Ibnu `Abbās na ang Propeta ay nagsabi sa mu'ad̆d̆in niya sa isang araw na maulan ng isang araw ng Biyernes: "Kapag nakapagsabi ka ng: As̆hadu 'anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh), huwag kang magsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalah (Dumalo sa dasal); magsabi ka ng: Ṣallū fī buyūtikum (Magdasal kayo sa mga bahay ninyo)." [Ang tagapagsalaysay ay nagsabing:] Kaya para bang ang mga tao ay nagmasama niyon kaya nagsabi siya: "Gumawa nito ang higit na mabuti kaysa sa akin," tumutukoy siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), "at tunay na ako ay nasuklam na magpalabas sa inyo [para maglakad] sa putik at madulas." Kinasusuklaman ang pagdalo sa masjid para sa sinumang kumain ng bawang at sibuyas kahit pa man walang tao dahil nasasaktan ang mga anghel dahil doon.
Kabanata: Ang Ṣalāh ng May mga Maidadahilan
Kinakailangan na magdasal ang maysakit nang nakatayo sa [na ṣalāh] tungkulin batay sa ḥadīt̆ ni `Imrān: "Magdasal ka nang nakatayo, ngunit kung hindi mo makakaya ay [magdasal ka] nang nakaupo, ngunit kung hindi mo makakaya ay [magdasal ka nang nakahiga] sa tagiliran." Nagsalaysay nito si Imām Al-Buk̆ārīy. Nagdagdag si Imām An-Nasā'īy: "...ngunit kung hindi mo makakaya ay [magdasal ka nang] nakatihaya." Magpapahiwatig siya para sa pagyukod niya at pagpapatirapa niya sa pamamagitan ng ulo niya sa abot ng makakaya niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nag-utos ako sa inyo ng isang utos, magsagawa kayo nito ng abot ng makakaya ninyo."
Ibinibilang na tumpak ang ṣalāh na tungkulin lulan ng isang sasakyang nakatigil o gumagalaw dala ng takot sa pagkaperhuwisyo ng tubig o ulan, batay sa ḥadīt̆ ni Ya`lā bin Umayyah na isinalaysay ni Imām At-Tirmid̆īy, na nagsabi: "Ang pagsasagawa ayon dito ay ginagawa sa ganang mga may kaalaman."
Ang manlalakbay ay magpapaikli ng ṣalāh na apatang rak`ah, lalo na, at maaari siyang tumigil sa pag-aayuno sa Ramaḍān. Kung pinamumunuan siya sa ṣalāh ng sinumang inoobliga ng pagkumpleto [ng mga rak`ah], kukumpleto rin siya [ng mga rak`ah]. Kung sakaling maninirahan siya para sa pagtugon ng isang pangangailangan nang walang layunin ng paninirahan at hindi niya nalalaman kung kailan matatapos ito o napigilan siya ng ulan o karamdaman, magpapaikli siya [ng ṣalāh] palagi [hanggat nasa kalagayang ito]. Ang mga patakarang nauugnay sa paglalakbay ay apat: 1. ang pagpapaikli [ng mga ṣalāh], 2. ang pagsasama [ng mga ṣalāh], 3. ang pagpapahid [sa medyas o sapatos], at 4. ang pagtigil sa pag-aayuno.
Pinapayagan para sa manlalakbay ang pagsasama ng ḍ̆uhr at `aṣr at ng mağrib at `is̆ā sa oras ng isa sa dalawa. Ang hindi pagsasama [ng mga ṣalāh] ay higit na mainam, maliban sa mga pagsasama [ng mga ṣalāh sa ḥajj] sa `Arafah at Muzdalifah at sa maysakit na daranas ng hirap dahil sa pagsasama ng mga ito. Iyon ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsama [ng mga ṣalāh] nang hindi dahil sa pangamba ni dahil sa paglalakbay. Napagtibay ang pagsasama [ng mga ṣalāh] para sa babaing dumaranas ng pagdurugo, na isang uri ng karamdaman. Nangatwiran si Imām Aḥmad na ang karamdaman ay higit na matindi kaysa sa paglalakbay. Nagsabi siya: "Ang pagsasama [ng mga ṣalāh ay maaari] sa pagkaresidente kapag ito ay dahil sa isang pangangailangan o isang pagkaabala." Nagsabi pa siya: "Ibinilang na tumpak ang pagdarasal dahil sa pangamba buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa anim o pitong paraan, na sa kabuuan ng mga ito ay pinapayagan. Hinggil naman sa ḥadīt̆ ni Sahl, ay pipiliin ko iyon. Iyon ay ang pagdarasal [sa labanan] sa D̆āturriqā`: 'May isang pangkating humilera kasama ng Propeta at may isang pangkating nakaharap sa kaaway. Namuno siya sa ṣalāh sa [pangkating] kasama sa kanya sa isang rak`ah, pagkatapos nanatili siyang nakatayo at kumumpleto naman sila [ng ṣalāh] para sa sarili nila, pagkatapos lumisan sila at humilera sila paharap sa kaaway. Dumating naman ang iba pang pangkatin saka namuno siya sa kanila sa ṣalāh sa rak`ah na natira sa ṣalāh niya, pagkatapos nanatili siyang nakaupo at kumumpleto naman sila [ng ṣalāh] para sa sarili nila, pagkatapos nagsagawa siya ng taslīm kasama sa kanila.'" Napagkaisahan ang katumpakan nito. Maaari sa kanya na mamuno sa ṣalāh sa bawat pangkatin at magsagawa ng taslīm kasama roon. Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām Abū Dāwud, at Imām An-Nasā'īy. Itinuturing na kaibig-ibig ang magdala ng sandata sa sandaling iyon, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "...at magdala sila ng mga sandata nila..." (Qur'ān 4:102) Kung may nagsabi ng pagkakailangan nito, talagang may punto iyon batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "...Walang maisisisi sa inyo kung mayroon kayong isang kapinsalaan mula sa ulan o kayo ay mga may-sakit, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo..." (Qur'ān 4:102) Kapag tumindi ang pangamba ay magdasal sila na mga naglalakad o mga nakasakay habang mga nakaharap sa qiblah o hindi mga nakaharap doon, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Saka kung nangamba kayo ay [magdasal na] mga naglalakad o mga nakasakay,..." (Qur'ān 2:239) Magpapahiwatig sila ng pahiwatig [ng mga kilos sa ṣalāh] sa abot ng makakaya. Ang pagpapatirapa ay higit na mababa kaysa sa pagyukod. Hindi pinapayagan ang konggregasyon kapag hindi magiging posible ang pakikipagsunuran [sa imām].
Kabanata: Ang Ṣalāh sa Biyernes
Ito ay isang tungkulin ng isang individuwal para sa bawat Muslim na adulto, na nakapag-uunawa, na lalaki, na malaya, na naninirahan sa isang buong estruktura. Ang sinumang dumalo roon kabilang sa sinumang hindi kinakailangan iyon sa kanya, makatutumbas iyon sa kanya [kapalit ng ṣalāh sa ḍ̆uhr]. Kung nakaabot sa isang rak`ah ang dumadalo, kukumpletuhin niya ito bilang [ṣalāh sa] Biyernes, at kung hindi naman, kukumpletuhin niya ito bilang [ṣalāh sa] ḍ̆uhr. [Ang ṣalāh sa Biyernes na] ito ay kailangan na uunahan ng dalawang k̆uṭbah (sermon) na may pagpupuri kay Allāh, [pagsambit ng] Dalawang Pagsasaksi, at tagubilin na nagpapaantig sa mga puso. Tinatawag ito na k̆uṭbah. Magtatalumpati ang imām sa isang pulpito o isang puwestong mataas. Babati ang imām sa mga ma'mūm kapag lumabas siya at kapag humarap siya sa kanila. Pagkatapos uupo siya hanggang sa pagkatapos ng ad̆ān, batay sa ḥadīt̆ ni Ibnu `Umar na isinalaysay ni Imām Abū Dāwud. Uupo ang imām sa pagitan ng dalawang k̆uṭbah sa isang dagliang pag-upo, batay sa nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ mula sa ḥadīt̆ ni `Umar. Magtatalumpati siya nang nakatayo, batay sa ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Maglalayon siya na magharap ng mukha niya [sa mga dumadalo] at magpapaikli siya ng k̆uṭbah. Ang ṣalāh sa Biyernes ay dalawang rak`ah. Magtataas ng tinig ang imām sa dalawang [rak`ah na] ito sa pagbigkas. Bibigkas siya sa unang rak`ah ng Sūrah Al-Jumu`ah at sa ikalawang rak`ah ng Sūrah Al-Munāfiqūn, o [sa unang rak`ah] ng Sūrah Al-'A`la at [sa ikalawang rak`ah] ng Sūrah Al-Ğās̆iyah. Natumpak ang ḥadīt̆ sa lahat [ng mga ito]. Bibigkas siya sa [ṣalāh sa] fajr ng araw ng Biyernes ng Sūrah As-Sajdah at Sūrah Al-'Insān. Inaayawan ang pagpapamalagi [sa gawain] iyon. Kapag natapat ang `īd sa araw ng Biyernes, maaalis ang [tungkulin ng pagdalo sa ṣalāh sa] Biyernes sa sinumang dumalo [sa ṣalāh] sa `īd maliban sa imām sapagkat hindi maaalis ito sa kanya.
