Pinakahinahanap
نبذة في العقيدة الإسلامية (شرح أصول الإيمان)
*
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Isang Buod sa Paniniwalang Islāmiko
Sa panulat ng Kagalang-galang na Shaykh na Pantas
Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Magpatawad nawa si Allāh sa kanya, sa mga magulang niya, at sa mga Muslim.
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
Panimula
Tunay na ng papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagbabalik-loob tayo sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga kasagwaan ng mga gawain natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang tagapagpaligaw sa kanya at ang sinumang pinaligaw ay walang tagapagpatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Basbasan siya ni Allāh, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda, at pangalagaan nang maraming pangangalaga.
Sa pagpapatuloy, tunay na ang Kaalaman sa Tawḥīd ay ang pinakamarangal sa mga kaalaman, ang pinakakapita-pitagan sa mga ito sa halaga, at ang pinakakailangan sa mga ito sa hiling dahil ito ay ang kaalaman kay Allāh (napakataas Siya), sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga karapatan Niya sa mga lingkod Niya; at dahil ito ay ang susi sa daan tungo kay Allāh (napakataas Siya) at ang pundasyon ng mga palabatasan Niya.
Dahil dito, nagkabukluran ang mga sugo sa pag-aanyaya tungo rito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:25)
Sumaksi si Allāh para sa sarili Niya sa kaisahan at sumaksi rito para sa Kanya ang mga anghel Niya at ang mga alagad ng kaalaman. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.} (Qur'ān 3:18)
Yayamang ito ang pumapatungkol sa Tawhid, naging kailangan sa bawat Muslim na magmalasakit dito sa pagpapakatuto, sa pagtuturo, sa pagninilay-nilay, at sa paniniwala upang maitayo niya ang Relihiyon niya sa isang maayos na pundasyon, isang kapanatagan, at isang pagpapasakop nang sa gayon lumigaya siya sa mga bunga nito at mga resulta nito.
Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon.
Ang May-akda
Ang Relihiyong Islāmiko
Ang Relihiyong Islāmiko ay ang relihiyon na nagpadala si Allāh dahil dito kay Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan), nagpawakas Siya dahil dito sa mga relihiyon, nagpakumpleto Siya dahil dito para sa mga lingkod Niya, nagpalubos Siya dahil dito sa kanila ng biyaya, at nalugod Siya rito para sa kanila bilang relihiyon kaya hindi Siya tatanggap mula sa isa man ng isang relihiyong iba rito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur'ān 33:40)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.} (Qur'ān 3:19)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 3:85)
Nagsatungkulin nga si Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga tao na magrelihiyon sila para sa Kanya nito sapagkat nagsabi Siya habang kumakausap sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): {Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan, Siya na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa’t nakasusulat, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya, at sundin ninyo ito nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."} (Qur'ān 7:158)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Ang paniniwala sa kanya ay ang pagpapatotoo sa inihatid niya kasama ng pagtanggap at pagpapasakop, hindi lang payak na pagpapatotoo. Dahil dito, si Abū Ṭālib ay hindi naging isang mananampalataya sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabila ng pagpapatotoo nito sa inihatid niya at pagsaksi nito na ang Islām ay ang pinakamabuti sa mga relihiyon.
Ang Relihiyong Islāmiko ay naglalaman ng lahat ng mga kapakanang nilaman ng mga naunang relihiyon, na namumukod sa mga ito dahil sa pagiging ito ay naaangkop sa bawat panahon, lugar, at kalipunan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) habang kumakausap sa Sugo Niya: {Nagpababa Kami sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na kasulatan at bilang tagapagsubaybay rito.} (Qur’an 5:48)
Ang kahulugan ng pagiging ito ay naaangkop sa bawat panahon, lugar, at kalipunan ay na ang pagkapit dito ay hindi nakikisalungat sa mga kapakanan ng kalipunan sa alinmang panahon o lugar; bagkus ito ang kaangkupan nito. Hindi nangangahulugan iyon na ito ay sumasailalim sa panahon, lugar, at kalipunan gaya ng ninanais ng iba sa mga tao.
Ang Relihiyong Islāmiko ay ang Relihiyon ng katotohanan, na naggarantiya si Allāh (napakataas Siya) sa sinumang kumapit dito nang totoong pagkapit na mag-adya Siya rito at magpanaig Siya rito laban sa iba rito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal.} (Qur'ān 61:9)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga bago pa nila bilang kahalili, talagang magbibigay-kapangyarihan nga Siya para sa kanila sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, matapos na ng pangamba nila, ng isang katiwasayan. Sumasamba sila sa akin habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 24:55)
Ang Relihiyong Islāmiko ay paniniwala at palabatasan kaya ito ay kumpleto sa paniniwala nito at mga palabatasan nito.
1. Nag-uutos ito ng paniniwala sa Tawḥīd ni Allāh (napakataas Siya) at sumasaway ito laban sa Shirk.
2. Nag-uutos ito ng katapatan at sumasaway ito laban sa kasinungalingan.
3. Nag-uutos ito ng katarungan at sumasaway ito laban sa inhustisya. Ang katarungan ay ang pagpapantayan sa pagitan ng mga magkakatularan at ang pagpapahiwalay sa pagitan ng mga nagkakaibahan. Ang katarungan ay hindi ang pagpapantayang walang-pasubali gaya ng inuusal ng ilan sa mga tao nang nagsasabi sila na ang Relihiyong Islām ay relihiyon ng pagpapantayan at nagsasawalang-pasubali sila. Tunay na ang pagpapantayan sa pagitan ng mga nagkakaibahan ay inhustisyang hindi dinala ng Islām at hindi napupuri ang tagagawa nito.
4. Nag-utos ng pagkamapagkakatiwalaan at sumasaway laban sa pagtataksil.
5. Nag-uutos ito ng pagpapakatapat at sumaway ito laban sa pagpapakataksil.
6. Nag-uutos ito ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang at sumasaway ito laban sa kasuwailan.
7. Nag-uutos ito ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kaanak; sila ang mga kamag-anakan, at sumasaway laban sa pagputol ng ugnayan.
8. Nag-uutos ito ng kagandahan sa pakikipagkapitbahay at sumasaway ito laban sa kasagwaan doon.
Ang kalahatan ng masasabi ay na ang Islām ay nag-uutos ng bawat kaasalang mainam at sumasaway laban sa bawat kaasalang mababa, at nag-uutos ng bawat maayos na gawain at sumasaway laban sa bawat masagwang gawain.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala} (Qur'ān 16:90)
Ang mga Haligi ng Islām
Ang mga haligi ng Islām: ang mga pundasyon nito na kinatatayuan nito. Ang mga ito ay lima. Nababanggit sa isinalaysay ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nagsabi: "Itinayo ang Islām sa lima: sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh" – at sa isa namang salaysay – "sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, at [pagsasagawa ng] ḥajj." May nagsabing isang lalaki: "Ang [pagsasagawa ng] ḥajj at ang pag-aayuno sa Ramaḍān?" Nagsabi siya: "Hindi; ang pag-aayuno sa Ramaḍān at ang [pagsasagawa ng] ḥajj." Gayon ko narinig ito mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
1. Hinggil sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya, ito ay ang paniniwalang tiyakang ipinahahayag ng dila sa pamamagitan ng ganitong pagsaksi, na para bang siya ay tumitiyak doon, na nakikisaksi roon. Ginawa lamang ang pagsaksing ito bilang iisang haligi bagamat maramihan ang sinasaksihan dito:
maaaring dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tagapagpaabot tungkol kay Allāh (napakataas Siya) sapagkat ang pagsaksi para sa kanya ng pagkalingkod at pagkasugo ay bahagi ng kalubusan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh;
at maaaring dahil ang dalawang pagsaksing ito ay pundasyon ng katumpakan ng mga gawa at pagkatanggap sa mga ito yayamang walang katumpakan para sa isang gawa at walang pagtanggap malibang sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh (napakataas Siya) at pakikipagsunuran sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh naisasakatotohanan ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at sa pamamagitan ng pakikipagsunuran sa Sugo ni Allāh (basbasan Nito ito at pangalagaan) naisasakatotohanan ang pagsaksi na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.
Kabilang sa mga bunga ng dakilang pagsaksing ito ang pagpapalaya sa puso at sarili mula sa pagkaalipin ng mga nilikha at mula sa pagsunod sa hindi mga isinugo.
2. Hinggil naman sa pagpapanatili ng ṣalāh, ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng paggawa nito ayon sa paraan ng pagkamatuwid at kalubusan sa mga oras nito at mga anyo nito.
Kabilang sa mga bunga nito ang pagkaluwag ng dibdib, ang ginhawa ng mata, at ang pagsaway laban sa kahalayan at nakasasama.
3. Hinggil naman sa pagbibigay ng zakāh, ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng halagang kinakailangan sa mga yamang pinapatawan ng karapat-dapat na zakāh.
Kabilang sa mga bunga nito ang pagdadalisay ng sarili mula sa kaasalang kalait-lait, ang karamutan, at ang pagpuno sa pangangailangan ng Islām at mga Muslim.
4. Hinggil naman sa pag-aayuno sa Ramaḍān, ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagtigil sa mga tagapagpatigil-ayuno sa maghapon ng Ramaḍān.
Kabilang sa mga bunga nito ang pagsasanay sa sarili sa pagwaksi ng mga naiibigan sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
5. Hinggil naman sa pag-aayuno sa pagsasagawa ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh], ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagsasadya sa Bahay na Pinakababanal para sa pagsasagawa ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj.
Kabilang sa mga bunga nito ang pagsasanay sa sarili sa pagkakaloob ng pagsusumikap na pampananalapi at pangkatawan sa pagtalima kay Allāh (napakataas Siya). Dahil dito, ang ḥajj ay naging isang uri ng pakikibaka sa landas ni Allāh (napakataas Siya).
Ang mga bungang ito na nabanggit natin para sa mga pundasyong ito at hindi natin nabanggit ay gumagawa sa kalipunan bilang Kalipunang Islāmiko na dalisay at busilak, na nagrerelihiyon para kay Allāh ng Relihiyon ng katotohanan at nakikitungo sa nilikha sa katarungan at katapatan dahil ang iba pa sa mga ito mula sa mga palabatasan ng Islām ay nakabubuti dahil sa kabutihan ng mga pundasyong ito. Bumubuti ang mga kalagayan ng Kalipunan dahil sa kabutihan ng nauukol sa relihiyon nito at nawawalan ito ng kabutihan ng mga kalagayan nito ayon sa sukat ng nawala rito na kabutihan ng mga nauukol sa relihiyon nito.
Ang sinumang nagnais ng pagpapalinaw roon ay magbasa ng sabi ni Allāh: {96. Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanan ay sumampalataya at nangilag magkasala, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pagpapala mula sa langit at lupa subalit nagpasinungaling sila kaya dumaklot Kami sa kanila dahil sa dati nilang kinakamit. 97. Kaya natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanan na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa magdamag habang sila ay mga tulog? 98. Natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanan na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa kaumagahan habang sila ay naglalaro? 99. Kaya natiwasay ba sila sa pakana ni Allāh sapagkat walang natitiwasay sa pakana ni Allāh kundi ang mga taong lugi?} (Qur'ān 7:96-99)
Tumingin siya sa kasaysayan ng nauna sapagkat tunay na ang kasaysayan ay isang aral para sa mga may isip at isang pagkatalos para sa sinumang walang humarang sa puso niya na tabing. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan.
Ang mga Pundasyon ng Paniniwalang Islāmiko
Ang Relihiyong Islāmiko – gaya ng naunang pagbibigay-liwanag natin – ay paniniwala at palabatasan. Nagpahiwatig tayo ng isang aspeto ng mga palabatasan nito. Binanggit natin ang mga haligi nito na itinuturing na pundasyon ng mga palabatasan nito.
Hinggil naman sa paniniwalang Islāmiko, ang mga pundasyon nito ay ang pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at pagtatakda: sa kabutihan nito at sa kasamaan nito.
Nagpatunay nga sa mga pundasyong ito ang Aklat ni Allāh at ang Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya), nagsasabi Siya: {Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa kasulatan, at sa mga propeta;} (Qur'ān 2:177) at nagsasabi naman Siya kaugnay sa pagtatakda: {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda. Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.} (Qur’ān 54:49-50)
Sa Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsasabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumasagot kay Anghel Gabriel nang nagtanong ito sa kanya tungkol sa pananampalataya: "Ang pananampalataya ay na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito."
