المختصر في صفة الحج
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagpapatuloy:
Ito ay isang pinaigsing polyeto sa paraan ng pagsasagawa ng ḥajj. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagapagsagawa ng ḥajj.
Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Pauna
Una. Ang mga Kundisyon ng Pagtanggap ng Pagsamba
Ang pagsamba ay hindi nagiging tinatanggap sa ganang kay Allāh maliban ayon sa dalawang kundisyon:
Ang Pagpapakawagas. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakay rito ng kaluguran ng mukha ni Allāh at ng tahanang pangkabilang-buhay. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 98:5): {Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo,}[1] (Qur'ān 98:5) Ibig sabihin: Bilang mga nakatuon sa Kanya at sa pagsamba sa Kanya, bilang mga umaayaw sa iba pa sa Kanya. Tafsīr As-Sa`dīy, p. 536.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." [2] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1 at Imām Muslim sa numero 1907.
Ang Pagsunod sa Propeta Rito sa Sinasabi at Ginagawa. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Buk̆arīy: 2697 at Imām Muslim: 1718. Sa isang salaysay ni Imām Muslim: 1718: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan." [3] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2697 at Imām Muslim sa numero 1718. [4] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1718.
***
Una. Ang mga Patakaran ng mga Mīqāt
Ang mga mīqāt ay ang mga lugar na tinukoy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magsagawa ng iḥrām sa mga iyon ang sinumang nagnais na magsagawa ng ḥajj at `umrah.
Kaya ang sinumang dumaraan sa isa sa mga iyon habang naglalayong magsagawa ng ḥajj o `umrah, kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām doon at hindi pinapayagan sa kanya na lumampas doon nang walang pagsasagawa ng iḥrām.
Ang sinumang higit na malapit sa Makkah kay sa mga mīqāt na ito, tunay na ang mīqāt niya ay ang lugar niya. Kaya magsasagawa siya roon ng ḥajj at `umrah.
Hinggil naman sa mga mamamayan ng Makkah at mga residente nito, magsasagawa sila ng iḥrām para sa ḥajj sa Makkah. Hinggil naman sa `umrah, tunay na sila ay lalabas papunta sa labas ng Makkah at magsasagawa ng iḥrām doon gaya ng sa Tan`īm at tulad nito.
Ang sinumang nasa eroplano, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām kapag natapat sa mīqāt. Kaya magpapakahanda siya at magsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām bago ng pagtapat sa mīqāt. Kapag natapat siya rito, maglalayon siya ng pagsasagawa ng iḥrām kaagad-agad. Hindi pinapayagan sa kanya ang pagpapaliban nito hanggang sa lumapag ang eroplano sa paliparan. Maaari sa kanya na magsagawa ng pag-iingat kaya sasambit siya ng talbiyah bago ng pagtapat sa mīqāt dala ng takot na makalampas sa lugar ng pagsambit ng talbiyah dahil sa bilis ng eroplano.
Ikalawa. Ang mga Uri ng Nusuk at ang mga Patakaran sa mga Ito
Ang mga nusuk (gawaing pagsamba) ay tatlo: tamattu`, ifrād, at qirān.
Ang tamattu` ay pinakamainam para sa sinumang hindi nagdala ng hady (alay). Ito ay ang pagsasagawa ng iḥrām para sa `umrah sa mga buwan ng ḥajj. Magsasagawa siya ng ṭawāf, sa`y, at taḥallul,[2] pagkatapos magsasagawa ng iḥrām para sa ḥajj sa mismong taon.
Ang ifrād ay ang pagsasagawa ng iḥrām para sa ḥajj lamang. Kapag nakarating siya sa Makkah, naging sunnah para sa kanya na magsagawa ng ṭawāf para sa pagdating, pagkatapos magsasagawa siya ng sa`y para sa ḥajj. Hindi siya magpapaahit ng buhok, hindi siya magpapaikli nito, at hindi siya kakalas sa iḥrām niya, bagkus mananatili siyang muḥrim (nasa kalagayan ng iḥrām) nang sa gayon makakalas siya rito matapos magsagawa ng ramy (pagbato) sa Jamarah Al-`Aqabah sa araw ng `īd. Kung nahuli ang pagsasagawa ng sa`y ng ḥajj hanggang sa matapos ng ṭawāf ng ḥajj ay wala namang masama.