Ang sunnah matapos ng [ṣalāh sa] Biyernes ay dalawa o apat na rak`ah at walang sunnah bago nito; bagkus itinuturing na kaibig-ibig na magdasal ng kusang-loob ayon sa niloob niya. Ibinibilang na sunnah para rito ang maligo, ang [gumamit ng] siwāk, ang magpabango, ang magsuot ng pinakamaganda sa mga damit niya, at na magpakaaga habang naglalakad [sa pagpunta]. Kinakailangan ang pagdalo sa ikalawang panawagan ng may kapanatagan at kataimtiman. Magpapakalapit sa imām at magpaparami ng panalangin sa araw ng Biyernes sa pag-asa na mataon sa oras ng pagtugon, na ang pinakainaasahang oras nito ay ang oras matapos ng `aṣr kapag nakapagsagawa ng ṭahārah at naghihintay ng ṣalāh sa mağrib dahil siya [sa sandaling iyon] ay nasa ṣalāh. Magpaparami ang nagdarasal ng panalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa araw ng Biyernes at gabi nito. Kinasusuklaman na humakbang siya sa mga leeg ng mga tao maliban na makakita siya ng isang puwang na hindi siya mararating doon kundi sa pamamagitan ng paghakbang. Hindi siya magpapatayo ng iba sa kanya at uupo siya sa lugar niyon kahit pa man alipin niya o anak niya. Ang sinumang pumasok samantalang ang imām ay nagtatalumpati, hindi siya uupo hanggang sa makapagdasal siya ng dalawang rak`ah na bibilisan niya. Hindi siya magsasalita at hindi siya maglilikot samantalang ang imām ay nagtatalumpati, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang humipo ng maliliit na bato ay nakagawa nga ng walang-kabuluhan." Umayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmid̆īy. Ang sinumang inantok ay lilipat mula sa kinauupuan niya, batay sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil doon, na umayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmid̆īy.
Kabanata: Ang Ṣalāh ng Dalawang `Īd
Kapag hindi nalaman ang pagsapit ng `īd malibang matapos ng paglihis ng araw sa katanghalian, lalabas ang imām kinabukasan saka mamumuno [sa ṣalāh sa `īd] sa mga tao. Ibinibilang na sunnah ang pagmamadali [sa ṣalāh ng] `Īd ng Aḍḥā at ang pag-aantala [sa ṣalāh ng] `Īd ng Fiṭr, at ang pagkain ng gansal na bilang ng mga datiles bago ng pagpunta sa [ṣalāh ng] `Īd ng Fiṭr, samantalang hindi naman kakain sa `Īd ng Aḍḥā hanggang sa makapagdasal. Kapag pumunta siya [sa ṣalāh sa `īd] mula sa isang daan, babalik naman siya mula sa ibang daan. Ibinibilang na sunnah [ang pagsasagawa ng ṣalāh sa `īd] sa isang liwasang malapit para magdasal ng dalawang rak`ah, na magsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula, pagkatapos magsasagawa matapos nito ng anim na takbīr [sa unang rak`ah] at magsasagawa sa ikalawang rak`ah ng limang takbīr, na nag-aangat ng mga kamay sa bawat takbīr. Bibigkas ang imām sa dalawang rak`ah na ito ng Sūrah Al-'A`la at Sūrah Al-Ğās̆iyah; saka kapag natapos siya ay magtatalumpati siya. Hindi magdarasal ng kusang-loob na ṣalāh bago ng k̆uṭbah ni matapos nito sa puwesto nito. Ibinibilang na sunnah ang [pagsambit ng] takbīr sa dalawang `īd, ang paghahayag ng pagbigkas nito sa mga masjid at mga daan, at ang pagtataas ng tinig sa pagbigkas nito ng mga naninirahan sa mga nayon at mga bayan. Binibigyang-diin [ang pagsasagawa nito] sa gabi ng dalawang `īd at sa pagpunta roon. Sa `Īd ng Aḍḥā, pinasisimulan ang walang-takdang takbīr mula sa pagsisimula ng ika-10 ng D̆ulḥijjah at ang tinakdaang takbīr naman mula sa ṣalāh ng fajr sa Araw ng `Arafah hanggang sa `aṣr ng kahuli-hulihan sa mga araw ng Tas̆rīq. Ibinibilang na sunnah ang pagsisipag sa maayos na gawain sa sampung araw na ito.
Kabanata: Ang Ṣalāh ng Eklipse
Ang oras nito ay mula ng pagsapit ng eklipse hanggang sa pagliliwanag. Ito ay sunnah na binibigyang-diin sa pagkaresidente at sa paglalakbay pati sa mga babae. Ibinibilang na sunnah ang pagsambit ng pag-aalaala kay Allāh, ang pagdalangin, ang paghingi ng tawad, ang pagpapalaya ng alipin, at ang pagkakawanggawa. Hindi inuulit ito kung dinasal na ito at hindi pa nagliwanag. Bagkus sasambit sila ng pag-aalaala kay Allāh at hihingi sila ng tawad sa Kanya hanggang sa magliwanag. Mananawagan para rito ng: "Aṣṣalātu jāmi`ah (Ang pagdarasal ay magtitipon)." Magdarasal ng dalawang rak`ah at magtataas ng tinig ang imām sa pagbigkas at magpapahaba ng pagbigkas [ng Qur'ān], pagyukod, at pagpapatirapa. Ang bawat rak`ah ay may dalawang pagyukod subalit ang pagyukod sa ikalawang rak`ah ay magiging maikli kaysa sa unang rak`ah. Pagkatapos magsasagawa ng taṣahhud at magsasagawa ng taslīm. Kung nagliwanag na sa [sandali ng ṣalāh na] ito, kukumpletuhin ito nang mabilisan, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "...magdasal kayo at dumalangin kayo hanggang sa mapawi ang [eklipse] sa inyo."