Ang Pananampalataya kay Allāh (Napakataas Siya)
Hinggil naman sa pananampalataya kay Allāh, naglalaman ito ng apat na Bagay:
Ang Unang Sangkap: Ang Pananampalataya sa Kairalan ni Allāh (Napakataas Siya)
Nagpatunay nga sa kairalan Niya (napakataas Siya) ang naturalesa (fiṭrah), ang isip, ang kapahayagan, at ang pandama.
1. Hinggil naman sa katunayan ng naturalesa sa kairalan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), tunay na ang bawat nilikha ay isinanaturalesa sa pagsampalataya sa Tagalikha niya nang walang pagkauna ng pag-iisip o pagtuturo. Hindi nababaling palayo sa hinihiling ng naturalesang ito kundi ang sinumang sumapit sa puso niya ang nagpapabaling sa kanya palayo roon. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang ipinanganak malibang ipinanganganak sa naturalesa ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya."
2. Hinggil naman sa katunayan ng naturalesa sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya), iyon ay dahil ang mga nilikhang ito, ang nauuna sa mga ito at ang sumusunod sa mga ito, ay walang pagkaiwas para sa mga ito mula sa isang tagalikha na nagpairal sa mga ito yayamang hindi naisasaposible na magpairal ang mga ito ng mga sarili ng mga ito sa pamamagitan ng mga sarili ng mga ito at hindi naisasaposible na pinairal ang mga ito dala ng isang pagkakataon.
Hindi naisasaposible na magpairal ang mga ito ng mga sarili ng mga ito sa pamamagitan ng mga sarili ng mga ito dahil ang bagay ay hindi lumilikha ng sarili nito, dahil bago ng pag-iral nito, ay wala ito, kaya papaanong ito ay magiging isang tagalikha?
Hindi naisasaposible na pinairal ang mga ito dala ng isang pagkakataon dahil ang bawat nangyayari ay walang pagkaiwas para rito mula sa isang tagapagpangyari; at dahil ang kairalan ng mga ito ayon sa ganitong sistemang walang-katulad, kaayusang nagkakatugmaan, pagkakaugnay na nagkakadikitan sa pagitan ng mga kadahilanan at mga tagapagbigay-dahilan sa mga ito at ng mga nakairal sa isa't isa sa mga ito ay pumipigil nang tiyakang pagpigil na ang kairalan ng mga ito ay maging dala ng isang pagkakataon yayamang ang umiiral dala ng isang pagkakataon ay hindi batay sa isang sistema sa batayan ng kairalan nito kaya papaanong ito ay magiging nakasistema sa sandali ng pananatili nito at pag-unlad nito?
Kapag hindi naisasaposible na magpairal ang mga nilikhang ito ng mga sarili ng mga ito sa pamamagitan ng mga sarili ng mga ito ni na pinairal ang mga ito dala ng isang pagkakataon, naisakailangan na magkaroon ang mga ito ng isang tagapagpairal. Siya ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Nabanggit nga ni Allāh (napakataas Siya) ang ganitong pang-isip na patunay at patotoong tiyakan sa Sūrah Aṭ-Ṭūr kung saan nagsabi Siya: {O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?} (Qur'ān 52:35) Nangangahulugan ito na sila ay hindi nilikha ng hindi isang tagalikha at hindi lumikha ng mga sarili nila, kaya naman naisakailangan na ang Tagalikha nila ay si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas). Dahil dito, noong narinig ni Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya) ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumibigkas ng Sūrah Aṭ-Ṭūr saka umabot ito sa mga talatang ito: {35. O nilikha ba sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha? 36. O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak. 37. O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?} (Qur'ān 52:35-37)
samantalang si Jubayr nang araw na iyon ay isang tagapagtambal, nagsabi siya: "Halos ang puso ko ay lumipad. Iyon ang kauna-unahan na naikintal ang pananampalataya sa puso ko."
Maglahad tayo ng isang paghahalintulad na nagpapaliwanag niyon. Tunay na kung sakaling may nagsanaysay sa iyo na isang tao tungkol sa isang palasyong ipinatayo, na pumalibot dito ang mga hardin, dumaloy sa pagitan ng mga ito ang mga ilog, na pinuno ng mga muwebles at mga sopa, at ginayakan ng mga uri ng gayak na mga sangkap nito at mga pangkumpleto nito, at nagsabi sa iyo na ang palasyong ito at ang anumang narito na kakumpletuhan ay nagpairal nga ng sarili nito o umiral nang gayon dala ng isang pagkakataon nang walang tagapagpairal, talaga sanang nagdali-dali ka sa pagkakaila niyon at pagpapasinungaling sa kanya at nagturing sa sanaysay niya bilang kahunghangan na pagsasalita. Kaya mapapayagan ba matapos niyon na ang malawak na Sansinukob na ito – kalakip ng lupa nito, langit nito, mga lawas na langitnin§ nito, mga kalagayan nito, at sistema nitong walang-katulad na kamangha-mangha – ay nagpairal nga ng sarili nito o umiral nang gayon dala ng isang pagkakataon nang walang isang tagapagpairal?
3. HInggil naman sa katunayan ng kapahayagan sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya), iyon ay dahil ang mga kasulatang makalangit sa kabuuan ng mga ito ay nagsasalita niyon. Ang inihatid ng mga ito na mga patakarang makatarungang naglalaman ng mga kapakanan ng nilikha ay isang patunay na ang mga ito ay mula sa isang panginoong marunong na maalam sa mga kapakanan ng nilikha Niya. Ang mga inihatid ng mga ito na mga pabatid na pansansinukob na sumaksi ang reyalidad sa katapatan ng mga ito ay isang patunay na ang mga ito ay mula sa isang panginoong nakakakaya sa pagpapairal ng ipinabatid Niya.
4. Hinggil naman sa pandama sa kairalan ni Allāh, iyon ay mula sa dalawang punto:
Ang Una sa Dalawa: Tayo ay nakaririnig at nakasasaksi ng pagsagot sa mga dumadalangin at pagsaklolo sa mga pinagdadalamhati, na nagpapatunay ng isang katunayang tiyakan sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya). Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {[Banggitin] si Noe noong nanawagan siya bago pa niyan kaya tumugon Kami sa kanya} (Qur'ān 21:76) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo} (Qur'ān 8:9)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: {Tunay na may Arabeng-disyerto na pumasok nang araw ng Biyernes samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatalumpati saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang hayupan at nagutom ang mag-anak, kaya dumalangin ka kay Allāh para sa amin." Kaya naman nag-angat siya ng mga kamay niya at dumalangin siya saka nabulabog ang mga ulap na mga tulad ng mga bundok. Kaya naman hindi pa siya nakababa mula sa mimbar hanggang nakita ko ang ulan habang nagtutuluan buhat sa balbas niya.
Sa ikalawang Biyernes, tumayo ang Arabeng-disyerto o ang iba pa sa kanya saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nawasak ang gusali at nalunod ang hayupan, kaya dumalangin ka kay Allāh sa amin." Kaya naman nag-angat siya ng mga kamay niya at nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, sa mga paligid namin at huwag sa amin." Kaya hindi pa siya tumuro sa isang dako malibang nabuka [ang mga ulap] ...}
Hindi natigil ang pagtugon sa mga dumadalangin bilang pangyayaring nasasaksihan hanggang sa araw nating ito para sa sinumang nagpakatapat sa pagdulog kay Allāh (napakataas Siya) at tumupad sa mga kundisyon ng pagsagot.
Ang Ikalawang Punto: Ang mga tanda ng mga propeta na tinatawag na himala, na nakasasaksi noon sa mga ito ang mga tao o nakaririnig sila hinggil dito, ay isang patotoong tiyakan sa kairalan ng tagapagsugo nila, si Allāh (napakataas Siya), dahil ang mga ito ay mga pangyayaring labas sa saklaw ng tao, na pinangyayari ni Allāh (napakataas Siya) bilang pag-alalay sa mga sugo Niya at bilang pag-aadya sa kanila.
Halimbawa Niyon: Ang tanda ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) nang nag-utos sa kanya si Allāh (napakataas Siya) na ihampas niya ang tungkod niya sa dagat kaya hinampas niya roon saka nabiyak ito sa labindalawang daanang tuyo samantalang ang tubig sa pagitan ng mga ito ay gaya ng mga bundok. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat." Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na dambuhala.} (Qur'ān 26:63)
Ikalawang Halimbawa: Ang tanda ni Jesus (sumakanya ang pangangalaga) yayamang siya noon ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagpapalabas sa kanila mula sa mga libingan nila ayon sa pahintulot ni Allāh. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni Allāh.} (Qur'ān 3:49) Nagsabi pa Siya: {noong nagpapalabas ka sa mga patay ayon sa pahintulot Ko;} (Qur'ān 5:110)
Ikatlong Halimbawa: [May himala] si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang humiling sa kanya ang liping Quraysh ng isang tanda sapagkat tumuro siya sa buwan saka nabiyak ito sa dalawang bahagi saka nakakita nito ang mga tao. Kaugnay roon ang sabi ni Allāh: {1. Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan. 2. Kung makakikita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: "Isang panggagaway na nagpapatuloy."} (Qur'ān 54:1-2)
Ang mga nadaramang tanda na ito na pinangyayari ni Allāh (napakataas Siya) bilang pag-alalay sa mga sugo Niya at bilang pag-aadya sa kanila ay isang katunayang tiyakan sa kairalan Niya (napakataas Siya).
Ang Ikalawang Sangkap Kabilang sa Nilalaman ng Pananampalataya kay Allāh: Ang Pananampalataya sa Pagkapanginoon Niya. Ibig sabihin: Siyang mag-isa ay ang Panginoon – walang katambal sa Kanya at walang tagatulong.
Ang Panginoon ay ang ukol sa Kanya ang paglikha, ang pagmamay-ari, at ang pag-uutos. Kaya naman walang Tagalikha kundi si Allāh, walang Tagapagmay-ari kundi Siya, at walang pag-uutos kundi ukol sa Kanya. Nagsabi si Allāh: {Pansinin, ukol sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos.} (Qur'ān 7:54) Nagsabi pa Siya: {...Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles.} (Qur'ān 35:3)
Hindi nalaman na may isa mula sa nilikha na nagkaila sa pagkapanginoon ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) maliban na siya ay nakikipagmalakihang hindi naman naniniwala sa sinasabi niya, gaya ng nangyari kay Paraon nang nagsabi ito sa mga tao nito (Qur'ān 79:24): {saka nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."} at nagsabi pa ito (Qur'ān 28:38): {"O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa akin. ...} Nagsabi pa si Allāh: {Nagkaila sila sa mga ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas.} (Qur'ān 27:14) Nagsabi naman si Moises kay Paraon ayon sa naisalaysay ni Allāh tungkol sa kanya: {... "Talaga ngang nalaman mong walang nagpababa sa mga ito kundi ang Panginoon ng mga langit at lupa bilang mga katibayan. Tunay na ako ay talagang nakatitiyak na ikaw, O Paraon, ay naigupo."} (Qur'ān 17:102) Dahil dito, ang mga tagapagtambal noon ay kumikilala sa pagkapanginoon ni Allāh (napakataas Siya) sa kabila ng pagtatambal nila sa Kanya sa pagkadiyos. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {84. Sabihin mo: "Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung kayo ay nakaaalam?" 85. Magsasabi sila: "Sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?" 86. Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang Panginoon ng tronong dakila?" 87. Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?" 88. Sabihin mo: "Sino ang nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay at Siya ay kumakalinga at hindi kinakalinga, kung kayo ay nakaaalam?" 89. Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya paanong napaglalalangan kayo?"} (Qur'ān 23:84-89)
Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya): {Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan, ang Maalam,} (Qur'ān 43:9)
Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?} (Qur'ān 43:87)
Ang pag-uutos ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay sumasaklaw sa pag-uutos na pansansinukob. Kaya naman kung paanong Siya ay ang Tagapangsiwa ng Sansinukob, ang Hukom dito ayon sa anumang niloloob Niya alinsunod sa hinihiling ng karunungan Niya, Siya ay gayundin ang Tagapamahal rito sa pamamagitan ng batas ng mga pagsamba at mga patakaran ng mga pakikitungo alinsunod sa hinihiling ng karunungan Niya. Kaya ang sinumang gumawa kasama kay Allāh ng isang tagapagbatas sa mga pagsamba o isang tagapamahala sa mga pakikitungo, nagtambal nga siya kay Allāh at hindi nakapagsakatotohanan ng pananampalataya.
