Pinakahinahanap
sa mga Etiketa at mga Patakaran ng Pagdalaw sa Masjid na Pampropeta
sa mga Etiketa at mga Patakaran ng Pagdalaw sa Masjid na Pampropeta
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
sa mga Etiketa at mga Patakaran ng Pagdalaw sa Masjid na Pampropeta
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1189 at Imām Muslim: 827 at ang pananalita ay kay Imām Muslim.
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1190 at Imām Muslim: 1394.
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1195 at Imām Muslim: 1390.
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagpapatuloy:
Ito ay isang pinaigsing polyeto sa mga etiketa ng pagdalaw sa Masjid na Pampropeta at mga patakaran nito. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagadalaw sa Masjid na Pampropeta.
Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Ang Pinaigsi
Isinakaibig-ibig ang pagdalaw sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Wala itong isang oras na tinakdaan. Hindi ito kabilang sa mga gawain ng ḥajj. Hindi inoobliga ang mga tagapagsagawa ng ḥajj – mga lalaki man o mga babae – sa pagdalaw sa libingan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa Baqī`.
Hindi pinapayagan ang paghahanda ng mga masasakyan at ang paglalakbay alang-alang sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat tunay na ang paghahanda ng mga masasakyan ayon sa paraan ng pagpapakamananamba ay hindi para sa pagdalaw ng mga libingan. Tanging ito ay magiging ukol sa tatlong masjid lamang. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi inihahanda ang mga sasakyang hayop malibang papunta sa tatlong masjid: Masjid kong ito, Masjid na Pinakababanal, at Masjid na Pinakamalayo."
Ang malayo sa Madīnah ay hindi ukol sa kanya ang maghanda ng mga masasakyan nang may pakay ng pagdalaw sa libingan subalit isinasabatas sa kanya ang maghanda ng mga masasakyan nang may pakay ng pagdalaw sa Marangal na Masjid na Pampropeta. Kapag nakarating siya roon, dadalaw siya sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga libingan ng mga Kasamahan niya. Kaya naman napaloloob ang pagdalaw sa libingan niya kasunod sa pagdalaw sa Masjid niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hindi isinasabatas sa babae na dumalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa libingan ng iba pa dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa mga babaing paladalaw sa mga libingan dahil sa maaaring mangyari sa kanila na paghagulgol, pagtatanghal ng kagandahan, at iba pa riyan kabilang sa mga pagsalungat na pambatas subalit isinakaibig-ibig sa kanila ang pagpapadalas ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid at iba pa rito sapagkat umaabot iyon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit ito ay nasa alinmang lugar, batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon." Nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Si Allāh ay tunay na may mga anghel na naglilibot sa lupa, na nagpapaabot sa akin mula sa Kalipunan ko ng pagbati."
Kapag pumasok siya sa Marangal na Masjid na Pampropeta, isinakaibig-ibig para sa kanya na mag-una ng kanang paa niya sa sandali ng pagpasok niya at magsabi ng: "Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik. (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo.)"
Para sa pagpasok sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay walang isang itinanging dhikr.
Pagkatapos magsasagawa siya ng ṣalāh na dalawang rak`ah na pagbati sa masjid.
Kapag ang oras ay hindi oras ng pagsaway laban sa pagdarasal, ukol sa kanya na magsagawa ng ṣalāh bilang pagkukusang-loob ng niloob niya na dalawang rak`ah. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."
Nararapat na maghangad na magsagawa ng salah sa Rawḍah, na nasa pagitan ng mimbar ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kuwarto niya, naging posible ito para sa kanya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang nasa pagitan ng bahay ko at pulpito ko ay isang hardin mula sa mga hardin ng Paraiso."
Kung hindi naging posible sa kanya, magdarasal siya sa alinmang dako ng Masjid. Ito ay sa hindi ṣalāh sa konggregasyon. Hinggil naman sa ṣalāh sa konggregasyon, manatili siya sa unang hanay na kasunod sa imām, batay sa pagkapangkalahatan ng mga patunay na nasasaad kaugnay roon.