Kabanata: Ang Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan
Ito ay sunnah na binibigyang-diin sa pagkaresidente at sa paglalakbay. Ang pamamaraan nito ay ang pamamaraan ng ṣalāh sa `īd. Ibinibilang na sunnah ang pagsasagawa nito sa unang bahagi ng maghapon. Lalabas ang imām na nagpapakataimtim na nagpapakaaba na nagsusumamo – batay sa ḥadīt̆ ni Ibnu `Abbās, na sumang-ayon si Imām At-Tirmid̆īy sa katumpakan nito – para mamuno siya sa ṣalāh sa kanila. Pagkatapos magtatalumpati siya ng iisang talumpati, magpapadalas siya rito ng paghingi ng tawad, dadalangin siya, mag-aangat siya ng mga kamay niya, magpapadalas siya ng pag-angat, at magsasabi: "Allāhumma asqinā ğayt̆am muğīt̆am [hanī'am] marī'am marī`an [ğadaqam mujallilan saḥḥan `āmman ṭabaqan dā'iman] nāfi`an ğayra ḍārrin `ājilan ğayra ājil. (O Allāh, magpatubig Ka sa amin ng isang ulan na sumasaklolo [na kaiga-igaya] na kasiya-siya na mabunga [na masagana na sumasaklaw na malakas na panlahat na panaklob na matagalan] na nagpapakinabang na hindi nakapipinsala, nang madalian hindi matagalan.)" "Allāhumma 'asqi `ibādaka wa-bahā'imaka, wans̆ur raḥmataka, wa-'aḥyi baladaka –lmayyit; Allāhumma 'asqina –lğayt̆a wa-lā taj`alnā mina –lqāniṭīn; Allāhumma suqyā raḥmatin lā suqyā `ad̆ābin wa-lā balā'in wa-lā hadamin wa-lā ğaraq. (O Allāh, magpatubig Ka sa mga alipin Mo at mga hayop Mo, magpalaganap Ka ng awa Mo, at magbigay-buhay ka sa bayan Mong patay. O Allāh, magpatubig Ka sa amin ng ulan at huwag kang gumawa sa amin kabilang sa mga nasisiraan ng loob; o Allāh [magbigay Ka] ng patubig ng awa hindi patubig ng pagdurusa ni pagsubok ni pagkawasak ni pagkalunod.)" "Allāhumma 'inna bi-l`ibādi wa-lbilādi mina –ll'awā'i wa-ljuhdi wa-ḍanki mā lā nas̆kūhu 'illā bik. (O Allāh, sa mga tao at mga bayan ay may mga kagipitan, paghihirap, at kahikahusan na hindi kami naghihinaing nito maliban sa Iyo.)" "Allāhumma 'anbit lanā –zzar`a wa-'adirra lanā –ḍḍar`a wa-'asqinā mim barakāti –ssamā'i wa-'anzil `alaynā mim barakātik; Allāhumma, 'innā nastağfiruka: 'innaka kunta ğaffāran fa-'arsil –ssmā'a `alaynā midrārā. (O Allāh, magpatubo Ka para sa amin ng pananim, magpagatas ka para sa amin ng utong [ng hayupan], magpatubig Ka sa amin mula sa mga pagpapala ng langit, magpababa Ka sa amin mula sa mga pagpapala Mo. O Allāh, tunay na kami ay humihingi ng tawad sa Iyo; tunay na Ikaw ay laging Palapatawad kaya magsugo Ka sa langit sa ibabaw namin ng masaganang ulan.)" Itinuturing na kaibig-ibig na humarap ang imām sa qiblah sa sandali ng k̆uṭbah, pagkatapos magbabaliktad siya ng balabal niya kaya maglalagay siya ng nasa kanan sa kaliwa at ng baliktad nito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbaling sa mga tao ng likod niya at humarap siya sa qiblah, pagkatapos nagbaliktad siya ng balabal niya. Napagkaisahan sa katumpakan ito. Dadalangin siya nang tahimik sa sandali ng pagkaharap sa qiblah. Kung humiling sila ng ulan matapos kaagad ng ṣalāh nila o ng k̆uṭbah ng Biyernes, umayon sila sa sunnah. Itinuturing na kaibig-ibig na tumindig siya sa simula ng ulan, maglabas ng gamit niya at mga damit niya upang tumama sa mga ito ang ulan, pumunta sa lambak kapag dumaloy, magsagawa ng wuḍū', at magsabi kapag nakakita ng ulan: "Allāhumma ṣayyiban nāfi`ā. (O Allāh, [gawin Mo ito na] isang ulan na nagpapakinabang.)" Kapag lumabis ang tubig at pinangambahan ang dami ng ulan, itinuturing na kaibig-ibig na magsabi: "Allāhumma ḥawālaynā wa-lā `alaynā; Allāhumma `ala –ḍ̆ḍ̆irābi wa-l'ākāmi wa-buṭūni –l'awdiyati wa-manābiti –s̆s̆ajar. (O Allāh, [magpaulan Ka] sa mga palibot namin hindi laban sa amin; O Allāh sa mga burol, mga talampas, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng mga punong-kahoy.)" Dadalangin sa sandali ng pagbaba ng ulan at magsasabi: "Muṭirnā bi-faḍli –llāhi wa-raḥmatih. (Inulan tayo dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya.)" Kapag naman nakakita ng ulap o may umihip na hangin, hihingi kay Allāh mula sa kabutihan Niya at hihiling ng pagkukupkop laban sa kasamaan niyon. Hindi pinapayagan ang pag-alipusta sa hangin; bagkus magsasabi ng: "Allāhumma, 'innī as'aluka min k̆ayri hād̆ihi –rrīhi wa-k̆ayri mā fīhā wa-k̆ayri mā 'ursilat bih, wa-'a`ūd̆u bika min s̆arrihā wa-s̆arri mā fīhā wa s̆arri mā 'ursilat bih; Allāhumma –j`alhā raḥmatan wa-lā taj`alhā `ad̆ābā, Allāhumma –j`alhā riyāḥan wa-lā taj`alhā rīḥā. (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan niyon, kabutihan ng nasa loob niyon, at kabutihan ng anumang ipinadala kalakip niyon; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan niyon, sa kasamaan ng nasa loob niyon, at sa kasamaan ng anumang ipinadala kalakip niyon. O Allāh, gawin Mo iyon bilang awa at huwag Mong gawin iyon bilang pagdurusa; O Allāh, gawin Mo iyon bilang mga [mabuting] hangin at huwag Mong gawin bilang isang [masamang] hangin.)" Kapag nakarinig ng tunog ng kulog at mga lintik ay magsasabi ng: "Allāhumma lā taqtulnā bi-ğaḍabika wa-lā tuhliknā bi-`ad̆abika wa-`āfinā qabla d̆ālik; Subḥāna –llad̆ī yusabbiḥu –rra`du bi-ḥamdihi wa-lmalā'ikatu min k̆īfatihi. (O Allāh, huwag Mo kaming patayin sa pamamagitan ng galit Mo, huwag Mo kaming ipasawi sa pamamagitan ng pagdurusang dulot Mo, at pangalagaan Mo kami bago [mangyari] iyon. Kaluwalhatian sa Kanya na niluluwalhati ng kulog kalakip ng papuri sa Kanya at ng mga anghel dahil sa pangamba sa Kanya.)" Kapag nakarinig ng ungal ng isang asno o kahol ng isang aso, hihiling ng pagkukupkop ni Allāh laban sa demonyo; at kapag nakarinig naman ng tilaok ng isang tandang, hihingi kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya.
Kabanata: Ang mga Paglilibing
Pinapayagan ang pagpapagamot ayon sa pagkakasundo ng hatol at hindi ito nagkakaila ng pananalig [kay Allāh]. Kinasusuklaman ang Kayy (panggagamot sa pamamagitan ng pagpaso) at itinuturing na kaibig-ibig ang ḥimyah(panggagamot sa pamamagitan ng pagkontrol ng pagkain). Ipinagbabawal ang panggagamot sa pamamagitan ng isang bagay na ipinagbabawal, pagkain man o inumin o tunog ng isang nagpapalibang, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpagamot sa pamamagitan ng isang ipinagbabawal." Ipinagbabawal ang anting-anting. Ito ay isang mutya o isang butil na isinasabit. Ibinibilang na sunnah ang pagpapadalas ng pag-aalaala sa kamatayan, ang paghahanda para rito, at ang pagdalaw sa maysakit. Walang maitututol na magpabatid ang maysakit ng nararamdaman niya nang walang paghihinaing matapos na magpuri siya kay Allāh. Kinakailangan ang pagtitiis. Ang pagdaing kay Allāh ay hindi sumasalungat doon; bagkus ito ay hinihiling. Magpapaganda ng palagay kay Allāh bilang tungkulin at hindi magmimithi ng kamatayan dahil sa kapinsalaang dumapo. Dadalangin ang dumadalaw para sa maysakit ng paggaling. Kapag naman paparating sa kanya [ang kamatayan], itinuturing na kaibig-ibig na magpabigkas sa kanya ng: "Lā 'ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ihaharap siya sa qiblah. Kapag namatay siya, papipikitin ang mga mata niya. Walang sasabihin sa pamilya niya kundi ang magandang pananalita dahil ang mga anghel ay magsasabi ng āmīn sa sasabihin nila. Tatakpan siya ng isang tela. Magmamadali sa pagbayad sa utang niya at pagpapawala ng pananagutan niya gaya ng panata at panakip-sala, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kaluluwa ng mananampalataya ay nakabitin sa utang niya hanggang pagbayaran ito para sa kanya." Sumang-ayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmid̆īy. Ibinibilang na sunnah ang pagmamadali sa paghahanda ng bangkay niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nararapat para sa bangkay ng isang Muslim na maratay [nang matagal] sa piling ng mag-anak niya." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Kinasusuklaman ang obitwaryo, ang panawagan hinggil sa kamatayan niya.
