Skip to content

"Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."}

Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."}

«لَا تَصْحَبُ الْمَلَائِكَةُ رُفْقَةً فِيهَا كَلْبٌ وَلَا جَرَسٌ».

Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ay hindi nakikipagsabayan sa isang pagsama sa isang paglalakbay habang sa pangkat nila ay may isang aso o kalembang na isinasabit sa mga hayop para gumawa ng isang tunog kapag kumilos ang mga ito.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagsaway laban sa pag-aalaga ng mga aso at pagsasama sa mga ito. Nabubukod sa pagsaway ang aso ng pangangaso at pagbabantay.

Ang mga anghel na nagpipigil sa pakikipagsabayan ay ang mga anghel ng awa. Hinggil naman sa mga tagapag-ingat, sila ay hindi nakikipaghiwalay sa mga tao sa pananatili ng mga ito at paglalakbay ng mga ito.

Ang pagsaway laban sa kalembang ay dahil ito ay isang pantugtog kabilang sa mga pantugtog ng demonyo. Dito ay may pagpapakawangis sa kampana ng mga Kristiyano.

Kailangan sa Muslim na magsigasig siya sa paglayo sa bawat anumang bahagi ng pumapatungkol dito ang pagpapalayo sa mga anghel sa kanya.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Muslim (3/ 1672) (2113).

Ang Karagdagan (11)

نزهة المتقين.

لمجموعة من الباحثين (2/ 1156).

كنوز رياض الصالحين.

لمجموعة من الباحثين (20/ 67).

بهجة الناظرين.

لسليم الهلالي (3/ 188).

كشف المشكل من حديث الصحيحين.

لابن عثيمين (3/ 564).

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (6/ 431).

شرح النووي على مسلم (14/ 95).