Pinakahinahanap
Ang Pagsisiyasat at ang Pagbibigay-liwanag sa Marami sa mga Usapin ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita Ayon sa Tanglaw ng Qur'ān at Sunnah
Akda ng Kanyang Kabunyiang Shaykh na Pantas Panimula ng May-akda Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya. Sa pagpapatuloy: Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.[1] Ito ay isang gawaing-pagsambang pinaiksi na naglalaman ng pagbibigay-liwanag at pagsisiyasat sa marami sa mga usapin ng hajj, `umrah, at pagbisita ayon sa tanglaw ng Aklat ni Allah at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), na tinipon ko para sa sarili ko at para sa sinumang nagnais kabilang sa mga Muslim.…
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Ang Pagsisiyasat at ang Pagbibigay-liwanag sa Marami sa mga Usapin ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita Ayon sa Tanglaw ng Qur'ān at Sunnah
Akda ng Kanyang Kabunyiang Shaykh na Pantas
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Panimula ng May-akda
Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya. Sa pagpapatuloy: Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.[1]
Ito ay isang gawaing-pagsambang pinaiksi na naglalaman ng pagbibigay-liwanag at pagsisiyasat sa marami sa mga usapin ng hajj, `umrah, at pagbisita ayon sa tanglaw ng Aklat ni Allah at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), na tinipon ko para sa sarili ko at para sa sinumang nagnais kabilang sa mga Muslim. Nagsumikap ako sa pagsulat sa mga usapin nito ayon sa tanglaw ng patunay. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Inilimbag nga ito sa unang pagkakataon noong taong 1363 Hijrah (1943 CE) sa paggugol ng Kanyang Kamahalang Haring `Abdul`azīz bin `Abdirraḥmān Al-Fayṣal (pakabanalin ni Allah ang kaluluwa niya at parangalan ang tuluyan niya). Sa pagpapatuloy:
Pagkatapos tunay na ako ay naghain ng mga usapin nito nang ilang paghahain at nagdagdag dito ng mga pagsisiyasat na ipinananawagan dito ng pangangailangan. Nagsaalang-alang ako ng pag-ulit ng paglimbag nito upang makinabang dito ang sinumang niloob ni Allah mula sa mga lingkod. Nagpangalan ako rito bilang: "Ang Pagsisiyasat at ang Pagbibigay-liwanag sa Marami sa mga Usapin ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita Ayon sa Tanglaw ng Qur'ān at Sunnah." Pagkatapos nagpasok ako rito ng mga iba pang mahalagang karagdagan at makatuturang pagtawag-pansin bilang pagkumpleto ng benepisyo. Nailimbag na ito nang hindi isang ulit. Ito ay isang maigsing mensahe kaugnay sa hajj at paglilinaw sa kainaman nito at mga etiketa nito, anumang nararapat sa sinumang nagnais maglakbay para sa pagganap nito, at isang paglilinaw sa maraming mahalagang usapin kabilang sa mga usapin ng hajj, `umrah, at pagbisita ayon sa pamamaraan ng pagpapaigsi at pagbibigay-liwanag. Nagsulat nga ako rito ng ipinatunay ng Aklat ni Allah at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Tinipon ko ito bilang payo sa mga Muslim at bilang paggawa ayon sa sabi ni Allah (napakataas Siya): {Magpaalaala ka sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.}[2] at sabi pa Niya (napakataas Siya): {[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga binigyan ng kasulatan, [na nagsasaad]: “Talagang lilinawin nga ninyo ito sa mga tao at hindi kayo magkukubli nito.”}[3] at sabi pa Niya (napakataas Siya): {Magtulungan kayo sa *pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala}[4]
Humiling ako kay Allah na magpangkalahatan Siya ng pakinabang dito at gumawa Siya sa pagpunyagi rito bilang wagas na ukol sa marangal na mukha Niya at bilang kadahilanan sa pagtamo sa nasa Kanya sa mga Hardin ng Kaginhawahan sapagkat tunay na Siya ay kasapatan sa atin at kay inam ang Pinananaligan at walang kapangyarian at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah, ang Mataas, ang Sukdulan. at batay sa nasaad sa tumpak na ḥadīth buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na siya ay nagsabi: "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo" nang tatlong ulit. Sinabi: "Alang-alang kanino po, O Sugo ni Allah?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}[5]
Ang May-akda Nagsalaysay si Aṭ-Ṭābarānīy ayon kay Ḥudhayfah: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang hindi nagpapahalaga sa nauukol sa mga Muslim, hindi ito kabilang sa kanila. Ang sinumang hindi inuumaga at ginagawa habang nagpapayo alang-alang kay Allah, alang-alang sa Sugo Niya, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa pinuno Niya, at alang-alang sa madla ng mga Muslim, hindi ito kabilang sa kanila."}[6]
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz Si Allah ay ang hinihilingan na magpakinabang sa akin dito at sa mga Muslim at na gumawa sa pagpupunyagi rito bilang wagas na ukol sa marangal na mukha Niya at bilang kadahilanan ng pagtamo sa piling Niya sa mga Hardin ng Kaginhawahan; tunay na Siya ay Madinigin, naTagatugon. Siya ay kasapatan sa atin at kay inam ang Pinananaligan.
Parte
Muftī ng Pangakalahatan ng Kaharian ng Saudi Arabia
Kaugnay sa mga Patunay sa Pagkakinakailangan ng Ḥajj at `Umrah at Pagdadali-dali sa Pagganap ng Dalawang Ito
Pangulo ng Kapisanan ng Matataas na mga Pantas
Ang Pangangasiwa ng mga Pagsasaliksik na Pangkaalaman at Pagbibigay-fatwā Kapag nalaman ito, alamin ninyo – magtuon nawa sa akin si Allah at sa inyo sa pag-alam sa totoo at pagsunod dito – na si Allah (napakataas Siya) ay nag-obliga nga sa mga lingkod Niya ng pagsasagawa ng hajj sa Pinakababanal na Bahay Niya at gumawa rito bilang isa sa mga haligi ng Islam. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang *landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya [sa pagkatungkulin ng ḥajj], tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.}[7]
Nasaad sa Ṣaḥīḥān ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, at [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]."[8] [1] Majmū` Fatāwā Wa Maqālāt na Nailathala ng Kanyang Kabunyiang Shaykh `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz (25/16-117).
Nagsalaysay si Sa`īd sa Sunan niya ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {na siya ay nagsabi: "Talaga ngang nagbalak ako na magpadala ng mga lalaki sa mga pook na ito para tumingin sila sa bawat sinumang naging may kaya[9] at hindi nagsagawa ng hajj upang magpataw sa kanila ng buwis. Hindi sila mga Muslim. Hindi sila mga Muslim."[10]
Kinakailangan sa sinumang hindi nakapagsagawa ng hajj samantalang siya ay nakakakaya naman ng pagsasagawa ng hajj na magdali-dali sa pagsasagawa nito batay sa isinalaysay ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allah sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magpakamadali kayo sa pagsasagawa ng ḥajj," tinutukoy niya ang tungkulin, "sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung ano ang malalahad sa kanya."[12] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad. [2] Qur'ān 51:55. [4] Qur'ān 5:2. [3] Qur'ān 3:187.
Dahil ang pagganap ng hajj ay kinakailangan sa kaagad-agad sa panig ng sinumang nakakayang magkaroon ng daan papunta roon batay sa nakahayag sa sabi ni Allah: {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya [sa pagkatungkulin ng ḥajj], tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.}[13] at sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at talumpati niya: "O mga tao, tunay na si Allah ay nagsatungkulin sa inyo ng hajj kaya magsagawa kayo ng hajj."[14] [5] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Tamīm Ad-Darīy (kalugdan siya ni Allāh) sa numero: 55.
May nasaad nga na mga hadith na nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng `umrah. [6] Nagtala nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsaṭ sa numero: 7469.
Kabilang sa mga ito ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sagot niya kay Anghel Gabriel noong nagtanong ito sa kanya tungkol sa Islam. Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng salah, magbigay ka ng zakāh, magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh], magsagawa ka ng `umrah, maligo ka mula sa janābah, maglubos ka ng wudu, at mag-ayuno ka sa Ramaḍān}[15]
Kabilang sa mga ito ang hadith ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagsabi: {O Sugo ni Allah, May kailangan ba sa mga babae na isang pakikibaka? Nagsabi siya: "Oo; may kailangan sa kanila na isang pakikibakang walang pakikipaglaban dito: ang ḥajj at ang `umrah."}[16] Nagtala nito sina Imām Aḥmad at Imām Ibnu Mājah nang may tumpak na isnād.
Hindi kinakailangan ang hajj at ang `umrah sa tanang buhay kundi iisang ulit, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tumpak na hadith: "Ang hajj ay isang ulit; kaya naman ang sinumang nagdagdag, ito ay isang pagkukusang-loob."[17]
Ibinibilang na sunnah ang pagpaparami ng pagsasagawa ng hajj at `umrah bilang pagkukusang-loob kaya sa napagtibay sa Ṣaḥīḥān ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang `umrah hanggang sa kasunod na `umrah ay panakip-sala sa pagitan ng dalawang ito. Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay walang ganti rito kundi ang Paraiso."}[18]
Parte
[7] Qur'ān 3:97.
Kaugnay sa Pagkakinakailangan ng Pagbabalik-loob Mula sa mga Pagsuway at Paglabas Mula sa mga Paglabag sa Katarungan
[8] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero: 8 at Imām Muslim sa numero: 16.
Kapag nagpasya ang Muslim ng paglalakbay patungo sa hajj o `umrah, isinakaibig-ibig sa kanya na magtagubilin sa mag-anak niya at mga kasamahan niya ng pangingilag magkasala kay Allah (aj). Ito ay ang paggawa ng mga ipinag-uutos Niya at ang pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Naisalaysay ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagsabi: "Ang sinumang nakakaya sa pagsasagawa ng hajj saka nagwaksi nito, hindi kailangan sa kanya na mamatay bilang Hudyo o bilang Kristiyano."[11] [10] Ang pagkakaugnay nito sa Jāmi` Al-Aḥādīth (28/318) sa numero: 31221 ay Sunan Sa`īd bin Manṣūr subalit ako ay hindi nakatagpo nito sa kopyang naririyan. [9] Ibig sabihin: kaluwagan sa salapi. [11] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy ayon kay `Alīy bilang marfū` sa numero: 812.
Nararapat na magsulat siya ng ukol sa kanya at kailangan sa kanya sa utang at magpasaksi siya roon. Kinakailangan sa kanya ang pagdadali-dali sa pagbabalik-loob na tapat mula sa lahat ng mga pagkakasala, batay sa sabi ni Allah: {Magbalik-loob kayo kay Allāh sa kalahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.}[19] [12] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero: 1732.
Ang reyalidad ng pagbabalik-loob ay ang pagkalas sa mga pagkakasala, ang pag-iwan sa mga ito, ang pagsisisi sa anumang nakaraan mula sa mga ito, at ang pagtitika (determinasyon) sa hindi panunumbalik sa mga ito. Kung mayroon siyang mga atraso sa mga tao na nasirang buhay o salapi o dangal, magbabayad siya ng mga ito sa kanila o magpapadispensa siya sa kanila sa mga ito bago ng paglalakbay niya. Batay ito sa natumpak na salaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nakalabag sa katarungan sa kapatid niya sa ari-aria o dangal ay managot siya ngayong araw bago hindi magkaroon ng isang dinar ni isang dirham. Kung nagkaroon sa kanya ng isang maayos na gawa, kukuha mula rito ayon sa sukat ng paglabag niya sa katarungan; at kung hindi nagkaroon sa kanya ng mga magandang gawa, kukuha mula sa mga masagwang gawa ng katunggali niya saka ipapapasan sa kanya."[20] [13] Qur'ān 3:97.
Nararapat na maglaan siya para sa hajj niya at `umrah niya ng isang kaaya-ayang panggugol mula sa isang yamang pinahihintulutan batay sa natumpak na sanaysay mula sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allah (t) ay hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya."[21] Nagtala nito si Imām Muslim. [14] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero: 1337.
Nagsalaysay si Aṭ-Ṭabarānīy ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Kapag lumisan ang lalaki habang magsasagawa ng hajj sa pamamagitan ng isang kaaya-ayang pangguguol at naglagay siya ng paa niya sa estribo [ng hayop] saka nanawagan siya ng: "Labbayka -llāhumma labbayk (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allah, bilang pagtugon sa Iyo)," may mananawagan sa kanya na isang tagapanawagan mula sa langit: "Labbayka wa-sa`dayk (Bilang pagtugon at iyo at bilang pagpapaligaya sa iyo). Ang baon mo ay pinahihintulutan, ang sasakyang hayop mo ay pinahihintulutan, at ang hajj mo ay minamabuting-loob hindi minamabigat." Kapag lumisan ang lalaki sa pamamagitan ng karima-rimarim na panggugol saka naglagay siya ng paa niya sa estribo [ng hayop] saka nanawagan siya ng: "Labbayka -llāhumma labbayk (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allah, bilang pagtugon sa Iyo)," may mananawagan sa kanya na isang tagapanawagan mula sa langit: "Lā labbayka wa-lā sa`dayk (HIndi bilang pagtugon at iyo at hindi bilang pagpapaligaya sa iyo). Ang baon mo ay ipinagbabawal, ang sasakyang hayop mo ay ipinagbabawal, at ang hajj mo ay hindi minamabuting-loob."}
Nararapat sa tagapagsagawa ng hajj ang nagpapakawalang-pangangailangan sa nasa mga kamay ng mga tao at ang pagpipigil sa panghihingi sa kanila, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpipigil na manghingi, magkakaloob sa kanya si Allah; at ang sinumang nagpapakawalang-pangangailangan, magpapawalang-pangangailangan sa kanya si Allah."[23] Nagtala nito sina Ibnu Khuzaymah at Ad-Dāraquṭnīy mula sa hadith ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya). Nagsabi si Ad-Dāraquṭnīy na ito ay isang matibay na tumpak na isnād. [15] Nagtala nito si Ibnu Khuzaymah (T4/1) sa numero: 1
Ang sabi pa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang tao na nanghihingi sa mga tao hanggang sa dumating siya sa Araw ng Pagbangon habang sa mukha niya ay walang isang pilas ng laman."[24] [16] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero: 1520.
Kinakailangan sa tagapagsagawa ng hajj na magpakay sa pagsasagawa ng hajj niya at `umrah niya ng kaluguran ng mukha ni Allah, pagpapakalapit-loob kay Allah sa pamamagitan ng nagpapalugod sa Kanya na mga sinasabi at mga ginagawa sa mga marangal na pook na iyon; at mag-ingat ng buong pag-iingat laban sa pagpapakay sa pagsasagawa ng hajj niya ng kamunduhan at mga basura nito, o pagpapakitang-tao, pagpapasikat, at pakikipagyabangan niyon sapagkat tunay na iyon ay kabilang sa pinakapangit sa mga pinapakay at isang kadahilanan sa pagkawalang-kabuluhan ng gawain at hindi pagkatanggap nito, gaya ng sinabi ni Allah (t): {15. Ang sinumang nagnanais ng buhay na pangmundo at gayak nito, maglulubus-lubos Kami tungo sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kinukulangan. 16. Ang mga iyon, walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalang-kabuluhan ang niyari nila roon at walang-saysay ang dati nilang ginagawa.}[25] [17] Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa numero: 2620
at ng sinabi pa Niya (napakataas Siya): {18. Ang sinumang nagnanais ng panandalian ay magpapadali Kami para sa kanya roon ng loloobin Namin para sa sinumang nanaisin Namin. Pagkatapos magtatalaga Kami para sa kanya ng Impiyerno, na masusunog siya roon bilang pinupulaang pinalalayas. 19. Ang sinumang nagnais ng Kabilang-buhay at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon habang siya ay isang mananampalataya, ang pagpupunyagi ng mga iyon ay pahahalagahan.}[26] [18] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero: 1773 at Imām Muslim sa numero: 1349.
May natumpak [na ḥadīth] buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na siya ay nagsabi: {Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, iiwanan Ko siya kasama ng pagtatambal niya."}[27]
Nararapat din sa kanya na isama niya sa paglalakbay niya ang mabubuti kabilang sa mga may pagtalima, pangingilag magkasala, at pagkaunawa sa Relihiyon; at na mag-ingat laban sa pakikisama sa mga hunghang at mga suwail.
Nararapat sa kanya na matuto ng isinasabatas sa kanya sa pagsasagawa ng hajj niya at `umrah niya, magpakaunawa roon, at magtanong tungkol sa anumang nagpapasuliranin sa kanya upang siya ay maging nasa isang kabatiran. Kaya kapag sumakay siya ng sasakyan niya o kotse niya o eroplano o iba pa sa mga ito na mga transportasyon, isinasakaibig-ibig sa kanya na sumambit ng basmalah at sumambit ng ḥamdalah, pagkatapos sumambit ng takbir nang tatlong ulit at magsabi ng: {13. Subḥāna -lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa-mā kunnā lahū muqrinīn. (Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya.) 14. wa innā ilā rabbinā lamunqalibūn; (Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang magbabalik.)}[28]
"Allāhumma innā nas'aluka fī safarinā hādha -lbirra wa-ttaqwā wa mina -l`amali mā tarḍā. Allāhumma hawwin `alaynā safaranā hādhā, wa-ṭwi `annā bu`dah. Allāhumma anta ṣṣāhibu fi -ssafar, wa-lkhalīfatu fi -l'ahl. Allāhumma innī a`ūdhu bika min wa`thā'i -ssafar, wa-ka'ābati -lmanḍ̆ar, wa-sū'i -lmunqalabi fi -lmāli wa-l'ahl. (O Allāh, tunay na kami ay humihiling sa Iyo sa paglalakbay naming ito ng kabutihan, pangingilag sa pagkakasala, at gawang ikalulugod Mo. O Allah, pagaanin Mo sa amin ang paglalakbay naming ito at paiksiin Mo para sa amin ang layo nito. O Allah, Ikaw ang kasama sa paglalakbay at ang pinag-iwanan sa mag-anak. O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa hirap ng paglalakbay, laban sa panglaw ng tanawin, laban sa kasaklapan ng madadatnan sa ari-arian at mag-anak.)"[29] Dahil sa katumpakan niyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagtala nito si Imām Muslim mula sa hadith ng Anak ni `Umar (malugod si Allah sa kanilang dalawa). [19] Qur'ān 24:31.
Magpaparami siya sa paglalakbay niya ng pagsambit ng dhikr, pagdalangin kay Allah (kaluwalhatian sa Kanya), pagsusumamo sa Kanya, at pagbigkas ng Qur'an at pagmumuni-muni sa mga kahulugan nito. Magpapanatili siya sa mga salah sa konggregasyon. Pag-iingatan niya ang dila niya laban sa kadalasan ng pagsasabi-sabi, pagsuong sa anumang hindi nauukol sa kanya, at pagpapalabis-labis sa pagbibiro. Pangangalagaan niya rin ang dila niya laban sa pagsisinungaling, panlilibak, pagtsitsismis, at panunuya sa mga kasamahan niya at iba pa sa kanila kabilang sa mga kapatid niyang mga Muslim. [20] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero: 2449.
Nararapat sa kanya ang magkaloob ng pagsasamabuting-loob sa mga kasamahan niya, ang magpigil ng perhuwisyo niya sa kanila, at ang mag-utos sa kanila ng nakabubuti at ang sumaway sa kanila ng nakasasama sa pamamagitan ng karunungan at magandang pangangaral alinsunod sa kakayahan. [21] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero: 1015. [22] Nagsalaysay nito si At-Ṭabarānīy sa Al-Kabīr (T40/20) sa numero: 2989.
Parte
[23] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero: 1427 at Imām Muslim sa numero: 1035.
Hinggil sa Gagawin ng Tagapagsagawa ng Ḥajj sa Sandali ng Pagdating Niya sa Mīqāt
[24] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero: 1474 at Imām Muslim sa numero: 4040.
Kapag dumating siya sa miqat, isinakaibig-ibig sa kanya na maligo at magpabango batay sa naisalaysay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghubad ng tinahian sa sandali ng pagsasagawa ng ihram at naligo at batay sa napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako ay nagpapabango sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa pagsasagawa ng iḥrām niya bago siya magsagawa ng iḥrām at para sa pagsasagawa niya ng taḥallul bago siya magsagawa ng ṭawāf sa Ka`bah.}[30] Nag-utos siya kay `Ā'ishah noong nagregla nang nakapagsagawa na ito ng iḥrām ng `umrah na maligo siya at magsagawa siya ng iḥrām ng ḥajj. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Asmā' bint `Umays noong nanganak ito sa Dhulḥulayfah na maligo ito, magpasador ng isang tela, at magsagawa ng iḥrām.[31] Kaya nagpatunay iyon ang babae, kapag dumating ito sa mīqāt habang ito ay nireregla o dinurugo, ay maliligo, magsasagawa ng iḥrām kasabay ng mga tao, at gagawa ng ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj bukod sa Ka`bah, kung paanong nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina `Ā'ishah at Asmā' ng gayon. [25] Qur'ān 11:5.
Isinasakaibig-ibig ito sa sinumang nagnais magsagawa ng iḥrām na mangalaga ng bigote niya, mga kuko niya, buhok sa ari niya, at mga kilikili niya. Kaya tatanggalin niya ang anumang ipinanawagan ng pangangailangan na tanggalin upang hindi siya mangailangan sa pagtanggal niyon matapos ng pagkasagawa ng iḥrām habang siya ay muḥrim at dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabatas para sa mga Muslim ng pangangalaga sa mga bagay na ito sa bawat sandali, gaya ng napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang naturalesa [ng kalinisan] ay lima: ang pagpapatuli, ang pag-aahit sa ari, ang paggupit ng bigote, ang pagputol sa mga kuko, at ang pagbunot sa buhok ng mga kilikili."}[32] [26] Qur'ān 17:18-19.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpayugto para sa amin sa paggupit ng bigote, pagputol ng mga kuko, pagbunot sa buhok ng kilikili, at pag-ahit sa buhok ng ari na hindi ka mag-iwan niyon nang higit sa apatnapung gabi.}[33] [27] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2985.
Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy ayon sa pagkakasambit na: "Nagpayugto para sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagtala nito sina Imām Aḥmad, Imām Abū Dāwud, at Imām At-Tirmidhīy ayon sa pagkakasambit ni Imām An-Nasā'īy. Hinggil naman sa ulo, hindi isinasabatas ang pagtanggal ng anuman mula rito sa sandali ng pagkasagawa ng iḥrām: hindi sa panig ng mga lalaki at hindi sa panig ng mga babae.
Hinggil naman sa balbas, ibinabawal ang pag-ahit nito o ang pagtanggal ng anuman mula rito sa lahat ng mga sandali; bagkus kinakailangan ang pagpapanagana nito at ang pagpapakapal nito batay sa napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Salungatin ninyo ang mga tagapagtambal, pakapalin ninyo ang mga balbas, at gupitan ninyo ang mga bigote."}[34] Nagtala si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ nito ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gupitan ninyo ang mga bigote, payabungin ninyo ang mga balbas, at salungatin ninyo ang mga Mago."}[35] [28] Qur'ān 43:13-14.
Bumigat nga ang kasawian sa panahong ito dahil sa pagsalungat ng marami sa mga tao sa sunnah na ito, pakikidigma nila sa mga balbas, at pagkalugod nila sa pakikiwangis sa mga Kāfir at mga babae, lalo na sa mga taong nauugnay sa kaalaman at pagtuturo. Kaya naman tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya mga babalik. Humihiling tayo kay Allāh na magpatnubay Siya sa atin at sa nalalabi sa mga Muslim tungo sa pakikipagsang-ayon sa Sunnah, pananatili rito, at pag-aanyaya tungo rito, kahit pa umayaw rito ang mga nakararami. Kasapatan sa atin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Dakila. [29] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1342.
Pagkatapos magsusuot ang lalaki ng izār (pantapis) at ridā' (pambalabal). Isinasakaibig-ibig na ang dalawang ito ay malinis na kulay puti. Isinasakaibig-ibig na magsagawa ng iḥrām na nakasuot ng sandalyas (o tsinelas) batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsagawa ng iḥrām ang [bawat] isa sa inyo sa pagkakasuot ng pantapis at pambalabal at ng sandalyas; ngunit kung hindi siya nakatagpo ng sandalyas, magsuot siya ng khuff at putulan niya ito nang sa gayon ito ay maging higit na mababa sa mga bukungbukong."[36] Nagtala nito si Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh).
Hinggil naman sa babae, pinapayagan sa kanya na magsagawa ng iḥrām sa anumang kulay na niloob niya gaya ng itim o berde o iba pa sa dalawang ito kasabay ng pag-iingat laban sa pagpapakawangis sa mga lalaki sa kasuutan nila subalit hindi ukol sa kanya na magsuot ng niqāb at guwantes dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa babaing muḥrim laban sa pagsusuot ng niqāb at guwantes. Hinggil naman sa pagtatakda ng madla ng iḥrām ng babae sa kulay berde o itim lamang, walang batayan dito.
Pagkatapos matapos ng pagkasagawa ng pagpaligo, paglilinis, at pagsusuot ng mga damit ng iḥrām, maglalayon siya sa puso niya ng pagpasok sa gawaing pagsamba na ninanais niya na ḥajj o `umrah batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang."[37]
Isinasabatas sa kanya ang pagbigkas ng nilayon niya. Kaya kung ang layunin niya ay ang magsagawa ng `umrah, magsasabi siya ng: "Labbayka `umrah (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)" o "Allāhumma labbayka `umrah (O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)" dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumawa niyon. Kung naglayon siya ng dalawang ito nang magkasama, makasasambit siya niyon sapagkat makapagsasabi siya ng: "Allāhumma labbayka `umratan wa ḥajjā (O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah at ḥajj)." Ang pinakamainam ay na ang pagbigkas niyon ay matapos ng pagkaluklok niya sa sinasakyan niya na sasakyang hayop o kotse o iba pa sa dalawang ito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsalayunin lamang matapos na nakaluklok siya sa sasakyang kamelyo niya at naghayo ito sa kanya mula sa mīqāt para sa pagbiyahe. Ito ay ang pinakatumpak mula sa mga pahayag ng mga alagad ng kaalaman.
Hindi isinasabatas sa kanya ang pagbigkas ng anumang nilayon niya maliban sa pagsasagawa ng iḥrām lalo na dahil sa pagkasaad nito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): [31] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1218. [30] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1539 at Imām Muslim sa numero 1189.
Hinggil naman sa salah, ṭawāf, at iba pa sa dalawang ito, nararapat sa kanya na hindi bumigkas sa anuman sa mga ito sa paglalayon. Kaya hindi siya magsasabi ng: "Nawaytu an uṣalliya ... (Naglayon ako na magdasal ng ...)" ni magsasabi ng: "Nawaytu an aṭūfa ... (Naglayon ako na magsagawa ng ṭawāf ...)." Bagkus ang pagbigkas ng gayon ay kabilang sa mga bid`ah na ipinauso at ang malakas na pagsambit ng gayon ay higit na pangit at higit na matindi bilang kasalanan. Kung sakaling ang pagbigkas ng layunin ay naging isang isinasabatas, talaga sanang naglinaw nito ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpaliwanag siya nito sa Kalipunang Islām sa pamamagitan ng paggawa niya o pagsabi niya at talaga sanang nauna roon ang Kanunu-nunuang Maayos. [32] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 5891 at Imām Muslim sa numero 257. [33] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 258.
Ngunit yayamang hindi naipaabot iyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni buhat sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), nalaman na ito ay isang bid`ah. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamasama sa mga bagay ay ang mga ipinauso sa mga ito. Ang bawat pinauso ay bid`ah. Ang bawat bid`ah ay kaligawan."[38] Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya. Nagsabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."[39] Napagkasunduan sa katumpakan nito. Sa isang pagkakasambit batay kay Imām Muslim: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan."[40]
Hinggil sa mga Mīqāt na Panlugar at Pagtatakda sa mga Ito
[34] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2892 at Imām Muslim sa numero 259. [35] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 260.
Ang mga mīqāt ay lima:
1. Dhulḥulayfah, ang mīqāt ng mga naninirahan sa Madīnah, ang tinatawag ng mga tao sa ngayon bilang Abyār `Alīy. [36] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1177.
2. Ang Al-Juḥfah. Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Shām (Sirya, Jordan, at Palestina). Ito ay isang maliit na nayong nasira na nalalapit sa Rābigh. Ang mga tao sa ngayon ay nagsasagawa ng iḥrām sa Rābigh. Ang sinumang nagsagawa ng iḥrām sa Rābigh ay nakapagsagawa ng iḥrām sa mīqāt dahil ang Rābigh ay bago nito nang kaunti.
3. Ang Qarnulmanāzil. Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Najd, ang tinatawag sa ngayon bilang As-Sayl. [37] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1 at Imām Muslim sa numero 1907.
4. Ang Yalamlam. Ito ang mīqāt ng mga naninirahan ng Yemen.
5. Ang Dhātu`irq. Ito ang mīqāt ng mga naninirahan sa Iraq.
Ang mga mīqāt na ito ay ginawa ngang mīqāt ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa mga nabanggit natin at para sa mga dumaan sa mga ito na iba pa sa kanila, na nagnais na magsagawa ng ḥajj o `umrah.
Ang kinakailangan sa sinumang naparaan doon ay na magsagawa ng iḥrām doon. Ibinabawal sa kanya na lumampas doon nang walang pagkasagawa ng iḥrām kung siya ay nagsasadya sa Makkah, na nagnanais magsagawa ng ḥajj o magsagawa ng `umrah, maging ang pagdaan niya roon ay sa pagbiyahe sa lupa o sa pagbiyahe sa himpapawid. Batay ito sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nagtakda siya ng mga mīqāt na ito: "Ang mga [lugar na] ito ay ukol [sa naninirahan] sa mga ito at ukol sa sinumang pumunta sa mga ito kabilang sa hindi mga naninirahan sa mga ito, na sinumang nagnais magsagawa ng ḥajj o `umrah."[41] [38] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 867. [39] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2697 at Imām Muslim sa numero 1718. [40] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2550 at Imām Muslim sa numero 1718.
Ang isinasabatas sa sinumang nagtungo sa Makkah sa pagbiyahe sa himpapawid dahil sa pakay na magsagawa ng ḥajj o `umrah ay na magpakahanda para roon sa pamamagitan ng pagpaligo at tulad nito bago ng pagsakay sa eroplano. Kapag nalapit siya mula sa mīqāt, magsusuot siya ng izār niya at ridā' niya. Pagkatapos sasambit siya ng talbiyah ng `umrah, kung ang oras ay maluwag; at kung ang oras ay gipit, sasambit siya ng talbiyah ng ḥajj. Kung nagsuot siya ng izār niya at ridā' niya bago ng pagsakay o bago ng pagkalapit mula sa mīqāt, wala namang masama; subalit hindi siya maglalayon ng pagpasok sa gawaing pagsamba at hindi sasambit ng talbiyah niyon malibang kapag natapat siya sa mīqāt o nalapit mula roon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsagawa ng iḥrām malibang mula sa mīqāt. Ang kinakailangan sa Kalipunang Islām ay ang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon gaya sa iba pa rito na mga pumapatungkol sa Relihiyon, batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran}[42] Batay rin ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥajj ng Pamamaalam: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[43]
Hinggil naman sa sinumang nagtungo sa Makkah at hindi nagnais magsagawa ng ḥajj ni ng `umrah, gaya ng mangangalakal, mangangahoy, kartero, at iba pa roon, walang kailangan sa kanya na pagsasagawa ng iḥrām maliban na magnais siya niyon. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa naunang ḥadīth noong binanggit niya ang mga mīqāt: "Ang mga [lugar na] ito ay ukol [sa naninirahan] sa mga ito at ukol sa sinumang pumunta sa mga ito kabilang sa hindi mga naninirahan sa mga ito, na sinumang nagnais magsagawa ng ḥajj o `umrah;"[44] Kaya ang pagkakaintindi rito ay na ang sinumang naparaan sa mga mīqāt at hindi naman nagnais magsagawa ng ḥajj ni magsagawa ng `umrah, walang iḥrām na kailangan sa kanya.
Ito ay bahagi ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at pagpapadali Niya para sa kanila. Kaya ukol sa Kanya ang papuri at ang pasasalamat dahil doon. Kumakatig doon na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong dumating sa Makkah nang taon ng pagsakop, ay hindi nagsagawa ng iḥrām. Bagkus pumasok siya roon habang nakasuot sa ulo niya ang helmet dahil sa pagiging siya ay hindi dumating nang sandaling iyon dahil sa ḥajj ni `umrah. Ninais lamang niya ang magbukas niyon at mag-alis ng naroon na shirk.
Hinggil naman sa sinumang ang tirahan ay malapit sa Makkah kaysa sa mga mīqāt gaya ng mga mamamayan ng Jeddah, Ummu As-Salm, Baḥrah, Ash-Sharā'i`, Badr, Mastūrah, at mga kawangis ng mga ito, hindi kailangan sa kanya na pumunta sa anuman sa naunang nabanggit na limang mīqāt; bagkus ang tirahan niya ay ang mīqāt niya. Kaya magsasagawa siya ng iḥrām mula roon ng ninais niya na ḥajj o `umrah. Kapag siya ay nagkaroon ng isang iba pang tirahan sa labas ng mīqāt, siya ay may mapagpipilian: kung loloobin niya ay makapagsasagawa siya ng iḥrām mula sa mīqāt at kung loloobin niya ay makapagsasagawa siya ng iḥrām mula sa tirahan na higit na malapit sa Makkah kaysa sa mīqāt. Batay ito sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) noong binanggit niya ang mga mīqāt, na nagsabi siya: "... saka ang sinumang nasa malapit [sa Makkah kaysa] sa mga [mīqāt na] ito, ang pagpapahayagan niya [ng talbiyah][45] ay mula sa pinaninirahan niya, at gayundin, pati ang mga naninirahan sa Makkah ay magpapahayag [ng talbiyah] mula sa Makkah."[46]
Subalit ang sinumang nagnais magsagawa ng `umrah habang siya ay nasa Ḥaram, kailangan sa kanya na pumunta sa labas ng Ḥaram at magsagawa ng `umrah mula roon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong humiling sa kanya si `Ā'ishah na magsagawa ng `umrah, ay nag-utos sa kapatid nito na si `Abdurraḥmān na pumunta kasama nito sa labas ng Ḥaram saka magsagawa ito ng iḥrām mula roon. Kaya nagpatunay iyon na ang tagapagsagawa ng `umrah ay hindi magsasagawa ng iḥrām ng `umrah mula sa Ḥaram at magsasagawa lamang ng iḥrām nito mula sa labas ng Ḥaram.
Ang ḥadīth na ito ay nagpapartikular ng naunang nabanggit na ḥadīth ng Anak ni `Abbās at nagpapatunay na ang tinutukoy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sabi niya: "... pati ang mga naninirahan sa Makkah ay magpapahayag [ng talbiyah] mula sa Makkah."[47] ay ang pagpapahayag ng talbiyah ng ḥajj hindi ng `umrah yayamang kung sakaling ang pagpapahayag ng talbiyah ng `umrah ay naging pinapayagan mula sa Ḥaram, talaga sanang nagpahintulot siya niyon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) at hindi siya nag-atang rito ng tungkulin ng pagpunta sa labas ng Ḥaram. Ito ay isang bagay na maliwanag at ito ang pahayag ng mayoriya sa mga maalam (ang awa ni Allāh ay sumakanila). Ito ay higit na maingat para sa mga mananampalataya dahil narito ang paggawa ayon sa dalawang ḥadīth nang magkasama. Si Allāh ay ang Tagapagtuon.
Hinggil naman sa ginagawa ng ilan sa mga tao na pagpaparami ng pagsasagawa ng `umrah matapos ng ḥajj mula sa At-Tan`īm o Al-Ji`ranah o iba pa sa dalawang ito samantalang nauna nang nakapagsagawa siya ng `umrah bago ng ḥajj, walang patunay sa pagkalegal nito. Bagkus ang mga patunay ay nagpapatunay na ang pinakamainam ay itigil ito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ay hindi nagsagawa ng `umrah matapos ng pagkasagawa nila ng ḥajj. Nagsagawa lamang ng `umrah si `Ā'ishah mula sa At-Tan`īm dahil sa pagiging siya ay hindi nakapagsagawa ng `umrah kasama ng mga tao sa panahon ng pagpasok sa Makkah dahilan sa pagreregla. Kaya naman humiling siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsagawa siya ng `umrah kapalit ng pagkasagawa niya ng `umrah na nagsagawa siya ng iḥrām nito mula sa mīqāt. Tumugon naman niyon sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nangyari nga sa kanya ang pagkasagawa ng dalawang `umrah: ang `umrah na kasama ng ḥajj niya at ang namumukod-tanging `umrah na ito. Kaya ang sinumang tulad ni `Ā'ishah ay walang masama na magsagawa ng `umrah matapos ng pagkasagawa niya ng ḥajj, bilang paggawa ayon sa mga patunay sa kabuuan ng mga ito at bilang pagpapaluwag sa mga Muslim.
Walang duda na ang pagkaabala ng mga tagapagsagawa ng ḥajj sa pagsasagawa ng isang iba pang `umrah matapos ng pagkasagawa nila ng ḥajj maliban sa `umrah na isinagawa nila nang pumasok sila sa Makkah ay nagpapahirap sa lahat at nagsasadahilan sa dami ng siksikan at mga aksidente kasama ng dulot nito na pakikipagsalungatan sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at Sunnah niya. Si Allāh ay ang Tagapagtuon.
Parte
Hinggil sa Kahatulan sa Sinumang Dumating sa Mīqāt sa Hindi mga Buwan ng Ḥajj
[41] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa numero 1524 at Imām Muslim sa numero 1181.
Alamin mo na ang dumarating sa mīqāt ay may dalawang kalagayan: [65] Qur'ān 33:21. [43] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1297.
A. Na makarating siya sa mīqāt sa hindi mga buwan ng ḥajj gaya ng Ramaḍān at Sha`bān. Ang sunnah sa panig nito. Ang sunnah sa panig nito ay na magsagawa ng iḥrām ng `umrah kaya maglalayon siya nito sa puso niya at bibigkas sa pamamagitan ng dila, na nagsasabi: "Labbayka `umratan (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)" o "Allāhumma labbayka `umratan (O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)" pagkatapos sasambit ng talbiyah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Labbayka -llāhumma labbayk. Labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulku, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"[48] Magpaparami siya ng talbiyah na ito at ng pag-alaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) hanggang sa makarating siya sa Bahay [ni Allāh]. Kapag nakarating siya sa Bahay [ni Allāh], hihinto siya sa pagsambit ng talbiyah, magsasagawa siya ng ṭawāf sa Ka`bah nang pitong paglibot, at magsasagawa siya ng salah na dalawang rak'ah sa harap ng Maqām Ibrāhīm, pagkatapos pupunta siya sa Ṣafā at magpaparoon-parito sa pagitan ng Ṣafā at Marwah nang pitong pagparoon-parito, pagkatapos magpapaahit siya ng buhok ng ulo niya o magpapaikli nito. Sa pamamagitan niyon nalulubos ang `umrah niya at napahihintulutan sa kanya ang bawat anumang ibinawal sa kanya dahil sa pagkasagawa ng iḥrām. [44] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
B. Na makarating siya sa mīqāt sa mga buwan ng ḥajj gaya ng Shawwāl at Dhulqa`dah at Unang Sampung Araw ng Dhulḥijjah.
Ang tulad nito ay makapipili sa pagitan ng tatlong gawain: ang pagsasagawa ng ḥajj lamang, ang pagsasagawa ng `umrah lamang, at ang pagsasama sa dalawang ito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong dumating siya sa mīqāt sa buwan ng Dhulqa`dah sa Ḥajj ng Pamamaalam, ay nagpapili sa mga Kasamahan niya sa pagitan ng tatlong ito subalit ang sunnah sa panig nito rin kapag hindi siya nakapagsama ng isang handog (hady) ay na magsagawa siya ng iḥrām ng `umrah at gawin ang binanggit natin hinggil sa panig ng sinumang dumating sa mīqāt sa hindi mga buwan ng ḥajj dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos sa mga Kasamahan niya, noong nalapit sila sa Makkah, na gumawa sila sa iḥrām nila bilang para sa `umrah at nagtiyak siya sa kanila kaugnay roon sa Makkah. Kaya naman nagsagawa sila ng ṭawāf, nagsagawa sila ng sa`y, at nagpaikli sila ng buhok bilang pagsunod sa utos niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), maliban sa sinumang nakapagsama ng handog (hady) sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos na manatili siya sa iḥrām niya hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥallul sa Araw ng Pag-aalay. Ang sunnah sa panig ng sinumang nagdala ng handog ay na magsagawa siya ng iḥrām ng ḥajj at `umrah nang magkasama dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumawa nga niyon noong nakapagdala nga siya ng handog. Nag-utos siya sa sinumang nakapagdala ng handog, kabilang sa mga Kasamahan niya, noong nakapagpahayag nga ito ng iḥrām ng `umrah, na sumambit ng talbiyah ng ḥajj kasama ng `umrah nito at na hindi magsagawa ng taḥallul nang sa gayon makapagsagawa ng taḥallul sa dalawang ito nang magkasama sa Araw ng Pag-aalay. Kung ang nakapagdala ng handog ay nakapagsagawa na ng iḥrām ng ḥajj lamang, mananatili siya sa iḥrām niya rin hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥallul sa Araw ng Pag-aalay gaya ng tagapag-ugnay (qārin) sa ḥajj at `umrah. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. [45] ang pagpapahayagan niya ay nangangahulugang: ang pagpapahayag niya ng talbiyah mula sa lugar ng pagsasagawa ng iḥrām niya. [46] Isang bahagi mula sa ḥadīth na naunang nabanggit.
Nalaman dahil dito na ang sinumang nagsagawa ng ihram ng hajj lamang o ng hajj o `umrah at hindi siya nakapagsama ng isang handog, hindi nararapat sa kanya na manatili sa ihram niya; bagkus ang sunnah sa panig niya ay na gumawa siya sa ihram niya para sa `umrah. Kaya magsasagawa siya ng hajj, magsasagawa siya ng sa`y, magpapaikli siya ng buhok, at magsasagawa siya ng taḥallul kung paanong nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon sa sinumang hindi nakapagdala ng hady kabilang sa mga Kasamahan niya, maliban na matakot ito na magmintis sa pagsasagawa ng hajj dahil sa pagiging ito ay dumating nang huli kaya wala nang masama na manatili sa ihram nito. Si Allah ay higit na maalam.
