نبراس طالب (1)
كتاب نبراس طالب (1) تهدف إلى تعريف المسلم بأسس الإيمان، وكليات الأحكام، وجوامع الآداب الشرعية، وتأسيس ثقافة إسلامية رصينة، وبناء شخصية المتعلم وفق المنهج التربوي الإسلامي. ونتدارس في هذا الكتاب تفسيرًا مختصرًا للسور من البينة إلى الناس، وكذلك سورة الفاتحة وآية الكرسي، مع استخراج أهم الفوائد العلمية والتربوية من الآيات، وبيانًا لفضل القرآن الكريم وتعلمه. ومع النبي ﷺ نمضي في رحلة مباركة، فنتعرف على أسمائه، وأقاربه، وأهم صفاته، وخصائصه وحقوقه؛ لتكون خير معين لنا على الاقتداء به ﷺ، ثم نتدارس ستة من أحاديث النبي ﷺ، تجمع أصول الإسلام والإيمان، والاستقامة على الدين، والدعوة إليه.
Panimula ng Aklat
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagsisimula,
Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Unang Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagpapakilala sa Muslim ng mga pundasyon ng pananampalataya, mga kabuuan ng mga patakaran, at mga masaklaw sa mga etiketang pang-Sharī`ah; pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon; at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus.
Mag-aaralan tayo sa aklat na ito ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga sūrah mula sa Sūrah Al-Bayyinah hanggang sa Sūrah An-Nās, at gayon din sa Sūrah Al-Fātiḥah at Āyatulkursīy, kalakip ng paghahango ng pinakamahalaga sa mga katuturang pangkaalaman at pang-edukasyon mula sa mga āyah; at mag-aaralan din ng isang paglilinaw sa kainaman ng Marangal na Qur'ān at pagkatuto nito.
Kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), lilisan tayo sa isang pinagpalang paglalakbay para mapag-alaman natin ang mga pangalan niya; ang mga kamag-anak niya; at ang pinakamahalaga sa mga katangian niya, mga kakanyahan niya, at mga karapatan niya upang maging pinakamabuting tagatulong sa atin sa pagtulad sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos mag-aaralan tayo ng anim sa mga ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtitipon sa mga saligan ng Islām at pananampalataya, at ng pagpapakatuwid sa Relihiyon at pag-aanyaya tungo rito.
Dahil ang aklat na ito ay nagtitipon ng mga pundasyon ng pananampalataya at pagpapakamananamba, pag-aaralan natin ang pananampalataya sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya) at ang paniniwala sa kaisahan Niya, pagkatapos ang mga antas ng Relihiyon, ang mga haligi ng pananampalataya, ang mga uri ng pagsamba, at ang epekto ng mga ito sa pagbubusilak ng sarili at pagkikintal ng taqwā (pangingilag magkasala) sa mga puso.
Dumarating ang ṣalāh sa unahan ng mga pagsamba sapagkat ito ay ang poste ng Relihiyon at ang tungkuling nauulit-ulit sa Muslim sa araw nito at gabi nito. Dahil doon, pag-aaralan natin ang pamamaraan ng pagpapakadalisay para rito at ang pagkakalarawan sa pagsasagawa nito. Pagkatapos mag-aaralan tayo ng isang binuod na sumasaklaw sa pinakamahalaga sa mga ipinag-uutos at mga sinasaway na pang-Sharī`ah sa mga pagsamba, mga pakikitungo, at mga kaasalan.
Upang maisakatotohanan natin ang magandang pagtulad sa lipunan, mamumuhay tayo kasama ng kagandahan ng kaasalan at pinakamahalaga sa mga pagpapatupad nito sa kapaligiran ng pamilya, angkan, at lipunan sapagkat tunay na ang kagandahan ng kaasalan ay ang pinto ng pagsasaayos sa sarili at lipunan at ang kadahilanan sa pagtanggap ng payo at paanyaya tungo sa Islām at mga katuruan nito.
Magwawakas ang aklat sa paglilinaw sa ilan sa mga kagandahan ng Islām, mga pinahahalagahan nito, at mga pundasyon ng estruktura nito. Ito ay magdaragdag sa atin ng pag-ibig sa Dakilang Relihiyong ito, ng pagkadama ng pagmamalaki rito, ng paggawa ayon sa Batas nito, at ng pag-aanyaya tungo sa pagyakap dito. Si Allāh ay ang Tagapagtuon at ang Pinagpapatulungan.
Nagsikap nga kami sa pagpapalabas sa mga aklat na ito sa isang anyong umaalinsunod sa mga saligang pangkaalaman at mga sukatang pang-edukasyong makabago. Nagsaalang-alang kami sa paghahanda sa mga ito ng sumusunod:
* Ang pagsisimula ng mga aralin sa pamamagitan ng isang pagpapaumpisang pupukaw sa pagpapahalaga mo, magdaragdag ng pagkaganyak mo, at tatawag ng pansin mo.
* Ang paglalagay ng mga talahanayan, mga pigura, at mga tsart ng mga konsepto na tutulong sa iyo sa pag-unawa ng nilalamang pangkaalaman.
* Ang paglalakip ng mga aktibidad na pampagtuturo na magsasakatotohanan ng mga layong pang-edukasyon alinsunod sa mga estratehiya ng pag-aaral na masigla. Nagsaalang-alang nga kami sa mga ito ng sumusunod:
- Ang integrasyon ng mga ito kasama ng nilalaman sa pagsasakatotohanan sa mga layon ng aralin kasama ng pagkakaugnay ng mga ito sa kalikasan ng asignatura at pagkakakilanlan nito.
- Ang pagpapalago ng mga aspeto ng personalidad mo at sarisaring kasanayan mo.
- Ang pagkasarisari sa pamamaraan ng pagpapatupad nito sa pagitan ng pang-individuwal at panlipunan, ang pagkasarisari ng lugar ng pagpapatupad nito sa loob at labas ng klase, ang pagkasarisari ng mga anyo nito sa pagitan ng aktibidad na pansulat, pansalita, pangkilos, at pang-isip.
- Ang paglalagay ng mga tanong ng pagtatasa (assessment) sa katapusan ng bawat aralin upang sulitin ang saklaw ng pagkaunawa mo sa aralin at mga layon nito.
Tunay na kami, yayamang naghain kami sa iyo ng aklat na ito, ay umaasa na ito ay maging isang tagapagsakatotohanan ng pinagpunyagian namin na kadalian ng asignaturang akademiko, kaliwanagan ng paglalahad, pagkaaktibo ng mga aktibidad, at pagkamasaklaw ng pagtatasa (assessment).
Dumadalangin kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na magpakinabang Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga tagapaghanap ng kaalaman at tumanggap Siya mula sa amin, tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.
Ang Unang Yunit: Ang Marangal na Qur'ān
1. Ang Kainaman ng Qur'ān at Pagkatuto Nito
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakilala ka ng Marangal na Qur'ān;
2. makapagpaliwanag ka ng katayuan ng Marangal na Qur'ān sa gitna ng mga makalangit na kasulatan;
3. makahango ka ng patunay sa kainaman ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān, pagkatuto nito, at pagtuturo nito;
4. makapagdakila ka sa Marangal na Qur'ān;
5. makapagpapatupad ka ng mga etiketa ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān.
Isang larawan ng isang muṣḥaf na nakabukas at nakalitaw rito ang isang āyah ng Sūrah Ad-Dukhān: {tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan.} (Qur'ān 44:3) Paghahanda
May isang binatang ang pangalan ay Mālik na dating Kristiyano pagkatapos umanib siya sa Islām. Matapos ng pag-anib niya sa Islām, napapatnubayan siya ng nasaad sa Marangal na Qur'ān subalit siya ay sumasangguni ng madalas sa Bibliya upang humango ng katuturan mula rito!
Tumama ba si Mālik o nagkamali siya?
At bakit?
Ang Kainaman ng Qur'ān at Pagkatuto Nito
Ang mga Etiketa ng pagbigkas ng Qur'ān
Ang Kainaman ng pagbigkas ng Qur'ān
Ang Pagkatuto ng Qur'ān at ang Pagtuturo Nito
Ang Katayuan ng Marangal na Qur'ān sa Gitna ng mga Makalangit na Kasulatan
Ang Pagpapakilala sa Marangal na Qur'ān
Ang Pagpapakilala sa Marangal na Qur'ān
Ang Marangal na Qur'ān ay ang Salita ni Allāh, na pinababa sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa kapatnubayan ng mga tao sa mga nauukol sa Relihiyon nila at Mundo nila. Ito ay isang aklat na naghihimala, kaya hindi makakakaya ang isa na kumatha ng tulad nito. Ang pagbigkas nito ay isang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
Hinati-hati ang Qur'ān sa 30 juz' (bahagi) at naglalaman ito ng 114 sūrah (kabanata).
Naglalaman ang mga sūrah ng Qur'ān sa mahigit sa 6,000 āyah. Nagsisimula ito sa Sūrah Al-Fātiḥah at nagwawakas sa Sūrah An-Nās.
Ang kauna-unahang pagbaba ng Marangal na Qur'ān ay sa buwan ng Ramaḍān sa Gabi ng Pagtatakda kung kailan bumaba ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, 4. na nagturo sa pamamagitan ng panulat, 5. nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.} (Qur'ān 96:1-5)
Ang Katayuan ng Marangal na Qur'ān sa Gitna ng mga Makalangit na Kasulatan
Nagtangi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Marangal na Qur'ān higit sa nalalabi sa mga makalangit na kasulatan gaya ng Ebanghelyo at Torah sa pagkakaingat laban sa pagpilipit sapagkat ang mga salita nito ay hindi nag-iba sa hinaba-haba ng kasaysayan. Nagsabi si Allāh: {Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.} (Qur'ān 15:9)
Ibinaba ni Allāh (napakataas Siya) ang Marangal na Qur'ān para sa kapatnubayan ng mga tao sa bawat panahon at lugar at napawalang-bisa sa pamamagitan nito ang mga naunang kasulatan. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagpababa Kami sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na kasulatan at bilang tagapagsubaybay rito. Kaya humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa pinababa ni Allāh at huwag kang sumunod sa mga pithaya nila kapalit ng dumating sa iyo na katotohanan. Para sa bawat kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pagbabatas at isang pamamaraan.} (Qur'ān 5:48)
Ang Pagkatuto ng Qur'ān at ang Pagtuturo Nito
Kinakailangan sa bawat Muslim na matuto ng mula sa Marangal ng Qur'ān, na magtutuwid sa ṣalāh niya at magpapakilala sa kanya ng Relihiyon niya, at na makabasa siya nito sa isang tumpak na pagbasa at magsikap siya sa pag-intindi sa mga kahulugan nito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 756 at Imām Muslim: 394.
Nagbigay ang Islām ng isang mataas na grado sa sinumang natututo ng Qur'ān at nagtuturo nito. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang natuto ng Qur'ān at nagtuturo nito.} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 5027.
Nag-iibayo ang gantimpala sa tagapagturo ng Marangal na Qur'ān. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang sinumang nagturo ng isang talata mula sa Aklat ni Allāh, mapasasakanya ang gantimpala rito sa pagkabigkas nito.} (Kanz Al-`Ummāl: 28887)
Ang Kainaman ng pagbigkas ng Marangal an Qur'ān
Ang pagbigkas ng Marangal na Qur'ān ay ang pinakamainam na dhikr (pag-alaala kay Allāh). Mayroon itong isang malaking gantimpala sa ganang kay Allāh (napakataas Siya). Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik.} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2910.
Ipinaliwanag ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mataas na katayuan para sa sinumang nagpakahusay sa pagbigkas ng Qur'ān. Hinggil naman sa sinumang nahihirapan doon, pag-iibayuhin sa kanya ang pabuya sapagkat nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang bumibigkas ng Qur'ān at nauutal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4937 at Imām Muslim: 798.
Isang larawan ng isang taong nakaupo na nagbabasa ng Qur'ān mula sa muṣḥaf. Ang mga Etiketa ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān
Isinasabatas para sa Muslim ang pagtataglay ng ilan sa mga etiketa sa sandali ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān. Kabilang sa mga ito:
1. ang pagkakasagawa ng wuḍū' at ang kadalisayan ng damit at lugar;
2. ang pagharap sa qiblah;
3. ang pagdalangin ng paghiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa demonyong isinumpa bago magbasa;
4. ang etiketa sa muṣḥaf, kaya hindi maglalagay nito sa isang hamak na lugar, hindi maglalagay nito sa lapag, at hindi iibabaw rito ang anuman;
5. ang pagpapakita ng pagpipitagan sa pagtitipon sa pagbigkas sa sandali ng pagbaba ng Marangal na Qur'ān;
6. ang hindi pagsasalita ng kabalbalang pananalita sa sandali ng pagbigkas ng Qur'ān;
7. ang pagsisikap sa pagninilay-nilay sa mga kahulugan ng Marangal na Qur'ān;
8. ang pagpapaganda ng tinig sa pagbigkas ng Qur'ān.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako sa mga kaklase ko at sasagot ako.
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang paghahalintulad sa bumibigkas ng Qur'ān ay gaya ng sitron: ang lasa nito ay kaaya-aya at ang amoy nito ay kaaya-aya. [Ang paghahalintulad sa] hindi bumibigkas ng Qur'ān ay gaya ng datiles: ang lasa nito ay kaaya-aya at walang amoy rito. Ang paghahalintulad sa masamang-loob na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng balanoy: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay mapait. Ang paghahalintulad sa masamang-loob na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng ligaw na pakwan: ang lasa nito ay mapait at walang amoy rito.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5020 at Imām Muslim: 797. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod.
1. Makilahok ka mga kaklase mo sa paglilinaw ng epekto ng Marangal na Qur'ān sa kaayusan ng mananampalataya sa panlabas at sa panloob.
2. Magtalaga ka ng isang tinakdaang oras sa araw para sa pagbigkas ng Marangal na Qur'ān.
Aktibidad 2: Makikilahok ako sa pag-aaral.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, pumili kayo ng isang sūrah mula sa mga sūrah ng Qur'ān at bumigkas kayo ng unang sampung āyah mula rito. Bibigkas ang bawat estudyante ng isang āyah o dalawang āyah. Sumunod kayo sa mga etiketa ng pagbigkas.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Hindi kinakailangan sa Muslim na magsaulo ng anuman mula sa Qur'ān. (X)
2. Natatangi ang nagpapakahusay sa pagbigkas ng Marangal na Qur'ān sa gantimpala ng pagbigkas. (X)
3. Ang paggawa ayon sa Marangal na Qur'ān ay ang pundasyon ng kapatnubayan at pagkakatuon sa tumpak. (✓)
4. Ang Marangal na Qur'ān ay ang aklat na tagapagsubaybay sa mga makalangit na kasulatan. (✓)
5. Umaabot ang bilang ng mga sūrah ng Marangal na Qur'ān sa 6,000 sūrah. (X)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagkakaingat sa Marangal na Qur'ān laban sa pagkapilipit.
2. Ang kainaman ng pagkatuto ng Marangal na Qur'ān at pagtuturo nito.
3. Ang gantimpala sa pagbigkas ng Marangal na Qur'ān.
PANUTO 3: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng layon ng pagbaba ng Marangal na Qur'ān kung paanong naintindihan mo mula sa aralin.
2. Magsulat ka ng lima sa mga etiketa ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān.
2. Ang Sūrah Al-Fātiḥah at ang Āyatul kursīy
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
2. makapaghango ka ng mga kautusang pang-Sharī`ah na nilaman ng Sūrah Al-Fātiḥah;
3. makapaghulo ka ng kalubusan ng mga katangian ni Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng mga āyah na ito;
4. makapagpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa mga āyah;
5. makapagdakila ka sa halaga ng Sūrah Al-Fātiḥah at Āyatul kursīy.
Ang Sūrah Al-Fātiḥah
1. Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 2. Alḥamdu lillāhi rabbi –l`ālamīn, (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,) 3. Arraḥmāni –rraḥīm, (ang Napakamaawain, ang Maawain,) 4. Māliki yawmi –ddīn. (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.) 5. Iyyāka na`budu wa-iyyāka nasta`īn. (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.) 6. Ihdina –ṣṣirāta –lmustaqīm, (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) 7. Ṣirāṭa –lladhīna an`amta `alayhim ghayri –lmaghḍūbi `alayhim wa-la ḍḍāllīn. (ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.) (Qur'ān 1:1-7)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Ang Sūrah Al-Fātiḥah ay ang pinakadakila sa mga sūrah ng Marangal na Qur'ān. Naglalaman ito ng mga saligan ng Tawḥīd at pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
{Bismi –llāhi... (Sa ngalan ni Allāh,...)} Sa ngalan ni Allāh, nagsisimula ako sa pagbigkas ng Qur'ān habang nagpapatulong sa Kanya (napakataas Siya) at naghahangad ng pagpapala sa pamamagitan ng pagbanggit sa ngalan Niya.
{...[A]rraḥmāni... (ang Napakamaawain,...)} Ang may awang pangkalahatan na sumaklaw sa lahat ng nilikha.
{...[A]rraḥīm. (...ang Maawain.) Ang may awa sa mga mananampalatayang lingkod Niya.
{Alḥamdu lillāhi... (Ang papuri ay ukol kay Allāh,...)} Ang pagpapasalamat at ang pagbubunying maganda ay ang naaangkop kay Allāh (napakataas Siya).
{...rabbi –l`ālamīn, (... Panginoon ng mga nilalang,)} Ang nag-aalaga sa daigdig natin at lahat ng mga iba pang daigdig.
{Māliki yawmi –ddīn. (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.)} Ang magsasagawa – tanging Siya – ng pagtutuos at pagganti sa Araw ng Pagbangon.
{Iyyāka na`budu wa-iyyāka nasta`īn. (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.)} Sumasamba kami sa Iyo – tanging sa Iyo: walang katambal para sa Iyo – at nagpapatulong kami sa Iyo sa bawat bagay-bagay.
{Ihdina –ṣṣirāta –lmustaqīm, (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid na walang pagliliko rito; ito ay ang Islam at ang paggawa sa mga batas nito.
{Ṣirāṭa –lladhīna an`amta `alayhim... (ang landasin ng mga biniyayaan Mo,...)} Ang mga pinatnubayan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) tungo sa Islām at paggawa ayon dito. Sila ay ang mga propeta at ang mga tagasunod ng mga ito.
{...ghayri –lmaghḍūbi `alayhim... (...hindi ng mga kinagalitan,...)} Ang bawat sinumang nakaalam sa katotohanan ngunit hindi sumunod dito, gaya ng mga Hudyo.
{...wa-la ḍḍāllīn. (...at hindi ng mga naliligaw.)} Ang bawat sinumang naligaw sa pagkaalam sa katotohanan, gaya ng mga Kristiyano.
Ang Āyatul kursīy
Allāhu lā ilāha illā huwa –lḥayyu –lqayyūm, lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm, lahū mā fi –ssamāwāti wa-mā fi –l'arḍ; man dhā –lladhī yashfa`u `indahū illā bi'idhnih, ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum, wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā', wasi'a kursīyuhu –ssamāwāti wa-l'arḍ, wa-lā ya'ūduhū hifḍ̆uhumā, wa-huwa –l`alīyu –l`aḍ̆īm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.) (Qur'ān 2:255)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Ang Āyatul kursīy ay ang pinakadakilang āyah sa Marangal na Qur'ān dahil ito ay nagtipon sa mga katangian ni Allāh (napakataas Siya), na hindi tinipon ng isang āyah na iba pa rito.
{Allāhu lā ilāha illā huwa... (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya,...)} Walang sinasamba sa totoo kundi si Allāh (napakataas Siya).
{...[A]lḥayyu... (...ang Buháy,...)} Ang nailalarawan sa pagkakaroon ng lubos na buhay ayon sa paraan ng kalubusan na naaangkop kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).
{...[A]lqayyūm,... (...ang Mapagpanatili...)} Ang nagpapanatili sa bawat anuman kabilang sa mga pumapatungkol sa nilikha Niya.
{...lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm,... (...Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog...)} Hindi dumadapo sa Kanya ang pagkaantok at ang pagkatulog.
{...lahū mā fi –ssamāwāti wa-mā fi –l'arḍ;... (...Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa...)} Ang lahat ng nilikha ay nasa paghahari Niya at nasa ilalim ng pamamatnugot Niya.
{...man dhā –lladhī yashfa`u `indahū illā bi'idhnih,... (...Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya?...)} Walang nagmamay-ari na isa man ng paghiling ng pagpapaumanhin para sa isa pa malibang ayon sa pahintulot Niya (napakataas Siya).
{...ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum,... (...Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila...)} Ang kaalaman ni Allāh ay nakapaligid sa lahat ng mga umiiral: sa nakaraan ng mga ito, sa kasalukuyan ng mga ito, at sa hinaharap ng mga ito.
{...wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā',... (...Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya...)} Walang nakababatid na isa man mula sa kaalaman ni Allāh sa anuman malibang ayon sa kalooban ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
{...wasi'a kursīyuhu –ssamāwāti wa-l'arḍ,... (...Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa...)} Ang silya ay isang dakilang nilikha sa ibabaw ng ikapitong langit.
{...wa-lā ya'ūduhū hifḍ̆uhumā,... (...at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito...)} Hindi nawawalang-kakāyahan si Allāh sa pag-iingat sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito.
{...wa-huwa –l`alīyu –l`aḍ̆īm. (...Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)} Ang Mataas sa sarili Niya at mga katangian Niya higit sa lahat ng mga nilikha Niya, ang Sukdulan sa paghahari Niya at kapamahalaan Niya.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang pagsisimula sa ngalan ni Allāh (napakataas Siya) sa bawat gawain gaya ng pagbabasa, paggawa, pagkain, at pag-inom.
2. Ang lawak ng awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lahat ng nilikha Niya, lalo na sa mga mananampalatayang lingkod Niya.
3. Ang pagkakarapat-dapat ni Allāh (napakataas Siya) sa papuri at pagbubunyi dahil sa karikitan ng mga katangian Niya at dami ng mga biyaya Niya.
4. Ang pagkakinakailangan ng paghahanda para sa Araw ng Pagbangon sapagkat ito ay ang Araw ng Pagganti sa tagatalima at tagasuway.
5. Ang pagsamba ay hindi pinapayagan malibang ukol kay Allāh (napakataas Siya) – tanging sa Kanya.
6. Si Allāh (napakataas Siya) ay ang Tagatulong na tunay sa pagtalima at paglampas sa mga hirap ng buhay.
7. Ang pagsisigasig sa pag-abot sa katotohanan at paggawa ayon dito ay kabilang sa mga tatak ng tapat na Muslim.
8. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay lubos sa lahat ng mga katangian Niya at pinawalang-kaugnayan sa alinmang kakulangan o kapintasan.
9. Ang kaalaman at ang kakāyahan ay pagmamay-ari ni Allāh kaya ang isang nilikha ay walang kaalaman ni kakāyahan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magmumuni-muni ako at magpapatupad ako.
Natangi ang Sūrah Al-Fātiḥah sa pagkakinakailangan ng pagbigkas nito sa lahat ng mga rak`ah ng ṣalāh. Ito ay ang pinakadakila sa mga sūrah ng Qur'ān at ang pinakamarami sa mga ito sa kalamangan. Kabilang sa nasaad sa kalamangan nito ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): Hinati Ko ang ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati at ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito. Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi [Akong] si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi [Akong] si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi [Akong si Allāh]: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi [Akong si Allāh]: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya.} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 395. Basahin mo ang marangal na ḥadīth, pagkatapos:
1. Magpaliwanag ka ng kaugnayan sa pagitan ng papuri at pagbubunyi kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ng pagsagot sa panalangin at pagdating ng kapatnubayan.
2. Banggitin mo ang mga pagsambang pampuso na maaaring maisaisip ng Muslim sa ṣalāh niya sa sandali ng pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah.
Alḥamdu lillāhi rabbi –l`ālamīn, (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,)
Ang pagpapasalamat.
Arraḥmāni –rraḥīm, (ang Napakamaawain, ang Maawain,)
Ang paghahangad sa awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Māliki yawmi –ddīn. (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.)
Ang takot.
Iyyāka na`budu... (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba...)
Ang Tawḥīd at ang pagpapakawagas.
...wa-iyyāka nasta`īn. (...at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.)
Ang pananalig.
Ihdina –ṣṣirāta –lmustaqīm, (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:)
Ang paghahangad at ang kagandahan ng pagpapalagay kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Aktibidad 2: Maghuhulo ako at magsasaliksik ako.
Ayon kay `Ubay bin Ka'b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: [Ang talatang (Qur'ān 2:255)]: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, upang magpaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 810. Basahin mo ang marangal na ḥadīth, pagkatapos tugunin mo:
1. Maghulo ka ng kainaman ng Āyatulkursīy sa pamamagitan ng marangal na ḥadīth.
2. Itinuturing na kaibig-ibig ang pagbigkas ng Āyatulkursīy matapos ng mga ṣalāh at sa bawat umaga at gabi. Magsaliksik ka kasama ng mga kaklase mo kaugnay sa mga kaparaanan ng pag-alam tungkol sa kainaman ng Āyatulkursīy sa mga nasabing oras na ito.
Aktibidad 3. Magbubulay-bulay ako.
Hinati ng mga may kaalaman ang pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan sa pagkaligaw dahilan sa mga pagnanasa at pagkaligaw dahilan sa mga maling akala.
Maghulo ka mula sa Sūrah Al-Fātiḥah ng nagpapatunay roon.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Magdugtong ng bawat salita mula sa kulumna A sa kahulugan nito sa kulumna B.
Kulumna A
{ang Napakamaawain}
{ang Maawain}
{hindi ng mga kinagalitan}
{mga naliligaw}
{antok}
{Mapagpanatili}
Kulumna B
Hindi sumunod sa katotohanan
Naaawa Siya sa mga mananampalatayang lingkod Niya
pagkaantok
Ang awa Niya ay sumakop sa bawat bagay
Ang nagpapanatili sa mga pumapatungkol sa nilikha Niya.
Hindi nakaalam sa katotohanan
PANUTO 2: Isulat mo ang marangal na āyah na nababagay ang kahulugang nabanggit sa sumusunod:
1. Ang daan ng katotohanan ay ang daan ng mga propeta; dahil dito, ang mananampalataya ay humihiling nito mula kay Allāh (napakataas Siya) palagi.
2. Hindi tinatanggap ang pamamagitan ng isa man malibang ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya).
3. Ang kaalaman ni Allāh (napakataas Siya) ay nakapaligid sa bawat bagay.
4. Si Allāh (napakataas Siya) ay nagsama ng mga katangian ng paggapi at pagkamakapagmamalaki.
PANUTO 3: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:
A. {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}
B. {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}
C. {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili}
D. {Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog.}
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magbigay-linaw ka sa isang katuturan mula sa mga āyah ng Sūrah Al-Fātiḥah at isang katuturan mula sa Āyatulkursīy.
2. Ang Sūrah Al-Fātiḥah ay ang pinakadakila sa mga sūrah ng Qur'ān at ang Āyatulkursīy ay ang pinakadakila sa mga āyah ng Qur'ān. Magpaliwanag ka niyon.
Ang Sūrah Al-Bayyinah, ang Sūrah Az-Zalzalah, at ang Sūrah Al-`Ādiyāt
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
2. makapaghambing ka sa pagitan ng mga kalagayan ng mga mananampalataya at mga kalagayan ng mga tagatangging-sumampalataya sa Kabilang-buhay;
3. makapag-analisa ka ng konsepto ng kabutihan sa pamamagitan ng Sūrah Az-Zalzalah at Sūrah Al-`Ādiyāt.
4. makapagpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa mga āyah;
5. makapaghanda ka para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
Sūrah Al-Bayyinah
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Lam yakuni –lladhīna kafarū min ahli –lkitābi wa-lmushrikīna munfakkīna ḥattā ta'tiyahumu -lbayyinah: (Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay hindi naging mga kumakalas hanggang sa pumunta sa kanila ang malinaw na patunay:)} {2. Rasūlun mina –llāhi yatlū ṣuḥufam muṭahharah, (isang Sugo mula kay Allāh, na bumibigkas ng mga pahinang dinalisay,)} {3. Fīhā kutubun qayyimah. (na sa mga ito ay may mga nakasulat na matuwid.)} {4. Wa-mā tafarraqa –lladhīna ūtu –lkitāba illā mim ba`di mā jā'athumu –lbayyinah. (Hindi nagkawatak-watak ang mga binigyan ng kasulatan kundi matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay.)} {5. Wa-mā umirū illā li-ya`budu –llāha mukhliṣīna lahu –ddīna ḥunafā'a wa-yuqīmu –ṣṣalāta wa-yu'tu –zzakāta wa-dhālika dīnu –lqayyimah. (Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.)} {6. Inna –lladhīna kafarū min ahli –lkitābi wa-lmushrikīna fī nāri jahannama khālidīna fīhā ulā'ika hum sharru –lbarīyah. (Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal.)} {7. Inna –lladhīna āmanū wa-`amilu ṣṣāliḥāti ula'ika hum khayru –lbarīyah. (Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang pinakamabuti sa sangkinapal.)} {8. Jazā'uhum `inda rabbihim jannātu `adnin tajrī min taḥtiha –l'anhāru khālidīna fīhā abadā, raḍiya –llāhu `anhum wa-raḍū `anh, dhālika liman khashiya rabbah. (Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya.)} (Qur'ān 98:1-8)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Tumatalakay ang marangal ng sūrah ng katayuan ng mensahe ni Propeta Muḥammad at kainaman, ng sinumang sumampalataya rito, at ng kahihinatnan ng sinumang tumangging sumampalataya rito sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Lam yakuni –lladhīna kafarū min ahli –lkitābi wa-lmushrikīna munfakkīna ḥattā ta'tiyahumu -lbayyina: (Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay hindi naging mga kumakalas hanggang sa pumunta sa kanila ang malinaw na patunay:)} Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano at mga tagapagtambal ay hindi naging mga tagaiwan ng kawalang-pananampalataya nila hanggang sa pumunta sa kanila ang maliwanag na patunay sa kabulaanan niyon.
{2. Rasūlun mina –llāhi yatlū ṣuḥufam muṭahharah, (isang Sugo mula kay Allāh, na bumibigkas ng mga pahinang dinalisay,)} {3. Fīhā kutubun qayyimah. (na sa mga ito ay may mga nakasulat na matuwid.)} Ang patunay na ito ay ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang anumang binibigkas niya mula sa mga āyah ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang anumang nasa mga ito na mga utos na magpapanumbalik sa kanila sa tumpak na daan, at ang mga pabatid na tapat na nagpapatnubay tungo sa katotohanan.
{4. Wa-mā tafarraqa –lladhīna ūtu –lkitāba illā mim ba`di mā jā'athumu –lbayyinah. (Hindi nagkawatak-watak ang mga binigyan ng kasulatan kundi matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay.)} Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano sa paniniwala na mayroong isang sugong isusugo subalit noong ipinadala ito mula sa iba pa sa kanila, nagkawatak-watak sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya sa kanya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya.
{5. Wa-mā umirū illā li-ya`budu –llāha mukhliṣīna lahu –ddīna ḥunafā'a wa-yuqīmu –ṣṣalāta wa-yu'tu –zzakāta wa-dhālika dīnu –lqayyimah. (Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.)} Hindi inutusan ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano sa Qur'ān na ito kundi ng nasaad sa mga kasulatan nila na pagpapakawagas ng pagsamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging sa Kanya – pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng kawanggawa. Iyon ay ang Relihiyong Islām na matuwid.
{6. Inna –lladhīna kafarū min ahli –lkitābi wa-lmushrikīna fī nāri jahannama khālidīna fīhā ulā'ika hum sharru –lbarīyah. (Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal.)} Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga may kasulatan at mga tagasamba ng mga anito, na hindi sumampalataya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa inihatid niya na katotohanan, ang hantungan nila ay tungo sa apoy ng Impiyerno. Sila ay ang pinakamasama sa nilikha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
{7. Inna –lladhīna āmanū wa-`amilu ṣṣāliḥāti ula'ika hum khayru –lbarīyah. (Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang pinakamabuti sa sangkinapal.)} {8. Jazā'uhum `inda rabbihim jannātu `adnin tajrī min taḥtiha –l'anhāru khālidīna fīhā abadā, raḍiya –llāhu `anhum wa-raḍū `anh, dhālika liman khashiya rabbah. (Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya.)} Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay ang pinakamabuti sa nilikha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ukol sa kanila ang Paraiso sa ganang kay Allāh (napakataas Siya). Sa loob nito ang pananatili nila at ang pagtigil nila bilang ganti sa ginawa nila. Nalulugod si Allāh (napakataas Siya) sa kanila at nagpapalugod Siya sa kanila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba kay Allāh at umiwas sa mga pagsuway sa Kanya.
Sūrah Az-Zalzalah
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Idhā zulzilati –l'arḍu zilzālahā, (Kapag niyanig ang lupa sa pagyanig nito,)} {2. Wa-'akhrajati –l'arḍu athqālahā (at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,)} {3. Wa-qāla –l'insānu mā lahā? (at nagsabi ang tao: "Ano ang nangyari dito?" –)} {4. Yawma'idhin tuḥaddithu akhbārahā (sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito)} {5. Bi-'anna rabbaka awḥā lahā. (dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.)} {6. Yawma'idhin yaṣduru –nnāsu ashtātal li-yuraw a`mālahum. (Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.)} {7. Fa-man ya`mal mithqāla dharratin khayran yarah, (Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,)} {8. Wa-man ya`mal mithqāla dharratin sharran yarah. (at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.)} (Qur'ān 99:1-8)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Naglilinaw ang marangal na sūrah na ito ng ilan sa mga pangyayari sa Araw ng Pagbangon at anumang mauuna rito na mga hilakbot sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Idhā zulzilati –l'arḍu zilzālahā, (Kapag niyanig ang lupa sa pagyanig nito,)} {2. Wa-'akhrajati –l'arḍu athqālahā (at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,)} Naglalarawan si Allāh (napakataas Siya) ng ilan sa mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon kapag gagalaw-galaw ang lupa nang may katindihan at maglalabas ito ng mga inilibing dito na mga patay.
{3. Wa-qāla –l'insānu mā lahā (at nagsabi ang tao: "Ano ang nangyari dito?" –)} {4. Yawma'idhin tuḥaddithu akhbārahā (sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito)} {5. Bi-'anna rabbaka awḥā lahā. (dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.)} Kaya magtataka ang tao sa mangyayari sa lupa kapag nagpabatid ang lupa hinggil sa ginawa sa ibabaw nito na kabutihan o kasamaan matapos na mag-utos dito si Allāh niyon.
{6. Yawma'idhin yaṣduru –nnāsu ashtātal li-yuraw a`mālahum. (Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.)} Sa dakilang Araw na iyon na mayayanig roon ang lupa, lalabas ang mga tao mula sa tigilan ng pagtutuos nang pangkat-pangkat upang makasaksi sila sa mga gawa nila na ginawa nila sa Mundo.
{7. Fa-man ya`mal mithqāla dharratin khayran yarah, (Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,)} {8. Wa-man ya`mal mithqāla dharratin sharran yarah. (at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.)} Kaya ang bawat tao ay makakikita ng ginawa niya na kabutihan o kasamaan kahit pa man ito ay naging maliit, para gantihan siya rito, at makakikita ng kahihinatnan niya sa Araw ng Pagbangon.
Sūrah Al-`Ādiyāt
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Wa –l`Ādiyāti ḍabḥā, (Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,)} {2. Fa –lmūriyāti qadḥā, (saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],)} {3. Fa –lmughīrāti ṣubḥā, (saka mga nanlulusob sa madaling-araw,)} {4. Fa-atharna bihi naq`ā, (saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,)} {5. Fa-wasaṭna bihi jam`ā; (saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon;)} {6. Inna –l'insāna li-rabbihi la-kanūd. (tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.)} {7. Wa-innahu `alā dhālika la-shahīd. (Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.)} {8. Wa-innahu li-ḥubbi –lkhayri la-shadīd. (Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.)} {9. A-fa-lā ya`lamu idhā bu`thira mā fi –lqubūr (Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod)} {10. Wa-ḥuṣṣila mā fi –ṣṣudūr, (at itinanghal ang nasa mga dibdib,)} {11. Inna rabbahum bihim yawma'idhin la-khabīr. (tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.)} (Qur'ān 100:1-11)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagpapahalaga ang marangal na sūrah na ito ng paglilinaw sa mga katangian ng tao at epekto ng mga ito sa kahihinatnan niya sa Kabilang-buhay. Nagsisimula ang sūrah sa panunumpa sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Wa –l`Ādiyāti ḍabḥā, (Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,)} Sumusumpa si Allāh (napakataas Siya) sa mga kabayong tumatakbo alang-alang sa landas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kaya lumilitaw ang tunog ng mga ito dahil sa tindi ng pagtakbo ng mga ito.
{2. Fa –lmūriyāti qadḥā, (saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],)} Lumalabas ang mga kutitap mula sa mga kuko ng paa ng mga ito dahil sa tindi ng pagtakbo ng mga ito.
{3. Fa –lmughīrāti ṣubḥā, (saka mga nanlulusob sa madaling-araw,)} Sumusugod ang mga ito sa mga kaaway ni Allāh (napakataas Siya) sa sandali ng madaling-araw.
{4. Fa-atharna bihi naq`ā, (saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,)} Saka nanghihilakbot dahil sa mga ito ang kaaway at bumubulabog ang mga ito sa paligid ng mga ito sa mga alikabok.
{5. Fa-wasaṭna bihi jam`ā; (saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon;)} Nagpapakagitna ang mga ito sa pamamagitan ng mga sakay ng mga ito na mga sundalo ni Allāh sa pagtitipon ng mga kaaway.
{6. Inna –l'insāna li-rabbihi la-kanūd. (tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.)} {7. Wa-innahu `alā dhālika la-shahīd. (Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.)} {8. Wa-innahu li-ḥubbi –lkhayri la-shadīd. (Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.)} Sumusumpa si Allāh (napakataas Siya) sa nauna na ang tao ay nagkakaila ng biyaya ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanya. Ang tao ay umaamin sa pagkakailang ito at na siya ay matindi ang pag-ibig sa kayamanan kaya nagmamaramot siya nito.
{9. A-fa-lā ya`lamu idhā bu`thira mā fi –lqubūr (Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod)} {10. Wa-ḥuṣṣila mā fi –ṣṣudūr, (at itinanghal ang nasa mga dibdib,)} Kaya hindi ba nakaaalam ang taong nalilinlang ng Mundo at yaman kung ano ang mangyayari kapag sumapit ang Pagbangon [ng mga patay]? Lalabas ang mga patay mula sa mga libingan nila sa Araw ng Pagbangon. Tutuusin sila sa mga gawa nila at anumang ikinukubli ng mga dibdib nila na kabutihan at kasamaan.
{11. Inna rabbahum bihim yawma'idhin la-khabīr. (tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.)} Si Allāh ay hindi napagkukublihan ng anuman sa araw na iyon at gaganti sa kanila roon.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Kinakailangan na ang pagsamba ay maging wagas ukol kay Allāh – tanging sa Kanya.
2. Ang katapatan ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang kadakilaan ng mensahe niya ay pinakamalaking malinaw na patunay sa katapatan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Ang mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos ay ang pinakamabuti sa nilikha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang ganti sa kanila ay ang Paraiso.
4. Ang Araw ng Pagbangon ay isang araw na nakapangingilabot na sukdulan, na tutuusin dito ang tao sa bawat bagay gaano man ito naging maliit.
5. Ang tao sa kalikasan nito ay nagkakaila sa biyaya maliban sa sinumang nakibaka sa sarili niya, nagpuri kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) dito, at tumupad sa karapatan nito.
6. Ang itinuon sa tumpak ay ang sinumang nagsaayos ng puso niya sa pamamagitan ng pananampalataya, pagpapakawagas, at pag-ibig kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), sa Sugo Niya, at mga mananampalataya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahambing ako.
Sa pamamagitan ng pagkaintindi mo sa Sūrah Al-Bayyinah, maghambing ka sa pagitan ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya sa sumusunod na talahanayan:
Ang anyo ng Paghahambing
Ang mga mananampalataya
Ang mga tagatangging sumampalataya
Ano ang ipinag-utos sa kanila ni Allāh?
Ang saloobin nila sa utos ni Allāh (napakataas Siya)
Ang kalagayan nila sa Kabilang-buhay
Aktibidad 2: Magpapaliwanag ako sa ugnayan.
1. Magpaliwanag ka ng kaugnayan sa pagitan ng sabi ni Allāh: {3. Wa-qāla –l'insānu mā lahā (at nagsabi ang tao: "Ano ang nangyari dito?" –)} {4. Yawma'idhin tuḥaddithu akhbārahā (sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito)} {5. Bi-'anna rabbaka awḥā lahā. (dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.)} at ng sabi Niya: {sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila, ang mga kamay nila, at ang mga paa nila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 24:24)
2. Ano ang kinakailangan sa Muslim na gawin niya nang sa gayon ang mga pagsaksing ito ay para sa kanya at hindi laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon?
Aktibidad 3. Sasagot ako.
Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa Sūrah Az-Zalzalah: {Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,} Nagsasabi si Allāh sa Sūrah Al-`Ādiyāt: {Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.} Ayon sa liwanag niyon, sagutin mo:
1. Ano ang tinutukoy ng kabutihan sa kapwa kalagayan?
2. Ang kabutihang nabanggit ba sa Sūrah Al-`Ādiyāt ay ipinantutukoy sa kasamaan na binanggit sa Sūrah Az-Zalzalah?
3. Papaanong magpapalit-anyo ang kabutihan para maging kasamaan sa pamamagitan ng paglalarawan ni Allāh (napakataas Siya) sa tao sa Sūrah Al-`Ādiyāt.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang kawalang-pananampalataya ng mga Hudyo kay Propeta Muḥammad dahil sa pagdududa nila sa katapatan niya. (X)
2. Ang sinumang nalugod kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Mundo, magpapalugod sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Kabilang-buhay. (✓)
3. Ang sabi ni Allāh na: {ang relihiyon ng pagkamatuwid} ay nangangahulugang: ang relihiyon ng mga may kasulatan. (X)
4. Ang pagpapakawagas ay isang kundisyon sa pagtanggap sa mga maayos na gawa. (✓)
5. Mag-iingat ang lupa sa mga katawan ng mga mananampalataya hanggang sa makapasok sila sa Paraiso. (X)
PANUTO 2: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:
{4. Wa-mā tafarraqa –lladhīna ūtu –lkitāba illā mim ba`di mā jā'athumu –lbayyinah. (Hindi nagkawatak-watak ang mga binigyan ng kasulatan kundi matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay.)}
{1. Wa –l`Ādiyāti ḍabḥā, (Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,)} {2. Fa –lmūriyāti qadḥā, (saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],)} {3. Fa –lmughīrāti ṣubḥā, (saka mga nanlulusob sa madaling-araw,)}
{9. A-fa-lā ya`lamu idhā bu`thira mā fi –lqubūr (Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod)} {10. Wa-ḥuṣṣila mā fi –ṣṣudūr, (at itinanghal ang nasa mga dibdib,)}
PANUTO 3: Isulat mo ang marangal na āyah na nababagay ang kahulugang nabanggit sa sumusunod:
1. Nakasalalay ang Relihiyon sa pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagpapanatili ng ṣalāh, at pagbibigay ng zakāh.
2. Magtataka ang tao sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagsaksi ng lupa laban sa kanya.
3. Sasaksi ang tao laban sa sarili niya sa pagkakaila sa mga biyaya.
PANUTO 4: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Maghambing ka sa pagitan ng tinutukoy ng "kabutihan" sa sabi ni Allāh: {Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,} at ng sabi pa Niya (napakataas Siya): {Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.}
2. Ilarawan mo sa limang linya ang mga kalagayan ng mga mananampalataya at ang mga kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya sa Kabilang-buhay ayon sa liwanag ng nasaad sa Sūrah Al-Bayyinah at Sūrah Az-Zalzalah.
3. Magpaliwanag ka ng dalawang katuturan mula sa mga katuturan na natutuhan mo mula sa mga āyah ng aralin.
4. Ang Sūrah Al-Qāri`ah, ang Sūrah At-Takāthur, ang Sūrah Al-`Aṣr, at ang Sūrah Al-Humazah
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
2. makapagpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa mga āyah;
3. makatalos ka sa pinapakay ng Qur'ān sa pagpaparating ng mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon at ng mga āyah ng banta;
4. makapagbigay-kahalagahan ka sa biyaya ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Sūrah Al-Qāri`ah
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Alqāri`āh. (Ang Tagakalampag.)} {2. Ma –lqāri`āh? (Ano ang Tagakalampag?)} {3. Wa-mā adrāka ma –lqāri`ah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?)} {4. Yawma yakūnu –nnāsu ka-lfarāshi –lmabthūth (Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat)} {5. Wa-takūnu –ljibālu ka-l`ihni –lmanfūsh. (at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.)} {6. Fa-ammā man thaqulat mawāzīnuh, (Kaya hinggil naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,)} {7. Fa-huwa fī `īshatir rāḍiyah. (siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.)} {8. Wa-ammā man khaffat mawāzīnuh, (Hinggil naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,)} {9. Fa-ummuhu hāwiyah. (ang kanlungan niya ay kailaliman.)} {10. Wa-mā adrāka mā hiyah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?)} {11. Nārun ḥāmiyah. ([Iyon ay] isang Apoy na napakainit.)} (Qur'ān 101:1-11)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Naglalarawan ang marangal na sūrah na ito ng ilan sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon at pagkahati ng mga tao matapos ng pagtitimbang ng mga gawa nila sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Alqāri`āh. (Ang Tagakalampag.)} {2. Ma –lqāri`āh? (Ano ang Tagakalampag?)} {3. Wa-mā adrāka ma –lqāri`ah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?)} Nagpapangamba si Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Niya sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi Siya: ang Huling Sandali na kumakalampag at sumisindak sa mga puso ng mga tao. Aling bagay ang nagpaalam sa iyo hinggil doon at hinggil sa mga hilakbot niyon?
{4. Yawma yakūnu –nnāsu ka-lfarāshi –lmabthūth (Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat)} Sa dakilang araw na iyon, ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong naglilipana.
{5. Wa-takūnu –ljibālu ka-l`ihni –lmanfūsh. (at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.)} Ang mga dambuhalang bundok na iyon ay magiging gaya ng lana na nahihimulmol at nahahalukay ng kamay kaya magiging alikabok at maglalaho na para bang dati nang wala.
{6. Fa-ammā man thaqulat mawāzīnuh, (Kaya hinggil naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,)} {7. Fa-huwa fī `īshatir rāḍiyah. (siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.)} Ang mga tao sa araw na iyon ay dalawang uri: isang uring bumigat ang mga timbangan ng mga magandang gawa niya higit sa mga masagwang gawa niya. Ang mga ito ay nasa isang pamumuhay na maligayang kaiga-igaya sa Paraiso.
{8. Wa-ammā man khaffat mawāzīnuh, (Hinggil naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,)} {9. Fa-ummuhu hāwiyah. (ang kanlungan niya ay kailaliman.)} Hinggil naman sa gumaan ang mga timbangan ng mga magandang gawa niya at naging matimbang ang mga timbangan ng mga masagwang gawa niya, ang hantungan niya ay tungo sa Impiyerno upang sumailalim doon.
{10. Wa-mā adrāka mā hiyah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?)} {11. Nārun ḥāmiyah. ([Iyon ay] isang Apoy na napakainit.)} Ano ang nagpaalam sa iyo hinggil sa kailalimang iyon? Tunay na iyon ay apoy na matindi ang init.
