Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng `Umrah (Isang Praktikal at Maiksing Pagpapaliwanag) Papaano magsagawa ng `Umrah? (Pinasimpleng Pampagtuturong Video Clip) Isang video clip na nagbibigay-linaw sa mga gawaing-pagsamba ng `umrah ayon sa pagkakasunud-sunod mula iḥrām hanggang sa taḥallul, sa pinasimple at maliwanag na istilo. Panoorin ang video clip at pag-aralan kung papaano isinasagawa ang `umrah nang may kadalian at kahusayan. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah Kinakailangan sa sinumang nagnais magsagawa ng `umrah na magsagawa ng iḥrām mula sa mīqāt na itinakda para sa kanya. Ang mga mīqāt ay…
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng `Umrah (Isang Praktikal at Maiksing Pagpapaliwanag)Papaano magsagawa ng `Umrah? (Pinasimpleng Pampagtuturong Video Clip)Isang video clip na nagbibigay-linaw sa mga gawaing-pagsamba ng `umrah ayon sa pagkakasunud-sunod mula iḥrām hanggang sa taḥallul, sa pinasimple at maliwanag na istilo. Panoorin ang video clip at pag-aralan kung papaano isinasagawa ang `umrah nang may kadalian at kahusayan.Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah
Kinakailangan sa sinumang nagnais magsagawa ng `umrah na magsagawa ng iḥrām mula sa mīqāt na itinakda para sa kanya.
Ang mga mīqāt ay ang mga lugar na itinalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)upang magsagawa ng iḥrām mula roon ang sinumang nagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah.
Kaya ang sinumang dumaan sa isa sa mga ito habang naglalayong magsagawa ng ḥajj o `umrah, kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām doon. Hindi pinapayagan sa kanya ang paglampas doon nang walang pagkasagawa ng iḥrām.
Ang sinumang higit na malapit sa Makkah kaysa sa mga mīqāt na ito gaya ng mga naninirahan sa Jeddah,tunay na ang mīqāt niya ay ang lugar niya. Kaya magsasagawa siya ng iḥrām mula roon para sa ḥajj at `umrah.
Hinggil naman sa mga naninirahan sa Makkah, magsasagawa sila ng iḥrām para sa ḥajj mula sa mga bahay nila sa Makkah.Hinggil naman sa `umrah, tunay na sila ay lilisan papunta sa labas ng Makkah at magsasagawa ng iḥrām mula roon, gaya ng sa Tan`īm at tulad nito.
Ang sinumang nasa eroplano, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām kapag natapat sa mīqāt.Kaya magpapakahanda siya at magsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām bago ng pagtapat sa mīqāt.Kapag natapat siya rito, maglalayon siya ng pagsasagawa ng iḥrām kaagad-agad.Maaari sa kanya na magsagawa ng pag-iingat kaya sasambit siya ng talbiyah bago ng pagtapat sa mīqāt dala ng takot na makalampas sa lugar ng pagsambit ng talbiyah dahil sa bilis ng eroplano.Hindi pinapayagan sa kanya ang pagpapahuli nito hanggang sa makalapag sa paliparan.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Iḥrām at ang mga Patakaran Nito
Ang sinumang nagnais magsagawa ng iḥrām, tunay na:
1. Isinasakaibig-ibig para sa kanya ang paliligo.
2. Isinasakaibig-ibig ang pagpapabango para sa mga lalaki.Ito ay sa katawan at balbas, hindi sa mga kasuutan ng iḥrām.
3. Kinakailangan ang pagsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām. Ito, para sa lalaki, ay isang izār (tapis) at isang ridā’ (balabal).Ang Sunnah ay na ang dalawang ito ay kulay puting malinis o bago.
Magsasagawa ang babae ng iḥrām sa anumang niloob niya na kasuutan habang hindi nagtatanghal ng gayak,subalit siya ay iiwas sa pagsusuot ng niqāb at mga guwantesat magtatakip ng mukha at mga kamay niya ng iba roon.
4. Ang iḥrām ay ang layunin ng pagpasok sa nusuk (gawaing pagsamba) saka magsasabi:Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng isang `umrah.Labbayka -llāhumma `umrah.Kapag siya ay isang tagapagsagawa ng `umrah para sa iba, magsasabi siya:Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng isang `umrah para kay Polano.Labbayka -llāhumma `umratan `an fulān.