Kung nangamba ang muḥrim na hindi siya makakakaya ng pagganap ng gawaing pagsamba niya dahil sa pagiging siya ay maysakit o nangangamba sa isang kaaway at tulad nito, isinakaibig-ibig sa kanya na magsabi siya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām niya ng: "Fa-in ḥabasanī ḥābisun fa-maḥallī ḥaythu ḥabastanī. (Kaya kung may pipigil sa akin na isang tagapigil, ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil sa akin.)" batay sa ḥadīth ni Ḍubā`ah bint Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya): {Na siya ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagnanais magsagawa ng ḥajj samantalang ako ay nakadarama ng sakit: "Magsagawa ka ng ḥajj at magsakundisyon ka na [nagsasabi]: Ang pagkakalasan ko ay kung saan pumigil ito sa akin."}[49] Napagkasunduan sa katumpakan nito. [47] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Ang katuturan ng kundisyong ito ay na ang muḥrim, kapag nalahad sa kanya ang nakapipigil sa kanya sa kalubusan ng gawaing pagsamba niya gaya ng pagkakasakit o pagbalakid ng isang kaaway, pinapayagan sa kanya ang magsagawa ng taḥallul at walang anuman sa kanya.
Parte
Hinggil sa Kahatulan ng Ḥajj ng Batang Paslit Kung Makasasapat Kaya Ito sa Kanya Kapalit ng Kalubusan ng Ḥajj
Natutumpak ang ḥajj ng batang lalaking paslit at batang babaing paslit batay sa nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):{Na may isang babaing nag-angat ng isang paslit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, Mayroon po ba itong ḥajj?" "Oo, at may ukol sa iyo na pabuya."}[50]
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay As-Sā'ib bin Yazīd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsagawa ng ḥajj para sa akin kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ako ay pitong taong gulang.}[51] Subalit hindi nakasasapat sa bata at alipin ang ḥajj na ito kapalit ng kalubusan ng ḥajj (حجة الإسلام).
Gayon din ang minamay-aring lalaking alipin at ang minamay-aring babaing alipin, natutumpak sa kanila ang pagkasagawa ng ḥajj ngunit hindi nakasasapat kapalit ng kalubusan ng ḥajj batay sa napagtibay mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Alinmang paslit na nagsagawa ng ḥajj pagkatapos tumuntong siya sa karampatang gulang, kailangan sa kanya na magsagawa ng isang iba pang ḥajj. Alinmang aliping nagsagawa ng ḥajj pagkatapos pinalaya siya, kailangan sa kanya na magsagawa ng isang iba pang ḥajj."}[52] Nagtala nito sina Ibnu Abī Shaybah at Al-Bayhaqīy sa isang magandang isnād. [48] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1549 at Imām Muslim sa numero 1184.
Pagkatapos kung ang paslit ay mababa sa edad ng pagkatalos, maglalayon para sa kanya ng pagsasagawa ng iḥrām ang katangkilik niya. Kaya naman aalisan siya ng tinahian at sasambit ng talbiyah para sa kanya. Magiging isang muḥrim ang bata dahil doon saka pagbabawalan siya ng ipinagbabawal sa lalaking muḥrim na nakatatanda. Gayon din ang batang babaing mababa sa edad ng pagkatalos, magsasagawa para kanya ng iḥrām ang katangkilik niya at sasambit ito ng talbiyah para sa kanya. Magiging isang muḥrim siya dahil doon at pagbabawalan siya ng ipinagbabawal sa babaing muḥrim na nakatatanda. Nararapat na ang mga paslit ay mga dalisay ang mga kasuutan at ang mga katawan sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf dahil ang ṭawāf ay nakawawangis ng salah at ang kadalisayan ay isang kundisyon sa katumpakan nito
Kung ang batang lalaki at ang batang babae ay nakatatalos (mumayyiz), magsasagawa sila ng iḥrām ayon sa permiso ng katangkilik nila at gagawin nila sa sandali ng pagkasagawa ng iḥrām ang ginagawa ng nakatatanda na pagpaligo, pagpapabango, at tulad ng mga ito. Ang katangkilik nila ay ang tagabalikat ng mga pumapatungkol sa kanila, ang tagapagpanatili ng mga kapakanan nila, maging ito man ay ama nila o ina nila o iba pa sa dalawang ito. Gagawin ng katangkilik para sa kanila ang anumang nawalang-kakayahan sila gaya ng pagsasagawa ng ramy at tulad nito. Inoobliga sa kanila ang paggawa ng iba pa roon kabilang sa mga gawaing pagsamba gaya ng pagtigil sa `Arafah, pagpapamagdamag sa Minā at Muzdalifah, ṭawāf, at sa`y. Kung nawalang-kakayahan sila sa pagsasagawa ng ṭawāf at pagsasagawa ng sa`y, pagsasagawaan sila ng ṭawāf at pagsasagawaan sila ng sa`y habang dinadala. Ang pinakamainam sa tagapagdala nila ay na hindi gawin ang ṭawāf at ang sa`y na magkalahok sa isa't isa; bagkus isasagawa ang ṭawāf at ang sa`y para sa kanila. Magsasagawa ng ṭawāf para sa sarili nito sa isang ṭawāf na hiwalay at magsasagawa ng sa`y para sa sarili nito sa isang sa`y na hiwalay, bilang pag-iingat para sa pagsamba at bilang paggawa ayon sa marangal na ḥadīth. "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."[53] Kung naglayon ang tagapagdala na magsagawa ng ṭawāf para sa kanya at para sa dinadala, makasasapat ito roon ayon sa pinakatumpak sa mga pahayag dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-utos sa babaing nagtanong sa kanya tungkol sa ḥajj ng paslit na magsagawa ito ng ṭawāf para sa bata lamang. Kung sakaling iyon ay naging isang kinakailangan, talaga sanang naglinaw nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Si Allāh ay ang Tagapagtuon.
Uutusan ang batang lalaki at ang batang babaing nakatatalos ng pagdadalisay mula sa ḥadath at karumihan bago ng pag-umpisa sa pagsasagawa ng tawaf, gaya ng muḥrim na nakatatanda. Ang pagsasagawa ng iḥrām para sa batang lalaking paslit at batang babaing paslit ay hindi kinakailangan sa katangkilik nila; bagkus ito ay isang mungkahi. Kaya kung ginawa iyon ng katangkilik, may ukol sa kanya na pabuya; at kung hindi siya gumawa niyon, wala namang kaasiwaan sa kanya. Si Allāh ay higit na maalam.
Parte
[49] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 5089 at Imām Muslim sa numero 1207.
Hinggil sa Paglilinaw ng mga Sinasawata sa Pagkasagawa ng Iḥrām at Pinapayagang Gawin Para sa Muḥrim
Hindi pinapayagan para sa muḥrim matapos ng paglayon ng pagsasagawa ng iḥrām – maging siya man ay isang lalaki o isang babae – na kumuha ng anuman mula sa buhok niya o mga kuko niya o magpabango.
Hindi pinapayagan sa lalaki, lalo na, na magsuot ng isang tinahian sa kabuuan nito. Nangangahulugan ito: ayon sa anyo nito na sinukat ito at tinahi ito ayon doon, gaya ng polo o ayon sa isang bahagi nito gaya ng kamiseta, pantalon, khuff, at guwantes; subalit kapag hindi siya nakatagpo ng isang pantapis, makapagsusuot siya ng pantalon; gayon din ang sinumang hindi nakatagpo ng sandalyas, pinapayagan sa kanya ang magsuot ng khuff nang walang pagputol [sa bahaging lampas sa bukungbukong]. Batay ito sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), na napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sandalyas ay magsuot ng khuff. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang pantapis ay magsuot ng pantalon."}[54]
Hinggil naman sa nasaad sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na pag-uutos ng pagputol ng khuff kapag nangailangan sa pagsusuot nito dahil sa pagkawala ng sandalyas, ito ay pinawalang-bisa dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos niyon sa Madīnah noong tinanong siya tungkol sa kung ano ang isusuot ng muḥrim na mga kasuutan. Pagkatapos noong nagtalumpati siya sa mga tao sa `Arafah, nagpermiso siya ng pagsusuot ng khuff sa sandali ng pagkawala ng sandalyas at hindi siya nag-utos ng pagputol nito. Nakadalo nga sa talumpating ito ang hindi nakarinig sa sagot niya sa Madīnah. Ang pagpapahuli ng paglilinaw sa oras ng pangangailangan ay hindi pinapayagan, gaya ng nalaman nga sa kaalaman sa mga saligan ng ḥadīth at kaalaman sa fiqh. Kaya naman napagtibay dahil doon ang pagpapawalang-bisa sa pag-uutos ng pagputol ng khuff. Kung sakaling iyon ay naging isang kinakailangan, talaga sanang naglinaw nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Si Allāh ay higit na maalam. [50] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1336.
Pinapayagan sa muḥrim ang magsuot ng khuff na ang shaft§ nito ay mababa sa bukungbukong dahil sa pagiging ito ay kauri ng sandalyas. [51] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1858.
Pinapayagan sa kanya ang pagbigkis ng pantapis at ang pagtali rito ng isang tela at tulad nito dahil sa kawalan ng patunay na humihiling ng pagbabawal. [52] Nagtala nito si Ibnu Abī Shaybah, Tomo 4/444.
Pinapayagan sa muḥrim na maligo, maghugas ng ulo niya, at kumamot nito – kapag nangailangan nito – nang may kabanayaran at kagaanan saka kung may nalaglag mula sa ulo niya na anuman dahilan doon ay wala namang kaasiwaan sa kanya.
Ibinabawal sa babaing muḥrim na magsuot ng isang tinahian sa mukha niya gaya ng burqa` at niqāb o sa kamay niya gaya ng guwantes batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi magsusuot ng niqāb ang babaing muḥrim at hindi siya magsusuot ng guwantes."[55] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Ang guwantes ay ang tinatahi o hinahabi yari sa lana o bulak o iba pa sa dalawang ito ayon sa sukat ng mga kamay. [53] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 2518.
Pinapayagan sa babae na magsuot ng tinahian bukod doon gaya ng polo, pantalon, khuff, medyas, at iba pa roon.
Gayon din, pinapayagan sa babae ang maglugay ng belo niya sa mukha niya, kapag nangailangan siya niyon, nang walang tabing. Kung nakasagi ang belo sa mukha niya, walang anuman sa kanya, batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang mga mangangabayo ay napararaan sa amin habang kami ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang mga nakasuot ng iḥrām. Kapag nakasabay sila sa amin, nagbababa ang isa sa amin ng balabal nito mula sa ulo nito sa mukha nito; saka kapag nakalampas sila sa amin, nag-aalis kami [ng takip sa mukha]."[56] [86] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Mājah. Nagtala si Imām Ad-Dāraquṭnīy mula sa ḥadīth ni Ummu Salamah.
Gayon din, walang masama na magtakip ang babae ng mga kamay niya ng damit niya o iba pa rito. Kinakailangan sa kanya ang magtakip ng mukha niya at mga kamay niya kapag nasa presensiya ng mga lalaking estranghero dahil siya ay isang `awrah. Batay ito sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila,}[57] Walang duda na ang mukha at ang mga kamay ay kabilang sa pinakamalaki sa gayak.
Ang mukha kaugnay roon ay pinakamatindi at pinakamalaki. Nagsabi si Allāh: {Kapag humiling kayo sa kanila [na mga maybahay niya] ng isang kagamitan ay humiling kayo sa kanila mula sa likuran ng isang tabing. Iyon ay higit na dalisay para sa mga puso ninyo at mga puso nila.}
Hinggil naman sa nakahiratian ng marami sa mga babae na paglalagay ng headband sa ilalim ng belo upang umangat ito sa mukha niya, walang batayan ito sa Batas ayon sa nalalaman natin. Kung sakaling iyon ay naging isinasabatas, talaga sanang naglinaw nito ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at hindi pinapayagan sa kanya ang manahimik tungkol dito. [54] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1841 at Imām Muslim sa numero 1179.
Pinapayagan sa muḥrim kabilang sa mga lalaki at mga babae ang maglaba ng mga kasuutang isinuot sa iḥrām dahil sa karumihan o tulad nito at pinapayagan sa kanya ang magpalit nito ng iba pa rito.
Hindi pinapayagan sa lalaki na magsuot ng anuman sa mga kasuutang nasagi ng Asapran o Warss§ dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway laban doon sa ḥadīth ng anak ni `Umar (malugod sa Allāh sa kanilang dalawa).
Kinakailangan sa muḥrim na mag-iwan ng pagtatalik, kasuwailan, at pakikipagtalo batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman. Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa ḥajj.}
Natumpak [ang ḥadīth] ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj at hindi humalay ni nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."[60] Ang halay (rafth) rito ay itinataguri sa pakikipagtalik at mahalay sa sinasabi at ginagawa, at ang kasuwailan (fusūq) dito ay ang mga pagsuway, ang pakikipagtalo, at ang pakikipag-alitan sa kawalang-kabuluhan o sa anumang walang katuturan. Hinggil naman sa pakikipagtalo sa pamamagitan ng pinakamaganda para sa paglalantad ng katotohanan at pagtugon sa kabulaanan, walang masama rito; bagkus ito ay ipinag-uutos batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda.}[61]
Ibinabawal sa lalaking muḥrim ang pagtatakip ng ulo sa pamamagitan ng dumidiit gaya ng kupiya, ghutrah, turban, o tulad nito; at gayon din ng mukha, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa nalaglag sa sasakyang hayop nito sa Araw ng `Arafah at namatay: "Paliguan ninyo siya ng tubig at [dahon ng] mansanitas. Balutin ninyo siya sa dalawang damit niya at huwag ninyo takpan ang ulo niya ni ang mukha niya sapagkat tunay na siya ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon na sumasambit ng talbiyah."[62] Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ito ay batay sa pagkakasambit ni Imām Muslim. [55] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy ayon sa Anak ni `Umar sa numero 1838.
Hinggil naman sa pagpapalilim ng lalaki sa bubong ng sasakyan o payong o tulad ng mga ito, wala namang masama roon gaya ng pagpapalilim sa kubol at punong-kahoy batay sa napagtibay sa Ṣaḥīḥ na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nililiman ng isang damit nang nagsagawa siya ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah. Napagtibay [ang salaysay] buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay pinatayuan ng kubol sa Namirah saka nanuluyan siya sa ilalim nito hanggang sa lumihis ang araw [sa katanghaliang-tapat] sa Araw ng `Arafah.
Ibinabawal sa muḥrim kabilang sa mga lalaki at mga babae ang pagpatay ng ligaw na hayop na pinangangaso, ang pakikipagtulungan doon, at ang pagtaboy nito mula sa lugar nito, ang pagpapakasal, ang pakikipagtalik, ang pag-alok ng kasal sa babae, at ang pagsaling sa babae nang may pagnanasa. Batay ito sa ḥadīth ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi magpapakasal ang muḥrim, hindi siya ipapakasal, at hindi siya mag-aalok ng kasal."}[63] Nagsalaysay nito si Imām Muslim. [56] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 1833.
Kung nagsuot ang muḥrim ng isang tinahian o nagtakip siya ng ulo niya o nagpabango siya habang nakalilimot o namamangmang, walang fidyah (pantubos) na kailangan sa kanya at maglalaho iyon kapag nakaalaala siya o nakaalam siya. Gayon din ang sinumang nagpaahit ng ulo niya o kumuha siya mula sa buhok niya ng anuman o pumutol siya ng mga kuko niya habang nakalilimot o namamangmang, walang anuman sa kanya ayon sa tumpak na pahayag. [57] Qur'ān 24:31.
Ibinabawal sa Muslim – muḥrim man o hindi muḥrim, lalaki man o babae – ang pagpatay ng pinangangasong hayop sa Ḥaram at ang pakikipagtulungan sa pagpatay nito sa pamamagitan ng isang kasangkapan o isang pagtuturo o tulad niyon. [58] Qur'ān 33:53.
Ibinabawal ang pagtaboy nito mula sa lugar nito. Ibinabawal ang pagputol ng punong-kahoy sa Ḥaram at luntiang halaman nito at ang mapupulot [na ari-arian ng iba] maliban sa sinumang nakakikilala niyon. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... tunay na ang bayang ito -Makkah- ay banal dahil sa kabanalan ni Allāh hanggang sa Araw ng Pagbangon. Hindi binabakli ang halamang matinik nito, hindi tinataboy ang pinangangasong hayop nito, hindi pinupulot ang mapupulot dito maliban ng sinumang nakakilala rito, at hindi pinuputol ang damo nito."[64] Napagkasunduan sa katumpakan nito.
Ang damo ay ang halamang sariwa. Ang Minā at ang Muzdalifah ay bahagi ng Ḥaram. Hinggil naman sa `Arafah, ito ay bahagi ng labas ng Ḥaram.
Parte
Hinggil sa Gagawin ng Tagapagsagawa ng Ḥajj sa Sandali ng Pagpasok sa Makkah at ang Paglilinaw sa Gagawin Niya na Ṭawāf at Pamamaraan Nito Matapos ng Pagpasok sa Masjid na Pinakababanal
[59] Qur'ān 2:197.
Kapag dumating ang muḥrim sa Makkah, isinakaibig-ibig sa kanya na maligo bago ng pagpapasok doon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumawa niyon. Kapag dumating siya sa Masjid na Pinakababanal, itinuturing na sunnah para sa kanya ang pag-una ng kanang paa niya at magsasabi siya ng: "Bismi -llāhi wa-ṣṣalātu wa-ssalāmu `alā rasūli -llāh. A`ūdhu bi-llāhi -l`aḍ̆īmi wa-bi-wajhihi -lkarīmi wa-sulṭānihi -lqadīmi mina -shshayṭāni -rrajīm. Allāhumm -ftaḥ lī abwāba raḥmatik. (Sa ngalan ni Allāh at ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh. Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, at sa mukha Niyang marangal at kapamahalaan Niyang matanda laban sa demonyong kasumpa-sumpa. O Allāh, buksan Mo para sa akin ang mga pintuan ng awa Mo.)" Magsasabi siya niyon sa sandali ng pagpasok sa nalalabi sa mga masjid. Walang ukol sa pagpasok sa Pinakababanal na Masjid na isang dhikr na natatangi roon, na napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa nalalaman ko. [60] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1521 at Imām Muslim sa numero 1350. [51] Qur'ān 16:125.
Kapag nakarating siya [malapit] sa Ka`bah, ititigil niya ang pagsambit ng talbiyah bago siya mag-umpisa sa pagsasagawa ng ṭawāf kung siya ay mutamatti` o tagapagsagawa ng `umrah. Pagkatapos magsasadya siya sa Batong Itim at haharap doon. Pagkatapos hihipo siya niyon ng kanang kamay niya at hahalik doon kung naisaposible iyon. Hindi siya mamemerhuwisyo ng mga tao sa pakikipagsiksikan. Magsasabi siya sa sandali ng paghipo niya: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar. (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila.) o magsasabi siya: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)" Kung humirap ang paghalik [sa Batong Itim], hihipo siya niyon sa pamamagitan ng kamay niya o isang tungkod o tulad nito. Hahalik siya sa ipinanghipo niya. Kung humirap ang paghipo niyon, magtuturo siya niyon at magsasabi ng: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)" at hindi siya hahalik sa ipinanturo niya. Isinasakundisyon para sa katumpakan ng ṭawāf na ang tagapagsagawa ng ṭawāf ay nasa kalagayan ng kadalisayan mula sa maliit at malaking ḥadath dahil ang ṭawāf ay tulad ng salah gayon pa man nagpermiso rito ng pagsasalita. Ihaharap niya sa Ka`bah ang kaliwa niya sa sandali ng pagsasagawa ng ṭawāf. Kung magsasabi sa simula ng pagsasagawa ng ṭawāf niya: "Allāhumma, īmānam bika wa-taṣdīqam bi-kitābika wa-wafā'am bi-`ahdika, wa-ttibā`al li-sunnati nabīyika muḥammadin. (O Allāh, dahil sa pananampalataya sa Iyo, dahil sa paniniwala sa Aklat Mo, dahil sa pagtupad sa tipan sa Iyo, at dahil sa pagsunod sa sunnah ng Propeta Mong si Muḥammad (basbasan siya at pangalagaan)," iyon ay maganda dahil iyon ay naisalaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Magsasagawa siya ng ṭawāf na pitong paglibot. Magsasagawa siya ng raml sa lahat ng unang tatlong paglibot ng kauna-unahan, ang ṭawāf na isinasagawa sa unang pagdating sa Makkah, maging siya man ay isang tagapagsagawa ng `umrah o isang mutamatti` o isang muḥrim ng ḥajj lamang (mufrid) o isang tagapag-ugnay (qārin) nito at ng `umrah. Maglalakad naman siya sa natitirang apat na paglibot ng ṭawāf. Magsisimula ang bawat paglibot sa Batong Itim at magwawakas dito. [62] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa numero 1521 at Imām Muslim sa numero 1350.
Ang raml ay ang pagpapakabilis sa paglakad kasama ng pagdidikitan ng mga hakbang. Isinasakaibig-ibig sa kanya na magsagawa ng iḍṭibā` sa lahat ng mga paglibot sa ṭawāf na ito hindi sa iba pa rito. Ang iḍṭibā` ay na maglagay siya ng gitna ng pambalabal sa ilalim ng kanang balikat niya at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kaliwang balikat niya.
Kung nagduda siya sa bilang ng paglibot, magbabatay siya sa tiyak, ang pinakakaunti. Kaya kung nagduda siya kung nakapagsagawa kaya siya ng tatlo o apat na paglibot, magtuturing siya na ito ay tatlong paglibot. Ganito rin ang gagawin niya sa sa`y. [63] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1409.
Matapos ng pagkasagawa ng ṭawāf na ito, magsusuot siya ng pambalabal niya sapagkat maglalagay siya nito sa magkabilang balikat niya at ang magkabilang dulo nito ay nasa dibdib niya bago siya magsagawa ng salah na dalawang rak`ah matapos ng ṭawāf.
