Pinakahinahanap
Ang Pinaiksing Makabuluhan Para sa Muadhdhin, Imam, at Khaṭīb; at ang mga Patakaran sa mga Masjid
Ang Aklat na ito ay naglalahad ng isang masaklaw na pananaw hinggil sa mga patakaran sa adhān at Iqāmah, pamumuno sa Ṣalāh, Khuṭbah sa Jumu`ah, at mga etiketa sa masjid. Gayundin, tumatalakay ang aklat ng mga tungkulin ng mga mu'adhdhin, mga imām, at mga khaṭīb. Nagpapatibay ito ng kahalagahan ng pag-aaral sa mga patakaran ng Sharī`ah na nakaugnay sa mga gawaing ito para sa paggarantiya ng maayos na pagsasagawa sa mga ito. Sumasaklaw rin ito sa mga tekstong nasasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng pagbibigay-linaw sa mga ito para sa paggarantiya ng…
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Ang Pinaiksing Makatuturan Para sa Mu'adhdhin, Imām, Khaṭīb, at mga Patakaran sa mga Masjid
Ang Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, at humihingi tayo ng tawad sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at laban sa mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw sa kanya at ang sinumang niligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Basbasan siya ni Allāh, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda, at pangalagaan nang maraming pangangalaga.
Sa pagpapatuloy: Tunay na ang mga tao, yayamang sila ay nasa palagiang pangangailangan sa magsasaayos sa mga kalagayan nila, naghatid nga ang Sharī`ah ng magsasagawa niyon. Kabilang doon ang nauugnay sa adhān at sa iqāmah para sa ṣalāh, sa pamumuno sa ṣalāh sa mga tao rito, sa khuṭbah ng Jumu`ah, at sa mga patakaran ng mga masjid, Dahil doon ang pananagutan ng mu'adhdhin ng masjid, imām, at khaṭīb ng Jumu'ah ay isang dakilang pananagutan. Dahil doon, nagsigasig kami sa paghahanda ng isang aklat na may pamagat na: Ang Pinaiksing Makatuturan Para sa Mu'adhdhin, Imām, Khaṭīb, at mga Patakaran sa Masjid; at sa pagsasalin nito sa ilan sa mga wika.
Ang Unang Tema: Ang mga Patakaran ng Pagsasagawa ng Adhān at Iqāmah
Ang adhān ay sagisag ng Islām at ng mga tagasunod nito, yayamang ipinananawagan ito nang limang ulit sa bawat araw at gabi. Nagmalasakit nga ang mga pantas sa mga aklat nila sa nauukol dito, mga sunnah nito, mga patakaran nito, mga isinasakaibig-ibig dito, at mga nakapagpapawalang-bisa rito. Walang iba ito kundi dahil sa kahalagahan ng pagsambang ito at karangalan nito.[1] [1] Tingnan ang Fatḥ Al-Mun`im Sharḥ Ṣaḥīḥ Muslim: 2/460.
Ang Unang Paksa: Ang Pagbibigay-Kahulugan sa Adhān at Iqāmah
Ang Adhān ayon sa batas ng Islām ay ang pagpapaalam ng pagpasok ng oras ng ṣalāh sa pamamagitan ng mga pananalitang nalalaman, natatangi, na isinabatas.[2] [2] Tingnan: Al-Mughnī ni Ibnu Al-Qudāmah: 1/292, at Mukhtār Aṣ-Ṣiḥāḥ, p. 16, sa salitang-ugat na A-Dh-N, at Al-Adhān Wal-Iqāmah ni Al-Qaḥṭānīy, p. 5.
Ang Iqāmah ayon sa batas ng Islām ay ang pagpapaalam ng pagtayo patungo sa ṣalāh, sa pamamagitan ng dhikr na itinangi na isinabatas.[3] [3] Tingnan: Kashshāf Al-Qinā`: 1/230.
Ang Ikalawang Paksa: Ang Patakaran ng Pagsasagawa ng Adhān at Iqāmah
Ang Adhān at ang Iqāmah ay isinabatas batay sa Qur'ān, sa Sunnah, at sa Ijmā`:
Hinggil sa Qur'ān, nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kapag nanawagan kayo tungo sa pagdarasal, gumagawa sila rito ng pangungutya at paglalaro. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.} (Qur'ān 5:58)
Hinggil naman sa Sunnah, nagpapatunay nga ang maraming ḥadīth sa pagkaisinasabatas ng dalawang ito, na kabilang sa mga ito:
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang mga Muslim nang nakarating sila sa Madīnah ay nagtitipon saka nagtatantiya ng pagdarasal, na walang nananawagan para rito. Kaya naman nag-usap sila isang araw hinggil doon. Nagsabi ang ilan sa kanila: "Gumamit kayo ng isang kampanilya tulad ng kampanilya ng mga Kristiyano." Nagsabi naman ang ilan sa kanila: "Bagkus isang tambuli tulad ng sungay ng mga Hudyo." Kaya nagsabi si `Umar: "Hindi ba kayo magpapadala ng isang lalaki na mananawagan sa pagdarasal?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bilāl, tumayo ka saka manawagan ka para sa ṣalāh."}[4] [4] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 604, at Imām Muslim: 377.
Hinggil naman sa pagkakabuklod sa hatol, nagkabuklod nga sa hatol ang Kalipunan sa pagkaisinasabatas ng dalawang ito para sa Limang Ṣalāh.
Nagsabi si Imām Ibnu Qudāmah Al-Maqdisīy: "Nagkabuklod sa hatol ang Ummah na ang adhān ay isinabatas para sa limang ṣalāh."[5] [5] Al-Mughnī: 1/293.
Ang adhān at ang iqāmah ay kabilang sa mga tungkulin ng lipunan sa panig ng mga lalaki sa pamamayan at sa paglalakbay para sa limang ṣalāh at hindi sa iba pa sa mga ito, batay sa ḥadīth ni Mālik bin Al-Ḥuwayrith (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag sumapit ang pagdarasal, manawagan ng adhān para sa inyo ang isa sa inyo at mamuno sa inyo sa dasal ang pinakamatanda sa inyo." [6] [6] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 628, at Imām Muslim: 674.
Dahil ang dalawang ito ay kabilang sa mga panlabas na sagisag ng Islām, hindi pinapayagan ang pag-aalis ng dalawang ito.
Hinggil naman sa mga babae, walang isinabatas para sa kanila na isang adhān ni isang iqāmah, maging magdarasal man ang babae nang nakabukod-tangi, o mamumuno sa dasal sa mga babae.[7] [7] Sharḥ Al-`Umdah ni Ibnu Taymiyah, Kitāb Aṣ-Ṣalāh, p. 101.
Ang Ikatlong Paksa: Ang Kainaman ng Adhān at Iqāmah
May nasaad na maraming teksto kaugnay sa kainaman ng adhān at mga mu'adhdhin, na kabilang sa mga ito ang mga sumusunod na kainaman:
Ang mu'adhdhin (tagatawag ng adhān) ay kabilang sa mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh at siya ay kabilang sa pinakamaganda sa mga tao sa sinasabi. Nagsabi si Allāh: {Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim [na sumusuko kay Allāh]." (Qur'ān 41:33)
Ang mga mu'adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon sapagkat ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga mu'adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon."} [8] [8] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 387.
Ang Adhān at ang Iqāmah ay nagtataboy sa demonyo sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag ipinanawagan ang adhān para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo. May pag-utot siya nang sa gayon hindi siya makarinig sa pananawagan ng adhān. Kapag natapos ang panawagan ng adhān, humaharap siya; hanggang sa kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, tumatalikod siya; hanggang sa kapag natapos ang pagsasagawa ng iqāmah, humaharap siya hanggang sa manunulsol siya sa pagitan ng tao at sarili nito. Nagsasabi siya rito: 'Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon,' para sa hindi niya naalaala noong bago nito, hanggang sa manatili ang lalaki na hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito." [9] [9] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1222, at Imām Muslim: 389.
Sasaksi para sa mu'adhdhin ang bawat bagay na nakarinig sa adhān niya sapagkat ayon kay `Abdullāh bin `Abdurraḥmān Al-Anṣārīy: {Si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) ay nagsabi sa kanya: "Tunay na ako ay nakikita sa iyo na naiibigan mo ang mga tupa at ang ilang. Kaya kapag ikaw ay nasa mga tupa mo o ilang mo saka nagsagawa ka ng adhān sa ṣalāh, magtaas ka ng boses mo sa pananawagan sapagkat tunay na: Walang nakaririnig sa abot ng tinig ng mu'adhdhin na jinn ni tao ni anuman kundi sasaksi ito para sa kanya sa Araw ng Pagbangon."} Nagsabi si Abū Sa`īd: Narinig ko ito mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)[10]. [10] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 609.
Kung sakaling nakaalam ang mga tao ng kainaman ng adhān nang totoong kaalaman, talaga sanang nagpalabunutan sila rito – ibig sabihin: talaga sanang nagsagawa sila ng palabunutan sa pagitan nila kung alin sa kanila ang magsasagawa ng adhān – sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling nakaaalam ang mga tao sa [kalamangang] nasa panawagan – ibig sabihin: adhān – at unang hilera (ng Salah), pagkatapos hindi sila nakatagpo kundi na magpalabunutan sila rito, talaga sanang nagpalabunutan sila."} [11] [11] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 615, at Imām Muslim: 437.
Ang mu'adhdhin ay pinatatawad hanggang sa abot ng tinig niya, nagpapatotoo sa kanya ang sinumang nakarinig sa kanya mula sa basa at tuyo, at ukol sa kanya ang tulad ng pabuya ng sinumang nagdasal kasama niya dahil ang tagaturo sa kabutihan ay gaya ng tagagawa nito. Ayon kay Al-Barā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na si Allāh at ang mga anghel Niya ay nagbabasbas sa hilerang ipinauna, ang mu'adhdhin ay pinatatawad hanggang sa abot ng boses niya, nagpapatotoo sa kanya ang sinumang nakarinig sa kanya mula sa basa at tuyo, at ukol sa kanya ang tulad ng pabuya ng sinumang nagdasal kasama niya."} [12] [12] Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 18506, at Imām An-Nasā'īy; 646. Nagsabi si Al-Mundhirīy sa At-Targhīb wa At-Tarhīb: 1/176: May isnād na magandang mahusay. Nagsabi si Ibnu Al-Mulaqqin sa Al-Badr Al-Munīr: 3/385: Ito ay isnād na mahusay.
Ang adhān ay kabilang sa pinakadakila sa mga sagisag ng Islām. Ito ay isang tagapaghiwalay sa pagitan ng Lupain ng Kawalang-paniniwala at Lupain ng Islām sapagkat nagsaad si Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya ng isang kabanata na pinamagatang: "Kabanata ng Inililigtas Dahil sa Adhān na mga Buhay." Pagkatapos naglahad siya ng ḥadīth ni Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakikipaglaban kasama namin sa mga tao, ay hindi nakikipaglaban kasama namin hanggang sa umagahin at magmasid siya. Kapag nakarinig siya ng adhān, nagpipigil siya sa paglusob sa kanila; at kapag hindi siya nakarinig ng adhān, sumasalakay siya sa kanila.}[13] [13] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 610, at Imām Muslim: 382.
Nagsabi si Imām Ibnu Al-Khaṭṭābīy: "Mayroon ditong isang paglilinaw na ang adhān ay sagisag ng relihiyong Islām at na ito ay isang gawaing kinakailangang hindi ipinahihintulot ang pag-iwan nito. Kung sakaling ang mga mamamayan ng isang bayan ay nagkabuklod sa hatol sa pag-iwan sa adhān at tumanggi, ukol sa pinuno ang makipaglaban sa kanila dahil dito."[14] [14] A`lām Al-Ḥadīth Sharḥ Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 1/460.
Ang Ikaapat na Paksa: Ang mga Kundisyon ng Katumpakan ng Adhān at Iqāmah
1. Ang pagkaanib sa Islām. Kaya naman hindi natutumpak ang dalawang ito mula sa pagsasagawa ng tagatangging-sumampalataya dahil ang dalawang ito ay pagsamba, at ang pagsamba ay hindi natutumpak mula sa isang tagatangging-sumampalataya.
2. Ang pagkakaroon ng isip (`aql). Kaya naman hindi natutumpak ang dalawang ito mula sa pagkakagawa ng baliw, lasing, at batang hindi nakawawari [ng tama at mali], gaya ng sa nalalabi sa mga pagsamba.
3. Ang pagkakaroon ng layunin (nīyah). Kaya naman hindi natutumpak ang dalawang ito nang wala niyon dahil ang dalawang ito ay pagsamba. Ang pagsamba ay hindi natutumpak malibang may layunin, batay sa sabi ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay batay sa mga layunin lamang at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." [15] [15] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1, at Imām Muslim: 1907, mula sa ḥadīth ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya).
4. Ang pagkalalaki (dhukūrīyah). Kaya naman hindi natutumpak ang adhān ng babae at ang iqāmah niya.
5. Na ang adhān ay sa oras ng ṣalāh. Kaya naman hindi ito natutumpak bago ng pagpasok ng oras nito, batay sa ḥadīth ni Mālik bin Al-Ḥuwayrith (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta ay nagsabi: "Kapag sumapit ang pagdarasal, manawagan ng adhān para sa inyo ang isa sa inyo at mamuno sa inyo sa dasal ang pinakamatanda sa inyo."} [16] Nag-ugnay ang utos ng pagsasagawa ng adhān sa pagsapit ng ṣalāh. Ang pagsapit nito ay hindi nangyayari kundi matapos ng pagpasok ng oras nito. Ang iqāmah naman ay sa sandali ng pagnanais ng pagtayo para sa ṣalāh. [16] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 628, at Imām Muslim: 674.
6. Na ang adhān – at gayundin ang Iqāmah – ay pinagsunud-sunod. Ang tinutukoy ng pagsusunud-sunod ay na sasambit ang mu'adhdhin ng mga pananalita ng adhān at iqāmah sang-ayon sa mga tekstong pangkapahayagan na naghatid ng isang paglilinaw ng paraan ng pagsasagawa ng adhān at iqāmah, nang walang pagpapauna o pagpapahuli ng isang salita o isang pangungusap sa iba dahil ang adhān ay isang pagsamba na napagtitibay ayon sa pagsusunud-sunod na ito. Kaya naman kinakailangan na gawain ito kung paanong nasaad ito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." [17] [17] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2697, at Imām Muslim: 1718, mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
7. Na ang adhān – at gayundin ang iqāmah – ay pinagtutuluy-tuloy. Ang tinutukoy ng pagtutuluy-tuloy ay ang pagsusunuran sa pagitan ng mga pananalita ng adhān nang walang pagkapahiwalay ng isang sabi o isang gawa at na hindi mahiwalay ang isang bahagi nito sa isang bahagi sa isang matagal na sandali.
8. Na ang adhān – at gayundin ang iqāmah – ay sa wikang Arabe at sa mga pananalitang nagsaad ng mga ito ang Sunnah, na ligtas mula sa kamaliang pangwika na nagpipilipit ng kahulugan.
9. Ang pagtataas ng tinig sa adhān dahil ang mu'adhdhin, kung sakaling nagbaba siya ng tinig niya sa punto na hindi siya nakapagpaparinig kundi sa sarili niya lamang, ay hindi nagtatamo ng pinapakay mula sa pagsasabatas ng adhān, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... manawagan ng adhān para sa inyo ang isa sa inyo ..." [18] Ito ay nagpapahiwatig ng pagtataas ng tinig upang iparinig sa mga ibang tao para mangyari ang pagkarinig na pinapakay sa pagpapaalam. Kaya naman kapag nagsagawa siya ng adhān para sa sarili niya o para sa isang nakadalo kasama niya, hindi isinasakundisyon ang pagtataas ng tinig dito. Subalit magtataas siya ng tinig niya ayon sa abot ng pagpaparinig sa sarili niya o naririnig ng nakadalo kasama niya. Subalit kung sakaling nagtaas pa siya ng tinig niya nang higit pa roon, iyon ay naging higit na mainam, batay sa ḥadīth ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... Kaya kapag ikaw ay nasa mga tupa mo o ilang mo saka nagsagawa ka ng adhān sa ṣalāh, magtaas ka ng tinig mo sa pananawagan sapagkat tunay na: Walang nakaririnig sa abot ng tinig ng mu'adhdhin na jinn ni tao ni anuman kundi sasaksi ito para sa kanya sa Araw ng Pagbangon." [19] [18] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito. [19] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Ang Ikalimang Paksa: Ilan sa mga Katangiang Hiniling sa Mu'adhdhin
1. Na siya ay kilala sa katarungan at pagkatuwid, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang imām ay tagapanagot at ang mu'adhdhin ay pinagkakatiwalaan. O Allāh, gumabay Ka sa mga imām at magpatawad Ka sa mga mu'adhdhin." [20] Ang mu'adhdhin ay pinagkakatiwalaan sa oras ng ṣalāh at pag-aayuno. Ang ipinagkatiwalang tungkulin ay hindi nagagampanan kundi ng isang makatarungan. Kaya naman ang mu'adhdhin ay hindi isang suwail o isang tagapaghayag ng isang pagsuway o pagkalalaki. [20] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 517, at Imām At-Tirmidhīy: 207.
2. Na siya ay sa hustong gulang dahil ang adhān ng hustong gulang ay higit na ganap. Natutumpak ang adhān ng batang nakawawari (mumayyiz) hanggat siya ay nagsasagawa ng adhān sa oras [ng ṣalāh]. Kaya kapag nagsagawa siya ng adhān, tunay na ito ay sasapat dahil sa adhān niya dahil sa pamamagitan nito natatamo ang pagpapaalam ng pagpasok ng oras [ng ṣalāh].
3. Na siya ay isang nakaaalam sa mga oras upang makatiyak siya ng mga ito para makapagsagawa siya ng adhān sa simula ng mga ito dahil kung hindi siya naging isang nakaalam sa mga ito, hindi siya makaiiwas na sumala o magkamali.
4. Na siya ay malakas ang tinig, batay sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) hinggil sa pagkapanaginip ng adhān, kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ito ay isang makatotohanang panaginip. Kaya tumayo ka kasama ni Bilāl sapagkat tunay na siya ay higit na matamis at higit na matunog sa tinig kaysa sa iyo. Kaya magpasambit ka sa kanya ng sinabi sa iyo at manawagan siya ng gayon." [21] Ang kahulugan: "... at higit na matunog sa tinig kaysa sa iyo." Ibig sabihin: higit na malakas at higit na mataas sa tinig kaysa sa iyo. Iyon ay isang patunay sa pagsasakaibig-ibig ng pagkuha ng mu'adhdhin na mataas at malakas ang tinig. Iyon ay dahil ang mataas ang tinig ay higit na mabisa sa pagpapaalam.[22] [21] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 189, at nagsabi siya na magandang tumpak na ḥadīth ito. [22] Tingnan: Tuḥfah Al-Aḥwadhīy: 1/481.
5. Na siya ay maganda ang tinig, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh kanya) na naunang nasipi: "... sapagkat tunay na siya ay higit na matamis at higit na matunog sa tinig kaysa sa iyo. ..." Ibig sabihin: higit na maganda at higit na matamis sa tinig.
6. Na siya ay nakapagdalisay mula sa maliit at malaking ḥadath dahil ang adhān at ang iqāmah ay dhikr kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang tagasambit ng dhikr ay isinasakaibig-ibig na maging nakapagdalisay.
7. Na magsagawa siya ng adhān nang nakatayo, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bilāl, tumayo ka saka manawagan ka para sa ṣalāh." [23] Nagsabi si Ibnu al-Mundhir: "Nagkabuklod sila sa hatol na bahagi ng Sunnah na magsagawa ng adhān ang mu'adhdhin nang nakatayo."[24] [23] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 604, at Imām Muslim: 377, mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [24] Al-Ijmā` ni Ibnu Al-Mundhir, p. 38.
8. Na magsagawa siya ng adhān habang nakaharap sa qiblah, batay sa nakasaad sa isa sa mga salaysay ng ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) sa panaginip ng adhān, na nagsabi: "Kaya humarap siya sa qiblah. Nagsabi siya: Allāhu akbar, Allāhu akbar ... (Si Allāhu ay pinakadakila, si Allāhu ay pinakadakila ...)"[25] Nagsabi si Ibnu Al-Mundhir: "Nagkabuklod sila sa hatol na bahagi ng Sunnah na humarap sa qiblah sa pagsasagawa ng adhān."[26] [25] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 507. [26] Al-Ijmā` ni Ibnu Al-Mundhir, p. 38.
9. Na maglagay siya ng mga daliri niyang mga hintuturo sa mga tainga niya, batay sa ginawa ni Bilāl (malugod si Allāh sa kanya) sa pagsasagawa ng adhān nito sa harapan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ayon kay Abū Juḥayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakakita ako kay Bilāl habang nagsasagawa siya ng adhān at lumilingon siya habang nagpapasunod siya sa bibig niya banda rito at banda riyan habang ang mga daliri niya ay nasa mga tainga niya habang ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isang toldang pula. ...}[27] [27] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 197, at nagsabi siya na isang magandang tumpak na ḥadīth ito. Ang pinagmulan nito ay sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 634, na may pananalitang: Ayon kay `Awn bin Abī Juḥayfah: {Ayon sa ama niya, ito ay nakakita kay Bilāl, ito ay nakakita kay Bilāl: "Nagsimula akong sumusunud-sunod sa bibig niya banda rito at banda riyan sa pagsasagawa ng adhān. ...}
Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy matapos ng pagsalaysay niya ng ḥadīth na ito: "Ayon dito ang paggawa sa ganang mga alagad ng kaalaman: Nagsasakaibig-ibig sila na magpasok ang mu'adhdhin ng dalawang daliri niya sa dalawang tainga niya sa adhān."
Tinanong si Ibnu Shubrumah kung bakit inutusan ang mu'adhdhin na maglagay ng dalawang daliri niya sa tainga niya. Nagsabi siya: "Dahil sa tindi ng tinig ..."[28] [28] Al-Awsaṭ: 4/11.
Nagsabi naman si An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "Ang Sunnah ay na maglagay siya ng dalawang daliri niya sa dalawang butas ng dalawang tainga niya. Ito ay napagsang-ayunan. Nagparating nito si Al-Maḥāmilīy sa Al-Majmū` ayon sa pangkalahatan ng mga may kaalaman. Nagsabi ang mga kasamahan natin: Mayroon ditong ibang kabuluhan. Ito ay dahil marahil hindi narinig ng isang tao ang tinig niya dahil sa isang pagkabingi o isang kalayuan o iba pa sa dalawang ito. Kaya nagturing siya bilang patunay nito sa paglalagay ng dalawang daliri niya sa pagsasagawa niya ng adhān."[29] [29] Sharḥ Al-Muhadhdhab: 3/113.
10. Na lilingon siya sa kanan kapag nagsabi siya ng: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh (Halina sa pagdarasal)" sa dalawang ulit na magkasama, at sa kaliwa kapag nagsabi siya ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Halina sa tagumpay)" sa dalawang ulit na magkasama, kasabay ng pagkapirme ng mga paa niya, batay sa ḥadīth ni Abū Juḥayfah (malugod si Allāh sa kanya) sa pagsasagawa ng adhān ni Bilāl (malugod si Allāh sa kanya) sa harapan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Kaya nagsimula akong sumusunod sa bibig niya banda rito at banda riyan habang nagsasabi siya: Sa kanan at sa kaliwa: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh. Ḥayya `ala -lfalāḥ. (Halina sa pagdarasal. Halina sa tagumpay.)"}[30] Dahil ito ay higit na mabisa sa pagpaparinig ng panawagan sa ṣalāh para sa sinumang malayo buhat sa masjid. [30] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 634, at Imām Muslim: 503. Ang pananalita ay batay kay Imām Muslim.
11. Na maghihinay-hinay siya sa adhān – ibig sabihin: magdadahan-dahan siya rito, nang walang pag-unat ng bigkas at walang pagbanat na pinalalabis – dahil ang adhān ay isang pagpapaalam para sa mga nakaliban sa masjid sapagkat ang paghihinay-hinay rito ay higit na mabisa at magpaspas siya sa iqāmah – ibig sabihin: magmadali siya rito – dahil ito ay isang pagpapaalam para sa mga nakadalo kaya nababagay rito ang pagpaspas.[31] [31] Tingnan: Al-Mughnī ni Ibnu Al-Qudāmah: 1/295.