Ang pagpaligo sa patay, ang pagdarasal para sa kanya, ang pagdala sa kanya, ang pagbabalot sa kanya, at ang paglilibing sa kanya nang nakaharap sa qiblah ay isang tungkulin ng komunidad. Kinasusuklaman ang pagtanggap ng upa sa anuman doon at ang pagdala sa patay sa hindi bayan niya nang walang isang pangangailangan. Ibinibilang na sunnah para sa tagapagpaligo [ng patay] na magsimula [sa paghugas ng patay] sa mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' at sa kanang bahagi. Maghuhugas siya sa patay nang tatlo o limang ulit. Makasasapat din naman ang isang ulit. Kapag ipinanganak ang nalaglag na fetus nang may edad na higit sa apat na buwan, huhugasan ito at dadasalan ito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang nalaglag na fetus ay dadasalan at mananalangin para sa mga magulang nito ng kapatawaran at awa." Sumang-ayon si Imām At-Tirmid̆īy sa katumpakan nito at ang pananalita niya ay: "Ang bata ay dadasalan." Ang patay na naging imposible ang pagpapaligo sa kanya dahil sa kawalan ng tubig o iba pang dahilan ay pagsasagawaan ng tayammum. Ang kinakailangan sa pagbalot sa kanya ay isang telang magtatakip sa buong katawan niya; ngunit kung hindi nakatagpo ng maipantatakip sa kanya, tatakpan [una sa lahat] ang `awrah niya, pagkatapos ang kasunod nito at maglalagay sa natitirang bahagi ng katawan niya ng damo o dahon. Tatayo ang imām sa pagdarasal para sa patay sa tabi ng dibdib ng isang lalaki at sa kalagitnaan ng isang babae. Magsasagawa ng takbīr ang imām saka bibigkas ng Al-Fātiḥah, pagkatapos magsasagawa siya ng takbīr saka mananalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos magsasagawa siya ng takbīr at mananalangin para sa patay, pagkatapos magsasagawa siya ng takbīr at titigil matapos nito nang kaunti, pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm nang isang beses sa dakong kanan niya. Mag-aangat siya ng mga kamay niya sa bawat pagsambit ng takbīr at titigil siya sa puwesto niya hanggang sa maiangat ang mga ito. Naisalaysay iyon ayon kay `Umar. Itinuturing na kaibig-ibig para sa sinumang hindi nakapagdasal para sa patay na magdasal para sa kanya, kapag naihimlay siya o matapos ng paglilibing sa kanya sa libingan, kahit pa sa isang konggregasyon hanggang sa isang buwan mula ng paglibing sa kanya. Walang maitututol sa paglilibing sa gabi at kinasusuklaman ito sa sandali ng pagsikat ng araw, paglubog nito, at paggitna nito [sa tanghaling-tapat]. Ibinibilang na sunnah ang pagpapabilis ng paglilibing nang walang pagmamadali. Inaayawan ang pag-upo ng sinumang nakilibing sa patay hanggang sa maihimlay ito sa lupa para sa libing. Ang nakikilibing sa patay ay magpapakataimtim na nag-iisip-isip sa kauuwian niya. Inaayawan ang pagngiti at ang pagsasalita kaugnay sa makamundong bagay. Itinuturing na kaibig-ibig na ipasok ang patay sa libingan niya mula sa mga paa niya kung ito ay magiging higit na madali. Kinasusuklaman na takpan ang libingan ng isang lalaki. Hindi kinasusuklaman para sa lalaki na maglibing ng isang babae habang may maḥram ito. Ang laḥd (hukay sa gilid ng hukay) ay higit na mainam kaysa sa s̆aqq (mismong hukay). Ibinibilang na sunnah ang pagpapalalim nito at ang pagpapaluwang nito. Kinasusuklaman ang paglibing ng patay sa loob ng isang kabaong. Magsasabi sa sandali ng paghihimlay sa kanya: "Bismi –llāhi wa-`alā millati rasūli –llāh. (Sa ngalan ni Allāh at ayon sa kapaniwalaan ng Sugo ni Allāh.)" Itinuturing na kaibig-ibig ang pagdalangin sa tabi ng libingan matapos ng paglilibing habang nakatindig sa tabi nito. Itinuturing na kaibig-ibig para sa sinumang dumalo na maglagay sa patay mula sa dako ng ulo nito ng tatlong dakot na lupa.
Itinuturing na kaibig-ibig ang mag-angat ng puntod nang isang dangkal at kinasusuklaman ang higit pa riyan, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy: "Huwag kang mag-iiwan ng isang estatwa malibang pinawi mo ito ni ng isang libingang pinataas malibang pinatag mo ito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Wiwisikan ng tubig ang libingan at maglalagay sa ibabaw nito ng graba na mangangalaga sa lupa nito. Walang maitututol sa paglalagay ng palatandaan dito sa pamamagitan ng isang bato at tulad nito upang makilala ito, batay sa naisalaysay kaugnay sa libingan ni `Ut̆mān bin Maḍ̆`ūn. Hindi pinapayagan ang pagpapalitada dito ni ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw nito. Kinakailangan ang pagwasak sa estruktura sa ibabaw nito. Hindi magdaragdag sa lupa ng libingan mula sa ibang lupa, batay sa pagsaway laban doon. Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Hindi pinapayagan ang paghalik dito, ang paglalagay ng asapran dito, at ang pag-iinsenso rito, ni ang pag-upo sa ibabaw nito ni ang paghakbang sa ibabaw nito at gayon din [ang paghakbang] sa pagitan ng mga libingan, ni ang pagpapagaling sa pamamagitan ng lupa nito. Ipinagbabawal ang pag-iilaw rito at ang paggawa ng masjid sa ibabaw nito at kinakailangan ang pagwasak niyon. Hindi maglalakad nang nakasuot ng sapatos sa sementeryo, batay sa ḥadīt̆. Nagsabi nito si Imām Aḥmad at ang kawing ng pagpapaabot nito ay mahusay.
Ibinibilang na sunnah ang pagdalaw sa mga libingan nang walang paglalakbay, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi inihahanda ang mga sasakyang hayop malibang papunta sa tatlong [dakilang] masjid." Hindi ito pinapayagan para sa mga babae, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ni Allāh ang mga babaing tagadalaw sa mga libingan at ang mga gumagawa sa ibabaw ng mga ito ng mga masjid at mga ilaw." Nagsalaysay nito ang mga May Sunnah. Kinasusuklaman ang pagpupunas-punas sa libingan, ang pagdarasal sa tabi niyon, at ang pagsasadya roon alang-alang sa pagdalangin sapagkat ito ay kabilang sa mga minamasama; bagkus kabilang sa mga sangay ng S̆irk. Magsasabi ang tagadalaw at ang dumaraan sa libingan: "Assalāmu `alaykum 'ahla dāra qawmim mu'minīn, wa-'innā 'in s̆ā'a –llāhu bikum lāḥiqūn; yarḥamu –lmustaqdimīna minnā walmusta'k̆irīn, nas'alu –llāha lanā wa lakumu -l`āfiyah; Allāhumma lā taḥrimnā 'ajrahum, wa-lā taftinnnā ba`dahum, wa-ğfir lanā wa-lahum. (Ang kapayapaan ay sumainyo, tahanan ng mga taong mananampalataya. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay mga susunod. Maawa nawa Siya sa mga nauna kabilang sa amin at mga mahuhuli. Humihiling kami kay Allāh para sa amin at para sa inyo ng pangangalaga. O Allāh, huwag Kang magkait sa amin ng [tulad sa] pabuya nila, huwag Kang tumukso sa amin matapos nila, at magpatawad Ka sa amin at sa kanila.)"
Makapipili sa pagitan ng pagsabi ng: "assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo) at "salāmun `alaykum (kapayapaan ay sumainyo) sa pagbati sa taong buhay. Ang pagpapasimula nito ay sunnah at ang pagtugon doon ay kinakailangan. Kung sakaling bumati sa isang tao, pagkatapos nakatagpo siya sa ikalawang pagkakataon at ikatlong pagkakataon o higit pa, babati [pa rin] sa kanya. Hindi pinapayagan ang pagyukod sa pagbati. Hindi babati sa isang babaing hindi kaanu-ano maliban sa isang matandang babaing hindi mapagnanasaan. Babati sa sandali ng paglisan. Kapag pumasok siya sa mag-anak niya ay babati siya at magsasabi: "Allāhumma, 'innī 'as'aluka k̆ayra –lmawliji wa-k̆ayra –lmak̆raji; bismi –llāhi walajnā wa-bismi –llāhi k̆arajnā wa-`ala –llāhi tawakkalnā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa iyo ng pinakamabuting lagusan at pinakamabuting labasan. Sa ngalan ni Allāh, lumagos kami at sa ngalan ni Allāh lumabas kami at kay Allāh nanalig kami.)" Ibinibilang na sunnah ang pagkikipagkamayan, batay sa ḥadīt̆ ni Anas. Hindi pinapayagan ang pakikipagkamayan [ng lalaki] sa babae. Babati sa mga paslit. [Unang] babati ang bata, ang kaunti, ang naglalakad, at ang nakasakay sa kabaliktaran nila. Kung may taong nagpaabot sa kanya ng pagbati ng ibang tao, itinuturing na kaibig-ibig para sa kanya na magsabi ng: "`Alayka wa-`alayhi –ssalām. (Sumaiyo at sumakanya ang kapayapaan.)"
Itinuturing na kaibig-ibig para sa bawat isa sa mga nagkikita na magsigasig sa pagpapasimula sa pagbati at hindi ito lalabis sa pagsabi niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa ni Allāh, at ang biyaya Niya)." Kapag humikab ang tao ay magpipigil siya sa abot ng makakaya [na ngumanga] ngunit kung nanaig ito sa kanya ay magtatakip siya ng bibig niya. Kapag bumahin siya ay magtatakip siya ng mukha niya, magbababa siya ng tinig niya, at magpupuri siya kay Allāh (napakataas Siya) nang hayagan kung saan makaririnig ang katabi niya. Magsasabi naman ang nakaririnig sa kanya ng: "Yarḥamuka –llāh. (Maawa nawa sa iyo si Allāh.)" Tutugon naman sa kanya ang bumahin sa pamamagitan ng pagsabi nito ng: "Yahdīkumu –llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Pumatnubay nawa sa inyo si Allāh at magsaayos nawa Siya ng lagay ninyo." Hindi dinadalanginan ng patnubay ang sinumang hindi nagpuri kay Allāh [kapag bumahin]. Kung bumahin siya sa ikalawa o ikatlong pagkakataon, dadalanginan siya ng patnubay at matapos nito ay dadalangin para sa kanya ng kagalingan.