Kabilang sa nararapat tutulan sa mga babae at bigyang-babala sila laban doon ang pagsasagawa ng ṭawāf nila habang nakasuot ng gayak at may mga halimuyak na mabango at ang hindi nila pagtatakip samantalang sila ay `awrah. Kaya kinakailangan sa kanila ang pagtatakip at ang pag-iwan ng gayak sa kalagayan ng pagsasagawa ng ṭawāf at iba pa rito kabilang sa mga kalagayang nahahalo sa mga ito ang mga babae sa mga lalaki dahil sila ay `awrah at tukso. Ang mukha ng babae ay ang pinakahayag sa gayak niya kaya hindi pinapayagan sa kanya ang paglalantad nito malibang sa mga maḥram niya batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila,}[65] Hindi pinapayagan sa mga babae ang maglantad ng mukha sa sandali ng paghalik sa Batong Itim kapag may nakakikita sa kanila na isa sa mga lalaki. Kapag walang naisaposible sa kanila na kaluwagan ng paghipo sa Batong Itim at paghalik dito, hindi pinapayagan sa kanila ang makipagsiksikan sa mga lalaki. Bagkus magsasagawa ang mga babae ng ṭawāf mula sa likuran ng mga lalaki. Iyon ay higit na mabuti para sa kanila at higit na mabigat sa pabuya kaysa sa pagsasagawa ng ṭawāf malapit sa Ka`bah habang nasa kalagayan ng pakikipagsiksikan nila sa mga lalaki. Hindi isinasabatas ang pagsasagawa ng raml at iḍṭibā` sa hindi ṭawāf na ito, ni sa sa`y, ni sa mga babae dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsagawa ng raml at iḍṭibā` maliban sa kauna-unahang ṭawāf na isinagawa nang dumating sa Makkah. Siya sa sandali ng ṭawāf ay nakapagdalisay mula sa mga ḥadath at mga karumihan, habang nagtataimtim sa Panginoon niya at nagpapakumbaba sa Kanya.
Isinasakaibig-ibig sa kanya na magparami sa pagsasagawa ng ṭawāf niya ng pag-alaala at pagdalangin kay Allāh. Kung bibigkas siya rito ng anuman mula sa Qur'ān, maganda ito. Walang kinakailangang isang inilalaang dhikr ni isang inilalaang panalangin sa pagsasagawa ng ṭawāf na ito ni sa iba pa rito na mga ṭawāf ni sa pagsasagawa ng sa`y [64] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa numero 1834 at Imām Muslim sa numero 1353.
Hinggil naman sa ipinauso ng ilan sa mga tao na paglalaan sa bawat paglibot ng ṭawāf o pagparoon-parito ng sa`y ng mga inilalaang dhikr o mga inilalaang panalangin, walang batayan para rito. Bagkus ang anumang naisaposible na dhikr o panalangin ay sasapat. Kapag natapat sa Panulukang Yamānīy, hihipo rito ng kanang kamay at magsasabi ng: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila)" at hindi hahalik doon. Kung humirap sa kanya ang paghipo roon, iiwan niya iyon at magpapatuloy sa ṭawāf niya, hindi magtuturo niyon at hindi sasambit ng takbīr sa sandali ng pagkatapat doon dahil iyon ay hindi napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa nalalaman natin. Isinasakaibig-ibig sa kanya na magsabi sa pagitan ng Panulukang Yamānīy at Batong Itim ng: "Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fī l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, bigyan Mo kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy.)"[66] Sa tuwing natatapat siya sa Batong Itim, hihipo siya roon, hahalik siya roon, at magsasabi siya ng: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)" Kung hindi naisaposible ang paghipo roon at ang paghalik niyon, ay ituturo iyon sa tuwing natatapat doon at sasambit ng: "Allāhu akbar"
Walang masama sa pagsasagawa ng ṭawāf sa tapat ng Zamzam at Maqām Ibrāhīm, lalo na sa sandali ng siksikan. Ang Masjid na Pinakababanal sa kabuuan nito ay lugar para sa pagsasagawa ng ṭawāf. Kung sakaling nagsagawa siya ng ṭawāf sa mga portico ng Masjid na Pinakababanal, sasapat sa kanya iyon; subalit ang pagsasawa ng ṭawāf niya malapit sa Ka`bah ay higit na mainam kung naisaposible iyon.
Kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṭawāf, magsasagawa siya ng salah na dalawang rak`ah sa harapan ng Maqām Ibrāhīm kapag naisaposible sa kanya iyon. Kung hindi naisaposible sa kanya iyon dahil sa siksikan at tulad nito, magsasagawa siya nito sa alinmang bahagi ng Masjid na Pinakababanal. Itinuturing na sunnah na bumigkas siya rito matapos ng Sūrah Al-Fātiḥah ng: sa unang rak`ah at Sūrah Al-Ikhlāṣ[68] sa ikalawang rak`ah. Ito ang pinakamainam. Kung bumigkas siya ng iba pa sa dalawang ito, wala namang masama. Pagkatapos magsasadya siya sa Batong Itim saka hihipo siya roon ng kanang kamay niya kung naisaposible sa kanya iyon bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon.
Pagkatapos pupunta siya sa Ṣafā mula sa pinto niyon saka aakyat siya roon o titigil siya sa tabi niyon. Ang pag-akyat sa Ṣafā ay higit na mainam kung naisaposible ito. Bibigkas siya sa sandali ng simula ng unang pagparoon-parito ng sabi ni Allāh: "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh. (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh.)"[69]
Isinasakaibig-ibig na humarap sa qiblah sa ibabaw ng Ṣafā, magpuri kay Allāh, magdakila sa Kanya, at magsabi: "Lā ilāha illa -llāhu wa-llāhu akbar. Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Yuḥyī wa yumīt, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdah. Anjaza wa`dah, wa naṣara `abdah, wa hazama -l'aḥzāba waḥdah. (Walang Diyos kundi si Allāh at si Allāh ay pinakadakila. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Gumanap Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa lingkod Niya, at tumalo Siya sa mga lapian nang mag-isa.)" Pagkatapos mananalangin siya ng naisaposible habang nag-aangat ng mga kamay niya at mag-uulit-ulit siya ng dhikra at panalanging ito (tatlong ulit). Pagkatapos bababa siya saka maglalakad papuntang Marwah hanggang makarating sa unang palatandaan, saka magmamabilis ang lalaki sa paglakad hanggang sa makarating sa ikalawang palatandaan. Hinggil naman sa babae, hindi isinasabatas sa kanya ang pagmamabilis sa pagitan ng dalawang palatandaan dahil siya ay `awrah. Ang isinasabatas lamang sa kanya ay ang paglalakad sa pagsasagawa ng sa`y sa kabuuan nito. Pagkatapos maglalakad saka aakyat sa Marwah o titigil sa tabi niyon. Ang pag-akyat doon ay higit na mainam kung naisaposible iyon. Magsasabi siya at gagawa siya sa Marwah ng tulad sa sinabi at ginawa sa Ṣafā, maliban sa pagbigkas ng talata, na sabi ni Allāh: "Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh. (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh.)"[70] Ito ay isinasabatas lamang sa sandali ng pagpanik sa Ṣafā sa unang pagparoon-parito lamang bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos bababa saka maglalakad sa puwesto ng paglakad at magmamabilis sa puwesto ng pagmamabilis hanggang sa makarating sa Ṣafā. Gagawin iyon nang pitong ulit: ang pagpunta niya ay isang pagparoon at ang pagbalik niya ay isang pagparoon dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumawa ng nabanggit at nagsabi: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[71] Isinasakaibig-ibig na magparami sa pagsasagawa ng sa`y ng pagsambit ng dhikr at pagdalangin ng anumang naisaposible, at na maging nakapagdalisay mula sa malaki at maliit na ḥadath. Kung sakaling nagsagawa ng sa`y habang nasa hindi kadalisayan, sasapat sa kanya iyon. Gayundin kung sakaling nagregla ang babae o dinugo siya matapos ng pagsasagawa ng ṭawāf, magsasagawa siya ng sa`y at makasasapat sa kanya iyon dahil ang kadalisayan ay hindi isang kundisyon sa pagsasagawa ng sa`y at ito ay isinasakaibig-ibig lamang gaya ng naunang nabanggit.
Kapag nakapagkumpleto siya ng pagsasagawa ng sa`y, magpapaahit siya ng buhok ng ulo niya o magpapaikli siya nito. Ang pagpapaahit ng buhok para sa lalaki ay higit na mainam. Kung nagpaikli siya at nagsaisang-tabi ng pagpapaahit para sa ḥajj, maganda ito. Kapag ang pagdating niya sa Makkah ay malapit sa panahon ng ḥajj, ang pagpapaikli ng buhok sa panig niya ay higit na mainam upang magpaahit siya ng natitira sa ulo niya sa ḥajj dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong dumating ito at ang mga Kasamahan nito sa Makkah sa ikaapat ng Dhulḥijjah, ay nag-utos sa sinumang hindi nakapagdala ng handog (hady) na magsagawa ng taḥallul at magpaikli ng buhok at hindi nag-utos sa kanila ng pagpapaahit ng buhok. Walang pagkaiwas sa pagpapaikli ng buhok sa paglalahat ng ulo. Hindi nakasasapat ang pagpapaikli ng bahagi nito kung paanong ang pag-ahit ng bahagi nito ay hindi nakasasapat. Ang babae ay walang isinasabatas sa kanya kundi ang pagpapaikli ng buhok. Ang isinasabatas sa kanya ay na bumawas mula sa bawat tirintas ng singhaba ng isang dulo ng daliri pababa. Hindi magbabawas ang babae ng labis doon.
Kapag nakagawa ang muḥrim ng nabanggit, nakalubos na siya ng `umrah at napahihintulutan sa kanya ang bawat anumang ibinawal sa kanya dahil sa pagkasagawa ng iḥrām, maliban na siya ay nakapagdala ng handog mula sa labas ng Ḥaram sapagkat tunay na siya ay mananatili sa iḥrām niya hanggang sa makapagsagawa siya ng taḥallul ng ḥajj at `umrah nang magkasama.
Hinggil naman sa nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj bilang mufrid o ng ḥajj at `umrah nang magkasama, itinuturing na sunnah para sa kanya na maglipat ng iḥrām niya sa `umrah at gagawin niya ang ginagawa ng mutammati` maliban na siya ay nakapagdala na ng handog dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos sa mga Kasamahan niya niyon at nagsabi: "Kung hindi dahil ako ay nag-akay ng handog, talaga sanang nagsagawa ako ng taḥallul kasama ninyo."[72] (Talata ng Qur'ān) [65] Qur'ān 24:31.
Kapag nagregla ang babae o dinugo siya matapos ng pagkasagawa ng iḥrām niya ng `umrah, hindi siya magsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah at hindi siya magsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah hanggang sa madalisay siya. Kapag naman nadalisay siya, magsasagawa siya ng ṭawāf, magsasagawa siya ng sa`y, magpapaikli siya ng buhok mula sa ulo niya, at malulubos ang `umrah niya dahil doon. Kung hindi siya nadalisay bago ng Araw ng Tarwiyah, magsasagawa siya ng iḥrām ng ḥajj mula sa lugar niya na siya ay nanunuluyan doon at lilisan siya kasama ng mga tao papunta sa Minā. Siya dahil doon ay magiging isang tagapag-ugnay (qārin) ng ḥajj at `umrah. Gagawa siya ng ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj gaya ng pagtigil sa `Arafah at sa Mash`ar, pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah, pagpapamagdamag sa Muzdalifah at Minā, pag-aalay ng handog (hady), at pagpapaikli ng buhok. Kapag nadalisay siya, magsasagawa siya ng ṭawāf sa Ka`bah at magsasagawa siya ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah sa iisang ṭawāf at iisang sa`y. Sasapat sa kanya iyon para sa ḥajj niya at `umrah niya nang magkasama. Batay ito sa ḥadīth ni `Ā'ishah na siya ay nagregla matapos ng pagkasagawa ng iḥrām niya ng `umrah kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gawin mo ang ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj maliban na hindi ka magsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa madalisay ka."[73]
Kapag nagsagawa ng ramy ang nireregla at ang dinurugo sa jamrah sa araw ng pag-aalay at nagpaikli siya ng buhok niya, napahihintulutan sa kanya ang bawat anumang ibinawal sa kanya dahil sa pagkasagawa ng iḥrām gaya ng mabangong bagay at tulad nito, maliban sa asawa hanggang sa makakumpleto siya ng ḥajj niya gaya ng iba pa sa kanya na mga babaing dalisay. Kapag nagsagawa siya ng ṭawāf at nagsagawa siya ng sa`y matapos ng pagkadalisay, naipahihintulot sa kanya ang asawa niya. [66] Qur'ān 2:201.
Parte
Hinggil sa Patakaran ng Iḥrām sa Ikawalong Araw ng Dhulḥijjah at Paglisan Papunta sa Minā
Sūrah Al-Kāfirūn[67] [67] Qur'ān 109:1-6. [68] Qur'ān 112:1-4.
Kapag naging Araw ng Tarwiyah, ang ikawalong araw ng Dhulḥijjah, isinakaibig-ibig sa mga nananahanan sa Makkah at sinumang nagnais magsagawa ng ḥajj kabilang sa mga naninirahan doon ang magsagawa ng iḥrām ng ḥajj mula sa mga tirahan nila dahil ang mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanuluyan sa Al-Abṭaḥ at nagsagawa ng ḥajj mula roon sa Araw ng Tarwiyah dahil sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya nag-utos sa kanila na pumunta sa tabi ng Ka`bah para magsagawa ng iḥrām doon o sa tabi ng alulod nito. Gayundin, hindi siya nag-utos sa kanila na magsagawa ng Ṭawāf ng Pamamaalam sa sandali ng paglisan nila papunta sa Minā. Kung sakaling iyon ay naging isinasabatas, talaga sanang nagturo siya sa kanila niyon. Ang kabutihan sa kabuuan nito ay nasa pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila). [69] Qur'ān 2:158.
Isinasakaibig-ibig na maligo, maglinis, at magpabango sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām ng ḥajj kung paanong ginawa iyon sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām mula sa mīqāt. Matapos ng pagkasagawa ng iḥrām nila, itinuturing na sunnah ang magsadya sa Minā bago ng paglihis ng katanghaliang-tapat o matapos nito sa Araw ng Tarwiyah at ang magparami ng pagsambit ng talbiyah hanggang sa magsagawa sila ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah. Magsasagawa sila sa Minā ng salah na ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, `ishā', at fajr. Ang sunnah ay na magsagawa sila ng bawat salah sa oras nito sa isang pagpapaikling walang isang pagsasama maliban sa maghrib at fajr sapagkat hindi pinaiikli ang dalawang ito. [70] Qur'ān 2:158. [71] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Walang pagkakaiba sa pagitan ng mga naninirahan sa Makkah at iba pa sa kanila dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namuno sa salah sa mga tao kabilang sa mga naninirahan sa Makkah at iba pa sa kanila sa Minā, `Arafah, at Muzdalifah sa isang pagpapaikli. Hindi siya nag-utos sa mga naninirahan sa Makkah ng paglubos ng salah. Kung sakaling ito ay naging kinakailangan sa kanila, talaga sanang naglinaw siya nito sa kanila.
Pagkatapos matapos ng pagsikat ng araw sa Araw ng `Arafah, magsasadya ang tagapagsagawa ng ḥajj mula sa Minā papunta sa `Arafah. Itinuturing na sunnah na manuluyan sila sa Namirah hanggang sa paglihis ng katanghaliang-tapat, kung naisaposible iyon batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kapag lumihis ang araw sa katanghaliang-tapat, itinuturing na sunnah para sa imām o kahalili nito na magtalumpati sa mga tao ng isang khuṭbah na nababagay sa kalagayan. Maglilinaw siya sa khuṭbah ng isinasabatas para sa mga tagapagsagawa ng ḥajj sa araw na ito at matapos nito. Mag-uutos siya sa kanila sa khuṭbah ng pangingilag magkasala kay Allāh, paniniwala sa kaisahan Niya, at pagpapakawagas sa Kanya sa lahat ng mga gawain. Magbibigay-babala siya sa kanila laban sa mga ibinabawal. Magtatagubilin siya sa kanila sa khuṭbah ng pagkapit sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), paghatol sa pamamagitan ng dalawang ito, at pagpapahatol sa dalawang ito sa lahat ng mga bagay-bagay bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon sa kabuuan niyon. Matapos ng khuṭbah, magsasagawa sila ng ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr sa isang pagpapaikli at isang pagsasama sa oras ng una sa iisang adhān at dalawang iqāmah batay sa gawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). [72] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1568.
Pagkatapos titigil ang mga tao sa `Arafah. Ang kabuuan nito ay tigilan maliban sa lambak ng `Urnah. Isinasakaibig-ibig ang pagharap sa qiblah at Bundok ng Awa kung naisaposible iyon; ngunit kung hindi naisaposible ang pagharap sa dalawang iyon, haharap siya sa qiblah kahit pa hindi siya humarap sa Bundok ng Awa. Isinasakaibig-ibig sa tagapagsagawa ng ḥajj sa tigilang ito na magsumikap siya sa pag-alaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), pagdalangin sa Kanya, at pagsusumamo sa Kanya. Mag-aangat siya ng mga kamay niya sa kalagayan ng pananalangin. Kung sasambit siya ng talbiyah o bibigkas siya ng anuman mula sa Qur'ān, maganda ito. Itinuturing na sunnah na magparami siya ng pagsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Yuḥyī wa yumīt, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" Batay ito sa naisalaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang pinakamabuting panalangin ay ang panalangin sa Araw ng `Arafah. Ang pinakamainam na sinabi ko at ng mga propeta mula sa bago ko ay: 'Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Yuḥyī wa yumīt, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"[74] Napagkasunduan sa katumpakan nito. Natumpak [ang ḥadīth] ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na siya ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). ...}[75] [73] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 305 at Imām Muslim sa numero 1211.
Nararapat ang pagpaparami ng dhikr na ito at ang pag-uulit-ulit nito nang may kataimtiman at pagdalo ng puso. Nararapat ang pagpaparami rin ng mga dhikr at mga panalanging nasasaad sa Kapahayagan sa bawat sandali, lalo na sa lugar na ito sa dakilang araw na ito. Pipili siya ng mga masaklaw sa dhikr at panalangin. Kabilang doon:
* Subḥāna -llāhi wa-bi-ḥamdihi. Subḥāna -llāhi -l`aḍ̆īm. (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Dakila.) * Lā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu mina -ḍ̆ḍ̆ālimīn. (Walang Diyos kundi Ikaw, kaluwalhatian sa Iyo; tunay na ako dati ay kabilang sa mga lumalabag sa katarungan.)[76]
* Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā ilāha illa -llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu -nni`matu wa lahu -lfaḍlu wa-lahu -ththanā'u -lḥasan. Lā ilāha illa -llāhu mukhliṣīna lahu ddīna wa-law kariha -lkāfirūn (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at wala tayong sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya at ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya).
* Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.)[77]
Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fī -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, bigyan Mo kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy.)[92]
A`ūdhu bi-llāhi min jahdi -lbalā' wa-daraki -shshaqā'i wa-su'i -lqaḍā' wa-shamātati -l'a`dā'. (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa pahirap ng kasawiang-palad, kalaliman ng kamiserablehan, kasagwaan ng pagkatadhana, at pagkagalak ng mga kaaway.)[80]
Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lhammi wa-lhuzni; wa-a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa-lkasali; wa-a`ūdhu bika mina -ljubni wa-lbukhli, wa-mina -lma'thami wa-lmaghrami; wa-a`ūdhu bika min galabati -ddayni wa-qahri -rrijāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagkabalisa at kalungkutan; nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan at katamaran; nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa karuwagan at karamutan at laban sa kasalanan; at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa dami ng pagkakautang at pananaig ng mga lalaki.)[81]
Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lbaraṣi wa-ljunūn, wa-ljudhām, wa-min sayy'i -l'asqām. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa ketong, kabaliwan, at filariasis, at laban sa masagwa sa mga karamdaman.)[82] [74] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 3585. [75] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Samurah bin Jundub (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 2137.
* Allāhumma innī as'aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fi -ddunyā wa-l'ākhirah. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay.)
* Allāhumma innī as'aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fī dīnī wa-dunyāya wa-ahlī wa-mālī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa buhay panrelihiyon ko, buhay pangmundo ko, mag-anak ko, at ari-arian ko.) [76] Qur'ān 21:87.
Allāhumma -stur `awratī wa-āmin raw`ātī. Allāhumma -ḥfaḍ̆nī mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī, wa-a`ūdhu bi`aḍ̆amatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, pagtakpan Mo ang kahihiyan ko at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, ingatan Mo ako mula sa harapan ko at mula sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin mula sa ilalim ko.)[83] *
Allāhumma -ghfir lī jiddī wa-hazlī wa-khaṭa'ī wa-`amadī, wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Anta -lmuqaddimu wa-anta -lmu'akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay'in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagseseryoso ko, pagbibiro ko, pagkakamali ko, pananadya ko; at ang lahat ng iyon sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)[84] [77] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Ibnu Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 594.
* Allāhumma innī as'aluka -ththabāta fi -l'amri wa-l`azīmata `ala -rrushdi, wa-as'aluka shukra ni`matika wa-ḥusna `ibādatika, wa-as'aluka qalban salīman wa-lisānan ṣādiqan, wa-as'aluka min khayri mā ta`lamu, wa-a`ūdhu bika min sharri mā ta`lamu, wa-astaghfiruka limā ta`lamu; innaka anta `allāmu -lghuyūb. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng katatagan sa utos at pagtitika sa gabay, humihiling sa Iyo ng pagpapasalamat sa biyaya Mo at kagandahan ng pagsamba sa Iyo, humihiling sa Iyo ng isang pusong malinis at isang dilang tapat, humihiling sa Iyo mula sa kabutihan ng nalalaman Mo, nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng nalalaman Mo, at humihingi ng tawad sa Iyo sa nalalaman Mo; tunay na Ikaw ay palaalam ng mga nakalingid.)[85] [78] Qur'ān 2:201.