Ang qirān ay ang pagsasagawa ng iḥrām para sa `umrah at ḥajj nang magkasama. Kaya naman magsasabi siya [para sa pagpasok sa kalagayan ng iḥrām] ng: "Labbayka -llāhumma `umratan wa-ḥajjā (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah at ḥajj)."
Ang gawain ng qārin (tagapagsagawa ng qirān na ḥajj) ay gaya ng gawain ng mufrid (tagapagsagawa ng ifrād na ḥajj): magkatulad, maliban na ang qārin ay nangangailangan ng hady at ang mufrid naman ay walang hady na kailangan sa kanya.
Ikatlo. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Iḥrām at ang mga Patakaran Nito
Isinasabatas para sa nagnanais magsagawa ng iḥrām ang sumusunod:
Ang pagpaligo, na isang sunnah mu'akkadah (binibigyang-diin) sa panig ng mga lalaki at mga babae, pati na sa nireregla at dinurugo [dahil sa panganganak].
Ang Pagpapabango ng pinakamabango na natatagpuan niya, gaya ng langis ng `ūd (sandalwood) o iba pa, sa ulo niya at balbas niya. Hindi nakapipinsala sa kanya ang pananatili niyon matapos magsagawa ng iḥrām. Hinggil naman sa babae, hindi pinapayagan para sa kanya ang pagpapabango ng anumang may mabangong amoy upang hindi siya maamoy ng mga lalaking estranghero.
Ang pagsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām. Ang mga ito ay tapis at balabal. Ang sunnah ay dalawang puting malinis o bagong tela. Magsasagawa ang babae ng iḥrām nang nakasuot ng anumang niloob niya na damit, nang hindi nagtatanghal ng gayak, maliban na siya ay iiwas sa pagsusuot ng niqāb at guwantes ngunit makapagtatakip siya ng mukha niya at mga kamay niya sa pamamagitan ng iba pa roon.
Ang pagsasagawa ng iḥrām ay matapos kaagad na magsagawa ng isang ṣalāh na isinasabatas, na tungkulin man o kusang-loob, ngunit iyon ay hindi kinakailangan.
[Sa pagpasok sa kalagayan ng iḥrām,] magsasabi siya ng: "Labbayka -llāhumma `umrah (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah)" kung siya ay nagsasagawa ng `umrah; o ng: "Labbayka -llāhumma ḥajjā (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng ḥajj)" kung siya ay mufrid; o ng: "Labbayka -llāhumma `umratan wa-ḥajjā (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah at ḥajj)" kung siya ay qārin.
Kapag ang sinumang nagnanais magsagawa ng iḥrām ay nangangamba sa isang nakasasagabal na makasasagabal sa kanya sa paglubos sa mga gawaing pagsamba niya, pinapayagan sa kanya na magsakundisyon sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām saka magsabi siya: "Wa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥābasanī. (At kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagsasagawaan ng taḥallul ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)" Kaya kapag nagsakundisyon siya nito at nangyari sa kanya ang pipigil sa kanya sa paglubos ng gawaing pagsamba niya, tunay na siya ay magsasagawa ng taḥallul at walang anuman sa kanya.
