Pinakahinahanap
الوسائل المفيدة للحياة السعيدة
كتاب "الوسائل المفيدة للحياة السعيدة" للشيخ عبد الرحمن بن ناصر السعدي، يتناول مفهوم السعادة الحقيقية التي يسعى لتحقيقها كل إنسان. الكتاب يوضح أن السعادة تتحقق بطاعة الله ورسوله، والعمل الصالح، والإيمان. ويُقسم السعادة إلى دنيوية مؤقتة وأخروية دائمة، ويربط بينهما بالرضا الإلهي للمؤمنين. يعتمد الكتاب على الأدلة الشرعية من القرآن والسنة لتقديم الأسباب المؤدية للسعادة وكيفية تحقيقها، مما يجعله دليلاً للمسلمين لتنظيم حياتهم على بصيرة وإيمان.
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Isinilaysay ni Muslim
Isinalaysay ni Muslim
isinalaysay ni Al-Bukharie
Ang mga Kaparaanang Napakikinabangan Para sa Maligayang Buhay
Akda ni
Shaykh `Abdurrahman bin Nasir As-Sa`diy
Panimula ng May Akda
Ang lahat ng papuri ay para kay Allah ang nagmamay-ari ng lahat ng papuri. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Siya ay Nag-iisa at walang katambal sa Kanya, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay kanyang alipin at Sugo, sumakanya nawa ang pangangalaga at kapayapaan, sa kanyang mga pamilya at sa lahat ng kanyang kasamahan.
Tungkol naman sa mga sumusunod: Katiyakan na ang kasiyahan ng puso, katahimikan at ang kaligayahan nito, at ang pagtanggal sa mga alalahanin at pagkabalisa nito, ay ang [mga bagay na] hinahangad ng bawat isa, at sa pamamagitan nito ay nakakamit ang isang magandang buhay, at nagiging ganap ang kaligayahan at kagalakan nito. Iyon ay sa mga kadahilanang panrelihiyon, mga likas na mga dahilan, at mga dahilang [nangangailangan ng] pagsasagawa , at hindi ito maaaring pagsama-samahin maliban sa mga mananampalataya, samantalang ang iba sa mga ito, kahit na nakamit nila sa isang paraan o sa isang dahilan ng pagsusumikap ng mga matatalinong tao sa kanila, ngunit nakaligtaan naman nila ang mga paraan na mas kapaki-pakinabang, mas napatunayan, at ng isang mas mahusay na kalagayan at kapalaran.
Ngunit babanggitin ko sa aklat kong ito ang mga pumapasok sa aking isipan mula sa mga pinakamahalagang dahilan para sa usaping ito na siyang hinahanap ng bawat isa.
Kabilang sa kanila ang nagkamit sa mga karamihan nito kaya namuhay sila ng magandang pamumuhay, at ang iba naman sa kanila ay nabigo na makamit ang lahat ng ito, kaya`t namuhay ng masalimuot na pamumuhay, at nabuhay sa miserableng buhay, at ang iba naman ay nasa pagitan ng mga ito batay sa kung ano ang iginabay sa kanya, Katiyakang si Allah ang tunay na gumagabay, ang hinihingian ng tulong para sa lahat ng kabutihan at [hinihingian ng tulong] sa pagtaboy ng lahat ng kasamaan.
Kabanata
1-At isa sa pinakamalaking dahilan, pinagmulan at batayan nito ang pagkakaroon ng pananampalataya at mga mabuting gawain, Sinabi ni Allah, Napakataas Niya: "Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na dalisay at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa." (Surah An-Nahl: 97)
Nilinaw ni Allah at Kanyang ipinangako sa sinumang pinagsama ang paniniwala kay Allah at paggawa ng mabuti, ang matiwasay na pamumuhay, at mabuting gantimpala dito sa mundong ito hanggang sa kabilang buhay.
At ang dahilan nito ay napakalinaw, sapagkat ang mga naniniwala kay Allah nang tunay na paniniwala, na nagbubunga ng mabuting gawa, nagpapabago sa mga puso ,asal, mundo at ng kabilang buhay, ay may pinagmulan at pundasyon kung kaya`t natatanggap nila ang lahat ng dumarating sa kanila mula sa kanilang kaligayahan, kagalakan, at mga sanhi ng pagkabalisa, pag-aalala at kalungkutan.
Tinatanggap nila ang mga kaibig-ibig [na pangyayari] at landas ng maluwag na pagtanggap dito, pinapasalamatan ito, at ang paggamit niya rito ay nagbibigay pakinabang, at kapag ginamit nila ito sa ganitong paraan, magdudulot ito para sa kanila ng kagalakan, at papangarapin ang pananatili at pagpapala nito, at pag-aasam para sa gantimpala ng mga mapagpasalamat [sa biyaya ni Allah], mga dakilang bagay na nag-uumapaw rito ang kabutihan at pagpapala nito, ito ang mga kaligayahang naging bunga nito.
At tinatanggap naman nila ang mga hirap, pinsala, pag-aalala, at kalungkutan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kung ano ang maaari nilang ilaban dito, at pagpapagaan sa anumang paraan ng pagpapagaan mula rito at magandang pagtitiis para sa kung ano ang kailangan dapat tiisin. Kung kaya ang nangayayari sa kanila sa epekto ng kanilang pakikipaglaban sa kahirapan ay kapaki-pakinabang [at nagkakaroon sila ng] karanasan at lakas, at sa kanilang pagtitiyaga at pag-aasam sa gantimpala at pabuya [mula kay Allah] ay mga dakilang bagay na pumapawi sa kanilang kahirapan, at ang pumapalit sa sitwasyon niya ay ang [matuwid na] landas at mga magagandang pag-asa, at pag-aasam sa mga biyaya at gantimpala ni Allah, tulad ng naipahayag ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanyang wastong Hadith, na kanyang sinabi: (Nakamamangha ang pangyayari sa mananampalataya , ang lahat ng bagay na nangyayari sa kanya ay mabuti. Kapag dumating sa kanya ang magagandang bagay, siya ay nagpapasalamat at iyon ay mabuti para sa kanya. At kapag dumating naman sa kanya ang kahirapan, siya ay nagtitiis, at iyon ay higit na mabuti para sa kanya, at ito ay hindi matatagpuan kaninuman kundi sa mananampalataya.)