Sūrah At-Takāthur
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Alhākumu –ttakāthur (Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan)} {2. Ḥattā zurtumu –lmaqābir. (hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.)} {3. Kallā sawfa ta`lamūn (Aba'y hindi! Malalaman ninyo.)} {4. Thumma kallā sawfa ta`lamūn. (Pagkatapos, aba'y hindi! Malalaman ninyo.)} {5. Kallā law ta`lamūna `ilma –lyaqīn, (Aba'y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,)} {6. La-tarawunna –ljaḥīm. (talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.) 7. Thumma la-tarawunnahā `ayna –lyaqīn. (Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.)} {8. Thumma la-tus'alunna yawma'idhin `ani –nna`īm. (Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.)} (Qur'ān 102:1-8)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagbibigay-babala sa atin si Allāh (napakataas Siya) laban sa pagpapakaabala sa Mundo at mga natatamasa rito palayo sa pagtutuos at pagganti sa Kabilang-buhay sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Alhākumu –ttakāthur (Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan)} {2. Ḥattā zurtumu –lmaqābir. (hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.)} Nakaabala sa inyo ang pagmamayabangan sa mga yaman at mga anak palayo sa pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) hanggang sa napunta kayo sa mga libingan bilang mga patay at inilibing kayo sa mga ito.
{3. Kallā sawfa ta`lamūn (Aba'y hindi! Malalaman ninyo.)} {4. Thumma kallā sawfa ta`lamūn. (Pagkatapos, aba'y hindi! Malalaman ninyo.)} Kaya hindi nararapat na umabala sa inyo ang Mundo palayo sa Kabilang-buhay. Makaalam kayo sa kahihinatnan niyon sa Araw ng Pagbangon at makatatalos kayo na ang tahanang pangkabilang-buhay ay hindi na mabuti para sa inyo at higit na nananatili.
{5. Kallā law ta`lamūna `ilma –lyaqīn, (Aba'y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,)} Kaya tunay na kayo, kung sakaling nakaalam kayo nang tiyakan na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay magtutuos sa inyo sa anumang pinagkaabalahan ninyo sa Mundo palayo sa Kabilang-buhay.
{6. La-tarawunna –ljaḥīm. (talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.)} {7. Thumma la-tarawunnahā `ayna –lyaqīn. (Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.)} Tunay na kayo ay makasasaksi sa apoy ng Impiyerno sa Araw ng Pagbangon at makasasaksi kayo nito hanggang sa makatiyak kayo rito.
{8. Thumma la-tus'alunna yawma'idhin `ani –nna`īm. (Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.)} Pagkatapos magtatanong sa inyo si Allāh (napakataas Siya) tungkol sa mga uri ng mga biyaya na ibinigay Niya sa inyo sa Mundo.
Sūrah Al-`Aṣr
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Wa-l`aṣri, (Sumpa man sa panahon,)} {2. Inna –l'insāna la-fī khusr, (tunay na ang tao ay talagang nasa isang pagkalugi,)} {3. Illa –lladhīna āmanū wa-`amilu –ṣṣāliḥāti wa-tawāṣaw bi-lḥaqqi wa-tawaṣaw bi-ṣṣabr. (maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.)} (Qur'ān 103:1-3)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Naglilinaw sa atin ang marangal na sūrah na ito ng reyalidad ng pagtubo at pagkalugi sa buhay na ito sapagkat nagsasabi si Allāh:
{1. Wa-l`aṣri, (Sumpa man sa panahon,)} Sumusumpa si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa oras ng hapon o sa panahon sa kabuuan nito.
{2. Inna –l'insāna la-fī khusr, (tunay na ang tao ay talagang nasa isang pagkalugi,)} {3. Illa –lladhīna āmanū wa-`amilu –ṣṣāliḥāti wa-tawāṣaw bi-lḥaqqi wa-tawaṣaw bi-ṣṣabr. (maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.)} Sumusumpa si Allāh na ang bawat tao ay nasa isang kalugihan maliban sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos; nagtatagubilinan sa isa't isa sa kanila sa pagpapakatatag sa katotohanan, ang Relihiyong Islām, at pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan); at nagtatagubilinan ng pagtitiis doon. Kaya ang mga nailalarawan sa apat na katangiang ito at ang mga tumutubo sa Mundo at Kabilang-buhay.
Sūrah Al-Humazah
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Waylul li-kulli humazatil lumazah, (Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri,)} {2. Alladhī jama`a malaw wa-`addadah, (na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,)} {3. Yaḥsabu anna mālahū akhladah. (habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.)} {4. Kallā la-yumbadhanna fi –lḥuṭamah. (Aba'y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.)} {5. Wa-mā adrāka ma –lḥuṭamah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?)} {6. Nāru –llāhi –lmūqadah, ([Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,)} {7. Allatī taṭṭali`u `ala –l'af'idah. (na nanunuot sa mga puso.)} {8. Innahā `alayhim mu'ṣadah, (Tunay na ito sa kanila ay itataklob,)} {9. Fī `amadim mumaddadah. (sa mga haliging pinahaba.)} (Qur'ān 104:1-9)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Sa marangal na sūrah na ito ay may isang matinding banta sa mga nanunuya at mga nagpapakamalaki sa mga mananampalataya sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Waylul li-kulli humazatil lumazah, (Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri,)} Nagbabanta si Allāh (napakataas Siya) ng pagkasawi at pagdurusa sa bawat sinumang nanlilibak sa mga mananampalataya at nanirang-puri sa relihiyon nila at mga dangal nila.
{2. Alladhī jama`a malaw wa-`addadah, (na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,)} {3. Yaḥsabu anna mālahū akhladah. (habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.)} Ang nagpakaabala sa pagtipon ng yaman at pagbibilang-bilang nito habang siya ay nagpapalagay na ang yamang ito ay magliligtas sa kanya mula sa kamatayan at anumang matapos nito na pagtutuos at pagganti.
{4. Kallā la-yumbadhanna fi –lḥuṭamah. (Aba'y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.)} {5. Wa-mā adrāka ma –lḥuṭamah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?)} Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpapalagay ng mangmang na ito sapagkat hindi makapagliligtas sa kanya ang yaman niya at itatapon siya sa isang apoy na magkakabali-bali at magkakadurug-durog ang bawat itatapon doon.
{5. Wa-mā adrāka ma –lḥuṭamah? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?)} {6. Nāru –llāhi –lmūqadah, ([Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,)} {7. Allatī taṭṭali`u `ala –l'af'idah. (na nanunuot sa mga puso.)} Ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang reyalidad ng apoy na ito? Tunay na ito ay ang nagniningas na apoy ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), na manunuot ang matinding liyab nito sa mga katawan hanggang sa mga puso.
{8. Innahā `alayhim mu'ṣadah, (Tunay na ito sa kanila ay itataklob,)} {9. Fī `amadim mumaddadah. (sa mga haliging pinahaba.)} Tunay na ang apoy na ito ay isasara sa mga maninirahan dito. Igagapos sila sa mga tanikala at mga mahabang kulyar kaya hindi nila makakaya ang paglabas mula roon.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
Nagbibigay-babala si Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Niya laban sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon upang maghanda sila para rito sa pamamagitan ng gawang maayos.
Ang mga tao sa Araw ng Pagbangon ay dalawang uri: isang uring bibigat ang mga timbangan ng mga magandang gawa nito kaya magtatamo ito ng Paraiso at isang uring gagaan ang mga timbangan ng mga magandang gawa nito kaya ang hantungan nito ay Impiyerno. Magpakupkop kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)!
Tutuusin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon sa mga biyaya ni Allāh. Walang magliligtas sa kanila kundi ang pagpapasalamat sa mga ito at ang paggamit sa mga ito sa kaluguran ni Allāh (napakataas Siya).
Ang marunong ay ang sinumang tumalima kay Allāh (napakataas Siya) at gumawa para sa matapos ng kamatayan bago siya makakita sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng mata ng katiyakan.
Ang lahat ng mga tao ay nasa isang kalugihan maliban sa sinumang sumampalataya kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), gumawa ng maayos, nag-anyaya para sa katotohanan at kabutihan, at nagtiis doon.
Ang panlilibak, ang tsismis, ang panunuya, at ang iba pa sa mga ito ay isang kadahilanan para sa pagkakawatak-watak ng lipunan sa Mundo at pagdurusang dulot ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Kabilang-buhay.
Ang kasagwaan ng kahihinatnan ng pagsuway kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sa Kabilang-buhay.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-uuri ako.
Punuan mo ang sumusunod na talahanayan ng mga halimbawa ng mga gawa na iibigin ng Muslim na makita sa timbangan ng mga magandang gawa niya at ng mga gawa na hindi maayos na hindi iibigin ng Muslim na makita sa timbangan ng mga masagwang gawa niya.
Ang Uri ng Gawain
Ang Pakikitungo sa mga Tao
Ang Gawain ng Puso
Ang Gawain ng Mata
Ang Gawain ng Dila
Ang Gawain ng Kamay
Ang Gawain ng Paa Bibigat ang timbangan ng mga magandang gawa. Bibigat ang timbangan ng mga masagwang gawa.
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Hahatiin ng mga estudyante ang mga sarili nila sa dalawang grupo.
Makikipagtalakayan ang unang grupo kaugnay sa mga bagay na ang pagpaparami sa mga ito ay magiging mabuti para sa tao.
Makikipagtalakayan ang ikalawang grupo kaugnay sa mga bagay na ang pagpaparami sa mga ito ay magiging masama para sa tao.
Pagkatapos maglalahad ang bawat grupo ng isinulat nito sa ibang grupo at magsusulat sila ng naabot nila.
Aktibidad 3: Mag-iisip-isip ako at magpapalalim ako ng pagkakaalam ko.
Ayon sa liwanag ng pag-aaral mo, sagutin mo ang sumusunod:
1. Bakit nagpaparami ang Marangal na Qur'ān ng pagbabala laban sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon?
2. Malulubos ba ang mensahe nang walang pagbabala laban sa galit ni Allāh (napakataas Siya)?
3. Papaanong nagbalanse ang Islām sa pagitan ng pagbabala at pagbabalita ng nakagagalak?
Aktibidad 4: Bubuo ako sa pamamagitan ng panulat ko.
Naglinaw ang Sūrah At-Takāthur at Sūrah Al-Humazah sa saloobin ng tao tungo sa mga biyaya ni Allāh sa kanya at epekto ng mga ito sa hantungan niya. Maaari na magtulak sa kanya ang biyaya tungo sa pagpapasalamat at kaluguran ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at Paraiso Niya, o na magtulak sa kanya tungo sa pagmamalaki at pagmamalabis, pagkatapos pagdurusa sa Kabilang-buhay. Magbigay-linaw ka sa kuwaderno mo ng kahulugang ito sa pamamagitan ng dalawang marangal na sūrah, pagkatapos maghain ka ng tatlong halimbawa ng pagpapasalamat sa biyaya o pagtangging magpasalamat dito at maglahad ka sa tagapagturo mo at mga kaklase mo ng isinulat mo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nakasalalay ang mensahe sa pagbabalita ng nakagagalak sa tagatalima at pagbabala sa tagasuway. (✓)
2. Ang Qāri`ah (Tagakalampag), ang Zalzalah (Pagyanig), at ang Qiyāmah (Pagbangon) ay kabilang sa mga pangalan ng Ākhirah (Kabilang-buhay). (✓)
3. Ang yaman ay salot maliban sa sinumang kumita nito mula sa ipinahihintulot at gumugol nito sa ipinahihintulot. (✓)
PANUTO 2: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:
A. {1. Alhākumu –ttakāthur (Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan)} {2. Ḥattā zurtumu –lmaqābir. (hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.)}
B. {4. Yawma yakūnu –nnāsu ka-lfarāshi –lmabthūth (Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat)} {5. Wa-takūnu –ljibālu ka-l`ihni –lmanfūsh. (at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.)}
C. {1. Waylul li-kulli humazatil lumazah, (Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri,)} {2. Alladhī jama`a malaw wa-`addadah, (na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,)}
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng pinapakay ng Qur'ān sa pagbanggit ng mga āyah ng pagbabala at pagbabanta kung paano mong naitindihan mula sa aralin.
2. Magsulat ka ng isang paglalarawang pinaiksi para sa mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon gaya ng pagkabanggit sa Sūrah Al-Qāri`ah.
3. Magbuod ka ng pagpapakahulugan sa Sūrah Al-`Aṣr sa tatlong linya.
4. Magpaliwanag ka ng dalawang katuturan mula sa mga katuturan na natutuhan mo mula sa mga āyah ng aralin.
5. Ang Sūrah Al-Fīl, ang Sūrah Quraysh, at ang Sūrah Mā`ūn
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
2. makapag-analisa ka ng saloobin ng Quraysh sa mga biyaya ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila;
3. makapagpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa mga āyah;
4. makaiiwas ka sa mga katangian ng mga tagapagpasinungaling sa Kabilang-buhay at mga nalilingat doon;
5. makapagdakila ka sa halaga ng Bahay na Pinakababanal.
Sūrah Al-Fīl
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. A-lam tara kayfa fa`ala rabbuka bi-aṣḥābi –lfīl? (Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante?)} {2. A-lam yaj`al kaydahum fī taḍlīl? (Hindi ba Siya gumawa sa panlalansi nila [na mauwi] sa isang pagkawala?)} {3. Wa-arsala `alayhim ṭayran abābīl, (Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,)} {4. Tarmīhim bi-ḥijaratim min sijjīl. (na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas.)} {5. Fa-ja`alahum ka-`aṣfim ma'kūl. (Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan.)} (Qur'ān 105:1-5)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagpapaalaala sa atin ang marangal na sūrah na ito hinggil sa pangangalaga ni Allāh sa Bahay na Pinakababanal laban sa mga kasamahan ng mga elepante sapagkat nagsasabi Siya:
{1. A-lam tara kayfa fa`ala rabbuka bi-aṣḥābi –lfīl? (Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante?)} Hindi ba kayo nakaalam sa ginawa ni Allāh (napakataas Siya) kay Abrahah, ang Etyopiyo, at sa hukbo niya nang dumating sila kasama ng mga elepante, na nagnanais na wasakin ang Ka`bah?
{2. A-lam yaj`al kaydahum fī taḍlīl? (Hindi ba Siya gumawa sa panlalansi nila [na mauwi] sa isang pagkawala?)} Talaga ngang nagpawalang-saysay si Allāh (napakataas Siya) sa ipinanukala nilang kasamaan sapagkat hindi nila nakayang wasakin ang Ka`bah o magpabaling sa mga tao palayo sa pagdakila sa Bahay na Pinakababanal.
{3. Wa-arsala `alayhim ṭayran abābīl, (Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,)} Nagsugo Siya sa kanila ng mga nagkakasunurang pangkat ng mga ibon.
{4. Tarmīhim bi-ḥijaratim min sijjīl. (na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas.)} Nagbabato sa kanila ng mga batong yari sa luwad na nagsabato.
{5. Fa-ja`alahum ka-`aṣfim ma'kūl. (Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan.)} Kaya sila ay naging gaya ng mga dahon ng tuyong tanim, na kinain ng mga hayop pagkatapos itinapon.
Sūrah Quraysh
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Li-īlāfi quraysh – (Dahil sa pagkahirati sa Quraysh –)} {2. Īlāfihim riḥlata –shshitā'I wa-ṣṣayf – (sa pagkahirati nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init –)} {3. Fa-l-ya`budū rabba hādha –lbayt, (ay sumamba sila sa Panginoon ng Bahay na ito,)} {4. Alladhī aṭ`amahum min jū`iw wa-āmanahum min khawf, (na nagpakain sa kanila mula sa pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa pangamba.)} (Qur'ān 106:1-4)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Kumukumpleto ang marangal na sūrah na ito ng paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga mamamayan ng Makkah sapagkat nagsasabi Siya (napakataas Siya):
{1. Li-īlāfi quraysh – (Dahil sa pagkahirati sa Quraysh –)} {2. Īlāfihim riḥlata –shshitā'I wa-ṣṣayf – (sa pagkahirati nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init –)} Alang-alang sa kaugalian ng Quraysh at nakagawian nila na mga paglalakbay pangkalakalan sa taglamig sa Yemen at sa tag-init sa Sirya.
{3. Fa-l-ya`budū rabba hādha –lbayt, (ay sumamba sila sa Panginoon ng Bahay na ito,)} Kailangan sa kanila na sumamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging sa Kanya – na Panginoon ng Bahay na Pinakababanal na ito, na nagpadali para sa kanila ng mga paglalakbay na iyon,
{4. Alladhī aṭ`amahum min jū`iw wa-āmanahum min khawf, (na nagpakain sa kanila mula sa pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa pangamba.)} na nagbigay sa kanila ng panustos at katiwasayan sa bayan nila.
Sūrah Al-Mā`ūn
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. A-ra'ayta –lladhī yukadhdhibu bi-ddīn? (Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa pagtutumbas?)} {2. Fa-dhālika –lladhī yadu``u –lyatīm (Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila)} {3. Wa-lā yaḥuḍḍu `alā ṭa`āmi –lmiskīn. (at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.)} {4. Fa-waylul lilmuṣallīn, (Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,)} {5. Alladhīna hum `an ṣalātihim sāhūn, (na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,)} {6. Alladhīna hum yurā'ūna (na sila ay nagpapakitang-tao)} {7. Wa-yamna`ūna –lmā`ūn. (at nagkakait ng munting tulong.)} (Qur'ān 107:1-7)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Naglalarawan ang marangal na sūrah na ito ng mga kaasalan ng mga tagapagpasinungaling ng Kabilang-buhay upang makapag-ingat tayo laban sa mga ito at makaiwas tayo sa paggawa ayon sa mga ito sapagkat nagsasabi si Allāh:
{1. A-ra'ayta –lladhī yukadhdhibu bi-ddīn? (Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa pagtutumbas?)} Hindi ka ba nakaalam sa kalagayan ng nagpapasinungaling sa pagbubuhay na muli at pagganti sa Araw ng Pagbangon?
{2. Fa-dhālika –lladhī yadu``u –lyatīm (Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila)} Iyon ay ang nagtutulak sa ulila nang may karahasan kaya humahamak siya sa ulila dahil sa katigasan ng puso niya
{3. Wa-lā yaḥuḍḍu `alā ṭa`āmi –lmiskīn. (at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.)} at hindi nag-uutos ng pagpapakain sa dukha at hindi nakikipagtulungan doon.
{4. Fa-waylul lilmuṣallīn, (Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,)} {5. Alladhīna hum `an ṣalātihim sāhūn, (na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,)} Kaya ang matinding pagdurusa ay ukol sa mga nagwawalang-bahala sa pagdarasal nila at hindi nagsasagawa nito sa oras nito ayon sa tumpak na anyo nito,
{6. Alladhīna hum yurā'ūna (na sila ay nagpapakitang-tao)} na nagpapakita ng paggawa ng kabutihan at pagtalima kay Allāh sa harapan ng mga tao bilang pakitang-tao at bilang pagpapaimbabaw
{7. Wa-yamna`ūna –lmā`ūn. (at nagkakait ng munting tulong.)} at nagkakait ng kapakinabangan ng mga ito at pagpapahiram sa kanila ng kinakailangan nila gaya ng mga kaldero at iba pa sa mga ito.
Kaya naman hindi sila gumawa ng maganda sa pagsamba sa Panginoon nila ni nagpakawagas kay Allāh (napakataas Siya) at hindi sila gumawa ng maganda sa nilikha Niya.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang kadakilaan ng katayuan ng Bahay na Pinakababanal sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) at ang kabutihang-loob ni Allāh sa Quraysh dahil sa pag-iral nila sa Bahay na Pinakababanal.
2. Ang kakāyahan ni Allāh (napakataas Siya) sa pagpapasawi sa sinumang nagpapakapalalo at lumalabag sa mga binabanal ni Allāh (napakataas Siya).
3. Ang katiwasayan at ang pagkakaroon ng makakain at maiinom ay kabilang sa pinakadakila sa mga biyaya ni Allāh (napakataas Siya) sa atin.
4. Nagtatagal ang mga biyaya sa pamamagitan ng pagpapasalamat kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga ito at naglalaho ang mga biyaya sa pamamagitan ng pagtangging magpasalamat sa mga ito at pagkakaila sa mga ito.
5. Ang mga tagapagpasinungaling sa Kabilang-buhay at ang mga nalilingat doon ay hindi gumaganap sa karapatan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ni sa karapatan ng mga lingkod Niya sapagkat tunay na sila ay hindi nagpaparangal sa mga ulila at mga mahina at nagkakait ng kabutihan sa mga tao.
6. Ang panganib sa tao ng pagpapakitang-tao at pagwaksi sa ṣalāh sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at sasagot ako.
Naganap ang kuwento ng mga kasamahan ng mga elepante ilang buwan bago ng kapanganakan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Dahil doon, bumanggit dito ang mga aklat ng talambuhay ng Propeta. Sumangguni ka sa isa sa mga aklat ng talambuhay ng Propeta. Sagutin mo ang sumusunod upang malaman mo ang mga detalye ng kuwento ng mga kasamahan ng mga elepante.
1. Sino si Abrahah?
2. Ano ang kadahilanan ng pagdating ni Abrahah kasama ng hukbo niya upang wasakin ang Ka`bah?
3. Ano ang saloobin ng mga mamamayan ng Makkah sa hukbong ito?
4. Ano ang epekto ng pangyayaring iyon sa katayuan ng Quraysh sa gitna ng mga Arabe?
Aktibidad 2: Magmamasid ako at magpapahayag ako.
Tumingin ka sa nakaharap na mapa at magpahayag ka ng kabutihang-loob ni Allāh (napakataas Siya) sa liping Quraysh matapos na nagpatiwasay sa kanila si Allāh sa paglalakbay sa taglamig at paglalakbay sa tag-init upang magtamo sila ng mga kapakinabangang ninanais nila.
Aktibidad 3: Magbubukod ako.
Isulat mo mula sa Sūrah Al-Mā`ūn ang mga āyah na naglalarawan sa kalagayan ng mga tagapagpasinungaling alinsunod sa hinihiling sa talahanayan.
Ang Kalagayan Nila Kasama ng mga Ulila
{2. Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila}
Ang Kalagayan Nila Kasama ng mga Maralita
{3. at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.}
{7. at nagkakait ng munting tulong.}
Ang Kalagayan Nila sa Pagdarasal
{4. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,} {5. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,}
Ang Kalagayan Nila sa Pagpapakawagas
{6. Alladhīna hum yurā'ūna (na sila ay nagpapakitang-tao)}
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
Naganap ang pangyayari sa mga elepante ilang buwan bago ng pagpapadala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). (X)
Ang Makkah at ang mga mamamayan nito ay may isang dakilang katayuan bago ng Islām. (✓)
Ang pananampalataya sa Kabilang-buhay ay nagtutulak sa mananampalataya sa pagkaawa sa mga mahina. (✓)
Ang pagwaksi sa ṣalāh ay hindi sumasalungat sa tapat na pananampalataya. (X)
Ang pagpapakitang-tao ay nagpapawalang-kabuluhan sa gawa at nagdadahilan ng pagdurusa sa Kabilang-buhay. (✓)
PANUTO 2: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:
A. {2. A-lam yaj`al kaydahum fī taḍlīl? (Hindi ba Siya gumawa sa panlalansi nila [na mauwi] sa isang pagkawala?) {3. Wa-arsala `alayhim ṭayran abābīl, (Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,)}
B. {3. Fa-l-ya`budū rabba hādha –lbayt, (ay sumamba sila sa Panginoon ng Bahay na ito,)}
C. {4. Fa-waylul lilmuṣallīn, (Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,)} {5. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,}
D. {6. (na sila ay nagpapakitang-tao)} {7. Wa-yamna`ūna –lmā`ūn. (at nagkakait ng munting tulong.)}
PANUTO 3: Sagutin ang dalawang sumusunod na tanong:
1. Hanguin mo ang mga biyaya ni Allāh (napakataas Siya) sa Quraysh kung paanong nasaad sa aralin kasama ng paglilinaw sa saloobin nila sa mga biyayang iyon.
2. Maglarawan ka ng mga gawa ng mga tagapagpasinungaling sa Kabilang-buhay at mga nalilingat doon kung paanong nasaad sa Sūrah Al-Mā`ūn.
Ang Sūrah Al-Kawthar, ang Sūrah Al-Kāfirūn, ang Sūrah An-Naṣr, at ang Sūrah Al-Masad
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
2. makapaglinaw ka sa kainaman ng Propeta at kainaman ng pagtatanggol sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay;
3. makapagpawalang-kaugnayan ka sa kawalang-pananampalataya at mga alagad nito;
4. makapagpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa mga āyah;
5. matuwa ka sa pag-aadya sa Islām at mga Muslim.
Sūrah Al-Kawthar
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Inna a`ṭaynāka –lkawthar. (Tunay na Kami ay nagbigay sa iyo ng Kawthar.)} {2. Fa-ṣalli lirabbika wa-nḥar. (Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay.)} {3. Inna shāni'aka huwa –l'abtar. (Tunay na ang nasusuklam sa iyo ay siya ang lagot sa pagpapala.)} (Qur'ān 108:1-3)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagbibigay-diin ang marangal na sūrah sa kainaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat nagsasabi si Allāh:
{1. Inna a`ṭaynāka –lkawthar. (Tunay na Kami ay nagbigay sa iyo ng Kawthar.)} Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagbigay sa Sugo nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng maraming kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Kabilang doon ang ilog ng Kawthar sa Paraiso.
{2. Fa-ṣalli li-rabbika wa-nḥar. (Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay.)} Kaya magdasal ka kay Allāh (napakataas Siya) bilang pasasalamat sa Kanya at magkatay ka ng katay mo para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging sa Kanya: walang katambal para sa Kanya.
{3. (Tunay na ang nasusuklam sa iyo ay siya ang lagot sa pagpapala.)} Tunay na ang naiinggit sa iyo at ang nasusuklam sa iyo ay ang naputol ang bakas niya at ang kabutihan niya sa Mundo at sa Kabilang-buhay.
Sūrah Al-Kāfirūn
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Qul yā'ayyuha –lkāfirūn, (Sabihin mo: "O mga tagatangging sumampalataya,)} {2. Lā a`budu mā ta`budūn, (hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo,)} {3. Wa-lā antum `ābidūna mā a`bud; (ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;)} {4. Wa-lā ana `ābidum mā `abadttum, (ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo,)} {5. Wa-lā antum `ābidūna mā a`bud; (ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;)} {6. Lakum dīnukum wa-liya dīn. (Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.") (Qur'ān 109:1-6)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagpapatibay ang marangal na sūrah ng Tawḥīd sa pagsamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging sa Kanya – at ng kawalang-kaugnayan sa kawalang-pananampalataya at mga alagad nito sapagkat nagsasabi Siya (napakataas Siya):
{1. Qul yā'ayyuha –lkāfirūn, (Sabihin mo: "O mga tagatangging sumampalataya,)} {2. Lā a`budu mā ta`budūn, (hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo,)} Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya: "Ako ay hindi sumasamba sa sinasamba ninyo na mga anito at mga diyus-diyusan."
{3. Wa-lā antum `ābidūna mā a`bud; (ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;)} Ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko, na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), na karapat-dapat sa pagsamba – tanging sa Kanya: walang katambal para sa Kanya.
{4. Wa-lā ana `ābidum mā `abadttum, (ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo,)} Hindi ako sasamba sa sinamba ninyo na mga anito at mga diyus-diyusan.
{5. Wa-lā antum `ābidūna mā a`bud; (ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;)} {6. Lakum dīnukum wa-liya dīn. (Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.") Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo na ipinagpilitan ninyo samantalang ako ay walang-kaugnayan doon. Mayroon akong relihiyon na pinababa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa akin at hindi ako magpapalit niyon.
Sūrah An-Naṣr
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Idhā jā'a naṣru –llāhi wa-lfatḥ (Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop)} {2. Wa-ra'ayta –nnāsa yadkhulūn fī dīni –llāhi afwājā (at nakakita ka sa mga tao na pumapasok sa Relihiyon ni Allāh nang mga pulu-pulutong)} {3. Fa-sabbiḥ bi-ḥamdi rabbika wa-staghfirhu innahū kāna tawwābā. (ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob.)} (Qur'ān 110:1-3)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagdadala ang marangal na sūrah na ito ng isang balitang nakagagalak para sa mga Muslim hinggil sa pag-aadya at paglaganap ng Islām sa gitna ng mga Arabe sapagkat nagsasabi si Allāh:
{1. Idhā jā'a naṣru –llāhi wa-lfatḥ (Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop)} Kapag nangyari ang pag-aadya ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga Muslim laban sa mga tagapagtambal ng Quraysh at ang pagsakop ni Allāh para sa inyo ng Makkah
{2. Wa-ra'ayta –nnāsa yadkhulūn fī dīni –llāhi afwājā (at nakakita ka sa mga tao na pumapasok sa Relihiyon ni Allāh nang mga pulu-pulutong)} at pumasok ang mga tao sa Islām bilang mga individuwal at mga pangkat,
{3. Fa-sabbiḥ bi-ḥamdi rabbika wa-staghfirhu (ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya.)} magpawalang-kinalaman ka sa Panginoon mo (kaluwalhatian sa Kanya) ng alinmang katambal, magpasalamat ka sa Kanya sa biyaya ng pag-aadya at pagsakop, at humiling ka sa Kanya ng paumanhin at kapatawaran
{innahū kāna tawwābā. Tunay na Siya ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob.)} sapagkat Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tawwāb: ang tumatanggap ng pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya at tumatanggap ng paghingi nila ng tawad.
Sūrah Al-Masad
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Tabbat yadā abī lahabin wa-tabb! (Nasawi ang dalawang kamay ni Abū Lahab at nasawi siya!)} {2. Mā aghnā `anhu māluhū wa-mā kasab. (Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.)} {3. Sa-yaṣlā nāran dhāta lahab. (Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab)} {4. Wa-mra'tuhū ḥammālata –lḥaṭab, (at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,)} {5. Fī jīdihā ḥablum mim masad. (habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.)} (Qur'ān 111:1-5)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagpapaliwanag ang marangal na sūrah ng kahihinatnan ni Abū Lahab, ang tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nang tumanggi itong sumampalataya sa kanya at pumerhuwisyo ito sa kanya sapagkat nagsasabi si Allāh:
{1. Tabbat yadā abī lahabin wa-tabb! (Nasawi ang dalawang kamay ni Abū Lahab at nasawi siya!)} Nalugi si Abū Lahab, nalumbay siya, pagdurusahin siya dahil sa pamemerhuwisyo niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
{2. Mā aghnā `anhu māluhū wa-mā kasab. (Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.)} Hindi makapagdudulot para sa kanya ang yaman niya at ang anak niya ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kapag nagaganap ito sa kanya.
{3. Sa-yaṣlā nāran dhāta lahab. (Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab)} Papasok siya sa isang apoy na ang liyab nito ay nagniningas.
{4. Wa-mra'tuhū ḥammālata –lḥaṭab, (at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,)} Kasama nito ang maybahay nito (si Ummu Jamīl) na nagpapasan ng mga tinik at nakasasakit at naglalagay ng mga ito sa daan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para mamerhuwisyo sa kanya.
{5. Fī jīdihā ḥablum mim masad. (habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.)} Maglalagay sa leeg niya ng isang tali mula sa himaymay na matindi at magaspang, na ipanghihila sa kanya patungo sa Impiyerno.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang kadakilaan ng halaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) yayamang nagtipon Siya para rito ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay at nagtangi Siya rito sa pagkakaloob ng Kawthar.
2. Nagtatanggol si Allāh (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpaparusa Siya sa sinumang pumerhuwisyo rito, kahit pa man iyon ay tiyuhin nito o maybahay ng tiyuhin nito.
3. Kinakailangan sa bawat Muslim na makadama ng karangalan sa pagkakasapi sa Islām, magpawalang-kaugnayan sa anumang sinasamba ng mga tagatangging sumampalataya bukod pa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), at hindi magbaling ng anuman sa pagsamba niya sa iba pa kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).
4. Bahagi ng pagpapasalamat kay Allāh (napakataas Siya) sa mga biyaya na magluwalhati tayo sa Kanya, magpuri tayo sa Kanya (napakataas Siya), at magpanibago tayo ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad.
5. Ang sinumang hindi sumampalataya kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at hindi gumawa ng maayos, hindi magpapakinabang sa kanya ang kaangkanan niya ni ang pagkakaanak niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako at maglalarawan ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay,} (Qur'ān 47:15) Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang batis ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang mga gilid nito ay magkakapantay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa papel. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk. Ang mga panalok nito ay gaya ng mga bituin ng langit. Kaya ang sinumang uminom mula rito ay hindi mauuhaw matapos niyon magpakailanman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6579 at Imām Muslim: 2292.
Makilahok ka sa mga kaklase mo sa paglalarawan sa mga ilog ng Paraiso at ilog ng Kawthar sa pamamagitan ng nasaad sa āyah at ḥadīth.
Aktibidad 2: Magsasaliksik ako at sasagot ako.
Nagkatotoo ang pangako ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng pag-aadya sa mga Muslim laban sa mga tagapagtambal. Pumasok ang mga tao sa Relihiyon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) nang pulu-pulutong matapos ng pagsakop sa Makkah. Sumangguni ka sa isa sa mga aklat ng talambuhay ng Propeta. Sagutin mo ang sumusunod upang madagdagan ang pagkakaalam mo hinggil sa pagsakop sa Makkah.
1. Kailan nalubos ang pagsakop sa Makkah?
2. Magpaliwanag ka ng saloobin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga mamamayan ng Makkah matapos ng pagsakop.
3. Ano ang epekto ng pagsakop sa Makkah sa natitira sa mga Arabe?
Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako at sasagot ako.
Nagbanta ang Marangal na Qur'ān kay Abū Lahab, ang tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng pagdurusa dahil sa pagpapasinungaling niya at pagbalakid niya sa landas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O katipunan ng mga Quraysh, bilhin ninyo ang mga sarili ninyo; hindi ako makapagdudulot sa inyo laban kay Allāh ng anuman. O mga anak ni `Abdimanāf, hindi ako makapagdudulot sa inyo laban kay Allāh ng anuman. O `Abbās na anak ni `Abdulmuṭṭalib, hindi ako makapagdudulot sa iyo laban kay Allāh ng anuman. O Ṣafīyah na tiyahin-sa-ama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi ako makapagdudulot sa iyo laban kay Allāh ng anuman. O Fāṭimah na anak ni Muḥammad, humingi ka sa akin ng niloob mo mula sa ari-arian ko, hindi ako makapagdudulot sa iyo laban kay Allāh ng anuman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4771 at Imām Muslim: 206. Magpaliwanag ka ng kung papaanong sumasalamin ang saloobing ito sa dalawang katangian ng katarungan at pagkamakatao sa makatotoong Relihiyon natin.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Kinakailangan sa Muslim na magsagawa ng pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at kabilang dito ang pagdarasal at ang pag-aalay. (✓)
2. Hindi pinapayagan ang paghingi ng tawad malibang matapos ng pagkagawa ng mga pagsuway. (X)
3. Ang sinumang tumutulong sa iba sa kanya sa pagsuway ay magiging katambal sa kasalanan. (✓)
4. Hindi sumamba ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga anito sa buhay niya bago ng pagsugo sa kanya. (✓)
5. Ang mga kamag-anak ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga pinangalagaan sa pagkakamali at pagkakasala. (X)
PANUTO 2: Magdugtong ng bawat salita mula sa kulumna A sa kahulugan nito sa kulumna B.
Kulumna A
Ang Kawthar
Ang abtar
Ang pagsakop
masad
Ang nasusuklam
Kulumna B
magaspang na himaymay
ang nasusuklam
ilog sa Paraiso
pagsakop sa Makkah
ang naputol sa kabutihan
PANUTO 3: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:
A. {6. Lakum dīnukum wa-liya dīn. (Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.")
B. {1. Tabbat yadā abī lahabin wa-tabb! (Nasawi ang dalawang kamay ni Abū Lahab at nasawi siya!)} {2. (Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.)}
C. {3. Fa-sabbiḥ bi-ḥamdi rabbika wa-staghfirhu innahū kāna tawwābā. (ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob.)}
D. {3. (Tunay na ang nasusuklam sa iyo ay siya ang lagot sa pagpapala.)}
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Hanguin mo ang kainaman ng Propeta at ang pagtatanggol ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanya sa pamamagitan ng nasaad sa Sūrah Al-Kawthar at Sūrah Al-Masad.
2. Hindi nalulubos ang tunay na pagkakaanib sa Islām malibang sa pamamagitan ng pagpapakawalang-kaugnayan sa kawalang-pananampalataya at mga bulaang relihiyon. Magpaliwanag ka niyon sa pamamagitan ng natutuhan mo mula sa Sūrah Al-Kāfirūn.
7. Ang Sūrah Al-Ikhlāṣ at ang Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop (ang Sūrah Al-Falaq at ang Sūrah An-Nās)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
2. makapagpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa mga āyah;
3. makapagsagawa ako ng pagtatasa (assessment) sa ilan sa mga maling pag-uugali sa paghiling ng pagkupkop ni Allāh;
4. makapagdakila ka sa kainaman at kahalagahan ng Sūrah Al-Ikhlāṣ at Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop (ang Sūrah Al-Falaq at ang Sūrah An-Nās).
5. Makabigkas ka ng Sūrah Al-Ikhlāṣ at Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop (ang Sūrah Al-Falaq at ang Sūrah An-Nās).
Sūrah Al-Ikhlāṣ
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Qul huwa –llāhu aḥad. (Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.)} {2. Allāhu –ṣṣamad. (Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].)} {3. Lam yalid wa-lam yūlad. (Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.)} {4. Wa-lam yakul lahū kufuwan aḥad. (Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.")} (Qur'ān 112:1-4)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Tumatalakay ang marangal ng sūrah na ito ng katangian ng Panginoon natin (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) sapagkat nagsabi nga ang mga tagapagtambal sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bumanggit ka sa amin ng kaangkanan ng Panginoon mo!" kaya naman nagpababa si Allāh (napakataas Siya) ng sūrah na ito. (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3364.)
{1. Qul huwa –llāhu aḥad. (Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.)} Sabihin mo, O Muḥammad: "Tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Nag-iisa, ang Namumukod-tangi sa mga katangian ng pagkadiyos at pagkapanginoon. Walang nakikilahok sa Kanya na isa man sa mga ito.
{2. Allāhu –ṣṣamad. (Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].)} Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay ang Pinapanginoon na kumpleto ang mga katangian, na pinapakay ng mga tao sa pagtugon sa mga pangangailangan nila samantalang hindi Siya nangangailangan (kaluwalhatian sa Kanya) sa isa man.
{3. Lam yalid wa-lam yūlad. (Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.)} Hindi Siya nagkaroon ng anak at hindi Siya ipinanganak mula sa isa kaya naman walang anak para sa Kanya at walang nag-anak.
{4. Wa-lam yakul lahū kufuwan aḥad. (Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.")} Hindi Siya nagkaroon ng kawangis ni ng katulad ni ng kaagaw.
Sūrah Al-Falaq
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Qul a`ūdhu bi-rabbi –lfalaq (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway)} {2. Min sharri mā khalaq (laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya)} {3. Wa-min sharri ghāsiqin idhā waqab, (at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,)} {4. Wa-min sharri –nnaffāthāti fi –l`uqad, (at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,)} {5. Wa-min sharri ḥāsidin idhā ḥasad. (at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag nainggit ito.")} (Qur'ān 113:1-5)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Nagtuturo ang sūrah na ito sa Muslim ng paghiling ng pagkupkop ni Allāh (napakataas Siya) upang magsanggalang sa kanya laban sa mga kasamaan ng nilikha, panggagaway, at inggit sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Qul a`ūdhu bi-rabbi –lfalaq (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway)} Sabihin mo, O Sugo: "Dumudulog ako at nagpapasanggalang ako kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang Panginoon ng pag-uumaga at liwanag."
{2. Min sharri mā khalaq (laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya)} Laban sa kasamaan ng lahat ng nilikha at pamemerhuwisyo nila.
{3. Wa-min sharri ghāsiqin idhā waqab, (at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,)} at laban sa kasamaan ng gabi at dilim nito at sa anumang naroon na mga kasamaan at mga nakasasakit,
{4. Wa-min sharri –nnaffāthāti fi –l`uqad, (at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,)} laban sa kasamaan ng mga babaing manggagaway na umiihip sa mga buhol ng panggagaway,
{5. Wa-min sharri ḥāsidin idhā ḥasad. (at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag nainggit ito.")} at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag nagmithi ito ng paglaho ng biyaya sa iba pa sa kanya.
Sūrah An-Nās
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Qul a`ūdhu bi-rabbi –nnās, (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,)} {2. Maliki –nnās, (na Hari ng mga tao,)} {3. Ilāhi –nnās, (na Diyos ng mga tao,)} {4. Min sharri –lwaswāsi –lkhannās, (laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,)} {5. Alladhī yuwaswisu fī ṣudūr –nnās, (5. na nagpapasaring sa mga dibdib ng mga tao,)} {6. Mina –ljinnati wa –nnās. (kabilang sa mga jinn at mga tao.)} (Qur'ān 114:1-6)
Ang Paglilinaw at ang pagpapakahulugan
Kumukumpleto ang marangal na sūrah na ito sa pagtuturo sa Muslim ng pagdalangin ng pagkupkop ni Allāh upang magsanggalang sa kanya laban sa mga kasamaan ng demonyo at pasaring nito sapagkat nagsasabi si Allāh:
{1. Qul a`ūdhu bi-rabbi –nnās, (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,)} Sabihin mo, O Sugo: "Dumudulog ako at nagpapasanggalang ako kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang Tagalikha ng mga tao, ang Tagapagtustos nila, at ang Tagapangasiwa sa mga nauukol sa kanila."
{2. Maliki –nnās, (na Hari ng mga tao,)} Ang Tagapatnugot sa mga nauukol sa mga tao at ang Walang-pangangailangan sa kanila.
{3. Ilāhi –nnās, (na Diyos ng mga tao,)} Ang Karapat-dapat – tanging Siya – sa lahat ng mga uri ng pagsamba sapagkat walang sinasamba sa totoo kundi Siya.
{4. Min sharri –lwaswāsi –lkhannās, (laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,)} Laban sa kasamaan at perhuwisyo ng demonyo na nagpapasaring sa tao sa sandali ng pagkalingat nito sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at nagkukubli sa sandali ng pagkaalaala sa Kanya.
{5. Alladhī yuwaswisu fī ṣudūr –nnās, (5. na nagpapasaring sa mga dibdib ng mga tao,)} Na nagkakalat ng kasamaan at mga pagdududa sa mga puso ng mga tao at nag-uudyok sa kanila sa mga ito.
{6. Mina –ljinnati wa –nnās. (kabilang sa mga jinn at mga tao.)} Humihiling ako ng pagkupkop ni Allāh laban sa jinn dahil sa kubling pasaring nito at sa tao dahil sa lantad na pasaring nito ng kasamaan.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Si Allāh ay Nag-iisang Kaisa-isa: walang katambal para sa Kanya, walang anak para sa Kanya, walang nag-anak sa Kanya, walang kawangis, at walang katulad sa Kanya.
2. Si Allāh (napakataas Siya) ay ang Diyos na Totoo na Karapat-dapat sa lahat ng mga uri ng pagsamba.
3. Si Allāh (napakataas Siya) ay nagpapalayo sa Muslim ng mga kasamaang nakalantad at nakakubli.
4. Ang mga kapinsalaan ng panggagaway at pagkainggit ay reyalidad subalit ang mga ito ay naglalaho sa pamamagitan ng pagpapasanggalang kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pananalig sa Kanya.
5. Ang pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nangangalaga sa Muslim laban sa pasaring ng demonyo.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at maglilinaw ako ng saloobin ko.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nawawalang-kakāyahan ba ang isa sa inyo na magbasa sa isang gabi ng ikatlong bahagi ng Qur'ān?" Nagsabi sila: "At papaano pong magbabasa ng ikatlong bahagi ng Qur'ān?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa –llāhu aḥad... ay nakatutumbas sa ikatlong bahagi ng Qur'ān." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5015 at Imām Muslim: 811.
Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod.
1. Matapos na nakaalam ka sa kainamang ito, ano ang praktikal na saloobin mo roon?
2. May nasaad na mga ḥadīth na gagabay sa atin sa pagbigkas ng Sūrah Al-Ikhlāṣ at Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop sa umaga at gabi, matapos ng limang ṣalāh, at bago matulog. Maghanap ka ng mga ḥadīth na ito at Magpaliwanag ka ng kainaman ng pagbigkas sa mga ito sa mga oras na iyon.
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Gumawa si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop bilang kaparaanan para sa paghiling ng pagkupkop laban sa kasamaan ng panggagaway at demonyo. Gayon pa man, dumudulog ang iba sa mga tao sa mga daan na hindi isinasabatas para sa pagkalas ng panggagaway. Makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo kaugnay sa pagtatasa ng mga sumusunod na pag-uugali at pagbibigay-kamalayan sa panganib ng mga ito:
1. Ang paggawa ng mga agimat.
2. Ang pagsanggalang laban sa panggagaway sa pamamagitan ng paggawa ng iba pang panggagaway.
3. Ang paghahanap ng kaluguran ng jinn sa pamamagitan ng paggawa sa iba sa mga gawain o pag-aalay ng mga pampapalapit-loob.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang Dulugan ay ang dinudulugan ng mga tao para sa pagtugon sa mga pangangailangan nila. (✓)
2. Ang Kaisa-isa ay ang Nag-iisa, ang Namumukod-tangi sa mga katangian ng pagkadiyos at pagkapanginoon. (✓)
3. Pinapayagan para sa Muslim na magtulak ng panggagaway sa pamamagitan ng paggawa ng panggagaway. (X)
4. Ang mga babaing palaihip ay ang mga babaing manggagaway na nanggagaway sa iba pa sa kanila. (✓)
5. Ang pagbigkas sa Sūrah An-Nās ay nakapapantay sa pagbigkas ng ikatlong bahagi ng Qur'ān. (X)
6. Ang pagbigkas sa Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop ay nagsasanggalang laban sa inggit nagpapalayo sa demonyo. (✓)
7. Ang paggawa ng mga agimat at ang pagpapakalapit-loob sa jinn ay kabilang sa mga gawain ng Shirk. (✓)
PANUTO 2: Isulat mo ang marangal na āyah na nababagay ang kahulugang nabanggit sa sumusunod:
1. Hindi nagkaroon si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng kawangis at katulad.
2. Humihiling tayo ng pagpapakupkop kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) laban sa gabi at anumang narito na mga kasamaan.
3. Dumudulog tayo kay Allāh (napakataas Siya) laban sa mga kasamaan ng tao at jinn.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpakahulugan sa sabi ni Allāh: {4. at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,}
2. Ang pagtatangi-tangi sa mga kahulugan ng mga sumusunod na pararila: {ang Panginoon ng mga tao} {ang Hari ng mga tao} {ang Diyos ng mga tao}
3. Magsulat ka ng limang linya tungkol sa kainaman ng Sūrah Al-Ikhlāṣ at Dalawang Panalangin ng Pagpapakupkop at mga oras ng pagbigkas sa mga ito.
Ang Ikalawang Yunit: Ang Sunnah at ang mga Katangian ng Propeta
1. Ang Pagpapakilala sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makahango ka ng patunay sa karangalan ng kaangkanan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
2. makapagbigay-linaw ka sa mga pangyayari sa kapanganakan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
3. makapag-isa-isa ka ng mga pangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
4. makapag-isa-isa ka ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga anak niya;
5. gumalang ka sa sambahayan ng Propeta (ang lugod ni Allāh ay sumakanila).
