صفة الوضوء والصلاة (مرئي)

صفة الوضوء والصلاة (مرئي)

PROJ-187

Language: lang_tl
Prepared by:
Version: 1.0
Translations 42
Akan Amharic Assamese Bengali +38
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Papaano akong magsasagawa ng wuḍū'?

M

Ang tunog

1

Ang tunog ng adhān

2

"O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – humaplos kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong."

(Qur'an 5:6)

3

Walang ṣalāh na walang wuḍū', walang wuḍū' na walang layunin, at walang layunin na walang pagpapakawagas. Ang layunin ay nakalagay sa puso, hindi sa dila.

4

Bismi -llāh. (Sa ngalan ni Allāh.)

Isinasabatas ang tasmiyah (pagsambit ng bismi -llāh) sa pagsisimula ng wuḍū' sapagkat sa pamamagitan nito nagsisimula tayo ng wuḍū' natin. Pagkatapos gagamit tayo ng siwāk para sa paglilinis ng bibig kung mayroon nito.

5

Naghuhugas tayo ng mga kamay nang tatlong ulit. Nagsisimula tayo mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa kasukasuan ng pupulsuhan.

6

Naghuhugas tayo ng mga kamay hanggang sa mga pulso nang tatlong ulit na nagkakasunuran.

7

Ang pagsisimula ay sa kanang kamay, na hinuhugasan natin nang tatlong ulit; susunod dito ang kaliwang kamay, [na hinuhugasan] nang tatlong ulit.

8

Pinapayagan din ang paghuhugas ng kanang kamay, pagkatapos ng kaliwa, pagkatapos ng kanan, pagkatapos ng kaliwa...at gayon nga.

9

Kalakip ng pagtitiyak ng pagpapasok ng tubig sa pagitan ng mga daliri natin.

10

Pagkatapos lilipat tayo sa pagmumumog (maḍmaḍah ) at pagsinghot [ng tubig] (istinshāq).

11

Ang pagmumumog ay ang paglalagay ng tubig sa bibig at pagpapagalaw nito sa loob ng bibig, pagkatapos pagluwa nito at pagtapon nito.

12

Ang pagsinghot naman ay ang paghatak ng tubig papasok sa ilong sa pamamagitan ng hininga, pagkatapos ay pagpapalabas nito sa tulong ng kaliwang kamay sa pamamagitan ng pagpapatalsik.

13

Kabilang sa sunnah ang pagpapasidhi -sa pagsasagawa- ng dalawang ito hanggat hindi nag-aayuno o natatakot sa isang kapinsalaan.

14

Ang pagmumumog at ang pagsinghot ay may dalawang paraan:

15

Ang pag-uugnay. Ito ay sa pamamagitan ng pagkuha ng iisang salok ng tubig na magmumumog tayo ng kalahati nito, pagkatapos sisinghot tayo ng natirang kalahati nito.

Pagagalawin natin ang tubig sa bibig, pagkatapos ibubuga natin ito, pagkatapos patatalsikin natin ang [natitirang] tubig na sininghot natin sa pamamagitan ng ilong sa tulong ng kaliwang kamay natin.

Gagawin natin iyon nang tatlong ulit sa pamamagitan ng tatlong salok ng tubig.

16

Ang paghihiwalay. Ito ay sa pamamagitan ng pagbubukod-tangi natin para sa pagmumumog ng isang tanging salok at para sa pagsinghot ng isang iba pang salok. Kukuha tayo ng isang salok ng tubig at ilalagay natin ito nang buo sa bibig, pagkatapos magpapagalaw tayo nito [sa bibig], pagkatapos kukuha tayo ng ikalawang salok at sisinghutin natin ito sa ilong, pagkatapos patatalsikin natin ito sa tulong ng kaliwang kamay.

17

Susunod sa pagmumumog at pagsinghot ang paghuhugas ng mukha.

18

Ang hangganan ng mukha ay mula sa mga tinutubuan ng buhok ng ulo hanggang sa baba, pahaba, at sa pagitan ng mga tainga, pahalang,

19

kalakip ng pagbasa ng bawat buhok sa mukha gaya ng buhok ng balbas na manipis, bigote, mga kilay, mga pilikmata, at `anfaqah – ang buhok na tumutubo sa ilalim ng mababang labi.