Ang Ikatlong Sangkap Kabilang sa Nilalaman ng Pananampalataya kay Allāh: Ang Pananampalataya sa Pagkapanginoon Niya. Ibig sabihin: Siyang mag-isa ay ang Diyos na Totoo – walang katambal sa Kanya. Ang Diyos ay nangangahulugang ang Dinidiyos, ibig sabihin: ang Sinasamba dala ng pag-ibig at pagdakila.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain.} (Qur'ān 2:163) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.} (Qur'ān 3:18) Ang bawat sinumang gumawa ng isang diyos kasama kay Allāh, na sinasamba nito bukod pa sa Kanya, ang pagkadiyos nito ay walang-saysay. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Iyon ay tunay na si Allāh ay ang Katotothanan, at ang anumang pinananalanginan nila na iba pa sa Kanya ay walang kabuluhan, at na si Allāh ay Siyang mataas, ang Malaki.} (Qur'ān 22:62) Ang pagtawag sa mga ito bilang mga diyos ay hindi nagbibigay sa mga ito ng karapatan ng pagkadiyos. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) hinggil kina Al-Lāt, Al-`Uzzā, at Manāh: {Walang iba ang mga [anitong] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan.} (Qur'ān 53:23)
Nagsabi Siya tungkol kay Hūd (sumakanya ang pangangalaga) na ito ay nagsabi sa mga tao nito: {Nagsabi siya: "Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo, na hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan.} (Qur'ān 7:71)
Nagsabi Siya tungkol kay Yusuf (sumakanya ang pangangalaga) na ito ay nagsabi sa dalawang kasamahan sa kulungan: {39. O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, mga panginoong magkakahiwa-hiwalay ba ay higit na mabuti o si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig? 40. Wala kayong sinasamba bukod pa sa Kanya kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan.} (Qur'ān 12:39-40)
Dahil dito, ang mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay nagsasabi sa mga tao nila: {sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya.} (Qur'ān 7:59) Subalit umayaw roon ang mga tagapagtambal at gumawa sila ng iba pa kay Allāh bilang mga diyos, na sumasamba sila sa mga ito kasama kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), nagpapaadya sila sa mga ito, at nagpapasaklolo sila.
Nagpawalang-saysay nga si Allāh (napakataas Siya) sa paggawa ng mga tagapagtambal ng mga diyos na ito sa pamamagitan ng dalawang patotoong pang-isip:
Ang Una. Na hindi nasa mga diyos na ito na ginawa nila ang anuman sa mga kakanyahan ng pagkadiyos sapagkat ang mga ito ay mga nilikhang hindi nakalilikha, hindi nakapagdudulot ng isang pakinabang sa mga tagasamba ng mga ito, hindi nakapagtutulak palayo sa kanila ng kapinsalaan, at hindi nakapangyayari sa kanila ng buhay at kamatayan. Hindi sila nagmamay-ari ng anuman mula sa mga langit at hindi sila nakikilahok dito.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nagmamay-ari para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nagmamay-ari ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagkabuhay.} (Qur'ān 25:3)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {22. Sabihin mo: Dumalangin kayo sa mga inangkin ninyo [na mga diyos] bukod pa kay Allāh, samantalang hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, walang ukol sa kanila sa mga ito na anumang pakikitambal [sa Kanya] at walang ukol sa Kanya mula sa kanila na anumang mapagtaguyod. 23. Hindi magpapakinabang ang pamamagitan sa harap Niya maliban sa para sa sinumang nagpahintulot Siya para rito." ...} (Qur'ān 34:22-23) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {191. Nagtatambal ba sila ng hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha? 192. Hindi nakakakaya ang mga ito para sa kanila ng isang pag-aadya, at hindi sa mga sarili ng mga ito nakapag-aadya ang mga ito.} (Qur'ān 7:191-192)
Kapag ito ang kalagayan ng mga diyos na iyon, tunay na ang paggawa sa mga ito bilang mga diyos ay kabilang sa pinakahunghang na hunghang at pinakawalang-saysay na walang-saysay.
Ang Ikalawa. Na ang mga tagapagtambal na ito noon ay kumikilala na si Allāh (napakataas Siya) ay mag-isang Panginoon, ang Tagalikha na nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay. Siya ay nagkakalinga at hindi kinakalinga. Ito ay nag-oobliga na mag-isa sila sa Kanya sa pagkadiyos kung paanong nag-isa sila sa Kanya sa pagkapanginoon, kung paanong nagsabi Siya (napakataas Siya): {21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala, 22. na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 2:21-22)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?} (Qur'ān 43:87)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {31. Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?" 32. Kaya gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo, ang Totoo. Kaya ano pa matapos ng katotohanan kundi ang pagkaligaw? Kaya paano kayong inililihis?"} (Qur'ān 10:31-32)
Ang Ikaapat na Sangkap Kabilang sa Nilalaman ng Pananampalataya kay Allāh: Ang Pananampalataya sa mga Pangalan Niya at mga Katangian Niya
Ibig sabihin: Ang pagpapatibay ng anumang pinagtibay ni Allāh para sa sarili Niya sa Aklat Niya o Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) na mga pangalan at mga katangian ayon sa paraang naaangkop sa Kanya nang walang taḥrīf (paglilihis sa kahulugan), walang ta'til (pagsira sa kahulugan nito), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ukol kay Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 7:180) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Ukol sa Kanya ang paglalarawang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.} (Qur'ān 30:27) Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur'ān 42:11)
May naligaw nga sa usaping ito na dalawang pangkatin:
Ang Unang Pangkatin: Ang Mu`aṭṭilah na mga nagkaila sa mga pangalan at mga katangian o ilan sa mga ito, habang nag-aakala na ang pagpapatibay sa mga ito para kay Allāh ay nag-oobliga ng pagwawangis, ibig sabihin: pagwawangis kay Allāh (napakataas Siya) sa nilikha Niya. Ang pag-aakalang ito ay walang-saysay dahil sa mga puntong kabilang sa mga ito:
Ang Una. Na ito ay nag-obliga ng mga implikasyon gaya ng pagsasalungatan sa salita ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Iyon ay dahil si Allāh (napakataas Siya) ay nagpatibay para sa sarili Niya ng mga pangalan at mga katangian at nagkaila na may bagay na katulad sa Kanya. Kung sakaling ang pagpapatibay sa mga ito ay nag-oobliga ng pagwawangis, naoobliga ang pagsasalungatan sa salita ni Allāh at ang pagpapasinungaling ng iba rito sa iba pa.
Ang Ikalawa. Na hindi naoobliga sa pagkakasang-ayon ng dalawang bagay sa isang pangalan o isang katangian na ang dalawang ito ay nagkakatularan sapagkat ikaw ay nakakakita ng dalawang taong nagkakasang-ayon sa pagiging ang bawat isa sa kanilang dalawa ay taong madiniging nakakikitang nakapagsasalita, at hindi naoobliga roon na magkatularan silang dalawa sa mga kahulugang pantao, pagdinig, pagkakita, at pagsasalita.
Nakikita mo ang mga hayop na may mga kamay, mga paa, at mga mata. Hindi naoobliga sa ganitong pagkakasang-ayon ng mga ito na ang mga kamay ng mga ito, ang mga paa ng mga ito, at ang mga mata ng mga ito ay nagkakatularan.
Kaya kapag lumitaw ang pagkakaibahan sa pagitan ng mga nilikha sa nagkakasang-ayon ang mga ito na mga pangalan o mga katangian, ang pagkakaibahan sa pagitan ng Tagalikha at nilikha ay higit na magkaiba at higit na mabigat.
Ang Ikalawang Pangkatin: Ang Mushabbihah na mga nagpatibay sa mga pangalan at mga katangian kasama ng pagwawangis kay Allāh (napakataas Siya) sa nilikha Niya, habang nag-aakala na ito ay hinihiling ng katunayan ng mga teksto dahil si Allāh (napakataas Siya) ay kumakausap sa mga tao ayon sa naiintindihan nila. Ang pag-aakalang ito ay walang-saysay dahil sa mga puntong kabilang sa mga ito:
Ang Una. Na ang pakikipagwangis ni Allāh (napakataas Siya) sa nilikha Niya ay isang bagay na pinawawalang-saysay ng isip at kapahayagan at hindi naisasaposible na ang hinihiling ng mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ay maging isang bagay na walang-saysay.
Ang Ikalawa: Na si Allāh (napakataas Siya) ay kumausap sa mga lingkod ayon sa naiintindihan nila sa punto ng batayan ng kahulugan. Hinggil naman sa katunayan at pinakadiwa, na ayon dito ang kahulugang iyon, ito ay kabilang sa nagsolo si Allāh (napakataas Siya) sa kaalaman dito hinggil sa anumang nauugnay sa sarili Niya at mga katangian Niya.
Nang nagpatibay si Allāh para sa sarili Niya na Siya ay Madinigin, tunay na ang pagdinig ay nalalaman sa punto ng batayan ng kahulugan (ang pagkatalos ng mga tunog) subalit ang reyalidad niyon kaugnay sa pagdinig ni Allāh (napakataas Siya) ay hindi nalalaman dahil ang reyalidad ng pagdinig ay nagkakaibahan pati sa mga nilikha kaya naman ang pagkakaibahan sa pagitan ng Tagalikha at nilikha ay higit na magkaiba at higit na mabigat.
Nang nagpabatid si Allāh (napakataas Siya) tungkol sa sarili Niya na Siya ay lumuklok sa trono Niya, tunay na ang pagluklok sa punto ng batayan ng kahulugan ay nalalaman subalit ang reyalidad ng pagluklok, na ito ay ayon doon, ay hindi nalalaman sa atin kaugnay sa pagluklok ni Allāh sa trono Niya dahil ang reyalidad ng pagluklok ay nagkakaibahan sa panig ng nilikha. Ang pagluklok sa isang silyang nakapirme ay hindi gaya ng pagluklok sa isang sintadera ng sasakyan ng kamelyong maligalig. Kaya kapag nagkaibahan sa panig ng nilikha, ang pagkakaibahan dito sa pagitan ng Tagalikha at nilikha ay higit na magkaiba at higit na mabigat.
Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) ayon sa inilarawan natin ay nagbubunga para sa mga mananampalataya ng mga marilag, kabilang sa mga ito:
Ang Una: Ang pagsasakatotohan ng Tawḥīd kay Allāh (napakataas Siya) sa puntong walang nakadepende sa iba pa sa Kanya na isang pag-asa ni isang pangamba at hindi sumasamba sa iba pa sa Kanya.
Ang Ikalawa: Ang kakumpletuhan ng pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya) , pagdakila sa Kanya ayon sa hinihiling ng mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas.
Ang Ikatlo: Ang pagsasakatotohanan ng pagsamba sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya.
*
Ang Pananampalataya sa mga Anghel
Ang mga anghel ay nilalang na pangnakalingid, na mga nilikhang tagasamba kay Allāh. Hindi sila nagkaroon ng anuman sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon at pagkadiyos. Lumikha sa kanila si Allāh (napakataas Siya) mula sa isang liwanag at nagkaloob Siya sa kanila ng lubos na pagpapaakay sa utos Niya at lakas sa pagpapatupad nito. Nagsabi si Allāh: {19. Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Ang mga nasa piling Niya ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagal [sa pagsamba sa Kanya]. 20. Nagluluwalhati sila sa gabi at maghapon nang hindi nananamlay.} (Qur'ān 21:19-20)
Sila ay may malaking bilang, na walang nakaiisa-isa sa kanila kundi si Allāh (napakataas Siya). Napagtibay nga sa Dalawang Ṣaḥīḥ mula sa ḥadīth ni Anas (malugod si Allāh sa kanya) sa kasaysayan ng Mi`rāj (Pagpanik sa Langit) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinag-angatan ng Bayt Ma`mūr (Bahay na Dinadalaw-dalaw) sa langit, na nagdarasal sa loob niyon sa bawat araw ang pitumpung libong anghel, na kapag lumabas sila ay hindi nanunumbalik doon ang kahuli-hulihan sa kanila.
Ang pananampalataya sa mga anghel ay naglalaman ng apat na sangkap:
Ang Una: Ang Pananampalataya sa Kairalan Nila
Ang Ikalawa: Ang pananampalataya sa sinumang nakaalam tayo sa pangalan nito kabilang sa kanila, gaya ni Anghel Gabriel, Ang mga hindi tayo nakaalam sa pangalan nila, sumasampalataya tayo sa kanila bilang paglalahat.
Ang Ikatlo: Ang pananampalataya sa anumang nakaalam tayo mula sa mga katangian nila gaya ng katangian ni Anghel Gabriel sapagkat nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nakakita kay Anghel Gabriel sa katangian nitong nilikha ito ni Allāh ayon doon, na ito ay may 600 pakpak na puminid sa abot-tanaw.