Pagkatapos magpaparami siya ng pagsambit ng talbiyah: "Labbayka -llāhumma labbayk; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku; lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"[3] Mag-aangat ang lalaki ng tinig niya roon at gayundin ang babae hanggat hindi nasa pagkahalubilo ng mga lalaking estranghero. Nararapat sa muḥrim na magparami ng pagsambit ng talbiyah lalo na sa pagbabago ng mga kalagayan at mga panahon tulad ng pag-akyat sa isang mataas na lugar o pagbaba sa isang mababang lugar o pagdating ng gabi o araw. Ang kahulugan ng pagsabi ng tao ng: "Labbayk (Bilang pagtugon sa iyo)" ay "dahil sa pagsagot sa Iyo, O Panginoon, ng isang pagsagot matapos ng isa pa." Ang kahulugan nito ay ang pagsagot ng tao sa Panginoon niya at ang pananatili nito sa pagtalima sa Kanya. Ang kahulugan ng pagsabi ng: "Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku; (Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari;)" ay ang paglalarawan sa pinapupurihan ng kalubusan kasama ng pag-ibig at pagdakila. Kaya kapag inulit-ulit ay nagiging isang pagbubunyi. Ang biyaya ay ang ipinagmamabuting-loob ni Allāh sa mga lingkod Niya sapagkat si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay ang Tagapaghari – tanging Siya. Ang pagsabi naman ng: "lā sharīka laka (walang katambal sa Iyo)" ay nangangahulugang walang nakikitambal sa Iyo sa anumang natatangi sa Iyo sa mga katangiang lubos na kabilang doon ang pagkabukod-tangi Niya sa paghahari, paglikha, pangangasiwa, at pagkadiyos. (Kalipunan ng mga Fatwā at mga Sanaysay ni Al-`Uthaymīn, 96/22, bilang buod.)
Ang pagsambit ng talbiyah ay isinasabatas sa `umrah mula sa pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa magsimula sa pagsasagawa ng ṭawāf at sa ḥajj mula sa pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa magsimula sa pagsasagawa ng ramy (pagbato) sa Jamarah Al-`Aqabah sa araw ng `īd.
Kinakailangan sa muḥrim ang mag-ingat sa pagkasadlak sa anuman sa mga ipinagbabawal hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥhallul sa iḥrām niya.
Ikaapat. Ang mga Ipinagbabawal sa Iḥrām
Ang mga ipinagbabawal sa iḥrām ay ang sumusunod:
Ang pag-ahit ng buhok o ang pagputol nito o ang pagbunot nito mula sa alinmang parte ng katawan.
Ang pagputol ng mga kuko sa kalahatan ng mga ito o bahagi ng mga ito mula sa mga paa o mga kamay.
Ang pagtatakip sa ulo ng anumang makadidiit dito tulad ng kupya, ghutrah, at turban; ang pagtatakip ng balabal sa ulo o ang paglalagay ng panyo o kumot o iba pa roon na anumang pinapakay rito ang pagtatakip, na natatangi sa lalaki hindi sa babae.
Ang pagsusuot na karaniwang kasuutang gawang-sastre ayon sa sukat sa katawan sa karaniwang anyo nito tulad ng thob na gawang-sastre, pantalon, polo, medyas, at guwantes. Ito ay natatangi sa lalaki hindi sa babae sapagkat ang babae ay iiwas naman sa:
Pagsusuot ng niqāb o burqā' o lithām (belo na nagtatakip ng bahaging sa ibaba ng mukha) na nakawawangis ng niqāb. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mukha sa harap ng mga lalaking estranghero na karaniwang panakip sa mukha, kahit pa man masaling ng panakip ang mukha niya. Hindi isinasabatas sa babae na maglagay ng isang benda – tulad nito – sa mukha niya sa layon na hindi makasaling ang panakip sa mukha. Ito ay dahil sa kawalan ng nagpapatunay sa pagkaisinasabatas niyon.
Ang pagsusuot ng guwantes sa mga kamay niya. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mga kamay niya sa harap ng mga lalaking estranghero sa pamamagitan ng paglalagay nito sa loob ng abaya niya.
Ang pagpapabango sa katawan o kasuutan ng iḥrām.
Ang pagpatay ng hayop na nahuhuli sa ilang at ang panghuhuli ng mga ito kahit pa hindi pinapatay.
Ang kasunduang pagpapakasal para sa sarili o para sa iba pa sa kanya.
Ang pagdaraos ng kasal.
Ang pakikipagromansa na hindi umaabot sa pagtatalik gaya ng paghalik at pagsaling nang may pagnanasa.
Ang pakikipagtalik nang direktahan sa ari.
***
Ikalima. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṭawāf
Kapag pumasok ang muḥrim sa Masjid na Pinakababanal, itinuturing na sunnah para sa kanya na mag-una ng kanang paa niya at magsabi ng panalangin ng pagpasok sa masjid. Kabilang sa pinakatumpak na nasaad kaugnay roon na magsabi siya ng: "Allāhumma -ftaḥ lī abwāb raḥmatik. (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo.)" Ang panalanging ito ay sinasabi sa sandali ng pagpasok ng alinmang masjid at hindi natatangi sa Masjid na Pinakababanal.