Paghahanda
Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagmagandang-loob si Allāh sa mga mananampalataya yayamang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa mga sarili nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak Siya sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan – bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.} (Qur'ān 3:164) Humango ka mula sa marangal na āyah ng kabutihang-loob ng Propeta sa Kalipunan niya.
Ang pagpapakilala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
Ang kaangkanan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at Pangalagaan) Ang mga pangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) Ang kapanganakan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagpanaw niya Ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang kaangkanan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at Pangalagaan)
Nagparangal si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) dahil sa pagkakaugnay sa pinakamarangal sa mga lipi ng mga Arabe. Nagsasabi siya: "Tunay na si Allāh ay humirang kay Kinānah mula sa anak ni Ismael, humirang sa Quraysh mula kay Kinānah, humirang mula sa Quraysh ng mga anak ni Hāshim, at humirang sa akin mula sa mga anak ni Hāshim." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2276.
Ang ama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay si `Abdullāh na anak ni `Abdulmuṭṭalib na anak ni Hāshim Al-Qurashīy. Ang ina ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kabilang sa Quraysh din. Siya ay si Āminah na anak ni Wahb mula sa angkan ng Zuhrah Al-Qurashīyah. Nagwawakas ang kaangkanan ng Quraysh sa propeta ni Allāh na si Ismael (sumakanya ang pangangalaga).
Ang mga Pangalan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Bahagi ng pagpaparangal ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Sugo Niya na gumawa Siya para rito ng maraming pangalan na nagpapahiwatig sa mga marangal na kakanyahan nito at mga kapita-pitagang katangian nito. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mayroon akong limang pangalan. Ako ay si Muḥammad at si Aḥmad. Ako ay Al-Māḥī (Ang Tagapawi) na pumapawi si Allāh sa pamamagitan ko ng kawalang-pananampalataya. Ako ay ang Al-Ḥāshir (Ang Tagakalap) na kakalapin ang mga tao sa mga paa ko. Ako ay Al-`Āqib (Ang Tumapos)." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3532 at Imām Muslim: 2354.
Ang sabi rin niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay si Muḥammad, si Aḥmad, Al-Muqaffī (Ang Isinunod), Al-Ḥāshir (Ang Tagakalap), ang Propeta ng Pagbabalik-loob, at ang Propeta ng awa." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2355.
Ang Kapanganakan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ang Pagpanaw Niya
Ipinanganak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong taon 571 CE. Tinawag ang taong ito na Taon ng Elepante. Ang kapanganakan niya ay araw ng Lunes ng buwan ng Rabī`ul'awwal. Isinugo siya sa araw ng Lunes din. Gayon din, pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang araw ng Lunes ng ika-12 ng Rabī`ul'awwal ng ika-11 taon ng Hijrah o 633 CE.
Ang pinanganakan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sa tahanan ng lipi niya, ang angkan ng Hāshim, sa tabi ng burol ng Ṣafā sa gilid ng Masjid na Pinakababanal sa Makkah Mukarramah. Nanatili siya roon hanggang sa ika-53 taon niya yayamang lumikas siya sa Madīnah at nanatili roon hanggang sa pagyao niya sa ika-63 taon ng edad niya.
Ang mga Maybahay ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Humirang si Allāh (napakataas Siya) ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at gumawa sa kanila bilang mga ina para sa mga mananampalataya. Nagsasabi si Allāh: {Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila.} (Qur'ān 33:6) Sila ay sina:
1. Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh sa kanya);
2. Sawdah bint Zam`ah (malugod si Allāh sa kanya);
3. `Ā'ishah bint Abī Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa);
4. Ḥafṣah bint `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa);
5. Zaynab bint Khuzaymah (malugod si Allāh sa kanya);
6. Ummu Salamah Hind bint Abī Umayyah (malugod si Allāh sa kanya);
7. Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya);
8. Juwayrīyah bint Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanya);
9. Ummu Ḥabībah Ramlah bint Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanya);
10. Ṣafīyah bint Ḥuyay bint Akhṭab (malugod si Allāh sa kanya);
11. Maym̄unah bint Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanya).
Ang mga Anak ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
1. Nagkaanak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga lalaki na sina Al-Qāsim, `Abdullāh, at Ibrāhīm, na namatay lahat noong sila ay mga bata pa;
2. at ng mga babae na sina Zaynab, Ruqayyah, Ummu Kulthūm, at Fāṭimah.
3. Ang lahat ng mga anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa maybahay niyang si Khadījah (malugod si Allāh sa kanya) maliban kay Ibrāhīm sapagkat ito ay mula kay Māriyah Al-Qibṭīyah (malugod si Allāh sa kanya).
4. Pinapanaw si Zaynab noong taong 8 Hijrah at ang asawa niya ay tinatawag na Abu Al-`Āṣṣ bin Ar-Rabī` (malugod si Allāh sa kanya).
5. Napangasawa ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) si Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya); saka noong pinapanaw siya noong taong 2 Hijrah, pinangasawa naman nito si Ummu Kulthūm (malugod si Allāh sa kanya), na pinapanaw naman noong taong 9 Hijrah.
6. Hinggil kay Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya), pinapanaw ito anim na buwan matapos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at maghuhulo ako:
Naglaman ang mga pangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga paglalarawan sa kanya rin. Tinawag siya na ang Muqaffī (Isinunod) dahil siya ay sumunod sa bakas ng mga propeta sa pag-aanyaya para sa Tawḥīd at tinawag siya na ang `Āqib (Tumapos) dahil siya ay dumating matapos ng mga propeta kaya siya ay ang pangwakas sa kanila.
Magsaliksik ka kasama ng kaklase mo ng kadahilanan ng pagpapangalan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga sumusunod na pangalan:
Ang Pangalan
Ang Kadahilanan ng Pagpapangalan
Muḥammad
Dahil sa pagpupuri ng mga una at mga huli sa kanya at iyon ay dahil sa mga kaaya-ayang katangian niya.
Aḥmad
Dahil siya ay umabot sa pinakamataas sa mga antas ng mga kainaman at dahil siya ay ang pinakamapagpuri sa mga tagapuri sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang Propeta ng Pagbabalik-loob
Dahil siya ay madalas ang pagbabalik-loob kay Allāh (napakataas Siya).
Ang Propeta ng Awa
Dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsugo sa kanya bilang awa para sa mga nilalang, lalo na sa Kalipunan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Aktibidad 2: Magpapahayag ako.
Nagtagubilin sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagganap sa mga karapatan ng marangal na sambahayan niya sapagkat nagsabi siya: "Nagpapaalaala ako sa inyo kay Allāh kaugnay sa sambahayan ko. Nagpapaalaala ako sa inyo kay Allāh kaugnay sa sambahayan ko. Nagpapaalaala ako sa inyo kay Allāh kaugnay sa sambahayan ko." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2408. Kabilang sa mga karapatang ito ang pag-ibig sa kanila, ang paggalang sa kanila, at ang pagdalangin ng basbas sa kanila. Magpahayag ka sa limang linya tungkol sa pag-ibig mo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mararangal na sambahayan niya at pagbibigay-halaga mo sa pagkakaanak nila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ipinanganak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong taong:
(517 CE - 751 CE - 571 CE).
2. Kabilang sa mga pangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang:
(Al-`Āqib - Al-Qāsim - `Abdullāh).
3. Pinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ang edad niya ay:
(53 taon - 63 taon - 73 taon).
4. Nag-aalis si Allāh (napakataas Siya) ng Shirk sa pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na siyang ipinahahayag ng pangalang:
(Al-`Āqib - Al-Māḥī - Al-Ḥāshir).
Ang lahat ng mga anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa ina ng mga mananampalataya na si Khadījah maliban kay Ibrāhīm sapagkat siya ay anak ni:
(Māriyah Al-Qibṭīyah - Ramlah bint Abī Sufyān - `Ā'ishah bint Abī Bakr).
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagkamarangal ng kaangkanan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Ang mga pangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga ina ng mga mananampalataya.
PANUTO 3: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Mayroong mga kaugnayang pampamilya sa pagitan ng Propeta at apat na matinong khalfah. Magpaliwanag ka niyon.
2. Ano ang saloobin ng Muslim sa sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? Humango ka ng patunay sa sasabihin mo.
2. Ang mga Pampisikal at Pangkaasalang Katangian ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglarawan ka ng anyo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
2. makahango ka ng patunay sa kagandahan ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
3. makahango ka ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng mga saloobin niya;
4. makapagbigay-halaga ka sa kahalagahan ng kagandahan ng kaasalan sa pagtanggap ng paanyaya;
5. makatulad ka sa mga kaasalang pampropeta sa praktikal na buhay mo.
Paghahanda
Nagsabi ang ingles na tagapag-isip na si Bernard Shaw: Binasa ko nang puspusan at muli kong binasa ang talambuhay ng Propeta ng Islām at wala akong natagpuan kundi mga kaasalang nararapat na maging gayon. Inilalagay ko si Muḥammad sa hanay – bagkus sa tugatog ng hanay – ng mga taong kinakailangang sundin.
Ano ang komentaryo mo sa sinabi ng ingles na tagapag-isip?
Sino ang pinakamarapat sa mga tao sa pagpapakaalam sa mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga katangian niya?
Ang mga Katangian ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Pangkaasalang Katangian ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Pisikal na Katangian ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Una. Ang mga Pisikal na Katangian ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang kagandahan ng anyo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tagapag-anyaya sa pagtanggap ng mga tao sa kanya at hindi lumayo ang kalikasan nila sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay bahagi ng karunungan ni Allāh (napakataas Siya) sa mga sugo at mga propeta. Kabilang sa nasaad sa paglalarawan ng anya niya ang sumusunod:
1. Ang Kulay Niya at ang Mukha Niya. Siya ay maputi ang kulay. Ang mukha niya ay nagniningning at pabilog, malapad ang noon at ang mga mata, makapal ang balbas.
2. Ang Buhok Niya. Ang buhok ng ulo niya ay malambot na kainaman sapagkat hindi kulot at hindi matindi ang kalambutan.
3. Ang Dibdib Niya at ang Tiyan Niya. Siya ay magkapantay ang dibdib at tiyan, malapad ang dibdib, matipuno ang mga balikat.
4. Ang mga Kamay Niya. Siya ay matipuno ang mga buto, matipuno ang mga braso, malaki ang mga palad, mahaba ang mga daliri.
5. Ang Hugis Niya. Siya ay katamtaman ang tikas sa pagitan ng katangkaran at kababaan.
6. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay palangiti sa harap ng mga tao. Kapag tumawa siya, nagliliwanag ang mukha. Siya ay mabango ang amoy.
7. Kapag nagsalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), para bang may liwanag na lumalabas sa pagitan ng mga ngipin niya. Siya ay marikit ang pakikihalubilo: hindi nagsasawa ang nakikiupo sa kanya, nakikilahok siya sa mga Kasamahan niya sa mga pag-uusap nila, at nakikipagtalakayan siya ng mga suliranin nila.
Ikalawa. Ang mga Kaasalan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Propeta ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ikaw ay talagang nasa isang dakilang kaasalan.} (Qur'ān 68:4) Ito ay nakasasakop sa karikitan ng mga magandang katangian at mga katutubong kalikasang naiibigan ng mga tao. Kabilang sa mga kaasalan niya ang sumusunod:
Ang Pagkamapagbigay ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Nagsasabi si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamainam sa mga tao, ang pinakagalante sa mga tao, at ang pinakamatapang sa mga tao. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2820 at Imām Muslim: 2307. Siya nga noon ay nagpaparangal sa panauhin niya kahit pa man ito ay isang tagatangging sumampalataya. Hindi siya nag-impok ng yaman para sa sarili niya; bagkus ginugugol niya ang taglay niya sa mga maralita ng mga Muslim.
Hindi nangyaring ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumanggi sa isang humihingi kailanman. Nagsasabi si Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Hindi hiningian ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng anuman malibang nagbigay siya nito. May dumating nga sa kanya na isang lalaki saka binigyan niya ito ng mga tupa sa pagitan ng dalawang burol. Kaya bumalik ito sa mga tao nito saka nagsabi: "O mga tao ko, umanib kayo sa Islām sapagkat tunay na si Muḥammad ay nagbibigay ng maibibigay nang hindi natatakot sa kasalatan."}[1] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2312. [1] Ang kasalatan ay ang karalitaan at ang pangangailangan.
Ang Kaangkanan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamataas na halimbawa ng pagkalalaki, katapangan, at kabayanihang kumpleto. Nagsasabi si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya): "Kami noon, kapag uminit ang labanan at nagtagpo [sa digmaan] ang mga tao laban sa mga ibang tao, ay nagpapasanggalang sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 654 at Imā̄m Al-Ḥākim: 2633. Nahintakutan ang mga mamamayan ng Madīnah isang gabi dahilan sa isang matinding tunog ngunit nauna pa siya sa kanila para alamin ang pinagmulan ng tunog.
Ang Pagtitiis ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Nagtiis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamemerhuwisyo ng Quraysh sa hinaba-haba ng 13 taon, na nasasaksihan niya sa mga ito ang pamemerhuwisyong sikolohikal at pisikal at ang boykoteo pang-ekonomiya sa loob ng tatlong taon,. Nagbalak silang patayin siya nang nagnais siyang lumikas. Pagkatapos nagtiis siya sa pakikipaglaban niya hanggang sa pumasok sila sa Relihiyon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) nang pulu-pulutong. Nagtiis siya sa pakana ng mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw at kataksilan nila hanggang sa iniligtas siya ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) laban sa kanila.
Gayon din, nagtiis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkawala ng mga magulang niya, mga anak niya, at mga kamag-anak niya. Nagtiis siya sa karalitaan at karamdaman at sa lahat ng mga trahedya sa Mundo. Nagtiis din siya sa pag-aanyaya, pagtuturo sa mga tao, at pakikibaka sa landas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang Pagtitimpi ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ang Kabaitan Niya
Kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagtitimpi niya ay nauuna sa galit niya at walang naidadagdag sa kanya ang katindihan ng kamangmangan sa kanya kundi pagtitimpi. Lumitaw iyon pati na sa mga pang-araw-araw na pakikitungo niya. Nagsasabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi nagbuhat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kamay niya sa anuman ni sa isang babae ni sa isang alila, maliban na makibaka siya sa landas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Walang ipinanakit mula sa kanya na anuman kailanman para paghihiganti niya, maliban na may nilabag na anuman sa mga pagbabawal ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sapagkat maghihiganti siya para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6853 at Imām Muslim: 2328.
Ang Pagpapaumanhin ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaumanhin sa mga gumagawa ng masagwa sa kanya. Sa kabila ng pamemerhuwisyo sa kanya ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa Quraysh bago ng paglipas at sa kabila ng pakikipaglaban nila sa kanya matapos ng paglikas, gayon pa man, siya ay nagpaumanhin sa kanila nang nasakop niya ang Makkah Mukarramah noong taong 8 Hijrah.
Sa personal na nibel, nagpaumanhin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang namerhuwisyo sa kanya o nagtangkang pumatay sa kanya. May dumating na isang lalaki hanggang sa tumayo ito tabi ng ulo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may hawak na tabak saka nagsabi: "Sino ang magsasanggalang sa iyo laban sa akin?" Nagsabi siya: "Si Allāh." Bumagsak ang tabak mula sa kamay nito saka kinuha ito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Sino ang magsasanggalang sa iyo laban sa akin?" Nagsabi ito: "Maging gaya ka ng pinakamabuting kumukuha." Nagsabi siya: "Sasaksi ka ba na walang Diyos kundi si Allāh?" Nagsabi ito: "Hindi, subalit ako ay makikipagkasunduan sa iyo na hindi makipaglaban sa iyo at hindi ako maging kasama ng mga taong nakikipaglaban sa iyo." Kaya nagbigay siya ng kalayaan nito saka pumunta ito sa mga kasamahan nito saka nagsabi: "Dumating nga ako sa inyo mula sa piling ng pinakamabuti sa mga tao." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4135 at Imām Muslim: 843.
Ang Pagpapakumbaba Niya
Sa kabila ng lahat na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamainam na nilikha, gayon pa man, siya ay hindi nagmayabang sa isa man hinggil doon. Namuhay siya kasama ng mga Kasamahan niya gaya ng isang kaibigan, isang kapatid, at isang ama. Nakikisama siya sa nakababata at nakatatanda. Kumakain siya, nagdadamit siya, at sumasakay siya tulad ng mga madlang tao.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umuupo kung saan umabot sa kanya ang mauupuan. Kapag naparaan siya sa mga bata, bumabati siya sa kanila. Siya ay nakikisama sa mga paslit: nakikipaglaro siya sa kanila at nakikipagbiruan siya sa kanila. Nagsisikap siya sa pagpuno sa pangangailangan ng mga tao pati na ng mga babaing alipin at mga lalaking alipin anupat may babaing alipin na pumupuna sa kanya sa kapulungan niya saka lumalabas siya kasama nito para pumuno sa pangangailangan nito.
Sa bahay naman niya, siya ay nakikilahok sa mag-anak niya sa mga gawain nila at hindi siya nagpapakatangi sa kanila sa pagkain o inumin. Nagsasagawa siya ng paglilingkod sa sarili niya gaya ng ipinabatid ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagkukumpuni ng sandalyas niya, tumatahi ng damit niya, at gumagawa sa bahay niya kung paanong gumagawa ang isa sa inyo sa bahay nito." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 25341.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako mula sa mga legal na teksto.
Sa pakikipagtalakayan kasama ng mga kaklase mo, maghulo kayo mula sa mga sumusunod na teksto ng nagpahiwatig ng mga katangian ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga kaasalan niya:
1. Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.} (Qur'ān 9:128)
2. Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.} (Qur'ān 3:159)
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh ay umuupo sa lapag, kumakain sa lapag, naggagatas ng tupa, at tumutugon sa paanyaya ng alipin sa tinapay na sebada.} Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy: 12494.
Aktibidad 2: Magdidisenyo ako ng isang poster.
Magdisenyo ka ng isang poster na naglalaman ng isang paglalarawan sa pampropetang marangal na anyo, pagkatapos ilathala mo ito sa mga website ng social media.
Aktibidad 3: Magpapahayag ako.
Matapos ng pagkaalam mo sa ilan sa mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), magsulat ka ng isang parapo na tatlong linya, na inilalarawan sa mga ito ang mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Namukod ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa laki ng mga balikat at katangkaran ng tikas. (X)
2. Nailalarawan ang Propeta sa dalas ng pagngiti-ngiti at kagandahan ng amoy. (✓)
3. Ang mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may epekto sa pagtanggap ng paanyaya niya. (✓)
4. HIndi napatanyag ang mga kaasalan ng Propeta kundi matapos ng paglikas.
5. Lumitaw ang katapangan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsuong sa mga labanan. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbibigay ng naibibigay ng isang hindi natatakot sa karalitaan.
2. Kabilang sa kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay na kapag nangibabaw siya, naaawa siya; at kapag nagwagi siya, nagpapaumanhin siya.
3. Ang kabaitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaklaw sa lahat ng mga tao pati sa alila niya.
PANUTO 3: Humango ka mula sa aralin ng pamamaraan ng pakikitungo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bawat isa sa:
(mga Kasamahan niya - sambahayan niya - mga alila at mga alipin - mga bata)
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Nagtiis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya at sa mga kapalarang nakasasakit. Magpaliwanag ka niyon.
2. Magpahayag ka ng pagbibigay-kahalagahan mo sa mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng kahalagahan ng kagandahan ng kaasalan sa pagtanggap ng mga tao ng paanyaya.
3. Ang mga Kakanyahan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka ng mga kainaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Mundo at Kabilang-buhay;
2. makahango ka ng patunay sa mga kainaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
3. makapagpabunga sa buhay mo ang pagkakaalam mo sa katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
4. makapagdakila ka sa katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
5. makapagmagandang-asal ka sa nalalabi sa mga propeta;
Paghahanda
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay pinuno ng mga anak ni Adan sa Araw ng Pagbangon..." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4712 at Imām Muslim:2278.
- Dahil sa ano naging karapat-dapat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa katayuang ito?
- Nakaaalam ka ba ng mga iba pang kakanyahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Kakanyahan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Mundo at Kabilang-buhay
Nagtangi si Allāh (napakataas Siya) sa Propeta nating si Muḥammad sa mga kainamang hindi natamo ng isa sa iba pa sa kanya kabilang sa mga propeta. Nasaad nga pinakamahalaga sa mga kakanyahang iyon sa sabi niya: "Itinangi ako sa mga propeta sa anim: binigyan ako ng masasaklaw na mga pananalita, iniadya ako sa pamamagitan ng hilakbot, ipinahintulot para sa akin ang mga samsam sa digmaan, ginawa para sa akin ang lupa bilang pandalisay at patirapaan, isinugo ako sa nilikha sa kalahatan, at winakasan sa akin ang mga propeta." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7013 at Imām Muslim: 523.
Ang sabi pa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay pinuno ng mga anak ni Adan sa Araw ng Pagbangon, kauna-unahan sa pagbibiyakan ng libingan, kauna-unahang tagapagpamagitan, at kauna-unahang tatanggapan ng pamamagitan." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2278.
Ang mga Kainaman ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Mundo
Ang mensahe niya ay pangkalahatan. Ang pangwakas sa mga propeta. Binigyan siya ng masasaklaw sa mga pananalita. Ginawa para sa kanya ang lupa bilang masjid at pandalisay. Ang pag-aadya sa pamamagitan ng hilakbot. Ang pagpapahintulot ng mga samsam ng digmaan.
Ipinadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao sa kalahatan samantalang ang lahat ng mga sugo noon bago niya ay ipinadadala sa mga tao ng mga ito lamang. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya) {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.} (Qur'ān 21:107)
Ang pangwakas sa mga propeta: kaya wala nang propeta matapos niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sa kanya winakasan ang mga mensahe ng mga propeta. Iyon ay dahil sa kalubusan ng mensahe niya at kasapatan nito sapagkat ito ay naaangkop sa bawat panahon at lugar.
Binigyan siya ng masasaklaw sa mga pananalita: nangangahulugang tunay na siya noon ay ang pinakamatatas sa mga tao at nakapagpapahayag ng maraming kahulugan sa pamamagitan ng kaunting salita.
Ginawa para sa kanya ang lupa bilang masjid at pandalisay: kaya ang ṣalāh sa Batas niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinapayagan sa alinmang lupang dalisay at hindi nagsasakundisyon para rito ng isang itinakdang lugar, pinapayagan ang tayammum bilang pamalit sa wuḍū' at ghusl sa sandali ng kawalang ng tubig.
Iniadya siya sa pamamagitan ng hilakbot: naglagay si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa kanya ng sindak at hilakbot sa mga puso ng mga kaaway niya bago ng pagsisimula ng digmaan sa kanya.
Ang pagpapahintulot ng mga samsam ng digmaan: nagpahintulot si Allāh (napakataas Siya) para sa kanya ng masasamsam sa mga digmaan sa mga kaaway ng Relihiyon samantalang hindi ipinahintulot ito sa isang propeta bago niya.
Ang mga Kainaman ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Kabilang-buhay
Ang tagapagtaglay ng pinakamalaking batis.
Ang kauna-unahang tagapagpamagitan at ang kauna-unahang tatanggapan ng pamamagitan.
Ang kauna-unahan sa pagbibiyakan ng libingan.
Ang pinuno ng mga anak ni Adan.
Ang pinuno ng mga anak ni Adan sa Araw ng Pagbangon: kaya naman siya ay ang dudulugan ng mga tao sa lupa ng kalapan ng mga tao upang mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang kauna-unahan sa pagbibiyakan ng libingan: kaya naman siya ay ang kauna-unahan sa lalabas mula sa libingan sa sandali ng pagbuhay at pagkabuhay.
Ang kauna-unahang tagapagpamagitan at ang kauna-unahang tatanggapan ng pamamagitan: kaya naman siya ay ang kauna-unahan sa pahihintulutang mamagitan sa Araw ng Pagbangon at ang kauna-unahan sa tatanggapan ng pamamagitan.
Ang tagapagtaglay ng pinakamalaking batis sa Araw na Pagbangon. Nagsasabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang batis ko ay layo[2] ng isang buwang paglalakbay. Ang mga gilid nito ay magkakapantay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa papel. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk. Ang mga panalok nito[3] ay gaya ng mga bituin ng langit. Kaya ang sinumang uminom mula rito ay hindi mauuhaw matapos niyon magpakailanman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6579 at Imām Muslim: 2292. Ang mga nalalabi sa mga propeta ay may mga batis subalit ang mga ito ay higit na maliit kaysa sa batis ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). [2] layo: mangangailangan ang nakasakay ng isang buwang paglalakbay para makarating sa dulo nito. [3] mga panalok: lalagyang pinag-iinuman.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-aangkin ako ng isang saloobin.
Nagsugo si Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa kapatnubayan ng mga tao sa kalahatan. Makipagtalakayan ka kasama ng mga kaklase mo kaugnay sa isang pandaigdigang usapin na minimithi mo na hahantong sa panunumbalik sa Batas ng Islām at mga kaasalan ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Aktibidad 2: Babanggit ako ng pananaw ko.
Pinili ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ang wikang Arabe, pinababa Niya sa pamamagitan nito ang Marangal na Qur'ān sa mga tao, at ginawa Niya na maging kabilang sa mga katangian ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nakapagsasalita nang may katatasan ng dilang Arabe. Sa opinyon mo, ano ang papel ng kaalaman sa wikang Arabe sa pag-intindi sa mensahe ng Islām?
Aktibidad 3: Magpapakalawak ako sa pagkakaalam.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin[1] gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria. Ako lamang ay isang alipin kaya sabihin ninyo: Alipin ni Allāh at Sugo Niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3445. Nagsabi rin siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2412 at Imām Muslim: 2374. [1] Ang pagpapalabis sa pagpuri ay ang pagpapasobra-sobra sa pagbubunyi.
1. Papaano kang iintindi ng pampropetang direktibang ito?
2. Ano ang pahiwatig ng ḥadīth sa mga katangian ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?
3. Papaano tayong magmamagandang-asal sa mga propeta ni Allāh?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Magpaliwanag ka ng mga kahulugan ng bawat isa sa mga sumusunod na pahayag na nasasaad kaugnay sa karapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
1. Binigyan siya ng masasaklaw na mga pananalita: __________
2. Ginawa para sa kanya ang lupa bilang masjid: __________
3. Ang pinuno ng mga anak ni Adan: ___________
4. Iniadya siya sa pamamagitan ng hilakbot: __________
PANUTO 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Humango ka ng patunay sa anim sa mga kainaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng "kauna-unahang tagapagpamagitan" at "kauna-unahang tatanggapan ng pamamagitan"?
3. Magpahayag ka sa limang linya tungkol sa pagbibigay-kahalagahan mo sa katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng paglilinaw sa tungkulin ng Muslim sa nalalabi sa mga propeta.
4. Ang pagkakaalam sa mga kainaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may epekto sa pagmamarangal sa pagkaanib sa Islām at pagsunod sa Batas nito. Ano ang opinyon mo sa pahayag na ito?
4. Ang mga Karapatan ng Propeta ()
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka ng mga karapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya;
2. makahango ka ng patunay sa mga karapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya;
3. makapagsadamdamin ka ng kadakilaan ng ganti sa sinumang nagsasagawa ng mga karapatan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
4. maensayo ka sa pagtupad sa mga karapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga saloobing pambuhay na magkakaiba-iba.
Paghahanda
Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang Propeta ay higit na marapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. } (Qur'ān 33:6) Makipagtalakayan ka kasama ng tagapagturo mo kaugnay sa kahulugan ng marangal na āyah na ito.
Ang mga Karapatan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Pagdalangin ng Basbas at Pangangalaga sa Kanya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Pagsunod sa Sunnah Niya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Paggalang sa Kanya at ang Pagpipitagan sa Kanya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Pag-ibig sa Kanya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Pagtalima sa Kanya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang tungkulin natin sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi natitigil sa pagsampalataya sa kanya bagkus sa pagsasagawa ng lahat ng mga karapatan niya na nasaad sa Marangal na Qur'ān at Pampropetang Sunnah. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga pampropetang karapatang iyon:
1. Ang pagtalima sa kanya (basbasan Siya ni Allāh at pangalagaan)
Ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bahagi ng pagtalima kay Allāh (napakataas Siya). Nagsasabi Siya (napakataas Siya): {Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh. Ang sinumang tumalikod, hindi nagsugo sa iyo bilang tagapag-ingat sa kanila.} (Qur'ān 4:80) Ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pundasyon ng pagpasok sa Paraiso. Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po naman ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 7280.
2. Ang pag-ibig sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
Ang Pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kinakailangan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 15 at Imām Muslim: 44
3. Ang Pagsunod sa Sunnah Niya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Bahagi ng pumapatungkol sa umiibig na magsikap siya sa pagsunod sa iniibig niya. Ang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang patunay sa katapatan ng pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya) at sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang tagasunod ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay iniibig ni Allāh (napakataas Siya) at pinatatawad sa pagkakasala. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} (Qur'ān 3:31)
4. Ang Paggalang sa Kanya at ang Pagpipitagan sa Kanya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Nag-obliga nga si Allāh (napakataas Siya) ng pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagdakila sa halaga niya, at pagmamagandang-asal sa kanya. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ng Propeta at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam.} (Qur'ān 49:2) Si Imām Mālik bin Anas (malugod si Allāh sa kanya), kapag nagsanaysay siya buhat sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay nagsasagawa ng wuḍū' at nagsusuot ng pinakamaganda sa mga damit niya bilang paggalang at bilang respeto sa ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5. Ang Pagdalangin ng Basbas at Pangangalaga sa Kanya
Ito ay kabilang sa mga pagsamba na hindi natatakdaan ang oras. Mayroon itong isang malaking gantimpala sa ganang kay Allāh (napakataas Siya). Nagpapasapat si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pamamagitan nito sa Muslim ng bumabagabag sa kanya sa Mundo. Nag-utos nga sa atin si Allāh niyon sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh at ang mga anghel Niya ay nagbabasbas sa Propeta. O mga sumampalataya, dumalangin kayo ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan.} (Qur'ān 33:56)
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kuripot ay ang sinumang nabanggit ako sa kanya ngunit hindi dumalangin para sa akin." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad (1736) Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang dumalangin ng basbas para sa akin ay magbabasbas si Allāh sa kanya nang makasampu." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 384.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Tutulad ako.
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ikaw ay talagang higit na iniibig para sa akin kaysa sa sarili ko, tunay na ikaw ay higit iniibig para sa akin kaysa sa sambahayan ko at yaman ko at higit na iniibig sa akin kaysa sa anak ko. Tunay na [kapag] ako ay talagang nasa bahay saka nakaalaala ako sa iyo, hindi ako makatitiis hanggang sa makapunta ako sa iyo saka titingin ako sa iyo. Kapag naalaala ko ang kamatayan ko at kamatayan mo, nalalaman ko na ikaw, kapag nakapasok ka sa Paraiso, ay iaangat kasama ng mga propeta. Tunay na ako,kapag nakapasok ako sa Paraiso, ay matatakot na hindi ako makakita sa iyo." Hindi tumugon sa kanya ang Propeta ng anuman hanggang sa bumaba si Anghel Gabriel kalakip ng āyah na ito: {Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo, ang mga iyon ay kasama ng mga biniyayaan ni Allāh kabilang sa mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga maayos. Kay ganda ang mga iyon bilang kasama!} (Qur'ān 4:69) Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsaṭ: 477.
1. Ilarawan mo ang pag-ibig ng mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Magpaliwanag ka ng ganti sa mga umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng Pagbangon, gaya ng nasaad sa ḥadīth.
3. Ayon sa pananaw mo, ano ang mga kinakailangan sa pag-ibig na hindi matutumpak nang wala ang mga ito?
Aktibidad 2: Makikilahok ako sa mga kaklase ko.
Makilahok ka sa mga kaklase mo sa pagsasaliksik ng ilan sa mga sinasabi at ginagawang sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa pakikipagtulungan sa pagsunod sa mga ito, sa pamamagitan ng aklat na: "Isang Araw sa Bahay ng Sugo" sa katapat na link:
Aktibidad 3. Magmumungkahi ako.
Magmungkahi ka kasama ng mga kaklase mo ng mga kontemporaryong gawaing nagpapahiwatig ng etiketa a Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at paggalang sa kanya.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Iniibig natin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa karikitan ng mga katangian Niya at dahil sa kabutihang-loob niya sa atin. (✓)
2. Ang pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may mga tinakdaang oras. (X)
3. Ang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapatunay sa katapatan ng pag-ibig natin kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). (✓)
4. Natatangi ang paggalang sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nakakita sa kanya kabilang sa mga Kasamahan niya. (X)
5. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang ehemplo ng kalubusang pantao na matutularan. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang kaugnayan ng pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pananampalataya.
2. Ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pundasyon ng pagpasok sa Paraiso.
3. Ang kainaman ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Isa-isahin ang tatlo sa mga tungkulin ng Muslim sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Nagsikap ang mga Kasamahan at ang mga maayos na maalam sa pagsasagawa ng tungkulin nila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Magsulat ka ng limang gawaing pang-araw-araw na isinasagawa ng Muslim, na nagpapahayag ng pagsasagawa sa mga karapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5. Ang mga Haligi ng Islām
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ḥadīth na: "Itinayo ang Islām sa lima...";
2. makapagpaliwanag ka ng pangkalahatang kahulugan ng ḥadīth;
3. makapagsalaysay ka ng buhay ng tagapagsalaysay ng ḥadīth;
4. makapaghulo ka ng epekto ng mga haligi ng Islām sa lipunan;
5. makapagsadamdamin ka ng pagkakailangan ng pagsasagawa sa mga haligi ng Islām.
Paghahanda
Magmasid ka at maghulo ka:
- Sa opinyon mo, ano ang mangyayari kung sakaling nalubos ang pagwasak sa mga poste ng estrukturang ito?
- Mag-ugnay ka sa pagitan ng pagsagot mo at ḥadīth ng aralin.
Ang Teksto ng Marangal na Ḥadīth
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 8 at Imām Muslim: 16.
Ang Pagpapakilala sa Tagapagsalaysay ng Ḥadīth:
_ Abū `Abdirraḥmān `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb Al-Qurashīy.
_ Nakilahok siya sa mga labanan kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi siya nakilahok sa Labanan sa Badr ni sa Labanan sa Uḥud dahil sa kabataan ng edad niya.
_ Si Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ay matindi ang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), madalas ang pagsamba lalo na sa pagdarasal sa gabi, pag-aayuno, at pagbigkas ng Qur'ān.
_ Siya ay kabilang sa malalaki sa mga maalam sa mga Kasamahan at mga nagparami ng salaysay ng mga ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
_ Pinapanaw siya noong taong 73 Hijrah.
Ang Pangkalahatang Kahulugan ng Ḥadīth
Nagwawangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Islām sa isang estrukturang may mga haligi na hindi makatatayo ito malibang sa pamamagitan ng mga ito. Ang mga haliging ito ay:
1. Ang pagsaksi kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kaisahan at na walang sinasamba sa totoo kundi si Allāh at ang pagsaksi sa Propeta niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa pagkasugo.
2. Ang pagpapanatili ng pagsasagawa ng limang ṣalāh na isinatungkulin.
3. Ang pagbibigay ng zakāh na isinatungkulin sa mga karapat-dapat dito kapag nalubos ang mga kundisyon nito.
4. Ang pagsasagawa ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] para sa sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang kaparaanan.
5. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa bawat Muslim.
Ang mga Haligi ng Islām Ang Dalawang Pagsaksi Ang Ṣalāh Ang Zakāh Ang Ḥajj: Ang Pag-ayuno
Ang matututunan mula sa paksang ito:
1. Ang Islām ay may limang haliging kinatatayuan nito. Kung sakaling may bumagsak na isang bahagi mula sa mga ito, babagsak ang pagkaanib sa Islām ng tao o ang isang bahagi nito.
2. Ang mga haligi ng Islām ay hindi nasa iisang antas sa pagkatungkulin sa lahat ng mga Muslim yayamang naaalis ang ḥajj at ang zakāh bilang tungkulin sa sinumang hindi nagmamay-ari ng yaman. Naaalis ang pag-aayuno at ang ḥajj bilang tungkulin sa maysakit na hindi nakakakaya. Walang maidadahilan para sa isang Muslim sa pagwaksi sa ṣalāh maliban sa nawalan ng isip niya. Hindi naaalis ang Dalawang Pagsaksi bilang tungkulin sa isang tao sapagkat ang sinumang hindi sumasaksi sa Dalawang Pagsaksi ay hindi isang Muslim.
3. Ang mga haligi ng Islām ay hindi nasa iisang antas sa kahalagahan at katayuan sapagkat ang pundasyon ng Relihiyon sa kabuuan nito ay ang Dalawang Pagsaksi. Ang ṣalāh naman ay ang poste ng Relihiyon at ang pinakamahalaga sa mga haligi matapos ng Dalawang Pagsaksi.
4. Ang Islām (Pagpapasakop) ay ang pagsuko kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pamamagitan ng Tawḥīd at ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima bilang pagpapakaaba at bilang pagpapasailalim. Alinsunod doon, ang limang haligi ay hindi ang kabuuan ng mga batas ng Islām sapagkat may maraming iba pang pagtalima, na ang ilan sa mga ito ay tinukoy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sabi niya: "Ang pananampalataya ay mahigit sa pitumpung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsasabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkamahiyain ay isang sangay ng pananampalataya. Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 35.
5. Nagkakasarisari ang mga haligi ng Islām sa pagitan ng mga pagsambang itinutuon ng tao kay Allāh (napakataas Siya) at hindi nauuwi ang pakinabang nito sa iba pa gaya ng ṣalāh, pag-aayuno, at ḥajj; at ng mga pagsambang iba pa na nauuwi ang pakinabang nito sa lipunan gaya ng zakāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako.
Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni Allāh naghahangad sila samantalang sa Kanya nagpasakop ang sinumang nasa mga langit at lupa sa pagkukusang-loob at pagkasuklam at sa Kanya sila pababalikin?} (Qur'ān 3:83) Pagbulay-bulayan mo ang āyah, pagkatapos bigyang-liwanag mo ang sumusunod:
1. Papaanong nagpasakop ang mga langit at lupa?
2. Ano ang nagbubuklod sa Muslim sa nalalabi sa nilikha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kapag itinayo niya ang Islām sa sarili niya.
Aktibidad 2: Aasa ako at matuto ako.
Isulat mo ang pangalan ng bawat haligi ng limang haligi ng Islām sa harapan ng katuturang nababagay rito:
Ang mga Katuturan
Ang mga Haligi ng Islām
Nagkakaloob sa Muslim ng kapatawaran limang ulit sa isang araw.
Ang Ṣalāh
Ang paglalantad ng pagkakaugnay sa Islām at ang pagpapahayag ng pagmamarangal dito.
Ang Dalawang Pagsaksi
Ang paglalantad ng pagkamananamba at pagpapakawagas kay Allāh sa pamamagitan ng pagwaksi sa pagkain at pag-inom.
Ang Pag-aayuno
Ang pagpapalubag-loob sa maralita at nangangailangan at ang pagpapalakas ng mga bigkis ng pag-ibig sa loob ng lipunang Muslim.
Ang Zakāh
Ang paglalantad ng pagkamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pakikipaghiwalay [pansamantala] sa mga minamahal at pagbata ng mga hirap.
Ang Ḥajj
Aktibidad 3: Magsasagawa ako ng pagtatasa (assessment) sa gawain ko.
Nalaman mo na ang Islām ay hindi nalilimitahan sa limang haligi; bagkus sumasaklaw sa lahat ng mga pagtalima. Kaya tumingin ka sa mga gawain mo at magsulat ka ng pinakamahalaga sa ginagampanan mo mula sa mga tungkulin sa Islām at iniiwasan mo mula sa mga ipinagbabawal. Pagkatapos magsikap ka sa pagdaragdag ng mga pagtalima.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Namukod si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa lakas pangkaalaman at dami ng pagsamba. (✓)
2. Ang pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi ay may pagpapahayag ng pagmamarangal sa pag-anib sa Islām at pagkakaugnay rito. (✓)
3. Ang ṣalāh at ang pag-aayuno ay hindi naalis bilang tungkulin sa alinman sa isa sa mga Muslim. (X)
4. Nagpapalakas ang zakāh ng mga bigkis ng kapatiran at pag-ibig sa loob ng lipunan. (✓)
5. Ang ḥajj ay ang pinakamahalaga sa mga haligi ng Islām at ang pinakamarami sa mga ito sa gantimpala matapos ng Dalawang Pagsaksi. (X)
PANUTO 2: Kumpletuhin mo ang sumusunod na ḥadīth:
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa _____ pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na ____________________, pagpapanatili sa ṣalāh, ________________, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, _____________________."
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Isa-isahin mo ang mga haligi ng Islām.
2. Magpaliwanag ka ng kahulugan ng ḥadīth nang maiksi.
3. Ang mga haligi ng Islām ay may mga epektong panlipunan. Magpaliwanag ka niyon.
6. Ang Ḥadīth ng Pananampalataya
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsasaulo ka ng marangal na ḥadīth;
2. makapaglalahad ka nang maiksi ng talambuhay ng tagapagsalaysay ng ḥadīth;
3. makapag-isa-isa ka ng mga haligi ng Pananampalataya;
4. makapagpaliwanag ka ng pamamaraan ng pagsasakatotohan sa Pananampalataya;
5. makapag-ugnay ka sa pagitan ng pananampalataya at maayos na gawa;
6. makapagsadamdamin ka ng mga epekto ng pananampalataya sa pagtatakda.
Paghahanda
Nagsabi si Allāh: {2. Ang Aklat na ito ay walang pag-aalinlangan dito, isang patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala, 3. na mga sumasampalataya sa nakalingid, nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol,} (Qur'ān 2:2-3) Ano ang tinutukoy ng "nakalingid" sa marangal na āyah?
Ang Teksto ng Marangal na Ḥadīth
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {Pumunta si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa pananampalataya." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga Sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa masama nito at mabuti nito." Nagsabi ito: "Nagsabi ka ng totoo."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 8.
Ang Pagpapakilala sa Tagapagsalaysay ng Ḥadīth:
_ Abū Ḥafṣ Al-Fārūq `Umar bin Al-Khaṭṭāb Al-`Adawīy Al-Qurashīy.
_ Umanib siya sa Islām sa ikaanim na tao ng pagkapropeta. Ang pag-anib niya sa Islām ay isang kadahilanan ng pagkakaadya sa mga Muslim na sinisiil sa Makkah dahil sa lakas niya, katapangan niya, at katayuan niya sa gitna ng mga mamamayan nito.
_ Siya ay ang ikalawa sa mga Matinong Khalīfah at ang isa sampung binalitaan ng nakagagalak na pagpasok sa Paraiso.
_ Namartir siya (malugod si Allāh sa kanya) habang siya ay nagdarasal sa huling bahagi ng buwan ng Dhulḥijjah noon taong 23 Hijrah.
Ang Pangkalahatang Kahulugan ng Ḥadīth
Dumating si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Sugo ni Allāh sa anyo ng isang lalaking kakaiba, na maganda ang damit, at nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Islām (Pagpapasakop), Īmān (Pananampalataya), at Iḥsān (Pagpapakahusay). Noong nagtanong si Anghel Gabriel sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Pananampalataya, nagpabatid siya rito hinggil sa anim na haliging iyon na hindi natutumpak ang Pananampalataya malibang sa pamamagitan ng mga haliging ito.
Ang mga Haligi ng Pananampalataya
Ang pananampalataya kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), ang karapat-dapat sa lahat ng mga uri ng pagsamba;
sa mga anghel Niyang pinarangalang nilikha mula sa isang liwanag at hindi sumusuway sa Kanya sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila;
sa mga kasulatan Niyang ibinaba sa mga sugo Niya, ibig sabihin: ang Marangal na Qur'ān at anumang bago nito tulad ng Torah, Ebanghelyo, at Salmo;
sa mga propeta ni Allāh at mga sugo Niya sa kalahatan;
sa Araw ng Pagbangon, anumang pangyayari rito na pagbubuhay at pagtutuos, at anumang susunod doon na pagpasok sa Paraiso o Impiyerno;
sa anumang itinakda ni Allāh (napakataas Siya) sa tao na kabutihan o kasamaan.
Ang matututunan mula sa paksang ito:
1. Ang Īmān (Pananampalataya) ay isang antas na sumusunod sa antas ng Islām (Pagpapasakop), na naabot ng Muslim sa pamamagitan ng pakikipagpunyagi at katapatan sa Relihiyon. Nagsasabi si Allāh: {Nagsabi ang mga Arabeng disyerto: "Sumampalataya kami." Sabihin mo: "Hindi kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: 'Nagpasakop kami.' Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo.} (Qur'ān 49:14)
2. Ang ugat ng pananampalataya ay ang tiyakang paniniwala sa puso subalit ito ay sumasaklaw kaugnay sa batas sa pagpapahayag ng pananampalataya sa pamamagitan ng dila at paggawa sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan. Kaya naman ang pananampalataya ay ang nagtutulak sa Muslim sa pagtalima at maayos na gawa. Sa tuwing nadaragdagan ang pananampalataya sa puso, nadaragdagan ang mga bahagi ng katawan sa pagtalima kay Allāh (napakataas Siya).
3. Sumasaklaw ang pananampalataya kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa tatlong bagay.
* Ang pananampalataya sa pagkapanginoon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at na Siya ay Tagalikha ng bawat bagay at Tagapagmay-ari nito.
* Ang pananampalataya sa pagkadiyos Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at na walang karapat-dapat sa pagsamba bukod sa Kanya.
* Ang pananampalataya na Siya ay may mga pangalang pinakamagaganda at mga katangian pinakamatataas.
4. Ang Muslim ay sumasampalataya sa lahat ng mga anghel at mga propeta na ipinabatid sa atin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at sa anumang nasaad na mga paglalarawan sa kanila at mga gawain nila. Sumasampalataya siya sa mga kasulatang pinababa subalit kalakip ng paniniwala ng pagkaganap ng pagpilipit sa Torah at Ebanghelyo.
5. Ang pananampalataya sa Huling Araw ay nagtutulak sa Muslim sa pagkasindak sa pakikipagkita kay Allāh (napakataas Siya) at pagkatakot sa parusa Niya at gumagawa sa kanya na maghangad sa anumang nasa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na dakilang gantimpala, kaya naman nakikipagmabilisan siya sa paggawa ng mga pagtalima at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.
6. Hindi nakukumpleto ang pananampalataya ng Muslim hanggang sa sumampalataya siya na ang bawat anumang nangyayari sa Sansinukob ay ayon sa pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya) at masinsinang karunungan Niya. Ang mananampalataya ay nagpapasakop sa pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya), mabuti man o masama, subalit siya ay nakaaalam na si Allāh (napakataas Siya) ay nagpadali sa mga landas ng kabutihan at kapatnubayan para sa sinumang humihiling nito sapagkat tunay na ang pananampalataya sa pagtatakda ay hindi nagkakaila ng paggamit ng mga kadahilanan at pagsisikap sa pagtalima.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasagawa ako ng pagtatasa (assessment) sa kamalian.
May taong nang-insulto kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga) dala ng udyok sa pagtugon sa isang taong nang-insulto kay Propeta Jesus (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
1. Ano ang opinyon mo sa astang ito? Ano ang ipapayo mo sa taong ito?
2. Ano ang matinong saloobin sa tulad ng mga pagkikipagtalakayang ito? (Sumangguni ka sa tagapagturo mo.)
Aktibidad 2: Maghahango ako.
