الإمام محمد بن عبد الوهاب دعوته وسيرته
كتاب "الإمام محمد بن عبد الوهاب: دعوته وسيرته" للشيخ عبد العزيز بن باز يستعرض الكتاب حياة الشيخ محمد بن عبد الوهاب ودعوته الإصلاحية في القرن الثاني عشر الهجري.
Si Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb, ang Pag-anyaya Niya at Talambuhay Niya.
Pag-aakda ni `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at biyayaan Niya ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, at ang pinili Niya mula sa nilikha Niya, ang Ginoo natin at ang Pinuno natin na si Muḥammad bin `Abdullāh, at gayon din ang mga Kasamahan niya at ang sinumang nakipagtangkilikan sa kanya.
Hinggil sa matapos niyon, O mga mainam na kapatid, O mga mahal na anak, ang pinaikling panayam na ito ay inihahandog ko sa harapan ninyo bilang pagbibigay-liwanag sa mga isip, bilang pagpapaliwanag sa mga katotohanan, bilang katapatan para kay Allāh at para sa mga lingkod Niya, at bilang pagsasagawa sa ilan sa kinakailangan sa akin na tungkulin sa kinakapanayam. Ang panayam na ito ay pinamagatang: Si Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb, ang Pag-anyaya Niya at Talambuhay Niya.
Yayamang ang pag-uusap tungkol sa mga repormador, mga tagapag-anyaya, at mga tagapagpanariwa; ang pagpapaalaala hinggil sa mga kapuri-puring kalagayan nila at mga katangian nila at mga maringal na gawa nila; at ang pagliliwanag sa talambuhay na nagpapatunay sa pagpapakawagas nila at sa katapatan nila sa pag-aanyaya nila at reporma nila; yayamang ang pag-uusap tungkol sa mga repormador na tinutukoy na ito at tungkol sa mga kaasalan nila, mga gawain nila, at talambuhay nila ay kabilang sa pinananabikan ng mga sarili, kinapapanatagan ng mga puso, at naiibigan pakinggan ng bawat mapanibughuin sa relihiyon at bawat nakaiibig sa reporma at pag-aanyaya tungo sa landas ng katotohanan, naisip ko na magsalita sa inyo tungkol sa isang dakilang lalaki, isang malaking repormador, at isang mapanibughuing tagapag-anyaya. Hindi ba at siya ay ang Shaykh na Tagapanariwa ng Islām sa Arabya sa Ikalabindalawang Siglong Hijrah Nabawīyah, si Imām Muḥammad bin `Abdullāh bin Sulaymān bin `Alīy At-Tamīmīy Al-Ḥanbalīy.
Talaga nga nakilala ng mga tao ang imām na ito, lalo na ng mga maalam nila, mga pinuno nila, mga malaking tao nila, at mga prominenteng tao nila sa Arabya at sa labas nito. Talaga ngang sumulat ang mga tao tungkol sa kanya ng maraming lathalaing nasa pagitan ng pinaikli at pinahabang akda. Talaga ngang may nagbukod-tangi sa kanya na maraming tao sa mga lathalain. Pati na ang mga oryentalista ay sumulat tungkol sa kanya ng maraming lathalain. Sumulat tungkol sa kanya ang mga iba pa sa sandali ng mga pagsusulat nila tungkol sa mga repormador at sa sandali ng mga pagsusulat nila kaugnay sa kasaysayan. Naglarawan sa kanya ang mga nagpapakamakatarungan kabilang sa kanila na siya ay isang dakilang repormador, na siya ay isang tagapagpanariwa ng Islām, at na siya ay nasa patnubay at liwanag mula sa Panginoon niya. Tunay na ang pagbibilang sa kanila ay lubhang humihirap.
Kabilang sa kabuuan nila ang malaking manunulat na si Abū Bakr Ash-Shaykh Ḥusayn Ghannām Al-Iḥsā'īy. Sumulat siya tungkol sa Shaykh na ito, na nagpakahusay at nagpanuto. Bumanggit siya ng talambuhay nito at mga pakikipaglaban nito. Nagpalawig siya sa pagtalakay niyon at sumulat ng marami sa mga sanaysay at mga paghihinuha niya mula sa Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kabilang sa kanila rin si Shaykh `Uthmān bin Bashar sa Aklat niyang `Unwān Al-Majd (Pinakasagisag ng Karingalan) sapagkat nagsulat din siya tungkol sa Shaykh na ito, tungkol sa pag-aanyaya nito, tungkol sa talambuhay nito, tungkol sa kasaysayan ng buhay nito, at tungkol sa mga pakikipaglaban nito at pakikibaka nito. Kabilang sa kanila sa labas ng Arabya si Doktor Aḥmad Amīn sa aklat niyang Zu`amā' Al-Iṣlāḥ (Mga Pinuno ng Reporma) sapagkat sumulat nga siya tungkol dito at nagpakamakatarungan. Kabilang sa kanila ang malaking shaykh na si Mas`ūd An-Nadwīy sapagkat nagsulat siya tungkol sa Shaykh at tumawag dito na: Ang Inaping Repormador. Sumulat siya tungkol sa talambuhay nito at nagpakahusay roon. Sumulat tungkol dito ang mga iba pa. Kabilang sa kanila ang malaking shaykh na si Amir Muḥammad bin Ismā`īl Aṣ-Ṣan`ānīy sapagkat sumulat siya sa panahon niya. Siya nga noon ay ayon sa pag-aanyaya ng Shaykh sapagkat noong umabot sa kanya ang pag-aanyaya nito, ikinagalak niya iyon at nagpuri siya kay Allāh dahil doon.
Gayon din, sumulat tungkol sa Shaykh ang malaking pantas na si Shaykh Muḥmmad bin `Alīy Ash-Shawkānīy, ang may-akda ng Nayl Al-Awṭār (Pagtamo ng mga Hangarin), at itinaghoy niya ito sa isang dakilang talumpating panaghoy. Sumulat tungkol sa kanya ang isang pulutong ng iba pa sa mga ito na nakikilala ng mga mambabasa at mga maalam. Kaugnay sa pagiging marami ng mga tao na maaaring nalilingid sa kanila ang kalagayan ng taong ito, ang talambuhay nito, at ang pag-aanyaya nito, naisip ko na mag-ambag ako sa paglilinaw sa kalagayan ng taong ito at sa taglay nito na magandang talambuhay, maayos na pag-aanyaya, at tapat na pakikibaka, at na magpaliwanag ako nang kaunti mula sa nalaman ko tungkol sa imām na ito upang makapagwari-wari kaugnay sa nauukol dito ang sinumang may kaunting pagkalito o kaunting pagdududa sa kalagayan ng taong ito, pag-aanyaya nito, at anumang taglay nito. Ipinanganak ang imām na ito noong taong 1115 Hijrah. Iyan ay ang napatanyag hinggil sa kapanganakan niya – ang awa ni Allāh ay sumakanya – at sinasabi ring noong taong 1111 Hijrah. Ang kilala ay ang una: na siya ay ipinanganak noong taong 1115 Hijrah (1703 CE) – sumakanya ang pinakamainam na basbas at ang pinakaganap na pagbati.
Natuto siya sa ama niya sa bayan ng Al-`Uyaynah. Ang bayang ito ay ang lupang tinubuan niya – ang awa ni Allāh ay sumakanya. Ito ay isang pamayanang kilala sa Al-Yamāmah sa Najd, sa hilagang kanluran ng lungsod ng Riyadh. Sa pagitan nito at ng Riyadh ay may distansiyang 70 kilometro. Ipinanganak siya rito – ang awa ni Allāh ay sumakanya. Lumaki siya nang isang paglaking maayos. Nakabasa siya ng Qur'ān nang maaga. Nagsikap siya sa pag-aaral at pagpapakadalubhasa sa fiqh sa ama niyang si Shaykh `Abdulwahhāb bin Sulaymān, na noon ay isang malaking faqīh, isang may-kakayahang maalam, at isang hukom sa bayan ng Al-`Uyaynah. Pagkatapos matapos ng pagsapit sa pagbibinata, nagsagawa siya ng ḥajj at nagsadya sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh. Nag-aral siya sa ilan sa mga maalam sa Maharlikang Pinagbanalan (Makkah). Pagkatapos dumako siya sa Madīnah – sumakanya na nanirahan doon ang pinakamainam na basbas at pangangalaga – saka nakisama siya sa mga maalam doon at nanatili siya roon nang isang yugto. Nag-aral sa dalawang malaking tanyag na maalam sa Madīnah sa panahong iyon: Sina Shaykh `Abdullāh bin Ibrāhīm bin Sayf An-Najdīy, na ang pinag-ugatan ay ang Al-Majma`ah at ang ama ni Shaykh Ibrāhīm bin `Abdullāh na may-akda ng Al-`Adhb Al-Fā'iḍ Fī `Ilm Al-Farā'iḍ (Ang Tamis na Nag-uumapaw sa Kaalaman sa mga Pamana), at Muḥammad Ḥayāh As-Sindīy. Ang dalawang maalam na ito ay kabilang sa napatanyag ang pag-aaral ng Shaykh sa kanila sa Madīnah. Marahil siya ay nag-aral sa iba pa sa kanilang dalawa kabilang sa hindi natin nakikilala.
