نبراس طالب (5)

نبراس طالب (5)

فبَيْن يديك -عزيزي المتعلم- الكتاب الخامس من مناهج "نبراس"، تلك المناهج التعليمية التي تهدف إلى تأسيس ثقافة إسلامية رصينة، وبناء شخصية المتعلم وفق المنهج التربوي الإسلامي. ونتدارس في هذا الكتاب تفسيرًا مختصرًا لسور: النبأ والنازعات، مع استخراج أهم الفوائد العلمية والتربوية من الآيات، ثم دراسة عدد من الموضوعات المهمة في علوم القرآن الكريم وتفسيره، مثل: المكي والمدني، وأسباب النزول، والنسخ والقَسَم في القرآن، وأخيرًا نعيش مع لمحة عن القراءات القرآنية. وقد رفع الله تعالى منزلة السُّنة النبوية، وجعلها حُجَّةً في العقائد والأحكام، فاهتم بها العلماء، وتخصَّصَ في نقلها وانتقاء رواياتها المحدِّثُون والحفاظ، || فميَّزُوا بين المرويات المقبولة والمردودة، وصنَّفُوا الكتب التي حفظت الحديث النبوي عبر التاريخ، ومع هذه الموضوعات نعيش في الوحدة الثانية بإذن الله تعالى. أما في الوحدة الثالثة فنتدارس ظاهرة معاصرة في غاية الخطورة، ألا وهي (الإلحاد)، فنتعرف أهم صوره المعاصرة، ونتعلم أصول التعامل مع شبهاته، ثم نناقش بعض تلك الشبهات. وفي سبيل بيان شمولية الشريعة لشؤون الحياة وأنظمتها، نتعلم أسسَ النظام التشريعي، والسياسي، والاقتصادي، والاجتماعي، يسبق ذلك ملخص عن فقه الأسرة، والأَيْمان، وحكمة تشريع الميراث، ونظام العقوبات، وأهم الحدود الشرعية. ويختتم الكتاب بتفصيل شامل لحقوق غير المسلمين في المجتمع الإسلامي، مع بيان أدلة عدل الإسلام وسماحته معهم، وفي ذلك ردٌّ على الاتهامات الباطلة عن ظلم الإسلام لهم، وأمره بسوء معاملتهم.

Language: lang_tl
Prepared by:
Version: 1.0
Translations 1
Tagalog
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Panimula ng Aklat

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.

Sa pagsisimula,

Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Ikalimang Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus.

Mag-aaralan tayo sa aklat na ito ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga sūrah na An-Naba' at An-Nāzi`āt, kalakip ng paghahango ng pinakamahalaga sa mga katuturang pangkaalaman at pang-edukasyon mula sa mga āyah, pagkatapos kalakip ng isang pag-aaral ng isang bilang ng mga mahalagang paksa kaugnay sa mga agham ng Marangal na Qur'ān at pagpapakahulugan dito, tulad ng pagiging Makkīy at Madanīy ng mga Sūrah, mga kadahilanan ng pagbaba, pagpapawalang-bisa, at panunumpang nasaad sa Qur'ān. Sa huli, mamumuhay tayo kasama ng isang sulyap sa mga pagbigkas na pang-Qur'ān.

Nag-angat nga si Allāh sa katayuan ng Pampropetang Sunnah at ginawa Niya ito na isang katwiran sa mga pinaniniwalaan at mga kahatulan kaya naman nagpahalaga sa mga ito ang mga maalam. Nagpakadalubhasa sa pagpapaabot ng mga ito at pagsala sa mga salaysay ng mga ito ang mga dalubhasa sa ḥadīth at ang mga tagapagsaulo. Nakakilala sila sa kaibahan sa pagitan ng mga salaysay na tinatanggap at tinatanggihan. Umakda sila ng mga aklat na nag-ingat sa ḥadīth ng Propeta sa hinaba-haba ng kasaysayan. Kasama ng mga paksang ito, mamumuhay tayo sa ikalawang yunit ayon sa pahintulot ni Allāh.

Sa ikatlong yunit, mag-aaralan naman tayo ng isang penomenang kontemporaryo na nasa kasukdulan ang panganib. Walang iba ito kundi ang ateismo. Mapag-aalaman natin ang pinakamahalaga sa mga kontemporaryong anyo nito at matututuhan natin ang mga saligan ng pakikitungo sa mga maling akala nito, pagkatapos tatalakayin natin ang ilan sa mga maling akalang iyon.

Alang-alang sa paglilinaw sa kasaklawan ng Sharī`ah sa mga pumapatungkol sa buhay at mga sistema nito, matututuhan natin ang mga pundasyon ng sistemang pampagbabatas, pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan. May mauuna roon na isang binuod tungkol sa fiqh ng pamilya, mga panunumpa, kasanhian ng pagbabatas ng pagpapamana, sistema ng mga kaparusahan, at pinakamahalaga sa mga takdang parusang pang-Sharī`ah.

Nagwawakas ang sa isang masaklaw na pagdedetalye ng mga karapatan ng hindi mga Muslim sa lipunang Islāmiko kasama ng paglilinaw sa mga patunay ng katarungan ng Islām at kaluwagan nito sa kanila. Kaugnay roon ay may pagtugon sa mga bulaang paratang tungkol sa kawalang-katarungan ng Islām daw sa kanila at pag-uutos nito raw ng pagmaltrato sa kanila.

Nagsikap nga kami sa pagpapalabas sa mga aklat na ito sa isang anyong umaalinsunod sa mga saligang pangkaalaman at mga sukatang pang-edukasyong makabago. Nagsaalang-alang kami sa paghahanda sa mga ito ng sumusunod:

Ang pagsisimula ng mga aralin sa pamamagitan ng isang pagpapaumpisang pupukaw sa pagpapahalaga mo, magdaragdag ng pagkaganyak mo, at tatawag ng pansin mo.

Ang paglalagay ng mga talahanayan, mga pigura, at mga tsart ng mga konsepto na tutulong sa iyo sa pag-unawa ng nilalamang pangkaalaman.

Ang paglalakip ng mga aktibidad na pampagtuturo na magsasakatotohanan ng mga layong pang-edukasyon alinsunod sa mga estratehiya ng pag-aaral na masigla. Nagsaalang-alang nga kami sa mga ito ng sumusunod:

Ang integrasyon ng mga ito kasama ng nilalalaman sa pagsasakatotohanan sa mga layon ng aralin kasama ng pagkakaugnay ng mga ito sa kalikasan ng asignatura at pagkakakilanlan nito.

Ang pagpapalago ng mga aspeto ng personalidad mo at sarisaring kasanayan mo.

Ang pagkasarisari sa pamamaraan ng pagpatupad nito sa pagitan ng pang-individuwal at panlipunan, ang pagkasarisari ng lugar ng pagpapatupad nito sa loob at labas ng klase, ang pagkasarisari ng mga anyo nito sa pagitan ng aktibidad na pansulat, pansalita, pangkilos, at pang-isip.

Ang paglalagay ng mga tanong ng pagtatasa (assessment) sa katapusan ng bawat aralin upang sulitin ang saklaw ng pagkaunawa mo sa aralin at mga layon nito.

Tunay na kami, yayamang naghain kami sa iyo ng aklat na ito, ay umaasa na ito ay maging isang tagapagsakatotohanan ng pinagpunyagian namin na kadalian ng asignaturang akademiko, kaliwanagan ng paglalahad, pagkaaktibo ng mga aktibidad, at pagkamasaklaw ng pagtatasa (assessment).

Dumadalangin kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na magpakinabang Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga tagapaghanap ng kaalaman at tumanggap Siya mula sa amin; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.

Ang Unang Yunit: Ang Marangal na Qur'ān at Pagpapakahulugan Nito

1. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah An-Naba' (Qur'ān 78:1-20)

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagsaulo ka ng mga āyah mula sa āyah 1 hanggang sa āyah 20 ng Sūrah An-Naba';

2. makapagpakilala ka sa Sūrah An-Naba';

3. makapagpaliwanag sa mga kahulugan ng mga mahirap na bokabularyo;

4. makapagpakahulugan ka sa mga āyah sa isang pinaigsing pagpapakahulugan;

5. makapagpaliwanag ka sa saloobin ng mga tagapagtambal sa muling pagbubuhay;

6. makapagbigay-patunay ka sa kakāyahan ni Allāh sa pagbubuhay;

7. makapagsadamdamin ka sa kakāyahan ni Allāh sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga nilikha Niya.

Ang Pagpapakilala sa Sūrah

Ang Sūrah An-Naba' ay Makkīyah. Ang bilang ng mga āyah nito ay 40 āyah. Tinawag ito bilang Sūrah An-Naba' dahil ito ay nagsisimula sa pagsasalita hinggil sa naba' (balita).

Ang mga Paksa ng Sūrah

Ang mga Paksa ng Sūrah An-Naba'

Ang Pagpapatibay sa Muling Pagbubuhay

Ang mga Pagkakahayag ng kakāyahan ni Allāh sa Sansinukob

Ang Paglalarawan sa Kaginhawahan ng mga Tagapangilag Magkasala

Ang Paglalarawan sa Pagdurusa ng mga Tagatangging Sumampalataya

{1. `Amma yatasā'lūn? (Tungkol sa ano nagtatanungan sila?)} {2. `Ani –nnaba'i –l`aḍ̆īm, (Tungkol sa balitang dakila,)} {3. Alladhī hum fīhi mukhtalifūn. (na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.)} {4. Kallā sa-ya`lamūn. (Aba'y hindi! Makaaalam sila.)} {5. Thumma kallā sa-ya`lamūn. (Pagkatapos aba'y hindi! Makaaalam sila.)} {6. A-lam naj`ali –l'rḍa mihādā (Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag)} {7. Wa-ljibāla awtādā? (at sa mga bundok bilang mga tulos?)} {8. Wa-khalaqnākum azwājā. (Lumikha Kami sa inyo na magkapares.)} {9. Wa-ja`alnā nawmakum subātā. (Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.)} {10. Wa-ja`alna –llayla libāsā. (Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.)} {11. Wa-ja`alna –nnahāra ma`āshā. (Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.)} {12. Wa-banaynā fawqakum sab`an shidādā. (Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong matindi.)} {13. Wa-ja`alnā sirājan wahhājā. (Gumawa Kami ng isang sulo na palaliyab.)} {14. Wa-anzalnā mina –lmu`ṣirāti mā'an tḥajjājā (Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na palabuhos)} {15. Li-nukhrija bihī ḥabban wa-nabātā (upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman)} {16. Wa-jannātin alfāfā. (at mga harding magkakapulupot.)} {17. Inna yawma –lfaṣli kāna mīqātā (Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras)} {18. Yawma yunfakhu fi –ṣṣūri fa-ta'tūna afwājā. (sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.)} {19. Wa-futiḥati –ssamā'u fa-kānat abwābā. (Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.)} {20. Wa-suyyirati –ljibālu fa-kānat sarābā. (Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.)}

Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:

Ang Pananalita

Ang Kahulugan Nito

balitang dakila: pagbubuhay at anumang matapos nito na pagganti at pagtutuos.

aba'y hindi: pananalita ng pagpigil at pagsawata.

nakalatag: mahihigaang inilatag

tulos: pampatatag ng lupa nang sa gayon hindi ito gumalaw-galaw.

pamamahinga: ginhawa para sa mga katawan.

kasuutan: tagatakip sa pamamagitan ng dilim nito.

matindi: malakas na hindi nakaapekto rito ang paglipas ng panahon.

sulo: tagapagbigay-liwanag.

palaliyab: matindi ang pagtatanglaw.

dagim: ulap.

palabuhos: sumasaboy nang malakas.

magkakapulupot: napupuluputan ng mga punong-kahoy.

takdang oras: natatakdaan ng oras na walang nakaaalam kundi si Allāh.

tambuli: sungay na iihip dito ang anghel para sa pagbubuhay.

iuusad: papalisin matapos ng katatagan nito.

Ang mga Paksa ng Āyah

Ang mga Patutol na Tanong sa mga Tagatangging Sumampalataya Tungkol sa Kabilang-buhay

Ang Pagbabanta sa mga Tagapagpasinungaling sa Pagbubuhay

Ang mga Pagkakahayag ng kakāyahan ni Allāh sa Sansinukob

Ang Pagbibigay-diin sa Pagkaganap ng Araw ng Pagbangon

Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan

Ang mga Patutol na Tanong sa mga Tagatangging Sumampalataya Tungkol sa Kabilang-buhay

Nagsabi si Allāh: {1. Tungkol sa ano nagtatanungan sila?} Ibig sabihin: Tungkol sa aling bagay nagtatanong ang mga tagatangging sumampalataya sa isa't isa sa kanila? {2. Tungkol sa balitang dakila,} Ibig sabihin: Tungkol sa ipinabatid sa kanila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagbubuhay at pagganti sa Araw ng Pagbangon. {3. na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.} Ibig sabihin: mga nagkakaiba-iba hinggil sa pagkaganap nito o hindi kawalan nito.

Ang Pagbabanta sa mga Tagapagpasinungaling sa Pagbubuhay

Pagkatapos nagbanta si Allāh sa mga tagapagkaila sa pagbubuhay sa pamamagitan ng sabi Niya: {4. Aba'y hindi! Makaaalam sila.} Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin nila; bagkus malalaman nila ang kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila kapag binuhay sila ni Allāh at pinagdusa Niya sila. Pagkatapos nagbigay-diin si Allāh sa bantang ito sapagkat nagsabi Siya: {5. Pagkatapos aba'y hindi! Makaaalam sila.}

Ang mga Pagkakahayag ng kakāyahan ni Allāh sa Sansinukob

Pagkatapos nagbibigay-patunay si Allāh sa kakāyahan Niya sa pamamagitan ng mga biyaya Niya at kadakilaan ng paglikha Niya sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {6. Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag} Ibig sabihin: inilatag upang makakaya kayo sa pagtira rito at paglipat-lipat sa ibabaw nito. {7. at sa mga bundok bilang mga tulos?} Ibig sabihin: pampatatag ng lupa upang hindi ito gumalaw-galaw sa inyo. {8. Lumikha Kami sa inyo na magkapares.} Ibig sabihin: bilang mga lalaki at mga babae para sa pag-iingat sa supling at pagpapatuloy ng buhay. {9. Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.} Ibig sabihin: para sa ginhawa ng mga katawan ninyo upang makakaya kayo sa paggawa sa maghapon. {10. Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.} Ibig sabihin: tagatakip sa inyo, sa pamamagitan ng dilim nito, sa mga mata ng mga tao gaya ng pagtatakip sa inyo ng kasuutan. {11. Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.} Ibig sabihin: isang pagkakataon para sa paggawa at pagkita ng mga panustos sa inyo. {12. Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong matindi.} Ibig sabihin: pitong langit na kamangha-mangha ang pagkayari, na malakas at matibay. {13. Gumawa Kami ng isang sulo na palaliyab.} Ibig sabihin: araw na nagtatanglaw sa Sansinukob. {14. Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na palabuhos} Nagpababa Kami mula sa mga ulap ng masaganang tubig. {15. upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman} Kumakain dito ang tao at ang hayop. {16. at mga harding magkakapulupot.} Mga harding marami ang mga punong-kahoy, na pumupulupot ang mga sanga ng mga ito dahil sa dami ng mga ito at pagkakalapitan ng mga ito.

Ang Pagbibigay-diin sa Pagkaganap ng Araw ng Pagbangon

Pagkatapos nagpasya si Allāh sa pagkaganap ng Araw ng Pagbangon at na ito ay may isang oras na tinakdaan subalit walang nakaaalam nito kundi si Allāh sapagkat nagsabi Siya: {17. Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras} {18. sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.} Sa Araw na ito, iihip si Anghel Rafael (Isrāfīl) sa sungay sa ikalawang pagkakataon para sa pagbibigay-buhay sa inyo at pagpapalabas sa inyo mula sa mga libingan, saka dadalo kayo bilang mga pangkat para sa pagtutuos at pagganti. {19. Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.} Sa oras nito magkakabiyak-biyak ang langit mula sa bawat gilid bilang mga biyak na gaya ng mga pinto. {20. Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.} Aalisin ang mga bundok palayo sa mga lugar ng mga ito para ang mga ito ay maging malikmata na para bang hindi nangyari.

Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:

Ang Pagkakinakailangan ng Pananampalataya sa Araw ng Pagbangon at Anumang Magaganap Dito na Pagbubuhay, Pagtutuos, at Pagganti

Ang Dami ng mga Biyaya ni Allāh sa mga Lingkod Niya at ang Pagkauri-uri ng mga Ito

Ang Pagpapatibay sa kakāyahan ni Allāh sa Pagbubuhay sa Pamamagitan ng Paglilinaw sa mga Biyaya at mga Kamangha-mangha sa mga Nilikha

Ang Pagmamatigas ng mga Tagapagtambal, ang Pagmamalaki Nila, at ang Pagkakaila Nila sa mga Katotohanang Pampananampalataya at Pansansinukob

Ang Pagkaganap ng mga Sukdulang Hilakbot sa Araw ng Pagbangon

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at maghuhulo ako.

Magbulay-bulay ka mga sumusunod na āyah, pagkatapos maghulo ka ng pahiwatig ng mga ito sa pagbubuhay.

Ang Āyah

Ang Paghuhulo

{Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Ito ay higit na madali sa Kanya.} (Qur'ān 30:27)

Ang pagpapanumbalik sa paglikha sa isa pang pagkakataon ay higit na magaan kay Allāh kaysa sa pagpapasimula nito.

{Hindi ba sila nakakita na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila.} (Qur'ān 17:99)

Ang kakāyahan ni Allāh sa paglikha ng anumang higit na dakila kaysa sa tao ay patunay sa kakāyahan nila sa pagpapanumbalik sa paglikha ng tao.

{Siya ay ang nagsusugo ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa harap ng awa Niya; hanggang sa nang nagdala ang mga iyon ng mga ulap na mabigat ay aakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka magpapababa Kami roon ng tubig kaya magpapalabas Kami sa pamamagitan nito ng lahat ng mga bunga. Gayon Kami magpapalabas ng mga patay, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.} (Qur'ān 7:57)

Ang nagpapalabas ng halaman mula sa lupang patay ay nakakakaya sa pagpapalabas ng tao mula roon matapos ng pagkamatay nito.

Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at hahango ako.

Ang pagbanggit ni Allāh sa mga āyah ng mga ehemplo ng mga biyaya Niya sa nilikha Niya ay nagpapatunay sa kakāyahan Niya sa pagbubuhay.

Hanguin mo ang mga biyayang nababanggit sa mga āyah ng aralin at ipaliwanag mo ang katuturan ng bawat isa sa mga ito para sa tao, kasama ng pagpapatunay ng mga ito sa kakāyahan ni Allāh.

Ang Biyaya

Ang Katuturan Nito Para sa Tao

Ang Pagpapatunay ng mga Ito sa kakāyahan ni Allāh

Ang Paglalatag ng Lupa

Nagbibigay-kakāyahan sa kanya sa pag-usad sa ibabaw nito at pagsasaka rito.

Ang nagmay-ari ng kakāyahan sa paglalatag ng lupa ay nakakakaya sa pagbubuhay sa tao.

Ang Paggawa sa Pagtulong Bilang Ginhawa Para sa Tao

Nangangalaga Siya para sa tao ng kalusugan nito at pumipigil siya sa pagkasawi nito.

Si Allāh na gumigising ng natutulog (ang natutulog ay gaya ng patay) ay nakakakaya na magbigay-buhay sa patay.

Ang Paggawa sa Araw Bilang Liwanag

Tumatanglaw ito sa Sansinukob at nag-aayuda rito sa pamamagitan ng init.

Si Allāh na kumukontrol sa higanteng araw na ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mahinang tao.

Ang Pagpapalabas ng Halaman Mula sa Lupa

Ang Pagbibigay ng Pagkain

Ang nagpalabas ng halaman mula sa lupa ay nakakakaya na magpalabas mula rito ng tao matapos ng pagkamatay nito.

Magsulat ka ng ilan sa mga iba pang pagkakahayag ng kakāyahan ni Allāh sa sansinukob na nakikita mo bukod pa sa nabanggit sa aralin.

Ang Biyaya

Ang Katuturan Nito Para sa Tao

Ang Pagpapatunay ng mga Ito sa kakāyahan ni Allāh

Aktibidad 3: Makikipagtulungan ako sa pagsasaulo.

Makipagtulungan ka sa isa sa mga kaklase mo sa pagpaparinig ng mga āyah ng aralin sa pamamagitan ng pagpapalitan sa pagitan ninyo.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Tumalakay ang Sūrah An-Naba' ng mga pangyayari sa Araw ng Pagbangon. (✓)

2. Nagtanong ang mga tagapagtambal tungkol sa pagbubuhay upang mapag-alaman nila ang paniniwala ng Islām. (X)

3. Nagpaliwanag ang mga āyah ng ganti sa mga tagatangging sumampalataya na nagkakaila sa pagbubuhay. (✓)

4. Nagpapababa si Allāh ng ulan para magpalabas ng halaman, mga butil, at iba pa sa mga ito. (✓)

5. Nagpabatid sa atin ang mga āyah hinggil sa oras ng Araw ng Pagbangon. (X)

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Nagpatunay ang mga marangal na āyah sa pagkaganap ng:

(pagdurusa sa libingan - kamatayan - pagbubuhay).

Ginawa ni Allāh ang mga tao bilang mga lalaki at mga babae para sa:

(pag-iingat sa supling - pagpupunyagi sa panustos - pagbibigay-buhay sa kanila matapos ng kamatayan nila).

Binanggit ni Allāh ang paglikha ng __________ para magpatunay sa kakāyahan Niya sa pagbubuhay.

(mga langit - mga dagat - buwan).

Ang pananampalataya sa pagbuhay ay nagtutulak sa atin tungo sa:

(maayos na gawain - hilakbot at pagkahindik - pag-iisip-isip sa paglikha ni Allāh).

PANUTO 3: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumunod na salita:

(mihād (nakalatag) - subāt (pamamahinga) - sirāj (sulo) - tḥajjāj (palabuhos)).

PANUTO 4: Isulat mo ang marangal na āyah na naaangkop sa kahulugang nababanggit sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kahulugan

Ang Āyah

Gumawa si Allāh sa maghapon para sa pagganap ng mga gawain.

{Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.} (Qur'ān 78:11)

Ang pagbaba ng ulan ay kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa tao.

{Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos} (Qur'ān 78:14)

Inihanda ni Allāh para sa atin ang lupa para sa pag-usad at pagsasaka.

{Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag} (Qur'ān 78:6)

Ang pagkakaroon ng mga pampatatag na mamalagi dahil sa mga ito ang lupa.

{at sa mga bundok bilang mga tulos?} (Qur'ān 78:7)

Ang pagtulog ay ginhawa para sa mga katawan.

{Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.} (Qur'ān 78:9)

PANUTO 5: Linawin mo kung papaanong nagpatunay ang mga marangal na āyah sa kakāyahan ni Allāh sa pagbubuhay.

Nagbiyaya si Allāh sa mga tao ng maraming biyaya sapagkat nilikha Niya ang lupa, pinadali Niya ang buhay sa ibabaw nto, pinagsilbi Niya ang araw, pinababa Niya ang ulan, pinalabas Niya ang halaman at ang pananim, at nilikha Niya ang maghapon upang gumawa ang mga tao rito at ang gabi upang magpahinga sila rito. Ang lahat ng iyon ay hindi nangyayari malibang ayon sa isang sukdulang kakāyahan. Ang kakāyahang ito ay hindi humihina sa pagpapanumbalik ng paglikha sa tao matapos ng kamatayan nito.

2. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah An-Naba' (Qur'ān 78:21-40)

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagsaulo ka ng mga marangal na āyah mula sa āyah 21 hanggang sa āyah 40 ng Sūrah An-Naba';

2. makapaglinaw ka ng mga kahulugan ng mga bokabularyo at mga parirala sa mga āyah;

3. makapaglarawan ka sa kahihinatnan ng mga tagapagmalabis at mga tagapangilag magkasala;

4. makapag-ugnay ka sa pagitan ng paggawa at pagganti;

5.makapaghanda ka para sa Huling Araw sa pamamagitan ng paggawa ng maayos sa mga gawain.

Matapos na nagbigay-diin ang mga naunang āyah sa pagkaganap ng pagbubuhay, dumarating naman ang mga sumusunod na āyah para magsalarawan sa atin ng ilan sa mga pagkakahayag ng pagdurusa ng mga tagapagmalabis at kaginhawahan ng mga tagapangilag magkasala, at ng ilan sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsasabi si Allāh:

{21. Inna jahannama kānat mirṣādā, (Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,)} {22. Li-ṭṭāghīna ma'ābā, (para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,)} {23. Lābithīna fīhā aḥqābā. (na mga mamamalagi roon sa mga yugto.)} {24. Lā yadhūqūna fīhā bardan wa-lā sharābā, (Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,)} {25. Illā ḥamīman wa-ghassāqā (maliban sa isang nakapapasong tubig at isang naknak)} {26. Jazā'an wifāqā. (bilang ganting angkop.)} {27. Innahum kānū lā yarjūna ḥisābā. (Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.)} {28. Wa-kadhdhabū bi-āyātinā kidhdhābā. (Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.)} {29. Wa-kulla shay'in aḥṣaynāhu kitābā. (Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaan.)} {30. Fa-dhūqū fa-lan nazīdakum illā `adhābā. (Kaya lumasap kayo sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.)} {31. Inna li-lmuttaqīna mafāzā (Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan)} {32. Ḥadā'iqa wa-a`nābā, (ng mga hardin at mga ubasan,)} {33. Wa-kawā`iba atrābā, (ng mabibilog ang dibdib, na magkakasinggulang,)} {34. Wa-ka'san dihāqā. (at ng kopang puspos.)} {35. Lā yasma`ūna fīhā laghwan wa-lā kidhdhābā, (Hindi sila makaririnig doon ng isang kabalbalan ni ng isang pagsisinungaling,)} {36. Jazā'am mir rabbika `aṭā'an ḥisābā, (bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit,)} {37. Rabbi –ssamāwāti wa-l'arḍi wa-mā baynahuma –rraḥmāni lā yamlikūna minhu khiṭābā. (ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap.)} {38. Yawma yaqūmu –rrūḥu wa-lmalā'ikatu ṣaffal lā yatakallamūn illā man adhina lahu –rraḥmānu wa-qāla ṣawābā. (Sa Araw na tatayo ang Espiritu at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tama.)} {39. Dhālika –lyawmu –lḥaqqu fa-man shā'a –ttakhadha ilā rabbihī ma'ābā. (Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.)} {40. Innā andharnākum `adhāban qarīban yawma yanḍ̆uru –lmar'u mā qaddamat yadāhu wa-yaqūlu –lkāfiru yā-laytanī kuntu turābā. (Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "O kung sana ako ay naging alabok!")}

Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:

Ang Pananalita

Ang Kahulugan Nito

pantambang: lugar na inihanda para sa pagtambang sa kanila.

uwian: balikan.

mga mamamalagi: mga mananatili.

mga yugto: mga matagal na panahon.

nakapapasong tubig: tubig na mainit na matindi ang pagkulo.

naknak: tagas at nana.

ganting angkop: naaangkop sa kawalang-pananampalataya nila.

nag-isa-isa Kami: nag-eksakto Kami.

tama: totoo na magpapalugod kay Allāh.

ang Araw na totoo: ang Araw ng Pagbuhay at Pagganti.

hindi nag-aasam: hindi umaasa.

pagtatamuan: lugar ng pagtamo at kaligtasan, ang Paraiso.

mabibilog ang dibdib: mga dalagang maririkit.

magkakasinggulang: nasa iisang edad.

puspos: napuno at marami.

kabalbalan: pananalitang walang katuturan dito.

bigay na sulit: bigay na nakasasapat at marami.

ang Espiritu: ang tinutukoy ay si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga).

uwian: daan na nagpapalugod kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).

nagbabala sa inyo: nagbigay-babala sa inyo sa Mundo.

Ang mga Paksa ng Āyah

Ang Ganti sa mga Tagatangging Sumampalataya sa Araw ng Pagbangon

Ang Kadahilanan ng Pagdudulot ng Pagdurusa sa mga Tagatangging Sumampalataya

Ang Ganti sa mga Tagapangilag Magkasala sa Araw ng Pagbangon

Ang mga Katangian ni Allāh (Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan)

Ilan sa mga Masasaksihan sa Araw ng Pagbangon

Ang Pagbibigay-babala Laban sa Araw ng Pagbangon

Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan

Ang Ganti sa mga Tagatangging Sumampalataya sa Araw ng Pagbangon

Nilinaw ni Allāh ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi Siya: {21. Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,} Ibig sabihin: Inihanda ito para sa pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya. Ito ay naghihintay sa kanila kaya hindi nila makakayang tumakas mula rito sapagkat ito ay: {22. para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,} Ibig sabihin: balikan at hantungan para sa sinumang lumampas sa hangganan sa kawalang-katarungan at pagmamalabis. {23. na mga mamamalagi roon sa mga yugto.} Ibig sabihin: na mga mananatili sa Impiyerno sa mga panahong nagsusunuran na walang wakas para sa mga ito.

Pagkatapos naglarawan si Allāh sa daranasin nila roon na mga uri ng pagdurusa sapagkat nagsabi Siya: {24. Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin, 25. maliban sa isang nakapapasong tubig at isang naknak} Ibig sabihin: Hindi sila makatitikim ng anuman mula sa malamig na hangin mula sa napakikinabangang inumin subalit sila ay makatitikim doon ng isang tubig na matindi ang init at ng nana na dumadaloy mula sa mga sugat nila at mga balat nila.

Ang Kadahilanan ng Pagdudulot ng Pagdurusa sa mga Tagatangging Sumampalataya

Pagkatapos naglinaw si Allāh ng kadahilanan sa pagdudulot ng pagdurusa sa kanila sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {26. bilang ganting angkop.} Ang pagdurusang ito ay hindi isang kawalang-katarungan mula kay Allāh sa kanila; bagkus bilang ganting umaangkop sa mga gawa nilang masagwa sa Mundo. {27. Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos. 28. Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.} Dahil sila noon ay hindi nangangamba sa pagtutuos Namin habang nasa Mundo at hindi nag-iisip kaugnay rito at sila noon ay nagpapasinungaling sa isang sukdulang pagpapasinungaling sa lahat ng inihatid sa kanila ng Sugo Namin (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) samantalang Kami naman ay hindi nalingat sa anuman sa mga krimen nila; bagkus {29. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaan.} Kaya ang bawat bagay sa Sansinukob na ito ay naisa-isa nga Namin sa isang lubos na pag-iisa-isa, na walang nalilingid mula rito na anuman gaano man ito naging maliit.

Pagkatapos magtutuon si Allāh sa kanila ng pakikipag-usap ng pag-aba at paghamak: {30. Kaya lumasap kayo sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.} Ibig sabihin: Lasapin ninyo ang kahihinatnan ng kawalang-pananampalataya ninyo bilang pagdurusa sa ibabaw ng pagdurusa na kayo ay paparoon.

Ang Ganti sa mga Tagatangging Tagapangilag Magkasala sa Araw ng Pagbangon

Pagkatapos magpapabatid si Allāh tungkol sa inihanda Niya na Kaginhawahan para sa mga tagapangilag magkasala sapagkat magsasabi Siya: {31. Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan} Ibig sabihin: Ukol sa kanila ay isang dakilang pagtamo, ang Paraiso. {32. ng mga hardin at mga ubasan,} Ibig sabihin: Ukol sa kanila roon ay mga harding namumukadkad at mga bungang sinarisari. {33. ng mabibilog ang dibdib, na magkakasinggulang,} ng mga babaing maririkit sa kasibulan ng pagkadalaga. {34. at ng kopang puspos.} Aabutin nila ang mga kopang napuno ng alak na hindi nakalalasing dahil sila ay umiwas nito sa Mundo bilang pagtalima kay Allāh. {35. Hindi sila makaririnig doon ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,} Ibig sabihin: Hindi sila makaririnig sa Paraiso ng isang kabulaanan ni isang kasinungalingan dahil ito ay tahanan ng kapayapaan at ginhawa ng kaluluwa; bagkus makaririnig sila ng pananalitang kaaya-aya. Ito sa kabuuan nito ay: {36. bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit,} Kaya ang ganting ito ay bigay at pagmamabuting-loob mula kay Allāh sa kanila at pagkilala sa mga gawa nilang maayos.

Ang mga Katangian ni Allāh

Matapos na nagpabatid sa atin si Allāh hinggil sa Kaginhawahan ng mga tagapangilag magkasala, naglarawan naman Siya sa sarili Niya sa pamamagitan ng sabi Niya: {37. ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ...} na mga nilikha. {... ang Napakamaawain; ...} ang tagapagtaglay ng malawak na dakilang awa, ang may kapitaganan at kadakilaan, kaya naman ang mga naninirahan sa mga langit at lupa ay: {... hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap.} Sila ay mga nagpapasailalim kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig, kaya walang nakakakayang isa man sa kanila na makipag-usap sa Kanya malibang ayon sa pahintulot Niya.

Ilan sa mga Masasaksihan sa Araw ng Pagbangon

Naglarawan ang mga āyah ng kalagayan ng pananahimik at pag-aantabay sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng sabi ni Allāh: {38. Sa Araw na tatayo ang Espiritu at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tama.} Kung saan tatayo si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) at ang lahat ng mga anghel, hindi sila magsasalita malibang kapag niloob ni Allāh para sa kanila na magsalita sila ng pananalitang magpapalugod sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Pagkatapos magbibigay-diin Siya na ang Araw ng Pagbangon ay totoo, na walang pagdududa hinggil dito. {39. Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.} Ibig sabihin: Kaya ang sinumang nagnais ng kaligtasan, magpakalapit siya kay Allāh.

Ang Pagbibigay-babala Laban sa Araw ng Pagbangon

Pagkatapos winakasan ni Allāh ang marangal na sūrah habang nagbibigay-babala sa mga lingkod Niya sa kalahatan. {40. Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "O kung sana ako ay naging alabok!"} Ibig sabihin: Nagbibigay-babala Kami sa inyo laban sa isang pagdurusang malapit na magaganap sa sinumang nagiging karapat-dapat dito sa Araw na makikita ng bawat tao ang gawa niya na nakahanda sa harapan niya at naitala laban sa kanya. Sa sandaling iyon, manghihinayang ang tagatangging sumampalataya at magsasabi siya: "O kung sana ako ay naging alabok saka hindi ako nilikha, hindi ako inatangan ng anumang mga inaatang na tungkulin, hindi ako binuhay, at hindi ako tinuos!

Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:

Ang kasagwaan ng kahihinatnan ng mga tagatangging sumampalataya at ang tindi ng pagdurusa nila.

Ang kagandahan ng ganti sa mga tagapangilag magkasala at ang pagkasukdulan ng kaginhawahan nila.

Ang ganti at ang hantungan sa Kabilang-buhay ay nakabatay sa ginagawa ng tao sa Mundo.

Ang pag-iisa-isa ni Allāh sa mga gawa ng mga tao at ang pakikipaggantihan sa kanila dahil sa mga ito.

Ang kadakilaan ni Allāh at ang kakāyahan Niya sapagkat ang bawat bagay ay nasa ilalim ng paglupig Niya at kapamahalaan Niya.

Kailangan sa tao na magsumikap sa maayos na gawa upang maligtas mula sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon.

Ang tindi ng panghihinayang ng tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon dahilan sa makikita niya na mga uri ng pagdurusa.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magmumuni-muni ako at mag-aanalisa ako.

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi bumaba kaugnay sa pumapatungkol sa mga maninirahan sa Impiyerno ang isang āyah na higit na matindi kaysa sa āyah na ito: {Kaya lumasap kayo sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.}." Nagsabi siya: "Kaya sila ay nasa dagdag na pagdurusa magpakailanman."

Ano ang pahiwatig ng sabi ni `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya)?

Ang tindi ng pagdurusa ng mga maninirahan sa Impiyerno at na sila ay mga pagkakaitan ng awa ni Allāh kaya hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa magpakailanman.

Ipaliwanag mo ang kaugnayan sa pagitan ng āyah na ito at ng sabi ni Allāh: {Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin ay magsusunog Kami sa kanila sa Apoy. Sa tuwing naluto ang mga balat nila magpapalit Kami sa kanila ng mga balat na iba sa mga ito upang lumasap sila ng pagdurusa.Tunay na si Allāh ay laging Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 4:56)

Ang dalawang āyah ay nagpapatibay sa pamamalagi ng pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya at kawalan ng pagkaputol nito. Nagpahayag ang unang āyah na sila ay nasa karagdagan ng pagdurusa at nagsalarawan naman ang ikalawang āyah ng pagpapatuloy ng pagpapaiba ng mga balat nila matapos ng pagkasunog ng mga ito nang sa gayon magpatuloy ang pagkaramdam nila ng sakit ng pagdurusa.

Aktibidad 2: Magpapakasigurado ako sa pagkasaulo ko at pagkaintindi ko.

Sa pagsalig sa pagkasaulo mo at walang pagsangguni sa Muṣḥaf, isulat mo ang marangal na āyah na bumabagay sa kahulugang nababanggit sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kahulugan

Ang Āyah

Ang pananatili ng mga tagapagmalabis sa apoy ng Impiyerno. {na mga mamamalagi roon sa mga yugto.} (Qur'ān 78:23)

Ang pagtatala ng lahat ng mga gawa ng mga anak ni Adan. {Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaan.} (Qur'ān 78:20)

Ang pagtamo ng mga tagapangilag magkasala sa Kabilang-buhay. {Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan} (Qur'ān 78:31)

Ang ganti sa mga tagapangilag magkasala ay bigay at pagmamabuting-loob mula kay Allāh sa kanila. {bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit,} (Qur'ān 78:36)

Aktibidad 3: Maghahambing ako at magbubulay-bulay ako.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {27. Sa araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, magsasabi siya: "O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas. 28. O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan. 29. Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo para sa tao ay mapagkanulo."} Qur'ān 25:27-29. Naglalarawan ang mga āyah na ito ng panghihinayang ng tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon. Maghambing ka sa pagitan ng paglalarawang ito at ng mga āyah ng aralin ayon sa hinihiling sa sumusunod na talahanayan, kasama ng pagsusulat ng isang komentaryo na naglalarawan sa mga nararamdaman mo tungo sa bawat isa sa dalawang paglalarawan.

Ang mga Pagkakahayag ng Panghihinayang

Sa mga Āyah ng Sūrah Al-Furqān {Sa araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, magsasabi siya: "O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.} (Qur'ān 25:27)

Sa mga Āyah ng Sūrah An-Naba' {at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "O kung sana ako ay naging alabok!"} (Qur'ān 78:40)

Ang Kadahilanan ng Panghihinayang

Sa mga Āyah ng Sūrah Al-Furqān {27. ... "O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.}

28. O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan. 29. Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. ...} (Qur'ān 25:27-29)

Sa mga Āyah ng Sūrah An-Naba' {... sa Araw na titingin ang tao sa anumang ipinauna ng mga kamay niya ...} (Qur'ān 78:40)

Ang Komentaryo

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumunod na salita:

(lamig - naknak - puspos - nag-isa-isa Kami - pagtatamuan - uwian).

PANUTO 2: Piliin mo ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Nagpahiwatig ang mga āyah na ang pagpasok sa Paraiso ng mananampalataya ay dahilan sa:

(pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) - gawa niya - pagkaibig ng mga tao sa kanya).

Ang sabi ng tagatangging sumampalataya: {"O kung sana ako ay naging alabok!"} ay isang pahiwatig sa:

(pagdurusa - paninisi - pagsisisi).

Ang {anumang ipinauna ng mga kamay niya} ay nangangahulugang:

(kaangkanan niya - gawa niya - ari-arian niya).

Kabilang sa mga anyo ng pagdurusa ng tagatangging sumampalataya na nasaad sa mga āyah:

(ang panghihinayang - ang pagkaaba - ang pagkakait).

Kabilang sa mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon na nasaad sa mga āyah:

(ang kaingayan - ang pananahimik - ang pagbulong).

PANUTO 3: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:

{23. na mga mamamalagi roon sa mga yugto.}

{27. Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.}

{36. bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit,}

PANUTO 4: Sagutin ang dalawang sumusunod na tanong:

Magbuod ka sa limang linyang mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon kung paanong inilarawan ang mga ito ng Sūrah An-Naba'.

Isulat mo ang pinakatampok na tatlong katuturan mula sa mga āyah.

PANUTO 5: Ayon sa liwanag ng pagkaintindi mo sa mga āyah, magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa sa sumusunod:

Sa Araw ng Pagbangon, walang magsasalitang isa man malibang ayon sa dalawang kundisyon.

Ang kalapitan ng Araw ng Pagbangon.

Ang pagsisisi ng tagatangging sumampalataya sa Kabilang-buhay kapag makikita niya ang mga gawa niya.

Ang pangamba ni Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Si Allāh ay Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.

3. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah An-Nāzi`āt (Qur'ān 79:1-26)

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagsaulo ka ng mga marangal na āyah mula sa āyah 1 hanggang sa āyah 26 ng Sūrah An-Nāzi`āt;

2. makapaglinaw ka ng mga kahulugan ng mga salita at mga parirala sa mga āyah;

3. makapagpapakahulugan ka sa mga āyah sa isang pinagaang pagpapakahulugan;

4. makapaglarawan ka sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon at kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya roon;

5. makapagbuod ka ng kuwento ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) kasama ni Paraon;

6. makapagpaganda ka ng paghahanda para sa Araw ng Pagbangon.

Ang Pagpapakilala sa Sūrah

Ang Sūrah An-Nāzi`āt ay Makkīyah. Ang bilang ng mga āyah nito ay 46 āyah. Tinawag ito bilang Sūrah An-Nāzi`āt dahil ito ay binuksan sa panunumpa ni Allāh sa nāzi`āt (tagapag-alis), na mga anghel na nag-aalis ng mga kaluluwa ng mga tagatangging sumampalataya.

Ang Pinakamahalaga sa Nilalaman ng Sūrah:

Nilikha ni Allāh ang mga anghel at inatangan Niya sila ng sarisaring misyon.

Ang mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon at ang saloobin ng mga tagapagtambal sa pagbubuhay.

Ang pagpapabatid tungkol sa kuwento ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) kasama ni Paraon.

Ang pagpapatibay sa kakāyahan ni Allāh sa pamamagitan ng mga tandang pangsansinukob.

Ang paglilinaw sa kalagayan ng mga tagatalima at tagasuway sa Kabilang-buhay.