5. Kapag ang sinumang nagnanais magsagawa ng iḥrām ay nangangamba sa isang nakasasagabal na makasasagabal sa kanya sa paglubos ng gawaing pagsamba niya,pinapayagan para sa kanya na magsakundisyon siya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām kaya magsasabi siya:Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng isang `umrah. Kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin.Labbayka -llāhumma `umratan; wa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥabasanī.Kaya kapag nagsakundisyon siya at nangyari sa kanya ang hahadlang sa kanya sa paglubos ng gawaing-pagsamba niya, tunay na siya ay kakalas at walang anuman sa kanya.
6. Pagkatapos magpaparami siya ng pagsambit ng talbiyah:Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.Labbayka llāhumma labbayk. Labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna lḥamda wanni`mata laka walmulku; lā sharīka lak.Magtataas ang lalaki ng tinig niya sa pagsambit niyon,at gayon din ang babae, hanggat wala siya sa harap ng mga lalaking estranghero.
7. Kinakailangan sa muḥrim ang pag-iwas sa mga sinasawata sa iḥrām hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥhallul mula sa iḥrām niya.
Ang mga sinasawata sa iḥrām ay tatlong bahagi:
Una: Ang bahaging naibabawal sa mga lalaki at mga babae
Ang pag-ahit ng buhok o ang pagputol nito o ang pagbunot nito mula sa alinmang parte ng katawan.
Ang pagputol ng mga kuko sa kalahatan ng mga ito o ng bahagi ng mga ito mula sa mga paa o mga kamay.
Ang pagpapabango sa katawan o kasuutan ng iḥrām.
Ang pagpatay ng hayop sa ilang o ang paghuli nito kahit hindi patayin.
Ang khiṭbah (pag-alok ng kasal) para sa sarili o para sa iba.
Ang pagdaraos ng kasal.
Ang pakikipagromansa na hindi umaabot sa pagtatalik gaya ng paghalik at pagsaling nang may pagnanasa.
Ang pakikipagtalik nang direktahan sa ari.
Ikalawa: Ang bahaging naibabawal sa mga lalaki:
Ang pagtatakip sa ulo ng anumang makadidiit dito tulad ng kupya at turban, at ang paglalagay ng balabal sa ulo o ng iba pa roon, na pinapakay rito ang pagtatakip.
Ang pagsusuot ng karaniwang kasuutang ipinasadyang ipatahi ayon sa sukat sa katawan sa karaniwang anyo nito tulad ng thob na ipinasadyang ipatahi, pantalon, at polo.
Ikatlo: Ang bahaging naibabawal sa mga babae:
Ang pagsusuot ng niqāb o burqa` o lithām na nakawawangis ng niqāb. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mukha niya sa harap ng mga lalaking estranghero sa pamamagitan ng iba pa sa nabanggit na iyon.
Ang pagsusuot ng guwantes sa mga kamay niya. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mga kamay niya sa harap ng mga lalaking estranghero.
Sisimulan ng tagapagsagawa ng `umrah ang `umrah niya sa pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah.
Isinasakundisyon para sa ṭawāf sa paligid ng Ka`bah na siya ay nakapagdalisay.
Kapag pumasok ang muḥrim sa Masjid na Pinakababanal, itinuturing na sunnah para sa kanya na mag-una ng kanang paa niyaMagsasabi siya ng panalangin ng pagpasok sa masjid. Ito ay ang sumusunod:"O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo."Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatika.
Kapag nakita na niya ang Ka`bah, tunay na siya ay titigil sa pagsambit ng talbiyah.
Kapag nagnais siya na magsimula sa pagsasagawa ng ṭawāf, itinuturing na sunnah sa kanya na magsagawa ng iḍṭibā`sa pamamagitan ng paglalagay ng gitna ng balabal niya sa loob ng kanang kilikili niya at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kaliwang balikat niya.Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf, ibabalik niya ang balabal niya saka tatakpan niya ang magkabilang balikat niya dahil ang iḍṭibā` ay isinasagawa sa ṭawāf lamang.
Nagsisimula ang ṭawāf mula sa Batong Itim.
Kaya isinasakaibig-ibig na hipuin niya ang Batong Itim ng kanang kamay niya at halikan ito.Kung hindi naging posible sa kanya ang paghalik doon, hihipuin niya iyon ng kamay niya at hahalikan niya ang kamay niya.Kung hindi naging posible sa kanya, hihipuin niya iyon sa pamamagitan ng isang bagay na dala niya gaya ng tungkod o tulad nito at hahalikan ito.Kung hindi ito naging posible sa kanya, tunay na siya ay haharap sa Batong Itim, magtuturo niyon ng kamay niya, at hindi hahalik dito.Ang pinakamainam ay huwag makipagsiksikan para hindi makaperhuwisyo sa mga tao at maperhuwisyo dahil sa kanila.