* Allāhumma rabba -nnabīyi muḥammadin `alayhi -ṣṣalātu wa-ssalāmu -ghfir lī dhambī wa-adhhib ghayḍ̆a qalbī wa-ajirnī min muḍillāti -lfitani mā aḥyaytanā. (O Allāh, Panginoon ni Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko, mag-alis Ka ng ngitngit sa puso ko, at magkalinga Ka sa akin laban sa mga tagapagligaw ng mga sigalot hanggat bumubuhay Ka sa amin.)[86] [79] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 2720.
* Allāhumma rabba -ssamawāti wa-rabba -l'arḍi wa-rabba -l`arshi -l`aḍ̆īm, rabbanā wa-rabba kulli shay', fāliqa -lḥabbi wa -nnawā, wa-munzila -ttawrāti wa-l'injīli wa-lfurqān, a`ūdhu bika min sharri kulli shay'in anta ākhidhum bi-nāṣiyatih. Allāhumma anta -l'awwalu fa-laysa qablaka shay', wa-anta -l'ākhiru fa-laysa ba`daka shay', wa-anta -ḍ̆ḍ̆āhir fa-laysa fawqaka shay', wa-anta -lbāṭinu fa-laysa dūnaka shay', iqḍi `annā -ddayna wa-aghninā mina -lfaqr. (O Allāh, Panginoon ng mga langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay, Tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, Tagapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān; nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito. O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang bago Mo na anuman, Ikaw ang Huli kaya walang matapos Mo na anuman, Ikaw ang Nangingibabaw kaya wala sa ibabaw Mo na anuman, Ikaw ang Nakaiilalim kaya walang anuman sa ilalim Mo. Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan.)[87] [80] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 6347.
* Allāhumma a`ṭi nafsī taqwāhā wa-zakkihā; anta khayru man zakkāhā: anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa-lkasali; wa-a`ūdhu bika mina -ljubni wa-lharami wa-lbukhl; wa-a`ūdhu bika min `adhābi -lqabr. (O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magbusilak ka nito; Ikaw ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik nito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan at katamaran; nagpapakupkop sa Iyo laban sa karuwagan, pagkaulyanin, at karamutan; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan.)[88] [81] Sa pagkakasambit na ito nagtala nito si Imām Abū Dāwud ayon kay Abū Umāmah Al-Anṣārīy nang walang pagsabi ng: "mina -lma'thami wa-lmaghrami (laban sa kasalanan at pagkakautang)" sa numero 1554.
* Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. A`ūdhu bi-`izzatika an tuḍillanī. Lā ilāha illā anta. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. Nagpapakupkop ako sa kapangyarihan Mo na magpaligaw Ka sa akin. Walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)[89] [82] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1554.
Allāhumma jannibnī munkarāti -l'akhlāqi wa-l'a`māli wa-l'ahwā'i wa-l'adwā'. (O Allāh, magpalayo Ka sa akin sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga gawain, mga pithaya, at mga karamdaman.)[91]
* Allāhumma, alhimnī rushdī wa-a`idhnī min sharri nafsī (O Allāh, magsiwalat Ka sa akin ng paggabay sa akin at magkupkop Ka sa akin laban sa kasamaan ng sarili ko).[92] [83] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 5074.
* Allāhumma -kfinī biḥalālika `an ḥarāmika, wa aghninī bifaḍlika `amman siwāk. (O Allah, magbigay-kasapatan Ka sa akin sa pamamagitan ng ipinahintulot Mo sa halip ng ipinagbawal Mo at magpayaman Ka sa akin sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo sa halip ng sinumang iba pa sa Iyo.)[93] [84] Isang bahagi ng isang ḥadīth na nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 2719.
* Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wa-ttuqa wa-l`afāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)[94] [85] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy ayon kay Shaddad bin Aws (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 3407.
* Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wa-ssadād. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay at pagkatama.)]95] [86] Nagtala nito si Imām Aḥmad mula sa isang ḥadīth ni Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya), Tomo 6/301.
* Lā ilāha illa -llāhu waḥdah, lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Yuḥyī wa-yumīt. Bi-yadhi -lkhayru wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Subḥāna -llāh, wa-lḥamdu lillāh, wa-lā ilāha illa -llāhu wa-llāhu akbar, wa-lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi l`alīyi l`aḍ̆īm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Niya. Nasa kamay Niya ang kabutihan. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Kaluwalhatian kay Allāh. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh. Si Allāh ay Pinakadakila. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Mataas, ang Sukdulan.)[97] [88] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 2722.
* * Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)[98] [89] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa numero 2717.
* Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fī l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, bigyan Mo kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy.)[99] [90] Ito ay isang bahagi ng ḥadīth ni Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya), na naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito, sa numero 2722.
* Isinasakaibig-ibig sa dakilang tigilang ito na mag-ulit-ulit ang tagapagsagawa ng ḥajj ng naunang nabanggit na mga dhikr at mga panalangin at anumang naging nasa kahulugan ng mga ito na dhikr, panalangin, at basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Mangungulit siya sa panalangin at hihiling siya sa Panginoon niya ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumalangin siya, ay nag-uulit-ulit ng panalangin ng tatlong ulit. Kaya nararapat ang pagpapakatulad sa kanya roon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). [91] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy ayon kay Ziyād bin `Alāqah ayon sa tiyuhin sa ama nito sa numero 3591.
* Ang Muslim sa mawqif (tigilan) na ito ay nagiging nagmamababang-loob sa Panginoon niya (kaluwalhatian sa Kanya), na nagpapakumbaba sa Kanya, na nagpapasailalim sa Kanya, na nanlulumo sa harap Niya, habang umaasa ng awa Niya at kapatawaran Niya, nangangamba sa pagdurusang dulot Niya at puot Niya, na nagtutuos ng sarili, at nagpapanibago ng isang pagbabalik-loob na tapat dahil ito ay isang dakilang araw at isang malaking pagtitipon. Naggagalante si Allāh dito sa mga lingkod Niya, nagmamapuri sa kanila ang mga anghel, at dumarami rito ang pagpapalaya mula sa Impiyerno. Hindi nakita ang demonyo sa isang araw na siya roon ay higit na itinakwil ni higit na maliit ni higit na hamak kaysa roon sa Araw ng `Arafah maliban sa nakita sa araw ng labanan sa Badr. Iyon ay dahil sa nakikita niya na kagalantehan ni Allāh sa mga lingkod Niya at paggawa Niya ng maganda sa kanila at dami ng pagpapalaya Niya at pagpapatawad Niya. [92] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy mula sa ḥadīth ni `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 3483.
* Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?"}[100] [93] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy mula sa ḥadīth ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 3563.
* Kaya nararapat sa mga Muslim na makakita sila kay Allāh mula sa mga sarili nila ng kabutihan, humamak sila sa demonyong kaaway nila, at magpalungkot sila sa kanya sa pamamagitan ng dami ng pag-alaala at pagdalangin kay Allāh at pananatili sa pagbabalik-loob at paghingi ng tawad mula sa lahat ng mga pagkakasala at mga kamalian. Hindi matitigil ang mga tagapagsagawa ng ḥajj sa tigilang ito habang nagpapakaabala sa pag-alaala, pagdalangin, at pagsusumamo hanggang sa lumubog ang araw. Kapag lumubog ang araw, lilisan sila papunta sa Muzdalifah nang may kapanatagan at pitagan, magpaparami sila ng pagsambit ng talbiyah, at magpapakabilis sila sa kaluwagan, batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi pinapayagan ang paglisan bago ng paglubog ng araw, sapagkat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili hanggang sa nakalubog ang araw. Nagsabi siya: "Kunin ninyo buhat sa akin ang mga gawaing-pagsamba ninyo."[101] [94] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 2721.
* Kapag nakarating sila sa Muzdalifah, magdarasal sila roon ng maghrib sa tatlong rak`ah at `ishā' sa dalawang rak`ah sa isang pagsasama sa isang adhān at dalawang iqāmah sa sandali ng pagdating nila roon, batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), maging dumating man sila sa Muzdalifah sa oras ng maghrib o matapos ng pagpasok ng oras ng `ishā'. [95] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 2725.
* Ang ginagawa ng ilan sa madla na pagpulot ng mga munting bato ng jamrah mula sa oras ng pagdating nila sa Muzdalifah bago ng salah at paniniwala ng marami sa kanila na iyon ay isinasabatas, ito ay isang pagkakamaling walang batayan dito. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-utos na mamulot ng mga munting bato kundi matapos ng paglisan niya mula sa Mash`ar papunta sa Minā. Mula sa alinmang lugar pinulot ang mga munting bato, sasapat sa kanya iyon. Hindi inoobliga ang pagpulot nito mula sa Muzdalifah; bagkus pinapayagan din ang pagpulot nito mula sa Minā. Ang sunnah ay ang pagpulot ng pitong munting bato sa araw na ito, na magpupukol ng mga ito sa Jamrah Al-`Aqabah, bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hinggil naman sa tatlong araw, mamumulot mula sa Minā sa bawat araw ng 21 munting bato, na magpupukol ng mga ito sa tatlong jamrah. [96] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 3846.
* Hindi isinasakaibig-ibig ang paghuhugas ng mga munting bato; bagkus magpupukol ng mga ito nang walang paghuhugas dahil iyon ay hindi naipaabot buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya. Hindi magpupukol ng munting batong naipukol na. [97] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ni `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1154.
Magpapamagdamag ang tagapagsagawa ng ḥajj sa gabing ito sa Muzdalifah. Pinapayagan sa mga mahihina kabilang sa mga babae, mga paslit, at tulad nila na lumisan papunta sa Minā sa huling bahagi ng gabi, batay sa ḥadīth nina `Ā'ishah at Ummu Salamah at iba pa sa kanilang dalawa. Hinggil naman sa iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj, magpapakatiyak sa panig nila na manatili sila sa Muzdalifah hanggang sa sumapit sila sa madaling-araw. Pagkatapos titigil sila sa Mash`ar saka haharap sila sa qiblah at magpaparami sila ng pagsambit ng pag-alaala kay Allāh, pagdakila sa Kanya, at panalangin hanggang sa maliwanagan sila ng araw nang lubos. Isinasakaibig-ibig ang pag-angat ng mga kamay dito sa sandali ng pananalangin. Saanman sila tumigil sa Muzdalifah, sasapat sa kanila iyon. Hindi kinakailangan sa kanila ang pagkalapit mula sa Mash`ar ni ang pagpanik doon. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumigil ako rito," tumutukoy siya sa Palatandaang Pinakababanal, "at ang Jam` sa kabuuan nito ay tigilan."[102] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya. [98] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy mula sa hadith ni Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 3370.
* Kapag naliwanagan sila ng araw nang lubos, lilisan sila papunta sa Minā bago ng pagsikat ng araw at magpaparami sila ng pagsambit ng talbiyah sa pagbiyahe nila. Kapag nakarating sila sa Maḥsar, isinakaibig-ibig ang pagmamabilis nang kaunti. [99] Qur'ān 2:102.
Kapag nakarating sila sa Minā, puputulin nila ang pagsambit ng talbiyah sa Jamrah Al-`Aqabah, pagkatapos magpupukol sila ng pitong munting batong nagkakasunuran mula sa sandali ng pagdating nila. Mag-aangat ng kamay sa sandali ng pagpukol ng bawat munting bato at sasambit ng takbīr. Isinasakaibig-ibig na magpukol nito mula sa kalaliman ng lambak. Magpupuwesto siya sa dako ng Ka`bah sa gawing kaliwa niya at ng Minā sa gawing kanan niya, batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kung bumato siya nito mula sa mga ibang bahagi, sasapat ito sa kanya kapag bumagsak ang munting bato sa sahuran. Hindi isinasakundisyon ang pamamalagi ng mga munting bato sa sahuran. Tanging ang isinasakundisyon ay ang pagbagsak nito sa sahuran. Kaya kung sakaling bumagsak ang munting bato sa sahuran pagkatapos lumabas ito mula roon, sasapat ito ayon sa hayag sa pananalita ng mga alagad ng kaalaman. Kabilang sa nagtahasan niyon ay si Imām An-Nawawīy sa Sharḥ Al-Muhadhdhab. Ang mga munting bato ng mga jamrah ay tulad ng mga munting bato ng tirador, na higit na malaki kaysa sa mga garbansos nang kaunti.
Pagkatapos matapos ng pagsasagawa ng ramy, mag-aalay siya ng handog niya. Isinasakaibig-ibig na magsabi siya, sa sandali ng pag-aalay niya o pagkatay niya, ng: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar. Allāhumma, hādhā minka wa-laka. (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila. O Allāh, ito ay mula sa Iyo at para sa Iyo.)" at magharap siya nito sa qiblah. Ang sunnah ay ang pag-aalay ng kamelyo habang nakatayong nakagapos ang kaliwang kamay nito at ang pagkakatay ng baka o tupa habang nakahiga sa kaliwang tagiliran nito. Kung sakaling kinatay ito habang nakaharap sa hindi qiblah, naiwanan ang sunnah ngunit sasapat ito sa kanya dahil ang paghaharap sa qiblah sa sandali ng pagkatay ay sunnah at hindi kinakailangan. Isinasakaibig-ibig na kumain siya mula sa handog niya at magregalo siya at magkawanggawa nito batay sa sabi ni Allāh: {Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.}[103] Nagtatagal ang panahon ng pagkakatay hanggang sa paglubog ng araw ng ikatlong araw ng mga araw ng Tashrīq ayon sa pinakatumpak sa mga sabi ng mga alagad ng kaalaman. Kaya ang tagal ng pagkakatay ay magiging sa Araw ng Pag-aalay at tatlong araw matapos nito.
Pagkatapos matapos ng pag-aalay ng handog o pagkatay nito, magpapaahit ang lalaki ng buhok ng ulo niya o magpapaikli siya nito. Ang pagpapaahit ay higit na mainam dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumalangin ng pagkaawa at kapatawaran para sa mga nagpaahit nang tatlong ulit na panalangin at para sa mga nagpaikli nang iisang ulit na panalangin. Hindi nakasasapat ang pagpapaikli ng bahagi ng buhok ng ulo; bagkus walang pagkaiwas sa pagpapaikli nito sa kabuuan nito gaya ng pag-ahit. Ang babae ay magpapaikli mula sa bawat tirintas ng singhaba ng isang dulo ng daliri pababa. [101] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1348.
Matapos ng pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah at pagpapaahit ng buhok o pagpapaikli, pinapayagan sa muḥrim ang bawat anumang ibinawal sa kanya dahil sa pagkasagawa ng iḥrām, maliban sa babae. Tinatawag ang taḥallul na ito bilang unang taḥallul. Itinuturing na sunnah para sa kanya matapos ng taḥallul na ito ang magpabango at ang magsadya sa Makkah upang magsagawa ng ṭawāf ifāḍah (paglisan) batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako ay nagpapabango sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa pagsasagawa ng iḥrām niya bago siya magsagawa ng iḥrām at para sa pagsasagawa niya ng taḥallul bago siya magsagawa ng ṭawāf sa Ka`bah.}[104] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. [101] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Tinatawag ang ṭawāf na ito bilang ṭawāf ifāḍah (paglisan) at ṭawāf ziyārah (pagbisita). Ito ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng ḥajj, na hindi nalulubos ang ḥajj malibang mayroon nito. Ito ang tinutukoy sa sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila, at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.}[105]
Pagkatapos ng salah at dalawang rak`ah na salah sa harap ng Maqām Ibrāhīm, magsasagawa naman ng sa`y sa Ṣafā at Marwah kung siya ay mutamatti`. Ang sa`y na ito para sa ḥajj niya at ang unang sa`y naman ay para sa `umrah niya.
Hindi nakasasapat ang iisang sa`y ayon sa pinakatumpak sa sabi ng mga maalam batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan),} saka binanggit niya ang ḥadīth at ang nasaad dito, {... nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang may kasama sa kanya na handog, magpahayag siya [ng talbiyah] ng ḥajj kasama ng `umrah, pagkatapos hindi siya kakalas hanggang sa makakalas siya mula sa dalawang ito nang magkasama. ..." hanggang sa nagsabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Kaya nagsagawa ng ṭawāf ang nagpahayag ng talbiyah ng `umrah sa Bahay [ni Allāh] at sa Ṣafā at Marwah. Pagkatapos kumalas sila. Pagkatapos nagsagawa sila ng isa pang ṭawāf matapos na bumalik sila mula sa Minā para sa ḥajj nila.}[106] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Ang sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa: "... ang nagpahayag ng talbiyah ng `umrah ... Pagkatapos nagsagawa sila ng isa pang ṭawāf matapos na bumalik sila mula sa Minā para sa ḥajj nila" ay tumutukoy siya rito ng ṭawāf sa pagitan ng Ṣafā at Marwah ayon sa pinakatumpak sa mga pahayag kaugnay sa pagpapakahulugan sa ḥadīth na ito. Hinggil naman sa sabi ng sinumang nagsabi na tumukoy siya niyon ng ṭawāf ifāḍah (paglisan), hindi ito tumpak dahil ang ṭawāf ifāḍah ay isang haligi sa panig ng lahat at ginawa nga nila ito. Ang tinutukoy lamang doon ay ang natatangi sa mutamatti`, ang ṭawāf sa pagitan ng Ṣafā at Marwah sa ikalawang pagkakataon matapos ng pagbalik mula sa Minā para sa pagkumpleto ng ḥajj. Iyon ay malinaw, papuri kay Allāh, at ito ang sabi ng higit na marami sa mga alagad ng kaalaman. [102] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1218.
Nagpapatunay sa katumpakan niyon din ang isinalaysay ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ bilang isang komentaryong iginiit ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya ay tinanong tungkol sa pagtatamasa ng ḥajj kaya nagsabi siya: Nagpahayag ng talbiyah ang mga kaanib ng mga tagalikas at mga tagaadya at ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥajj ng Pamamaalam at nagpahayag kami ng talbiyah. Noong dumating kami sa Makkah, nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gawin ninyo ang pagkapahayag ninyo ng talbiyah ng ḥajj na maging `umrah maliban sa naglaan ng handog." Kaya nagsagawa kami ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] at [ng sa`y] sa Ṣafā at Marwah. Nakipagtalik [pa] kami sa mga maybahay at nagsuot ng mga [karaniwang] damit. Nagsabi siya: "Ang sinumang naglaan ng handog, tunay na siya ay hindi kakalas hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan nito." Pagkatapos nag-utos siya sa amin sa gabi ng Tarwiyah na magpahayag kami ng talbiyah ng ḥajj. Nang nakatapos kami ng mga gawaing pagsamba, pumunta kami saka nagsagawa kami ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] at [ng sa`y] sa Ṣafā at Marwah.}[107] Nagwakas ang pinapakay mula rito. Ito ay tahasan sa sa`y ng mutamatti` nang dalawang ulit. Si Allāh ay higit na maalam.
Hinggil naman sa isinalaysay ni Imām Muslim ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi nagsagawa ng sa`y ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ang mga Kasamahan niya sa pagitan ng sa Ṣafā at Marwah kundi iisang sa`y."[108] Ang unang ṭawāf nila ay ipinatutungkol sa sinumang nagdala ng handog (hady) kabilang sa mga Kasamahan dahil sila ay namalagi sa iḥrām nila kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa kumalas sila sa ḥajj at `umrah nang magkasama. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpahayag nga ng talbiyah ng ḥajj at `umrah at nag-utos sa sinumang nagdala ng handog na magpahayag ng talbiyah ng ḥajj kasama ng `umrah at na hindi kumalas hanggang sa makakalas sa dalawang ito nang magkasama. Ang tagapag-ugnay (qārin) ng ḥajj at `umrah ay walang kailangan sa kanya kundi iisang sa`y gaya ng ipinatunay ng nabanggit na ḥadīth ni Jābir at ng iba pa rito kabilang sa mga tumpak na ḥadīth.
Gayon din ang nagsagawa ng ḥajj na ifrād at nanatili sa iḥrām niya hanggang sa Araw ng Pag-aalay, walang kailangan sa kanya kundi iisang sa`y. Kapag nagsagawa ng sa`y ang qārin at ang mufrid matapos ng ṭawāf ng pagdating, sasapat sa kanya iyon para sa sa`y ng ṭawāf ifāḍah (paglisan). Ito ay ang pag-uugma sa pagitan ng ḥadīth ni `Ā'ishah at ḥadīth ng Anak ni `Abbās at ng nabanggit na ḥadīth ni Jābir. Sa pamamagitan niyon, naglalaho ang salungatan at natatamo ang paggawa ayon sa mga ḥadīth sa kabuuan ng mga ito. [103] Qur'ān 22:28.
Kabilang sa kumakatig sa pag-uugmang ito ay na ang ḥadīth ni `Ā'ishah at ang ḥadīth ng Anak ni `Abbās ay mga ḥadīth na tumpak (ṣaḥīḥ), Nagpatibay nga ang dalawang ito ng ikalawang sa`y sa panig ng mutamatti`. Ang panlabas ng ḥadīth ni Jābir ay nagkakaila niyon ngunit ang napagtibay ay inuuna kaysa sa nagkakaila, gaya ng naitakda sa kaalaman ng mga saligan at kaalaman ng mga terminolohiya ng ḥadīth. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapagtuon sa tama. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.
Parte
[104] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1539 at Imām Muslim sa numero 1189.
Hinggil sa Paglilinaw sa Priyoridad ng Gagawin ng Tagapagsagawa ng Ḥajj sa Araw ng Pag-aalay
[105] Qur'ān 22:29.