Kapag nagnais siya na magsimula sa pagsasagawa ng ṭawāf, tunay na siya ay magsasagawa ng iḍṭibā`. Ang paraan ng pagsasagawa ng iḍṭibā` ay maglagay ang lalaki ng gitna ng balabal niya sa loob ng kanang kilikili niya at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kaliwang balikat niya. Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf, magpapanumbalik siya nito sa kalagayan nito bago magsagawa ng ṭawāf dahil ang iḍṭibā`ay isinasagawa sa ṭawāf lamang.
Pagkatapos lalapit siya sa Batong Itim saka hihipo siya sa Batong Itim sa pamamagitan ng kanang kamay niya at hahalik siya sa kamay. Kung hindi naging posible sa kanya ang paghalik doon, hihipo siya niyon sa pamamagitan ng kamay niya at hahalik siya sa kamay niya. Kung hindi naging posible sa kanya ang paghipo roon sa pamamagitan ng kamay niya, hihipo siya niyon sa pamamagitan ng anumang nasa kanya gaya ng tungkod at tulad nito at hahalik siya rito. Kung hindi ito naging posible sa kanya, tunay na siya ay haharap sa Batong Itim at magtuturo siya niyon sa pamamagitan ng kamay niya nang isang pagturo at hindi siya hahalik dito. Ang pinakamainam ay hindi siya makipagsiksikan para makaperhuwisyo siya sa mga tao o maperhuwisyo siya dahil sa kanila.
Magsasabi siya sa sandali ng paghalik o pagturo sa Batong Itim: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)"
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan at maglalagay sa Ka`bah sa gawing kaliwa niya. Kapag umabot siya sa Rukn Yamānīy, hihipo siya nito nang walang paghalik. Kung hindi ito naging posible sa kanya, hindi siya makikipagsiksikan doon at hindi siya magtuturo niyon.
Magsasabi siya sa pagitan ng Rukn Yamānīy at Batong Itim: "Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"
Sa tuwing mapaparaan siya sa Batong Itim, magtuturo siya nito ng kamay niya at magsasabi siya ng: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)"
Magsasabi siya sa nalalabi sa pagsasagawa ng ṭawāf niya ng naiibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur'ān.
Ang sunnah ay magsagawa siya ng raml sa unang tatlong paglibot lamang. Ang raml ay ang pagpapabilis ng paglalakad kasabay ng pagpapalapit ng mga hakbang. Hinggil naman sa nalalabing apat na paglibot, walang pagsasagawa ng raml sa mga ito. Maglalakad lamang siya gaya nakagawian niya.
Kapag nalubos ang pagsasagawa ng ṭawāf, pupunta siya sa Maqām Ibrāhīm saka bibigkas siya ng: "Wa-ttakhidhū mim maqāmi ibrāhīma muṣallā. (Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan.)" Pagkatapos magdarasal siya ng dalawang rak`ah sa likuran niyon kung naging posible ito. Kung hindi naman, magdarasal siya nito sa alinmang lugar sa Masjid na Pinakababanal. Bibigkas siya sa unang rak`ah ng Sūrah Al-Kāfirūn matapos ng Al-Fātiḥah, at bibigkas siya sa ikalawang rak`ah ng Sūrah Al-Ikhlāṣ matapos ng Al-Fātiḥah. "Wa-ttakhidhū mim maqāmi ibrāhīma muṣallā. (... At gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan.)" (Qur'ān 2:125) Pagkatapos magdarasal siya ng dalawang rak`ah sa likuran niyon kung naging posible ito. Kung hindi naman, magdarasal siya nito sa alinmang lugar sa Masjid na Pinakababanal. Bibigkas siya sa unang rak`ah, matapos ng Al-Fātiḥah, ng: Sūrah Al-Kāfirūn (Qur'ān 109:1-6) at bibigkas siya sa ikalawang rak`ah, matapos ng Al-Fātiḥah, ng: Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112:1-4)
Ikaanim. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Sa`y
Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf at dalawang rak`ah na ṣalāh niya, tunay na siya ay lalabas papunta sa mas`ā. Kapag nakalapit siya sa Ṣafā, bibigkas siya ng: "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh. (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh.)" Pagkatapos magsasabi siya: "Magsisimula ako sa sinimulan ni Allāh." "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh... (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh...)" Pagkatapos magsasabi siya ng: "Abda'u bi-mā bada'a llāhu bih. (Nagsisimula ako sa sinimulan ni Allah.)"[6] [6] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1218.