Lumisan ang Shaykh patungong Iraq para maghanap ng kaalaman. Nagsadya siya sa Al-Baṣrah. Nakisama sa mga maalam doon at nag-aral sa kanila ng niloob ni Allāh na kaalaman. Nagpahayag siya ng paanyaya roon sa Tawḥīd at nag-anyaya sa mga tao sa Sunnah. Nagpahayag siya sa mga tao na ang kinakailangan sa lahat ng mga Muslim ay na kumuha sila ng relihiyon nila buhat sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo ni Allāh (ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya). Tumalakay siya at nag-aral nito. Nakipagtalakayan siya roon sa mga maalam. May napatanyag mula sa mga guro niya roon na isang taong ang pangalan ay Shaykh Muḥammad Al-Maj`mū`īy. Nag-alsa rito ang ilan sa mga maalam ng kasagwaan sa Al-Baṣrah. May nangyari sa kanya at sa nabanggit na guro niya na ilang pananakit kaya lumisan siya dahil doon. Bahagi ng layunin niya na magsadya sa Sirya ngunit hindi niya nakaya iyon dahil sa kawalan ng sapat na panggugol kaya lumisan siya mula Al-Baṣrah patungong Az-Zubayr at tumuon siya mula sa Az-Zubayr patungong Al-Aḥsā'. Nakisama siya sa mga maalam doon at nag-aral sa kanila kaugnay sa mga nauukol sa mga batayan ng relihiyon. Pagkatapos tumuon siya sa bayan ng Ḥuraymalā'. Iyon (si Allāh ay higit na nakaaalam) ay noong ikalimang dekada ng ikalabindalawang siglong Hijrah. Dahil ang ama niya noon ay isang hukom sa Al-`Uyaynah at nagkaroon sa pagitan nito at ng pinuno ng bayang ito ng isang tunggalian kaya naman lumipat ito sa Ḥuraymalā buhat dito noong taong 1139 Hijrah. Kaya naman pumunta si Shaykh Muḥammad sa ama niya sa Ḥuraymalā' matapos ng paglipat nito roon noong taong 1139 Hijrah. Kaya ang pagpunta niya sa Ḥuraymalā' ay noong taong 1140 Hijrah o matapos nito at tumigil siya roon. Hindi siya natigil sa pagiging abala sa pagkamit ng kaalaman, pagtuturo, at pag-aanyaya sa Ḥuraymalā' hanggang sa mamatay ang ama niya noong taong 1153 Hijrah. May nangyaring isang kasamaan laban sa kanya mula sa ilan sa mga mamamayan ng Ḥuraymalā'. Nagbalak pa ang ilan sa mga hamak doon na kitilin siya. Sinasabi na inakyat siya sa pader ng ilan sa kanila. Nakaalam sa kanila ang ilan sa mga tao kaya tumakas sila. Matapos niyon ay lumisan ang Shaykh patungong Al-`Uyaynah – ang awa ni Allāh ay sumakanya.
Ang mga kadahilanan ng galit ng mga hamak na ito sa kanya ay dahil siya ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway ng nakasasama. Hinihimok niya ang mga pinuno na magparusa sa mga salarin na naniniil sa mga tao sa pamamagitan ng pangangamkam, pandarambong, at pananakit. Ang mga hamak na ito ay tinatawag na mga alipin doon. Noong napag-alaman nila mula sa Shaykh na siya ay laban sa kanila, na siya ay hindi nalulugod sa mga gawain nila, at na siya ay nag-uudyok sa mga pinuno na magpataw ng mga kaparusahan sa kanila at pigilan ang kasamaan nila, nagalit sila sa kanya at nagbalak sila na kitilin siya. Ngunit pinangalagaan siya ni Allāh at ipinagsanggalang. Pagkatapos lumipat siya sa bayan ng Al-`Uyaynah. Ang pinuno nito ng panahong iyon ay si `Uthmān bin Nāṣir bin Mu`ammar. Nanuluyan siya rito. Tinanggap siya ng pinuno at nagsabi sa kanya: "Magsagawa ka ng pag-aanyaya tungo kay Allāh at kami ay kasama mo at mga tagapag-adya mo." Nagpakita ito sa kanya ng kabutihan, pag-ibig, at pagsang-ayon sa kung ano ang nasa kanya.
Kaya nagpakaabala ang Shaykh sa pagtuturo, paggabay, pag-aanyaya tungo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), at pagpapanuto sa mga tao sa kabutihan at pag-ibig alang-alang kay Allāh: sa mga kalalakihan nila at mga kababaihan nila. Napatanyag siya sa Al-`Uyaynah at lumaki ang reputasyon niya. Pumunta sa kanya ang mga tao mula sa mga karatig nayon. Minsan isang araw, nagsabi ang Shaykh sa Pinunong si `Uthmān: "Hayaan mo kami na magwasak ng kupola ni Zayd bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat tunay na ito ay itinayo nang walang patnubay at tunay na si Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) ay hindi nalulugod sa gawaing ito. Ang Sugo (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay sumaway laban sa pagtatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan at paggawa ng mga masjid sa ibabaw ng mga ito. Ang kupolang ito ay tumukso sa mga tao at nagpabago ng mga paniniwala. Nangyari dahil dito ang Shirk kaya kinakailangan ang pagwasak nito." Nagsabi ang pinuno na walang hadlang doon. Ngunit nagsabi ang Shaykh: "Tunay na ako ay natatakot na mag-alsa ang mga mamamayan ng Al-Jabīlah." Ang Al-Jabīlah ay isang nayon doon na malapit sa libingan. Kaya pumunta si `Uthmān doon at may kasama siyang mga kawal na umaabot ang bilang sa 600 manlalaban para wasakin ang kupola. Kasama nila ang Shaykh – ang awa ni Allāh ay sumakanya. Noong nalapit sila sa kupola, lumabas ang mga mamamayan ng Al-Jabīlah noong nakarinig sila hinggil doon upang iadya ito at ipagsanggalang ito. Ngunit noong nakita nila ang pinunong si `Uthmān at ang mga kasama nito, nagpigil sila at umurong doon. Kaya isinagawa ng Shaykh ang pagwasak niyon at ang pag-alis niyon. Kaya inalis iyon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pamamagitan ng mga kamay niya – ang awa ni Allāh ay sumakanya. Bumanggit tayo ng isang sulyap tungkol sa kalagayan ng Najd bago ng pagbangon ng Shaykh – ang awa ni Allāh ay sumakanya – at tungkol sa mga kadahilanan ng pagbangon niya at pag-aanyaya niya.
Ang mga mamamayan ng Najd noon, bago ng pag-aanyaya ng Shaykh, ay nasa isang kalagayang hindi kalulugdan ng isang mananampalataya. Ang Malaking Shirk noon ay sumulpot nga at lumaganap nga hanggang sa sinamba ang mga kupola, sinamba ang mga punong-kahoy, sinamba ang mga bato, sinamba ang mga yungib, sinamba ang mga nag-aangkin ng pagkawalīy gayong kabilang sa mga sintu-sinto, at sinamba ang mga iba pa kay Allāh na mga taong nag-aangkin ng pagkawalīy gayong sila ay kabilang sa mga baliw na mga nauulol na walang pang-unawang taglay sa kanila. Napatanyag sa Najd ang mga manggagaway at ang mga manghuhula at ang pagtatanong sa kanila at ang paniniwala sa kanila. Wala roong isang nagmamasama maliban sa niloob ni Allāh. Nanaig sa mga tao ang pagtuon sa kamunduhan at ang mga ninanasa rito. Nangaunti ang naninindigan para kay Allāh at ang nag-aadya para sa Relihiyon ni Allāh. Gayon din sa Makkah at Madīnah. Sa Yemen naman ay napatanyag sa gayon ang Shirk, ang pagpapatayo ng mga kupola sa mga libingan, at ang pagdalangin sa mga walīy at ang pagpapasaklolo sa kanila; at nasa Yemen ang maraming bagay kabilang sa gayon. Sa mga bayan ng Najd ang hindi maisa-isa kabilang sa gayon: pagsamba ng libingan, ng yungib, ng punong-kahoy, at ng nauulol at baliw, na dinadalanginan bukod pa kay Allāh, pinagpapasaklolohan, at pinag-aalayan ng mga alay na inilalagay sa mga panulukan ng mga bahay, dala ng paghahangad sa tulong nila at dala ng pangamba sa kasamaan nila. Kaya noong nakita ng Shaykh Imām ang Shirk na ito, ang paglitaw nito sa mga tao, at ang kawalan ng pagkakaroon ng nagmamasama niyon at nagsasagawa ng pag-aanyaya tungo kay Allāh kaugnay roon, nagsimula siya sa pagkilos at nagtiis sa pag-aanyaya. Alam niya na kailangan ng isang pakikibaka, isang pagtitiis, at isang pagbata sa pananakit. Kaya nagseryoso siya sa pagtuturo, pagpapanuto, at paggabay habang siya ay nasa Al-`Uyaynah at sa pakikipagsulatan sa mga maalam kaugnay roon at pakikipag-aralan kasama sa kanila sa paghahangad na manindigan sila kasama sa kanya sa pag-aadya sa Relihiyon ni Allāh at pakikipagpunyagi sa Shirk na ito at mga pamahiing ito. Kaya sumagot naman sa paanyaya niya ang marami sa mga maalam ng Najd, mga maalam ng Makkah at Madīnah, mga maalam ng Yemen, at mga iba pa sa kanila. Sumulat sila sa kanya ng pagsang-ayon. May sumalungat na mga iba pa, may mga namintas sa ipinaanyaya niya, may mga namula sa kanila, at may mga lumayo sa kanya. Ang mga ito ay nasa dalawang lagay: mayroon mangmang na mapamahiing hindi nakakikilala sa Relihiyon ni Allāh at hindi nakakikilala sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at nakakikilala lamang ng kinagisnan ng mga magulang at mga ninuno na kamangmangan, pagkaligaw, Shirk, mga bid`ah, at mga pamahiin, gaya ng sinabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) tungkol sa mga tulad ng mga iyon: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad." (Qur'ān 43:23) May iba pang pangkating kabilang sa mga nauugnay sa kaalaman na tumutol sa kanya dala ng pakikipagmatigasan at dala ng inggit upang hindi magsabi ang madla: "Ano ang nangyari sa inyo na hindi kayo nagmasama sa amin ng bagay na ito? Bakit dumating ang Anak ni `Abdulwahhāb at naging nasa katotohanan samantalang kayo ay mga maalam at hindi kayo nagmasama ng kabulaanang ito?" Kaya nainggit sila sa kanya at napahiya sila sa madla. Nagpakita sila ng pakikipagmatigasan sa katotohanan bilang pagtatangi sa pangmadalian sa halip ng pangmatagalan at bilang pagtulad sa mga Hudyo sa pagtatangi ng mga ito sa Mundo sa halip ng Kabilang-buhay. Humihiling tayo ng pangangalaga at kaligtasan.