20

Ang paghuhugas ng mukha ay may dalawang paraan:

21

Una: Kukuha tayo ng tubig sa pamamagitan ng mga kamay na magkasama, pagkatapos maghuhugas tayo sa pamamagitan ng dalawang ito ng mukha mula sa mga karaniwang tinutubuan ng buhok ng ulo hanggang sa dulo ng baba at mula sa kanang tainga hanggang sa kaliwang tainga. Kung ang balbas ay makapal, nagiging sunnah na magpasok tayo ng tubig sa ilalim ng panga at magsingit tayo [ng mga daliri] sa balbas.

Magsasagawa tayo niyon nang tatlong ulit – at ito ang kalubusan – o nang dalawang ulit o iisang ulit – at ito ang kinakailangan.

22

Ikalawa: Kukuha tayo ng tubig sa pamamagitan ng kanang kamay lamang, pagkatapos maglalagay tayo nito sa mukha at maghuhugas tayo ng mukha sa pamamagitan ng dalawang kamay nang magkasabay gaya ng sa unang paraan. Gagawin natin iyon nang tatlong ulit.

23

Ang pagsusunud-sunod ng mga bahagi ng [katawan para sa] wuḍū' ay kinakailangan at ang pagtutuluy-tuloy ay kinakailangan yayamang hindi tayo mag-uuna ng isang bahagi kapalit ng [ibang] bahagi at hindi tayo maghuhuli sa paglipat mula sa isang bahagi papuntang isang bahaging kasunod doon.

24

Matapos ng pagsasagawa ng paghuhugas ng mukha, lilipat tayo sa paghuhugas ng dalawang kamay [kasama ng braso].

25

Ang hangganan ng dalawang kamay [kasama ng braso] na kinakailangang hugasan ay mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa siko kalakip ng paghuhugas ng dalawang siko.

26

Magsisimula tayo sa paghugas ng kanang kamay [kasama ng braso] mula sa mga dulo ng mga daliri ng kamay at magsisingit tayo ng mga daliri sa pamamagitan ng pagpapasalitan ng dalawang kamay, pagkatapos magpapaabot ng tubig hanggang sa [lampas] siko.

27

Pagkatapos lilipat tayo sa kaliwang kamay [kasama ng braso] at maghuhugas din tayo mula sa mga daliri ng kamay kalakip ng pagsisingit dito [ng mga daliri] hanggang sa [lampas] siko.

28

Lilipat tayo sa pagpahid sa ulo. Babasain natin ang dalawang kamay ng bagong tubig. Pagkatapos ilalagay natin ang dalawang binasang kamay sa unahan ng ulo. Papupuntahin natin ang dalawang ito hanggang sa batok, pagkatapos ibabalik natin ang dalawang ito sa pinagsimulan natin. Walang pagkakaiba sa hangganan ng ulo sa pagitan ng walang buhok at may buhok.

29

Pagkatapos papahiran natin ang dalawang tainga ng natira sa tubig [sa palad] na ipinampahid natin sa ulo. Gagawin natin iyon ng iisang ulit.

30

Ang pamamaraan ng pagpapahid sa dalawang tainga ay na ipasok natin ang hintuturo sa harapan ng dalawang tainga saka ipahid natin ang dalawang hintuturo at ipahid naman natin ang hinlalaki sa likuran ng dalawang tainga kaya mapapahiran natin ang dalawang tainga sa harapan at likuran.

31

Pagkatapos lilipat tayo sa paghuhugas ng dalawang paa. Ang hangganan ng dalawang paa na kinakailangang hugasan ay mula sa mga dulo ng mga daliri ng paa hanggang sa [lampas sa] bukungbukong, kaya ang paghuhugas ng dalawang sakong ay kinakailangan.

32

Magsisimula tayo sa kanang paa at magsisingit tayo [ng mga daliri ng kamay] sa pagitan ng mga daliri ng paa. Mag-iingat tayo sa paghuhugas ng dalawang sakong at ibabaw ng dalawang paa.