Maaaring magbagong-anyo ang anghel ayon sa utos ni Allāh (napakataas Siya) sa anyo ng isang lalaki, gaya ng nangyari kay Anghel Gabriel nang nagsugo sa kanya si Allāh (napakataas Siya) kay Maria saka nag-anyo ito sa kanya bilang isang taong lubos, at nang dumating ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakaupo sa gitna ng mga Kasamahan. Dumating ito sa pagkakalarawan ng isang lalaking matindi ang kaputian ng mga kasuutan, na matindi ang kaitiman ng buhok, na hindi nakikita rito ang bakas ng paglalakbay, na walang nakakikilala rito na isa man sa amin, saka naupo ito sa paharap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), saka nagsandal ito ng mga tuhod nito sa mga tuhod niya at naglagay ito ng mga kamay nito sa ibabaw ng mga hita nito. Nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Islām (Pagpapasakop), Īmān (Pananampalataya), at Iḥsān (Pagpapakahusay); at Huling Sandali at mga tanda nito. Kaya sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka lumisan. Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito si Gabriel; pumunta siya sa inyo na nagtuturo ng Relihiyon ninyo."
Gayon din ang mga anghel na isinugo ni Allāh (napakataas Siya) kina Abraham at Lot, sila ay nasa larawan ng mga lalaki.
Ang Ikaapat Mula sa Nilalaman ng Pananampalataya sa mga Anghel: Ang pananampalataya sa anumang nakaalam tayo mula sa mga gawain nila na isinasagawa nila ayon sa utos ni Allāh gaya ng pagluwalhati sa Kanya at pagpapakamananamba sa Kanya sa gabi at maghapon nang walang pagkasawa at walang pananamlay.
Maaaring ang iba sa kanila ay may mga natatanging gawain.
Tulad ni Anghel Gabriel, ang mapagkakatiwalaan sa pagkasi ni Allāh (napakataas Siya), na isinusugo ni Allāh sa mga propeta at mga sugo.
Tulad ni Anghel Miquel (Mīkā'īl), ang nakatalaga sa pagpapatak, ibig sabihin: ang ulan at ang halaman.
Tulad ni Anghel Rafael (Isrāfīl), ang nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli sa sandali ng pagsapit ng Huling Sandali at pagbuhay sa nilikha.
Tulad ng Anghel ng Kamayan (Malakulmawt), ang nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa sa sandali ng pagkamatay.
Tulad ni Anghel Mālik, ang nakatalaga sa Impiyerno, ang tagatanod ng Impiyerno.
Tulad ng mga anghel na nakatalaga sa mga fetus sa mga sinapupunan; kapag nalubos ng tao ang apat na buwan sa tiyan ng ina niya, nagpapadala si Allāh ng isang anghel at nag-uutos doon ng pagsulat sa panustos nito, taning nito, gawain nito, at kung miserable o maligaya.
Tulad ng mga anghel na nakatalaga sa pag-iingat sa mga gawain ng mga anak ni Adan at pagtatala ng mga ito, na ang bawat tao ay may dalawang anghel, na ang isa sa dalawa ay nasa kanan at ang ikalawa ay nasa kaliwa.
Tulad ng mga anghel na nakatalaga sa pagtatanong sa patay; kapag nailagay ito sa libingan nito, pupuntahan ito ng dalawang anghel na magtatanong dito tungkol sa Panginoon nito, Relihiyon nito, at Propeta nito.
Ang pananampalataya sa mga anghel ay nagbubunga ng mga marilag na bunga, na kabilang sa mga ito:
Ang Una: Ang kaalaman sa kadakilaan ni Allāh (napakataas Siya), kapangyarihan Niya, at kapamahalaan Niya sapagkat tunay na ang kadakilaan ng nilikha ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagalikha.
Ang Ikalawa: Ang pagpapasalamat kay Allāh (napakataas Siya) sa pagmamalasakit Niya sa mga anak ni Adan yayamang nagtalaga Siya mula sa mga anghel na ito ng nagsasagawa ng pag-iingat sa kanila, pagtatala ng mga gawain nila, at iba pa roon kabilang sa mga kapakanan nila.
Ang Ikatlo: Ang pag-ibig ng mga anghel sa anumang isinasagawa nila na pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
May nagkaila na mga likong tao sa pagiging ang mga anghel ay mga katawan. Nagsabi sila na ang mga ito ay isang katawagan sa mga lakas ng kabutihan, na nakakubli sa mga nilikha. Ito ay isang pagpapasinungaling sa Aklat ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at pagkakabuklod ng hatol ng mga Muslim.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan.} (Qur'ān 35:1)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Kung sakaling nakakikita ka kapag nagpapapanaw sa mga tumangging sumasampalataya ang mga anghel habang humahagupit sa mga mukha nila at mga likod nila ...} (Qur'ān 8:50)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila [na nagsasabi]: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo! ...} (Qur'ān 6:93)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Hanggang sa nang naalisan ng hilakbot sa mga puso nila ay nagsabi sila: "Ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Ang katotohanan, at Siya ay ang Mataas, ang Malaki."} (Qur'ān 34:23)
Nagsabi naman Siya hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso: {23. ang mga Hardin ng Eden na papapasukin nila at ng sinumang umayos kabilang sa mga ninuno nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat pinto, [na bumabati]: 24. "Kapayapaan ay sumainyo dahil nagtiis kayo sapagkat kay inam ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan!"} (Qur'ān 13:23-24)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag inibig ni Allāh ang tao, tinatawag Niya si Gabriel [upang magsabi]: 'Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito.' Kaya iibigin ito ni Gabriel saka mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: 'Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito.' Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa."}
Nasaad din dito ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag araw ng Biyernes, nasa bawat pinto mula sa mga pinto ng masjid ang mga anghel habang nagtatala ng unang dumating saka kasunod. Kapag umupo ang imām, itinutupi ang mga talaan at pumupunta sila upang makinig ng pag-alaala."}
Ang mga tekstong ito ay tahasan sa pahayag na ang mga anghel ay mga katawan, hindi mga makahulugang lakas gaya ng sinabi ng mga liko at ayon sa hinihiling ng mga tekstong ito nagkabuklod sa hatol ang mga Muslim
*
Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan
Ang kasulatan ay may kahulugang isinulat.
Ang tinutukoy sa mga ito dito ay ang mga kasulatan na pinababa ni Allāh (napakataas Siya) sa mga sugo Niya bilang awa sa nilikha at kapatnubayan sa kanila upang umabot sila sa pamamagitan ng mga ito sa kaligayahan nila sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang pananampalataya sa mga kasulatan ay naglalaman ng apat na sangkap:
Ang Una: Ang Pananampalataya na ang Pagbaba ng mga Ito ay Mula sa Ganang kay Allāh sa Totoo.
Ang Ikalawa: Ang pananampalataya sa anumang nakaalam tayo sa pangalan nito mula sa mga ito sa pangalan nito gaya ng Qur'ān na pinababa kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), Torah na pinababa kay Propeta Moises (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), Ebanghelyo na pinababa kay Jesus (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at Salmo na ibinigay kay Propeta David (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hinggil naman sa hindi natin nalaman ang pangalan nito, sumasampalataya tayo rito bilang paglalahat.
Ang Ikatlo: Ang paniniwala sa natumpak mula sa mga pabatid ng mga ito gaya ng pabatid ng Qur'ān at pabatid ng hindi napalitan o napalihis mula sa mga naunang kasulatan.
Ang Ikaapat: Ang paggawa ayon sa mga patakaran ng hindi ipinawalang-bisa mula sa mga ito, ang pagkalugod, at ang pagpapasakop dito, maging ipinaintindi man sa atin ito o hindi ipinaintindi sa atin ito. Ang lahat ng mga naunang kasulatan ay pinawalang-bisa dahil sa Dakilang Qur'ān. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagpababa Kami sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na kasulatan at bilang tagapagsubaybay rito.} Ibig sabihin: namamahala rito.
Ayon dito, hindi pinapayagan ang paggawa ayon sa alinmang patakaran mula sa mga patakaran ng naunang kasulatan maliban sa natumpak sa mga ito at kinilala ng Qur'ān.
Ang pananampalataya sa mga kasulatan ay nagbubunga ng mga marilag na bunga, na kabilang sa mga ito:
Ang Una: Ang kaalaman sa pagmamalasakit ni Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Niya yayamang nagpababa siya ng kasulatan para sa bawat kalipunan, na magpapatnubay sa kanila.
Ang Ikalawa: Ang kaalaman sa karunungan ni Allāh (napakataas Siya) sa batas Niya yayamang nagsabatas Siya sa bawat kalipunan ng mga tao ng nababagay sa mga kalagayan nila, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Para sa bawat kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pagbabatas at isang pamamaraan.} (Qur'ān 5:48)
Ang Ikatlo: Ang pagpapasalamat sa biyaya ni Allāh dahil doon.
*
Ang Pananampalataya sa mga Sugo
Ang sugo ay may kahulugang isinugo, ibig sabihin: ipinadala kalakip ng pagpapaabot ng isang bagay.
Ang tinutukoy rito ay ang sinumang kinasihan ni Allāh mula sa mga tao ng isang batas at inutusan Niya ng pagpapaabot nito.
Ang kauna-unahan sa mga sugo ay si Noe (sumakanya ang pangangalaga) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya;} (Qur'ān 4:163)
Nasaad sa Ṣāḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) hinggil sa ḥadīth ng Pamamagitan: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: bumanggit na ang mga tao ay pupunta kay Adan upang mamagitan ito sa kanila ngunit magpapadispensa ito sa kanila at magsasabi: "Pumunta kayo kay Noe na kauna-unahang sugo na ipinadala ni Allāh ..."}
Nagsabi naman si Allāh hinggil kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta.} (Qur'ān 33:40)
Hindi nawalan ang isang kalipunan ng isang sugo na ipinadala ni Allāh (napakataas Siya) kalakip ng isang nakabukod na palabatasan sa mga tao nito o isang propetang kinasihan ng isang palabatasan mula sa bago niya upang magpanibago nito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur'ān 16:36)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala.} (Qur'ān 35:24)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Tunay na Kami ay nagpababa ng Torah, na doon ay may patnubay at liwanag. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta, na mga nagpasakop, sa mga nagpakahudyo, ...} (Qur'ān 5:44)
Ang mga sugo ay mga taong nilikha. Hindi sila nagkaroon ng anuman sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon at pagkadiyos. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) tungkol sa Propeta niyang si Muḥammad, na pinuno ng mga sugo at pinakadakila sa kanila sa reputasyon sa ganang kay Allāh: {Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa nakalingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi sumaling sa akin ang kasagwaan. Walang iba ako kundi isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak para sa mga taong sumasampalataya."} (Qur'an 7:188)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {21. Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay." 22. Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan,} (Qur'ān 72:21-22)
Dinadapuan sila ng mga kakanyahan ng sangkatauhan gaya ng karamdaman, kamatayan, pangangailangan sa pagkain at inumin, at iba pa roon. Nagsabi si Allāh tungkol kay Abraham (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa paglalarawan nito sa Panginoon nito (napakataas Siya): {79. na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin; 80. at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin; 81. na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;} (Qur'ān 26:79-81)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Nakalilimot ako kung paanong nakalilimot kayo. Kaya kapag nakalimot ako, magpaalaala kayo sa kin."
Naglarawan sa kanila si Allāh (napakataas Siya) ng pagkamananamba sa Kanya sa pinakamataas sa mga katayuan nila at sa konteksto ng pagbubunyi sa kanila. Nagsabi Siya (napakataas Siya) hinggil kay Noe (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {... tunay na siya noon ay isang lingkod na mapagpasalamat.} (Qur'ān 17:3) Nagsabi naman siya hinggil kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Napakamapagpala ang nagbaba ng pamantayan sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala,} (Qur'ān 25:1)
Nagsabi naman siya hinggil kina Abraham, Isaac, at Jacob (basbasan sila ni Allāh at pangalagaan): {45. Banggitin mo ang mga lingkod Naming sina Abraham, Isaac, at Jacob na mga may lakas at mga pagtalos. 46. Tunay na Kami ay nagtangi sa kanila dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa Kabilang-buhay]. 47. Tunay na sila, sa ganang Amin, ay talagang kabilang sa mga hinirang na mga mabuti.} (Qur'ān 38:45-47)
Nagsabi naman siya hinggil kay Jesus (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Walang iba siya kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalintulad para sa mga anak ni Israel.} (Qur'ān 43:59)
Ang pananampalataya sa mga sugo ay naglalaman ng apat na sangkap:
Ang Una: Ang pananampalataya na ang mensahe nila ay totoong mula kay Allāh (napakataas Siya). Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya sa mensahe ng iisa mula sa kanila, tumanggi nga siyang sumampalataya sa lahat, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo} (Qur'ān 26:105) Ginawa sila ni Allāh bilang mga tagapagpasinungaling sa lahat ng mga sugo bagamat hindi nagkaroon ng isang sugong iba pa sa kanya nang nagpasinungaling sila sa kanya. Ayon dito, ang mga Kristiyano na nagpasinungaling kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi sumunod sa kanya ay mga tagapagpasinungaling kay Kristo na Anak ni Maria at hindi mga tagasunod sa kanya rin, lalo na at siya ay nagbalita nga ng nakagagalak sa kanila hinggil kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Walang kahulugan sa pagbabalita ng nakagagalak sa kanila hinggil sa kanya maliban na siya ay isang sugo sa kanila, na sasagip sa kanila si Allāh sa pamamagitan niya mula sa kaligawan, at magpapatnubay sa kanila sa landasing tuwid.