Ipinahayag ng Propeta, sumakanya ang pagpapala at kapayapaan, na ang mananampalataya ay pinag-iibayo sa kanya ang kanyang mga gantimpala, kabutihan at mga bunga ng kanyang mga magandang gawain sa lahat ng mga dumarating sa kanya mula sa kagalakan at kahirapan, kung kaya, nakatatagpo ka ng dalawang taong naaapektuhan dahil sa epekto ng mabuti at masama [na dumating sa kanya], malaki ang pagkakaiba ng dalawang ito sa pagtanggap nito, depende sa antas ng kanilang pananampalataya at gawaing mabuti. Ang paglalarawang ito sa dalawang katangiang ito kung paano nila tanggapin ang maganda at masama tulad ng nabanggit natin mula sa [kanilang] pagpapasalamat at pagtitiis at anumang mga kasunod nito, ito ay nagreresulta sa kanya ng kasiyahan at kagalakan at napapawi ang kaniyang lungkot at pagkabalisa, paninikip ng dibdib, at paghihirap sa buhay, at nagiging ganap sa kanya ang kaaya-ayang pamumuhay sa mundong ito. At ang isa naman ay tinatanggap ang biyaya na ito nang may pinakamasagwang pagtanggap at may kasamang pagmamalaki at pagyayabang kaya`t lumilihis ang pag-uugali nito, at tinatanggap niya ito katulad ng pagtanggap ng mga hayop na may kasakiman at pagkabalisa. Gayunpaman ang kanyang puso ay hindi makakaramdam ng kapanatagan, sa halip ay nagagambala siya sa maraming panig, nagagambala siya sa kanyang takot na mawalan ng mga mahal sa buhay, at sa dami ng mga bilang ng pagsasalungat na lumalabas sa kanya kadalasan, sa isang banda, ang mga kaluluwa ay hindi humihinto sa isang limitasyon, bagkus ay nananabik pa rin sa iba pang mga bagay na maaaring mangyari o hindi, at kung ito ay mangyayari sa pagpapalagay at paghahalimbawa, siya pa rin ay mangangamba sa nabanggit na panig at tatangapin niya ang kahirapan nang may pagkabalisa, panginginig, takot at pagkabagot. Kaya huwag mong itanong kung ano ang mangyayari sa kanya dahil sa paghihirap niya sa buhay, at sa sakit na matatamo niya sa kanyang pag-iisip at pagkabalisa at sa mga takot [ na mararamdaman niya] na maaaring humantong sa pinakamasagwang sitwasyon at kasuklam-suklam na pagkainis, iyon ay dahil sa hindi niya paghahangad ng gantimpala [ni Allah], at kawalan ng pagtitiis na magpagaan sa kanya.
Ang lahat ng ito ay nasaksihan sa pamamagitan ng karanasan, at ang isang halimbawa ng ganitong uri, ay ang pagmumunihan mo at ilalagay mo sa sitwasyon ng mga tao, makikita mo ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng isang mananampalataya na kumikilos ayon sa kanyang pananampalataya, at isang taong hindi niya katulad. Sapagkat ang relihiyon ay nanghihikayat nang lubos na panghihikayat sa kanya upang makontento sa mga biyaya ni Allah, at sa iba`t-ibang dumarating sa lingkod mula sa mga biyaya Niya at iba`t-ibang uri ng kabaitan Niya.
Ang isang mananampalataya kapag siya ay dumaranas ng karamdaman, kahirapan, o katulad na mga bagay na ito na siyang kahinaan ng bawat isa sa atin, [Tunay na ang mananampalataya] sa pamamagitan ng kanyang paniniwala at pagiging kontento at pagtanggap sa kung ano ang ibinahagi ni Allah para sa kanya, [ang situwasyong ito] ay magiging malinaw sa kanyang mga paningin, at hindi hahanapin ng kanyang puso ang isang bagay na hindi nakatadhana para sa kanya. Tinitingnan niya kung sino ang nasa ibaba niya, at hindi niya tinitingnan kung sino ang nasa itaas niya. At malamang ay madagdagan pa ang kanyang kagalakan, kasiyahan at kaaliwan kumpara sa sinumang nagkamit ng lahat ng pangangailangan dito sa mundo ngunit hindi naman makontento.
Kagaya ng pagkakatagpo mo sa isang taong gumagawa [ng gawain] na hindi batay sa kanyang pananampalataya, kapag siya ay dinatnan ng isang pagsubok mula sa kahirapan o nawalan ng ilang makamundong pangangailangan, makikita mo siyang lubhang miserable at nahihirapan.
At isa pang halimbawa: Kung ang mga sanhi ng pagkatakot ay nangyari, at ang mga nakakabagabag na bagay ay nagpahirap sa isang tao, makikita mo ang tunay na pananampalataya, kapanatagan sa puso, kapanatagan sa sarili, magagawa niyang pangasiwaan at pamahalaan ang bagay na ito na kumubkob sa kanya sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip, pananalita at pagkilos. Inihahanda niya ang kanyang sarili para sa matinding problemang ito, ang ganitong situwasyon ang umaaliw sa isang tao at nagpapatibay sa kanyang puso.
Makatatagpo ka rin ng isang taong walang pananampalataya sa kabaligtaran ng sitwasyong ito, kapag naganap ang mga bagay na nakakatakot, mangangamba ang kanyang puso, manginginig ang kanyang laman, hindi makapag-isip ng mabuti, takot at pangamba ang nararamdaman niya, at magsasama ang panlabas na takot at panloob na pagkabalisa, hindi maipaliwanag ang kanyang nagiging saloobin. Ang ganitong uri ng mga tao, kung wala silang natural na mga dahilan, tulad ng pangangailangan ng maraming pagsubok, ang kanilang lakas ay babagsak at manginginig ang kanilang mga laman, dahil sa pagkawala ng pananampalataya na siyang magdadala sa kanya sa pagtitiis, lalo na sa mga kritikal na sitwasyon at nakalulungkot na kalagayan, na nakakainis.