12. Na gampanan ng mu'adhdhin ang adhān kung paanong isinabatas ito ayon sa isang mabait na malamyos na tinig na walang pagkukunwat at walang minaling bigkas. Hindi siya maghihimig nito ng himig ng pag-awit at hindi siya magbabanat ng isang pagbanat na nagpapalabas dito buhat sa pinapakay rito; bagkus gagampanan ito ng mu'adhdhin sa pamamagitan ng tinig niya habang nagsasaalang-alang sa mga kundisyon nito at mga etiketa nitong pang-Sharī`ah.
Ang Ikaanim na Paksa: Ang Katangian ng Adhān at Iqāmah
Ang adhān at ang iqāmah ay may mga pamamaraang nagsaad ng mga ito ang mga tekstong pampropeta. Kabilang sa mga nasaad hinggil sa paraan ng pagsasagawa ng adhān at iqāmah ang nasaad sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya). Ang pananalita ng adhān dito ay ang sumusunod:
Allāhu akbar. Allāhu akbar. Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.)
Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh.)
Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.)
Ḥayya `ala -ṣṣalāh. Ḥayya `ala -ṣṣalāh. (Halina sa pagdarasal. Halina sa pagdarasal.)
Ḥayya `ala -lfalāḥ. Ḥayya `ala -lfalāḥ. (Halina sa tagumpay. Halina sa tagumpay.)
Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.)
Lā ilāha illa -llāh. (Walang Diyos kundi si Allāh.)
Ang pananalita ng iqāmah:
Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.)
Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh.)
Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.)
Ḥayya `ala -ṣṣalāh. Ḥayya `ala -lfalāḥ. (Halina sa pagdarasal. Halina sa tagumpay.)
Qad qāmati -ṣṣalāh. Qad qāmati -ṣṣalāh. (Sumapit na ang pagdarasal. Sumapit na ang pagdarasal.)
Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.)
Lā ilāha illa -llāh. (Walang Diyos kundi si Allāh.)[32] [32] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 499; at Imām At-Tirmidhīy sa isang pagbubuod: 189, at nagsabi siya na ang ḥadīth ni 'Abdullāh bin Zayd ay magandang tumpak na ḥadīth.
Kaya ito ang paraan ng pagsambit ng adhān at iqāmah, na namalagi sa ganito si Bilāl (malugod si Allāh sa kanya) kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamayan at sa paglalakbay hanggang sa namatay siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Magsasabi naman ang mu'adhdhin sa adhān ng madaling-araw – matapos ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Halina sa tagumpay)" – ng: "Aṣṣalātu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog)" nang dalawang ulit, batay sa isinalaysay ni Abū Maḥdhūrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Kaya kung ito ay pagdarasal sa madaling-araw, magsasabi ka ng: 'Aṣṣalātu khayrum mina -nnawm. Aṣṣalātu khayrum mina -nnawm. (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog. Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog.)"} [33] [33] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 500. Nagsabi si An-Nawawīy sa Khulāṣah Al-Aḥkām: 1/286: Ito ay isang magandang ḥadīth.
Mayroong isa pang paraan para sa adhān. Ito ay ang tarjī`, ibig sabihin: ang pag-uulit-ulit. Magbababa siya ng tinig sa pagbigkas ng Shahādatān (Dalawang Pagsaksi), pagkatapos mag-uulit siya ng dalawang ito kasabay ng pagtataas ng tinig. Sa sandali ng iqāmah, tunay na siya ay magdadalawahan nito. Ang paraang ito ay nasaad nga sa ḥadīth ni Abū Maḥdhūrah (malugod si Allāh sa kanya) kung saan nagsabi siya: {Nagpasambit sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtawag ng adhān sapagkat nagsabi siya: Sabihin mo: "Allāhu akbar. Allāhu akbar. Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.) Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh.) Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.)" – nang tigdadalawang ulit. Pagkatapos ulitin mo at lakasan mo ang tinig mo: "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh.) Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.) Ḥayya `ala -ṣṣalāh. Ḥayya `ala -ṣṣalāh. (Hali na sa pagdarasal. Hali na sa pagdarasal.) Ḥayya `ala -lfalāḥ. Ḥayya `ala -lfalāḥ. (Hali na sa tagumpay. Hali na sa tagumpay.) Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.) Lā ilāha illa -llāh. (Walang Diyos kundi si Allāh.)"
"Ang iqāmah naman: Allāhu akbar. Allāhu akbar. Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.) Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh.) Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. Ashhadu anna muḥammadar rasūl -llāh. (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.) Ḥayya `ala -ṣṣalāh. Ḥayya `ala -ṣṣalāh. (Hali na sa pagdarasal. Hali na sa pagdarasal.) Ḥayya `ala -lfalāḥ. Ḥayya `ala -lfalāḥ. (Hali na sa tagumpay. Hali na sa tagumpay.) Qad qāmati -ṣṣalāh. Qad qāmati -ṣṣalāh. (Sumapit na ang pagdarasal. Sumapit na ang pagdarasal.) Allāhu akbar. Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila. Si Allāh ay pinakadakila.) Lā ilāha illa -llāh. (Walang Diyos kundi si Allāh.)"} [34] [34] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 502, 503.
Ito ay kabilang sa pagkakaiba-iba ng pagkakauri-uri, na sa alinman sa mga pamamaraang napapagtibay na ito kumuha ang mu'adhdhin, ito ay maganda. Nagsasabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah (kaawaan siya ni Allāh) matapos na bumanggit siya ng ilan sa mga napagtibay na anyo ng adhān: Kapag naging gayon, ang tama ay ang doktrina ng mga alagad ng ḥadīth at sinumang sumang-ayon sa kanila. Ito ay ang pagbibigay-matuwid sa bawat napagtibay kaugnay roon ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi sila nasusuklam sa anuman mula roon yayamang ang pagkakauri-uri ng paraan ng pagsasagawa ng adhān at iqāmah ay gaya ng pagkakauri-uri ng paraan ng pagbigkas ng mga pagbasa, mga tashahhud, at tulad niyon. Hindi ukol sa isa na masuklam sa Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa Kalipunan niya. [35] [35] Majmū` Al-Fatāwā: 22/66.
Ang Ikapitong Paksa: Ang Sasabihin ng Nakaririnig ng Adhān at ang Idadalangin Matapos Nito
Isinasakaibig-ibig sa sinumang nakarinig ng adhān na magsabi ng tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin, batay sa ḥadīth ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."} [36] Maliban sa dalawang Ḥayya — na ang mga ito ay ang pagsabi ng mu'adhdhin ng: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh" at "Ḥayya `ala -lfalāḥ" — sapagkat isinasakaibig-ibig sa nakaririnig ng adhān na magsabi matapos ng bawat isa sa dalawang ito ng: "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.)" Batay naman sa ḥadīth ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsabi ang mu'adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu -llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu -llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala -ṣṣalāh (Hali na sa pagdarasal) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala -falāḥ (Hali na sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa -llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa -llāh mula sa puso niya; papasok siya sa Paraiso."} [37] [36] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 611, at Imām Muslim: 383. [37] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 385.
Na sabihin: "Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu, waḥdahu la sharīka lahu, wa anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluhu. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa kanya — at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.) matapos ng Dalawang Pagsaksi.
Sapagkat ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsabi — kapag naririnig niya ang mu'adhdhin — ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lahu, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."[38] [38] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 386.
Kapag nagsabi ang mu'adhdhin, sa adhān ng pagdarasal sa madaling-araw, ng: "Aṣṣalātu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog)," tunay na ang tagapakinig ay magsasabi ng tulad nito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin." [39] [39] Napagkasang-ayunan sa katumpakan nito.
Pagkatapos mananalangin siya ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos magsasabi ng nasaad sa ḥadīth ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi kapag naririnig niya ang panawagan: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmati wa-ṣṣalāti -lqā'imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, Panginoon nitong ganap na panawagan at pagdarasal na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa isang tayuang papupurihan, na ipinangako Mo), mauukol sa kanya ang pamamagitan ko sa Araw ng Pagkabuhay."} [40] Ang Kahulugan Ang "ganap na panawagan" Ibig sabihin: Ang panawagan ng adhān sapagkat ito ay ganap na kumpleto dahil sa paglalaman nito ng pagdakila kay Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya, pagsaksi sa pagkasugo, at pag-aanyaya tungo sa kabutihan. Ang "pagdarasal na isasagawa" Ibig sabihin: Ang isasagawa at gagawin. Ang "kaparaanan" Ibig sabihin: Isang katayuan sa Paraiso. Ang "kainaman" Ang mataas na karangalan na walang nakikilahok dito na isa man. Ang "isang tayuang papupurihan" Ang tayuang papupurihan ay bawat tatayuang papupurihan siya ng mga tao roon. Kabilang doon ang pinakadakilang pamamagitan para sa pangkalahatan ng mga nilikha, na mamamagitan siya roon para sa mga tao sa Tindigan hanggang sa makapaghukom sa pagitan nila. [40] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 614, mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag narinig ninyo ang [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang antas sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay siya sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng kaparaanan, mauukol para sa kanya ang pamamagitan."} [41] [41] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 384.
Kabilang sa mga bid`ah na ipinauso sa pagsasagawa ng adhān: Ang pagtaas ng mu'adhdhin ng tinig niya sa pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) matapos ang adhān Ang pagbigkas, gayundin, ng dhikr na nasasaad: "Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmati ... (O Allāh, Panginoon nitong ganap na panawagan . . .) sa paraang pangkatan. Ang pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pagdalangin nito. Ang pagdaragdag ng nag-uulit kasama ng mu'adhdhin ng salitang; "Ḥaqqan (Sa totoo)" o "Abadan (Magpakailan man)" sa pangungusap sapagkat nagsasabi ng: "Ḥaqqan lā ilāha illa -llāh (Sa totoo walang Diyos kundi si Allāh)" o "Abadan lā ilāha illa -llāh (Magpakailan man walang Diyos kundi si Allāh)" sa kabila ng kawalan ng patunay ukol sa lahat ng iyon.
Ang Ikawalong Paksa: Ang Hatol sa Paglabas mula sa Masjid Matapos ng Adhān
Ipinagbabawal ang paglabas ng lalaki mula sa masjid matapos ng adhān hanggang sa makapagsagawa siya ng ṣalāh maliban na siya ay makapagdadahilan o naglalayon ng pagbalik sa masjid sapagkat walang kasalanan sa kanya roon sapagkat ayon kay Abū Ash-Sha`thā' na nagsabi: Kami minsan ay nakaupo sa masjid kasama ni Abū Hurayrah saka nagsagawa ng adhān ang mu'adhdhin saka may tumayong isang lalaki mula sa masjid at naglakad. Pinasundan ito ni Abū Hurayrah ng tingin hanggang sa nakalabas ito mula sa masjid saka nagsabi naman si Abū Hurayrah: "Hinggil dito [sa lalaki], sumuway nga ito sa Ama ni Al-Qāsim (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."}[42] [42] Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa numero 655.
Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy matapos ng pagsalaysay niya ng ḥadīth na ito sa Sunan niya: "Batay rito ang gawain sa ganang mga alagad ng kaalaman mula sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sinumang matapos nila: na walang lalabas na isa man mula sa masjid matapos ng adhān malibang dahil sa isang maidadahilan: na siya ay walang wuḍū' o may isang bagay na hindi maiiwasan."[43] [43] Sunan At-Tirmidhīy: 1/397, numero 204.
Ang Ikasiyam na Paksa: Gaano Katagal ang Pagitan ng Adhān at Iqāmah?
Nasaad sa Sunnah ang nagpapatunay na mayroong sapat na oras sa pagitan ng adhān at iqāmah sapagkat ayon kay `Abdullāh bin Mughaffal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh, sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh." Pagkatapos nagsabi siya sa ikatlong pagkakataon: "Para sa sinumang nagnais."} [44] Ang tinutukoy ng dalawang adhān ay ang adhān at ang iqāmah. Maglalaan ang mu'adhdhin sa pagitan ng adhān niya at iqāmah niya ng isang patlang nang sa gayon makayanan ng mga nakadalo na magsagawa ng dalawang rak`ah bago ng ṣalāh at nang sa gayon makarating ang mga tao ng masjid at makaabot sila sa ṣalāh. [44] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 627, at Imām Muslim: 838.
Nagsabi si Imām Aḥmad: "Nararapat para sa mu'adhdhin, kapag siya ay nagsagawa ng adhān, na hindi siya magmadali sa pagsasagawa ng iqāmah at manatili siya hanggang sa dumating sa kanya ang mga tao sa masjid at makatugon ang nadudumi (ang nagnanais dumumi) sa tawag ng pangangailangan nito. Maglalaan siya sa pagitan ng adhān niya at iqāmah niya ng isang palugit."[45] [45] Sharḥ `Umdah Al-Fiqh ni Ibnu Taymiyah, Kitāb Aṣ-Ṣalāh, p. 135.
Ang Ikasampung Paksa: Ang Pananagutan ng Mu'adhdhin at ang mga Etiketa Niya
Nararapat sa mu'adhdhin na maghangad sa pagsasagawa ng adhān niya ng kaluguran ng mukha ni Allāh, batay sa ḥadīth ni `Uthmān bin Abī al-`Āṣ (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: {Tunay na kabilang sa kahuli-hulihan sa itinipan sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magtalaga ng isang mu'adhdhin na hindi kukuha ng isang upa sa pagsasagawa ng adhān nito."[46] [46] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 209, at nagsabi na magandang ḥadīth ito.
Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy (kaawaan siya ni Allāh) matapos ng pagsalaysay niya ng ḥadīth na ito: "Ang gawain ay ayon dito sa ganang mga alagad ng kaalaman. Nasuklam sila na ang mu'adhdhin ay tumanggap ng upa para sa adhān at nagsakaibig-ibig sila para sa mu'adhdhin na maghangad ng gantimpala kay Allāh sa pagsasagawa niya ng adhān."
Hinggil naman sa pagbibigay sa mu'adhdhin mula bahay-yaman (Bayt al-Mal) ng mga Muslim, walang kaasiwaan dito dahil ang bahay-yaman ay inilagay lamang para sa mga kapakanan ng mga Muslim at ang pagsasagawa ng adhān at iqāmah ay kabilang sa mga kapakanan ng mga Muslim.[47] [47] Tingnan: Ang Adhān at ang Iqāmah ni Al-Qaḥṭānīy, p. 19.
Kinakailangan na malaman niya na siya ay pananagutin sa pagsasagawa ng adhān para sa limang ṣalāh sa mga oras ng mga ito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang imām ay tagapanagot at ang mu'adhdhin ay pinagkakatiwalaan." [48] ibig sabihin: Siya ay pinagkakatiwalaan sa mga oras ng ṣalāh. Kaya naman kinakailangan na pumunta siya sa masjid habang nakapagdalisay bago ng takdang oras ng adhān nang may sapat na oras at hindi siya lumiban sa adhān malibang dahil sa isang maidadahilan. Kailangan sa kanya sa sandaling iyon na magpakinatawan sa sinumang hahalili para sa kanya sa adhān. [48] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 517, at Imām At-Tirmidhīy: 207, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
Nararapat sa mu'adhdhin ang mga sumusunod na bagay:
1. Na magmalasakit sa kalinisan ng masjid at pangangalaga nito at maging nakikipagtulungan sa mga manggagawa ng masjid at jamā`ah ng masjid sa bagay na iyon sapagkat nagbunyi nga si Allāh sa mga tagapagtaguyod ng mga bahay Niya sapagkat nagsabi Siya: {Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni Allāh ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagbigay ng zakāh, at hindi natakot maliban kay Allāh. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 9:18) Maging ang pagtataguyod nila sa mga ito ay sa pamamagitan ng pagpapatayo, pangangalaga, at paglilinis sa mga ito, o ito man ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ṣalāh at pag-alaala kay Allāh sa mga ito, kapwa ang dalawang kahulugan ay tinutukoy sa pagtatataguyod.[49] [49] Tingnan: Fatḥ Al-Bārī ni Ibnu Ḥajar: 1/541.
2. Na matutuhan ang tumpak na paniniwala at ang mga patakaran ng adhān, ṭahārah, at ṣalāh; na makasaulo mula sa Aklat ni Allāh ng isang bahagi na walang maipipintas doon; at na maging kwalipakado na humalili sa imām kapag lumiban ito sa ṣalāh.
3. Na mag-utos ng nakabubuti, sumaway sa nakasasama, at mag-anyaya tungo kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng karunungan at magandang pangangaral; at na magbanayad sa mga tao, magtiis sa perhuwisyo nila, at makipagtulungan doon kasama ng imām ng masjid.
4. Na gawin ang masjid na nakalaan sa pagkamit ng kaalaman, pagsamba, at anumang nagpapakinabang sa mga nagdarasal; at na lumayo sa bawat makapipinsala sa kanila sa buhay panrelihiyon nila at buhay pangmundo nila.
5. Na makipagbukluran at makipagtulungan sa kongregasyon ng masjid at mga bumabalik-balik dito para makapagtanong kapag tungkol sa kanila kapag lumiban sila, makadalaw sa mga maysakit nila, makapagdasal sa mga patay nila, makiramay sa kanila sa mga trahedya nila at mga kasawiang-palad nila.
Ang Ikalawang Tema: Ang mga Patakaran ng Pamumuno sa Ṣalāh
Ang Unang Paksa: Ang Kahulugan ng Imāmah
Ang Imāmah sa ṣalāh ay na manguna ang isang lalaki mula sa mga nagdarasal upang tularan siya sa ṣalāh nila. Ang imām sa ṣalāh ay ang sinumang namumuno – ibig sabihin: tinutularan – ng mga tao sa ṣalāh nila.[50] [50] Tingnan: Ḥāshiyah Ar-Rawḍ Al-Murbi`: 2/296, at Al-Imāmah fī Aṣ-Ṣalāh ni Al-Qaḥṭānīy, p. 6.
Ang Ikalawang Paksa: Ang Pagkaisinasabatas ng Imāmah sa Ṣalāh at ang Kainaman Nito
Ang imāmah sa ṣalāh ay kabilang sa pinakamabuti sa mga gawain na ginagampanan ng pinakamabuti sa mga tao na mga may nakalalamang na katangian gaya ng kaalaman, pagbigkas ng Qur'an, katarungan, at iba pa sa mga ito gaya ng tatalakayin. Hindi naisasaisip ang ṣalāh sa jamā`ah malibang sa pamamagitan nito. Ang ṣalāh sa jamā`ah ay kabilang sa pinakadakila sa mga sagisag ng Islām.[51] [51] Tingnan: Al-Mawsū`ah Al-Fiqhīyah Al-Kuwaytīyah: (6/201).
Kabilang sa mga kainaman ng imāmah:
1. Ang imāmah ay tanyag ang kainaman nito, na ginampanan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mismo at gayundin ng mga Matinong Khalīfah niya at nagpatuloy na ginagampanan ng pinakamainam sa mga Muslim sa kaalaman at gawa.[52]. [52] Tingnan: Al-Imāmah fī Aṣ-Ṣalāh ni Al-Qaḥṭānīy, p. 9.
2. Ang imāmah sa ṣalāh ay isang isinabatas na katungkulan na may kainaman, na ginagampanan ng mga tagapagtaglay ng kainaman, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mamumuno [bilang imām] sa mga tao ang pinakamapagbasa sa kanila ng Aklat ni Allāh ..." [53] Alam na ang pinakamapagbasa ay higit na mainam sapagkat ang pagkaugnay nito sa kanya ay nagpapatunay sa kainaman nito sa kanya.[54] [53] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 673, mula sa ḥadīth ni Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya). [54] Tingnan: Ang Ash-Sharḥ Al-Mumti` `Alā Zād Al-Mustaqni`: 2/41.
3. Ang pagdalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paggabay para sa mga imām sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Al-imāmu ḍāminun wa-lmu'adhdhinu mu'taman. Allāhumma arshidi -l'a'immata, wa-ghfir li-lmu'adhdhinīn. (Ang imām ay tagapanagot at ang Mu'adhdhin ay pinagkakatiwalaan. O Allāh, gumabay Ka sa mga imām at magpatawad Ka sa mga Mu'adhdhin.)"} [55] [55] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 517, at Imām At-Tirmidhīy: 207.
Ang kahulugan ng: "Ang imām ay tagapanagot" Ibig sabihin: Tagapaggarantiya sa katumpakan ng pagdarasal ng mga pinamumunuan dahil sa pagkakaugnay ng pagdarasal nila sa pagdarasal niya. Ang kahulugan ng: "O Allāh, gumabay Ka sa mga imām" Ibig sabihin: Magpatnubay Ka sa kanila sa daang tama upang magsagawa sila ng ṣalāh sa pinakaganap sa mga kalagayan.[56] [56] Tingnan ang Sharḥ Abī Dāwud ni Al-`Aynīy: 2/468, at ang Fayḍ Al-Qadīr ni Al-Munāwīy: 3/182.
Ang Ikatlong Paksa: Sino ang Higit na Karapat-dapat sa Pamumuno sa Ṣalāh
Nilinaw ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pinakakarapat-dapat sa imāmah at ang pinakaangkop dito. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mamumuno [bilang imām] sa mga tao ang pinakamapagbigkas sa Aklat ni Allāh; ngunit kung sila sa pagbigkas ay naging magkapantay, [unahin] ang pinakamaalam sa kanila sa Sunnah; ngunit kung sila sa Sunnah ay naging magkapantay, [unahin] ang pinakauna sa kanila sa paglikas; ngunit kung sila sa paglikas ay naging magkapantay, [unahin] ang pinakauna sa kanila sa Islām." Sa isang salaysay: "[unahin ang pinakauna sa kanila] sa edad." "Huwag ngang mamuno ang lalaki [bilang imām] sa lalaki sa kapamahalaan nito." [57] Kaya ang pinakaangkop sa mga tao at ang pinakakarapat-dapat sa kanila sa imāmah ay ayon sa sumusunod: [57] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 673.
1. Ang pinakamarami sa kanila sa pagkasaulo ng Qur'ān at ang pinakamahusay sa kanila sa pagbigkas. Siya ay ang nagpapakadalubhasa sa pagbigkas ng Qur'ān at nagsasagawa nito sa pinakaganap na paraan, ang maalam sa fiqh ng ṣalāh. Kaya kapag nagkatipon ang sinumang higit na marami sa pagbigkas at ang sinumang higit na kaunti sa pagbigkas kaysa roon subalit ito ay higit na maalam sa fiqh, uunahin ang mambibigkas na higit na maalam sa fiqh kaysa sa higit na palabigkas na hindi maalam sa fiqh sapagkat ang pangangailangan sa fiqh sa ṣalāh at mga patakaran nito ay higit na matindi kaysa sa pangangailangan sa pagpapakahusay sa pagbigkas.
2. Pagkatapos ang pinakamaalam sa Sunnah. Kaya naman kapag nagkatipon ang dalawang imām na magkapantay sa husay sa pagbigkas subalit ang isa sa kanilang dalawa ay higit na maalam sa fiqh at higit na maalam sa Sunnah, uunahin ang pinakamaalam sa fiqh, batay sa sabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "ngunit kung sila sa pagbigkas ay naging magkapantay, [unahin] ang pinakamaalam sa kanila sa Sunnah"
3. Pagkatapos ang pinakauna at ang pinakananguna sa paglikas mula sa mga bayan ng kawalang-paniniwala patungo sa mga bayan ng Islām, kapag sila sa pagbigkas at kaalaman sa Sunnah ay naging magkapantay, batay sa sabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "ngunit kung sila sa Sunnah ay naging magkapantay, [unahin] ang pinakauna sa kanila sa paglikas"
4. Pagkatapos ang pinakauna sa pag-anib sa Islām, kapag sila sa paglikas ay naging magkapantay, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa naunang ḥadīth: "ngunit kung sila sa paglikas ay naging magkapantay, [unahin] ang pinakauna sa kanila sa Islām." Ibig sabihin: sa pagkaanib sa Islām.