Kinakailangan ang pananampalataya sa anumang nasaad sa Marangal na Qur'ān na mga paglalarawan sa mga anghel, mga propeta, at mga gawain kasama ng pagtulad sa kanila. Nagsasabi si Allāh tungkol sa mga anghel: {samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.} (Qur'ān :5) Nagsasabi naman si Allāh tungkol sa mag-anak ni Zacarias (sumakanila ang pangangalaga): {Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga nagtataimtim.} (Qur'ān 21:90) Pagbulay-bulayan mo ang dalawang āyah, pagkatapos hanguin mo mula sa dalawang ito ang mga gawain ng mga anghel at mga propeta kasama ng paglilinaw sa mga aspeto ng pagtulad sa kanila.
Aktibidad 3: Matututo ako.
Maglagay ng tanda na (✓) sa ilalim ng mga bunga ng pananampalataya sa pagtatakda sa larawang ito:
Ang pagtitiis - Ang pag-ibig kay Allāh - Ang pagpapatulong kay Allāh - Ang pagkalugod - Ang pagkalungkot sa nakaalpas - Ang pasasalamat - Ang pagsasagawa ng mga nāfilah- ang pananalig kay Allāh - ang pagkabalisa sa hinaharap
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pananampalataya ay nagtutulak sa Muslim tungo sa bawat maayos na gawain. (✓)
2. Ang antas ng Islām ay higit na mataas kaysa sa antas ng Pananampalataya. (X)
3. Sumasampalataya tayo sa pagkababa ng Qur'ān, Torah, at Ebanghelyo. (✓)
4. Sumasampalataya tayo sa mga pabatid ng mga sugo, na nasasaad sa Torah. (X)
5. Ang mga anghel ay humingi ng kapatawaran para sa mga anak ni Adan. (✓)
PANUTO 2: Kumpletuhin mo ang sumusunod na ḥadīth:
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Na sumampalataya ka kay Allāh, ______________, sa mga kasulatan Niya, sa mga Sugo Niya, ______________, at sumampalataya ka sa pagtatakda: ______________________."
PANUTO 3: Papaanong magsasakatotohanan ang Muslim sa pananampalataya sa bawat isa sa sumusunod:
1. kay Allāh (Napakataas Siya),
2. sa Huling Araw,
3. sa pagtatakda.
PANUTO 4: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Isa-isahin mo ang mga haligi ng Pananampalataya.
2. Magsulat ka ng isang parapo na hindi lalabis sa tatlong linya tungkol sa mga bunga ng pananampalataya sa pagtatakda.
3. Talakayin mo ang pahayag: ang pananampalataya sa Huling Araw ay nakaaapekto sa pagkamatuwid ng mananampalataya.
7. Ang Layunin at ang Epekto NIto sa mga Gawain
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsasaulo ka ng marangal na ḥadīth;
2. makapagsalaysay ka ng buhay ng tagapagsalaysay ng ḥadīth;
3. makapaglinaw ka ng mga kahulugan ng ilan sa mga salita ng ḥadīth;
4. makapagbigay-linaw ka sa pangakalahatang kahulugan ng marangal na ḥadīth;
5. makapagsadamdamin ka ng halaga ng pagpapakawagas sa bawat gawain;
6. makatalos ka sa panganib ng tiwaling layunin sa Relihiyon ng Muslim.
Paghahanda
Humiling ang imām ng masjid ng mga abuloy para sa pagpapatayo ng isang paaralan ng pagpapasaulo ng Qur'ān. Nag-abuloy naman ang dalawa sa mga kapitbahay mo ng malaking halaga sa harapan ng mga tao. Ang layunin ng una ay na mailarawan siya ng mga kapitbahay sa pagiging mapagbigay. Ang layunin ng ikalawa ay na gāyahin siya ng mga tao para maisagawa ang pagtipon ng malaking halaga. Ano naman ang opinyon mo sa senaryong ito. Ano ang kaibahan sa pagitan ng dalawang lalaki gayong silang dalawa ay nagkakawangisan sa maayos na gawa?
Ang Teksto ng Marangal na Ḥadīth
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa kamunduhan na tatamuhin niya o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6689 at Imām Muslim: 1907.
Ang mga Kahulugang ng mga Salita:
Ang Pananalita
Ang Kahulugan Nito
Ang mga gawain
Ang isinasagawa ng Muslim na mga sinasabi at mga ginagawa sa paglalayon ng pagsamba.
Ang Layunin
Ang pakay sa likod ng gawain.
Ang paglikas niya
Ang paglikas na tinutukoy ay ang paglipat ng Propeta at mga Kasamahan niya mula sa Makkah papuntang Madīnah.
Para sa kamunduhan na tatamuhin niya
para sa kapakinabangan o katuturang makamundo.
Ang Pagpapakilala sa Tagapagsalaysay ng Ḥadīth
Nauna na ang pagpapakilala kay Al-Fārūq `Umar (malugod si Allāh sa kanya). Kabilang sa mga kainaman niya (malugod si Allāh sa kanya):
1. Nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi nakasalubong sa iyo ang demonyo magpakailanman habang tumatahak sa isang daanan malibang tumahak ito sa isang daanang iba pa sa daanan mo." Ibig sabihin: Hindi ito nakakita sa iyo sa isang daan malibang lalakad ito sa iba pang daan. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3683 at Imām Muslim: 2396.
2. Binalikat ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ang pagkakhalīfah matapos ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Siya ay makatarungang asetikong malakas sa katotohanan. Nakasaksi ang pagkakhalīfah niya ng marami sa mga pagsakop ng Islām sa Ehipto, Sirya, Iraq, at Persiya.
Ang Pangkalahatang Kahulugan ng Ḥadīth
Nagbibigay-diin ang marangal na ḥadīth sa pagkakaugnay ng layunin sa mga gawain at na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawain malibang naging wagas na ukol sa Kanya. Ang sinumang ang layunin sa paglikas o sa iba pa rito na mga gawaing maayos ay ang kaluguran ni Allāh, ang gawa niya ay tatanggapin at magkakaroon siya ng pabuya rito sa ganang kay Allāh.
Kapag naman ang pakay niya sa paglikas ay na mag-asawa ng isang babae o kumita ng salapi o iba pa roon kabilang sa natatamasa sa Mundo, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya. Hindi siya makakukuha ng gantimpala ng paglikas na ipinag-utos ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Gayon din ang bawat sinumang nagsagawa ng isang pagsamba o isang nakabubuti samantalang hindi naman niya pinakay rito ang kaluguran ng mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), magsasalang siya ng sarili niya sa galit ni Allāh at pagdurusang dulot Niya.
Ang matututunan mula sa paksang ito:
1. Ang pagpapakawagas ng layunin para kay Allāh ay isang kundisyon sa pagtanggap ng mga maayos na gawain.
2. Nagiging karapat-dapat ang Muslim sa gantimpala sa gawa ayon sa sukat ng pagpapakawagas ng layunin niya para kay Allāh.
3. Ang maayos na layunin ay nagpapalaki ng pabuya sa maayos na gawa kahit pa man iyo ay kaunti. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, na nakatagpo ng isang sanga ng mga tinik sa daan saka kinuha niya ito kaya nagpahalaga si Allāh sa kanya saka nagpatawad sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2472 at Imām Muslim: 1914.
4. Ang mabuting layunin ay hindi magpapabuti sa tiwaling gawa. Kaya kung sakaling gumawa ang isang tao ng isang gawaing ipinagbabawal at nilayon niya rito ang pagtalima kay Allāh, tunay na siya ay nagkakasala at hindi tatanggapin ni Allāh ang gawa niya, kahit pa siya ay tapat sa paglalayon ng mabuti.
Ang tapat na Muslim ay nagpapakawagas ng layunin para kay Allāh sa lahat ng mga gawain niya at naglalayo ng puso niya sa lahat ng mga tiwaling layunin tulad ng pagpapakitang-tao, pagkaibig sa katanyagan sa mga tao, pagtama ng pagbubunyi nila, at iba pa roon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magpapatupad ako.
Magmungkahi ka ng gawain na makapagtuturing ka naaangkop sa harap ng sumusunod na dalawang senaryo:
Ang Senaryo
May isang taong nahirati sa pagkakaloob ng kawanggawa nang pakubli ngunit nang nalaman ng mga tao ang tungkol sa kanya ay nagpakalabis-labis sila sa pagbubunyi sa kanya.
Ang naaangkop na gagawin...
Ang Senaryo
May isang imām na nag-anyaya ng pag-aabuloy para sa masjid ngunit walang nag-abuloy na isa man kaya nag-atubili ang isa sa mga nagdarasal kung mag-aabuloy kaya siya sa harapan ng mga tao o magbibigay nito sa imām kapag lumisan ang mga tao?
Ang naaangkop na gagawin...
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at magpapakalawak ako.
Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Mundo ay para sa apat na tao lamang. 1. Isang tao na tinustusan ni Allāh ng yaman at kaalaman kaya siya ay nangingilag magkasala dahil doon sa Panginoon niya, nagpapanatili siya dahil doon sa ugnayang pangkaanak niya, at nakaaalam siya ng karapatan para kay Allāh dahil doon, kaya ito ay nasa pinakamainam sa mga antas. 2. Isang tao na tinustusan ni Allāh ng kaalaman at hindi tinustusan ng yaman kaya siya ay tapat ang layunin, na nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa sana ako ng gawain ni Polano,' kaya siya ay nasa layunin ng una kaya naman ang pabuya sa kanilang dalawa ay magkatulad. 3. Isang tao na tinustusan ni Allāh ng yaman at hindi tinustusan ng kaalaman kaya siya ay nagwawaldas ng yaman niya nang walang kaalaman, na hindi siya nangingilag magkasala dahil doon sa Panginoon niya, habang hindi siya nakikiugnay sa kaanak niya at hindi siya nakaaalam ng karapatan para kay Allāh dahil doon, kaya ito ay nasa pinakakarimarimarim sa mga antas. 4. Isang tao na hindi tinustusan ni Allāh ng yaman ni ng kaalaman kaya siya ay nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, gumawa sana ako dahil dito ng gawain ni Polano kaya siya ay nasa layunin ng ikatlo kaya naman ang pabigat sa kanilang dalawa ay magkapantay." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2325. Basahin mo ang marangal na ḥadīth, pagkatapos:
1. Magpaliwanag ka kung bakit nakilahok ang ikaapat na tao sa ikatlong tao sa pagkakasala.
2. Makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa pagbanggit ng mga halimbawa ng pakikilahok sa gantimpala gaya ng ginawa ng ikalawang lalaki sa marangal na ḥadīth.
Aktibidad 3: Pupuna ako ng isang saloobin.
{May nagtanong na isang lalaki kay Imām Abū Ḥanīfah, na nagsasabi: "Ako ay nakikipagkalakalan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagnanakaw ako kaya may itinatala laban sa akin na isang masagwang gawa at nagkakawanggawa ako ng ninakaw ko kaya may itinatala para sa akin na sampung magandang gawa."}
1. Ano ang inaasahan mo na maging tugon ni Imām Abū Ḥanīfah? (Sumangguni ka sa tagapagturo mo.)
2. Nagkakasala ba ang tagapagtanong sa ginawa niya o hindi?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Tinagurian si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) bilang
(Aṣ-Ṣiddīq - Al-Fārūq - Al-`Ādil).
2. Ang layunin ay ang pakay sa likod ng gawa at nauugnay sa
(maayos na gawa - paggawa ng mga rituwal - lahat ng mga gawain).
Kapag gumawa ang Muslim ng isang gawa na hindi siya naghahangad sa pamamagitan nito ng ikalulugod ng mukha ni Allāh, tuna na siya ay
(nagkakasala at hindi tatanggapin ang gawa niya - gagantimpalaan dahil sa mga epekto niyang kaaya-aya - hindi tatanggapin at hindi nagkakasala dahil dito).
PANUTO 2: Kumpletuhin mo ang sumusunod na ḥadīth:
"Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ___________________. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo _____________________, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay _____________________ o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay _________________."
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang komentaryong huhusto sa bawat isa sa mga sumusunod na pahayag.
1. Ang kaayusan ng pakay lamang ay hindi sasapat para sa pagtanggap ng mga gawa.
2. Ang may tiwaling layunin ay nalilinlang sa Mundo, na malulugi sa Araw ng Pagbangon.
3. Ang maayos na layunin ay nagpapalaki ng pabuya sa maayos na gawa.
8. Ang Pagsunod sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglalahad ka nang maiksi ng talambuhay ng tagapagsalaysay ng ḥadīth;
2. makapaglinaw ka sa mga kahulugan ng ilan sa mga salita ng ḥadīth;
3. makapagpaliwanag ka ng panganib ng paggawa ng bid`ah sa Relihiyon;
4. makapaghalimbawa ka ng mga uri ng mga bid`ah;
5. makapagsikap ka para magpalaganap ng Pampropetang Sunnah sa lipunan;
6. makapagsadamdamin ka ng epekto ng paggawa ng bid`ah sa paglipana ng mga pamahiin sa lipunan.
Paghahanda
Dumaan sa atin sa nakalipas na aralin ang pag-aaral sa unang kundisyon para sa pagtanggap ng gawa (ang pagpapakawagas ng layunin para kay Allāh). Kasama natin sa araling ito ang paglilinaw sa ikalawang kundisyon: na ang gawain ay maging sumasang-ayon sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Teksto ng Marangal na Ḥadīth
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2697 at Imām Muslim: 1718.
Ang mga Kahulugang ng mga Salita:
Ang Pananalita
Ang Kahulugan Nito
nagpauso
umimbento ng isang bago.
nauukol sa amin
nauukol sa Relihiyon, na tumutukoy sa mga pagsamba, mga paniniwala, at mga batas.
tatanggihan
ibabalik sa kanya at hindi tatanggapin mula sa kanya at hindi siya gagantimpalaan doon.
2. Maiksing Talambuhay ng Tagapagsalaysay ng Ḥadīth
Ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah bint Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay tinaguriang Aṣ-Ṣiddīqah.
Ipinanganak siya siyam na taon bago ng paglikas. Umanib siya sa Islām noong siya ay bata pa. Pinapanaw siya noong taong 58 Hijrah.
Siya ang kaisa-isahang babae na napangasawa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang birhen. Siya ay kabilang pinakainiibig sa mga maybahay ng Sugo.
Napatanyag siya sa kagalantehan at pagkamapagbigay. Siya ay kabilang sa pinakamarunong sa mga tao at pinakamahusay sa kanila sa pananaw. Ang mga pinakamalaki sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay nagtatanong sa kanya tungkol sa mga patakaran ng Relihiyon.
Ang Pangkalahatang Kahulugan ng Ḥadīth
Nagbibigay-babala ang Marangal na Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paglalakas-loob sa pagsalungat sa makatotoong kapahayagan. Nagpapabatid siya sa atin na ang sinumang nagpakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng isang bagong bagay na hindi isinabatas ng Sugo, tunay na ang gawain niya ay ibabalik sa kanya at hindi tatanggapin mula sa kanya.
Ang matututunan mula sa paksang ito:
1. Ang pagpapauso sa Relihiyon o ang paggawa ng bid`ah ay isang pamamaraang inimbento sa pagsamba, na hindi inihatid ng Kapahayagan, gayong pinapakay rito ang magpakamananamba kay Allāh (napakataas Siya).
2. Ang paggawa ng bid`ah sa Relihiyon ay nagliligaw sa tao palayo sa pagsunod sa katotohanan at paggawa ayon sa Pampropetang Sunnah at nagkakait sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila.
3. Ang legal na bid`ah na sinasaway ay ang nangyayari sa mga pumapatungkol sa Relihiyon. Ang mga ito ay hindi nasa mga bagay na pangmundo gaya ng pagyari ng mga kagamitan at paggamit ng mga sasakyan at nalalabi sa mga modernong imbensiyon na tumutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao. Tungkol sa tulad niyon nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kayo ay higit na maalam hinggil sa nauukol sa Mundo ninyo." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2363.
4. Hindi magtatamo ang tagagawa ng bid`ah ng gantimpala sa bid`ah niya sapagkat ito ay ibabalik sa kanya. Kapag sumunod sa kanya ang mga tao sa bid`ah niya, magiging karapat-dapat siya sa kasalanan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsakalakaran sa Islām ng isang masagwang kalakaran (sunnah) saka isinagawa ito matapos niya, magtatala sa kanya ng [kasalanang] tulad sa kasalanan ng sinumang nagsagawa niyon samantalang walang nababawas mula sa mga kasalanan nila na anuman." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1017.
5. Nahahati ang mga bid`ah sa:
mga bid`ah na pampaniniwala: gaya ng sinumang naniniwala ng pagkasanggalang sa pagkakasala ng sambahayan ng Propeta;
mga bid`ah na panggawain: gaya ng pagpapatayo ng mga mausoleo sa mga masjid at pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng mga ito;
mga bid`ah na pangsinasabi: gaya ng sinumang ng pagsambit ng "Allāhu akbar" o pagsambit ng "Lā ilāha illa –llāh" sa isang malakas na tinig sa sandali ng pagdalo sa paglilibing ng patay.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magpapalalim ako ng pagkakaalam ko.
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa mga khuṭbah niya: "Tunay na ang pinakamabuting pananalita ay ang Aklat ni Allāh. Ang pinakamabuting patnubay ay ang patnubay ni Muḥammad. Ang pinakamasama sa mga bagay-bagay ay ang mga pinauso sa mga ito. Ang bawat bid`ah ay kaligawan." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 867.
Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos:
1. Magpaliwanag ka kung papaanong pinag-iba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang daan ng katotohanan at ang daan ng pagkaligaw.
2. Linawin mo kung bakit inilarawan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang bid`ah na ito ay kaligawan.
Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako at magbibigay-patunay ako.
Ang bid`ah ay may mga masagwang epekto sa lipunan sapagkat ito ay isang kadahilanan ng paglaganap ng mga pamahiin at kamangmangan. Walang isang bid`ah na lumitaw sa lipunan kung hindi dahil sa pagwaksi ng mga tao sa isang sunnah buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ang isa sa mga maalam: "Walang nagpauso na kalipunan sa relihiyon nito ng isang bid`ah malibang nag-aalis si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila dahil dito ng isang sunnah." Makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa pagmamasid ng ilan sa mga bid`ah na laganap sa lipunan mo at magbigay-patunay ka sa mga negatibong epekto nito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagpakaabala si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa pagsamba sa halip ng pagpapalaganap ng kaalaman. (X)
2. Nag-aanyaya ang Islām at makaagham na pagsulong at pag-unlad ng modernong teknolohiya. (✓)
3. Nauuwi ang mga bid`ah sa paglipana ng kamangmangan at mga pamahiin sa lipunan. (✓)
4. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth na: "kaugnay sa nauukol sa aming ito" ay nangangahulugang: kaugnay sa mga nauukol sa Relihiyon. (✓)
5. Nagtatamo ang tagagawa ng bid`ah ng gantimpala sa maayos na layunin niya sa pagpapakalapit-loob kay Allāh. (X)
PANUTO 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bigyang-pakahulugan mo ang bid`ah.
2. Maglahad ka ng isang halimbawa para sa bawat uri mula sa mga uri ng mga bid`ah.
3. Isulat mo ang ḥadīth ng aralin sa kuwaderno mo mula sa pagkakasaulo mo.
5. Ang pakikipagharap sa mga bid`ah at mga kampon nito ay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tumpak na sunnah. Magpahayag ka ng kahalagahan niyon kalakip ng pagmumungkahi ng mga kaparaanan sa pagpapalaganap ng Pampropetang Sunnah sa lipunan mo.
9. Ang Relihiyon ay ang pagpapayo.
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsasaulo ka ng marangal na ḥadīth;
2. makapaglalahad ka nang maiksi ng talambuhay ng tagapagsalaysay ng ḥadīth;
3. makapaglinaw ka ng mga kahulugan ng ilan sa mga salita ng ḥadīth;
4. makapagpaliwanag ka kung papaanong magkatotoo ang pagpapayo para sa sinumang nasaad ang pagbanggit sa kanila sa ḥadīth.
5. maensayo ka sa pagkakaloob ng payo alinsunod sa mga etiketang pang-Sharī`ah.
Isang larawan ng dalawang lalaking nag-uusap sa harapan ng masjid.
Paghahanda
Habang si Ibrāhīm ay nasa daan papunta sa masjid, nakita niya ang kaklase niyang si Sa`d habang nakaupo sa daan. Inanyāyahan ni Ibrāhīm si Sa`d na magdasal ngunit tumanggi ito na sumama sa kanya. Nagalit si Ibrāhīm at nagsabi rito: "Alam ko na si Allāh ay hindi nagnanais ng tulad mo sa bahay Niya."
Sa ano tumama si Ibrāhīm at sa ano siya nagkamali?
Ang Teksto ng Marangal na Ḥadīth
Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Nino po?" Nagsabi siya: "Ni Allāh, ng Aklat Niya, ng Sugo Niya, at ng mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 55.
Ang mga Kahulugan ng mga Salita:
Ang Pananalita
Ang Kahulugan Nito
Ang pagpapayo
Ang paggabay sa pinapayuhan sa kabutihan at ang pagpatnubay rito roon.
Ang mga pinuno ng mga Muslim
Ang mga namamahala sa mga Muslim.
Ang madla nila
Ang nalalabi sa mga Muslim na hindi mga pinuno.
Ang Pagpapakilala sa Tagapagsalaysay ng Ḥadīth
1. Siya ay si Abū Ruqayyah Tamīm bin Aws bin Khārijah Ad-Dārīy.
2. Siya dati ay isang Kristiyano at umanib sa Islām sa ikasiyam na taon ng Paglikas.
3. Nakasama niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at isinalaysay niya buhat dito ang ilan sa mga ḥadīth.
4. Nakilala siya sa pagkamakadiyos at dami ng pagsamba. Pinapanaw siya noong taong 40 Hijrah.
Ang Pangkalahatang Kahulugan ng Ḥadīth
Ang ḥadīth na ito ay isang dakilang saligan mula sa mga saligan ng Islām sapagkat nagbigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkakaloob ng payo ay isang saligan kabilang sa mga saligan ng Relihiyon at na ito iyo ay:
Ang Pagpapayo
Ni Allāh: ang katumpakan ng pananampalataya at ang pagpapakawagas sa pagsamba.
Ng Aklat ni Allāh: ang paniniwala rito, ang pagbigkas nito, at ang paggawa ayon dito.
Ng Sugo Niya (basbasan Niya ito pangalagaan): ang paniniwala rito, ang pagtalima rito, at ang paggawa ayon sa Sunnah nito.
Ng mga tagapamahala ng mga Muslim: ang pag-anyaya sa kanila sa katotohanan, ang pagtulog sa kanila roon sa hindi pagsuway kay Allāh.
Ng madla ng mga Muslim: sa pamamagitan ng paggabay sa kanila tungo sa may kaayusan ng Relihiyon nila at Mundo nila.
Ang matututunan mula sa paksang ito:
1. Ang pagpapayuhan at ang paghimok sa kabutihan ay may isang dakilang pinatutungkulan sa Islām sapagkat ginawa nga ng marangal na ḥadīth ang pagpapanatili ng Relihiyon sa kalubusan nito bilang nakaugnay sa pagpapayuhan sa gitna ng mga Muslim.
2. Ang layon ng pagpapayo ay ang pag-aanyaya sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allāh, sa Aklat Niya, at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at na umusad ang buhay ng mga tao alinsunod sa ninanais ni Allāh at ang utos ni Allāh ay maging ang tagahatol sa bawat pagkakaiba-iba.
3. Sa pamamagitan ng pagpapayuhan naisasakatuparan ang kaayusan ng mga lipunan at ang pagpigil sa mga kasamaan at sa pamamagitan nito ang kaayusan ng mga Muslim sa Mundo nila, ang kaluguran ni Allāh, at ang tagumpay sa Kabilang-buhay.
4.Ang pagpayo at ang pag-aanyaya tungo sa kabutihan at pagsaway sa nakasasama ay para sa lahat ng mga Muslim, kaya hindi pinalulusot ang malaki ni ang dakila. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang pumigil sa isa sa inyo ang pangingilabot sa mga tao na magsalita siya ng totoo kapag nakita niya ito o nasaksihan niya ito o narinig niya ito." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 2191 at Imām Ibnu Mājah 4007.
5. Nagkakaiba-iba ang paraan ng pagpapayo ayon sa pinapayuhan sapagkat ang pagpayo sa mga namamahala at mga hari ay naiiba sa iba sa kanila at gayon din ang pagpapayo sa mga magulang at mga matanda sa edad. Ang pagpapayo sa asawa at mga anak ay may paraang naiiba.
6. Nararapat na magmabait ang tagapayo sa sinumang pinapayuhan niya, hindi siya manghamak nito, at hindi siya magmaltrato rito; na ang layunin niya ay wagas na ukol sa ikasisiya ng mukha ni Allāh; na siya ay nakabatay sa kaalamang pang-Sharī`ah hinggil sa sinasabi niya sa pinapayuhan; at na ang pagpapayo ay lihim sa tuwing makakaya iyon.
7. Nararapat sa pinapayuhan na tumanggap ng payo at na sumunod sa katotohanan maging sinuman ang nagsasabi nito at hindi manghamak ang tagapayo at hindi siya mamerhuwisyo rito.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magpapatupad ako.
Papaano kang maghahain ng payo sa mga sumusunog na senaryo?
1. May isang lalaking higit na matanda sa iyo sa edad, na nakatayo sa tabi mo at nagkakamali ayon sa pagkakalarawan sa ṣalāh.
2. May isang lalaking may mataas na panlipunang katayuan, na nagbibigay ng zakāh ng yaman niya subalit hindi siya naglalagay nito sa mga tumpak na pinag-uukulan nito.
3. May isang taong nagrereseta sa mga tao ng mga lunas at mga gamot na pangmedisina samantalang siya naman ay hindi manggagamot.
4. May isang taong nagbibigay ng fatwā sa mga tao kaugnay sa mga nauukol sa Relihiyon samantalang siya naman ay hindi kwalipikado at hindi nagkamit ng makasasapat na mga kaalamang pang-Sharī`ah.
Aktibidad 2: Magbabasa ako at sasagot ako
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na pakikibaka ay ang salita ng katarungan sa harap ng haring maniniil." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4344 at Imām At-Tirmidhīy: 2174. Basahin mo ang ḥadīth, pagkatapos sagutin mo:
1. Ano ang kahulugan ng haring maniniil sa marangal na ḥadīth?
2. Bakit itinuring ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapayo sa haring maniniil bilang pinakamainam na pakikibaka?
3. Ano ang resulta ng pagpapayo sa namamahala sa kapakinabangan ng lipunan?
4. Inoobliga ba kasabay ng pagpapayo sa namamahala ang mang-insulto sa kanya?
Aktibidad 3: Makikilahok ako sa mga kaklase ko.
Makilahok ka sa mga kaklase sa pagbanggit ng mga halimbawa na kinakailangan sa mga ito ang pagpapayo sa mga pangyayaring nakalista sa talahanayan:
Pagpapayong kinakailangan nang agaran
Pagpapayong kinakailangan nang hinay-hinay
Pagpapayong kinakailangan nang palihim
Pagpapayong kinakailangan nang hayagan
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Napatanyag si Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) sa dami ng pakikipaglaban. (X)
2. Nagkakaiba-iba ang paraan ng pagpapayo ayon sa kalagayan ng pinapayuhan. (✓)
3. Ang pagpapayo ay isang pampalapit-loob kay Allāh kaya kinakailangan dito ang pagpapakawagas.
4. Hindi pinapayagan ang pagkakaloob ng payo nang lantaran sa harapan ng mga tao. (X)
5. Ang istilo ng pagkakaloob ng payo ay umeepekto sa pagtugon dito. (✓)
6. Isinasakundisyon na ang tagapayo ay higit na mainam kaysa pinapayuhan. (X)
7. Kailangan sa pinapayuhan ang tumanggap sa katotohanan mula sa alinmang nagsasabi nito. (✓)
PANUTO 3: Isulat mo ang ḥadīth ng aralin sa kuwaderno mo mula sa pagkakasaulo mo.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Ano ang layon ng pagkakaloob ng payo gaya ng pagkaintindi mo sa aralin.
2. Papaanong naisasakatuparan ang pagpapayo ni Allāh, ng Aklat Niya, ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?
3. Ang pagpapayo sa mga namamahala ay may malaking epekto sa pagsasaayos ng lipunan at malaking kainaman sa Islām.
4. Mag-isa-isa ka sa tatlo sa mga etiketa ng pagbibigay ng payo.
5. Maghulo ka ng epekto ng pagpapayuhan sa individuwal at lipunang Muslim.
10. Ang Pagpapakatuwid
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsasaulo ka ng marangal na ḥadīth;
2. makapaglalahad ka nang maiksi ng talambuhay ng tagapagsalaysay ng ḥadīth;
3. makapagpaliwanag ka ng kahulugan ng pagpapakatuwid;
4. makapag-isa-isa ng mga paraang nagpaparating sa pag-abot sa papapakatuwid;
5. makapagsadamdamin ka ng pagkakailangan ng pagpapakatuwid para maabot ang kaluguran ni Allāh.
Paghahanda
Sa harapan mo ay may dalawang daan para marating ang tahanan mo, na ang distansiya ng dalawang ito ay iisa subalit ang isa ay tuwid at ang isa pa ay baluktot.
Alin sa dalawang daan ang pipiliin mo? At bakit? Pagkatapos mag-ugnay ka sa pagitan niyon at ng marangal na ḥadīth na ito:
Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: {"Nagsabi ako: O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isa man matapos mo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 38.
Ang Pananalita
Ang Kahulugan Nito
isang masasabing hindi ako makatatanong tungkol doon sa isa man matapos mo
isang masasabing maliwanag na sapat, na makasasapat na para magtanong pa sa iba pa sa iyo
Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh
Magpahayag ka ng pananampalataya mo kay Allāh, na bumabanggit sa pamamagitan ng dila mo, na gumugunita sa mga kahulugan ng pananampalataya sa pamamagitan ng puso mo.
magpakatuwid ka
Mamalagi ka sa paggawa ng mga pagtalima at pag-iwas sa mga pagsuway.
Ang Pagpapakilala sa Tagapagsalaysay ng Ḥadīth
1. Abū `Amrah Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy.
2. Siya ay kabilang sa delegasyon ng Ṭā'if na nagsadya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Nagsalaysay siya ng ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at buhat sa ilan sa mga Kasamahang tulad nina `Umar bin Al-Khaṭṭāb, Abū Ayyūb Al-Anṣārīy, at iba pa sa kanilang dalawa kabilang sa mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila sa kalahatan).
4. Nanungkulan siya bilang gobernador ng Ṭā'if sa pagkakhalīfah ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Pangkalahatang Kahulugan ng Ḥadīth
Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa masasaklaw sa mga pananalita ng Propeta yayamang naglalaman ng mga gawain ng Pananampalataya at Islām. Nang nagtanong ang Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa bagay na nagsasama sa mga batas ng Islām, nag-utos sa kanya ang Propeta na magpahayag siya ng pag-anib sa Islām sa pamamagitan ng bibig niya, na magpanibago siya ng Pananampalataya sa pamamagitan ng puso niya, at na magsikap siya sa pagpapakatuwid sa pananampalataya sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagsuway at ng paggawa ng mga pagtalima.
Ang matututunan mula sa paksang ito:
1. Ang pagsisigasig sa pagtamo ng kaalamang napakikinabangan at ang paghiling nito. Ito ay ang metodolohiya ng mga maayos na tapat. Ang mga Kasamahan nga noon (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) ay pinakamasigasig sa mga tao roon.
2. Ang pananampalataya kay Allāh ay isang adhikain para sa Muslim kaya nagpapahayag siya ng Relihiyon niya at pananampalataya niya at nagmamarangal siya sa pagkakaugnay sa mga ito.
3. Ang pagpapahayag ng pananampalataya ay may epekto sa pagpapalaganap ng pagpapalagayang-loob at pagtutulungan sa kabutihan sa gitna ng mga Muslim sa lipunan.
Ang sinumang nagtika nang may katapatan sa pagtamo ng lugod ni Allāh, magbibigay sa kanya si Allāh ng pang-unawa at tutulong sa kanya. Nagsasabi si Allāh: {Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay talagang magpapatnubay nga Kami sa kanila sa mga landas Namin. Tunay na si Allāh ay talagang kasama sa mga tagagawa ng maganda.} (Qur'ān 29:69)
5. Ang pagpapakatuwid ay ang pananatili sa pagtalima at ang pag-iwas sa pagsuway alinsunod sa nasaad sa makatotoong kapahayagan. Ang pagpapakatuwid ay may isang dakilang pinatutungkulan at isang kapita-pitagang kainaman, na nagkakaloob si Allāh sa sinumang nagsikap at humayo sa daan nito.
Ang mga Kaparaanan sa Pagsasakatotohanan ng Pagpapakatuwid
May ilang kaparaanang makaaalalay sa Muslim sa pagsasakatotohanan ng pagpapakatuwid, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pag-iwas sa ipinagbawal ni Allāh. Nagsasabi ang Sugo: "Mangilag ka sa mga bawal, magiging pinakapalasamba ka sa mga tao." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2305.
2. Ang pagsasagawa ng isinatungkulin ni Allāh, pagkatapos ang pagsisikap sa mga kusang-loob na pagsamba. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagpapaabot tungkol sa Panginoon ng Kapangyarihan. "Hindi nagpapakalapit-loob sa akin ang lingkod ko sa pamamagitan ng anumang higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin ko sa kanya at hindi tumitigil ang lingkod ko nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig ako sa Kanya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6502.
3. Na ang Muslim ay may kasamahang maayos na nagpapalakas-loob sa kanya at tumutulong sa kanya sa pagtalima at sumasaway sa kanya sa pagsuway. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "Ang lalaki ay napasusunod sa relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang [bawat] isa sa inyo sa sinumang kinakaibigan niya nang matalik." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 2378 at Imām Abū Dāwud: 4833.
4. Ang pagkamit ng kaalamang kinakailangan para sa pagsasagawa ng mga batas ng Islām na Relihiyon niya at ang pagbabasa ng mga talambuhay ng mga Kasamahan, mga maalam, at mga maayos na tao kaugnay nasa sigasig sa pagpapakatuwid.
5. Ang pagpapamalagi ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān at ang pagsisikap sa pagbubusilak sa kaluluwa at pagdadalisay ng puso mula sa mga kasalanan sapagkat sa pagpapakatuwid ng puso tumutuwid ang mga bahagi ng katawan.
1. Ang pagpapamalagi ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga mapagkamali ay ang mga palabalik-loob." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2499.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-uugnay ako at maghuhulo ako:
Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga nagsabi: "Si Allāh ay ang Panginoon namin," pagkatapos nagpakatuwid, magbababaan sa kanila ang mga anghel na [magsasabi]: "Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako.} (Qur'ān 41:30)
1. Sa opinyon mo, bakit nagbigay-diin ang marangal na āyah at ang marangal na ḥadīth ng pagpapahayag ng pananampalataya?
2. Ano ang epekto ng paglalantad ng pagmamarangal sa Islām sa pag-uugali ng individuwal at lipunan?
3. Ano ang ganti sa pagpapakatuwid ayon sa naiintidihan mo sa marangal na āyah.
4. Aktibidad 2: Magpaplano ako at magpapatupad ako.
5. Kabilang sa umaalalay sa pagpapakatuwid ang paggugol ng mga oras sa anumang pakikinabangan ng tao at lipunan at ang paggawa ng isang plano para sa pag-oorganisa ng oras at pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa ng mga pagtalima tulad ng paggawa ng isang plano para sa pagsasaulo ng Marangal na Qur'ān o pagkamit ng isang takdang sukat ng kaalamang pang-Sharī`ah o paglilingkod sa mga Muslim sa isang proyektong boluntaryo.
1. Makipagtalakayan ka kasama ng pamilya mo at mga kaibigan mo kaugnay sa pagpili, pag-oorganisa, at pagpapatupad ng gawaing ito.
2. Maaari sa iyo ngayon ang maglagay ng isang plano para sa pag-aaral ng aklat na ito at pagpapakahusay rito hanggang sa lumipat ka sa nibel na susunod dito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang tagapagsalaysay ng ḥadīth ay isang Kasamahang kapita-pitagan na kabilang sa liping Quraysh kabilang sa mga mamamayan ng Makkah. (X)
2. Ang kaalaman sa mga kautusan ng Sharī`ah ay kabilang sa mga pundasyon ng pagpapakatuwid. (✓)
3. Ang pagpapakatuwid ay isang karanasang pang-individuwal na hindi nakaaapekto sa lipunan. (X)
4. Nagbabalita ng nakalulugod ang mga anghel sa mga alagad ng pagpapakatuwid hinggil sa pagpasok sa Paraiso bago ng kamatayan nila. (✓)
PANUTO 3: Isulat mo ang ḥadīth ng aralin sa kuwaderno mo mula sa pagkakasaulo mo.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng kahulugan pagpapakatuwid.
2. Ano ang ipakakahulugan mo: Nauna sa Pananampalataya ang pag-uutos sa pagpapakatuwid.
3. Magbigay-linaw ka sa epekto ng mabuting pakikisama sa pagsasakatotohanan ng pagpapakatuwid, habang ginagamit na bilang patunay ang masasabi mo.
4. Nagsisimula ang pagpapakatuwid sa pag-iwas ng ipinagbawal ni Allāh at paggawa ng mga tungkulin, pagkatapos ng mga kusang-loob na pagsamba. Humango ka ng patunay roon.
Ang Ikatlong Yunit: Ang pananampalataya at ang Pagbubusilak
1. Ang Kairalan ni Allāh (Napakataas Siya)
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
makapagpaliwanag ka ng pahiwatig ng isip (`aql) at naturalesa (fiṭrah) sa kairalan ni Allāh;
makapaglinaw ka sa epekto ng pandama sa pagpapatibay sa kairalan ni Allāh;
makahango ka ng patunay mula sa Marangal na Qur'ān sa kairalan ni Allāh;
makatiyak ka na si Allāh ay buhay at nakababatid sa atin.
Pauna
Si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagapasimula. Lumitaw nga ang kakāyahan niya sa bawat bagay. Nagpahiwatig ang Kapahayagan, ang naturalesa, at ang isip sa kairalan Niya. Kabilang sa mga patunay na ito:
Ang mga Patunay sa Kairalan ni Allāh (Napakataas Siya) Ang Patunay ng Naturalesa Ang Patunay ng Kapahayagan Ang Patunay ng Isip Ang Patunay ng Pagkasama at Pagkasaksi
Ang Unang Patunay: Ang Patunay ng Naturalesa
Ang naturalesa ay ang pagkakalikha na nilikha ayon dito ang tao at ang kalikasang malaya sa mga kapintasan. Ang sanggol ay ipinanganganak sa naturalesa at kung sakaling hinayaan ito, talagang magpapatuloy ito roon at hindi makikipaghiwalay roon patungo sa iba pa.
Nagsabi si Allāh: {Kaya magpanatili ka ng mukha mo *para sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] naturalesa ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh.} (Qur'ān 30:30) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang sanggol malibang ipinanganganak sa naturalesa ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1358 at Imām Muslim:2658).
Ang Ikalawang Patunay: Ang Patunay ng Kapahayagan
Nagpatunay ang Kapahayagan sa isang maliwanag na pagpapatunay sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya). Kabilang doon:
1. Na si Allāh ay nagsugo ng mga sugo at may kasama nila silang mga himala na umaayuda sa katapatan nila at nagpapatotoo na si Allāh ay nagkasi sa kanila. Kapag napagtibay ang mensahe (pasugo) ay napagtitibay ang mga sugo (mensahero). Nagkasundo nga mga sugo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.
2. Na ang mga makalangit na kasulatan sa kalahatan ng mga ito ay naglalaman ng katuruan ng kaisahan ni Allāh, na Siya ang Dakilang Tagalikha.
3, Na ang Marangal na Qur'ān ay nagpatunay na si Allāh at Tagalikha ng Sansinukob, na kabilang dito ang sinabi ni Allāh: {Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 7:54)
Ang Ikatlong Patunay: Ang Patunay ng Isip
Nagpatunay ang isip sa isang maliwanag na pagpapatunay sa kairalan ni Allāh sapagkat tunay na ang Sansinukob na ito ay hindi makaiiwas sa isang tagalikha yayamang nagiging imposible na likhain nito ang sarili nito dahil ito, bago ng kairalan nito, ay wala, kaya naman papaanong lilikha ang wala ng sarili nito? Nagsasabi si Allāh: {O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?} (Qur'ān 52:35) Kaya hindi sila nalikha ng isang hindi tagalikha at hindi sila ang lumikha sa mga sarili nila, kaya naman kinailangan na ang Tagalikha nila ay si Allāh.
Nagiging imposible na malikha ang Sansinukob dahil sa pagkakataon (coincidence) sapagkat tunay na ang pagkalikha ay nasa sukdulang pagkahusay at kalubusan at nailalarawan sa kaeksaktuhan ng sistema, karikitan ng pagpapasimula, kasukdulan ng kalawakan, at palagiang pagkilos na nangangailangan ng pangangalaga ng Diyos na Buháy, Mapagpanatili.
Ang Ikaapat na Patunay: Ang Patunay ng Pandama at Pagkasaksi
Nagpatunay ang pandama at ang pagkasaksi sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya). Kabilang doon:
1. Ang naririnig natin at ang nasasaksihan natin na pagtugon sa mga dumadalangin ay kabilang sa nagpapatunay sa kairalan ng isang Diyos na tumutugon sa kanila.
2. Ang kadakilaan ng Tagalikha ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagalikha. Ang sinumang tumingin sa kadakilaan ng pagkalikha sa tao gaya ng mga kaeksaktuhan ng puso, at paggana ng utak, atay, bato (kidney), at iba para rito ay makatatalos sa kadakilaan ng kakāyahan ni Allāh. Nagsabi si Allāh: {na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya.} (Qur'ān 32:7)
3. Ang pagsasasistema ng Sansinukob, ang pagpapatnugot sa mga nauukol sa nilikha, at ang pangangasiwa sa mga pumapatungkol sa kanila ay nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh. Nagsabi si Allāh: {bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay.} (Qur'ān 27:88)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbulay-bulay ka at magpaliwanag ka.
Nakipagtalakayan ang ilan sa mga tao kay Imām Abū Ḥanīfah kaugnay sa kairalan ni Allāh kaya nagsabi siya sa kanila: "Magpabatid nga kayo sa akin tungkol sa isang daong na naglalayag; saka napupuno ng pagkain, bagahe, at iba pa rito sa sariling pagkukusa nito, umuuwi sa sariling pagkukusa nito, saka nag-aangkla sa sariling pagkukusa nito, nagdidiskarga at umuuwi. Ang lahat ng iyon ay walang nangangasiwang isa man." Kaya nagsabi sila: "Ito ay imposible, hindi maaari kailanman!" Kaya nagsabi siya sa kanila: "Kapag ito ay naging imposible sa isang daong, papaano na sa daigdig na ito sa kabuuan nito, kaitaasan nito, at kababaan nito?" Magbulay-bulay ka sa kuwentong ito, pagkatapos:
1. Makipagtalakayan ka sa tagapagturo mo hinggil sa pamamaraan ng pagtugon sa sinumang nagkakaila sa kairalan ni Allāh.
2. Magsulat ka ng isang kuwentong nakahahawig ng kuwentong ito, na ipantutugon mo sa mga ateista.
Aktibidad 2: Makipagtulungan ka at tumugon ka.
Nagsabi si Allāh: 20. Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak, 21. at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita? (Qur'ān 51:21) Sa liwanag ng dalawang āyah at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kasama ng mga kaklase mo, linawin mo ang ilan sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kairalan Niya sa pamamagitan pagkumpleto sa sumusunod na talahanayan:
ang mga tanda sa sarili
ang mga tanda sa lupa
ang paglabas ng halamang buhay mula sa lupang patay
mga tanda sa langit
Ang Pagkilos ng mga Bituin at mga Tala
____________________
Ang Pagtatasa (Assessment)
Panuto 1: Maglagay ng guhit sa ilalim ng tumpak na sagot sa sumusunod:
Ang pananampalataya kay Allāh ay isang naturalesang pantao. TAMA MALI
May umiiral na mga nilikhang walang Tagalikha. TAMA MALI
Ang kadakilaan ng Tagalikha ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagalikha.
Ang pagkahusay ng pagkalikha ay nagpapatunay sa pagkaimposible ng pag-iral ng nilikha dahil sa pagkakataon (coincidence). TAMA MALI
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga tandang pangsansinukob na nagpapahiwatig sa kairalan ni Allāh:
(ang pagkilos ng mga bituin - ang Marangal na Qur'ān, ang naturalesa ng tao).
2. Kabilang sa mga patunay na pangkapahayagan sa kairalan ni Allāh:
(ang gabi at ang maghapon - ang mga himala ng mga sugo - ang pagkalikha sa tao).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Humango ka ng patunay mula sa Marangal na Qur'ān sa kairalan ni Allāh.
2. Linawin mo ang epekto ng pandama sa pagpapatibay sa kairalan ni Allāh.
3. Bakit naging imposible na likhain ng Sansinukob ang sarili nito?
2. Ang Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng pinapakay ng Tawḥīd;
2. makapagdakila ka sa katayuan ng Tawḥīd;
3. makapagpatotoo ka sa kaisahan ni Allāh;
4. makapaglarawan ka kay Allāh sa pamamagitan ng bawat kalubusan;
5. sumamba ka kay Allāh – tanging sa Kanya.
Ang Tawḥīd ay ang pundasyon ng Islām. Ito ay ang kauna-unahang kinakailangan sa Muslim na paniwalaan yayamang bumibigkas siya ng pagsaksi sa Tawḥīd: Walang Diyos kundi si Allāh.
Kaya kinakailangan na maniwala ang Muslim na walang Tagalikha at walang Tagapangasiwa sa Sansinukob kundi si Allāh at walang sinasamba sa totoo kundi si Allāh at na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nailalarawan sa katangian ng bawat kalubusan at pinawalang-kinalaman sa alinmang kakulangan o kapintasan.
Si Allāh ay ang Panginoon ng bawat bagay.
Kinakailangan sa Muslim na maniwala na si Allāh ay ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha, ang Tagapagmay-ari ng mga ito, ang Tagapagtustos ng mga ito, at ang Tagapangasiwa ng mga ito. Nagsasabi si Allāh: {Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 1:2)
Si Allāh ay ang nagbibigay-buhay sa nilikha at nagbibigay-kamatayan sa kanila. nagsabi si Allāh: {Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Siya sa bawat bagay ay May-kakāyahan.} (Qur'ān 57:2)
Si Allāh ay ang Palatustos. Nagsabi si Allāh: {Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa malibang nasa kay Allāh ang panustos nito.} (Qur'ān 11:6)
Si Allāh ang Diyos na Totoo.
Nagpapahiwatig ang pagsaksi na Walang Diyos kundi si Allāh na walang sinasamba sa totoo kundi si Allāh yayamang kinakailangan sa Muslim na magtuon ng lahat ng mga pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya.