{1. Wa-nnāzi`āti gharqā, (Sumpa man sa mga tagapag-alis [ng kaluluwa] sa isang paghatak,)} {2. Wa-nnāshiṭāti nashṭā, (sumpa man sa mga tagahablot sa isang paghunos,)} {3. Wa-ssābiḥāti sabḥā, (sumpa man sa mga tagalangoy sa isang paglangoy,)} {4. Fa-ssābiqāti sabqā, (saka sa mga tagauna sa isang pag-una,)} {5. Fa-lmudabbirāti amrā, (saka sa mga tagapangasiwa ng utos,)} {6. Yawma tarjufu –rrājifah, (sa araw na mayayanig ang nayayanig,)} {7. Tatba`uha –rrādifah. (susunod dito ang bumubuntot.)} {8. Qulūbun yamwa'idhin wājifah. (May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.)} {9. Abṣāruhā khāshi`ah. (Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakataimtim.)} {10. Yaqūlūna a-innā la-mardūdūna fi –lḥāfirah? (Magsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating lagay?)} {11. A-idhā kunnā `iḍ̆āman nakhirah? (Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?")} {12. Qālū tilka idhan karratun khāsirah. (Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.")} {13. Fa-innamā hiya zajratun wāḥidah, (Saka ito lamang ay nag-iisang bulyaw,)} {14. Fa-idhā hum bi-ssāhirah. (saka biglang sila ay nasa balat ng lupa.)} {15. Hal atāka ḥadīthu Mūsā? (Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?)} {16. Idh nādāhu rabbuhū bi-lwādi –lmuqaddasi ṭuwā: (Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:)} {17. Idhhab ilā fir`awna innahū ṭaghā. ("Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.)} {18. Fa-qul hal laka ilā an tazakkā (Saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka)} {19. Wa-ahdiyaka ilā rabbika fa-takhshā? (at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?")} {20. Fa-arāhu –l'āyata –lkubrā, (Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki,)} {21. Fa-kadhdhaba wa-`aṣā. (ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito.)} {22. Thumma adbara yas`ā. (Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].)} {23. Fa-ḥashara fa-nādā (Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan)} {24. Fa-qāla ana rabbukumu –l'a`lā. (saka nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.")} {25. Fa-akhadhahu –llāhu nakāla –l'ākhirati wa-l'ūlā. (Kaya nagpataw rito si Allāh ng panghalimbawang parusa sa huli at una.)} {26. Inna fī dhālika la-`ibratal liman yakhshā. (Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].)}

Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:

mga tagapag-alis: mga anghel na nag-aalis ng mga kaluluwa ng mga tagatangging sumampalataya.

sa isang paghatak: sa isang katindihan.

mga tagahablot: mga anghel na kumukuha ng mga kaluluwa ng mga mananampalataya.

sa isang paghunos: sa isang kadalian.

mga tagalangoy: mga anghel na humahayo nang may kabilisan para magpatupad sa utos ni Allāh.

mga tagauna: mga anghel na umuuna sa pagdala sa Paraiso ng mga kaluluwa ng mga mananampalataya.

mga tagapangasiwa: mga anghel na nangangasiwa sa mga nauukol sa mga tao ayon sa kalooban ni Allāh.

balat ng lupa: lupain ng kalapan [ng mga binuhay].

pinabanal: pinadalisay na pinagpala.

Ṭuwā: isang pangalan ng lambak na pinabanal.

nagmalabis: lumampas sa hangganan sa kawalang-katarungan.

mayayanig: maaalog nang may katindihan.

ang nayayanig: ang unang pag-ihip.

ang bumubuntot: ang ikalawang pag-ihip.

kakabug-kabog: nangangamba.

dating lagay: buhay matapos ng kamatayan.

nabukbok: naluma.

pagbalik na lugi: pag-uwing bigo.

magpakabusilak: magpakadalisay sa mga pagkakasala.

tumalikod: umayaw sa pananampalataya.

kumalap: tumipon ng mga manggagaway at mga kawal.

Ang mga Paksa ng Āyah

Ang Panunumpa sa mga Angel at mga Gawain Nila

Ang mga Pauna ng Araw ng Pagbangon

Ang mga Kalagayan ng mga Tagatangging Sumampalataya sa Sandali ng Pagbuhay

Ang Kuwento ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) kasama ni Paraon.

Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan

Ang Panunumpa sa mga Angel at mga Gawain Nila

Sumusumpa si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa pagkaganap ng pagbuhay sa mga anghel ayon sa pagkakaiba-iba ng mga gawain nila sapagkat nagsasabi Siya:

{1. Sumpa man sa mga tagapag-alis [ng kaluluwa] sa isang paghatak,} Ibig sabihin: Sumusumpa Ako sa mga anghel na nag-aalis ng mga kaluluwa ng mga tagatangging sumampalataya nang may katindihan at karahasan.

{2. sumpa man sa mga tagahablot sa isang paghunos,} Sumpa man sa mga anghel na kumukuha ng mga kaluluwa ng mga mananampalataya nang mabilis, magaan, at madali.

{3. sumpa man sa mga tagalangoy sa isang paglangoy,} Sumpa man sa mga anghel na lumalangoy sa kalawakan at nakikipagmabilisan sa pagpapatupad sa mga utos ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan),

{4. saka sa mga tagauna sa isang pag-una,} saka sa mga anghel na umuuna sa iba pa sa mga ito sa pagpapatupad sa utos ni Allāh,

{5. saka sa mga tagapangasiwa ng utos,} Ang mga anghel na nagpapatupad sa pangangasiwa ni Allāh sa nilikha.

Sumumpa nga si Allāh sa limang uring ito na ang pagbuhay at pagtutuos ay totoo.

Ang mga Pauna ng Araw ng Pagbangon

Pagkatapos bumanggit ang mga āyah ng mga pauna ng Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi si Allāh: {6. sa araw na mayayanig ang nayayanig,} Ibig sabihin: Gumalaw-galaw ang lupa at lumilindol ito sa sandali ng unang pag-ihip sa tambuli saka mamamatay ang nilikha sa kalahatan, pagkatapos {7. susunod dito ang bumubuntot.} Ito ay ang ikalawang pag-ihip sa tambuli kung kailan babangon ang mga nilikha para sa pagbuhay at pagtutuos.

Ang mga Kalagayan ng mga Tagatangging Sumampalataya sa Sandali ng Pagbuhay

Pagkatapos naglarawan si Allāh sa kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya sapagkat nagsabi Siya: {8. May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog. 9. Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakataimtim.} Ibig sabihin: Ang mga puso nila ay nasindak dala ng pangingilabot at hilakbot at ang mga paningin nila ay kaaba-abang hamak.

Ang mga ito noon ay nagkakaila sa pagbuhay. {10. Magsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating lagay? 11. Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?"} Manunumbalik ba para sa amin ang buhay matapos na kami ay maging mga butong naluma? {12. Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi."} Ibig sabihin: Ang panunumbalik namin ay hindi tumubo, bagkus hindi posible.

Kaya tumugon si Allāh sa kanila, na nagbibigay-diin sa pagkaganap ng pagbuhay sa pamamagitan ng sabi Niya: {13. Saka ito lamang ay nag-iisang bulyaw,} Nag-iisang sigaw, {14. saka biglang sila ay nasa balat ng lupa.} Biglang sila ay mga buhay na lumalabas mula sa mga libingan nila patungo sa lupain ng kalapan [ng mga binuhay]. Ito ay isang puting patag na lupa.

Ang Kuwento ni Moises Kasama ni Paraon.

Naglinaw si Allāh sa atin ng kahihinatnan ng mga tagapagpasinungaling sa mga sugo sa pamamagitan ng kuwento ni Moises kasama ni Paraon upang iyon ay maging isang pagbabanta sa bawat sinumang nagpapasinungaling sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa ipinabatid niya na pagbuhay at pagkabuhay sapagkat nagsabi si Allāh:

{15. Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?} Dumating kaya sa iyo, O Muḥammad, ang pabatid kay Moises sa lambak na dinalisay na tinatawag na: Ṭuwā, kung saan tumawag si Allāh sa kanya, na nagsasabi: {17. "Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.} Ibig sabihin: Lumampas siya sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at pagsuway. {18. Saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka} Ibig sabihin: Nag-aalok ako sa iyo ng pananampalataya upang magpakadalisay ka sa kawalang-pananampalataya mo. {19. at magpatnubay ako sa iyo ...} at gumabay ako sa iyo ... {19. ... tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?"} ... para mangamba ka sa kanya at mag-ingat ka sa kaparusahan Niya.

Noong pumunta si Moises kay Paraon, {20. Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki,} Ibig sabihin: himala ng kamay at tungkod. {21. ngunit nagpasinungaling ...} si Paraon kay Moises at nagpasinungaling ito sa mga tanda na ipinang-ayuda ni Allāh sa kanya/ {21. ... at sumuway ito.} sa utos Niya. {22. Pagkatapos tumalikod ito ...} Umayaw ito. {22. ... na nagpupunyagi [laban kay Moises].} na nagsusumikap sa pakikitunggali sa katotohanan at pakikipagdigmaan dito. {23. Kaya kumalap ito ...} Kaya nagtipon ito ng mga kawal at mga manggagaway. {23. ... saka nanawagan 24. saka nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."} Kaya huwag kayong tumalima sa iba pa sa akin.

Kaya ang kinahinatnan niyon: {25. Kaya nagpataw rito si Allāh}. Kaya naghiganti si Allāh rito at nagpasawi Siya rito sa pamamagitan ng pagkalunod bilang {panghalimbawang parusa}: isang kaparusahan dito dahil sa pananalita nito. Ang {huli}: Ito ay ang sabi niya: {"Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."} Gayon din, nagparusa rito si Allāh sa unang pananalita nito. Ang {una}: Ito ay ang sabi niya: {hindi ko nalamang mayroon kayong anumang diyos na iba pa sa Akin} (Qur'ān 28:38)

{26. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].} Tunay na sa pagpapasawi kay Paraon ay may isang pangaral para sa sinumang nangangamba kay Allāh.

Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:

Sumusumpa si Allāh sa anumang niloob Niya sa mga dakilang nilikha Niya.

Ang dami ng mga anghel na nilikha ni Allāh at ang pagkamarami ng mga tungkulin nila.

Ang pagkasindak ng mga tagatangging sumampalataya at ang pangangatal ng mga puso nila dahil sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon.

Ang pagbuhay na ikinaila ng mga tagatangging sumampalataya ay magaan at madali kay Allāh.

Ang tungkulin ng mga sugo ay ang pagpatnubay ng mga tao at ang paggabay sa kanila tungo sa katotohanan.

Ang kasamaan ng pakikipagmatigasan sa mga sugo at hindi pagtalima sa kanila.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.

Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdaan ang dalawang katlo ng gabi, ay bumabangon saka nagsasabi: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allāh, alalahanin ninyo si Allāh. Dumating ang unang pag-ihip [sa tambuli], na susundan ng ikalawang pag-ihip. Dumating ang kamatayan kalakip ng anumang narito. Dumating ang kamatayan kalakip ng anumang naririto." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagpaparami ng panalangin ng pagbasbas sa iyo, kaya ilan ang gagawin ko para sa iyo mula sa panalangin ko ng pagbasbas?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo." Nagsabi ako: "Ang sangkapat?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo; saka kung nagdagdag, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Ang kalahati?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo; saka kung nagdagdag ka, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Ang dalawang sangkatlo?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo; saka kung nagdagdag ka, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Gagawin ko para sa iyo ang panalangin ko ng pagbasbas sa kabuuan nito." Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasapat ito sa alalahanin mo at patatawarin ka sa pagkakasala mo."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2457. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod.

Laban sa pagdating ng ano nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? Ano ang layon ng pagbibigay-babalang ito?

Nagbigay-babala ang Propeta laban sa pagdating ng Araw ng Pagbangon at pagkabigla ng kamatayan. Ang layon ay ang pagpapangamba sa mga tao upang makipagmabilisan sila tungo sa paggawa ng mga maayos.

Ano ang iginabay ng ḥadīth para sa pakikitungo sa pagbibigay-babalang ito?

Ang pagpaparami ng mga gawang maayos at kabilang sa mga ito ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Aktibidad 2: Maghahambing ako at magpapahayag ako ayon sa istilo ko.

Maghambing ka sa pagitan ng kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya gaya ng inilarawan ng mga āyah ng Sūrah An-Nāzi`āt at ng kalagayan ng mga mananampalataya, na inilarawan ni Allāh sa sabi Niya: {Hindi magpapalungkot sa kanila ang pagkahindik na pinakamalaki at tatanggap sa kanila ang mga anghel, [na nagsasabi]: "Ito ay ang Araw ninyo na kayo noon ay pinangangakuan,} (Qur'ān 21:103)

Aktibidad 3: Maghahambing ako.

Hindi si Paraon lamang ang pinasawi ni Allāh; bagkus pinasawi Niya rin si Qārūn. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nanampalasan siya laban sa kanila.} (Qur'ān 28:76) Hanggang sa nagsabi Siya: {Kaya ipinalamon Namin siya at ang tahanan niya sa lupa.} (Qur'ān 28:81)

Basahin mo ang kuwento ni Qārūn sa Sūrah Al-Qaṣaṣ (Qur'ān 28:78-82). Pagkatapos ihambing mo ito sa kuwento ni Paraon alinsunod sa mga sumusunod na elemento:

Anyo ng Paghahambing

Ang Saloobin kay Moises (Sumakanya ang Pangangalaga)

Ang Saloobin sa mga Biyaya ni Allāh

Ang Kadahilanan ng Pagmamalabis

Si Paraon

Nagpasinungaling Siya Kay Moises at Nagtangkang Patayin Ito

Nagkaila Siya sa mga Biyaya ni Allāh at Nagkaila ng mga Ito

Ang Pagmamalaking Iniresulta ng Kapamahalaan

Ang Pagkaaba at ang Kasawian

Si Qārūn

Nagpasinungaling Siya

Nagkaila Siya sa mga Biyaya ni Allāh at Nag-ugnay ng mga Ito sa Sarili Niya

Ang Kapalaluang Iniresulta ng Dami ng Yaman

Ang Pagkaaba at ang Kasawian

Ang mga Araling Nahihinuha

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Bubuhayin ang mga tao para sa pagtutuos sa sandali ng unang pag-ihip.

Mangingilabot ang mga tagatangging sumampalataya dahil sa hilakbot ng pagkagulat sa Araw ng Pagbuhay.

Ang "kakabug-kabog" ay nangangahulugang nangangambang naliligalig.

Ang "nabukbok" ay nangangahulugang nalumang nalaspag.

Isinugo ni Allāh si Moises (sumakanya ang pangangalaga) kay Paraon para magpabatid dito hinggil sa wakas niya. (X)

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na tugon mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Nagkakasang-ayon ang Sūrah An-Naba' at ang Sūrah An-Nāzi`āt sa pagtugon sa pagkakaila ng mga tagapagtambal sa:

(pagkaganap ng pagbuhay - kairalan ni Allāh - pagbaba ng kasi).

Kabilang sa mga gawain ng mga anghel na nasasaad sa Sūrah An-Nāzi`āt:

(ang pagtatala ng mga magandang gawa - ang pag-aalis ng mga kaluluwa - ang paghingi ng tawad para sa mga mananampalataya).

Sa mga āyah ay may pagtugon sa mga tagapagkaila ng pagbuhay dahil sa kadakilaan ni Allāh sa paglikha ng:

(mga anghel - lupa - tambuli).

PANUTO 3: Isulat mo ang marangal na āyah na naaangkop sa kahulugang nababanggit sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kahulugan

Ang bilis ng mga anghel sa pagtalima sa mga utos ni Allāh.

Mauulit ang pag-ihip sa tambuli nang dalawang ulit.

Ang pagkakaila ng mga tagapagtambal sa pagbuhay.

Ang mga kaluluwa ng mga tagatangging sumampalataya ay inaalis nang may katindihan.

Ang pagpapakapalalo ni Paraon at ang pagmamalabis niya.

Ang āyah na nagpapahiwatig doon.

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ilarawan mo kung papaano kang tutugon sa mga tagapagkaila ng pagbuhay sa pamamagitan ng mga āyah ng aralin.

Ilarawan mo sa tatlong linya ang kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon gaya ng pagkakasalarawan ng mga āyah ng aralin.

Magbuod ka sa hindi lalabis sa limang linya ng kuwento ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) kasama ni Paraon sa pamamagitan ng mga āyah ng aralin, kasama ng pagbanggit sa mahihinuha mula sa mga ito.

4. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah An-Nāzi`āt (Qur'ān 79:27-46)

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagsaulo ka ng mga marangal na āyah mula sa āyah 27 hanggang sa āyah 46 ng Sūrah An-Nāzi`āt;

2. makapaglinaw ka ng mga kahulugan ng mga salita at mga parirala sa mga āyah;

3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah sa isang pinaigsing pagpapakahulugan;

4. makapaglarawan ka sa kadakilaan ng paglikha ni Allāh at pagpapasilbi Niya para sa tao.

5. makahango ka ng patunay sa tungkulin ng mga sugo (sumakanila ang pangangalaga);

7. matakot ka sa pagdurusang idudulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:

{27. Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?} {28. Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.} {29. Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.} {30. Ang lupa, matapos niyon, ay pinalawak Niya.} {31. Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.} {32. Ang mga bundok ay inangklahan Niya,} {33. bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.} {34. Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –} {35. sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya} {36. at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –} {37. hinggil sa sinumang nagmalabis} {38. at nagmabuti sa buhay na pangmundo,} {39. tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;} {40. hinggil naman sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,} {41. tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.} {42. Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?} {43. Nasa ano ka sa pagbanggit niyon?} {44. Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon. } {45. Ikaw lamang ay tagapagbabala ng sinumang natatakot doon.} {46. Para bang sila, sa araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga nito.}

Ang Pananalita

Ang Kahulugan Nito

panghalimbawang parusa: kaparusahan at ganti.

tuktok nito: bubong nito.

nagpakulimlim: nagpadilim.

ang Tagapag-umapaw: ang kasawiangpalad at ang tinutukoy ay ang Araw ng Pagbangon

itatanghal: palilitawin.

nagmabuti: nagtangi.

ang kanlungan: ang lugar at ang pinagtitigilan.

pinalawak: inilatag at binanat.

inangklahan: pinatatag sa mga lugar ng mga ito.

kung kailan ang pagdaong niyon: kailan ang panahon ng pagdating niyon.

pithaya: mga masagwang gawa at mga pagsuway.

hapon: oras mula sa tanghali hanggang sa paglubog ng araw.

Ang mga Paksa ng Āyah

Ang Kadakilaan ng Pagkakalikha sa mga Langit at Lupa

Ang mga Hilakbot sa Araw ng Pagbangon

Ang mga Uri ng mga Tao sa Araw ng Pagbangon

Ang Pagtatanong Tungkol sa Petsa ng Pagbangon [ng mga Patay]

Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan

Ang Kadakilaan ng Pagkakalikha sa mga Langit at Lupa

Pagkatapos nagpabaling si Allāh ng mga paningin tungo sa kakāyahan Niya sa pagbuhay sa pamamagitan ng nasasaksihan nila na pagkakalikha sa mga langit at lupa, kaya naman nagtatanong siya sa kanila, na naninisi sa kanila: {27. Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?} Ibig sabihin: Ang pagbibigay-buhay ba sa inyo matapos ng kamatayan ninyo ay higit na mahirap at higit na mabigat kaysa sa pagkakalikha sa langit? Ang sagot mangyari pa: Tunay na ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki gaya ng sinabi ni Allāh: {Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkakalikha sa mga tao,} (Qur'ān 40:57)

{28. Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.} Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nag-angat ng langit at iba pa rito saka gumawa rito na walang taglay na mga bitak at mga butas. {29. Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.} Ginawa Niya ang gabi bilang nagpapadilim at ang maghapon bilang nagtatanglaw.

{30. Ang lupa, matapos niyon, ay pinalawak Niya.} Pagkatapos inilatag ni Allāh ang lupa at pinalawak Niya ito upang ito ay maging isang pinagtitigilan para sa inyo at isang lugar para sa pakikinabang ninyo. {31. Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.} Pinabulwak Niya mula rito ang mga ilog at ang mga bukal at pinatubo Niya ang kinakain ng mga tao at mga hayop.

{32. Ang mga bundok ay inangklahan Niya,} Ibig sabihin: Pinatatag Niya ang mga bundok sa lupa nang sa gayon hindi ito gumalaw-galaw sa inyo.

{33. bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.} Ang lahat ng iyon ay nilikha ni Allāh para sa kapakinabangan ninyo at kapakinabangan ng mga hayupan ninyo. Kaya si Allāh na lumikha ng Sansinukob na ito ay nakakakaya na magpanumbalik ng mga katawan niya gaya ng pagkalikha Niya sa mga ito sa unang pagkakataon.

Ang mga Hilakbot sa Araw ng Pagbangon

Matapos ng pag-uusap tungkol sa mga pagkakahayag ng kakāyahan ni Allāh sa paglikha at paglilinaw sa mga biyaya Niya sa mga tao, nagpapabatid naman Siya tungkol sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsasabi Siya:

{34. Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –} Kapag naganap ang pinakamalaking kasawiangpalad (ang Araw ng Pagbangon) at ang makakasama nito na mga hilakbot,

{35. sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya} Sa sandaling ito, gugunitain ng tao ang lahat ng mga gawa niya na kabutihan o kasamaan.

{36. at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –} Palilitawin ang Impiyerno nang may kaliwanagan sa mananampalataya at tagatangging sumampalataya.

Ang mga Uri ng mga Tao sa Araw ng Pagbangon

Mahahati ang mga tao sa Araw ng Pagbangon alinsunod sa mga gawa nila.

{37. hinggil sa sinumang nagmalabis 38. at nagtangi sa buhay na pangmundo, 39. tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;} Ang sinumang lumampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at nagtangi sa mga sarap ng Mundo higit sa Kabilang-buhay, ang pagtitigilan niya ay Impiyerno.

{40. hinggil naman sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya, 41. tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.} Ang sinumang nangamba sa kasukdulan ng Panginoon niya at sumaway sa sarili niya laban sa pagkakasadlak sa ipinagbawal habang sumusunod sa mga utos Niya, ang Paraiso ay tirahan niya at pagtitigilan niya.

Ang Pagtatanong Tungkol sa Petsa ng Pagbangon [ng mga Patay]

Sa kabila ng pagkakaila ng mga tagapagtambal sa pagbuhay, tunay na sila ay nagtatanong bilang panunuya at pagsasaimposible tungkol sa oras ng pagsapit ng Huling Sandali.

{42. Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?} Kailan ang pagdating nito? Kaya tumugon si Allāh sa tanong nila, na nagtutuon sa Marangal na Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). {43. Nasa ano ka sa pagbanggit niyon? 44. Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon.} Ibig sabihin: Tunay na ikaw, O Muḥammad, ay hindi nakaaalam tungkol sa oras ng Huling Sandali para magpabatid ka sa Kanila hinggil dito sapagkat ang sanggunian niyon ay sa Panginoon mo lamang na nakaaalam sa oras nito.

{45. Ikaw lamang ay tagapagbabala ng sinumang natatakot doon.} Ang misyon mo lamang ay ang pag-aanyaya sa mga tao tungo sa paghahanda para rito sa pamamagitan ng pananampalataya at maayos na gawa nang sa gayon hindi pumunta sa kanila ang Araw ng Pagbangon nang biglaan habang sila ay hindi mga nakahanda. {46. Para bang sila, sa araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga nito.} Ibig sabihin: Makararamdam sila na sila ay hindi nanatili sa Mundo kundi sa isang madaling panahon na nakawawangis ng unang bahagi ng maghapon o huling bahagi nito.

Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:

Ang kahinaan ng pagkawari ng mga tagatangging sumampalataya sa pagkakita sa kadakilaan ni Allāh at kakāyahan Niya.

Ang dami ng mga biyaya ni Allāh at ang pagkauri-uri ng mga ito.

Ang Pagbangon [ng mga patay] ay darating nang walang duda. Walang nakaaalam sa oras nito kundi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Ang sinumang sumunod sa pithaya niya, tumuon sa Mundo, at lumimot sa Kabilang-buhay, ang hantungan niya ay tungo sa Impiyerno.

Ang Paraiso ay hantungan ng sinumang nagpigil sa pagsuway kay Allāh at nangamba sa pagtutuos sa hinaharap niya.

Kailangan sa mananampalataya na magsumikap sa pagtalima kay Allāh bilang paghahanda para sa Araw ng Pagbangon.

Ang yugto ng Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay lubhang maikli. Ang patunay mula sa mga āyah ay ang sabi ni Allāh: __________

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makikilahok ako sa mga kaklase ko.

Binanggit ni Imām Ibnu Al-Qayyim sa aklat niyang Al-Fawā'id (Ang mga Katuturan) ang mga pagpapala na nilikha ni Allāh sa lupa. Kabilang sa sinabi niya: "Na ito ay nagpapasan ng perhuwisyo sa ibabaw nito at nagpapalabas para sa iyo mula sa tiyan nito ng pinakamaganda sa mga bagay at pinakakapaki-pakinabang sa mga ito." Sa pamamagitan niyon at sa pakikilahok ng mga kaklase mo, magsulat ka ng pito sa mga biyaya ni Allāh na nauugnay sa lupa, kasama ng paglilinaw sa pamamaraan ng pagpapasalamat sa bawat biyaya mula rito.

Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako sa kaklase ko.

Dumami ang tanong ng mga Muslim at mga tagapagtambal tungkol sa oras ng pagsapit ng Araw ng Pagbangon. Kabilang sa mga tagasaksi roon ay ang isinalaysay ni Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya):

{Na may isang lalaking kabilang sa mga naninirahan sa ilang, na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong: "O Sugo ni Allāh, kailan sasapit ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "Kapighatian mo! At hindi ka naghanda para roon." Nagsabi ito: "Hindi po ako naghanda para roon maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya." Nagsabi siya: "Tunay na ikaw kasama ng sinumang inibig mo." Kaya nagsabi kami: "At kami po ay gayon din?" Nagsabi siya: "Oo." Kaya natuwa kami nang araw na iyon nang matinding pagkatuwa.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6171 at Imām Muslim: 2639. Sa pakikipagtulungan sa kaklase mo, mag-ugnay ka sa pagitan ng ḥadīth na ito at ng mga āyah ng aralin, sagutin mo ang sumusunod:

Ano ang layon ng bawat isa kabilang sa mga tagapagtambal at mga Muslim sa pagtatanong tungkol sa Huling Sandali?

Ang layon ng mga tagapagtambal ay ang makipagpamalakihan, ang makipagmatigasan, at ang magkaila ng pagkaganap ng Araw ng Pagbangon.

Ang layon ng mga Muslim ay ang pagpapahanda para sa Araw ng Pagbangon.

Ano ang kinakailangan sa Muslim tungo sa Huling Sandali at oras ng pagsapit nito?

Ang hindi pagkakaabala sa pag-ooras sa Huling Sandali bagkus ang pagsusumikap sa maayos na gawa na magliligtas sa Araw ng Pagbangon.

Hanguin mo sa ḥadīth ang nagpapahiwatig sa kahalagahan ng pag-ibig kay Allāh at sa Sugo Niya.

Ang sabi ng lalaki: "Hindi po ako naghanda para roon maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya." at ang sabi ng Propta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."

Ano ang komentaryo mo sa sabi ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya natuwa kami sa araw na iyon nang matinding pagkatuwa."

Aktibidad 3: Maghihinuha ako.

Nasaad sa ḥadīth: {Na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsasabi: "O Sugo ni Allāh, kailan ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "Ang tinatanong ay hindi higit na nakaaalam kaysa sa nagtatanong."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 50 at Imām Muslim: 8. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod.

Naiintindihan mula sa ḥadīth: (Piliin ang tumpak na sagot.)

Na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay nakaaalam sa tipanan ng Huling Sandali.

Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaaalam sa tipanan ng Huling Sandali.

Walang nakaaalam sa oras ng Huling Sandali kundi si Allāh.

Ibigay mo mula sa mga āyah ng aralin ang nagbibigay-diin sa katotohanang natatagpuan sa ḥadīth.

{42. Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon? 43. Nasa ano ka para bumanggit niyon? 44. Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon.} (Qur'ān 79:42-43)

Aktibidad 4: Magsusulat ako at magrerepaso ako ng naisaulo ko.

Isulat mo ang mga āyah ng aralin nang tatlong ulit mula sa memorya mo; at sa bawat pagsulat, repasuhin mo ang sinulat mo kasabay ng pagsangguni sa Muṣḥaf.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Nagmasama si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya sa kawalan ng pagkilala nila sa kadakilaan ng Sansinukob. (✓)

2. Ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay isang patunay sa kakāyahan ni Allāh sa pagbuhay at pagkabuhay. (✓)

Ang sabi ni Allāh na: "nagpakulimlim" ay nangangahulugang "nagtanglaw sa langit sa pamamagitan ng liwanag ng araw. (X)

Ang pagsunod sa pithaya ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno. (✓)

Ang pagkakaalam sa oras ng pagsapit ng Huling Sandali ay mahalaga para sa Muslim. (X)

PANUTO 2: Isulat mo ang marangal na āyah na naaangkop sa kahulugang nababanggit sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kahulugan

Ang mga nilikha ni Allāh ay patunay sa kakāyahan Niya sa pagbuhay.

Ang paghahanda ni Allāh sa lupa para sa buhay ng tao.

Ang pagkaangat ng langit at ang pagkahusay ng pagkakapatayo nito sa kaeksaktuhang kalubus-lubusan.

Ang āyah ...

PANUTO 3: Isulat mo ang kahulugan ng mga sumusunod na āyah nang maiksi:

Ang Āyah

{Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –} (Qur'ān 79:34)

(tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.} (Qur'ān 79:41)

{Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga nito.} (Qur'ān 79:46)

Ang Kahulugan

PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:

Sa tatlong tinakdaang punto, ilarawan mo ang mga katunayan ng kakāyahan ni Allāh gaya ng nasaad sa mga āyah ng aralin.

Magpaliwanag ka ng mahihinuha mula sa sabi ni Allāh: {Ikaw lamang ay isang tagapagbabala ng sinumang natatakot doon.} (Qur'ān 79:45)

5. Ang mga Kadahilanan ng Pagbaba

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa mga kadahilanan ng pagbaba;

2. makapagtakda ka sa paraan ng pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba;

3. makapagbuod ka sa mga katuturan ng pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba;

4. makapaghalimbawa ka ng mga kadahilanan ng pagbaba ng ilan sa mga āyah;

5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba.

6. magkamit ka ng isang aklat sa kaalaman sa mga kadahilanan ng pagbaba.

Nagsasabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.} (Qur'ān 58:1) Isipin mo kung bakit bumaba ang āyah na ito? Sa kanino bumaba ito?

Kapag nagtangka kang humantong sa impormasyong iyon, tunay na ito ay aakay sa iyo tungo sa isang agham kabilang sa mga agham ng Marangal na Qur'ān, ang Agham ng mga Kadahilanan ng Pagbaba. Ito ay paksa ng aralin ngayong araw. Mapag-aalaman natin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na punto:

Ang mga Kadahilanan ng Pagbaba

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Kadahilanan ng Pagbaba

Ikalawa. Ang Paraan ng Pag-alam sa Kadahilanan ng Pagbaba

Ikatlo. Ang mga Katuturan ng Pag-alam sa mga Kadahilanan ng Pagbaba

Ikaapat. Ilan sa mga Halimbawa ng mga Kadahilanan ng Pagbaba

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Kadahilanan ng Pagbaba

Alamin mo na ang pagbaba ng mga āyah ng Marangal na Qur'ān ay nahahati sa dalawang bahagi:

Una. Na hindi magkaroon ang pagbaba nito ng direktang kadahilanan, bagkus bumababa ito alinsunod sa pangangailangan at kapakanan.

Ikalawa. Na may maganap na isang pangyayari saka may bababang mga āyah hinggil sa pumapatungkol dito. Ito ay ang ibig sabihin ng mga kadahilanan ng pagbaba.

Kaya ang kadahilanan ng pagbaba ay: "Ang anumang bumaba ang āyah o ang mga āyah na nagsasanaysay tungkol doon o naglilinaw sa mga kasanhian niyon sa oras ng pagkaganap niyon."

Kaya kapag may nagaganap na isang pangyayari o may itinutuon na isang tanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka may bumaba na isang āyah o mga āyah na nagpapaliwanag sa nauugnay sa pangyayaring ito o naglilinaw sa sagot sa tanong na ito.

Ikalawa. Ang Paraan ng Pag-alam sa mga Kadahilanan ng Pagbaba

Walang paraan para sa pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba kundi ang tumpak na pagpapaabot (narasyon). Nagsasabi si Imām Al-Wāḥidīy: "Hindi ipinahihintulot ang pagsabi kaugnay sa mga kadahilanan ng pagbaba ng Qur'ān malibang sa pamamagitan ng salaysay at pagkarinig mula sa mga nakasaksi sa pagbababa, nakabatid sa mga kadahilanan, at nagsaliksik ng agham ng mga ito." (Asbāb An-Nuzūl (Ang mga Kadahilanan ng Pagbaba), pahina 5.)

Ikatlo. Ang mga Katuturan ng Pag-alam sa mga Kadahilanan ng Pagbaba

Nagpahalaga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba. Nagsasabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "Sumpa man kay Allāh na walang Diyos na iba pa sa Kanya, walang ibinabang isang sūrah mula sa Aklat ni Allāh malibang ako ay nakaaalam kung saan ibinaba ito at walang ibinabang isang āyah mula sa Aklat ni Allāh malibang ako ay nakaaalam sa kung ano ibinaba ito. Kung sakaling nakaaalam ako ng isang higit na maalam kaysa sa akin sa Aklat ni Allāh, na nakapagpapaabot sa kanya ang kamelyo, talagang sasakay ako papunta sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5002 at Imām Muslim: 2463.

Iyon ay dahil ang pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba ay nagbibigay-katuturan sa ilang paraan, na ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:

Ang pagtulong sa pag-intindi sa Marangal na Qur'ān ayon sa tumpak na pag-intindi

sapagkat ang nakaaalam sa kadahilanan ng pagbaba ay nakaiintindi sa āyah ayon sa tumpak na kahulugan nito. Kaya halimbawa: ang sabi ni Allāh: {[Banggitin] noong bumabalot Siya sa inyo ng pagkaantok bilang katiwasayan mula sa Kanya at nagbababa Siya sa inyo mula sa langit ng tubig upang magdalisay Siya sa inyo sa pamamagitan nito at mag-alis Siya sa inyo ng udyok ng demonyo at upang magpatibay Siya sa mga puso at magpatatag Siya sa pamamagitan nito ng mga paa.} (Qur'ān 8:11) Naisasaposibilidad na ang tinutukoy ng sabi ni Allāh: {at magpatatag Siya sa pamamagitan nito ng mga paa.} ay: ang pagtitiis; subalit matapos malaman na ang āyah ay bumaba sa sandali ng pagsalakay sa Badr, nagiging matimbang na ang tinutukoy ay ang pagpapatatag sa mga paa na ipinanlalakad nila sa buhangin upang hindi lumubog ang mga iyon dito.

Nagsasalarawan ang mga ito ng mga kalagayan ng mga taong bumaba kaugnay sa kanila ang Qur'ān.

Tunay na ang mga kadahilanan ng pagbaba sa karamihan sa mga ito ay mga sanaysay at mga kuwento na nagsasalarawan sa mga kalagayang pampananampalataya, pangkaisipan, at panlipunan na naroon ang mga tao sa sandali ng pagpababa ng mga āyah. Ito ay nagbibigay-katuturan sa tagapagpakahulugan at tagabasa ng Qur'ān sa pag-intindi sa kahulugan at paghinuha ng mga katuturan mula sa mga āyah.

Ang Pagtatampok sa mga Kahanga-hangang Kasanhian ng Pagbabatas

Sa pag-alam sa kadahilanan ng pagbaba ay may pakinabang para sa mananampalataya at iba pa sa kanya. Hinggil sa mananampalataya, madaragdagan siya ng pananampalataya higit sa dating pananampalataya niya. Magsisigasig siya sa pagpapatupad sa mga patakaran ni Allāh at paggawa ayon sa Aklat ni Allāh dahil sa nalalantad sa kanya na mga kapakanan at mga tunguhin na ginawa ni Allāh sa mga patakarang ito.

Hinggil naman sa hindi mananampalataya, mag-aakay sa kanya ang mga kasanhiang iyon tungo sa pananampalataya – kung siya ay makatarungan – kapag nalalaman niya na ang pagbabatas na Islāmikong ito ay naghatid ng pagmamalasakit sa mga kapakanan ng tao at hindi diktadura at pagmamalabis, lalo na kapag sinundan ang mga yugto ng pagbabatas at ang pag-uunti-unti nito sa iisang paksa.

Ang Pagsasahuwaran at ang Pagtulad sa Naganap sa mga Kasamahan (Malugod si Allāh sa Kanila)

Ito ay kinakailangan ng Muslim sa bawat panahon sapagkat tunay na ang buhay natin ay kinagaganapan ng mga pangyayaring nakahahawig ng naganap sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). Kaya kapag nakaalam ang Muslim sa mga saloobin ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pamamagitan ng mga kadahilanan ng pagbaba, tunay na siya ay magsasahuwaran sa kanila at matututo mula sa mga karanasan nila kaugnay sa nangyayari sa kanya.

Ikaapat. Ilan sa mga Halimbawa ng mga Kadahilanan ng Pagbaba

Ang Unang Halimbawa

{Nagdasal ang Sugo ni Allāh sa dako ng Jerusalem nang labing-anim o labimpitong buwan. Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaiibig na dumako tungo sa Ka`bah kaya nagpababa si Allāh: {Nakakikita nga Kami sa pagtuun-tuon ng mukha mo sa langit, kaya magbabaling nga Kami sa iyo sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal. Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan ay talagang nakaaalam na iyon ay ang totoo mula sa Panginoon nila. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa nila.} (Qur'ān 2:144)} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 399 at Imām Muslim: 525.

Ang Ikalawang Halimbawa

{Pumunta si Khawlah bint Tha`labah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na idinadaing ang asawa niyang si Aws bin Aṣ-Ṣāmit noong nagsagawa ito ng ḍ̆ihār sa kanya. Nagsabi ito sa kanya: "Ikaw, sa akin, ay gaya ng likod ng ina ko." Nagsasabi ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito): "Ang papuri ay ukol kay Allāh na malawak ang pagdinig Niya sa mga tinig. Talaga ngang pumunta ang babaing nakikipagtalo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nakikipag-usap dito habang ako ay nasa isang sulok ng bahay, habang hindi ko naririnig ang sinasabi niya, saka nagpababa si Allāh ng: {Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.} (Qur'ān 58:1)."} Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā'īy: 3460 at Imām Ibnu Mājah: 2063.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magtatalo ako mula sa karanasan ko.

Nalaman ko na kabilang sa mga katuturan ng pagkaalam sa mga kadahilanan ng pagbaba ang pagpapadali sa pagsasaulo ng Qur'ān at pag-intindi rito. Bumanggit ka ng isang ehemplo mula sa mga kadahilanan ng pagbaba, na naging isang kadahilanan sa pagpapadali sa pagsasaulo sa iyo o pagpapadali sa pag-intindi sa ilan sa mga āyah.

Aktibidad 2: Makikilahok ako at tutugon ako.

Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga naghatid ng kabulaanan ay isang pulutong kabilang sa inyo. Huwag kayong mag-akalang ito ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila ang kinamit niya mula sa kasalanan. Ang bumalikat sa kalakihan niyon kabilang sa kanila, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat.} (Qur'ān :11) Sa pakikilahok sa mga kaklase mo, sumangguni ka sa mga aklat ng tafsīr, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:

Bumababa ang marangal na āyah sa panig ng ina ng mga mananampalataya na si ___________. Piliin mo ang tumpak na sagot.

(Khadījah (malugod si Allāh sa kanya) - `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) - Ḥafṣah (malugod si Allāh sa kanya))

Magbuod ka, sa kuwaderno mo, ng kadahilanan ng pagbaba ng āyah na ito.

Aktibidad 3: Magsasaliksik ako at tutugon ako.

Kapag may bumababa na isang āyah ng Qur'ān kaugnay sa isang takdang tao, malilimitahan ba ang kahatulan nito sa taong ito o ang kahatulan nito ay magiging panlahat para sa lahat ng mga Muslim? Magbulay-bulay ka sa kadahilanan ng pagbaba ng sumusunod na āyah at maghinuha ka ng sagot sa tanong na ito.

Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Na may isang lalaking nakagawa sa isang babae ng isang halik kaya pumunta ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpabatid ito sa kanya. Kaya nagpababa si Allāh: "Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala." (Qur'ān 11:114) Kaya nagsabi ang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ukol po ba sa akin ito?" Nagsabi siya: "Ukol sa lahat ng Kalipunan ko sa kabuuan nila."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 526.

Hindi nalilimitahan ang kahatulan ng āyah sa sinumang binabaan nito; bagkus sumasaklaw ito sa bawat sinumang napapatungkulan ng kalagayan. Nagsasabi ang mga maalam: "Ang pagsasaalang-alang ay sa pagkapanlahat ng pananalita hindi sa pagkapantangi ng kadahilanan."

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Ang pagkakaalam sa kadahilanan ng pagbaba ay gumugulo sa isip sa pag-intindi ng Qur'ān.

2. Napag-aalaman ang mga kadahilanan ng pagbaba sa pamamagitan ng pagpapaabot at salaysay na tumpak.

Bumaba ang kauna-unahang āyah ng Sūrah Mujādilah kaugnay kay Āishah (malugod si Allāh sa kanya).

Maaaring makinabang ang hindi Muslim sa pag-alam ng mga kadahilanan ng pagbaba.

PANUTO 2: Magsulat ka ng isang āyah na bumaba kaugnay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang paglipat ng qiblah.

Ang kuwento ni Khawlah bint Tha`labah kasama ng asawa niya.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Magbigay-kahulugan ka sa mga kadahilanan ng pagbaba.

Magbuod ka sa mga katuturan ng pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba.

Nagpahalaga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-alam sa mga kadahilanan ng pagbaba. Magpaliwanag ka niyon.

6. Ang Pagpapawalang-bisa sa Nasaad sa Marangal na Qur'ān

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa pagpapawalang-bisa (naskh);

2. makahango ka ng patunay sa pagpapatibay sa pagpapawalang-bisa;

3. makapag-isa-isa ka sa mga uri ng pagpapawalang-bisa;

4. makapaglinaw ka sa kasanhian ng pagkapatibay ng pagpapawalang-bisa;

5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pag-alam sa tagapawalang-bisa at pinawalang-bisa.

6. makapagwaksi ka sa paggawa ng pinawalang-bisa.

Ang Pagpapawalang-bisa

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Pagpapawalang-bisa

Ang Pagkapatibay ng Pagpapawalang-bisa

Ang mga Uri ng Pagpapawalang-bisa

Ang Kasanhian ng Pagkapatibay ng Pagpapawalang-bisa

Aktibidad na Pang-umpisa

Maaaring nakababasa ka ng isang āyah sa Qur'ān, pagkatapos natatagpuan mo na ang mga maalam ay hindi gumagawa ayon sa ipinahihiwatig ng āyah na mga patakaran, pagkatapos nalaman mo na ito ay isang āyah na pinawalang-bisa. Kaya ano ang pagpapawalang-bisa? Ito ang malalaman mo sa araling ito.

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Pagpapawalang-bisa

Ang pagpapawalang-bisa ay pagpawi ng isang kahatulang pang-Sharī`ah sa pamamagitan ng isang patunay na pang-Sharī`ah na nahuling dumating dito.

Ang halimbawa niyon ay na may bumaba na isang āyah ng Qur'ān na nagpapahiwatig ng isang anumang kahatulan, pagkatapos may bumaba matapos nito na iba pang āyah na nag-aalis ng kahatulang ito o nagpapaiba rito para maging iba pang kahatulan.

Ikalawa. Ang mga Patunay ng Pagkapatibay ng Pagpapawalang-bisa

Ang mga Patunay ng Marangal na Qur'ān

Binanggit ni Allāh ang pagpapawalang-bisa sa ilang bilang ng mga āyah, na kabilang sa mga ito:

Ang sabi Niya (napakataas Siya): {Kapag nagpalit ng isang talata sa halip ng isang talata – at si Allāh ay higit na maalam sa ibinababa Niya – ay nagsasabi sila: "Ikaw ay isang gumagawa-gawa lamang."} (Qur'ān 16:101) Ang pagpapalit ng [bagong] āyah sa halip [ng dating] āyah ay ang pagpapawalang-bisa. Si Allāh ay nagpapawalang-bisa sa mga āyah at mga patakaran dahil sa gayon ay may mga kapakanan. Siya ay nakaaalam sa mga kapakanan at mga katiwalian kaya naman nagpapatibay Siya sa niloloob Niya at nagpapawalang-bisa Siya sa niloloob Niya ayon sa karunungan Niya.

Ang sabi ni Allāh: {Ang anumang ipinawalang-bisa Namin na isang talata o ipinalimot Namin iyon ay magdudulot Kami ng isang higit na mabuti kaysa roon o ng tulad niyon.} (Qur'ān 2:106) Ibig sabihih: Hindi Kami nagpapalit ng anumang kahatulan ng āyah sa pamamagitan ng paglipat mula sa ipinahihintulot patungo sa bawal o kabaliktaran, malibang nagpababa Kami ng isang āyah na magiging higit na kapaki-pakinabang para sa inyo kaysa sa naunang āyah, na maaaring sa pamamagitan ng isang pagpawi ng pahirap o isang pagdaragdag ng gantimpala. Nagaganap iyon sa mga patakaran at hindi sa mga pabatid o mga pinaniniwalaan.