5. Pagkatapos ang higit na matanda sa edad kapag nagkapantay silang dalawa sa mga nakaraang katangian sa kabuuan nito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga salaysay ng naunang ḥadīth: "[unahin ang pinakauna sa kanila] sa edad" Batay naman sa ḥadīth ni Mālik bin Al-Huwayrith (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Manawagan ng adhān para sa inyo ang isa sa inyo at mamuno [bilang imām] sa inyo ang pinakamatanda sa inyo." [58] [58] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 628, at Imām Muslim: 674.
Ang pagpapauna ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth na ito sa higit na matanda sa edad ay dahil sila noon ay nagkakalapitan sa kaalaman.
Kaya kapag nagkapantayan sila sa lahat ng naunang nabanggit at nagkaimbutan sila, na ang bawat isa sa kanila ay nagnanais ng imāmah, magpapalabunutan sa pagitan nila. Kaya naman kung sino ang nanaig sa palabunutan, uunahin siya dahil sila ay nagkapantayan sa pagkakarapat-dapat at nagsaimposible ang pagsasama kaya nagpalabunutan sa pagitan nila gaya ng sa nalalabi sa mga karapatan.
Ang may-ari ng bahay ay higit na karapat-dapat sa imāmah kaysa sa panauhin niya. Gayundin, ang tagapamuno, na siyang pinakamalaking imām, ay higit na karapat-dapat sa imāmah kaysa sa iba pa sa kanya kapag ang bawat isa sa dalawa ay marapat sa imāmah, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang mamuno ang lalaki [bilang imām] sa lalaki sa mag-anak nito ni kapamahalaan nito."
Tulad nilang dalawa ang nakatalagang imām ng masjid sapagkat tunay na siya ay higit na marapat kaysa sa iba pa sa kanya – maliban sa Tagapamuno – kahit pa man ang iba pa sa kanya ay higit na mapagbigkas at higit na maalam kaysa sa kanya, batay sa pagkapangkalahatan ng naunang ḥadīth.
Ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay mayroong isang pinalayang alipin na nagdarasal sa isang masjid. Noong dumalo siya, pinauna siya ng pinalayang alipin niya, kaya nagsabi rito ang Anak ni `Umar: "Ikaw ay higit na karapat-dapat sa imāmah sa masjid mo."[59] [59] Nagsalaysay nito sina Imām Ash-Shāfi`īy sa Al-Umm: 1/185, Imām `Abd Ar-Razzāq sa Al-Muṣannaf: 2/399, at Imām Al-Bayhaqīy: 3/126 at 5531. Nagsabi si Imām An-Nawawīy sa Al-Khulāṣah: 2/701: Ang isnād nito ay maganda o tumpak. Sumang-ayon sa kagandahan ng isnād nito si Al-Albānīy sa Irwā' Al-Ghalīl: 2/302.
Dahil may paglapastangan sa kanya at may pananakit sa damdamin niya sa pagpapauna sa iba pa sa kanya.
Nagkaiba-ibahan sa usapin kaugnay sa imāmah ng nakawawaring paslit sa iba sapagkat pumayag dito ang ilan sa mga alagad ng kaalaman, batay sa ḥadīth ayon kay `Amr bin Salamah (malugod si Allāh sa kanya). {Na siya ay namuno [bilang imām] sa mga tao niya sa panahon ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya ay anim o pitong taong gulang.}[60] [60] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 4302.
Natutumpak ang imāmah ng nagsasagawa ng kusang-loob na ṣalāh sa nagsasagawa ng tungkuling ṣalāh, batay sa ulat ni Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): "Na siya ay nagdarasal noon kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng `ishā', pagkatapos bumabalik saka namumuno [bilang imām] sa mga tao niya sa ṣalāh na iyon."[61] [61] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 701, at Imām Muslim: 465.
Ang Ikaapat na Paksa: Kanino Ipinagbabawal ang imāmah:
Ipinagbabawal ang imāmah sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Ang imāmah ng babae sa lalaki, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa ng pamamahala sa kanila sa isang babae." [62] Ang imāmah ay isang uri ng pamamahala at dahil ang batayan ay ang pagpapahuli sa babae sa mga huling hilera, gaya ng nasaad sa Sunnah sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang una sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang huli sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang huli sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang una sa mga ito."} [63] Iyon ay bilang isang pangangalaga at pagtatakip sa babae sapagkat kung sakaling pinauna siya para sa imāmah, iyon ay talaga sanang naging sumasalungat sa batayang pang-Sharī`ah na ito. Nagkabuklod nga sa hatol ang mga alagad ng kaalaman sa usaping ito. Nagsasabi si Imām Ibnu Ḥazm (kaawaan siya ni Allāh): "Nagkasang-ayon sila na ang babae ay hindi namumuno [bilang imām] sa mga lalaki habang sila ay nakaaalam na siya ay babae sapagkat kung ginawa nila iyon, ang ṣalāh nila ay sira ayon sa pagkakabuklod sa hatol." [64] [62] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 4425, mula sa ḥadīth ni Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya). [63] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 440. [64] Marātib al-Ijmā`, p. 27.
2. Ang imāmah ng nasa ḥadath at sinumang sa kanya ay may najāsah, habang siya ay nakaaalam niyon. Kung hindi nakaalam hinggil doon ang mga ma'mūm hanggang sa natapos ang ṣalāh, ang ṣalāh nila ay tumpak, batay sa nasaad ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {Na siya ay namuno sa ṣalāh sa mga tao habang siya ay junub, saka umulit at hindi nag-utos sa kanila na umulit sila.}[65] [65] Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dāraquṭnīy sa Sunan niya: 1371.
Nagsabi si `Abdurraḥmān bin Mahdī (kaawaan siya ni Allāh): "Ito ang napagkaisahan: Ang junub ay mag-uulit samantalang hindi sila mag-uulit. Hindi ako nakaaalam kaugnay rito ng isang pagkakaiba-iba."[66] [66] Sunan Ad-Dāraquṭnīy: 2/188.
3. Ang imāmah ng sinumang hindi nakasaulo ng Sūrah Al-Fātiḥah o hindi mahusay ang pagbigkas niya o nagpapasanib dito ng mga titik sa hindi naman ipinagsasanib, gaya ng sinumang nagpapasanib ng titik hā' sa titik rā' sa sabi ni Allāh: {Alḥamdu lillāHi Rabbi -l`ālamīn, (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,)} (Qur'ān 1:2) Ito ay dahil nagpapasanib (Idgham) siya ng titik sa hindi nakatutulad nito at hindi nalalapit dito o nagpapalit siya rito sa isang titik ng isang titik, gaya ng sinumang nagpapalit sa titik rā' ng titik yā' o nagkakamali siya rito sa isang pagbigkas na nagpapalit ng kahulugan. Ang ganito ay hindi natutumpak ang imāmah niya maliban sa tulad niya dahil sa kawalang-kakayahan niya sa haligi ng ṣalāh o paglabag niya rito.
4. Ang imāmah ng tagagawa ng bid`ah na natuturingan ng kawalang-pananampalataya dahil sa bid`ah niya; batay sa sabi ni Allāh: {Kaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay.} (Qur'ān 32:18) Ang suwail dito ay ang tagatangging sumampalataya, gaya ng isinasamaliwanag mula sa konteksto ng mga āyah.
5. Ipinagbabawal na mamuno bilang imām sa isang masjid na may nakatalagang imām, kaya hindi natutumpak ang imāmah ng iba pa sa kanya bago niya, malibang may pahintulot niya o may pagkahuli siya at kagipitan ng oras.[67] [67] Tingnan: Al-As'ilah wa Al-Ajwibah Al-Fiqhīyah ni As-Salmān: 1/163.
Ang Ikalimang Paksa: Ang Sinumang Kinasusuklaman ang Imāmah Niya
Kinasusuklaman ang imāmah ng bawat isa sa sumusunod:
1. Ang laḥḥān: Ang madalas ang pagkakamali sa pagbigkas na hindi naman nagpapalit ng kahulugan, maging ito man ay sa Al-Fātiḥah o sa iba pa, gaya ng kung sakaling bumigkas siya ng "Alḥamda lillāh" sa pamamagitan ng paglapat ng katinig na A sa titik dāl, ang pagdarasal niya ay tumpak at kinasusuklaman ang imāmah niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mamumuno [sa dasal] sa mga tao ang pinakamapagbigkas sa kanila ng Aklat ni Allāh." [68] [68] Naunang nabanggit ang pagsasadokumento nito.
Kapag ang maling bigkas ay nagpapalit ng kahulugan sa iba pa sa Al-Fātiḥah dala ng pagkalingat o pagkamangmang o dahil sa isang kapansanan sa dila niya, natutumpak naman ang imāmah niya kalakip ng pagkasuklam dahil kung sakaling iniwan niya ang pagbigkas ng iba pa sa Al-Fātiḥah, natutumpak pa rin ang imāmah niya. Kaya gayundin kapag namali siya ng bigkas dito. Kung nanadya naman siya rito, mawawalang-saysay ito dahil siya ay naglaru-laro sa ṣalāh niya.
2. Ang sinumang nag-uulit ng ilan sa mga titik, gaya ng nag-uulit ng fā', o ng tā', o ng iba pa rito na mga titik. Iyon ay dahil sa pagkadagdag ng titik sa pagbigkas.
3. Ang suwail at ang tagagawa ng bid`ah na hindi tagatangging-sumampalataya dahil sa bid`ah niya,[69] [69] Tingnan: Kashshāf Al-Qinā`: 1/475, at ang mga matapos nito.
4. Ang sinumang namuno sa ṣalāh sa mga tao na ang karamihan sa kanila ay nasusuklam sa kanya nang may katwiran sapagkat ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi lalampas ang pagdarasal nila sa mga tainga nila: ang aliping naglayas hanggang sa bumalik siya, isang babaing nagpamagdamag habang ang asawa niya ay naiinis sa kanya, at isang imām ng mga tao habang sila sa kanya ay nasusuklam."} [70] [70] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 360, at nagsabi siya na isang magandang pambihirang ḥadīth ito sa anyong ito.
Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy: "May nasuklam nga na mga tao kabilang sa mga alagad ng kaalaman na mamuno bilang imām ang lalaki sa mga tao habang sila sa kanya ay nasusuklam. Kaya kapag ang imām ay hindi tagalabag ng katarungan, ang kasalanan lamang ay nasa sinumang nasuklam sa kanya. Nagsabi sina Aḥmad at Isḥāq hinggil dito: Kapag may nasuklam na isa o dalawa o tatlo, walang masama na mamuno siya sa ṣalāh sa kanila, kahit nasusuklam sa kanya ang karamihan sa mga tao."[71] [71] Sunan Imām At-Tirmidhīy: 2/192.
Kaya kung sakaling nasuklam sila sa kanya dahil siya ay nagsisigasig sa pagsunod sa Sunnah sa ṣalāh kaya bumibigkas siya sa kanila ng mga sūrah na ibinibilang na sunnah at namumuno siya sa kanila sa isang ṣalāh na hinay-hinay, tunay na ang imāmah niya sa kanila ay hindi kinasusuklaman dahil sila ay nasuklam sa kanya nang walang katwiran kaya walang kabuluhan sa pagkasuklam nila. Nararapat sa kanya, kapag sila ay nasusuklam sa kanya nang walang katwiran, na mangaral sa kanila, magpaalaala sa kanila, magpakalapit-loob sa kanila; at mamuno sa kanila sa ṣalāh alinsunod sa nasaad sa Sunnah. Kapag nakaalam si Allāh mula sa layunin niya ng katapatan ng layunin ng pagpapalapit-loob sa pagitan nila, magpapadali si Allāh para sa kanya niyon.[72] [72] Tingnan: Ash-Sharḥ Al-Mumti` `Alā Zād Al-Mustaqni`: 4/253.
Ang Ikaanim na Paksa: Ang Posisyon ng Imām mula sa mga Ma`mūm
Ang sunnah ay na mauna ang imām sa mga ma'mūm (pinamumunuan). Kaya titindig sila sa likuran ng imām kapag sila ay dalawa o higit pa sapagkat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong tumayo siya para sa ṣalāh, ay umuna at tumayo ang mga Kasamahan niya sa likuran niya, at dahil napagtibay: {Na sina Jābir at Jabbār (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay tumindig ang isa sa kanilang dalawa sa gawing kanan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagdarasal, at ang isa naman sa gawing kaliwa niya, saka humawak siya sa mga kamay nilang dalawa hanggang sa nagpatayo siya sa kanilang dalawa sa likuran niya.}[73] [73] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 3010, sa loob ng isang mahabang ḥadīth ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya).
Titindig ang nag-iisang lalaki sa dakong kanan ng Imām nang kahanay niya, batay sa sabi ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Tumayo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagdarasal. Kaya tumayo ako sa gawing kaliwa niya ngunit humawak siya sa mga tainga ko nagpaikot siya sa akin sa gawing kanan niya.}[74] [74] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6316, at Imām Muslim: 763.
Ang mga babae ay magiging nasa likuran ng mga hilera ng mga lalaki, batay sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Humilera ako at ang ulila sa hulihan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ang matandang babae ay nasa likuran namin.}[75] [75] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 380, at Imām Muslim: 658.
Nararapat na tumindig ang imām sa tapat ng kalagitnaan ng hilera. Nagsabi ang pantas na si Ibnu Bāz (kaawaan siya ni Allāh): ""Ang sunnah ay na ang imām ay maging kalagitnaan sa mga masjid. Ito ay ang sunnah na panggawain na nasanay rito ang mga Muslim."[76] [76] Sumipi nito buhat sa kanya ni Shaykh Sa`īd Al-Qaḥṭānīy (kaawaan siya ni Allāh) sa aklat na Al-Imāmah Fī Aṣ-Ṣalāh, p. 55.
Nagsabi pa rin siya (kaawaan siya ni Allāh): "Ang hilera ay nagsisimula mula sa kalagitnaan, mula sa kasunod ng imām. Ang kanan ng bawat hilera ay higit na mainam kaysa sa kaliwa nito. Ang kinakailangan ay hindi magsimula ng isang hanay hanggang sa makumpleto ang bago nito."
Ang Ikapitong Paksa: Ang pakikipag-unahan sa imām
Kinakailangan sa ma'mūm na magsimula sa mga gawain ng ṣalāh matapos ng imām niya, at na tumulad siya rito at sumunod dito sa mga gawain nito. Bahagi ng pumapatungkol sa tagasunod at ma'mūm na hindi mauna sa sinusundan niya at hindi makipagsabayan sa kanya; bagkus magsusubaybay siya sa mga kalagayan nito at magsagawa siya matapos agad ng mga ito ayon sa tulad ng gawain nito. Ang kahingian niyon ay na hindi siya makipagsulatan dito sa anuman sa mga kalagayan. Iyon ay batay sa napagtibay ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay nagsabi: "Itinalaga lamang ang imām upang pamunuin kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā laka -lḥamd (Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupo nang lahatan. Magtuwid kayo ng hilera sa ṣalāh sapagkat tunay na ang pagtutuwid ng hilera ay bahagi ng kagandahan ng ṣalāh."} [77] [77] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 722, at Imām Muslim: 417.
Ipinagbabawal ang pakikipag-unahan sa imām sa lahat ng mga haligi [ng ṣalāh] sapagkat ayon kay Anas bin Malik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Namuno sa amin sa ṣalāh ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw. Noong nakatapos siya sa ṣalāh, nagharap siya sa amin ng mukha niya saka nagsabi: "O mga tao, tunay na ako ay imām ninyo kaya huwag kayong umuna sa akin sa pagyukod ni sa pagpapatirapa ni sa pagtayo ni sa paglisan sapagkat tunay na ako ay nakakikita sa inyo sa harapan ko at mula sa likuran ko."} [78]. Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi ba natatakot ang isa sa inyo, kapag nag-angat siya ng ulo niya bago ng imām, na gumawa si Allāh sa ulo niya na maging ulo ng isang asno o gumawa si Allāh sa anyo niya na maging anyo ng isang asno?" [79] [78] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 426. [79] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 691, at Imām Muslim: 427.
Ang sinumang nagsagawa ng takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām) bago ng imām niya, hindi nairaos ang ṣalāh niya dahil ang kundisyon nito na magsagawa siya nito matapos ng imām niya ay nakalampas na sa kanya.
Ang Ikawalong Paksa: Mga Patakarang Hiwa-hiwalay sa Imāmah at Jamāʿah
Kabilang sa mga patakaran na nauugnay sa imāmah at konggregasyon na iba pa sa naunang natalakay:
1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagtabi sa imām ng mga may mga kasapatang-gulang at mga pagkawari. Kaya pauunahin ang mga may pagkaunawa at kainaman na mga adulto sa likuran ng imām nang malapit sa kanya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumabi sa akin kabilang sa inyo ang mga may mga kasapatang-gulang at mga pagkawari, pagkatapos ang mga susunod sa kanila, pagkatapos ang mga susunod sa mga ito."} [80] [80] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 432, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
2. Ang pagsisigasig sa unang hilera. Isinasakaibig-ibig sa mga ma'mūm na mauna sila sa unang hilera, magsigasig sila rito, at mag-ingat sila laban sa pagpapahuli rito sapagkat ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay nakakita sa mga Kasamahan niya ng pagpapakahuli kaya nagsabi siya sa kanila:
"Umuna kayo saka sumunod kayo sa akin at sumunod sa inyo ang sinumang matapos ninyo. May hindi matitigil na mga taong nagpapakahuli hanggang sa magpahuli sa kanila si Allāh."} [81] Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling nakaaalam ang mga tao sa [gantimpalang] nasa [pagbigkas ng] adhān at [pagtayo sa] unang hilera, pagkatapos hindi sila nakatagpo [ng puwesto] kundi na magpalabunutan sila roon, talaga sanang nagpalabunutan sila."} [82] Ang kahulugan na: "talaga sanang nagpalabunutan sila" Ibig sabihin: talaga sanang gumawa sila sa pagitan nila ng isang palabunutan kung alin sa kanila ang titindig sa unang hilera. [81] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 438. [82] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 615, at Imām Muslim: 437.
Hinggil naman sa mga babae, isinasakaibig-ibig para sa kanila na tumindig sila sa mga hulihang hilera sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya)j na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito."} [83] Ito ay naipakakahulugan ayon sa kapag sila ay nagdarasal sa likuran ng mga lalaki nang walang pantakip; ngunit kapag nagdarasal sila sa pinagdarasalang natatakpan buhat sa mga lalaki, tunay na sila ay maglulubos sa unang hilera saka kasunod sa una.[84] [83] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 440. [84] Tingnan: Majmū` Fatāwā Ibni Bāz: 12/196.
3. Nararapat sa imām ang hindi magmabilis sa pagbigkas ng Al-Fātiḥah. Kailangan sa kanya na magdahan-dahan nang sa gayon makakaya ang ma'mūm sa pagbigkas nito.[85] [85] Tingnan: Ang Al-Minḏār Fī Bayān Kathīr Min Al-Akhṭā' Ash-Shā'i`ah ni Ṣāliḥ Āl Ash-Shaykh, p. 53.
4. Hindi natutumpak ang ṣalāh ng lalaki na mag-isang nakabukod sa likuran ng hilera sapagkat ayon kay Wābiṣah bin Ma`bad (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagdasal sa likuran ng hilera nang mag-isa kaya nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umulit siya ng ṣalāh.[86] [86] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 230, at nagsabi siya na ang ḥadīth ni Wābiṣah ay ḥadīth na maganda.
Ang Ikasiyam na Usapin: Ang mga Sunnah na Nararapat sa Imām
Nararapat sa imām na sumunod sa sunnah ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa imāmah. Kabilang sa mga sunnah na ito:
1. Na magpagaan siya sa ṣalāh niya at magsaalang-alang siya sa mga kalagayan ng mga tao. Nararapat na magdahan-dahan ang imām sa ṣalāh niya kaya hindi ipinahihintulot sa imām na magpabilis sa ṣalāh sa puntong hindi makakakaya ang mga ma'mūm sa pagsasagawa ng mga haligi ng ṣalāh at mga kinakailangan dito nito at na magdahan-dahan siya sa pagbigkas niya sa puntong makakakaya ang sinumang nasa likuran niya kabilang sa mga nagdarasal ng paglubos ng ṣalāh nila sapagkat ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy: {May isang lalaking nagsabi: Sumpa man kay Allāh, O Sugo ni Allāh, tunay ako ay talagang nahuhuli sa ṣalāh sa umaga – tinutukoy niya ang ṣalāh sa madaling-araw – alang-alang kay Polano dahil nagpapatagal siya sa amin. Kaya hindi ako nakakita sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang pangangaral na higit na matindi sa isang pagkagalit niya sa araw na iyon. Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na may kabilang sa inyo na mga tagapagpalayo ng loob. Kaya ang alinman sa inyo na namuno sa ṣalāh sa mga tao, magpagaan siya sapagkat tunay na kabilang sa kanila ang mahina, ang matanda, at ang may pangangailangan."} [87] [87] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 90.
2. Na mag-utos siya ng pagpapantay ng mga hilera at pagpuno ng mga puwang bago ng pagpasok sa ṣalāh, batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pag-uutos niya niyon sa mga nagdarasal sapagkat ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapantay ng mga hilera namin hanggang sa para bang siya ay nagpapantay sa mga ito gaya ng tagdan, hanggang sa nakakita siya na kami ay nakaunawa nga buhat sa kanya. Pagkatapos lumabas siya isang araw saka tumayo; hanggang sa siya ay halos magsasagawa ng takbīr, nakakita naman siya ng isang lalaking lumalagpas ang dibdib nito mula sa hilera kaya nagsabi siya: "O mga lingkod ni Allāh, talaga ngang magpapantay kayo ng mga hilera ninyo o talaga ngang magbabaliktad si Allāh sa pagitan ng mga mukha ninyo."} [88] [88] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 717, at Imām Muslim: 436. Ang pananalita ay batay kay Imām Muslim.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "Ang tagdan ay ang kahoy ng mga palaso kapag kinatam at pinakinis. Ang kahulugan nito: nagpapalabis siya sa pagpapantay sa mga ito hanggang sa maging para bang nagtutuwid siya ng mga ito gaya ng mga palaso dahil sa tindi ng pagkakapantay at pagkatuwid ng mga ito."[89] [89] Sharḥ Ṣaḥīḥ Muslim ni An-Nawawīy: 4/157.
3. Na mag-utos siya sa kanila ng paglubos ng unang hilera, pagkatapos ng sumusunod dito. Kaya kapag may nagkulang, maging nasa huli ng mga hanay ito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba kayo maghihilera kung paanong naghihilera ang mga anghel sa piling ng Panginoon nila?" Kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, at papaano po naghihilera ang mga anghel sa piling ng Panginoon nila?" Nagsabi siya: "Naglulubos sila ng mga unang hilera at nagsisiksikan sila sa hilera." [90] [90] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 430, mula sa ḥadīth ni Jābir bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya.
4. Na tumulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbigkas niya sa ṣalāh. Ang kadalasan nga sa pagbigkas niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay na bumigkas siya [sa ṣalāh] sa fajr mula sa mahahaba sa mga kabanata, sa maghrib mula sa maiikli sa mga ito, at sa `ishā', ḏuhr, at `aṣr mula sa katamtaman sa mga ito sapagkat ayon kay Sulaymān bin Yasār, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh dito) na nagsabi: Hindi ako nakapagdasal sa hulihan ng isa na nakawangis sa pagdarasal ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaysa kay Polano. Nagsabi si Sulaymān: "Siya noon ay nagpapahaba ng unang dalawang rak`ah sa dasal ng tanghali at nagpapagaan sa huling dalawang iba pa, nagpapagaan sa dasal sa hapon, bumibigkas sa dasal sa takipsilim ng maiikli sa mga kabanata, bumibigkas sa dasal sa gabi ng katamtaman sa mga kabanata, at bumibigkas sa dasal sa madaling-araw ng mahahaba sa mga kabanata."} [91] [91] Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy: 982, sinabi ni Al-Ḥāfiẓ sa Bulūgh Al-Marām numero 286: Ang isnād nito ay tumpak.
Ang mahahaba sa mga kabanata (mufaṣṣal) ay mula sa Sūrah Al-Ḥujurāt hanggang sa Sūrah Al-Burūj. Hinggil naman sa katamtaman sa mga kabanata (awsāṭ), mula naman sa Sūrah Al-Burūj hanggang sa Sūrah Al-Bayyinah. Hinggil naman sa maiikli, mula naman sa Sūrah Al-Bayyinah hanggang sa katapusan ng Qur'ān.[92] [92] Tingnan: Mirqāt Al-Mafātīḥ: 2/700.