Kapag nagnais siyang dumalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga libingan ng dalawang Kasamahan niya,
tatayo sa harapan ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may etiketa, pagpipitagan, at pagbababa ng tinig. Pagkatapos babati siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsasabi: "Assalāmu `alayka, yā rasūla -llāh, wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Sugo ni Allāh, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)" Wala ring masama kung magsasabi siya ng: "Ashhadu annaka rasūlu -llāhi ḥaqqā, wa-annaka qad ballaghta -rrisālah, wa-addayta -l'amānah, wa-jāhadta fi -llāhi ḥaqqa jihādih, wa-naṣaḥta -l'ummah, fa-jazāka -llāhu `an ummatika afḍala mā jazā nabīyan `an ummatih. (Sumasaksi ako na ikaw ay Sugo ni Allāh sa totoo at na ikaw ay nagpaabot nga ng mensahe, gumanap sa ipinagkatiwala, nakibaka alang-alang kay Allāh ng totoo sa pakikibaka, at nagpayo ka sa Kalipunan, kaya gumanti nawa sa iyo si Allāh ng pinakamainam sa iginanti Niya sa isang propeta para sa kalipunan nito.)"
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan nang kaunti saka babati siya kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito).
Pagkatapos dadako siya sa gawing kanan nang kaunti rin saka babati kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb. Ang anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), kapag bumati ito sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dalawang Kasamahan nito, ay hindi lumalabis kadalasan sa pagsabi niya ng: "Assalāmu `alayka, yā rasūla -llāh. Assalāmu `alayka, yā abā bakr. Assalāmu `alayka, yā abatāh. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Sugo ni Allāh, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Abū Bakr. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Ama ko.)" Pagkatapos lilisan siya.
Hindi nararapat ang magpatagal ng pagtindig o pagdalangin sa tabi ng libingan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga libingan ng dalawang Kasamahan niya sapagkat nasuklam sa ganito si Imām Mālik saka nagsabi: "Ito ay isang bid`ah na hindi ginawa ng Salaf. Hindi magsasaayos sa huli sa Kalipunang ito kundi ang nagsaayos sa una rito."
Hinggil naman sa ginagawa ng ilan sa mga tagadalaw na pagtataas ng tinig sa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at katagalan ng pagtayo roon, ito ay kasalungatan sa isinasabatas. Nagsabi si Allāh: {2. O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ng Propeta at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam. 3. Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag magkasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan. } (Qur'ān 49:2-3) Ito ay dahil ang tagal ng pagtayo sa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagpaparami ng pag-uulit ng pagbati ay nauuwi sa pagsisiksikan, dami ng ingay, at pagtaasan ng mga tinig sa tabi ng libingan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay sumasalungat sa isinabatas ni Allāh para sa mga Muslim sa mga talatang isinatahasan. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay iginagalang, buhay man o patay. Kaya hindi nararapat sa mananampalataya na gumawa sa tabi ng libingan niya ng sumasalungat sa etiketang legal.
Ganito ang ginagawa ng ilan sa mga tagadalaw at ng iba pa sa kanila na paghahangad ng pagdalangin sa tabi ng libingan niya habang nakaharap sa libingan habang nag-aangat ng mga kamay habang dumadalangin. Ito sa kabuuan nito ay kasalungatan ng nasa kung ano ang maayos na Salaf kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh at mga tagasunod nila sa paggawa ng mabuti; bagkus ito ay kabilang sa mga bid`ah na pinauso.
Ganito ang ginagawa ng ilan sa mga tagadalaw sa sandali ng pagbati sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang kamay sa ibabaw ng dibdib o ilalim nito gaya ng porma ng nagdarasal. Ang pormang ito ay hindi pinapayagan sa sandali ng pagbati sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ito ay porma ng kahamakan, pagpapasailalim, at pagsamba na hindi nababagay kundi ukol kay Allāh, gaya ng pagkakuwento niyon ni Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Ḥajar (kaawaan siya ni Allāh) sa Al-Fatḥ tungkol sa mga maalam.
Hindi pinapayagan sa isa man na magpakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagpahid sa bato o pagsasagawa ng ṭawāf dito at hindi siya hihiling sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtugon sa pangangailangan niya o ng pagpapagaling ng maysakit niya at tulad niyon dahil iyon sa kabuuan niyon ay hindi hinihingi kundi mula kay Allāh – tanging sa Kanya.
Isinakaibig-ibig para sa tagadalaw sa Madīnah sa sandali ng pagkanaroroon niya roon na dumalaw sa Masjid ng Qubā' at magdasal doon dahil ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumupunta roon nang naglalakad o sumasakay at nagdarasal doon ng dalawang rak`ah. Ayon kay Sahl bin Ḥanīf na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdalisay sa bahay niya, pagkatapos pumunta sa Masjid ng Qubā' saka nagdasal doon ng isang ṣalāh, magkakaroon siya ng gaya ng pabuya ng isang `umrah."}
Itinuturing na sunnah para sa mga lalaki ang pagdalaw sa mga libingan sa Baqī` – ang sementeryo ng Madīnah, ang mga libingan ng mga martir, at ang libingan ni Ḥamzah (malugod si Allāh dito – dahil ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalaw sa kanila at dumadalangin para sa kanila, at batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako noon ay sumaway sa inyo laban sa pagdalaw sa mga libingan ngunit dumalaw na kayo sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay nagpapaalaala sa inyo ng Kabilang-buhay."