Ang Pagkaganap ng Pagpapawalang-bisa

Kabilang sa nagpapatunay sa pagkaganap ng pagpapawalang-bisa ang sabi ni Allāh: {Magsasabi ang mga hunghang kabilang sa mga tao: "Ano ang nagpatalikod sa kanila palayo sa qiblah nila na sila dati ay nakabatay roon?" Sabihin mo: "Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran. Nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid."} (Qur'ān 2:142) Sapagkat nagpatunay ang āyah na ito sa pagpapaiba ng qiblah. Nagsasabi si Allāh: {Nakakikita nga Kami sa pagtuun-tuon ng mukha mo sa langit, kaya magbabaling nga Kami sa iyo sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal. Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon.} (Qur'ān 2:144) Ito ay ang kauna-unahang pagpapawalang-bisang naganap sa Islām.

Ikatlo. Ang mga Uri ng Pagpapawalang-bisa sa Nasaad sa Marangal na Qur'ān

Ang mga Uri ng Pagpapawalang-bisa:

1 Ang pagkapawalang-bisa sa kahatulan kasabay ng pananatili ng pagbigkas;

2. Ang pagkapawalang-bisa sa pagbigkas kasabay ng pananatili ng kahatulan;

3. Ang pagkapawalang-bisa sa pagbigkas at kahatulan nang magkasabay.

Ang pagkaganap ng pagpapawalang-bisa sa nasaad sa Marangal na Qur'ān ay nasa tatlong uri:

Ang Pagkapawalang-bisa sa Kahatulan Kasabay ng Pananatili ng Pagbigkas:

Nananatili ang āyah sa Muṣḥaf subalit hindi isinasagawa ang ipinahihiwatig nito na mga patakaran. Iyon ay tulad ng sabi ni Allāh: {Ang mga gumagawa ng mahalay kabilang sa kababaihan ninyo ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon ay panatilihin ninyo sila sa mga bahay hanggang sa magpapanaw sa kanila ang kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang landas.} (Qur'ān 4:15) Napawalang-bisa na ang kahatulan ng āyah na ito sa pamamagitan ng sabi ni Allāh: {Ang babaing nangangalunya at ang lalaking nangangalunya ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit.} (Qur'ān 24:2)

Ang Pagkapawalang-bisa sa Pagbigkas Kasabay ng Pananatili ng Kahatulan

Ang pagpapawalang-bisang ito ay hindi naganap kundi madalang. Nalalaman natin ito sa pamamagitan ng mga tumpak na ḥadīth. Ang halimbawa nito ay ang āyah na nagsaad ng pagbato sa nangalunyang nakapag-asawa. Nagsasabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Tunay na si Allāh ay nagpadala kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kalakip ng katotohanan at nagpababa sa kanya ng Aklat. Kabilang sa ibinaba noon ni Allāh ang āyah ng pagbato. Bumigkas kami nito, nakaunawa kami nito, at nakasaulo kami nito. Bumato ang Sugo ni Allāh (sumakanya ang pangangalaga) at bumato kami matapos niya. Kaya natatakot ako na kung tumagal sa mga tao ang isang panahon na may magsabing isang magsasabi: Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakatagpo ng āyah ng pagbato sa Aklat ni Allāh, kaya naman maligaw sila dahil sa pagwaksi sa isang tungkuling pinababa ni Allāh." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6830 at Imām Muslim: 1691.

Ang Pagkapawalang-bisa sa Pagbigkas at Kahatulan Nang Magkasabay

Ang uring ito ay hindi pinapayagan ang pagbigkas bilang pagsamba ni ang paggawa ayon sa nilaman nito na mga kahatulan. Kabilang dito ang ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "May nasaad noon sa pinababa mula sa Qur'ān na sampung pagpapasusong nalalaman na gumagawang maḥram [sa bata], pagkatapos pinawalang-bisa ito sa pamamagitan ng limang pagpapasusong nalalaman." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1452. Ang sabi niya: "sampung pagpapasusong nalalaman na gumagawang maḥram [sa bata]" ay walang pagkakasaad sa Marangal na Qur'ān at hindi rin isinasagawa ang kahatulan nito.

Ikaapat. Ang Kasanhian ng Pagkaganap ng Pagpapawalang-bisa

Ang pag-uunti-unti sa mga patakaran nang sa gayon dumali sa mga tao ang pagtanggap sa mga ito gaya ng nangyari sa pagbabawal sa alak.

Ang paglilinaw sa awa ni Allāh sa Kalipunang ito sapagkat si Allāh ay nagsasaalang-alang sa mga kalagayan ng mga tao at mga tradisyon nila at nagdadahan-dahan sa kanila bilang awa sa kanila nang sa gayon hindi sila lumayo sa Islām.

Ang pagnanais ng kabutihan sa Kalipunang ito sapagkat tunay na ang pagpapawalang-bisa – kung ito ay tungo sa anumang higit na magaan, mayroon itong kadalian at kaginhawahan; kung ito ay tungo sa higit na mabigat, mayroon itong karagdagan sa gantimpala at pabuya.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbabasa ako at hahango ako.

Nagsabi si Allāh: {Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw].} (Qur'ān 2:234) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya: {Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay ay [mag-iiwan ng] isang tagubilin para sa mga maybahay nila na isang sustento hanggang sa buong taon nang walang pagpapalisan [sa kanila],} (Qur'ān 2:240) Sa pakikipagtulungan sa kaklase mo, magbulay-bulay ka sa dalawang āyah na ito, pagkatapos magsulat ka ng sumusunod:

1. Takdaan mo ang tagapagpawalang-bisa at ang pinawalang-bisa sa dalawang āyah.

2. Ano ang uri ng pagpapawalang-bisa?

Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako.

Sa pamamagitan ng pagkaintindi mo sa aralin, papaano kang tutugon sa nagkakaila sa pagkaganap ng pagpapawalang-bisa sa Marangal na Qur'ān?

Aktibidad 3: Magsulat ka ng isang pangungusap.

Matapos ng pagkakaalam mo sa mga uri ng pagpapawalang-bisa at ilan sa mga halimbawa nito, magsulat ka ng isang pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pagkakaalam sa tagapagpawalang-bisa at pinawalang-bisa mula sa Marangal na Qur'ān.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Nagaganap ang pagpapawalang-bisa sa pag-uutos at pagsaway, at mga pabatid at mga kuwento.

Ang pagkaganap ng pagpapawalang-bisa ay ibinibilang na kabilang sa mga pagkakahayag ng awa ni Allāh sa Kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Pinapayagan ang pagsamba sa pamamagitan ng pagbigkas ng pinawalang-bisa ang bawat isa sa pagbigkas nito at kahatulan nito.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kinakailangan na ang tagapagpawalang-bisa ay __________ pinawalang-bisa.

(nauuna sa - nahuhuli sa - nakikisabayan sa)

Kabilang sa pinakamalakas sa mga patunay ng pagkapatibay ng pagpapawalang-bisa:

(ang patunay ng pagkaganap - ang patunay ng Sunnah - ang patunay ng pagkakabuklod ng hatol).

Ang kauna-unahang pagpapawalang-bisang naganap sa Islām ay:

(ang kaparusahan sa pangangalunya - ang pagdalaw sa mga libingan - ang pagpalit ng qiblah).

Ang pagbato sa nangalunyang nakapag-asawa ay kabilang sa pagpapawalang-bisa sa:

(pagbigkas kasabay ng pananatili ng kahatulan - kahatulan kasabay ng pananatili ng kahatulan - kahatulan at pagbigkas nang magkasabay).

Ang pananatili ng āyah sa Muṣḥaf at ang pagwaksi sa paggawa ayon sa kahatulan dito ay kabilang sa pagpapawalang-bisa sa:

(pagbigkas kasabay ng pananatili ng kahatulan - kahatulan kasabay ng pananatili ng kahatulan - kahatulan at pagbigkas nang magkasabay).

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Bigyang-kahulugan mo ang pagpapawalang-bisa.

Ipaliwanag mo ang kasanhian sa pagkaganap ng pagpapawalang-bisa.

Humango ka ng patunay mula sa Marangal na Qur'ān sa pagkapatibay ng pagpapawalang-bisa.

Magsulat ka ng isang halimbawa para sa bawat uri mula sa mga uri ng pagpapawalang-bisa.

7. Ang Panunumpang Nasaad sa Marangal na Qur'ān

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan sa panunumpang nasaad sa Qur'ān;

2. makapagbuod ka ng mga uri ng panunumpang nasaad sa Qur'ān;

3. makapagbuod ka sa mga uri ng panunumpang nasaad sa Qur'ān;

4. makapagsasadamdamin ka ng kahalagahan ng panunumpang nasaad sa Qur'ān;

5. makapagwaksi ka sa panunumpa sa iba pa kay Allāh.

Ang mga Panunumpang Nasaad sa Marangal na Qur'ān

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Panunumpa

Ang mga Katuturan ng Panunumpa

Ang mga Uri ng Panunumpa

Mga Samut-saring Usapin

Nanunumpa ang tao magkaminsan sa pananalita niya nang sa gayon makapagbigay-diin siya sa katapatan niya at mapanatag ang tagapakinig, subalit bakit nanunumpa si Allāh ayon sa Marangal na Qur'ān? Mapag-aalaman natin iyon sa pamamagitan ng araling ito.

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Panunumpa

Ang panunumpa ay ang pagsumpa (swearing). Ito ay ang pagbanggit ng isang dinadakila (si Allāh) para sa pagbibigay-diin sa isang bagay.

Tinatawag ang panunumpa bilang yamīn (kanan) dahil sa mga Arabe noon ang isa sa kanila ay humahawak sa kanan ng kasamahan niya sa sandali ng pag-aalyansahan at panunumpa.

Ikalawa. Ang Panunumpang Nasaad sa Marangal na Qur'ān

Ang pagkakaroon ng panunumpang nasaad sa Marangal na Qur'ān ay isang paggamit ng nakikilala ng mga Arabe na mga istilo ng pagbibigay-diin dahil ang Marangal na Qur'ān ay bumaba sa wika ng mga Arabe.

Ang pagkakaroon ng panunumpang nasaad sa Marangal na Qur'ān ay kabilang sa pinakamariin sa mga patotoo sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang kung sakaling siya ay sinungaling sa mga panunumpang ito ay talaga sanang lumitaw ang kasinungalingan niya sa paglipas ng panahon at pagkakaiba-iba ng mga pangyayari.

Ang mga tao ay hindi lahat nasa iisang antas sapagkat kabilang sa kanila ang mananampalataya, ang nag-aalinlangan, at ang nagkakaila.

Hinggil sa mananampalataya, tunay na ang pagbibigay-diin sa pananalita sa pamamagitan ng panunumpa ay nagdaragdag sa kanya ng kapanatagan.

Hinggil sa nag-aalinlangan, tunay na ang panunumpa ay nag-aalis ng pagdududa niya kaya walang natitira sa kanya na isang pag-aatubili sa pagkapatibay ng pabatid o kawalan ng pagkapatibay nito.

Hinggil sa nagkakaila, tunay na ang panunumpa ay isang karagdagan sa pagsasakatuparan sa malinaw na patunay sa kanya at paglalatag ng katwiran sa kanya.

Ang pagbibigay-diin sa mga pabatid na nasaad ang panunumpa sa mga ito tulad ng sabi ni Allāh: {Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Hindi pupunta sa amin ang Huling Sandali." Sabihin mo: "Oo, sumpa man sa Panginoon ko – talagang pupunta nga ito sa inyo} (Qur'ān 34:3) Kaya nasaad ang panunumpa bilang pagbibigay-diin sa ipinabatid ni Allāh.

Ang paglilinaw sa kadakilaan ng sinusumpaan at kataasan ng halaga niya, tulad ng panunumpa sa Propeta. Nagsasabi si Allāh: {Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.} (Qur'ān 15:72)

Ikatlo. Ang mga Uri ng Panunumpang Nasaad sa Marangal na Qur'ān

Panunumpang Namumutawi Mula sa mga Nilikha

Halimbawa: Ang panunumpa ng mga propeta at iba pa sa kanila, gaya ng sabi ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga): {Sumpa man kay Allāh, talagang manlalansi nga ako laban sa mga anito ninyo matapos na tumalikod kayo habang mga lumilisan."} (Qur'ān 21:57)

Panunumpang Namumutawi Mula kay Allāh na May mga Uri

- Ang panunumpa sa isang pangalan mula sa mga pangalan ni Allāh. Nasaad iyon sa sampung āyah: dalawang āyah na Madanīyah at walong āyah na Makkīyah, na kabilang sa mga ito ang sabi ni Allāh: {Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talaga ngang magtatanong Kami sa kanila nang lahat-lahat} (Qur'ān 15:92)

- Ang panunumpa sa mga gawain ni Allāh at mga mataas na katangian Niya, gaya ng sabi Niya: {5. sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito, 6. sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito, 7. sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,} (Qur'ān 91:5-7)

- Ang panunumpa sa mga nilikha ni Allāh, na kabilang dito ang sabi Niya: {1. Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito, 2. sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon, 3. sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito niyon,} (Qur'ān 91:1-3)

Kabilang sa kinakailangang tawagan ng pansin ay na si Allāh ay may karapatan na manumpa sa anumang niloob Niya mula sa nilikha Niya ayon sa anumang niloob Niya. Hinggil naman sa nilikha, hindi pinapayagan sa kanya na manumpa sa iba pa kay Allāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo. Kaya ang sinumang manunumpa ay manumpa siya kay Allāh at kung hindi ay manahimik siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6108 at Imām Muslim: 1646.

Ikaapat. Mga Samut-saring Usapin sa Panunumpa

Nasaad ang pagpapasimula sa panunumpa sa 15 sūrah ng Marangal na Qur'ān, na ang lahat ng mga ito ay sinisimulan ng kataga ng panunumpa [sa wikang arabe] na "wa" at ang lahat ng mga ito ay mga sūrah na Makkīyah. Ang mga sūrah na ito ay Aṣ-Ṣāffāt, Adh-Dhāriyāt, Aṭ-Ṭūr, An-Najm, at Al-Mursalāt, at ang mga natitira ay lahat nasa Juz' `Amma.

Ang pinakamahabang bahagi sa Marangal na Qur'ān, na nagkasunuran dito ang panunumpa, ay nasaad sa Sūrah Ash-Shams kung saan nagkasunuran ang pitong āyah na nagkakasunuran, na nasaad sa mga ito ang panunumpa na sinisimulan ng kataga ng panunumpa [sa wikang arabe] na "wa".

Hindi nagkaroon ng isang sūrah na Madanīyah na sinisimulan ng kataga ng panunumpa [sa wikang arabe] na "wa".

Ang anyo ng panunumpa na "Ta-llāhi" ay hindi nasaad maliban sa mga āyah na Makkīyah lamang.

Ang pinakamarami sa sinumpaan ni Allāh kabilang sa mga nilikha ay ang "gabi" yayamang nasaad ang panunumpa rito sa pitong āyah na pinagpala.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magrerepaso ako at tutugon ako

Mayroon sampung sūrah sa Juz' `Amma na nagsimula sa panunumpa. Magsulat ka ng pito mula sa mga ito.

Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako kasama ng mga kaklase ko.

Nanumpa si Allāh sa gabi nang maraming ulit sa Marangal na Qur'ān. Sa pakikipagtulungan kasama ng mga kaklase mo:

Magsulat ka mula sa naisaulo ng limang bahagi na nasaad sa mga ito ang panunumpa sa gabi.

Huluhin mo ang kasanhian ng dami ng panunumpa sa gabi.

Aktibidad 3: Hahango ako.

Hanguin mo mula sa mga sumusunod na teksto ang panunumpa at ang uri nito.

Ang Teksto

Ang Panunumpa

Ang Uri Nito

{Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila,} (Qur'ān 4:65)

{sumpa man sa Panginoon mo}

Isang panunumpa sa banal na sarili ni Allāh.

{Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lilisan nga sila [para makibaka]. Sabihin mo: "Huwag kayong sumumpa.} (Qur'ān 24:53)

{Sumumpa sila kay Allāh}

Isang panunumpa mula sa isang nilikha.

{Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng anuman na kayo ay bumibigkas [niyon].} (Qur'ān 51:23)

{Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa,}

Isang panunumpa sa mga gawain ni Allāh at mga mataas na katangian Niya.

Aktibidad 4: Magpapayo ako.

Nakarinig ka sa isang kaklase mo na sumusumpa sa ama niya. Ano ang tingin mo sa ginawa niya? Ano ang ipapayo mo sa kanya?

Aktibidad 5: Magbabasa ako at hahango ako.

Nagsabi si Allāh: {1. Sumpa man sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay, 2. saka sa mga tagapagtaboy sa isang pagtataboy, 3. saka sa mga bumibigkas ng isang paalaala; 4. tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa,}. (Qur'ān 37:1-4) Basahin mo ang mga naunang āyah at hanguin mo mula sa mga ito:

Ang sinumpaan.

Ang katuturan ng panunumpa.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.} (Qur'ān 15:72) ay nagpapatunay na kabilang sa mga katuturan ng panunumpa:

(ang pagpaparangal sa sinumpaan - ang pagbibigay-diin sa pabatid - ang pagkakaila ng pagdududa).

Ang panunumpa sa sabi ni Allāh: {5. sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito, 6. sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,} (Qur'ān 91:5-6) ay isang panunumpa sa:

(sarili ni Allāh - mga nilikha ni Allāh - mga gawain ni Allāh).

Ang panunumpa sa panig ng nagkakaila ay:

(nagbibigay-diin sa pangangailangan - nakadaragdag ng kapanatagan - nag-aalis ng pagdududa).

Ang panunumpa sa panig ng nag-aalinlangan ay:

(naglalantad ng malinaw na patunay - nagsasakatuparan sa katiyakan - nagpapalayo ng pag-aatubili).

Nasaad ang anyo ng panunumpa na "Ta-llāhi" sa mga āyah na:

(Madanīyah - Makkīyah - Madanīyah at Makkīyah).

PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng narito na mga kamalian:

Ang pinakamahabang bahagi sa Marangal na Qur'ān, na nagkasunuran dito ang panunumpa, ay nasaad sa Sūrah Al-Layl.

Nanumpa si Allāh sa gabi nang limang ulit sa Marangal na Qur'ān.

Ang panunumpa ay kabilang sa mga bagay na itinuro ng Marangal na Qur'ān sa mga Arabe.

Ang panunumpa ay nag-aalis ng pagkalito at pagdududa sa puso ng mananampalataya.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Sa ano nagpapahiwatig ang sabi ni Allāh: {Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Hindi pupunta sa amin ang Huling Sandali." Sabihin mo: "Oo, sumpa man sa Panginoon ko – talagang pupunta nga ito sa inyo – na} (Qur'ān 34:3)

Ano ang kasanhian ng panunumpa sa mga nilikha na nasaad sa Marangal na Qur'ān?

Ang pagkakaroon ng panunumpang nasaad sa Marangal na Qur'ān ay nagpapatotoo sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Magpaliwanag ka niyon.

Magbuod ka ng mga uri ng panunumpang nasaad sa Marangal na Qur'ān.

8. Ang Pagpapakilala sa mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan sa mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān;

2. makapaglinaw ka sa mga kundisyon ng tumpak na pagbigkas;

3. makasunod ka mga yugto ng kasaysayan ng mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān;

4. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān;

5. makapagdisenyo ka ng isang poster na may mga pangalan ng mga imām ng mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān.

Pauna

Kapag binuksan mo ang YouTube at naghanap ka ng isang sūrah mula sa mga sūrah ng Marangal na Qur'ān, makatatagpo ka ng mga mungkahi ng salaysay ni Warsh ayon kay Nāfi` o ng salaysay ni Ḥafṣ ayon kay `Āṣim. Nagtanung-tanong ka ba isang araw tungkol sa pinapakay ng mga pagbigkas na ito at kung saan lumitaw ang mga ito? Ito ang tatangkain nating sagutin sa araling ito.

Una. Ang Pagpapakilala sa Kaalaman ng mga Pagbigkas

Hindi bumaba ang Marangal na Qur'ān sa iisang paraan ng pagbigkas ng lahat ng mga salita; bagkus mayroong ilan sa mga salita na bumaba nang may higit sa isang anyo o isang paraan ng pagbigkas sa mga ito. Pumili ang bawat imām mula sa mga imām ng mga pagbigkas ng isang paraang natatangi sa kanya sa pagbigkas ng mga salitang iyon. Nagsasagawa ang kaalaman ng mga pagbigkas ng pagtatala at paglilinaw sa mga pagkakaiba-ibang iyon sa pagitan ng mga tagabigkas ng Qur'ān.

Samakatuwid ang pagbibigay-kahulugan sa kaalaman ng mga pagbigkas ay: Isang kaalamang nalalaman sa pamamagitan nito ang pamamaraan ng pagbigkas ng mga salita ng Qur'ān at ang mga paraan ng pagsasagawa ng mga ito, kasama ng pag-uugnay sa bawat paraan sa tagapagpaabot nito mula sa mga tagabigkas at tagapagsalaysay.

Ikalawa. Ang Kasaysayan ng mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān

Dumaan ang mga Pagbigkas na Pang-Qur'ān sa tatlong yugto ayon sa sumusunod:

Ang Unang Yugto: Ang mga Pagbigkas sa Panahon ng Propeta

Natanggap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Marangal na Qur'ān mula kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa nagkakaiba-ibang anyo sa pagbigkas ng ilan sa mga salita. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas ng mga nagkakaiba-ibang anyong iyon sa mga Kasamahan. Kaya marahil nakarinig ang isang Kasamahan ng isang anyo at nakarinig naman ang iba pa ng iba pang anyo.

Kabilang sa mga halimbawa niyon na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay tumanggap ng Sūrah Al-Furqān sa isang nagkakaiba-ibang pagbigkas buhat sa pagbigkas ng kapita-pitagang Kasamahan na si Hishām bin Ḥakīm (malugod si Allāh sa kanya).

Kabilang sa mga halimbawa ng mga pagbigkas ang salitang "ḍanīn" sa sabi ni Allāh: {Siya, [sa pagpapaabot] sa nakalingid, ay hindi isang sakim.} (Qur'ān 81:24) Ito ay bumaba na nagsisimula sa ض "ḍanīn" na nangangahulugang "sakim" samantalang may bumigkas nang nagsisimula sa ظ "ḍ̆anīn" na nangangahulugang pinararatangan.

Kabilang sa mga Kasamahan na nagdala ng Qur'ān nang may mga pagbigkas niya: sina `Uthmān bin `Affān, `Alīy bin Abī Ṭālib, Ibnu Mas`ūd, Ubayy bin Ka`b, Abū Mūsā Al-Ash`arīy, at Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanila).

Ang Ikalawang Yugto. Ang mga Pagbigkas sa Panahon ng mga Kasamahan (Malugod si Allāh sa Kanila) at mga Tagsunod Nila

Natanggap ng mga Tagasunod ang Marangal na Qur'ān buhat sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) at nagpabigkas ang bawat Kasamahan ng natanggap niya buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nang nagtalaga `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) ng isang tagapagpabigkas na natatangi sa bawat bayan, ang pagbigkas ng Kasamahan na iyon ay naging ang tumanyag sa bayan niya. Marahil hindi sila nakaalam ng iba pa rito na mga pagbigkas.

Natuto ang ilan sa mga maaalam ng mga Tagasundo sa higit sa isang Kasamahan kaya naman nagtipon sila sa pamamagitan niyon ng ilan sa mga pagbigkas ng Marangal na Qur'ān. Gayon din ang ginawa ng mga estudyante ng mga Tagasunod kaya naman lumaki ang isang salinlahing nagpakadalubhasa sa pagtipon ng mga pagbigkas kaya iyon ay naging simula ng panahon ng pag-aakda.

Ang Ikatlong Yugto. Ang Pag-akda sa mga Pagbigkas

Nagsimula ang pag-aakda sa mga pagbigkas sa ikalawang siglo ng Hijrah. Kaya nagsumikap ang mga tagapag-akda sa pagtipon ng mga nagkakaiba-ibang pagbigkas subalit walang pagtatakda sa isang partikular na bilang hanggang sa nakatipon si Imām Abū Bakr Aḥmad bin Mūsā bin Mujāhid Al-Baghdādīy (pumanaw 324 H) ng pinakatanyag sa mga pagbigkas sa mga bayang Islāmiko sa aklat na As-Sab`a Fi Al-Qirā'āt (Ang Pito sa mga Pagbigkas).

Pumili siya sa aklat na ito ng pito sa mga imām ng mga tagabigkas. Sila ay sina Nāfi` Al-Madanīy, Ibnu Kathīr Al-Makkīy, Abū `Amr bin Al-`Alā' Al-Baṣrīy, Ibnu `Āmir Ash-Shāmīy, `Āṣim Al-Kūfīy, Ḥamzah bin Ḥabīb Al-Kūfīy, at `Alīy Al-Kasā'īy Al-Kūfīy. Naging itinataguri sa mga pagbigkas ng mga ito "Ang Pitong Pagbigkas".

Pagkatapos nag-akda si Imām Muḥammad Ibnu Al-Jazarīy (pumanaw 833 H) ng kapita-pitagang aklat niya: "An-Nashr Fi Al-Qirā'āt Al-`Ashr".

Ang nadagdag sa pitong imām na ito ay tatlong tagabigkas, na sina Abū Ja`far Yazīd bin Al-Qa`qā`, Ya`qūb Al-Ḥaḍramīy, at Khalaf Al-Bazzār.

Ikatlo. Ang Sampung Pagbigkas

Ito ay ang mga pagbigkas ng sampung imām na tinipon ni Ibnu Al-Jazarīy (pumanaw 833 H) sa aklat niya: "An-Nashr Fi Al-Qirā'āt Al-`Ashr".

Kinakailangang mapansin na may napatanyag nga para sa bawat imām kabilang sa sampung imām na dalawang tagasalaysay na nagsasalaysay buhat sa kanya ng pagbigkas. Halimbawa: Si Imām `Āṣim bin Abī An-Najūd Al-Kūfīy (pumanaw 127 H) ay may nagsalaysay ng pagbigkas niya na dalawang tagasalaysay, na sina Shu`bah bin `Ayyāsh (pumanaw 193 H) at Ḥafṣ bin Sulaymān (pumanaw 180 H). Dahil doon nakaririnig tayo at nakababasa tayo ng "salaysay ni Ḥafṣ buhat kay `Āṣim".

Ang mga pagbigkas ng sampung imām ay laganap sa mga bayang Islāmiko subalit sa mga huling siglo ay lumaganap ang salaysay ni Ḥafṣ buhat kay `Āṣim sa karamihan sa Mundong Islāmiko.

Ikaapat. Ang mga Kundisyon ng Tumpak na Pagbigkas

Hindi lahat ng salaysay na naipaabot kaugnay sa mga pagbigkas ay natutumpak ipambigkas; bagkus hindi makaiiwas na matupad sa mga ito ang mga sumusunod na kundisyon:

Ang katumpakan ng sanad (kawing ng pagkapaabot) ng salaysay sa Propeta kaya hindi tinatanggap ang isang pagbigkas na umabot sa atin nang may mahinang sanad (kawing ng pagkapaabot).

Ang pagsang-ayon ng pagbigkas sa mga tuntunin ng balarilang Arabe dahil ang Marangal na Qur'ān ay bumaba sa isang matatas na wikang Arabe.

Ang pagsang-ayon sa palabaybayan ng isa sa mga Muṣḥaf na ipinadala ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) sa mga bayang Islāmiko. Tinatawag ito bilang Palabaybayang `Uthmāniko bilang pag-uugnay kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya).

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magmamasid ako at magsasaliksik ako.

Sa pakikipagtulungan kasama ng dalawa sa mga kaklase mo, bumanggit ka ng isang pagbigkas na kilala sa lipunan mo na iba pa sa pagbigkas ni Ḥafṣ buhat kay `Āṣim, pagkatapos magsaliksik ka ng kaibahan sa pagitan ng dalawang ito sa pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah.

Aktibidad 2: Magsasagawa ng pagtataya ng saloobin.

Samantalang nakaupo ka kasama ng mga kaklase mo habang bumibigkas kayo ng pang-araw-araw na panalangin mula sa Qur'ān, bumigkas si Muḥammad ayon sa salaysay ni Warsh bin Nāfi` kaya pinatigil siya ni Zayd at pinintasan siya dahil hindi siya bumigkas ayon sa pagbigkas ni Ḥafṣ buhat kay `Āṣim.

Kaya ano ang opinyon mo sa saloobin ng kaibigan mong si Zayd? Ano ang ipapayo mo sa kanya?

Aktibidad 3: Makikilahok ako sa mga iba.

Hindi dumanas ang isang aklat sa kasaysayan ng Sangkatauhan ng tulad sa dinanas ng Marangal na Qur'ān na pagmamalasakit at pagpapahalaga. Kabilang doon ang inakdaan ng mga maalaman sa mga pagbigkas na mga aklat na nagtipon ng mga anyo ng mga pagbigkas hanggang sa sila ay bumubo nito sa mga tula.

Sa pakikipagtulungan sa tagapagturo mo, saliksikin mo ang Ash-Shāṭibīyah at ang Ṭaybah An-Nashr. Ipaliwanag mo ang tinutukoy ng dalawang ito at kung sino ang nag-akda ng dalawang ito.

Aktibidad 4: Magdidisenyo ako ng isang talahanayan.

Magdisenyo ka ng isang talahanayan na naglalaman ng mga imām ng sampung pagbigkas at isabit mo ito sa dingding ng paaralan.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Ang pundasyon sa mga pagbigkas na pang-Qur'ān ay ang mga Muṣḥaf na nakasulat sa palabaybayang `Uthmāniko.

Naipaabot ang mga pagbigkas na pang-Qur'ān sa pamamagitan ng mga Tagasunod ng mga Tagasunod.

Isinasakundisyon sa tumpak na pagbigkas na sumang-ayon ito sa palabaybayang `Uthmāniko.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang pagsisimula ng pag-aakda sa kaalaman sa mga pagbigkas ay noong:

(unang - ikalawang - ikatlong) siglo ng Hijrah.

Kabilang sa mga kundisyon ng tumpak na pagbigkas na sumang-ayon ito sa:

(mga tuntunin ng wika - pagpapakahulugan ng Qur'ān - mga titik ng alpabeto).

Ang kauna-unahan sa nagtipon ng pitong pagbigkas sa isang aklat ay si:

(Ibnu Al-Jazarīy - Ibnu Ash-Shāṭibīy - Ibnu Mujāhid).

Ang kauna-unahan sa nagtipon ng sampung pagbigkas sa isang aklat ay si:

(Al-Jazrīy - Abū `Amr Ad-Dānīy - Ash-Shāṭibīy).

Ang pinakalaganap sa mga pagbigkas sa modernong panahon ay ang pagbigkas ni:

(Nāfi` - `Āṣim - Ḥamzah).

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ipaliwanag mo ang ibig sabihin ng kaalaman ng mga pagbigkas na pang-Qur'ān?

Ano ang ipakakahulugan mo sa pagtawag sa palabaybayan ng Muṣḥaf bilang palabaybayang `Uthmāniko.

Maghambing ka nang maiksi sa pagitan ng mga pagbigkas sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at panahon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).

Ang Ikalawang Yunit: Ang Sunnah at ang mga Katangian ng Propeta

1. Ang Katayuan ng Pampropetang Sunnah

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa Pampropetang Sunnah;

2. makapaglinaw ka sa katayuan ng Pampropetang Sunnah;

3. makapagbigay-babala ka laban sa pagtatangi sa pagitan ng Marangal na Qur'ān at Pampropetang Sunnah;

4. makapagdakila sa mga ipinag-uutos at sinasaway ng Propeta;

5. gumawa ka para sa pagbibigay-buhay sa Pampropetang Sunnah sa lipunan mo.

Aktibidad na Pang-umpisa

Isipin mo kung sakaling ang Marangal na Qur'ān ay ang naririyan lamang at ang Sunnah ay hindi naitalang nakasulat. Posible ba na makaalam tayo ng marami sa mga patakaran ng Islām?

Sa pag-alalay ng tagapagturo mo, isulat mo sa isang listahan ang ilan sa mga patakaran ng Islām na nalaman natin sa pamamagitan ng Pampropetang Sunnah at ilahok mo ito kasama ng mga kaklase mo.

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Pampropetang Sunnah

Ikalawa. Ang Katayuan ng Pampropetang Sunnah

Ikatlo. Ang Pagmamalasakit ng mga Kasamahan sa Pag-iingat sa Pampropetang Sunnah

Ikaapat. Ang Pagbibigay-babala sa Pagwaksi ng Paggawa Ayon sa Pampropetang Sunnah

Ikalima. Ang Kinakailangan sa Atin Tungo sa Pampropetang Sunnah

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Pampropetang Sunnah

Ang Pampropetang Sunnah ay ang bawat naipaabot buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sabi o gawa o pagpayag o katangian.

Ang Pampropetang Sunnah

1. Sabi

2. Gawa

3. Pagpayag

4. Pagkalarawan

Ang sabi ay ang sinalita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng sabi niya: "Ang mga gawa ay batay lamang sa mga layunin." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1 at Imām Muslim: 1907.

Ang gawa ay ang naipaabot ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) mula sa mga gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pagganap sa mga ṣalāh, mga gawaing-pagsamba sa ḥajj, at iba pa sa mga ito. Kabilang doon ang ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo na ako ay nagdarasal." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 631.

Ang pagpayag ay na magsabi ang isa sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng isang sabi o gumawa ng isang gawa sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka hindi nagmasama rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kabilang doon ang ḥadīth ni Qays Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakakita ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagdarasal ng dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na fajr kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ṣalāh na fajr ay dalawang rak`ah." Kaya nagsabi naman ang lalaki: "Tunay na ako ay hindi pa nagdasal ng dalawang rak`ah na bago nito kaya nagdasal ako nito ngayon." Kaya naman nanahimik ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1267.

Ang pagkalarawan ay na maglarawan ang Kasamahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o katangiang pisikal niya, gaya ng sinabi ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao ..." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.

Ikalawa. Ang Katayuan ng Pampropetang Sunnah

Ang Pampropetang Sunnah ay may isang dakilang katayuan sa Islām. Nakasasapat na ito ay nauugnay sa pinuno ng nilikha na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ito ay mga sinabi niya, mga ginawa niya, mga pinayagan niya, at mga pagkalarawan sa kanya. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagdakila sa katayuan ng Pampropetang Sunnah ang sumusunod:

Ang Pampropetang Sunnah ay isang kasi tulad ng Qur'ān.

Nagsabi si Allāh: {3. Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. 4. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4) Ang bawat ipinabatid ng Propeta ay isang kasi lamang mula kay Allāh.

Ang Sunnah ay ang ikalawang pinagkukunan ng pagbabatas.

Ang bawat nasaad sa Marangal na Qur'ān ay kabilang sa pagbabatas at gayon din ang bawat pinagtibay sa Pampropetang Sunnah. Nagsabi si Allāh: {Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos].} (Qur'ān 4:65)

Ang Sunnah ay nagpapaliwanag ng nasaad sa Qur'ān.

Nagsabi si Allāh: {Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.} (Qur'ān 16:43) Ang kahulugan: Nagpababa Kami sa iyo, O Propeta, ng Marangal na Qur'ān upang magpaliwanag ka sa mga tao ng mga kahulugan nito at mga patakaran nito. Ang paglilinaw na ito ay tanging sa pamamagitan ng Pampropetang Sunnah.

Ikatlo Ang pagmamalasakit ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila)

Talaga ngang nagpahalaga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Pampropetang Sunnah sa pag-iingat, sa pagsusulat, at sa pagpapaabot. Kabilang sa nasaad kaugnay roon ay na sila noon ay nagsasalitan sa pagdalo sa mga pagtitipon ng Sugo ni Allāh. Nagpapaabot ang nakadalo sa mga lumiban kabilang sa kanila dala ng pagkatakot na may makaalpas sa kanila mula sa ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsasabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Ako noon at ang isang kapitbahay ko kabilang sa mga Tagaadya ay nagsasalitan sa pagdalo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): dumadalo siya isang araw at dumadalo ako isang araw. Kaya kapag dumalo ako, naghahatid ako sa kanya ng pabatid ng araw na iyon na kasi at iba pa rito; at kapag dumalo naman siya, ginagawa niya ang tulad niyon." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 89.

Matapos ng pagpanaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpahalaga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh) sa pagtipon ng Sunnah mula sa mga tagapagsalaysay nito gaano man ang ipinataw niyon sa kanila, gaya ng ginawa ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat lumisan siya ng Madīnah papuntang Sirya upang makarinig ng isang ḥadīth mula kay `Abdullhāh bin Anīs (malugod si Allāh sa kanya). Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 16042.

Ikaapat. Ang Pagbibigay-babala sa Pagwaksi ng Paggawa Ayon sa Pampropetang Sunnah

Nagbigay-babala ang Propeta laban sa mga tao na darating matapos niya, na tatanggi sa paggawa ayon sa Sunnah niya, sapagkat nagsabi siya: "Pansinin, tunay na ako ay binigyan ng Aklat at tulad nito kasama nito. Pansinin, halos may isang lalaking busog na nakaupo sa sopa niya na nagsasabi: Kumapit kayo sa Qur'ān na ito sapagkat ang anumang natagpuan ninyo rito na ipinahihintulot ay ipahintulot ninyo at ang anumang natagpuan ninyo rito na ipinagbawal ay ipagbawal ninyo." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4604 at Imām At-Tirmidhīy: 2664.

Sa ḥadīth na ito ay may isang pagbibigay-babala laban sa sinumang magpapakita at mag-aangkin ng paglilimita sa Marangal na Qur'ān at pagkakasya rito palayo sa Pampropetang Sunnah. Naglinaw sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Sunnah ay gaya ng Qur'ān sa pagkakinakailangan ng paggawa ayon dito.

Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat lumitaw nga talaga ang ilan sa mga nagsasabi niyon.

Ikalima. Ang Kinakailangan sa Atin Tungo sa Pampropetang Sunnah

Na maniwala tayo sa pagkakatwiran nito, ibig sabihin: maniwala tayo na ang mga patakaran nito ay tagapag-obliga tulad ng mga patakaran ng Marangal na Qur'ān at hindi tayo kumontra rito o tumutol dito sa mga isip natin at mga panlasa natin.

Na magsumikap tayo sa pag-iingat nito mula sa pagkawala gaya ng pagpupunyagi ng mga Kasamahan at mga maalam (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) sa pag-iingat nito, pagsulat nito, paggawa sa pagpapalaganap ng mga aklat ng ḥadīth ng Propeta.

Na magsumikap tayo sa pagkatuto nito, pakikipag-aralan nito, pagpapalaganap nito, pagbibigay-buhay nito sa gitna ng mga tao, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth: "Magpapaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa atin ng isang ḥadīth saka nagpaabot nito." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 2657 at Imām Ibnu Mājah 232.

Na kumapit tayo rito at magpatupad tayo ng mga patakaran nito. Ito ay ang pinakamalaking pinapakay sa pag-iingat sa Sunnah at pag-aaral nito sapagkat tunay na ang kaligāyahan ng tao sa Mundo at Kabilang-buhay ay naisasakatotohanan sa pagkapit niya sa Qur'ān at Sunnah. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay nag-iwan nga sa inyo ng dalawang bagay na hindi kayo maliligaw matapos ng dalawang ito: ang Aklat ni Allāh at ang Sunnah ko." Nagsalaysay nito si Imām Al-Ḥākim: 428.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makakikilala ako ng kaibahan at tutugon ako

Kilalanin mo ang kaibahan sa pagitan ng pagsabi, paggawa, at pagpayag sa sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay ng tanda sa naaangkop na lugar.

Ang Teksto

Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi : "Kami noon sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumakain, habang kami ay naglalakad, at umiinom, habang kami ay nakatayo." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 3301.

Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang masagwang gawa ng magandang gawang papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1987.

Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Pumunta ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa basūrahan ng ilang tao saka umihi siya nang nakatayo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 224 at Imām Muslim: 2273

Pagsabi ...

Paggawa ...

Pagpayag ...

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.

Pumasok si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) nang araw ng Biyernes habang si Marwān ay nagsesermon, saka tumindig siya na nagdarasal, saka dumating ang mga tanod upang magpaupo sa kanya ngunit tumanggi siya hanggang sa nakapagdasal siya. Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi naging ukol sa akin na mag-iwan ng dalawang rak`ah matapos ng isang bagay na nakita ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Pagkatapos bumanggit siya na may isang lalaki na dumating nang araw ng Biyernes habang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsesermon, saka nag-utos siya rito kaya nagdasal ito ng dalawang rak`ah. Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 511. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:

Maglagay ka ng isang pamagat na naaangkop sa sumusunod na kuwento.

Ano ang kaugnayan ng kuwentong ito sa paksa ng aralin?

Aktibidad 3: Magsasaulo ako at magtatalakay ako.

Magdaraos ang tagapagturo ng isang paligsahan sa pagsasaulo ng isang bilang na mga ḥadīth (ang Apatnapu ni An-Nawawīy) at magbibigay siya ng mga premyo para sa unang tatlong puwesto.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang sabi Niya (napakataas Siya): {3. Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. 4. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4) Nagpapahiwatig ito na ang Pampropetang Sunnah ay:

(kasi tulad ng Qur'ān - kabilang sa mga pinagkukunan ng pagbabatas - nagbibigay-linaw sa mga āyah ng Qur'ān).

Ang paglilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa mga gawaing-pagsamba ng ḥajj ay kabilang sa Sunnah na:

(pampagsabi - pampaggawa - pampagpayag).

Ang sabi ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao ..." ay kabilang sa mga halimbawa ng Sunnah na:

(pampagsabi - pampagpayag - pampaglalarawan).

PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng narito na mga kamalian:

Ang Pampropetang Sunnah ay maaaring maging pampagsabi o pampaggawa lamang.

Ang Sunnah ay maaaring maging pampagsabi o pampaggawa o pampagpayag o pampaglalarawan.

Ang pagwaksi sa paggawa ayon sa Sunnah ay hindi nakapipinsala hanggat naisasaulo natin ito.

Ang pagkasaulo ng Sunnah nang walang paggawa ay nakapipinsala at hindi nagpapakinabang.

Natuon ang pagpapahalaga ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Marangal na Qur'ān.

Nagpahalaga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-iingat sa Qur'ān at Sunnah.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Magbigay-kahulugan ka sa Pampropetang Sunnah.

Ang pagtalima sa Propeta ay tulad ng pagtalima kay Allāh. Humango ka ng patunay roon.

Magsulat ka ng isang halimbawa ng Sunnah na pampagsabi.

Ipaliwanag mo ang pinakamahalaga na kinakailangan sa atin tungo sa Pampropetang Sunnah.

2. Ang Pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagpaliwanag ka sa ibig sabihin ng pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah;

2. makapagbigay-patunay ka sa pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah;

3. makapaglinaw ka sa kaugnayan ng Pampropetang Sunnah sa Marangal na Qur'ān;

4. makapagbigay-halaga ka sa kahalagahan ng Pampropetang Sunnah;

5. makapag-anyaya ka tungo sa paggawa ayon sa Sunnah at pagbibigay-halaga sa katayuan nito.

Pauna

Hindi nagsaad sa Marangal na Qur'ān ng maraming pagdedetalye ng mga patakaran. Iyon ay tulad ng sumusunod:

Ang pagkakalarawan sa ṣalāh at ang sinasabi rito na mga dhikr.

Ang mga kundisyon ng zakāh at ang pamamaraan ng pagkukuwenta nito.

Ang paglilinaw sa mga gawaing-pagsamba sa ḥajj at `umrah.

Ang detalye ng mga patakaran ng pagtitinda,pagbili, at iba pa sa dalawang ito.