Ang Ikasampung Usapin: Ang mga Sangkap ng Imām
Ibinibilang ang imām ng masjid bilang sandigan ng masjid at lakas nito. Sa pamamagitan niya, nakagaganap ang masjid ng misyon nito sa pagpapalaganap ng pag-aanyaya, pagbibigay-kamalayan sa lipunan, at pagpapamulat sa mga tao ng mga nauukol sa relihiyon nila. Kaya kapag ang imām ay maalam, nakapag-uunawa, malinaw ang pananaw, at nakaaalam sa mga kaugalian ng mga tao at mga kalagayan nila, nagiging mahusay at makabuluhan ang impluwensiya niya sa konggregasyon ng masjid at sa mga naninirahan sa purok na kinaroroonan ng masjid habang nagtuturo sa kanila, gumagabay sa kanila, at umaakay sa kanila tungo sa bawat kabutihan at kainaman.
Naging gayundin nga ang mga imām na nakatugon sa mga kundisyon ng imāmah. Sa simula ng Islām, ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang imām, pagkatapos ang mga Matinong Khalīfah niya, pagkatapos ang mga pinuno, ang mga komandante, ang mga maalam, at ang mga prominenteng tao. Ito ay nagpapatunay na kinakailangan na ang tagaganap ng tungkuling ito ay nasa mataas na antas ng Relihiyon, kaasalan, kaalaman, at pag-uugali.
Dito lumilitaw ang kahalagahan ng tungkuling ito sa buhay ng mga tao yayamang tunay na ang lakas ng mga imām ay lumilitaw sa mga lipunan nila at ang kahinaan nila ay lumilitaw ang epekto nito sa mga lipunang iyon dahil ang masjid ay ang nagtuturo sa lipunan ng pag-uugnay ng sinasabi sa ginagawa. Kaya kapag ang imām ay mahina ang kaalaman o ang pag-iisip, o masagwa ang kaasalan at ang pag-uugali, tunay na siya ay nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kapag naging bahagi ng tungkulin ng imām ang pagpapanuto sa mga tagapagsagawa ng ṣalāh sa kabutihan, pagsasamabuting-loob, at kaayusan, mahirap na makapagsakatotohanan ang mangmang na imām ng kapita-pitagang tungkuling ito.
Maaaring ang imām ay maging isang nakatutugon sa mga kundisyon ng tungkuling ito sa punto ng kaalaman at personal na kakayahan subalit siya ay naaabala palayo sa tungkulin niya dahil sa mga iba pang gawain na nakaaapekto sa nibel ng pagganap niya. Kaya naman dumarating siyang nahuhuli sa mga takdang oras ng pagsasagawa ng ṣalāh. Hindi siya nakatatagpo ng sapat na panahon para sa pagrerepaso ng mga sūrah o mga āyah na binibigkas niya sa mga ṣalāh. Kaya nakakikita tayo na namumuno siya sa ṣalāh sa pamamagitan ng mga sūrah o mga āyah na limitado, na hindi siya lumalampas sa mga ito.
Maaaring manaig sa kanya ang pithaya o ang pagkamangmang o ang mga hidwaan o ang ekstremismong napupulaan, kaya lumalabas siya buhat sa pagkawalang-kinikilingan, pang-edukasyong pagpapanuto, at pag-aanyaya sa pamamagitan ng karunungan at magandang pangangaral.
Tunay na ang masjid ay may dakilang epekto sa Relihiyong ito yayamang ito ay isang parola ng patnubay na nauugnay ang tao rito sa Panginoon niya, nagpapakalakas ang pananampalataya niya, at nakikipagtipon sa mga kapatid niya upang magtulungan ang lahat sa pagpapalaganap ng kainaman at pakikidigma sa kasamaan. Ang masjid ay hindi magiging nakakakaya niyon malibang kapag naglaan si Allāh para rito ng isang imām na nalulubos sa kanya ang mga sangkap na pangkaalaman at pangkaasalang hinihiling sa bawat sinumang omuukupa sa dakilang posisyong ito at gumaganap ng mga misyon ng kapita-pitagang tungkuling ito.
Ang Pinakamahalaga sa mga Sangkap na Pangkaalaman na Nararapat Malubos sa Imām:
1. Ang pagpapakawagas ng gawain para kay Allāh nang sa gayon siya ay maging inaalalayan, inaadya, tinatanggap, at iniibig sa ganang kay Allāh at sa mga tao.
2. Ang pagkalayo sa pagpapakitang-tao at pagmamayabang. Tunay na ang mga bagay ay batay sa mga pinapakay sa mga ito, ang mga gawain ay batay sa mga layunin at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Ang sinumang nagpalamuti ng anumang wala sa kanya, ay magpapangit sa kanya si Allāh.
3. Nararapat na siya ay maging tagapagsaulo ng Aklat ni Allāh o magsaulo ng malaking bahagi nito. Nararapat na magpamalagi siya sa pagrerepaso ng isinasaulo niya. Nararapat na magkaroon siya ng pang-araw-araw na pagsambit para sa pagbigkas ng Qur'ān.
4. Nararapat na makapagsaulo siya ng isang bilang ng mga ḥadīth ng Propeta mula sa Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn o Al-Arbaʿīn An-Nawawīyah, o mula sa Bulūgh Al-Marām, o iba pa sa mga ito mula sa mga napananaligang aklat ng ḥadīth.
5. Nararapat na matutuhan niya ang tumpak na paniniwala, ang paniniwala ng Kanunu-nuang Maayos.
6. Nararapat na matutunan niya ang fiqh sa mga patakaran ng Relihiyon, lalo na ang fiqh ng mga pagsamba. Ang pinakamahalaga roon ay ang nauugnay sa ṭahārah, ṣalāh, zakāh, at pag-aayuno, at gayundin ang fiqh ng mga transaksiyon upang makaalam siya sa mga panuntunan ng pagkakita at paggugol at makapagbigay-babala siya sa mga tao laban sa pandaraya, panlilinlang, at pagkuha ng mga yaman ng mga tao sa kabulaanan. Magbibigay-babala siya sa kanila, gayundin, laban sa pagmamalabis, pag-aaksaya, pagmamaramot, at pagkukuripot nang sa gayon ang mga gawaing pampananalapi nila ay maging nasa liwanag ng Qur'ān at ng Sunnah.
7. Nararapat na magpakahusay siya sa wikang Arabe nang sa gayon malaman niya ang mga kahulugan ng ibinaba ni Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) sapagkat tunay na ang Qur'ān ay bumaba sa wika ng mga Arabe.
8. Nararapat na basahin niya ang talambuhay na pampropeta, ang mga katangian ni Propeta Muḥammad, at ang mga talambuhay ng Kanunu-nunuang Maayos sapagkat may nasaad sa mga ito na huwarang maayos, tinutularang maganda, yamang pangkaalamang napakikinabangan, at kulturang pang-Islām na mataas.
9. Nararapat na makilala niya ang mga maalam sa bayan niya at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga alagad ng kaalaman, na mga nagpakalalim na nakikilala sa kaligtasan ng paniniwala, kaalaman, at kaisipan. Nararapat na sumangguni sa kanila sa lahat ng kinakailangan niya mula sa mga usapin ng Relihiyon at paglutas sa mga suliranin ng lipunan niya.
10. Nararapat na malaman niya ang mga sektang Islāmiko at mga paniniwala ng mga ito, ang mga inklinasyong pangkaisipan at mga pinapakay ng mga ito, at ang mga doktrinang mapangwasak at mga layon ng mga ito nang sa gayon makakaya niya ang pagtalakay sa mga ito sa liwanag ng Aklat ni Allāh (napakataas Siya), Sunnah ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mga isinulat ng mga mapanuring maaalam ng mga Muslim, makapagpuna siya sa pagkahuwad ng mga ito, at makapagbigay-babala siya laban sa kabulaanan ng mga ito.
11. Nararapat na magpakaalam siya sa iba-ibang mass media at makaalam siya sa mga positibo ng mga ito at mga negatibo ng mga ito at kung papaano makahahango ng kabuluhan mula sa mga ito sa pag-aanyaya tungo kay Allāh at makapag-ingat mula sa anumang nasa mga ito na mga panganib sa sarili niya at lipunan niya.
Kapag nalubos ang mga sangkap na ito sa imām ng masjid, tunay na iyon ay magdudulot ng pagpapakatuwid at pagkakatimbangan ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya).
Ang pinakamahalaga sa mga sangkap na pangkaasalan:
1. Nararapat sa imām ng masjid na maging isang tagapag-anyaya at isang tagapagturo sa jamā'ah (konggregasyon) ng masjid, sa mga bumabalik-balik sa masjid niya kabilang sa mga naninirahan sa baranggay, at sa iba pa sa mga ito. Kaya kinakailangan na magkaroon siya ng isang tinutularan sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ang Sugo ang maayos na tinutularan, ang magandang huwaran, at ang pinakamataas na halimbawa para sa Kalipunan at mga pinuno. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.} (Qur'ān 33:21)
Nararapat na maglayo siya ng sarili niya at mga bumabalik-balik sa masjid niya laban sa pagsasalita hinggil sa kamunduhan at pulitika. Nararapat na gawin ang masjid na nakalaan sa pagkamit ng kaalaman at pagsamba.
2. Nararapat na siya ay maging malinis at organisado sa sarili niya. Nararapat na mangalaga siya, gayundin, sa kalinisan ng masjid, pagsasaayos ng mga kagamitan nito at pag-oorganisa sa mga ito, at pagpapanatili ng mga pasilidad nito; at lumayo siya sa pagwawaldas doon. Nararapat na umiiwas siya sa pagpapalamuti sa masjid.
3. Nararapat na siya ay maging maganda ang pagpatnubay at ang pag-uugali, na nagsasabuhay ng Sunnah ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), gaya ng pagpapahaba ng balbas at paggupit ng bigote, kasama ng pag-iwas sa isbāl (pagpapalaylay ng kasuutan lampas sa bukungbukong). Nararapat na mamalagi siya sa kahinahunan at katahimikan. Nararapat na siya ay maging isang tagasunod sa bakas ng mga lumipas kabilang sa Kanunu-nunuang Maayos (kaawaan sila ni Allāh).
4. Nararapat na siya ay maging banayad, matimpiin, at maawain sapagkat tunay na ang kabanayaran ay hindi natatagpuan sa isang bagay malibang gumagayak iyon dito at hindi naaalis mula sa isang bagay malibang nagpapapangit iyon dito, gaya ng isinaad hinggil doon ng ḥadīth sapagkat ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na nagsabi: "Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak iyon dito at hindi naaalis mula sa isang bagay malibang nagpapapangit iyon dito." [93] [93] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2594.
Kaya kapag may namutawing isang pagkakamali mula sa isa sa mga bumabalik-balik sa masjid, hindi nararapat sa imām na magmabagsik dito; bagkus magpayo siya rito nang may kabanayaran at magturo siya rito sa isang magandang pamamaraan sapagkat ayon kay Mu`āwiyah bin Al-Ḥakam As-Sulamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Habang ako ay nagdarasal kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), biglang may bumahing isang lalaki kabilang sa mga tao. Kaya nagsabi ako: "Kaawaan ka ni Allāh," ngunit nagpukol sa akin ang mga tao ng mga tingin nila. Kaya nagsabi ako: "Aray, dalamhati ng ina ko! Ano ang nangyari sa inyo, na tumitingin kayo sa akin?" Kaya nagsimula sila na nagpapalo ng mga kamay nila sa mga hita nila. Noong nakita ko silang nagpapatahimik sa akin, [nagalit ako] subalit nanahimik ako. Noong nakapagdasal ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tubusin nawa siya sa pamamagitan ng ama ko at ina ko! Hindi ako nakakita ng isang tagapagturo bago niya ni matapos niya na higit na maganda sa pagtuturo kaysa sa kanya. Sumpa man kay Allāh, hindi siya nagmaltrato sa akin (ibig sabihin: hindi siya nang-api sa akin), hindi siya nambulyaw sa akin, hindi siya namalo sa akin, at hindi siya nanlait sa akin. Nagsabi siya: "Tunay na ang pagdarasal na ito ay walang naaangkop dito na anuman mula sa pananalita ng mga tao; ito lamang ay ang pagluluwalhati at ang pagdadakila [kay Allāh] at ang pagbigkas ng Qur'ān."} [94] [94] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 537.
5. Nararapat na siya ay maging malambot na banayad ang puso upang magtipon ang mga tao sa paligid niya para makinabang sila mula sa pagkamagiliw niya, pag-alalay niya, at kaalaman niya. Nararapat na tumindig siya kasama nila sa mga kagipitan nila at mga pangangailangan nila. Nararapat na makipagsanggunian siya sa kanila sa anumang nauugnay sa misyon ng masjid.
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa pinakamataas na katayuan sa lahat ng iyon, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya) tungkol sa kanya: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.} (Qur'ān 3:159)
6. Nararapat na magayakan siya ng pagtitiis, katiyakan, at katapatan sa sinasabi niya upang maging karapat-dapat siya sa karangalan ng pamumuno sa masjid niya at sa gitna ng konggregasyon niya sapagkat tunay na ang pagtitiis at ang katiyakan ay naghahatid sa alipin sa antas ng pamumuno sa relihiyon. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Gumawa Kami mula sa kanila [na mga anak ni Israel] ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.} (Qur'ān 32:24)
7. Kinakailangan na siya ay maging tapat sa sinasabi niya, maging iyon man ay sa khuṭbah ng Biyernes o sa aralin ng pagtuturo at pangaral o sa pananalita niya sa mga tao upang siya ay maging kabilang sa mga tapat, mga napatnubayan, at mga nagtagumpay sapagkat nasaad nga sa ḥadīth: {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay nagsabi: "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."} [95] [95] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6094, at Imām Muslim: 2607, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
Ang kasinungalingan ay kasamaan at kapahamakan. Ang pinakamabigat na kasinungalingan ay ang pagsisinungaling laban kay Allāh (napakataas-taas Siya) at ang pagsasabi hinggil sa Kanya nang walang kaalaman. Nagsabi si Allāh (napakataas-taas Siya): {Sabihin mo: “Nagbawal lamang ang Panginoon ko ng mga malaswa: anumang nalantad sa mga ito at anumang nakubli, ng kasalanan, ng paglabag nang walang karapatan, na magtambal kayo kay Allāh ng anumang hindi naman Siya nagbaba roon ng isang katunayan, at na magsabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman.”} (Qur'ān 7:33)
Kaya ang marangal na talatang ito ay nagtipon sa pinakamabigat sa mga pagkakasala, na nagsimula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas. Ito ay ang pagsasabi hinggil kay Allāh nang walang kaalaman kaugnay sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at batas Niya.
Ang pagsisinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kabilang sa pinakamabigat sa mga pagsisinungaling at pinakamasagwa sa mga pagkakasala. Ito ay kabilang sa malalaking kasalanan na pinagbantaan ang tagagawa ng mga ito ng Impiyerno sapagkat ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang isang kasinungalingan laban sa akin ay hindi isang kasinungalingan laban sa isa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."} [96] [96] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1291, at Imām Muslim: 4.
Iiwas siya sa pagsisinungaling kahit pa man ito ay dahil sa isang magandang layunin para sa hangarin ng pagpapaibig sa kabutihan at pagpapasindak sa kasamaan, gaya ng ginagawa ng ilan sa mga mangangaral, sapagkat tunay na ito ay isang kapangitang walang kabutihan dito at walang kapatnubay at ang tagapagsabi nito ay namumultahan hindi napapabuyaan at nagkakasala hindi nakikinabang.
8. Nararapat na siya ay maging mapagkakatiwalaan sa pagpapasa ng salita at magpakatiyak sa katumpakan ng mga ulat. Hindi siya magmamadali sa pagtanggap ng mga bali-balita at hindi siya sasalig kundi sa sinasabing mapagkakatiwalaan. Nag-utos nga sa atin si Allāh (napakataas Siya) sa sabi Niya: {O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi.} (Qur'ān 49:6)
9. Nararapat na magpakalabis siya sa pagtatakip sa mga tao at na magkubli siya ng mga lihim nila. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtutunton sa mga kahihiyan ng mga Muslim, magtutunton si Allāh ng kahihiyan nito hanggang sa magpahiya Siya rito, kahit pa man nasa kaloob-looban ng bahay nito sapagkat ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon."} [97]. Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O katipunan ng sinumang sumampalataya sa dila niya at hindi naman pumasok ang pananampalataya sa puso niya, huwag kayong manlibak sa mga Muslim at huwag kayong magtunton sa mga kahihiyan nila. Tunay na ang sinumang nagtutunton sa mga kahihiyan nila, magtutunton si Allāh sa kahihiyan nito; at ang sinumang nagtutunton si Allāh sa kahihiyan nito, magpapahiya Siya rito sa bahay nito."} [98] [97] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2442, at Imām Muslim: 2580. [98] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 4880. Makasasangguni para sa mga sangkap na ito sa aklat na: Imām Al-Masjid Muqawwimātu Al-`Ilmīyah wa Al-Khuluqīyah ni Shaykh Sa`ūd bin Muḥammad Al-Bishr.
Ang Ikatlong Tema: Ang Ṣalāh sa Biyernes at ang Khuṭbah Nito
Ang Unang Usapin: Ang Ṣalāh sa Biyernes
Ang Unang Usapin: Ang Konsepto ng Ṣalāh sa Biyernes at ang Oras Nito:
Una. Ang Konsepto ng Ṣalāh sa Biyernes:
Ang Biyernes ay isang araw kabilang sa mga araw ng linggo, na nagsasagawa rito ng isang natatanging ṣalāh, ang ṣalāh sa Biyernes.[99] [99] Tingnan: Mu`jam Lughah Al-Fuqahā' ni Muḥammad Rawwās Qal`ajīy at mga iba pa, p. 166.
Ang paggabay ni Allāh sa Kalipunang ito sa araw ng Biyernes ay isang dakilang kalamangan sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tayo ang mga kahuli-hulihang mangunguna sa Araw ng Pagbangon, maski" – ibig sabihin: bagaman – "sila ay binigyan ng kasulatan bago pa natin at binigyan naman tayo nito matapos na nila. Ito ay ang araw nila na isinatungkulin sa kanila ngunit nagkaiba-iba sila rito. Kaya nagpatnubay sa atin si Allāh para rito kaya sila para sa atin dito ay tagasunod sapagkat ang mga Hudyo ay bukas at ang mga Kristiyano ay pagkaraan ng bukas."} [100] [100] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 876 at Imām Muslim: 855.
Ang araw ng Biyernes ay ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, at dito inilabas siya mula roon."} [101] [101] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 854.
Ang Biyernes hanggang sa Biyernes ay panakip-sala para sa pagitan ng dalawang ito, batay sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag iniwasan ang malalaking kasalanan."} [102] [102] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 233.
Ang ṣalāh sa Biyernes ay ṣalāh na nagsasarili sa sarili nito. Nakikisalungat ito sa ṣalāh sa ḍuhr sa bilang ng rak`ah, hayagang pagbigkas, khuṭbah, at mga kundisyong isinasaalang-alang para rito; at nakikisang-ayon naman ito roon sa oras.
Ikalawa. Ang Oras ng Ṣalāh sa Biyernes:
Ang oras ng ṣalāh sa Biyernes ay ang oras ng ḏuhr, mula sa matapos ng paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat hanggang ang anino ng bagay ay maging gaya ng haba nito matapos ng anino ng paglihis, batay sa ḥadīth ni Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal ng ṣalāh ng Biyernes kapag kumiling ang araw.[103] Ibig sabihin: kumikiling patungo sa dako ng kanluran at lumilihis palayo sa gitna ng kalangitan, na oras sa ṣalāh sa ḏuhr. [103] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 904.
Ang Ikalawang Usapin: Ang Kahatulan sa Ṣalāh sa Biyernes at sa Kung Kanino Ito Kinakailangan
Una. Ang Kahatulan sa Ṣalāh sa Biyernes:
Ang ṣalāh sa Biyernes ay isang tungkulin ng individuwal sa mga lalaki, batay sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 62:9) Ayon kina `Abdullāh bin `Umar at Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Silang dalawa ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi habang nasa ibabaw ng mga tabla ng mimbar niya: "Talaga ngang may titigil na mga tao sa pagpapabaya nila," ibig sabihin: pag-iwan nila, "sa [mga ṣalāh ng] mga Biyernes o talagang magpipinid nga si Allāh sa mga puso nila, pagkatapos talaga ngang magiging kabilang sila sa mga nalilingat."} [104] [104] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 865.
Nagkabuklod nga sa hatol ang mga Muslim sa pagkakinakailangan ng ṣalāh sa Biyernes. Nagsabi si Ibnu Al-Mundhir (kaawaan siya ni Allāh na napakataas): "Nagkabuklod sila sa hatol na ang ṣalāh sa Biyernes ay kinakailangan sa mga malaya na adulto, na residente, na walang maidadahilan para sa kanila."[105] [105] Al-Ijmā`, p. 40.
Ikalawa. Sa kanino kinakailangan ito?
Kinakailangan ang ṣalāh sa Biyernes sa bawat Muslim na lalaki, na malaya, na bāligh (adulto), na `āqil (nakapag-uunawa), na nakakakaya sa pagsasagawa nito, na residente. Kaya naman hindi ito kinakailangan sa isang aliping minamay-ari o isang babae o isang paslit o isang baliw o isang maysakit o isang manlalakbay. Nagpapatunay roon ang isinalaysay ni Ṭāriq bin Shihāb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang ṣalāh sa Biyernes ay isang tungkuling kinakailangan sa bawat Muslim sa isang konggregasyon, maliban sa apat: isang aliping minamay-ari o isang babae o isang bata o isang maysakit."} [106] [106] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1067.
Hinggil naman sa manlalakbay, hindi inoobliga sa kanya ang ṣalāh sa Biyernes dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagdarasal nito sa mga paglalakbay niya. Natapat nga ang araw ng `Arafah sa ḥajj niya sa isang araw ng Biyernes at sa kabila niyon ay nagdasal siya rito bilang ḏuhr at pinagsama ang `aṣr kasama nito.
Nagpaabot nga si Ibnu Al-Mundhir (kaawaan siya ni Allāh na napakataas) ng pagkakabuklod sa hatol hinggil doon sapagkat nagsabi siya: "Nagkabuklod sila sa hatol na walang kailangan sa bata ni sa mga babae na pagdalo sa ṣalāh sa Biyernes ... Nagkabuklod sila sa hatol na ang ṣalāh sa Biyernes ay kinakailangan sa mga malaya, na mga adulto, na mga residente, na walang maidadahilan para sa kanila."[107] [107] Al-Ijmā`, p. 40.
Kapag dumalo roon ang aliping minamay-ari o ang babae o ang paslit o ang maysakit o ang manlalakbay, matutumpak iyon sa kanya at makasasapat iyon sa kanya para sa ṣalāh na ḏuhr.
Hindi kinakailangan ang ṣalāh sa Biyernes sa mga beduino na mga nagpapalipat-lipat sa paghahanap ng pagpapastulan at tubig dahil ang mga naninirahan sa ilang sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa paligid noon ng Madīnah, at hindi nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdalo sa ṣalāh sa Biyernes. Nagsabi si Imām Aḥmad: "Walang kailangan sa mga naninirahan sa ilang na pagdalo sa ṣalāh sa Biyernes dahil sila ay nagpapalipat-lipat. Kaya nagbigay-sanhi siya ng pagkaalis ng tungkulin nito dahil sa pagpapalipat-lipat. Ang bawat sinumang namamayan na hindi lumilipat-lipat sa pagpili niya, siya ay kabilang sa mga naninirahan sa mga nayon."[108] [108] Majmū` Al-Fatāwā: 24/166.
Naidaraos ang ṣalāh sa Biyernes sa pamamagitan ng tatlo: isang nagbibigay ng khuṭbah at dalawang nakikinig, batay sa sabi Niya (napakataas Siya): {... magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh ...} (Qur'ān 62:9) Ito ay isang pagtitipon at ang pinakakaunti sa pagtitipon ay tatlong tao.