Nagsasabi siya, kapag dumalaw sa kanila, ng gaya ng sinasabi niya kapag dumalaw sa nalalabi sa mga libingan: "Assalāmu `alaykum ahla -ddiyāri mina -lmu'minīn wa-lmuslimīn. Wa-innā in shā'a -llāhu bikum lāḥiqūn. Wa-yarḥamu -llāhu -lmustaqdimīna minnā walmusta'khirīn. As'alu -llāha lanā wa-lakumu -l`āfiyah. (Ang kapayapaan ay sumainyo, O mga nakahimlay sa mga libingan, mula sa mga mananampalataya at mga Muslim. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay mga susunod. Kaawaan nawa ni Allāh ang mga nauna sa amin at ang mga mahuhuli. Hinihiling ko kay Allāh para sa amin at para sa inyo ang kagalingan.)"
Walang duda na ang pinapakay sa pagdalaw sa mga libingan ay ang pagsasaalaala ng Kabilang-buhay, ang paggawa ng maganda sa mga patay sa pamamagitan ng pagdalangin para sa kanila, at ang pagsunod sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay ang pagdalaw na legal.
Hinggil naman sa pagdalaw sa kanila para sa pagpapakay ng pagdalangin sa tabi ng mga libingan nila o paghiling kay Allāh sa pamamagitan nila o sa pamamagitan ng reputasyon nila at tulad niyon, ito ay isang pagdalaw na makabid`ah na minamasama, na hindi nagsabatas nito si Allāh ni ang Sugo Niya (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at hindi gumawa nito ang maayos na Salaf. Hinggil naman sa paghiling sa kanila ng pagtugon sa mga pangangailangan o kagalingan ng mga maysakit at tulad niyon, ito ay bahagi ng Malaking Shirk.
Heto, O mambabasa, ang ilan sa mga ḥadīth na ginawa-gawa kaugnay sa paksang ito upang makaalam ka at makapag-ingat ka sa pagkalinlang sa mga ito.
A. "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj at hindi dumalaw sa akin, nagmalupit nga siya sa akin."
B. "Ang sinumang dumalaw sa akin matapos ng pagkamatay ko, para bang dumalaw siya sa akin sa sandali ng buhay ko."
C. "Ang sinumang dumalaw sa akin at dumalaw sa ama kong si Abraham sa iisang taon, maggagarantiya ako para sa kanya kay Allāh ng Paraiso."
D. "Ang sinumang dumalaw sa libingan ko, magigindapat sa kanya ang Pamamagitan ko."
Ang mga ḥadīth na ito at ang mga kawangis ng mga ito ay walang napagtibay mula sa mga ito na anuman ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Al-Ḥāfiḍ̆ Al-`Uqaylīy: "Walang natutumpak sa paksang ito na anuman." Nagsabi naman si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Ḥajar sa At-Talkhīṣ – matapos na nabanggit niya ang pinakamarami sa mga salaysay na ito: "Ang mga daan ng ḥadīth na ito sa kabuuan nito ay mahina." Hindi kabilang sa mga sunnah ng ḥajj at `umrah o kakumpletuhan ng dalawang ito ang pagdalaw sa Masjid na Pampropeta bago ng pagsasagawa ng ḥajj o `umrah o matapos ng dalawang ito dahil ang pagdalaw sa Masjid na Pampropeta ay isinakaibig-ibig nang walang pasubali. Kaya kapag hindi dumalaw roon ang tagapagsagawa ng ḥajj o ang tagapagsagawa ng `umrah, walang kasalanan sa kanya. Walang koneksiyon sa pagitan ng ḥajj o `umrah at pagdalaw sa Masjid na Pampropeta sapagkat ang mga ito ay mga pagsambang magkahiwalay. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj o nagsagawa ng `umrah, hindi inoobliga sa kanya ang pagdalaw sa Masjid na Pampropeta. Gayon din ang sinumang dumalaw sa Masjid na Pampropeta, hindi inoobliga sa kanya ang pagsasagawa ng ḥajj ni `umrah. Kapag ipinagsama niya ang ḥajj at ang `umrah at ang pagdalaw sa Masjid na Pampropeta sa iisang paglalakbay, wala namang masama.