Hinggil naman sa Shaykh, nagtiis siya, nagseryoso siya sa pag-aanyaya, at nagpasigla sa kanya ang sinumang nagpasigla sa kanya kabilang sa mga maalam at mga prominenteng tao sa loob at labas ng Arabya. Kaya nagtika siya niyon at nagpatulong siya sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Tumuon siya bago niyon sa Aklat ni Allāh. Nagkaroon siya ng kainaman sa pagpapaliwanag sa Aklat ni Allāh at paghuhulo mula rito. Tumuon din siya sa talambuhay ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at talambuhay ng mga Kasamahan nito. Nagseryoso siya kaugnay roon at nakapagwari-wari kaugnay rito hanggang sa nakatalos siya mula roon ng nakatulong sa kanya at nagpatatag sa kanya sa katotohanan kaya nagsimula siya sa pagkilos at nagtika sa pag-aanyaya at pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao. Nakipagsulatan siya sa mga pinuno at mga maalam kaugnay roon at hinayaang mangyari kaugnay roon ang mangyayari.
Kaya naman isinakatuparan para sa kanya ni Allāh ang mga kaaya-ayang mithiin, ipinalaganap sa pamamagitan niya ang paanyaya, at inalalayan sa pamamagitan niya ang katotohanan. Naghanda si Allāh para sa kanya ng mga tagapag-adya, mga tagapag-alalay, at mga katulong hanggang sa nangibabaw ang Relihiyon ni Allāh at tumaas ang Salita ni Allāh. Kaya nagpatuloy ang Shaykh sa pag-aanyaya sa Al-`Uyaynah sa pamamagitan ng pagtuturo at paggabay. Nagsimula siya sa pagkilos sa pamamagitan ng paggawa at pag-aalis ng mga bakas ng Shirk sa pamamagitan ng paggawa [ng mga hakbang] noong nakita niya na ang pag-aanyaya ay hindi nakaaapekto. Nagsagawa siya ng pag-aanyaya sa praktikal na paraan upang maalis sa pamamagitan ng kamay niya ang madaling maalis at ang posibleng maalis mula sa mga bakas ng Shirk. Nagsabi ang Shaykh sa Pinunong `Uthmān bin Mu`ammar: "Kailangan ng pagwasak ng kupolang ito na nasa ibabaw ng libingan ni Zayd bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya)." Siya ay ang kapatid ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb, ang Pinuno ng mga Mananampalataya – malugod si Allāh (napakataas Siya) sa lahat. Siya ay kabilang sa kabuuan ng mga martir sa pakikipaglaban kay Musaylamah, ang Palasinungaling, noong taong 12 ng Paglikas ng Propeta. Siya ay kabilang sa pinatay roon. Ipinatayo sa libingan niya ang kupola ayon sa binabanggit nila. Maaaring ito ay libingan ng iba sa kanya subalit ito, ayon sa binabanggit nila, ay libingan niya. Sumang-ayon naman si `Uthmān [sa panukala ng Shaykh] gaya ng naunang nabanggit at winasak ang kupola ayon sa isang mabuting layunin, isang tuwid na pakay, at isang pag-aadya para sa katotohanan. Mayroong iba pang mga libingan, na kabilang sa mga ito ay isang libingang sinasabing ito ay libingan daw ni Ḍirār bin Al-Azwar. Sa ibabaw nito ay may isang kupolang winasak din. Mayroong iba pang mga dambana na inalis ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Doon ay may mga yungib at mga punong-kahoy na sinasamba bukod pa kay Allāh (kapita-pitagan Siya at pagkataas-taas) kaya inalis ang mga ito, winakasan ang mga ito, at binigyang-babala ang mga tao tungkol sa mga ito.
Ang tinutukoy ay na ang Shaykh ay nagpatuloy – ang awa ni Allāh ay sumakanya – sa pag-aanyaya sa salita at sa gawa gaya ng naunang nabanggit. Pagkatapos tunay na ang Shaykh ay pinuntahan ng isang babae at umamin ito nang ilang ulit sa harap niya ng pangangalunya. Nagtanong siya tungkol sa katinuan ng pag-iisip nito saka sinabi sa kanya na ito ay matino ang pag-iisip at walang anuman dito. Kaya noong nagpasya ang babae sa pag-amin, hindi ito bumawi sa pag-amin nito, at hindi ito nag-angkin dahil sa pamimilit ni dahil sa paghihinala at ito ay nakapag-asawa na, nag-utos ang Shaykh – ang awa ni Allāh ay sumakanya – na batuhin ito. Kaya binato naman ito ayon sa utos niya noong nasa sandali siya ng pagiging isang hukom sa Al-`Uyaynah kaya napatanyag siya matapos niyon dahil sa pagwasak sa kupola, dahil sa pagbato sa babae, at dahil sa dakilang pag-aanyaya tungo kay Allāh at paglikas ng mga lumikas patungong Al-`Uyaynah.
Umabot sa pinuno ng Al-Aḥsā' at mga sakop nito kabilang sa lipi ni Khālid Sulaymān Ibnu `Uray`ir Al-Khālidīy ang pumapatungkol sa Shaykh, na siya ay nag-aanyaya tungo kay Allāh, na siya ay nagwawasak ng mga kupola, at na siya ay nagpapatupad ng mga takdang parusa. Kaya bumigat sa Badawīy na ito ang lagay ng Shaykh dahil kabilang sa kaugalian ng mga Badawīy – maliban sa mga pinatnubayan ni Allāh – ang mangahas sa kawalang-katarungan, ang magpadanak ng dugo, ang mangamkam ng mga ari-arian, at ang lumabag sa mga pinakababanal. Natakot ang pinunong iyon na ang shaykh na ito ay dadakila sa kalagayan at mag-aalis ng kapamahalaan sa pinunong Badawīy [na ito]. Kaya naman sumulat siya kay `Uthmān para magbanta roon at mag-utos doon na patayin ang mutawwi`(tagapagpatalima) na ito na nasa piling niyon sa Al-`Uyaynah at nagsabi siya: "Tunay na ang mutawwi` na nasa piling ninyo ay may nakaabot sa amin tungkol sa kanya na ganito at gayon! Kaya patayin mo siya o puputulin namin sa iyo ang buwis sa iyo na nasa amin!" May hawak siya para sa Pinunong `Uthmān na isang buwis na ginto kaya bumigat kay `Uthmān ang utos ng pinunong ito at nangamba siya, kung susuway siya rito, na putulin nito sa kanya ang buwis sa kanya o makipagdigmaan ito sa kanya. Kaya nagsabi siya sa Shaykh: "Tunay na ang pinunong ito ay sumulat sa amin ng ganito at gayon. Tunay na hindi minamabuti para sa amin na patayin ka namin. Tunay na kami ay nangangamba sa pinunong ito at hindi nakakakaya sa pakikipagdigmaan sa kanya. Kaya kapag nagturing ka na [makabubuting] lumisan ka sa amin ay gawin mo." Kaya nagsabi ang Shaykh: "Tunay na ang ipinaaanyaya ko ay ang Relihiyon ni Allāh, ang pagsasakatuparan sa adhikaing walang Diyos kundi si Allāh, at ang pagsasakatuparan sa pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Kaya ang sinumang kumapit sa Relihiyong ito, nag-adya rito, at naniwala kaugnay roon, mag-aadya sa kanya si Allāh, susuporta sa kanya, at magtatalaga sa kanya bilang pinuno sa mga bayan ng mga kaaway niya. Kaya kung magtitiis ka, magpapakatuwid ka, at tatanggap ka sa kabutihang ito, magalak ka sapagkat mag-aadya sa iyo si Allāh, magsasanggalang Siya sa iyo laban sa Badawīy na ito at iba pa rito, at magtatalaga sa iyo si Allāh bilang pinuno sa bayan niyon at angkan niyon." Kaya nagsabi ang Pinuno: "O Shaykh, tunay na kami ay hindi nakakakaya sa pakikidigmaan sa kanya at walang pagtitiis para sa amin para sa pakikipagsalungatan sa kanya." Kaya lumisan ang Shaykh sa sandaling iyon at lumipat mula sa Al-`Uyaynah patungo sa Ad-Dir`īyah. Pumunta siya roon na naglalakad ayon sa nabanggit nila hanggang sa dumating siya roon sa pagtatapos ng maghapon samantalang lumisan siya mula