Subalit tayo ay natuto ng mga detalye ng mga ito mula sa Pampropetang Sunnah. Ito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga katunayan ng kahalagahan ng Pampropetang Sunnah.

Una. Ang Kahulugan ng Pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah

Ikalawa. Ang mga Patunay sa Pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah

Ikatlo. Ang mga Antas ng Sunnah sa Pagbabatas

Una. Ang Kahulugan ng Pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah

Kinakailangan sa Muslim na maniwala sa pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah. Ang kahulugan niyon ay:

na ang Sunnah ay katwirang kinakailangang sundin na ang mga patakaran nito ay nag-oobliga tulad ng mga patakaran ng Qur'ān kaya kinakailangan ang gumawa ayon dito at hindi pinapayagan ang pagkontra rito sa pamamagitan ng mga pithaya.

Ikalawa. Ang mga Patunay sa Pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah

Ang mga patunay sa pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah ay marami, na ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Ang Sunnah ay kapisan ng Qur'ān sa pagsunod at paggawa.

Nagsabi si Allāh: {Tandaan ninyo [mga maybahay ng Sugo] ang binibigkas sa mga bahay ninyo na mga talata ni Allāh at karunungan. Tunay na si Allāh ay laging Mapagtalos, Mapagbatid.} (Qur'ān 33:34) Ang sabi ni Allāh: "karunungan" ay nangangahulugang ang Pampropetang Sunnah ayon sa pagkakabuklod ng hatol ng maalam. Ito ay nagpapatunay na ang Sunnah ay kasi na kinakailangang sundin gaya ng Marangal na Qur'ān.

Ang Pangangailangan ng Kalipunan ng Islām sa Sunnah sa Bawat Panahon at Lugar

Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan.} (Qur'ān 4:59) Tunay na ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagsangguni ng usapin sa kanya sa sandali ng paghihidwaan ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagbalik sa Sunnah niya. Ito ay nagpapaobliga ng pagkakatwiran nito.

Ang Pagbibigay-babala Laban sa Pagsalungat sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

Hindi pinapayagan ang pagsalungat sa isang utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o ang pagsuway sa kanya. Ito ay nagpapatunay na ang Sunnah niya ay isang katwirang inoobliga sa sinumang nakaalam nito. Nagsabi si Allāh: {Hindi naging ukol sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw.} (Qur'ān 33:36)

Ang Pagkakaroon ng mga Pagbabatas Mula sa Sunnah na Hindi Nasaad sa Qur'ān

Ito ay gaya ng bilang ng mga ṣalāh at pamamaraan ng mga ito, mga haligi ng ḥajj at `umrah, mga niṣāb ng zakāh, pagbabawal sa pag-aasawa nang sabay sa babae at tiyahin sa ama nito o tiyahin sa ina nito, at iba pa roon.

Ang Pagkakabuklod ng Hatol sa Pagkakatwiran ng Sunnah

Nagkabuklod nga sa kahatulan ang Kalipunan ng Islām sa ninuno at supling sa pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah, pagpapahatol dito, at pag-iingat nito.

Ikatlo. Ang mga Antas ng Sunnah sa Pagbabatas

Hindi maaari ang makaalam sa mga patakaran ng Sharī`ah sa pamamagitan ng Marangal na Qur'ān lamang. Kaya ang sinumang nagnais na makaalam sa Islām at mga batas nito, kailangan sa kanya ang sumangguni sa Pampropetang Sunnah din. Ang kaugnayan sa pagitan ng Sunnah at Qur'ān ay may ilang anyo:

Nagbibigay-diin ang Pampropetang Sunnah sa ilan sa mga patakaran ng Qur'ān gaya ng pag-uutos na magsagawa ng ṣalāh at paggawa ng maganda sa mga magulang.

Nagpapakahulugan ang Pampropetang Sunnah sa ilan sa nasaad sa Qur'ān gaya ng pagdedetalye sa ṣalāh, mga kantidad ng zakāh, at iba pa sa mga ito.

Nagpapartikular ang Pampropetang Sunnah sa ilan sa mga āyah na nasaad sa anyong pangkalahatan,

gaya ng sabi ni Allāh: {Ipinagbawal sa inyo ang namatay [bago nakatay], ang dugo, ang laman ng baboy,} (Qur'ān 5:3) Nagpahintulot naman ang Pampropetang Sunnah sa atay, lapay, isda, at balang.

Nagsisilbi ang ilan sa mga ḥadīth bilang tagapaglimita sa isang kahatulang walang-takda sa Qur'ān,

gaya ng sabi ni Allāh: {Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga kamay nila bilang ganti sa nakamit nilang dalawa, bilang parusang panghalimbawa mula kay Allāh. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 5:38) Puputulin ba natin ang kapwa mga kamay? Ang pagputol ba ay mula sa mga siko o sa iba sa mga ito? Dumating ang Pampropetang Sunnah saka naglimita sa lugar ng pagputol at pamamaraan nito.

May natatagpuan sa Pampropetang Sunnah na mga bagong patakaran na hindi nasaad sa Marangal na Qur'ān. Halimbawa: ang pagbato sa nangalunyang nakapag-asawa o ang pagbabawal sa pagsasama sa babae at tiyahin sa ama nito o tiyahin sa ina nito sa pag-aasawa, at iba pa roon na mga patakaran.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad `: Magbabasa ako at tutugon ako.

Basahin mo ang sumusunod na kuwento, pagkatapos ipaliwanag mo ang ugnayan sa pagitan nito at ng paksa ng aralin.

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ni Allāh ang mga babaing nagtatato at ang mga babaing nagpapatato at ang mga babaing nagbubunot ng kilay at ang mga babaing nagpapabunot ng kilay. Saka nakarating iyon sa isang babaing kabilang sa lipi ng Asad, na tinatawag na Ummu Ya`qūb, na nagbabasa ng Qur'ān, saka pumunta ito sa kanya saka nagsabi: "Ano ang usapan na umabot sa akin ayon sa iyo na ikaw ay sumumpa sa mga babaing nagtatato at mga babaing nagpapatato at mga babaing nagbubunot ng kilay at mga babaing nagpapabunot ng kilay?" Nagsabi si `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanya): "Ano ang mayroon sa akin na hindi ako susumpa sa sinumang isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ito ay nasa Aklat ni Allāh?" Kaya nagsabi ang babae: "Talagang nabasa ko nga ang nasa pagitan ng dalawang pabalat ng Muṣḥaf ngunit hindi ko natagpuan iyan." Kaya nagsabi siya: "Talagang kung ikaw ay nakabasa nito, talaga sanang natagpuan mo ito. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Qur'ān 59:7)."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4886 at Imām Muslim: 2125.

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.

Pagbulay-bulayan mo ang āyah at ang ḥadīth, pagkatapos lagyan mo ng tanda sa harapan ng kaugnayan sa pagitan ng dalawang ito sa sumusunod:

Ang Āyah at ang Ḥadīth

Nagsabi si Allāh: {. Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae.} (Qur'ān 4:11) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nagmamana ang tagatangging sumampalataya sa mananampalataya ni ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6764 at Imām Muslim: 1614.

Ayon kay `Āi'shah: {... na siya noon ay hindi nakaririnig ng anumang hindi niya nalalaman malibang sumangguni siya kaugnay rito nang sa gayon malaman niya ito, at na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "ang sinumang tinuos ay pagdurusahin." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya nagsabi ako: At hindi ba nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan} (Qur'ān 84:8)" Kaya nagsabi siya: "Iyon lamang ay ang paglalahad, subalit ang sinumang tinalakay sa pagtutuos ay masasawi."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 103 at Imām Muslim: 2876.

Nagsabi si Allāh: {Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 24:31) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2702.

Noong bumaba ang āyah na ito: {Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang kawalang-katarungan,} (Qur'ān 6:82) nagpahirap iyon sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi sila: "Alin sa atin ang hindi lumabag sa katarungan sa sarili niya?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito ay hindi gaya ng ipinagpapalagay ninyo. Ito lamang ay gaya ng sinabi ni Luqmān sa anak niya: {[Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: "O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal ay talagang isang kawalang-katarungang sukdulan."}. (Qur'ān 31:13)" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6937 at Imām Muslim: 124.

Ang Pagpapartikular ng Pangkalahatan ng Qur'ān

Ang Pagbibigay-diin sa Nasa Qur'ān

Ang Pagpapakahulugan sa Nasa Qur'ān

Aktibidad 3: Magsusulat ako at magpapahayag ako.

Magsulat ka sa kuwaderno mo ng isang lathalaing sampung linya, na naglilinaw ka rito ng pagkakatwiran ng Pampropetang Sunnah.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Nakasaklaw ang Marangal na Qur'ān sa lahat ng mga detalye ng mga patakaran at mga kundisyon ng mga ito. ()

2. Ang pagtalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaobliga ng pagkakatwiran ng Sunnah niya.

3. Namukod ang Pampropetang Sunnah sa paglilinaw sa ilan sa mga patakaran. ()

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ilan sa mga patakaran na binigyang-diin ng Pampropetang Sunnah:

(ang pag-uutos ng pagsasagawa ng ṣalāh - ang pagpapamana sa lola - ang pamamaraan ng `umrah).

Natangi ang Pampropetang Sunnah sa paglilinaw ng:

(takdang parusa sa pagnanakaw - pagkakinakailangan ng ḥajj - pagbato sa nangalunyang nakapag-asawa).

Ipinangsasaksi sa pamamagitan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nagmamana ang tagatangging sumampalataya sa mananampalataya." na ang Sunnah ay:

(nagbibigay-diin sa patakaran ng Qur'ān - nagpapartikular ng pangkalahatan ng Qur'ān - namumukod sa ilan sa mga patakaran).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang Pangangailangan Natin sa Pampropetang Sunnah sa Bawat Lugar

Ang Pagsaway Laban sa Pagsalungat sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:

Ipaliwanag mo ang tinutukoy ng pagkakatwiran ng Sunnah.

Magsulat ka ng isang artikulong nagpapahayag ka rito ng kahalagahan ng paggawa ayon sa Pampropetang Sunnah at pagbibigay-halaga sa katayuan nito.

3. Ang Tumpak na Ḥadīth

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa tumpak na ḥadīth;

2. makapagbigay-linaw ka sa mga kundisyon ng tumpak na ḥadīth;

3. makapagbigay-halaga ka sa mga pagsusumikap ng mga maalam sa pag-iingat sa Pampropetang Sunnah;

4. makapangatwiran ka sa pamamagitan ng mga tumpak na ḥadīth;

Nagbiyaya si Allāh sa atin sa pamamagitan ng pag-iingat sa Relihiyong ito kaya naipaabot sa atin ang Qur'ān nang walang pagpapaiba ng isang titik mula rito. Nagsumikap ang mga maalam ng ḥadīth sa pagtipon sa mga ḥadīth at pagbukod sa tumpak mula sa mga ito at hindi tumpak. Iyon ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga panuntunang nagtatakda niyon. Sa Araling ito, matutuhan natin ang mga panuntunan ng paghatol sa katumpakan ng mga ḥadīth.

Ang Tumpak na Ḥadīth

Una. Papaanong Nakarating sa Atin ang Pampropetang Sunnah

Ikalawa. Ang pagbibigay-kahulugan sa Tumpak na Ḥadīth

Ikatlo. Ang Pagbibigay-linaw sa mga Kundisyon ng Tumpak na Ḥadīth

Ikaapat. Ang Pag-alam sa Katumpakan ng Ḥadīth

Ikalima: Mga Mahalagang Tawag-pansin

Una. Papaanong Nakarating sa Atin ang Pampropetang Sunnah

Iningatan ng mga marangal na Kasamahan ang Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ipinaabot nila ito sa mga Tagasunod at ipinaabot naman ito ng mga tagasunod sa mga matapos nila. Ang pagpapaabot na pasalita ay ang tumanyag sa gitna nila. Napatanyag ang mga tagapagsalaysay ng mga ḥadīth sa kaalaman at katapatan.

Subalit kasabay ng paglawak ng Estado ng Islām, pagdami ng bilang ng mga Muslim, at paglitaw ng mga kampon ng bid`ah, nagsimula ang paglitaw ng pagsisinungaling laban sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya naman nagpahalaga ang mga maalam sa pag-alam sa mga kalagayan ng mga tagapagsalaysay upang makapagtiyak sila sa katapatan ng mga ito.

Ikalawa. Ang pagbibigay-kahulugan sa Tumpak na Ḥadīth

Ang tumpak na ḥadīth ay may mga kundisyong ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Ang Pagkakarugtong ng Sanad (Kawing ng Pagkapaabot)

2. Ang Katarungan ng mga Tagapagsalaysay

3. Ang Kaeksaktuhan ng mga tagapagsalaysay

4. Ang Kaligtasan sa Pagkataliwas

5. Ang Kaligtasan sa Kasiraan

Kapag naisakatuparan ang mga kundisyong ito sa ḥadīth, ito ay tumpak; at kung nawalan ng isang kundisyon, hindi mailalarawan ang ḥadīth sa katumpakan.

Ikatlo. Ang Pagbibigay-linaw sa mga Kundisyon ng Tumpak na Ḥadīth

Ang Unang Kundisyon: Ang Pagkakarugtong ng Sanad (Kawing ng Pagkapaabot)

Ang ibig sabihin nito ay na ang bawat tagapagsalaysay mula sa mga tagapagsalaysay ay kumuha ng ḥadīth mula sa taong nagsasalaysay siya buhat dito nang direktahan.

Halimbawa – ito ay naaangkop sa atin sa bawat kundisyon –: Nagsabi si Imām Al-Bukhārīy: Nagsanaysay sa amin si `Abdullāh bin Yūsuf, na nagsabi: Nagpabatid sa amin si Mālik ayon kay Nāfi` ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang ṣalāh sa jamā`ah ay nakalalamang sa ṣalāh ng nag-iisa ng dalawampu't pitong antas." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 645 at Imām Muslim: 2650 Ang bawat isa mula sa mga tagapagsalaysay ay kumuha ng ḥadīth mula sa bago niya nang direktahan.

Ang Ikalawang Kundisyon: Ang Katarungan ng mga Tagapagsalaysay

Ang katarungan ay ang pananatiling matuwid ng tagapagsalaysay sa pagtalima kay Allāh at pagtalima sa Sugo Niya. Kaya naman hindi tinatanggap ang salaysay ng tagatangging sumampalataya ni ng suwail.

Ang Ikatlong Kundisyon. Ang Kaeksaktuhan ng mga tagapagsalaysay

Ito ay yayamang kinakailangan na naisaulo ng tagapagsalaysay ang mga ḥadīth niya ayon sa pagkasaulong mahusay sa isip niya o sa isang aklat.

Ang Ikaapat na Kundisyon. Ang Kaligtasan sa Pagkataliwas

Ang pagkataliwas ay na sumalungat ang mapagtitiwalaang tagapagsalaysay sa mga mapagkakatiwalaang higit na matimbang kaysa sa kanya.

Ang Ikalimang Kundisyon. Ang Kaligtasan sa Kasiraan

Ang kasiraan ay isang kadahilanang kubli na pumipinsala sa katumpakan ng ḥadīth. Nakaaalam dito ang mga alagad ng ḥadīth.

Ikaapat. Ang Pag-alam sa Katumpakan ng Ḥadīth

Nalalaman ang katumpakan ng ḥadīth sa pamamagitan ng pagtingin dito sa kabuuan ng dalawang yugto:

Ang Unang Yugto: Ang pagtingin sa kawing ng pagpapaabot ng ḥadīth, na nangangahulugan ng dalawang bagay:

A. Ang pag-alam sa mga kalagayan ng mga tagapagsalaysay nito sa pamamagitan ng pagbukod sa katarungan at kaeksaktuhan ng bawat tagapagsalaysay.

B. Ang pag-alam sa pagkaganap ng pagkakaugnay sa pagitan nila o kawalan nito.

Ang Ikalawang Yugto: Ang pagsusuri sa kaligtasan sa mga kasiraang nakaaapekto:

Ito ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtunton sa (1) mga daan ng ḥadīth na ito at (2) mga kinalalagyan ng pagkakasaad nito sa mga aklat ng Sunnah at paghahambing sa dalawang ito.

Ang pagtingin sa katumpakan ng ḥadīth sa pamamagitan ng mga tuntuning ito ay natatangi lamang sa mga maalam na nagpakahusay. Hinggil naman sa mga estudyante ng kaalaman, tunay na sila ay sasangguni sa mga sinasabi ng mga imam sa pagpapahayag sa katumpakan ng ḥadīth at pagpapahayag sa kahinaan nito.

Iyon ay may dalawang paraan:

Ang Una: Na umiral ang ḥadīth sa isang aklat na nagsakundisyon ang tagapag-akda nito na walang masaad dito kundi ang tumpak na ḥadīth, gaya ng Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, Ṣaḥīḥ Muslim, at tulad ng dalawang ito.

Ang Ikalawa: Na may humatol na isang maalam na nagsasaalang-alang sa katumpakan ng ḥadīth sapagkat tunay na siya ay susundin sa sabi niya.

Ikalima: Mga Mahalagang Tawag-pansin

Kinakailangan ang paggawa ayon sa tumpak na ḥadīth at natutumpak ang pangangatwiran sa pamamagitan nito sa mga paniniwala at mga patakaran.

Nagkakaibahan ang mga antas ng ḥadīth na tinatanggap at tumpak sapagkat ang ilan sa mga ḥadīth ay higit na malakas sa iba pa.

Ang kauna-unahan at ang pinakatumpak sa isinulat kaugnay sa tumpak na ḥadīth ay Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, pagkatapos Ṣaḥīḥ Muslim.

Sa Musnad Aḥmad at Apat na Sunnah (Sunan Abī Dāwud, Sunan At-Tirmidhīy, Sunan An-Nasā'īy, at Sunan Ibnu Mājah), ang pinakamarami sa nasa mga ito ay tumpak (ṣaḥīḥ) at maganda (ḥasan) at nasa mga ito din ang mahina (ḍa`īf) ayon sa pagkakaibahan ng mga antas nito.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Aasa ako at magbibigay-katwiran ako.

May mga ḥadīth na isinalaysay ni Imām Al-Bukhārīy lamang, may mga ḥadīth na isinalaysay ni Imām Muslim lamang, at may mga ḥadīth na isinalaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim nang magkasama. Sa pananaw mo, ano ang pinakatumpak sa mga bahaging iyon? At ano ang sumusunod dito sa katumpakan? At bakit?

Aktibidad 2: Makikilahok ako at tutugon ako.

Sa pakikilahok sa tagapagturo mo, tugunin mo ang sumusunod:

Magsulat ka ng isang ḥadīth mula sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy sa sumusunod na puwang:

___________________________________________________________________________________________________. Itala mo ang mga pangalan ng mga tagapagsalaysay nito sa sumusunod na porma:

___

Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga magagamit na kaparaanan ng pagsasaliksik, bumanggit ka ng isang maiksing artikulo tungkol sa isa sa mga tagapagsalaysay.

_____________________________________________________

_____________________________________________________

Aktibidad 3: Magpapahayag ako sa pamamagitan ng pagguhit.

Sa pakikilahok mo sa kaklase mo, gumuhit ka ng isang pang-isip na mapa na naglalaman ng mga kundisyon ng tumpak na ḥadīth at magsagawa ka ng pagsasabit nito sa lugar ng pag-aaral.

Aktibidad 4: Magsasaliksik ako.

Sumangguni ka sa sumusunod na link at magsaliksik ka ng isa sa mga ḥadīth na narinig mo dati pa.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang kaeksaktuhan ng tagapagsalaysay ay nangangahulugan ng:

(pananatiling matuwid niya sa Relihiyon - kaeksaktuhan ng pagsasaulo niya - dami ng salaysay niya).

Kabilang sa mga imām na nagsakundisyon ng katumpakan sa mga aklat nila:

(si Imām Mālik - si Imām Aḥmad - si Imām Muslim).

PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng narito na mga kamalian:

Natutumpak ang pangangatwiran sa pamamagitan ng ḥadīth na tumpak (ṣaḥīḥ), hindi ng ḥadīth na maganda (ḥasan).

Natutumpak ang pangangatwiran sa pamamagitan ng ḥadīth na tumpak (ṣaḥīḥ) at ḥadīth na maganda (ḥasan).

Ang katarungan ng tagapagsalaysay ay nangangahulugan ng pagiging makatarungan sa mga hatol niya.

Ang katarungan ay ang pananatiling matuwid ng tagapagsalaysay sa pagtalima kay Allāh at pagtalima sa Sugo Niya.

Ang pinakatumpak sa mga ḥadīth ay ang isinalaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Aḥmad.

Ang pinakatumpak sa mga ḥadīth ay ang isinalaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Bigyang-pakahulugan mo ang tumpak na ḥadīth.

Ipaliwanag mo ang kahulugan ng kaeksaktuhan ng tagapagsalaysay.

Bakit nagsaliksik ang mga maalam ng ḥadīth sa mga kalagayan ng mga tagapagsalaysay.

4. Ang Tinatanggihang Ḥadīth

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa tinatanggihang ḥadīth;

2. makakilala ka ng kaibahan sa pagitan ng mga antas ng tinatanggihang ḥadīth;

3. makapagpaliwanag ka sa pamamaraan ng pag-alam sa mga tinatanggihang ḥadīth;

4. makapagbigay-babala ka laban sa pagsisinungaling laban sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);

5. makapag-anyaya ka sa mga tao sa pagpapakatiyak sa katumpakan ng mga ḥadīth bago magsalaysay ng mga ito.

Nalaman mo sa naunang aralin ang mga kundisyon ng paghatol ng katumpakan ng ḥadīth at na kung sakaling may nagmintis na isang kundisyon mula sa mga kundisyong iyon, tunay na ito ay hahatulan ng kahinaan ng ḥadīth.

Sa araling ito, mag-uusap tayo tungkol sa tinatanggihang ḥadīth sa pamamagitan ng mga sumusunod na punto:

Ang Tinatanggihang Ḥadīth

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Tinatanggihang Ḥadīth

Ikalawa. Ang mga Antas ng Tinatanggihang Ḥadīth

Ikatlo. Mga Pagtawag-pansin Para sa Pag-alam ng mga Tinatanggihang Ḥadīth

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Tinatanggihang Ḥadīth

Ang tinatanggihang ḥadīth ay ang ḥadīth na nawalan ng isang kundisyon o higit sa isa mula sa mga kundisyon ng ḥadīth na tumpak o maganda.

Kung sa isnād (kawing ng pagkapaabot) ng ḥadīth ay may pagkaputol sa pagitan ng mga tagapagsalaysay o nawalan ang ilan sa mga tagapagsalaysay nito ng katarungan o kaeksaktuhan o hinatulan siya ng mga maalam ng pagkataliwas o kasiraan, tunay na ang ḥadīth dahil doon ay magiging hindi tanggap.

Ikalawa. Ang mga Antas ng Tinatanggihang Ḥadīth

Pansinin na ang tinatanggihang ḥadīth ay hindi nasa nag-iisang antas; bagkus mayroon itong mga antas na nagkakaibahan ayon sa sumusunod na paraan:

Ang hindi maaaring tanggapin gaya ng ḥadīth na ginawa-gawa (mawḍū`), ang isinungaling hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay kapag ang isa sa mga lalaki ng isnād (kawing ng pagkapaabot) nito ay palasinungaling.

Ang ḥadīth na matindi ang kahinaan. Ito ay ang anumang sa isnād (kawing ng pagkapaabot) nito ay may isang tagapagsalaysay na naparatangan ng pagsisinungaling o lubhang mahina ang pagsasaulo.

Ang ḥadīth na mahina. Ito ay ang anumang hindi nagkarugtong ang isnād (kawing ng pagkapaabot) nito o dito ay may isang tagapagsalaysay na mahina ang pagsasaulo subalit siya ay hindi naparatangan ng pagsisinungaling.

Ang katuturan ng pag-alam sa paghahating ito ay:

na ang mga ḥadīth na ginawa-gawa ay hindi pinapayagan ang pagsalaysay ng mga ito malibang kasama ng paglilinaw sa kasinungalingan ng mga ito.

Ang mga ḥadīth na lubhang mahina ay hindi pinagbabatayan sa mga patakarang pang-Sharī`ah o mga kainaman ng mga gawain.

Ang mga ḥadīth na magaan ang kahinaan ay maaaring maisagawa kaugnay sa mga kainaman ng mga gawain ayon sa mga kundisyong binanggit ng mga maalam.

Maaaring magkakaiba-iba ang mga maalam sa hatol sa ilan sa mga ḥadīth dahilan sa pagkakaiba-iba nila sa pagkatupad sa mga kundisyon ng katumpakan sa mga ito o dahil sa kairalan ng magaang kahinaan sa mga ito.

Ikatlo. Mga Pagtawag-pansin Para sa Pag-alam ng mga Tinatanggihang Ḥadīth

Nakikilala ang tinatanggihang ḥadīth sa pamamagitan ng pagtatadhana laban doon ng isang maalam kabilang sa mga maalam ng ḥadīth.

Ang ilan sa mga paksa o mga salita ay hindi natutumpak sa mga ito ang alinmang pampropetang ḥadīth. Halimbawa: ang pag-uutos ng pag-aayuno sa buwan ng Rajab at ang alinmang ḥadīth na nasaad dito ang salitang ḥumayrā'. Nagtakda nga ang mga maalam ng marami sa mga halimbawang iyon at nagtipon ng mga ito ang ilan sa mga may kaalaman sa mga aklat na natatangi sa mga ito. Ang halimbawa nito ay ang aklat na Al-Manār Al-Munīf ni Imām Ibnu Qayyim Al-Jawzīyah at ang aklat na At-Taḥdīth Bimā Qīla Lā Yaṣiḥḥu Fīhi Ḥadīth ni Bakr Abū Zayd.

Ang ilan sa mga aklat, kapag namukod-tangi ang mga ito sa isang ḥadīth ay kadalasang ito ay isang mahinang ḥadīth. Ang halimbawa pa nito ay Kitāb Aḍ-Ḍu`afā' Al-Kabīr ni Al-`Uqaylīy, Al-Kāmil Fi Aḍ-Ḍu`afā' ni Ibnu `Adīy, Tārīkh Baghdād ni Al-Khaṭīb Al-Baghdādīy, Tārikh Dimashq ni Ibnu `Asākir, Nawādir Al-Uṣūl ni Al-Ḥakīm At-Tirmidhīy, at tulad ng mga ito.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at tutugon ako.

Nalaman mo na ang mga ḥadīth na magaan ang kahinaan ay maaaring maisagawa kaugnay sa mga kainaman ng mga gawain ayon sa mga kundisyon. Saliksikin mo kasama ng kaklase mo ang mga kundisyong ito.

Naniwala ang ilan sa mga maalam sa pagpayag sa paggawa ayon sa mahinang ḥadīth ayon sa mga kundisyon. Ang mga ito ay na:

na ang ḥadīth ay sa mga kainaman ng mga gawain, hindi sa mga paniniwala ni sa pinapayagan at ipinagbabawal;

na ang kahinaan ay hindi matindi;

na mapabilang ang ḥadīth sa ilalim ng isang saligang maisasagawa;

na hindi maniwala sa sandali ng paggawa ayon dito sa katunayan ng ḥadīth na ito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.

Takdaan mo ang katumpakan ng ḥadīth at ang kahinaan nito sa pamamagitan ng paglalagay ng tanda sa naaangkop na lugar.

Ang Tuntunin

1. Ḥadīth na nagkasang-ayon ang mga maalam sa pagkilala sa katumpakan nito.

2. Ḥadīth na nagsasalita tungkol sa isang kahatulang nagtakda ang mga maalam na walang natumpak kaugnay rito na isang ḥadīth.

3. Ḥadīth na namumukod-tangi sa pagtatala nito ang aklat na Tārikh Dimashq (Kasaysayan ng Damascus).

4. Ḥadīth na humatol si Imām Aḥmad ng kahinaan at hindi sumalungat sa kanya ang tulad niya.

5. Ḥadīth na kabilang sa pagsasalaysay ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya.

Tumpak

Tinatanggihan

Aktibidad 3: Magpapahayag ako at maglalathala ako.

Magsulat ng isang maikling artikulo, maglathala ka nito sa social media tungkol sa panganib ng pagsasalaysay ng mga ḥadīth na sinungaling, at humango ka ng patunay sa ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang isang kasinungalingan hinggil sa akin ay hindi gaya ng isang kasinungalingan hinggil sa isa. Ang sinumang nagsinungaling hinggil sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1291 at Imām Muslim: 4.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Ang mga ḥadīth na tinatanggihan ay hindi nasa nag-iisang antas.

2. Pinapayagan ang pagsalaysay ng ḥadīth na ginawa-gawa kung sumang-ayon sa Qur'ān. ()

3. Hindi namumukod-tangi ang aklat na Tārīkh Baghdād (Kasaysayan ng Baghdad) sa tumpak na ḥadīth.

4. Kinakailangan ang pagbibigay-babala sa mga Muslim laban sa pagbanggit ng mga mahinang ḥadīth.

5. Pinapayagan ang paggawa ayon sa mahinang ḥadīth kaugnay sa paniniwala. ()

6. Hindi nagsosolo ang isang mahinang ḥadīth sa pagsasabatayan sa isang kahatulang pang-Sharī`ah.

PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:

Bigyang-pakahulugan mo ang tinatanggihang ḥadīth.

Ano ang tinatanggihang ḥadīth na hindi maaaring gumawa ayon dito?

Linawin mo ang isa sa mga paraan ng pag-aalam sa mga mahinang ḥadīth.

Kinakailangan ang pagpapakatiyak sa pagpapaabot ng pananalita ng mga tao at ang higit na marapat doon ay ang pananalita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Magpaliwanag ka niyon.

5. Si Imām Al-Bukhārīy at ang Ṣaḥīḥ Niya.

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagpaliwanag ka sa paglaki ni Imām Al-Bukhārīy;

2. makapaglinaw ka sa katayuan ng Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy;

3. makapag-isa-isa ka sa pinakamahalaga sa mga ikinabubukod ng Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy;

4. makapagbigay-halaga ka sa mga pagsusumikap ni Imām Al-Bukhārīy sa pag-iingat sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);

5. makapagsulat ka ng isang ḥadīth mula sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy;

Kapag nag-uusap tayo tungkol sa Pampropetang Sunnah, wala tayong nagagawa kundi na bumanggit kay Imām Al-Bukhārīy (kaawaan siya ni Allāh). Kaya naman sino siya? Ano ang pangalan ng aklat niya? Ano ang ipinagkaloob niya sa paglilingkod sa Pampropetang Sunnah. Ito ang malalaman natin sa pamamagitan ng mga sumusunod na punto:

Una. Ang Pagpapakilala kay Imām Al-Bukhārīy

Ikalawa. Ang Pagpapakilala sa Aklat Niya na Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ

Una. Ang Pagpapakilala kay Imām Al-Bukhārīy

Ang Kaangkanan Niya at ang Paglaki Niya

Siya ay si Abū Abdillah Muḥammad bin Ismā`īl Al-Bukhārīy. Ipinanganak siya noong taon 194 Hijrah at pinapanaw siya noong taong 256 Hijrah. Iyon ay sa Lungsod ng Bukhārā na naroroon sa Republika ng Uzbekistan.

Lumaking ulila si Imām Al-Bukhārīy kaya nagmalasakit ang ina niya sa pagpapalaki sa kanya. Naibigan niya ang pagsasaulo ng ḥadīth magmula ng pagkabata. Nagsasabi siya tungkol sa sarili niya: "Ipinatalos sa akin ang pagsasaulo ng ḥadīth habang ako ay nasa paaralan noong ako ay sampung taong gulang o mababa pa."

Ang Paglalakbay Niya sa Paghahanap ng Kaalaman

Natuto si Al-Bukhārīy mula sa mga aklat ng ama niyang si Ismā`īl yayamang ito ay isang maalam na makadiyos, pagkatapos tumanggap siya ng ḥadīth mula sa mga maalam ng bayan niya. Pagkatapos lumisan siya habang naghahanap ng kaalaman sa marami sa mga bayan ng Daigdig ng Islām. Naglakbay siya patungo sa Makkah Mukarramah, Madīnah Munawwarah, Iraq, Ehipto, at Sirya. Nakapakinig siya sa higit sa isang libong shaykh.

Ang mga Akda Niya

Nag-akda si Imām Al-Bukhārīy ng isang malaking bilang ng mga akda na iba pa sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy. Kabilang sa mga ito ang At-Tārīkh Al-Kabīr (Ang Malaking Kasaysayan), ang At-Tarīkh Aṣ-Ṣaghīr (Ang Maliit na Kasaysayan), Kitāb Al-Adab Al-Mufrad (Aklat ng Etiketang Namumukod-tangi), at iba pa sa mga ito.

Ang Pangkaalamang Katayuan Niya

Nagkabuklod sa paniniwala ang Kalipunang Muslim sa pagkaabot ni Al-Bukhārīy sa antas ng pagkaimām sa ḥadīth. Nagsabi si Ḥāfiḍ̆ Ibnu Kathīr: "Siya ay ang imām ng mga alagad ng ḥadīth sa panahon niya, ang tinutularan sa panahon niya, ang inuuna sa nalalabi sa mga kauri niya at mga kasabayan niya." Ibig sabihin: mga namuhay sa panahon niya na mga maalam.

Kabilang sa nagbunyi sa kanya mula sa mga imām ay si Qutaybah bin Sa`īd, Aḥmad bin Ḥanbal, Al-Ḥākim An-Naysapūrīy, Muḥammad bin Isḥāq bin Khuzaymah, Nu`aym bin Ḥammād, Imām At-Tirmidhīy, Imām Muslim, at Isḥāq bin Rāhiwayhi (kaawaan sila ni Allāh sa kalahatan).

Ikalawa. Ang Pagpapakilala sa Aklat Niya na Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ

Ang Pangalan Nito:

Napatanyag ang aklat niya sa pangalang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy o Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ. hinggil naman sa kumpletong pangalan nito, ito ay Al-Jāmi` Al-Musnad Aṣ-Ṣaḥīḥ Al-Mukhtaṣar Min Umūr Rasūl Allāh Wa Sunnatihi Wa Ayyāmihi (Ang tagatipon na Ipinaabot na Tumpak na Pinaiksi Mula sa Mga Nauukol sa Sugo ni Allāh at Sunnah Niya at mga Araw Niya).

Ang Katayuan ng Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy

:Nagsabi si Imām An-Nasā'īy: "Walang nasa mga aklat na ito sa kabuuan ng mga ito," tumutukoy siya sa mga aklat ng Sunnah, "ang higit na mahusay kaysa sa aklat ni Imām Al-Bukhārīy."

Nagsabi si Ibnu Aṣ-Ṣalāḥ: "Ang kauna-unahan sa mga nag-akda sa tumpak na ḥadīth ay si Al-Bukhārīy – ibig sabihin: ang naglimita sa aklat niya sa tumpak na ḥadīth – na si Abū `Abdillāh Muḥammad bin Ismā`īl. Sumunod sa kanya si Abu Al-Ḥusayn Muslim bin Al-Ḥajjāj. Ang dalawang aklat nilang dalawa ay ang pinakatumpak sa mga aklat matapos ng Mahal na Aklat ni Allāh."

Nagsabi si Adh-Dhahabīy: "Hinggil sa Jāmi` Al-Bukhārīy Aṣ-Ṣaḥīḥ, pinakakapita-pitagan sa mga aklat ito at pinakamainam sa mga ito matapos ng Aklat ni Allāh."

Nagsabi si Ibnu Kathīr: "Nagbuklod ang mga maalam sa pagtanggap dito at katumpakan ng nasaad dito, at gayon din ang nalalabi sa mga alagad ng Islām."

Ang Kadahilanan ng Pag-akda Nito

Ang Kadahilanan ng Pag-aakda ni Imām Al-Bukhārīy ng Pinagpalang Aklat na Ito

Si Al-Bukhārīy ay minsang nakaupo sa tabi ng shaykh niya na si Isḥāq bin Rāhawayhi, saka nagsabi to: "Kung sakaling magtipon kayo sa isang pinaiksing aklat ng tumpak sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Kaya nagsabi si Al-Bukhārīy: "Kaya bumagsak iyon sa puso ko kaya nagsimula ako sa pagtipon ng Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ."

Nagsabi rin si Al-Bukhārīy: "Napanaginipan ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at para bang ako ay nakatindig sa harapan niya habang sa kamay ko ay may pamaypay na itinutulak ko sa pamamagitan nito palayo sa kanya ang init. Kaya nagtanong ako sa isa sa mga tagapagpakahulugan ng panaginip saka nagsabi naman ito sa akin: 'Ikaw ay magtutulak palayo sa Sunnah niya ng kasinungalingan.' Kaya ito ang nag-udyok sa akin sa pagtatala ng Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ."

Ang Tagal ng Pag-aakda at ang Paraan Niya

Nagsabi si Al-Bukhārīy (kaawaan siya ni Allāh): "Inakdaan ko ang aklat ko, ang Ṣaḥīḥ, sa labing-anim na taon. Nagsadokumento ako nito mula sa anim na raang libong ḥadīth. Ginawa ko ito bilang katwiran sa pagitan ko at ni Allāh (napakataas Siya)."

Nagsabi rin Siya: "Hindi ako nagpasok dito ng isang ḥadīth malibang matapos na humiling ako kay Allāh ng mapagpipilian,nagdasal ako ng dalawang rak`ah, at nakapagtiyak ako sa katumpakan nito."

Ang mga Ikinabubukod ng Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy

Namumukod ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy sa ilang bagay, na ang pinakamahalaga sa mga ito:

Nagsakundisyon si Imām Al-Bukhārīy sa mga ḥadīth niya na magsalaysay ng mga ito ang mga mapagkakatiwalaan na nailalarawan sa katangian ng katarungan at pagpapakahusay at na nakipagkita ang bawat tagapagsalaysay sa shaykh nito na nagsalaysay siya ayon dito ng ḥadīth.

Naglaman ang Ṣaḥīḥ sa simula ng mga kabanata nito ng pagbanggit sa ilan sa mga āyah ng Qur'ān, mga ulat (athar), at mga ḥadīth na nakabitin – mga ḥadīth na walang pagbanggit ng isnād.

Ang bilang ng mga ḥadīth na pampropeta na may isnād ay 2,602 ḥadīth na walang pag-uulit-ulit. Ang lahat ng mga ḥadīth ay 9082.

Nag-ulit-ulit si Imām Al-Bukhārīy ng marami sa mga ḥadīth dahilan sa pagdami ng bilang ng paghango ng patunay mula sa mga ito sa mga patakarang pamfiqh at iba pa sa mga ito.

Ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ay may maraming pagbibigay-linaw na kabilang sa pinakatanyag sa mga ito ang pagbibigay-linaw ni Imām Ibnu Ḥijr Al-`Asqalānīy na tinatawag na Fatḥ Al-Bārī Bi-Sharḥ Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magdidisenyo ako ng isang kard na pampagpapakilala.

Magdisenyo ka ng isang kard na pampagpapakilala kay Imām Al-Bukhārīy. Maaari kang gumamit ng sumusunod na talahanayan:

Si Imām Al-Bukhārīy

Ang Pangalan Niya

Ang Petsa ng Kapanganakan Niya

Ang Petsa ng Pagpanaw Niya

Ang Pangalan ng Aklat Niya

Ang Bilang ng mga Ḥadīth

Ang Pinakatanyag na Pagbibigay-linaw

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at magpapahayag ako.

Nalaman mo na si Imām Al-Bukhārīy ay nakinabang mula sa kaalaman ng ama niya, na ang ina niya ay ang nagsagawa ng pag-aalaga sa kanya matapos ng pagpanaw ng ama niya, at na kabilang sa mga kadahilanan ng pag-akda niya ng aklat niya na Ṣaḥīḥ ay ang narinig niya mula sa shaykh niyang si Isḥāq bin Rāhawayhi.

Pagbulay-bulayan mo iyon, pagkatapos magpahayag ka ng papel ng pamilya at guro sa paglaki ng mga bata at epekto ng paghihikayat nila sa pagpapakahusay.

Aktibidad 3: Magsasaliksik ako at tutugon ako.

Nagsabi si Ibnu Hajar habang nagbubunyi kay Al-Bukhārīy (kaawaan silang dalawa ni Allāh): "Kung sakaling nagbukas ako ng pinto ng pagbubunyi ng mga imām sa kanya, kabilang sa mga nahuli sa panahon niya, talaga sanang nasaid ang kalatas at naubos ang mga hininga sapagkat iyon ay isang dagat na walang baybayin."

Sumangguni ka sa mga aklat ng mga binuod na talambuhay at magsulat ka sa kuwaderno mo ng tatlo sa mga sabi ng mga maalam kaugnay sa pagbubunyi kay Imām Al-Bukhārīy bukod pa sa binanggit sa aralin.

Aktibidad 1: Magsasaalaala ako at tutugon ako.

Magsulat ka ng isang ḥadīth mula sa naisaulo mo mula sa mga ḥadīth na isinalaysay ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Naglaman ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ng lahat ng mga tumpak na ḥadīth.

2. Ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ay ang pinakatumpak sa mga aklat na inakdaan sa Pampropetang Sunnah.

3. Nagsakundisyon si Imām Al-Bukhārīy sa mga tagapagsalaysay niya na sila ay maging mapagkakatiwalaan at na nakipagkita ang bawat tagapagsalaysay sa shaykh niya.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kabilang sa mga akda ni Imām Al-Bukhārīy ang: (Al-Jarḥ wa At-Ta`dīl - Fatḥ Al-Bārī -At-Tārīkh Aṣ-Ṣaghīr).

Isinulat ni Al-Bukhārīy ang aklat niyang Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ sa loob ng:

(15 taon - 16 taon - 17 taon).

Ang bilang ng mga ḥadīth ng aklat na Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ ay:

(2551 ḥadīth - 2662 ḥadīth - 2602 ḥadīth).

PANUTO 3: Ulitin mo ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng taglay ng mga ito na mga kamalian.

Nagsimula si Al-Bukhārīy sa pagsasaulo ng ḥadīth noong siya ay 13 taong gulang.

Nagsimula si Al-Bukhārīy sa pagsasaulo ng ḥadīth noong siya ay 10 taong gulang o mababa pa.

Ang pinakadakilang aklat na inakdaan ni Imām Al-Bukhārīy ay ang aklat niya na At-Tārīkh Al-Kabīr.

Ang pinakadakilang aklat na inakdaan ni Imām Al-Bukhārīy ay ang aklat niya na Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy.

Lumaki si Imām Al-Bukhārīy sa pag-aaruga ng mga magulang niya.

Lumaki si Imām Al-Bukhārīy na ulila sa ama.

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ilista mo ang pinakamahalaga sa mga araling napakinabangan mo mula sa pag-aaral mo ng talambuhay ni Imām Al-Bukhārīy.

Ano ang kadahilanan ng pag-akda ni Imām Al-Bukhārīy ng aklat niyang Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ.

Papaano mong ipapakahulugan ang kakauntian ng bilang ng mga ḥadīth ng Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ kung ihahambing sa 600,000 ḥadīth na pinagpilian niya?

6. Si Imām Muslim at ang Ṣaḥīḥ Niya

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagpaliwanag ka sa paglaki ni Imām Muslim;

2. makapaglinaw ka sa katayuan ng Ṣaḥīḥ Muslim;

3. makapag-isa-isa ka sa mga ikinabubukod ng Ṣaḥīḥ Muslim;

4. makapagbigay-halaga ka sa mga pagsusumikap ni Imām Muslim sa pag-iingat sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);

5. makapangatwiran ka sa pamamagitan ng mga ḥadīth ng Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy at Ṣaḥīḥ Muslim.

Sa larangan ng pampropetang ḥadīth, nakaririnig tayo nang madalas sa pananalitang muttafaq `alayhi (nagkasang-ayon dito), kaya ano ang ibig sabihin nito? Malalaman natin ito at ang iba pa rito sa araling ito.