33

Pagkatapos maghuhugas tayo ng kaliwang paa gaya ng paghuhugas natin ng kanan. Hindi natin kakalimutan ang pagsisingit [ng mga daliri ng kamay] sa mga daliri nito at ang pagtitiyak sa pagkahugas ng sakong nang buo at pagkaabot ng tubig sa [lampas sa] bukungbukong.

34

[Matapos ng wuḍū' ay magsasabi ng]: "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, waḥdahu lā sharīka lah, wa ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: wala Siyang katambal; at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"

35

Sunnah matapos ng pagsasagawa ng wuḍū' ang sumambit ng dhikr at du`ā' at sunnah na magdagdag nito:

36

"Allāhumma -j`alnī mina -ttawwābīna, wa -j`alnī mina -lmutaṭahhirīn. (O Allāh, gawin Mo ako na kabilang sa mga palabalik-loob at gawin Mo ako na kabilang sa mga nagpapakalinis.)"

37

o kaya:

"Subḥānaka -­llāhumma wa biḥamdik, ashhadu an lā ilāha illā anta, astaghfiruka wa atūbu ilayk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)"

M

Ang nakasulat sa screen.

1

Papaano akong magsasagawa ng wuḍū'?

2

"O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – humaplos kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong."

(Qur'an 5:6)

3

Ang paghuhugas ng dalawang kamay

4

Ang Pagmumumog at ang Pagsinghot

5

Ang pag-uugnay

6

Ang paghihiwalay

7

Ang paghuhugas ng mukha

8

Ang Una

9

Ang Ikalawa

10

Ang Nīyah (Layunin) at ang Tasmiyah (Pagsambit ng Bismi -llāh)

11

Ang paghuhugas ng dalawang kamay

12

Ang Pagmumumog

13

Ang Pagsinghot

14

Ang Paghuhugas ng Mukha

15

Ang paghuhugas ng dalawang kamay kasama ng mga siko nang tatlong ulit

16

Ang pagpahid sa ulo at ang pagpahid ng dalawang tainga

17

Ang paghuhugas ng dalawang paa kasama ng bukungbukong

18

Ang paghuhugas ng dalawang kamay [kasama ng braso]

19

Ang pagpahid ng ulo

20

Ang simula ng ulo = sa noo at ang simula ng mga karaniwang tinutubuan ng buhok

21

Ang katapusan ng ulo = ang katapusan ng tinutubuan ng buhok sa batok

22

Ang pagpapahid sa dalawang tainga

23

Ang paghuhugas ng dalawang paa

24

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):

"Kapighatian ukol sa mga sakong mula sa apoy! Lubus-lubusin ninyo ang [pagsasagawa ng] wuḍū'."

Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud.

25

[Matapos ng wuḍū' ay magsasabi ng]: "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, waḥdahu lā sharīka lah, wa ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: wala Siyang katambal; at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"

Isinaysay ito ni Imām Muslim.

26

"Allāhumma -j`alnī mina -ttawwābīna, wa -j`alnī mina -lmutaṭahhirīn. (O Allāh, gawin Mo ako na kabilang sa mga palabalik-loob at gawin Mo ako na kabilang sa mga nagpapakalinis.)"

Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy.

27

"Subḥānaka -­llāhumma wa biḥamdik, ashhadu an lā ilāha illā anta, astaghfiruka wa atūbu ilayk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)"

Isinaysay ito ni Imām An-Nasā'īy sa `Amal Al-Yawm wa Al-Laylah.

Papaano akong magsasagawa ng ṣalāh?

Ang ṣalāh ay mula sa takbīr hanggang sa taslīm

M

Ang tunog

1

Ang tunog ng iqāmah ng ṣalāh

2

Ang tunog ng iqāmah ng ṣalāh na tuloy-tuloy...

Ang pagsasaisip ng nīyah (layunin) ay ang una sa gagawin ng tagapagsagawa ng ṣalāh. Ang kinalalagyan ng nīyah ay ang puso.

3

Haharap tayo sa qiblah. Kapag ikaw ay imām o munfarid (mag-isang nagsasagawa), maglagay ka sa harapan mo ng sutrah.