Al-`Uyaynah sa pagsisimula ng umaga nang naglalakad. Hindi siya pinasakay [sa sasakyang hayop] ni `Uthmān. Dumating siya sa isang taong kabilang sa mabubuti roon, sa pinakamataas na bahagi ng bayan, na ang pangalan ay Muḥammad bin Suwaylim Al-`Uraynīy. Tumuloy ang Shaykh sa taong ito. Sinasabi na ang lalaking ito ay nangamba sa pagtuloy sa kanya ng Shaykh. [Para bang] sumikip sa kanya ang lupa sa kabila ng luwang nito. Nangamba siya sa Pinuno ng Ad-Dir`īyah na si Muḥammad bin Sa`ūd kaya nagpahinahon sa kanya ang Shaykh at nagsabi sa kanya: "Magalak ka sa isang kabutihan. Itong ipinaaanyaya ko sa mga tao ay ang Relihiyon ni Allāh. Pangingibabawin ito ni Allāh." Umabot kay Muḥammad bin Sa`ūd ang balita hinggil kay Shaykh Muḥammad. Sinasabi na ang nagbalita sa kanya ay ang maybahay niya. Pumunta sa maybahay niya ang isa sa mga maaayos na tao at nagsabi rito: "Balitaan mo si Muḥammad hinggil sa lalaking ito. Himukin mo siya na tanggapin ang paanyaya nito. Udyukan mo siya sa pagsuporta rito at pag-alalay rito." Ang maybahay ay isang maayos na kaaya-ayang babae. Kaya noong pumasok sa maybahay ang asawa nitong si Muḥammad bin Sa`ūd, ang Pinuno ng Ad-Dir`īyah at mga bayang nasasakupan nito, nagsabi ang maybahay sa asawa: "Magalak ka sa dakilang kaloob na ito! Ito ay isang kaloob na inakay ni Allāh sa iyo: Isang lalaking tagapag-anyaya na nag-aanya tungo sa Relihiyon ni Allāh, na nag-aanyaya tungo sa Aklat ni Allāh, na nag-aanyaya tungo sa Sunnah ng Sugo ni Allāh (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Kay inam na kaloob ito! Magdali-dali ka sa pagtanggap sa kanya. Magdali-dali ka sa pag-adya sa kanya. Huwag kang tumigil doon magpakailanman." Kaya tinanggap ng pinuno ang pagpapayo ng maybahay. Pagkatapos ay nag-atubili siya kung pupunta kaya siya sa Shaykh o mag-aanyaya siya rito sa kanya? Kaya ipinahiwatig sa kanya. Sinasabi na ang maybahay rin ang nagpahiwatig sa kanya kasama ng isang pangkat ng mga maayos na tao. Nagsabi sila sa kanya: "Hindi nararapat na mag-anyaya ka sa kanya papunta sa iyo. Bagkus nararapat na magsadya ka sa kanya sa tinutuluyan niya, na magsadya ka mismo sa kanya, at na magdakila ka sa kaalaman at tagapag-anyaya tungo sa kabutihan." Kaya tumugon siya sa [payong] iyon yayamang nagtakda si Allāh para sa kanya ng kaligayahan at kabutihan bilang awa sa kanya at nagparangal sa pagkalinga sa kanya. Kaya pumunta siya sa Shaykh sa bahay ni Muḥammad bin Suwaylim. Nagsadya siya sa Shaykh, bumati roon, kumausap doon, at nagsabi roon: "O Shaykh Muḥammad, magalak ka sa pag-aadya, magalak ka sa katiwasayan, at magalak ka sa pag-alalay." Kaya nagsabi naman sa kanya ang Shaykh: "At ikaw ay magalak din sa pag-aadya, pagbibigay-kapangyarihan, at kapuri-puring kahihinatnan. Ito ay ang Relihiyon ni Allāh. Ang sinumang nag-adya rito ay mag-aadya sa kanya si Allāh. Ang sinumang sumuporta rito ay susuporta sa kanya si Allāh. Makatatagpo ka ng mga epekto niyon nang mabilis." Kaya nagsabi ang Pinuno: "O Shaykh, magpapahayag ako ng katapatan sa iyo sa Relihiyon ni Allāh at ng Sugo Niya at sa pakikibaka sa landas Niya. Subalit ako ay natatakot na kapag sumuporta kami sa iyo, nag-adya kami sa iyo, at nagpangibabaw sa iyo si Allāh laban sa mga kaaway ng Islām ay na maghangad ka ng iba pa sa lupain namin at na lumipat ka palayo sa amin sa iba pang lupain." Kaya nagsabi ang Shaykh: "Hindi. Nagpapahayag ako ng katapatan sa iyo rito. Nagpapahayag ako ng katapatan sa iyo na dugo sa dugo at pagkawasak sa pagkawasak. Hindi ako lilisan sa bayan mo magpakailanman." Kaya nagpahayag ang Shaykh ng katapatan sa Pinuno sa pag-aadya at sa pananatili sa bayan at na siya ay mananatili sa piling ng Pinuno para umalalay sa kanya at makibaka kasama sa kanya sa landas ni Allāh hanggang sa mangibabaw ang Relihiyon ni Allāh. Nalubos ang pagpapahayag ng katapatan doon. Nagdatingan ang mga tao sa Ad-Dir`īyah mula sa bawat lugar: mula sa Al-`Uyaynah, `Irqah, Manfūḥah, Riyadh, at iba pa rito kabilang sa mga karatig bayan. Hindi natigil ang Ad-Dir`īyah sa pagiging isang pook ng paglikas na nililikasan ng mga tao mula sa bawat lugar. Nagkarinigan ang mga tao hinggil sa mga ulat hinggil sa Shaykh, mga aralin niya sa Ad-Dir`īyah, pag-aanyaya niya tungo kay Allāh, at paggabay niya tungo kay Allāh. Pumunta sila nang magkakasama at nang magkakahiwalay. Kaya nanatili ang Shaykh sa Ad-Dir`īyah na dinadakila, na sinusuportahan, na inaadya. Naghanda siya sa Ad-Dir`īyah ng mga aralin sa mga `aqīdah, sa Marangal na Qur'ān, sa tafsīr, sa fiqh, ḥadīth at terminolohiya nito, mga kaalamang pangwikang `Arabe at pangkasaysayan, at iba pa roon kabilang sa mga napakikinabangang kaalaman.
Nagdatingan ang mga tao sa Shaykh mula sa bawat lugar. Natuto sa kanya sa Ad-Dir`īyah ang mga kabataan at ang iba pa sa kanila. Naghanda siya para sa mga tao ng maraming aralin para sa mga madla at mga pili. Nagpalaganap siya ng kaalaman sa Ad-Dir`īyah at nagpatuloy siya sa pag-aanyaya. Pagkatapos nagsimula siya sa pakikibaka. Nakipagsulatan siya sa mga tao para sa paglahok sa larangang ito at pag-aalis ng Shirk na nasa mga bayan nila. Nagsimula siya sa mga mamamayan ng Najd. Nakipagsulatan siya sa mga pinuno nito at mga maalam nito. Nakipagsulatan siya sa mga maalam ng Riyadh at pinuno nito na si Dahhām bin Dawwās. Nakipagsulatan siya sa mga maalam ng Al-Kharj at mga pinuno nito, at sa mga maalam ng mga bayan sa timog, Al-Qaṣīm, Ḥā’il, Al-Washm, Sudayr, at iba pa roon. Hindi siya natigil sa pakikipagsulatan sa kanila at pakikipagsulatan sa mga maalam nila at mga pinuno nila, gayon din sa mga maalam ng Al-Aḥsā’, Makkah, at Madīnah; at gayon din sa mga maalam sa labas [ng Arabya] sa Ehipto, Sirya, Iraq, Indiya, Yemen, at iba pa roon. Hindi siya natigil sa pakikipagsulatan sa mga tao, at nagpapatuloy siya sa pagpapatibay ng mga pruweba. Nagpapaalaala siya sa mga tao ng kinasadlakan ng higit na marami sa mga tao na Shirk at mga bid`ah. Ito ay hindi nangangahulugan na walang mga tagapag-adya para sa relihiyon; bagkus mayroong mga tagapag-adya. Si Allāh (kapita-pitagan Siya at pagkataas-taas) ay naggarantiya sa relihiyong [Islām na] ito na hindi mawawalan para rito ng tagapag-adya. Hindi natitigil na may isang pangkatin sa kalipunang ito [ng Islām] na sa katotohanan ay inaadya, gaya ng sinabi ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), sapagkat may mga tagapag-adya para sa katotohanan sa maraming rehiyon subalit ang pag-uusap sa ngayon ay tungkol sa Najd. Sa Najd noon ay may kasamaan, katiwalian, Shirk, at mga pamahiin na walang makabilang kundi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), bagamat doon ay may mga maalam na may kabutihan subalit hindi naitakda sa kanila na magsipag sila sa pag-aanyaya at magsagawa nito gaya ng nararapat.