Pagkatapos aakyat siya sa Ṣafā hanggang sa makita niya ang Ka`bah o ang dako nito saka haharap doon. Magpapahayag ng kaisahan ni Allāh at madadakila sa Kanya. Magsasabi siya ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdah. Anjaza wa`dah, wa-naṣara `abdah, wa-hazama -l'aḥzāba waḥdah." (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. At Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Gumanap Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa lingkod Niya, at tumalo Siya sa mga lapian nang mag-isa.) at pagkatapos ay manalangin siya sa pagitan nito. Sabihin niya ang tulad nito nang tatlong ulit."[7] [7] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 1218.
Pagkatapos bababa siya mula sa Ṣafā papuntang Marwah nang naglalakad. Kapag umabot siya sa berdeng palatandaan, magmamadali siya sa paglakad nang matindi. Kapag umabot siya sa ikalawang berdeng palatandaan, maglalakad siya gaya ng nakagawian niya. Hindi isinasabatas ang matinding mabilisang paglalakad para sa mga babae.
Kapag sumapit siya sa Marwah, isinasabatas sa kanya na gawin ang ginawa sa Ṣafā.
Pagkatapos bababa siya mula sa Marwah patungong Ṣafā nang naglalakad. Kapag umabot siya sa berdeng palatandaan, magmamadali siya sa paglakad nang matindi. Kapag umabot siya sa ikalawang berdeng palatandaan, maglalakad siya gaya ng nakagawian niya.
Ganito hanggang sa makakumpleto siya ng pitong pagparoon. Ang pagpunta niya mula sa Ṣafā patungong Marwah ay isang pagparoon. Ang pagbabalik niya mula Marwah patungong Ṣafā ay isa pang pagparoon.[4]
Makapagsasabi siya sa pagsasagawa niya ng sa`y niya ng anumang naibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur'ān.
Ikapito. Ang Paraan ng Pagpapaahit at Pagpapaiksi ng Buhok
Kapag nakalubos ang tagapagsagawa ng `umrah ng pagsasagawa ng ṭawāf niya, kinakailangan sa kanya na magpaahit ng ulo niya o magpaikli ng buhok niya kung siya ay lalaki. Ang sunnah ay ang pagpapaahit o ang pagpapaiksi nang masaklaw sa buong ulo.
Ang pagpapaahit ay higit na mainam kaysa sa pagpapaikli maliban sa kung ang panahon ng ḥajj ay malapit na kung kailan hindi na makakaya na tumubo ang buhok ng ulo kaya naman tunay na ang pinakamainam ay ang pagkakasya sa pagpapaikli.
Hinggil naman sa babae, tunay na siya ay magpapaputol mula sa mga dulo ng buhok niya ng sukat na isang pulgada.
Ang tagapagsagawa ng iḥrām ng ḥajj na ifrād man o qirān ay hindi magbabawas ng buhok niya kundi sa araw ng īd matapos ng pagsasagawa ng ramy sa Jamarah Al-`Aqabah.
Sa pamamagitan nito, ang tagapagsagawa ng `umrah ay nagpawakas na ng `umrah niya at gayundin ang tagapagsagawa ng tamattu` ng mga gawain ng `umrah nito.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj
Una. Ang Iḥrām ng Ḥajj
Ang sunnah para sa sinumang nagnanais magsagawa ng ḥajj ay na magsagawa ng iḥrām sa oras ng ḍuḥā (sa pagitan ng umaga at bago magtanghali) sa Araw ng Tarwiyah, ang ikawalong araw ng Dhulḥijjah, mula sa lugar niya na nagnais siyang magsagawa ng ḥajj kung siya ay nasa Makkah o paglampas sa mīqāt at kung hindi naman ay mula sa mīqāt na madaraanan niya.