4

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

[Ito] ang takbīratul iḥrām. Sa pamamagitan nito pumapasok tayo sa [pagsasagawa ng] ṣalāh at kailangan ng pagbigkas nito.

5

Sa sandali ng pagsambit ng takbīr, nag-aangat tayo ng mga kamay natin hanggang sa kapantay ng mga balikat at naghaharap tayo ng mga nakabukang palad natin sa qiblah,

o:

nag-aangat tayo ng mga kamay natin hanggang sa kapantay ng mga tainga sa mismong pamamaraan.

6

Naglalagay tayo ng mga kamay natin matapos ng takbīr sa dibdib o sa ilalim ng dibdib sa itaas ng pusod o sa ilalim ng pusod. Ang lahat ng iyon ay tumpak.

Ang kanang kamay natin ay inilalagay natin sa ibabaw ng kaliwang kamay.

o kaya 'y humahawak tayo sa pamamagitan ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay,

o humahawak tayo sa pamamagitan ng kanang kamay sa kaliwang braso.

7

[Sumasambit tayo nang tahimik ng]: "Allāhumma bā`id baynī wa bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -l-mashriqi wa -l-maghrib. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -th-thawbu -l'abyaḍu mina -d-danas. Allāhumma -ghsil khaṭāyāya bi-lmā'i wa -th-thalji wa -l-barad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at mga kamalian ko gaya ng pagpapalayo Mo sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, dalisayin Mo ako mula sa mga kamalian gaya ng pagkakadalisay sa puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, hugasan Mo ang mga kamalian ko ng tubig, yelo at niyebe.)"

Dumadalangin tayo ng du`ā'u -l-istiftāḥ (panalangin ng pagsisimula) matapos ng takbīratu -l-iḥrām at bago ng pagbigkas [ng fātiḥah]. May nasaad nga na mga iba pang du`ā'u -l-istiftāḥ ng ṣalāh. Bahagi ng Sunnah ang pagsasari-sari ng pagsambit ng mga ito.

8

[Nagsasabi tayo nang tahimik ng]: "A`ūdhu bi­-llāhi mina ­shshayṭāni ­-rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa.)"

Sumusunod sa du`ā'u -l-istiftāḥ ang pagsambit ng isti`ādhaḥ, pagkatapos ang pagbigkas naman ng fātiḥah

9

nang may kataimtiman at kapanatagan, nang talata sa talata.

10

[Sumasambit tayo ng]: Āmīn.

Ang pagsabi ng Āmīn ay isang sunnah para sa tagapagsagawa ng ṣalāh, imām man o ma'mūm o munfarid. Ito ay hindi isang talata ng fātiḥah. Ito ay isang panalangin lamang, na ang kahulugan ay: "O Allāh, tugunin Mo."

11

Bumibigkas tayo matapos ng fātiḥah ng madali sa atin mula sa Qur'ān, na maaaring isang buong kabanata o isang bahagi nito. Matapos ng pagbigkas ng Qur'ān, tumatahimik nang saglit na pananahimik bago tayo lumipat sa pagyukod.

12

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Nagsasagawa tayo ng takbīr ng paglipat [ng posisyon]: mula sa pagkakatayo papuntang pagkakayukod.

At ito ay ang ikalawang posisyon sa ṣalāh, na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nag-aangat ng mga kamay niya kaya nagiging sunnah na mag-angat tayo ng mga kamay natin nang kapantay ng mga balikat o mga tainga.

13

Naglalagay tayo ng mga palad natin sa ibabaw ng mga tuhod, nagbubuka tayo ng mga daliri natin, at nagkakapit tayo ng mga ito sa mga tuhod na para bang humahawak sa mga ito.

Pumapanatag tayo sa pagkakayukod natin, naglalayo tayo ng mga braso sa mga tagiliran [ng katawan], at hindi tayo nagpapalitaw ng gilid ng pisngi sa pamamagitan ng pagkiling sa isa sa dalawang gilid natin.

14

Ang likod ay patag, hindi nakabaluktot. Ang ulo ay tuwid kapantay ng likod: hindi tayo nag-aangat nito at hindi tayo naghihilig nito.