Ang matuwid at ang makasalanan, at ang mananampalataya at ang di-mananampalataya, ay nakikibahagi sa pagtatamo ng lakas ng loob at likas na siyang nagpapakalma at nagpapabawas ng takot. Subalit ang mananampalataya ay naiiba sa pamamagitan ng lakas ng kanyang pananampalataya, pagtitimpi, at sa kanyang pagtitiwala kay Allah at pananalig sa Kanya. At ang pag-aasam niya sa gantimpala - ay mga bagay na nagpapalakas ng kanyang loob, nakababawas sa tindi ng kanyang takot, at nagpapagaan sa mga paghihirap niya. Sinabi ni Allah: (Kung kayo ay nasasaktan, sila rin naman ay nasasaktan katulad nang kayo ay nasasaktan, subalit kayo ay umaasa mula kay Allah ng anumang hindi nila inaasahan.) (An-Nisa: 104) Nakakatanggap sila ng tulong mula kay Allah- Siya ang espesyal na kanyang tagatulong at tagapadala ng ayuda upang tanggalin ang mga takot. Sinabi ni Allah: (at magtiis kayo, tunay na si Allah ay nasa [panig ng] mga matiisin.) [ Anfal: 46]
2- At kabilang sa mga dahilan upang maalis ang pag-aalala, pangamba at pagkabalisa ay ang paggawa ng kabutihan sa mga nilalang sa pamamagitan ng pananalita at gawa. At paggawa ng ibat-ibang uri ng mabuting gawain. Ang lahat ng ito ay kagandahang asal at kabutihan. Sa pamamagitan nito ay naitatakwil ni Allah sa mga mabuti at suwail ang pag-aalala at pangamba, subalit nakakamit ng mananampalataya ang ganap na minabuti at biyaya, at namumukod-tangi siya sa paggawa niya ng kabutihan sapagkat ang pinagmumulan nito ay katapatan at paghahangad ng gantimpala mula kay Allah.
Nagiging madali para sa kanya ang paggawa ng kabutihan dahil sa paghahangad niya ng kabutihan at naitatakwil sa kanya ang kahirapan dahil sa kanyang katapatan at paghahangad [ng gantimpala kay Allah] Sinabi Niya: (Walang ibinubungang kabutihan ang karamihan sa kanilang mga lihim na usapan, maliban yaong mga nag-uutos [na magbigay] ng kawang-gawa, o ng kabutihan, o ng pagkakasundo sa pagitan ng mga tao. At sinuman ang gumawa niyon na hangad ang kaluguran ni Allah, magkagayon-siya ay Aming pagkakalooban ng isang dakilang gantimpala) ( An-Nisa: 114)
Kaya`t sinabi ni Allah, katiyakan ang lahat bagay na ito ay kabutihan ang [idinudulot] sa sinumang pinagmulan nito, ang mabuting gawain ay magbubunga ng kabutihan, at magtatakwil ng kasamaan, at ang mananampalatayang naghahangad lamang [ng gantimpala mula kay Allah] ay pinagkakalooban ni Allah ng dakilang gantimpala, at kabilang sa kabuuan ng dakilang gantimpala na ito ay ang pagkawala ng pag-aalala at pangamba, pagkabalisa at mga katulad nito.
Kabanata
Kabilang sa mga dahilan ng pagtatakwil ng pagkabalisa na nagreresulta mula sa pag-igting ng nerbiyos, at pagiging abala ng puso sa mga pag-aalala, ay ang pagiging abala sa mga gawain o kaalaman na nagbibigay ng pakinabang, sapagkat naibabaling nito ang pusong nag-aalala sa mga bagay na ito na siyang nagiging dahilan ng kanyang pagkabalisa. At marahil ay nakalimutan niya dahil doon ang mga dahilan na nagdudulot sa kanya ng pag-aalala at pagkabalisa, kaya naging masaya siya sa kanyang sarili at nadagdagan ang kanyang sigla, ang mga dahilang ito ay karaniwang [nangyayari] sa pagitan ng mananampalataya at hindi mananampalataya. Subalit naiiba ang mananampalataya dahil sa kanyang paniniwala, sinseridad at debosyon sa kanyang ginagawa para sa kaalaman na iyon, na kanyang natutunan at itinuturo, at sa mga mabubuti niyang gawa na kanyang ginagawa, kung ito ay isang gawaing pagsamba kung gayon ito ay gawaing pagsamba, at kung ito naman ay makamundong bagay o di kaya'y isang nakagawiang mga gawain, sasamahan niya ito ng mabuting intensiyon. At nilalayon niyang gamitin ito para sa pagsunod kay Allah. Kung kaya magdudulot ito ng mabisang epekto sa kanya sa pag-iwas sa mga alalahanin pagkabalisa at kalungkutan. Napakarami ng taong sinusubukan sa patuloy na pagkaramdam ng takot at pagkabalisa na nagiging sanhi upang magkaroon ng iba`t-ibang uri ng sakit, at ang mabisang gamot na ginagawa nila ay (ang paglimot sa mga bagay na naging dahilan ng kanilang pagkabalisa at takot, at pagiging abala niya sa isa sa kanyang mga trabaho )
Ang gawaing kanyang ginagawa ay nararapat na isang bagay na nagpapaginhawa sa kanyang sarili at inaasam niya upang ito ay higit na makapag-anyaya sa kanya upang makamit ang kapaki-pakinabang na layuning ito. Si Allah ang higit na Nakaaalam.