Kinakailangan ang pagpapaalam sa sinumang nagnanais pumasok sa kinaroroonan ng isang kaanak o isang di-kaanu-ano. Kung nagpahintulot ito sa kanya, [papasok siya]; at kung hindi naman, uuwi siya. Ang pagpapaalam ay tatlong ulit, na hindi lalabis pa roon. Ang pamamaraan ng pagpapaalam ay ang pagsabi ng: "Assalāmu `alaykum; makapapasok ba ako?" Uupo siya kung saan siya humantong sa sala. Hindi siya magpapahiwalay sa magkatabi malibang may pahintulot nilang dalawa.
Itinuturing na kaibig-ibig ang pakikiramay sa nagdadalamhati dahil sa patay. Kinasusuklaman ang pananatili para rito. Walang pagtatakda sa anumang sasabihin ng nakikiramay; bagkus hihimukin niya ang namatayan sa pagtitiis at pangangakuan niya ito ng pabuya [mula kay Allāh]. Dadalangin siya para sa patay. Magsasabi naman ang nagdadalamhati: "Alḥamdu lillāhi rabbi –l`ālamīn; 'inna lillāhi wa-'innā 'ilayhi rāji`ūn; Allāhumma –jurnī fī muṣībatī wa-k̆luf lī k̆ayram minhā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay sa Kanya magbabalik. O Allāh, magpabuya Ka sa akin sa kasawian ko at mag-iwan Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa rito.)" Kung magdarasal siya bilang pagsasagawa sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal," ito ay maganda, na ginawa din ni Ibnu `Abbās. Ang pagtitiis ay kinakailangan. Hindi kinasusuklaman ang pag-iyak sa patay. Ipinagbabawal ang pananaghoy. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay walang-kaugnayan sa babaing tumitili, babaing umaahit, at babaing pumupunit. Ang babaing tumitili ay ang nagtataas ng tinig niya sa sandali ng kasawian. Ang babaing umaahit ay ang umaahit ng buhok niya. Ang babaing pumupunit ay ang pumupunit ng damit niya. Ipinagbabawal ang paglalantad ng pagkaligalig.
Ang Aklat ng Zakāh
Kinakailangan ang zakāh sa hayop ng mga hayupan, tumutubo mula sa lupa, ginto at pilak, mga paninda ng pangangalakal ayon sa limang kundisyon: 1. ang Islām, 2. ang kalayaan, 3. ang pagmamay-ari ng niṣāb, 4. ang kalubusan ng pagmamay-ari, at 5. ang [paglipas ng isang] taon [sa pag-aari]. [Ang niṣāb ay ang minimum na bilang o halaga para mapatawan ng zakāh.] Kinakailangan ito sa ari-arian ng bata at baliw. Naisalaysay ito ayon kina `Umar, Ibnu `Abbās, at iba pa sa kanilang dalawa at walang nakikilalang tagasalungat sa kanilang dalawa. Kinakailangan ito sa anumang lumabis sa niṣāb ayon sa pagtutuos maliban sa mga hayop na ipinapastol sapagkat walang zakāh sa waqaṣ nito. [Ang waqaṣ ay ang bilang na lumabis sa bilang ng naunang niṣāb bago ng kasunod na niṣāb.] Walang zakāh sa ipinagkaloob na kawanggawa sa isang hindi natukoy gaya ng mga masjid. Kinakailangan ito sa produkto ng lupang ipinagkaloob na kawanggawa sa isang natukoy na tao. [Kinakailangan ito sa] sinumang may masisingil sa isang makapagbabayad, gaya ng isang pautang at isang dote, na nalipasan ng isang taon ng zakāh mula sa panahon ng pagmamay-ari nito at magbibigay siya ng zakāh ukol dito kapag nakasingil siya nito o ng bahagi nito. Ito ay ang hayag sa pagkakaisa ng hatol ng mga Kasamahan, kahit pa hindi umabot ang nasingil sa niṣāb. Maaari ang pagbibigay ng zakāh bago ng pagkasingil ng pautang dahil sa pag-iral ng kadahilanan ng pagkaobliga [ng pagbayad] subalit ang pagpapaliban nito hanggang sa pagkasingil ay isang permiso kaya hindi gaya ng pagmamadali sa zakāh. Kahit pa man nasa kamay niya ang ilan sa niṣāb at ang natitira ay pautang o nawala, magbibigay siya ng zakāh ukol sa anumang nasa kamay niya. Kinakailangan din ang zakāh sa isang pautang sa hindi makapagbabayad, isang [ari-ariang] kinamkam,at isang ikinakailang pautang kapag nabawi ito. Naisalaysay ito ayon kina `Alīy at Ibnu `Abbās para sa pangkalahatan. Kapag nagkamit ng yaman, walang zakāh dito hanggang sa umabot dito ang isang taon maliban sa supling ng mga hayop na ipinapastol at tubo ng pangangalakal. Batay ito sa sabi ni `Umar: "Bumilang ka sa kanila ng mga anak ng tupa at huwag kang kumuha ng mga ito mula sa kanila." Nagsalaysay nito si Imām Mālik. Batay rin ito sa sabi ni `Alīy at walang nakikilalang tagasalungat sa kanilang dalawa mula sa mga Kasamahan. Idadagdag ang nakamit sa anumang nasa kamay niya kung ito ay naging may niṣāb na kauri niyon o napaloloob sa patakaran niyon gaya ng pilak kasama ng ginto; ngunit kung ito ay hindi kabilang sa uri ng niṣāb ni napaloloob sa patakaran niyon, mayroon itong patakarang laan dito.
Kabanata: Ang Zakāh ng Hayop ng mga Hayupan
Hindi kinakailangan ang zakāh maliban sa mga hayop na ipinapastol. Ang mga ito ay ang nanginginain [sa pastulan] sa higit na maraming araw ng isang taon. Kaya kung sakaling binilihan ang mga ito o tinipunan ang mga ito ng kinakain ng mga ito, walang zakāh sa mga ito. Ang mga ito ay tatlong uri:
Una. Ang mga kamelyo. Walang zakāh sa mga ito hanggang sa umabot ang mga ito sa 5 sapagkat sa mga ito ay may [zakāh na] 1 s̆āh (isang taong gulang na tupa). Sa 10 ay may [zakāh na] 2 s̆āh. Sa 15 ay may [zakāh na] 3 s̆āh. Sa 20 ay may [zakāh na] 4 s̆āh. Ito ay ayon sa pagkakaisa ng hatol kaugnay roon sa kabuuan niyon. Kapag naman umabot sa 25, sa mga ito ay may [zakāh na] 1 bint mak̆āḍ, na isang taong gulang na babaing kamelyo; ngunit kung nawalan ng bint mak̆āḍ, makatutumbas dito ang ibnu labūn, na dalawang taong gulang na lalaking kamelyo. Sa 36 ay may [zakāh na] 1 bint labūn (dalawang taong gulang na babaing kamelyo). Sa 46 ay may [zakāh na] 1 ḥiqqah (tatlong taong gulang na babaing kamelyo). Sa 61 ay may [zakāh na] 1 jad̆`ah (apat na taong gulang na babaing kamelyo). Sa 76 ay may [zakāh na] 2 bint labūn. Sa 91 ay may [zakāh na] 2 ḥiqqah. Sa 121 ay may [zakāh na] 3 bint labūn. Pagkatapos mamamalagi ang pagtatakda: sa bawat [karagdagang] 40 ay may [zakāh na] 1 bint labūn o sa bawat [karagdagang] 50 ay may [zakāh na] 1 ḥiqqah. Kaya kapag umabot sa 200, magkakaisa ang dalawang pagtatakda, na kung loloobin ay makapagbibigay ng zakāh na 4 ḥiqqah o kung loloobin ay zakāh na 5 bint labūn.
Ikalawa. Ang mga baka. Walang zakāh sa mga ito hanggang sa umabot ang mga ito sa 30 sapagkat sa mga ito ay may [zakāh na] 1 tabī` (lalaking guya) o 1 tabī`ah (babaing guya), na bawat isa ay isang taong gulang. Sa 40 ay may [zakāh na] 1 musinnah, na dalawang taong gulang na baka. Sa 60 ay may [zakāh na] 2 tabī`. Pagkatapos sa bawat [karagdagang] 30 ay may [zakāh na] 1 tabī` o sa bawat [karagdagang] 40 ay may [zakāh na] 1 musinnah.