15

[Nagsasabi tayo ng tasbīḥ]: "Subḥāna rabbiya -l-`aḍ̆īm. (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila.)"

Nag-uulit tayo ng tasbīḥ nang tatlong ulit. Ito ang pinakamababa sa kalubusan. Ang nag-iisang [pagsambit ng] tasbīḥ ay nakasasapat. Nagdaragdag tayo nito kung loloobin natin. Nagsasari-sari tayo ng pagsambit ng tasbīḥ na hango sa ḥadīth.

16

Ang mga dhikr na sinasabi sa pagkakayukod ay sari-sari.

17

[Nagsasabi tayo ng]: "Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)"

Nagsasabi tayo nito kapag tumitindig tayo mula sa pagkakayukod sa sandaling tayo ay nagdarasal nang mag-isa o ang isa sa atin ay imām.

18

At nag-aangat tayo ng mga kamay natin kapantay ng mga balikat o kapantay ng mga tainga. Ito ay ang ikatlong posisyon na nag-aangat tayo ng mga kamay.

19

Pagkatapos tumutuwid tayo nang nakatayo habang nagsasabi ng:

"Rabbanā wa laka l-ḥamd (Panginoon namin! Ukol sa Iyo ang papuri.)"

20

Nasa atin na, matapos ng pagkakayukod, na maglaylay ng mga kamay o humawak ng mga ito.

21

Nagiging sunnah ang pagpapatagal ng pagtindig matapos ng pakakayukod at pagpapakapanatag.

22

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Pagkatapos bumababa tayo sa lapag habang nagsasagawa ng takbīr ng paglipat mula sa pagkakatindig papuntang pagkakapatirapa.

[Sa pagpapatirapa,] nag-uuna tayo ng mga kamay bago ng mga tuhod o ng mga tuhod bago ng mga kamay, kung alin sa dalawang ito ang naging higit na madali para sa atin.

23

Kinakailangan na nakapatirapa tayo sa pitong bahagi, gaya ng itinuro sa atin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):

ang noo kasama ng ilong, ang dalawang palad, ang dalawang paa, at ang dalawang tuhod.

24

Naglalagay tayo ng mga dulo ng mga paa sa dako ng qiblah at nagtutukod tayo ng mga paa.

Nagpapahiwalay tayo ng dalawang hita at nag-aangat tayo ng tiyan palayo sa dalawang ito.

Naglalagay tayo ng dalawang braso nang nakaangat buhat sa lapag, na malayo sa tagiliran, hanggat hindi tayo nagdarasal sa isang konggregasyon at natatakot tayo na makaligalig ng nasa paligid natin.

Naglalagay tayo ng mga kamay kapantay ng mga balikat o kapantay ng mga tainga.

25

[Nagsasabi tayo ng tasbīḥ]: "Subḥāna rabbiya -l-a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas.)"

Nag-uulit tayo ng tasbīḥ nang tatlong ulit. Ito ang pinakamababa sa kalubusan. Ang nag-iisang [pagsambit ng] tasbīḥ ay nakasasapat. Nagdaragdag tayo nito kung loloobin natin. Nagsasari-sari tayo ng pagsambit ng tasbīḥ na hango sa ḥadīth. Dumadalangin tayo ng naiibigan natin mula sa mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay.

26

Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Ang pinakamalapit na sandali ng tao sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa, kaya magparami kayo ng panalangin."

27

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Habang nagsasabi ng takbīr, nag-aangat tayo ng ulo natin mula sa pagkakapatirapa.

Nagpapahiga tayo ng kaliwang paa at umuupo tayo rito nang napapanatag at nagtutukod tayo ng kanang [paa] habang naghaharap ng mga daliri nito sa qiblah,

o:

nagtutukod tayo ng kapwa paa at umuupo tayo sa mga sakong.

Naglalatag tayo ng mga braso natin: ang kanan sa ibabaw ng kanang hita at ang kaliwa sa kaliwang hita sa tabi ng tuhod o sa ibabaw ng tuhod.