Ang Ikalawa: Ang pananampalataya sa sinumang nakaalam tayo sa pangalan nito kabilang sa kanila, tulad nina Muḥammad, Abraham, Moises, Jesus, at Noe (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga. Ang limang ito ay ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo. Binanggit nga sila ni Allāh (napakataas Siya) sa dalawang talata ng Qur'ān sa sabi Niya: {[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng tipan nila, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng tipang mariin,} (Qur'ān 33:7) at sabi Niya: {Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng anumang itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: "Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito." Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik.} (Qur'ān 42:13)
Hinggil naman sa hindi natin nalaman ang pangalan, sumasampalataya tayo rito bilang paglalahat. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo.} (Qur'ān 40:78)
Ang Ikatlo: Ang paniniwala sa anumang natumpak buhat sa kanila mula sa mga pabatid nila.
Ang Ikaapat: Ang paggawa ayon sa palabatasan ng isinugo sa atin mula sa kanila. Siya ay ang pangwakas sa kanila, si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang isinugo sa lahat ng mga tao. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos].} (Qur'ān 4:65)
Ang pananampalataya sa mga sugo ay may mga marilag na bunga, na kabilang sa mga ito:
Ang Una: Ang kaalaman sa awa ni Allāh (napakataas Siya) at pagmamalasakit Niya sa mga lingkod Niya yayamang nagsugo Siya sa kanila ng mga sugo upang magpatnubay sa kanila tungo sa landasin Niya (napakataas Siya) at maglinaw sa kanila kung papaano silang sasamba sa Kanya dahil ang isip na pantao ay hindi nakapagsasarili sa pagkaalam niyon.
Ang Ikalawa: Ang pagpapasalamat kay Allāh (napakataas Siya) sa pinakamalaking biyayang ito.
Ang Ikatlo: Ang pag-ibig sa mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), ang pagdakila sa kanila, at ang pagbubunyi sa kanila ayon sa naaangkop sa kanila dahil sila ay mga sugo ni Allāh (napakataas Siya) at dahil sila ay nagsagawa ng pagsamba sa Kanya, pagpapaabot ng mensahe Niya, at pagpapayo sa mga lingkod Niya.
Nagpasinungaling nga ang mga nagmamatigas sa mga sugo nila, habang mga nag-aakala na ang mga sugo ni Allāh (napakataas Siya) ay hindi kabilang sa tao. Binanggit nga ni Allāh (napakataas Siya) ang pag-aakalang ito at pinawalang-saysay Niya ito sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {94. Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay kundi na nagsabi sila: "Nagpadala ba si Allāh ng isang taong sugo?" 95. Sabihin mo: "Kung sakaling sa lupa ay may mga anghel na naglalakad na mga napapanatag ay talaga sanang nagbaba Kami sa kanila mula sa langit ng isang anghel na sugo."} (Qur'ān 17:94-95)
Nagpawalang-saysay si Allāh (napakataas Siya) sa akalang ito na walang pagkaiwas na ang sugo ay maging isang tao dahil siya ay isinugo sa mga naninirahan sa lupa, na mga tao. Kung sakaling ang mga naninirahan sa lupa ay mga anghel, talaga sanang nagbaba si Allāh sa kanila mula sa langit ng isang anghel na sugo upang ito ay maging tulad nila. Gayon nagsalaysay si Allāh (napakataas Siya) tungkol sa mga tagapagpasinungaling sa mga sugo, na sila ay nagsabi: {10. ... Nagsabi sila: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng isang katunayang malinaw." 11. Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila: "Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh.} (Qur'ān 14:10-11)
*
Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Ang Huling Araw ay ang Araw ang Pagbangon, na bubuhayin ang mga tao dito para sa pagtutuos at pagganti.
Tinawag itong gayon dahil wala nang araw matapos nito yayamang manunuluyan na ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga tahanan nila at ang mga maninirahan sa Impiyerno sa mga tahanan nila.
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay naglalaman ng tatlong sangkap:
Ang Una: Ang pananampalataya sa pagbuhay. Ito ay ang pagbibigay-buhay sa mga patay kapag umihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip. Babangon ang mga tao sa harap ng Panginoon ng mga nilalang habang mga nakayapak na mga walang-sapin sa paa, na mga nakahubad na hindi mga natatakpan, na mga supot na hindi mga natuli. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa.} (Qur'ān 21:104)
Ang pagbuhay ay totoong napagtibay, na nagpatnubay rito ang Qur'ān, ang Sunnah, at ang pagkakabuklod ng hatol ng mga Muslim.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {15. Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay. 16. Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.} (Qur'ān 23:15-16)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon bilang mga nakayapak, na mga nakahubad, na mga supot." Napagsang-ayunan ang katumpakan nito.
Nagkabuklod sa hatol ang mga Muslim sa pagtitibay rito. Ito ay hinihiling ng katwiran yayamang humihiling ito na gumawa si Allāh (napakataas Siya) para sa sangnilikhang ito ng isang pinanunumbalikang makikiganti Siya sa kanila roon ayon sa isinabatas Niya para sa kanila kaugnay sa katuruang nagpadala Siya dahil dito ng mga sugo Niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha lamang Kami sa inyo nang walang-kabuluhan, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin?} (Qur'ān 23:115) Nagsabi naman Siya sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): {Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur’ān ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan.} (Qur'ān 28:85)
Ang Ikalawa: Ang pananampalataya sa pagtutuos at pagganti. Tutuusin ang tao sa gawa niya at gagantihan siya rito. Nagpatunay nga roon ang Qur'ān, ang Sunnah, at ang pagkakabuklod ng hatol ng mga Muslim.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {25. Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila. 26. Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.} (Qur'ān 88:25-26) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Ang sinumang naghatid ng magandang gawa ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, at ang sinumang naghatid ng masagwang gawa ay hindi siya gagantihan maliban ng tulad nito; at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.} (Qur'ān 6:160) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Maglalagay Kami ng mga timbangang pangmakatarungan para sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabagin sa katarungan ang isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos.} (Qur'ān 21:47)
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na si Allāh ay magpapalapit sa mananampalataya, saka maglalagay sa kanya ng kalinga Niya at magtatakip sa kanya, saka magsasabi: 'Nakakikilala ka ba sa pagkakasalang ganito, nakakikilala ka ba sa pagkakasalang ganito?' Kaya naman magsasabi ito: 'Oo, siya nga Panginoon ko.' Hanggang sa nang umamin ito sa Kanya ng mga pagkakasala nito at nagturing siya sa sarili niya na siya ay nasawi, nagsabi naman Siya: 'Nagtakip ako sa mga iyon sa iyo sa Mundo at Ako ay nagpapatawad sa mga iyon para sa iyo ngayong araw.' Kaya bibigyan ito ng talaan ng mga magandang gawa nito. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, mananawagan sa kanila sa harap ng mga nilikha: 'Ang mga ito ay ang mga nagpasinungaling sa Panginoon nila. Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagalabag sa katarungan.'"} Napagsang-ayunan ang katumpakan nito.
Natumpak na salaysay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Na ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka nakagawa siya nito, magsusulat nito si Allāh sa ganang Kanya ng sampung magandang gawa hanggang pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo; at na ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka nakagawa siya nito, magsusulat nito si Allāh sa ganang Kanya ng iisang masagwang gawa."
Nagkabuklod nga sa hatol ang mga Muslim sa pagpapatibay sa pagtutuos at pagganti sa mga gawa. Ito ang hinihiling ng katwiran. Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagpababa ng mga kasulatan, nagsugo ng mga sugo, nagsatungkulin sa mga tao ng pagtanggap sa inihatid ng mga sugo at paggawa ayon sa kinakailangan ang paggawa nito mula roon, at nag-obliga ng pakikipaglaban sa mga tagasalungat doon, at nagpahintulot sa mga buhay nila, mga supling nila, mga babae nila, at mga ari-arian nila. Kaya kung sakaling walang mangyayaring pagtutuos ni pagganti, talaga sanang ito ay naging kabilang sa kawalang-kapararakan na nagpawalang-kinalaman ang Panginoong Marunong doon. Nagpahiwatig nga si Allāh (napakataas Siya) niyon sa sabi Niya: {6. Saka talagang magtatanong nga Kami sa mga pinagsuguan at talagang magtatanong nga Kami sa mga isinugo. 7. Kaya talagang magsasalaysay nga Kami sa kanila nang may kaalaman at Kami lagi ay hindi nakaliban.} (Qur'ān 7:6-7)
Ang Ikatlo: Ang pananampalataya sa Paraiso at Impiyerno at na ang dalawang ito ay ang uuwiang pangwalang-hanggan ng nilikha.
Ang Paraiso ay ang tahanan ng kaginhawahan na inihanda ni Allāh para sa mga mananampalatayang nangingilag magkasala, na sumampalataya sa inobliga ni Allāh sa kanila na sampalatayanan at nagsagawa ng pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya, habang mga nagpapakawagas, na mga sumusunod sa Sugo Niya. Sa Paraiso ay may mga uri ng kaginhawahan na walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi sumagi sa puso ng isang tao. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {7. Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang pinakamabuti sa sangkinapal. 8. Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya.} (Qur'ān 98:7-8) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 32:17)
Hinggil naman sa Impiyerno, ito ay ang tahanan ng pagdurusang inihanda ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga tagatangging sumampalataya, na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at sumuway sa mga sugo Niya. Sa Impiyerno ay may mga uri ng pagdurusa at parusang panghalimbawa, na hindi sumagi sa isip. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Mangilag kayo sa Apoy na inihanda para sa mga tagatangging sumasampalataya.} (Qur'ān 3:131) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya." Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasaklolohan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan!} (Qur'ān 18:29) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {64. Tunay na si Allāh ay sumumpa ng mga tagatangging sumasampalataya at naghanda para sa kanila ng isang liyab. 65. Bilang mga mananatili roon magpakailanman, hindi sila makatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. 66. Sa Araw na itataob ang mga mukha nila sa Apoy ay magsasabi sila: "O kung sana kami ay tumalima kay Allāh at tumalima sa Sugo."} (Qur'ān 33:64-66)
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay may mga marilag na bunga, na kabilang sa mga ito:
Ang Una: Ang pagkaibig sa paggawa ng pagtalima at ang pagsisigasig dito dala ng pag-asa sa gantimpala sa araw na iyon.
Ang Ikalawa: Ang pangingilabot sa paggawa ng pagsuway at pagpapakalugod dito dala ng pangamba sa parusa sa araw na iyon.
Ang Ikatlo: Ang pagpapalubag-loob sa mananampalataya sa nakaalpas sa kanya sa Mundo sa pamamagitan ng inaasahan niya na kaginhawahan ng Kabilang-buhay at gantimpala nito.
Ikinaila nga ng mga tagatangging sumampalataya ang pagbuhay matapos ng kamatayan, na mga nag-aakala na iyon ay hindi posible.
Ang pag-aakalang ito ay walang-saysay, na nagpatunay sa kawalang-saysay nito ang kapahayagan, ang pandama, at ang isip.
Hinggil naman sa kapahayagan, nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya): {Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali."} (Qur'ān 64:7) Nagkasang-ayon nga ang lahat ng mga kasulatang makalangit dito.