Ang pinakamainam para sa tagapagsagawa ng ḥajj ay na magsunud-sunod siya ng apat na gawaing ito sa Araw ng Pag-aalay gaya ng nabanggit. Kaya magsisimula siya, una, sa pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, pagkatapos pag-aalay, pagkatapos pagpapaahit ng buhok o pagpapaikli, pagkatapos pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah at sa`y matapos nito para sa mutamatti`. Gayundin ang mufrid at ang qārin kung hindi sila nagsagawa ng sa`y kasunod ng ṭawāf ng pagdating. Kung nag-una siya ng ilan sa mga gawaing ito higit kaysa sa iba, sasapat sa kanya iyon dahil sa katibayan ng permiso buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay roon. Napaloloob doon ang pagpapauna ng sa`y kaysa sa ṭawāf dahil ito ay kabilang sa mga gawaing ginagawa sa Araw ng Pag-aalay. Napaloob ito sa sabi ng Kasamahan sapagkat hindi siya tinanong sa araw na iyon tungkol sa anumang ipinauna o ipinahuli malibang nagsabi siya: "Gawin mo at wala namang kaasiwaan."[109] at dahil iyon ay kabilang sa nagaganap doon ang pagkalimot at ang pagkamangmang kaya kinailangan ang pagkapaloob niyon sa pagkapangkalahatang ito dahil sa dulot niyon na pagpapagaan at pagpapadali.
Napagtibay nga buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay tinanong tungkol sa pagsasagawa ng sa`y bago magsagawa ng ṭawāf kaya nagsabi siya: "at wala namang kaasiwaan."[110] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud mula sa ḥadīth ni Usāmah bin Sharīk sa isang tumpak na isnād kaya lumiwanag dahil doon ang pagkapaloob nito sa pagkapangkalahatan nang walang duda. Si Allāh ay ang Tagapagtuon. [106] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1556 at Imām Muslim sa numero 1211.
Ang mga gawaing natatamo para sa tagapagsagawa ng ḥajj dahil sa mga ito ang taḥallul na lubos ay tatlo. Ang mga ito ay ang pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, ang pagpapaahit ng buhok o ang pagpapaikli, at ang pagsasagawa ng ṭawāf ifāḍah (paglisan) kasama ng sa`y matapos niyon batay sa nabanggit kanina. Kapag nakapagsagawa siya ng tatlong ito, napahihintulutan ang bawat anumang ibinawal sa kanya dahil sa pagkasagawa ng iḥrām, maliban sa babae. Tinatawag ang taḥallul na ito bilang unang taḥallul.
Isinasakaibig-ibig sa tagapagsagawa ng ḥajj ang pag-inom ng tubig ng Zamzam, ang pagpapakabusug-busog mula rito, at ang pagdalangin ng naisaposible na panalanging nagpapakinabang. "Ang tubig ng Zamzam ay ukol sa anumang ininom ito dahil doon."[111] Gayundin, naisalaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Dharr: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi hinggil sa tubig ng Zamzam: "... tunay na ito ay isang pagkaing malasa." Nagdagdag naman si Abū Dāwud: "at isang kagalingan ng karamdaman."[113] [107] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1572.
Matapos ng ṭawāf ifāḍah (paglisan) at sa`y ng sinumang may kailangan sa kanya na sa`y, babalik ang mga tagapagsagawa ng ḥajj sa Minā saka mananatili sila roon ng tatlong araw kalakip ng mga gabi ng mga ito. Magsasagawa sila ng ramy sa tatlong jamrah sa bawat araw mula sa tatlong araw, matapos ng paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat. Kinakailangan ang pagkakasunud-sunod sa pagsasagawa ng ramy sa mga ito. [108] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1215.
Kaya magsisimula siya sa Unang Jamrah, ang nalalapit sa Masjid Khayf. Magpupukol siya roon ng pitong munting batong nagkakasunuran. Mag-aangat siya ng kamay niya sa sandali ng bawat pagpukol. Itinuturing na sunnah na magpahuli siya roon, magpuwesto siya niyon sa gawing kaliwa niya, haharap siya sa qiblah, at mag-aangat siya ng mga kamay niya at magpaparami ng panalangin at pagsusumamo.
Pagkatapos magpupukol siya sa Ikalawang Jamrah gaya ng sa Una. Itinuturing na sunnah na sumulong siya nang kaunti matapos ng pagsasagawa ng ramy, magpuwesto siya niyon sa gawing kanan niya, haharap siya sa qiblah, at mag-aangat siya ng mga kamay niya mananalangin siya ng marami.
Pagkatapos magpupukol siya sa Ikatlong Jamrah at hindi siya titigil sa tabi nito.
Pagkatapos magsasagawa siya ng ramy sa mga jamrah sa ikalawang araw mula sa mga araw ng Tashrīq matapos ng pagkalihis sa katanghaliang-tapat, kung paanong nagsagawa siya ng ramy sa mga iyon sa unang araw. Gagawin niya sa tabi ng Unang Jamrah at Ikalawang Jamrah ang gaya ng ginawa niya sa unang araw bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagsasagawa ng ramy sa unang araw at ikalawang araw mula sa mga araw ng Tashrīq ay isang kinakailangang kabilang sa mga kinakailangan sa ḥajj. Gayundin, ang pagpapamagdamag sa Minā sa unang gabi at ikalawang gabi ay isang kinakailangan maliban sa mga tagapainom, mga tagapastol, at tulad nila sapagkat hindi ito kinakailangan. [109] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ sa numero 83 at Imām Muslim sa numero 1306.
Pagkatapos matapos ng pagkasagawa ng ramy sa dalawang araw na nabanggit, ang sinumang nakaibig na magmadali sa paglisan mula sa Minā, pinapayagan sa kanya iyon at lilisan siya bago ng paglubog ng araw. Ang sinumang nagpahuli at nagpamagdamag sa bisperas ng ikatlong araw at nagsagawa ng ramy sa mga jamrah sa ikatlong araw, siya ay higit na mainam at higit na mabigat sa pabuya gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Alalahanin ninyo si Allāh sa mga araw na binilang, ngunit ang sinumang nagmadali [sa pag-alis] sa dalawang araw ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala.}[114] Ito ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpermiso sa mga tao sa pagmamadali sa paglisan samantalang hindi naman siya mismo nagmadali, bagkus nanatili siya sa Minā hanggang sa nakapagsagawa siya ng ramy sa mga jamrah sa ikalabintatlong araw [ng Dhulḥijjah] matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat, pagkatapos lumisan siya bago dasalin ang ḍ̆uhr. [110] Nagtala siya nito sa numero 2015.
Pinapayagan sa katangkilik (walīy) ng paslit na walang-kakayahan sa pagganap sa ramy na magsagawa siya ng ramy para sa paslit sa Jamrah Al-`Aqabah at nalalabi sa mga jamrah matapos na magsagawa siya ng ramy para sa sarili niya. Gayundin, ang munting batang babaing walang-kakayahan sa pagsasagawa ng ramy ay magsasagawa ng ramy para sa kanya ang katangkilik niya. Batay ito sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsagawa kami ng ḥajj kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kasama namin ang mga babae at ang mga bata saka nagsagawa kami ng talbiyah para sa mga bata at nagsagawa kami ng ramy para sa kanila.}[115] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah.
Pinapayagan sa walang-kakayahan sa pagsasagawa ng ramy dahil sa sakit o katandaan ng edad o pagbubuntis na magpahalili sa sinumang makapagsasagawa ng ramy para sa kanya batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo,}[116] Ang mga ito ay hindi nakakakaya sa pakikipagsiksikan sa mga tao sa mga jamrah habang ang panahon ng pagsasagawa ng ramy ay nauubos at hindi isinasabatas ang pagbabayad-pagsasagawa nito para sa kanila. Kaya naman pinapayagan sa kanila na magpahalili sila, na kasalungatan sa iba pa rito na mga gawaing pagsamba. Hindi nararapat sa muḥrim na magpakatawan sa sinumang makagaganap nito para sa kanya, kahit pa man ito ay isang ḥajj na boluntaryo, dahil ang sinumang nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj o `umrah, kahit pa man ang mga ito ay boluntaryo, ay naoobliga sa kanya ang paglubos ng mga ito batay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Lubusin ninyo ang ḥajj at `umrah para kay Allāh.}[117] Ang panahon ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y ay hindi nauubos, na kasalungatan ng panahon ng pagsasagawa ng ramy. [111] Nagtala nito si Imām Abū Mājah ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 3062. [112] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 2473. [113] Tinutukoy si Abū Dāwud Aṭ-Ṭayālisīy. Nagsadokumento nga siya nito sa mismong ḥadīth ng kuwento ng pag-anib sa Islām ni Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya). Tingnan ang Musnad Abū Dāwud Aṭ-Ṭayālisīy: 1/464, sa numero 459.
Hinggil naman sa pagtigil sa `Arafah at pagpapamagdamag sa Muzdalifah at Minā, walang duda na ang panahon nito ay nauubos subalit ang pagsasagawa ng walang-kakayahan sa mga lugar na ito ay maaari, kahit pa man may kasamang kahirapan, na kasalungatan naman sa pagganap niya ng ramy at dahil ang pagsasagawa ng ramy ay nasaad nga ang pagpapakatawan dito buhat sa Kanunu-nunuang Maayos sa panig ng makapagdadahilan, na kasalungatan sa iba pa sa kanya.
Ang mga pagsamba ay tawqīfīyah (nakadepende sa teksto), na hindi ukol sa isa man na magsabatas mula sa mga ito ng anuman malibang may katwiran. Pinapayagan sa kinatawan na magsagawa ng ramy para sa sarili niya pagkatapos para sa nagpapakatawan sa kanya sa bawat jamrah ng tatlong jamrah habang siya ay nasa iisang lagay. Hindi kinakailangan sa kanya na magkumpleto ng pagsasagawa ng ramy sa tatlong jamrah para sa kanya pagkatapos babalik siya para magsagawa ng ramy para sa nagpapakatawan sa kanya ayon sa pinakatumpak sa mga pahayag ng mga maalam dahil sa kawalan ng patunay na nag-oobliga niyon, dahil sa dulot niyon na kahirapan at kaasiwaan – samantalang si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nagsasabi: {at hindi Siya naglagay sa inyo sa Relihiyon ng anumang pagkaasiwa}[118] at nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, ..."}[119] - at dahil iyon ay hindi naipaabot buhat sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsagawa sila ng ramy para sa mga paslit nila at walang-kakayahan sa kanila. Kung sakaling gumawa sila niyon, talaga sanang naipaabot ito dahil ito ay kabilang sa umiiral ang mga pagmamalasakit sa pagpapaabot nito. Si Allāh ay higit na maalam.
Parte
Hinggil sa Pagkakinakailangan ng Alay sa Mutamatti` at Qārin
Kinakailangan sa tagapagsagawa ng ḥajj kapag siya ay mutamatti` o qārin – at hindi siya naging kabilang sa mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal – na may alay. Ito ay isang tupa o isang kapito (1/7) ng isang kamelyo o isang kapito (1/7) ng isang baka. Kinakailangan na iyon ay maging mula sa yamang ḥalāl (pinahihintulutan) at kinitang kaaya-aya dahil si Allāh (napakataas Siya) ay Kaaya-ayang hindi tumatanggap kundi ng isang kaaya-aya.
Nararapat sa Muslim ang magpigil sa panghihingi sa mga tao ng regalo o iba pa, maging sa mga hari man o sa iba pa sa mga ito, kapag nagpadali si Allah para sa kanya mula sa yaman ng maireregalo niya para sa sarili niya at makasasapat sa kanya sa halip ng panghihingi ng nasa mga kamay ng mga tao. Batay ito sa nasaad sa maraming hadith tungkol sa Propeta hinggil sa pagpula sa panghihingi at kapintasan nito at pagpapapuri sa sinumang nagwawaksi nito.
Kung nawalang-kakayahan ang mutamatti` at ang qārin sa paghahandog, kinakailangan sa kanya ang pag-aayuno nang tatlong araw sa ḥajj at pitong araw kapag nakabalik sa mag-anak niya. Siya ay makapipili sa pag-aayuno ng tatlong araw. Kung loloobin niya ay makapag-aayuno siya ng mga ito bago ng Araw ng Pag-aalay at kung loloobin niya ay makapag-aayuno siya ng mga ito sa tatlong araw ng Tashrīq. Nagsabi si Allāh: {ang sinumang nagpakatamasa ng `umrah [sa mga buwan ng ḥajj] hanggang sa ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag nakabalik kayo; iyon ay ganap na sampu. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal.} (Ang talata ng Qur'ān). [114] Qur'ān 2:203.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay `Ā'ishah at sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanila), na nagsasabi: "Hindi pinapayagan sa mga araw ng Tashrīq na mag-ayuno sila maliban sa sinumang hindi nakatagpo ng handog."[121] Ito ay kaugnay sa kahatulan ng iniugnay sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang pinakamainam ay na unahin ang pag-aayuno ng tatlong araw sa Araw ng `Arafah upang siya sa Araw ng `Arafah ay nakatigil-ayuno dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili sa Araw ng `Arafah bilang nakatigil-ayuno at sumaway laban sa pag-aayuno sa `Arafah sa Araw ng `Arafah at dahil ang pagtigil-ayuno sa araw na ito ay higit na masigla para sa kanya sa pagsambit ng dhikr at panalangin. Pinapayagan ang pag-aayuno ng nabanggit na tatlong araw nang nagkakasunud-sunuran at magkakahiwalay. Gayundin ang pag-aayuno: hindi kinakailangan sa kanya ang pagkakasunud-sunuran sa mga ito; bagkus pinapayagan ang pag-aayuno ng mga ito nang magkakasama at magkakahiwalay dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagsakundisyon ng pagkasunud-sunuran sa mga ito at gayundin ang Sugo ni Allāh (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Ang pinakamainam ay ang pagpapahuli ng pag-aayuno ng pitong araw hanggang sa makabalik siya sa mag-anak niya batay sa sabi ni Allāh: {at pitong [araw] kapag bumalik kayo}[122] [115] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 927.
Ang pag-aayuno para sa walang-kakayahan sa pag-aalay ay higit na mainam kaysa sa paghingi sa mga hari at iba pa sa mga ito ng handog para sa sarili niya. Ang sinumang binigyan ng isang alay (hady) at iba pa rito nang walang panghihingi at walang paghahangad ng sarili, walang masama rito, kahit pa man siya ay isang tagapagsagawa ng ḥajj para sa iba. Ibig sabihin: kapag nagsakundisyon sa kanya ang mga hinalilihan ng pagbili ng handog mula salaping ibinigay sa kanya. Hinggil naman ginagawa ng isa sa mga tao na paghingi mula sa pamahalaan o iba pa ng anuman mula sa handog sa ngalan ng mga taong binabanggit niya samantalang siya ay nagsisinungaling, ito ay walang duda sa pagkabawal nito dahil ito ay bahagi ng panginginain sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Mangalaga sa atin si Allāh at sa mga Muslim laban doon. [116] Qur'ān 64:16. [117] Qur'ān 2:196.
Parte
Hinggil sa Pagkakinakailangan ng Pag-uutos ng Nakabubuti sa mga Tagapagsagawa ng Ḥajj at Iba pa sa Kanila
[118] Qur'ān 22:78. [119] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 69.
Kabilang sa pinakadakila sa kinakailangan sa mga tagapagsagawa ng ḥajj ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama at ang pangangalaga sa limang salah sa konggregasyon, gaya ng pag-uutos ni Allāh ng gayon sa Aklat Niya at ayon sa namutawi sa bibig ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Hinggil naman sa ginagawa ng marami sa mga tao kabilang sa mga mamamayan ng Makkah at iba na pagsasagawa ng salah sa mga bahay at pagpapawalang-silbi sa mga masjid, ito ay mali, na sumasalungat sa Batas. Kaya kinakailangan ang pagsaway laban dito at ang pag-uutos sa mga tao ng pagpapanatili ng salah sa mga masjid dahil sa napagtibay na buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi sa Anak ni Ummu Maktūm (malugod dito si Allāh) noong humingi ito ng pahintulot sa kanya na magsagawa ng salah sa bahay nito dahil sa pagiging ito ay isang bulag na malayo ang tahanan buhat sa masjid: "Nakaririnig ka ba sa panawagan ng ṣalāh?" Kaya nagsabi siya: "Opo." Nagsabi ito: "Kaya tugunin mo."[123] Sa isang salaysay naman: "Hindi ako nakatatagpo ng isang permiso."[124] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nakapagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka simulan ito. Pagkatapos mag-uutos ako sa isang lalaki para mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao. Pagkatapos lilisan ako patungo sa mga lalaking hindi dumadalo sa ṣalāh para sunugin ko sa kanila ang mga bahay nila sa apoy."[125] Nasaad sa Sunan Ibni Mājah at iba pa sa isang magandang isnād ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakarinig ng panawagan [sa salah] saka hindi siya pumunta, walang ṣalāh para sa kanya maliban sa sinumang nabigyang-dahilan."}[126] Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang sinumang nagpagalak sa kanya na makipagkita siya kay Allāh bukas bilang isang Muslim ay mangalaga siya sa mga ṣalāh na ito saan man ipanawagan ang mga ito sapagkat tunay na si Allāh ay nagsabatas para sa Propeta ninyo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga sunnah ng patnubay at tunay na ang mga ito ay bahagi ng mga sunnah ng patnubay. Kung sakaling kayo ay nagdasal sa mga bahay ninyo kung paanong nagdarasal ang nagpapaiwang ito sa bahay niya, talaga sanang nakapag-iwan kayo ng sunnah ng Propeta ninyo. Kung sakaling nag-iwan kayo ng sunnah ng Propeta ninyo, talaga sanang naligaw kayo. Walang anumang lalaking nagpapakadalisay saka nagpapaganda ng pagdadalisay, pagkatapos nagsasadya siya sa isang masjid mula sa mga masjid na ito malibang magtatala si Allāh para sa kanya ng isang magandang gawa para sa bawat hakbang na hahakbangin niya, mag-aangat sa kanya sa pamamagitan nito ng isang antas, at magbababa para sa kanya sa pamamagitan nito ng isang masagwang gawa. Talagang nakita namin at walang nagpapaiwan doon kundi isang mapagpaimbabaw na nalalaman ang pagpapaimbabaw. Talaga ngang noon ang lalaki ay dinadala, na inaakay sa pagitan ng dalawang lalaki hanggang sa maitindig siya sa hanay.}[127]
Kinakailangan sa mga tagapagsagawa ng ḥajj at iba pa sa kanila ang pag-iwas sa mga ibinabawal ni Allāh (napakataas Siya) at ang pag-iingat laban sa pagkagawa ng mga ito gaya ng pangangalunya; sodomiya; pagnanakaw; pakikinabang sa ribā (patubo); pagkain ng yaman ng ulila; pandaraya sa mga pakikitungo; pagtataksil sa mga ipinagkatiwala; pag-inom ng mga nakalalasing; paninigarilyo; isbāl sa mga kasuutan; pagmamalaki; pagkainggit; pagpapakitang-tao; panlilibak; pagtsitsismis; panunuya sa mga Muslim; paggamit ng mga instrumento ng mga paglilibing gaya ng CD, kudyapi, biyolin, plawta, at mga kawangis nito; pakikinig ng mga awitin at mga instrumento ng pagtugtog mula sa radyo at iba pa; paglalaro ng backgammon at ahedres; pakikilahok sa sugal – ang pagpusta; paglilitrato ng mga may kaluluwa kabilang sa mga tao at iba pa; at pagkalugod doon. Tunay na ang mga ito sa kabuuan ng mga ito ay kabilang sa mga minamasama na ipinagbawal ni Allāh sa mga lingkod Niya sa bawat panahon at lugar. Kaya naman kinakailangan na mag-ingat sa mga ito ang mga tagapagsagawa ng ḥajj at ang mga mamamayan ng Bahay na Pinakababanal ni Allāh higit kaysa sa iba sa kanila dahil ang mga pagsuway sa matiwasay na bayang ito ay higit na matindi at higit na mabigat ang kaparusahan sa mga ito.
Nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya): {Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglapastangan sa pamamagitan ng isang kawalang-katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.}[128] Kaya kapag si Allāh ay nagbanta na sa sinumang nagnais na maglapastangan sa Ḥaram sa pamamagitan ng isang kawalang-katarungan, magiging papaano na ang kaparusahan sa sinumang gumawa nito? Walang duda na ito ay higit na mabigat at higit na matindi. Kaya kinakailangan ang pag-iingat laban doon at laban sa nalalabi sa mga pagsuway.
Hindi nangyayari sa mga tagapagsagawa ng ḥajj ang pagkatanggap sa pagsasagawa ng ḥajj at ang pagpapatawad sa mga pagkakasala kundi sa pamamagitan ng pag-iingat laban sa mga pagsuway na ito at iba pa sa mga ito kabilang sa ipinagbawal ni Allāh sa kanila, gaya ng nasaad sa ḥadīth buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj at hindi humalay ni nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."[129] [120] Qur'ān 2:196.
Ang pinakamatindi sa mga minamasamang ito at ang pinakamabigat sa mga ito ay ang pagdalangin sa mga patay, ang pagpapasaklolo sa kanila, at ang pagkakatay para sa kanila sa paghahangad na mamagitan sila para sa mga tagadalangin sa kanila sa ganang kay Allāh o mamagitan sila sa maysakit niya o magbalik sila ng nawawala niya at tulad niyon. [121] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1998. [122] Qur'ān 2:196.
Ito ay kabilang sa Malaking Shirk na ipinagbawal ni Allāh. Ito ay relihiyon ng mga tagapagtambal sa Panahon ng Kamangmangan. Ipinadala nga ni Allāh ang mga sugo at ibinaba nga Niya ang mga kasulatan para pagmasama nito at pagsaway rito.