Gagawin niya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām ng ḥajj ang ginawa niya sa pagsasagawa ng iḥrām ng `umrah gaya ng pagpaligo, pagpapabango, at pagsasagawa ng ṣalāh. Maglalayon siya ng pagsasagawa ng iḥrām ng ḥajj at sasambit siya ng talbiyah. Ang paraan ng pagsambit ng talbiyah sa ḥajj ay gaya ng paraan ng pagsambit ng talbiyah sa `umrah kaya nga lamang magsasabi siya rito ng: "Labbayka ḥajjā" sa halip ng pagsabi niya ng: "Labbayka `umrah."
Kapag siya ay nangangamba sa isang nakasasagabal na makasasagabal sa kanya sa paglubos sa mga gawaing pagsamba niya, pinapayagan sa kanya na magsakundisyon sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām saka magsabi siya: "Wa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥābasanī. (At kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagsasagawaan ng taḥallul ko ay kung saan pumigil ito sa akin.)" Kaya kapag nagsakundisyon siya nito at nangayari sa kanya ang pipigil sa kanya sa paglubos ng gawaing pagsamba niya, tunay na siya ay magsasagawa ng taḥallul at walang anuman sa kanya.
Pagkatapos magpaparami siya ng pagsambit ng talbiyah: "Labbayka -llāhumma labbayk; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku; lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"[3] Magtataas ang lalaki ng tinig niya roon at gayundin ang babae hanggat hindi nasa pagkahalubilo ng mga lalaking estranghero. Nararapat sa muḥrim na magparami ng pagsambit ng talbiyah lalo na sa pagbabago ng mga kalagayan at mga panahon tulad ng pag-akyat sa isang mataas na lugar o pagbaba sa isang mababang lugar o pagdating ng gabi o araw.
Ang pagsambit ng talbiyah ay isinasabatas mula sa pagkasagawa ng iḥrām hanggang sa magsimula sa pagsasagawa ng ramy sa Jamarah Al-`Aqabah sa araw ng `īd.
Kinakailangan sa muḥrim ang mag-ingat sa pagkasadlak sa anuman sa mga ipinagbabawal sa hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥhallul sa iḥrām niya.
***
Ikalawa. Ang Pagpapamagdamag (Mabīt) sa Minā
Pagkatapos itinuturing na sunnah para sa kanya na lumisan patungong Minā sa ikawalong araw [ng Dhulḥijjah] saka magsagawa ng ṣalāh na ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, `ishā', at fajr na pinaikli na hindi pinagsama dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaikli ng mga ṣalāh sa Minā at hindi nagsasama ng mga ito.
Ikatlo. Ang Pagtigil (Wuqūf) sa `Arafah at ang Pagpapamagdamag (Mabīt) sa Muzdalifah
Kapag sumikat ang araw sa ikasiyam na araw sa Araw ng `Arafah, lilisan mula sa Minā patungong `Arafah at manunuluyan sa Namirah hanggang sa katanghaliang-tapat kung naging posible ito para sa kanya at kung hindi naman ay walang kaasiwaan dahil ang panunuluyan sa Namirah ay sunnah.
Kapag lumampas sa katanghaliang-tapat ang araw, magsagawa ng ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr na tigdadalawang rak`ah, na pagsasamahin ang dalawang ito sa pagsasama ng pagpapauna gaya ng ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Pagkatapos maglalaan ng sarili matapos ng ṣalāh sa pagsambit ng dhikr, panalangin, at pagsusumamo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Mananalangin ng anumang naibigan habang nag-aangat ng mga kamay habang nakaharap sa qiblah.
Ang pinakamadalas sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dakilang katayuang iyon ay ang: "Lā iilāha illa –llāhu waḥdahu lā s̆arīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli s̆ay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa lahat ng bagay ay May-kakayahan.)"