Hinggil naman sa pandama, nagpakita na si Allāh sa mga lingkod Niya ng pagbibigay-buhay sa mga patay sa Mundong ito. Sa Kabanatang Al-Baqarah ay may limang halimbawa roon. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Ang Unang Halimbawa: Ang mga tao ni Moises nang nagsabi sila sa kanya: {... hindi kami sasamplataya sa iyo hanggang sa makakita kami kay Allāh nang hayagan."} (Qur'ān 2:55) Kaya nagbigay-kamatayan sa kanila si Allāh (napakataas Siya), pagkatapos nagbigay-buhay Siya sa kanila. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya) habang kumakausap sa mga anak ni Israel: {55. [Banggitin] noong magsabi kayo: "O Moises, hindi kami sasamplataya sa iyo hanggang sa makakita kami kay Allāh nang hayagan." Kaya dumaklot sa inyo ang lintik habang kayo ay nakatingin. 56. Pagkatapos bumuhay Kami sa inyo matapos na ng kamatayan ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur'ān 2:55-56)
Ang Ikalawang Halimbawa: Sa kasaysayan ng napatay na nagkaalitan hinggil doon ang mga anak ni Israel, nag-utos si Allāh (napakataas Siya) na magkatay sila ng isang baka para humampas sila sa kanya ng bahagi ng [bakang] ito upang magpabatid sa kanila hinggil sa sinumang pumatay niyon. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {72. [Banggitin] noong pumatay kayo ng isang tao at nagtalu-talo kayo hinggil sa kanya. Si Allāh ay tagapagpalabas ng dati ninyong itinatago. 73. Kaya nagsabi Kami: "Humampas kayo sa kanya ng bahagi ng [bakang] iyon." Gayon nagbibigay-buhay si Allāh sa mga patay. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.} (Qur'ān 2:72-73)
Ang Ikatlong Halimbawa: Sa kasaysayan ng mga taong lumisan mula sa mga tahanan nila bilang pagtakas sa kamatayan habang sila ay libu-libo, nagbigay-kamatayan sa kanila si Allāh (napakataas Siya), pagkatapos nagbigay-buhay sa kanila. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi ka ba nakaalam sa mga lumisan mula sa mga tahanan nila habang sila ay libu-libo dala ng pangingilag sa kamatayan kaya nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," pagkatapos nagbigay-buhay Siya sa kanila? Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.} (Qur'ān 2:243)
Ang Ikaapat na Halimbawa: Sa kasaysayan ng naparaan sa isang pamayanang patay saka nagturing na malayong magbigay-buhay roon si Allāh (napakataas Siya), nagbigay-kamatayan dito si Allāh (napakataas Siya) ng isandaang taon, pagkatapos nagbigay-buhay rito. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {O gaya ng naparaan sa isang pamayanan samantalang iyon ay gumuho sa mga bubungan niyon. Nagsabi ito: "Paanong magbibigay-buhay rito si Allāh matapos ng kamatayan nito?" Kaya nagbigay-kamatayan dito si Allāh ng isandaang taon, pagkatapos bumuhay Siya rito. Nagsabi Siya: "Gaano ka katagal namalagi?" Nagsabi ito: "Namalagi ako ng isang araw o ng isang bahagi ng isang araw." Nagsabi Siya: "Bagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa pagkain mo at inumin mo, hindi ito nagbago. Tumingin ka sa asno mo, at upang gawin ka Naming isang tanda para sa mga tao. Tumingin ka sa mga buto [ng asno] kung papaano Kaming magbabangon sa mga ito, pagkatapos magbabalot sa mga ito ng laman." Kaya noong luminaw ito sa kanya ay nagsabi siya: "Nalalaman ko na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan."} (Qur'ān 2:259)
Ang Ikalimang Halimbawa: Sa kasaysayan ni Abraham Al-Khalīl nang humiling ito kay Allāh na magpakita rito kung papaanong nagbibigay-buhay sa mga patay, nag-utos si Allāh dito na magkatay ito ng apat na ibon at maghati-hati ng mga ito sa mga bahagi sa mga burol na nasa paligid nito. Pagkatapos manawagan siya sa mga ito, mahihinang ang mga bahagi sa isa't isa at pupunta ang mga ito kay Abraham nang agaran. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, ipakita Mo sa akin kung papaano Kang nagbibigay-buhay sa mga patay." Nagsabi Siya: "At hindi ka ba sumampalataya?" Nagsabi ito: "Opo; subalit upang mapanatag ang puso ko." Nagsabi Siya: "Kaya kumuha ka ng apat na ibon saka maglagak ka ng mga ito sa iyo [upang pagputul-putulin]. Pagkatapos maglagay ka sa bawat burol mula sa mga ito ng isang bahagi. Pagkatapos manawagan ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito nang agaran. Alamin mo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong."} (Qur'ān 2:260)
Ang mga ito ay mga pisikal na halimbawang naganap, na nagpapatunay sa posibilidad ng pagbibigay-buhay sa mga patay. Nauna nang natukoy ang ginawa ni Allāh na mga tanda ni Jesus na anak ni Maria sa pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapalabas sa kanila sa mga libingan nila ayon sa pahintulot ni Allāh (napakataas Siya).
Hinggil naman sa katunayan ng isip, ito ay mula sa dalawang punto:
Ang Una sa Dalawa: Na si Allāh ay Tagalalang ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito, Tagalikha sa mga ito sa simula, at ang Nakakakaya sa pagsisimula ng paglikha, na hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanumbalik nito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Ito ay higit na madali sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paglalarawang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.} (Qur'ān 30:27) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa.} (Qur'ān 21:104) Nagsabi naman Siya habang nag-uutos sa pagtugon sa sinumang nagkaila sa pagbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na: {Sabihin mo: "Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam."} (Qur'ān 36:79)
Ang Ikalawa: Na ang lupa ay patay na walang-buhay, na wala ritong isang punong-kahoy na luntian saka bumaba rito ang ulan saka gumalaw-galaw ito bilang luntiang buhay. [Tinutubuan] dito ng bawat uring marilag. Ang Nakakakaya sa pagbibigay-buhay rito matapos ng pagkamatay nito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.} (Qur'ān 41:39) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {9. Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na pinagpala saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani, 10. at mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong, 11. bilang panustos para sa mga lingkod. Nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon ang paglabas [ng buhay].} (Qur'ān 50:9-11)
Napabibilang sa pananampalataya sa Huling Araw ang pananampalataya sa bawat anumang mangyayari matapos ng kamatayan tulad ng:
A. Ang Pagsubok sa Libingan: Ito ay ang pagtatanong sa patay matapos ng paglilibing sa kanya tungkol sa Panginoon niya, Relihiyon niya, at Propeta niya. Magpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng matatag na pagsasabi sapagkat magsasabi siya: "Ang Panginoon ko ay si Allāh. Ang Relihiyon ko ay ang Islām. Ang Propeta ko ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Ipaliligaw ni Allāh ang mga tagalabag sa katarungan kaya magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "Hah, hah? Hindi ko alam." Magsasabi naman ang mapagpaimbabaw o ang nag-aalinlangan: "Hindi ko alam. Nakarinig ako sa mga tao na nagsasabi ng isang bagay kaya sinabi ko."
B. Ang Pagdurusa at ang Kaginhawahan sa Libingan. Ito ay magiging ukol sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga mapagpaimbabaw at mga tagatangging sumampalataya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila [na nagsasabi]: “Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo! Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng hindi totoo at kayo noon sa mga tanda Niya ay nagmamalaki.” } (Qur'an 6:93)
Nagsabi pa Siya: {Ang Apoy, isasalang sila roon sa umaga at gabi. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin]: "Magpapasok kayo sa mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa."} (Qur'ān 40:46)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ni Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya): "Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kung hindi dahil na hindi kayo maglibingan, talaga sanang dumalangin ako kay Allāh na magparinig Siya sa inyo ng pagdurusa sa libingan na naririnig ko mula roon." Pagkatapos nagharap siya ng mukha niya saka nagsabi siya: "Manalangin kayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa pagdurusa sa Impiyerno." Nagsabi sila: "Nagpapakupkop kami kay Allāh laban sa pagdurusa sa Impiyerno." Nagsabi siya: "Manalangin kayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa pagdurusa sa libingan." Nagsabi sila: "Nagpapakupkop kami kay Allāh laban sa pagdurusa sa libingan." Nagsabi siya: "Manalangin kayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga pagsubok, ang nakalitaw mula sa mga ito at ang nakakubli." Nagsabi sila: "Nagpapakupkop kami kay Allāh laban sa mga pagsubok, ang nakalitaw mula sa mga ito at ang nakakubli." Nagsabi siya: "Manalangin kayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa pagsubok ng Bulaang Kristo." Nagsabi sila: "Nagpapakupkop kami kay Allāh laban sa mga pagsubok ng Bulaang Kristo."}
Hinggil naman sa kaginhawahan sa libingan, ukol sa mga mananampalatayang tapat ito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga nagsabi: "Si Allāh ay ang Panginoon namin," pagkatapos nagpakatuwid, magbababaan sa kanila ang mga anghel na [magsasabi]: "Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako.} (Qur'ān 41:30)
Nagsabi pa Siya: {83. Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan 84. habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin? 85. Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita. 86. Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin – 87. nagpapabalik kayo nito kung kayo ay mga tapat. 88. Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh], 89. [ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan. } (Qur'ān 56:83-89)
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi hinggil sa mananampalataya kapag sumagot ito sa dalawang anghel sa libingan nito: "May mananawagang isang tagapanawagan mula sa langit na [magsasabi]: Nagpakatapat ang lingkod Ko kaya maglatag kayo sa kanya ng mula sa Paraiso, magpasuot kayo sa kanya ng mula sa Paraiso, at magbukas kayo para sa kanya ng isang pinto patungo sa Paraiso." Nagsabi pa siya: "Kaya may pupuna sa kanya mula sa amoy niyon at bango niyon at magpapaluwal para rito sa libingan nito sa abot ng paningin nito."} Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Abū Dāwud sa isang mahabang ḥadīth.
May naligaw ngang mga tao kabilang sa mga kampon ng kalikuan sapagkat nagkaila sila ng pagdurusa sa libingan at kaginhawahan doon, na mga nag-aakala na iyon ay hindi posible dahil sa pagkasalungat niyon sa reyalidad daw. Sinabi nila na tunay na kung sakaling hinukay ang patay sa libingan nito ay talaga sanang natagpuan ang patay sa libingan nito gaya ng dati at ang libingan ay hindi nag-iba sa luwang ni sikip.
Ang pag-aakalang ito ay walang-saysay ayon sa kapahayagan, isip, at pandama.
Hinggil naman sa kapahayagan, nauna nang nabanggit ang mga tekstong nagpapatunay sa pagpapatibay sa pagdurusa sa libingan at kaginhawahan nito.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Lumbas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa isa sa mga pataniman ng Madīnah saka nakarinig siya ng tinig ng dalawang tao na pinagdurusa sa mga libingan nilang dalawa.} Binanggit niya ang ḥadīth at nasaad dito: "... Ang isa sa kanilang dalawa ay hindi nagtatakip noon mula sa [talsik ng] ihi." Sa isang salaysay: "... mula sa [talsik ng] ihi niya. ... ang isa pa ay naglalako noon ng tsismis." Sa isa pang salaysay batay kay Imām Muslim: "Hindi siya umiiwas mula sa ihi."
Hinggil naman sa pandama, tunay na ang natutulog ay nakakikita sa panaginip niya na siya ay nasa isang maluwang na marikit na lugar, na nagpapakaginhawa roon o na siya ay nasa isang masikip na nakapapanglaw na lugar, na nagpapakasakit doon. Marahil nagigising siya magkaminsan dahil sa napanaginipan. Sa kabila niyon, siya ay nasa higaan niya sa silid niya habang nasa dating lagay niya. Ang pagtulog ay kapatid ng kamatayan. Dahil dito, tinawag ito ni Allāh (napakataas Siya) bilang pagkuha. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Si Allāh ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa [mga kaluluwa ng] mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning na tinukoy.} (Qur'ān 39:42)
Hinggil naman sa isip, tunay na ang natutulog ay nakakikita sa pagtulog niya ng panaginip na nagkakatotoong sumasang-ayon sa reyalidad. Marahil napanaginipan nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa pagkakalarawan sa kanya. Ang sinumang nakakita sa kanya ayon sa pagkakalarawan sa kanya ay nakakita nga siya sa kanya sa totoo. Sa kabila niyon, ang natutulog ay nasa silid niya sa higaan niya, na malayo buhat sa nakita niya. Kaya kapag ito ay posible sa mga kalagayan sa Mundo, hindi ba ito ay magiging posible sa mga kalagayan sa Kabilang-buhay?
Hinggil naman sa pagsalig nila sa inakala nila na kung sakaling hinukay ang patay sa libingan nito ay talaga sanang natagpuan ang patay sa libingan nito gaya ng dati at ang libingan ay hindi nag-iba sa luwang ni sikip, ang sagot dito ay mula sa mga puntong kabilang sa mga ito:
Ang Una: Na hindi pinapayagan ang pagkontra sa anumang inihatid ng kapahayagan sa pamamagitan ng tulad ng mga mapabubulaang maling akalang ito na kung sakaling nagbulay-bulay ang tagakontra sa pamamagitan ng mga ito sa anumang inihatid ng kapahayagan nang totoong pagbubulay-bulay ay talagang nalaman ang kawalang-saysay ng mga maling akalang ito. Sinabi nga:
Kay rami ng tagapintas ng isang pagkasabing tumpak,
samantalang ang kasiraan nito ay mula sa sirang pagkaintindi.