Una. Ang Pagpapakilala kay Imām Muslim

Ikalawa. Ang Pagpapakilala sa Aklat Niya na Aṣ-Ṣaḥīḥ Muslim

Ikatlo. Ang Paghahambingan sa Dalawang Sahih

Una. Ang Pagpapakilala kay Imām Muslim

Ang Kaangkanan Niya at ang Pagpapalaki sa Kanya

Siya ay si Imām Abu Al-Ḥusayn Muslim bin Al-Ḥajjāj bin Muslim Al-Qushayrīy sa kaangkanan, An-Naysapūrīy sa pamamayan. Ipinanganak siya noong taong 204Hijrah at pinapanaw siya noong taong 261 sa Naysapūr noong siya ay 57 taong gulang.

Si Imām Muslim (kaawaan siya ni Allāh) ay may-ari ng isang pangangalakal. May mga pag-aari siya at yaman. Ang ama niya ay kabilang sa mga maalam kaya natuto siya mula rito. Nagsimula siya sa pakikinig ng ḥadīth sa edad na labindalawang taon.

Ang Paglalakbay Niya at ang mga Shaykh Niya

Nagsagawa ng ḥajj si Imām Muslim sa edad na labing-anim, saka nakinig siya ng ḥadīth sa Makkah. Pagkatapos naglakbay siya patungo sa Kūfah, Iraq, Damascus, at Ehipto. Umabot ang bilang ng mga shaykh niya na nagsalaysay siya ayon sa kanila sa Ṣaḥīḥ sa 220 shaykh.

Kabilang sa pinakatanyag sa mga shaykh niya sina `Abdullāh bin Maslamah Al-Qa`nabīy, Yaḥyā bin Yaḥyā An-Naysapūrīy, Qutaybah bin Sa`īd, Sa`īd bin Manṣūr, Aḥmad bin Ḥanbal, Isḥāq bin Rāhawayhi, at Abū Bakr bin Abī Shaybah.

Ibinibilang si Imām Al-Bukhārīy na kabilang sa mga pinakaprominente sa mga shaykh ni Imām Muslim (kaawaan silang dalawa ni Allāh) yayamang nagkaroon siya ng isang malaking papel sa pagbibigay-kaalaman dito at kadalubhasaan nito sa pag-alam sa pampropetang ḥadīth at pagtitiyak sa pagpapaabot ng tumpak na ḥadīth.

Ang mga Akda Niya

Kabilang sa mga akda ni Imām Muslim na iba pa sa Ṣaḥīḥ Muslim: Ang aklat na Al-Asāmī wa Al-Kunā, ang aklat na Al-`Ilal, ang aklat na Al-Waḥdān, ang aklat na Al-Afrād, at ang iba pa sa mga ito.

Ang Pangkaalamang Katayuan Niya

Nagsabi si Imām An-Nawawīy tungkol kay Imām Muslim (kaawaan silang dalawa ni Allāh): "Ang Imām ng mga alagad ng ḥadīth, nagkabuklod sila sa paniniwala sa kapitaganan niya, pamumuno niya, kataasan ng antas niya, kahusayan niya sa gawaing ito, pangunguna niya rito, at kadalubhasaan niya rito."

Nagsabi naman si Adh-Dhahabīy: "Si Abu Al-Ḥusayn An-Naysapūrīy, ang tagapagsaulo, ay isa sa mga haligi ng ḥadīth."

Ikalawa. Ang Pagpapakilala sa Aklat Niya na Aṣ-Ṣaḥīḥ Muslim

Ang Pangalan Nito:

Napatanyag ang aklat sa pangalang Ṣaḥīḥ Muslim subalit ang kumpletong pangalan nito ay Al-Musnad Aṣ-Ṣaḥīḥ Al-Mukhtaṣar Min As-Sunan Bi-Naql Al-`Adl `An Al-`Adl `An Rasūl Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang Kadahilanan ng Pag-akda Nito at Tagal Nito

Umakda si Imām Muslim ng aklat niyang Ṣaḥīḥ bilang pagtugon sa hiling ng ilan sa mga alagad ng ḥadīth, lalo na at siya ay umabot sa kadalubhasaan ng kaalaman. Nagtagal ang pag-aakda nito ng labinlimang taon.

Ang Katayuan Niya

Nagsabi si An-Nawawīy tungkol sa Dalawang Ṣaḥīḥ: "Ang dalawang ito ay ang pinakatumpak sa mga aklat matapos ng Qur'ān. Nagbuklod nga sa paniniwala ang Kalipunan ng Islām sa paggawad sa dalawang ito ng pagtanggap."

Nagsabi si Ibnu Aṣ-Ṣalāḥ: "Ang lahat ng hinatulan ni Muslim ng katumpakan nito mula sa aklat na ito ay napagtibay sa katumpakan nito."

Ang mga Ikinabubukod ng Ṣaḥīḥ Muslim

Namumukod ang Ṣaḥīḥ Muslim sa ilang bagay, na ang pinakamahalaga sa mga ito:

Ang paraan ni Imām Muslim ay ang pagtipon ng mga daan ng ḥadīth sa iisang lugar kasabay ng pagmamalasakit sa pag-alam sa kaibahan ng mga salita at mga anyo ng pagpapahayag.

Madalang na nag-uulit-ulit si Imām Muslim ng isang ḥadīth at nagsasangguni siya nito pabalik sa sandali ng pagkaulit-ulit.

Hinati-hati ni Imām Muslim (kaawaan siya ni Allāh) ang aklat niyang Ṣaḥīḥ sa 57 aklat, na napaloloob sa ilalim ng bawat isa sa mga ito ang isang bilang ng mga kabanata nang hindi naglagay para sa mga ito ng mga pamagat subalit ang mga ito ay naisaayos ayon sa pagkakasunud-sunod na pamfiqh.

Umabot ang bilang ng mga ḥadīth sa 3033 ḥadīth nang walang pag-uulit-ulit. Ang bilang ng mga ḥadīth na mawqūf ay 102 ḥadīth at ang mga mu`allaq dito ay 12 ḥadīth.

Nagsabi si Imām Muslim: "Nag-akda ako ng Al-Musnad Aṣ-Ṣaḥīḥ na ito mula sa 300,000 ḥadīth na narinig."

Nagsabi rin si Imām Muslim: "Hindi bawat anuman sa ganang akin ay tumpak na inilagay ko rito. Inilagay ko lamang ang nagbuklod sila sa katumpakan nito."

Ang Ṣaḥīḥ Muslim ay may maraming pagbibigay-linaw na kabilang sa pinakatanyag sa mga ito ay ang pagbibigay-linaw ni Imām An-Nawawīy.

Ikatlo. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Dalawang Ṣaḥīḥ

Ang Dalawang Ṣaḥīḥ ay ang pinakatumpak sa mga aklat matapos ng Aklat ni Allāh, kahit pa ang dalawang ito ay hindi naglaman ng lahat ng mga tumpak na ḥadīth. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito:

Ang kauna-unahan sa naglimita sa pagtipon ng mga tumpak na ḥadīth ay si Imām Al-Bukhārīy at sumusunod sa kanya si Imām Muslim.

Namukod ang Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ Muslim sa pagiging ang mga ḥadīth nito ay higit na tumpak at sa dami ng mga katuturang pangkaalaman at pamfiqh.

Namukod ang Ṣaḥīḥ Muslim sa kagandahan ng pagkakasaayos ng mga ḥadīth at pagsusulat ng mga ito nang walang pagpuputol o pagsasalaysay ayon sa kahulugan.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at mag-uugnay ako.

Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1631. Basahin mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:

Sa alin sa tatlong bahaging nababanggit kaugnay sa ḥadīth napaloloob ang Ṣaḥīḥ Muslim?

Mag-ugnay ka sa pagitan ng ḥadīth at ng paghahanap ni Imām Muslim ng kaalaman at pagsusumikap niya rito.

Aktibidad 2: Magsasaliksik ako at magbubuod ako.

Nag-akda ang mga maalam ng marami sa mga aklat sa paglilingkod sa Dalawang Ṣaḥīḥ, maging sa pagbibigay-linaw o pagpapaiksi. Kabilang doon ang Mukhtaṣar Ṣaḥīḥ Muslim ni Al-Mundhirīy. Sa pakikilahok sa kaklase mo, saliksikin mo ang aklat na ito, at magbuod ka ng metodolohiya niya sa pagpapaiksi ng mga ḥadīth ng Sahih Muslim

Aktibidad 3: Magpapahayag ako at tutugon ako.

Nagsaestudyante si Imām Muslim kay Imām Al-Bukhārīy at tumulad siya rito sa pag-aakda ng tumpak na ḥadīth. Siya ay nagmamahal rito at gumagalang dito hanggang sa tunay na siya ay nagsabi rito isang araw: "Hayaan mong humalik ako sa mga paa mo, O maestro ng mga maestro at pinuno ng mga muḥaddith." Sa pamamagitan niyon:

Magpaliwanag ka ng epekto ng maayos na tinutularan sa pagdudulot ng edukasyon sa mga salinlahi.

Magtakda ka ng tatlong bagay na nararapat tularan mula sa buhay ni Imām Muslim.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Kapag nasaad ang ḥadīth sa Dalawang Ṣaḥīḥ, ito ay muttafaq `alayhi (nagkasang-ayon dito). (✓)

2. Kabilang sa mga aklat ni Imām Muslim Al-Jarḥ wa At-Ta`dīl. (X)

3. Si Imām Al-Bukhārīy ay kabilang sa mga shaykh ni Imām Muslim. (✓)

4. Ang Ṣaḥīḥ Muslim ay higit na tumpak kaysa sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy. (X)

5. Ang pinakadakilang aklat na inakdaan ni Imām Muslim ay ang Ṣaḥīḥ Muslim. (✓)

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kabilang sa mga aklat ni Imām Muslim:

(Al-`Ilāl - Aḍ-Ḍu`afā' - As-Sunan).

Gumugol si Imām Muslim sa pagsusulat ng Ṣaḥīḥ ng:

(13 taon - 14 taon - 15 taon).

Kabilang sa pinakatanyag sa mga pagbibigay-linaw sa Ṣaḥīḥ Muslim ang pagbibigay-linaw ni Imām:

(An-Nawawīy - Ar-Rāzīy - Al-Āmadīy).

PANUTO 3: Linawin mo kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama at kung alin sa mga ito ang mali, kasabay ng pagtatama sa mali sa mga ito.

Ang kahusayan ni Imām Muslim sa karunungang pangḥadīth ay nagtangi sa aklat niya higit sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy. Tumpak.

Si Imām Al-Bukhārīy ay higit sa pag-iingat kaysa kay Imām Muslim sa pagpili ng mga tagapagsalaysay. Tumpak.

Hindi bumanggit si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Muslim ng mga ḥadīth na mu`allaq.

Sa Ṣaḥīḥ Muslim ay may limang ḥadīth na mu`allaq.

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Umalalay kay Imām Muslim sa pagkatuto ang dalawa: ang ama niya at ang mga paglalakbay niya. Magbigay-linaw ka niyon.

Ano ang pinakamahalaga na ikinabukod ng Ṣaḥīḥ Muslim.

Humango ka bilang buod na tatlong katuturan mula sa buhay ni Imām Muslim.

7. Ang Apat na Sunan

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagpakilala ka sa Apat na Sunan;

2. makapagpakilala ka sa mga tagapag-akda ng Apat na Sunan;

3. makaalam ka sa kaibahan sa pagitan ng mga metodolohiya ng pag-aakda ng Apat na Sunan;

4. makapagbigay-patunay ka sa pagmamalasakit ng mga maalam sa Apat na Sunnah;

5. makapagbigay-halaga ka sa mga pagsusumikap ng mga maalam sa ḥadīth;

6. makapagbasa ka ng mga aklat ng Apat na Sunan.

Pauna

Mahal kong estudyante, marahil ikaw ay nakarinig isang araw ng nagsasabi tungkol sa isang ḥadīth: "Nagsalaysay nito ang mga tagapag-akda ng Sunan." Kaya ano ang ibig sabihin niyon? Ito at ang iba pa rito ay mapag-aalaman mo sa pamamagitan ng araling ito.

Ang Apat na Sunan

Ang Pagpapakilala sa Tagapag-akda

Ang Pagpapakilala sa Aklat at ang Metodolohiya Nito

Ang Pagmamalasakit ng mga Maalam sa Aklat

Ang Sunan ni Imām Abū Dāwud

Ang Pagpapakilala sa Kanya

Siya ay si Imām Ḥāfiḍ̆ Abū Dāwud Sulaymān bin Al-Ash`ath bin Shaddād Al-Azdīy As-Sijistānīy.

Ipinanganak siya noong taong 202 Hijrah at pinapanaw siya noong taong 275 Hijrah. Mayroon siyang ilang akda, na kabilang sa mga ito ang Marāsīl, ang Zuhd, at ang Ba`th.

Ang Aklat Niya at ang Metodolohiya Niya sa Pag-aakda

Ibinibilang ang aklat na Sunan Abū Dāwud bilang ang pinakamarami sa apat na aklat sa pagtitipon ng mga ḥadīth na pamfiqh.

Nagsabi si Imām Abū Dāwud tungkol sa metodolohiya niya sa pagpili ng mga ḥadīth: "Binanggit ko ang tumpak at ang nakawawangis nito at nakalalapit nito." Nagsabi rin Siya: "Sa aklat na Sunan na inakdaan ko ay walang anumang buhat sa isang lalaking iwinaksi ang ḥadīth."

Ang bilang ng mga ḥadīth ng Sunan ay 5,274 ḥadīth.

Ang Pagmamalasakit ng mga Maalam sa Aklat Niya

Ang Sunan Abū Dāwud ay may maraming inilimbag na pagbibigay-linaw, na kabilang sa pinakatanyag sa mga ito:

ang Ma`ālim As-Sunan ni Imām Abū Sulaymān Al-Khaṭṭābīy,

ang Sharḥ Sunan Abū Dāwud ni Imām Aḥmad bin Al-Ḥusayn Ibnu Raslān, at

ang `Awn Al-Ma`būd ni `Allāmah Shams Al-Ḥaqq Al-`Aḍ̆īm Abādīy.

Jāmi` Al-Imām At-Tirmidhīy

Ang Pagpapakilala sa Kanya

Siya ay si Imām Ḥāfiḍ̆ Abū `Īsā Muḥammad bin `Īsā bin Sūrah At-Tirmidhīy.

Ipinanganak siya noong taong 209 Hijrah at pinapanaw siya noong taong 279 Hijrah. Kabilang sa pinakatanyag sa mga akda niya ang Sunan at ang Shamā'il.

Ang Aklat Niya at ang Metodolohiya Niya sa Pag-aakda

Ang Sunan At-Tirmidhīy, at tinatawag din ito na Jāmi` At-Tirmidhīy, ay isang aklat na isinaayos ayon sa mga kabanata ng fiqh.

Tinipon ni Imām At-Tirmidhīy sa aklat na ito ang mga tumpak na ḥadīth at ang iba pa sa mga ito habang naglilinaw sa grado ng bawat ḥadīth kasama ng paglilinaw sa anyo ng kahinaan at sa mga gumawa ayon dito kabilang sa mga may kaalaman mula sa mga Kasamahan at iba pa sa kanila. Nagbukod-tangi nga siya sa hulihan nito ng isang kabanata na pinagtipunan niya ng mga mahalagang tuntunin sa kaalaman sa ḥadīth.

Ang bilang ng mga ḥadīth nito ay 3,956 ḥadīth.

Ang Pagmamalasakit ng mga Maalam sa Aklat Niya

Ang Jāmi` At-Tirmidhīy ay may maraming pagbibigay-linaw, na kabilang sa pinakatanyag sa mga ito:

ang `Āriḍah Al-Aḥwadhīy ni Imām Abū Bakr Ibnu Al-`Arabīy Al-Mālikīy,

ang An-Nafkh Ash-Shadhīy Bi-Sharḥ At-Tirmidhīy ni `Allāmah Ibnu Sayyidinnās Al-Ya`murīy, at

ang Tuḥfah Al-Aḥwadhīy ni `Allāmah `Abdurraḥmān Al-Mubarakpūrīy.

Sunan Al-Imām An-Nasā'īy

Ang Pagpapakilala sa Kanya

Siya ay si Imām Ḥāfiḍ̆ Abū `Abdirraḥmān Aḥmad bin Shu`ayb bin `Alīy An-Nasā'īy.

Ipinanganak siya noong taong 215 Hijrah at pinapanaw siya noong taong 303 Hijrah.

Ang Aklat Niya at ang Metodolohiya Niya sa Pag-aakda

Umakda si Imām An-Nasā'īy kaugnay sa Sunan ng dalawang aklat:

Ang As-Sunan Al-Kubrā.

Ang As-Sunan Aṣ-Ṣughrā, na pinaiksi nga niya ito mula sa As-Sunan Al-Kubrā, ay tinatawag na Al-Mujtabā (Ang Pinili Mula sa Kubrā). Ito ang tinutukoy ng mga maalam sa sabi nila na Sunan An-Nasā'īy.

Nagmalasakit si Imām An-Nasā'īy sa mga ḥadīth ng mga patakaran at nagsaayos siya nito ayon sa pagkakasunud-sunod na pamfiqh kasama ng paglilinaw sa ilan sa mga kahulugan ng mga pananalitang Arabe. Tumutukoy siya sa mga mahinang ḥadīth magkaminsan.

Ibinibilang ang Al-Mujtabā na pinakakaunti sa Apat na Sunan sa bilang ng mga mahinang ḥadīth. Dahil doon, sumusunod ang antas ng katumpakan nito matapos ng Dalawang Ṣaḥīḥ dahil si Imām An-Nasā'īy ay nagsakundisyon na hindi siya magsalaysay sa aklat niya ayon sa isang tagapagsalaysay na nagkabuklod ang mga maalam sa pagwaksi rito.

Umabot nga ang bilang ng mga ḥadīth sa 5,774 ḥadīth.

Ang Pagmamalasakit ng mga Maalam sa Aklat Niya

Nag-akda ang mga maalam ng higit sa tatlumpung pagbibigay-linaw at anotasyon sa As-Sunan Aṣ-Ṣughrā. Kabilang sa pinakatanyag sa mga aklat na inilimbag:

ang Zahr Ar-Rubā `Ala Al-Mujtabā ni Imām Jalāluddīn As-Suyūṭīy. Ito ay isang pinaiksing komentaryo,

ang Ḥāshiyah Al-Sindīy `Ala Al-Mujtabā ni `Allāmah Muḥammad bin `Abdilhādī Al-Madanīy Al-Sindīy. ([1]) () Sa gabay ng guro: Kabilang sa mga kontemporaryong pagbibigay-linaw ang Dhakhīrah Al-`Uqbā Fī Sharḥ Al-Mujtabā ni `Allāmah Muḥammad bin `Alīy Ādam Al-Athyūbīy. Ito ay ang pinakamalawakan sa mga inilimbag na pagbibigay-linaw sa Sunan An-Nasā'īy.

Sunan Al-Imām Ibnu Mājah

Ang Pagpapakilala sa Kanya

Siya ay si Imām Ḥāfiḍ̆ Abū `Abdillāh Muḥammad bin Yazīd bin `Abdillāh bin Mājah Al-Qazwīnīy.

Ipinanganak siya noong taong 209 Hijrah at pinapanaw siya noong taong 273 Hijrah.

Ang Aklat Niya at ang Metodolohiya Niya sa Pag-aakda

Isinaayos ni Imām Ibnu Mājah ang aklat niya ayon sa mga kabanatang pamfiqh.

Umaabot ang bilang ng mga ḥadīth nito sa 4,341 ḥadīth.

Namukod-tangi ang Sunan Ibni Mājah sa dami ng mga ḥadīth higit kaysa sa nalalabi sa Anim na Aklat.

Ang Pagmamalasakit ng mga Maalam sa Aklat Niya

Nagbigay-linaw ang isang bilang ng mga imām sa aklat na Sunan Ibni Mājah. Kabilang sa mga ito:

si `Allāmah `Alā'uddīn Maghlaṭāy Al-Miṣrīy Al-Ḥanafīy.

Ang pagbibigay-linaw ni Imām Jalāluddīn As-Suyūṭīy.

Kabilang pa sa mga anotasyon sa Sunan Ibni Mājah ang Ḥāshiyah Al-Sindīy ni `Allāmah Muḥammad bin `Abdilhādī Al-Madanīy Al-Sindīy.

May inakdaang mga aklat kaugnay sa pagtitipon ng mga ḥadīth na namukod-tangi sa mga ito si Ibnu Mājah. Kabilang sa mga ito ang Miṣbāḥ Az-Zujājah Fī Zawā'id Ibnu Mājah ni Imām Abū Bakr Al-Būṣīrīy. Umabot ang bilang ng mga ito sa 1,552 ḥadīth.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makikilahok ako at tutugon ako.

Sa pakikilahoik sa mga kaklase mo, magsasagawa ka ng pagsasaayos sa Apat na Sunan ayon sa punto ng katumpakan at ayon sa punto ng taon ng pagpanaw ng tagapag-akda.

Ang Pagsasaayos Ayon sa Punto ng Katumpakan

Ang Pagsasaayos Ayon sa Punto ng Pagpanaw ng Tagapag-akda

1. ___

2. ___

3. ___

4. ___

Aktibidad 2: Magsasaliksik ako at tutugon ako.

Marahil ikaw ay nakapansin na ang mga lungsod na nauugnay sa mga ito ang mga tagapag-akda ng Anim na Aklat ay hindi nasa mga bayang Arabe.

Magsaliksik ka sa pamamagitan ng internet tungkol sa mga estado na kinaroroonan ng mga lungsod na ito sa panahon sa kasalukuyan, pagkatapos isulat mo ang mga ito sa sumusunod na talahanayan:

Ang Imām

An-Nasā'īy

Abū Dāwud

At-Tirmidhīy

Ibnu Mājah

Ang Lungsod Niya sa Matandang Panahon

Nasā

Sijistān

Tirmidh

Qazwīn

Ang mga Estado na Kinaroroonan ng mga Ito sa Panahon sa Kasalukuyan

___

___

___

___

Nagpapatunay iyon sa pagkapandaigdigan ng Islām at lakas ng pag-epekto nito sa lahat ng mga lahi na pumasok dito. Ipahayag mo ang kahulugang ito sa limang linya.

Aktibidad 3: Magsasaliksik ako at magsusulat ako.

Sumangguni ka sa pinakamalapit na aklatan at itala mo ang unang ḥadīth mula sa bawat aklat ng Apat na Sunan.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Ang Sunan An-Nasā'īy na isinasaalang-alang sa Anim na Aklat ay ang Al-Mujtabā. (✓)

2. Ang bukod pa sa aklat na Sunan Abī D̄āwud ay kabilang sa mga mahinang ḥadīth. (X)

3. Naglaman ang aklat na Sunan At-Tirmidhīy ng mga mahinang ḥadīth na nilinaw ang rangko. (✓)

4. Ang Sunan An-Nasā'īy ay ang pinakamataas sa Apat na Aklat sa punto ng rangko. (✓)

5. Si Imām Ibnu Mājah ay ang kahuli-hulihan sa anim na imām sa pagpanaw. (X)

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Si Imām Abū Dāwud na may-ari ng aklat ng Sunan ay:

(si Aḥmad bin Shu`ayb - si Sulaymān bin Al-Ash`ath - si Muḥammad bin `Isā).

Ang aklat na naglagay ang may-ari nito rito ng isang kabanata tungkol sa pinakamahalaga sa mga tuntunin sa kaalaman sa ḥadīth ay:

(Ṣaḥīḥ Muslim - Sunan At-Tirmidhīy - Sunan An-Nasā'īy).

Ang aklat na nilimitahan sa pagtipon ng mga ḥadīth ng mga patakaran ay:

(Sunan Abī D̄āwud - Sunan At-Tirmidhīy - Sunan An-Nasā'īy).

Ang may-ari ng aklat na Al-Mujatabā ay:

(si An-Nasā'īy - si At-Tirmidhīy - si Ibnu Mājah).

PANUTO 3: Idugtong mo ang bawat aklat mula sa mga aklat ng Sunnah sa pagbibigay-linaw nito sa sumusunod:

Sunan Ibnu Mājah

Sunan Abī Dāwud

Sunan An-Nasā'īy

Sunan At-Tirmidhīy

`Awn Al-Ma`būd

Tuḥfah Al-Aḥwadhīy

Fatḥ Al-Bārī

Zahr Ar-Rubā

Miṣbāḥ Az-Zujājah

PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:

Maghambing ka sa pagitan ng Sunan Abī Dāwud at Sunan Ibni Mājah ayon sa punto ng bilang ng mga ḥadīth sa dalawang ito, paksa, at mga pagsusumikap ng mga may kaalaman sa paglilingkod sa dalawang ito.

Papaano mong ipakakahulugan ang dami ng pag-aakda kaugnay sa mga aklat ng ḥadīth.

Ang Ikatlong Yunit: Ang Pananampalataya at ang Pagbubusilak

1. Ang Kontemporaryong Ateismo

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa Ateismo;

2. makabanggit ka ng mga uri ng mga ateista;

3. makapag-isa-isa ka sa mga porma ng Ateismo;

4. makapagbuod ka sa mga tatak ng bagong Ateismo;

5. makapaglinaw ka sa mga kadahilanan ng pagkasadlak ng ilan sa mga Muslim sa Ateismo;

6. makapagsadamdamin ka sa panganib ng Ateismo sa individuwal at lipunan;

7. makapagmungkahi ka ng isang kaparaanan para sa pakikipagharapan sa Ateismo.

Aktibidad na Pang-umpisa

Nalaman mo na ang tagapagtambal ay maaaring naniniwala sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya) subalit siya ay sumasamba kasama Nito ng iba pa Rito na mga diyos. Malalaman mo sa araling ito ang kaibahan sa pagitan ng tagapagtambal at ateista.

Ang Kontemporaryong Ateismo

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Ateismo

Ang mga Uri ng mga Ateista

Ang mga Porma ng Ateismo

Ang Kasaysayan ng Ateismo

Ang Bagong Ateismo

Ang Pagkasadlak ng Ilan sa mga Muslim sa Ateismo

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Ateismo

Isang ideolohiyang pangkaisipang nagkakaila sa kairalan ng isang tagalikha ng Sansinukob, tumatangging sumampalataya sa lahat ng mga relihiyon, at nagkakaila sa lahat ng mga pasugo.

Ang mga Uri ng mga Ateista sa Modernong Panahon

Ang pagkadami-dami ng mga uri ng Ateismo sa modernong panahon. Kabilang sa pinakatanyag sa mga ito:

Ang ateista ay ang tagapagkaila sa kairalan ni Allāh (napakataas Siya).

Ang agnostiko ay ang tumitigil sa pagpapatibay sa kairalan ng Diyos o sa pagkakaila sa kairalan Nito.

Ang deista ay ang sumasampalataya sa kairalan ng isang diyos na lumikha ng Sansinukob, pagkatapos iniwan nito iyon at hindi ito nagpadala ng isa man kabilang sa mga sugo.

Ang mga Porma ng Kontemporaryong Ateismo

Kabilang sa mga anyo ng kontemporaryong Ateismo ang sumusunod:

Una. Ang Ateismong pilosopiko. Ito ay nakasalig sa mga pananaw ng ilan sa mga pilosopiyang materyalista, komunista, at positivista na hindi kumikilala sa kairalan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Ikalawa. Ang Ateismong siyentipiko. Ito ay nakasalalay sa pagdakila sa siyensiyang eksperimental at paghango ng patunay sa pamamagitan ng mga nagkakaiba-ibang teoriya sa pagkaila sa kairalan ni Allāh at pagpapahalili sa kalikasan at tulad nito kapalit ng Tagalikha (kaluwalhatian sa Kanya). Ibinibilang ang teoriya ng ebolusyon na ginawa ni Darwin na pinakatanyag sa mga teoriya na ipinangangatwiran ng mga ateistang kontemporaryo.

Ikatlo. Ang Ateismong sikolohikal. Dumudulog dito ang ateista para makalabas sa presyon ng lipunan o reyalidad na pinamumuhayan niya. Nauugnay ito gayon din sa ilan sa mga kaguluhang sikolohikal tulad ng depresyon, pagkahumaling na mapamilit (obsessive-compulsive disorder), at katiwaliang pangkasarian.

Ang Kasaysayan ng Ateismo

Nakilala ang Ateismo magmula ng mga matandang panahon subalit ito noon ay mga kalagayang pang-individuwal. Nagsasabi si Henri Bergson: "Sa nakaraan, nakatatagpo tayo, makatatagpo pa rin tayo ngayon, ng mga lipunang pantao na walang agham, walang sining, at walang pilosopiya. Subalit hindi nagkaroon kailanman ng isang lipunang walang relihiyon."

Sa modernong panahon naman, nagsimula ang paglaganap ng Ateismo sa Europa matapos ng pakikipagharapan ng Iglesya at mga alagad ng relihiyon sa mga makaagham na pagkatuklas hanggang sa magkintal ito sa mga isipan ng mga Kanluranin na ang relihiyon ay isang balakid sa harapan ng pag-unlad na makaagham at pangkabihasnan, at na ang Ateismo at ang pagkalas sa relihiyon ay ang kaparaanang ideyal para sa pagpapatuloy ng kanluraning modernong kabihasnan ng paglalakbay nito sa landas ng pagpapalaya sa tao at pagsasakatuparan sa kapakanan niya.

Sa kabila niyon, nanatili ang marami sa mga Kanluranin sa pag-ugnay sa Kristiyanismo kahit pa sa pangalan lamang. Ang Ateismo ay hindi nagkaroon ng gayong katanyagan at impluwensiya na nangyari sa nakalipas ng dalawampung taon kung kailan lumitaw ang tinatawag na bagong Ateismo.

Ang mga Tatak ng Bagong Ateismo

Lumitaw kasabay ng simula ng ikadalawampu't isang siglo ang nakikilala bilang ang bagong Ateismo. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga tatak nito:

Una. Ang dami ng mga organisasyon at mga institusyong kumakatig dito at nag-aanyaya tungo sa mga ideya nito sa lahat ng mass media, social media, at iba pa sa mga ito. Isinasalin ang mga gawa ng mga Ateista sa lahat ng mga wika ng Daigdig.

Ikalawa. Humantong ang propagandang ito sa paglaganap ng mga ideyang pang-ateismo sa lahat ng mga estado ng Daigdig at sa gitna ng lahat ng mga uri ng lipunan, matapos na ang Ateismo sa nakaraan ay limitado sa ilan sa mga lipunan at sa mga anyong pang-individuwal.

Ikatlo. Ito ay nakikipagdigmaan sa mga relihiyon at nagpapalaganap ng mga maling akala tungkol sa mga ito, kasabay ng panunuya sa mga ito at ng pagkapit sa mga ito ng terorismo at pagkanapag-iiwanan.

Ang mga Kadahilanan ng Pagkasadlak ng Ilan sa mga Muslim sa Ateismo

Nagsimula ang pag-iral ng ilan sa mga ideyang pang-ateismo sa gitna ng mga kabataan ng mga Muslim. Iyon ay dahil sa ilan sa mga kadahilanan, na kabilang sa mga ito:

Una. Ang pagpapasailalim sa Kanluran sapagkat nakatanggap nga ang ilan sa mga Muslim ng mga ideyang pang-ateismo mula sa Kanluran dahil ito raw ay isang bahagi ng kaunlarang pangkabihasnan nang walang pagbubukod sa sumasalungat sa paniniwala ng Islām at mga ideya nito.

Ikalawa. Ang pagkahantad sa mga maling akala nang walang pagtamo ng sapat na pagkakaalam sa pagtugon sa mga ito, pagkatapos ang pagpasok sa mga talakayan sa mga ateista at ang pagmamaliit sa mga kakāyahan nila sa pagpapaduda at pagwasak.

Ikatlo. Ang kalayaan at ang mga pithayang pantao sapagkat sa Ateismo ay walang sistemang pangkaasalan at panrelihiyon na naglilimita sa kalayaan ng tao at mga pagnanasa niya, kaya naman nagtutuon ang ateista sa mga pagnanasang seksuwal at iba pa sa mga ito at nagtitipon ng yaman at gumugugol nito kung papaano niyang niloob.

Ang kinakailangan sa Muslim ay na hindi maghantad ng sarili niya sa mga tukso. Kailangan sa Kalipunan ng Islām na magkaloob ng makakaya sa pakikipagharapan sa panganib ng Ateismo na magpupuntirya sa Daigdig Islāmiko.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magninilay-nilay ako.

Nagkaila si Paraon sa pagkapanginoon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pagkadiyos Nito at nag-angkin siya para sa sarili niya ng pagkadiyos, pagkatapos ng pagkapanginoon, hanggang sa nang umabot sa kanya ang pagkalunod ay nagsabi siya ng ikinuwento ni Allāh tungkol sa kanya: {hanggang sa nang umabot sa kanya ang pagkalunod ay nagsabi siya: "Sumampalataya ako na walang Diyos kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga Muslim."} (Qur'ān 10:90)

Ano ang mahuhulo mo mula sa āyah hinggil sa nauugnay sa Ateismo?

Inaasahan na magsarisari ang mga tugon ng mga estudyante. Kabilang sa mga anyo ng pagpapatunay ay na ang marami sa mga nagkakaila sa pagkapanginoon ni Allāh at pagkadiyos Niya, kapag dumarating sa kanila ang mga kasawiangpalad, ay sumasampalataya na walang isang iba pa kay Allāh na magliligtas sa kanila mula roon.

Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa kaklase ko.

Makipagtalakayan ka kasama ng mga kaklase mo hinggil sa kairalan ng pagkalitaw ng Ateismo sa lipunan mo, sa pamamagitan ng tatlong bagay:

Ang pagtatakda sa mga anyo ng kairalan nito at saklaw ng pagkalaganap nito.

Ang pagsaliksik sa pinakamahalaga sa mga kadahilanan ng kairalan nito.

Papaano kang susuporta sa mga maalam at mga sentrong Islāmiko na nakikipagharapan sa Ateismo?

Aktibidad 3: Makikipagtulungan ako kasama ng mga kaklase ko.

Sinasabi: "Ang Ateismo ay kaibigan ng kamangmangan." Dahil doon, kabilang sa pinakamahalaga sa mga paraan ng pakikipagharapan sa Ateismo ang pag-alam sa mga ideya ng mga ateista at mga istilo nila sa kontemporaryong reyalidad natin. Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa isang programang pang-edukasyon kaugnay roon. Maaari kayong makinabang sa mga sumusunod na aklat, na nariyan sa internet:

ang aklat na Al-Ilḥād Lilmubatidi'īn (Ang Ateismo Para sa mga Tagapagsimula), aklat ni Hishām `Azmīy;

ang aklat na Milīshyā Al-Ilḥād (Ang Milisya ng Ateismo), akda ni `Abdullāh Al-`Ujayrīy.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Nakasalalay ang Ateismong siyentipiko sa pagpapatupad sa mga matandang pilosopiya.

2. Ang agnostiko ay hindi tumitiyak sa kairalan ng isang diyos na tagalikha ng Sansinukob.

Nagkakasang-ayon ang lahat ng mga ateista sa pagkakaila sa kairalan ni Allāh.

Lumitaw ang bagong Ateismo magmula humigit-kumulang dalawampung taon.

Nangangailangan ang Ateismo sa kontemporaryong reyalidad natin ng mag-aanyaya tungo sa mga ideya nito.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang Ateismo na nakasalalay sa pagdakila sa siyensiyang eksperimental ay:

(ang Ateismong pilosopiko - ang Ateismong siyentipiko - ang Ateismong absuluto).

Ang Ateismong dinudulugan ng ateista para makalabas sa presyon ng reyalidad ay:

(ang Ateismong pilosopiko - ang Ateismong sikolohikal - ang Ateismong siyentipiko).

Kabilang sa mga antas ng Ateismo:

(ang pagtigil sa pananampalataya kay Allāh - ang pananampalataya sa ilan sa mga sugo - ang pananampalataya sa mga propeta bago ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)).

Kabilang sa mga kadahilanan ng tunggalian sa pagitan ng mga alagad ng kaalaman at iglesya:

(ang pilosopiyang Marksismo - ang modernong sekularismo - ang mga makaagham na pagkatuklas).

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ipaliwanag mo ang pinapakay ng Ateismo.

Ipaliwanag mo ang tatlong kadahilanan ng pagkasadlak ng Ilan sa mga Muslim sa Ateismo.

Paigsiin mo ayon sa istilo mo ang mga tatak ng bagong Ateismo.

Magmungkahi ka ng isang kaparaanan sa pakikipagharapan sa mga ideya ng Ateismo sa lipunan mo.

2. Ang Pakikitungo sa mga Kontemporaryong Maling Akala

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagpakahulugan ka sa mga kadahilanan ng paglaganap ng mga maling akala;

2. makapag-isa-isa ka sa mga tuntunin ng pagsanggalang laban sa mga maling akala;

3. makapag-ugnay ka sa pagitan ng mga mass media at bilis ng paglalako ng mga maling akala;

4. makapagsadamdamin ka sa panganib ng mga maling akala sa lipunang Muslim;

5. makapagbigay-babala ka laban sa mga maling akala.

Aktibidad na Pang-umpisa

Nanumpa ang demonyo sa harapan ni Allāh na magsumikap siya sa pagpapalisya sa mga anak ni Adan sapagkat nagsabi siya: {Pagkatapos talagang pupunta nga ako sa kanila sa harapan nila at sa likuran nila at sa dakong mga kanan nila at sa dakong mga kaliwa nila.} (Qur'ān 7:17)

Ang demonyo ay may dalawang paraan sa pagliligaw ng mga tao:

Una. Ang paggayak ng mga pagnanasa sa kanila;

Ikalawa. Ang pagpapaduda at ang pagpukaw ng mga maling akala.

Ang mga Paraan ng Pagsanggalang Laban sa mga Maling Akala

Ang Tinutukoy ng Maling Akala

Ang mga Kadahilanan ng Paglaganap ng mga Maling Akala

Ang Pagsanggalang Laban sa mga Maling Akala

Ang Pakikipagharapan sa mga Maling Akala

Una. Ang Tinutukoy ng Maling Akala

Ang mga maling akala ay ang mga propaganda na ninanais sa pamamagitan ng mga ito ang pagpapaduda sa katumpakan ng Islām, aklat nito, at mensahe ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang mga maling akalang ito ay ibinubuga ng mga kaaway ng Islām magmula ng paglitaw nito subalit ang mga ito ay lumaganap sa modernong panahon.

Ikalawa. Ang mga Kadahilanan ng Paglaganap ng mga Maling Akala at ang Pagkaapekto sa mga Ito sa Modernong Panahon

Ang Paghahari ng Kulturang Kanluranin

Ang kabihasnang kanluranin ay nagkaroon ng pangunguna sa modernong Daigdig sa mga larangang pang-agham, pangkultura, at iba pa sa mga ito. Ito ay nagdadala ng mga ideyang pang-ateismo, pangsekularismo, at mapangaway sa Islām.

Naapektuhan nga ang ilan sa mga Muslim ng mga ideyang iyon, lalo na ang mga nag-aral sa mga pamantasang kanluranin. Umalalay roon ang pagkasilaw sa pagsulong na makaagham kasabay ng kamangmangan sa mga katotohanan ng Islām at pagtugon sa mga maling akala tungkol dito.

Ang Kadalian ng Pagpapalaganap ng mga Maling Akala

Namumukod ang panahong ito sa kadalian ng pagpapaabot ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga satellite channel, mga pelikula, at network ng internet at taglay nito na mga website at mga social media. Gumamit nga ang mga kaaway ng Islām ng mga kaparaanang iyon sa pagpapalaganap ng mga maling akala nila, lalo na at sila ay kumukontrol sa higit na marami sa mga ito.

Ang Pagsasakapangyarihan ng mga Pagnanasang Ipinagbabawal

Kapag nagsakapangyarihan ang mga pagnanasa sa puso, mahihilig ang tao sa kabulaanan, maniniwala siya rito, at malalayo siya sa katotohanan at kapahayagan na nag-uutos sa kanya ng pagwaksi ng mga pagnanasa at pananatili sa mga kaasalan at mga etiketa.

Sumunod nga ang ilan sa mga Muslim sa mga pagnanasa nila hanggang sa nasikipan sila sa mga katuruan ng Islām at umepekto sa kanila ang mga maling akala hanggang sa nasadlak sila sa Ateismo, nagkaila sila sa mga bagay na napagtibay sa Sharī`ah, at nagmaliit sila sa pumapatungkol dito, tulad ng ḥijāb ng babae, pagbabawal ng ilan sa mga pauna ng mga kahalayan, at pagpapaduda sa pagbuhay at pagtutuos matapos ng kamatayan.

Ikatlo. Ang mga Kaparaanan ng Pagsanggalang Laban sa mga Maling Akala

Upang hindi masadlak ang Muslim sa mga maling akala, kailangan sa kanya na magpatibay ng puso nya at isip niya laban sa mga ito, gaya ng sinasabi ng mga manggagamot: "Ang pag-iingat ay mainam kaysa sa paglulunas." Kabilang sa mga kaparaanan ng pagsanggalang laban sa mga maling akala ang sumusunod:

1. Ang Pagpapatulong kay Allāh

Gaya ng pagdalangin kay Allāh ng katatagan sa Relihiyon. Ito ay ang patnubay sa mga nagpakalalim sa Relihiyon. Nagsabi si Allāh: {"Panginoon namin, huwag Kang magpaliko sa mga puso namin matapos noong nagpatnubay Ka sa amin at magkaloob Ka sa amin ng awa mula sa panig Mo;} (Qur'ān 3:8)

Nagturo nga sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa mga tukso sapagkat ang kabilang sa panalangin niya matapos ng mga ṣalāh: "Magpakupkop kayo kay Allāh laban sa mga tukso: ang nakalitaw sa mga ito at ang nakakubli." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2867. Ang tao ay mahinang napakamangmang maliban sa sinumang ipinagsanggalang ni Allāh.

2. Ang Pagsasabatayan ng Kaalaman

Naisasakatuparan ang pagsasabatayan ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga batayan ng mga kaalamang pang-Sharī`ah tulad ng `aqīdah, fiqh, mga batayan ng fiqh, mga kaalaman sa Qur'ān at Ḥadīth dahil ang mga ito ay mga kaalamang umaalalay sa mag-aaral sa pagtayo ng saligang pangkaalaman na magsasanggalang sa kanya sa pagkaapekto sa mga maling akala.

3. Ang Hindi Pagkahantad sa mga Maling Akala

Ang nakararami sa mga usapin ng Relihiyon ay isinatahasang maliwanag at ang ilan sa mga usapin ay nangangailangan ng dagdag na kaalaman at pag-aaral sapagkat ang mga ito ay kabilang sa mga pinatalinghaga na kailangan ang pagsangguni kaugnay sa mga ito sa mga nagpakalalim na may kaalaman.

Kaya kabilang sa kamalian na mahantad ang hindi mga maalam sa mga maling akala o ang makinig ng mga ito mula sa mga ateista dahil ang hindi mga maalam ay maaaring masadlak sa pagdududa at maapektuhan ng mga maling akalang iyon. Nagsabi si Allāh: {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan – na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat – at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.} (Qur'ān 7:3)

Ikaapat. Ano ang gagawin mo kung nahantad ka sa isang maling akala?