Mayroon din sa Yemen at iba pa sa Yemen na mga tagapag-anyaya tungo sa katotohanan at mga tagapag-adya na nakakilala na sa Shirk na ito at mga pamahiing ito subalit hindi nagtakda si Allāh para sa pag-aanya nila ng tagumpay na itinakda Niya para sa pag-aanya ni Shaykh Muḥammad dahil sa maraming kadahilanan. Kabilang sa mga ito ang kawalan ng pagkakaroon ng tagapag-adyang tagaalalay sa kanila. Kabilang din sa mga ito ang kawalan ng pagtitiyaga sa marami sa mga tagapag-anyaya at ang [kawalan ng] pagtitiis sa pasakit alang-alang sa landas ni Allāh.
Kabilang din sa mga ito ang kakauntian ng mga kaalaman ng ilan sa mga tagapag-anyaya, na kakayanin sa pamamagitan ng mga ito na magpanuto sa mga tao sa pamamagitan ng mga istilong naaangkop, mga pananalitang nababagay, at kaalaman at pangangaral na maganda. Kabilang din sa mga ito ang mga iba pang kadahilanang hindi ang mga kadahilanang ito. Dahilan sa maraming pakikipagsulatan at liham na ito at pakikibaka, napatanyag ang kalagayan ng Shaykh at ang kalagayan ng pag-aanyaya. Nakipag-ugnayan ang mga liham niya sa mga maalam sa loob ng Arabya at labas nito. May naapektuhan dahil sa pag-aanyaya na maraming pangkat ng mga tao sa Indiya, sa Indonesya, sa Afghanistan, sa Afrika, sa Moroko, at gayon din sa Ehipto, Sirya, at Iraq. Doon noon ay may maraming tagapag-anyaya na may pagkakilala sa katotohanan at pag-aanyaya tungo rito. Kaya noong umabot sa kanila ang pag-aanyaya ng Shaykh, nadagdagan ang sigla nila at ang lakas nila at napatanyag sila sa pag-aanyaya. Hindi natigil ang pag-aanya ng Shaykh sa pagtanyag at paglitaw sa gitna ng Mundong Islāmiko at iba pa. Pagkatapos sa huling bahagi ng panahong ito inilimbag ang mga aklat niya at ang mga liham niya at ang mga aklat ng mga anak niya, mga apo niya, mga tagapag-adya niya, at mga katulong niya kabilang sa mga maalam ng mga Muslim sa Arabya at labas nito. Gayon din, inilimbag ang mga aklat na isinulat hinggil sa pag-aanyaya niya, talambuhay niya, at mga kalagayan ng mga tagapag-adya niya hanggang sa napatanyag ang mga ito sa gitna ng mga tao sa karamihan sa mga rehiyon at mga pook. Alam natin na sa bawat biyaya ay may naiinggit at na sa bawat tagapag-anyaya ay may maraming kaaway gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): "Gayon gumawa Kami para sa bawat propeta ng kaaway na mga demonyo ng tao at jinn, na nagkakasi ang iba sa kanila sa iba pa ng palamuti ng sinasabi bilang panlilinlang. Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila," (Qur'ān 6:112) Kaya noong napatanyag ang Shaykh sa pag-aanyaya, sumulat ng maraming sulat, umakda ng maraming mahalagang aklat, nagpalaganap ng mga ito sa mga tao, at nakipagsulatan sa mga maalam, may lumitaw naman na maraming pangkat ng mga naiinggit sa kanya at mga sumasalungat sa kanya at may lumitaw rin na mga iba pang kaaway.
Ang mga kaaway niya at ang mga kaalitan niya ay naging dalawang uri: isang uri na nakikipag-away sa kanya sa ngalan ng kaalaman at relihiyon at isang uri na nakikipag-away sa kanya sa ngalan ng pulitika, subalit nagkubli sila sa [likod ng] kaalaman, nagkubli sila sa ngalan ng relihiyon, at nagsamantala sila sa pangangaway ng mga nakipag-away sa kanya kabilang sa mga maalam na naglantad ng pangangaway nila. Nagsabi sila: "Tunay na siya ay nasa hindi katotohanan at tunay na siya ay ganoon at ganoon." Ang Shaykh – ang awa ni Allāh ay sumakanya – ay nagpapatuloy sa pag-aanyaya, na nag-aalis ng maling akala, naglilinaw ng patunay, at naggagabay sa mga tao tungo sa mga katotohanan ayon sa mga kalagayan nito mula sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Nito (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Minsan naman nagsasabi sila: "Tunay na siya ay kabilang sa Khawārij." Magkaminsan naman nagsasabi sila: "Sumisira siya sa pagkakaisa ng hatol at nag-aangkin siya ng walang-takdang ijtihād (malayang paghahatol) at hindi siya pumapansin sa nauna sa kanya na mga maalam at mga dalubhasa sa batas." Magkaminsan naman nagpaparatang sila sa kanya ng mga iba pang bagay. Walang iba iyon kundi dahil sa kakauntian ng kaalaman ng isang pangkatin kabilang sa kanila. May isang pangkating gumaya-gaya sa iba at sumalig sa iba. May isa pang pangkating nangamba para sa mga puwesto nito kaya nakipag-away sa kanya dahil sa pulitika, nagkubli sa ngalan ng Islām at Relihiyon, at sumalig sa mga sinasabi ng mga nag-uulyanin at mga nanliligaw.
Ang mga kaalitan, sa reyalidad, ay tatlong uri. May [isang uri ng] mga maalam na nag-uulyanin na nagtuturing sa katotohanan bilang kabulaanan at sa kabulaanan bilang katotohanan, naniniwala sila na isang relihiyon at isang kapatnubayan ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan, ang paggawa ng mga masjid sa ibabaw ng mga ito, ang pagdalangin sa mga ito bukod pa kay Allāh at ang pagpapasaklolo sa mga ito, at ang tulad niyon; at naniniwala sila na ang sinumang nagkaila niyon ay namuhi nga sa mga maayos na tao at namuhi sa mga walīy at ito ay isang kaaway na kinakailangan ang makibaka laban dito.
May isa pang uri na mga nauugnay sa kaalaman, na naging mangmang sa katotohanan hinggil sa Shaykh at hindi kumilala sa kanya ng katotohanan na ipinaanyaya niya, bagkus gumaya-gaya sila sa iba, naniwala sila sa sinabi hinggil sa kanya ng mga mapamahiin na mga tagapagligaw, at nagpalagay sila na sila ay nakabatay sa patnubay hinggil sa ibinintang nila sa kanya na pagkamuhi sa mga walīy at mga propeta, pakikipag-away sa mga ito, at pagkakaila sa mga himala ng mga ito kaya naman pinulaan nila ang Shaykh, pinintasan nila ang paanyaya niya, at nilayuan nila siya.
May isa pang uri na nangamba para sa [taglay na] mga katungkulan at mga posisyon kaya nakipag-away sila sa Shaykh upang hindi umabot sa kanila ang mga kamay ng mga tagapag-adya sa paanyaya ng Islām sapagkat baka maalis sila sa mga puwesto nila at baka masakop ang mga bayan nila. Nagpatuloy ang digmaang salitaan, ang mga pakikipagtalakayan, at ang mga pakikipagtunggali sa pagitan ng Shaykh at mga kaalitan niya. Nakikipagsulatan siya sa kanila at nakikipagsulatan sila sa kanya. Nakikipagtalakayan siya sa kanila at tumutugon sa kanila at tumutugon naman sila sa kanya. Ganito rin ang nangyari sa pagitan ng mga anak niya, mga apo niya, at mga tagapag-adya niya at ng mga katunggali ng paanyaya [ng Shaykh] hanggang sa nakatipon mula roon ng maraming liham at masaganang tugon. Tinipon nga ang mga liham, ang mga fatwā, at ang mga tugon na ito kaya umabot sa ilang tomo, na nailimbag ang higit na marami sa mga ito. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpatuloy ang Shaykh sa pag-aanyaya at pakikibaka. Umalalay sa kanya ang pinunong si Muḥammad bin Sa`ūd, ang pinuno ng Ad-Dir`īyah. Nagseryoso ang pamilyang Sa`ūdīy roon at nag-angat ito ng watawat ng pakikibaka. Nagsimula ang pakikibaka mula ng taong 1158 Hijrah. Nagsimula ang pakikibaka sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng pananalita, at sa pamamagitan ng katwiran at patotoo. Pagkatapos nagpatuloy ang paanyaya kalakip ng pakikibaka sa pamamagitan ng tabak. Alam natin na ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), kapag wala siyang taglay na isang lakas na mag-aadya sa katotohanan at magpapatupad nito, ay pagkabilis-bilis na mamamatay ang paanyaya niya at maaapula ang katanyagan niya, saka mangangaunti ang mga tagapag-adya niya. Alam natin ang taglay ng sandata na mabigat na epekto sa pagpapalaganap ng paanyaya, pagsupil sa mga tagasalungat, at pag-aadya sa katotohanan at pagsupil sa kabulaanan. Talaga ngang nagtotoo si Allāh, ang Dakila, sa sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Siya ang tapat (kaluwalhatian sa Kanya) sa bawat sinasabi Niya: Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may matinding kapangyarihan at mga pakinabang para sa mga tao, at upang maglantad si Allāh kung sino ang mag-aadya sa Kanya at mga sugo Niya nang nakalingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan. (Qur'ān 57:25) Kaya naglinaw si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na Siya ay nagsugo ng mga sugo kalakip ng mga malinaw na patunay: ang mga katwiran at ang mga patotoong nagniningning, na nagpapaliwanag Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng mga ito at nagtutulak Siya ng kabulaanan sa pamamagitan ng mga ito. Nagpababa Siya kasama ng mga sugo ng kasulatan na naglalaman ng paglilinaw, patnubay, at pagliliwanag. Nagpababa Siya kasama nila ng timbangan, ang katarungan na iginagawad sa naaapi laban sa nang-aapi, ipinantatayo sa katotohanan, ipinanlalaganap sa patnubay, at ipinakikitungo sa mga tao ayon sa tanglaw nito sa pamamagitan ng katotohanan at pagkamakatarungan. Nagpababa Siya ng bakal na dito ay may matinding kapangyarihan at dito ay may lakas, pang-udlot, at pantaboy sa sinumang sumalungat sa katotohanan sapagkat ang bakal ay ukol sa sinumang hindi nagpakinabang sa kanya ang katwiran at hindi umepekto sa kanya ang malinaw na patunay, kaya ito ay ang tagasupil.