Isinakaibig-ibig na magsabi sa sandali ng paghipo sa Batong Itim o pagturo rito:Si Allāh ay pinakadakila.Allāhu akbar.
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan at magpupuwesto sa Ka`bah sa gawing kaliwa niya.Kapag umabot siya sa Rukn Yamānīy, hihipo siya niyon nang walang paghalik.Kung hindi makakaya, huwag makipagsiksikan at huwag ding magturo roon.
{Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.}"Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l’ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār."
Magsasabi siya sa pagitan ng Rukn Yamānīy at Batong Itim:
Sa tuwing mapaparaan siya sa Batong Itim, magtuturo siya nito ng kamay niya at magsasabi siya:Si Allāh ay pinakadakila.(Allāhu akbar.)
Magsasabi siya sa nalalabi sa pagsasagawa ng ṭawāf niya ng naibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur’ān.
Ang sunnah ay magsagawa ng raml sa unang tatlong paglibot lamang kung magiging posible para sa kanya iyon,kalakip ng pagpapabilis ng paglalakad kasabay ng pagpapalapit ng mga hakbang.Hinggil naman sa nalalabing apat na paglibot, walang pagpapabilis sa mga ito.
Kapag nakatapos ng pagsasagawa ng ṭawāf, isinasakaibig-ibig na magdasal ng dalawang rak`ah sa harapan ng Maqām Ibrāhīm kung naging posible ito.Kung hindi naman, magdarasal nito sa alinmang lugar sa Masjid.Bibigkasin niya sa unang rak`ah matapos ng Al-Fātiḥahang Sūrah Al-Kāfirūnat bibigkasin niya sa ikalawang rak`ah matapos ng Al-Fātiḥahang Sūrah Al-Ikhlāṣ.
Pagkatapos isinasakaibig-ibig na humarap sa qiblah, ang Ka`bah, at magsabi:Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.Walang Diyos kundi si Allāh, tanging Siya. Nagsakatuparan si Allāh ng pangako Niya, nag-adya Siya sa Lingkod Niya, at gumapi Siya sa mga magkakampi [laban sa Islām] nang mag-isa.Lā ilāha illa llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay’in qadīr.Lā ilāha illa llāhu waḥdahu. Anjaza wa`dah, wa-naṣara `abdah, wa hazama -l’aḥzāba waḥdah.Mag-uulit siya niyon nang tatlong ulit at mananalangin sa pagitan niyon.
Pagkatapos bababa siya mula sa Ṣafā patungong Marwah nang naglalakad,Kapag umabot siya sa luntiang palatandaan, maglalakad ang mga lalaki lamang nang isang paspasang paglalakad.Kapag umabot siya sa ikalawang luntiang palatandaan, maglalakad siya.
Kapag sumapit siya sa Marwah, isinasabatas sa kanya na gawin ang ginawa niya sa Ṣafā,gaya ng pagsambit ng takbīr, pagdalangin, pagbigkas ng Qur’ān, at pagharap sa Ka`bah.
Pagkatapos bababa siya mula sa Marwah patungong Ṣafā nang naglalakad.Kapag umabot siya sa luntiang palatandaan, maglalakad siya nang isang paspasang paglalakad.Kapag umabot siya sa ikalawang luntiang palatandaan, maglalakad siya.
Ganito hanggang sa makakumpleto siya ng pitong shawṭ.Ang pagpunta niya mula sa Ṣafā patungong Marwah ay isang shawṭ.Ang pagbabalik niya mula Marwah patungong Ṣafā ay isa pang shawṭ.Magsisimula siya sa Ṣafā at magwawakas siya sa Marwah.
Magsasabi siya sa pagsasagawa ng sa`y niya ng naiibigan niya na dhikr, panalangin, at pagbigkas ng Qur’ān.
Ang Paraan ng Pagpapaahit at Pagpapaiksi ng Buhok
Kapag nakalubos ang tagapagsagawa ng `umrah ng ṭawāf niya at sa`y niya, kinakailangan sa lalaki na magpaahit ng ulo niya o magpaikli nito.Ang kinakailangan ay na ang pagpapaahit o ang pagpapaikli ay maging nakasaklaw sa buong ulo.
Ang babae ay magpapaikli mula sa mga dulo ng buhok niya ng sukat na isang pulgada.
Sa pamamagitan nito magiging nalubos na ang pagsasagawa ng `umrah.