Ang Ikatlong Usapin: Ang Pamamaraan ng Ṣalāh sa Biyernes:
Ang ṣalāh sa Biyernes ay dalawang rak`ah, na nagpapalakas sa dalawang ito sa pagbigkas dahil ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumagawa niyon. Nagkabuklod nga sa hatol ang mga alagad ng kaalaman hinggil doon. Nagsabi si Ibnu Ḥazm (kaawaan siya ni Allāh): "Nagkabuklod sila sa hatol na ang ṣalāh sa Biyernes, kapag nakabuo sa mga kundisyon nito, ay dalawang rak`ah, na nagpapalakas sa dalawang ito sa pagbigkas."[109] [109] Marātib Al-Ijmā`, p. 33.
Ibinibilang na sunnah na bumigkas sa unang rak`ah ng Al-Fātiḥah at Sūrah Al-A`lā at sa ikalawang rak`ah ng Al-Fātiḥah at Sūrah Al-Ghāshiyah sapagkat ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas sa Dalawang Pagdiriwang at sa ṣalāh sa Biyernes ng Sūrah Al-A`lā at Sūrah Al-Ghāshiyah.}[110] [110] Nagsaysay nito si Imām Muslim: 878.
O bumibigkas sa unang rak`ah ng Al-Fātiḥah at Sūrah Al-Jumu`ah at sa ikalawa ng Al-Fātiḥah at Sūrah Al-Munāfiqūn sapagkat ayon kay Ibnu Abī Rāfi`na nagsabi: {Nagpahalili si Marwān kay Abū Hurayrah sa Madīnah at pumunta siya sa Makkah. Kaya namuno para sa amin si Abū Hurayrah sa ṣalāh sa Biyernes saka bumigkas siya, matapos ng Sūrah Al-Jumu`ah, sa huling rak`ah ng Sūrah Al-Munāfiqūn. (Nagsabi pa:) Nakaabot ako kay Abū Hurayrah nang paalis siya kaya nagsabi ako sa kanya: "Tunay na ikaw ay bumigkas ng dalawang sūrah na si `Alī bin Abī Ṭālib noon ay bumibigkas ng dalawang ito sa Kūfah." Kaya nagsabi si Abū Hurayrah: "Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumibigkas ng dalawang ito sa araw ng ṣalāh sa Biyernes."[111] [111] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 877.
Ang Ikaapat na Usapin: Paano Naaabutan ang Ṣalāh sa Biyernes?
Naaabutan ang ṣalāh sa Biyernes sa pamamagitan ng pagkaabot ng isang rak`ah kasama ng imām sapagkat ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa ṣalāh sa Biyernes o iba pa rito ay nalubos nga ang ṣalāh niya."} [112] [112] Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy: 557.
Kung nakaabot siya ng higit na maiksi kaysa sa isang rak`ah, isasagawa niya ito bilang ḏuhr.[113] [113] Tingnan: Al-Mughnī ni Ibnu Qudāmah: 2/231.
Kaya ang sinumang nakamintis ng isang rak`ah mula sa ṣalāh sa Biyernes at nakaabot sa imām sa ikalawang rak`ah habang nasa sandali ng pagkayukod niyon o bago nito, tunay na siya ay maglulubos ng iisang rak`ah lamang, batay sa ḥadīth: "Ang sinumang nakaabot sa rak`ah ay nakaabot nga sa ṣalāh." [114] [114] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 893.
Ang Ikalimang Usapin: Ang Ipinagbabawal Gawin sa [ṣalāh sa] Biyernes o Kinamumuhian
1. Ipinagbabawal ang pagsasalita habang ang imām ay nagtatalumpati batay sa napagtibay ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes: Manahimik ka habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."} [115] Ibig sabihin: Nagsalita ka ng kawalang-kabuluhan, ang pananalitang walang-saysay na tinanggihan, at nawalang-saysay ang kainaman ng ṣalāh mo sa Biyernes. [115] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 934, at Imām Muslim: 851.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "Nasaad sa ḥadīth ang pagsaway laban sa lahat ng mga uri ng pagsasalita sa sandali ng khuṭbah. Tumawag-pansin siya sa pamamagitan nito sa anumang iba pa rito dahil nang nagsabi siya: 'Manahimik ka,' na sa orihinal na pakay ay isang pag-uutos ng nakabubuti, tumawag siya rito bilang isang pagwawalang-kabuluhan, kaya ang kaunti nito na pagsasalita ay higit na marapat."[116] [116] Sharḥ Muslim: 6/138.
Napaloloob sa pagsaway laban sa pagsasalita ang tashmīt, ang pagdalangin para sa bumahin, at ang pagtugon sa pagbati, sapagkat hindi pinapayagan ito habang ang imām ay nagtatalumpati. Hinggil naman sa bago magsimula ang khaṭīb sa khuṭbah at sa sandali ng pagtigil sa pagitan ng dalawang khuṭbah, hindi ito nalabas sa naturang pagsasalita.
Hinggil naman sa pakikipag-usap ng ma'mūm sa khaṭīb, walang masama rito sapagkat ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: {May isang lalaking pumasok sa masjid sa [ṣalāh sa] araw sa Biyernes mula sa isang pintong paharap sa bulwagan ng paghuhukom samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya ...} Bahagi ng ḥadīth.[117] [117] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 967, at Imām Muslim: 897.
2. Ipinagbabawal sa sandali ng khuṭbah ang paglilikot, sa pamamagitan ng paghipo sa mga munting bato, o ang paggamit ng misbaḥah, o ang pagpapakaabala sa cellphone, at ang tulad niyon, bata sa napagtibay ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang humipo ng maliliit na bato ay nagwalang-kabuluhan nga."} [118] Iyon ay dahil ang paglilikot ay humahadlang sa pag-intindi at pagtataimtim. [118] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 857.
3. Ipinagbabawal ang paghakbang sa tabi ng mga leeg ng mga tao sa oras ng khuṭbah batay sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Busr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki na humahakbang sa tabi ng mga leeg ng mga tao sa araw ng Biyernes habang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Umupo ka sapagkat nakapinsala ka nga."} [119] [119] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1118.
Iyon ay dahil ang paghakbang sa mga leeg ay isang perhuwisyo sa mga nagdarasal at isang pang-aabala sa kanila sa pakikinig ng khuṭbah. Hinggil naman sa imām, walang masama sa paghakbang niya sa tabi ng mga leeg kung hindi maaari sa kanya ang makarating sa lugar niya kundi sa pamamagitan niyon. Gayundin ang sinumang napilitan sa paghakbang dahil sa isang pangangailangang hindi maiiwasan gaya ng pagsasagawa ng wuḍū' o upang magpuno sa isang puwang sa harapan niya o tulad niyon.
4. Ipinagbabawal ang pagpapatayo sa isang tao mula sa kinauupuan niya na nauna siya roon, at ang pag-upo sa kinaupuan niya, batay sa napagtibay ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Huwag ngang magpapatayo ang isa sa inyo sa kapatid niya sa araw ng Biyernes, pagkatapos hahalili siya sa kinauupuan nito para umupo siya roon bagkus magpaluwang kayo."} [120] [120] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2178.
5. Kinasusuklaman ang pagpapahiwalay sa magkatabi sa pamamagitan ng pag-upo sa pagitan nilang dalawa o paghakbang sa gitna nilang dalawa sapagkat napapagtibay nga ayon kay Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ... pagkatapos lumisan siya saka hindi siya nagpahiwalay sa pagitan ng dalawang tao [sa masjid], saka nagdasal siya ng isinatungkulin para sa kanya, pagkatapos kapag lumabas ang imām ay nanahimik siya, magpapatawad para sa kanya ng [kasalanan] sa pagitan nito at ng kasunod na Biyernes."} [121] Kaya nagpatunay iyon na ang sinumang nagpahiwalay sa magkatabi, hindi makakamit para sa kanya ang pagpapatawad na ito. [121] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 910.
Ang Ikaanim na Usapin: Ang mga Sunnah sa Biyernes:
1. Ibinibilang na sunnah na bumigkas sa ṣalāh sa fajr sa araw ng Biyernes ng Sūrah As-Sajdah at Sūrah Al-Insān dahil sa pagpapamalagi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) roon sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas sa Biyernes sa ṣalāh na fajr ng [Sūrah As-Sajdah]: "Alif. Lām. Mīm. Tanzīlu..." at [Sūrah Al-Insān]: "Hal atā `ala -l'insāni ḥīnun mina -ddahri...}[122] [122] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 891, at Imām Muslim: 880.
2. Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes, na isang sunnah na binigyang-diin, batay sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag dumating ang isa sa inyo sa Biyernes, maligo siya."} [123] Nararapat ang pagsisigasig dito at ang hindi pag-iwan nito, lalo na para sa mga may masasamang amoy. [123] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 877, at Imām Muslim: 844.
Nagsisimula ang oras ng pagpaligo para sa ṣalāh sa Biyernes mula sa pagsapit ng madaling-araw. Nakasasapat ang pagpaligo para sa janābah sa halip na pagpaligo para sa ṣalāh sa Biyernes dahil ang pinapakay sa pagpaligo para sa ṣalāh sa Biyernes ay ang paglilinis at ang pag-aalis ng mga masasamang amoy mula sa katawan. Ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagpaligo dahil sa janābah subalit isinasabatas na maglayon ng pagpasok sa pagpaligo para sa ṣalāh sa Biyernes sa pagpaligo para sa janābah upang matamo para rito ang gantimpala dahil doon.
3. Ibinibilang na sunnah para sa kanya ang pagpapabango, ang paglilinis, at ang pag-aalis ng nararapat alisin mula sa katawan, gaya ng pagputol ng mga kuko, pag-ahit ng buhok sa ari, pagbunot [ng buhok] sa kilikili, at paggupit ng bigote, batay sa ḥadīth ni Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes, saka nagpakadalisay siya sa abot ng nakaya niya na kadalisayan, pagkatapos nagpahid siya o humaplos siya mula sa isang pabango, pagkatapos lumisan siya saka hindi siya nagpahiwalay sa pagitan ng dalawang tao [sa masjid], saka nagdasal siya ng isinatungkulin para sa kanya, pagkatapos kapag lumabas ang imām ay nanahimik siya, magpapatawad para sa kanya ng [kasalanan] sa pagitan nito at ng kasunod na Biyernes."} [124] [124] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 910.
Gayundin nabibigyang-diin sa kanya ang paggamit ng siwāk sa araw na ito, batay sa ḥadīth ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat nakahustong-gulang, na maglinis siya ng ngipin (ibig sabihin: gumamit ng siwāk), at na humaplos siya ng pabango kung nakatagpo siya."} [125] [125] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 880.
4. Ibinibilang na sunnah para sa kanya na magsuot ng pinakamaganda sa natagpuan niya mula sa mga kasuutan, batay sa ḥadīth ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakakita ng isang damit na sutla sa tabi ng pintuan ng masjid kaya nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, kung sakali pong bumili ka nito saka nagsuot ka nito sa araw ng Biyernes at para sa [pagharap sa] mga delegasyon kapag dumating sila sa iyo ..."} [126] [126] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 886, at Imām Muslim: 2068.
5. Ibinibilang na sunnah ang pagpapaaga ng pagpunta sa masjid sa araw ng Biyernes dahil sa pagpapaibig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon sapagkat nasaad sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo para sa janābah (ibig sabihin: isang pagpaligo na ang katangian nito ay gaya ng katangian ng pagpaligo para sa janābah), pagkatapos pumunta [sa masjid], ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo (isa sa mga kamelyo, lalaki man o babae). Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang baka. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto ay para bang nag-alay siya ng isang tupang may sungay. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto ay para bang nag-alay siya ng isang manok. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang itlog. Kapag lumabas ang imām, dumadalo ang mga anghel habang nakikinig sa pag-aalaala [kay Allāh].} [127] [127] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 881, at Imām Muslim: 850.
6. Ibinibilang na sunnah para sa sinumang pumasok sa masjid sa araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati na hindi siya maupo hanggang sa makapagdasal siya ng dalawang rak`ah at magpaikli siya ng dalawang ito, batay sa pag-uutos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon sa pumapasok sa oras ng khuṭbah sapagkat ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Dumating si Sulayk Al-Ghaṭafānīy sa araw ng Biyernes habang ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati, saka umupo siya kaya nagsabi ito sa kanya: "O Sulayk, tumayo ka, magdasal ka ng dalawang rak'ah, at magpaikli ka sa dalawang ito." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Kapag dumating ang isa sa inyo sa araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati, magdasal siya ng dalawang rak`ah at magpaikli siya sa dalawang ito."} [128] [128] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 930, at Imām Muslim: 875.
7. Ibinibilang na sunnah ang pagbigkas ng Sūrah Al-Kahf sa araw ng Biyernes sapagkat ayon kay Abu Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang bumigkas ng Sūrah Al-Kahf sa araw ng Biyernes, magtatanglaw para sa kanya mula sa liwanag sa pagitan ng dalawang Biyernes."} [129] [129] Nagsalaysay nito si Imām Al-Ḥākim sa Al-Mustadrak: 3392, at ang ḥadīth ay may kapintasan dahil sa pagkatigil kay Abū Sa`īd.
8. Ibinibilang na sunnah sa araw nito at gabi nito ang pagpaparami ng pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ayon kay Aws bin Aws (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kabilang sa pinakamainam sa mga araw ninyo ang araw ng Biyernes. Kaya naman magparami kayo sa akin ng panalangin ng basbas dito sapagkat tunay na ang panalangin ng pagbasbas ninyo ay inilalahad sa akin."} [130] [130] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1531.
9. Ibinibilang na sunnah na magparami sa araw na ito ng pagdalangin, at pagsikapang hanapin ang oras ng pagtugon; sapagkat mula kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Sugo ni Allāh ((basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)) ay bumanggit sa araw ng Biyernes, at nagsabi: "Dito ay may oras na walang nakatatapat dito na isang taong Muslim habang siya ay nakatayong nagdarasal habang humihiling kay Allāh (napakataas Siya) ng anuman malibang magbibigay nito sa kanya."} [131] [131] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 935, at Imām Muslim: 852.
Ang pagtugon ay maaasahan sa lahat ng mga sandali ng Biyernes subalit ang pinakamaasahan dito ay ang nasa pagitan ng sandali na maupo ang imām sa araw ng Biyernes para sa khuṭbah hanggang sa magtapos ang ṣalāh; at ang huling oras mula sa araw ng Biyernes para sa sinumang umupo na naghihintay sa ṣalāh na maghrib, maging siya man ay nasa masjid o nasa bahay niya, batay sa ḥadīth ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kaugnay sa oras ng Biyernes: "Ito ay ang nasa pagitan ng sandali na maupo ang imām hanggang sa matapos ang ṣalāh."} [132] [132] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 853.
Ang Ikapitong Usapin: Ang Nāfilah ng Ṣalāh sa Biyernes:
Walang sunnah rātibah para sa ṣalāh sa Biyernes bago nito subalit ibinibilang na sunnah para sa sinumang dumating sa ṣalāh sa Biyernes na magdasal ng niloob niya na dalawang rak`ah o apat o anim o higit pa, na nagsasagawa siya ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah, batay sa pagpapaibig doon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), gaya ng nasaad sa ḥadīt̆h ni Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes... pagkatapos lumisan siya saka hindi siya nagpahiwalay sa pagitan ng dalawang tao [sa masjid], saka nagdasal siya ng isinatungkulin para sa kanya, pagkatapos kapag lumabas ang imām ay nanahimik siya, magpapatawad para sa kanya ng [kasalanan] sa pagitan nito at ng kasunod na Biyernes."} [133] Dahil sa gawain ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) at dahil sa pagkapangkalahatan ng kainaman na nasasaad sa walang-pasubaling kusang-loob na pagsamba. [133] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 910.
Hinggil naman sa sunnah rātibah, ito ay matapos ng ṣalāh sa Biyernes. Kaya magdarasal siya ng dalawang rak`ah sa bahay niya o apat na rak`ah sa masjid "sapagkat ang Propeta noon (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal matapos [ng ṣalāh] sa Biyernes ng dalawang rak`ah sa bahay niya."[134] Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagdasal ang isa sa inyo [na ṣalāh] sa Biyernes, magdasal siya matapos nito ng apat [na rak`ah na sunnah]."} [135] [134] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 937, at Imām Muslim: 729, mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). [135] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 881.
Kaya ang sunnah rātibah ng Biyernes, kung dinasal mo ito sa masjid, dasalin mo ito sa apat na rak`ah; at kung dinadasal mo ito sa bahay, dasalin mo ito sa dalawang rak`ah.
Ang Ikalawang Paksa: Ang Khuṭbah sa Biyernes
Ang Unang Usapin: Ang Khuṭbah sa Biyernes:
Ito ay pananalitang binibigkas sa isang pagtitipon ng mga tao bago ng ṣalāh sa Biyernes, na naglalaman ng papuri kay Allāh, pagbubunyi sa Kanya, pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pangangaral at pagpapaalala.[136] [136] Tingnan: Mu`jam Lughah Al-Fuqahā', p. 197; at Khuṭbah Al-Jumu`ah wa Aḥkāmuhā Al-Fiqhīyah ni Al-Ḥujaylān, p. 22.
Ang Ikalawang Usapin: Ang Hatol sa Khuṭbah
Ang khuṭbah ay isang kundisyon sa ṣalāh sa Biyernes, na hindi ito natutumpak malibang mayroon nito, batay sa sabi ni Allāh: {O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh ...} (Qur'ān 62:9) Ipinakahulugan nga ang pag-alaala kay Allāh na ito ay ang khuṭbah[137]. Kaya kung sakaling ang khuṭbah ay hindi naging kinakailangan, hindi sana kinailangan ang pagmamadali rito; at gayundin dahil sa pagpapamalagi rito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa kawalan ng pag-iwan niya rito magpakailanman. [137] Tingnan: Tafsīr Aṭ-Ṭabarī: 22/642.
Nagsabi si Imām Ibnu Qudāmah Al-Ḥanbalīy (kaawaan siya ni Allāh): "Ang kabuuan niyon ay na ang khuṭbah ay isang kundisyon sa ṣalāh sa Biyernes, na hindi ito natutumpak nang wala nito."[138] [138] Al-Mughnī: 2/224.
Ang Ikatlong Usapin: Ang mga Kundisyon ng Khuṭbah:
1. Ang pagiging ito ay dalawang khuṭbah, batay sa napagtibay mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati ng dalawang khuṭbah at umuupo sa pagitan ng dalawang ito."[139] [139] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 928.
2. Na ito ay maging matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh sa Biyernes; sapagkat kung naganap ito o ang isang bahagi nito bago nito, hindi ito makasasapat.
3. Ang pag-una ng dalawang khuṭbah sa ṣalāh, batay sa ḥadīth ni As-Sā'ib bin Yazīd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang adhān ng [ṣalāh sa] araw ng Biyernes, ang una nito ay sa sandaling umuupo ang imām sa araw ng Biyernes sa mimbar sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nina Abū Bakr at 'Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).}[140] Ito ay tahas sa pag-uuna sa ṣalāh ng dalawang khuṭbah. [140] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 916.
Batay pa sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magdasal kayo kung paanong nakakita kayo sa akin habang nagdarasal ako." [141] Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kundi makatapos ng dalawang khuṭbah. Nagsabi si Al-Mardāwīy: "Isinasakundisyon ang pag-una ng dalawang ito (tinutukoy ang dalawang khuṭbah) sa ṣalāh nang walang pagtatalo."[142] [141] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 631, mula sa ḥadīth ni Mālik bin Al-Ḥuwayrith (malugod si Allāh sa kanya). [142] Al-Inṣāf: 2/389.
4. Ang muwālāh (pagkatuluy-tuloy) sa pagitan ng mga bahagi ng khuṭbah. Nagsabi si Imām Ibnu Qudāmah (kaawaan siya ni Allāh): "Ang pagkatuluy-tuloy ay isang kundisyon sa katumpakan ng khuṭbah. Kung naghiwalay ang imām sa isang bahagi nito mula sa isang bahagi sa pamamagitan ng isang mahabang pagsasalita o isang mahabang pananahimik o isang anumang iba pa roon na pumuputol sa pagkatuluy-tuloy, magpapasimulang muli siya nito. Ang sanggunian sa haba at ikli ng pagkahiwalay ay ang kinaugalian. Gayundin, isinasakundisyon ang pagkatuluy-tuloy sa pagitan ng khuṭbah at ng ṣalāh. Kung nangailangan siya ng pagdadalisay, magdadalisay siya at magpapatuloy siya ng khuṭbah hanggat hindi tumagal ang pagkahiwalay."[143] [143] Al-Mughnī: 2/230.
5. Ang malakas na pagbigkas ng khuṭbah. Iyon ay dahil ang khuṭbah ay kinakailangan at kundisyon para sa katumpakan ng [ṣalāh sa] Biyernes at ang malakas na pagbigkas ay isang kaparaanan para sa pagganap nito at pagsasakatuparan ng pinapakay mula rito, ang pangangaral at ang pagpapaalaala. Ang anumang hindi nalulubos ang kinakailangan kundi sa pamamagitan niyon, iyon ay kinakailangan.
6. Ang pagdalo ng bilang na naidaraos sa pamamagitan nito ang ṣalāh sa Biyernes dahil ang khuṭbah ay dhikr na kinailangan ang pagtungo rito. Kaya naman kinailangan na makinig dito ang bilang na nabanggit.
Ang Ikaapat na Usapin: Ang mga Haligi ng Khuṭbah:
1. Ang pagpapasimula nito sa pamamagitan ng pagpuri at pagluwalhati kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), batay sa ḥadīth ni Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang khuṭbah ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa araw ng Biyernes, ay nagpupuri siya kay Allāh at nagbubunyi siya. Pagkatapos nagsasabi siya kasunod niyon ...} Bahagi ng ḥadīth.[144] [144] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 867.
2. Ang pagkasaklaw nito sa pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga khuṭbah ay isang bagay na kilala at tanyag sa ganang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).[145] [145] Tingnan: Jalā' Al-Afhām ni Ibnu Al-Qayyim, p. 371.
2. Ang pagkasaklaw nito sa pangaral at pagtugibilin ng pangingilag magkasala kay Allāh (napakataas Siya), batay sa ḥadīth ni Jābir bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mayroon dalawang khuṭbah, na umuupo siya sa pagitan ng dalawang ito, bumibigkas ng Qur'ān, at nagpapaalaala sa mga tao.}[146] at dahil iyon ang pinapakay sa khuṭbah. [146] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 862.
4. Ang pagbigkas ng anuman mula sa Marangal na Qur'ān, batay sa ḥadīth ni Jābir bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mayroon dalawang khuṭbah, na umuupo siya sa pagitan ng dalawang ito, bumibigkas ng Qur'ān, at nagpapaalaala sa mga tao.}
Ang Ikalimang Usapin: Ang mga Sunnah ng Khuṭbah:
1. Na magtalumpati sa isang mimbar o isang mataas na puwesto "sapagkat may niyari nga para sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang pulpito kaya nagtalumpati siya sa ibabaw nito sa araw ng Biyernes."[147] Nagkatuluy-tuluyan sa salaysay ayon sa isang pangkat ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati sa ibabaw ng isang mimbar.[148] Sumipi nga si An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh) ng pagkakbuklod sa hatol sa pagsasakaibig-ibig niyon sapagkat nagsabi siya: "Nagkabuklod sa hatol ang mga maalam na isinasakaibig-ibig ang pagiging ang khuṭbah ay sa ibabaw ng isang mimbar."[149] Dahil iyon ay higit na mabisa sa pagpapaalam at dahil ang mga tao, kapag nakasaksi sila sa khaṭīb, ito ay magiging higit na mabisa sa pangangaral sa kanila. [147] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2095, mula sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya). [148] Tingnan ang Irwā’ Al-Ghalīl fī Takhrīj Aḥādīth Manār As-Sabīl: 3/75, at ang matapos nito. [149] Al-Majmū` Sharḥ Al-Muhadhdhab: 4/527.