28

[Nagsasabi tayo ng]: "Rabbi -ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)"

Dumadalangin tayo nito sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa habang nakaupo tayo nang napapanatag.

29

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Bumababa tayo, habang nagsasabi ng takbīr, sa ikalawang pagpapatirapa. Ito ay gaya ng unang pagpapatirapa sa pamamaraan at sinasabi.

30

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Nagsasagawa tayo ng ikalawang rak`ah sa paraang isinagawa natin ang unang rak`ah:

Ang paglalagay ng mga kamay at ang pagbigkas ng fātiḥah at isang talata o mga talata mula sa Qur'ān.

Pagkatapos yumuyukod tayo.

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Tumitindig tayo.

[Nagsasabi tayo ng]: "Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)"

Pagkatapos pumupunta tayo sa pagpapatirapa.

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Nagpapatirapa tayo ng dalawang patirapa, pagkatapos umuupo tayo para sa tashahhud.

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

31

Matapos ng pagkasagawa ng ikalawang rak`ah ay ang pag-upo para sa tashahhud. Umuupo tayo ng pag-upong ifitirāsh.

32

Ang upong ifitirāsh ay isinasagawa sa tashahhud ng ṣalāh na dalawang rak`ah gaya ng ṣalāh sa ṣubḥ, jumu`ah, at dalawang `īd; sa unang tashahhud din ng ṣalāh na tatluhang rak`ah at apatang rak`ah; sa pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa.

33

Walang masama sa sinumang hindi nakakakaya ng pag-upong ifitirāsh dahilan sa kalakihan ng katawan niya o dahilan sa pananakit sa mga paa niya o iba pa roon kapag umupo siya sa anumang paraang nakakaya niya.

34

Sa tashahhud ay naglalagay tayo ng kanang kamay sa ibabaw ng kanang hita kasabay ng pagkuyom ng mga daliri sa kabuuan ng mga ito maliban sa hintuturo sapagkat itinuturo natin ito,

35

o nag-uugnay tayo ng [dulo ng] hinlalaki sa [dulo ng] hinlalato at itinuturo natin ang hintuturo.

36

Ang kaliwang kamay naman ay maaaring nakalatag sa ibabaw ng kaliwang hita o ipinanghahawak natin sa tuhod.

Itinuturing na kaibig-ibig sa tashahhud na ang paningin natin ay nasa kanang kamay.

37

[Bumibigkas tayo ng tashahhud nang tahimik]: "Attaḥīyātu lillāhi wa -ṣṣalawātu wa -ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa raḥmatu -llāhi wa barakātuh, assalāmu `alaynā wa `alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya. Ang pagbati ay sumaatin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"

Bumibigkas tayo ng unang tashahhud lamang kapag ang ṣalāh ay tatluhang rak`ah o apatang rak`ah.

Kung ang ṣalāh naman ay dalawang rak`ah gaya ng ṣalāh sa ṣubḥ o jumu`ah o dalawang `īd, nilulubos natin ang tashahhud sa pamamagitan ng pagbigkas ng ṣalāh ibrāhīmīyah:

"Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati.)"

38

[Matapos nito, nagsasagawa tayo ng taslīm]: "As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)"

[Matapos nito, nagsasagawa tayo ng taslīm]: "As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)"

Isinasagawa ang taslīm matapos ng pagwawakas ng tashahhud at pagbigkas ng mga du`ā' na nasasaad sa Sunnah ng Propeta, subalit ito ay sa ṣalāh na dalawang rak`ah.

39

Nakaririnig tayo nang mahina ng "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

Kapag naman ang ṣalāh ay tatluhang rak`ah tulad ng maghrib o apatang rak`ah tulad ng ḍ̆uhr, `aṣr, at `ishā',

40

tunay na tayo ay tumitindig matapos ng unang tashahhud upang magsagawa ng isang rak`ah kapag tayo ay nagdarasal ng maghrib o magsagawa ng dalawang rak`ah kapag tayo ay nagdarasal ng ḍ̆uhr, `aṣr, at `ishā'. Bumibigkas tayo rito ng fātiḥah kalakip ng pagsasagawa natin ng lahat ng mga detalye na naunang naisagawa sa [naunang dalawang rak`ah] sa pagyukod, pagpapatirapa, pagtindig, at pag-upo.