Kaya naman ang Muslim ay hindi nagpapakaaba, hindi nagpapakumbaba, at hindi dumadalangin kundi kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang –} (Qur'ān 6:162)
Si Allāh ay nailalarawan sa katangian ng bawat kalubusan
at pinawalang-kaugnayan sa alinmang kakulangan o kapintasan. Siya ay ang Nag-iisa, ang Kaisa-isa. Nagsabi si Allāh: {1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay kaisa-isa. 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan]. 3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. 4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."} (Qur'ān 112:1-4) Si Allāh ay ang Nag-iisa, ang Namumukod-tangi sa pagkadiyos: Walang Diyos na iba pa sa Kanya at walang katambal para sa Kanya.
Siya ay ang Dulugan na pinapakay ng mga tao sa pananalangin at pagpapakaaba.
Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagkaanak kaya wala siyang anak. Hindi Siya ipinanganak ng isa man kaya wala Siyang ama at walang ina.
Wala Siyang kawangis sa sarili Niya o mga katangian Niya sapagkat Siya ay gaya ng sinabi Niya: {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur'ān 42:11)
Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at lumikha ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda."} (Qur'ān 25:2)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako at maghahango ako.
Talakayin ang sumusunod na kuwento kasama ng tagapagturo mo, pagkatapos banggitin ang nilaman nito na mga katangian ni Allāh.
Naganap ang kuwentong ito sa pagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at isang lalaking tinatawag Al-Ḥuṣayn kung saan nangyari sa kanilang dalawa ang sumusunod na dayalogo:
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ḥuṣayn, ilang diyos ang sinasamba mo?"
Nagsabi si Al-Ḥuṣayn: "Pito: anim sa lupa at isa sa langit."
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag may dumapo sa iyo na isang pinsala, sino ang dinadalanginan mo?"
Nagsabi si Al-Ḥuṣayn: "Ang nasa langit."
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag naman nangamatay ang mga hayupan, sino ang dinadalanginan mo?"
Nagsabi si Al-Ḥuṣayn: "Ang nasa langit."
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya tumutugon sa iyo Siya – tanging Siya – at itinatambal mo po sila kasama sa Kanya?"
Pagkatapos nag-anyaya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para kay Al-Ḥuṣayn para sumampalataya kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Kaisa-isa, kaya sumampalataya naman si Al-Ḥuṣayn at pumasok sa Relihiyong Islām." (Ibnu Khuzaymah Fī Tawḥīd 1/278)
Aktibidad 2: Magbulay-bulay ka at humango ka.
Pagbulay-bulayan mo ang sumusunod na āyah at humango ka mula rito ng isang patunay na pang-isip sa kabulaanan ng pagkaugnay ng anak kay Allāh.
Nagsabi si Allāh: {Tagapagpasimula ng mga langit at lupa, paano mangyayaring mayroon siyang anak samantalang hindi naman nangyaring mayroon siyang asawa? Lumikha Siya ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur'ān 6:101)
Aktibidad 3: Magbabasa ako at magpapahayag ako.
Sa panahon ng propeta ni Allāh na si Abraham (sumakanya ang pangangalaga), ang isa sa mga hari ay nag-angkin ng pagkadiyos at pamamatnugot sa Sansinukob kaya pumunta roon si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) at nangyari sa kanilang dalawa ang sumusunod na dayalogo:
Nagsabi si Allāh: {Hindi ka ba nakaalam sa nangatwiran kay Abraham hinggil sa Panginoon nito dahil nagbigay sa kanya si Allāh ng paghahari? Noong nagsabi si Abraham: "Ang Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan" ay nagsabi siya: "Ako ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan." Nagsabi si Abraham: "Ngunit tunay na si Allāh ay nagpaparating sa araw mula sa silangan kaya magparating ka nito mula sa kanluran." Kaya nagitla ang tumangging sumampalataya. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 2:258)
Magpaliwanag ka ng patunay na pang-isip na ginamit ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa pakikipagdayalogo niya kay Nimrod.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Ano ang opinyon mo sa sumusunod na pakahulugan ng Tawḥīd?
Ang Tawḥīd ay ang pagkilala na si Allāh ay ang Tagalikha ng Sansinukob at ang Panginoon ng mga nilalang, na walang sinasamba sa totoo kundi si Allāh, na si Allāh ay nailalarawan sa bawat kalubusan at nagpawalang-kaugnayan sa alinmang kakulangan o kapintasan.
PANUTO 2: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Walang sinasamba sa totoo kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). (✓)
2. Ang layon sa paglikha ng mga tao ay na magtamasa sila sa Mundo. (X)
3. Nagpatotoo si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa paglikha ni Allāh sa Sansinukob. (✓)
4. Ang Muslim ay hindi nagpapakumbaba at hindi nagpapakaaba kundi kay Allāh. (✓)
5. Ang pagsasagawa ng ḥajj sa Makkah Mukarramah ay ang kauna-unahan sa kinakailangan sa Muslim. (X)
PANUTO 3: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Papaano nagpatotoo ang Qur'ān sa pagkaimposible na magkaroon si Allāh ng anak.
Magsulat ka ng isang patunay sa kaisahan ni Allāh.
Magpaliwanag ka ng mga katangian ni Allāh na natutuhan mo mula sa aralin.
Ang Pananampalataya at ang Maayos na Gawa
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng Islām (Pagpapasakop), Īmān (Pananampalataya), at Iḥsān (Pagpapakahusay);
2. makapagpaliwanag ka ng pakahulugan sa pananampalataya sa kapahayagan;
3. makapag-ugnay ka sa pagitan ng pananampalataya at maayos na gawa;
4. makahango ka ng patunay sa mga haligi ng pananampalataya;
5. makapagsadamdamin ka ng sigasig ng Islām sa kalubusan ng Pananampalataya.
Paghahanda
Tinanong ni Muḥammad ang tagapagturo niya tungkol sa kadahilanan ng pagkakaibahan ng kaginhawahan ng mga maninirahan sa Paraiso kaya nagsabi ang tagapagturo: "Magkakaibahan sila ayon sa sukat ng pananampalataya nila, mga gawa nila, at pagsasakatotohanan nila sa mga antas ng Relihiyon." Kaya nagtanong si Muḥammad kung ano ang mga antas ng Relihiyon.
Malalaman natin ang sagot sa tanong na ito sa pagtatalakay ng araling ito.,
Ang Pananampalataya at ang Gawang Maayos Ang Islām (Pagpapasakop), ang Īmān (Pananampalataya), at ang Iḥsān (Pagpapakahusay); Ang Papel ng Pananampalataya at Paggawa Ang Pananampalataya at Paggawa sa Qur'ān
Ang Islām (Pagpapasakop), ang Īmān (Pananampalataya), at ang Iḥsān (Pagpapakahusay)
Nakatayo ang Relihiyon sa tatlong antas, na umaangat ang Muslim sa mga baytang ng mga ito.
Ang unang baytang ay ang Islām (Pagpapasakop) kung saan sumasaksi ang Muslim sa Dalawang Pagsaksi at nagsasagawa ng limang haligi.
Ang ikalawang baytang ay ang Īmān (Pananampalataya) kung saan tumitibay ang Pananampalataya sa puso ng Muslim at lumilitaw ang mga epekto nito sa pagpapakatatag niya sa pagtalima kay Allāh at pag-iwas sa sinasaway ni Allāh.
Ang ikatlong antas ay ang Iḥsān (Pagpapakahusay). Dito ay pumapansin ang tao sa Panginoon niya sa lahat ng mga sinasabi niya at mga ginagawa niya kaya siya ay nagiging para bang siya ay nakakikita sa Panginoon niya.
Nasaad nga ang pagkakasunud-sunod ng mga antas ang pakahulugan ng mga ito sa tumanyag na ḥadīth ni Anghel Gabriel nang nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Islām sapagkat nagsabi ito: "Ang Islām ay na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng pagdarasal, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mong [magkaroon] patungo roon ng isang landas."
Pagkatapos nagtanong si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) tungkol sa Īmān (Pananampalataya) kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga Sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa masama nito at mabuti nito."
Pagkatapos nagtanong si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) tungkol sa Iḥsān (Pagpapakahusay) kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo."
Sa huling bahagi ng ḥadīth, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na siya ay si Anghel Gabriel. Dumating siya sa inyo upang magturo ng Relihiyon ninyo." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 8.
Ang Pakahulugan sa Īmān (Pananampalataya)
Ang Īmān (Pananampalataya) ay ang paniniwala ng puso, ang pag-amin ng dila, at ang paggawa ng mga bahagi ng katawan.
Kaya hindi natutumpak ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsasabi nang walang paniniwala ng puso at hindi makaiiwas sa pagpapalitaw ng paniniwala ng puso sa pamamagitan ng pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi., Hindi nakukumpleto ang Pananampalataya malibang sa pamamagitan ng paggawa ng mga bahagi ng katawan dahil ang Pananampalataya sa puso ay pinagreresultahan ng isang malakas na pagkaramdam, na nagpapagalaw sa dila at mga bahagi ng katawang tungo sa paggawa. Kaya ang sinumang naging isang mananampalataya kay Allāh nang totohanan at isang mananampalataya sa mga sugo Niya, mga kasulatan Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito, tunay na ang pananampalataya niya ay magtutulak sa kanya sa paggawa ng mga pagtalima at pag-iwas sa mga masagwang gawa.
Ang Pagkakaugnay ng Pananampalataya at Paggawa
Nagbigay-diin ang Marangal na Qur'ān sa pagkakaugnay ng pananampalataya sa maayos na gawa saka nangako si Allāh ng Paraiso sa sinumang nagbuklod sa mga ito sapagkat nagsabi Siya: Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Hardin; sila ay doon mga mananatili. (Qur'ān 2:82)
Nagkaila si Allāh ng pananampalataya sa sinumang hindi nagsagawa ng mga kinakailangan sa pananampalataya na paggawa at pagtalima sapagkat nagsabi Siya: {Nagsasabi sila: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo at tumalima Kami." Pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila nang matapos niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya.} (Qur'ān 24:47)
Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito
Nadaragdagan ang Pananampalataya sa puso dahil sa dami ng kaalaman sa mga patunay at mga patotoo ng Islām. Dahil doon, ang mga propeta, pagkatapos ang mga maalam na nagpakalalim ay ang pinakamataas sa mga tao sa pananampalataya at ang pinakamarami sa kanila sa katiyakan.
Dahil ang pananampalataya ay nauugnay sa gawa, tunay na ang pananampalataya ay nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh at humihina sa pamamagitan ng mga pagsuway at mga pagkakasala. Nagsasabi si Allāh: {Ang mga mananampalataya lamang ay ang mga kapag nabanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila,} (Qur'ān 8:2) Nagpatunay ang āyah na ang pananampalataya ay nadaragdagan sa pamamagitan ng pagbigkas sa Marangal na Qur'ān. Gayon din ang nalalabi sa mga pagtalima, nakadaragdag ang mga ito sa pananampalataya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Kumpletuhin ang sumusunod:
__________
________________________________________, pagpapanatili sa ṣalāh, _________________ at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
__________
"Na sumampalataya ka kay Allāh, __________, __________, __________, __________, at __________."
__________
"Na sumamba ka kay Allāh ____________________ ngunit kung hindi ka man ____________________."
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Ayon kay Abu ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Tunay na bahagi ng pagkaunawa ng tao na makaalam siya sa nakadaragdag sa pananampalataya niya at nakababawas mula rito." Nagsalaysay nito si Al-Khallāl sa As-Sunnah: 1585). Basahin mo ang athar (ulat), pagkatapos:
1. Magpaliwanag ka kung papaanong nangangalaga ang Muslim sa pananampalataya niya.
2. Maglinaw ka sa epekto ng pagkadagdag ng pagsamba o pagkabawas nito sa pananampalataya ng Muslim.
3. Magmungkahi ka ng isang naaangkop na paglalarawan ng pagkakaugnay ng pananampalataya sa pananampalataya at maglahad ka nito sa tagapagturo mo at mga kaklase mo.
Aktibidad 3: Makikilahok ako at hahango ako.
Sa pakikilahok ng dalawa mula sa mga kaklase mo, maghango ka ng ipinahihiwatig ng mga sumusunod na teksto na mga nauukol sa Pananampalataya.
Ang mga Teksto
Ang Ipinahihiwatig na mga Nauukol sa Pananampalataya
Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas:} (Qur'ān 20:75)
Ang Pagkakaugnay ng Maayos na Gawa sa Pananampalataya at ang Kagandahan ng Ganti sa Dalawang Ito
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay ang sinumang naligtas sa kanya ang mga tao sa mga ari-arian nila at mga sarili nila." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 3934.
Ang Pagkakaugnay ng Gawa sa Pananampalataya
Nagsabi si Allāh: {Siya ay ang nagpababa ng katiwasayan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila.} (Qur'ān 48:4)
Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya
Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo.} (Qur'ān 4:136)
Ang mga Haligi ng Pananampalataya – Ang Pagkaligaw ng Sinumang Tumangging Sumampalataya sa Isa sa mga Ito
Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang tumanggi sa pananampalataya ay nawalang-kabuluhan nga ang gawa niya. Siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 5:5)
Ang Pagpapawalang-Kabuluhan sa Gawa ng Sinumang Tumangging Sumampalataya sa Pananampalataya – Ang Pagkalugi Niya sa Araw ng Pagbangon
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagpapanatili ng ṣalāh ay isang haligi mula sa mga haligi ng Pananampalataya.
2. Ang pananampalataya sa pagtatakda at ang pagbabasa ng Qur'ān ay kabilang sa mga gawain ng Pananampalataya. (✓)
3. Nadaragdagan ang pananampalataya sa puso dahil sa dami ng mga patunay at mga patotoo. (✓)
4. Ang Pananampalataya ay ang unang antas ng mga antas ng Relihiyon.
5. Ang pananampalataya ay nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.
PANUTO 2: Magpaliwanag ka ng kahalagahan ng maayos na gawa kasama ng pananampalataya at iyon ay sa pamamagitan ng paglilinaw sa sumusunod:
1. Ang pagkakaugnay ng mabuting gawa sa pananampalataya;
2. Ang gantimpala sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos;
3. Ang epekto ng maayos na gawa sa pagkadagdag ng pananampalataya.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
Pagsunud-sunurin ang mga antas ng Relihiyon: (ang Iḥsān (Pagpapakahusay) - ang Islām (Pagpapasakop) - ang Īmān (Pananampalataya)) ayon sa tumpak na pagkakasunud-sunod.
2. Isulat mo ang pakahulugan sa pananampalataya.
3. Ang Pananampalataya ay may anim na haligi. Isulat mo ang mga kasama ng patunay.
4. Ang mga Pagsambang Pampuso
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakilala ka sa kahulugan ng pagsamba;
2. makapagpaliwanag ka ng kahalagahan ng mga pagsambang pampuso;
3. mag-ugnay sa pagitan ng mga pagsambang pampuso;
4. makapagbigay-halaga ka sa kahalagahan ng mga pagsambang pampuso.
Paghahanda
Sinabi kaugnay kay Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Tunay na siya ay hindi nakalamang sa inyo dahil sa dami ng pagdarasal ni pag-aayuno subalit dahil sa isang bagay na nanatili sa dibdib niya."
- Ano ang tinutukoy sa sabi niya: "dahil sa isang bagay na nanatili sa dibdib niya."
- Papaano maaari tayong tumulad sa ginawa ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya)?
Ang Pakahulugan sa Pagsamba
Ang pagsamba ay ang ipinapampalapit-loob ng Muslim kay Allāh kabilang sa anumang kinalulugdan ni Allāh na mga sinasabi at mga ginagawang panlabas at panloob.
Ang Pagsambang Pampuso
Ito ay ang pagsambang nauugnay sa gawain ng puso. Ito ay inuuna sa gawain ng mga bahagi ng katawan dahil ang kaayusan nito ay kaayusan para sa natitira sa mga gawain. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang laman na kapag umayos ay umaayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag tumiwali ay tumitiwali ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 52 at Imām Muslim: 1599.
Kabilang sa mga Pagsambang Pampuso:
1. Ang Pagpapakawagas
Ito ay na magpakay ang tao sa gawa niya ng ikalulugod ng mukha ni Allāh kaya hindi siya naghihintay ng pagbubunyi ng mga tao at hindi siya natatakot sa pamumula nila. Nagsasabi si Allāh: {Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makakatotohanan, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.} (Qur'ān 98:5)
2. Ang Pag-ibig kay Allāh (Napakataas Siya)
Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsasadamdamin ng mga kapita-pitagang katangian ni Allāh, ng maraming biyaya Niya, at ng pagpapakalapit-loob sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsasabi si Allāh: {Sabihin mo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} (Qur'ān 3:31)
3. Ang Paghahangad kay Allāh at ang Pangamba sa Kanya
Iyon ay na magmithi ang Muslim sa awa ni Allāh at paumanhin niya kalakip ng pangamba at takot sa parusa nila kaya iiwas sa pagsuway sa Kanya at mag-uukol ng pagtalima sa Kanya. Ito ay kabilang sa mga paglalarawan sa mga mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.} (Qur'ān 32:16)
4. Ang Pakikipagtangkilikan sa mga Muslim
Ibig sabihin: ang pag-ibig sa kanila at ang pag-aadya sa kanila. Naglalaman ito ng kadalisayan ng puso mula sa pagkasuklam sa mga Muslim o inggit sa kanila, kasabay ng kagandahan ng asal, pagpapakumbaba sa kanila, at pag-ibig ng kabutihan para sa mga Muslim gaya ng pag-ibig niya para sa sarili niya: Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa umibig siya para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 13 at Imām Muslim: 45.
Na malungkot ang Muslim kapag nakaalam siya ng isang kasawiang naganap sa mga kapatid niyang Muslim at lumigaya siya dahil sa pagkatuwa nila at pagkagalak nila.
5. Ang Pananalig kay Allāh
Ito ay ang pagsandal ng puso kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) kasama ng paggamit ng mga kadahilanan. Kaya ang sinumang nagkasakit, halimbawa, ay pumunta sa manggagamot at kumuha ng gamot subalit siya ay sumasampalataya na ang paggaling ay mula sa kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito. Tunay na si Allāh ay umaabot sa nauukol sa Kanya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda.} (Qur'ān 65:3)
6. Ang Pagpapasalamat
Na makatiyak siya sa puso niya na ang bawat biyaya ay tanging mula kay Allāh at dahil sa kabutihang-loob Niya at paggawa Niya ng maganda, na hindi siya gumamit ng mga biyaya ni Allāh sa pagsuway sa Kanya at magpuri siya kay Allāh dahil sa mga biyayang ito. Sa pamamagitan ng pagpapasalamat na ito, nadaragdagan ang mga biyaya. Nagsasabi si Allāh: {[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: "Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang pagdurusang dulo Ko ay talagang matindi."} (Qur'ān 14:7)
7. Ang Pagtitiis
Sa pamamagitan ng pagsuko ng puso ng Muslim sa pagtatakda ni Allāh kaya naman hindi siya naiinis at hindi siya naliligalig at ng pagsampalataya niya na si Allāh ay nagtatakda ng pagsubok sa pamamagitan ng karunungan Niya at walang nagaganap malibang ayon sa pagnanais Niya, at na ang pagtitiis niya sa pagsubok ay may kabutihan para sa kanya at pagtatakip-sala sa mga pagkakasala niya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang dumadapo sa Muslim na kapaguran ni karamdaman ni kabalisaan ni kalungkutan ni kapinsalaan ni kahapisan − pati na ang tinik na tumitinik sa kanya − na hindi ipambabayad-sala ni Allāh iyon sa ilan sa mga kamalian niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5641 at Imām Muslim: 2573. Nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya): {Lulubus-lubusin lamang ang mga nagtitiis sa pabuya sa kanila nang walang pagtutuos."} (Qur'ān 39:10)
8. Ang Pagkalugod
Kaya nalulugod ang mananampalataya kay Allāh bilang tagautos at bilang tagasaway at bilang hukom na nagsasabatas at nalulugod din siya kay Allāh bilang Panginoong nagtatakda at naghahati-hati ng mga panustos at mga kaloob sapagkat ang lahat ng pag-uutos Niya at pagtatakda Niya ay may kasanhian at kabutihan para a mga tao. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtagumpay nga ang sinumang umanib sa Islām at tinustusan ng sapat. Nagbigay-kasiyahan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng ibinigay Nito." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1054.)
9. Ang Nagsising Pagbabalik
Ito ay ang pagbabalik ng puso kay Allāh at ang pagmamadali sa pagbabalik-loob at paghingi ng tawad. Ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga pagsambang pampuso. Nagsasabi si Allāh: {32. [Sasabihin]: "Ito ay ang ipinangangako sa inyo – para sa bawat palabalik, mapag-ingat, 33. na sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik.} (Qur'ān 39:32-33)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubukod ako.
Mula sa pagkakaintindi mo sa aralin, ibukod mo ang kaibahan sa pagitan ng pagtitiis at pagkalugod.
Ang pagsambang pampuso
Ang pagtitiis
Ang pagkalugod
Ang pakahulugan sa mga ito
Ang naiiba sa pagitan ng pagtitiis at pagkalugod
Paano tayong maggugunita nito
Aktibidad 2: Makikilahok ako sa pag-aaral.
Pipili ang bawat estudyante ng isang pagsambang pampuso at magsasalita siya sa mga kaklase niya tungkol sa pamamaraan ng pagsasakatotohanan nito at epekto nito sa reyalidad.
Aktibidad 3: Magpapalalim ako ng pagkakaalam ko.
(ang kawalang-pasasalamat sa biyaya - ang pagpapakitang-tao - ang pagkaligalig - ang pakikipagtangkilikan sa mga tagatangging sumampalataya - ang pagkasira ng loob)
Ang mga kahulugang ito ay sumasalungat sa ilan sa mga pagsambang pampuso. Magpatulong ka sa tagapagturo mo para magtakda sa pagsambang pampuso at sumasalungat dito sa harap ng bawat āyah na nagpapahiwatig dito sa talahanayang ito.
Ang mga Āyah
Ang nagpapahiwatig dito
Ang pagsambang pampuso
{4. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal, 5. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya, 6. na sila ay nagpapakitang-tao 7. at nagkakait ng munting tulong.} (Qur'ān 107:4-7)
Ang pagpapakitang-tao
Ang pagpapakawagas
{Nagsabi siya: "Sino ang nasisiraan ng loob sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?"} (Qur'ān 15:56)
Ang pagkasira ng loob sa awa ni Allāh.
Ang paghahangad
{19. Tunay na ang tao ay nilikha na ganid: 20. kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig} (Qur'ān 70:19-20)
Ang pagkaligalig
Ang pagtitiis
{Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay."} (Qur'ān 27:40)
Ang kawalang-pasasalamat sa biyaya
Ang pasasalamat
{O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 4:144)
Ang pakikipagtangkilikan sa mga tagatangging sumampalataya
Ang pakikipagtangkilikan sa mga Muslim
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Kumpletuhin ang sumusunod na parapo sa pamamagitan ng paglalagay ng naaangkop na salita mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
(ang paghahangad - ang pagkalugod - ang pananalig - ang pagtitiis - ang nagsisising pagbabalik)
Umaasa ang mananampalataya sa mga nauukol sa kanya sa ... ang pananalig ... at pagpapaubaya ng kapakanan kay Allāh. Ang inoobliga sa kanya ay ang paggamit ng mga kadahilanan. Kaya kapag nangyari sa kanya ang kinasusuklaman, kakailanganin sa kanya ... ang pagtitiis ...; saka tunay na ang gantimpala sa kanya ay nasa kay Allāh nang walang pagtutuos. Hindi umangat ang Muslim sa antas ng ... pagkalugod ... dahil siya ay sumasampalataya na ang bawat itinakda ni Allāh ay mabuti para sa mga lingkod ni Allāh kahit pa nasadlak ang Muslim sa pagkakasala. Kaya kailangan sa kanya na magdali-dali sa pagbabalik-loob, ... nagsisising pagbabalik ... habang ang puso niya ay napupuno ng ... paghahangad ... sa paumanhin ni Allāh at katiyakan sa lawak ng awa Niya (kaluwalhatian sa Kanya).
PANUTO 2: Magbigay-linaw ka sa tinutukoy ng bawat isa:
(ang pagsamba - ang pagpapakawagas - ang pasasalamat - ang nagsisising pagbabalik)
PANUTO 3: Magpaliwanag ka ng tagapag-ugnay sa pagitan ng bawat isa:
1. Pangamba at Paghahangad.
2. Pagtitiis at Pasasalamat.
PANUTO 4: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Papaanong magsasakatotohanan ang Muslim sa pag-ibig kay Allāh at pag-ibig a mga Muslim?
2. Magpahayag ka tungkol sa katayuan ng mga pagsambang pampuso sa tatlong linya.,
3. Humango ka ng patunay sa kainaman ng pananalig.
5. Ang mga Pagsambang Nakalantad
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-pakahulugan sa pagsambang nakalantad;
2. makapagbigay-linaw ka sa mga kalagayan ng paglalantad ng pagsamba;
3. makapagpaliwanag ka ng mga kalagayan ng paglalantad ng pagsambang palihim;
4. makapag-ugnay ka sa pagitan ng pagsambang pampuso at pagsambang nakalantad;
5. matakot ka para sa sarili mo laban sa pagpapakitang-tao.
Paghahanda
Ang mga pagsambang pampuso ay hindi nananamlay sa puso; bagkus hindi makaiiwas na malantad ang epekto ng mga ito sa mga gawain ng tao kaya bibigkas ng mga ito ang dila niya at gagawa ng mga ito ang mga bahagi ng katawan niya. Dahil dito, tatalakayin natin sa araling ito ang pagsambang nakalantad matapos na napag-aralan natin ang pagsambang nakakubli sa nagdaang aralin.
Una. Ang Pagbibigay-pakahulugan sa Pagsambang Nakalantad
Ito ay ang pagsamba na nauugnay sa gawain ng dila at mga bahagi ng katawan. Ito ay nahahati sa mga pagsambang pangsinasabi at mga pagsambang panggawain.
Ikalawa. Ang mga Anyo ng mga Pagsambang Nakalantad
Mayroong mga pagsambang kinakailangan na ilantad ng Muslim sa harapan ng lahat ng mga tao o sa ilan sa kanila. Kabilang sa mga pagsambang nakalantad:
1. Mga Pagsambang Nakalantad Mismo
Kinakailangan na magsagawa ng mga ito ang Muslim sa harapan ng mga tao; bagkus nakikilahok ang mga Muslim sa mga ito. Ang nangingibabaw sa mga ito ay nauugnay sa mga nakalantad na pagsambang gawain ng Relihiyon tulad ng adhān;ṣalāh sa jamā`ah (konggregasyon), jumu`ah (Biyernes), at dalawang `īd; ḥajj at `umrah; pakikibaka sa landas ni Allāh; at iba pa rito.
2. Mga Pagsambang Nauugnay sa mga Karapatan ng mga Tao
Kaya hindi makaiiwas sa pakikiugnayan sa mga tao para sa pagganap sa mga karapatan nila, tulad ng zakāh, mga kawanggawa, mga alay na hayop, `aqīqah, at tulad ng mga ito. Gayon din ang pagpapayo; ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway ng nakasasama; ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak; ang paggawa ng maganda sa mga kapitbahay, mga ulila, mga maralita, mga dukha, at tulad nila na mga may mga karapatan.
Ikatlo. Ang mga Kalagayan ng mga Pagsambang Palihim
Mayroong mga pagsambang nararapat na gampanan ng Muslim nang palihim, tulad ng pagdarasal sa gabi at ng mga karapatang natatangi sa ilan sa mga Muslim sapagkat hindi siya magsasagawa ng mga ito sa harapan ng iba pa sa kanila gaya ng mga kawanggawa at pag-uutos ng nakabubuti.
Subalit pinapayagan para sa Muslim ang pagpapahayag ng mga pagsambang iyon sa mga kalagayang natatangi o para sa kapakanang pang-Sharī`ah:
1. Na sa paglalantad ng pagsamba ay may isang pag-anyaya o isang pagtuturo sa iba:
Halimbawa: na maghayag ang isang Muslim ng pakikilahok sa pagpapatayo ng isang masjid upang makahikayat sa mga tao sa pagkakawanggawa. Nagsasabi si Allāh: {Kung maglalantad kayo ng mga kawanggawa ay kay inam ng mga ito! Kung magkukubli kayo ng mga ito at magbibigay kayo ng mga ito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo.} (Qur'ān 2:271)
Gayon din, pinapayagan para sa maalam na maghayag ng mga pagsamba niya sa harapan ng mga estudyante niya nang sa gayon matuto sila ng pagsasagawa ng mga ito mula sa kanya.
2. Na malayo ang tao sa pagpapakitang-tao
Kaya kung nakatiyak ang Muslim sa pagpapakawagas niya at naglayo siya ng sarili niya sa pagpapakitang-tao, makapaghahayag siya ng pagsamba niya subalit nararapat na hindi siya magpalabis-labis niyon nang sa gayon hindi pumasok ang pagpapakitang-tao sa puso niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na ibinabaling-baling Niya saan man Niya loloobin." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2654.
Ikaapat. Ang ugnayan sa pagitan ng pagsambang pampuso at pagsambang nakalantad
Nauugnay ang mga pagsambang nakalantad sa mga pagsambang pampuso, gaya ng sa sumusunod:
1. Ang pagkakaugnay ng lahat ng mga pagsamba sa pagpapakawagas
Kaya hindi natutumpak ang lahat ng mga pagsambang nakalantad malibang may kalakip na pagpapakawagas. Nagsabi si Allāh: {2. Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. 3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas.} (Qur'ān 39:2-3)
2. Na ang pagsambang nakalantad ay isang pagpapahayag at isang pagsasagawa ng isang pagsambang pampuso,
gaya ng pasasalamat sa biyaya kaya ang tao ay nagbubunyi kay Allāh sa pagsabi niya ng: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" at nagpapasalamat sa biyaya sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan niya kaya hindi siya gumagamit sa mga ito sa pagsuway kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {Gumawa kayo, mag-anak ni David, bilang pasasalamat. Kaunti mula sa mga lingkod Ko ang mapagpasalamat.} (Qur'ān 34:13)
3. Ang Pagbubusilak ng mga Gawang Nakalantad sa Pamamagitan ng Maayos na Layunin
Ang maayos na layunin ay isang pinto ng kabutihan para sa pagtamo ng gantimpala at kabutihang-loob mula kay Allāh at naisasakatuparan kapag nagpapakay ang Muslim ng layunin ng pagpapakalapit-loob kay Allāh sa mga gawain niyang makamundo. Halimbawa: na maglayon ang tagapagturo ng pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga estudyante niya ng Relihiyon nila upang ipalaganap nila ang Islām at pakinabangin nila ang lipunan nila.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Nag-obliga si Allāh ng pagsasagawa ng mga pagsambang pangkonggregasyon sapagkat ang pagsamba sa Islām ay hindi isang karanasang pangnakahiwalay sa lipunan.
1. Makipagtalakayan ka kasama ng mga kaklase mo hinggil sa mga katuturan ng mga pagsambang pangkonggregasyon para sa lipunang Muslim.
2. Ilarawan mo ang nadarama mo habang ikaw ay nakikilahok sa mga kapatid mo sa ṣalāh sa jumu`ah o alinmang gawaing pangkabutihang napakikinabangan ng lipunan.
Aktibidad 2: Maghahain ako ng lunas.
Makilahok ka sa mga kaklase mo sa paghahain ng mga malikhaing lunas para sa sumusunod na kalagayan: isang taong may kabantugan at tumanyag na nagnanais na mag-anyaya sa mga tao sa kabutihan at pagkakawanggawa subalit siya ay hindi nakapaglalayo sa sarili niya sa pagpapakitang-tao.
Aktibidad 3: Magpapatupad ako.
Magmungkahi ka ng isang magandang layunin na magdaragdag sa gantimpalang ng mga sumusunod na gawai:
1. Isang estudyanteng nag-aaral ng mga likas na agham;
2. Isang babaing nagsisikap sa pagpapalaki ng mga anak niya;
3. Isang taong nagnanais magsaayos sa pagitan ng magkaalitan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Pinapayagan ang paglalantad ng pagsamba para sa pagtuturo sa mga tao ng kabutihan. (✓)
2. Ang pag-aayuno ay kabilang sa mga pagsambang nakalantad mismo. (X)
3. Ang pagkalayo sa pagpapakitang-tao ay kabilang sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala. (X)
4. Ang bawat pagsambang nakalantad ay naglalaman ng pagsambang pampuso. (✓)
5. Kinakailangan ang paglalantad ng ilan sa mga pagsamba sa harapan ng mga tao. (✓)
PANUTO 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Magpaliwanag ka ng tinutukoy ng pagsambang nakalantad kasama ng paghahalimbawa.
2. Magbigay-linaw ka sa mga kalagayan ng paglalantad ng pagsamba kasama ng paghahalimbawa.
3. Kailan pinapayagan ang paglalantad ng mga kawanggawa sa harapan ng mga tao?
4. Magpaliwanag ka ng pagkakaugnay ng mga pagsambang nakalantad sa pagpapakawagas.
5. Papaanong nagsasakatotohanan ang Muslim sa maayos na layunin sa mga gawain niyang makamundo.
6. Ang mga Pagsambang Pangsinasabi
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-pakahulugan ka sa konsepto ng pagsambang pangsinasabi;
2. makapaghalimbawa ka ng mga pagsambang pangsinasabi;
3. makahango ka ng patunay sa gantimpala sa ilan sa mga pagsambang pangsinasabi';
4. makaalam ka sa kaibahan sa pagitan ng mga uri ng mga panalangin at mga dhikr;
5. makapagdakila ka sa kainaman ng mga pagsambang pangsinasabi.
Paghahanda
Nagkaloob si Allāh para sa mga lingkod Niya ng isang maluwang na pinto para sa pagsasakatotohanan ng gantimpala at pag-angat ng mga antas sa pamamagitan ng mga pagsambang pangsinasabi, na hindi Siya nag-aatang sa tao ng isang pahirap o ng isang pagbibigay ng salapi at hindi nangangailangan ng iba pa sa isang pusong nagsasaalaala at isang dilang kumikilus-kilos ayon sa nagpapalugod sa Kanya.
Ang Pagsambang Pangsinasabi
Ito ay ang pagsambang nakasalalay sa pagbigkas ng dila.
Ilan sa mga Pagsambang Pangsinasabi
Ang mga pagsambang pangsinasabi ay lubhang marami at ang pinakamahalaga sa mga ito at ang pinakamarami sa mga ito sa kainaman ay ang sumusunod:
1. Ang pagbigkas ng Marangal an Qur'ān
Ito ay kabilang sa pinakamabuti sa pinagkakaabalahan ng tao ng oras niya. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga bumibigkas ng Aklat ni Allāh, nagpanatili ng pagdarasal, at gumugol mula sa itinustos sa kanila nang palihim at hayagan ay nag-aasam ng isang pangangalakal na hindi mapaririwara,} (Qur'ān 34:13)
2. Ang Pag-alaala kay Allāh (Napakataas Siya):
Nag-utos nga si Allāh nito sapagkat nagsabi Siya: {41. O mga sumampalataya, mag-alala kayo kaya Allāh nang pag-aalaalang madalas 42. at magluwalhati *kayo sa Kanya sa umaga at gabi.} (Qur'ān 33:41-42) Binanggit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga nag-aalaala kay Allāh ay nauna sa iba pa sa kanila sa kainaman at gantimpala sapagkat nagsabi siya: "Nauna ang mga mufarrid." Nagsabi sila: "At ano naman po ang mga mufarrid, o Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2676.
Kabilang sa pinakamainam na pag-alaala ay ang pagsabi ng: "Lā ilāh illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay "Lā ilāh illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3383.
Mayroong mga dhikr na nauugnay sa mga takdang gawain, tulad ng mga dhikr sa ṣalāh at mga dhikr sa ḥajj at `umrah; mga dhikr sa pagpasok sa masjid at paglabas mula roon; mga dhikr sa pagpasok sa bahay at paglabas mula roon; mga dhikr sa pagkain, pagtulog, at iba pa rito.
Mayroong mga dhikr na natatangi sa ilan sa mga oras gaya ng mga dhikr sa umaga at gabi.
Mayroong mga dhikr na hindi tinakdaan ng oras o gawain, tulad ng pagsabi ng: "Subḥāna –llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)," "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allā)," "Lā ilāh illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)," "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)," "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)," "Subḥān –llāh wa-bi-ḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)," "Subḥān –llāhi –l`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan)," [dhikr ng] paghingi ng tawad, at iba pa sa mga ito.
3. Ang Panalangin
Nag-angat si Allāh ng katayuan ng panalangin sapagkat ginawa Niya ito na pagsamba. Nagsabi si Allāh: {Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.} (Qur'ān 40:60) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang panalangin ay ang pagsamba." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy:2969 at Imām Abū Dāwud: 1479.
Mayroong mga oras na natitiyak sa mga ito ang pagtugon sa panalangin dahil ang mga ito ay pinakamalapit sa pagtugon, tulad ng panalangin sa sandali ng pagkakapatirapa, panalangin sa huling ikatlong bahagi ng gabi, at panalangin sa araw ng Biyernes at araw ng `Arafah. Ang nag-aayuno at ang naglalakbay ay may panalanging hindi tinatanggihan.
4. Ang Pag-aanyaya Tungo kay Allāh
Ang pag-anyaya tungo kay Allāh, ang pagpapalaganap ng kabutihan, at ang pagtuturo sa mga tao ng hindi nila nalalaman sa mga nauukol sa Relihiyon nila ay kabilang sa pinakamainam sa mga pagsambang pangsinasabi. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 41:33)
5. Ang Pagpigil sa Pamemerhuwisyo ng Dila
Ito ay isang bagay na kapita-pitagan at seryoso. Sumasaklaw ito sa paglayo sa panlilibak: ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa kasusuklaman niya, at tsismis: ang pagtatangka ng pagsisigalot sa pagitan ng mga tao; at sa paglayo sa pang-aalipusta, pagsisinungaling, at pagyurak sa mga dangal. Nagsasabi ang Propeta: "Ang sinumang Sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6018 at Imām Muslim: 47.
6. Ang Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama
Ito ay ukol sa madla at pili. Nagsabi si Allāh: {Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh.} (Qur'ān 3:110) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Ukol kanino po?" Nagsabi siya: "Ukol kay Allāh, ukol sa Sugo Niya, at ukol sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 55.
7. Ang Pagsabi ng Totoo at ang Pagsaksi Ayon Dito
Sumasaklaw ito sa mga utos na pang-Sharī`ah na nauugnay sa dila, tulad ng pagiging matapat, pagsasabi ng totoo, pagbigkas ayon sa katarungan, at pagsaksi ayon dito sa harapan ng mga tao at sa hukuman. Nagsasabi si Allāh: {O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at maging kasama kayo sa mga tapat.} (Qur'ān 9:119) Nagsabi rin Siya: {Kapag nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo} (Qur'ān 6:152) Nagsabi rin Siya: {magpanatili kayo ng pagsasaksi kay Allāh} (Qur'ān 65:2)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako at magsasaliksik ako.
Sa harapan mo ay may ilan sa mga panalangin at mga dhikr. Makilahok ka sa kaklase mo sa pagtatakda ng oras ng pagsasabi ng mga ito.
Ang Dhikr at ang Panalangin
Ang Oras ng Pagsabi Nito
"Alḥamdu lillāhi –lladhī aḥyānā ba`da mā amātanā wa ilayhi –nnushūr. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagbigay-buhay sa atin matapos nagbigay-kamatayan sa atin at tungo sa Kanya ang pagkabuhay.)"
Ang mga Dhikr Matapos Magising sa Pagtulog
Bismi –llāhi awwalahu wa-ākhirah (Sa ngalan ni Allāh sa simula nito at sa wakas nito).
Sa sandali ng pagkaalaala ng tasmiyah sa gitna ng pagkain at pag-inom.
Astaghfiru –llāh, astaghfiru –llāh, astaghfiru –llāh, allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām, tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. O Allāh, Ikaw ay ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O May kapitaganan at pagpaparangal).
Matapos ng Ṣalāh Kaagad-agad
Allāhumma bi-smika amūtu wa-aḥyā. (O Allāh, sa ngalan Mo, namamatay ako at nabubuhay ako.)
Sa Sandali ng Pagtulog
Bismi –llāh, allāhumma innī a`ūdhu bika mina –lkhubthi wa –lkhabā'ith. (Sa ngalan ni Allāh; O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)
Sa Sandali ng Pagpasok sa Palikuran
Bismi –llāh, wa-ṣṣalātu wa-ssalāmu `alā rasūli –llāh. Rabbi –ghfir lī dhunūbī wa-ftaḥ lī abwāba raḥmatik. (Sa ngalan ni Allāh, ang basbas at ang pangangalaga ay sa Sugo ni Allāh. O Panginoon ko, magpatawad Ka para sa akin ng mga pagkakasala ko at magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo.)
Sa Sandali ng Pagpasok sa Masjid
Bismi –llāhi walajnā wa-bismi –llāhi kharajnā wa-`alā –llāhi rabbinā tawakkalnā. (Sa ngalan ni Allāh ay pumasok tayo; sa ngalan ni Allāh ay lumabas tayo; at sa kay Allāh na Panginoon natin ay nanalig tayo.)
Sa Sandali ng Pagpasok sa Palikuran
Allāhumma rabba hādhihi –dda`wati –ttāmmati wa-ṣṣalāti –lqā'imah, āti muḥammadani –lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani –lladhī wa`attahu. (O Allāh, Panginoon nitong ganap na panawagan at ng ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at ibangon Mo siya sa isang tatayuang pupurihin, na ipinangako Mo.)
Matapos ng Pagkarinig ng Adhān
Ang Āyatulkursīy at ang mga Panalangin ng Pagpapakupkop
Matapos ng mga Ṣalāh, Bago Matulog, sa Umaga at Gabi
Aktibidad 2: Magpapatuloy ako at mag-aanyaya ako.
Heto ang ilan sa mga link na pang-audio at pang-aklatan para sa mga dhikr at mga panalanging pang-araw-araw kaya magpatuloy ka sa mga ito at mag-anyaya ka sa mga kamag-anak mo para makinabang sa mga ito.
1. Ang mga dhikr sa umaga, na sinasabi matapos ng ṣalāh na fajr; at ang mga dhikr sa gabi matapos ng ṣalāh na `aṣr.
2. Ang mga dhikr sa matapos ng ṣalāh na isinatungkulin.
3. Ang aklat na Ḥiṣn Al-Muslim (Ang Muog ng Muslim), na isang aklat na nagtipon ng mga panalangin at mga dhikr at may kopyang naisalin.
Aktibidad 3: Makikilahok ako sa pag-aaral.
Makilahok ka sa mga kaklase mo sa pagdisenyo ng tatlong tarheta (card). Una. Para sa mga pagsambang pangsinasabi. Ikalawa. Para sa pinakamahalaga sa mga panalangin at mga dhikr na pang-araw-araw. Ikatlo. Para sa mga nasasabing sinasaway sa Sharī`h at nakikita mo na ang mga ito ay lumaganap sa lipunan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang mga pagsambang pangsinasabi ay para sa sinumang nawalang-kakāyahan sa pagsambang panggawain. (X)
2. Ang pinakamainam na dhikr matapos ng Qur'ān ay ang pagsabi ng: "Lā ilāh illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." (✓)
3. Kung hindi mo makakaya na magpahayag ng katotohanan, huwag kang bumigkas ng kabulaanan. (✓)
4. Natitiyak sa mga ito ang pagtugon sa panalangin sa sandali ng pagkakayukod, pagkakapatirapa, at pagsasagawa ng tashahhud. (X)
5. Ang pagsambang pangsinasabi ay isang landas para sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagharap sa kawalang-katarungan. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Katayuan ng Panalangin sa Islām.
2. Ang Pag-uutos ng Pag-alaala (Dhikr) kay Allāh at Pagluwalhati sa Kanya.
PANUTO 3: Magkomentaryo ka sa mga sumusunod na pahayag:
1. Nagsabatas ang Islām ng pagpapamalagi ng ugnayan kay Allāh sa pamamagitan ng dhikr sa buong araw at sa lahat ng mga kalagayan.
2. Ang mga pagsambang pangsinasabi ay may isang dakilang pinatutungkulan sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isang kadahilanan ng pagpasok ng Muslim sa Paraiso.
3. Ibinibilang ang pananahimik sa mga ipinagbabawal ay kabilang sa pagsamba sa Islām.
PANUTO 4: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng konsepto ng pagsambang pangsinasabi kasama ng paghahalimbawa ng apat mula sa mga ito.
2. Magsulat ka ng tatlong dhikr na pananatilihin mo kasama ng paglilinaw sa kainaman ng mga ito at oras ng pagsabi ng mga ito.
3. Kabilang sa mga dhikr na inulit-ulit ng Muslim ang Āyatulkursīy at ang tasmiyah. Takdaan mo ang mga oras ng pagsabi ng dalawang dhikr na ito.
7. Ang mga Pagsambang Panggawain at Pangyaman
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-kahulugan ka sa pagsambang panggawain;
2. makapag-isa-isa ka ng mga uri ng mga pagsambang panggawain;
3. makapag-ugnay ka sa pagitan ng mga pagsambang panggawain at pampuso;
4. makapag-isa-isa ka ng mga anyo ng mga pagsambang pangyaman;
5. makapagmarangal ka na ang Islām ay gumawa sa pagpapalubag-loob sa mga tao bilang pagsamba.
Paghahanda
Nag-aanyaya ang Islām tungo sa kasiglahan sa pagsamba, pagtuon sa ugnayan kay Allāh at na ang Muslim ay maging aktibo sa pamamagitan ng pagsamba niya sa ugnayan sa mga kapatid niya at kaayusan ng lipunan niya.
Naglaman ang Islām ng maraming mukha ng mga pagtalima at nagbigay ito ng malaking gantimpala sa kaunti sa mga ito at marami sa mga ito. Kabilang doon ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmaliit ng anuman mula sa kabutihan kahit pa man sumalubong ka sa kapatid mo nang may isang mukhang maaliwalas." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2626.
Una. Ang mga Pagsambang Panggawain
Ang mga ito ay ang mga pagsamba na isinasagawa ng Muslim sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ito sa pamamagitan ng katawan niya o ng ilan sa mga bahagi ng katawan niya.
Subalit ang mga ito ay nauugnay sa mga pagsamba ng puso, lalo na ang pagpapakawagas kay Allāh sa pagsasagawa ng mga ito. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga pagsambang iyon:
Kabilang sa mga Pagsambang Panggawain: Ang Ṣalāh Ang Pag-aayuno Ang Ḥajj Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang at ang Pagpapanatili ng Ugnayan sa Kaanak Ang Paggawa ng Maganda sa mga Kapitbahay Ang Pagganap sa mga Karapatan ng mga Tao at ang Pagtugon sa mga Pangangailangan Nila Ang Pagkatuto ng Kaalaman at ang Pagtuturo Nito
1. Ang Ṣalāh
Ito ay ang pinakamahalaga at ang pinakadakila sa mga pagsambang panggawain sapagkat tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Alin sa gawain ang pinakakaibig-ibig kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang ṣalāh sa oras nito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 527 at Imām Muslim: 85.
2. Ang Pag-aayuno
Ito ay kabilang sa mga dakilang pampalapit-loob. Nag-ugnay nga nito si Allāh sa sarili Niya bilang pagpaparangal dito at sa nagsasagawa nito. Nagkubli siya ng bigat ng gantimpala nito sapagkat nagsabi Siya ayon ipinaabot ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang lahat ng gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151. Ito ay sumasaklaw sa pag-aayunong isinatungkulin gaya ng pag-aayuno sa Ramaḍān at pag-aayuno ng pagkukusang-loob.