At kabilang sa mga nakakapagtanggal ng pag-aalala at pagkabalisa ay ang pagtutuon sa pagpapahalaga ng mga araw-araw na gawain, at pag-iwas sa pagpapahalaga [at pag-iisip] sa mga hinaharap, at [pag-iwas] sa pag-iisip sa mga malungkot na nakaraan, dahil sa mga ito ay nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, laban sa pagkabalisa at kalungkutan, (sa isang hadith na naiulat ni Al-Bukharie at Muslim). Walang silbi ang kalungkutan sa mga nakaraang pangyayari na hindi na pwedeng ibalik at wala ng magagawa pa. Maaaring makakapinsala ang kalungkutan na nangyayari sa isang tao sanhi ng kanyang [sobrang] pag-aalala sa hinaharap. Kaya nararapat sa isang lingkod na isipin lamang niya ang mga nangyayari sa kanya araw-araw, at ipunin niya ang lahat ng kanyang sipag at tiyaga upang maging maayos ang kanyang oras at panahon, at kapag naipon ang mga iyon sa puso ay kinakailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang gawain, sa pamamagitan nito ay maaaliw ang lingkod at maiiwasan niya ang pagkabalisa at kalungkutan. Ang Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga- kapag siya ay nanalangin mula sa mga panalangin o mayroon siya gustong ituro sa kanyang pamayanan na isang panalangin, hinihimok niya sila kasabay ng pagpapatulong kay Allah, at paghiling sa mga kainaman Niya nang paseryoso at pagsisikap sa katuparan nito upang makamit ang anumang nais niyang makamit. At iwanan niya ang anumang dati'y idinadasal niya upang itakwil ang mga ito sapagkat ang pananalangin ay sinasamahan ng gawa, kaya`t ang alipin ay dapat na magsikap sa anumang bagay na magbibigay pakinabang sa kanya, sa kanyang relihiyon at pamumuhay sa mundo, at ipanalangin niya sa kanyang Panginoon na magtagumpay siya sa kanyang layunin at magpakupkop siya [ kay Allah] sa mga iyon. ( Magsumikap ka sa mga bagay na magbibigay pakinabang sa iyo, magpakupkop [humingi ng tulong] kay Allah at huwag maging tamad, at kapag dumating sa iyo ang isang pagsubok, huwag mong sabihing : kung ginawa ko lang sana ang ganito at ganito.., sa halip ay sabihin mong:" ito`y itinakda ni Allah, at anumang naisin Niya ay gagawin Niya",sapagkat ang pagsasabi ng " kung" ay nagbubukas [ng pintuan] sa mga gawain ni Satanas) Kaya`t pinagsama ng Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga- ang pag-utos ng pagsusumikap sa mga bagay na magbibigay pakinabang sa lahat ng sitwasyon, at ang paghingi ng tulong sa Allah at hindi pagpapasakop sa kawalan ng kakayahan at ito ang katamaran na nakapipinsala, at itinuro niya ang pagpapasa-diyos sa mga nakaraang bagay na tapos na, at magmasid sa itinakda ni Allah at itinadhana Niya.
At hinati niya ang pangyayari sa dalawang bahagi: una ay maaari sa isang lingkod ng magsumikap upang makamit niya ito o makamit ang ilan sa mga bahagi nito, o di kayay itaboy ito o mapagaan man lang ito. At ito ay pagpapakita ng lingkod sa kanyang pagsusumikap at paghingi ng tulong sa kanyang sinasamba. At ang ikalawa naman ay bagay na wala siyang kayang gawin, kaya marapat na ang lingkod ay maging panatag at tanggapin at ipagpasa-diyos ito, at walang pag-aalinlangan na ang pagsunod sa prinsipyong ito ay isang dahilan upang makamit ang kaligayahan at mawala ang pag-aalala at pagkabalisa.
Kabanata
Kabilang din sa pinakamalaking dahilan upang maging magaan ang pakiramdam at mapanatag ito (ay sa pamamagitan ng pagpaparami ng pag-alaala kay Allah) tiyak na ito ay magdudulot ng kamangha-manghang epekto sa pagpapagaan ng pakiramdam at pagpapanatag rito, at magtatanggal ng pag-aalala at pagkabalisa nito. Sinabi ni Allah: (Hindi ba't sa pamamagitan ng pag-alaala kay Allah ay napapanatag ang mga puso) [Ar-Ra`d: 28] Ang pag-alaala kay Allah ay may malaking epekto sa pagkamit ng ninanais na mga bagay, at sa anumang minimithi ng alipin mula sa mga gantimpala at kabayaran niya.
At gayundin ang pagsasalaysay sa mga biyaya ni Allah na hayag at hindi nakikita, sapagkat ang pagkilala at pagsasalaysay sa mga ito ay nagtatanggal sa kanya ng pag-aalala at pagkabalisa, at hinihikayat niya ang lingkod sa pagpapasalamat sa pinakamataas na antas nito, kahit na ang lingkod ay nasa pinakamahirap na kalagayan o may karamdaman o di kaya ay maliban pa sa dalawang ito mula sa mga ibat ibang uri ng pagsubok. Sapagkat [para sa kanya] kung ikukumpara ang mga biyaya ni Allah [na tinatamasa niya]- na hindi nasusukat ang bilang nito at hindi kayang bilangin- sa mga dumarating sa kanya na mga kahirapan [o pagsubok], hindi matutumbasan ng kahirapan na ito ang laki ng mga biyaya [na tinatamasa niya].
Sa halip, ang mga kahirapan at kapahamakan na ito, kapag ipinaramdam ni Allah sa kanyang lingkod, at ginampanan niya ang tungkulin na pagtitiis, pagiging kontento at pagpapasakop, ay magiging madali para sa kanya ang pasanin at gagaan ang paghihirap niya. Ang paghahangad ng lingkod sa gantimpala at kabayaran na makukuha niya at pagsamba niya kay Allah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tungkulin na pagtitiis at pagiging kontento ay nagiging matamis ang mga bagay na mapait, at nakakalimutan niya ang pait ng pagtitiis, dahil sa tamis ng kabayaran [makakamit] niya.