2. Ang pagtayo ng khaṭīb sa oras ng khuṭibah, batay sa sabi ni Allāh: {Ngunit nang [minsang] nakakita sila ng isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagkahiwa-hiwalay sila patungo roon at umiwan sila sa iyo na nakatayo. ...} (Qur'ān 62:11) Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsesermon nang nakatayo, pagkatapos umuupo, pagkatapos tumatayo gaya ng ginagawa ninyo ngayon."[150] [150] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 920, at Imām Muslim: 861.
3. Ibinibilang na sunnah para sa khaṭīb na magharap ng mukha niya sa mga ma'mum sapagkat ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumapit siya sa mimbar niya sa araw ng Jumu`ah, ay bumabati sa sinumang nasa tabi niya kabilang sa mga nakaupo; saka kapag umakyat siya sa mimbar, humaharap siya sa mga tao sa pamamagitan ng mukha niya saka bumabati siya.}[151] [151] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy sa As-Sunan Al-Kubrā: 5742.
Nagsabi si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Rajab: "Ang pagharap ng imām sa mga tao sa masjid at ang pagtalikod niya sa qiblah ay napagkabukluran sa hatol nito. Ang mga teksto ay nagpapatunay rin dito sapagkat tunay na siya ay kumakausap sa kanila upang makaintindi sila buhat sa kanya. Iyon sa kabuuan nito ay sunnah; ngunit kung sakali mang sumalungat dito ang imām, sumalungat nga siya sa sunnah ngunit natumpak pa rin ang pagkadaos ng Jumu`ah."[152] [152] Fatḥ Al-Bārī ni Ibnu Rajab: 8/250.
4. Ibinibilang na sunnah na bumati ng kapayapaan ang khaṭīb sa mga ma'mūm kapag humarap siya sa kanila, batay sa ḥadīth ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag umakyat siya sa pulpito, ay bumabati ng kapayapaan.}[153] [153] Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 1109.
5. Ibinibilang na sunnah na maupo siya sa mimbar hanggang sa pagtatapos ng mu'adhdhin, batay sa sabi ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati ng dalawang khuṭbah. Siya noon ay umuupo kapag nakaakyat siya sa mimbar hanggang sa magtapos ang mu'adhdhin. Pagkatapos tumatayo siya saka nagtatalumpati siya, pagkatapos umuupo siya saka hindi siya nagsasalita, pagkatapos tumatayo siya saka nagtatalumpati siya.}[154] Sumasaksi para rito ang ḥadīth ni As-Sā'ib bin Yazīd (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagsabi: {Tunay na ang adhān ng [ṣalāh sa] araw ng Biyernes, ang una nito ay sa sandaling umuupo ang imām sa araw ng Biyernes sa mimbar sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nina Abū Bakr at 'Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).}[155] [154] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1092. [155] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 916.
6. Na magtaas siya ng tinig niya sa khuṭbah alinsunod sa kakayahan, batay sa ḥadīth ni Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagtatalumpati siya, ay namumula ang mga mata niya, tumataas ang tinig niya, at tumitindi ang galit niya, hanggang sa para bang siya ay isang tagapagbabala ng isang hukbo na nagsasabi: "Inumaga sa inyo at ginabi sa inyo!" ...} [156] Ang "inumaga sa inyo" ay nangangahulugang: "Dumating sa inyo ang hukbo sa oras ng umaga" at ang "ginabi sa inyo" ay nangangahulugang: "Dumating sila sa inyo sa oras ng gabi." Ang sinumang magpapangamba sa isa, ukol sa kanya na magsabi ng dalawang pananalitang ito. [156] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 867.
7. Na maupo siya sa pagitan ng dalawang khuṭbah nang sandali, sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati ng dalawang khuṭbah at umuupo sa pagitan ng dalawang ito."[157] [157] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 928.
8. Ibinibilang na sunnah ang pagpapaikli ng dalawang khuṭbah. Ang ikalawa ay higit na maikli kaysa sa una, kalakip ng pagpapahaba ng ṣalāh, batay sa ḥadīth ni `Ammār (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang haba ng ṣalāh ng lalaki at ang ikli ng khuṭbah niya ay tanda (ibig sabihin: palatandaan) ng pang-unawa niya. Kaya naman pahabain ninyo ang ṣalāh at paikliin ninyo ang khuṭbah. ..."} [158] [158] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 869.
9. Ibinibilang na sunnah ang pagdalangin para sa mga Muslim ng anumang nariyan ang kaayusan ng buhay panrelihiyon nila at buhay pangmundo nila at ang pagdalangin para sa mga nakatalaga sa mga pamamahala sa mga Muslim ng kaayusan at pagtutuon. Nagsabi si Imām An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "Hinggil naman sa pagdalangin para sa mga imām ng mga Muslim at mga nakatalaga sa mga pamamahala sa kanila ng kaayusan, pagtulong sa katotohanan, pagtaguyod ng katarungan, at tulad niyon; at para sa mga hukbo ng Islām, ito ay isinasakaibig-ibig ayon sa pagkakasang-ayon."[159] [159] Al-Majmū` Sharḥ Al-Muhadhdhab: 4/521.
Hindi isinasabatas para sa Imām na mag-angat ng mga kamay niya sa sandali ng pagdalangin sa khuṭbah ng ṣalāh sa Biyernes maliban sa istisqā' (pagdalangin ng paghingi ng ulan). Isinasakaibig-ibig sa kanya na magturo ng hintuturo sapagkat ayon kay `Umārah bin Ru'aybah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakakita kay Bishr bin Marwān sa minbar habang nag-aangat ng mga kamay nito kaya nagsabi siya: "Magpapangit nawa si Allāh ng dalawang kamay na ito! Talaga ngang nakakita ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi humihigit sa pagsasabi sa pamamagitan ng kamay niya ng ganito. Nagturo siya ng daliri niyang dumuduro."}[160] [160] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 874.
10. Na gampanan ang ṣalāh ng sinumang gumaganap sa khuṭbah dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumanap noon sa dalawang ito sa pamamagitan ng sarili niya at gayundin ang mga Khalīfah niya matapos naman niya. Kung may nagtalumpating isang lalaki at may nagdasal na isang iba pa dahil sa isang maidadahilan, pinapayagan ito.[161] [161] Al-Mughnī ni Ibnu Qudāmah: (2/228).
Ang Ikaanim na Usapin: Ang Pagsasalin ng Khuṭbah sa Biyernes:
Pinapayagan para sa khaṭīb sa mga lugar na hindi nalalaman ng mga naninirahan doon o ng karamihan sa kanila ang wikang Arabe, na magtalumpati sa wika nila upang makaintindi sila ng khuṭbah, maisakatuparan ang pinapakay mula rito, at makinabang sila sa dulot nito na kaalaman, pangaral, at pagpapaalaala. Iyon ay dahil hindi napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nagpapatunay na isinasakundisyon sa khuṭbah sa Biyernes na ito ay maging nasa wikang Arabe at siya lamang naman noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati sa pamamagitan nito dahil ito ay wika niya at wika ng mga tao niya.
Ang pinakamarapat sa khaṭīb na magtalumpati siya sa wikang Arabe, pagkatapos isalin niya ito sa wika ng bayan niya bilang pagtulad sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa mga khuṭbah nito at bilang paglabas mula sa salungatan sa usaping ito.
Isinasaalang-alang sa pagsasalin kung ano ang pinakaangkop para sa mga tagapakinig gaya ng pagbabaha-bahagi nito kasunod ng bawat bahagi ng khuṭbah o pagpapaliban ng pagsasalin upang ito ay maging matapos ng pagtatapos ng khuṭbah sa wikang Arabe at bago ng ṣalāh.
Gayundin, pinapayagan ang pagsasalin ng khuṭbah sa isang agarang pagsasalin, ang pagsasahimpapawid ng saling iyon sa pamamagitan ng estasyon ng transmisyon, at ang paggamit ng mga receiver para sa saling iyon sa panig ng hindi mahusay sa wikang Arabe na mga tagapagsagawa ng ṣalāh. Hindi ibinibilang iyon na bahagi ng kawalang-kabuluhang sinasaway, hindi sa panig ng tagapagsalin ni sa tagatanggap dahil sa taglay niyon na kapakanang pangkalahatan at pagsasakatuparan ng pinapakay ng khuṭbah.
Ang Ikapitong Usapin: Ang mga Sangkap ng Khaṭīb:
Ibinibilang ang khaṭīb ng masjid bilang sandigan ng masjid at lakas nito. Sa pamamagitan niya, nakagaganap ang masjid ng misyon nito sa pagpapalaganap ng pag-aanyaya, pagbibigay-kamalayan sa lipunan, at pagpapamulat sa mga tao ng mga nauukol sa relihiyon nila. Kaya kapag ang khaṭīb ay maalam, nakapag-uunawa, malinaw ang pananaw, at nakaaalam sa mga kaugalian ng mga tao at mga kalagayan nila, nagiging mahusay at makabuluhan ang impluwensiya niya sa konggregasyon ng masjid at sa mga naninirahan sa pamayanan na kinaroroonan ng masjid habang nagtuturo sa kanila, gumagabay sa kanila, at umaakay sa kanila tungo sa bawat kabutihan at kainaman.
Naging gayundin nga ang mga khaṭīb na nakatugon sa mga kundisyon ng khiṭābah. Sa simula ng Islām, ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang imām, pagkatapos ang mga Matinong Khalīfah niya, pagkatapos ang mga pinuno, ang mga komandante, ang mga maalam, at ang mga prominenteng tao. Ito ay nagpapatunay na kinakailangan na ang tagaganap ng tungkuling ito ay nasa mataas na antas ng Relihiyon, kaasalan, kaalaman, at pag-uugali.
Dito lumilitaw ang kahalagahan ng tungkuling ito sa buhay ng mga tao yayamang tunay na ang lakas ng mga khaṭīb ay lumilitaw sa mga lipunan nila at ang kahinaan nila ay lumilitaw ang epekto nito sa mga lipunang iyon dahil ang masjid ay ang nagtuturo sa lipunan ng pag-uugnay ng sinasabi sa ginagawa. Kaya kapag ang khaṭīb ay mahina ang kaalaman o ang pag-iisip, o masagwa ang kaasalan at ang pag-uugali, tunay na siya ay nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kapag naging bahagi ng tungkulin ng khaṭīb ang pagpapanuto sa mga tagapagsagawa ng ṣalāh sa kabutihan, pagsasamabuting-loob, at kaayusan, mahirap na makapagsakatotohanan ang mangmang na imām ng kapita-pitagang tungkuling ito.
Maaaring ang khaṭīb ay maging isang nakatutugon sa mga kundisyon ng tungkuling ito sa punto ng kaalaman at personal na kakayahan subalit siya ay naaabala palayo sa tungkulin niya dahil sa mga iba pang gawain na nakaaapekto sa nibel ng pagganap niya.
Maaaring hindi siya makatagpo, gayundin, ng sapat na panahon para sa paghahanda ng khuṭbah hinggil sa nababagay sa kalagayan. Kaya lalabas siya sa mga tao – gaya ng sinasabi ni Ibnu Qayyim Al-Jawzīyah (kaawaan siya ni Allāh) – kalakip ng isang khuṭbah na hindi nagpapatamo sa puso ng pananampalataya kay Allāh, ni ng tawḥīd sa Kanya, ni ng natatanging pagkakilala sa Kanya, ni ng pagpapaalaala sa mga araw Niya, ni ng pagpukaw sa mga sarili tungo sa pag-ibig sa Kanya at pananabik sa pakikipagtagpo sa Kanya.[162] [162] Zād Al-Ma`ād Fī Hady Khayr Al-`Ibād: 1/409.
Maaaring manaig sa kanya ang pithaya o ang pagkamangmang o ang mga hidwaan o ang ekstremismong napupulaan, kaya lumalabas siya buhat sa pagkawalang-kinikilingan, pang-edukasyong pagpapanuto, at pag-aanyaya sa pamamagitan ng karunungan at magandang pangangaral.
Tunay na ang masjid ay may dakilang epekto sa Relihiyong ito yayamang ito ay isang parola ng patnubay na nauugnay ang tao rito sa Panginoon niya, nagpapakalakas ang pananampalataya niya, at nakikipagtipon sa mga kapatid niya upang magtulungan ang lahat sa pagpapalaganap ng kainaman at pakikidigma sa kasamaan. Ang masjid ay hindi magiging nakakakaya niyon malibang kapag naglaan si Allāh para rito ng isang imām na nalulubos sa kanya ang mga sangkap na pangkaalaman at pangkaasalang hinihiling sa bawat sinumang omuukupa sa dakilang posisyong ito at gumaganap ng mga misyon ng kapita-pitagang tungkuling ito.
Ang Pinakamahalaga sa mga Sangkap na Pangkaalaman na Nararapat Malubos sa Khaṭīb:
1. Ang pagpapakawagas ng gawain para kay Allāh nang sa gayon siya ay maging inaalalayan, inaadya, tinatanggap, at iniibig sa ganang kay Allāh at sa mga tao.
2. Ang pagkalayo sa pagpapakitang-tao at pagmamayabang. Tunay na ang mga bagay ay batay sa mga pinapakay sa mga ito, ang mga gawain ay batay sa mga layunin at ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Ang sinumang nagpalamuti ng anumang wala sa kanya, magpapangit sa kanya si Allāh.
3. Nararapat na siya ay maging tagapagsaulo ng Aklat ni Allāh o magsaulo ng isang bahagi nito. Nararapat na magpamalagi siya sa pagrerepaso ng isinasaulo niya. Nararapat na magkaroon siya ng pang-araw-araw na pagsambit para sa pagbigkas ng Qur'ān.
4. Nararapat na makapagsaulo siya ng isang bilang ng mga ḥadīth ng Propeta mula sa Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn o Al-Arbaʿīn An-Nawawīyah, o mula sa Bulūgh Al-Marām, o iba pa sa mga ito mula sa mga napananaligang aklat ng ḥadīth.
5. Nararapat na matutuhan niya ang tumpak na paniniwala, ang paniniwala ng Kanunu-nuang Maayos.
6. Nararapat na matutuhan niya ang fiqh sa mga patakaran ng Relihiyon, lalo na ang fiqh ng mga pagsamba. Ang pinakamahalaga roon ay ang nauugnay sa ṭahārah, ṣalāh, zakāh, at pag-aayuno, at gayundin ang fiqh ng mga transaksiyon upang makaalam siya sa mga panuntunan ng pagkakita at paggugol at makapagbigay-babala siya sa mga tao laban sa pandaraya, panlilinlang, at pagkuha ng mga yaman ng mga tao sa kabulaanan. Magbibigay-babala siya sa kanila, gayundin, laban sa pagmamalabis, pag-aaksaya, pagmamaramot, at pagkukuripot nang sa gayon ang mga gawaing pampananalapi nila ay maging nasa liwanag ng Qur'ān at ng Sunnah.
7. Nararapat na magpakahusay siya sa wikang Arabe nang sa gayon malaman niya ang mga kahulugan ng ibinaba ni Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) sapagkat tunay na ang Qur'ān ay bumaba sa wika ng mga Arabe.
8. Nararapat na basahin niya ang talambuhay na pampropeta, ang mga katangian ni Propeta Muḥammad, at ang mga talambuhay ng Kanunu-nunuang Maayos sapagkat may nasaad sa mga ito na huwarang maayos, tinutularang maganda, yamang pangkaalamang napakikinabangan, at kulturang pang-Islām na mataas.
9. Nararapat na makilala niya ang mga maalam sa bayan niya at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga alagad ng kaalaman, na mga nagpakalalim na nakikilala sa kaligtasan ng paniniwala, kaalaman, at kaisipan. Nararapat na sumangguni sa kanila sa lahat ng kinakailangan niya mula sa mga usapin ng Relihiyon at paglutas sa mga suliranin ng lipunan niya.
10. Nararapat na malaman niya ang mga sektang Islāmiko at mga paniniwala ng mga ito, ang mga inklinasyong pangkaisipan at mga pinapakay ng mga ito, at ang mga doktrinang mapangwasak at mga layon ng mga ito nang sa gayon makakaya siya sa pagtalakay sa mga ito sa liwanag ng Aklat ni Allāh (napakataas Siya), Sunnah ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mga isinulat ng mga mapanuring maaalam ng mga Muslim, makapagpuna siya sa pagkahuwad ng mga ito, at makapagbigay-babala siya laban sa kabulaanan ng mga ito.
11. Nararapat na magkaroon siya ng pagmamalasakit sa katayuan ng mga Muslim: sa kahinaan nila at pangingibabaw sa kanila ng mga kaaway. Nararapat na makaalam siya na iyon ay dahilan sa paglayo nila sa wastong tuwid na metodolohiya ni Allāh at kahinaan ng pananampalataya kay Allāh at ng pagpapaakay sa batas Niya para magpunyagi siya sa pagtuturo sa kanila ng magpapakinabang sa kanila sa buhay panrelihiyon nila at buhay pangmundo nila.
12. Nararapat na magpakaalam siya sa iba-ibang mass media at makaalam siya sa mga positibo ng mga ito at mga negatibo ng mga ito at kung papaano makahahango ng kabuluhan mula sa mga ito sa pag-aanyaya tungo kay Allāh at makapag-ingat mula sa anumang nasa mga ito na mga panganib sa sarili niya at lipunan niya.
Kapag nalubos ang mga sangkap na ito para sa khaṭīb ng Jumu`ah, tunay na iyon ay magdudulot ng pagpapakatuwid at pagkakatimbangan ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya).
Ang pinakamahalaga sa mga sangkap na pangkaasalan:
1. Nararapat sa khaṭīb ng masjid na maging isang tagapag-anyaya at isang tagapagturo sa jamā'ah (konggregasyon) ng masjid, sa mga bumabalik-balik sa masjid niya kabilang sa mga naninirahan sa baranggay, at sa iba pa sa mga ito. Kaya kinakailangan na magkaroon siya ng isang tinutularan sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ang Sugo ang maayos na tinutularan, ang magandang huwaran, at ang pinakamataas na halimbawa para sa Kalipunan at mga pinuno. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.} (Qur'ān 33:21)
Nararapat na maglayo siya ng sarili niya at mga bumabalik-balik sa masjid niya laban sa pagsasalita hinggil sa kamunduhan at pulitika. Nararapat na gawin ang masjid na nakalaan sa pagkamit ng kaalaman at pagsamba.
2. Nararapat na maging malinis at organisado siya sa sarili niya. Nararapat na mangalaga siya, gayundin, sa kalinisan ng masjid, pagsasaayos ng mga kagamitan nito at pag-oorganisa sa mga ito, at pagpapanatili ng mga pasilidad nito; at lumayo siya sa pagwawaldas doon. Nararapat na umiiwas siya sa pagpapalamuti sa masjid.
3. Nararapat na siya ay maging maganda ang pagpatnubay at ang pag-uugali, na nagsasabuhay ng Sunnah ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), gaya ng pagpapahaba ng balbas at paggupit ng bigote, kasama ng pag-iwas sa isbāl (pagpapalaylay ng kasuutan lampas sa bukungbukong). Nararapat na mamalagi siya sa kahinahunan at katahimikan. Nararapat na siya ay maging isang tagasunod sa bakas ng mga lumipas kabilang sa Kanunu-nunuang Maayos (kaawaan sila ni Allāh).
4. Nararapat na siya ay maging banayad, matimpiin, at maawain sapagkat tunay na ang kabanayaran ay hindi natatagpuan sa isang bagay malibang gumagayak iyon dito at hindi naaalis mula sa isang bagay malibang nagpapapangit iyon dito, gaya ng isinaad hinggil doon ng ḥadīth sapagkat ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na nagsabi: "Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak iyon dito at hindi naaalis mula sa isang bagay malibang nagpapapangit iyon dito." [163] [163] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2594.
Kaya kapag may namutawing isang pagkakamali mula sa isa sa mga bumabalik-balik sa masjid, hindi nararapat sa imām na magmabagsik dito; bagkus magpayo siya rito nang may kabanayaran at magturo siya rito sa isang magandang pamamaraan sapagkat ayon kay Mu`āwiyah bin Al-Ḥakam As-Sulamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Habang ako ay nagdarasal kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), biglang may bumahing na isang lalaki kabilang sa mga tao. Kaya nagsabi ako: "Kaawaan ka ni Allāh," ngunit nagpukol sa akin ang mga tao ng mga tingin nila. Kaya nagsabi ako: "Aray, dalamhati ng ina ko! Ano ang nangyari sa inyo, na tumitingin kayo sa akin?" Kaya nagsimula sila na nagpapalo ng mga kamay nila sa mga hita nila. Noong nakita ko silang nagpapatahimik sa akin, [nagalit ako] subalit nanahimik ako. Noong nakapagdasal ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tubusin nawa siya sa pamamagitan ng ama ko at ina ko! Hindi ako nakakita ng isang tagapagturo bago niya ni matapos niya na higit na maganda sa pagtuturo kaysa sa kanya. Sumpa man kay Allāh, hindi siya nagmaltrato sa akin (ibig sabihin: hindi siya nang-api sa akin), hindi siya nambulyaw sa akin, hindi siya namalo sa akin, at hindi siya nanlait sa akin. Nagsabi siya: "Tunay na ang pagdarasal na ito ay walang naaangkop dito na anuman mula sa pananalita ng mga tao; ito lamang ay ang pagluluwalhati at ang pagdadakila [kay Allāh] at ang pagbigkas ng Qur'ān."} [164] [164] Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 537.
5. Nararapat na siya ay maging malambot na banayad ang puso upang magtipon ang mga tao sa paligid niya para makinabang sila mula sa pagkamagiliw niya, pag-alalay niya, at kaalaman niya. Nararapat na tumindig siya kasama nila sa mga kagipitan nila at mga pangangailangan nila. Nararapat na makipagsanggunian siya sa kanila sa anumang nauugnay sa misyon ng masjid.
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa pinakamataas na katayuan sa lahat ng iyon, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya) tungkol sa kanya: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.} (Qur'ān 3:159)
6. Nararapat na magayakan siya ng pagtitiis, katiyakan, at katapatan sa sinasabi niya upang maging karapat-dapat siya sa karangalan ng pamumuno sa masjid niya at sa gitna ng konggregasyon niya sapagkat tunay na ang pagtitiis at ang katiyakan ay naghahatid sa alipin sa antas ng pamumuno sa relihiyon. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Gumawa Kami mula sa kanila [na mga anak ni Israel] ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.} (Qur'ān 32:24)
7. Kinakailangan na siya ay maging tapat sa sinasabi niya, maging iyon man ay sa khuṭbah ng Biyernes o sa aralin ng pagtuturo at pangaral o sa pananalita niya sa mga tao upang siya ay maging kabilang sa mga tapat, mga napatnubayan, at mga nagtagumpay sapagkat nasaad nga sa ḥadīth: {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay nagsabi: "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."} [165] [165] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6094, at Imām Muslim: 2607, mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
Ang kasinungalingan ay kasamaan at kapahamakan. Ang pinakamabigat na kasinungalingan ay ang pagsisinungaling laban kay Allāh (napakataas-taas Siya) at ang pagsasabi hinggil sa Kanya nang walang kaalaman. Nagsabi si Allāh (napakataas-taas Siya): {Sabihin mo: "Nagbawal lamang ang Panginoon ko ng mga malaswa: anumang nalantad sa mga ito at anumang nakubli, ng kasalanan, ng paglabag nang walang karapatan, na magtambal kayo kay Allāh ng anumang hindi naman Siya nagbaba roon ng isang katunayan, at na magsabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman."} (Qur'ān 7:33)
Kaya ang marangal na talatang ito ay nagtipon sa pinakamabigat sa mga pagkakasala, na nagsimula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas. Ito ay ang pagsasabi hinggil kay Allāh nang walang kaalaman kaugnay sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at batas Niya.
Ang pagsisinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kabilang sa pinakamabigat sa mga pagsisinungaling at pinakamasagwa sa mga pagkakasala. Ito ay kabilang sa malalaking kasalanan na pinagbantaan ang tagagawa ng mga ito ng Impiyerno sapagkat ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang isang kasinungalingan laban sa akin ay hindi tulad ng isang kasinungalingan laban sa isa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."} [166] [166] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1291, at Imām Muslim: 4.
Iiwas siya sa pagsisinungaling kahit pa man ito ay dahil sa isang magandang layunin para sa hangarin ng pagpapaibig sa kabutihan at pagpapasindak sa kasamaan, gaya ng ginagawa ng ilan sa mga mangangaral, sapagkat tunay na ito ay isang kapangitang walang kabutihan dito at walang kapatnubayan at ang tagapagsabi nito ay namumultahan hindi napapabuyaan at nagkakasala hindi nakikinabang.