3. Ang Ḥajj
Ito ay isa sa mga haligi ng Islām at kabilang sa mga gawaing nagtatakip-sala sa mga pagkakasala. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh at hindi humalay ni nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1521 at Imām Muslim: 1350.
4. Ang Pakikibaka sa Landas ni Allāh
Ito ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain at pinakadakila sa mga ito sa pabuya. Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 527 at Imām Muslim: 85.
5. Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang at ang Pagpapanatili ng Ugnayan sa Kaanak
Ang karapatan ng mga magulang ay pinakamabigat sa mga karapatan ng mga tao sa Muslim. Iniugnay nga ang paggawa ng maganda sa kanila sa pagsamba kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda.} (Qur'ān 17:23)
Pagkatapos sumusunod ang karapatan ng mga kamag-anak yayamang gumawa rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang kabilang sa mga pundasyon ng mensahe niya sapagkat nang tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ipinasugo ni Allāh sa kanya ay nagsabi siya: "Nagsugo Siya sa akin dahil sa pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak at pagbasag sa mga diyus-diyusan." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 832.
6. Ang Paggawa ng Maganda sa mga Kapitbahay
Sila ay ang pinakakarapat-dapat sa mga tao na gawan ng maganda matapos ng mga magulang at mga kamag-anak. Dahil dito, nagbigay-diin si Allāh sa mga karapatan nila. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tumigil si Anghel Gabriel na nagtatagubilin sa akin hinggil sa kapitbahay hanggang sa mag-akala ako na siya ay gagawa rito bilang tagapagmana." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6015 at Imām Muslim: 2625.
7. Ang Pagganap sa mga Karapatan ng mga Tao at ang Pagtugon sa mga Pangangailangan Nila
Ang mga Muslim ay may maraming karapatan, tulad ng pakikitungo sa kanila nang may mga magandang kaasalan, pagdalaw sa maysakit, pagpapakain sa nagugutom, pagdalo sa mga libing, at iba pa sa mga ito. Kabilang sa pinakadakila sa mga ito sa kainaman ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao, ang pagpawi sa mga pighati nila, at ang pagsusumikap sa pag-alis ng mga kawalang-katarungan sa kanila. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman niyon. "Ang sinumang tumutugon sa pangangailangan ng kapatid niya, si Allāh ay tutugon sa pangangailangan niya. Ang sinumang pumawi sa isang Muslim ng isang pighati, papawi si Allāh sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2442 at Imām Muslim: 2580.
8. Ang Pagkatuto ng Kaalaman at ang Pagtuturo Nito
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang natuto ng Qur'ān at nagtuturo nito.} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 5027. Nagsabi rin siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh, ang mga anghel, at ang mga naninirahan sa mga langit at mga lupa, pati na ang langgam sa lungga nito at pati na ang balyena ay talagang dumadalangin ng basbas sa tagapagturo sa mga tao ng kabutihan." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2685.
Ikalawa. Ang mga Pagsambang Pangyaman
1. Ang Zakāh at ang mga Kawanggawa
Ang zakāh ay ang ikatlo sa mga haligi ng Islām. Ito ay isang kadahilanan sa pagdadalisay ng sarili laban sa karamutan at pag-iimbot ng kamunduhan. Nagpapalaganap ito ng kabutihan at pag-ibig sa lipunan. Pumupuksa ito sa karalitaan at mga masagwang epekto nito.
Kabilang sa mga pagsambang pangyaman din ang mga kawanggawang itinuturing na kaibig-ibig. Nasaad kaugnay sa kainaman ng mga ito ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat tao ay nasa lilim ng kawanggawa niya hanggang sa makapagpasya sa pagitan ng mga tao sa Araw ng Pagbangon." (Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 17333.)
2. Ang Paggugol sa Maybahay at mga Anak
Ito ay isang pagsambang kinakailangan sa asawa para sa maybahay niya at kailangan sa ama para sa mga batang anak niya. Ito ay inuuna sa kawanggawa. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuti sa kawanggawa ay ang anumang lampas sa kailangan ng kasapatan. Magsimula ka sa sinumang inaaruga mo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1426 at Imām Muslim: 1034.
Ang paggugol sa mag-anak ay pinakamainam sa mga uri ng kawanggawa. Nagsasabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa [pagpapalaya ng] alipin, isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 995. () Sa Pagpapalaya ng Alipin
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-uuri ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta; nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may pagkakamag-anak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; [ang] nagpanatili ng dasal; [ang] nagbigay ng zakāh; at ang mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; at [lalo na] ang mga matiisin sa kadahupan at kariwaraan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo at ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 2:177) Sa pakikipagtulungan mo sa kaklase mo, hanguin mo ang mga pagsambang nasasaad sa āyah at uriin mo ang mga ito sa sumusunod na talahanayan:
Mga Pagsambang Pampuso...
Mga Pagsambang Pangsinasabi...
Mga Pagsambang Panggawain...
Mga Pagsambang Pangyaman...
Aktibidad 2: Mag-uugnay ako at magpapakalawak ako.
1. Papaano maaari ang pag-uugnay sa pagitan ng ṣalāh at gawain ng puso?
2. Mayroon bang isang pagsambang pampuso na maaari nating isagawa sa sandali ng ṣalāh? (Pakaalamin mo ito sa pamamagitan ng tagapagturo mo.)
Aktibidad 3: Magsusulat ako ng isang artikulo.
Magsulat ka ng isang artikulo para ilathala sa social media, na nagpapahayag ka rito tungkol sa kalamangan ng Islām sa paggawa sa paglilingkod sa mga tao at pagpapalubag-loob sa kanila bilang kabilang sa mga pinto ng mga pagsamba.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagpapakawagas ay isang kundisyon sa pagtanggap sa mga pagsambang panggawain. (✓)
2. Nagkubli si Allāh sa mga lingkod Niya ng ganti sa mga kawanggawa. (X)
3. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa tagapagturo sa mga tao ng kabutihan. (✓)
4. Itinuturing na kaibig-ibig para sa lalaki na gumugol siya sa maybahay niya. (X)
5. Ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao ay kabilang sa mga tagapagligtas sa Araw ng Pagbangon. (✓)
PANUTO 2: Magkomentaryo ka sa dalawang sumusunod na pahayag:
1. Kabilang sa mga salik ng pagpapalakas ng lipunan ay na ang Islām ay gumawa sa pagpapalubag-loob sa mga tao bilang kabilang sa pagsamba.
2. Ang pagdakila sa halaga ng kaalamang napakikinabangan at ang pagtuturo nito sa Islām.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-pakahulugan ka sa pagsambang panggawain.
2. Magpaliwanag ka ng mahahangong katuturan mula sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmaliit ng anuman..."
3. Magpaliwanag ka ng dalawa sa mga pagsambang panggawain kasama ng paglilinaw sa kainaman ng dalawang ito.
4. Mayroong mga pagsambang pangyaman na kinakailangan at iba pang itinuturing na kaibig-ibig. Magbigay-linaw ka niyon.
8. Ang Pangingilag Magkasala at ang Pagmamasid kay Allāh
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-pakahulugan ka sa pangingilag magkasala at pagmamasid kay Allāh;
2. makahango ka ng patunay sa katayuan ng pangingilag magkasala;
3. makapaglinaw ka sa pamamaraan ng pagsasakatotohanan sa pangingilag magkasala;
4. makapag-isa-isa ka sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala;
5. makapagbigay-halaga ka sa kahalagahan ng pagmamasid kay Allāh sa pagsasakatotohanan ng pangingilag magkasala.
Ang Pangingilag Magkasala at ang Pagmamasid kay Allāh Ang Pakahulugan sa Pangingilag Magkasala (Taqwā) Ang Katayuan ng Pangingilag Magkasala Ang Pagmamasid kay Allāh at ang Pangingilag Magkasala
Paghahanda
Ang isa sa mga tao ay nagagalit kapag sinasabi sa kanya: "Mangilag kang magkasala kay Allāh!" Ano ang opinyon mo sa ganitong pag-uugali? Ano ang kadahilanan ng pagkasadlak dito?
Ang Pakahulugan sa Pangingilag Magkasala (Taqwā)
Ang pangingilag magkasala (taqwā) ay ang pag-iwas sa galit ni Allāh at pagdurusang dulot Niya sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal para sa Kanya, ang paggawa ng mga pagtalima, ang pagwaksi sa mga pagsuway, at ang pagmamadali sa pagbabalik-loob sa sandali ng pagkasadlak sa mga ito.
Nag-utos nga si Allāh ng pangingilag magkasala at nag-ugnay Siya nito sa pagtalima sa Kanya sapagkat nagsabi siya: {70. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng isang sinasabing tama, 71. magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.} (Qur'ān 33:70-71)
Noong nagsugo si Allāh ng mga propeta sa mga tao nila, ang kauna-unahan sa ipinaanyaya sa mga tao ng mga propeta ay ang pangingilag magkasala kay Allāh gaya ng nasaad sa sabi Niya tungkol kay Propeta Ṣāliḥ (sumakanya ang pangangalaga): {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.} (Qur'ān 26:150)
Ang Kalagayan ng Pangingilag Magkasala
Ginawa ni Allāh ang pangingilag magkasala bilang pundasyon ng pagtatangi sa pagitan ng mga tao sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.} (Qur'ān 49:13) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe, ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni sa isang pula higit sa isang itim, ni sa isang itim higit sa isang pula maliban sa pangingilag magkasala." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 23489.
Ang pangingilag magkasala ay pinakamabuting baon at paghahanda para sa pakikipagkita kay Allāh. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Magbaon kayo, saka tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip.} (Qur'ān 2:197)
Ilalagay ni Allāh ang mabuting kahihinatnan sa Kabilang-buhay para sa sinumang nagsakatotohanan sa pangingilag magkasala. Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 28:83) Nangako si Allāh ng Paraiso sa mga tagapangilag magkasala sapagkat nagsabi Siya: {54. Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog, 55. sa upuan ng katapatan sa piling ng Haring Tagakaya.} (Qur'ān 54:4-55)
Ang Pagmamasid kay Allāh at ang Pagsasakatotohanan ng Pangingilag Magkasala
Naisasakatuparan ang pangingilag magkasala (taqwā) sa pamamagitan ng pagmamasid (murāqabah) kay Allāh: ang pagsasadamdamin ng mananampalataya ng pagkakasama kay Allāh at pagkakita Nito sa kanya sa lahat ng mga kalagayan niya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mangilag kang magkasala kay Allāh saan ka man naroon..." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1987.
Kaya ang sinumang nakaalam na si Allāh ay nagmamasid sa kanya at nakakikita sa kanya, hindi siya maglalakas-loob sa paggawa ng pagsuway at magdadali-dali siya sa pagtalima kung sumagi ito sa kanya dahil siya ay sumasampalataya na si Allāh ay nakaaalam sa puso niya. Nagsasabi si Allāh: {Nakaaalam Siya sa taksil sa mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib.} (Qur'ān 40:19)
Nag-ugnay nga si Allāh sa pagitan ng pangingilag magkasala at pagmamasid sa Kanya sa sabi Niya: {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.} Nag-utos nga si Allāh sa simula ng āyah ng pangingilag magkasala at nagwakas nito sa pagtawag-pansin sa pagmamasid.
Ang pagmamasid kay Allāh ay may isang dakilang epekto sa pag-angat ng tao tungo sa antas ng Iḥsān (Pagpapakahusay) na nagturo sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay: "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 8.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako at magpapatupad ako.
Naisasakatuparan ang pangingilag magkasala sa pamamagitan ng pagkakaalam sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala at mga gawain nila at ng pagtulad sa kanila. Kabilang sa mga āyah na nagpaliwanag doon ang sabi ni Allāh: 133. Makipagmabilisan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inihanda para sa mga tagapangilag magkasala, 134. na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda, 135. na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi ng tawad para sa mga pagkakasala nila – at sino ang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh – at hindi nagpupumilit sa nagawa nila habang sila ay nakaaalam.} (Qur'ān 3:133-125)
1. Makilahok ka sa kaklase mo sa paglilinaw sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala at mga gawain nila sa mga āyah na ito.
2. Magsikap ka sa paggawa ng mga pagtalimang iyon upang umangat ka sa katayuan ng pangingilag magkasala.
Aktibidad 2: Tutulad ako.
Naparaan si Ibnu `Umar sa isang pastol ng mga tupa sa disyerto saka humiling siya rito na magkatay ito para sa kanila ng isang tupa mula sa mga tupa niya. Nagsabi ang pastol na tunay na ang mga ito ay hindi sa kanya. Nagsabi naman dito si Ibnu `Umar – upang subukin niya ito: "Sabihin mo sa may-ari niyan na kinain iyan ng lobo." Kaya nag-angat ang Arabeng-disyerto ng ulo nito sa langit at nagsabi: "Ngunit nasaan si Allāh?" Nagsalaysay nito si imām Al-Bayhaqīy sa aklat na Ash-Sha`b: 4908.
Nagsabi si Al-Ḥasan Al-Baṣrīy (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi ako tumingin sa pamamagitan ng paningin ko, hindi ako bumigkas sa pamamagitan ng dila ko, hindi ako humagupit sa pamamagitan ng kamay ko, at hindi ako tumindig sa mga paa ko hanggang sa nagsaalang-alang ako sa isang pagtalima o sa isang pagsuway sapagkat kung naging pagtalima sa Kanya ay mauuna ito at kung nang pagsuway sa Kanya ay mahuhuli ito." (Ibnu Abi Ad-Dunyā sa aklat na Al-Wara`: 195.)
1. Papaanong nagsakatotohanan ang pastol sa pangingilag magkasala sa unang senaryo?
2. Papaanong nalantad ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang pagmamasid sa Kanya sa sabi ni Al-Ḥasan Al-Baṣrīy?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagkakalamangan ang mga tao sa ganang kay Allāh dahil sa kaalaman nila at mga yaman nila. (X)
2. Ang pagkain ng pinahihintulutan ay kabilang sa mga anyo ng pangingilag magkasala kay Allāh. (✓)
3. Ang mga tagapangilag magkasala ay walang nagaganap mula sa kanila na pagkakasala ni pagkakamali. (X)
4. Ang pagmamasid kay Allāh ay nag-aangat sa mananampalataya sa katayuan ng Iḥsān (Pagpapakahusay). (✓)
5. Isinasakundisyon para sa pagsasakatotohanan ng pangingilag magkasala ang pagganap sa mga karapatan ng mga tao. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Ganti sa mga Tagapangilag Magkasala sa Araw ng Pagbangon.
2. Ang Pagkakinakailangan ng Pangingilag Magkasala kay Allāh sa Lahat ng mga Kalagayan.
3. Ang Pagmamasid kay Allāh Para sa mga Gawain Natin.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-pakahulugan ka sa bawat isa sa taqwā (pangingilag magkasala kay Allāh) at murāqabah (pagmamasid kay Allāh).
2. Mag-isa-isa ka ng tatlo mula sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala.
3. Papaanong magsasakatotohanan ang mananampalataya ng pangingilag magkasala kay Allāh?
Ang Ikaapat na Yunit: Ang Fiqh ng mga Patakaran
Ang Ṭahārah at ang Pagkakalarawan sa Wuḍu'
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa kahalagahan ng ṭahārah sa buhay ng Muslim;
2. makapagsunud-sunod ka sa mga gawain ng wuḍū';
3. makahango ka ng patunay sa mga kainaman ng wuḍū';
4. makapagsagawa ng wuḍū' sa isang tumpak na paraan;
5. makapaglinaw ka sa kainaman ng ṭahārah at wuḍū';
Ang Ṭahārah at ang Pamamaraan ng Wuḍu' Ang Kahalagahan ng Ṭahārah at ang Kainaman Nito Ang Pamamaraan ng Wuḍū'
Ang Kainaman ng Wuḍū'
Ang Kahalagahan ng Ṭahārah
Nag-anyaya ang Islām sa kalinisan sa lahat ng mga kalagayan dahil sa dulot nito na mga katuturang pangkalusugan at panlipunan. Gumawa ito, bilang bahagi ng katumpakan ng ṣalāh, sa dalawang kundisyong nauugnay sa ṭahārah. Ang dalawang ito ay:
Una. Ang ṭahārah ng katawan, mga kasuutan, at lugar mula sa mga najāsah sapagkat nagsabi si Allāh sa Propeta Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Sa mga kasuutan mo ay magdalisay ka.} (Qur'ān 74:4)
Ikalawa. Ang ṭahārah mula sa malaking ḥadath at maliit na ḥadath.
1. Ang ṭahārah mula sa malaking ḥadath ay sa pamamagitan ng paghuhugas sa buong katawan kapag nasadlak ang Muslim sa isa mga kalagayang kinakailangan sa mga ito ang paligo (ghusl). Mapag-aalaman natin ang mga ito sa aralin ng pamamaraan ng ghusl.
2. Ang ṭahārah mula sa maliit na ḥadath ay sa pamamagitan ng wuḍū'. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang tinatanggap na ṣalāh nang walang pagdadalisay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 224.
Ang Kainaman ng Ṭahārah
Ang ṭahārah at ang wuḍū' ay may ilang kainaman, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Na ito ay isang kadahilanan sa pag-ibig ni Allāh. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga palabalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay."} (Qur'ān 2:222)
2. Na ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 223. Ang tinutukoy ng pananampalataya rito ay ang ṣalāh.
3. Na ang wuḍū' ay isang kadahilanan sa pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang Mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali na tiningnan niya ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali na hinagupit ng mga kamay niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na malinis sa mga pagkakasala." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 244.
4. Na ang pagpapanatili sa wuḍū' ay kabilang sa mga palatandaan ng pananampalataya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang nagpapanatili sa wuḍū' kundi isang mananampalataya." Nagsalaysay nito sina Imām Ahmad: 22436 at Imām Ibnu Mājah: 277.
Ang Pamamaraan ng Wuḍū'
Lilinaw para sa iyo ang pamamaraan ng wuḍū' sa pamamagitan ng sumusunod na pagalalarawan:
1. Maglalayon ako na magsagawa ng wuḍū' at magsasabi ako ng: "Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh)."
Isang larawan ng isang taong nagnanais magsagawa ng wuḍū' at nagsasabi ng: "Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh)."
2. Maghuhugas ako ng mga kamay ko sa pamamagitan ng tubig nang tatlong ulit.
Isang larawan ng isang taong naghuhugas ng mga kamay niya sa pamamagitan ng tubig.
3. Magmumumog ako at sisinghot ako ng nilalamang tubig ng kanang kamay ko nang tatlong ulit at magsisinga nito sa pamamagitan ng kaliwang kamay ko.
Isang larawan ng isang taong nagmumumog + Isang larawan ng isang taong sumisinghot ng tubig.
4. Maghuhugas ako ng mukha ko nang tatlong ulit.
Isang larawan ng isang taong naghuhugas ng mukha niya.
5. Maghuhugas ako ng kanang kamay ko pagkatapos kaliwang kamay mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa siko nang tatlong ulit.
Isang larawan ng isang taong naghuhugas ng kamay hanggang siko niya + Isang larawan ng kamay hanggang sa siko.
6. Magbabasa ako ng mga kamay ko at magpapahid ng mga ito sa ulo ko.
Isang larawan ng isang taong nagpapahid ng ulo niya.
7. Magpapahid ako ng tubig sa mga tainga ko.
Isang larawan ng isang taong nagpapahid ng mga tainga niya.
8. Maghuhugas ako ng kanang paa ko pagkatapos kaliwang paa hanggang sa mga bukungbukong nang tatlong ulit.
Isang larawan ng isang taong naghuhugas ng paa niya + Isang larawan ng paa, na binibigyang-liwanag dito ang bukungbukong.
Matapos ng pagwawakas ng pagsasagawa ng wuḍū', magsasabi ako: "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna Muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya.)"
Nabanggit nga ni Allāh ang mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū' sa sabi Niya: {O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – magpahid kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong.} (Qur'ān 5:6)
Saksihan ang pamamaraan ng wuḍū': https://www.youtube.com/watch?v=gHGbbxHXisk
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 2: Magpapakalawak ako.
Kinakailangan ang wuḍū' bago ng pagsasagawa ng ṣalāh at ṭawāf at pagsaling ng Muṣḥaf subalit mayroong mga gawain na ibinibilang na sunnah para sa mga ito ang pagsasagawa ng wuḍū'.
Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsaliksik ka ng mga kalagayang itinuturing na kaibig-ibig para sa mga ito ang pagsasagawa ng wuḍū' at maghambing kayong dalawa ng naabot ninyong dalawa sa nasa sumusunod na link. https://www.youtube.com/watch?v=gHGbbxHXisk
Aktibidad 2: Mag-eensayo ako sa pag-aaral.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, magsagawa ka ng mga gawain ng wuḍū' gaya ng natutuhan mo. Magsasagawa naman ang kaklase mo ng pagpapanuto sa iyo kapag nagkamali ka o nakalimot ka.
Aktibidad 3: Magkakaloob ako ng payo.
1. Ensayuhin mo ang sambahayan mo sa pamamaraan ng wuḍū' na natutuhan mo.
2. Magbulay-bulay ka sa pagpapatupad ng pamamaraan ng wuḍū' ng ilan sa mga nagdarasal sa masjid mo.
A. Magpayo ka nang may kabanayaran sa nagkakamali sa kanila.
B. Kapag nakatagpo ka ng mga pagkakamaling nauulit-ulit, pumuna ka sa imām ng masjid nang sa gayon tumawag-pansin siya sa mga nagdarasal sa mga pagkakamaling ito.
Aktibidad 4: Maghahango ako.
Pagbulay-bulayan mo ang mga sumusunod na ḥadīth at makipagtulungan ka kasama ng tagapagturo mo sa pag-alam sa ipinahihiwatig ng mga ito.
Ang Ḥadīth
Ang Ipinahihiwatig
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling hindi ako makapagpahirap sa Kalipunan ko, talagang nag-utos sana ako sa kanila na gumamit ng siwāk kasama ng bawat pagsasagawa ng wuḍū'." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 9928.
Ibinibilang na sunnah ang paggamit ng siwāk bago magsagawa ng wuḍū'.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaiibig noon ng pagsisimula sa kanan sa pagdadalisay niya, pagsusuklay niya, at pagsasandalyas niya.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 168 at Imām Muslim: 268.
Ibinibilang na sunnah ang pagsisimula sa kanan sa sandali ng paghuhugas ng mga kamay at mga paa.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kabilang sa inyo na isang nagsasagawa ng wuḍū' saka naglubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya, malibang bubuksan para sa kanya ang walong pintuan ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 234.
Ang Panalangin ng Matapos ng Pagsasagawa ng Wuḍū at ang Kainaman Nito
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagpapahalaga ang Islām sa kalinisan sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh lamang. (X)
2. Ang wuḍū' ay isang kundisyon kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng ṣalāh. (✓)
3. Kinakailangan ang maghugas ng mga bukungbukong kasama ng mga paa sa wuḍū'. (✓)
4. Kinakailangan ang maghugas ng ulo at mga tainga sa wuḍū' nang tatlong ulit. (X)
5. Napaloloob ang siko sa paghuhugas ng mga kamay sa wuḍū'. (✓)
PANUTO 2: Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na gawain ng wuḍū' ayon sa tumpak na pagkakasunud-sunuran sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa tumpak na lugar.
Ang mga Gawain ng Wuḍū'
Ang Pagkakasunud-sunuran
Ang Paghuhugas ng Mukha 5
Ang Pagmumog 3
Ang Paghuhugas ng mga Kamay Hanggang sa mga Siko 6.
Ang Pagsinghot ng Tubig at ang Pagsinga Nito 4
Ang Pagpapahid sa mga Tainga 8
Ang Paghuhugas ng mga Paa 9
Ang Pagpahid sa Ulo 7
Ang Paghuhugas ng mga Kamay 2
Ang Layunin at ang Pagsabi ng Bismi –llāh 1
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay mula sa ḥadīth sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagsasakundisyon ng wuḍū' para sa ṣalāh.
2. Ang kainaman ng pagsabi ng Dalawang Pagsaksi matapos ng pagsasagawa ng wuḍū'.
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Ang ṭahārah para sa ṣalāh ay hindi nalilimitahan sa wuḍū' lamang. Magpaliwanag ka niyon ayon sa liwanag ng napag-aralan mo.
2. Mayroong kaugnayan sa pagitan ng pagsasagawa ng wuḍū' at pananampalataya. Magpaliwanag ka niyon kasama ng pagbanggit ng patunay.
2. Ang Tayammum at ang Pagpahid sa mga Harang
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa mga kalagayang pinapayagan sa mga ito ang pagsasagawa ng tayammum;
2. Makapagsagawa ka ng mga gawain sa tayammum ayon sa isang tumpak na anyo;
3. makapagpapatupad ka ng pamamaraan ng pagpahid sa khuff.
4. makaalam ka sa kaibahan sa pagitan ng pagpahid khuff at pagpahid sa balangkat.
5. makapagbigay-halaga ka sa pagpapagaan ng Sharī`ah sa mga may maidadahilan.
Paghahanda
Nagsabi si Allāh: {Hindi nagnanais si Allāh na maglagay sa inyo ng anumang pagkaasiwa, subalit nagnanais Siya na dumalisay sa inyo} (Qur'ān 5:6)
Ano ang tinutukoy ng "pagkaasiwa" sa marangal na āyah?
Ano ang mga aspeto ng pagkaasiwa na maaaring sumagabal sa pagsasagawa ng wuḍū'?
Una. Ang Tayammum
Ang Tinutukoy ng Tayammum
Ito ay ang pagpahid sa mukha at mga kamay ng dalisay na alabok kalakip ng layunin ng pagsasagawa ng ṭahārah. Iyon ay bilang pamalit sa wuḍū' at ghusl.
Kailan ako magsasagawa ng tayammum?
1. Sa sandali ng kawalan ng tubig.
2.Kapag ang tubig na naririyan ay sasapat lamang para inumin.
3. Kapag ang Muslim ay maysakit, na makadaragdag sa pagkakasakit ang paggamit ng tubig.
Kapag nakatagpo ang Muslim ng tubig at makakaya niya na gumamit nito, kailangan sa kanya na magsagawa ng wuḍū'.
Papaano akong magsasagawa ng tayammum?
Kapag nagnais ang Muslim na magsagawa ng tayammum, kailangan sa kanya na:
1. Maglalayon siya na magsagawa ng tayammum para magpawi ng ḥadath.
2. Magtatapik siya ng mga kamay niya sa alabok na dalisay nang iisang pagtapik.
3. Magpapahid siya ng mga kamay niya sa mukha niya.
4. Magpapahid siya ng mga kamay niya sa ibabaw ng mga kamay.
Saksihan ang pamamaraan ng tayammum: https://www.youtube.com/watch?v=tN9pjyOKP6M
Ikalawa. Ang Pagpupunas sa Khuff
Ang khuff ay ang isinusuot sa mga paa, na yari sa katad o lana o tela at anumang nakawawangis nito.
Pumayag nga ang makatotoong kapahayagan ng pagpahid sa khuff bilang pamalit sa paghuhugas sa mga paa sa wuḍū' subalit ayon sa mga kundisyon:
1. Na makapaglaman ang khuff ng hinuhugasan sa wuḍū', ibig sabihin: makababalot ito sa paa kasama ng bukungbukong.
2. Na magsuot ang Muslim ng khuff habang nasa wuḍū'.
3. Ang kadalisayan ng khuff sapagkat hindi pinapayagan ang pagpahid kung may najāsah dito.
4. Na hindi siya lumampas sa yugto ng bisa ng pagpahid, na isang araw at isang gabi para sa residente at tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito para manlalakbay.
Magsisimula ang pagtutuos ng yugto ng pagpahid mula sa simula ng pagpahid sa khuff.
Ang Pamamaraan ng Pagpahid sa Khuff
Magpapahid ang Muslim sa pinakaibabaw ng khuff magmula sa mga daliri ng mga paa hanggang sa mga binti sa pamamagitan ng kapwa kamay habang ang mga ito ay nabasa ng tubig. Ang pagpapahid ay iisang ulit. Hindi siya magpapahid sa ilalim ng khuff.
Saksihan ang pamamaraan ng pagpahid: https://www.youtube.com/watch?v=7p-TDCP8vvQ
Ikatlo. Ang Pagpahid sa Balangkat
Ang balangkat ay ang itinatali sa mga pilay o mga sugat nang sa gayon gumaling ang mga ito, na gaya ng plaster, mga benda, at tulad ng mga ito.
Ang pagpahid sa mga balangkat ay hindi natatakdaan ng oras dahil ang may balangkat ay napipilitan dito. Dahil dito, pinapayagan ang pagpahid dito hanggang sa paggaling ng pilay o paghilom ng sugat.
Sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', magpapahid ang Muslim sa mula sa balantik ng pinagsasagawaan ng wuḍū' lamang. Kaya kapag bumalot ang balantik sa braso nang lubos, tunay na kinakailangan ang magpahid sa braso hanggang sa siko lamang.
Hinggil naman sa pagsasagawa ng ghusl, magpapahid sa balantik sa kabuuan nito.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at maghahain ako ng lunas.
Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na kalagayan?
1. Naglalakbay ka sa isang lugar gaya ng disyerto at mayroon kang dalang tubig na nakasasapat para sa inumin, pagkatapos sumapit ang oras ng ṣalāh.
2. Nawalan ng tubig sa bahay at nagnais kang magsagawa ng ṣalāh, kaya bibili ka ba ng tubig para sa wuḍū' o magsasagawa ka ng tayammum kaagad?
3. Nagsuot ka ng khuff, pagkatapos nagnais kang maligo.
Aktibidad 2: Maglalahad ako ng mga pagtatanung-tanong.
May isang taong nagsagawa ng wuḍū' habang nakasuot ng khuff niya. Nagpapahid siya rito sa sandali ng bawat pagsasagawa ng wuḍū' subalit hinubad niya ang khuff niya bago lumipas ang araw at ang gabi, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at naghugas ng mga paa niya. Matapos ng pagsasagawa ng wuḍū', muli niyang isinuot ang khuff niya, kaya papayagan ba sa kanya ang pagpahid sa panibagong isang araw at isang gabi?
Aktibidad 3: Makikilahok ako sa pag-aaral.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo, may magsasagawang dalawa mula sa mga estudyante ng pagganap ng mga gawain ng tayammum at ng pagpahid sa khuff habang magsasagawa naman ang nalalabi sa mga estudyante ng pagtatama sa anumang ipinagkamali ng dalawang kaklase nila.
Aktibidad 4: Magbubulay-bulay ako at hahango ako.
Ayon kay Ṣafwān bin `Assāl (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-uutos sa amin, kapag kami ay [nasa] isang paglalakbay, na hindi kami mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito malibang dahil sa janābah, subalit [hindi] dahil sa pagdumi o pag-ihi o pagkatulog.} Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā'īy: 127 at Imām At-Tirmidhīy: 96. Sa pakikilahok ng kaklase mo, humango ka mula sa ḥadīth ng ipinahihiwatig na mga patakaran ng pagpapahid sa khuff.
Ang yugto ng bisa ng pagpapahid sa khuff ay tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito para sa manlalakbay. Kinakailangang hubarin ang khuff para sa paligo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Isinasakundisyon para sa pagpapahid sa khuff na magsuot nito habang nasa ṭahārah. (✓)
2. Ang pagpahid sa khuff ay hindi pinapayagan malibang dahil sa pagkakailangan. (X)
3. Ang tayammum at ang pagpahid sa balantik ay walang oras na tinakdaan. (✓)
4. Ang pagpahid sa khuff ay isang permiso at pagpapagaan mula kay Allāh. (✓)
5. Nakukumpleto ang tayammum sa pamamagitan ng pagpahid ng alabok sa mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū'. (X)
PANUTO 2: Magsagawa ka ng pagsusunud-sunod ng mga gawain ng tayammum sa pamamagitan ng paglalagay ng numero ng tumpak na pagkakasunud-sunod sa harapan ng mga larawan.
PANUTO 3: Magsulat ka ng mga anyo ng pagkakasang-ayon at pagkakaiba-iba sa pagitan ng pagpahid sa khuff at pagpahid sa balantik sa sumusunod na talahanayan:
Ang Anyo ng Paghahambing
Ang Pagpahid sa Khuff
Ang Pagpahid sa Balantik
Ang Yugtong Pinapayagan
Ang Lugar ng Pagpahid
Ang Pamamaraan ng Pagpahid
Ang Wuḍū' Bago ng Pagpahid
Ang Pagpahid Para sa Wuḍū' at Ghusl
PANUTO 3: Kailan pinapayagan ang tayammum bilang pamalit sa wuḍū' at ghusl?
3. Ang Ghusl
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-pakahulugan ka sa ghusl;
2. makapaglarawan ka ng mga gawain ng ghusl;
3. makapaglinaw ka sa mga kalagayan na nag-oobliga ng ghusl;
4. makapaghalimbawa ka sa mga aspeto ng pagpapagaan ng Sharī`ah sa ghusl;
5. makapagbigay-halaga ka sa pagmamalasakit ng Shrī`ah sa kalinisan.
Paghahanda
Matapos na nag-utos ang Marangal na Qur'ān ng pagsasagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh, nagsabi si Allāh: {Kung kayo ay kailangang-magdalisay ay magpakadalisay kayo.} (Qur'ān 5:6)
Kaya ano ang kahulugan ng kailangang-magdalisay?
Ano ang kinakailangan dito?
Ang Ghusl Ang Pinapakay ng Ghusl Mga Kalagayang Kinakailangan sa mga Ito ang Ghusl Ang Kahalagahan ng Ghusl Ang Pamamaraan ng Ghusl Ilan sa mga Pagpapagaan sa Ghusl
Ang Pinapakay ng Ghusl
Ang Pagsasagawa ng Ghusl sa Buong Katawan sa Pamamagitan ng Tubig Nang May Kalakip ng Layunin ng Ṭahārah
Mga Kalagayang Kinakailangan sa mga Ito ang Ghusl
Kinakailangan ang magsagawa ng ghusl para sa babae matapos na magwakas ang yugto ng regla[6] at nifās.[7] () Ang regla ay dugong lumalabas sa matris ng babae kapag naging adulto siya, pagkatapos dumadalaw ito sa kanya sa mga nalalamang oras. () Ang nifās ay dugong lumalabas mula sa matris ng babae dahilan sa panganganak.
Kinakailangan ang magsagawa ng ghusl para sa lalaki o babae o para sa kanilang dalawa nang magkasama kapag silang dalawa ay naging junub (kailangang-magdalisay). Nagsabi si Allāh: {Kung kayo ay kailangang-magdalisay ay magpakadalisay kayo.} (Qur'ān 5:6) Iyon ay sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Matapos ng pakikipagtalik. Iyon ay kapag pumasok ang ulo ng ari ng lalaki sa ari ng babae.
2. Paglabas ng manīy[1] dahil sa pagnanasang seksuwal sa panig ng lalaki o babae. (1) Ang manīy ng lalaki ay malapot na puting likido na may natatanging amoy, na lumalabas nang papulandit sa sandali ng pagnanasang seksuwal at ang manīy naman ng babae ay malabnaw na dilaw na likido.
3. Ang iḥtilām (wet dream). Ito ay ang paglabas ng manīy sa sandali ng pagkatulog.
Ang Kahalagahan ng Ghusl
Nalaman natin na isinasakundisyon para sa ṣalāh na ang Muslim ay nakapagsagawa ng ṭahārah mula sa malaking ḥadath. Iyon ay kapag nasadlak siya sa isa mga kalagayang lumipas.
Kapag nagsagawa ng ṣalāh ang junub o ang nireregla o ang may nifās bago magsagawa ng ghusl, ang ṣalāh niya ay hindi tumpak at hindi tanggap.
Hindi pinapayagan ang pagsaling ng Muṣḥaf para sa junub ni ang pagbabasa ng Marangal na Qur'ān – kahit pa mula sa memorya – hanggang sa makapagsagawa siya ng ghusl.
Hindi pinapayagan para sa nireregla o may nifās ang pagsaling ng Muṣḥaf subalit pinapayagan sa kanila ang pagbuklat ng mga pahina nito sa pamamagitan ng isang panulat o ng iba pang bagay nang walang pagsaling dito ng kamay.
Pinapayagan para sa babaing nireregla o may nifās ang pagbigkas ng Marangal na Qur'ān mula sa memorya niya.
Ang Pamamaraan ng Ghusl
Makasasapat sa Muslim na maglubos ng pagbuhos ng tubig sa buong katawan kasama ng layunin ng pagpawi ng ḥadath.
Ang sinumang nagnais ng kalubusan, isinasabatas para sa kanya ang mga sumusunod na hakbang:
1. Maglalayon siya na magsagawa ng ghusl para magpawi ng malaking ḥadath, pagkatapos magsabi ng: Bismi –llāh.
2. Maghuhugas siya ng mga kamay, pagkatapos maghuhugas siya ng ari niya hanggang sa luminis ito, pagkatapos magsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh.
3. Pagkatapos maghuhugas siya ng ulo niya hanggang sa umabot ang tubig sa anit niya (tinutubuan ng buhok sa ulo).
4. Pagkatapos magbubuhos siya tubig sa kanang bahagi ng katawan niya, pagkatapos magbubuhos siya ng tubig sa kaliwang bahagi ng katawan niya.
5. Pagkatapos magbubuhos siya ng tubig sa buong katawan niya.
Ilan sa mga Pagpapagaan sa Ghusl
Ilan sa mga aspeto ng pagpapagaan sa ghusl ang sumusunod:
1. Hindi kinakailangan sa babaing junub na magkalag ng buhok o ng mga tirintas niya sa pagsasagawa ng ghusl at maaari sa kanya na magkasya lamang na umabot ang tubig sa mga tinutubuan ng buhok niya. Hinggil naman sa ghusl dahil sa regla at nifās, hindi makaiiwas para sa kanya na magkalag ng buhok niya at magkalas ng mga tirintas niya.
2. Ipinatutupad ang fiqh ng tayammum sa ghusl kaya pinapayagan ang pagsasagawa ng tayammum bilang pamalit sa ghusl kapag hindi nakatagpo ang Muslim ng tubig o siya ay maysakit o sa sandali ng matinding ginawa kasama na kawalan ng posibilidad ng pagpapainit ng tubig.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako sa pag-aaral.
1. Magsasagawa ang isa sa mga estudyante ng pagbibigay-linaw sa mga gawain ng ghusl at magsasadya siya ng pagkakamali sa paglalarawan ng mga gawain at pagkakasunud-sunuran ng mga ito. Magsasagawa naman ang nalalabi sa mga estudyante sa pagtatama sa mali.
2. Ipaghambing mo ang natutuhan mo tungkol sa pamamaraan ng ghusl sa nasaad sa video clip na ito: https://www.youtube.com/watch?v=QU9seWDpUww
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
1. Kinakailangan ang magsagawa ng ghusl sa sandali ng paglabas ng manīy ngunit ano ang kailangan sa Muslim na gawin niya kapag may lumabas mula sa kanya na iba pang likido?
2. Papaano tayong makaalam sa kaibahan sa pagitan ng manīy at iba pa rito?
Aktibidad 3: Makikilahok ako at magbabalangkas ako sa pamamagitan ng panulat ko.
Matapos na nag-aral tayo ng mga kalagayang kinakailangan sa mga ito ang magsagawa ng ghusl, kailangan sa atin na makaalam na mayroong mga kalagayang itinuturing na kaibig-ibig para sa mga ito ang magsagawa ng ghusl, tulad ng pagdalo sa mga pagtitipon ng mga tao para sa ṣalāh sa Biyernes o ṣalāh sa dalawang `īd o ṣalāh sa eklipse at tulad nito.
1. Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsaliksik ka ng iba pang mga kalagayang isinasabatas para sa mga ito ang pagpaligo.
2. Magpahayag ka sa limang linya tungkol sa pagpapahalaga ng Islām sa kalinisan ng katawan ng tao gaya ng pagpapahalaga nito sa kalinisan ng puso niya laban sa shirk, pagkamuhi, at paghihinakit.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ipinagbabawal sa nireregla ang pagsaling ng Muṣḥaf hanggang sa makapagsagawa siya ng ghusl. (✓)
2. Kinakailangan ang pagsasagawa ng ghusl ng junub kaagad-agad kapag dumating ang oras ng ṣalāh. (✓)
3. Hindi tinatanggap ang ghusl ng walang pagsambit ng Bismi –llāh at paghuhugas ng maselang bahagi bago nito. (X)
4. Kinakailangan ang magsagawa ng ghusl kapag nakapasok ang unahang bahagi ng ari ng lalaki sa ari ng babae.
5. Ang layunin ay isang kundisyon sa katumpakan ng wuḍū' hindi sa ghusl. (X)
PANUTO 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang junub?
2. Magpaliwanag ka ng mga kalagayan ng pagkakinakailangan ng ghusl.
3. Ano ang mga aspeto ng pagpapadali ng Sharī`ah sa babae sa sandali ng pagsasagawa ng ghusl dahil sa janābah?
4. Naglayon ang Muslim na magsagawa ng ghusl, pagkatapos lumangoy siya sa dagat hanggang sa nabasa ang katawan niya, kaya ano ang hatol sa ghusl na ito? At bakit?
5. Ilarawan mo sa tatlong linya ang mga hakbang ng kumpletong ghusl.
4. Ang Katayuan ng Ṣalāh
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makahango ka ng patunay sa katayuan ng ṣalāh mula sa Qur'ān at Sunnah;
2. makapaglinaw ka sa kahalagahan ng ṣalāh sa buhay ng Muslim at kabilang-buhay niya;
3. makapagsadamdamin ka sa panganib ng pagwaksi sa ṣalāh o pagwawalang-bahala rito;
4. makapagpahayag ka tungkol sa pagbibigay-halaga mo sa kahalagahan ng ṣalāh at pagpapahalaga mo rito.
Paghahanda
Nagpabatid si Ḥamzah sa tagapagturo niya na siya ay palaging nakararamdam ng kalungkutan. Nagtanong naman sa kanya ang tagapagturo niya: "Nagpapapanatili ka ba ng ṣalāh mo?" Nagsabi siya: "Hindi po." Kaya nagpayo sa kanya ang tagapagturo niya na mangalaga sa ṣalāh sa oras nito.
Ano ang kaugnayan ng ṣalāh sa pagkaramdam ng lungkot at pagkabagabag?
Ang Katayuan ng Ṣalāh sa Islām Ang Poste ng Relihiyon Isinatungkulin ito sa langit Kahuli-hulihan sa tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) Kauna-unahang tutuusin dahil doon ang tao Ang palatandaan ng Islām Nagtatakip-sala sa mga pagkakasala Naglalayo sa mga pagsuway Tumatanglaw sa buhay ng Muslim
Ginhawa para sa kaluluwa
Ang poste ng Relihiyon
Ang Katayuan ng Ṣalāh
1. Ang ṣalāh ay poste ng Relihiyon.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ulo ng usapin ay ang Islām at ang poste nito ay ang ṣalāh." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2616.
2. Isinatungkulin ang ṣalāh sa langit.
Ang lahat ng mga pagsamba ay binabaan ng pagkasi hinggil sa pagkatungkulin ng mga ito habang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa lupa, maliban sa ṣalāh sapagkat ito ay isinatungkulin sa langit sa gabi ng Isrā' at Mi`rāj.
3. Ang Ṣalāh ay Palatandaan ng Islām
Ang palatandaan ng pagpapakatuwid sa Islām at pagwaksi sa kawalang-pananampalataya ay ang pangangalaga sa ṣalāh. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh, kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya." Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā'īy: 463 at Imām At-Tirmidhīy: 2621.
4. Ang ṣalāh ay kahuli-hulihan sa tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
Ang kahuli-hulihan sa tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Ang ṣalāh! Ang ṣalāh!" Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 5156. Ibig sabihin: Manatili kaya sa ṣalāh at mangalaga kayo rito.
5. Ang ṣalāh ay kauna-unahang gawang tutuusin doon ang tao sa Araw ng Pagbangon.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang kauna-unahang tutuusin dahil doon ang tao sa Araw ng Pagbangon mula sa gawa niya ay ang ṣalāh niya. Kapag umayos ito, nagtagumpay at pumasa nga siya;..." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 864 at Imām An-Nasā'īy: 465.
6. Ang ṣalāh ay naglalayo sa Muslim sa mga pagsuway.
Nagsabi si Allāh: {panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama.} (Qur'ān 29:45) Kaya ang ṣalāh ay nag-uugnay sa Muslim kay Allāh palagi at nagpapalago sa kanya ng pagkaramdam ng pagmamasid ni Allāh kaya umiiwas siya sa mga pagsuway at umaangat siya sa mga antas ng pagtalima pagpapakamananamba kay Allāh.
7. Ang ṣalāh ay nagtatakip-sala sa mga pagkakasala.
Nagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa epekto ng ṣalāh sa pagtatakip-sala sa mga pagkakasala dahil sa sabi niya sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanya): "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw, may matitira kaya mula sa karumihan niya na anuman?" Nagsabi sila: "Wala pong matitira mula sa karumihan niya na anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 528 at Imām Muslim: 667.
8. Ang ṣalāh ay tumatanglaw sa buhay ng Muslim.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ṣalāh ay liwanag." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 223. Kaya ang Muslim na nangangalaga sa ṣalāh niya ay nakararamdam na siya ay naglalakad sa isang liwanag mula kay Allāh, na nakakikita siya dahil dito sa kabutihan kaya humahayo siya rito at nakakikita siya dahil dito sa kasamaan umiiwas siya rito.
9. Ang ṣalāh ay ginhawa para sa kaluluwa.
10. Ang ṣalāh ay ginhawa para sa kaluluwa at pag-aalis ng mga alalahanin yayamang nakalilimot ang tao sa mga alalahanin niya habang siya ay nasa harapan ni Allāh. Hanggang sa kapag nagtapos siya sa ṣalāh niya, manunumbalik naman sa kanya ang lakas ng puso niya at magpapanibago ang sigla sa sarili niya. Ang Propeta nga noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag may nagpapanglaw sa kanya na isang bagay, ay nagdarasal. Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1319.
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi kay Bilāl (malugod si Allāh sa kanya): "O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh, magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 498.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maglilinaw ako.
Sinabi kaugnay sa kainaman ng ṣalāh: Tunay na ito ay nagbubuklod sa lahat ng mga haligi ng Islām. Magsulat ka ng mga aspeto ng mga haligi ng Islām sa ṣalāh sa sumusunod na talahanayan:
Ang dalawang pagsaksi
Ang ṣalāh ay naglalaman ng Dalawang Pagsaksi sa tashahhud.
Ang Pag-ayuno
Ang pag-aayuno sa pagkain at ang pagtigil sa pagsasalita at ang bawat maipipintas sa sandali ng pagsasawa ng ṣalāh.
Ang Zakāh
Ang pagkuha ng kaunti mula sa oras at ang pagtigil sa pagtitinda at pagbili alang-alang sa ṣalāh.
Ang Ḥajj:
Ang pagpunta sa masjid at ang pagtuon sa Bahay na Pinakababanal sa Makkah.
Aktibidad 2: Magpapahayag ako.
Maglahad ka sa harapan ng mga kaklase mo ng isang senaryo na naging isang kadahilanan ng pagpapanatili mo sa ṣalāh at ng pakiramdam mo sa sandali ng kauna-unahang karanasan mo sa pagsasagawa ng isinatungkuling ṣalāh.
Aktibidad 3. Magbubulay-bulay ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag may isang taong Muslim na dinatnan ng isang ṣalāh na isinatungkulin saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' dito, kataimtiman dito, pagyukod dito, ito ay magiging isang panakip-sala sa anumang bago nito na mga pagkakasala hanggat hindi siya nakagawa ng isang malaking kasalanan. Iyon ay sa kabuuan ng panahon." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2278.