At kabilang sa mga bagay na kapaki-pakinabang pagdating sa ganitong situwasyon ay ang pagsasabuhay sa [isang katuruan] na itinuro sa atin ng Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangala- sa isang wastong Hadith kung saan ay kanyang sinabi: (Tingnan ninyo kung sino ang nasa ibaba ninyo at huwag ninyong tingnan kung sino ang nasa itaas ninyo, sapagkat mas mainam sa inyo na huwag hamakin o maliitin ang biyaya ni Allah sa inyo) Sapagkat kung ilalagay ng alipin sa pagitan ng kanyang mga mata ang napakagandang pananaw na ito, makikita niyang siya ay nakahihigit sa karamihan ng mga tao, sa kalusugan at biyaya at sa mga kahihinatnan nito, kahit na dumating na siya sa pinakamahirap na sitwasyon, mawawala ang takot, pag-aalala at pagkabalisa niya, at madaragdagan ang kanyang kaligayahan at kagalakan sa mga pagpapala ni Allah kung saan ay nahihigitan niya ang iba rito sa sinumang wala sa kanya ang mga [katangian na ito].
At habang tumatagal ang pagmumuni-muni ng lingkod sa mga biyaya ni Allah [sa kanya] nakikita man o hindi nakikita, maging ito man ay may kinalaman sa relihiyon o sa makamundong bagay, mapapagtanto niya [sa kanyang sarili] na ang Panginoon niya ay nagkaloob sa kanya ng napakaraming kabutihan at biyaya at itinakwil sa kanya ang napakaraming masasamang bagay o pangyayari. At walang pag-aalinlangan na ito ay makapagtatanggal sa kanya ng pag-aalala at pagkabalisa at mararamdaman niya ang kasiyahan at kaligayahan.
Kabanata
At kabilang sa mga sanhi ng kaligayahan at nakakapagtanggal ng pag-aalala at pagkabalisa ay sa pamamagitan ng pasusumikap na tanggalin ang lahat ng dahilan na magdudulot ng pagkabalisa [lungkot], at pagsasagawa ng mga dahilan na magdudulot ng kaligayan at ito`y sa pamamagitan ng paglimot sa lahat ng kanyang mga masakit na nakaraan na hindi na maibabalik pa. At dapat niyang malaman na ang pag-iisip sa mga bagay na ito ay walang kabuluhan at imposible, at ang mga ito ay isang kahangalan at kabaliwan. Kaya nararapat na pagsumikapan ng kanyang puso ang pag-iwas sa pag-iisip sa mga bagay na ito, gayundin dapat pagsumikapan ng kanyang puso na iwasan ang pagkatakot sa mga hinaharap na pangyayari, mula sa mga ilusyon [naiisip] niya na kahirapan o takot at iba pang mga paghihirap na nasa guni-guni niya sa panghinaharap niyang buhay. Mapagtatanto niya na ang mga pangyayari sa hinaharap ay walang nakaaalam kung ano ang magiging kahihitnan rito, mula sa mga mabubuting [pangyayari] o masama, at sa mga pag-asang [dala-dala nito] o pasakit, at ang lahat ng mga bagay na ito ay nasa Kamay ng Pinakamakapangyarihan [Allah], at Tigib ng Karunungan. Walang magagawa ang lingkod dito maliban sa pagsusumikap na abutin ang mga bagay na makabubuti sa kanya, at iwasan ang mga makakapinsala sa kanya, at alam ng lingkod na kapag inilihis niya ang kanyang pag-iisip mula sa pag-aalala o takot kung ano ang mangyayari sa kanya sa hinaharap, at ipagkakatiwala niya [ang lahat] sa Panginoon kung ano ang makabubuti para sa kanya, at magiging panatag siya sa mga ito, kung gagawin niya ito ay magiging panatag ang kanyang puso at maaayos ang kanyang sitwasyon, at mawawala ang kanyang lungkot at takot
At kabilang sa mga kapaki-pakinabang na dapat gawin sa pagmamasid sa mga hinaharap na pangyayari ay ang pagsasagawa sa isang panalangin, na ipinapanalangin ng Propeta-Sallallāhū 'alayhi wa sallam-: Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrīy, wa aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīha ma`āshī, wa aṣliḥ lī ākhirati -llatī ilayhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, pabutihin Mo para sa akin ang pagrerelihiyon ko na siyang pananggalang sa kapakanan ko, pabutihin Mo para sa akin ang mundo ko na nasa loob nito ang kabuhayan ko, pabutihin mo sa akin ang Kabilang-buhay ko na doon ang uwian ko, gawin Mo ang buhay na karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, gawin Mo ang kamatayan na kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.) Isinalaysay ni Muslim at gayundin sa pagkasabi niya ng: Allāhumma raḥmataka arjū falā takilnī īla nafsī ṭarfata `ayn, wa aṣliḥ lī sha'nī kullah, lā ilāha illā anta. (O Allah, ang awa mo ay inaasahan ko kaya huwag Mo akong ipagkatiwala sa sarili ko sa isang kisap-mata, at pabutihin Mo ang buong kalagayan ko. Walang [totoong] Diyos kundi Ikaw.) Isinalaysay ni Abu Dawud sa wastong Isnad At kapag binigkas ng lingkod ang panalangin na ito kung saan ay napapaloob dito ang kabutihan para sa kanyang hinaharap -ang kanyang relihiyon at makamundong [pamumuhay], sa pamamagitan ng pagsasapuso sa mga ito at tapat na layunin, at may kasamang pagsisikap sa pagtupad nito, tutuparin ni Allah sa kanya ang kanyang ipinagdadasal at pinapangarap at gagawin ito para sa kanya, at mapapalitan ang lungkot niya ng kasiyahan at kaligayahan.