Talaga ngang nagpakahusay ang sinumang nagsabi hinggil sa tulad nito:
Walang iba ito kundi ang pagkasi o talas ng isang hinasa *** nag-aalis ang talim nito sa dalawang ugat [sa leeg] ng bawat lumilihis
Kaya ito ay gamot ng sakit mula sa bawat mangmang *** Ito ay gamot ng sakit mula sa bawat makatarungan.
Ang nakapag-uunawang may matinong naturalesa ay nakikinabang sa malinaw na patunay at tumatanggap ng katotohanan ayon sa patunay. Hinggil naman sa tagalabag sa katarungan na tagasunod sa pithaya niya, walang nagpapaudlot sa kanya kundi ang tabak. Nagseryoso ang Shaykh – kaawaan siya ni Allāh – sa pag-aanyaya at pakikibaka. Umalalay sa kanya ang mga tagapag-adya niya kabilang sa Angkan ng Sa`ūd – pagpahingahin ni Allāh ang mga kaluluwa nila dahil doon. Nagpatuloy sila sa pakikibaka at pag-aanyaya mula ng taong 1158 Hijrah hanggang sa pinapanaw ang Shaykh noong taong 1206 Hijrah. Nagpatuloy ang pakikibaka at ang pag-aanyaya nang malapit sa limampung taon: pakikibaka, pag-aanyaya, pakikipaghamok, pakikipagtalakayan sa katotohanan, pagliliwanag sa sinabi ni Allāh at ng Sugo Niya, pag-aanyaya tungo sa Relihiyon ni Allāh, at paggabay tungo sa isinabatas ng Sugo ni Allāh (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) hanggang sa nanatili ang mga tao sa pagtalima at nagpasakop sila sa Relihiyon ni Allāh. Winasak nila ang ipinatong nila na mga kupola at inalis nila ang ipinagawa nila na mga masjid na itinayo sa ibabaw ng mga libingan. Inihatol nila ang Sharī`ah, ipinanghusga nila ito, at iniwan nila ang gawain nila dati na pagpapahatol sa mga nakalipas ng mga magulang at mga ninuno at mga batas ng mga iyon. Bumalik sila sa katotohanan. Napuno ang mga masjid ng mga dasal at mga umpukan ng kaalaman. Ibinigay ang mga zakāh. Nag-ayuno ang mga tao sa Ramaḍān gaya ng isinabatas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Iniutos ang nakabubuti at sinaway ang nakasasama. Nangibabaw ang katiwasayan sa mga rehiyon, mga nayon, mga daan, at mga ilang. Tumigil ang mga Badawīy sa hangganan nila, nagpasakop sila sa Relihiyon ni Allāh, at tumanggap sila sa katotohanan. Nagpalaganap ang Shaykh sa kanila ng pag-aanyaya. Nagsugo ang Shaykh sa kanila ng mga tagagabay at mga tagapag-anyaya sa disyerto at mga ilang at nagsugo rin siya ng mga tagapagturo, mga tagagabay, at mga hukom sa mga bayan at mga nayon. Umiral ang dakilang kabutihan at ang nagpapalinaw na patnubay na ito sa Najd sa kabuuan niyon, lumaganap doon ang katotohanan, at nangibabaw roon ang Relihiyon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Pagkatapos matapos ng pagpanaw ng Shaykh – ang awa ni Allāh ay sumakanya – nagpatuloy ang mga anak niya, ang mga apo niya, ang mga estudyante, at ang mga tagapag-adya niya sa pag-aanyaya at pakikibaka. Nangunguna sa mga anak niya sina Shaykh Imām `Abdullāh bin Muḥammad, Shaykh Ḥusayn bin Muḥammad, Shaykh `Alīy bin Muḥammad, at Shaykh Ibrāhīm bin Muḥammad, at mula naman sa mga apo niya ay sina Shaykh `Abdurraḥmān bin Ḥasan, Shaykh `Alīy bin Ḥusayn, Shaykh Sulaymān bin `Abdullāh bin Muḥammad, at may mga iba pang pangkat. Kabilang sa mga estudyante niya rin si Shaykh Ḥamad bin Nāṣir bin Mu`ammar at isang malaking katipunan ng mga maalam ng Ad-Dir`īyah. Ang iba pa sa kanila ay nagpatuloy sa pag-aanyaya at pakikibaka, nagpalaganap ng Relihiyon ni Allāh (napakataas Siya), [at nagsagawa] ng pagsusulat ng mga liham, pag-aakda ng mga aklat, at pakikibaka sa mga kaaway ng Relihiyon. Sa pagitan ng mga tagapag-anyayang ito at ng mga kaalitan nila ay walang anuman maliban na ang mga ito ay nag-anyaya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pananatiling matatag doon, at pagwasak ng mga masjid at mga kupola na nasa ibabaw ng mga libingan. Nag-anyaya sila tungo sa pagpapahatol sa Sharī`ah at pananatiling matatag dito. Nag-anyaya sila sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama at pagpapatupad ng mga legal na takdang parusa. Ito ang mga kadahilanan ng tunggalian sa pagitan nila at ng mga tao. Ang buod ay na sila ay gumabay tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Nag-utos sila niyon sa mga tao, Nagbigay-babala sila sa mga tao laban sa pagtatambal kay Allāh at laban sa mga kaparaanan nito at mga pagdadahi-dahilan nito. Nag-obliga sila sa mga tao ng Batas ng Islām. Ang sinumang tumanggi at nagpatuloy sa pagtatambal matapos ng paanyaya, paglilinaw, pagliliwanag, at katwiran ay nakibaka sila laban dito alang-alang kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsadya sila rito sa bayan nito hanggang sa magpasailalim ito sa katotohanan at magbalik na nagsisisi roon o nag-obliga sila rito roon sa pamamagitan ng lakas at tabak hanggang sa magpasailalim doon ito at ang mga naninirahan sa bayan niya. Gayon din, nagbigay-babala sila sa mga tao laban sa mga bid`ah at mga pamahiin, na hindi nagpababa si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan, gaya ng pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan, paggawa ng mga kupola sa ibabaw ng mga ito, pagpapahatol sa mga mapagmalabis, pagtatanong sa mga manggagaway at mga manghuhula, paniniwala sa mga ito, at iba pa roon. Inalis ni Allāh iyon sa pamamagitan ng mga kamay ng Shaykh at mga tagapag-adya niya – ang awa ni Allāh ay sumakanila sa kalahatan.
Napuno ang mga masjid ng mga pagtuturo ng Dakilang Qur'ān, Dinalisay na Sunnah, Islāmikong kasaysayan, at mga kaalamang pangwikang `Arabe na napakikinabangan. Ang mga tao ay naging [abala] sa pakikipag-aralan, [pagkamit ng] kaalaman, patnubay, pag-aanyaya, at paggabay. Ang mga iba naman sa kanila ay [naging abala] sa pangmundong gawain nila gaya ng pagsasaka, industriya, at iba pa roon. Paggawa, pag-anyaya, paggabay, pangmundong gawain, at panrelihiyong gawain, kaya ang tao [roon] ay natututo at nakikipag-aralan, at sa kabila niyon ay nagtatrabaho sa sinasakang lupa niya o sa industriya niya o pangangalakal niya at iba pa roon sapagkat [gumagawa siya] minsan para sa panrelihiyong buhay niya at minsan para sa pangmundong buhay niya. Mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh at mga tagapagpanuto tungo sa landas Niya, sa kabila niyon ay nagpapakaabala sila sa mga uri ng industriyang mabili sa mga bayan nila at nagtatamo sila mula roon ng makasasapat para sa kanila para hindi na mangailangan ng buhat sa labas ng mga bayan nila. Matapos ng gawain ng mga tagapag-anyaya at Angkan ng Sa`ūd sa Najd, umabot ang paanyaya nila sa Makkah at Madīnah at timog ng Arabya. Nakipagsulatan sila sa mga maalam ng Makkah at Madīnah dati pa man at sa dakong huli. Ngunit noong walang naisilbi ang pag-aanyaya at nagpatuloy ang mga mamamayan ng Makkah at Madīnah sa dating gawain nila na pagdakila sa mga kupola, paggawa ng mga ito sa ibabaw ng mga libingan, pag-iral ng Shirk sa tabi ng mga ito, at paghiling sa mga nakalibing sa mga ito, humayo si Imām Sa`ūd bin `Abdul`azīz bin Muḥammad, 11 taon matapos ng pagpanaw ng Shaykh, na nakatuon sa dako ng Al-Ḥijāz. Nakipagsagupaan siya sa mga mamamayan ng Aṭ-Ṭā'if, pagkatapos nagsadya siya sa mga mamamayan ng Makkah. Ang mga mamamayan ng Aṭ-Ṭā'if ay pinagtuunan na, bago pa ni Imām Sa`ūd, ng pinunong si `Uthmān bin `Abdurraḥmān Al-Muḍāyifīy at nakipagsagupaan siya sa kanila sa pamamagitan ng isang puwersang ipinadala sa kanya ni Imām Sa`ūd bin `Abdul`azīz bin Muḥammad na pinuno ng Ad-Dir`īyah, isang malakas na puwersang binubuo ng mga mamamayan ng Najd at mga iba pa sa mga ito. Umalalay sila kay `Uthmān hanggang sa nasakop niya ang Aṭ-Ṭā'if. Pinalisan niya mula roon ang mga pinuno ng mga maharlika. Inilantad niya roon ang pag-aanyaya tungo kay Allāh. Nagpatnubay siya tungo sa katotohanan. Nagbawal siya roon ng Shirk at pagsamba kay Ibnu `Abbās at sa iba pa rito kabilang sa sinasamba dati roon ng mga mangmang at mga hunghang mula sa mga mamamayan ng Aṭ-Ṭā'if. Pagkatapos tumuon ang pinunong si Sa`ūd dahil sa utos ng ama niyang si `Abdul`azīz sa dako ng Al-Ḥijāz at tinipon ang mga hukbo sa paligid ng Makkah.