Ang Ikalawa: Na ang mga kalagayan sa Barzakh ay kabilang sa mga nauukol sa Nakalingid na hindi natatalos ng panamdam. Kung sakaling natatalos ang mga ito ng pandama, talaga sanang nawala ang kabuluhan ng pananampalataya sa Nakalingid talaga sanang nagkapantayan ang mga mananampalataya sa Nakalingid at ang mga nagkakaila sa paniniwala rito.
Ang Ikatlo: Na ang pagdurusa at ang kaginhawahan at ang luwang ng libingan at ang sikip nito ay natatalos lamang ng patay, hindi ng iba pa. Ito ay gaya ng nakikita ng natutulog sa panaginip niya na siya ay nasa isang masikip na nakapapanglaw na lugar o nasa isang maluwang na marikit na lugar samantalang ang nasa paligid niya ay hindi nakakikita niyon at hindi nakararamdam niyon. Talaga ngang ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kinakasihan habang siya ay nasa pagitan ng mga Kasamahan niya saka nakaririnig ng pagkasi samantalang hindi nakaririnig nito ang mga Kasamahan niya. Marahil nag-aanyo sa harap niya ang anghel bilang isang lalaki saka kumakausap siya rito samantalang ang mga Kasamahan niya ay hindi nakakikita sa anghel at hindi nakaririnig doon.
Ang Ikaapat: Na ang pagkatalos ng nilikha ay nalilimitahan ng ipinakaya sa kanila ni Allāh (napakataas Siya) na pagkatalos. Hindi maaari na makatalos sila sa bawat umiiral sa pitong langit, lupa, at sinumang nasa mga ito. Ang bawat bagay ay nagluluwalhati kalakip ng pagpuri kay Allāh sa isang tunay na pagluluwalhati, na ipinaririnig ni Allāh (napakataas Siya) sa sinumang niloob Niya mula sa nilikha Niya paminsan-minsan. Sa kabila niyon, ito ay natatabingan sa atin. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa, at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay kundi nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi kayo nakauunawa sa pagluluwalhati nila. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad.} (Qur'ān 17:44) Gayon ang mga demonyo at ang mga jinn, nagmamabilis sa lupa sa pag-alis at sa pagbabalik. Nakadalo nga ang mga jinn sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nakinig sila sa pagbigkas niya, nanahimik sila, at bumalik sila sa mga kasama nila bilang mga tagapagbabala. Sa kabilang nito, sila ay mga natatabingan sa atin. HInggil doon nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga anak ni Adan, huwag ngang tutukso sa inyo ang demonyo yayamang nagpalabas siya sa mga magulang ninyo mula sa Paraiso habang nag-aalis sa kanilang dalawa ng kasuutan nilang dalawa upang magpakita siya sa kanilang dalawa ng kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya at ang mga kampon niya, mula sa kung saan hindi kayo nakakikita sa kanila. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya."} (Qur'ān 7:27) Kapag ang nilikha ay hindi nakatatalos sa bawat umiiral, tunay na hindi pinapayagan na magkaila sila ng napagtibay kabilang sa mga nauukol sa Nakalingid at hindi natalos.
*
Ang Pananampalataya sa Pagtatakda
Ang pagtatakda (qadar) ay ang pagtatakda ni Allāh sa mga nangyayari alinsunod sa nauna dahil dito ang kaalaman Niya at hiniling ng karunungan Niya.
Ang pananampalataya sa pagtatakda ay naglalaman ng apat na sangkap:
Ang Una: Ang pananampalataya na si Allah (napakataas Siya) ay nakaaalam sa bawat bagay sa kabuuan at sa detalye, sa walang-hanggang nakaraan at walang-hanggang hinaharap, maging iyon man ay kabilang sa nauugnay sa mga gawain Niya o mga gawain ng mga lingkod Niya.
Ang Ikalawa: Ang pananampalataya na si Allāh (napakataas Siya) ay nagtala niyon sa Tablerong Pinag-iingatan. Hinggil sa dalawang bagay na ito nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.} (Qur'ān 22:70)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagtala si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago likhain ang mga langit at ang lupa."}
Ang Ikatlo: Ang pananampalataya na ang lahat ng mga nakairal ay hindi nangyayari malibang dahil sa kalooban ni Allāh (napakataas Siya), maging ang mga ito man ay kabilang sa nauugnay sa gawain Niya o nauugnay sa gawain ng mga nilikha.. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) hinggil sa nauugnay sa gawain Niya: {Ang Panginoon mo ay lumilikha ng anumang niloloob Niya at pinipili Niya.} (Qur'ān 28:68) Nagsabi pa Siya: {Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27) Nagsabi pa Siya: {Siya ay ang nagbibigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan kung papaanong niloloob Niya.} (Qur'ān 3:6) Nagsabi naman Siya (napakataas Siya) hinggil sa nauugnay sa gawain ng mga nilikha. {Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpanaig Siya sa inyo saka talaga sanang kumalaban sila sa inyo.} (Qur'ān 4:90) {Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila,} (Qur'ān 6:112)
Ang Ikaapat: Ang pananampalataya na ang lahat ng mga nakairal ay nilikha ni Allāh (napakataas Siya) sa mga sarili ng mga ito, mga katangian ng mga ito, at mga paggalaw ng mga ito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.} (Qur'ān 39:62) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {at lumikha ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda."} (Qur'ān 25:2) Nagsabi naman Siya tungkol kay Abraham (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ito ay nagsabi sa mga tao nito: {samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?"} (Qur'ān 37:96)
Ang pananampalataya sa pagtatakda – ayon sa inilarawan natin – ay hindi nagkakaila na ang tao ay may kalooban sa mga gawain niyang boluntaryo at kakayahan sa mga ito dahil ang kapahayagan at ang reyalidad ay nagpapatunay sa pagpapatibay niyon sa kanya.
Hinggil naman sa kapahayagan, nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya) kaugnay sa kalooban: {Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.} (Qur'ān 78:39) Nagsabi pa Siya: {kaya pumunta kayo sa punlaan ninyo kung paanong niloob ninyo.} (Qur'ān 2:223) Nagsabi naman Siya hinggil sa kakayahan: {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo,} (Qur'ān 64:16) Nagsabi pa Siya: {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang kinamit nito at laban dito ang nakamit nito.} (Qur'ān 2:286)
Hinggil naman sa reyalidad, tunay na ang bawat tao ay nakaaalam na siya ay may kalooban at kakayahan, na dahil sa dalawang ito gumagawa siya at dahil sa dalawang ito hindi siya gumagawa. Nakatatalos siya sa kaibahan sa pagitan ng nagaganap dahil sa pagnanais niya, gaya ng paglalakad, at nagaganap hindi dahil sa pagnanais niya, gaya ng panginginig; subalit ang kalooban ng tao at ang kakayahan niya ay nagaganap dahil sa kalooban at kakayahan ni Allāh (napakataas Siya), batay sa sabi ni Allah (napakataas Siya): {28. para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid, 29. at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 81:28-29) Dahil ang Sansinukob sa kabuuan nito ay pagmamay-ari ni Allāh (napakataas Siya), walang nangyayaring anuman sa pagmamay-ari Niya nang walang kaalaman Niya at kalooban Niya
Ang pananampalataya sa pagtatakda – ayon sa inilarawan natin – ay hindi nagkakaloob sa tao ng katwiran sa anumang iwinaksi niya mula sa mga tungkulin o ginawa niya mula sa mga pagsuway. Ayon dito, ang pagdadahilan niya ay walang-saysay dahil sa ilang punto:
Ang Una: Ang sabi ni Allāh: {Magsasabi ang mga nagtambal: "Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana kami nagtambal ni ang mga ninuno namin at hindi sana kami nagbawal ng anuman." Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin. Sabihin mo: "Mayroon kaya sa ganang inyo na anumang kaalaman para magpalabas kayo niyon sa Amin? Sumusunod kayo sa pagpapalagay lamang. Walang iba kayo kundi nagsasapantaha."} (Qur'ān 6:148) Kung sakaling nagkaroon sila ng isang pagdadahilan ng pagtatakda, hindi sana nagpatikim sa kanila si Allāh ng parusa Niya.
Ang Ikalawa: Ang sabi pa ni Allāh: {[Nagsugo Kami ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang pagdadahilan matapos ng [pagsusugo sa] mga sugo. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 4:165) Kung sakaling ang pagtatakda ay naging isang pagdadahilan para sa mga tagasalungat, hindi sana naikaila ito dahil sa pagkakasugo ng mga sugo dahil ang pagsalungat matapos ng pagkasugo nila ay naganap dahil sa pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya).
Ang Ikatlo: Ang isinalaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim – at ang pagkakasambit ay kay Imām Al-Bukhārīy – ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang kabilang sa inyo na isa man malibang naitakda na ang luklukan niya mula sa Impiyerno [sana] at ang luklukan niya mula sa Paraiso [sana]." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Hindi po ba kami sasalig, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi. Gumawa kayo sapagkat ang bawat isa ay pinadali." Pagkatapos bumigkas siya: {Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay at nangilag magkasala ...} (Qur'ān 92:5)} Sa pagkakasambit batay kay Imām Muslim: "... sapagkat ang bawat isa ay pinadali para sa sinumang nilikha para roon." Kaya naman nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paggawa at sumaway siya laban sa pagsalig sa pagkakatakda.
Ang Ikaapat: Na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-utos sa tao at sumaway sa kanya at hindi nag-aatang ng tungkulin sa kanya maliban ng nakakaya niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo,} (Qur'ān 64:16) Nagsabi pa Siya: {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito.} (Qur'ān 2:286) Kung sakaling ang tao ay pinupuwersa sa paggawa, talaga sanang inaatangan siya ng tungkuling hindi niya nakakaya ang pagkalas mula roon. Ito ay walang-saysay. Dahil doon, kapag naganap mula sa kanya ang pagsuway dahil sa isang kamangmangan o isang pagkalimot o isang pamimilit, walang kasalanan sa kanya roon dahil siya ay makapagdadahilan.
Ang Ikalima: Na ang kakayahan ni Allāh (napakataas Siya) ay isang lihim na ikinubli, na walang nakaaalam dito kundi matapos ng pagkaganap ng naitakda. Ang pagnanais ng tao sa anumang ginagawa niya ay nauuna sa paggawa niya. Kaya naman ang pagnanais niya ng paggawa ay hindi nakabatay sa isang kaalaman mula sa kanya sa pagtatakda ni Allāh. Sa sandaling iyon, naikakaila ang pagdadahilan niya ng pagtatakda yayamang walang maidadahilan para sa tao sa anumang hindi niya nalalaman.
Ang Ikaanim: Na tayo ay nakakikita ng tao na nagsisigasig sa naangkop sa kanya mula sa mga nauukol sa pangmundong buhay niya hanggang sa maabot niya ito at hindi siya lumilihis palayo sa naaangkop sa kanya, pagkatapos magdadahilan siya sa pagkalihis niya ng pagkatakda. Bakit siya lumihis palayo sa nagpapakinabang sa kanya kaugnay sa mga nauukol sa pangmundong buhay niya patungo sa nakapipinsala sa kanya pagkatapos magdadahilan siya ng pagkakatakda? Hindi ba ang pumapatungkol sa dalawang bagay ay iisa?
Isaalang-alang mo ang ilang halimbawang nagpapaliwanag niyon:
Kung sakaling sa harap ng tao ay may dalawang daan: ang isa sa dalawa ay maghahatid sa kanya sa isang bayang puro kaguluhan, pagpatay, pandarambong, paglabag sa mga dangal, pangamba, at pagkagutom; at ang ikalawa naman ay maghahatid sa kanya sa isang bayang puro kaayusan, katiwasayan, estabilidad, masaganang pamumuhay, at paggalang sa mga buhay, mga dangal, at mga ari-arian, alin sa dalawang daan ang tatahakin niya?
Tunay na siya ay tatahak sa ikalawang daan na maghahatid sa kanya sa bayan ng kaayusan at katiwasayan. Hindi maaari magpakailanman para sa alinmang nakapag-iisip na tumahak sa daan ng bayan ng kaguluhan at pangamba at magdadahilan ng pagtatakda [kapag napahamak]. Bakit siya tatahak sa nauukol sa Kabilang-buhay sa daan ng Impiyerno hindi ng Paraiso at magdadahilan siya ng pagkakatakda?