Kabanata
Ang isa sa mga kapaki-pakinabang na paraan para mawala ang pagkabalisa at pag-aalala, kapag ang isang lingkod ay makaranas ng ilang kalamidad ay pagsumikapan niyang mapagaan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtantya niya sa pinakamasamang posibilidad na hahantungan ng pangyayaring iyon, at tanggapin niya ito sa kanyang sarili. Kung gagawin niya iyon ay dapat niyang pagsikapan na maibsan ang maaaring maibsan hangga't maaari. At sa pamamagitan ng pagtanggap [sa pangyayaring ito] at sa kapaki-pakinabang na pagsisikap, ang kanyang mga alalahanin at pagkabalisa ay mawawala, at ang kanyang pagsisikap ay magdudulot ng mga benepisyo at maiiwasan nito ang mga maliliit na pinsala para sa lingkod.
At kapag dumating sa kanya ang mga sanhi ng pagkatakot, mga sanhi ng sakit, at mga sanhi ng kahirapan at pagkawala ng mga ibat ibang bagay na minamahal niya, kong gayun ay dapat niya itong harapin nang may kapanatagan at pagtanggap sa kanyang sarili, at tanggapin ang pinakamahirap na sitwasyon na maaaring mangyari, sapagkat ang pagtanggap sa sarili sa mga posibilidad na sakuna ay magpapagaan [sa situwasyong ito] at magtatanggal ng kahirapan nito, lalo na kung magiging abala siya sa kanyang sarili kung paano niya ito malagpasan sa abot ng kanyang kakayanan. Pagsasamahin niya ito sa kanya, ang pagtanggap nito sa kanyang sarili at ang kapaki-pakinabang na pagsusumikap na siyang dahilan upang makalimutan niya ang mga sakuna. At sikapin niya sa kanyang sarili na magkaroon ng panibagong lakas sa pakikipaglaban sa mga hirap o sakuna na may kasamang pananalig kay Allah at mabuting pagtitiwala sa Kanya. At walang pag-aalinlangan na sa mga bagay na ito ay magdudulot ng malaking benipisyo sa pagkamit ng kaligayahan at maluwag na pakiramdam, at may kasamang anumang pinapangarap ng lingkod mula sa mga gantimpala dito sa mundo at sa kabilang buhay, at ito ay isang nasaksihang karanasan, at ang magpapatunay sa mga nakaranas nito ay napakarami.
Kabanata
At kabilang sa mga pinakadakilang lunas para sa mga sakit sa nerbiyos ng puso, at maging sa mga pisikal na sakit, ay ang lakas at panatag ng puso na hindi madaling naaabala o naiirita sa mga maling akala at guni-guni na nagdulot ng masasamang pag-iisip. Ang galit at pagkalito ay kabilang sa mga masasakit na dahilan, at sinumang umaasa na ang kapahamakan ay magaganap at ang mga mahal sa buhay ay mawala, ito ay maghahantong sa kanya sa pag-aalala, pagdadalamhati, mga sakit sa puso, pisikal, at pagkawala sa sarili, na magdudulot sa kanya ng masamang epekto, at nasaksikhan ng mga tao ang napakaraming pinsalang naidudulot nito.
At kapag ang puso ay umasa kay Allah at nagtiwala sa Kanya, at hindi sumusuko sa mga [masamang] ilusyon at at hindi siya nakokontrol ng kanyang masasamang imahinasyon, at nagtitiwala kay Allah at naghahangad sa Kanyang kagandahang-loob, kung gayon ang mga alalahanin at pagkabalisa ay mawawala sa kanya at matatanggal ang napakaraming uri ng sakit sa katawan at puso, at makakamit ng kanyang puso ang lakas, kagalakan, at kaligayahan na hindi maipahayag. Gaano karami ang mga Ospital na napuno dahil sa sakit na sobrang ilusyon at tiwaling imahinasyon?! At kung gaano karami ang naapektuhan ng mga bagay na ito ang puso ng maraming malalakas at gayundin sa mga mahina, at kung gaano karami ang humantong sa kawalan ng katinuan at kabaliwan?! At ang gumaling ay ang sinumang pinagaling ni Allah at ginabayan siya upang labanan ito sa kanyang sarili upang makamit ang kapaki-pakinabang na mga dahilan na magpapalakas sa kanyang puso at magtatanggal sa kanyang pagkabalisa o takot. Sabi ni Allah: (At sinumang magtiwala kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya) [Surah Attalaq: 3] Ibig sabihin ay sapat na sa kanya [si Allah] sa lahat ng bagay sa kanyang relihiyon at kamunduhan.
Ang taong nagtitiwala kay Allah ay nagtataglay ng malakas na puso, hindi naaapektuhan ng mga maling ilusyon, at hindi nababagabag ng mga pangyayari, dahil alam niya na ang mga ito ay bunga ng kahinaan ng sarili, kawalan ng pag-asa at takot na walang katotohanan, gayundin alam niya na si Allah ang siyang Nangangalaga sa sinumang nagtitiwala sa Kanya ng ganap na pangangalaga. Magtitiwala siya kay Allah at magiging panatag sa mga pangako Niya, kaya matatanggal ang pag-aalala, at pagkatakot niya, at mapapalitan ang paghihirap niya ng kaginhawaan ,ang lungkot niya ng kasiyahan, at ang takot niya ng katiwasayan. Kaya`t hilingin natin kay Allah ang kagalingan at kaayusan at ipagkaloob nawa Niya sa atin ang lakas ng puso at kapanatagan nito, at ang buong pagtitiwala na siyang pinangangalagaan ni Allah ang gumagawa nito nang lahat ng kabutihan, at tinatanggal sa kanya ang lahat ng hirap at pinsala.