Ikatlo. Ang mga tupa. Walang zakāh sa mga ito hanggang sa umabot ang mga ito sa 40. Sa 40 ay may [zakāh na] 1 s̆āh hanggang sa 120, saka kapag nadagdagan ang mga ito ng isa [para maging 121] ay may [zakāh na] 2 s̆āh hanggang sa 200, saka kung nadagdagan ang mga ito ng isa [para maging 201] ay may [zakāh na] 3 s̆āh
hanggang sa 300. Pagkatapos sa bawat karagdagang 100 ay may [zakāh na] 1 s̆āh. Hindi kinukunan [ng zakāh] ang lalaking kambing ni ang matandang tupa ni ang may kapansanan. Hindi kinukunan [ng zakāh] ang inahin na may anak na pinasususo ni ang buntis ni ang mataba ni ang mga pili sa mga alagang hayop, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "subalit [magbibigay] mula sa katamtaman sa mga ari-arian ninyo sapagkat tunay na si Allāh ay hindi humiling sa inyo ng pinakamabuti sa mga ito at hindi nag-utos sa inyo [na magbigay] ng pinakamasama sa mga ito." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Ang paghahalo sa mga hayupan [ng dalawang tao] ay magiging gaya ng iisang ari-arian ang dalawang ari-arian.
Kabanata: Ang Zakāh ng Tumutubo Mula sa Lupa
Kinakailangan ang zakāh sa bawat natatakal na naiimbak na makakain at iba pa rito ayon sa dalawang kundisyon: 1. Ang pagkaabot sa niṣāb, na 5 wasq. Ang isang wasq ay 60 ṣā`. Idadagdag ang ani ng isang taon sa kauri ng isa't isa sa pagbuo ng niṣāb. 2. Na ang niṣāb ay minamay-ari sa oras ng pag-oobliga kaya hindi kinakailangan sa anumang kikitain ng namumulot, o ipagkakaloob sa kanya, o tatangapin niyang upa sa pag-aani niya. Kinakailangan bilang zakāh ang 10% sa may patubig na walang gastusin, ang 5% may patubig na may gastusin, at ang 7.5% sa may patubig na walang gastusin sa kalahati ng taon at may patubig na may gastusin sa kalahati ng taon. Kung nagkaibahan ang proporsiyon ng dalawang uri ng patubig, ang zakāh ay batay sa higit sa dalawang uri sa pakinabang at 10% naman kung hindi nalaman ito. Kinakailangan ang pagbibigay ng zakāh ng butil kapag nadalisay at ng bunga kapag natuyo. Hindi natutumpak ang pagbili ng zakāh niya ni ng kawanggawa niya; ngunit kung bumalik ito sa kanya dahil sa pagmamana, ipinahihintulot ito. Magpapadala ang pinuno ng isang tagapagtaya [ng mga bunga] at makasasapat ang isa. Mag-iiwan ang tagapagtaya nito ng sasapat sa may-ari at mag-anak nito; ngunit kung hindi siya nag-iwan, maaari sa may-ari ng pananim na kunin ito. Kinasuklaman ni Imām Aḥmad ang pag-ani at ang pagpitas sa gabi. Hindi nauulit-ulit ang zakāh sa mga aning nakaltasan ng ikapu bilang zakāh kahit pa man nanatili ang mga ito ng ilang taon hanggat ang mga ito ay hindi naging para sa pangangalakal, ngunit mapapatawan ang mga ito [ng zakāh kung naging kalakal].
Kabanata: Ang Zakāh ng Dalawang Salapi
Ang niṣāb ng ginto ay 20 mit̆qāl at ang niṣāb ng pilak ay 200 dirham. Ang zakāh dito ay 2.5%. Maidadagdag ang isa't isa sa dalawang ito sa pagbuo ng niṣāb. Maidadagdag ang halaga ng mga paninda sa bawat isa sa dalawang ito. Walang zakāh sa isang pinahihintulutang alahas; ngunit kung inilaan ito para sa pangangalakal, ipapataw rito ang zakāh. Pinahihintulutan sa lalaki na yari mula sa pilak ang singsing. Ito, [kapag nakasuot] sa hinsisingsing ng kaliwang kamay, ay higit na mainam. Sumang-ayon si Imām Aḥmad sa kahinaan [ng ḥadīt̆] kaugnay sa pagsisingsing sa kanang kamay. Kinasusuklaman para sa isang lalaki at isang babae ang isang singsing na bakal o bronse o tanso. May teksto rito. Pinahihintulutan na yari mula sa pilak ang pomo ng tabak at ang palamuti ng sinturon dahil ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay nagkaroon ng mga sinturon na napapalamutian ng pilak. Pinahihintulutan para sa mga babae na yari mula sa ginto at pilak ang nakahiratian sa kaugalian nila sa pagsusuot nito. Ipinagbabawal ang pagpapakawangis ng lalaki sa babae at ang kabaliktaran nito sa kasuutan at iba pa rito.
Kabanata: Ang Zakāh ng mga Paninda
Kinakailangan ang zakāh sa mga ito kapag umabot ang halaga ng mga ito sa niṣāb kapag ang mga ito ay ikinakalakal. Walang zakāh sa anumang inilaan para sa pagpapaupa gaya ng real estate, hayop, at iba pa rito.
Kabanata: Ang Zakāh ng Fitr [Pagtigil-ayuno]
Ito ay isang pagdadalisay para sa nag-aayuno laban sa walang-kabuluhang pananalita at kahalayan. Ito ay isang tungkulin ng isang indibiduwal para sa bawat Muslim kapag may lumabis sa taglay niya na makakain niya at makakain ng mag-anak niya sa araw ng `īd at gabi nito. [Nagbibigay ng] isang ṣā` alang-alang sa kanya at [isang ṣā`] alang-alang sa sinumang sinusustentuhan niya kabilang sa mga Muslim. Hindi nag-oobliga ito sa kanya alang-alang sa manggagawa niya. Kung hindi siya nakahanap ng maibibigay alang-alang sa lahat, magsisimula siya sa sarili niya, pagkatapos sa pinakamalapit saka sa higit na malapit. Hindi ito kinakailangan alang-alang sa fetus ayon sa pagkakaisa ng hatol. Ang sinumang nagkaloob ng sustento sa isang Muslim sa buwan ng Ramaḍān ay naoobliga na magbigay ng zakāh ng pagtigil-ayuno nito. Pinapayagan ang pag-uuna ng pagbibigay nito isa o dalawang araw bago ng `īd. Hindi pinapayagan ang pag-aantala nito nang lampas sa araw ng `īd sapagkat kung ginawa niya ay nagkakasala siya at [kinakailangang] magbigay siya nito. Ang pinakamainam ay [ibigay ito] sa araw ng `īd bago ng ṣalāh [ng `īd]. Ang kinakailangan ay isang ṣā` ng datiles o trigo o pasas o sebada o keso [o bigas]; kung nawalan nito, magbibigay ng maipapalit kapalit nito sa nakakain ng bayan. Naiibigan ni Imām Aḥmad ang purong pagkain at nagkuwento siya nito ayon kay Ibnu Sirīn. Pinapayagan na magbigay ang pangkat ng inoobliga sa isang tao at ang kabaliktaran nito.
Kabanata: Ang Pagbibigay ng Zakāh
Hindi pinapayagan ang pag-aantala nito nang lampas sa oras ng pagkakailangan nito sa kabila ng kakayahan [na maibigay] maliban sa pagkaliban ng pinuno o ng karapat-dapat. Gayon din ang tagapaghatid nito: maaari sa kanya ang pag-aantala nito habang nasa may-ari nito dahil sa isang madadahilan gaya ng tagtuyot at tulad nito gaya ng taggutom. Nangatwiran si Imām Aḥmad sa pamamagitan ng ginawa ni `Umar.
Kabanata: Ang mga Karapat-dapat sa Zakāh
Sila ay walo. Hindi pinapayagan ang pagbaling nito sa iba pa sa kanila, batay sa talata ng Qur'ān.
Una: at Ikalawa: Ang mga maralita at ang mga dukha. Hindi pinapayagan ang panghihingi habang ang tao ay mayroong sasapat sa kanya. Walang maitututol sa paghingi ng maiinom na tubig, panghihiram, at pangungutang. Kinakailangan ang pagpapakain ng nagugutom, pagdadamit ng nakahubad, at pagpapalayo ng bihag.
Ikatlo: Ang mga manggagawa sa mga ito gaya ng tagakalap, tagasulat, magbibilang, at magtatakal. Hindi ito ipinahihintulot mula sa mga may pagkakamag-anak [sa Propeta]. Kung niloob ng pinuno, maipadadala niya ito nang walang kontrata; at kung niloob niya, makababanggit siya rito ng isang bagay na malalaman.
Ikaapat: Ang napalulubag-loob ang mga puso. Sila ay ang mga pinunong sinusunod sa mga angkan nila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na inaasahan ang pagyakap nila sa Islām o isang Muslim na inaasahan dahil sa bigay na ito ang paglakas ng pananampalataya niya o ang pagyakap sa Islām ng kakampi nito o ang katapatan nito o ang pagpipigil ng kasamaan nito. Hindi pinapayagan sa Muslim na kumuha ng ibinibigay para sa pagpigil ng kasamaan niyon gaya ng panunuhol.