Isa pang halimbawa: Nakikita natin ang maysakit na inuutusang gumamit ng gamot kaya naman iniinom niya ito samantalang ang sarili niya ay hindi nagnanasa nito at sinasaway laban sa pagkain na nakapipinsala sa kanya kaya naman iniiwasan niya samantalang ang sarili niya ay nagnanasa nito. Ang lahat ng iyon ay dala ng paghahangad ng paggaling at kaligtasan. Hindi maaari na magpigil siya sa pag-inom ng gamot o kumain siya ng pagkaing nakapipinsala sa kanya at magdadahilan siya ng pagkakatakda. Kaya naman bakit nagwawaksi ang tao ng iniutos ni Allāh sa kanya at ng Sugo Nito o gumagawa siya ng sinaway ni Allāh sa kanya at ng Sugo Nito pagkatapos magdadahilan siya ng pagkakatakda?
Ang Ikapito: Na ang nagdadahilan ng pagtatakda dahil sa pagkawaksi niya ng mga tungkulin o pagkagawa niya ng mga pagsuway, kung sakaling may lumabag sa kanya na isang tao saka kumuha ng ari-arian niya o lumapastangan sa dangal niya pagkatapos nagdahilan ito ng pagkakatakda at nagsabi: "Huwag mo akong sisihin sapagkat tunay na ang paglabag ko ay dahil sa pagkakatakda ni Allāh," hindi siya tatanggap ng pagdadahilan nito. Kaya papaanong hindi niya natatanggap ang pagdadahilan ng pagkakatakda sa paglabag ng ibang tao sa kanya at magdadahilan siya nito para sa sarili niya sa paglabag niya sa karapatan ni Allāh?
Nababanggit na ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay may isinampa sa kanya na kaso ng isang magnanakaw na naging karapat-dapat putulan ng kamay. Kaya naman nag-utos siyang putulin ang kamay nito ngunit nagsabi naman ito: "Hinay-hinay, O pinuno ng mga mananampalataya, sapagkat nagnakaw lamang ako dahil sa pagkakatakda ni Allāh." Kaya nagsabi naman si `Umar: "At kami ay puputol lamang dahil sa pagkakatakda ni Allāh."
Ang pananampalataya sa pagtatakda ay may mga marilag na bunga, na kabilang sa mga ito:
Ang Una: Ang pagsalig kay Allāh (napakataas Siya) sa sandali ng paggawa ng mga kadahilanan sa punto na hindi sasalig sa kadahilanan mismo dahil ang bawat pangyayari ay nasa pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya).
Ang Ikalawa: Na huwag humanga ang tao sa sarili niya sa sandali ng pagkatamo ng ninanais niya dahil ang pagkatamo nito ay isang biyaya mula kay Allāh (napakataas Siya) ayon sa itinakda ni Allāh na mga kadahilanan ng kabutihan at tagumpay. Ang paghanga niya sa sarili niya ay nagpapalimot sa kanya sa pagpapasalamat sa biyayang ito.
Ang Ikatlo: Ang kapanatagan at ang kapahingahang sikolohikal sa iginagantimpala sa kanya mula sa mga pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya) kaya hindi siya nababagabag sa pagkaalpas ng isang naiibigan o pagkatamo ng isang kinasusuklaman dahil iyon ay dahil sa pagtatakda ni Allāh na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at ito ay mangyayari nang walang pagsala. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {22. Walang tumamang anumang kasawian sa lupa ni sa mga sarili ninyo malibang nasa isang talaan bago pa Kami lumalang niyon. Tunay na iyon kay Allāh ay madali. 23. [Iyon ay] upang hindi kayo magdalamhati sa anumang nakaalpas sa inyo at hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang.} (Qur'ān 57:22-23) Nagsasabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."
May naligaw nga kaugnay sa pagtatakda na dalawang pangkatin:
Ang una sa dalawa ay ang Jabarīyah na nagsabi: "Tunay na ang tao ay pinilit sa gawain niya at hindi siya nagtaglay rito ng pagnanais ni kakayahan."
Ang ikalawa ay ang Qadarīyah na nagsabi: "Tunay na ang tao ay nakapagsasarili sa gawain niya sa pagnanais at kakayahan at hindi nagtaglay ang kalooban ni Allāh (napakataas Siya) at ang kakayahan Nito ng epekto roon.
Ang pagtugon sa unang pangkatin, ang Jabarīyah, ay sa pamamagitan ng kapahayagan at reyalidad:
Hinggil naman sa kapahayagan, tunay na si Allāh ay nagpatunay para sa tao ng pagnanais at kalooban at nag-ugnay ng paggawa sa tao. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Mayroon sa inyo na nagnanais ng Mundo at mayroon sa inyo na nagnanais ng Kabilang-buhay.} (Qur'ān 3:152) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya." Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito.} (Qur'ān 18:29) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin [Niya].} (Qur'ān 41:46)
Hinggil naman sa reyalidad, tunay na ang bawat tao ay nakaalam sa kaibahan sa pagitan ng mga boluntaryong gawain niya na ginagawa niya dahil sa pagnanais niya gaya ng pagkain, pag-inom, pagtitinda, at pagbili; at ng nagaganap sa kanya hindi dahil sa pagnanais niya gaya ng panginginig dahil sa lagnat at pagkalaglag mula sa bubungan. Kaya naman sa una siya ay tagagawang nakapipili dahil sa pagnanais niya nang walang pamimilit at ikalawa siya ay hindi nakapipili at hindi nagnanais ng naganap sa kanya.
Ang pagtugon sa ikalawang pangkatin, ang Qadarīyah, ay sa pamamagitan ng kapahayagan at isip:
Hinggil naman sa kapahayagan, tunay na si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay at ang bawat bagay ay nangyayari dahil sa kalooban ni Allāh. Naglinaw nga si Allāh (napakataas Siya) sa Aklat Niya na ang mga gawain ng mga tao ay nagaganap dahil sa kalooban Niya sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana naglaban-laban ang mga matapos na nila matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay; subalit nagkaiba-iba sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila naglaban-laban; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.} (Qur'ān 2:253) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang hatol mula sa Akin: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang magkakasama.} (Qur'ān 32:13)
Hinggil naman sa isip, tunay na ang Sansinukob sa kabuuan nito ay isang minamay-ari ni Allāh (napakataas Siya) at ang tao ay bahagi ng Sansinukob na ito kaya siya ay isang minamay-ari ni Allāh (napakataas Siya). Hindi maaari sa minamay-ari na umasta sa pag-aari ng Tagapagmay-ari malibang ayon sa pahintulot Nito at kalooban Nito.
*
Ang mga Layon ng Paniniwalang Islāmiko
Ang layon (hadaf) ay itinataguri sa ilang kahulugan, na kabilang sa mga ito ang pinupuntirya na itinutukod upang patamaan at ang bawat bagay na pinapakay.
Ang mga layon ng Paniniwalang Islāmiko ay ang mga pinapakay nito at ang marangal na nilalayon nitong inireresulta ng pagkapit dito. Ang mga ito ay maraming sinarisari sapagkat kabilang sa mga ito:
Una: Ang pagpapawagas ng layunin at pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) – tanging sa Kanya – dahil Siya ay ang Tagalikha: walang katambal sa Kanya. Kaya naman kinailangan na ang pagpapakay at ang pagsamba ay maging ukol sa Kanya – tanging sa Kanya.
Ikalawa: Ang pagpapalaya sa isip at isipan mula sa pagkatulirong magulong namumutawi mula sa kawalan ng puso ng paniniwalang ito dahil ang sinumang nawalan ang puso niya nito, siya ay maaaring walang laman ang puso mula sa bawat paniniwala at isang tagasamba ng pisikal na materyal lamang at maaaring natutuliro sa mga kaligawan ng mga paniniwala at mga pamahiin.
Ikatlo: Ang kapahingahang sikolohikal at intelektuwal kaya naman walang pagkabagabag sa sarili at walang pagkabulabog sa isipan dahil ang paniniwalang ito ay nag-uugnay sa mananampalataya sa Tagalikha nito kaya nalulugod ito sa Kanya bilang isang Panginoong Tagapangasiwa at bilang isang Tagahatol na Tagapagbatas kaya napapanatag ang puso niya sa pagtatakda Niya at lumuluwag ang dibdib nito sa Islām kaya hindi ito naghahangad ng isang pamalit doon.
Ikaapat: Ang kaligtasan ng pinapakay at gawain mula sa pagkalihis sa pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) o pakikitungo sa mga nilikha dahil bahagi ng mga pundasyon nito ang pananampalataya sa mga sugo, na naglalaman ng pagsunod sa pamamaraan nila na may kaligtasan sa pinapakay at gawain.
Ikalima: Ang pagkadesidido at ang pagkaseryoso sa mga bagay-bagay sa punto na hindi siya nagpapalampas ng isang pagkakataon para sa maayos na gawa malibang sinasamantala niya iyon dito dala ng isang paghahangad ng gantimpala [ni Allāh] at hindi siya nakakikita ng isang lugar ng isang kasalanan malibang nilalayuan niya iyon dala ng isang pangamba sa parusa dahil bahagi ng mga pundasyon nito ang paniniwala sa pagbuhay at pagganti sa mga gawa.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Lahat ay may mga antas ayon sa ginawa nila. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa mga ginagawa nila.} (Qur'ān 6:132) Humimok nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakay na ito sa sabi niya: "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ikaanim: Ang pagbuo ng isang kalipunang malakas na nagkakaloob ng bawat mahal at mura sa pagpapatatag ng Relihiyon nito at pagpapatibay ng mga haligi niyon habang hindi pumapansin sa anumang tumatama rito alang-alang doon. Hinggil dito, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos hindi sila nag-alinlangan, at nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga tapat.} (Qur'ān 49:15)
Ikapito: Ang pagsapit sa kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga individuwal at mga lipunan at pagtamo ng gantimpala at mga pagpaparangal. Hinggil doon, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 16:97)
Ito ay ilan sa mga layon ng Paniniwalang Islāmiko. Umaasa tayo kay Allāh (napakataas Siya) na magsakatotohanan siya ng mga ito para sa atin at para sa lahat ng mga Muslim. Tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang lahatan.
Nalubos ito sa pamamagitan ng panulat ng may-akda nito.
Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Related books
All books
نبراس طالب (5)2 wikaنبراس طالب (5)
Panimula ng Aklat Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula, Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Ikalimang Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus. Mag-aaralan tayo sa aklat na ito ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga sūrah na…
نبراس طالب (1)2 wikaنبراس طالب (1)
Panimula ng Aklat Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula, Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Unang Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagpapakilala sa Muslim ng mga pundasyon ng pananampalataya, mga kabuuan ng mga patakaran, at mga masaklaw sa mga etiketang pang-Sharī`ah; pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon; at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral…
ثلاثة الأصول وأدلتها73 wikaالأصولثلاثة الأصول وأدلتها
هذا الكتاب هو متن صغير أساسي يبين فيه التوحيد والدين والنبوة، يبين هذه المعاني الثلاثة الأساسية المهمة في فهم العقيدة، وفي دراستها دراسة سليمة وصحيحة. وهو كتاب مختصر، لكنه كتاب مبارك؛ لأنه سهل العبارة ومركز وموجه، وليس فيه أي تعقيد أو إشكالات. فالإنسان بمجرد أن يقرأ الكتاب يستطيع أن يفهمه، ويستطيع أن يعرف المعاني المتضمنة فيه. هذا الكتاب قبل أن يبدأ الشيخ في الأصول الثلاثة قدم لذلك بأربعة مسائل، ثم بعد ذلك بثلاثة مسائل أخرى، ثم شرع في الأصول الثلاثة، وهي التي يجب على كل مسلم أن يتعلمها، وهي التي يسأل عنها العبد في قبره: من ربك؟ وما دينك؟ ومن نبيك؟ ألفها رحمه الله للمبتدئين واجتهد في تسهيلها واختصارها حتى خرجت بأحسن حلة وأعظم فائدة؛ يفهم بها الصغير، ولا يستغني عنها الكبير فعم نفعها، وكثر خيرها؛ لعظم قدر موضوعاتها وشرف محتواها.
Ang Aklat ng Tawḥīd14 wikaAng Aklat ng Tawḥīd
Na Siyang Karapatan ni Allāh sa mga Tao Pag-aakda ni Shaykh Al-Islām Muḥammad bin `Abdulwahhāb At-Tamīmīy 1206 Hijrah Pagmamalasakit