Kaya noong napag-alaman ng pinuno ng Makkah na siya ay hindi makaiwas sa pagsuko o pagtakas, tumakas siya papuntang Jeddah. Pumasok naman sa lungsod si Sa`ūd at ang sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga Muslim nang walang pakikipaglaban. Nasakop nila ang Makkah sa madaling-araw ng Sabado ng ika-8 ng Muḥarram ng taong 1218 Hijrah. Inilantad nila ang paanyaya sa Relihiyon ni Allāh at winasak nila ang natagpuan doon na mga kupola na itinayo sa libingan ni Khadījah at iba pa rito. Inalis nila ang mga kupola sa kabuuan ng mga ito at inilantad nila ang paanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Itinalaga roon ang mga maalam na mga tagapagturo, mga tagapagpanuto, at mga hukom na mga tagahatol ayon sa Sharī`ah. Pagkatapos matapos ng isang maikling yugto nasakop naman ang Madīnah. Nasakop ng Angkan ng Sa`ūd ang Madīnah sa taong 1220 Hijrah, na mga dalawang taon matapos ng Makkah. Nagpatuloy ang Makkah at ang Madīnah sa pamumuno ng Angkan ng Sa`ūd at nagtalaga sila rito ng mga tagapagpanuto at mga tagagabay. Inilantad nila sa bayan ang katarungan, ang pagpapahatol sa Sharī`ah, at ang paggawa ng mabuti sa mga mamamayan nito lalo na sa mga maralita ng mga ito at mga nangangailangan sa mga ito kaya nagkaloob sila sa mga ito ng salapi. Nagkawanggawa sila sa mga ito, nagturo sila sa mga ito ng Aklat ni Allāh, gumabay sila sa mga ito tungo sa kabutihan, dumakila sila sa mga maalam, at humimok sila sa mga ito na magturo at gumabay. Hindi natigil ang Makkah at ang Madīnah sa pagiging nasa ilalim ng pamumuno ng Angkan ng Sa`ūd hanggang sa taong 1226 Hijrah. Pagkatapos nagsimula ang mga hukbong Ehipsiyo at Turko sa pagtuon sa Al-Ḥijāz para makibaka sa Angkan ng Sa`ūd at para mapalabas sila mula sa Makkah at Madīnah dahil sa maraming kadahilanang nauna nang nabanggit ang ilan sa mga ito. Ang mga kadahilanang ito gaya ng nauna nang nabanggit ay na ang mga kaaway nila, ang mga naiinggit sa kanila, ang mga mapamahiing walang pagkatalos, at ang ilan sa mga pulitiko, na nagnais ng pag-apula ng pag-aanyaya [ng Shaykh] at nangamba rito na mag-alis ito ng mga puwesto nila at na magbigay-wakas ito sa mga ambisyon nila, ay nagsinungaling laban sa Shaykh, mga tagasunod nito, at mga tagapag-adya nito. Nagsabi ang mga iyon na sila raw ay nasusuklam sa Sugo (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at na sila raw ay nasusuklam sa mga walīy at nagkakaila sa mga himala ng mga ito. Nagsabi pa ang mga iyon na sila rin ay nagsasabi ng ganito at gayon, na nagpaparatang na sila raw ay namimintas sa mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Naniwala naman dito ang ilan sa mga mangmang at ang ilan sa mga may-kinikilingan at ginawa ito ng mga iyon na isang daan para manirang-puri sa kanila, makibaka laban sa kanila, at mahimok ang mga Turko at ang mga Ehipsiyo sa pakikidigma sa kanila. Kaya nangyari ang nangyaring mga sigalot at pakikipaglaban. Ang labanan sa pagitan ng mga hukbong Ehipsiyo at Turko sampu ng mga kasama ng mga ito at ng [hukbo ng] Angkan ng Sa`ūd sa Najd at Al-Ḥijāz ay naging isang salitan ng talo at panalo sa isang mahabang yugto mula sa taong 1226 Hijrah hanggang sa taong 1233 Hijrah: pitong taon sa kabuuan nito na pakikipaglaban at pakikipaghamok sa pagitan ng mga lakas ng katotohanan at ng mga lakas ng kabulaanan.
Ang buod ay na ito si Shaykh Muḥammad bin `Abdulwahhāb – ang awa ni Allāh ay sumakanya. Tumindig lamang siya para maglantad sa Relihiyon ni Allāh, gumabay sa mga tao sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, at magkaila sa ipinasok ng mga tao rito na mga bid`ah at mga pamahiin. Tumindig din siya para mag-obliga sa mga tao sa katotohanan, magtaboy sa kanila palayo sa kabulaanan, mag-utos sa kanila sa nakabubuti, at sumaway sa kanila sa nakasasama.
Ito ang buod ng paanyaya ng Shaykh – ang awa ni Allāh (napakataas Siya) ay sumakanya – na sa paniniwala ay ayon sa pamamaraan ng Maayos na Ninuno: sumasampalataya kay Allāh, sa mga pangalan Niya, at mga katangian Niya; sumasampalataya sa mga anghel Niya, mga sugo Niya, at mga kasulatan Niya, at sa Huling Araw at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito, ayon sa pamamaraan ng mga pinuno ng Islām sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagpapakawagas sa pagsamba sa Kanya (kapita-pitagan Siya at pagkataas-taas); sa pananampalataya sa mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya sa paraang naaangkop kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) nang hindi nag-aalis ng kahulugan sa mga katangian ni Allāh at hindi nagwawangis kay Allāh sa nilikha Niya; sa pananampalataya sa pagbubuhay, pagkabuhay, pagganti, pagtutuos, Paraiso, Impiyerno, at iba pa roon. Naniniwala siya kaugnay sa pananampalataya sa pinaniwalaan ng Salaf na ito ay salita at gawa, na nadaragdagan at nababawasan: nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway. Ang lahat ng ito ay bahagi ng paniniwala niya – ang awa ni Allāh (napakataas Siya) ay sumakanya – sapagkat siya ay nasa pamamaraan nila at nasa paniniwala nila sa salita at sa gawa. Tandisang hindi siya lumabas sa pamamaraan nilang iyon. Kaugnay roon, wala siyang ideyolohiyang natatangi ni pamamaraang natatangi; bagkus siya ay nasa pamamaraan ng Maayos na Ninuno kabilang sa mga Kasamahan at mga tagasunod ng mga ito ayon sa paggawa ng mabuti. Malugod si Allāh sa lahat.