Ikalima: Ang pagpapalaya ng alipin. Sila ay ang mga nakipagkasunduang bibili ng kalayaan nila sa amo nila. Pinapayagan na tumubos sa pamamagitan nito ng isang bihag na Muslim sa mga kamay ng mga tagatangging sumampalataya dahil ito ay isang pagpapalaya. Pinapayagan na bilhin mula rito ang kalayaan ng isang alipin, batay sa pagkapanlahat ng sabi ni Allāh: "sa pagpapalaya ng alipin."
Ikaanim: Ang mga nagkakautang. Sila ay ang mga nagkautang. Sila ay dalawang uri: ang una sa dalawa ay utang dahil sa pagsasaayos ng may alitan, na naghahatid ng salapi para sa pagpapatahimik ng sigalot, at ang ikalawa ay ang sinumang nangutang para sa sarili niya dahil sa isang ipinahihintulot na pangangailangan.
Ikapito: Ang ayon sa landas ni Allāh. Sila ay ang mga mandirigma [ng Islām]. Magbibigay sa kanila ng kasapatan sa pakikipaglaban nila kahit pa man sa kabila ng pagkamayaman ng [iba sa] kanila. Ang ḥajj ay [itinuturing na pakikibaka] ayon sa landas ni Allāh.
Ikawalo: Ang kinapos sa daan. Siya ay ang manlalakbay na naubusan [ng panggugol] na walang maipang-uuwi sa bayan niya kaya bibigyan siya ng maipang-uuwi niya kahit pa man sa kabila ng pagkamayaman niya sa bayan niya. Kung nag-angkin ng karalitaan ang hindi nakikilala sa pagkamayaman, tatanggapin ang sinabi niya. Kung siya ay malakas at napag-alaman sa kanya ang [kakayahang] kumita, hindi pinapayagan ang magbigay sa kanya. Kung hindi napag-alaman sa kanya ang [kakayahang] kumita, bibigyan siya matapos ng pagpapabatid sa kanya na walang bahagi rito para sa isang mayaman ni para isang malakas na kumikita. Kung ang di-kaanu-ano ay higit na nangangailangan, hindi bibigyan ang kamag-anak habang napagkakaitan ang di-kaanu-ano. Hindi magpapabor sa pamamagitan nito sa isang kaanak. Hindi magtutulak sa pamamagitan nito sa isang pamumula. Hindi mang-aalila sa pamamagitan nito sa isang tao. Hindi magsasanggalang sa pamamagitan ng ari-arian. Ang kawanggawa ng pagkukusang-loob ay nakabatay sa sunnah sa bawat sandali. [Ang pagbibigay nito] nang palihim ay higit na mainam at gayon din sa sandali ng kalusugan, dahil sa kabutihan ng kalooban, sa Ramaḍān batay sa ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at sa mga sandali ng pangangailangan batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "...sa isang araw na may taggutom" Ang pagbibigay sa kamag-anak ay isang kawanggawa at isang pag-uugnay ng pagkakaanak, lalo na kapag may awayan, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-ugnay ka ng pagkakaanak sa sinumang pumutol nito sa iyo." Pagkatapos ang pagkakawanggawa sa kapit-bahay, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo" at sa sinumang tumindi ang pangangailangan niya, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "o sa isang dukhang may paghihikahos." Hindi magkakawanggawa ang Muslim ng makapipinsala sa kanya o makapipinsala sa pinagkakautangan niya o sinumang inoobliga sa kanya ang pagsustento roon. Ang sinumang nagnais na magkawanggawa ng yaman niya sa kabuuan nito samantalang mayroon siyang mag-anak na makapagbibigay-kasapatan siya sa kanila sa pamamagitan ng kinikita niya at nakaalam siya mula sa sarili niya ng kagandahan ng pananalig [kay Allāh], itinuturing na kaibig-ibig ito, batay sa kuwento ni [Abū Bakr] Aṣ-Ṣiddīq; at kung hindi naman, hindi siya papayagan at hahadlangan siya roon. Kinasusuklaman ito sa sinumang walang pagtitiis sa kanya sa kagipitan na magpakulang siya sa sarili niya ng lubusang kasapatan. Ipinagbabawal ang panunumbat dahil sa kawanggawa. Ito ay isang malaking kasalanan na nagpapawalang-saysay sa gantimpala ng kawanggawa. Ang sinumang naglabas ng isang bagay na ipangkakawanggawa niya, pagkatapos may humadlang sa kanya na anuman, itinuturing na kaibig-ibig sa kanya na magpatuloy roon. Si `Amr Al-`Āṣṣ noon, kapag naglabas siya ng isang pagkain para sa isang nanghihingi, at hindi siya nakatapos iyon, magtatabi siya nito at magkakawanggawa siya ng mahusay. Hindi maglalayon ng karima-rimarin para magkawanggawa nito. Ang pinakamainam nito ay ang ayon sa nakakaya at hindi sumasalungat dito ang ulat [na nagsasabing]: "Ang pinakamabuti sa kawanggawa ay ang anumang lampas sa kailangan ng kasapatan." Ang tinutukoy ng "ayon sa nakakaya" ay "matapos ng pangangailangan ng mag-anak niya."
Ang Aklat ng Pag-aayuno
Ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay isa sa mga haligi ng Islām at isinatungkulin sa ikalawang taon mula ng paglikas, kaya naman nag-ayuno ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng siyam na Ramaḍān. Itinuturing na kaibig-ibig ang pagkakita sa bagong buwan sa gabi ng ika-30 ng S̆a`bān. Kinakailangan ang pag-aayuno sa Ramaḍān sa pagkakita ng bagong buwan nito; ngunit kung hindi ito nakita sa kabila ng kalinawan [ng langit], kukumpleto sila ng 30 araw ng S̆a`bān, pagkatapos mag-aayuno sila nang walang pagkakaibahan. Kapag nakita ang bagong buwan nito, magsasabi ng takbīr nang tatlong ulit at magsasabi ng: "Allāhumma 'ahillahu `alaynā bi-l'amni wa-l'īmān, wa-ssalāmati wal'islām wa-ttawfīqi limā tuḥibbu wa-tarḍāh, rabbī wa-rabbuka –llāhu, hilālu k̆ayrin wa-rus̆d. (O Allāh, magpalitaw Ka sa ibabaw namin sa katiwasayan, pananampalataya, kaligtasan, Islām, at pagtutuon sa anumang naiibigan Mo at kinalulugdan Mo. [O buwan,] ang Panginoon ko at ang Panginoon mo si Allāh. [Ito nawa ay maging] bagong buwan ng kabutihan at kagabayan.)" Tinatanggap kaugnay sa [pagkakita] niyon ang sabi ng isang taong makatarungan. Nagsanaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy ayon sa pinakamarami sa mga maalam. Kung nakakita niyon ang isang tao nang mag-isa at tinanggihan ang pagkasaksi niya, kailangan sa kanya ang mag-ayuno at hindi siya titigil sa pag-aayuno malibang kasabay ng mga tao; at kapag nakita niya ang bagong buwan ng S̆awwāl, hindi siya titigil sa pag-aayuno.
Ang manlalakbay ay makatitigil sa pag-aayuno kapag humiwalay siya sa mga bahay ng nayon niya. Ang pinakamainam sa kanya ay ang pag-aayuno bilang paglabas mula sa pagsalungat sa higit na marami sa mga maalam. Ang nagdadalang-tao at ang nagpapasuso, kapag nangamba sila para sa mga sarili nila o mga anak nila, ay pinapayagan sa kanila ang pagtigil-ayuno. Kung nangamba sila para sa mga anak nila lamang, magpapakain sila para sa bawat araw ng isang dukha. Ang maysakit, kapag nangamba sa kapinsalaan, kinasusuklaman ang pag-aayuno niya, batay sa talata [ng Qur'ān 2:184]. Ang sinumang nawalang-kakayahan sa pag-aayuno dahil sa katandaan o karamdamang hindi maaasahang gumaling, titigil siya sa pag-aayuno at magpapakain siya para sa bawat araw ng isang dukha. Kung may lumipad patungo sa lalamunan niya na langaw o alikabok o may pumasok sa lalamunan niya na tubig nang walang pananadya, hindi matitigil ang pag-aayuno.
Hindi tutumpak ang kinakailangang pag-aayuno malibang may isang layunin sa nagdaang gabi. Tutumpak ang pag-aayuno ng pagkukusang-loob nang may isang layunin sa araw bago ng katanghaliang-tapat at matapos nito.