41

[Nagsasabi tayo ng takbīr]: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)."

42

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay umuupo ng upong tawarruk sa huling tashahhud sa bawat ṣalāh na may dalawang tashahhud.

43

Ang upong tawarruk ay sa huling tashahhud lamang ng ṣalāh na tatluhang rak`ah at apatang rak`h. Ito ay may higit sa isang anyo:

44

ang pagpapahiga ng kaliwang paa, ang pagtutukod ng kanang paa, ang pagpapalabas ng dalawang ito mula sa kanang tagiliran, at ang paglalagay ng pigi sa lapag:

o:

ang pagpapahiga ng dalawang paa nang magkasama at ang pagpapalabas ng dalawang ito mula sa kanang tagiliran.

o:

ang pagpapahiga ng kanang paa at ang pagpapasok ng kaliwang paa sa pagitan ng hita at binti ng kanan.

45

Sa pag-upo ng huling tashahhud, bumibigkas tayo ng tashahhud, pagkatapos nagpapasunod tayo rito ng panalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan).

46

Bago magsagawa ng taslīm at matapos ng pagwawakas ng tashahhud, nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa apat: laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa tukso ng buhay at kamatayan, at laban sa tukso ng Bulaang Kristo.

Dumadalangin tayo ng niloloob natin mula sa mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay.

47

"As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)"

[Matapos nito, nagsasagawa tayo ng taslīm]: "As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)"

Hindi nangyayari ang pagwawakas ng ṣalāh at ang pagkakalas dito maliban sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.

48

Sa pamamagitan ng pagkasagawa ng taslīm, nawakasan na natin ang ṣalāh natin.

Astaghfiru -llāh. Astaghfiru -llāh. Astaghfiru -llāh. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)

49

Kabilang sa Sunnah para sa tagapagsagawa ng ṣalāh, kapag nakapagsagawa siya ng taslīm, na humingi siya ng tawad kay Allāh nang tatlong ulit. Pagkatapos babanggit siya kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) sa pamamagitan ng nasaad na dhikr buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan).

M

Ang nakasulat sa screen.

1

Isang imām ka man o isang munfarid.

2

Ang takbīratu -l-iḥrām

3

Nag-aangat tayo ng mga kamay kapantay ng mga balikat,

4

o kapantay ng mga tainga sa mismong pamamaraan.

5

Naglalagay tayo ng mga kamay sa dibdib

6

o sa itaas ng pusod,

7

o sa ilalim ng pusod.

8

Ang kanang kamay natin ay inilalagay natin sa ibabaw ng kaliwang kamay

9

o humahawak tayo sa pamamagitan ng kanang kamay sa kaliwang braso.

10

Ang Du`ā' sa Pagpapasimula sa Salāh

11

[Sumasambit tayo nang tahimik ng]: "Allāhumma bā`id baynī wa bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -l-mashriqi wa -l-maghrib. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -th-thawbu -l'abyaḍu mina -d-danas. Allāhumma -ghsil khaṭāyāya bi-lmā'i wa -th-thalji wa -l-barad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at mga kamalian ko gaya ng pagpapalayo Mo sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, dalisayin Mo ako mula sa mga kamalian gaya ng pagkakadalisay sa puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, hugasan Mo ang mga kamalian ko ng tubig, yelo at niyebe.)"

12

Bahagi ng Sunnah ang pagsasari-sari ng pagsambit ng mga ito.

13

Ang Pagpapakupkop

14

Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa isinumpang Demonyo

15

Ang Fātiḥah

16

Alḥamdu lillāhi rabbi -­l`ālamīn. Arraḥmāni ­-rraḥīm. Māliki yawmi ­-ddīn. Iyyāka na`budu wa iyyāka nasta`īn. Ihdina ­-ṣṣirāṭa ­-lmustaqīm. Sirāṭa -­lladhīna an`amta `alayhim ghayri ­-lmaghdūbi `alayhim wa la -­ḍḍāllīn. (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang Napakamaawain, ang Maawain. Ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong. Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid. Ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.)