Sa kabila ng paggamit ng mga paraan ng pag-iingat gayon pa man, ito ay hindi nagsasara sa pinto ng mga maling aklat nang lubusan. Kaya kung nahantad ka sa mga maling akala o pumukol ang demonyo sa iyo ng ilan sa mga pagdududa, kailangan sa iyo ang gumawa ng sumusunod:

1. Ang Pagsangguni sa mga Alagad ng Kaalaman

Ibig sabihin: Ang pagtatanong sa mga may kaalamang pang-Sharī`ah tungkol sa mga maling akalang ito. Ito ay kabilang sa mga bagay na nagkasang-ayon sa mga ito ang mga mapag-unawa. Ang mga may pagpapakadalubhasa ay higit na maalam at higit na nakakakaya kaysa sa kanila sa pag-unawa sa mga maling akalang ito. Nag-utos nga si Allāh niyon sapagkat nagsabi Siya: {Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 16:43)

2. Ang Pagpapakalawak na Pangkaalaman

Kung ang Muslim ay nagmamay-ari ng edukasyon at pagsasabatayang pangkaalaman sa mga kaalaman ng Sharī`ah, maaari sa kanya na magpakalawak sa kaalaman sa pamamagitan ng sumusunod:

Ang pag-aaral ng mga patunay na pang-iniisip at pang-ipinaabot sa mga batayan ng paniniwala, tulad ng kairalan ni Allāh at kaisahan Niya, katumpakan ng Marangal na Qur'ān, at pagkapatibay sa pagkapropeta ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang pag-aaral ng mga aklat na nauugnay sa mga maling akala at pagtugon sa mga ito.

Ang pakikinabang sa mga panayam at mga debate ng mga maaalam na nagpakadalubhasa.

Ang pag-alam sa mga istilo ng mga tagapagpaduda at mga paraan nila sa paglalahad ng mga maling akala nang sa gayon hindi maapektuhan sa mga ito.

3. Ang Pagpapalakas sa Pananampalataya at ang Pagpapatibay sa Katiyakan

Nangangailangan ang sinumang nahahantad sa mga maling akala sa pagpapalakas ng pananampalataya niya at pagdagdag sa katiyakan niya sa katumpakan ng Islām at katapatan ng Propeta nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Dahil doon, nararapat sa kanya na magsagawa siya ng sumusunod:

Ang pagpaparami ng panalangin, ṣalāh, pagbabasa ng Qur'ān nang may pagninilay-nilay, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga pagtalima na nagdadagdag ng pananampalataya, nag-uugnay sa tao sa Panginoon niya at Aklat Nito, at umaalalay sa katatagan sa Relihiyon ni Allāh. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: "Nagbaba nito ang Espiritu ng Kabanalan mula sa Panginoon mo kalakip ng katotohanan upang magpatatag siya mga sumampalataya at bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim."} (Qur'ān 16:102)

Ang pag-iisip-isip sa mga pansansinukob na āyah ni Allāh sapagkat tunay na sa mga ito ay may mga katunayang nagpapalakas ng katiyakan sa katumpakan ng Qur'ān at mga batayan ng Relihiyon. Nagsasabi si Allāh tungkol sa mga mananampalataya: {at nag-iisip-isip sa pagkalikha sa mga langit at lupa, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, hindi Ka lumikha nito nang walang-saysay. Kaluwalhatian sa Iyo, kaya magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.} (Qur'ān 3:191) Nagsasabi rin Siya: {Magpapakita Kami sa kanila ng mga tanda Namin sa mga abot-tanaw at sa mga sarili nila hanggang sa luminaw para sa kanila na ito ay ang katotohanan.} (Qur'ān 41:53)

Ang pag-alam sa mga kuwento ng mga bagong Muslim at kung papaanong pumasok sila sa Islām ayon sa pagkakumbinsi sa kabila ng pagkasarisari ng mga espesyalisasyon nila at pagkakaiba-iba ng mga bayan nila.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbabasa ako at hahango ako.

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami noon ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo)." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2140. Sa pakikilahok sa dalawa sa mga kaklase mo, basahin mo ang ḥadīth, pagkatapos

2. makapag-isa-isa ka sa mga tuntunin ng pagsanggalang laban sa mga maling akala;

Ang Pangungunyapit kay Allāh at ang Paghiling sa Kanya ng Katatagan sa Relihiyon

Linawin mo ang kaugnayan sa pagitan ng puso at pagtanggap sa mga maling akala o pagtanggi sa mga ito.

Kapag ang puso ay malakas ang pananampalataya at nasa katiyakan sa kairalan ni Allāh at kakāyahan Niya, tunay na ito ay nakakakaya sa pagharap sa mga maling akala. Kapag naman ang puso ay mahina ang pananampalataya, na hindi nakatitiyak sa kairalan ng Tagalikha, tunay na ito ay mabilis ang pagdududa at nagpapaapekto sa mga maling akala.

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako sa dalawang saloobing ito.

Dumaing si Ibnu Al-Qayyim sa shaykh niyang si Ibnu Taymiyah ng isang maling akala saka tumugon naman ito roon, pagkatapos dumaing pa siya ng isa pang maling akala. Naulit-ulit iyon kaya nagsabi sa kanya si Ibnu Taymiyah: "Huwag kang gumawa sa puso mo para sa mga paratang at mga maling akala tulad ng espongha para sumipsip ng mga ito sapagkat hindi ito napapawian ng uhaw kundi sa pamamagitan ng mga ito, subalit gawin mo ito gaya ng salaming madulas: daraan ang mga maling akala sa ibabaw nito at hindi titigil ang mga iyon dito sapagkat makakikita ito sa mga iyon dahil sa kalinawan nito at magtutulak ito sa mga iyon dahil sa katigasan nito."

Si Imām Mālik, kapag pinuntahan siya ng isa sa mga sunud-sunuran sa mga pithaya at bumanggit ito sa kanya ng isang maling akala, ay nagsasabi rito: "Tunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Relihiyon ko samantalang ikaw naman ay nagdududa kaya pumunta ka sa isang nagdududang tulad mo saka makipag-alitan ka sa kanya."

Ano ang mahuhulo mo mula sa dalawang saloobing ito sa metodolohiya ng pakikitungo sa mga maling akala?

Ang hindi paghahanap ng mga maling akala.

Ang hindi pakikipagdebate sa mga pumupukaw ng mga maling akala.

Aktibidad 3: Mag-iisip ako at sasagot ako.

Kabilang sa mga paraan ng pagsanggalang laban sa mga maling akala: ang pag-aaral ng mga kaalamang pang-Sharī`ah. Sa pamamagitan niyon, tugunin ang sumusunod:

Ano ang saklaw ng pagpapahalaga sa mga kaalamang pang-Sharī`ah sa lipunan mo?

Ano ang pinakamabisang asignatura na maituturing mo na ito ay magpapakinabang sa pagtugon sa mga maling akala at bakit?

Maglagay ka ng isang programa ng pagdagdag sa pagtamo sa asignaturang pang-Sharī`ah na ito.

Aktibidad 4: Magsasaalaala ako at magkukuwento ako.

Bumanggit ka ng isang kuwento mula sa mga kuwento ng mga bagong Muslim na nabasa mo o nasaksihan mo at nagkaroon ng isang malaking epekto sa katatagan ng puso at pagkadagdag ng pananampalataya at katiyakan na ang Islām ay ang totoo.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Ang mga salaysay at ang mga pelikula ay walang kaugnayan sa pagpapalaganap ng mga maling akala.

2. Ang talumpating pampag-aanyaya ay may isang malaking kahalagahan sa pagpapatibay ng katiyakan.

3. Ang pagsasabatayang pangkaalamang pang-Sharī`ah ay pumipigil sa pagpapaapekto sa mga maling akala.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Tumatabing sa puso laban sa pagkakita ng katotohanan kaya nawawalang-kakāyahan ito sa pagtugon sa mga maling akala:

(ang mga pagnanasang ipinagbabawal - ang pagtatamad-tamaran sa mga kusang-loob na dasal - ang pagpigil sa kawanggawa).

Kabilang sa mga kaparaanan ng pagkadagdag ng katiyakan:

(ang pagpapakahigpit sa Relihiyon - ang pagkatuto ng pilosopiya at lohika - ang pag-iisip sa mga tanda ni Allāh).

Kabilang sa mga paraan ng pagsanggalang laban sa mga maling akala:

(ang paglalaan ng sarili sa pagbabasa ng mga aklat ng mga ito - ang hindi paghantad sa mga ito - ang pakikipagdebate sa mga tagapalaganap ng mga ito).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang pagdalangin ng katatagan sa Relihiyon.

Ang kahalagahan ng pag-iisip-isip para sa pagpapatibay ng katiyakan.

Ang pagkakinakailangan ng pagsangguni sa mga alagad ng kaalaman.

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Papaano naisasakatuparan ang pangkaalamang pagpapakalawak para sa sinumang nahahantad sa mga maling akala?

Magbuod ka ng mga paraan ng pagpapalaganap ng mga maling akala sa modernong panahon.

Magsulat ka ng isang liham sa limang linya sa isang kaibigang nahantad sa isa sa mga maling akala.

3. Ang Kairalan ni Allāh at ang Pagtatakda ng Kasamaan,

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makahango ka ng patunay sa kairalan ni Allāh sa pamamagitan ng kapahayagan at naturalesa;

2. makapagpatunay ka sa kairalan ni Allāh sa pamamagitan ng mga patunay na pang-isip;

3. makatugon ka sa sinumang nagkakaila sa kairalan ni Allāh dahilan sa kairalan ng kasamaan;

4. makapaglinaw ka sa kasanhian ng kairalan ng kasamaan;

5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pag-aaral sa mga tugon sa mga maling akala.

Aktibidad na Pang-umpisa

Nakipagtalakayan ang ilan sa mga tao kay Imām Abū Ḥanīfah kaugnay sa kairalan ni Allāh, kaya nagsabi siya sa kanila: "Magpabatid nga kayo sa akin tungkol sa isang daong na naglalayag; saka napupuno ng pagkain, bagahe, at iba pa rito sa sariling pagkukusa nito, umuuwi sa sariling pagkukusa nito, saka nag-aangkla sa sariling pagkukusa nito, nagdidiskarga at umuuwi. Ang lahat ng iyon ay walang nangangasiwang isa man." Kaya nagsabi sila: "Ito ay imposible, hindi maaari kailanman!" Kaya nagsabi siya sa kanila: "Kapag ito ay naging imposible sa isang daong, papaano na sa daigdig na ito sa kabuuan nito, kaitaasan nito, at kababaan nito?"

Papaano maaaring magpabula sa sinumang nagkakaila sa kairalan ni Allāh mula sa pananalita ni Imām Abū Ḥanīfah?

_________________________________________

Talaga ngang pumukaw ang mga ateista ng isang bilang ng mga maling akalang nauugnay sa kairalan ni Allāh, mga katangian Niya, at mga gawain Niya. Tatalakay tayo sa araling ito ng mga patunay ng kairalan ni Allāh at pagtatakda Niya (napakataas Siya) ng kasamaan.

Ang Pagkakaila sa Kairalan ni Allāh (Napakataas Siya)

Mayroong maraming patunay na tumutugon sa mga ateista at nagpapatibay sa kairalan ni Allāh. Kabilang sa mga ito:

Una. Ang mga Patunay ng Kapahayagan

Ang bawat pinababa ni Allāh mula sa mga kasulatan at mga batas ay kabilang sa mga katunayan ng kairalan Niya, kaalaman Niya, at karunungan Niya yayamang ang mga ito ay nagsaayos ng buhay ng tao at nagpalaganap ng kabutihan sa gitna ng mga tao.

Ang mga ito rin ay naglaman ng mga maliwanag na teksto sa kairalan Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Kabilang sa mga ito ang sabi Niya: {Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 7:54)

Ikalawa. Ang Patunay ng Naturalesa

Nagpapatunay ang naturalesang pantao sa kairalan ng Tagalikha (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Iyon ay mula sa dalawang dako:

Ang Unang Dako. Ang pagkakaalam na pangunahing natatamo ng buong sangkatauhan ay hindi nila natutuhan sa isang paaralan at ipinanganak lamang kasabay nila gaya ng pagkakaalam na ang bahagi ay higit na maliit kaysa sa buo. Ang mga pagkakaalam na ito ay pinanghahanguan ng patunay sa kairalan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).

Ang Ikalawang Dako. Ang pangangailangan sa isang dakilang makapangyarihang diyos, na nararamdaman ng bawat tao at lumilitaw iyon sa sandali ng mga kasawiangpalad yayamang dumudulog ito kay Allāh at nagpapasaklolo sa kanya, maging ito man ay isang mananampalataya o hindi isang mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat.} (Qur'ān 17:67)

Ikatlo. Ang mga Patunay ng Pag-iisip

Ang Kairalan ng mga Nilikha

Ang Sansinukob at ang anumang narito na mga nilikha ay isang nangyayari. Ang bawat nangyayari ay hindi makaiiwas para rito sa isang tagapagpangyari. Ang Tagapagpangyari at ang Tagalikha ay si Allāh. Ito ang inaamin ng taong nakikipagsang-ayunan sa naturalesa niya yayamang nakasasapat sa kanya ang pagtingin sa Sansinukob at mga nilikha. Nagsabi si Allāh: {O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?} (Qur'ān 52:35)

Tunay na ang mga nilikhang ito ay maaari na ang mga ito ay pinairal dahil sa isang pagkakataon (chance) na walang kadahilanan – at ito ay imposible sa alinsunod sa kadakilaan ng Sansinukob na ito, kaeksaktuhan ng sistema nito, karikitan ng pagpapasimula rito, at pagkilos nito na palagian na nangangailangan ng pangangalaga – at maaari na ang mga nilikhang ito ay nagpairal nga ng sa mga sarili ng mga ito – at ito ay imposible rin dahil ang bagay ay hindi lumilikha ng sarili nito sa pamamagitan ng sarili nito sapagkat tunay na ito bago ng pag-iral nito ay isang wala, kaya papaano itong magiging isang tagalikha?

Kaya naman walang natutumpak kundi ang magsabi na mayroong isang Diyos na Tagalikha ng Sansinukob na ito. Ito ay ang naintindihan ng isang matandang lalaking Arabeng-disyerto. Tinanong nga siya: "Papaano kang nakakilala sa Panginoon mo?" Kaya nagsabi siya: "Ang dumi ng kamelyo ay nagpapatunay sa kamelyo. Ang bakas ay nagpapatunay sa paglalakbay. Kaya may langit na may mga kumpulan ng mga bituin, may lupa na may mga daanang maluwang, at mga dagat na may mga alon. Hindi ba nagpapatunay ang mga ito sa [Diyos na] Madiniging Nakakikita?"

Ang Patunay ng Pagkahusay

Ang tinutukoy rito ay na ang lahat ng nasa Sansinukob ay umabot sa sukdulan sa kagandahan ng pagkalikha at kalubusan ng pagkayari kaya hindi maaari para sa tao na lumikha ng tulad ng mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Dakila na nagsasabi tungkol sa sarili Niya: {na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya ng paglikha ng tao mula sa putik.} (Qur'ān 32:7)

Ang Maling Akala sa Kairalan ng Kasamaan sa Sansinukob

Humahango ang mga ateista ng patunay sa kairalan ng mga kasamaan at mga sakuna sa Daigdig sa kawalan ng kairalan ng Diyos o sa kakulangan ng kalubusan Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) yayamang nag-angkin sila na kung sakaling may isang diyos daw ng Sansinukob, talaga sanang hindi nangyari ang mga sakunang iyon na pumapatay ng mga inosente; at kung sakaling totohanang ang Sansinukob ay nagkaroon ng isang diyos, siya ay isang diyos na hindi maawain dahil siya ay nagpapabaya sa kawalang-katarungan at mga kasamaan na nangyayari sa Sansinukob.

Ang pagtugon doon ay sa pamamagitan ng ilang punto:

Hindi naaangkop sa pagkaunawa ang pagsalig sa usapin ng kasamaan sa pagkakaila sa kairalan ni Allāh sapagkat tunay na mayroong maraming patunay sa kairalan ni Allāh. Kaya kapag napagtibay natin ang kairalan ni Allāh, hindi magpapawalang-saysay rito ang kairalan ng maling akalang iyon na nauugnay sa isang katangian kabilang sa mga katangian Niya.

Ang nangangatwiran ng usapin ng kasamaan ay malayo sa pagsasakonseptong Islāmiko ng buhay ng tao, na gumawa sa pamumuhay sa Mundo bilang isang maikling yugto, na naghahatid sa tao sa buhay na tunay at namamalagi sa Kabilang-buhay. Nagsabi si Allāh: {Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam.} (Qur'ān 29:64) Kaya ang anumang ipinagdusa ng tao sa Mundo ay gagantihan sa kanya ni Allāh ng kabutihan sa Kabilang-buhay.

Ang naapi na nagtitiis ay makatatagpo ng makailang ulit niyon na gantimpala at ang nang-aapi ay makatatagpo ng parusa sa kanya sa Araw ng Pagbangon.

Ang nagmamasama sa kairalan ng kasamaan ay nagkakamali sa pagsasakonsepto niya sa buhay na pangmundo sapagkat si Allāh ay nagpabatid na ang Mundo ay tahanan ng pagsubok at pagod. Nagsabi si Allāh: {Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo.} (Qur'ān 21:35)

Ang nakikita ng tao bilang kasamaan ay maaaring maging higit na angkop sa kalagayan niya sa ilan sa mga kalagayan kaysa sa kabutihan. Nagsabi si Allāh: {6. Aba'y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis 7. dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.} (Qur'ān 96:6-7)

Tunay na si Allāh ay hindi lumilikha ng isang lantay na kasamaan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang kabutihan sa kabuuan nito ay nasa mga kamay Mo. Ang kasamaan ay hindi nauugnay sa iyo.} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 771. Ang mga kasamaan ay mga aspeto ng kabutihan, kahit pa nakubli sa ilan sa mga tao. Ang karamdaman ay nasusundan ng imunidad, ang pagkadama ng sakit ay nagpapalago ng lakas ng pagbata, at ang gayon.

Ang kabutihan ay ang madalas sa Mundong ito sapagkat ang kalusugan ay higit na marami kaysa sa karamdaman, ang kagalingan at ang katiwasayan ay higit na marami kaysa sa mga krimen, mga lindol, mga baha, at tulad ng mga ito.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makikilahok ako at magsasaliksik ako.

Ibinibilang "ang patunay ng pangangalaga at sistema" na kabilang sa pinakamahalaga sa mga patunay ng kairalan ni Allāh sapagkat nagpanatili si Allāh sa Sansinukob sa isang sistemang eksaktong tumpak.

Ito ang tinukoy ni Imām Abū Ḥanīfah sa kuwento na binanggit natin sa simula ng aralin.

Kabilang sa nagpapatunay niyon ay ang sabi ni Allāh: {Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.} (Qur'ān 36:40)

Aktibidad 2: Maghahango ako.

Hanguin mo mula sa mga sumusunod na teksto ang pinatutunayan mula sa mga katunayan sa kairalan ni Allāh.

Ang Teksto

{talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.} (Qur'ān 95:4)

{49. Nagsabi ito: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa, O Moises?" 50. Nagsabi siya: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng kaanyuan nito, pagkatapos nagpatnubay."} (Qur'ān 20:49-50)

{Ang araw at ang buwan ay ayon sa pagtutuus-tuos.} (Qur'ān 55:5)

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang sanggol malibang ipinanganganak sa naturalesa ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1358 at Imām Muslim: 2658).

Ang Ipinahihiwatig

Ang Patunay ng Pagkahusay

Ang Patunay ng Paglikha

Ang Patunay ng Pangangalaga

Ang Patunay ng Naturalesa

Aktibidad 3: Mag-uugnay ako at magsasaalaala ako.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hinggil sa daong, iyon ay pag-aari ng mga dukhang nagtatrabaho sa dagat. Kaya nagnais akong puminsala niyon, sa hulihan nila ay may haring nangunguha ng bawat daong bilang pangingikil.} (Qur'ān 18:79) Ayon sa liwanag ng āyah, tugunin mo ang sumusunod:

Papaano kang hahango ng patunay sa āyah na ito kaugnay sa usapin ng pagtatakda ni Allāh ng kairalan ng kasamaan.

Ang nakikita ng tao bilang kasamaan ay maaaring maging higit na angkop sa kalagayan niya sa ilan sa mga kalagayan kaysa sa kabutihan.

Magsulat ka ng isang senaryo na ipinagpapalagay mo na isang kasamaan para sa iyo, pagkatapos lumitaw matapos niyon na ito naman ay naging mabuti.

Aktibidad 4: Magbabasa ako at maglalahad ako.

Tinalakay ng mga aklat at maraming artikulong pangkaalaman ang pagpapatibay sa kairalan ni Allāh at ang pag-aaral sa usapin ng kasamaan.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, alamin mo ang isa sa mga aklat na ito at isulat mo ang pinakamahalaga sa katuturang nahango mo mula sa mga ito, pagkatapos ilahad mo ito sa mga kaklase mo. Kabilang sa mga mahusay na aklat hinggil dito ang aklat na ang Shumū` An-Nahār, na akda ni `Abdullāh Al-`Ujayrīy at ang aklat na Mushkilah Ash-Sharr Wa Wujūd Allāh (Suliranin ng Kasamaan at Kairalan ni Allāh), na akda ni Sāmī `Āmirīy.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Natangi ang Qur'ān sa pagbanggit ng patunay ng naturalesa sa kairalan ni Allāh.

2. Nagpapatunay ang sabi ni Allāh na: {O nilikha sila ng hindi isang anuman*} sa patunay ng pangangalaga.

Hindi nauugnay ang usapin ng kairalan ng kasamaan sa pagkakaila sa kairalan ni Allāh.

Nagkakaiba-iba ang mga tao sa pagbibigay-halaga sa kaugnayan ng kasamaan at pagbubukod dito sa kabutihan.

Iniuugnay ang kasamaan sa mga nilikha at hindi ito inuugnay kay Allāh.

PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Hinusayan ni Allāh ang paglikha sa tao.

Ang pangangalaga ni Allāh sa Sansinukob.

Ang lantay na kasamaan ay hindi inuugnay kay Allāh.

Si Allāh ay sumusubok sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng kairalan ng kasamaan.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Magpatotoo ka sa pamamagitan ng mga patunay na pang-isip sa kairalan ni Allāh.

Papaano nagpapatunay ang naturalesa sa kairalan ni Allāh?

Magbigay-linaw ka sa dalawang tugon mula sa mga tugon sa paghahango ng patunay ng mga ateista sa kairalan ng kasamaan sa pagkakaila sa kairalan ni Allāh.

4. Ang Pagpapatibay sa Katumpakan ng mga Pagkapropeta

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

3. makahango ka ng patunay sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bago ng pagsusugo sa kanya;

2. makahango ka ng patunay sa pagpapatibay sa pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);

3. makatugon ka sa maling akala ng pagkatangi ng Gitnang Silangan sa mga propeta;

4. makapagpahayag ka sa pagmamarangal mo at pag-ibig mo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Nagpapaduda ang mga kaaway ni Allāh sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magmula ng pag-anyaya Niya sa mga mamamayan ng Makkah at hanggang sa ngayon/ Nagpatibay nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa katapatan niya sa buhay niya, kaya naman sumampalataya sa kanya ang higit na marami sa mga nagpaduda sa pagkapropeta niya. Pagkatapos nagsagawa ang mga maalam, sa paglipas ng mga panahon, ng paglilinaw sa mga katunayan ng pagkapropeta niya sa mga aklat at mga okasyong walang takda.

Ang mga Patunay sa Pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

1. Ang Katapatan ng Propeta Bago ng Pagsusugo sa Kanya

Tunay na ang pag-amin ng liping Quraysh sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagkamapagkakatiwalaan niya ay isang bagay na tumanyag sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagtipon siya sa kanila upang magpaabot ng mensahe ng Panginoon niya, ay nagsabi sa kanila: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling nagpabatid ako sa inyo na may mga kabayo sa lambak na nagnanais na sumalakay sa inyo, kayo ba ay mga maniniwala sa akin?" Nagsabi sila: "Oo; wala kaming nasubukan sa iyo kundi katapatan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4770 at Imām Muslim: 208).

Nagbigay-diin nga si Abū Sufyān (malugod si Allāh sa kanya) niyon nang tinanong siya ni Heracleus: "Kayo ba noon ay nagpaparatang sa kanya ng pagsisinungaling?" Nagsabi si Abū Sufyān: "Hindi." Kaya nagsabi si Heracleus: "Hindi naging ukol na magwaksi siya ng pagsisinungaling sa mga tao at magsinungaling kay Allāh." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7 at Imām Muslim: 1773. Ang sinabi ni Heracleus ay ibinibilang na isang patunay na pang-isip na maliwanag sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

2. Ang Marangal na Qur'ān.

Tunay na ang Marangal na Qur'ān ay pinakamalakas na patotoo sa katapatan ng pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sa kabila na siya ay isang iliterato (hindi nakababasa at hindi nakasusulat), gayon pa man siya ay naghatid ng Qur'ān habang naghahamon sa sangkatauhan na maglahad ng tulad niyon o ng sampung sūrah na tulad niyon o iisang sūrah, ngunit nawalang-kakāyahan sila niyon.

Gayon din ang nilaman ng Marangal na Qur'ān na mga patunay ng katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga ito ay maraming patunay, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:

Ang pagpapabatid nito tungkol sa mga kuwento ng mga kalipunan at mga propetang nauna, na hindi nagpasinungaling dito ang isa man sa ipinabatid nito.

Naglaman ang Marangal na Qur'ān ng mga propesiya tungkol sa mga pangyayaring magaganap sa hinaharap at nangyari nga ang mga ito talaga, tulad ng pagwawagi ng Bizancio sa Persiya. Nagsabi si Allāh: {2. Nadaig ang Bizancio. 3. sa pinakamalapit na lupain. Sila, matapos na ng pagkadaig sa kanila, ay mananaig 4. sa tatlo hanggang siyam na taon. Sa kay Allāh ang pag-uutos bago pa niyan at matapos na niyan. Sa araw na iyon ay matutuwa ang mga mananampalataya} (Qur'ān 30:2-4)

Ang nabanggit ng Marangal na Qur'ān na mga himalang pisikal, tulad ng sabi ni Allāh: {Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan.} (Qur'ān 54:1) Hindi tumutol dito ang mga tagatangging sumampalatayang nakapanahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang paghihintay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbaba ng kasi nang sa gayon magpabatid ito sa kanya ng mga bagay-bagay na mahalaga, tulad ng nang nangyari sa kuwento ng paninirang-puri.

3. Ang Pagpapabatid ng mga Propeta Tungkol sa Pagpapadala sa Kanya

May nasaad nga na mga propesiya tungkol sa pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Bibliya. Tumukoy nga ang Marangal na Qur'ān ng ilan sa mga ito. Nagsabi si Allāh: {na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato, na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah at Ebanghelyo,} (Qur'ān 7:157) Nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya) tungkol kay Jesus – sumakanya ang pangangalaga: {at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad."} (Qur'ān 61:6) May pumasok ngang isang bilang ng mga Kristiyano at mga Hudyo sa Islām dahilan sa mga propesiyang iyon.

Ang Kairalan ng mga Propeta sa Gitnang Silangan

Nagpapaduda ang mga ateista sa paniniwala sa pagkapropeta sapagkat nag-aangkin sila na ito ay hindi kailangan para sa lahat ng mga tao ayon sa patunay na ang mga propetang nababanggit sa Bibliya at Qur'ān ay lahat sila mula sa rehiyon ng Gitnang Silangan lamang.

Ang sagot doon ay ang sumusunod:

Ang Una. Ang pangkalahatang batayan na sinasampalatayanan natin ay ang sinabi ni Allāh: {Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala} (Qur'ān 35:24) Ang lahat ng mga kalipunan ay pinadalhan ng mga propeta. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos." Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na nagindapat sa kanya ang kaligawan.} (Qur'ān 16:36)

Ang Ikalawa. Bahagi ng awa ni Allāh at katarungan Niya na Siya ay hindi nagdudulot ng pagdurusa sa isa man malibang matapos ng paglalatag ng katwiran sa kanya. Kaya ang sinumang hindi inabot ng paanyaya ng mga sugo, hindi dudulutan ni Allāh ng pagdurusa gaya ng sinabi Niya: {Hindi Kami magdudulot ng pagdurusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo.} (Qur'ān 17:15)

Ang Ikaapat. Tunay na ang pagkakaila sa kairalan ng mga propeta sa labas ng rehiyon ng Gitnang Silangan ay walang patunay roon, kaya naman hindi natitiyak ang pagtitiyak na ang lahat ng mga propeta at mga sugo ay mga limitado sa iisang rehiyon.

Ang Ikaapat. Tunay na ang kairalan ng mga propeta sa Gitnang Silangan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kairalan nila sa iba pa rito na mga lugar ng Mundo. Dahil doon, nagsabi si Allāh kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga propeta: {Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo.} (Qur'ān 40:78)

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako at magsasaliksik ako.

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may maraming himala. Ayon sa liwanag niyon, makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa paglilinaw ng:

tatlong himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na iba pa sa binanggit sa aralin.

Papaano kang tutugon, sa pamamagitan ng mga himalang ito, sa pagpapaduda sa pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at hahango ako ng patunay.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo.} (Qur'ān 94:4) Papaano kang hahango ng patunay sa āyah na ito sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?

Nagpabatid nga ang Marangal na Qur'ān niyon bago ng labing-apat na siglo. Ito ay nangyari nga talaga. Ang pangalan ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamadalas sa mga tao sa pagkakabanggit sa buong Daigdig sa pamamagitan ng adhān ng ṣalāh sa bawat lugar sa Daigdig.

Aktibidad 3: Maghuhulo ako:

Tinanong ng isa sa mga pinuno ng liping Quraysh si Abū Lahab tungkol sa pananaw niya sa narinig niya mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito sa kanya: "Ano ang pananaw mo sa narinig mo mula kay Muḥammad?" Nagsabi naman siya: "Ano ang narinig ko? Nagtunggalian kami at ang angkan ng `Abdumanāf sa karangalan: nagpakain sila kaya nagpakain kami, nakipagdigma sila kaya nakipagdigma kami, at nagbigay sila kaya nagbigay kami hanggang sa nang nagkadikitan kami sa tagisan habang kami ay gaya ng dalawang kabayo ng karera, nagsabi naman sila: 'Mula sa amin ay isang propeta na pinupuntahan ng kasi mula sa langit,' kaya kailan pa mahahabol ito? Sumpa man kay Allāh, hindi kami sasampalataya sa kanya magpakailanman at hindi kami maniniwala sa kanya."

Makipagtalakayan ka kasama ng mga kaklase mo kaugnay sa kuwentong ito. Maglinaw ka kung ano ang mahuhulo ninyo mula rito.

Ang mga tagapagtambal ng liping Quraysh ay mga nakatitiyak noon sa pagkapropeta ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) subalit pumigil sa kanila ang tribalismong pangkamangmangan sa pagsunod sa kanya.

Aktibidad 4: Magpapahayag ako at aalam ako.

Sa pakikilahok sa mga kaklase mo at sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo,

Magpahayag ka sa limang linya ng pag-ibig mo at pagmamarangal mo kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Alamin mo ang ilan sa mga aklat na nagpahalaga sa paglilinaw sa pagpapatunay sa pagkapropeta. Kabilang sa mga ito ang aklat na: A Fī An-Nubū'ah Shakk? Al-Adillah Al-`Aqlīyah An-Naqlīyah `Alā Nubū'ah Muḥammad (Sa Pagkapropeta Ba ay May Duda? Ang mga Patunay Pang-isip at Pang-ipinaabot sa Pagkapropeta ni Muḥammad), na akda ni Dr. Sāmiyah Al-Badrīy; at ang aklat na: Nubūwah Muḥammad Min Ash-Shakk Ilā Al-Yaqīn (Ang Pagkapropeta ni Muḥammad, Mula sa Pagdududa Hanggang sa Katiyakan), na akda ni Dr. Fāḍil Ṣāliḥ As-Sāmarrā'īy.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

1. Ang katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao ay nagpapatunay sa katapatan niya sa Panginoon niya.

2. Nagtangi ang ilan sa mga kalipunan sa pagkapadala sa kanila ng mga propeta at mga sugo.

3. Naglaman ang Marangal na Qur'ān ng pagpapatibay sa mga pisikal na himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

PANUTO 2: Ano ang mahahango mong patunay sa mga sumusunod na āyah:

{Walang *anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala.} (Qur'ān 35:24)

{Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo.} (Qur'ān 94:4)

{Hindi Kami magdudulot ng pagdurusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo.} (Qur'ān 17:15)

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Kabilang sa nagpapatunay sa pagpapatibay sa pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid ng mga propeta ng pagpapadala sa kanya. Magpaliwanag ka niyon.

Mag-ugnay ka sa pagitan ng katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bago ng pagsusugo at ng pagpapatibay sa pagkapropeta niya.

Papaano kang hahango ng patunay sa paghihimala ng Marangal na Qur'ān sa pagkapropeta ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?

Magbuod ka ng mga tugon sa maling akala sa pagkatangi ng Gitnang Silangan sa pagkapropeta at pagkapadala ng mga sugo.

5. Ang Babae sa Islām

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapaghango ka ng patunay sa mga pagkakahayag ng pagpaparangal sa babae sa Islām;

2. makapaghalimbawa ka ng pagpapaluwag ng Sharī`ah sa babae;

3. makatugon ka sa maling akala ng panghahamak ng Islām sa babae;

4. makapagbigay-halaga ka sa kalagayan ng babae sa Islām;

5. makapagparangal ka sa babae bilang ina, bilang anak, at bilang maybahay.

Aktibidad na Pang-umpisa

Nagkakaiba-iba ang mga lipunan sa paraan ng pakikitungo sa babae. Ayon sa liwanag nito, magmasid ka ng pamamaraan ng pakikitungo sa babae sa lipunan mo, pagkatapos basahin mo ang araling ito nang may malasakit upang makapaghambing ka sa pagitan ng pakikitungo sa babae sa lipunan mo at ng pagpaparangal ng Islām sa kanya.

Ang Babae sa Islām

Ang Pagpaparangal ng Islām sa Babae

Ang Pagpapaluwag ng Islām sa Babae

Ang Maling Akala sa Pagpayag sa Pagpalo sa Babae

Una. Ang Pagpaparangal ng Islām sa Babae

Nagbigay-diin ang Marangal na Qur'ān at ang Pampropetang Sunnah sa pagpaparangal sa babae at naglinaw sa mga karapatan niya at mga patakarang natatangi sa kanya, hanggang sa tunay na may isang buong sūrah mula sa Qur'ān na tinawag na . Sūrah An-Nisā' (Kabanata ng mga Babae). Kabilang sa mga pagkakahayag ng pagpaparangal ng Islām sa babae ay ang sumusunod:

1. Ang Pakikipagpantayan sa mga Lalaki sa Pakikipag-usap ng Kapahayagan

Kinausap ng Islām ang mga lalaki at ang mga babae sa lahat ng mga patakaran ng Sharī`ah at mga pabuya sa mga gawa sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi si Allāh: {Ang anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 16:97) Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga babae ay mga kahati ng mga lalaki." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 236 at Imām At-Tirmidhīy: 7113. Ibig sabihin: Ang mga babae ay tulad ng mga lalaki sa pakikipag-usap ng kapahayagan maliban sa anumang natangi ang bawat isa sa kanila higit sa iba pa.

2. Ang Tagubilin Hinggil sa mga Babae

Nagtagubilin ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Muslim hinggil sa mga babae sapagkat nagsabi siya: "Magpatagubilin kayo hinggil sa mga babae ng kabutihan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3331 at Imām Muslim: 1468.

3. Ang Tagubilin Hinggil sa Ina at ang Kagandahan ng Pakikisama sa Kanya

Nagtagubilin ang Marangal na Qur'ān hinggil sa mga magulang kasama ng pagbanggit ng kalamangan ng ina. Nagsasabi si Allāh: {Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw ng isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan.} (Qur'ān 31:14)

May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa kagandahan ng pakikisama ko?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi siya: "Pagkatapos sino po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang ina mo." Nagsabi siya: "Pagkatapos sino po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang ina mo." Nagsabi siya: "Pagkatapos sino po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang ama mo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5971 at Imām Muslim: 2548.

4. Ang Utos sa Paggawa ng Maganda sa Maybahay

Nag-utos ang Islām ng paggawa ng maganda sa maybahay sapagkat kung kinasuklaman ito ng asawa ay nasa kanya na kung didiborsiyuhin niya ito, subalit nang walang kawalang-katarungan. Nagsabi si Allāh: {Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.} (Qur'ān 4:19) Nag-utos ang Islām sa paggawa ng maganda sa babae sa sandali ng pagkadiborsiyo. Nagsabi si Allāh: {Ang [magkakabalikang] diborsiyo ay dalawang ulit, kaya pagpapanatili ayon sa nakabubuti o pagpapalaya ayon sa paggawa ng maganda.} (Qur'ān 2:229)

5. Ang Kainaman ng Pagpapalaki ng mga Babaing Anak

Nag-utos ang Islām ng paggawa ng maganda sa mga babaing anak at naglinaw ito ng gantimpala sa pagpapalaki sa kanila. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sinubok dahil sa mga babaing anak ng anuman, sila para sa kanya ay magiging takip laban sa Impiyerno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1418 at Imām Muslim: 2629.

6. Ang Pagsasatungkulin ng Bahagi Mula sa Pamana Para sa Babaing Anak

Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.} (Qur'ān 4:7) Ang kantidad ng bahaging ito ay alinsunod sa kalapitan niya sa namatay sapagkat maaaring ito ay maging tulad ng bahagi ng ilan sa mga tagapagmana na mga lalaki o higit na marami roon o higit na kaunti roon, na darating ang paglilinaw rito sa darating na yunit.

Ikatlo. Ang Pagpapaluwag ng Islām sa Babae

Natangi ang babae sa ilan sa mga patakaran ukol sa pagpapaluwag para sa kanya. Kabilang doon ang sumusunod:

Inaalis ni Allāh bilang tungkulin sa kanya ang ṣalāh sa sandali ng regla at nifās at inalis Niya bilang tungkulin sa kanya ang ṣalāh sa Biyernes sa masjid at ang pakikibaka sa landas ni Allāh sapagkat ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "O Sugo ni Allāh, itinuturing namin ang pakikibaka na pinakamainam na gawain, kaya makikibaka ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1520.

Nag-obliga ang Islām sa lalaki na magbigay ng bigay-kaya sa babae bilang pagpaparangal sa kanya at bilang pagpapasimula para pagdating niya sa bahay ng pagkamaybahay. Nagsabi si Allāh: {Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo, ngunit kung nagparaya sila para sa inyo ng anuman mula rito nang kusang-loob ay tanggapin ninyo ito nang kaiga-igayang kasiya-siya.} (Qur'ān 4:4)

Nag-obliga ang Islām sa asawa ng pagsustento sa maybahay. Nagsabi si Allāh: {Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh.} (Qur'ān 65:7) Kaya lahat ng kinakailangan ng maybahay na pagsustento at tirahan, ito ay tungkulin ng asawa, kahit pa man ang maybahay ay mayaman at ang asawa ay maralita.

Ikatlo. Ang Maling Akala sa Pagpayag sa Pagpalo sa Babae

Nagsasabi ang ilan na ang Islām daw ay umapi sa babae nang nagpahintulot ito sa asawa na mamalo sa kanya.

Ang sagot doon ay ang sumusunod:

Ang batayang panuntunan ay na hindi pinapayagan ang mamalo sa babae nang walang kadahilanan dahil ito ay isang kawalang-katarungan at isang pagwaksi sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ayon sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Hindi namalo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng anuman kailanman sa pamamagitan ng kamay niya ni ng isang babae ni ng isang alila, maliban na makibaka siya sa landas ni Allāh." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2278.

Nagpahintulot ang Islām sa pagdisiplina ng babaing palalo (na sumusuway sa asawa niya) sa pamamagitan ng pagpalo na hindi marahas (hindi matindi) at hindi nakahahamak sa kanya. Ito ay pagpalo ng pagdisiplina at pagsawata sa pagpapatuloy sa pagsuway at kapalaluan na maaaring humantong sa diborsiyo at pagkawasak ng pamilya.

Ang pagpalo ay ang kahuli-hulihan sa mga uri ng pagdisiplina kaya hindi maiiwasan na maunahan ito ng pangaral, pagkatapos ng pag-iwan. Nagsabi si Allāh: {Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay pangaralan ninyo sila, iwan ninyo sila sa mga higaan [kung nagpupumilit], at paluin ninyo sila [kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghangad laban sa kanila ng isang paraan.} (Qur'ān 4:34)

Ang pagpalo ay pinahihintulutan para sa kaparusahan subalit ito ay hindi kainaman sapagkat ang pinakamabuti sa mga lalaki ay hindi ang nagdidisiplina sa maybahay niya sa pamamagitan ng pamamalo sapagkat nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa sinumang humahagupit ng maybahay niya. "Ang mga iyon ay hindi ang pinakamabuti sa inyo." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 2146.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbabasa ako at hahango ako.

Nagsabi si Allāh: {8. kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin 9. dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,} (Qur'ān 81:8-9) Nagsabi naman si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Sumpa man kay Allāh, tunay na kami noon sa Panahon ng Kamangmangan ay hindi nag-uukol para sa mga babae ng pansin hanggang sa nagpababa si Allāh kaugnay sa kanila ng pinababa Niya at naghati Siya para sa kanila ng inihati Niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4913 at Imām Muslim: 1479. Sa pakikilahok sa kaklase mo, humango ka mula sa dalawang teksto ng nagpapatunay sa pagpaparangal sa babae sa Islām.

Ang pagsaway laban sa pagpatay sa kanila gaya ng ginagawa noon ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan.

Ang pagpaparangal sa babae at ang pagbibigay sa kanya ng kalahatan ng mga karapatan niya sa mana at iba pa rito.

Aktibidad 2: Maghahango ako.

Sumangguni ka sa unang 40 āyah ng Sūrah An-Nisā' at humango ka mula sa mga ito ng tatlo sa mga karapatan ng mga babae.

Aktibidad 3: Magbibigay ako ng payo.

Nananakit ang ilan sa mga asawa sa mga maybahay nila. Pagkatapos ipinangangatwiran nila ang pagpayag ng Islām sa pagdisiplina sa maybahay. Magbigay ka ng payo sa gumagawa niyon.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng nilalaman ng mga ito na mga kamalian:

Pinagpantay ng Islām ang babae sa lalaki sa lahat ng mga patakaran.

Kinakailangan sa lalaki ang pagsustento sa maybahay niya malibang kapag ito ay nagtatrabaho.

Pipiliin ng asawa ang istilo na naiibigan niya para sa pagdisiplina ng maybahay niyang palalo.

PANUTO 2: Linawin mo ang ipinahihiwatig ng bawat teksto mula sa mga sumusunod na teksto ng mga karapatan ng babae:

{Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh.} (Qur'ān 65:7)

{Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.} (Qur'ān 4:7)

{Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo, ngunit kung nagparaya sila para sa inyo ng anuman mula rito nang kusang-loob ay tanggapin ninyo ito nang kaiga-igayang kasiya-siya.} (Qur'ān 4:4)

{Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.} (Qur'ān 4:19)

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Papaano kang tutugon sa maling akala sa pagpayag ng Islām sa pagpalo sa babae?

Magbilang ka ng lima sa mga pagkakahayag ng pagpaparangal ng Islām sa babae.

Magpaliwanag ka ng tatlo sa mga pagkakahayag ng pagpapaluwag ng mga patakaran para sa babae.

Magpahayag ka sa limang linya ng pagpaparangal ng Islām sa babae bilang ina, bilang anak, at bilang maybahay.

Ang Ikaapat na Yunit: Ang Fiqh ng mga Patakaran

1. Ang mga Patakaran ng Pag-aasawa

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapaghango ka ng patunay sa pagkaisinasabatas ng pag-aasawa;

2. makapaglinaw ka ng mga kundisyon ng pagdaraos ng kasal;

3. makapagdakila ka sa mga patakaran ng Islām at mga katuruan nito.

Kinakailangan sa bawat interesado sa pag-aasawa na matuto ng mga patakaran nitong pang-Sharī`ah. Matututuhan natin sa araling ito ang pinakamahalaga sa mga patakarang iyon.