Kabanata: Ang Sumisira sa Pag-aayuno
Ang sinumang kumain, o uminom, o suminghot ng langis o iba pa saka umabot ito sa lalamunan, o nagpainiksiyon, o nasuka saka sumuka, o nagsagawa ng ḥijāmah o nagpasagawa ng ḥijāmah, nasira ang pag-aayuno niya. Hindi titigil ng pag-aayuno ang mga tao sa pamamagitan ng anuman kabilang doon. Maaari sa kanya na kumain at uminom kapag may pagdududa sa pagsapit ng madaling-araw, batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw." (Qur'ān 2:187) Ang sinumang natigil sa pag-aayuno dahil sa pakikipagtalik, kailangan sa kanya ang panakip-sala [na gaya ng] sa ḍ̆ihār kalakip ng pag-uulit ng pag-aayuno. Kinasusuklaman ang paghalik para sa sinumang natatangay ng pagnanasa niya. Kinakailangan ang pag-iwas sa pagsisinungaling, panlilibak, panlalait, at tsismis sa bawat sandali; subalit para sa nag-aayuno ito ay higit na tiyak. Ibinibilang na sunnah ang magpigil sa anumang kinasusuklaman. Kung may isang nanlait sa kanya, magsabi siya ng ganito: Ako ay nag-aayuno. Ibinibilang na sunnah ang pagmamadali sa pagtigil-ayuno kapag natiyak ang paglubog ng araw. Maaari sa kanya ang pagtigil-ayuno dahil sa pananaig ng pagpapalagay niya. Ibinibilang na sunnah ang pag-aantala ng saḥūr hanggat hindi natatakot sa pagsapit ng madaling-araw. Natatamo ang kainaman ng saḥūr sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom kahit kaunti. Titigil sa pag-aayuno sa pagkain na manibalang na datiles; ngunit kung hindi nakatagpo nito ay sa pagkain ng hinog na datiles; ngunit kung hindi nakatagpo nito ay sa pag-inom ng tubig. Mananalangin siya sa sandali ng pagtigil-ayuno niya. Ang sinumang nagpakain ng pantigil-ayuno sa isang nag-aayuno, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya niyon. Itinuturing na kaibig-ibig ang pagpaparami ng pagbabasa ng Qur'ān sa Ramaḍān, ang pagsambit ng pag-aalaala kay Allāh, at ang pagkakawanggawa. Ang pinakamainam na ayuno ng pagkukusang-loob ay pag-aayuno sa isang araw at pagtigil-ayuno sa kasunod na araw. Ibinibilang na sunnah ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan. [Ang pag-aayuno sa] mga araw ng kaputian ay higit na mainam. Ibinibilang na sunnah ang pag-aayuno sa araw ng Huwebes at Lunes at sa anim na araw ng S̆awwāl kahit pa magkakahiwa-hiwalay; ang pag-aayuno sa siyam na araw ng D̆ulḥijjah, na ang pinakatiyak sa mga ito ay ang ikasiyam na araw: ang Araw ng `Arafah;
at ang pag-aayuno sa Muḥarram, na ang pinakamainam dito ay ang ikasiyam at ang ikasampung araw at ibinibilang na sunnah ang pagsasama sa mga ito. Ang lahat ng mga nabanggit kaugnay sa Araw ng `Ās̆ūrā' na mga gawaing iba pa sa pag-aayuno ay walang batayan; bagkus bid`ah. Kinasusuklaman ang pagbubukod-tangi sa Rajab sa pamamagitan ng pag-aayuno. Bawat ḥadīt̆ kaugnay sa kainaman ng pag-aayuno sa Rajab at ng pagdarasal sa buwang ito ay pagsisinungaling. Kinasusuklaman ang pagbubukod-tangi sa Biyernes sa pamamagitan ng pag-aayuno. Kinasusuklaman ang pag-una sa Ramaḍān sa [pag-aayuno na] isa o dalawang araw. Kinasusuklaman ang pagpapatuloy [ng ayuno nang walang pagtigil-ayuno]. Ipinagbabawal ang pag-aayuno sa dalawang `īd at mga araw ng Tas̆rīq. Kinasusuklaman ang pag-aayuno ng buong buhay. Ang Gabi ng Pagtatakda ay dinadakila. Inaasahan ang pagtugon ng panalangin sa gabing ito, batay sa sabi Niya (napakataas Siya): "Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan." (Qur'ān 97:3) Nagsabi ang mga tagapagpakahulugan: "Ang pagdarasal sa gabing ito at ang paggawa [ng mabuti] sa gabing ito ay higit na mabuti kaysa sa pagdarasal ng isang libong buwan bukod pa [sa pagdarasal sa gabing ito mismo]." Tinawag itong Gabi ng Pagtatakda dahil itinatakda rito ang mangyayari sa taon. Ito ay natatangi sa huling sampung gabi, lalo na sa mga gabi ng petsang gansal. Ang pinakatiyak sa mga ito ay ang ika-27. Mananalangin dito sa pamamagitan ng itinuro ng Propeta: "Allāhumma, innaka `afūwun karīmun tuḥibbu –l`afwa fa-`fu `annī. (O Allāh, tunay na Ikaw ay Mapagpaumanhin na Mapagbigay, na umiibig sa pagpapaumanhin, kaya magpaumanhin Ka sa akin.)" Si Allāh ay higit na maalam. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak nito at mga kasamahan nito at pangalagaan.
Ang mga Patakaran ng Ṣalāh
Akda ni S̆ayk̆ Muḥammad bin `Abdulwahhāb – kaawaan siya ni Allāh.
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang mga kundisyon ng ṣalāh ay siyam:
1. ang [pagkaanib sa] Islām, 2. ang [katinuan ng] pag-iisip, 3. ang pagkawari, 4. ang kadalisayan, 5. ang pagtatakip ng kahubaran (`awrah), 6. ang pag-iwas sa karumihan (najāsah), 7. ang pagkaalam ng pagpasok ng oras, 8. ang pagharap sa qiblah, at 9. ang layunin at ang pakay.
Ang mga haligi ng ṣalāh ay labing-apat na haligi:
1. ang pagtayo sa abot ng kakayahan, 2. ang takbīr ng pagpapasimula, 3. ang pagbigkas ng Fātiḥah, 4. ang pagyukod, 5. ang pag-angat mula roon, 6. ang pagtindig nang tuwid, 7. ang pagpapatirapa, 8. ang pag-angat mula roon, 9. ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa, 10. ang kapanatagan sa lahat, 11. ang pagkakasunud-sunod, 12. ang huling tas̆ahhud, 13. ang pag-upo para roon, at 14. ang unang taslīm.
Ang mga tagapagpawalang-saysay sa ṣalāh ay walo:
1. ang sadyang pagsasalita, 2. ang pagtawa, 3. ang pagkain, 4. ang pag-inom, 5. ang pagkalantad ng `awrah (kahubaran), 6. ang pagkalihis palayo sa dako ng qiblah, 7. ang maraming paglilikot, at 8. ang pagkaganap ng karumihan.
Ang mga kinakailangan sa ṣalāh ay walo:
1. ang mga takbīr na hindi takbīr ng pagpapasimula, 2. ang pagsabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah" para sa imām at munfarid, 3. ang pagsabi ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd" [para sa ma'mūm], 4. ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya –l`aḍ̆īm" sa pagkakayukod, 5. ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā" sa pagkakapatirapa, 6. ang pagsabi ng: "Rabbi –ğfir lī" sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa (ang kinakailangan ay isang ulit), 7. ang unang tas̆ahhud (dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumawa nito, nagpamalagi sa paggawa nito, nag-utos nito, at nagpatirapa para sa pagkalingat kapag nakalimot nito), at 8. ang pag-upo para roon.
Ang mga tungkulin sa wuḍū' ay anim na gawain:
1. ang paghuhugas ng mukha, 2. ang paghuhugas ng mga kamay hanggang sa mga siko, 3. ang pagpahid sa buong ulo, 4. ang paghuhugas ng mga paa hanggang sa mga bukungbukong, 5. ang pagkakasunud-sunod, at 6. ang pagkatuluy-tuloy.
Ang mga kundisyon ng wuḍū' ay lima:
1. ang tubig na naipandadalisay, 2. ang pagiging Muslim, 3. ang pagiging nakawawari, 4. ang kawalan ng tagahadlang sa pag-abot ng tubig sa balat, at 5. ang pagdating ng oras [ng ṣalāh] sa taong palagiang nasisiraan ng wuḍū'.
Ang mga tagasira ng wuḍū' ay walo:
1. ang lumalabas sa dalawang labasan [ng ihi at dumi], 2. ang lumalabas na labis-labis [na marumi] mula sa katawan, 3. ang paglaho ng isip dahil sa pagtulog o iba pa rito, 4. ang paghipo sa babae nang may pagnanasa, 5. ang paghipo sa ari ng tao, 6. ang paghuhugas ng patay, 7, ang pagkain ng karne ng kamelyo, at 8. ang pagtalikod sa Islām – kupkupin tayo ni Allāh laban doon. Si Allāh ay higit na maalam.