8. Nararapat na siya ay maging mapagkakatiwalaan sa pagpapasa ng salita at magpakatiyak sa katumpakan ng mga ulat. Hindi siya magmamadali sa pagtanggap ng mga bali-balita at hindi siya sasalig kundi sa sinasabing mapagkakatiwalaan. Nag-utos nga sa atin si Allāh (napakataas Siya) sa sabi Niya: {O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi.} (Qur'ān 49:6)
9. Nararapat na magpakalabis siya sa pagtatakip sa mga tao at na magkubli siya ng mga lihim nila. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtutunton sa mga kahihiyan ng mga Muslim, magtutunton si Allāh ng kahihiyan nito hanggang sa magpahiya Siya rito, kahit pa man nasa kaloob-looban ng bahay nito sapagkat ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon."} [167] Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O katipunan ng sinumang sumampalataya sa dila niya at hindi naman pumasok ang pananampalataya sa puso niya, huwag kayong manlibak sa mga Muslim at huwag kayong magtunton sa mga kahihiyan nila. Tunay na ang sinumang nagtutunton sa mga kahihiyan nila, magtutunton si Allāh sa kahihiyan nito; at ang sinumang nagtutunton si Allāh sa kahihiyan nito, magpapahiya Siya rito sa bahay nito."} [168] [167] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2442, at Imām Muslim: 2580. [168] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 4880.
Ikawalong Usapin: Ang mga Etiketa ng Khuṭbah at Khaṭīb:
1. Kinakailangan na mawalang-kinalaman ang khuṭbah ng Biyernes na gawin bilang isang kasangkapan ng propaganda para sa isang tao o isang partido o isang institusyon o iba pa roon, at maging wagas ukol kay Allāh (napakataas Siya), sa Relihiyon Niya, pagpapaabot ng paanyaya Niya, at pagtataas ng salita Niya. Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.} (Qur'ān 72:18)
2. Nararapat na hindi magpahaba ang khaṭīb hanggang sa puntong nakabibigat sa mga tagapakinig at nagpapawalang-gana sa kanila sa pakikinig ng khuṭbah at na hindi siya magpaikli sa puntong nakasisira sa paksa niya at nagpapakapos nito.
3. Nararapat sa khaṭīb na magsaalang-alang sa sandali ng pagsasagawa ng khuṭbah ng pagkahanda ng mga tagapakinig. Magbaba siya sa pagpapahayag sa madla sa abot ng mga pag-iisip nila, habang umiiwas sa mga pananalitang pampanitikan na malayo sa mga pagkawari nila. Magpakakatamtaman siya sa mga katamtaman at magpakaelegante siya sa mga piling tao. Siya sa lahat ng mga uring panlipunan ay magiging isang marunong na naglalagay ng mga bagay sa kinalalagyan ng mga ito. Sa bawat kalagayan, umiiwas siya sa pananalita niya sa bawat palamuting walang-kabuluhan.
4. Nararapat na umiwas siya sa mga bagay-bagay na pinagtatalunan na pumupukaw ng hidwaan at pagkamuhi sapagkat tunay na ang pangunahing tungkulin ng khaṭīb ay ang pagtuturo sa mga tao, ang pagbubuklod sa mga puso nila sa katotohanan, at ang pag-aalis ng mga sanhi ng pagkakawatak-watak sa pagitan nila.
5. Hindi siya magpumilit ng pagpapakamatulain at pagpapakalalim; ang kalakhan ng pakay niya ay ang pagpapaabot ng mga kahulugang nagpapakinabang sa pinakamaliwanag na mga pagpapahayag at pinakamaiksi sa mga ito.
6. Nararapat na lumayo siya sa paggaya-gayang kinasusuklaman at kinukunyari at pagpapanggap ng mga personalidad ng mga khaṭīb na napatanyag sapagkat tunay na iyon ay nagbubunsod sa mga sarili ng kawalan ng kasiyahan at kaluguran.[169] [169] Tingnan: Uslūb Khuṭbah Al-Jumu`ah ni `Abdullāh bin Ḍayf Allāh Ar-Ruḥaylīy. p. 12, 20, 22), at Khamsūn Waṣīyah wa Waṣīyah Li-Takūn Khaṭīban Nājiḥan ni Amīr bin Muḥammad Al-Madarīy, p. 33, 73, 87.
Ang Ikasiyam na Usapin: Ang Layon ng Khuṭbah at ang mga Tunguhin Nito:
Nararapat na maglayon ang khuṭbah sa Biyernes ng pagsasakatotohanan ng mga sumusunod na layon:
1. Ang paglilinaw sa mga saligan ng Tawḥīd, kahalagahan nito, kainaman nito, at pagbibigay-babala laban sa Shirk sa lahat ng mga uri nito, mga anyo nito, at mga kaparaanan nito.
2. Ang pangangaral at ang pagpapaalaala hinggil kay Allāh, hinggil sa pagtutuos Niya, at ganti Niya sa Kabilang-buhay, at hinggil sa mga kahulugang makapanginoon na nabubuhay dahil sa mga ito ang mga puso; at ang pag-aanyaya tungo sa kabutihan, pag-uutos ng nakabubuti, at pagsaway sa nakasasama.
3. Ang pagpapaunawa sa mga Muslim at ang pagtuturo sa kanila ng mga katotohanan ng Relihiyon nila mula sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya) at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), kalakip ng pagmamalasakit sa kaayusan ng mga kaasalan at mga etiketa mula sa pagpapakalabis-labis at pagpapakulang.
4. Ang pagtutumpak sa mga maling pagkakaintindi tungkol sa Islām at ang pagtugon sa mga maling akala at mga kabulaanan na ibinubunsod ng mga katunggali nito para sa paglito ng mga isipan, sa isang istilong nakakumbinsi at marunong, na malayo sa mga pang-iinsulto at pang-aalipusta.
5. Ang pakikipagharap sa mga kaisipang mapangwasak at tagapagligaw ay sa pamamagitan ng paglalahad ng tumpak na Islām sa pagsasaalang-alang dito bilang orihinal na metodolohiya ng Kalipunang Islām na kinalugdan ni Allāh para rito at kinalugdan nito para sa sarili nito bilang relihiyon, kalakip ng pagtatampok sa mga katangian nito na pagkamasaklaw, pagkabalanse, kalaliman, at positibismo.
6. Ang pag-uugnay ng khuṭbah sa buhay at sa reyalidad na pinamumuhayan ng mga tao. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpokus sa paglulunas sa mga sakit ng lipunan at paghahain ng mga solusyon sa mga suliranin nito, habang humahango mula sa Islāmikong maningning na pagbabatas, kalakip ng pagbibigay ng pagmamalasakit sa paniniwala at pagsasaayos nito, sa mga haligi ng Islām at pananampalataya, sa mga pumapatungkol sa babae at pamilyang Muslim, at sa iba pa sa mga paksa na sumasaling sa pangangailangan ng mga tao sa mga ito.
7. Ang pagsasaalang-alang sa mga okasyong nagkakaiba-iba na nauulit sa buong taon, tulad ng Ramaḍān, ḥajj, at iba pa sa dalawang ito, na nagpapagana sa mga isipan ng mga tagapakinig at nagpapanabik sa kanila tungo sa isang pag-alam na nagbibigay-liwanag para sa kanila ng daan hinggil sa pumapatungkol dito.
8. Ang pagpapatibay ng kahulugan ng kapatirang Islāmiko sa pagitan ng mga Muslim at ang paglaban sa mga pagkagawi at mga pagkapanatikong panlahi, pansekta, panrehiyon, at iba pang nagpapawatak-watak sa mga Muslim.
Ang Ikasampung Usapin: Ang Paraan ng Paghahanda ng Khuṭbah:
Nararapat sa khaṭīb na magmalasakit sa paghahanda ng khuṭbah niya sa isang paghahandang mahusay at maglagay sa pagsasaalang-alang niya ng sumusunod:
Binubuo ang khuṭbah sa karaniwan sa tatlong bahagi: ang panimula, ang paksa, at ang pangwakas. Ang mga ito ay mga elementong hindi itinatahas sa sandali ng pagsusulat o paglalahad. Ang mga ito rin ay mga elementong nagkakasalabidan at nagkakatugmaan, na umaabot sa kahusayan nito ang pagkakaugnayan sa pagitan ng mga ito alinsunod sa kakayahan ng khaṭīb at kasaganahan ng kaalaman niya at karanasan niya para maorganisa ang mga bahagi ng khuṭbah at mapamahalaan ang pagkakabuo nito.
Ang pagkaorganisa at ang pagkaeksaktong ito ay gumagawa sa mga kahulugan na maging maliwang at sa mga pinapakay na maging nakahayag at gumagarantiya para sa tagapagsalita sa kagandahan ng pakikinig mula sa mga tagadinig sa kanya at kakumpletuhan ng pagkatawag-pansin mula sa mga nakikiupo sa kanya.
Ang panimula: Nararapat na magmalasakit ang khaṭīb sa panimula niya at pagsisimula niya. Maglalahad siya ng mga parirala ng pambungad na nagsisiwalat sa tagapakinig hinggil sa pinapakay ng khuṭbah, dahil pumupukaw ito ng pansin at naghahanda ito sa mga kaluluwa. Iyon ay maaaring dahil sa mga talata ng Qur'ān na pumipigil o naghihikayat o ilan sa mga pampropetang magaling na karunungan. Ang pagpapasimula ay ang una sa inilalahad ng khaṭīb sa mga tagapakinig niya. Kapag nakasorpresa siya sa kanila dahil sa kagandahan ng paghahain, makakakaya sila sa pakikipagsunuran sa natitira sa khuṭbah niya nang may silakbo at sigla.
Nararapat na maging nasa simula ng pananalita ang nagpapahiwatig sa layon ng tagapagsalita bagaman kabilang sa nalalaman na ang khuṭbah ng ṣalāh sa Biyernes ay pinasisimulan sa papuri kay Allāh, pagbubunyi sa Kanya, Dalawang Pagsaksi, at pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) kaya nagiging nasa mga pananalitang ito dahil sa kagandahan ng pagkapili ang nagpapahiwatig sa paksa ng khuṭbah at pinapakay nito.
Ang paksa: Ito ay ang pinakadakilang pinapakay ng khuṭbah. Maaaring maging bahagi ng naaangkop ang pagsasatahasan nito sa pasimula ng khuṭbah gaya ng pagsabi niya: "Nagnanais ako na magsalita sa inyo tungkol sa ganito ..." kapag ito ay kabilang sa mga usapin ng kasalukuyan na nasusuong dito ang lipunan at nagmimithi ng isang pananalitang nagbibigay-lunas.
Maaaring hindi minamaganda ang pagsasatahasan nito: maaaring dahil ito ay masalimuot o nagdudulot ng pagkakahati-hati ng mga tao. Sa lagay na ito ay nararapat na pumasok doon ang khaṭīb sa isang pagpasok na paunti-unti at talakayin siya nito sa isang pagtalakay na hindi direktahan upang makapagdala siya sa mga tagapakinig sa isang lohikal na pagkakasunud-sunod para humantong siya sa hangarin niya nang may pagkakatamtaman at pagkabalanse habang nangingilag sa pag-uudyok at pagkakahati-hati. Mula roon, makararating ang khaṭīb sa tunguhin niya na paghahanda sa mga sarili kung ang mga ito ay umaayaw sa kanya o kung ito ay isang usapin kaugnay sa iba sa nakamulatan ng mga sarili nila.
Ang paksa ng khuṭbah sa nakagawian ay nakabatay sa dalawang pangunahing haligi: ang pagpapaliwanag at ang pagpapatunay.
Hinggil naman sa pagpapaliwanag, ito ay sa pamamagitan ng pagbanggit sa pagbibigay-kahulugan sa paksang pinag-uusapan at pagbanggit sa mga katangian nito, mga kakanyahan nito, at mga kahigitan nito.
Hinggil naman sa pagpapatunay, kadalasang nangangailangan ang paksa ng kumakatig doon sa pamamagitan ng mga patunay, mga katwiran, mga ebidensiya, at mga pansaksi. Ang mga ito sa nakagawian ay anumang mula sa Qur'an, Sunnah, mga sabi ng Kanunu-nuan, pagsasaad ng ilan sa mga kaganapan at mga pangyayari mula sa aspeto ng pag-aanalohiya at pagsasaalang. Nagsasakabuluhan sa puntong ito ang pagsipi buhat sa mga tanyag sa mga imām at mga marunong nito, na kabilang sa mga nakilala sa kaayusan, imāmah, pagkamaginoo, pagtalikod sa kamunduhan, katapangan, at pangingilag sa mapaghihinalaan alinsunod sa hinihiling ng katayuan at nababagay sa masasabi.
Ang pangwakas ng khuṭbah: Matapos na makatapos ang khaṭīb sa paglalahad ng paksa niya, minamaganda na wakasan niya ang khuṭbah niya sa isang angkop na pangwakas, na nagtitipon ng mga kaisipan niya at nagbubuod sa paksa niya, sa mga naiibang pahayag at pinaiksing pamamaraan dahil ang pagpapahaba sa lagay na ito ay nagdudulot ng pagkabagot at nagpapagulo sa kaisipan.
Hindi nararapat na maglaman ito ng mga bagong kaisipan at mga bagong patunay dahil ito sa sandaling iyon ay hindi nagiging pangwakas at tanging isang bahagi ng khuṭbah at karugtong nito.
Ang pangwakas ay magiging malakas sa pagpapahayag nito at pag-epekto nito dahil ito ang kahuli-hulihan sa kumakatok sa pandinig ng tagapakinig at nananatili sa isipan niya. Kapag ito ay naging mahina sa pagkakabuo nito, matamlay sa pagkalahad nito, naaalis ang kabuluhan ng khuṭbah.
Maaaring ang pangwakas ay maging mga talata ng Qur'ān na hindi niya nailahad bago pa nito, na nagtitipon sa paksa niya sa pagpapaibig o pagpapasindak, o pagbibigay-patunay at pagpapatibay. Maaaring ito ay maging isang ḥadīth ng Propeta na nagsasakatuturan sa kung ano ang isinasakatuturan ng mga talata ng Qur'ān. Maaaring ito ay maging pag-uulit ng mga elemento ng khuṭbah sa isang istilong naiiba at sa isang pamamaraang masaklaw na maliwanag na may malakas na pag-epekto.
May dalawang usapin na nararapat sa khaṭīb ang magmalasakit sa dalawang ito. Ang dalawang ito ay ang kaisahan ng paksa, ang kabaguhan, at ang pagpapaiba.
Ang kaisahan ng paksa. Nararapat ang maglimita sa iisang paksa, na nilulubos ang mga elemento nito, ginagayakan ang mga salita nito, at pinalalalim ang pagtalakay nito dahil ang pagsasanga-sanga ng mga paksa at ang pagdami-dami ng mga usapin sa iisang katayuan ay nagpapagulo sa mga isipan, nagpapalimot sa isa't isa, at nag-aakay tungo sa nakasasawang pagpapahaba, malabong larawan, at kababawan ng pagtalakay.
Ang kabaguhan at ang pagpapaiba: Nangangahulugan iyon na ang mga khuṭbah niya sa kalahatan ng mga ito ay hindi maging mga paksang nauulit-ulit na hindi siya lumalabas buhat sa mga ito, bagkus magsasarisari siya sa mga paksa niya upang sumaklaw ang mga ito sa lahat ng mga usaping pangkapahayagan gaya ng Tawḥīd, mga pagsamba, mga transaksiyon, mga kaasalan, at iba pa sa mga ito.
Nararapat na hindi siya manatili sa iisang kalakaran sa istilo niya at pamamaraan ng pagpapahayag niya; bagkus ito ay maging pampagtatanong minsan, pampag-uulat minsan, paglalahad ng mga paghahalintulad, at pagsasaliksik ng mga karunungan at mga lihim, kasama ng hinihingi na pakikipamuhay sa reyalidad ng lipunan, pagsasaliksik ng mga pangangailangan ng mga tao, pagpapanuto sa kanila, at pagpapamulat sa kanila kasabay ng pag-aalinsunod sa epekto ng mga pag-iiba-iba sa kanila.[170] [170] Tingnan: Manhaj Fī I`dād Khuṭbah Al-Jumu`ah ni Dr. Ṣāliḥ bin `Abdullāh bin Ḥumayd, p. 22, at anumang matapos nito.
Ang Ikaapat na Tema: Ang mga kahatulan sa masjid
Ang Unang Usapin: Ang Pagbibigay-kahulugan sa Masjid
Ang masjid sa batas ng Islām ay ang anumang isinasagawa rito ang limang tungkuling ṣalāh, ang Jumu`ah, at ang iba pa. Ipinananawagan dito ang adhān. Tinawag itong masjid (patirapaan) dahil ito ay lugar para sa pagpapatirapa kay Allāh (napakataas Siya).
Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Masjid at ng Muṣallā
Ang masjid ay ang lugar na itinangi para sa mga isinatungkuling ṣalāh sa isang anyong palagian, na itinalaga para roon. Hinggil naman sa muṣallā, ito ay ang ginawa para sa ṣalāh na hindi regular, tulad ng mga muṣallā ng mga paaralan, mga institusyon, mga kumpanya, mga daan sa paglalakbay, at iba pa sa mga ito, at hindi itinalaga para sa limang ṣalāh. Hindi ibinibilang na sunnah ang pagsasagawa ng ṣalāh na taḥiyah masjid (pagbati sa masjid_ sa pagpasok sa muṣallā; ibinibilang lamang na sunnah ito sa pagpasok sa masjid.
Ang Ikalawang Paksa: Ang Pagpapatayo ng Masjid at ang Kainaman Nito
Ang mga masjid ay ang pinakamabuti sa mga lugar sa Lupa at ang pinakamarangal sa mga ito, na isinasagawa sa mga ito ang pinakamainam sa mga pagsamba. Ito ay ang ṣalāh. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sa mga bahay na nagpahintulot si Allāh na iangat at banggitin sa mga ito ang pangalan Niya, may nagluluwalhati sa Kanya sa mga ito sa umaga at mga gabi, na mga lalaking hindi nalilibang ng isang kalakalan ni isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh, na nangangamba sa isang araw na magpapalipat-lipat doon ang mga puso at ang mga paningin} (Qur'ān 24:36-37)
Nag-ugnay nga si Allāh (napakataas Siya) ng mga masjid sa sarili Niya bilang pag-uugnay ng pagpaparangal at pagpapadakila. Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pumigil [sa mga tao] sa mga masjid ni Allāh na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya...} (Qur'ān 2:114) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.} (Qur'ān 72:18)
Dahil dito, nagpaibig nga ang Sharī`ah sa pagpapatayo at pagtataguyod ng mga ito na pisikal at espirituwal. Kabilang doon: Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni Allāh ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagbigay ng zakāh, at hindi natakot maliban kay Allāh. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 9:18)
Ayon kay Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid na naghahangad sa pamamagitan nito ng [kaluguran ng] Mukha ni Allāh, magpapatayo si Allāh para sa kanya ng tulad nito sa Paraiso."} [171] [171] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 450, at Imām Muslim: 533.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid para kay Allāh, na gaya ng pugad ng isang ibong malakalapati o higit na maliit, magpapatayo si Allāh para sa kanya ng isang bahay sa Paraiso."} [172] [172] Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 738. Nagsabi si Al-Būṣīrīy sa Az-Zawā'id: 1/94) Ito ay isnād na tumpak.
Ang sabi pa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "...kahit pa man gaya ng pugad ng isang ibong malakalapati...} Ibig sabihin: Ang lugar na naaangkop sa inahing ibon, na bahagi ng lupa para sa mga itlog nito. Nagnais nga siya ng pagpapalabis sa kaliitan nang sa gayon walang manghamak na isa man sa ipinatayo na mga masjid, kahit pa man sukdulan sa kaliitan.
Maaaring mapabilang doon ang sinumang nakiambag sa pagpapatayo nito kahit pa man sa pamamagitan ng laryo o putik, o gumawa rito sa pamamagitan ng kamay niya, o nagbayad ng upa ng mga manggagawa, at tulad niyon na kabilang sa gawain na iniuugnay sa gumawa nito. Siya ay umalalay sa pagpapatayo ng masjid sa pamamagitan ng sarili niya o yaman niya, habang umaasa at naghahangad ng pabuyang inireresulta roon: na magpatayo si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng tulad nito o ng higit na maluwag kaysa rito yayamang tunay na ang bahay sa Paraiso ay hindi maikukumpara sa anumang nasa Mundo at walang paghahambing sa pagitan ng dalawa. Iyon ay kabilang sa nag-uudyok sa kanya si Allāh sa pagmamabilis tungo sa mga kabutihan at pagsamantala sa oportunidad sa buhay na ito. Kaya nakapagpapauna siya para sa Kabilang-buhay niya ng anumang matatagpuan niya ang pabuya rito, na pinag-ibayo sa ganang Panginoon niya nang maraming pag-iibayo.[173] [173] Tingnan: Fuṣūl wa Masā'il Tata`allaqu bi Al-Masājid ni Shaykh Ibnu Jibrīn (Kaawaan Siya ni Allāh), p. 14.
Ang Ikatlong Paksa: Ang Pagtataguyod ng mga Masjid at ang Kainaman Nito
Ang pagtataguyod ng mga masjid sa pangkalahatang kahulugan nito ay sumasaklaw sa pagtataguyod ayon sa dalawang uri nito, na pisikal at espirituwal. Ito ay sumasaklaw sa pagpapatayo ng mga masjid; pagkukumpuni sa mga ito; pagpapailaw sa mga ito; pagkakarpet sa mga ito; pagseserbisyo sa mga ito; paglilinis sa mga ito; pagsamba kay Allāh sa mga ito; pagtatalaga ng mga imām at mga mu'adhdhin para sa mga ito; pagbubukas ng pangkatang pag-aaral sa mga ito na pagtuturo ng Qur'ān, Fiqh, Tafsīr, Ḥadīth, at iba pa sa mga ito na mga kaalamang nagpapakinabang; pagdudulot ng mga panustos sa mga manggagawa sa mga ito; at paglalaan (waqf) para sa mga ito ng anumang may dulot na kapakanan para sa mga ito, gaya ng paglalaan ng mga tirahan para sa imām, mu'adhdhin, tagapagturo, at mga mag-aaral ng kaalaman sa mga ito; pagpapagawa ng mga pinagsasagawaan ng wuḍū'; at iba pa roon kabilang sa mga kapakanan ng mga ito.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni Allāh ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagbigay ng zakāh, at hindi natakot maliban kay Allāh. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 9:18)
Kaya pinagtibay nga ng marangal na āyah ang pananampalataya para sa sinumang nagtaguyod sa mga masjid sa pamamagitan ng pagdarasal sa mga ito, paglilinis sa mga ito, at pagsasaayos sa anumang rumupok mula sa mga ito.[174] [174] Tingnan: Al-Mashrū` wa Al-Mamnū` fī Al-Masjid ni Muhammad Al-`Arfaj, p. 9.
Ang Ikaapat na Paksa: Ang Pagsasabanal sa mga Masjid at ang Pangangalaga sa mga Ito Laban sa mga Karumihan
Yayamang ang mga masjid ay mga lugar ng pagsamba at pagpapakalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagtalima, nasaad ang pag-uutos ng pangangalaga sa mga ito at pag-iingat sa mga ito laban sa mga kasalaulaan, mga karumihan, at mga dumi upang magtamo ang mga ito ng kalinisan, kagandahan, at karikitan.