Ang mga Pakikipagsalungat sa Pagdalaw sa Masjid na Pampropeta
Ang pagpahid-pahid sa mga dingding at mga rehas na bakal sa sandali ng pagdalaw sa libingan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtatali ng mga sinulid at tulad ng mga ito sa mga bintana bilang pagkamit-biyaya.
Ang biyaya ay nasa isinabatas ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi sa mga bid`ah.
Ang pagpunta sa mga pinaglusuban sa Bundok ng Uḥud at tulad nito na Yungib ng Ḥirā' at Yungib ng Thawr, ang pagtatali ng retaso sa tabi nito, ang pagdalangin sa pamamagitan ng mga panalanging hindi nagpahintulot ng mga ito si Allāh, at ang pagbata ng pahirap dahil doon.
Ang lahat ng ito ay mga bid`ah na walang pinag-ugatan sa Batas na dinalisay.
Ang pagdalaw sa ilan sa mga lugar na inaakala nila na ang mga ito ay mga relikiya ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pinagluhuran ng inahing kamelyo, balon ng singsing, at balon ni `Uthmān; ang pagkuha ng alabok mula sa mga lugar na ito para sa pagpapala raw.
Ang pagdalangin sa mga patay sa sandali ng pagdalaw sa sementeryo ng Baqī` at sementeryo ng mga martir ng Uḥud at ang pagtatapon ng mga barya sa tabi ng mga ito bilang pagpapakalapit-loob sa mga ito at bilang pagkamit-biyaya sa mga nakahimlay sa mga ito.
Ang mga ito ay kabilang sa mga dambuhalang kamalian; bagkus kabilang sa Malaking Shirk gaya ng pagkabanggit ng mga may kaalaman. Nagpatunay rito ang Aklat ni Allāh at ang Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) dahil ang pagsamba ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya – na hindi pinapayagan ang pagbaling ng anuman mula rito sa iba pa sa Kanya gaya ng pagdalangin, pag-aalay, pamamanata, at tulad niyon batay sa sabi ni Allāh: {Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon} (Qur'ān 98:5)
Si Allāh ay higit na maalam. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya nang lahatan.
Related books
All books
Ang Aklat ng mga Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh11 wikaAng Aklat ng mga Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh
Pag-aakda ni S̆ayk̆ Al-Islām, at isa sa mga prominente, ang imām na tagapanariwa, si S̆ayk̆ Muḥammad bin `Abdulwahhāb – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya). Nagsagawa ng pagtutumpak at paghahambing sa isang kopyang nakasulat-kamay sa Aklatang Sa`ūdīy na may numero 86/269 at sa ilang iba pang kopya na nakaimprenta ang mga S̆ayk̆ na sina `Abdulkarīm bin Muḥammad Al-Lāḥim, Nāṣir bin `Abdullāh Aṭ-Ṭuraym, at Sa`ūd bin Muḥammad Al-Bas̆ar. Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain Kabanata: Ang Magandang Asal sa Paglalakad Patungo sa Ṣalāh Ibinibilang na sunnah ang…
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito65 wikaAng Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy: Ito ay isang pinaigsing polyeto sa paraan ng pagsasagawa ng `umrah, mga patakaran nito, at mga etiketa nito. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagapagsagawa ng `umrah. Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
التحقيق والإيضاح لكثير من مسائل الحج والعمرة والزيارة على ضوء الكتاب والسنة54 wikaوالزيارةالتحقيق والإيضاح لكثير من مسائل الحج والعمرة والزيارة على ضوء الكتاب والسنة
I-click upang tingnan ang mga detalye ng aklat.
Ang mga Pagsalungat sa Pagsasagawa ng Ḥajj, `Umrah, at Ziyārah39 wikaAng mga Pagsalungat sa Pagsasagawa ng Ḥajj, `Umrah, at Ziyārah
Ang mga Kamalian at ang mga Pagsalungat na Nauugnay sa Pagsasagawa ng `Umrah Una: Ang mga Pagsalungat ng mga Tao at ang mga Mali Nila sa Pagsasagawa ng Iḥrām 1. Ang pagwaksi ng ihlāl§ sa pamamagitan ng hindi pagtataas ng tinig sa pagsambit ng nusuk§ na ninais niya sa pagsisimula ng pagsasagawa ng iḥrām. Ang Sunnah ay ang pagtataas ng tinig sa pagsambit niyon.