Kaya kinakailangan sa bawat individuwal kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj at iba pa sa kanila na mag-ingat doon, na magbalik-loob kay Allāh mula sa nagdaan mula roon kung may nagdaan nga noon mula roon na anuman, at magpasimula ng isang bagong ḥajj matapos ng pagbabalik-loob mula roon dahil ang Malaking Shirk ay nagpapawalang-kabuluhan sa mga gawain sa kabuuan ng mga ito gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.}[130]
Kabilang sa mga uri ng Maliit na Shirk ang pagsumpa sa iba pa kay Allāh gaya ng pagsumpa sa Propeta, Ka`bah, ipinagkatiwalang tungkulin, at tulad niyon.
Kabilang doon ang pagpapakitang-tao, ang pagpapakitang-gilas, at ang pagsabi ng: "Niloob ni Allāh AT niloob mo," "Kung sakaling hindi dahil si Allāh AT ikaw ...," "Ito ay mula kay Allāh AT mula sa iyo," at mga kawangis nito.
Kaya kinakailangan ang pag-iingat laban sa mga makashirk na nakasasamang ito at ang pagtatagubilinan ng pagwaksi ng mga ito batay sa napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya [kay Allāh]."[131] Nagtala nito sina Imām Aḥmad, Imām Abū Dāwud, at Imām At-Tirmidhīy sa isang tumpak na sanad. [123] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 653. [124] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud ayon kay `Abdullāh bin Ummi Maktūm sa numero 552. [125] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 2420 at Imām Muslim sa numero 651. [127] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 654. [126] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa numero 551.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang naging susumpa ay sumumpa siya kay Allāh o manahimik siya."}[132] Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gayon din: "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."[133] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud.
Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gayon din: "Ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Shirk." Kaya tinanong siya tungkol dito kaya naman nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao."[134] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag niyong sabihin: Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."[135] Nagtala si Imām An-Nasā'īy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na may isang lalaking nagsabi: O Sugo ni Allāh: "Ang niloob ni Allāh AT niloob mo." Kaya nagsabi siya: "Gumawa ka ba sa akin na isang kaagaw para kay Allāh? Bagkus ang niloob ni Allāh LAMANG."[136] [128] Qur'ān 22:25.
Ang mga ḥadīth na ito ay nagpapatunay sa pagsasanggalang ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kakanyahan ng Tawḥīd, pagbibigay-babala niya sa Kalipunan niya laban sa Malaking Shirk at Maliit na Shirk, at sigasig niya sa kaayusan ng pananampalataya nila at kaligtasan nila sa pagdurusang dulot ni Allāh at pagkagalit Nito. Kaya gantihan siya ni Allāh dahil doon ng pinakamainam na ganti sapagkat nagpaabot nga siya, nagbabala nga siya, at nagpayo nga siya alang-alang kay Allāh at alang-alang sa mga lingkod Nito. Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan ng basbas at pangangalagang mamamalagi hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. [129] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1521 at Imām Muslim sa numero 1350.
Ang kinakailangan sa mga alagad ng kaalaman kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj at mga residente sa Matiwasay na Bayan ni Allāh at Lungsod ng Marangal na Sugo (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na magturo sila sa mga tao ng isinabatas ni Allāh sa kanila, magbigay-babala sila sa kanila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila na mga uri ng shirk at mga pagsuway, at maglahad sila niyon sa pamamagitan ng mga patunay niyon at maglinaw sila niyon ng isang nakasisiyang paglilinaw upang makapagpalabas sila sa mga tao sa pamamagitan niyon mula sa mga kadiliman patungo sa liwanag at upang makaganap sila sa pamamagitan niyon ng inobliga ni Allāh sa kanila na pagpapaabot at paglilinaw. Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): [Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga binigyan ng kasulatan, [na nagsasaad]: "Talagang maglilinaw nga kayo nito sa mga tao at hindi kayo magkukubli nito."}[137]
Ang pinapakay mula roon ay ang pagbibigay-babala ng mga maalam sa Kalipunang ito laban sa mga pagtahak sa tinatahak ng mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga May Kasulatan kaugnay sa pagkukubli ng katotohanan dala ng pagtatangi sa panandalian higit sa pangmatagalan. Nagsabi nga si Allāh: {159. Tunay na ang mga nagtatago ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay at patnubay matapos na naglinaw nito sa Kasulatan, ang mga iyon ay isinusumpa ni Allāh at isinusumpa ng mga tagasumpa. 160. Maliban sa mga nagbalik-loob, nagpakaayos, at naglinaw sapagkat ang mga iyon ay tatanggapan Ko ng pagbabalik-loob at Ako ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maaawain.}[138] Nagpatunay nga ang mga talata ng Qur'ān at ang mga ḥadīth ng Propeta na ang pag-aanyaya tungo kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at ang paggabay sa mga lingkod tungo sa layon ng pagkalikha sa kanila ay kabilang sa pinakamainam sa mga pampapalapit-loob [kay Allāh] at pinakamahalaga sa mga kinakailangan at na ang mga ito ay ang landas ng mga sugo at mga tagasunod nila hanggang sa Araw ng Pagbangon, gaya ng sinabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: “Tunay na ako ay kabilang sa mga tagapagpasakop.”}[139] Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal."}[140]
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad ng pabuya ng tagagawa nito."[141] "Talagang kung magpapatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao, higit na mabuti ito kaysa sa pinakamainam sa mga yaman."[142] Ang mga talata at ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami. [130] Qur'ān 6:88.
Kaya marapat sa mga alagad ng kaalaman at pananampalataya na magpaibayo sila ng pagsisikap nila sa pag-aanyaya tungo kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), paggabay sa mga lingkod tungo sa mga kadahilanan ng kaligtasan, at pagbibigay-babala laban sa mga kadahilanan ng kasawian, lalo na sa panahong ito na nanaig dito ang mga pithaya, lumaganap dito ang mga simulaing mapangwasak at ang mga kawikaang tagapagligaw, at nangaunti rito ang tagapag-anyaya ng patnubay at dumami rito ang mga tagapag-anyaya ng ateismo at libertinismo.§ Kaya naman si Allāh ay ang Pinagpapatulungan at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Mataas, ang Sukdulan.
Parte
Hinggil sa Pagsasakaibig-ibig ng Pagbabaon ng mga Pagtalima
[131] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 3251.
Isinasakaibig-ibig ito sa mga tagapagsagawa ng ḥajj na manatili sila sa pag-alaala kay Allāh, pagtalima sa Kanya, at maayos na gawain sa yugto ng pananatili nila sa Makkah; at magparami sila ng pagsasagawa ng salah at ṭawāf sa Bahay na Pinakababanal dahil ang mga magandang gawa sa Ḥaram ay pinag-iibayo [ang gantimpala] at ang mga masagwang gawa roon ay mabigat na matindi [ang pananagutan]. Isinasakaibig-ibig din sa kanila ang pagpaparami ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). [132] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon kay `Abdullāh sa numero 2679 at Imām Muslim sa numero 1646. [133] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 3253.
Kaya kapag ninais ng tagapagsagawa ng ḥajj ang paglisan sa Makkah, kinakailangan sa kanila na magsagawa sa Bahay [ni Allāh] ng ṭawāf ng pamamaalam upang ang kahuli-hulihan sa panahon nila ay maging nasa Bahay [ni Allāh] maliban ang nireregla at ang dinurugo sapagkat walang ṭawāf ng pamamaalam na kailangan sa mga ito batay sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay maging sa Bahay [ni Allāh] gayon pa man siya ay nagpagaan sa babaing nireregla.}[143] [134] Nagtala nito si Imām Aḥmad: 5/428. [135] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 4980. [136] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 2117.
Kapag nakatapos siya sa pagpaalam sa Ka`bah at nagnais siya na lumisan mula sa Masjid na Pinakababanal, hahayo siya sa harap nito hanggang sa makalabas siya. Hindi nararapat sa kanya na maglakad nang paurong dahil iyon ay hindi naipaabot buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni buhat sa mga Kasamahan nito; bagkus iyon ay kabilang sa mga bid`ah na ipinauso. Nagsabi na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan."[144] Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {... Kaingat kayo sa mga bagong pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bagong pinauso ay bid`ah at ang bawat bid`ah ay kaligawan."}[145]
Hinihiling natin kay Allāh ang katatagan sa Relihiyon Niya at ang kaligtasan mula sa anumang sumasalungat dito; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay. [137] Qur'ān 3:187.
Parte
[138] Qur'ān 2:159-160. [139] Qur'ān 41:33. [140] Qur'ān 12:108.
Hinggil sa mga Patakaran ng Pagbisita at mga Etiketa Nito
Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): Napagkasunduan sa katumpakan nito. [141] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1893. [142] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 3009 at Imām Muslim sa numero 2406.
Itinuturing na sunnah ang pagbisita sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bago o matapos ng ḥajj batay sa napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}[146] Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mainam kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}[147] Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Ayon kay `Abdullāh bin Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mainam kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal. Isang ṣalāh sa Masjid na Pinakababanal ay higit na mainam kaysa sa isang daang ṣalāh sa Masjid kong ito."}[148] Nagtala nito sina Imām Aḥmad, Imām Ibnu Khuzaymah, at Imām Ibnu Ḥibbān.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mainam kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal. Isang ṣalāh sa Masjid na Pinakababanal ay higit na mainam kaysa sa isang daang libong ṣalāh sa iba pa rito."}[149] Nagtala nito sina Imām Aḥmad at Imām Ibnu Mājah. Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Kapag dumating siya sa Masjid ng Propeta, isinakaibig-ibig sa kanya na mag-uuna siya ng kanang paa niya sa sandali ng pagpasok at magsasabi siya ng: "Bismi -llāhi wa-ṣṣalātu wa-ssalāmu `alā rasūli -llāh. A`ūdhu bi-llāhi -l`aḍ̆īmi wa-bi-wajhihi -lkarīmi wa-sulṭānihi -lqadīmi mina -shshayṭāni -rrajīm. Allāhumm -ftaḥ lī abwāba raḥmatik. (Sa ngalan ni Allāh at ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh. Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, at sa mukha Niyang marangal at kapamahalaan Niyang matanda laban sa demonyong kasumpa-sumpa. O Allāh, buksan Mo para sa akin ang mga pintuan ng awa Mo.)"
Magsasabi rin siya niyon sa sandali ng pagpasok sa nalalabi sa mga masjid. Ang pagpasok sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay walang nakalaang dhikr. Pagkatapos magsasagawa siya ng salah na dalawang rak`ah saka mananalangin siya rito ng naibigan niya na kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. Kung sakaling nagsagawa siya nito sa Marangal na Rawḍah, ito ay higit na mainam batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang nasa pagitan ng bahay ko at pulpito ko ay isang hardin mula sa mga hardin ng Paraiso."[150] Pagkatapos magsagawa ng salah at bibisitahin ang libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga libingan ng dalawang Kasamahan niya na sina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Tatayo paharap sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may etiketa at pagbababa ng tinig, pagkatapos babatiin siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alayka yā rasūla -llāhi wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang pangangalaga ay sumaiyo, o Sugo ni Allāh, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya.)" Batay ito sa nasaad sa Sunan Abī Dāwud na may isang magandang isnād, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang isa mang bumati sa akin malibang ibinalik ni Allāh sa akin ang kaluluwa ko hanggang sa maibalik ko sa kanya ang pagbati."}[151] Wala namang masama kung magsasabi ang tagabisita sa pagbati niya ng: "Assalāmu `alayka, yā nabīya -llāh. Assalāmu `alayka, yā khīrata -llāhi min khalqihi. Assalāmu `alayka, yā sayyida -lmurasalīna wa-imāma -lmuttaqīn. Ashhadu annaka qad ballaghta -rrisālah, wa-addayta -l'amānah, wa-naṣaḥta -l'ummah, wa-jāhadta fi -llāhi ḥaqqa jihādih. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Propeta ni Allāh. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O pili ni Allāh mula sa nilikha Niya. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Pinuno ng mga isinugo at Imām ng mga tagapangilag magkasala. Sumasaksi ako na ikaw ay nagpaabot nga ng mensahe, gumanap nga sa ipinagkatiwala, nagpayo nga sa Kalipunan, at nakibaka nga alang-alang kay Allāh ng totoo sa pakikibaka.)" Ito ay dahil ang kabuuan nito ay kabilang sa mga paglalarawan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Dadalangin ng basbas sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pangangalaga – at manalangin para sa kanya dahil sa napagpasyahan sa Palabatasan ng Islām na pagkaisinasabatas ng pagsasama ng pagdalangin ng basbas at pagbati ng pangangalaga para sa kanya, bilang paggawa ayon sa sabi ni Allāh: {Tunay na si Allāh at ang mga anghel Niya ay nagbabasbas sa Propeta. O mga sumampalataya, dumalangin kayo ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan.}[152] Pagkatapos babati siya kina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), mananalangin siya para sa kanilang dalawa, at hihiling siya ng pagkalugod sa kanilang dalawa.
Ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), kapag bumati sa Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at dalawang Kasamahan nito, ay hindi nagdaragdag kadalasan sa pagsabi niya ng: "Assalāmu `alayka, yā rasūla -llāh. Assalāmu `alayka, yā abā bakr. Assalāmu `alayka, yā abatāh. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Sugo ni Allāh. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Abū Bakr. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Ama ko.)" Napagkasunduan sa katumpakan nito. Pagkatapos lumilisan siya. [143] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1755 at Imām Muslim sa numero 1328.
Ang pagbisitang ito ay isinasabatas lamang sa panig ng mga lalaki sa partikular. Hinggil naman sa mga babae, walang ukol sa kanila na isang pagbisita sa anuman sa mga libingan, gaya ng napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Isinumpa ni Allāh ang mga palabisita sa mga libingan kabilang sa mga babae at ang mga tagagawa sa ibabaw ng mga ito ng mga masjid at mga ilaw."[153] [144] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito. [145] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 867.
Hinggil sa pagsasadya sa Madīnah para magsagawa ng salah sa Masjid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at manalangin doon at tulad niyon kabilang sa isinasabatas sa nalalabi sa mga masjid, ito ay isinasabatas sa panig ng lahat batay sa naunang nabanggit na mga ḥadīth kaugnay roon.
Itinuturing na sunnah sa tagabisita na magdasal ng limang salah sa Masjid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na magparami roon ng pagsambit ng dhikr at panalangin at ng pagsasagawa ng salah na kinukusang-loob bilang pagsamantala sa pagkakataon ng naidudulot doon na masaganang pabuya.
Isinasakaibig-ibig na magparami ng kinukusang-loob na salah sa Marangal na Rawḍah batay sa naunang nabanggit na tumpak na ḥadīth hinggil sa kainaman nito. Iyon ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: "Ang nasa pagitan ng bahay ko at pulpito ko ay isang hardin mula sa mga hardin ng Paraiso."[154]
Hinggil naman sa salah na tungkulin, nararapat sa tagabisita na umuna rito at manatili sa unang hanay sa abot ng makakaya niya, kahit pa sa karagdagang paunang salah. Batay ito sa nasaad sa mga tumpak na ḥadīth buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na paghimok at pagpapaibig sa unang linya, tulad ng sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nakaaalam ang mga tao sa [gantimpalang] nasa [pagbigkas ng] adhān at [pagtayo sa] unang hanay, pagkatapos hindi sila nakatagpo [ng puwesto] kundi na magpalabunutan sila roon, talaga sanang nagpalabunutan sila."[155] {Napagkasunduan sa katumpakan nito.) at tulad ng sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Manguna kayo saka at magpamuno kayo sa akin at magpamuno sa inyo ang matapos ninyo. Hindi matitigil ang tao na nagpapahuli sa salah hanggang sa magpahuli sa kanya si Allāh."[156] (Nagtala nito si Imām Muslim.) [146] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1190 at Imām Muslim sa numero 1394. [147] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1395. [148] Nagtala nito si Imām Aḥmad: 4/5.
Nagtala si Imām Abū Dāwud ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa isang magandang sanad: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titigil ang tao na nagpapahuli sa hanay na ipinauna hanggang sa magpahuli sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}[157] Napagtibay buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi sa mga Kasamahan niya: "Hindi ba kayo naghahanay kung paanong naghahanay ang mga anghel sa piling ng Panginoon nila?" Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at papaano po naghahanay ang mga anghel sa piling ng Panginoon nila." Nagsabi siya: "Naglulubos sila ng mga unang hanay at nagsisiksikan sila sa hanay."}[158] Nagsalaysay nito si Imām Muslim. [149] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 1406.
Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Ang mga ito ay sumasaklaw sa masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at iba pa rito bago at matapos ng pagdagdag. Natumpak nga [ang salaysay] buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay humihimok sa mga Kasamahan niya sa paghilera sa mga kanang bahagi ng mga hanay. Nalalaman na ang kanang hanay sa unang masjid niya ay labas sa Rawḍah. Kaya naman nalaman dahil doon na ang pagmamalasakit sa paghilera sa mga unang hanay at mga kanang bahagi ng mga hanay ay inuuna higit sa pagmamalasakit sa paghilera sa Marangal na Rawḍah at na ang pananatili sa mga ito ay higit na marapat kaysa sa pagpapanatili ng pagsasagawa ng salah sa Rawḍah. Ito ay malinaw na maliwanag sa sinumang nagbulay-bulay sa mga ḥadīth na nasasaad kaugnay sa paksang ito. Si Allāh ay ang Tagapagtuon.
Hindi pinapayagan sa isa man na magpahid-pahid sa silid o humalik dito o magsagawa ng ṭawāf sa palibot nito dahil iyon ay hindi naipaabot buhat sa Kanunu-nunuang Maayos; bagkus ito ay isang minamasamang bid`ah. [150] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon kay `Abdullāh bin Zayd Al-Māzinīy sa numero 1195 at Imām Muslim sa numero 1390. [152] Qur'ān 33:56. [151] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 2041.
Hindi pinapayagan sa isa man na humingi sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtugon sa pangangailangan niya o pagpapawi ng dalamhati o paglunas sa maysakit o tulad niyon dahil iyon sa kabuuan niyon ay hindi hinihiling kundi mula kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Ang paghiling nito mula sa mga patay ay isang pagtatambal (shirk) kay Allāh at pagsamba sa iba pa sa Kanya. Ang Relihiyong Islām ay naitayo sa dalawang batayan:
Una: Na hindi sasamba kundi kay Allāh – tanging sa Kanya. [153] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 3236.
Ikalawa: Na hindi sasamba kundi ayon sa isinabatas ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ito ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.
Gayundin, hindi pinapayagan sa isa man na humiling mula sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Pamamagitan (Shafa'ah) dahil ito ay pag-aari ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) kaya hindi hinihiling kundi mula sa Kanya, gaya ng sinabi Niya: {Sabihin mo: "Ukol kay Allāh ang [pagpapahintulot ng] Pamamagitan nang lahatan.}[159] Magsasabi ka ng: "Allāhumma shaffi` fī nabīyik. Allāhumma shaffi` fī malā'ikatika wa-`ibādika -lmu'minīn. Allāhumma shaffi` fī afrāṭī. (O Allāh, magpamagitan Ka sa Propeta Mo, O Allāh, magpamagitan Ka sa mga anghel Mo at mga lingkod Mong mananampalataya. O Allāh, magpamagitan Ka sa naunang namatay na batang anak ko.)" at tulad nito. Hinggil naman sa mga patay, hindi humihiling mula sa kanila ng anuman: hindi ng Pamamagitan ni ng iba pa rito, maging sila man ay mga propeta o hindi mga propeta, dahil iyon ay hindi isinabatas at dahil ang patay ay naputol na ang gawa niya maliban sa mula sa anumang itinangi ng Tagapagbatas. [154] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag namatay ang anak ni Adan, napuputol ang gawa niya maliban sa tatlo: isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}[160] [155] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 615 at Imām Muslim sa numero 437. [156] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 438.
Pinayagan lamang ang paghiling ng Pamamagitan mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panahon ng buhay niya at sa Araw ng Pagbangon dahil sa kakayahan niya roon sapagkat tunay na siya ay nakakakaya na manguna saka humiling sa Panginoon niya para sa tagahiling. Hinggil naman sa [Pamamagitan sa] Mundo, nalalaman ito at hindi iyon natatangi sa kanya; bagkus ito ay pangkalahatang ukol sa kanya at ukol sa iba pa sa kanya. Kaya pinapayagan sa Muslim na magsabi sa kapatid niya ng: "Mamagitan ka para sa akin sa Panginoon ko sa ganito at ganyan," na may kahulugang: "Manalangin ka kay Allāh para sa akin." Pinapayagan sa sinasabihan iyon: na humiling kay Allāh at mamagitan sa kapwa niya kapag ang hinihiling na iyon ay kabilang sa pinapayagan ni Allāh ang paghiling niyon. [157] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 679. Ang pagkakasambit nito ay: "Hindi titigil ang mga tao na nagpapahuli sa unang hanay hanggang sa magpahuli sa kanila si Allāh sa Impiyerno." [158] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 430.