Ang mga Patakaran ng mga Mīqāt
Ang MadīnahAng DhulḥulayfahAng Dhātu`irqAng Juḥfah
Ang YalamlamAng QarnulmanāzilAng mga Mīqāt
Ang MakkahAng MīqātAng Iḥrām ng Malapit sa MakkahAng Lugar Niya
Ang Iḥrām ng mga Naninirahan sa MakkahPara sa Ḥajjmula sa mga bahay nilaPara sa `UmrahAng Tan`īm
Ang iḥrām ng sinumang dumating lulan ng eroplanoBago tumapat sa mīqātIsusuot ang mga kasuutan ng iḥrām.Sa sandali ng pagtatapatMaglalayon ng pagsasagawa ng iḥrāmSisimulan ang pagsambit ng talbiyahHindi pinapayagan ang pagpapaliban ng iḥrām hanggang sa paliparan.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Iḥrām at ang mga Patakaran Nito
Ang pagpaligo
Ang pagpapabango
Para sa mga lalaki, hindi sa mga babaeAng katawanAng balbasAng mga kasuutan
Ang Pagsusuot ng mga Kasuutan ng IḥrāmIzār at Ridā’LalakiDalawang putiBabaeAnumang niloob niya na kasuutanHindi nagtatanghal ng gayakAng niqābAng guwantes
Ang Iḥrām ng Umrah:
SakitPangyayari
Ang pagsasakundisyon sa layunin
kakalas at walang anuman sa kanya
Ang Paraan ng Pagsambit ng Talbiyah:
Ang Pag-iwas sa mga Sinasawata sa Iḥrām
Hanggang sa kumalas sa iḥrām niya.Ang mga Sinasawata sa Iḥrāmnaibabawal sa mga lalaki at mga babaeAng khiṭbah (pag-alok ng kasal) para sa sarili o para sa ibaAng pagdaraos ng kasalnaibabawal sa mga lalakiAng mga lalakinaibabawal sa mga babae
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng ṬawāfIsinasakundisyon para sa pagsasagawa ng ṭawāf na siya ay nakapagdalisay.
Ang Panalangin sa Pagpasok sa Masjid
Ang kanang paa
Ang Iḍṭibā`Ang iḍṭibā` ay para sa ṭawāf lamang.Nagsisimula ang pagsasagawa ng ṭawāf mula sa Batong Itim.
Ang Rukn Yamānīy
Ang sinasabi sa pagitan ng dalawang Haliging Yamānīy
LalakiPanalanginPagbigkas ng Qur’ānAng pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng ramlSa unang tatlong paglibot
Ang Ṣalāh sa Harapan ng Maqām IbrāhīmKung naging posible
{Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan.}
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Sa`y
Ang MarwahAng Ṣafā
Tatlong ulitTumatakboNaglalakadAng Luntiang PalatandaanTakbīrAng pagharap sa Ka`bahPitong shawṭMula sa Ṣafā papunta sa Marwah ay isang shawṭ.Shawṭ 1Ang Paraan ng Pagpapaahit at Pagpapaiksi ng Buhok
Ang pagkakinakailangan ng pagpapaahit at pagpapaikli ng buhok para sa lalaki.Nakasasaklaw sa buong ulo.Ang pagkakinakailangan ng pagpapaikli ng buhok para sa babae.Ang mga babae
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
65 wika
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy: Ito ay isang pinaigsing polyeto sa paraan ng pagsasagawa ng `umrah, mga patakaran nito, at mga etiketa nito. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagapagsagawa ng `umrah. Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
Ang libretong "Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah" ni Shaykh `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz (kaawaan siya ni Allāh) ay nagbibigay-linaw sa mga gawaing-pagsamba ng `umrah sa isang maliwanag at pinadaling istilo upang ito ay maging isang praktikal na gabay na aalalay sa Muslim sa pagganap ng gawain nito nang may kataimtiman at kadaliang nasasamahan ng mga panalangin at mga dhikr na ipinahatid sa bawat yugto.
Ang Aklat na "Ang Metodolohiya ng Tagapagnais ng Ḥajj at `Umrah" ni Shaykh Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn ay isang gabay na masaklaw at mapagtitiwalaan para sa bawat Muslim na nagmimithi ng pagsasagawa ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj at `umrah. Naghahain ang aklat ng isang pagbibigay-linaw na nakatutugon sa mga etiketa ng paglalakbay, mga patakaran ng iḥrām, at mga kinakailangan ng tagapagsagawa ng ḥajj at tagapagsagawa ng `umrah, na sumasalig sa Marangal na Qur'an at Pampropetang Sunnah. Tumatalakay rin ang aklat nang may pagdedetalye sa mga mīqāt ng ḥajj, mga uri ng mga rituwal, at…