Una. Ang Pagkaisinasabatas ng Pag-aasawa

Lumikha si Allāh mula sa bawat bagay ng magkapares, nagsanaturalesa Siya sa mga tao ng pagkaibig sa pag-aasawa at pagkahilig dito, at nag-utos Siya nito. Nagsabi si Allāh: {mag-asawa kayo ng naging kaaya-aya para sa inyo na mga babae: dalawahan o tatluhan o apatan.} (Qur'ān 4:3)

Ang kasanhian ng pagbabatas nito ay ang pangangalaga sa mga dangal, ang pag-iingat sa uring tao, ang pagtutulungan sa mga pasanin ng buhay, at ang pagpapatahan sa lupa ng kaaya-ayang supling.

Ang mga Kundisyon ng Katumpakan ng Pag-aasawa

Ang Unang Kundisyon: Ang Pagkalugod

Ang pagkalugod ay ang pakikipagsang-ayunan ng bawat isa sa lalaki at babae sa pagdaraos ng kasal, kaya hindi natutumpak ang pagpilit sa babae ni sa lalaki sa pag-aasawa.

Ang Ikalawang Kundisyon: Ang Pagtukoy sa Bawat Isa sa mga Ikinakasal

Nangyayari ang pagtukoy sa pamamagitan ng pagturo sa ikinakasal o pagtawag dito o paglalarawan dito ng ikinabubukod niya.

Ang Ikatlong Kundisyon: Ang Pagkakaroon ng Walīy

Ang walīy ay isang lalaking kabilang sa mga kamag-anak ng babae, na magsasagawa ng pagdaraos ng kasal bilang kinatawan ng babae. Hindi pinapayagan na ipakasal ng babae ang sarili niya ni na ipakasal ng isang babae ang ibang babae sapagkat kung ginawa niya iyon, ang kasal niya ay walang-saysay. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay, ang kasal niya ay walang-saysay." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 2083 at Imām At-Tirmidhīy: 1102.

Nagsakundisyon ang Islām ng pagkakaroon ng walīy bilang pangangalaga sa babae at bilang pag-iingat sa mga karapatan niya. Isinasakundisyon sa walīy ang pagkalalaki, ang kasapatan ng gulang, ang pagkakaroon ng isip, ang katarungan, at ang katinuan.

Ang Ikaapat na Kundisyon: Ang Kawalan ng mga Ikakasal ng mga Hadlang

Kinakailangan na hindi nasa mga ikakasal o sa isa sa dalawa sa kanila ang nakapipigil sa pagpapakasal. Ito ay tulad ng:

Pagbabawal dahil sa kadahilanan ng kaangkanan, gaya ng kung sila ay magkapatid o magtiyo o magtiya;

Pagbabawal dahil sa kadahilanan ng pagpapasuso, gaya ng kung ang babae ay anak niya o kapatid niya sa pagpapasuso;

Pagbabawal dahil sa kadahilanan ng pagkakaibahan ng relihiyon, gaya ng kung ang babae ay Muslim at ang lalaki ay Kristiyano;

Pagbabawal dahil sa kadahilanang pansamantala, tulad ng pagiging ang babae ay nasa `iddah ng diborsiyo o pagkabalo.

Ang Ikalimang Kundisyon: Ang Pagsaksi

Hindi naidaraos ang kasal malibang may pagdalo ng dalawang lalaking makatarungan na sasaksi sa pagkasal. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kasal kung walang walīy at dalawang tagasaksing makatarungan." Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dāraquṭnīy: 3531.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Hahatol ako at magbibigay-katwiran ako.

Linawin mo ang hatol ng pagdaraos ng kasal sa mga sumusunod na usapin kasama ng pagbibigay-katwiran.

Ang Usapin

Ipinakasal ng isang lalaking Muslim ang isa sa mga babaing anak niya nang walang pagtukoy rito.

Nag-asawa ang isang babae habang siya ay nasa `iddah ng pagkabalo.

Nagpakasal ang isang babae sa kaklase niya nang hindi nagpapabatid sa mag-anak niya.

Ang Hatol

Ang Pagbibigay-katwiran

Aktibidad 2: Maghuhulo ako.

Maghulo ka mula sa mga sumunod na patunay ng mga kundisyon ng kasal na ipinapatunay ng mga ito:

Ang Patunay

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipakakasal ng babae ang babae at hindi ipakakasal ng babae ang sarili niya." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 1882.

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinakakasal ang babaing dating nakapag-asawa hanggang sa nasangguni siya at hindi ipinakakasal ang birhen hanggang sa pinagpaalaman siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5136 at Imām Muslim: 1419.

Nagsabi si Allāh: {Huwag kayong magpakasal sa mga babaing tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila.} (Qur'ān 2:221)

Ang Kundisyon

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Kabilang sa nangyayari sa pamamagitan nito ang pagtukoy sa mga ikinakasal ang pagturo sa ikinakasal.

Pinapayagan sa ama ang pagpilit sa birheng adultong anak niya sa pagpapakasal. (X)

Natutumpak na mag-asawa ang lalaking Muslim ng isang babaing Kristiyano o Hudyo.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Isinasakundisyon na ang dalawang tagasaksi sa kasal ay:

(dalawang lalaki - isang lalaki at dalawang babae - dalawang lalaki mula sa mga kamag-anak).

Kabilang sa mga kadahilanang pumipigil sa pagkakasal:

(ang pagkakaibahan ng edad - ang pagkakaibahan ng relihiyon - ang pagkakaibahan ng bayan).

Ipinakasal ng babae ang isa pang babae ang kasal ay:

(walang-saysay - kinasusuklaman - tumpak).

PANUTO 3: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng nilalaman ng mga ito na mga kamalian:

Natutumpak ang kasal kapag ang walīy ay isang bata.

Pinapayagan ang pag-aasawa ng babaing Muslim sa hindi Muslim.

PANUTO 4: Sagutin ang dalawang sumusunod na tanong:

Magsulat ka ng patunay ng pagkaisinasabatas ng pag-aasawa.

Kabilang sa katumpakan ng pag-aasawa ang kawalan ng mga ikakasal ng mga hadlang. Magpaliwanag ka niyon.

2. Ang Pagsasamang Pangmag-asawa

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagpaliwanag ka sa karapatan ng asawa sa maybahay niya;

2. makapaglinaw ka sa karapatan ng maybahay sa asawa niya;

3. makahango ka ng patunay sa mga karapatan ng mag-asawa;

4. makapagdakila ka sa mga patakaran ng Islām.

Pauna

Bumanggit ka ng tatlo sa mga karapatan ng maybahay sa asawa niya, pagkatapos magsagawa ka ng pagtatasa (assessment) sa sagot mo sa wakas ng aralin.

Una. Ang Karapatan ng Asawa sa Maybahay Niya

Ang Karapatan sa Pagtalima

Nag-utos ang Islām sa maybahay ng pagtalima sa asawa sa anumang nauugnay sa mga karapatan niya at karapatan ng pamilya sapagkat siya ay ang pinuno ng pamilya. Isinasakundisyon na ang pagtalima ay hindi sa pagsuway kay Allāh (napakataas Siya).

Ang Pananatili sa Bahay at ang Pangangalaga Rito

Nag-obliga ang Islām sa babae ng pamamalagi sa bahay ng asawa niya at nagbawal ito sa kanya ng paglabas nang walang permiso niya. Nagsabi si Allāh: {Manatili kayo sa mga bahay ninyo} (Qur'ān 33:33) Hindi ukol sa asawa na pumigil sa maybahay sa pagdalaw sa mga magulang nito. Kinakailangan sa maybahay ang mangalaga ng bahay niya, ang mag-ingat sa ari-arian ng asawa niya, at ang mag-alaga ng mga anak niya.

Ang Karapatan sa Pag-aaruga

Ang pag-aaruga ay nangangahulugan na ang lalaki ay ang may pagtangkilik at awtoridad sa bahay. Kailangan sa kanya rin ang pagsustento, ang pagpapadamit, at ang pagbabahay. Nagsabi si Allāh: {Ang mga lalaki ay mga tagapag-aruga ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila.} (Qur'ān 4:34)

Ikalawa. Ang Karapatan ng Maybahay sa Asawa Niya

Ang Mahr (Dote) o ang Ṣadāq (Bigay-kaya)

Ito ay isang kantidad ng salapi (o ari-arian) na kinakailangan sa lalaki na ibagay sa babae sa bisa ng pagkakasagawa ng kasal. Nagsabi si Allāh: {Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo,} (Qur'ān 4:4) Ito ay nagpapadama sa babae na siya ay pinag-uukulan ng pagbibigay-halaga at pagpaparangal.

Ang Karapatan sa Pagsustento

Ang paggugol ay sumasaklaw sa pagkain, inumin, damit, tirahan, at iba pa roon. Tinataya ang pagsustento ayon sa katarungan alinsunod sa kalagayan ng asawa. Nagsabi si Allāh: {Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa.} (Qur'ān 65:7)

Ang Pakikisama Ayon sa Nakabubuti

Nag-utos si Allāh sa asawa ng kagandahan ng pakikitungo sa maybahay. Nagsabi si Allāh: {Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.} (Qur'ān 4:19) Kaya naman kinakailangan sa asawa na gumawa ng maganda sa maybahay niya kahit pa man may kinasuklaman siya rito na anuman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang higit na mabuti sa inyo ay ang higit na mabuti sa maybahay niya, at ako ay ang higit na mabuti sa inyo sa maybahay ko." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 3895 at Imām Ibnu Mājah 1977.

Kabilang sa mga anyo ng kagandahan ng pakikitungo ang sumusunod:

ang pagkadisente, ang pagngiti, at ang pagkaaliwalas ng mukha;

ang pakikipag-usap sa maybahay, ang pakikipagpalagayang-loob sa kanya, at ang pagkakaloob sa kanya ng isang bahagi ng oras;

ang pagbubunyi sa mga pangyayari ng pagkagawa ng maganda at pagkahusay ng gawa;

ang pagpapaumanhin sa mga pagkakamali at ang pagwawalang-bahala sa mga ito;

ang kagandahan ng pagtrato sa mga pangyayari ng pagkakamali at pagkukulang, ang pag-iwas sa paninisi at kagaspangan, at ang tulad niyon.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magpapayo ako.

Magbigay ka ng payo sa bawat isa sa sumusunod:

Ang Pangyayari

Isang ama na nag-iipon ng salapi at hindi gumugugol sa pamilya niya.

Isang maybahay na lumalabas nang walang pahintulot ng asawa niya.

Isang ama na hindi nagtuturo sa mga anak niya ng mga etiketa ng Islām.

Ang Pagbibigay-katwiran

Aktibidad 2: Magbibigay ako ng isang pananalita.

Gunigunihin mo na ikaw ay inanyāyahan sa isang sesyon ng pagkakasundo ng mag-asawa at hiniling sa iyo na magsabi ka ng isang pananalita para sa pagpapakasundo sa kanilang dalawa, pangangalaga sa pamilya, pagpapatatag dito, at paglilinaw ng mga karapatan at mga tungkulin ng bawat isa sa kanilang dalawa.

Magsulat ka ng maaaring sabihin mo sa senaryong ito, pagkatapos magbigay ka ng pananalita mo sa mga kaklase mo.

Aktibidad 3: Hahango ako.

Basahin mo ang mga sumusunod na teksto at hanguin mo mula sa mga ito ang mga karapatan ng asawa at maybahay.

Ang Teksto

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang babae ay tagapag-alaga sa bahay ng asawa niya at responsable sa alaga niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 893 at Imām Muslim: 1829.

Nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi namumuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito ng isang asal, malulugod siya rito sa ibang asal." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1469.

Ang mga Karapatan ng Asawa at Maybahay

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Nagpapahiwatig ang sabi ni Allāh na: {Manatili kayo sa mga bahay ninyo} sa isang karapatan mula sa mga karapatan ng asawa. Ito ay:

(ang pagkakinakailangan ng pagtalima - ang pamamalagi sa bahay - ang pagsustento).

Kabilang sa kinakailangan sa maybahay:

(ang pagdalaw sa mga magulang niya - ang pag-iingat sa ari-arian ng asawa - ang pagsustento sa mga anak).

Kapag nakatagpo ang asawa mula sa maybahay niya ng anumang kinasusuklaman niya, tunay na siya ay:

(magdidiborsiyo rito - mananakit dito - gagawa ng maganda rito).

PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng narito na mga kamalian:

Kinakailangan ang pagtalima sa asawa sa bawat ipinag-uutos niya.

Ang pagsustento ay kinakailangan sa ina para sa mga anak niya.

PANUTO 3: Magpaliwanag ka ng ipinahihiwatig ng bawat teksto mula sa sumunod:

{Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo,}

{Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya.}

PANUTO 4: Magbigay-linaw ka sa konsepto ng karapatan sa pag-aaruga sa Islām.

3. Ang mga Patakaran ng Diborsiyo

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa diborsiyo;

2. makapaglinaw ka ng kasanhian sa pagkaisinasabatas ng diborsiyo;

3. makapagpaliwanag ka sa patakaran ng diborsiyo;

4. makakilala ka ng kaibahan sa pagitan ng mga uri ng diborsiyo;

5. makapagbigay-babala ka laban sa nagbabalewala sa nauukol sa diborsiyo.

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Diborsiyo: Ang diborsiyo ay ang pag-aalis ng bigkis ng kasal o bahagi nito sa pamamagitan ng pagiging ang diborsiyo ay mababawi.

Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Diborsiyo:

Nagmalasakit ang Sharī`ah sa pangangalaga sa bigkis ng pagkamay-asawa. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang demonyo ay: {... nagpapadala ng mga pulutong niya, saka ang pinakamalapit sa kanila sa kanya sa katayuan ay ang pinakamabigat sa kanila sa ligalig. Dumarating ang isa sa kanila saka nagsasabi ito: "Gumawa ako ng ganito at ganito." Kaya nagsasabi siya: "Hindi ka gumawa ng anuman." Pagkatapos dumarating ang isa sa kanila saka nagsasabi ito: "Hindi ako umiwan sa kanya hanggang sa nagpahiwalay ako sa kanya at maybahay niya." Magpapalapit siya nito sa kanya at magsasabi siya: "Kay inam ka!"} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2813.

Nagpahiwatig sa mga katiwalian ng diborsiyo ang pag-udyok ng demonyo sa pagpapabagsak sa mga anak ni Adan sa diborsiyo. Ang batayang panuntunan ay ang pangangalaga sa bigkis ng pagkamay-asawa at ang paglunas sa mga suliranin sa pamamagitan ng karunungan. Kaya kapag hindi nagpakinabang iyon, at ang mga katiwalian ng pananatili ng kasal ay higit na mabigat kaysa sa mga kapakanan nito, isinabatas ang diborsiyo.

Ang Kahatulan ng Diborsiyo

Ito ay magiging pinapayagan kapag nangailangan nito ang asawa dahil sa kasagwaan ng asal ng babae at pagkapinsala dahil dito.

Ito ay magiging kinasusuklaman kapag hindi dahil sa isang pangangailangan dahil sa ang kalagayan naman ng mag-asawa ay matuwid.

Ito ay magiging bawal sa oras ng regla o nifās o sa kawalang-regla at kinatalik niya ang babae o kapag nagdiborsiyo siya sa babae nang tatlong ulit sa isang pagbigkas.

Ito ay magiging itinuturing na kaibig-ibig sa sandali ng hidwaan sa pagitan ng mag-asawa at sa sandali ng pagkasuklam ng babae sa lalaki.

Ito ay magiging kinakailangan gaya ng kung sakaling nasadlak ang babae sa pangangalunya at hindi nagbalik-loob.

Ang mga Uri ng Diborsiyo

Ang diborsiyo ay may sarisaring uri, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:

Ang Diborsiyong Pambalikan at ang Diborsiyong Naghihiwalay

Ang diborsiyong pambalikan ay ang diborsiyo na pinapayagan dito na makipagbalikan ang asawa sa maybahay nito at ito ay sa panahon ng `iddah matapos ng una o ikalawang diborsiyo, nang walang panibagong pagdaraos ng kasal at panibagong dote.

Ang diborsiyong naghihiwalay ay dalawang bahagi:

diborsiyong naghihiwalay nang paghihiwalay na maliit: magdiborsiyo ang lalaki ng maybahay niya nang unang diborsiyo o ikalawang diborsiyo at hahayaan niya ito hanggang sa nagwakas ang `iddah nito, kaya naman hindi ukol sa kanya na makipagbalikan dito malibang may pagkalugod niya, panibagong pagdaraos ng kasal, at panibagong dote.

diborsiyong naghihiwalay nang paghihiwalay na malaki: ang diborsiyo na matapos ng ikalawang diborsiyo at hindi na pinapayagan dito para sa babae na bumalik sa asawa niya malibang matapos magpakasal sa ibang lalaki. Nagsabi si Allāh: {Kung nagdiborsiyo siya rito [sa ikatlong pagkakataon] ay hindi na ito ipinahihintulot sa kanya matapos na niyan hanggang sa makapag-asawa ito ng isang asawang iba pa sa kanya.} (Qur'ān 2:230)

Ang Diborsiyong Ipinatupad at ang Diborsiyong Isinalalay

Ang diborsiyong ipinatupad ay ang ipinandiborsiyo sa maybahay kaagad-agad gaya ng pagsabi ng asawa sa maybahay: "Ikaw ay diborsiyada."

Ang diborsiyong isinalalay ay ang pagsalalay ng pagkaganap ng diborsiyo sa pangyayari ng isang bagay sa hinaharap, gaya ng pagsabi ng asawa sa maybahay: "Kung pumasok ka sa tahanan ni Polano, ikaw ay diborsiyada." Kaya kapag pumasok ang maybahay sa bahay na ito, magaganap ang diborsiyo.

Ang mga Uri ng Diborsiyo

sa pagtuturing ng posibilidad ng pagbabalik

naghihiwalay

paghihiwalay na maliit

paghihiwalay na malaki

pambalikan

Sa pagsasaalang-alang sa pagpapaliban sa pagkaganap nito

isinalalay

ipinatupad

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magtatakda ako.

Ayon sa liwanag ng pag-aaral mo, takdaan mo ang uri ng diborsiyo sa mga sumusunod na kaso:

Ang Kaso

Diniborsiyo ng isang lalaki ang maybahay niya sa unang pagkakataon. Pagkatapos diniborsiyo niya ito sa ikalawang pagkakataon. Pagkatapos diniborsiyo niya ito sa ikatlong pagkakataon.

Nagsabi ang isang lalaki sa maybahay niya: "Kung hindi mo susundin ang utos ko, ikaw ay diborsiyada na."

Nagsabi ang isang lalaki sa maybahay niya: "Ikaw ay diborsiyada na."

Ang Uri ng Diborsiyo

Aktibidad 2: Magpapayo ako.

Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi namumuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito ng isang asal, malulugod siya rito sa ibang asal." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1469. Ayon sa liwanag ng ḥadīth na ito, magbigay ka ng isang payo sa mga lalaking nag-iisip magdiborsiyo sa sandali ng pangyayari ng alinmang suliranin sa mga maybahay niya.

Aktibidad 3: Makikipagtalakayan ako.

Makipagtalakayan ka sa kaklase mo kaugnay na paglilinaw sa kahatulan ng diborsiyo sa mga sumusunod na kaso:

Ang Kaso

Nagwawalang-bahala ang maybahay sa dangal niya.

Diniborsiyo niya ang maybahay niya sa sandali ng pagreregla.

Ang Kahatulan ng Diborsiyo

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Kinakailangan ang diborsiyo kapag nagpumilit ang maybahay sa pagwaksi ng ṣalāh.

Kinasusuklaman ang diborsiyo sa sandali ng nifās. (X)

Pinapayagan para sa lalaki na makipagbalikan sa maybahay niya na diniborsiyo niya ng tatlong ulit. (X)

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kapag nasuklam ang babae sa asawa niya, ang diborsiyo at magiging:

(pinapayagan - itinuturing na kaibig-ibig- kinasusuklaman).

Kapag diniborsiyo ng lalaki ang maybahay niya nang dalawang pagdiborsiyo at natapos naman ang `iddah nito, ang diborsiyo ay magiging:

(pambalikan - naghihiwalay nang paghihiwalay na maliit - naghihiwalay nang paghihiwalay na malaki).

Ang diborsiyong binigkas nang tatlong ulit sa isang pagsasalita.

(pinapayagan - kinasusuklaman - bawal).

PANUTO 3: Linawin mo ang kahatulan ng bisa ng diborsiyo sa dalawang sumusunod na usapin:

Nagsabi ang lalaki sa maybahay niya: "Kung lumabas ka ng bahay, ikaw ay diborsiyada na." Hindi naman lumabas ang maybahay.

Nagsabi ang lalaki sa maybahay niya: "Ikaw ay diborsiyada na."

PANUTO 4: Ano ang kasanhian ng pagkaisinasabatas ng diborsiyo?

4. Ang mga Patakaran ng mga Panunumpa

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa panunumpa;

2. makapaghambing ka sa pagitan ng mga uri ng panunumpa;

3.makahango ka ng patunay sa panakip-sala sa [pagsira sa] panunumpang sinadya;

4. makapagdakila ka sa pumapatungkol sa panunumpa kay Allāh;

5. makaiwas ka sa panunumpa sa iba pa kay Allāh.

Aktibidad na Pang-umpisa

Ang panunumpa ay hindi isang payak na pananalitang inuulit-ulit para magbigay-diin sa salita natin; bagkus mayroon itong mga mahalagang patakaran at mga kapita-pitagang epekto sa Mundo at Kabilang-buhay. Mapag-aalaman natin ang pinakamahalaga sa mga ito sa araling ito.

Ang mga Patakaran ng mga Panunumpa

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Panunumpa

Ang mga Uri ng Panunumpa

Ang Panakip-sala sa Panunumpa

Ang Pagsumpa sa Iba pa kay Allāh

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Panunumpa

Ang panunumpa o ang pagsumpa o ang sumpa ay: ang pagbibigay-diin sa anumang sinusumpaan sa pamamagitan ng pagbanggit sa ngalan ni Allāh o isang katangian kabilang sa mga katangian niya, tulad ng: "Wa-llāhi (Sumpa man kay Allāh) hindi ako gumawa ng gayon" o "Bi-llāhi (sumpa man kay Allāh) ako ay gagawa ng gayon."

Ang mga Uri ng Panunumpa

Ang Una. Ang Panunumpa ng Pagkadulas

Ito ay ang panunumpa na binibigkas ng dila nang walang pananadya sa panunumpa sa panig ng nagsabi nito, tulad ng pagsabi ng tao sa panauhin niya: "Sumpa man kay Allāh, talagang kakain ka nga o talagang iinom ka nga," at tulad niyon.

Napaloloob sa panunumpa ng pagkadulas na magnais ang tao ng panunumpa ng isang nais ngunit nauna ang dila niya sa pagsambit ng iba sa nais niya o na sumumpa ng isang nais na nagpapalagay siya ng kaayusan nito saka lumitaw ang kasalungatan nito. Nagsasabi ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah: Pinababa ang āyah na ito: {Hindi naninisi sa inyo si Allāh dahil sa pagkadulas sa mga panunumpa ninyo subalit naninisi Siya sa inyo dahil sa [pagsira sa] sinadya ninyo na mga panunumpa.} (Qur'ān 5:89) kaugnay sa sabi ng lalaki: "Hindi, sumpa man kay Allāh; oo sumpa man kay Allāh." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 4613.

Ang Kahatulan sa Panunumpang Nadulas. Ang panunumpang nadulas ay hindi maibibilang, at walang panakip-sala rito at walang kasalanan dahil dito. Kailangan sa Muslim na magsanay sa dila niya sa pag-iwas sa panunumpa.

Ang Ikalawa. Ang Panunumpang Mapagpalublob

Ang panunumpang mapagpalublob ay ang pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling sa isang katangian kabilang sa mga katangian Niya sa isang pangyayaring nagdaan.

Ang panunumpang mapagpalublob ay isang malaking kasalanan kabilang sa mga kasalanan. Tinawag itong mapagpalublob dahil ito ay naglulublob sa tagagawa nito sa kasalanan, pagkatapos maglulublob ito sa kanya sa Apoy. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang malalaking pagkakasala ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang bulaang mapagpalublob." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6675.

Ang Hatol sa Panunumpang Mapaglublob. Ang panunumpang mapaglublob ay bawal. Kinakailangan ang pagbabalik-loob mula rito.Kapag nagresulta rito ang pagkawala ng mga karapatan, kinakailangan ang pagpapanumbalik ng mga karapatan sa mga may-ari ng mga ito.

Ang Ikatlo. Ang Panunumpang Isinagawa

Ang panunumpang sinadya ay ang manumpa ng isang bagay para sa hinaharap na gawin o hindi gawin, at nagpapakay sa panunumpa niya ng pagbibigay-diin, pagkatapos sisira siya sa panunumpang ito. Tulad ito ng panunumpa na hindi kakain ng isang bagay, pagkatapos kakain naman siya; o ng panunumpa na pupunta sa isang lugar, pagkatapos hindi naman pupunta.

Ito ay ang tinutukoy ng sabi ni Allāh: {subalit naninisi Siya sa inyo dahil sa [pagsira sa] sinadya ninyo na mga panunumpa.} (Qur'ān 5:89) Ibig sabihin: Naglayon kayo ng pagsasagawa nito sa mga puso ninyo at pagtitika sa paggawa o di-paggawa.

Ang hatol sa panunumpang sinadya ay kinakailangan ang pagtupad sa panunumpang sinadya sapagkat kapag sumira ang tao rito ay kakailanganin dito ang panakip-sala.

Ang Panakip-sala sa Panunumpang Sinadya

Ang panakip-sala nito ay ayon sa pagpipilian at pagkasunud-sunod gaya ng sumusunod:

Pinapipili ang sinumang magsasagawa ng panakip-sala sa panunumpa mula sa tatlong gawain:

Pagbibigay ng pagkain sa sampung dukha: para sa bawat dukha ay kalahating ṣā` ng karaniwang pagkain ng mga mamamayan ng bayan. (Humigit-kumulang 1.25 Kilogramo ng bigas.)

O pagbibigay ng damit sa sampung dukha, na para sa bawat dukha ay isang kasuutan na naaangkop sa ṣalāh niya: para sa isang lalaki ay isang damit at para sa babae ay isang damit at isang belo.

O pagpapalagay ng isang aliping mananampalatayang malaya sa mga kapintasan (ang alipin ay hindi na matatagpuan sa panahon natin).

Ang sinumang hindi nakatagpo ng [isa sa] tatlong nabanggit na ito o hindi nakakaya nito, tunay na siya ay mag-aayuno ng tatlong araw.

Nagsabi si Allāh: {Hindi naninisi sa inyo si Allāh dahil sa pagkadulas sa mga panunumpa ninyo subalit naninisi Siya sa inyo dahil sa [pagsira sa] sinadya ninyo na mga panunumpa. Kaya ang panakip-sala niyon ay ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa ipinakakain ninyo sa mag-anak ninyo o ang pagpapadamit sa kanila o ang pagpapalaya sa isang alipin, ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay pag-aayuno ng tatlong araw. Iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo kapag nanumpa kayo. Pag-ingatan ninyo ang mga panunumpa ninyo.} (Qur'ān 5:89)

Ang Panunumpa sa Iba pa kay Allāh

Hindi pinapayagan ang manumpa kundi kay Allāh o sa isang pangalan kabilang sa mga pangalan Niya o isang katangian kabilang sa mga katangian Niya. Kaya naman hindi pinapayagan ang manumpa sa mga propeta o mga magulang. Tunay na ang Sugo ni Allāh ay nakaabot kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb sa isang karaban habang si `Umar ay nanunumpa sa ama nito kaya nanawagan sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pansinin, tunay na si Allāh ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo. Kaya naman ang sinumang manunumpa ay manumpa kay Allāh o manahimik." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6646 at Imām Muslim: 1646.

Ang panunumpa sa iba pa kay Allāh ay isang maliit na shirk sapagkat nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay nagtambal nga siya [kay Allāh]." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3251 at Imām At-Tirmidhīy: 1535.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Maghahango ako at magpapaliwanag ako.

Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nanumpa sa isang panunumpa ng pagdidiin na kakamkam siya rito ng yaman ng isang taong Muslim samantalang siya dito ay masamang-loob ay makikipagkita kay Allāh habang Ito sa kanya ay galit. Kaya nagpababa si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh at mga sinumpaan nila ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi kakausap sa kanila si Allāh, hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon, at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 3:77)" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2356 at Imām Muslim:138. Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo,

Hanguin mo ang uri ng panunumpang nasasaad sa ḥadīth.

Ang Panunumpang Mapagpalublob

Ipaliwanag mo ang kaparusahang inireresulta sa panunumpang ito.

Ang Galit ni Allāh

Nagpapahiwatig ng ano ang pagpapatindi sa kaparusahan sa panunumpang ito?

Nagpapahiwatig ito sa panganib ng panunumpang ito at bigat ng ganti rito.

Aktibidad 2: Magbabasa ako at makakikilala ako ng kaibahan.

Kilalanin ang kaibahan sa pagitan ng mga uri ng panunumpa kasama ng paglilinaw sa inireresulta rito sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kalagayan

May nanumpang isang tao na hindi siya lalabas ng bahay ngayong araw pagkatapos lumabas naman siya nang hapon.

May naparaan sa kanya na isang lalaki saka sumumpa siya sa harap nito – nang walang pagpapakay – na kakain siya kasama nito ngunit nagpabatid ang lalaki na ito ay abala at lumisan.

May bumili ng mga kasangkapang pampalakasan at sumumpa siya na siya ay nagbayad ng halaga ng mga ito dala ng isang pagpapalagay mula sa kanya na siya ay nagbayad na samantalang siya ay hindi pa nakapagbayad ng halaga ng mga ito.

May nakakuhang isang binata ng perang natagpuan niya sa daan at sumumpa siya na siya ay hindi kumuha nito.

Ang Uri ng Panunumpa

Ang Sinadya

Ang Nadulas

Ang Nadulas

Ang Mapaglublob

Ang Inireresulta Rito

Ang Panakip-sala sa Panunumpa

Walang Anuman

Walang Anuman

Ang Paglublob sa Impiyerno Kung Hindi Nagbalik-loob

Aktibidad 3: Makikipagtulungan ako at magsasaliksik ako.

Nagsaalang-alang ang Islām sa mga pagbabatas nito sa mga maralita at mga dukha at lumiliwanag iyon sa pamamagitan ng panakip-sala sa panunumpa. Sa pamamagitan niyon at sa pakikipagtulungan sa kaklase mo, magsulat ka ng tatlong patakaran na nagsaalang-alang ang Islām sa mga ito sa mga maralita at mga dukha.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang pagkauna ng dila sa panunumpa ng isang bagay na hindi pinapakay ay:

(ang panunumpang nadulas - ang panunumpang sinadya - ang panunumpang mapaglublob).

May nanumpang isang tao ng isang gagawin bilang pagsisinungaling. Ibinibilang ito kabilang sa mga halimbawa ng panunumpang:

(nadulas - sinadya - magpalublob).

Ang mapagpipilian sa panakip-sala sa panunumpa ay sa pagitan ng pagbibigay ng pagkain at:

(pagbibigay ng pagkain at pag-aayuno - pagbibigay ng kasuutan at pagpapalaya ng alipin - pagpapalaya ng alipin at pag-aayuno).

May nanumpang isang tao sa isang pangyayari dala ng pagpapalagay sa katapatan nito pagkatapos lumitaw ang kasalungatan nito. Ito ay ang panunumpang:

(nadulas - isinagawa - magpalublob).

PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng narito na mga kamalian:

Itinuturing na kaibig-ibig ang pagtupad sa panunumpang sinadya.

Kinakailangan ang pagpapalaya ng isang alipin sa panakip-sala sa panunumpa.

Kinakailangan ang panakip-sala sa panunumpa ng pagkadulas.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Papaano mong ipakakahulugan: ang pagkatawag sa panunumpang mapaglublob sa pangalang ito?

Magpatunay ka na ang panakip-sala sa panunumpa ay umiikot sa pagitan ng pagpapapili at pagkakasunud-sunod.

Maghambing ka sa pagitan ng mga uri ng panunumpa sa punto ng patakaran at inireresulta rito.

Ipaliwanag mo ang hatol sa panunumpa sa mga propeta at mga anghel.

Magpahayag ka sa limang linya ng panganib ng panunumpa at kahihinatnan ng pagsisinungaling dito.

5. Ang mga Kaparusahan sa Sistemang Islāmiko

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

1. makapagbigay-kahulugan ka sa mga takdang parusa (ḥudūd);

2. makapagpaliwanag ka ng mga uri ng mga takdang parusa (ḥudūd) at mga ganting-pinsala (qaṣāṣ);

3. makapagpatunay ka sa mga kaparusahan ng mga takdang parusa;

4. makapagsadamdamin ka sa panganib ng paggawa ng nag-oobliga ng takdang parusa;

5. makapagbigay-babala ka sa iba pa sa iyo laban sa kahihinatnan ng mga takdang parusa.

Aktibidad na Pang-umpisa

Naghatid ang Batas Islāmiko ng mga patakarang nangangalaga (ang limang kailangan). Makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa pagbanggit ng halimbawa ng mga patakaran para sa pangangalaga ng bawat isa sa mga ito:

Ang Limang Kailangan

Ang Pangangalaga sa Relihiyon

Ang Pangangalaga sa Buhay

Ang Pangangalaga sa Isip

Ang Pangangalaga sa Supling

Ang Pangangalaga sa Ari-arian

Halimbawa sa Pangangalaga sa mga Ito

Alang-alang sa pangangalaga sa limang kailangan, nagsabatas si Allāh ng mga kaparusahan sa lumalabag at lumalampas sa mga hangganan ng Sharī`ah. Mapag-aalaman natin ang pinakamahalaga sa mga kaparusahan sa araling ito.

Ang Pinakamahalaga sa mga Kaparusahan sa Islām

Una. Ang mga Takdang Parusa

Ito ay mga kaparusahang tinakdaan na inobliga ni Allāh sa sinumang nakagawa ng ilan sa malalaki sa mga pagkakasala. Tinawag ang kaparusahang ito bilang takda dahil si Allāh ay ang nagtakda sa mga ito at nagbigay-takda sa mga ito. Hindi pinapayagan para sa isa man na lumabag sa mga ito para magdagdag sa mga ito magbawas mula sa mga ito. Ang mga takdang parusa ay sarisaring uri. Kabilang sa mga ito:

Ang Una: Ang Takdang Parusa sa Pangangalunya

Nagbawal si Allāh sa pangangalunya at sumaway Siya laban sa paglapit dito sapagkat nagsabi Siya: {Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging mahalay at sumagwa bilang landas.} (Qur'ān 17:32) Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan sapagkat ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, alin pong pagkakasala ang pinakamabigat?" Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo dahil kumain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa maybahay ng kapitbahay mo."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4477 at Imām Muslim: 86.

Ang Kaparusahan sa Pangangalunya: Ang kaparusahan sa pangangalunya ay nagkakaiba-iba ayon sa pagkakaiba-iba ng kalagayan ng nangangalunya. Kapag ang nangalunya ay isang muḥṣan, ang kaparusahan nya ay ang pagbato hanggang kamatayan. (Ang muḥṣan ay ang sinumang nakapag-asawa at nakipagtalik sa asawa niya sa isang tumpak na kasal at silang dalawa ay nasa tamang edad at tamang isip.) Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi pinapayagan ang [pagpapadanak sa] dugo ng isang taong Muslim na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na ako ay Sugo ni Allāh malibang dahil sa isa sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay kapalit ng buhay, at ang nag-iwan ng relihiyon niya, na nakipaghiwalayan sa komunidad." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6878 at Imām Muslim: 1676.

Kapag ang nangalunya ay hindi nakapag-asawa, tunay na siya ay hahagupitin nang isandaang hagupit. Nagsabi si Allāh: {Ang babaing nangangalunya at ang lalaking nangangalunya ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkahabag sa kanilang dalawa sa Relihiyon ni Allāh} (Qur'ān 24:2)

Hindi napagtitibay ang takdang parusa sa pangangalunya kundi sa pamamagitan ng pag-amin ng nangalunya sa ginawa niya o ng pagsaksi ng apat na saksing makatarungan na sila ay nakakita sa pangangalunya sa pamamagitan ng mga mata nila.

Ang Ikalawa. Ang Takdang Parusa sa Pagbibintang ng Pangangalunya

Ito ay ang pagpaparatang sa mga ibang tao ng pangangalunya nang walang katunayang legal. Ang kaparusahan sa kanya ay ang paghagupit ng 80 hagupit. Nagsabi si Allāh: {Ang mga nagpaparatang sa mga malinis na babae, pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi, ay hagupitin ninyo ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga iyon ay ang mga suwail –} (Qur'ān 4)

Ang Ikatlo. Ang Takdang Parusa sa Pagnanakaw

Nagbawal si Allāh ng paglabag sa mga ari-arian. Dahil doon naglagay Siya ng takdang parusa sa pagnanakaw. Ito ay ang pagputol ng kanang kamay ng magnanakaw mula sa kasukasuan ng kamay. Nagsabi si Allāh: {Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga kamay nila bilang ganti sa nakamit nilang dalawa, bilang parusang panghalimbawa mula kay Allāh. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 5:38)

Ang Ikaapat. Ang Parusa sa Pag-inom ng Alak

Ang pag-inom ng alak ay ipinagbabawal. Ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaking kasalanan. Nakasasaklaw ang alak sa bawat nag-aalis ng isip. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 5:90) Ang takdang parusa sa uminom ng alak ay ang paghagupit ng 40 hagupit.

Ikalawa. Ang Ganting-pinsala (Qaṣāṣ)

Ang ganting-pinsala (qaṣāṣ) ay ang pagpaparusa sa kriminal ng tulad sa krimen niya. Ibig sabihin: gagawin sa kriminal ang tulad sa ginawa niya sa ginawan ng krimen. Kaya naman ang sinumang pumatay ay papatayin; at ang sinumang pumutol ng isa sa mga bahagi ng katawan ng nagawan ng krimen o sumugat dito, tunay na siya ay gagawan ng tulad niyon kung naging posible hanggat hindi hahantong ito sa pagpanaw ng kriminal. Ang paghusga roon ay isinasangguni sa mga may espesyalisasyon.

Ang Pinakamahalaga sa mga Patakaran ng Ganting-pinsala

1. Ang ganting-pinsala ay hindi nangyayari maliban sa pagpatay at pagsugat na sinadya ng kriminal. Kaya naman kung nangyari ito ng mali, dito ay may bayad-pinsala (diyah). Ang bayad-pinsala (diyah) ay salaping itinakdang ibabayad sa nagawan ng krimen sa katawan niya o mag-anak ng napatay sa kaso ng maling pagkapatay.

2. Pinapayagan para sa mag-anak ng pinatay nang sadyaan ang pagpapaumanhin sa nakapatay at pagkuha ng bayad-pinsala (diyah) o ang pagpapaumanhin nang walang bayad-pinsala. Nag-anyaya nga ang Marangal na Qur'ān ng pagpapaumanhin. Nagsabi si Allāh: {ngunit ang sinumang pinagpaumanhinan ng kapatid niya ng anuman ay may pagsunod sa makatuwiran at pagsasagawa roon ng isang pagmamagandang-loob.} (Qur'ān 2:178)

* Sino ang nagpapatupad ng takdang parusa at ganting-pinsala?

Walang nagpapatupad ng mga takdang parusa at ganting-pinsala kundi ang pamahalaan. Hindi pinapayagan iyon para sa kamadlaan ng mga tao.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magtatalakay ako at magpapaliwanag ako.

Nagsabi si Allāh: {Ukol sa inyo sa ganting-pinsala ay buhay, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:179) Basahin mo ang āyah, pagkatapos magtalakay ka sa tagapagturo mo kung papaanong ang ganting-pinsala ay naging buhay para sa mga tao?

Kapag nalaman ng papatay na siya ay papatayin, tunay na siya ay magpipigil sa pagpatay kaya ang ganting-pinsala ay buhay.

Aktibidad 2: Hahango ako at tutugon ako.

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mangako kayo ng katapatan sa akin na hindi kayo magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kayo mangalunya, hindi kayo magnakaw, at hindi kayo pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan. Kaya ang sinumang tumupad kabilang sa inyo, ang pabuya niya ay nasa kay Allāh. Ang sinumang nakagawa ng anuman mula roon saka pinarusahan, ito ay panakip-sala para sa kanya. Ang sinumang nakagawa ng anuman mula roon saka nagtakip sa kanya si Allāh doon, ang nauukol sa kanya ay nasa kay Allāh; kung loloobin Nito ay magpapaumanhin ito sa kanya at kung loloobin Nito ay magdudulot Ito sa kanya ng pagdurusa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6784 at Imām Muslim: 1709. Ayon sa liwanag ng ḥadīth na ito, tugunin mo ang sumusunod:

Hangunin mo ang mga krimeng nababanggit sa teksto.

Ang Pangangalunya - ang Pagnanakaw - ang Pagpatay ng Buhay

Sa ano nagpapahiwatig ang pangako ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Kalipunan niya sa pagwaksi sa mga bagay na ito?

Aktibidad 3: Tutugon ako at magmumungkahi ako.

Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsulat ka ng epekto ng mga sumusunod na krimen sa lipunan at magmungkahi ka ng lunas para roon.

Ang Krimen

Ang Pangangalunya

Ang Pagnanakaw

Ang Pagbibintang ng Pangangalunya

Ang Pag-inom ng Alak

Ang Epekto

Ang Lunas

Aktibidad 4: Magbibigay ako ng payo.

Lumaganap ang mga pampalasing at ang mga droga sa lipunan. Magbigay ka ng payo sa mga kabataan, na nagbibigay-babala sa kanila laban sa mga ito, habang nagpapaliwanag sa kahatulan ng Tagapagbatas kaugnay sa mga ito, habang humahango ng patunay sa napag-aralan mo na mga āyah ng Qur'ān.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala kasama ng pagtutumpak sa mali:

Ang ganting-pinsala ay ang pagparusa sa kriminal ng tulad sa ginawa niya.

Bumabalikat sa pagpapatupad ng ganting-pinsala ang mga katangkilik ng napatay.

Ipinatutupad ang ganting-pinsala sa lahat ng mga krimen ng pagsugat.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Isang kaparusahang itinakda na nag-obliga ng isang karapatan ni Allāh, na tumutukoy ang parirala sa:

(ganting-pinsala - mga takdang parusa - mga pinagpasyahang parusa).

Kapag ang nangalunya ay isang nakapag-asawa, tunay na ang kaparusahan sa kanya ay:

(ang pagpatay sa pamamagitan ng pagbato -- ang 80 hagupit - ang 40 hagupit).

Ang takdang parusa sa uminom ng alak ay ang paghagupit ng:

(100 hagupit - 60 hagupit - 40 hagupit).

Nagaganap ang ganting-pinsala sa:

(sadyaang pagpatay - maling pagpatay - medyo maling pagpatay).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay mula sa Marangal na Qur'ān sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang pagbabawal sa alak.

Ang pagpayag sa pagpapaumanhin ng mga katangkilik ng napatay sa sinasadyang pagpatay.

Ang kaparusahan sa babaing nangalunyang hindi nakapag-asawa.

Ang kaparusahan sa babaing magnanakaw.

PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:

Magbigay-katwiran ka ng pagtawag sa ilan sa mga kaparusahan bilang takdang parusa.

Ang pangangalunya ay isang krimeng pangit at ipinagbabawal. Mayroon itong mga epektong masagwa sa Mundo at Kabilang-buhay. Magsulat ka ng limang linya tungkol doon.

6. Ang Pinakamahalaga sa mga Patakaran ng Pamana

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapagbigay-kahulugan ka sa pagpapamana;

makapagpaliwanag ka ng mga karapatang nauugnay sa naiwan ng patay;

makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng mga uri ng mga tagapagmana;

makapagpatupad ka ng pinakamahalaga sa mga patakaran ng pagbabaha-bahagi ng mana;

makapagbigay-halaga ka sa kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran ng pamana.