Nagsabi si Shaykh Ibnu Sa`dīy (kaawaan siya ni Allāh), sa sandali ng pagpapakahulugan ng sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Sa mga bahay na nagpahintulot si Allāh na iangat at banggitin sa mga ito ang pangalan Niya, may nagluluwalhati sa Kanya sa mga ito sa umaga at mga gabi} (Qur'ān 24:36), kaugnay sa: {... na iangat at banggitin sa mga ito ang pangalan Niya ...}: "Ang dalawang ito ay ang kabuuan ng mga patakaran sa masjid. Napaloloob sa pag-aangat sa mga ito ang pagpapatayo ng mga ito, ang pagwawalis sa mga ito, ang paglilinis sa mga ito mula sa mga karumihan at mga perhuwisyo, at ang pangangalaga sa mga ito laban sa mga baliw at mga bata na hindi nag-iingat sa mga karumihan at laban sa mga tagatangging sumampalataya;] at ang pangangalaga laban sa kabalbalan sa mga ito at pagtataas ng mga tinig nang walang pagsambit ng dhikr kay Allāh."[175] [175] Tafsīr As-Sa`dīy, p. 569.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May babaing itim na nagkakalaykay sa masjid – ibig sabihin: nagwawalis dito – saka nakapansin ng pagkawala nito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagtanong siya hinggil rito saka nagsabi silang namatay ito. Nagsabi naman siya: "Bakit hindi kayo nagpahayag sa akin?" Sinabi: Para bang sila ay nagmamaliit sa lagay nito. Kaya nagsabi siya: "Gabayan ninyo ako sa libingan niya." Kaya gumabay sila sa kanya saka nagdasal siya para rito. Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na ang mga libingang ito ay napuno ng kadiliman para sa mga nakahimlay sa mga ito at tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay magbibigay-liwanag para sa kanila dahil sa pagdarasal ko para sa kanila."} [176] [176] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 460, at Imām Muslim: 956.
Napagtibay nga ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagsabi: {Samantalang kami ay nasa masjid kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), biglang may dumating na isang Arabeng-disyerto saka tumayo ito para umiihi sa masjid. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag, huwag." Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyo siyang awatin." Ibig sabihin: Huwag ninyong putulin sa kanya ang pag-ihi niya. Hayaan ninyo siya." Kaya iniwan nila ito hanggang sa nakaihi ito. Pagkatapos tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay tumawag sa kanya saka nagsabi sa kanya: "Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop sa anuman mula sa ihing ito ni dumi. Tanging ang mga ito ay ukol sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdarasal, at pagbigkas ng Qur'ān." Kaya nag-utos siya sa isang lalaki kabilang sa mga tao saka nagdala ito ng isang timba ng tubig saka isinaboy ito roon, ibig sabihin: ibinuhos ito roon.}[177] [177] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 219, nang pabuod, at si Imām Muslim: 285.
Walang pagsalungat na ang ihi at ang tulad nito ay kabilang sa mga karumihan na pinangangalagaan laban sa mga ito ang mga masjid na isinasakundisyon ang kadalisayan ng mga ito. Pinangangalagaan ang mga masjid, ang mga nakalatag sa mga ito, at ang anumang nakakapit sa mga ito na mga patyo, mga kalatagan, at tulad ng mga ito laban sa lahat ng mga karumihan. Dinadalisay ang mga ito kapag may bumagsak ritong anuman mula roon.
Gayundin, nasaad ang pagdadalisay sa mga ito buhat sa mga kasalaulaan gaya ng dahak, uhog, laway, dugo, nana, at tulad ng mga ito sapagkat ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng sipon sa [bandang] qiblah. Humirap iyon sa kanya hanggang sa nakita ito sa mukha niya. Tumayo siya at kinuskos niya ito ng kamay niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang isa sa inyo, kapag tumayo siya sa pagdarasal niya, tunay na siya ay nakikipagniig sa Panginoon niya – o tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at ng qiblah. Kaya huwag ngang dumura ang isa sa inyo sa harap ng qiblah niya subalit sa gawing kaliwa niya o sa ilalim ng mga paa niya. Pagkatapos kinuha ang gilid ng balabal niya suka dumura rito, pagkatapos tumupi siya ng isang bahagi nito sa isang bahagi saka nagsabi siya: "O gumawa siya ng ganito."} [178] [178] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 405, at Imām Muslim: 551.
May maraming ḥadīth na nagpapatunay sa pagsaway laban sa pagdura at pagdahak sa masjid. Nasaad sa ilan sa mga ḥadīth na ito ang pagsaway sa pagdura sa harap ng qiblah o sa dakong kanan at ang pagpapahintulot sa pagdura sa dakong kaliwa o sa ilalim ng kaliwang paa, pagkatapos kukuskusin ito ng paa. Walang duda na ang dura at ang sipon ay kabilang sa minamarumi sa kalikasang pantao. Dahil doon, nagalit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nakakita siya ng dura sa harap ng qiblah ng masjid hanggang sa namula ang mukha niya at nagmabilis siya sa pagkuskos nito, pagkatapos ay pagsaboy sa lugar nito ng [tubig na may] pabango o asapran.
Nalaman nga na ang masjid, kapag ito ay ipinatayo yari sa putik, ay madali ang pagkuskos dito, at na ang sahig ay yari sa lupa na maaari ang pagbaon ng anumang bumagsak dito o ang pagpapalabas ng lupa nitong minamarumi.
Yayamang tunay na ang mga masjid sa mga panahong ito ay naging nalapatan ng baldosa at nalatagan kadalasan ng malinis na karpet na nababahiran ng karumihan at kasalaulaan at nakalilitaw rito ang bakas ng sipon, dugo. nana, at tulad niyon, naging isinakakailangan ang pagpigil sa pagdura sa mga ito sa lapag nang walang-pasubali, maging sa mga karpet o sa mga dingding o sa mga baldosa. Ang sinumang mapipilitan sa pagdura o pagdahak, kailangan sa kanya na lumabas dahil doon o dumura sa tissue at maglabas nito o sa gilid ng damit niya at magtupi ng isang bahagi nito sa isang bahagi gaya ng nabanggit sa ḥadīth, nang sa gayon manatili ang masjid na malinis na kaaya-aya.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nag-utos ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatayo ng mga masjid sa mga kabahayan at na linisin at pabanguhan ang mga ito.} Nagsabi si Sufyān: "Ang pagpapatayo ng mga masjid sa mga kabahayan ay tumutukoy sa mga tribo."[179] [179] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 594). Tingnan: Fuṣūl wa Masā'il Tata`allaq bi Al-Masājid, p. 27.
Ang Ikalimang Paksa: Ang Hatol sa Pagpapatayo ng Masjid sa Ibabaw ng Libingan o ang Pagpapasok ng Libingan sa Masjid
Hindi pinapayagan ang pagpapatayo ng masjid sa ibabaw ng libingan ng alinmang tao maging sino man siya sapagkat tunay na ito ay sinasaway. Nagsabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah (kaawaan nawa siya ni Allāh): Nagkasang-ayon ang mga imām na walang ipatatayong isang masjid sa ibabaw ng isang libingan dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang mga [taong] bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan bilang mga simbahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na ako ay sumaway sa inyo laban doon."
"Hindi pinapayagan ang paglilibing ng isang patay sa isang masjid. Kung ang masjid ay bago ng paglilibing, iibahin ito: maaaring sa pamamagitan ng pagpapatag sa puntod o sa pamamagitan ng paghuhukay nito kung ito ay bago pa.
Kung ang masjid ay ipinatayo matapos ng libingan, maaaring alisin ang masjid o alisin ang anyo ng libingan. Ang masjid na nasa ibabaw ng libingan ay hindi dinadasalan ng isang farḍ (tungkulin) ni isang nafl (kusang-loob) sapagkat tunay na ito ay sinasaway."[180] [180] Majmū` Al-Fatāwā: 22/194.
Kabilang sa mga patunay ukol doon bukod sa binanggit ni Shaykh Al-Islām (kaawaan siya ni Allāh): Ayon kina `Āishah at `Abdullāh bin `Abbās na nagsabi: {Noong pinalala [ang sakit] sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)," ibig sabihin: bumaba sa kanya ang kamatayan, "nagsimula siyang maglagay ng damit niya sa mukha niya, ngunit kapag suminghap siya dahil dito ay hinahawi niya ito palayo sa mukha niya, saka nagsabi siya habang siya ay ganoon: "Ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga Hudyo at mga Kristiyano; gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Nagbibigay-babala siya sa tulad ng ginawa nila.[181] [181] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 435, at Imām Muslim: 531.
Kaya naglinaw nga Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nasa mga bingit ng kamatayan, na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumumpa sa mga Hudyo at mga Kristiyano dahil sa paggawa nila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.Naglinaw siya na iyon ay kabilang sa nakagawian ng mga naunang tagatangging sumampalataya. Iyon ay upang makapag-ingat ang Kalipunan niya laban sa pakikiwangis sa kanila at upang mapinid sa kanila ang pinto ng pagtatambal kay Allāh at pagsamba sa iba pa sa Kanya.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya: {Sina Ummu Ḥabībah at Ummu Salamah ay bumanggit ng isang simbahang nakita nila sa Etyopya na nasa loob nito ay may mga larawan, saka bumanggit silang dalawa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga iyon, kapag nasa kanila ang maayos na tao saka namatay ito, ay nagpapatayo sa ibabaw ng libingan niya ng isang sambahan at nagsasaimahen doon ng mga imaheng iyon. Kaya ang mga iyon ay masasamang nilikha sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon."} [182] [182] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 427, at Imām Muslim: 528.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasakit niya na hindi siya nakabangon mula roon: "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Kung hindi dahil doon, iniusli sana ang libingan niya, gayon pa man natakot siya na gawin ito bilang isang masjid.[183] [183] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1390, at Imām Muslim: 529.
Ang Ikaanim na Paksa: Ang kahatulan sa Pagpapalamuti sa mga Masjid
Hindi nararapat ang pagpapalamuti sa mga masjid at ang pagpapayabangan sa mga ito sapagkat bumanggit nga si Imām Al-Bukhārīy ayon kay `Abdullāh Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Talagang magpapalamuti nga kayo ng mga ito gaya ng pagpapalamuti ng mga Hudyo at mga Kristiyano.}
Ayon naman kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Magpapayabangan sila sa mga ito, pagkatapos hindi sila magtataguyod ng mga ito kundi nang kaunti.}
Nabanggit ayon kay `Umar na siya ay nag-utos ng pagpapatayo ng mga masjid at nagsabi: "Magpasilong ka sa mga tao mula sa ulan at kaingat ka na magpapula o magpadilaw para makaligalig sa mga tao."[184] [184] Bumanggit ng mga ulat na ito si Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya nang nakaugnay sa anyo ng pagtitiyak: 1/96-97.
Dumami nga ang pagpapayabangan sa mga panahong ito sa mga masjid. Nagmalabis ang mga tao sa pagpapalamuti sa mga ito at sa dami ng paggugol sa mga ito. Nagbigay-payo nga ang mga pantas hinggil sa pagpayag sa pagpapagara sa mga ito kapag pinagara ang mga tirahan at ang mga tahanan nang sa gayon ang mga masjid ay hindi maging pangit na hamak sa paghahambing sa mga bahay at mga tahanan. Subalit gawin ito nang walang pagmamalabis at pagpapakalabis-labis sa palamuti, mga kulay, at mga pintura, at pagsasarisari sa kung ano ang ginagasta sa mga ito na mga seramika, mga baldosa, at mga karpet na kabilang sa walang pangangailangan doon, sa kabila ng kaalaman na may mga masjid na nasa isang pangangailangan ng isang pinakamababang pagtataguyod. Kaya nararapat na gastahin ang mga yaman sa pagtataguyod sa mga masjid na iyon.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Masjid sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ipinatayo sa pamamagitan ng tisa. Ang bubong nito ay yari sa palapa. Ang mga haligi nito ay kahoy ng punong datiles. Hindi nagdagdag dito si Abū Bakr ng anuman. Nagdagdag dito si `Umar at nagpatayo siya nito batay sa pagkakapatayo nito sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng tisa at palapa. Nagpanumbalik siya sa mga haligi nito bilang kahoy. Pagkatapos nagpaiba nito si `Uthmān sapagkat nagdagdag siya rito ng maraming karagdagan. Nagpatayo siya ng dingding nito sa pamamagitan ng mga batong dinisenyuhan at apog. Ginawa niya ang mga haligi nito mula sa mga batong dinisenyuhan at ang bubong nito ay yari sa [kahoy na] teka.}[185] [185] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 446.
Nagsabi si Al-`Allāmah `Abdul`azīz bin Bāz (kaawaan siya ni Allāh): "Ang ginawa ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ay nagpapatunay sa pagpapaganda ng masjid sa pamamagitan ng mga batong dinisenyuhan, mga kahoy na kaaya-aya, at apog, na tumutukoy sa pagpipintura ng dingding. Walang masama roon, kahit pa ang buhay ng mga Kanunu-nuan ay naging higit na marapat at higit na mainam. Subalit kapag nagpaganda ang mga tao ng mga tirahan nila, umayaw sila sa mga lumang gusali, at ang pag-iwan sa masjid sa lumang kalagayan nito ay maaaring magpalayo ng loob nila sa pagdarasal at pagtitipon sa mga masjid, walang masama na gawin ang tulad ng ginawa ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) para sa pagpapaibig sa mga masjid. Hinggil naman sa pagpaparangyaan, huwag gawin. Kinasusuklaman na may isulat sa masjid, kaya ang higit na marapat ay maging payak ito."[186] [186] Isang pagsipi mula sa Al-Masājid ni Al-Qaḥṭānīy, p. 71.
Ang Ikapitong Paksa: Ang Hatol sa Pagpasok ng Tagatangging-sumampalataya sa Masjid al-Ḥaram
Ipinagbabawal sa mga Muslim na magbigay-kakayahan sa alinmang tagatangging-sumampalataya sa pagpasok sa Masjid na Pinakababanal (Masjid al-Ḥaram) at anumang nasa paligid nito mula sa Ḥaram (Binanal na Lugar). Ang batayang panuntunan dito ay ang sabi ni Allāh: {O mga sumampalataya, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang kaya huwag silang lumapit sa Masjid na Pinakababanal matapos ng taon nilang ito ...} (Qur'ān 9:28) Hinggil naman sa mga iba pang masjid, kapag ang pagpasok nila ay para sa isang isinasabatas na layunin, walang masama roon, tulad ng pagtatanong tungkol sa Islām o gawaing nauugnay sa masjid o sa mga kapakanan ng mga Muslim o makinig ng pangaral o pumasok para sa isang pinapayagang bagay tulad ng pag-inom mula sa tubig na matatagpuan sa loob ng masjid. Sa tulad ng mga kalagayang ito, pinapayagan iyon dahil ipinagapos nga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) si Thumāmah bin Uthāl sa haligi ng masjid. Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang kabayuhan patungo sa Najd saka naghatid naman ito [sa Madīnah] ng isang lalaking kabilang sa angkan ng Ḥanīfah, na tinatawag na Thumāmah bin Uthāl. Iginapos nila ito sa isang haliging kabilang sa mga haligi ng Masjid. Lumabas papunta roon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Ano ang mayroon ka, O Thumāmah?" Nagsabi naman ito: "Mayroon akong kabutihan, O Muḥammad. Kung papatayin mo ako, papatay ka ng isang may dugo [na ipaghihiganti]. Kung magpapaginhawa ka, magpapaginhawa ka sa isang mapagpasalamat. Kung ikaw ay naging nagnanais ng yaman, humiling ka mula rito ng anumang niloob mo." Kaya iniwan niya ito hanggang sa sumapit ang umaga ...} Bahagi ng ḥadīth.[187] [187] Napagkasang-ayunan sa katumpakan nito.
Pumasok sa Masjid ang delegasyon ng Najrān, na mga Kristiyano.[188] Pumasok si Ḍimām bin Tha`labah sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa Masjid sapagkat ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "Anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo."... hanggang sa nagsabi ito: Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."} [189] [188] Napagkasang-ayunan sa katumpakan nito. [189] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Tingnan: Majmū‘ Fatāwā wa Maqālāt Ibni Bāz, Tomo 8: Ang hatol sa pagpasok ng mga tagatangging sumampalataya sa mga masjid; at Fatāwā Al-Lajnah Ad-Dā'imah, 6/276.
Ito ang nakayanan naming ilahad hinggil sa kinakailangan ng mu'adhdhin, imām, at khaṭīb; at sa mga patakaran sa mga masjid. Nagtatagubilin kami sa mu'adhdhin, sa imām, at sa khaṭīb ng pangingilag magkasala kay Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan), pagseseryoso sa paghahanap ng kaalaman at pagpapalaganap nito, at pagmamalasakit doon.
Heto, at nasa kay Allāh ang pagtutuon. Basbasan Mo, O Allāh, at pangalagaan Mo ang Propeta naming si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya sa kalahatan. Ang kahuli-hulihan sa panalangin namin ay ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ilan sa mga sangguniang makabuluhan para sa mu'adhdhin, imām, at khaṭīb:
Al-Adhān wa Al-Iqāmah (Ang Adhān at ang Iqāmah ) ni Dr. Saeed bin Ali bin Wahf Al-Qahtani, Tagapaglathala: Palimbagang Safeer, Riyadh.
Aḥkām Al-Imāmah wa Al-I'timām fī Aṣ-Ṣalāh (Ang mga Patakaran ng Pamumuno at Pagpapakapinamumunuan sa Ṣalāh) ni Dr. Abdul Muhsin Al-Munif.
Al-Imāmah fī Aṣ-Ṣalāh fī Ḍaw' Al-Kitāb wa As-Sunnah (Ang Pamumuno sa Ṣalāh sa Tanglaw ng Qur'an at Sunnah) ni Saeed bin Ali bin Wahf Al-Qahtani.
Uslūb Khuṭbah Al-Jumu`ah (Ang Istilo ng Khuṭbah sa Biyernes) ni Abdullah bin Dhaifullah Al-Ruhaili, Tagapaglathala: Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Al-Imāmah fī Aṣ-Ṣalāh – Mafhūm wa Faḍā'il wa Anwā` wa Ādāb wa Aḥkām fī Ḍaw' Al-Kitāb wa As-Sunnah (Ang Pamumuno sa Ṣalāh – Konsepto, mga Kainaman, mga Uri, mga Etiketa, at mga Patakaran sa Tanglaw ng Qur'ān at Sunnah) ni Dr. Sa'id bin Ali bin Wahf Al-Qahtani, Tagapaglathala: Palimbagan ng Safir, Riyadh.
Khuṭab Al-Jumu`ah wa Mas'ūliyāt Al-Khuṭabā' (Ang mga Khuṭbah sa Biyernes at ang mga Pananagutan ng mga Khaṭīb), inihanda ng Konseho ng Pag-aanyaya at Pagpapatnubay, Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Pagpapatnubay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Khuṭbah Al-Jumu`ah fī Ḍaw' Al-Kitāb wa As-Sunnah (Ang Khuṭbah sa Biyernes sa Tanglaw ng Qur'ān at Sunnah) ni Abd Al-Rahman bin Muhammad Al-Hamad, Tagapaglathala: Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Khuṭbah Al-Jumu`ah wa Aḥkāmuhā Al-Fiqhīyah (Ang Khuṭbah sa Biyernes at ang mga Patakaran Nito na Pamfiqh) ni Abdul Aziz bin Muhammad bin Abdullah Al-Hujailan, Tagapaglathala: Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Khuṭbah Al-Jumu`ah wa Dawruhā fī Tarbiyah Al-Ummah (Ang Khuṭbah sa Biyernes at ang Papel Nito sa Paghuhubog sa Ummah) ni Abdul Ghani Ahmad Jabr Muzhir, Tagapaglathala: Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Khamsūn Waṣīyah wa Waṣīyah Li-Takūn Khaṭīban Nājiḥan (Limampu't Isang Tagubilin Upang Ikaw ay Maging Matagumpay na Khaṭīb) ni Amir bin Muhammad Al-Madari. Ito ay inilathala sa website ng Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Ṣalāh Al-Jumu`ah – Mafhūm wa Shurūṭ wa Faḍā'il wa Khaṣā'iṣ wa Ādāb wa Aḥkām fī Ḍaw' Al-Kitāb wa As-Sunnah (Ang Ṣalāh sa Biyernes – Konsepto, mga Kundisyon, mga Kainaman, mga Katangian, mga Etiketa, at mga Patakaran sa Tanglaw ng Qur'ān at Sunnah) ni Dr. Saeed bin Ali bin Wahf Al-Qahtani, Tagapaglathala: Palimbagan ng Safeer, Riyadh.
Minbar Al-Jumu`ah Amānah wa Al-Mas'ūlīyah (Ang Pulpito ng Biyernes ay Ipinagkatiwalang Tungkulin at Pananagutan) ni Abdullah bin Muhammad bin Humayyid, Tagapaglathala: Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Manhaj fī I`dād Khuṭbah Al-Jumu`h (Metodo sa Paghahanda ng Khuṭbah sa Biyernes) ni Dr. Salih bin Abdullah bin Humaid, Tagapaglathala: Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, Pag-aanyaya, at Paggabay, Kaharian ng Saudi Arabia.
Rasā'il li Al-A'immah wa Al-Mu'adhdhinīn (Mga Mensahe Para sa mga Imām at mga Mu'adhdhin) ni Shaykh 'Abdullāh bin Ṣāliḥ Al-Fawzān, Dār Ibn Al-Jawzīy.
Risālah ilā A'immah Al-Masjid wa Al-Mu'adhdhinīn wa Al-Ma'mūmīn (Mensahe sa mga Imām ng mga Masjid, mga Mu'adhdhin, at mga Ma'mūm) ni Shaykh Abdullah bin JarAllāh Al-JarAllāh.
Mawsū`ah Al-Fiqh Al-Kuwaytīyah (Ensiklopedya ng Fiqh ng Kuwait) at Abwāb Al-Khuṭbah, Al-Imāmah, Al-Adhān, at Masājid (Ang mga Kabanata ng Khuṭbah, Pamumuno, Adhān, at mga Masjid).
Related books
All books
Si Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb, ang Pag-anyaya Niya at Talambuhay Niya.11 wikaSi Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb, ang Pag-anyaya Niya at Talambuhay Niya.
Pag-aakda ni `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at biyayaan Niya ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, at ang pinili Niya mula sa nilikha Niya, ang Ginoo natin at ang Pinuno natin na si Muḥammad bin `Abdullāh, at gayon din ang mga Kasamahan niya at ang sinumang nakipagtangkilikan sa kanya. Hinggil sa matapos niyon, O mga mainam na kapatid, O mga mahal na anak, ang pinaikling panayam na ito ay inihahandog ko sa harapan ninyo bilang pagbibigay-liwanag sa mga isip, bilang pagpapaliwanag sa mga…
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh, ang mga Haligi Nito, at ang mga Kinakailangan Dito11 wikaAng mga Kundisyon ng Ṣalāh, ang mga Haligi Nito, at ang mga Kinakailangan Dito
Pag-aakda ni Shaykh Al-Islām, ang Tagapagpanariwa, si Imām Muḥammad bin `Abdilwahhāb – kaawaan siya ni Allāh. 1115-1206 AH (1703-1792 CE) Nagsiyasat nito, nagbigay-pansin dito, at nagsadokumento ng mga ḥadīth nito ang nangangailangan kay Allāh (napakataas Siya): Si Dr. Sa`īd bin `Alīy bin Wahaf Al-Qaḥṭānīy Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ilan sa mga Patakarang Pang-Fiqh sa Pagdadalisay, Pagdarasal, at Paglilibing16 wikaIlan sa mga Patakarang Pang-Fiqh sa Pagdadalisay, Pagdarasal, at Paglilibing
Ang aklat na "Ilan sa mga Patakarang PangFiqh sa Pagdadalisay, Pagdarasal, at Paglilibing" ni Shaykh `Allāmah Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn (kaawaan siya ni Allāh) ay nagbibigay-linaw nang may kaliwanagan sa pagsambang Pagdadalisay, Pagdarasal, at Paglilibing, na nakasalig sa Qur'ān at Sunnah at naglalayon ng pagbibigay-kakayahan sa Muslim sa pagganap ng mga pagsamba niya batay sa isang pagkatalos sang-ayon sa metodolohiya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagbubuklod sa pagitan ng pagpapagaan at pagpapakalimitado at humihimok sa pagpapakawagas at pakikipagsunuran…
Ang Kainaman ng Islām11 wikaAng Kainaman ng Islām
Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb Paksa: Ang Pagkakailangan ng Islām Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.}[1] (Qur'ān 3:85) Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya): {Na ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya.}[2] (Qur'ān 6:153) [1] (Qur'ān 3:85) [2] (Qur'ān 6:153) Nagsabi si Mujāhid: "Ang mga [ibang] landas ay ang…