Kabanata
At sa pagsabi ng Propeta- sumakanya ang pagapapala at pangangalaga: "Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya sa isang asal ay malulugod naman siya rito sa ibang asal." Isinalaysay ni Muslim
Dalawang malaking benepisyo:
Una: Ang patnubay kung paano pakitunguhan ang asawa, kamag-anak kaibigan at mga tauhan, at sa bawat taong mayroon sa pagitan ninyo ang relasyon at komunikasyon, nararapat na tanggapin mo sa iyong sarili na walang pagdududang sila ay may kapintasan, kakulangan o mga katangiang kasusuklaman mo, at kapag natagpuan mo ang mga ito, ihambing mo ito sa kung ano ang kailangan mong gawin o ano ang nararapat sa iyo mula sa lakas ng komunikasyon at pagpapanatili ng pagmamahalan, sa pamamagitan ng paggunita ng anumang kabutihang nasa kanya, at ng pansariling layunin at kalahatan. At sa pamamagitan ng pagsasawalang-bahala sa mga hindi magandang katangian at pagpupuna sa mga kabutihan niya, ay mapapanatili ang mabuting samahan at komunikasyon at ang kaginhawaan ay magiging ganap at mangyayari sa iyo.
Ang ikalawang benipisyo: ay ang pagkawala ng lungkot at pagkabalisa, ang pagpapanatili ng katahimikan, at pagpapatuloy sa pagpapatupad ng mga karapatan [sa bawat-isa] obligado at sunnah: at ang pagkamit ng kaginhawahan sa pagitan ng dalawang partido. Ang sinumang hindi magabayan sa mga nabanggit ng mahal na Propeta, sumakanya ang pagpapala at pangangalaga, sa halip ay binaliktad nito ang sitwasyon at higit niyang tinitingnan ang mga masamang katangian at naging bulag siya sa mga kabutihan nito-walang pag-aalinlangan na mangyayari sa kanya ang pag-aalala, at pagkabalisa sa pagitan niya at ng sinumang minamahal niya sa buhay, at mawawala rin ang karapatan kung saan ang bawat isa sa kanila ay dapat na magpanatili rito.
Karamihan sa mga tao na mayroong mataas na determinasyon, ay tinatanggap nila [ng maluwang] sa kanilang mga sarili, ang pagtitiis at kapanatagan, kapag nangyari sa kanila ang mga sakuna at kaguluhan. Subalit pagdating sa mga maliit at hindi makabuluhang bagay ay nababahala sila, ang kapanatagan niya ay nagiging balisa, at ang dahilan nito ay dahil tinanggap nila sa kanilang mga sarili ang mga malalaking bagay na mangyayari subalit iniwan nila ito pagdating sa mga maliliit na bagay na nangyayari, kaya`t nagdulot ito ng pinsala sa kanila at nagkaroon ng epekto sa kanilang kasiyahan. Ang isang matatag tao ay nararapat na tanggapin niya sa kanyang sarili ang lahat ng bagay na mangyayari, maliit man o malaki, at humiling siya kay Allah na matulungan siya rito, at huwag niya itong mawala sa kanyang sarili kahit sa isang kisap mata, sa pamamagitan niyon, ay magiging madali sa kanya ang mga malilit na bagay katulad ng pagiging madali para sa kanya ng mga malalaking bagay. At siya ay [makakaramdam] ng pananatili ng katiwasayan sa sarili at panatag na puso na nasisiyahan.
Kabanata
Ang matalinong tao ay natitiyak niya na ang kanyang tunay na pamumuhay ay isang buhay ng kasiyahan at katahimikan at ito ay panandalian lamang, hindi nararapat sa kanya na paikliin ito sa pamamagitan ng pag-aalala at paglubog sa mga problema dahil ito ay salungat sa tunay na [layunin] pamumuhay, at sasayangin niya ang kanyang buhay at mawawala ang karamihan sa mga ito dahil sa lungkot at problema. At walang pagkakaiba rito ang mabuting tao at masama, subalit ang isang mananampalataya ay magkakaroon ng pinakamalaking swerte at kapaki-pakinabang na bahagi [ng gantimpala] sa kasalukuyan at sa hinaharap.
At nararapat din na kapag dumating sa kanya ang anumang sakuna o anumang bagay na kinatatakutan niya, na ihambing niya ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanya sa relihiyon o kamunduhan at ang dumating sa kanyang sakuna, at sa pamamagitan ng paghahambing na ito ay magiging malinaw sa kanya ang napakaraming tinatamasa niya mula sa mga biyaya, at maglalaho ang anumang dumating sa kanya na sakuna,
at ihambing niya rin ang anumang kinatatakutan niyang pinsalang mangyayari sa kanya sa mga maraming posibilidad na mangyayari sa kanya na kaligtasan, huwag niyang hayaan na ang mahinang posibilidad ang siyang manaig laban sa marami at malakas na posibilidad [na mangyayari], sa pamamagitan nito ay matatanggal ang kanyang lungkot at takot, at isipin niya ang pinakamalaking posibilidad na mangyayari sa kanya, at tanggapin niya sa kanyang sarili ang pangyayaring ito kapag naganap, at sikapin niyang itaboy ang mga hindi nangyari sa kanya, at tanggalin [sa kanyang isip] ang anumang nangyari o pagaanin niya ito.
At kabilang sa mga bagay na kapaki-pakinabang: ay ang malaman mo na ang mga pananakit ng mga tao sa iyo lalo na ang masamang pananalita; ito ay hindi nakapipinsala sa iyo sa halip ay nakapipinsala sa kanila, maliban na lang kung aabalahin mo ang iyong sarili sa pag-iisip dito, at hahayaan mo itong kontrolin ang nararamdaman mo, magkagayun ito'y makapipinsala sa iyo tulad ng pagkakapinsala sa kanila, subalit kung ito ay hindi mo pinansin, ito ay hindi makapipinsala sa iyo ng anuman.
At dapat mong malaman na ang iyong buhay ay nakasalalay sa iyong pag-iisp, kung ang pag-iisip na ito ay magdudulot sa iyo ng pakinabang sa iyong relihiyon at kamunduhan, ang iyong buhay ay magiging masagana at masaya, at kung hindi naman, ang mangyayari ay kabaliktaran.