Naglantad lamang siya niyon sa Najd at paligid nito at nag-anyaya siya tungo roon. Pagkatapos nakibaka siya dahil doon sa sinumang tumanggi roon at nagmatigas doon . Nakipaglaban siya sa kanila hanggang sa nangibabaw ang Relihiyon ni Allāh at nagwagi ang katotohanan. Gayon din, siya ay nasa pagsunod sa kailangan sa mga Muslim na pag-aanyaya tungo kay Allāh, pagmamasama sa kabulaanan, pag-uutos ng nakabubuti, at pagsaway sa nakasasama. Subalit ang Shaykh at ang mga tagapag-adya niya ay nag-aanyaya sa mga tao tungo sa katotohanan, nag-oobliga sa kanila rito, sumasaway sa kanila sa kabulaanan, nagmamasama nito sa kanila, at nagtataboy sa kanila para rito hanggang sa iwan nila ito. Gayon din, nagseryoso siya sa pagmamasama sa mga bid`ah at mga pamahiin hanggang sa inalis ang mga ito ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) dahilan sa paanyaya niya. Kaya ang tatlong kadahilanang nauna nang nabanggit kanina ay ang mga kadahilanan ng away at tunggalian sa pagitan niya at ng mga tao. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Una: Ang pagmamasama sa Shirk at ang pag-aanyaya sa dalisay na Tawḥīd; Ikalawa: Ang pagmamasama sa mga bid`ah at mga pamahiin gaya ng pagtatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan at paggawa sa mga ito bilang mga masjid at tulad niyon gaya ng pagdiriwang ng mga kaarawan at mga pamamaraang ipinauso ng mga pangkating Ṣūfīy; Ikatlo: Tunay na siya ay nag-uutos sa mga tao ng nakabubuti, nag-oobliga sa kanila rito nang may kalakasan sapagkat ang sinumang tumanggi sa nakabubuti na isinatungkulin ni Allāh ay inoobliga niya rito at pinarurusahan niya dahil dito kapag ipinagwalang-bahala ito, sumasaway sa mga tao laban sa mga nakasasama, nagtataboy sa kanila palayo sa mga ito, nagpapatupad ng mga parusa sa mga ito, nag-oobliga sa mga tao sa katotohanan, at nagtataboy sa kanila palayo sa kabulaanan. Dahil doon, nangibabaw ang katotohanan at lumaganap ito at nasugpo ang kabulaanan at nasawata ito. Ang mga tao ay naakay sa isang magandang pamumuhay at isang matuwid na metodolohiya sa mga palengke nila, sa mga masjid nila, at sa lahat ng mga kalagayan nila.
Hindi nalalaman ang mga bid`ah sa gitna nila, hindi natatagpuan sa bayan nila ang Shirk, at hindi lumalantad ang mga nakasasama sa gitna nila. Bagkus ang sinumang nakasaksi sa bayan nila at nakasaksi sa mga kalagayan nila at anumang nasa kanila ay makaaalaala sa kalagayan ng Maayos na Ninuno at anumang nasa kanila sa panahon ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), sa panahon ng mga Kasamahan niya, at sa panahon ng mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng mabuti sa mga siglong itinangi – ang awa ni Allāh ay sumakanila – sapagkat ang mga tao ay tumahak ayon sa pamumuhay ng mga iyon, sumunod sa metodolohiya ng mga iyon, nagtiis dahil doon, nagseryoso roon, at nakibaka dahil doon. Kaya noong nangyari ang ilan sa pagpapaiba [sa katuruan] sa huling panahon sa isang mahabang yugto matapos ng pagpanaw ni Shaykh Muḥammad at pagpanaw ng marami sa mga anak niya – ang awa ni Allāh ay sumakanila – at ng marami sa mga tagapag-adya niya, dumating ang pagsubok at dumating ang pagsusulit sa Estadong Turko at Estadong Ehipsiyo bilang patotoo sa sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Tunay na si Allāh ay hindi magbabago sa anumang nasa mga tao hanggang sa magbago sila sa nasa mga sarili nila." (Qur'ān 13:11) Humihiling tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na gawin Niya ang dumapo sa kanila bilang pagtatakip-sala, bilang pagdadalisay sa mga pagkakasala, bilang pag-aangat, at bilang pagkamartir para sa sinumang napatay mula sa kanila – malugod si Allāh sa kanila at maawa sa kanila. Hindi natigil ang pag-aanyaya nila – purihin si Allāh – sa pagiging umiiral, na lumalaganap hanggang sa araw nating ito. Tunay na ang mga kawal na Ehipsiyo – noong nanampalasan sila sa Najd, pumatay sila ng pinatay nila, at nanira sila ng sinira nila – ay hindi nagtagal dahil doon kundi ng ilang taon. Pagkatapos bumangon ang pag-aanyaya matapos niyon at lumaganap ito. Nagtaguyod ng pag-aanyaya limang taon matapos niyon si Imām Turrkīy bin `Abdullāh bin Muḥammad bin Sa`ūd – ang awa ni Allāh ay sumakanya – sapagkat nagpalaganap siya ng pag-aanyaya sa Najd at sa paligid nito. Lumaganap ang mga maalam sa Najd at pinalisan ang sinumang naroon kabilang sa mga Turko at mga Ehipsiyo. Nagpalisan siya sa kanila mula sa Najd, mga nayon nito, at mga bayan nito. Lumaganap ang pag-aanyaya matapos niyon sa Najd noong taong 1240 Hijrah.
Ang pagsira sa Ad-Dir`īyah at ang pagwasak sa Estado ng Angkan ng Sa`ūd ay noong taong 1233 Hijrah, kaya nanatili ang mga tao sa Najd sa isang kaguluhan, isang labanan, at mga sigalot sa loob ng mga limang taon mula sa taong 1234 hanggang sa taong 1239 Hijrah. Pagkatapos noong taong 1240 Hijrah, nabuo ang pagkakaisa ng mga Muslim sa Najd dahil kay Imām Turrkīy bin `Abdullāh bin Muḥammad bin Sa`ūd at nangibabaw ang katotohanan. Sumulat ang mga maalam ng mga liham sa mga nayon at mga bayan. Humimok sila sa mga tao at nag-anyaya sila sa mga ito tungo sa Relihiyon ni Allāh. Naapula ang mga sigalot na nasa gitna nila matapos ng mga mahabang digmaan na nangyari dahil sa kagagawan ng mga Ehipsiyo at mga katulong ng mga ito. Ganito naapula ang mga digmaan at ang mga sigalot, na naganap sa gitna nila kasunod ng mga digmaang iyon, at namatay ang apoy ng mga ito at nangibabaw ang Relihiyon ni Allāh. Nagpakaabala ang mga tao matapos niyon sa pagtuturo, paggabay, pag-aanyaya, at pagpapanuto hanggang sa nanumbalik ang mga tubig sa mga daluyan ng mga ito at nanumbalik ang mga tao sa mga [normal na] kalagayan nila at sa dating lagay nila sa panahon ng Shaykh, ng mga anak niya, at ng mga tagapag-adya niya – malugod si Allāh sa lahat at maawa sa kanila. Nagpatuloy ang pag-aanyaya mula 1240 Hijrah hanggang sa araw nating ito – purihin si Allāh. Hindi natigil sa paghahalilihan ang Angkan ng Sa`ūd sa isa't isa sa kanila at ang Angkan ng Shaykh at ang mga maalam ng Najd sa isa't isa sa kanila sapagkat ang Angkan ng Sa`ūd ay naghahalilihan sa isa't isa sa kanila sa pamumuno, pag-aanyaya tungo kay Allāh, at pakikibaka sa landas ni Allāh.
Ganito rin ang mga maalam naghahalilihan sa isa't isa sa kanila sa pag-aanya tungo kay Allāh, paggabay tungo sa Kanya, at pagpapanuto tungo sa katotohanan subalit ang Makkah at ang Madīnah ay nanatiling nakahiwalay sa Estadong Sa`ūdīy sa isang mahabang panahon. Pagkatapos nanumbalik sa kanila ang Makkah at ang Madīnah noong taong 1343 Hijrah. Nasakop ang Makkah at ang Madīnah ni Haring `Abdul`azīz bin `Abdurraḥmān bin Fayṣal bin Turkīy bin `Abdullāh bin Muḥammad ibnu Sa`ūd – ang awa ni Allāh ay sumakanya. Ang Makkah at ang Madīnah ay hindi natigil – purihin si Allāh – sa pagiging nasa ilalim ng pamumuno ng Estadong ito hanggang sa araw nating ito.
Kaya ukol kay Allāh ang papuri. Humihiling tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na magsaayos Siya sa natitirang maiiwan mula sa Angkan ng Sa`ūd, mula sa Angkan ng Shaykh, at mula sa mga maalam ng mga Muslim sa kalahatan sa bayang ito at iba pa rito; na magtuon Siya sa kanila sa kalahatan sa nakapagpapalugod sa Kanya; na magsaayos Siya sa mga maalam ng mga Muslim saan man sila naroon; na mag-adya sa lahat ang katotohanan at magtatwa sa kanila ang kabulaanan; na magtuon Siya sa mga tagapag-anyaya ng patnubay saan man sila naroon para sa pagsasagawa ng isinatungkulin Niya sa kanila; na magpatnubay Siya sa amin at sa inyo sa landasin Niyang tuwid; na pumuno Siya sa Makkah at Madīnah, sa mga nasasakupan ng dalawang ito, at sa lahat ng mga bayan ng mga Muslim ng patnubay at relihiyon ng katotohanan, ng pagdakila sa Aklat Niya at Sunnah ng Propeta Niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga); at na magmagandang-loob Siya sa lahat ng pagkaunawa sa Qur'ān at Sunnah, pagkapit sa dalawang ito, pagtitiis dahil doon, katatagan dahil doon, at pagpapahatol sa dalawang ito hanggang sa makipagkita sila sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan); tunay na Siya ay May-kakayahan sa bawat bagay at Marapat sa pagtugon. Ito ang kahuli-hulihan sa naging madali sa paglilinaw at pagpapakilala sa kalagayan ng Shaykh, pag-aanyaya Niya, mga tagapag-adya niya, at mga kaalitan niya. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan. Nasa Kanya ang pinagsasandalan. Walang pagkilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Mataas, ang Dakila. Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at pagpalain Niya ang Lingkod Niya at ang Sugo Niya, ang Propeta natin at ang Pinuno natin na si Muḥammad bin `Abdullāh, sampu ng mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at sinumang tumahak sa landas niya at napatnubayan dahil sa patnubay niya. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.