1. Ano ang kainaman ng ṣalāh na ipinahiwatig ng ḥadīth?
2. Ano ang mga kundisyon ng pagkakasakatuparan ng kainamang ito?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagpapanatili ng ṣalāh ay tagumpay sa Mundo at pagpasa sa Kabilang-buhay. (✓)
2. Ang kahuli-hulihan sa tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang sabi niya: "Ang ulo ng usapin ay ang ṣalāh." (X)
3. Bumaba sa Madīnah ang kasi hinggil sa pagkatungkulin ng ṣalāh. (X)
4. Ang ṣalāh ay daan tungo sa pagbubusilak ng sarili at kadalisayan ng puso. (✓)
5. Ang ṣalāh ay patunay sa pagwaksi sa kawalang-pananampalataya at pag-ibig sa Islām. (✓)
PANUTO 2: Linawin mo ang anyo ng katunayan sa sumusunod:
1. Ang sabi ni Allāh: {panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama.}
2. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "Ang ṣalāh ay liwanag."
3. Ang sabi pa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan nito ng mga kasalanan."
4. Ang sabi pa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh, magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito."
PANUTO 3: Magpahayag ka tungkol sa katayuan ng ṣalāh at pagpapahalaga mo rito sa limang linya, pagkatapos ipadala mo ito sa mga anak mo at mga mahal mo.
5. Ang mga Oras ng Ṣalāh
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa limang ṣalāh;
2. makapagpaliwanag ka ng kainaman ng pagsasagawa ng ṣalāh sa oras nito;
3. makapagbigay-babala ka laban sa pagpapahuli sa ṣalāh nang lampas sa oras nito;
5. maensayo ka sa gawa sa pag-alam sa mga oras ng ṣalāh/
Paghahanda
Natatakdaan ang simula ng mga buwan sa kalendaryo ng Hijrah sa pamamagitan ng buwan at natatakdaan ang mga oras ng ṣalāh sa pamamagitan ng:
Ang mga Ṣalāh na Isinatungkulin
Nagsatungkulin si Allāh sa mga Muslim ng limang ṣalāh sa araw at gabi. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May limang ṣalāh na nagsatungkulin ng mga ito si Allāh sa mga tao. Ang sinumang nagsagawa ng mga ito ay hindi Siya magwawala mula sa mga ito ng anuman bilang X sa karapatan ng mga ito" Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 1420 at Imām An-Nasā'īy:461.
Ang mga Ṣalāh na Isinatungkulin Ang fajr Ang đuhr Ang `aṣr Ang maghrib Ang `ishā'
Ang mga Oras ng Ṣalāh
Nagtakda si Allāh para sa mga isinatungkuling ṣalāh ng mga partikular na oras. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103) Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Alin sa gawain ang pinakakaibig-ibig kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang ṣalāh sa oras nito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 527 at Imām Muslim: 85. Sa sumusunod ay may paglilinaw sa mga oras ng mga isinatungkuling ṣalāh:
1. Ang oras ng ṣalāh na fajr ay mula sa pagsapit ng totoong madaling-araw hanggang sa bago ng pagsikat ng araw.
2. Ang oras ng ṣalāh na ḍ̆uhr ay nagsisimula mula sa zawāl (pagkiling ng araw palayo sa gitna ng langit patungo sa dako ng kanluran) at nagtatapos kapag ang anino ng bawat bagay ay naging tulad nito sa haba.
3. Ang oras ng ṣalāh na `aṣr ay nagsisimula mula sa katapusan oras ng ḍ̆uhr hanggang sa bago ng paglubog ng araw subalit hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito matapos ng paninilaw ng araw malibang dahil sa isang pangangailangan.
4. Ang oras ng ṣalāh na maghrib ay nagsisimula mula sa paglubog ng araw hanggang sa bago ng paglaho ng pulang takipsilim (pamumulang lumilitaw sa abot-tanaw).
5. Ang oras ng ṣalāh na `ishā' ay nagsisimula mula sa paglaho ng pulang takipsilim hanggang sa kalahati ng gabi.
Ang mga Oras ng Pagtuturing na Kaibig-ibig ang Pagsasagawa ng Iqāmah ng mga Ṣalāh
Itinuturing na kaibig-ibig ang magsagawa ng iqāmah sa simula ng mga oras ng limang ṣalāh, maliban sa dalawang kalagayan:
1. sa ṣalāh na ḍ̆uhr sa matinding init sapagkat itinuturing na kaibig-ibig para sa imām ang pagpapaliban ng pagsasagawa ng iqāmah nito hanggang sa lumamig-lamig ang panahon;
2. sa ṣalāh na `ishā' sapagkat itinuturing na kaibig-ibig para sa imām ang pagpapaliban ng pagsasagawa ng iqāmah nito hanggang sa unang ikatlong bahagi ng gabi, maliban kapag dito ay may pahirap sa mga nagdarasal.
Subalit kung ang konggregasyon ay nagdarasal sa simula ng oras, magdarasal siya kasama nila at hindi magpapaliban nito.
Ang Panganib ng Pagpapaliban ng Ṣalāh Nang Lampas sa Oras Nito
Ang pagpapahuli ng ṣalāh ay isang mabigat na pagkakasala sapagkat hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito nang lampas sa oras nito nang walang nakapananaig na maidadahilan. Ang sinumang nagpapahuli nito nang nananadya, siya ay nasa isang malaking panganib sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi si Allāh: {4. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal, 5. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,} (Qur'ān 107:4-5)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubukod ako.
Magbukod ka sa pagitan ng mga oras ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsulat ng pangalan ng ṣalāh sa ilalim ng larawan na nababagay rito sa sumusunod:
Aktibidad 2: Maghahain ako ng isang payo.
Maghain ka ng isang pagpapayo sa bawat senaryo mula sa mga sumusunod na senaryo:
1. Isang taong nagsagawa ng ṣalāh bago ng pagpasok ng oras nito.
2. Isang taong nakalimot magsagawa ng ṣalāh na ḍ̆uhr hanggang sa dumating ang oras ng ṣalāh na `aṣr.
3. Isang taong nagwawalang-bahala sa pagsasagawa ng ṣalāh sa fajr.
4. Isang taong naghihintay ng kahuli-hulihan sa oras ng ṣalāh para magsagawa nito.
Aktibidad 3: Hahango ako at kukumpleto ako.
Nagsabi si Allāh: {Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagpusikit ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].} Qur'ān 17:78) Naglaman ang āyah na ito ng pagtukoy sa mga oras ng ṣalāh.
1. Ang {mula sa paglilis [sa rurok] ng araw} ay naglaman ng oras ng mga ṣalāh na ... ḍ̆uhr ... at ... `aṣr ...
2. Ang {pagpusikit ng gabi} ay naglaman ng oras ng mga ṣalāh na ... maghrib ... at ... `ishā' ...
3. Hinggil naman sa ṣalāh na ... fajr ... nagpahiwatig dito ang sabi ni Allāh: {Qur'ān sa madaling-araw}.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang paglaho ng pulang takipsilim ay ang katapusan ng oras ng ṣalāh na maghrib. (✓)
2. Naisasakatuparan ang pagsisimula ng oras ng ṣalāh na fajr sa pagsapit ng totoong madaling-araw. (✓)
3. Ang katapusan ng bawat ṣalāh ay simula ng oras ng ṣalāh na matapos nito. (X)
4. Itinuturing na kaibig-ibig ang ṣalāh na `aṣr at `ishā' sa simula ng oras nito. (X)
5. Ipinagbabawal ang pagpapaliban sa ṣalāh na `aṣr matapos ng paninilaw ng araw malibang dahil sa isang maidadahilan. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ṣalāh sa oras nito.
2. Ang kainaman ng pagsasagawa ng ṣalāh sa oras nito.
PANUTO 3: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Maghambing ka sa pagitan ng ṣalāh na `ishā' at ṣalāh na ḍ̆uhr sa punto ng pagsisimula ng oras at pagtatapos nito at oras ng pagtuturing ng pagkakaibig-ibig.
2. Ang sinumang nagpahuli ng isang ṣalāh hanggang sa lumampas ang oras nito, siya ay nasa isang mabigat na panganib. Magpaliwanag ka niyon sa pamamagitan ng patunay.
B. Ang Pagkakalarawan sa Ṣalāh
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsagawa ka ng ṣalāh ayon sa tumpak na anyo nito;
2. makapaghulo ka ng mga kamaliang laganap sa mga gawain ng mga nagsasagawa ng ṣalāh;
3. makapagsagawa ka ng ṣalāh ayon sa tumpak na anyo nito;
4. makapagbigay-kahalagahan ka sa kahalagahan ng kataimtiman sa ṣalāh.
Paghahanda
Nagkakaiba-iba ang paraan ng ilan sa mga nagsasagawa ng ṣalāh sa pamamaraan ng pagsasagawa ng ṣalāh. Marahil kabilang sa mga kadahilanan niyon ang hindi pagkatuto ng tumpak na pagkakalarawan sa ṣalāh. Kaya magbulay-bulay ka nang maigi sa araling ito upang makapagpatupad ka ng pagkakalarawan sa ṣalāh na nasaad dito.
Ang Pagkakalarawan sa Ṣalāh
Nakatindig ang Muslim habang nakapagsagawa ng wuḍū', habang dalisay ang katawan, ang damit, at ang lugar, habang natatakpan ang `awrah niya, habang nakadako sa qiblah, pagkatapos magsasagawa siya ng mga sumusunod na gawain sa ṣalāh:
Ang Layunin. Maglalayon ang Muslim na magsagawa ng ṣalāh para kay Allāh at magtatakda siya sa layunin niya ng uri ng ṣalāh, kung ito ay isang tungkulin tulad ng ṣalāh na ḍ̆uhr o isang sunnah tulad ng witr.
1. Ang Pagtayo Para sa Ṣalāh at Takbīr. Tatayo ang Muslim nang tuwid, habang nag-aangat ng mga kamay niya, habang nagsasabi ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)", pagkatapos maglalagay siya ng kanang kamay niya sa ibabaw ng kaliwang sa ibabaw ng dibdib niya.
2. Ang Pagbigkas. Bibigkas ang nagsasagawa ng ṣalāh ng panalangin ng panalangin ng istiftāḥ (pagbubukas ng ṣalāh): "Subḥānaka –llāhumma wa-biḥamdika wa-tabāraka –smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. Napakamapagpala ang pangalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)"
Pagkatapos bibigkas siya ng Sūrah Al-Fātiḥah at anumang naging madali para sa kanya mula sa Marangal na Qur'ān.
3. Ang Pagyukod. Mag-aangat ang nagsasagawa ng ṣalāh ng mga kamay niya habang nagsasagawa ng takbīr, pagkatapos yuyukod siya at maglalagay ng mga kamay niya sa mga tuhod niya at magsasabi ng: "Subḥāna rabbiya –l`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" nang tatlong ulit.
4. Ang Pag-angat Mula sa Pagkakayukod. Mag-aangat siya ng ulo niya habang nag-aangat ng mga kamay niya habang nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" at maglalagay siya ng kanang kamay niya sa ibabaw ng kaliwang kamay sa ibabaw ng dibdib niya.
5. Ang Unang Pagpapatirapa. Pagkatapos magsasagawa siya ng takbīr, magpapatirapa siya, at magsasabi siya ng: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang tatlong ulit. Ang pagkapatirapa ay sa pitong bahagi. Ang mga ito ay ang noo, dalawang palad, dalawang tuhod, at mga daliri ng dalawang paa.
6. Ang Pagkakaupo sa Pagitan ng Dalawang Pagpapatirapa.
Magsasagawa siya ng takbīr, uupo siya, at magsasabi ng: "Rabbi -ghfir lī, rabbi -ghfir lī. (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)"
7. Ang Ikalawang Pagpapatirapa.
Magsasagawa siya ng takbīr, magpapatirapa siya, at magsasabi siya ng: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang tatlong ulit.
8. Kapag nasa unang rak`ah o ikatlong rak`ah at hindi kahuli-hulihang rak`ah, tatayo ang nagsasagawa ng ṣalāh habang nagsasagawa ng takbīr at magsisimula ng bagong rak`ah.
9. Kapag nasa ikalawang rak`ah at hindi kahuli-hulihang rak`ah,
uupo ang nagsasagawa ng ṣalāh at bibigkas ng tashahhud: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa atin at ukol sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"
Kapag tumayo ang nagsasagawa ng ṣalāh para sa ikatlo at ikaapat na rak`ah matapos ng gitnang tashahhud, tunay na siya ay magkakasya sa pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah lamang.
10. Kapag ang nagsasagawa ng ṣalāh ay nasa huling rak`ah,
uupo siya at bibigkas ng tashahhud at matapos nito, bibigkas naman siya ng Ṣalāh Ibrāhīmīyah kaya magsasabi siya ng: "Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā ṣallayta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; Allāhumma bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"
11. Ang Pagbati. Sa katapusan ng ṣalāh niya, lilingon siya sa kanan habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥamatu –llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)" pagkatapos lilingon naman siya sa kaliwa habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥamatu –llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)"
Kinakailangan ang pagsunod sa bilang ng mga rak`ah ng mga ṣalāh na isinatungkulin kalakip ng mga pisikal gawain sa mga ito gaya ng pagtayo, pagyukod, pagpapatirapa, at pag-upo para sa tashahhud at sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa. Kaya ang sinumang dumagdag o kumulang ng anuman mula sa mga ito nang sinasadya, nawawalang-saysay ang ṣalāh niya.
Ang Kapanatagan at ang Kataimtiman sa Ṣalāh
Ang ṣalāh ay isinasagawa nang may pakundangan at kahinahunan. Dahil doon, nawawalang-saysay ang ṣalāh kapag nagsalita sa gitna nito ang nagsasagawa ng ṣalāh ng pakikipag-usap sa mga tao o tumawa o kumain o uminom o nagparami ng kilos at paglingon.
Kailangan sa nagsasagawa ng ṣalāh na gumunita sa kadakilaan ni Allāh sa puso niya at na siya ay nakatindig sa harapan ni Allāh habang nakikipag-usap at dumadalangin sa Kanya. Kaya kailangan sa kanya na mapanatag siya sa mga kilos niya, tumaimtim ang mga bahagi ng katawan niya, at mag-isip-isip siya sa sinasabi niya mula sa Qur'ān, mga dhikr, at mga panalangin. Nagsabi si Allāh: {1. Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya, 2. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagtataimtim,} (Qur'ān 23:1-2)
Ginawa nga ni Allāh ang tagumpay bilang nakasunod sa kataimtiman at kapanatagan sa ṣalāh. Nagsabi pa nga ang isa sa mga maalam: "Tunay na ang dalawang lalaki ay talagang nasa ṣalāh at tunay na ang nasa pagitan nilang dalawa ay gaya ng nasa pagitan ng langit at lupa." Ibig sabihin: dahil sa pagkakaibahan nila sa kataimtiman.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-eensayo ako sa pag-aaral.
Hahati-hatiin ng tagapagturo ang mga estudyante sa mga grupo. Pagkatapos ang bawat grupo ay magsasagawa ng sumusunod:
1. May magpapatupad na isang estudyante mula sa bawat grupo ng pagkakalarawan sa ṣalāh at magsasagawa naman ng pagtatasa (assessment) sa pagkakasagawa niya ang natitira sa mga nalalabi sa mga kaklase niya.
2. Magtatalakayan ang bawat grupo kaugnay sa mga kamalian na dumadalas maganap sa pagsasagawa ng ṣalāh.
3. Ihahambing ng bawat grupo ang natutuhan nito sa nasaad sa video na ito kasama ng pagsusulat ng mga dagdag na impormasyon dito.
Aktibidad 2: Papaano akong mag-aasal?
Mag-iisip ka sa mga sumusunod na kalagayan at makikipag-ugnayan ka sa tagapagturo mo o imām ng masjid mo para makaalam sa pag-aasal na pang-Sharī`ah na tumpak sa bawat isa sa mga ito:
1. Nakatagpo ka ng mga tira ng pagkain sa bibig mo sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh.
2. Nakalimot kang bumigkas ng Sūrh Al-Fātiḥah sa ṣalāh, pagkatapos yumukod ka.
3. Tumayo ka para sa ikatlong rak`ah ngunit nakalimutan mo ang gitnang tashahhud.
4. Tumayo ka nang mali matapos ng ikaapat na rak`ah.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nawawalang-saysay ang ṣalāh dahil sa pagsasalita at pagtawa sa sandali ng pagsasagawa nito. (✓)
2. Kailangan na bumigkas ng Muslim ng layunin bago magsagawa ng ṣalāh. (X)
3. Kinakailangan ang bumigkas ng Sūrh Al-Fātiḥah sa lahat ng mga rak`ah ng ṣalāh. (✓)
4. Magsasabi ang nagsasagawa ng ṣalāh sa pagkakayukod niya ng: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)." (X)
5. Ang kataimtiman ay gawain ng puso at lumilitaw sa kapanatagan ng mga bahagi ng katawan. (✓)
PANUTO 2: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pararila:
1. Nagsasabi ang Muslim sa pagkakayukod niya ng: __________
2. Nagsasabi ang Muslim matapos ng pagtayo mula sa pagkakayukod ng: _____________________________________
3. Nagsasabi ang Muslim sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa ng: ___________________________________
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Hanguin mo ang mga gawaing nagpapawalang-saysay sa ṣalāh mula sa natutuhan mo sa aralin.
2. Ang kataimtiman ay isang pagbubusilak para sa kaluluwa at isang pag-aangat para sa pabuya sa nagsasagawa ng ṣalāh. Maglinaw ka niyon.
3. Maghambing ka sa pagitan ng mga gawain sa unang rak`ah at ikatlong rak`ah sa ṣalāh na `ishā'.
7. Ang Masasaklaw sa mga Ipinag-uutos ng Sharī`ah
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng masasaklaw sa mga ipinag-uutos ng Sharī`ah;
2. makahango ka ng patunay sa pinakamainam sa mga gawaing pang-;harī`ah;
3. makapaghulo ka ng mga kadahilanan ng pagtatangi sa ilan sa mga gawaing pang-Sharī`ah;
4. magsigasig ka sa pagsasagawa ng pinakamainam sa mga gawaing pang-Sharī`ah.
Paghahanda
May isang taong gumaganap ng mga pagsamba subalit siya ay yumurak sa mga dangal ng mga tao. Kapag nagpayo sa kanya ang ilan sa mga kaklase niya, nagsasabi siya sa kanila: "Sasapat na sa akin ang ginaganap ko na mga pagsamba!"
Kaya ano ang opinyon mo sa sabi niya?
Ang Masasaklaw sa mga Ipinag-uutos ng Sharī`ah Sa mga Pagsamba Ang Ṣalāh Ang Zakāh Ang Pag-aayuno Ang Ḥajj Sa mga Pakikitungo Ang Paghahanap ng Pinahihintulutang Hanap-buhay Ang Pangangalaga sa Dangal Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang at ang Paggawa ng Maganda sa mga Tao Ang Pagkamapagkakatiwalaan sa Pagtitinda at Pagbili Ang Kaaya-ayang Salita
Ang Ḥajj
Ang Pag-aayuno
Ang Pinakamahalaga sa mga Utos ng Sharī`ah sa mga Pagsamba
Ang pananampalataya kay Allāh ay ang kauna-unahan at ang pinakamahalaga sa mga kinakailangan sa Muslim, pagkatapos sumusunod matapos nito ang mga pagsambang ito:
1. Ang Ṣalāh. Ito ay ang poste ng Relihiyon at ang ugnayan sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Dahil dito, dumating ang utos ng pagpapanatili nito at pagbibigay-babala laban sa pagwaksi rito sa marami sa mga āyah at mga ḥadīth na pampropeta. Nagsasabi si Allāh: {Magpanatili kayo ng pagdarasal} (Qur'ān 2:43)
2. Ang Zakāh. Nagsasabi si Allāh: {magbigay kayo ng zakāh} (Qur'ān 2:43) Ang zakāh ay isang pagsambang pangyaman, na naisasakatuparan sa pamamagitan nito ang katarungan sa lipunang Muslim para mangibabaw rito ang pag-ibig at ang kapatiran at lumigaya ang mga tao sa Batas ni Allāh.
3. Ang Pag-aayuno. Nagsasabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183) Kaya naman ang pag-aayuno ay nagpaparating sa mananampalataya sa pangingilag magkasala kay Allāh. Ang pangingilag magkasala ay daan ng tagumpay at kaligāyahan sa Mundo at Kabilang-buhay.
4. Ang Ḥajj. Nagsasabi si Allāh: {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal] ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.} (Qur'ān 3:97) Ang ḥajj ay isang paglalakbay tungo sa Makkah Mukarramah para sa pagtugon sa utos ni Allāh at para sa pagsasakatotohanan ng pagkamananamba kay Allāh at kapatawaran ng mga pagkakasala.
5. Ang Pag-uutos ng Nakabubuti at ang pagsaway ng nakasasama. Ito ay pundasyon ng Kalipunang Islāmiko. Nagsabi si Allāh: {Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh.} (Qur'ān 3:110) Ito ay kadahilanan ng pagpapalaganap ng kabutihan at pagpapakaunti ng kasamaan sa lipunang Muslim. Napaloloob dito ang pakikibaka sa landas ni Allāh dahil sa pakikibaka ay may pagsaway sa mga nakasasamang gawain ng kawalang-pananampalataya, shirk, at kawalang-katarungan.
Ang Pinakamahalaga sa mga Utos ng Sharī`ah sa mga Pakikitungo
Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang at ang Paggawa ng Maganda sa mga Tao
Nag-utos si Allāh ng paggawa ng maganda sa mga tao lalo na sa mga may mga karapatan kaya naman nag-obliga Siya ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang, pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak, at paggawa ng maganda sa mga ulila, mga maralita, at mga kapitbahay. Nagsabi si Allāh: {Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang *naging isang* hambog na mayabang.} (Qur'ān 4:36)
2. Ang pagkamapagkakatiwalaan sa Transaksiyon sa mga Ibang Tao
Iyon ay sa pamamagitan ng katapatan sa paglilinaw sa mga ikinatatangi ng paninda at mga kapintasan nito sa sandali ng pagtitinda at pagbili. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tagapagtinda at mamimili: "...kung nagtapat silang dalawa at naghayag silang dalawa, pagpapalain para sa kanilang dalawa ang pagbibilihan nilang dalawa; at kung nagsinungaling silang dalawa at naglihim silang dalawa, pupuksain ang pagpapala sa pagbibilihan nilang dalawa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2079 at Imām Muslim: 1532. Tungkol sa gantimpala niyon sa Kabilang-buhay. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mangangalakal na mapagtapat na mapagkakatiwalaan ay kasama ng mga propeta, mga matapat, at mga martir." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1209. Gayon din sa nalalabi sa mga anyo ng transaksiyon sa mga ibang tao.
3. Ang Paghahanap ng Pinahihintulutang Hanap-buhay
Nag-utos sa atin si Allāh ng paghahanap ng kaaya-aya sa hanap-buhay sapagkat nagsabi Siya: "O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} (Qur'ān 2:172) Nagbigay-babala rin sa atin ang Marangal na Propeta natin laban sa kahihinatnan ng ipinagbabawal na hanap-buhay sapagkat nagsabi siya: "Walang papasok sa Paraiso na isang laman na tumubo mula sa isang bawal. Ang Impiyerno ay higit na marapat sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 614.
4. Ang Kaaya-ayang Salita
Ang salita sa Islām ay may isang dakilang pinatutungkulan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita sa pamamagitan ng salita mula sa kaluguran ni Allāh, habang hindi nag-uukol para rito ng pansin samantalang nag-aangat naman sa kanya si Allāh sa mga antas dahil dito. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2988.
Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."} Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 3839 at Imām At-Tirmidhīy: 1977. Kaya naman ang Muslim ay mapagpigil ng dila na maganda ang pananalita, na nagsisigasig sa nagpapabuti sa mga kaisipan at hindi bumibigkas kundi ng katotohanan.
5. Ang Pag-iingat sa Dila
Ang pag-iingat sa dila ay kabilang sa pinakadakila sa mga pagsamba. Nang nagtagubilin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya), nagsabi siya rito: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo ng kinasasalalayan niyon sa kabuuan niyon?" Nagsabi si Mu`ādh: "Opo, O Propeta ni Allāh." Kaya humawak siya sa dila niya. Nagsabi siya: "Magpigil ka sa iyo nito." Nagsabi si Mu`ādh: "O Propeta ni Allāh, at tunay na kami ay talagang mga sisisihin dahil sa sinalita namin?" Kaya nagsabi siya: "Maulila sa iyo ang ina mo, O Mu`ādh, may magsusubsob ba sa mga tao sa Impiyerno sa mga mukha nila sa mga ilong nila kundi ang mga ani ng mga dila nila?" Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 22016 at Imām At-Tirmidhīy 2616.
Naglalaman iyon din ng pag-iingat sa dila laban sa mga usapan hinggil sa ipinagbawal ni Allāh. Ang pinakamabigat doon ay ang pagsasabi nang walang kaalaman hinggil kay Allāh, gaya ng pagsasabi ng tao kaugnay sa Relihiyon ni Allāh: "Ito ay pinahihintulutan at iyan ay bawal" nang walang kaalaman sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Naglalaman iyon din ng pag-iingat sa dila laban sa panlilibak, paninirang-puri, panunuya, pagsisinungaling, at tulad nito kabilang sa ipinagbawal ni Allāh.
6. Ang Pangangalaga sa mga Dangal
Nag-utos si Allāh ng bawat humahantong sa pangangalaga sa mga dangal sapagkat nag-utos Siya ng pagbababa ng paningin at pag-iingat ng ari [laban sa bawal] sapagkat nagsabi Siya: {Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mag-ingat sila ng mga ari nila.} (Qur'ān 24:30) Nag-utos si Allāh sa mga babaing Muslim ng pagpapakabini at pagbebelo kung paanong nag-utos Siya ng pangangalaga sa dila laban sa pagyurak sa mga dangal at pagtatakip sa mga nagkakamali at nagbigay-babala Siya laban sa pagpapalaganap ng mga usapan ng mga kahalayan. "Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2699.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Hahango ako at magpapakahulugan ako.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh ay tinanong: "Alin po sa mga gawain ang pinakamainam?" Kaya nagsabi siya: "Pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya." Sinabi: "Pagkatapos ano pa po?" Nagsabi siya: "Pakikibaka sa landas ni Allāh." Sinabi: "Pagkatapos ano pa po?" Nagsabi siya: "Ḥajj na tinanggap." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1519 at Imām Muslim: 258).
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 527 at Imām Muslim: 85.
1. Hanguin mo ang pinakamainam sa mga gawain gaya na nasaad sa dalawang ḥadīth.
2. Takdaan mo ang mga gawain na hindi nasaad sa aralin at nasaad naman sa dalawang ḥadīth.
3. Sa pamamagitan ng ano magpapakahulugan ka sa pagpapahalaga ng mga Kasamahan sa pag-alam sa pinakamainam sa mga gawain?
Aktibidad 2: Magpapaabot ako ng isang karanasan.
Magsasanaysay ako sa mga kaklase ko tungkol sa isang taong nakikilala ko, na mapagkakatiwalaan sa pagtitinda niya at pagbili niya, na masigasig sa pinapayagang hanap-buhay. Maglilinaw ako sa kanila kung papaano ang mga katangiang ito naging may pagpapala sa buhay niya.
Aktibidad 3: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
1.Papaano tayong magsasakatotohanan ng pangangalaga sa mga dangal laban sa mga social mass media?
2. Papaano tayong makahahango ng katuturan mula sa mga social mass media sa pagpapalaganap ng kaaya-ayang salita?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Kinakailangan ba ang magsagawa ng ḥajj para sa Muslim na may kakāyahang pampananalapi at pampisikal? (✓)
2. Ang Muslim ay mapagpigil ng dila at hindi bumibigkas ng bastos na salita. (✓)
3. Ang paggawa ng maganda sa mga kapitbahay ay bilang pagpapakainam at pagpapaibig. (X)
4. Ang pagsusuot ng belo ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkapangalaga ng mga dangal. (✓)
5. Nagtanong ang mga Kasamahan tungkol sa pinakamainam sa mga gawain upang magwaksi sila sa mga ito. (X)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang ṣalāh ay pinakamainam sa mga pagsamba at pinakamahalaga sa mga haligi ng Islām matapos ng Dalawang Pagsaksi.
2. Ang kaaya-ayang salita ay isang pintuan para sa pagpasok sa Paraiso mula sa kung saan hindi nalalaman ng nagsasalita nito.
3. Naglantad ang Islām ng isang malaking pagmamalasakit sa pangangalaga sa mga dangal at pagtatakip sa mga Muslim.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Maghambing ka sa pagitan ng kahihinatnan ng ipinahihintulot na hanap-buhay at bawal na hanap-buhay gaya ng nasaad sa aralin.
2. Ang pagbibigay ng zakāh at ang pag-uutos ng nakabubuti ay may malaking papel sa pagbangong ng lipunang Muslim. Talakayin mo ang pahayag.
3. Nag-utos ang Islām ng kagandahan ng pakikitungo sa mga tao lala na sa mga may mga karapatan. Magpaliwanag ka niyon.
Ang Masasaklaw sa mga Sinasaway ng Sharī`ah
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa panganib ng paggawa ng mga sinasaway ng Sharī`ah sa individuwal at lipunan;
2. makapag-ugnay ka sa pagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway ng Sharī`ah at kaayusan ng lipunang Muslim;
3. makapagbigay-halaga ka saloobin ng Islām sa paggagantimpala sa umiiwas sa mga sinasaway ng Sharī`ah;
4. makahango ka ng mga katuturan ng pag-iwas sa mga sinasaway ng Sharī`ah.
Paghahanda
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mangilag ka sa mga bawal, magiging pinakapalasamba ka sa mga tao." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 2305 at Imām Ibnu Mājah 4217.
Ano ang tinutukoy ng pangingilag sa mga bawal?
Ano ang kahulugan na ipinahihiwatig ng marangal na ḥadīth?
Ang Masasaklaw sa mga Sinasaway ng Sharī`ah
Ang Patubo
Ang Pagpatay sa Sarili o sa Ibang Tao
Ang Pangangalunya
Ang Pagnanakaw
Ang Paninirang-Puri sa mga Nakapag-asawa
Ang Pagsaksi sa Kabulaanan
Ang Pag-inom ng Alak
Ang Pagsusugal
Ang Panunumpang Mapagpalublob
Ang Pangangamkam ng mga Yaman ng mga Tao Ayon sa Kabulaanan
Sumaway si Allāh sa mga lingkod Niya laban sa bawat kasamaan at katiwalian na dadapo sa Relihiyon o sarili o dangal o isip o yaman. Dahil doon, nagbawal si Allāh ng mga sumusunod na gawain:
1. Ang Pagpatay sa Sarili o sa Ibang Tao. Kaya naman ang pagpapakamatay at ang pagpatay ng Muslim nang walang anumang karapatan ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan. Nagsasabi si Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.} (Qur'ān 4:29) Nagsabi rin Siya: {at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan."} (Qur'ān 6:151)
2. Ang pangangalunya. Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan dahil sa dulot nito na mga masagwang epekto, tulad ng pagkakahalu-halo ng mga kaangkanan at paglaganap ng mahalay. Dahil dito, nagbigay-babala si Allāh laban sa alinmang gawain naglalapit sa atin sa pangangalunya sapagkat nagsabi Siya: {Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging mahalay at sumagwa bilang landas.} (Qur'ān 17:32)
3. Ang Paninirang-Puri sa mga Nakapag-asawa. Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan. Nangangahulugan ito na magparatang ang tao sa isang babae o isang lalaki ng pangangalunya nang hindi napagtitibay ang gawaing ito ng pag-amin nilang dalawa o ng pagkasaksi ng apat na lalaking Muslim doon. Nagsasabi si Allāh: {Tunay na ang nagpaparatang sa mga nakapag-asawang nalilingat na babaing mananampalataya ay isinumpa sa Mundo at Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat,} (Qur'ān 24:23)
4. Ang Pagnanakaw. Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan sapagkat ito ay nagkakait sa mga tao ng bunga ng mga pagpupunyagi nila at nangangagaw sa lipunan ng biyaya ng katiwasayan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nang nagnanakaw ang tao, hindi siya nagnanakaw habang siya ay mananampalataya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6809 at Imām Muslim: 57.
5. Ang Pag-inom ng mga Nakalalasing. Ito ay ina ng malalaking kasalanan dahil ito ay nagbubukas ng pinto para sa nalalabi sa malalaking kasalanan. Nagpaigting nga ang Islām sa banta laban sa gawaing ito sapagkat nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat nakalalasing ay bawal. Tunay na kay Allāh ay may isang pangako sa sinumang umiinom ng nakalalasing na magpainom Siya rito mula sa Putik ng Kabulukan." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang Putik ng Kabulukan?" Nagsabi siya: "Ang pawis ng mga maninirahan sa Impiyerno o ang katas ng mga maninirahan sa Impiyerno." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2002.
6. Ang Pagsaksi sa Kabulaanan. Ito ay ang pagbigkas o ang pag-ayon sa kabulaanan sa pagsasaksi sa harap ng hukuman at tulad niyon. Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan dahil sa inireresulta sa mga ito na paglabag sa mga karapatan ng mga tao at kawalang-katarungan sa kanila. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamalaki sa malalaking kasalanan ay ang pagpapatambal kay Allāh, ang pagkasuwail sa mga magulang, at ang pagsaksi sa kabulaanan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6919 at Imām Muslim: 87.
7. Ang Panunumpang Mapagpalublob. Ito ay ang panunumpa na sumasalungat dito ang nanunumpa sa reyalidad habang siya nakaaalam na siya ay nagsisinungaling kaya maglulublob ito sa kanya sa Impiyerno. May dumating na isang Arabeng-disyerto sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang malalaking kasalanan?" Kaya ibinilang niya mula sa mga ito: "Ang panunumpang mapagpalublob." Nagsabi ito: "Ano ang panunumpang mapagpalublob?" Nagsabi siya: "Ang nangangagaw ng ari-arian ng taong Muslim habang siya rito ay nagsisinungaling." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6920.
8. Ang Pagsusugal o ang Pagpusta. Ito ay ang tagisan at ang pakikipagsapalaran sa pagkita ng salapi sa pamamagitan ng suwerte gaya ng paglalaro ng baraha, mga pagtaya sa loterya, at ilan sa mga pakikipagpaligsahang pantelebisyon na humihiling sa mga manunuod ng pagbabayad ng isang parte ng salapi kapalit ng pagkapanalo ng premyo sa pamamagitan ng pasapalarang pagbunot. Itinuring nga ito ni Allāh bilang kasalaulaan at itinuring Niya na ang pag-iwas dito bilang landas ng tagumpay. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 5:90)
9. Ang Patubo. Ito ay ang pagkuha ng karagdagan sa mga pautang. Ito ay kabilang sa pinakamatindi sa malalaking kasalanan na nagbigay-babala si Allāh laban dito sapagkat nagpahayag si Allāh ng digmaan sa mga usurero kapag hindi sila nagbalik-loob. Nagsabi si Allāh: {278. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya. 279. Ngunit kung hindi ninyo ginawa, tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan.} (Qur'ān 2:278-279)
10. Ang Paggamit sa mga Yaman ng mga Tao A {O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo sa kawalang-kabuluhan,} (Qur'ān 4:29) Ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga pakikitungong ipinagbabawal. Kabilang doon:
A. Ang pandaraya sa pagtitinda at pagbili, tulad ng pagtatago ng mga kapintasan ng paninda o pagsisinungaling sa paglilinaw sa mga ikinatatangi nito o sa preso nito. Nagpawalang-kaugnayan nga ang Sugo sa sinumang nandaraya sa mga tao sapagkat nagsabi siya sa isang tinderong nandaraya sa pagtitinda nito: "Ang sinumang nandaya ay hindi kabilang sa akin." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 102.
B. Ang Panlalalang. Ito ay ang pagtitinda ng isang panindang di-nalalaman ang pagkakalarawan. Nasaad sa ḥadīth: {Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtitinda ng panlalalang.} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1513. Kabilang sa mga halimbawa nito: ang pagtitinda ng isda habang nasa tubig pa o ang pagtitinda ng hayop bago maipanganak ito. Sa pagbabatas na ito ay may pangangalaga sa mga karapatan ng mga tao nang sa gayon hindi lumaganap ang mga tiwaling kasunduang ito sa loob ng lipunang Muslim.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magmumungkahi ako ng mga kaparaanang pampag-aanyaya sa Islām.
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat nakalalasing ay bawal." Hindi nalilimitahan ang mga nakalalasing sa pag-inom ng mga alak lamang; bagkus mayroong mga iba pang bagay na nakalalasing. Sa napaloloob doon:
1. Ano ang mga bagay nakalalasing at nakalalangong lumaganap sa lipunan mo na naipatutupad sa mga ito ang ḥadīth na ito?
2. Ano ang mga kaparaanang pampag-aanyaya sa Islām na naririyan para sa pagharap sa mga nakalalasing at mga nakalalangong iyon? Makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo kaugnay roon.
Aktibidad 2: Hahango ako at magpapakahulugan ako.
Nagsabi si Allāh: {31. Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng takot sa isang paghihikahos. Kami ay magtutustos sa kanila at sa inyo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang pagkakamaling malaki. 32. Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging mahalay at sumagwa bilang landas. 33. Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh [na patayin] malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan ay nagtalaga Kami sa katangkilik niya ng isang kapamahalaan, ngunit huwag siyang magpakalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya. 34. Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpatupad kayo sa kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan. 35. Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas.} (Qur'ān 17:31-35) Hanguin mo ang mga ipinag-uutos at ang mga sinasaway mula sa mga āyah sa sumusunod na talahanayan:
Ang mga Ipinag-uutos
Ang Pagtupad sa Pangako
Ang Pagpapalubos sa Takal at ang Pagtitimbang Ayon sa Pagkamakatarungan
Ang Paghihintay sa Ulila Hanggang sa Tumuntong sa Edad Upang Mangasiwa sa Yaman Niya
Ang mga Sinasaway
Ang Pagpatay sa Anak Dala ng Karalitaan
Ang Pagpatay
Ang Pagkontra sa Mag-anak ng Pumatay o Lipi Niya
Ang Bawat Humahantong sa Gawain ng pangangalunya
Ang Paggamit sa Yaman ng Ulila
Aktibidad 3: Maghuhulo ako at aasa ako.
Maghulo ka ng mga pinahahalagahan (value) at mga katuturan na naghahari sa lipunan dahil sa pag-iwas sa sumusunod na sinasaway:
Ang Pagsaway
Ang pangangalunya at ang Paninirang-puri
Ang Pag-inom ng mga Alak at ang Paggamit ng mga Nakalalango
Ang Pagsaksi sa Kabulaanan
Ang Pandaraya sa mga Pagtitinda
Ang mga Pinahahalagahan at ang mga Katuturan
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ipinagbawal ng Islām ang mga nakalalango kung paanong ipinagbawal nito ang mga alak. (✓)
2. Nagbanta si Allāh ng digmaan sa tagasaksi sa kabulaanan. (X)
3. Ang pagpusta at ang pandaraya ay kabilang sa paggamit ng mga yaman sa kawalang-kabuluhan. (✓)
4. Pinapayagan ang patubo at ang panlalalang ayon sa pagkalugod ng dalawang panig sa kalakalan. (X)
5. Ang pagbabawal sa paninirang-puri ay nangangalaga sa mga dangal ng mga babaing Muslim. (✓)
PANUTO 2: Hanguin mo mula sa aralin ang mga ipinagbabawal na ginagawa ng dila at ang mga ipinagbabawal na nauugnay sa yaman:
Ang mga Ipinagbabawal na Ginagawa ng Dila
Ang mga Ipinagbabawal na Nauugnay sa Yaman
PANUTO 3: Ano ang mga masagwang epekto sa lipunang Muslim ng bawat isa:
(ang pangangalunya - ang pagsaksi sa kabulaanan - ang pag-inom ng alak)
PANUTO 4: Magsulat ka ng isang patunay sa pagbabawal sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Pagpatay sa Sarili.
2. Ang Panunumpang Mapagpalublob
3. Ang Pagsusugal
Ang Ikalimang Yunit: Ang mga Kaasalan at ang mga Etiketa
Ang Kagandahan ng Kaasalan
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa kahulugan ng kagandahan ng kaasalan;
2. makapagbigay-halaga ka sa kagandahan ng kaasalan;
3. makapag-isa-isa ka sa mga aspeto ng kagandahan ng kaasalan;
4. makapag-ugnay ka sa pagitan ng kagandahan ng kaasalan at ng pananampalataya;
5. makapaghulo ka sa epekto ng kagandahan ng kaasalan sa individuwal at lipunan.
Paghahanda
Ang Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang tinutularan at ang pinakamataas na halimbawa sa kagandahan ng kaasalan. Nagsasabi si Allāh sa kanya: {Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.} (Qur'ān 68:4)
Ang Kagandahan ng Kaasalan Ang Kahulugan ng Kagandahan ng Kaasalan Ang Katayuan ng Kagandahan ng Kaasalan Ang Pananampalataya at ang Kagandahan ng Kaasalan Ang mga Aspeto ng Kagandahan ng Kaasalan
Ang Epekto ng Kagandahan ng Kaasalan sa Individuwal at Lipunan
Ang Kahulugan ng Kagandahan ng Kaasalan
Ang kagandahan ng kaasalan ay ang pagpigil ng perhuwisyo sa mga tao, ang kadalisayan ng puso sa pagkamuhi sa kanila, at ang pagkakaloob ng nakabubuti para sa kanila.
Nag-utos nga sa atin ang Islām ng kagandahan ng kaasalan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang masagwang gawa ng magandang gawang papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan. Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1987.
Ang Katayuan ng Kagandahan ng Kaasalan sa Islām
Ang mga kaasalan ay may dakilang katayuan sa Islām. Kabilang doon ang sumusunod:
1. Ang mga ito ay kabilang sa mga pinapakay ng pagpapadala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 8952.
2. Ang may magandang kaasalan ay kabilang sa pinakamainam sa mga tao sa ganang kay Allāh. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mabubuti sa inyo ay ang pinakamagaganda sa inyo sa mga kaasalan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6035 at Imām Muslim: 2321.
3. Ang kagandahan ng kaasalan ay may dakilang pabuya sa Araw ng Pagbangon. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4799 at Imām At-Tirmidhīy: 2002.
4. Ang may magandang kaasalan ay kabilang sa pinakakaibig-ibig sa mga tao para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3559 at Imām Muslim: 2321. Sa Paraiso, ang may magandang kaasalan ay magiging malapit sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsasabi siya: "Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang pinakamagaganda sa inyo sa mga kaasalan." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2018.
Ang Pananampalataya at ang Kagandahan ng Kaasalan
Hindi naisasakatuparan ang pananampalataya malibang may kagandahan ng kaasalan sa mga tao at pagkaibig ng kabutihan para sa kanila. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa umibig siya para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 13 at Imām Muslim: 45.
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kagandahan ng kaasalan ay kabilang sa mga kinakailangan ng pananampalataya sapagkat nagsabi siya: "ِAng sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, huwag siyang manakit sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, magparangal siya sa panauhin niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, magsabi siya ng mabuti o manahimik siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6018 at Imām Muslim: 47.
Naisasakatuparan ang kalubusan ng pananampalataya sa papamagitan ng kalubusan ng kaasalan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4682 at Imām At-Tirmidhīy: 1162.
Ang mga Aspeto ng Kagandahan ng Kaasalan
1. Ang Pagpigil ng Perhuwisyo.
Ito ay pinakamahalagang kinakailangan sa Muslim para sa mga kapatid niya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 10 at Imām Muslim: 40
2. Ang Kadalisayan ng Puso.
Ang sinumang dumalisay ang puso para sa mga kapatid niyang Muslim, nagpahusay siya ng pakikitungo sa kanila. Dahil doon, sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa anumang gumugulo sa pag-ibig at kadalisayan ng puso sa pagitan ng mga Muslim sapagkat nagsabi siya: "Huwag kayong magmuhian, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at maging magkakapatid kayo, mga lingkod ni Allāh." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6065 at Imām Muslim: 2559.
3. Ang Pag-iwas sa mga Katangian ng Pagpapaimbabaw.
Ang kagandahan ng kaasalan ay nag-oobliga sa Muslim ng katapatan, pagkamapagkakatiwalaan, paglubos sa kasunduan, at pagsasabi ng totoo kung naganap ang alitan, at na hindi siya masadlak sa mga katangian ng mapagpaimbabaw, na nagbigay-babala sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa mga ito: "Kapag nangusap siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtataksil siya; kapag nangako siya, sumisira siya; at kapag nakipag-alitan siya, nagmamasamang-loob siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 34 at Imām Muslim: 8758)
4. Ang Galak ng Mukha at ang Pagkamasayahin
Ito ay ang pinakakaunting maipagkakaloob ng Muslim sa mga kapatid niya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmaliit ng anuman sa nakabubuti, kahit pa man sumalubong ka sa kapatid mo nang may mukhang maaliwalas." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2626.
Sa kabila na ito ay isang madaling gawain, subalit ang pag-epekto nito ay maliit. Nagsasabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kayo ay hindi makapagpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, subalit magpasaya sa kanila ang galak ng mukha at ang kagandahan ng kaasalan." Nagsalaysay nito si Imām Al-Ḥākim: 428.
5. Ang Kabaitan at ang Kabanayaran ng Pananalita
Tunay na si Allāh ay nakaiibig sa kabitan at nagdaragdag ng gantimpala rito. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay mabait na nakaiibig sa kabaitan at nagbibigay dahil sa kabaitan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6927 at Imām Muslim: 2593.
Ang kabanayaran ng pananalita ay kabilang sa mga pundasyon ng kaasalan. Dahil doon, nagsabi si Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ang kagandahan ng kaasalan ay isang bagay na magaan: isang mukhang masayahin at isang pananalitang banayad." Ang mga tao ay umiibig at nawiwili sa may malambot na pananalita at mahinahong kalooban.
6. Ang Kagalantehan at ang Pagkakaloob ng Nakabubuti.
Ito ay lalo sa mga maralita at mga nangangailangan at ang pagpaparangal sa mga panauhin gaya ng ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao sa kabutihan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308. Nagsabi si `Abullān bin Al-Mubārak (kaawaan siya ni Allāh) tungkol sa kagandahan ng kaasalan: "Ito ay ang galak ng mukha, ang pagkakaloob ng nakabubuti, at ang pagpipigil ng perhuwisyo."
7. Ang Katarungan sa Pagsasabi at Paghahatol
Kaya naman ang Muslim ay hindi nagsasabi ng kabulaanan at hindi lumalabag sa katarungan kapag humatol siya sa mga tao sapagkat ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga makatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag: ang mga nagpapakamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1827.
Ang Epekto ng Kagandahan ng Kaasalan sa Individuwal at Lipunan
Nagtatamasa ang may magandang kaasalan ng pag-ibig ng mga tao at paggalang nila kaya tumatanggap sila ng pananalita niya, payo niya, at paanyaya niya sa kanila para sa kabutihan dahil siya, sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya, ay naging isang tinutularan para sa kanila.
Ang kagandahan ng kaasalan ay may mga kaaya-ayang epekto sa lipunan yayamang lumalaganap ang pag-ibig at ang pagkapalagayang-loob sa pagitan ng mga individuwal nito at nangingibabaw sa kanila ang paggalang at ang katarungan sa mga ugnayan sa pagitan ng mga tao.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasagawa ako ng pagtatasa at hahango ako ng patunay.
1. Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na senaryo mula sa pinakahigit sa pagkatama hanggang sa pinakakaunti sa pagkatama.
Ang Senaryo
Ang Pagkasunud-sunod Nito
Isang Muslim na gumugugol sa mga ulila subalit siya ay namamalo sa kanila dahil sa pag-aangkin ng pagdisiplina sa kanila.
Isang Muslim na hindi nagmamay-ari ng panggugol sa mga ulila subalit siya ay nangangalaga sa kanila at tumutugon sa pangangailangan nila.
Isang Muslim na gumugugol sa mga ulila, gumagawa ng maganda sa kanila, at nag-aalaga sa kanila.
Isang Muslim na hindi nagmamay-ari ng panggugol sa mga ulila subalit siya ay maawain sa kanila at banayad ang pananalita sa kanila.
2. Sa pagpapatulong sa tagapagturo mo, humango ka ng patunay sa katumpakan ng bawat senaryo sa pagkasunud-sunod nito sa pamamagitan ng mga patunay mula sa Marangal na Qur'ān o Pampropetang Sunnah.
Aktibidad 2: Aasa ako sa isang lunas.
Makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa paglilinaw sa epekto ng mga sumusunod na kaasalan sa paglunas sa mga suliraning panlipunan.
Ang Pagkamasayahin ng Mukha
Ang Kawanggawa at ang Regalo
Ang Pagpapaumanhin at ang Pagpaparaya
Ang Pagsasabi ng Salita ng Katotohanan
Ang Kagandahan ng Pakikipagkapitbahay
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Magulat ka ng "Sang-ayon" o "Hindi Sang-ayon" sa harapan ng bawat pararila mula sa sumusunod.
1. Ang kagandahan ng kaasalan ay may mga antas, na ang una sa mga ito ay ang pagwaksi sa pamemerhuwisyo sa pamamagitan ng kamay o dila. "Sang-ayon"
2. Ang may mga pinapupurihang kaasalan ay hindi nagpapakinang kundi sa sarili niya at pamilya niya. "Hindi Sang-ayon"
3. Ang pagngiti ay may kabutihang-loob na panrelihiyon at epektong panlipunang kaaya-aya. "Sang-ayon"
4. Natatangi ang kagandahan ng kaasalan sa pakikitungo sa mga Muslim hindi sa iba pa sa kanila. "Hindi Sang-ayon"
5. Ang kabanayaran ng pananalita ay nagpapatunay sa kahinaan ng personalidad at pangamba sa mga tao. "Hindi Sang-ayon"
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang may magandang kaasalan ay kaibig-ibig para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Mundo at Kabilang-buhay.
2. Ang kalubusan ng pananampalataya ay nauugnay sa kalubusan ng mga kaasalan.
3. Ang mga katangian ng pagpapaimbabaw ay sumasalungat sa kagandahan ng kaasalan.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng tinutukoy ng kagandahan ng kaasalan. Magsulat ka ng isang patunay mula sa mga patunay nito.
2. Mag-isa-isa ka sa lima sa mga aspeto ng kagandahan ng kaasalan sa pakikitungo sa mga tao.
3. Ang kagandahan ng kaasalan ay nagtutulak sa Muslim na maging mapagkakatiwalaan sa gawain niya at pangangalakal niya. Magpaliwanag ka niyon.
4. Magpahayag ka sa hindi lalabis sa tatlong linya tungkol sa papel ng mga kaasalan sa pagtatayo ng lipunang Muslim.
Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-halaga ka sa karapatan ng mga magulang;
2. makapag-isa-isa ka sa mga karapatan ng mga magulang sa Islām;
3. makapaghulo ka sa epekto ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang sa Mundo at Kabilang-buhay;
4. makapaghangad ka ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang sa mga saloobin ng buhay mo;
5. makapagpaliwanag ka ng kahihinatnan ng pagkasuwail sa mga magulang sa Mundo at Kabilang-buhay.
Paghahanda
Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang ay isang kinakailangan pangkaasalan at pantao, na nagpapahiwatig nito ang matinong naturalesa bago nag-utos sa atin nito ang Sharī`ah.
Magpahayag ka tungkol sa pagbibigay-halaga mo sa mga magulang mo sa iisang pararila at ipadala mo ito sa kanila sa isang text message.
Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang Ang mga Antas ng Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang Ang mga Karapatan ng mga Magulang sa Islām Ang Kahihinatnan ng pagkasuwail sa mga Magulang
Ang Katayuan ng Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang
Gumawa ang Islām para sa mga magulang ng isang dakilang katayuan. Iniugnay nito ng paggawa ng maganda sa kanila sa pagsamba kay Allāh dahil sa taglay nila na dakilang kabutihang-loob at dahil sa taglay ng pagsasamabuting-loob sa kanila na masaganang gantimpala. Nagsasabi si Allāh: {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal.} (Qur'ān17:23)
Nagtagubilin nga si Allāh ng paggawa sa mga magulang ng kabutihan. Binanggit ng Marangal na Qur'ān ang pagpapasalamat sa mga magulang sa nakabubuting gawa nila matapos ng pagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya. Nagsasabi si Allāh: {Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: "Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan.} (Qur'ān 31:14)
Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawa sa Islām. Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 527 at Imām Muslim: 85.
Ang mga Karapatan ng mga Magulang sa Islām
Ang mga karapatan ng mga magulang ay ang pinakamahalaga at ang kauna-unahan sa mga karapatan ng mga tao para sa Muslim. Kabilang sa mga karapatang iyon:
1. Ang pagtalima sa mga magulang sapagkat ang pagtalima sa kanila ay bahagi ng pagtalima kay Allāh, malibang kapag ang pagtalima sa kanila ay may pagsuway kay Allāh;
2. Ang pagwaksi sa anumang nagpapagalit sa mga magulang sapagkat ipinagbabawal ang paggawa ng alinmang bagay na mamemerhuwisyo sa mga magulang o magiging isang kadahilanan ng pagkagalit nila;
3. Ang paggugol sa mga magulang sapagkat ito ay tungkulin kung sila ay mga maralita at itinuturing na kaibig-ibig kung sila naman ay mga mayaman sapagkat tunay na ito ay napaloloob sa sabi ni Allāh: {Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti.} (Qur'ān 31:15)
4. Ang paggawa ng maganda sa mga magulang. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkaawa sa kanila, pagpapakaaba para sa kanila, pagpapakumbaba sa kanila, pakikisama sa kanila, pakikinig sa pakikipag-usap nila, pagpapasok ng galak sa kanila, pananatili sa kagandahang asal sa kanila, pag-iwas sa hindi naaangkop na salita at gawa sa kanila, at pagsuyo sa kanila sa bawat kalagayan.
5. Ang pagkandili sa mga magulang sa sandali ng katandaan. Iyon ay pamamagitan ng kagandahan ng pangangalagang pangkalusugan at iba pa, dagdag na pagkagiliw at pagmamahal sa pamamagitan ng pagwaksi sa paninisi o pagkayamot sa alinmang pagkakamali mula sa kanila, at hindi pagkahuli sa paglilingkod sa kanila. Nagsabi si Allāh: {23. Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal. 24. Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba *dahil sa pagkaawa at magsabi ka: "Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako]."} (Qur'ān 17:23-24)
6. Ang Pagbibigay-halaga sa karapatan ng ina. Iyon ay batay sa sabi ng Propeta sa nagtanong sa kanya: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa kagandahan ng pakisama?" Nagsabi siya: "Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay sa ama mo, pagkatapos ay ang pinakamalapit sa iyo, ang pinakamalapit sa iyo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5971 at Imām Muslim: 2548).
7. Ang pagsasagawa ng mga obligasyon sa kanila matapos ng kamatayan. Iyon ay sa pamamagitan ng pagdalangin para sa kanila, pagpapatupad ng pangako nila, pagbabayad ng mga utang nila, pagmamahal sa mga kaibigan nila, at pangangalaga sa pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak na kinauugnayan sa pamamagitan nila.
Ang Kahihinatnan ng Pagkasuwail sa mga Magulang
Ang pagkasuwail sa mga magulang ay ang pagmaltraro sa kanila o pamemerhuwisyo sa kanila o pagwaksi sa pagtalima sa kanila. Ito ay kabilang sa pinakamatindi sa mga ipinagbabawal at pinakamalaki sa malalaking kasalanan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan? Ang pagtatambal kay Allāh at ang pagkasuwail sa mga magulang." Siya ay nakasandal saka umupo saka nagsabi: "Pakatandaan, at ang pagsasabi ng kabulaanan at ang pagsaksi sa kabulaanan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5976 at Imām Muslim: 87.
Magpaparusa si Allāh sa suwail sa magulang sa Mundo dahil siya ay makakikita mula sa mga anak niya ng pagkasuwail bago siya makakita ng pagdurusa sa Kabilang-buhay. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang pagkakasalang higit na marapat na madaliin ni Allāh para tagagawa nito ang kaparusahan sa Mundo – kasama ng iniimbak para sa kanya sa Kabilang-buhay – kaysa sa tulad ng paglabag at pagputol sa ugnayang pangkaanak." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4902 at Imām At-Tirmidhīy: 2511.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako sa pag-aaral.
Nagsabi si Allāh: {huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pagkasuya} (Qur'ān 17:23) Makilahok ka sa mga kaklase mo sa pagbanggit ng mga sinasabi at mga ginagawa na nagmumukhang maliit na bagay subalit ang mga ito ay nakagagawa ng masagwa sa mga magulang at nagpapalungkot sa kanila, at hindi naman naiiwasan ng mga anak sa karaniwan.
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako.
Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Kung nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng sinumang nagsisising nanumbalik tungo sa Akin. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa."} (Qur'ān 31:15) Sa pamamagitan ng pagkaintindi mo sa marangal na āyah, Magpaliwanag ka ng saloobin ng Muslim sa ama niya na nag-aanyaya sa kanya sa pagsuway.
Aktibidad 3: Maghuhulo ako.
1. Maghambing ka sa pagitan ng ibinanta ni Allāh sa Mundo sa suwail at ng ibinanta Niya sa Kabilang-buhay. Asahan mo ang gantimpala na maidudulot sa anak nagsasamabuting-loob sa mga magulang niya.
2. Sa pagpapatulong sa tagapagturo mo, humango ka ng patunay sa katumpakan ng hinulo mo sa pamamagitan ng mga patunay mula sa Marangal na Qur'ān o Pampropetang Sunnah.
Aktibidad 4: Magpapalalim ako ng pagkakaalam ko.
May nagdaraan sa tao na maraming kuwento at senaryo ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang o pagkasuwail sa kanila. Maglahad ka ng isa sa mga kuwentong iyon sa tagapagturo mo at mga kaklase mo.
Aktibidad 5: Magpapahayag ako.
Ang pagdalangin sa mga magulang ay kabilang sa mga aspeto ng paggawa ng maganda sa kanila, kaya ano ang panalanging ipinandadalangin mo kay Allāh para sa kanila.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagkasuwail ay sumasaklaw sa bawat nakagagawa ng masagwa sa mga magulang. (✓)
2. Nauugnay ang mga karapatan ng mga magulang sa buhay nila hindi sa kamatayan nila. (X)
3. Lumilitaw ang epekto ng pagkasuwail sa mga magulang sa Mundo. (✓)
4. Itinuturing na kaibig-ibig ang paggugol sa mga maralitang magulang. (X)
5. Nadaragdagan ang karapatan ng mga magulang at ang pagsasamabuting-loob sa kanila sa panahon ng katandaan nila. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagpapasalamat sa mga magulang ay bahagi ng pagpapasalamat kay Allāh.
2. Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain sa Islām.
3. Ang pagkasuwail sa mga magulang ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Mag-isa-isa ka sa lima sa mga karapatan ng mga magulang.
2. Papaanong magsasakatotohanan ang Muslim sa paggawa ng maganda sa mga magulang.
3. Magbigay-linaw ka sa saloobin ng Muslim kapag nag-utos sa kanya ang isa sa mga magulang niya ng paggawa ng pagsuway [kay Allāh] o ng pagwaksi sa isang kinakailangang pagtalima.
4. Magsulat ka ng limang linya, na naglalarawan sa pamamagitan ng mga ito ng kainaman ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang at ng epekto nito sa individuwal at lipunan.
3. Ang Pagpapanatili ng Ugnayang Pangkaanak
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-pakahulugan ka sa konsepto ng pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak;
2. makapag-isa-isa ka sa mga karapatan ng mga may mga ugnayang pangkaanak;
3. makahango ka ng patunay sa katayuan ng pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak sa Islām;
4. makapaghulo ka ng papel ng pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak sa pagtatayo ng lipunan;
5. makapagbigay-halaga ka ng sigasig ng Islām sa pagpapanatili ng ugnayan sa mga kaanak.
Paghahanda
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng ugnayan sa mga kaanak ninyo?} (Qur'ān 47:22)
Magbulay-bulay ka sa kasanhian ng pagsasama ng pagputol ng ugnayan mga kaanak at panggugulo sa lupa.
Ano ang mahahangong katuturan mula roon?
Ang Pagpapanatili ng Ugnayan sa Kaanak Ang Kahulugan ng Pagpapanatili ng Ugnayan sa Pangkaanak Ang Katayuan ng mga Kaanak
Ang mga Karapatan ng mga Ugnayang Pangkaanak
Ang Kahulugan ng Pagpapanatili ng Ugnayang Pangkaanak
Ang mga kaanak ay ang mga kamag-anak ng tao mula sa panig ng ama niya at ina niya. Kaya sumasaklaw iyon sa mga lolo, mga lola, mga lalaking kapatid, mga babaing kapatid, at mga anak nila, pagkatapos mga tiyuhin sa ama, mga tiyahin sa ama, mga tiyuhin sa ina, at mga tiyahin sa ina, pagkatapos mga anak nila.
Ang kahulugan ng pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak ay ang paggawa ng maganda sa mga kamag-anak sa salita at gawa. Bahagi niyon ang pagdalaw sa kanila, pagsiyasat sa mga kalagayan nila, pagtatanong tungkol sa kanila, pag-alalay sa nangangailangan sa kanila, at pagsusumikap sa pagtugon sa mga kapakanan nila.
Ang Katayuan ng Pagpapanatili ng Ugnayang Pangkaanak
Nagbigay-diin ang Marangal na Qur'ān sa katayuan ng ugnayang pangkaanak yayamang nagsama ito sa pangingilag magkasala kay Allāh at pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at na ang mga tao ay tatanungin tungkol sa pagpapanatili ng ugnayan nila kay Allāh at tungkol sa pagpapanatili ng ugnayan nila sa mga kaanak nila. Nagsasabi si Allāh: {Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga kaanak. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.} (Qur'ān 4:1)
Sa ḥadīth naman: "Ang ugnayan sa kaanak ay nakabitin sa Trono. Magsasabi ito: Ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa akin ay magpapanatili ng ugnayan sa kanya si Allāh at ang sinumang pumutol ng ugnayan sa akin ay puputol ng ugnayan sa kanya si Allāh." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5989 at Imām Muslim: 2555. Ibig sabihin: Puputulin ni Allāh sa kanya ang kabutihan at ang gantimpala.
Nagdugtong Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagitan ng pananampalataya at pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak sapagkat nagsabi siya: "Ang sinumang Sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6138.
Nangako ang Propeta sa tagapagpanatili ng ugnayan sa kaanak ng kaligāyahan sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat nagsabi siya: "Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya, antalaan para sa kanya sa taning niya, at pagpalain sa edad niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5986 at Imām Muslim: 2557.
Ang mga Karapatan ng mga Kaanak
Sumusunod ang mga karapatan ng mga kamag-anak matapos ng karapatan ng mga magulang sa antas. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga karapatan nila:
1. Ang pagpapamalagi ng kaaya-ayang pakikitungo at ang pinakakaunti roon ay ang paghadlang ng perhuwisyo sa kanila, pagkatapos ang kagandahan ng pakikitungo, at ang pagkakaloob ng nakabubuti sapagkat sila ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa iba pa sa kanila. Nagsasabi si Allāh: {Ang mga may mga ugnayang pangkaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] sa atas ni Allāh.} (Qur'ān 8:75)
2. Ang pag-uuna sa kanila higit sa iba pa sa kanila sa paggawa ng maganda. Nagsasabi si Allāh: {Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang naging isang hambog na mayabang.} (Qur'ān 4:36)
3. Ang pag-uuna sa kanila higit sa iba pa sa kanila sa kawanggawa sapagkat tunay na ang gantimpala nito ay pinag-iibayo. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang kawanggawa sa dukha ay isang kawanggawa at sa may pagkakaanak ay dalawa: isang kawanggawa at isang pakikiugnay." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 658 at Imām An-Nasā'īy: 2582.
4. Ang pagdalaw sa kanila at ang pagsiyasat sa mga kalagayan nila kahit pa hindi sila gumawa niyon. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang gumaganti [lamang], bagkus ang [tunay na] nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 5991.
5. Ang pagsasaayos sa pagitan ng mga kamag-anak kung may naganap sa pagitan nila na isang salungatan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-aayos sa may namagitang alitan." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4919 at Imām At-Tirmidhīy: 2509.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako at magsasaliksik ako.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay may kamag-anakan na nagpapanatili ako ng ugnayan sa kanila samantalang pumuputol naman sila ng ugnayan sa akin, gumagawa ako ng maganda sa kanila samantalang gumagawa naman sila ng masagwa sa akin, at nagpapakabanayad ako sa kanila samantalang nagpapakagaspang naman sila sa akin." Kaya nagsabi siya: "Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang isinusubo mo sa kanila ang mall.[9] Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2558. () Para bang ipinakakain mo sa kanila ang mainit na abo.
1. Lumulunas ang ḥadīth na ito sa isang kadahilanang ipinangangatwiran ng marami sa mga tao sa kawalan ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kaanak nila, kaya ano ito?
2. Magsaliksik ka sa mga ḥadīth na dumaan sa iyon sa aralin buhat sa isang tekstong malapit sa ḥadīth na ito sa kahulugan.
Aktibidad 2: Magbabasa ako at aasa ako.
Sa isa sa mga baranggay, dumarami ang mga pagbabangayan sa loob ng isa sa mga pinakamalaking pamilya dahil sa pagtatalo sa mga materyal na bagay-bagay hanggang sa nakipagputulan ng ugnayan ang mga individuwal sa isa't isa sa kanila at hindi na nag-uugnayan ang mga magkamag-anak sa isa isa't sa kanila.
1. Ano ang epekto ng mga salungatan sa mga pakiramdam ng mga miyembro ng iisang pamilya tungo sa iba sa kanila?
2. Papaano tumitingin ang mga mamamayan ng baranggay sa pamilyang iyon?
4. Makilahok ka sa mga kaklase mo sa pagmungkahi ng mga kaparaanan ng paglutas sa mga salungatan sa gitna nila.
Aktibidad 3: Magtutumpak ako ng ruta.
Sa pamamagitan ng sumusunod na talahanayan, maghambing ka sa pagitan ng kasalukuyang kalagayan mo kasama ng ilan sa mga kaanak mo, kasama ng paglilinaw sa pinaplano mo:
Kamag-anakan
Ang Ina
Ang Ama
_____
_____
_____
Pagkukulang na isinagawa mo
_____
_____
_____
Kaparaanan ng pagsasatumpak dito
_____
_____
Pagdadahilan
Pagtanggap ng Paanyaya
Regalo
Pagtugon sa Pangangailangan
Tipanan ng Darating Ugnayan
_____
_____
Sa Pamamagitan ng
_____
Pakikipag-usap sa Telepono
Pakikipagkita sa Isang Okasyong Panlipunan
Pagdalaw sa Tahanan
Pakikipagkita sa Isang Pampublikong Lugar
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Sumusunod ang katayuan ng karapatan ng mga kaanak matapos ng karapatan ng:
(mga kapitbahay - mga magulang - mga maybahay).
2. Ang pinakakaunti sa maipagkakaloob mo sa mga kamag-anak mo ay:
(ang pagkakaloob ng salapi sa kanila - ang pagsasaayos sa pagitan nila - at ang pagwaksi sa pamemerhuwisyo sa kanila).
3. Ibinibilang ang pagputol ng ugnayan sa kaanak na kabilang sa:
(mga pinapayagan - mga kinasusuklaman - mga ipinagbabawal).
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay bahagi ng pananampalataya.
2. Ang pagputol ng ugnayan sa kaanak ay bahagi ng panggugulo sa lupa.
3. Ang kawanggawa sa mga kaanak ay higit na mainam kaysa sa kawanggawa sa iba pa sa kanila.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-pakahulugan ka sa pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, na naglilinaw kung sino ang mga kaanak.
2. Mag-isa-isa ka ng lima sa mga karapatan ng kaanak sa Islām.
3. Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay isang malakas na suhay para sa pagtatayo ng lipunang Muslim na malakas. Magpaliwanag ka niyon.
4. Ang Kapatirang Islāmiko
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw sa konsepto ng kapatirang Islāmiko;
2. makahango ka ng patunay sa mga karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim.
3. makapaghulo ka ng epekto ng kapatirang Islāmiko sa lakas ng lipunan;
4. makapagbigay-halaga ka sa kainaman ng Islām sa pagtatayo ng Kalipunan sa bigkis ng pananampalataya.
Paghahanda
Maglarawan ka ng damdamin mo habang ikaw ay sumusubaybay sa mga ulat ng paghihirap ng mga Muslim dahilan sa mga taggutom at paglaganap ng mga epidemya.
Ang Kapatirang Islāmiko Ang Kahulugan ng Kapatirang Islāmiko Ang Papel ng Kapatiran sa Pagtatayo ng Lipunan Ang mga Karapatan ng Muslim sa Kapwa Muslim
Ang Kahulugan ng Kapatirang Islāmiko
Ang kapatirang Islāmiko ay ang pag-uuna ng bigkis ng Relihiyon higit sa mga bigkis ng mga lahi, mga tribalismo, at mga hangganang pampook; ang pagkakaloob ng mabuti sa mga Muslim; at ang paghahain ng tulong sa kanila sa bawat lugar bilang pagsunod sa sabi ni Allāh: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang} (Qur'ān 49:10)
Ang Papel ng Kapatiran sa Pagtatayo ng Lipunan
Ang kapatiran ay ang pundasyon ng pagtatayo ng lipunang Muslim gaya ng nangyari sa lipunan ng Madīnah matapos ng paglikas, kung saan nagtugmaan ang mga puso ng mga lumikas at mga tagaadya at naisakatuparan ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya para sa mananampalataya ay gaya ng gusali: nagpapalakas ang isa sa isa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6026 at Imām Muslim: 2585.
Gayon naisakatuparan ang kapatirang Islāmiko sa pagitan ng mga Arabe at mga iba pang lahi matapos ng mga pagsakop ng Islām sa panahon ng mga Matinong Khalīfah. Umiral ang Estado ng Islām at ang dakilang kabihasnan nito na nanatili bilang pinakadakila sa mga kabihasnan ng Mundo sa ilang siglo.
Ang mga Karapatan ng Muslim sa Kapwa Niyang Muslim
Hindi naisasakatuparan ang kapatirang Islāmiko malibang sa pamamagitan ng pagtupad sa mga karapatan nito. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito ang binanggit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga sumusunod na ḥadīth:
1. Ang Pag-ibig sa Muslim at ang Pag-ibig sa Kabutihan Para sa Kanya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa umibig siya para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 13 at Imām Muslim: 45.
2. Ang pagwaksi sa pamemerhuwisyo sa mga Muslim sa alinman paraan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6484 at Imām Muslim: 41.
3. Ang pagwaksi sa kawalang-katarungan sa Muslim o pagkakanulo sa kanya o paghamak sa kanya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Muslim ay kapatid ng Muslim; hindi siya lumalabag sa katarungan dito, hindi siya nagkakanulo rito, at hindi siya nanghahamak dito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2564.
4. Ang Pagbigay ng Pagbati, ang Pagpapaunlak sa Paanyaya, ang Pagdalangin ng Awa sa Bumahin, ang Pagdalaw sa Maysakit, at ang Pakikilibing sa Patay
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim. Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakasalubong ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng: Kaawaan ka ni Allāh; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2162.
5. Ang Pagtulong sa Muslim, ang Pagpawi sa Pighati Niya, ang Pagpapaginhawa sa Kanya, at ang Pagtatakip sa mga Kapintasan Niya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Ang sinumang pumawi buhat sa isang Muslim ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagkabuhay. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nahihirapan, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2699.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya subalit [nagkasya] sa pagpapasigalot sa gitna nila." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2812. Sa pagtalakay kasama ng mga individuwal ng grupo mo, papaano tayong hahango ng patunay sa pamamagitan ng ḥadīth na ito sa katayuan ng kapatiran sa pagitan ng mga Muslim.
Aktibidad 2: Pupuna ako at tatangkilik ako ng isang saloobin.
May isang taong nagpapakapanatiko sa kinabibilangang lahi niya, nakikipagmayabang nito, at nasusuklam sa mga kapatid niyang mga Muslim kabilang sa mga ibang lahi.
1. Ano ang masasabi mo sa kanya?
2. Papaanong maaari tayong makapigil sa mga gawain at mga panatisismong ito?
Aktibidad 3: Makikilahok ako sa pag-aaral.
Pipili ang bawat estudyante ng isa sa mga karapatan sa kapatirang Islāmiko na binanggit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), magsasagawa siya ng paglalahad ng kahalagahan ng epekto nito sa lipunang Muslim sa harapan ng mga kaklase niya, at hahango siya ng katuturan mula sa tagapagturo niya.
Aktibidad 4: Magdadali-dali ako.
Makipagtalakayan ka at ang mga kaklase mo kaugnay sa pag-alalay sa mga kaanib ng lipunan mo sa pagdalaw sa mga maysakit at pangangalaga sa kanila o pagpapaginhawa sa mga nahihirapan o pag-alalay sa mga nangangailangan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagsuporta at ang pagpapalubag-loob ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga tatak ng lipunang Muslim. (✓)
2. Natatangi ang mga karapatang kapatiran sa mga mapangilagin magkasala at mga maayos kabilang sa mga mananampalataya. (X)
3. Ang pinakakaunti sa maipagkakaloob mo sa mga Muslim ay na hindi ka maminsala sa kanila at magmithi ka para sa kanila ng kabutihan. (✓)
4. Ang pagpawi sa mga pighati sa mga Muslim ay may dakilang gantimpala sa Araw ng Pagbangon. (✓)
5. Sasapat sa Muslim na magpahalaga siya sa mga suliranin ng mga tao sa lipunan niya. (X)
6. Ang maayos na Muslim ay nagdadali-dali sa pag-alalay sa mga kapatid niya na mga nangangailangan.
PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng tinutukoy ng kapatirang Islāmiko.
2. Ano ang mga pakiramdam na dinadala ng puso ng mananampalataya tungo sa mga kapatid niya?
3. Humango ka ng patunay sa pamamagitan ng isang ḥadīth ng Propeta sa anim sa mga karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim.
4. Ang kapatirang Islāmiko ay pangunahing sanhi ng paglaganap ng Islām at pagtatayo ng mga lipunang Muslim. Magpaliwanag ka niyon.
5. Ang mga Kagandahan ng Relihiyong Islāmiko (1)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng mga kagandahan ng Islām;
2. makahango ka ng patunay sa kadalian ng Islām at pagkaingat dito laban sa pagpapalit;
3. makapaghalimbawa ka ng kasaklawan ng mga pagbabatas ng Islām;
4. makapagpahayag ka tungkol sa pag-ibig mo sa Islām.
Ang Islām ay totoong Relihiyon na nag-utos si Allāh ng pagsunod dito at paggawa ayon sa Batas nito. Namumukod ang Islām sa mga kakanyahan sa mga kagandahang nagpapainam dito higit sa lahat ng mga batas. Kabilang sa mga kagandahang iyon:
Mga kagandahan sa Islām. Relihiyong Makadiyos Relihiyong Iniingatan Relihiyong Pandaigdigan Reliyong Kumpleto at Masaklaw
Relihiyon ng Pagpapaginhawa
1. Ang Islām ay relihiyong makadiyos.
Ang Islām ay hindi isang imbensiyong pantao; bagkus isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang, na ikinasi ni Allāh sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magkumpleto sa misyon ng mga Propeta ng mga Propeta bago niya. Nagsabi si Allāh: {Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya;} (Qur'ān 4:163)
Dahil doon, nagkasang-ayon ang paniniwala ng Islām sa mga mensahe ng mga propeta at pinagtibay ang paghihimala ng Qur'ān na ito ay pananalita ni Allāh sa katotohanan at sa katapatan. Dahil doon, noong nakarinig nito ang Najāshīy na hari ng Etyopya ay nagsabi siya: "Tunay na ito, sumpa man kay Allāh, at ang inihatid ni Moises ay talagang lumabas mula sa iisang suksukan." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 22498.
2. Ang Islām ay relihiyong iniingatan.
Magmula ng lumitaw ang Islām mahigit sa labing-apat na siglo, ito ay iniingatan laban sa pagpapalit at pagpilipit, maging sa mga pinagkukunan nito (ang Marangal na Qur'ān at ang Pampropetang Sunnah) o sa mga pagsamba nito at mga pagbabatas nitong nagkakaiba-iba.
Ito ay nagpapatunay na ang Islām ay Relihiyon ni Allāh sa katotohanan at sa katapatan. Nangako nga si Allāh na pag-iingatan ang Marangal na Qur'ān. Sa gayon ay may pag-iingat sa Relihiyon sa kabuuan nito. Nagsasabi si Allāh: "Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat." (Qur'ān 15:9)
3. Ang Islām ay relihiyong pandaigdigan.
Ang Islām ay sumasaklaw sa lahat ng mga bansa, mga lahi, at mga kalipian sapagkat walang rasismo sa Islām. Nagsasabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)
Nagsasabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, pakatandaan, tunay na ang Panginoon ninyo ay nag-iisa at tunay na ang ama ninyo ay nag-iisa. Pakatandaan, walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni para sa isang pula higit sa isang itim ni para sa isang itim higit sa isang pula, maliban sa pangingilag magkasala.} Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 23489.
4. Ang Islām ay reliyong kumpleto at masaklaw.
Tumayo nga ang Islām sa isang paniniwala at isang batas na sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Ang pundasyon ng paniniwala ng Islām ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagsamba at ang pagpapalaya sa tao mula sa pagkaalipin sa mga nilikha.
Naglaman ang mga pagbabatas ng Islām ng mga pagsamba, mga pakikitungo, mga kaasalang nag-organisa ng kaugnayan ng Muslim sa Panginoon niya, sa pamamagitan ng paglilinaw sa kinalulugdan ni Allāh at ikinagagalit Niya at sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga detalye ng mga pagsamba gaya ng pagdarasal, pag-aayuno, at pagbibigay ng zakāh.
Nag-organisa ang Sharī`ah ng mga kaugnayan ng Muslim sa mga tao. Kaya naman ipinagbawal nito ang paglabag sa tao, dangal, at ari-arian. Naglagay ito ng mga saligan ng mga pakikitungong pampananalapi sapagkat nag-utos ito ng pagkamit ng pinahihintulutang hanap-buhay at ng pag-iwas sa bawal sa lahat ng mga anyo nito.
Nagbigay-liwanag ang Sharī`ah sa mga saligan ng mga kaasalan at mga pakikitungong panlipunan sapagkat ipinag-utos nito ang kagandahan ng kaasalan at ang paggawa ng maganda sa mga tao. Naglagay ito ng mga pagbabatas na nag-organisa sa mga kaugnayang pampamilya gaya ng pag-aasawa, diborsiyo, at pagpapamana.
Naglagay ang Islām ng mga kaparusahan na pipigil sa nang-aapi, magpapanumbalik ng karapatan na inapi, at magpapalaganap ng katarungan at katiwasayan sa gitna ng mga tao.
Ang Islām ay sumasaklaw sa bawat nagpapakinabang sa tao at tunay na ito ay talagang isang dakilang biyaya mula kay Allāh sa atin. Nagasabi si Allāh: {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3)
5. Ang Islām ay relihiyon ng pagpapaginhawa.
Sa kabila ng dami ng mga pagbabatas ng Islām at pagkauri-uri ng mga ito subalit ang mga ito ay sumasalalay sa pundasyon ng pagpapaginhawa at pagpawi ng pahirap at pagkaasiwa sa Muslim. Nagsabi si Allāh: {at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa,} (Qur'ān 22:78) Nagsabi rin Siya: {Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap} (Qur'ān 2:185)
Kaya hindi hinihilingan ang Muslim ng mga utos ng Sharī`ah maliban sa nakakaya niyang gawin. Hindi nag-atang sa atin si Allāh ng higit sa kakāyahan natin. Nagsabi Siya: {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo,} (Qur'ān 64:16) Nagsabi rin Siya: {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. } (Qur'ān 2:286) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7288 at Imām Muslim: 1337.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at makikilahok ako.
Kabilang sa mga aspeto ng pagpapaginhawa ng Islām ay na ito ay nagsasaalang-alang sa mga kalagayan ng mga tao sapagkat nagpagaan ito sa ilan sa mga patakaran ng Sharī `ah para sa mga maralita, mga maysakit, mga matanda sa edad, at mga bata.
Sa pakikipagtulungan kasama ng mga kaklase mo, magsulat ka ng mga halimbawa ng pagpapagaan sa ilan sa mga pagsamba para sa mga taong ito.
Ang mga Kalagayan ng mga Tao
Ang mga Aspeto ng Pagpapagaan sa Kanila
Ang Maralita
Walang Tungkulin sa Kanya na Magbigay ng Zakāh ni Magsagawa ng Ḥajj
Ang Maysakit
Pinapayagan sa kanya ang magsagawa ng ṣalāh habang nakaupo at pinapayagan sa kanya ang pagtigil-ayuno sa Ramaḍān.
Ang Matanda sa Edad
Pinapayagan sa kanya ang pagtigil-ayuno sa Ramaḍān kung hindi niya makakaya at magsasagawa siya ng ṣalāh alinsunod sa nakakaya niya.
Ang mga Banta
Kinakailangan ang mag-alaga sa kanila. Walang inaatang na tungkulin sa kanila kundi ang pag-eensayo sa pagsasagawa ng ṣalāh at pag-aayuno.
Aktibidad 2: Hahango ako at mag-uuri ako.
Nagsasabi si Ja`far bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa inihatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga batas ng Islām at paniniwala nito: "Nag-anyaya siya sa amin tungo kay Allāh upang maniwala kami sa kaisahan Niya, sumamba kami sa kanya, at mag-alis kami ng dating sinasamba namin at ng mga ninuno namin bukod pa sa Kanya kabilang sa bato at mga diyus-diyusan. Nag-utos siya sa amin ng katapatan sa pakikipag-usap, pagganap sa ipinagkatiwalang tungkulin, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, kagandahan ng pakikipagkapitbahay, at pagpipigil sa mga ipinagbabawal at pagkitil ng mga buhay. Sumaway siya sa amin laban sa mga mahalay, pagsasabi ng kabulaanan, paggamit ng yaman ng ulila, at paninirang-puri sa babaing nakapag-asawa. Nag-utos siya sa amin na sumamba kami kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi kami magtambal sa Kanya ng anuman. Nag-utos siya sa amin na magsagawa ng ṣalāh, magbigay ng zakāh, mag-ayuno..." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 22498.
Ito ay nagpapatunay sa pagkakabuuhan ng mga pagbabatas ng Islām at kasaklawan ng mga ito. Sa pamamagitan niyon, magsagawa ka ng pag-uuri sa nasaad sa ḥadīth sa sumusunod na talahanayan:
Ang mga Uri ng mga Pagbabatas
Pinaniniwalaan
Mga Pagsamba
Pakikitungong Pampananalapi
Mga Kaasalan
Ang mga Halimbawa ng mga Pagbabatas
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagkaingat sa Marangal na Qur'ān laban sa pagpilipit ay isang patunay sa katumpakan ng Islām. (✓)
2. Nalilimitahan ang Islām sa mga pagsamba at kaugnayan individuwal sa Panginoon niya. (X)
3. Bumaba ang Qur'ān sa wika ng mga Arabe dahil sila ay pinakamapangilagin magkasala kaysa sa nalalabi sa mga bansa. (X)
4. Ang Relihiyong Islāmiko ay ang relihiyon ng lahat ng mga propeta at mga isinugo. (✓)
5. Ang pundasyon ng mga pagbabatas ay ang pagpapaginhawa at ang pagsasaalang-alang sa mga kalagayan ng mga tao. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Nagnanais si Allāh sa atin ng ginhawa.
2. Iningatan ni Allāh ang Qur'ān laban sa pagpapalit.
3. Hindi nag-aatang ng tungkulin sa atin si Allāh maliban sa nakakaya niya.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Lumalaganap ang Islām sa karamihan ng mga estado ng Mundo. Ang higit na marami sa mga Muslim ay kabilang sa mga lahing hindi Arabe. Humango ka ng patunay, sa pamamagitan niyon at sa pamamagitan ng nasaad sa aralin, sa pagkapandaigdigan ng Islām at paggalang nito sa lahat ng mga lahi.
2. Magsulat ka ng mga halimbawa ng kasaklawan ng mga pagbabatas ng Islām para sa lahat ng aspeto ng buhay.
3. Magpahayag ka sa limang linya ng pag-ibig mo sa Islām at pagmamarangal mo sa Sharī`ah nito, na nagpapasaksi sa pamamagitan ng nasaad sa aralin.
6. Ang mga Kagandahan ng Relihiyong Islāmiko
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka sa mga kagandahan ng Islām na nasasaad sa aralin;
2. makahango ka ng patunay sa pag-uutos ng Islām ng katarungan at pagkaawa;
3. makapagpatupad ka sa buhay mo ng mga aspeto ng pagkakatamtaman at paggawa ng maganda;
4. makapagbigay-halaga ka sa sigasig ng Islām sa katarungan at pagkaawa;
5. makapaghulo ka sa epekto ng mga minamahalagang Islāmiko sa pagsasaayos ng lipunan.
Mga kagandahan sa Islām. Ang Relihiyon ng Pagkakatamtaman Ang Relihiyon ng Katarungan Ang Relihiyon ng Pagkaawa Ang Relihiyon ng Paggawa ng Maganda
Tumalakay tayo sa naunang aralin ng limang kagandahan ng Islām at magkukumpleto tayo sa araling ito.
6. Ang Islām ay Relihiyon ng Pagkakatamtaman at Pagkakabalansehan
Namumukod ang Islām sa pagkakatamtaman at pagkakabalansehan. Nagsasabi si Allāh: {Gayon Kami gumawa sa inyo bilang kalipunang makakatamtaman} (Qur'ān 2:143)
Ang Islām ay may metodolohiyang nagkakabalansehan sa pagitang ng paggawa para sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagpahintulot ito ng pagtatamasa at pag-angat sa Mundo kasabay ng sigasig sa pagpapanatili ng mga pagsamba at pagwaksi sa mga ipinagbabawal nang sa gayon hindi masayang ang Kabilang-buhay. Nagsabi si Allāh: {Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo.} (Qur'ān 28:77)
Inorganisa ng Islām ang mga karapatan at ang mga obligasyon sa pagitan ng mga individuwal ng lipunan batay sa pundasyon ng pagkakabalansehan. Ipinagbabawal ng Islām, ang pagpapabaya, ang pagpapalabis-labis, ang pagsasayang, ang karamutan, at ang mga tulad ng mga ito. Nagsasabi si Allāh tungkol sa paggugol ng yaman: {Huwag kang gumawa sa kamay mo na nakakulyar sa leeg mo at huwag kang magpaluwag nito nang buong pagpapaluwag para mauwi kang isang sinisising nasaid.} (Qur'ān 17:29)
7. Ang Islām ay relihiyon ng katarungan.
Ang katarungan ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga minamahalagang (value) ng Islām at mga kagandahan nito sapagkat ito ay nakaugnay sa saligan ng mensahe at pananampalataya. {at magsabi ka: "Sumampalataya ako sa pinababa ni Allāh na Aklat, at inutusan ako na magmakatarungan sa gitna ninyo.} (Qur'ān 42:15)
Ang katarungan sa Islām ay nakasalalay sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga karapat-dapat sa mga ito at pagpigil ng kawalang-katarungan sa mga tao at pagtutol doon. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito at kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allāh ay laging Madinigin, Nakakikita.} (Qur'ān 4:58)
8. Ang Islām ay relihiyon ng pagkaawa.
Ang mensahe ng Islām ay awa sa mga nilalang. Nagsabi si Allāh: {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.} (Qur'ān 21:107)
Lumilitaw ang awa ng Islām sa pinaniniwalaan nito yayamang naaawa ang Islām sa tao dahil sa pagkaalipin at pagpapakumbaba sa iba pa kay Allāh kabilang sa mga nilikha.
Lumilitaw ang awa sa mga pagbabatas ng Islām na nag-ingat sa mga buhay ng tao, mga ari-arian nila, at nalalabi sa mga karapatan nila. Bagkus nag-utos ang Islām ng pagkaawa sa bawat anumang nasa lupa na mga tao at mga hayop. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4941 at Imām At-Tirmidhīy: 1924. Nagbanta siya sa sinumang nagwaksi ng awa sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5997 at Imām Muslim: 2318.
Lumilitaw ang awa ng Islām din sa pag-uutos ng pagkaawa sa mga mahina, mga dukha, at mga may maidadahilan; paggawa ng maganda sa kanila; paggalang sa mga matanda sa edad; kabaitan sa mga bata; at kabaitan sa mga hayop.
9. Ang Islām ay relihiyon ng paggawa ng maganda.
Ang paggawa ng maganda sa Islām ay may ilang larangan. Ang lahat ng mga ito ay nagpapahiwatig sa kainaman ng Islām at kagandahan ng mga pagbabatas nito.
Ang paggawa ng maganda ay sumasaklaw sa pagpapahusay sa mga gawain at paghahain ng mga ito sa pinakamagandang anyo. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nag-atas ng pagpapakahusay sa bawat bagay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1955. Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh – napakamapagpala Siya at napakataas – ay nakaiibig, kapag gumawa ang isa sa inyo ng isang gawain, na magpakahusay siya rito." Nagsalaysay nito si Imām At-Ṭabarānīy sa aklat na Al-Kabīr: 24/306.
Sumasaklaw ang paggawa ng maganda rin sa pagkakaloob ng kabutihan at nakabubuti sa mga tao at pakikitungo sa kanila ng higit na mainam kaysa pakikitungo nila sa iyo. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.} (Qur'ān 16:90)
Kabilang sa mga anyo ng paggawa ng maganda: ang pag-uutos ng kabaitan at pagtitimpi sa pakikitungo sa mga tao at ng pagpaparaya sa pagtitinda at pagdedemandahan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2076.
Kabilang sa mga anyo ng paggawa ng maganda: ang pag-uutos ng pagpapalugit sa nagigipit[10]. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May isang mangangalakal noon na nagpapautang sa mga tao; saka kapag nakakita siya ng isang nagigipit, nagsasabi siya sa mga tauhan niya: Magpalampas kayo sa kaya; harinawa si Allāh ay magpalampas sa ating. Kaya naman nagpalampas si Allāh sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2078 at Imām Muslim: 1562. () Ang nagigipit ay ang hindi nakakakaya sa pagbabayad sa utang at ang pagpapalugit sa kanya ay ang pag-aantala sa petsa ng pagbabayad ng utang.
Ang pinakamainam sa mga anyo ng paggawa ng maganda ay ang pagmamasid kay Allāh, na nakapipigil sa tao sa paggawa ng alinmang kasamaan o katiwalian sa lupa.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahango ako.
Ang pagkakatamtaman at ang pagbabalansehan sa Islām ay may maraming larangan. Maaari sa iyo na mapag-alaman ang mga ito sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa mga sumusunod na teksto at pakikipagtulungan kasama ng mga kaklase mo sa paghango ng nagpapatunay roon.
Ang mga Teksto
Ang nagpapahiwatig dito
{O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis.} (Qur'ān 7:31)
Ang Pag-uutos ng Paggayak - ang Pagtatamasa sa Pagkain at Inumin - ang Pagsaway Laban sa Pag-aaksaya
{Magmarahan ka sa paglakad mo at magbaba ka ng tinig mo;} (Qur'ān 7:19)
Ang Pagpapakakatamtaman sa Paglalakad at ang Pagbababa ng Tinig
{Huwag kang magpaingay sa dasal mo at huwag kang bumulong nito. Maghangad ka sa pagitan niyon ng isang [katamtamang] landas."} (Qur'ān 17:110)
Ang Pagpapakakatamtaman sa Pagtaas ng Tinig sa Sandali ng Pagbigkas ng Qur'ān
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaingat kayo sa pagpapakalabis-labis sa relihiyon." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 1851 at Imām An-Nasā'īy: 3057.
Ang Pagbibigay-babala Laban sa Pagpapakalabis-labis sa Relihiyon
Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako at magpapahayag ako.
Ang katarungan sa Islām ay sumasaklaw sa pagtulak sa kawalang-katarungan, kahit pa mang ang tagalabag sa katarungan ay ang hukom o ang ama niya. {O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak.} (Qur'ān 4:135) Sumasaklaw ang katarungan sa Islām sa pagbibigay ng karapatan at pagbibigay-katarungan sa nalabag sa katarungan kahit pa man tayo ay nasusuklam sa kanya. Nagsabi si Allāh: {Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag magkasala.} (Qur'ān 5:8) Sa pamamagitan niyon:
1. magpahayag ka sa limang linya ng pagmamalaki mo sa Relihiyong Islām dahil ito ay relihiyon ng katarungan at pagbibigay-katarungan;
2. makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa paglilinaw sa epekto ng pagpapatupad sa mga aspeto ng katarungan sa Islām sa lipunan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagkakatamtaman ay napaloloob sa pagkain, damit, at paggugol. (✓)
2. Natatangi ang pagkaawa sa pakikitunguhan ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila. (X)
3. Nauugnay ang pananampalataya a pagpapanatili ng katarungan sa gitna ng mga tao. (✓)
4. Ang mga naaawa ay kaaawaan ng Napakamaawain sa Araw ng Pagbangon. (✓)
5. Ang pagpapakahusay ng gawain at ang pagkakaloob ng nakabubuti ay kabilang sa paggawa ng maganda. (✓)
6. Natatangi ang mga tagapamahala at ang mga hukom sa pagpapatupad ng katarungan sa gitna ng mga tao. (X)
7. Ang pagpapakatindi sa relihiyon ay nagpapatunay sa pagkadagdag ng pananampalataya. (X)
PANUTO 2: Magkomentaryo ka sa mga sumusunod na pahayag:
1. Ang pag-aanyaya ng Islām tungo sa katarungan ay nakaaambag sa pagbangon ng lipunang Muslim.
2. Ang pagkaawa ay sumasaklaw sa pag-aanyaya sa mga tao sa pagpasok sa Islām.
3. Ang katarungan ay obligasyon sa mga Muslim at hindi mga Muslim.
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Pag-uutos ng Katarungan at Paggawa ng Maganda
2. Ang Pagbibigay-babala Laban sa Pagwaksi sa Pagkaawa
3. Ang Pagbabalansehan sa Pagitan ng mga Gawain sa Mundo at mga Gawain sa Kabilang-buhay
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng tatlo sa mga aspeto ng pagbabalansehan at pagkakatamtaman sa Islām.
2. Papaanong magpapatupad ang Muslim sa pang-araw-araw na buhay niya ng paggawa ng maganda?