At kabilang sa mga kapaki-pakinabang na bagay upang mawala ang lungkot ay ang pagtanggap sa iyong sarili na hinding hindi ka hihingi ng pagpapasalamat [mula sa mga tao] liban kay Allah, kapag gumawa ka ng kabutihan sa sinumang may karapatan sa iyo o walang karapatan sa iyo, dapat mong malaman na ang pakikitungong ito ay para kay Allah lamang. Huwag kang maghangad ng kapalit na pagpapasalamat sa sinumang binigyan mo, tulad ng sinabi ni Allah batay sa mga katangian ng kanyang nilikha: [Sila ay nagsasabing]: "Kami lamang ay nagpapakain sa inyo para sa kaluguran ni Allah, wala kaming hangarin mula sa inyo ng kabayaran o pasasalamat. [Surah Al-insan: 9]
At napapatunayan ito sa iyong pakikitungo sa pamilya at mga anak, at sa lakas ng relasyon mo sa kanila, kapag nasanay kana sa iyong sarili na ilayo sa kanila ang mga masasama, ikaw ay makagiginhawa at makapagpahinga. At isa sa mga dahilan upang makamit ang kaginhawaan ay ang paggawa ng mga magagandang gawa, ayon sa naiibigang gawin ng iyong sarili at walang halong pagpapahirap na siyang magbibigay takot sa iyo; at babalik ka sa iyong hakbang na walang-hangad na makakamit ng kaangatan,iyon ay dahil sa tumahak ka sa landas na paliku-liko, at ito ay kabilang sa layunin nito, At [isipin mo na] ang mga bagay na bumabagabag sa iyo, ay mga bagay na maaliwalas at matamis [na pangyayari], sa pamamagitan nito ay madadagdagan ang kadalisayan ng kasiyahan at matatanggal ang mga pasanin.
Panatilihin ang mga kapaki-pakinabang na bagay sa isip at gumawa ng paraan upang makamit ang mga ito, at huwag bigyang pansin ang mga nakakapinsalang bagay na nakakaabala sa iyong sarili mula sa mga bagay na nagdudulot ng pag-aalala at kalungkutan. Magbigay ng oras sa pagpapahinga at pagsang-ayon sa sarili sa [pagpapatupad ng ]mahahalagang gawain.
At isa sa mga bagay na kapaki-pakinabang ay ang paglutas at paggawa sa mga gawaing kasalukuyan, at pagsasantabi sa mga gawaing hinaharap, dahil kapag hindi nalutas o nagawa ang mga gawain [sa kasalukuyan] maiipon sa iyo ang mga iba pang gawain mula sa nakalipas, at makakadagdag ito sa mga gawain mo sa hinaharap at higit na magiging mahirap ang paglala nito. Subalit kapag ginawa mo ang lahat ng bagay sa tamang oras nito, haharapin mo ang mga trabaho sa hinaharap nang may lakas sa pag-iisip at lakas sa paggawa.
At nararapat din na piliin ang mga kapaki-pakinabang na gawain mula sa pinakamahalaga rito, at piliin ang mga bagay na pinagkaka-interesan ng iyong sarili at higit na matindi ang pagnanais dito, sapagkat ang salungat nito ay magbibigay sa iyo ng lason, pagkabagot at kawalan ng kasiyahan. Gamitan ito ng tamang pag-iisip at paghingi ng opinyon sa ibang tao, dahil walang nagsisi sa taong humihingi ng opinyon sa iba, at pag-aralan mo ang gusto mong gawin ng masusing pag-aaral, at kapag natupad sa pamamagitan nito ng kabutihan at naging buo ang iyong pasya, magtiwala ka kay Allah, tunay na si Allah ay minamahal ang mga nagtitiwala sa kanya.
Ang lahat ng papuri ay para kay Allah, Panginoon ng sanlibutan.
At ang pagpapala nawa ni Allah ay mapasa-ating Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang kasamahan, at ang kapayapaan.
Related books
All books
نبراس طالب (5)2 wikaنبراس طالب (5)
Panimula ng Aklat Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula, Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Ikalimang Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus. Mag-aaralan tayo sa aklat na ito ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga sūrah na…
نبراس طالب (4)2 wikaنبراس طالب (4)
Panimula ng Aklat Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula, Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Ikaapat na Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus. Mag-aaralan tayo sa aklat na ito ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga sūrah na…
Sino ang lumikha sa akin? At bakit?75 wikaSino ang lumikha sa akin? At bakit?
Bawat bagay ay nagpapahiwatig ng kairalan ng Tagalikha. Sino ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga dakilang nilikha na hindi natatalos? Sino ang gumawa sa sistemang eksaktong mahusay na ito sa langit at lupa? Sino ang lumikha ng tao, nagkaloob sa kanya ng pandinig, paningin, at pang-unawa, at gumawa sa kanya na nakakakaya ng pagtamo ng mga kaalaman at pagtalos ng mga katotohanan? Papaano mong ipakahuhulugan ang eksaktong pagkagawang ito sa mga organo ng katawan mo at mga katawan ng mga buhay na nilalang? Sino ang nagpasimula sa mga ito? Papaanong naoorganisa at…
نبذة في العقيدة الإسلامية (شرح أصول الإيمان)75 wikaالإيماننبذة في العقيدة الإسلامية (شرح أصول الإيمان)
رسالة لطيفة تتناول أصول العقيدة الإسلامية بأسلوب مبسط وميسر. تبدأ بمقدمة حول أهمية علم التوحيد، كونه أشرف العلوم وأجلّها، ثم تتناول مفهوم الدين الإسلامي وأركانه الخمسة: الشهادتان، والصلاة، والزكاة، والصوم، والحج. كما يشرح الإيمان بالله، وملائكته، وكتبه، ورسله، واليوم الآخر، ويؤكد على أهمية التوحيد في بناء دين المسلم بشكل سليم. الكتاب يهدف إلى تعزيز الفهم الصحيح للعقيدة الإسلامية وتطبيقها في حياة المسلم اليومية.