Hinggil naman sa Araw ng Pagbangon, hindi ukol sa isa man na mamagitan malibang matapos ng pahintulot ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya?}[161]
Hinggil naman sa sitwasyon ng kamatayan, ito ay isang sitwasyong natatanging hindi pinapayagan ang pag-ugnay nito sa kalagayan ng tao bago ng kamatayan ni sa kalagayan niya matapos ng pagbuhay at pagkalap dahil sa pagkaputol ng gawain ng patay at pagkadepende niya sa pagtamo niya maliban sa ibinukod ng Tagapagbatas. Ang paghiling ng Pamamagitan mula sa mga patay ay hindi kabilang sa ibinukod ng Tagapagbatas kaya hindi pinapayagan ang pag-ugnay nito roon. Walang duda na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagpanaw niya ay buhay sa Barzakh, na higit na kumpleto kaysa sa buhay ng mga martir subalit ang buhay na ito ay hindi kabilang sa uri ng buhay niya bago ng kamatayan ni kabilang sa uri ng buhay niya sa Araw ng Pagbangon, bagkus isang buhay na walang nakaaalam sa reyalidad nito at pamamaraan nito kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Dahil dito, naunang nasaad sa marangal na ḥadīth ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang isa mang bumati ng pangangalaga sa akin malibang nagbabalik si Allāh sa akin ng kaluluwa ko hanggang sa magbalik ako sa kanya ng pagbati ng pangangalaga."[162]
Kaya nagpatunay iyon na siya ay patay at na ang kaluluwa niya ay humiwalay na sa katawan niya subalit ito ay ibabalik sa kanya sa sandali ng pagbati. Ang mga teksto na tagapagpatunay sa pagkamatay niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Qur'ān at Sunnah ay nalalaman. Ito ay isang bagay na napagkaisahan sa mga alagad ng kaalaman subalit iyon ay hindi pumipigil sa buhay niya sa Barzakh kung paano na ang kamatayan ng mga martir ay hindi pumigil sa buhay nila sa Barzakh na nabanggit sa sabi ni Allāh: {Huwag ka ngang mag-akalang ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay mga patay bagkus mga buhay, na sa piling ng Panginoon nila ay tinutustusan sila,}[163]
Pinalawak lamang natin ang pag-uusap sa usaping ito dahil sa pagtawag ng pangangailangan dito dahilan sa dami ng nalalabuan sa paksang ito. Nag-aanyaya ito sa shirk at pagsamba sa mga patay bukod pa kay Allāh. Kaya hinihiling natin kay Allāh para sa atin at para sa lahat ng mga Muslim ang kaligtasan sa bawat sumasalungat sa Batas Niya. Si Allāh ay higit na maalam.
Hinggil naman sa ginagawa ng ilan sa mga tagabisita na pagtataas ng tinig sa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagpapatagal ng pagtayo roon, ito ay kasalungatan sa isinasabatas dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay sumaway sa Kalipunang Islām laban sa pagtataas ng mga tinig nila higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagpapalakas sa harap niya ng pagsasalita gaya ng pagpapalakas ng isa't isa sa kanila at humimok sa pagbaba ng tinig sa harap niya ayon sa sabi ni Allāh: {2. O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ng Propeta at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam. 3. Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag magkasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan.}[164]
Ito ay dahil ang tagal ng pagtayo sa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagpaparami ng pag-uulit ng pagbati ay nauuwi sa pagsisiksikan, dami ng ingay, at pagtaasan ng mga tinig sa tabi ng libingan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay sumasalungat sa isinabatas ni Allāh para sa mga Muslim sa mga talatang isinatahasan. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay iginagalang, buhay man o patay. Kaya hindi nararapat sa mananampalataya na gumawa sa tabi ng libingan niya ng sumasalungat sa etiketang legal.
Ganito ang ginagawa ng ilan sa mga tagabisita at ng iba pa sa kanila na paghahangad ng pagdalangin sa tabi ng libingan niya habang nakaharap sa libingan habang nag-aangat ng mga kamay habang dumadalangin. Ito sa kabuuan nito ay kasalungatan ng nasa kung ano ang Kanunu-nunuang Maayos kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh at mga tagasunod nila sa paggawa ng mabuti; bagkus ito ay kabilang sa mga bid`ah na ipinauso. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "{Manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Kahaliling Matinong Napatnubayan nang matapos ko. Kumapit kayo rito at kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga ipinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat ipinauso ay bid`ah at ang bawat bid`ah ay kaligawan."[165] [159] Qur'ān 39:44.
Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."[166] "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan."[167]
Nakakita si `Alīy bin Al-Ḥusayn Zaynul`ābidīn (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ng isang lalaking dumadalangin sa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya naman sumaway siya rito laban doon at nagsabi siya: {Hindi ba ako magsasanaysay sa iyo ng isang ḥadīth na narinig ko mula sa ama ako buhat sa lolo ko buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pagdiriwang ni mga bahay ninyo bilang mga libingan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagbati ninyo ng kapayapaan ay umaabot sa akin saan man kayo."}[168] [160] Nagtala nito si Imām Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1631.
Ganito ang ginagawa ng ilan sa mga tagabisita sa sandali ng pagbati sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang kamay sa ibabaw ng dibdib o sa ilalim nito gaya ng anyo ng tagapagsagawa ng salah. Ang anyong ito ay hindi pinapayagan sa sandali ng pagbati sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa sandali ng pagbati sa iba pa sa kanya kabilang sa mga hari, mga pinuno, at iba pa sa kanila dahil ito ay anyo ng pagpapakaaba, pagpapakababa, at pagsamba na hindi naaangkop kundi kay Allāh, gaya ng pagkakuwento niyon ni Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Ḥajar (kaawaan siya ni Allāh) sa Fatḥ Al-Bārī ayon sa mga maalam. Ang pag-uutos kaugnay roon ay hayag na maliwanag sa sinumang nagmuni-muni sa katayuan. Ang pakay niya ay ang pagsunod sa pagpatnubay ng Kanunu-nunuang Maayos.
Hinggil naman sa sinumang nanaig sa kanya ang panatisismo, pithaya, bulag na paggaya-gaya, at kasagwaan ng palagay sa mga tagapag-anyaya tungo sa pagpatnubay ng Kanunu-nunuang Maayos, ang nauukol sa kanya ay nasa kay Allāh. Hinihiling natin kay Allāh para sa atin at para sa kanya ang kapatnubayan at ang pagtutuon sa pagtatangi sa katotohanan higit sa iba pa rito; tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay pinakamabuting hinihilingan. [161] Qur'ān 2:255.
Ganito ang ginagawa ng ilan sa mga tao na pagharap sa marangal na libingan mula sa malayo at pagpapagalaw ng mga bibig sa pagbati at pagdalangin. Ang lahat ng ito ay mula sa uri ng bago nito na mga ipinauso. Hindi nararapat sa Muslim na magpauso sa Relihiyon niya ng anumang hindi nagpahintulot doon si Allāh. Siya dahil sa gawaing ito ay higit na malapit tungo sa pagkalayo ng loob kaysa sa tungo sa pakikipagtangkilikan at katahimikan. Nagmasama nga si Imām Mālik (kaawaan siya ni Allāh) ng gawaing ito at mga wangis nito at nagsabi siya: "Hindi magsasaayos sa huli sa Kalipunang ito kundi ang nagsaayos sa una rito." [162] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Nalalaman na ang nagsaayos sa kauna-unahan sa Kalipunang ito ang pagtahak sa metodolohiya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mga Khalīfah niyang matitino, mga Kasamahan niyang kinalulugdan, at mga tagasunod nila sa paggawa ng maganda. Hindi magsasaayos sa kahuli-hulihan sa Kalipunang ito kundi ang pagkapit nila roon at pagtahak nila roon. [163] Qur'ān 3:169.
Magtuon si Allāh sa mga Muslim sa anumang naroon ang kaligtasan nila, ang kaligayahan nila, ang dangal nila sa Mundo at Kabilang-buhay; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.
Pagtawag-pansin:
[164] Qur'ān 49:2-3.
Ang Kahatulan ng Pagbisita sa Libingan ng Propeta (Sumakanya ang basbas at ang Pangangalaga)
Ang pagbisita sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi isang kinakailangan ni isang kundisyon sa pagsasagawa ng ḥajj gaya ng ipinagpapalagay ng ilan sa madla at mga kawangis nila; bagkus ito ay isang isinasakaibig-ibig sa panig ng sinumang dumalaw sa Masjid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o malapit mula roon. Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā'īy sa isang magandang isnād. [165] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah sa numero 4607.
Hinggil naman sa malayo sa Madīnah, hindi ukol sa kanya ang paghahanda sa pagbiyahe para sa pagsadya sa pagdalaw sa libingan subalit itinuturing na sunnah para sa kanya ang pagbiyahe para sa pagsadya sa marangal na masjid. Kapag nakarating siya roon, bibisitahin niya ang marangal na libingan at ang libingan ng dalawang Kasamahan. Ang pagbisita sa libingan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at mga libingan ng dalawang Kasamahan niya ay napaloob kasunod sa pagbisita sa masjid niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Batay iyon sa napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi inihahanda ang mga pagbiyahe malibang papunta sa tatlong masjid: Masjid Al-Haram, Masjid kong ito, at Masjid Al-Aqsa."[169] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Sa isang salaysay naman batay kay Imām Muslim: [166] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito. [167] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Kung sakaling ang paghahanda sa mga pagbiyahe para sa pagsadya sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o libingan ng iba pa sa kanya ay naging isinasabatas, talaga sanang nagpahiwatig siya niyon sa Kalipunang Islām at gumabay siya sa kanila tungo sa kainaman nito dahil siya ay ang pinakamapagpayo sa mga tao, ang pinakamaalam sa kanila kay Allāh, at ang pinakamatindi sa kanila sa pagkatakot kay Allāh. Ipinaabot nga niya ang pagpapaabot na malinaw. Gumabay siya sa Kalipunan niya sa bawat kabutihan at nagbigay-babala siya sa kanila laban sa bawat kasamaan. Papaano na samantalang nagbigay-babala nga siya laban sa paghahanda sa pagbibiyahe para sa iba sa Tatlong Masjid at nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang [pinagdarausan ng] pagdiriwang ni sa mga bahay ninyo bilang mga libingan. Dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang panalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saanman kayo."[170] Nagtala nito si Al-Ḥāfiḍ̆ Muḥammad bin `Abdilwāḥid Al-Maqdisīy sa aklat niya: Al-Aḥādīth Al-Mukhtārah. Salaysay ni Zaynul`ābidīn na natalunton ni Shaykh kay Al-Ḥāfiḍ̆ Al-Maqdisīy. Itinala niya ang ḥadīth nang walang kuwento at ni Imām Aḥmad sa Musnad: 2/367.
Ang pagsabi ng pagkaisinasabatas ng paghahanda sa mga pagbiyahe para sa pagbisita sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humahantong sa paggawa rito bilang isang pagdiriwang at pagkasadlak sa pinangingilagan na pinangambahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagpapalabis at pagpapasobra gaya ng naganap nga sa marami sa mga tao kaugnay roon dahilan sa paniniwala nila sa pagkaisinasabatas ng paghahanda sa mga pagbibiyahe para sa pagbisita sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hinggil naman sa isinasalaysay kaugnay sa paksang ito na mula sa mga ḥadīth na kinakailangan ng sinumang nagsabi ng pagkaisinasabatas ng paghahanda sa mga pagbiyahe papunta sa libingan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), ang mga ito ay mga ḥadīth na mahina ang mga isnād, bagkus ginawa-gawa, gaya ng pagkatawag-pansin sa kahinaan ng mga ito ng mga tagapagsaulo gaya nina Ad-Dāraquṭnīy, Al-Bayhaqīy, Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Ḥajar, at iba pa sa kanila. Hindi pinapayagan na kumontra sa mga ito ang mga tumpak na ḥadīth na nagpapatunay sa pagbabawal sa paghahanda sa mga pagbiyahe para sa iba pa sa Tatlong Masjid.
Heto, O mambabasa, ang ilan sa mga ḥadīth na ginawa-gawa kaugnay sa paksang ito upang makaalam ka at makapag-ingat ka sa pagkalinlang sa mga ito:
A. "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj at hindi dumalaw sa akin, nagmalupit nga siya sa akin."
B. "Ang sinumang dumalaw sa akin matapos ng pagkamatay ko, para bang dumalaw siya sa akin sa sandali ng buhay ko."
C. "Ang sinumang dumalaw sa akin at dumalaw sa ama kong si Abraham sa iisang taon, maggagarantiya ako para sa kanya kay Allāh ng Paraiso."
D. "Ang sinumang dumalaw sa libingan ko, magigindapat sa kanya ang Pamamagitan ko."
Kaya ang mga ḥadīth na ito at ang mga wangis nito ay hindi napagtibay mula sa mga ito ang anuman buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsabi si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Ḥajar sa At-Talkhīṣ matapos na nabanggit niya ang pinakamarami sa mga salaysay: Ang mga daan ng ḥadīth na ito sa kabuuan ng mga ito ay mahina. [169] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa numero 1189 at Imām Muslim sa numero 1397.
Nagsabi naman si Al-Ḥāfiḍ̆ Al-`Uqaylīy: Walang natutumpak kaugnay sa paksang ito na anuman. [170] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Naggiit si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah (kaawaan siya ni Allāh) na ang mga ḥadīth na ito sa kabuuan ng mga ito ay mahina. ِAt sapat na sa iyo ito bilang pagkaalam, bilang pagkasaulo, at bilang pagkamalay.
Kung sakaling may anuman mula sa mga ito na naging napagtitibay, talaga sanang ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay naging ang pinakanauuna sa mga tao sa paggawa ayon dito, paglilinaw niyon sa Kalipunan, at pag-aanyaya sa kanila tungo roon dahil sila ay ang pinakamabuti sa mga tao matapos ng mga propeta, ang pinakamaalam sa kanila sa mga hangganan ni Allāh at sa isinabatas Niya para sa mga lingkod Niya, at ang pinakamapagpayo sa kanila alang-alang kay Allāh at alang-alang sa nilikha Niya. Kaya yayamang hindi nagparating buhat sa kanila ng anuman mula roon, nagpatunay iyon na ito ay hindi isinasabatas.
Kung sakaling may natumpak mula sa mga ito na anuman, talaga sanang kinailangan ang pagtukoy niyon ng pagbisitang isinasabatas na walang nasaad sa mga ito na paghahanda sa mga pagbiyahe para sa pagsadya sa libingan lamang bilang pag-uugma sa mga ḥadīth. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay pinakamaalam.
Parte
Hinggil sa Pagsasakaibig-ibig sa Pagbisita sa Masjid ng Qubā' at Baqī`
isinasakaibig-ibig sa tagabisita sa Madīnah na bumisita siya sa Masjid ng Qubā' at magsagawa siya ng ṣalāh doon batay sa nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibisita sa Masjid ng Qubā' na sumasakay at naglalakad at nagdarasal roon ng dalawang rak`ah."[171]
Ayon kay Sahl bin Ḥanīf (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdalisay sa bahay niya, pagkatapos pumunta sa Masjid ng Qubā' saka nagdasal doon ng isang ṣalāh , magkakaroon siya ng gaya ng pabuya ng isang `umrah."}[172]
Itinuturing na sunnah para sa mga lalaki ang pagbisita sa mga libingan sa Baqī`, mga libingan ng mga martir, at libingan ni Ḥamzah (malugod si Allāh dito) dahil ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibista sa kanila at dumadalangin para sa kanila; at batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bumisita kayo sa mga libingan sapagkat tunay na ang mga ito ay nagpapaalaala sa inyo ng Kabilang-buhay."[173] Nagtala nito si Imām Muslim.
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa mga Kasamahan niya, kapag bumisita sila sa mga libingan, na magsabi sila ng: "Assalāmu `alaykum ahla -ddiyār mina lmu'minīn wa-lmuslimīn, wa-innā in shā'a -llāhu bikum lāḥiqūn. Nas'alu -llāha lanā wa-lakumu -l`āfiyah. (Ang kapayapaan ay sumainyo, mga nakahimlay sa mga puntod, mula sa mga mananampalataya at mga Muslim. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay mga susunod. Humihiling kami kay Allāh para sa amin at para sa inyo ng kagalingan.)"[174] Nagtala nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni Sulaymān bin Buraydah ayon sa ama niya.
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga libingan ng Madīnah saka nagharap siya sa kanila ng mukha niya saka nagsabi: "Assalāmu `alaykum yā ahla -lqubūri. Yaghfiru Allāhu lanā wa-lakum. Antum salafunā wa-naḥnu bi-l'athar. (Ang kapayapaan ay sumainyo, O mga nakahimlay sa mga libingan. Magpatawad si Allāh sa amin at sa inyo. Kayo ay hinalinhan namin at kami ay nasa kasunod sa bakas.)"[175]
Mula sa mga ḥadīth na ito, nalalaman na ang pagbisitang isinasabatas para sa mga libingan ay pinapakay rito ang pagsasaalaala ng Kabilang-buhay, ang paggawa ng maganda sa mga patay, ang pagdalangin para sa kanila, at ang paghiling ng pagkaawa sa kanila.
Hinggil naman sa pagbisita sa kanila para sa pagpakay ng pagdalangin sa tabi ng mga libingan; o pananatili sa tabi ng mga ito; o paghiling sa kanila ng pagtugon sa mga pangangailangan o paggaling ng mga maysakit; o paghiling kay Allāh sa pamamagitan nila o sa pamamagitan ng reputasyon nila at tulad niyon, ito ay isang pagbisitang makabid`ah na minamasama, na hindi nagsabatas nito si Allāh ni ang Sugo Niya ni gumawa nito ang Kanunu-nunuang Maayos (malugod si Allāh sa kanila); bagkus ito ay kabilang sa masama na sumaway laban dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nagsabi siya: "Dalawin ninyo ang mga libingan at huwag kayong magsabi ng masama."[176]
Ang mga nabanggit na bagay-bagay na ito ay nagkakabuklod sa pagiging ang mga ito ay bid`ah subalit ang mga ito ay nagkakaiba-iba ang mga antas. Ang ilan sa mga ito ay bid`ah at hindi naman shirk, gaya ng pagdalangin kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa tabi ng mga libingan, paghiling sa Kanya sa pamamagitan ng karapatan ng patay o sa pamamagitan ng reputasyon nito at tulad niyon. Ang ilan sa mga ito ay kabilang sa Malaking Shirk, gaya ng pagdalangin sa mga patay, pagpapasaklolo sa kanila, at tulad niyon.
Nauna na ang paglilinaw rito nang detalyado sa naunang nabanggit kaya matawagan ka ng pansin, mangilag ka, at humiling ka sa Panginoon mo ng pagtuon at kapatnubayan sa katotohanan sapagkat Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapagtuon at ang Tagapatnubay: walang Diyos na iba pa sa Kanya at walang Panginoon bukod pa sa Kanya.
Ito ang kahuli-hulihan sa ninais nating idikta. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa una at sa huli. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, at ang Pili Niya mula sa mga nilikha Niya na si Muḥammad, ang mag-anak nito, ang mga Kasamahan nito, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
[171] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1193 at Imām Muslim sa numero 1399. [172] Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 1412.
[173] Nagtala nito si Imām Muslim: 976.
[174] Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 975.
[175] Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 1035.
[176] Nagtala nito si Imām Muslim ayon sa Anak ni Buraydah ayon sa ama niyon sa numero 977.
Related books
All books
Ang mga Pagsalungat sa Pagsasagawa ng Ḥajj, `Umrah, at Ziyārah39 wikaAng mga Pagsalungat sa Pagsasagawa ng Ḥajj, `Umrah, at Ziyārah
Ang mga Kamalian at ang mga Pagsalungat na Nauugnay sa Pagsasagawa ng `Umrah Una: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Iḥrām 1. Ang pagwaksi ng ihlāl§ sa pamamagitan ng hindi pagtataas ng tinig sa pagsambit ng nusuk§ na ninais niya sa pagsisimula ng pagsasagawa ng iḥrām. Ang Sunnah ay ang pagtataas ng tinig sa pagsambit niyon.
Ang mga Fatwā ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita25 wikaAng mga Fatwā ng Ḥajj, `Umrah, at Pagbisita
Naisagawa ang pagpili ng mga ito mula sa Kalipunan ng mga Fatwā ng Lupon ng Permanente Lupon ng Pagbibigay-fatwā sa Kaharian ng Saudi Arabya, kasama ng pagpapaigsi ng mga tanong sa pagpapaigsing nababagay sa sitwasyon. Una. Mga Fatwā na Pangkalahatan T: Pinapayagan ba sa ama ko na magsagawa ng `Umrah mula sa perang inutang sa bangko? S: Kinakailangan sa sinumang nagnais na magsagawa ng ḥajj at `umrah para sa sarili o para sa iba sa kanya na pumili para sa ḥajj niya at `umrah niya ng isang panggastos na kaaya-aya dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay kaaya-aya, na hindi…
Ang Metodolohiya ng Tagapagnais ng Ḥajj at `Umrah17 wikaAng Metodolohiya ng Tagapagnais ng Ḥajj at `Umrah
Ang Aklat na "Ang Metodolohiya ng Tagapagnais ng Ḥajj at `Umrah" ni Shaykh Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn ay isang gabay na masaklaw at mapagtitiwalaan para sa bawat Muslim na nagmimithi ng pagsasagawa ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj at `umrah. Naghahain ang aklat ng isang pagbibigay-linaw na nakatutugon sa mga etiketa ng paglalakbay, mga patakaran ng iḥrām, at mga kinakailangan ng tagapagsagawa ng ḥajj at tagapagsagawa ng `umrah, na sumasalig sa Marangal na Qur'an at Pampropetang Sunnah. Tumatalakay rin ang aklat nang may pagdedetalye sa mga mīqāt ng ḥajj, mga uri ng mga rituwal, at…
أخطاء يرتكبها بعض الحجاج21 wikaأخطاء يرتكبها بعض الحجاج
رسالة لطيفة لتسليط الضوء على الأخطاء الشائعة التي يقع فيها بعض الحجاج أثناء أداء مناسك الحج. من إحرام وطواف وسعي ووقوف بعرفة ورمي للجمرات وغيرها، مع تصحيحها بما ورد في القرآن والسنة، مع الضرورة على اتباع هدي النبي صلى الله عليه وسلم في كل الشعائر لتحقيق القبول عند الله والصحة في عبادته.