Kapag dinapuan ng pagod at nagnais na magpahinga sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kasamahan ng mga pag-uusap na nagpapakinabang o pagbabasa ng anumang naging posible mula sa mga aklat na nakabebenipisyo lalo na sa nauugnay sa pagkamapagbigay ni Allāh at kasaganahan ng mga kaloob Niya upang lumakas ang aspeto ng pag-asa sa araw na iyon, iyon ay maganda. Pagkatapos manunumbalik sa pagsusumamo kay Allāh at pagdalangin sa Kanya at magsisigasig sa pagsamantala sa huling bahagi ng maghapon sa pagdalangin sapagkat ang pinakamabuti sa panalangin ay sa Araw ng `Arafah.
Kapag lumubog ang araw sa Araw ng `Arafah, lilisan patungong Muzdalifah.
Kapag nakarating doon, magsasagawa ng ṣalāh na maghrib at `ishā' na tigdadalawang rak`ah na ipinagsama.
Kung nangamba na hindi makarating sa Muzdalifah kundi matapos ng hatinggabi, tunay na siya ay magsasagawa ng ṣalāh kahit pa man bago makarating sa Muzdalifah at hindi pinapayagan na magpahuli ng pagsasagawa ng ṣalāh hanggang sa matapos ng hatinggabi.
Magpapamagdamag sa Muzdalifah; saka kapag luminaw ang madaling-araw ay magsasagawa ng ṣalāh na fajr nang maaga nang may adhān at iqāmah.
Pagkatapos magsasadya sa Mash`ar Ḥarām saka sasambit ng dhikr ng kaisahan ni Allāh at kadakilaan Niya at mananalangin ng anumang naibigan hanggang sa magliwanag nang lubos. Kung hindi naging posible para sa kanya ang pagpunta sa Mash`ar Ḥarām, mananalangin sa kinaroroonang lugar batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumigil ako rito [Muzdalifah] at ang Muzdalifah, ang kabuuan nito, ay tigilan." Ang kalagayan ng pagsambit ng dhikr at panalangin ay habang nakaharap sa qiblah habang nag-aangat ng mga kamay. "Tumigil ako rito [sa Muzdalifah]. Ang kabuuan nito ay tigilan."[8] Ang kalagayan ng pagsambit ng dhikr at panalangin ay habang nakaharap sa qiblah habang nag-aangat ng mga kamay. [8] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud sa numero 1936.
Ikaapat. Ang mga Gawain sa Araw ng `Īd
Kapag nagliwanag nang lubos, tutulak mula sa Muzdalifah – bago sumikat ang araw – patungong Minā at magmamadali patungong Wādī Muḥassar.
Kapag nakarating sa Minā, magsasagawa ng ramy sa Jamarah Al-`Aqabah – ang huling jamarah mula sa nalalapit sa Makkah – ng pitong munting bato na magkasunuran: isa matapos ng isa, na ang bawat isang bato ay humigit-kumulang kasinglaki ng buto ng datiles, habang sumasambit ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kasabay ng bawat pagbato.
Pagkatapos magkakatay ng hady (alay) kung naging posible ito.
Pagkatapos magpapaahit ng buhok ng ulo o magpapaikli nito, na kung lalaki ang pagpapaahit ay higit na mainam. Hinggil naman sa babae, isinasabatas sa kanya ang pagpapaikli hindi ang pagpapaahit.
Kapag nakapagsagawa ng ramy at nakapagpaahit ng buhok, nakapagsagawa nga siya ng taḥallul ng unang taḥallul kaya mapapayagan sa kanya ang bawat anuman maliban sa kaugnayan sa babae.
Pagkatapos tutuloy sa Makkah saka magsasagawa ng ṭawāf ifāḍah. Pagkatapos magsasagawa ng sa`y ng ḥajj kung siya ay nagsasagawa ng tamattu` o siya ay nagsasagawa ng ifrād o nagsasagawa ng qirān at hindi na makakaya ang magsagawa ng ṭawāf ng pagdating. Ukol sa kanya na magpahuli ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y hanggang sa gabi o ikalawang araw alinsunod sa naging posible para sa kanya.
Ikalima. Ang mga Gawain sa Araw ng Tashrīq
Kapag nakapagsagawa ng ramy, nakapagpaahit, nakapagsagawa ng ṭawāf, at nakapagsagawa ng sa`y, nakapagsagawa nga siya ng taḥallul sa kabuuan nito kaya mapapayagan sa kanya ang bawat anuman pati na ang kaugnayan sa babae.