17

Āmīn.

18

Isang panalangin lamang, na ang kahulugan ay: "O Allāh, tugunin Mo.

19

Bumibigkas tayo [matapos ng fātiḥah] ng madali sa atin mula sa Qur'ān.

20

Ang Pagyukod

21

Si Allāh ay pinakadakila

22

Ang likuran ay pantay at hindi nakabaluktot

23

Subḥāna rabbiya -l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila.)

24

Kabilang sa mga nakasaad sa ḥadīth na dhikr habang sa pagkakayukod:

25

Subbūḥun quddūsun rabbu -lmalā'ikati wa -rrūḥ. (Pinakamaluwalhati, kabanal-banalan, Panginoon ng mga anghel at Espiritu.)

26

Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa biḥamdika, allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)

27

Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)

28

Rabbanā wa laka -lḥamdu ḥamdan kathīran ṭayyibam mubārakan fīh. (Panginoon namin! Ukol sa iyo ang papuri: papuring marami na kaaya-aya na pinagpapala rito.)

29

Naglalaylay tayo ng mga kamay natin

30

o humawak tayo ng mga ito.

31

Ang pagpapatirapa

32

ang noo kasama ng ilong,

33

ang dalawang palad,

34

ang dalawang tuhod

35

at ang dalawang paa.

36

Subḥāna rabbiya -l-a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas.)

37

"Ang pinakamalapit na sandali ng tao sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa, kaya magparami kayo ng panalangin." Isinaysay ito ni Imām Muslim.

38

Ang pag-upong iftirāsh

39

Ang pag-upong iq`ā'

40

Rabbi -ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.) (tatlong ulit)

41

Allāhumma ­-ghfir lī, wa -­rḥamnī, wajburni, wa -­hdinī, wa -­rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, magpadakila Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, at tumustos Ka sa akin.)

42

Ang ṣubḥ

43

Ang jumu`ah

44

Ang dalawang `īd

45

Ang ḍ̆uhr

46

Ang `aṣr

47

Ang maghrib

48

Ang `ishā'

49

[Bumibigkas tayo ng tashahhud nang tahimik]: "Attaḥīyātu lillāhi wa -ṣṣalawātu wa -ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa raḥmatu -llāhi wa barakātuh, assalāmu `alaynā wa `alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya. Ang pagbati ay sumaatin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"

50

"Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati.)"

51

Ang ḍ̆uhr - ang `aṣr - ang maghrib - ang `ishā'

52

Ang ṣubḥ- ang jumu`ah - ang dalawang `īd

53

"Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa `alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati.)"

54

"As-salāmu `alaykum wa raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)"

55

"Kapag naupo siya sa huling rak`ah, magsusulong siya ng kaliwang paa, magtutukod siya ng isa pang paa, at uupo siya sa pigi." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.

56

Ang pag-upong tawarruk

57

"Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -l-qabri wa min `adhābi jahannama wa min fitnati -l-maḥyā wa -l-mamāti wa min sharri fitnati -l-masīḥi -d-dajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa tukso ng buhay at kamatayan, at laban sa kasamaan ng tukso ng Bulaang Kristo.)" Isinaysay ito ni Imām Muslim.

58

"Allāhumma innī ḍ̆alamtu nafsī ḍ̆ulman kathīrā, wa lā yaghfiru -dh-dhunūba illā anta, fa-ghfir lī maghfiratam min `indika wa -rḥamnī, innaka anta -l-ghafūru -r-raḥīm. (O Allāh, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko nang maraming paglabag sa katarungan at walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw kaya magpatawad ka sa akin ng isang kapatawarang mula sa Iyo at maawa Ka sa akin; tunay na Ikaw ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.)" Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.

59

Astaghfiru -llāh. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh.) (tatlong ulit)

60

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na nagsasabi: "Tunay na ang unang [gawaing] tutuusin ang tao sa Araw ng Pagbangon mula sa gawain niya ay ang pagdarasal niya. Kapag umayos ito, nagtagumpay at pumasa nga siya; at kapag nasira ito, nabigo at nalugi nga siya." Isinaysay ito nina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.