Babalik sa Minā saka magpapamagdamag doon sa gabi ng ika-11, ika-12, ika-13 kung siya ay magpapahuli.
Magsasagawa ng ramy sa tatlong jamarah kapag lumihis sa katanghaliang-tapat ang araw.
Magsasagawa ng ramy sa ika-11 araw sa unang jamarah – ang pinakamalayo sa mga jamarah buhat sa Makkah at ang pinakamalapit sa Masjid Khayf – ng pitong munting bato na magkasunuran: isa matapos ng isa, habang sumasambit ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kasabay ng bawat pagbato. Pagkatapos susulong nang kaunti at dadalangin ng isang mahabang panalangin hinggil sa anumang naibigan. Kung naging mahirap sa kanya ang pagpapatagal ng pagtigil at pagdalangin, mananalangin ng anumang naging madali sa kanya kahit pa man kaunti upang matamo ang sunnah.
Pagkatapos magsasagawa ng ramy sa kalagitnaang jamarah, gayundin, at mananalangin matapos nito.
Pagkatapos magsasagawa ng ramy sa Jamarah Al-`Aqabah, gayundin, kaya nga lamang siya ay lilisan at hindi mananalangin matapos nito.
Pagkatapos magsasagawa siya ng ramy sa tatlong jamarah sa ika-12 araw tulad ng sa ika-11 araw. Kapag nalubos ang pagsasagawa ng ramy sa mga jamarah, kung loloobin ay makapagmamadali at lilisan mula sa Minā
at kung loloobin ay makapagpapahuli, magpapamagdamag doon sa gabi ng ika-13, at makapagsasagawa ng ramy sa tatlong jamarah matapos ng katanghaliang-tapat gaya ng naunang ginawa. Ang pagpapahuli ay higit na mainam.
Hindi kinakailangan ang pagpapahuli hanggang sa ika-13 araw maliban na lumubog ang araw sa ika-12 araw habang siya ay nasa Minā sapagkat tunay na siya ay maoobliga sa pagpapahuli hanggang sa makapagsagawa ng ramy sa tatlong jamarah matapos ng katanghaliang-tapat.
Subalit kung sakaling nalubugan ng araw sa Minā sa ika-12 araw hindi dahil pinili, tulad ng kung lumisan na at nakasakay na subalit nahuli dahilan sa trapiko ng mga sasakyan at tulad nito, tunay na inoobliga ang pagpapahuli dahil ang pagkahuli hanggang sa paglubog ng araw ay hindi pinili.
Ikaanim. Ang Ṭawāf ng Pamamaalam
Kapag ninais ang paglisan mula sa Makkah pauwi sa bayang pinagmulan, hindi lilisan hanggang sa makapagsagawa ng ṭawāf para sa pamamaalam.
Maliban sa nireregla at dinurugo [dahil sa panganganak] sapagkat walang kailangan sa dalawang ito na pamamaalam. Hindi nararapat na tumigil sila sa tabi ng pinto ng Masjid na Pinakababanal para sa pamamaalam dahil sa kawalan ng pagkasaad nito buhat sa Propeta (s).
Gagawin ang tawaf ng pamamaalam bilang kahuli-hulihang sandali sa Bahay ni Allah kapag nagnais lumisan para magbiyahe.
Kung natigil naman matapos ng tawaf ng pamamaalam dahil sa paghihintay sa kasamahan o pagbubuhat ng mga bagahe o bumili ng kailangan sa daan, walang kaasiwaan doon. Hindi mag-uulit ng tawaf maliban na maglayon na magpaliban ng biyahe, tulad ng kung magnanais na magbiyahe sa simula ng maghapon kaya naman magsasagawa ng tawaf ng pamamaalam, pagkatapos nagpaliban ng biyahe hanggang sa huling bahagi ng maghapon, halimbawa, tunay na inoobliga ang pag-ulit ng tawaf ng pamamaalam upang ang kahuli-hulihang sandali ay maging nasa Bahay ni Allah.
***