Aktibidad na Pang-umpisa

May namatay na isang kapitbahay mo at nag-iwan siya ng isang maybahay, isang ina, isang babaing anak, at isang lalaking anak. Tinanong ka tungkol sa pamamaraan ng pagbabaha-bahagi ng pamana sa mga tagapagmanang ito. Kaya papaano kang magsasagawa ng pagbabaha-bahagi ng pamana sa kanila. Maaari sa iyo na malaman iyon matapos ng pag-aaral mo ng araling ito.

Ang Pinakamahalaga sa mga Patakaran ng Pagpapamana

Ang Pagbibigay-kahulugan sa Pamana

Ang mga Karapatang Nauugnay sa Naiwan ng Patay

Ang Uri ng mga Tagapagpamana

Mga Halimbawa ng Pagbabaha-bahagi ng Mana

Ang Pagharang sa Pamana

Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Pamana

Ang pamana ay ang iniiwan ng namatay sa mga tagapagmana niya na mga ari-arian at mga karapatan.

Ikalawa. Ang mga Karapatang Nauugnay sa Naiwan ng Patay

Kapag namatay ang tao, tunay na kinakailangan sa mga tagapagmana niya, bago ng pagbabaha-bahagi ng pamana, ang mga gawaing ito, ayon sa pagkakasunud-sunod:

Ang pag-aasikaso sa patay. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng kinakailangan nito na pagpaligo, pagbalot, paglibing, at iba pa roon.

Ang pagbabayad ng utang. Kaya naman kinakailangan ang pagbabayad ng mga utang ng patay bago magbaha-bahagi ng naiwan ng patay.

Ang tagubilin. Ibig sabihin: Ang pagpapatupad sa itinagubilin ng patay ng hindi lalabis sa isang katlo ng ari-ariang natitira matapos ng pag-aasikaso sa kanya at pagbabayad ng mga utang niya. Walang tagubilin para sa tagapagmana. Kaya kung sakaling nagtagubilin ang patay para sa isa sa mga tagapagmana niya, hindi ipatutupad ang tagubilin. Gayon din, hindi ito ipatutupad kung sakaling nagtagubilin siya ng pagkakait sa isa sa kanila kabilang sa mga tagapagmana.

Ang paghahati ng legal na mana ay sa pamamagitan ng pagbabaha-bahagi ng natitira sa mga tagapagmana alinsunod sa parte ng bawat isa sa kanila.

Ikatlo. Ang mga Uri ng Tagapagmana

Nahahati ang mga tagapamana sa dalawang uri:

Ang Unang Uri. Ang mga May Obligadong Parte. Sila ay ang mga may parteng itinakda mula sa naiwan ng patay, tulad ng ina, babaing anak, babaing kapatid, at maybahay.

Ang Ikalawang Uri. Ang mga `Āṣib, Tulad ng Anak, Ama, Lalaking Kapatid, at Tiyuhin sa Ama.

Nagsisimula ito sa mga may obligadong parte. Ang natitira mula sa pamana ay kukunin ng pinakamalapit na `Āṣib. Ang pagkakasunud-sunod nila ay ang mga lalaking anak at ang mga lalaking anak nila, pagkatapos ang mga ama at ang mga ama nila, pagkatapos ang mga lalaking kapatid at ang mga lalaking anak nila, pagkatapos ang mga tiyuhin sa ama at ang mga lalaking anak nila.

Kasabay ng isang mahalagang pansin na hindi nagmamana ang di-Muslim mula sa Muslim ni ang Muslim mula sa di-Muslim.

Ikaapat. Mga Halimbawa ng Pagbabaha-bahagi ng Pamana

1. Kapag nag-iwan ang patay ng isang lalaking anak at hindi siya nag-iwan ng mga babaing anak o ama o ina, tunay na ang lalaking anak ng naiwan sa kabuuan nito. Kung kasama ng lalaking anak ay may mga lalaking kapatid at mga babaing kapatid niya, tunay na ang pamana ay hahatiin na ukol sa lalaki ang tulad sa parte ng dalawang babae. Nagsabi si Allāh: {Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay tulad ng bahagi ng dalawang babae.} (Qur'ān 4:11)

2. Kapag nag-iwan ang patay ng nag-iisang babaing anak at wala itong lalaking kapatid, ukol sa kanya ang kalahati; ngunit kung may dalawang babaing anak o higit pa, ukol sa kanila ang dalawang katlo. Nagsabi si Allāh: {Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati.} (Qur'ān 4:11)

3. Kapag nag-iwan ang patay ng mga anak na lalaki at babae at mga magulang o isa sa kanilang dalawa, tunay na ang bawat isa sa mga magulang ay kukuha ng ikaanim at kukuha ang mga anak sa natitira sa naiwan, na ukol sa lalaki ay tulad ng bahagi ng dalawang babae. Nagsabi si Allāh: {Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak.} (Qur'ān 4:11)

4. Kapag nag-iwan ang patay ng ina at wala siyang isang anak na lalaki at walang dalawa o higit pa na mga kapatid, tunay na ang ina ay magmamana ng ikatlo. Kung ang patay naman ay may mga kapatid, magmamana ang ina ng ikaanim. Nagsabi si Allāh: {Kung hindi naman siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo; ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim} (Qur'ān 4:11)

5. Kapag namatay ang asawa at nag-iwan siya ng isang maybahay o higit sa isa, maaari na siya ay may sangay na tagapagmana o wala. Kaya kung siya ay may sangay na tagapagmana, ukol sa maybahay ang ikawalo; at kung siya ay walang sangay na tagapagmana, ukol sa maybahay ang ikaapat. Nagsabi si Allāh: {Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo} (Qur'ān 4:12)

6. Kapag namatay ang maybahay, maaari na siya ay may sangay na tagapagmana o wala. Kaya kung siya ay may sangay na tagapagmana, ukol sa asawa ang ikaapat; at kung siya ay walang sangay na tagapagmana, ukol sa asawa ang kalahati. Nagsabi si Allāh: {Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila} (Qur'ān 4:12)

Ikalima. Ang Pagharang sa Pamana

Maaaring humantong ang kairalan ng ilan sa mga tao sa naiwan ng patay sa pagharang sa parte ng mga iba pa kaya hindi sila magmamana, na tinatawag ito "pagharang ng pagkakait," o pagpapakaunti ng parte ng ilan sa mga tagapagmana, na tinatawag na "pagharang ng pagkulang."

Kabilang sa mga halimbawa ng pagharang ng pagkakait ang pagkakaroon ng ama sapagkat tunay na ito ay pumipigil sa lolo at mga kapatid sa pagmamana.

Kabilang sa mga halimbawa ng pagharang ng pagkulang ang pagkulang ng parte ng maybahay mula sa ikaapat hanggang sa maging ikawalo dahilan sa pagkakaroon ng sangay na tagapagmana.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Maghahango ako at magsasaulo ako.

Tumalakay ang isang bilang ng mga āyah mula sa Sūrah An-Nisā' ng mga patakaran ng pamana. Sa pamamagitan niyon, magsasagawa ang tagapagturo ng pag-aatang sa mga estudyante sa pamamagitan ng paghahango ng mga āyah na ito at pagsasaulo sa mga ito hanggang sa humusay sila sa pag-alam sa pagbabaha-bahagi ng pamana.

Aktibidad 2: Takdaan mo ang parte ng bawat tagapagmana mula sa mga tagapagmana gaya ng hinihiling sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kaso

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang maybahay, isang lalaking anak, at isang babaing anak.

Namatay ang babae at nag-iwan siya ng ama, isang lalaking anak, at mga kapatid na buo.

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang babaing anak, ina, at ama.

Ang Tagapagmanang Tinutukoy ang Paglilinaw sa Parte Niya

Ang Maybahay

Ama

Ang Babaing Anak

Ang Parte ng Tagapagmana

Ang Ikawalo

Ang Ikaanim

Ang Kalahati

Aktibidad 3: Makikipagtulungan ako at magtutuos ako.

Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, tuusin mo ang parte ng bawat tagapagmana mula sa sumusunod:

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang lalaking anak at isang babaing anak. Nag-iwan siya ng 180 ektarya sakahan.

Namatay ang babae at nag-iwan siya ng asawa, isang babaing anak, at ama. Nag-iwan siya ng 120,000 Dolyar.

Aktibidad 4: Magtatakda ako at tutugon ako.

Takdaan mo kung sino ang magmamana sa pamamagitan ng obligadong parte at kung sino ang magmamana sa pamamagitan ng pagiging `Āṣib sa sumusunod na talahanayan:

Ang Kaso

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang babaing anak, ama, at isang lalaking anak.

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang maybahay, ina, at isang tiyuhin sa ina.

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang lalaking kapatid, isang babaing anak, at isang maybahay.

Ang Tagapagmana sa Pamamagitan ng Obligadong Parte

Ang Ama

Ang Maybahay at ang Ina

Ang Babaing Anak at ang Maybahay

Ang Tagapagmana sa Pamamagitan ng Pagiging `Āṣib

Ang Babaing anak at ang Lalaking Anak

Ang Tiyuhin sa Ama

Ang Lalaking Kapatid

Aktibidad 5: Mag-iisip ako at tutugon ako.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa mga āyah ng pamana: {matapos na ng [pagkaltas ng] ng isang tagubiling isinasatagubilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang.} (Qur'ān 4:12) Nagsabi rin Siya: {matapos na ng [pagkaltas ng] ng isang tagubiling isinasatagubilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang.} (Qur'ān 4:11) Kaya nagpapahiwatig ng ano iyon?

Nagpapahiwatig iyon sa pagiging hindi naisasagawa ang pagbabaha-bahagi ng naiwan ng patay sa mga tagapagmana malibang matapos ng pagpapatupad ng tagubilin.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ang kauna-unahan sa sinisimulan ng mga tagapagmana ay:

(ang pag-aasikaso sa patay - ang pagbabayad ng mga utang - ang pagbabaha-bahagi ng pamana).

Kapag nag-iwan ang patay ng dalawang babaing anak na walang kasama sa dalawang ito na isang lalaki, tunay na ang dalawang ito ay magmamana ng:

(isang katlo - kalahati - dalawang katlo).

Magmamana ang ama ng ikaanim sa sandali ng pagkakaroon ng:

(babaing anak - lalaking anak - ina).

Magmamana ang maybahay ng ikaapat ng naiwan sa kaso ng:

(pagkakaroon ng sangay na tagapagmana ng asawa - hindi pagkakaroon ng isang tagapagmana ng asawa - hindi pagkakaroon ng ama).

Magmamana ang babaing anak ng kalahati sa kaso ng:

(hindi pagkakaroon ng isang lalaking kapatid para sa kanya - hindi pagkakaroon ng ama - hindi pagkakaroon ng ama at ina).

Panuto 2: Linawin mo kung sino ang magmamana, kung sino ang hindi magmamana, at ang kantidad ng bawat tagapagmana sa sumusunod:

Ang Kaso

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng ina, isang babaing kapatid, at isang lalaking anak.

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng dalawang babaing anak at ama.

Namatay ang babae at nag-iwan siya ng asawa, ama, at lolo.

Namatay ang babae at nag-iwan siya ng isang babaing anak, ama, at isang babaing kapatid.

Ang Magmamana at ang Kantidad ng Pamana

Ang Hindi Magmamana

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Bigyang-pakahulugan mo ang pamana.

Magsulat ka ng isang halimbawa ng pagharang pagkakait at isang halimbawa ng pagharang ng pagkulang

Isulat mo ang mga karapatang nauugnay sa naiwan ng patay.

Kapag nagsama ang mga may obligadong parte at ang mga `Āṣib, sino ang uunahin?

Ano ang pagkakasunud-sunod ng mga `Āṣib kapag nagsama sila?

7. Ang Kasanhian ng Pagbabatas ng Pamana

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapaglinaw ka sa katarungan ng Islām sa pagbabaha-bahagi ng pamana;

makapagpaliwanag ka sa kasanhian ng pagkaisinasabatas ng pamana;

makahango ka ng patunay sa kasanhian ng pagkaisinasabatas ng pamana;

makapag-isa-isa ka sa mga kaso na nagmamana sa mga ito ang babae ng tulad ng sa lalaki o higit pa;

makapagsadamdamin ka sa panganib ng pagsalungat sa mga tuntunin ng pamana;

makatugon ka sa mga tagapagpaduda sa katarungan ng Islām sa pagpapamana sa babae.

Aktibidad na Pang-umpisa

Nagpangalan si Allāh sa isang sūrah sa Qur'ān ng pangalang Nisā` (mga Babae) at bumanggit siya rito ng mga karapatan ng mga babae at pagbabaha-bahagi ng pamana.

Pagbulay-bulayan mo iyon, pagkatapos ipaliwanag mo ang mahahangong katuturan mula roon.

Ang Kasanhian ng Pagbabatas ng Pamana

Ang Katarungan ng Islām sa Pagbabatas ng Pamana

Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Pamana

Ang mga Kaso ng Pamana sa Babae na Tulad ng sa Lalaki

Ang mga Kaso ng Pamana sa Babae na Higit Kaysa sa Lalaki

Ang Katarungan ng Islām sa Pagbabatas ng Pamana

Ibinibilang ang pamana kabilang sa mga pagbabatas na lumilitaw sa mga ito ang katarungan ng Islām yayamang naghati ang Islām sa pamana sa mga tagapagmana alinsunod sa pangangailangan sapagkat nag-una ito sa mga anak ng patay dahil sila ay higit na nangangailangan sa ari-arian niya kaysa sa ama niya at mga kapatid niya.

Gayon din, ang pangangailangan ng lalaking anak ay higit na malaki kaysa sa pangangailangan ng babae dahil siya ay hinihiling sa batas ng paggugol sa sarili niya at sa mga maralitang magulang niya at pinapanagot sa mga paggugol ng pag-aasawa niya, pagkatapos paggugol sa maybahay niya at mga anak niya. Hinggil naman sa babaing anak, kadalasang gugugol sa kanya ang iba pa sa kanya yayamang tunay na siya ay mag-aasawa at ang paggugol sa kanya ay magiging kinakailangan sa asawa niya.

Kabilang sa mga pagkakahayag ng katarungan sa pamana: na ang sistemang Islāmiko ay gumawa para sa munting bata – kahit pa man ito ay isang fetus – ng isang parteng tulad ng parte ng nakatatandang kapatid niya at hindi nagtangi sa pagitan ng pinakamatandang kapatid at iba pa rito kabilang sa mga anak. Iyon ay dahil ang mga bata ay magiging higit na nangangailangan sa salapi sa darating na buhay nila.

Ang Kasanhian ng Pagbabatas sa Pagbabaha-bahagi ng mga Pamamana

Kabilang sa pinakaprominente sa mga kasanhian ng pagbabatas ng pamana:

Ang pagsasakatotohanan ng pag-aarugaang panlipunan (social solidarity), na inireresulta buhat rito ang pagpapalaganap ng pagmamahalan at pag-ibig sa pagitan ng mga individuwal ng lipunan. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsasakatuparan nito sa loob ng bawat pamilya sa pamamagitan ng pagbabaha-bahagi ng pamana sa pagitan nila.

Ang pag-iral ng ari-arian sa mga kamay ng lahat upang ang ari-arian ay hindi maging nasa kamay ng isang grupo bukod sa iba pa sapagkat kay rami ng maralita na binigyang-kasapatan ni Allah dahil sa mana.

Ang pagputol sa mga pithaya na lumilitaw sa buhay ng tao o matapos ng kamatayan niya sapagkat maaaring ang tao sa sandali ng buhay niya ay may pagkiling sa isang anak higit sa iba pa at maaaring ang isa sa mga anak ay may pagkaibig sa pagsolo sa naiwan. Kasama ng mga pithayang ito, hindi natutuwid ang buhay. Kaya naman pumutol ang pagbabatas sa mga pithayang iyon sa pamamagitan ng isang eksaktong sistemang nagbibigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito.

Gumawa si Allāh para sa bawat isa sa dalawang kasarian ng karapatan nito sa pamana. Dito ay may isang pagputol sa pag-aangkin ng isang tao nang mag-isa sa naiwan gaya noong bago ng Islām at gaya ng umiiral sa ilan sa mga lipunan hanggang sa ngayon. Nagsasabi si Allāh: {Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.} (Qur'ān 4:7)

Nagparangal ang Islām sa bigkis ng pagkamag-asawa at gumawa rito bilang isang kadahilanan kabilang sa mga kadahilanan ng pagmamana. Nagsabi si Allāh: {Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin nila o ng [pambayad sa] isang pautang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo} (Qur'ān 4:12)

Pumutol ito sa mga kadahilanan ng hidwaan sa pagitan ng mga kamag-anak ng patay dahil ang kamag-anak na hinadlangan sa pamana, kapag nakaalam siya na ang paghadlang sa kanya ay dahil sa utos ni Allāh, ay matitiwasay ang sarili niya at malulugod sa pagpaparte ni Allāh, na kasalungatan sa kung sakaling iniwan ang pagpapamana sa mga tao, na maghahadlang sa loloobin nila at magbibigay sa loloobin nila kaya ito ay magiging isang kadahilanan ng pagkakahati-hati at hidwaan.

Ang Kasanhian sa Pagbabatas ng Pamana sa Babae

Talaga ngang pinawi ng Islām ang kawalang-katarungan na nagaganap sa babae sa mga nakalipas na panahon sapagkat nagbigay ito sa kanya ng isang parte sa pamana kaya nakakukuha siya ng kalahati ng sa lalaki kapag siya ay naging nasa mismong antas nito. Ang pagpapaibang ito ay hindi isang kawalang-katarungan sa baba dahil siya ay hindi hinihilingan ng paggugol. Pagkatapos tunay na mayroong maraming kaso na nagmamana sa mga ito ang babae ng tulad ng sa lalaki o higit sa tulad ng sa lalaki.

1. Mga Kaso na Nagmamana sa mga Ito ang Babae ng Tulad sa Lalaki

Kapag nag-iwan ang patay ng isang babaing anak at ama, ukol sa babaing anak ang kalahati ng naiwan bilang obligadong parte at ukol sa ama ang natitira (ibig sabihin: ang kalahati nito) bilang `Āṣib.

Kapag nag-iwan ang patay ng isang lalaking anak, ama, at ina, magkakapantay ang ama at ang ina [sa mana] sapagkat ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ang ikaanim [ng mana] bilang obligadong parte batay sa sabi ni Allāh: {Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak.} (Qur'ān 4:11) Ang natitira ay ukol sa lalaking anak bilang `Āṣib.

Kapag nag-iwan ang patay ng isang babaing anak at isang lalaking anak ng isang lalaking anak, ukol sa babaing anak ang kalahati ng naiwan bilang obligadong parte batay sa sabi ni Allāh: {at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay ang kalahati.} (Qur'ān 4:11) at ukol sa lalaking anak ng lalaking anak ang natitira sa naiwan bilang `Āṣib: ang kalahati.

2. Mga Kaso na Nagmamana ang Babae sa mga Ito ng Higit Kaysa sa Lalaki

Kapag namatay at nag-iwan ng isang babaing anak, ama, at ina, ukol sa babaing anak ang kalahati ng naiwan, ukol sa ina ang ikaanim bilang obligadong parte, at ukol sa ama ang ikaanim bilang obligadong parte at ang natitira bilang `Āṣib. Sa pamamagitan nito, ang parte ng babaing anak ay higit na malaki kaysa sa parte ng ama.

Kapag namatay at nag-iwan ng ina, isang babaing kapatid na buo, at isang lalaking kapatid sa ama, ukol sa ina ang ikaanim at ukol sa babaing kapatid na buo ang kalahati. Ang natitira ay ukol sa lalaking kapatid sa ama bilang `Āṣib, na higit na kaunti kaysa sa parte ng babaing kapatid na buo.

Kapag namatay ang babae at nag-iwan siya ng isang babaing anak ng isang lalaking anak, asawa, at ama, ukol sa babaing anak ng lalaking anak ang kalahati ng naiwan bilang obligadong parte, ukol sa asawa ang ikaapat ng naiwan bilang obligadong parte, at ukol sa ama ang ikaanim ng naiwan bilang obligadong parte at ang natitira bilang `Āṣib. Sa pamamagitan nito, ang parte ng babaing anak ng lalaking anak ay higit na malaki kaysa sa parte ng asawa at kaysa sa parte ng ama rin.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbibigay ako ng pananalita.

Magbigay ka ng pananalita sa sinumang humahadlang sa babae sa legal na karapatan nito sa pamana.

Aktibidad 2: Hahango ako at tutugon ako.

Nagsabi si Allāh matapos na magsalita tungkol sa pagbabaha-bahagi ng pamana: {13. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. 14. Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.} (Qur'ān 4:13-14) Ayon sa liwanag ng pag-aaral mo, sagutin mo ang sumusunod:

Hanguin mo ang kahihinatnan ng pagpapatupad sa mga tuntunin ng pamana at ng pagsalungat sa mga ito sa Araw ng Pagbangon.

Nagpapahiwatig ng ano ang nasaad sa dalawang āyah sa kahalagahan ng pagpapatupad ng mga patakaran ng pamana at panganib ng pagsalungat sa mga ito?

Aktibidad 3: Magtatakda ako at magpapaliwanag ako

Takdaan mo ang parte ng bawat tagapagmana kaugnay sa dalawang sumusunod na usapin, kalakip ng paglilinaw sa katunayan ng bawat isa sa dalawang ito sa katarungan ng Islām sa pagbabaha-bahagi ng pamana sa pagitan ng lalaki at babae.

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang maybahay, isang babaing kapatid sa ama, at isang anak ng isang lalaking kapatid na buo.

Namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang babaing kapatid na buto at isang lalaking kapatid sa ama.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Lumilitaw ang katarungan sa pamana sa pagpapantay sa pagitan ng lalaki at babae.

Pumuputol ang pagbabaha-bahagi ng pamana sa pagkaibig ng ilan sa mga tao sa pag-aangkin sa buong naiwan.

Gumawa ang Islām sa bigkis ng pagkamag-asawa bilang isang kadahilanan kabilang sa mga kadahilanan ng pagmamana.

Nakipagpantayan ang Islām sa iba pa rito na mga pagbabatas sa pagbabatas ng pamana sa babae.

Pinapayagan ang pagpapaiba sa pagitan ng mga tagapagmana batay sa pagkaibig ng mga anak.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kapag namatay ang lalaki at nag-iwan siya ng isang babaing anak at ama, tunay na ang parte ng babaing anak ay:

(higit na kaunti kaysa sa parte ng ama - higit na marami kaysa sa parte ng ama - tulad ng sa parte ng ama).

Kabilang sa mga kaso na nagmamana sa mga ito ang babae ng higit kaysa sa lalaki ay kapag namatay ang Muslim at nag-iwan siya ng:

(ina, isang babaing kapatid na buo, at isang lalaking kapatid sa ama - isang babaing anak at isang lalaking anak ng isang lalaking anak - isang lalaking kapatid sa ina, isang babaing kapatid sa ina, at isang tiyuhin sa ama).

Kapag namatay ang babae at nag-iwan siya ng isang babaing anak ng isang lalaking anak, asawa, at ama, tunay na ang parte ng babaing anak ng lalaking anak ay:

(ang ikaanim - ang katlo - ang kalahati).

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ang katarungan ay ang pundasyon ng pagbabaha-bahagi ng pamana sa Islām. Ipaliwanag mo iyon.

Kabilang sa mga kasanhian ng pagbabatas ng pamana ang pagputol sa mga kadahilanan ng hidwaan sa pagitan ng mga kamag-anak ng tagapagpamana. Bigyang-linaw mo iyon.

Nagpapahiwatig ng ano ang sabi ni Allāh: {Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.}

Magbigay-linaw ka sa dalawang kaso kabilang sa mga kaso ng pamana sa babae na higit kaysa sa lalaki.

Magpatotoo ka na ang Islām ay hindi lumabag sa katarungan sa babae sa pamana.

8. Ang Sistemang Pampagbabatas at Pampulitikang Islāmiko

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapag-isa-isa ka sa mga kakanyahan ng sistemang pampagbabatas na Islāmiko;

makapaglinaw ka sa mga pagkakahayag ng pagpapaginhawa at pagpawi ng kaasiwaan sa Islām;

makapagbigay-linaw ka sa pagkamasaklaw ng pagbabatas sa Islām;

makapagpakilala ka sa mga pinagkukunan ng pagbabatas sa Islām;

makapagpaliwanag ka sa mga tuntunin ng sistemang pampulitika sa Islām;

makapagsadamdamin ka sa kadakilaan ng sistemang pampagbabatas at pampulitika sa Islām.

Aktibidad na Pang-umpisa

Ang pagbabatas Islāmiko ay naaangkop sa bawat panahon at lugar. Humango ka ng patunay roon mula sa naisasaulo mo.

Ang Sistemang Pampagbabatas at Pampulitikang Islāmiko

Ang Sistemang Pampagbabatas sa Islām

Ang mga Pinagkukunan ng Pagbabatas

Ang Sistemang Pampagbabatas sa Islām

Una. Ang Sistemang Pampagbabatas na Islāmiko

Talaga ngang naghatid ang Islām ng mga pagbabatas na nag-ingat para sa mga tao ng mga karapatan nila at naggarantiya para sa kanila ng tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay dahil sa taglay ng mga ito na mga kakanyahan at mga ikinabubukod. Kabilang sa mga ito:

1. Ang Pagkapampanginoon

Namukod ang Batas Islāmiko sa pagiging ito ay mula sa ganang kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at walang panghihimasok dito para sa mga pithaya ng tao. Nagsabi si Allāh: {Pagkatapos naglagay Kami sa iyo sa isang batas mula sa kautusan kaya sumunod ka rito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam.} (Qur'ān 45:18)

2. Ang Kasaklawan

Ang pagbabatas Islāmiko ay sumasaklaw sa lahat ng mga aspeto ng buhay gaya ng mga pagsamba, mga pakikitungo, mga etika, at mga kaparusahan. Nagsabi si Allāh: {Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.} (Qur'ān 16:89)

3. Ang Pagkapanlahat

Ang pagbabatas ay naaangkop sa lahat ng mga tao sa alinmang panahon at lugar. Nagsabi si Allāh: {Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala,} (Qur'ān 34:28)

4. Ang Ginhawa at ang Pagpawi ng Kaasiwaan

Namukod ang pagbabatas Islāmiko sa pagpawi ng kaasiwaan sa mga naatangan ng tungkulin at pagpapaginhawa sa kanila. Nagsabi si Allāh: {Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap} (Qur'ān 2:185) Kabilang sa mga pagkakahayag ng pagpapaginhawa at pagpawi ng kaasiwaan:

na ang mga patakaran ng Sharī`ah ay dumating na pinagaan, na sa mga ito ay walang mga nagpapahirap na pag-aatang ng tungkulin. {na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato, na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah at Ebanghelyo, na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama, nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim, at nag-aalis sa kanila ng pabigat sa kanila at mga kulyar na dating nasa kanila. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya, at sumunod sa liwanag na pinababa kasama sa kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay."} (Qur'ān 7:157)

Ang hindi paninisi sa mga naatangan ng tungkulin sa kaso ng paglaho ng isip. Nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa bata hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4403 at Imām At-Tirmidhīy: 1423.

Ang pagpapagaan sa mga pag-aatang ng tungkuling pang-Sharī`ah sa mga kasong tinukoy. Kabilang doon ang pahintulot sa pagtigil-ayuno sa buwan ng Ramaḍān para sa manlalakbay, maysakit, at matanda.

Ang mga Pinagkukunan ng Pagbabatas Islāmiko

Ang Una. Ang Marangal na Qur'ān. Nagsabi si Allāh: {Na humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa pinababa ni Allāh, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila,} (Qur'ān 5:49)

Ang Ikalawa. Ang Pampropetang Sunnah. Nagsabi si Allāh: {Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo.} (Qur'ān 59:7)

Ang Ikatlo. Ang Pinagkasunduan (Ijmā`). Ito ay ang pagkasang-ayon ng mga dalubhasa sa Sharī`ah mula sa Kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga panahon sa isang kahatulang pang-Sharī`ah. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Humiling ako kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na huwag siyang magpakasundo sa Kalipunan ko sa isang kaligawan saka ibinigay naman Niya ito." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 27224.

Ang Ikaapat. Ang Analohiya (Qiyās). Ito ay sa pamamagitan ng pagsusumikap ng faqīh sa pag-uugnay sa isang usaping walang patunay sa Qur'ān at Sunnah sa iba pang usaping may patunay sa Qur'ān o Sunnah dahil sa isang pagkakawangis sa pagitan ng dalawang usaping ito.

Nasaad nga sa ḥadīth ni Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) nang nagpadala sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Yemen: {... "Ngunit kung hindi ka nakatagpo sa Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa Aklat ni Allāh?" Nagsabi ito: "Magsusumikap ako sa pagbuo ng pananaw ko at hindi ako magpapabaya."} Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3592 at Imām At-Tirmidhīy: 1327.

Ikalawa. Ang Sistemang Pampulitikang Islāmiko

Ang pulitika sa Islām ay nangangahulugan ng pangangasiwa sa mga pumapatungkol sa estadong Islāmiko.

Humahango ang pulitikang Islāmiko ng mga tuntunin nito mula sa Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), Sunnah ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at nalalabi sa mga pinagkukunan ng iba pang pagbabatas na Islāmiko.

Ang mga Tuntunin ng Sistemang Pampulitikang Islāmiko

Dumating ang Islām bilang sumasaklaw sa buhay ng mga tao sa relasyon nila kay Allāh at buhay nilang pangmundo.

Sa larangan ng mga pagsamba at ugnayan kay Allāh, naghatid ang mga teksto ng Sharī`ah ng mga pagdedetalye niyon sa kabuuan niyon.

Hinggil naman sa larangan ng buhay pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, at tulad ng mga ito, naghatid ang Sharī`ah ng mga tuntunin at mga patakarang pangkalahatan na nagreregula sa buhay ng mga tao at nagsasakatuparan para sa kanila ng mga kapakanan nila, at nag-iwan ng mga pagdedetalye sa mga tao upang makipagtugmaan ito sa pagkakaiba-iba ng mga yugto nila at mga panahon nila.

Kaya bilang halimbawa: sa larangang pampulitika, naghatid ang Sharī`ah ng katarungan, sanggunian, at pagpapatupad ng mga patakaran ng Sharī`ah subalit ang porma ng sistemang pampulitika at ang mga detalye ng relasyon ng tagapamahala sa pinamamahalaan ay iniwan sa mga tao kaugnay sa anumang nagsasakatuparan sa mga pakay na legal na pangkalahatan at hindi sumasalungat sa mga patakaran ng Sharī`ah.

Kabilang sa pinakamahalaga sa mga tuntunin ng sistemang pampulitikang Islāmiko ang sumusunod:

1. Ang Paghahatol Ayon sa Pinababa ni Allāh

Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakarang pang-Sharī`ah na nasasaad sa Qur'ān at Sunnah at hindi pagbabatas ng mga patakarang sumasalungat sa mga ito. Nagsasabi si Allāh: {Ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang.} (Qur'ān 6:57)

2. Ang Sanggunian

Ito ay sa pamamagitan ng paghiling ng pananaw sa bawat paksa mula sa mga kabatiran at espesyalisasyon para sa paghantong sa pinakatamang pananaw.

Ang pagpapatupad ng sanggunian ay nagsasakatotohanan ng pagkakaisa ng Kalipunan at pagbubuklod ng mga puso, yayaman din na ang sanggunian ay kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {ang usapin nila ay sanggunian sa pagitan nila,} (Qur'ān 42:38)

3. Ang Katarungan

Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagpapakamakatarungan sa pakikitungo sa lahat ng mga tao at ng pagbibigay sa bawat tao ng karapatan niya nang walang pagkulang o pagtatangi sa pagitan ng isang malakas at isang mahina o isang mayaman at isang maralita. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao ay na humatol kayo ayon sa katarungan.} (Qur'ān 4:58)

4. Ang Pagsasanggalang sa mga Kalayaan

Iyon ay sa pamamagitan ng pagiging ang tao ay malaya sa pamamatnugot sa mga pumapatungkol sa kanya ayon sa hindi sumasalungat sa Batas Islāmiko.

/Ang mga kalayaan ay may mga larangang sarisari, na kabilang sa mga ito ang hindi pagpilit sa hindi mga Muslim sa pagpasok sa Islām. Nagsabi si Allāh: {Walang pamimilit sa relihiyon; luminaw nga ang pagkagabay sa pagkalisya.} (Qur'ān 2:256)

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Mag-iisip ako at hahango ako.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, humango ka mula sa mga sumusunod na teksto ng nagpapatunay rito na mga ikinabubukod ng sistemang pampagbabatas at pampulitikang Islāmiko.

Ang Teksto

Nagsabi si Allāh: {at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang kaasiwaan,} (Qur'ān 22:78)

Nagsabi si Allāh: {at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh;} (Qur'ān 3:159)

Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan,} (Qur'ān 7:158)

Ang Nagpapatunay Rito

Ang Ginhawa at ang Pagpawi ng Kaasiwaan

Ang Sanggunian

Ang Pagkapanlahat

Aktibidad 2: Magtatanong ako at magtatalakay ako.

Tunay na si Allāh ay magtataguyod sa estadong makatarungan kahit pa ito ay isang di-Muslim at hindi magtataguyod sa estadong tagalabag ng katarungan kahit pa ito ay Muslim.

Makipagtalakayan ka kasama ng mga kaklase mo at tagapagturo mo hinggil sa katumpakan ng kasabihang ito sa ilalim ng ipinagdurusa ng ilan sa mga lipunan na kawalang-katarungan at paniniil dahilan sa kalayuan sa Batas ng Islām.

Aktibidad 3: Magsasaalaala ako at tutugon ako.

Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsulat ka ng ilan sa mga halimbawa na nagpapatunay sa kadalian ng Sharī`ah at pagpawi nito sa kaasiwaan sa mga naatangan ng tungkulin.

Ang Tayammum - Ang Pagpapaikli ng Ṣalāh at ang Pagsasama ng mga Ito - Ang Pagpahid sa Ibabaw ng Khuff - Ang Pagpayag sa Pagtigil-ayuno ng Maysakit at Manlalakbay

Aktibidad 1: Magsasaalaala ako at magkukwento ako.

Magkuwento ka ng isang pangyayari na nagpatupad ka rito ng simulain ng sanggunian at humantong iyon sa pagkapili ng tama.

Papaanong maisasaposible ang pagtuon ng pangyayaring ito sa pagkikintal ng simulain ng sanggunian sa mga kaluluwa ng mga kaklase mo?

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Ang analohiya (qiyās) ay ang ikatlong pinagkukunan mula sa mga pinagkukunan ng pagbabatas.

Nakasalalay ang sistemang Islāmiko sa pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagbabatas.

Kumakausap ang pagbabatas Islāmiko sa lahat ng mga tao sa pamamagitan ng mga patakaran nito

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kabilang sa mga tuntunin ng sistemang pampulitikang Islāmiko:

(ang pagpapaginhawa - ang kasaklawan - ang sanggunian).

Ibinibilang ang Pampropetang Sunnah bilang:

(ang unang pinagkukunan sa pagbabatas - ang ikalawang pinagkukunan sa pagbabatas - ang ikatlong pinagkukunan sa pagbabatas).

Ang pagkasang-ayon ng mga dalubhasa sa Sharī`ah ng Kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga panahon sa isang kahatulang pang-Sharī`ah ay:

(ang ijmā (pinagkasunduan) - ang istiḥsān (pagmamaganda) - ang qiyās (analohiya).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang Pagkakinakailangan ng Paghatol Ayon sa Katarungan

Ang Pagkapanlahat ng Sharī`ah Para sa Lahat ng mga Tao

Ang Pangangatwiran sa Pamamagitan ng Pampropetang Sunnah

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Kabilang sa mga kakanyahan ng pagbabatas Islāmiko ang pagkamasaklaw. Bigyang-linaw mo iyon.

Bigyang-pakahulugan mo ang analohiya (qiyās).

Ano ang pinakamahalaga sa mga larangan ng pagsasanggalang sa mga kalayaan?

Ipaliwanag mo ang epekto ng pagpapatupad sa sanggunian.

9. Ang Sistemang Pang-ekonomiya at Panlipunang Islāmiko

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapagpaliwanag ka sa mga tampok na katangian ng pagkapampanginoon ng sistemang pang-ekonomiyang Islāmiko;

makapag-isa-isa ka sa mga kakanyahan ng sistemang pang-ekonomiyang Islāmiko;

makahango ka ng patunay sa mga pundasyon ng sistemang panlipunang Islāmiko;

makapagpahayag ka ng pagbibigay-halaga ng Islām sa papel ng pamilya sa lipunan.

Una. Ang Sistemang Pang-ekonomiya sa Islām

Ito ay isang istilong pang-ekonomiya na sumasandal sa Batas Islāmiko sa paggamit ng mga yamang pang-ekonomiya alang-alang sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga tao.

Ang mga Kakanyahan ng Sistemang Pang-ekonomiya Islāmiko

Ang mga Kakanyahan ng Sistemang Pang-ekonomiya

Sistemang Pampanginoon

Sistemang Pangkaasalan

Nakasalalay sa Pagpapaginhawa

Ang Pagbabalansehan

1. Sistemang Pampanginoon

Ibig sabihin: ito ay isang sistemang humahango ng mga simulain nito mula sa mga pinagkukunan ng pagbabatas Islāmiko. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga simulaing ito:

na ang yaman ay yaman ni Allāh at ang mga tao ay mga pinag-iwanan doon. Nagsabi si Allāh: {at gumugol kayo mula anumang sa ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan doon.} (Qur'ān 57:7)

Ang Pagpayag sa mga Kaaya-aya at ang Pagbabawal sa mga Karima-rimarim. Nagsabi si Allāh: {nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim,} (Qur'ān 7:157)

Ang Paggalang sa Pribadong Pag-aari Para sa mga Lalaki at mga Babae. Nagsabi si Allāh: {Ukol sa mga lalaki ay bahagi mula sa nakamit nila at ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila.} (Qur'ān 4:32)

Ang Kalayaang Pang-ekonomiyang Nalilimitahan. Iyon ay sa pamamagitan ng hindi pagkuha ng yaman sa isang paraang ipinagbabawal at hindi paggugol sa bawal. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo ayon sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo.} (Qur'ān 4:29)

2. Sistemang Nakasalalay sa Pagpapaginhawa

Kabilang sa mga katunayan niyon na ang lahat ng mga pakikitungo ay pinapayagan hanggat walang naisaad na isang tekstong legal na nagbabawal ng anuman mula sa mga ito. Nagsabi si Allāh: {Nagpasilbi Siya para sa inyo ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa nang lahatan mula sa Kanya.} (Qur'ān 45:13)

3. Sistemang Pangkaasalan

Ito ay yayamang sumasandal ang sistemang pang-ekonomiya sa mga simulain at mga pinahahalagahang pangkaasalan na hinango mula sa Marangal na Qur'ān at pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tulad ng katapatan at pagkamapagkakatiwalaan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dalawang nagbibilihan ay nasa pagpili hanggang hindi silang dalawa naghiwalayan. Kaya kung nagtapat silang dalawa at naghayag silang dalawa, pagpapalain para sa kanilang dalawa ang pagbibilihan nilang dalawa; at kung nagsinungaling silang dalawa at naglihim silang dalawa, pupuksain ang pagpapala sa pagbibilihan nilang dalawa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2079 at Imām Muslim: 1532.

Gayon din ang pagwaksi ng pandaraya, panlilinlang, monopoliya, at pag-uumit-umit sa takal at timbang. Nagsasabi si Allāh: {1. Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit, 2. na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos sila, 3. at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.} (Qur'ān 83:1-3)

4. Ang Pagbabalansehan sa Pagitan ng Aspetong Materyal at Espirituwal

Iyan ay yayamang nagbibigay ito sa bawat isa sa dalawang iyon ng naging karapat-dapat iyon na pangangalaga sapagkat ito ay nag-aanyaya sa tao tungo sa paggawa at pagkita sa Mundo kung paanong nag-aanyaya ito roon tungo sa paggawa para sa Kabilang-buhay. Nagsabi si Allāh: {Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo} (Qur'ān 28:77)

Ikalawa. Ang Sistemang Panlipunan sa Islām

Dahil sa ang tao ay namumuhay sa isang lipunan ng mga tao, bahagi ng kailangan na magkaroon ng isang sistemang namamahala sa lipunang ito at nagreregula sa mga tuntunin ng pakikitunguhan na kinakailangan na sundin ng bawat individuwal tungo sa mga ibang tao.

Ang mga Kakanyahan ng Sistemang Panlipunang Islāmiko

Ang mga Kakanyahan ng Sistemang Panlipunan

Ang Pagsasaalang-alang sa Kapatirang Pampananampalataya

Ang Paglalamangan sa Pangingilag Magkasala

Ang Katarungan sa mga Tao

Ang Pagsasaalang-alang sa mga Karapatan

1. Ang Pagsasaalang-alang sa Kapatirang Pampananampalataya

Iyon ay yayamang nagtuturing ang Islām sa mga mananampalataya sa kalahatan ay magkakapatid. Nagsabi si Allāh: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang} (Qur'ān 49:10) Hinggil naman sa hindi mga Muslim, tunay na sila ay mga napaloloob sa ilalim ng pagsanggalang ng mga Muslim at katarungan ng Islām. Nagsabi si Allāh: {Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo sa Relihiyon at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} (Qur'ān 60:8)

2. Ang Paglalamangan sa Pangingilag Magkasala

Ginawa nga ng Islām na ang timbangan sa paglalamangan sa pagitan ng mga tao ay ang pagsasakatotohanan ng pangingilag magkasala at kagandahan ng kaasalan. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.} (Qur'ān 49:13) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2018.

3. Ang Katarungan sa mga Tao

Ang lahat ng mga Muslim ay magkakapantay sa harap ng mga karapatan, mga tungkulin, at mga kaparusahan sa Batas ng Islām. Kaya naman walang pagkakaiba sa pagitan ng isang mayaman at isang maralita at ng isang malakas at isang mahirap. Ito ay nagsasakatuparan ng katarungan, katiwasayan, at pag-ibig sa gitna ng mga tao.

Kabilang sa mga tagasaksi niyon ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagpasawi lamang sa mga bago ninyo na sila noon, kapag nagnakaw sa kanila ang maharlika, ay nagpapalampas dito, at kapag nagnakaw sa kanila ang mahina, ay nagpapatupad sila rito ng takdang parusa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3475 at Imām Muslim: 1688.

4. Ang Pagsasaalang-alang sa mga Karapatan at mga Etiketang Panlipunan

Ito ay sumasaklaw sa mga karapatan ng mga kamag-anak, mga kapitbahay, mga ulila, mga dukha, at iba pa sa kanila. Nagsabi si Allāh: {Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang *naging isang* hambog na mayabang.} (Qur'ān 4:36)

Gayon din ang mga etiketa ng pagbati, pagpaalam, mga pagtitipon, pagpipitagan sa nakatatanda, pagkaawa sa bata, at iba pa roon kabilang sa mga etiketang Islāmiko.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makikilahok ako at magsasaliksik ako.

Kabilang sa mga simulain ng ekonomiya sa Islām ang pag-uutos ng pagkita ng pinahihintulutan at ang pagtulad sa mga propeta sa paggamit ng mga kadahilanan nito. Kaugnay roon, nagsasabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nakakain ang isa ng isang pagkain kailanman na higit na mabuti kaysa sa kumain siya mula sa trabaho ng kamay niya. Tunay na ang propeta ni Allāh na si David (sumakanya ang pangangalaga) ay kumakain noon mula sa trabaho ng kamay niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2072.

Makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa pagsulat ng mga propesyon na nagtrabaho sa mga ito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magmula ng pagkabata niya.

Ang pagkita ng ipinahihintulot at pagsusumikap dito ay may isang maliwanag na epekto sa pagharap sa mga suliranin ng karalitaan sa lipunan. Ipaliwanag mo iyon.

Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako at magpapaliwanag ako.

Ang pamilya ay ang pundasyon ng kaayusan ng lipunan o ng kasiraan nito. Dahil doon, nagpahalaga ang Islām dito sa pagtayo ng sistemang panlipunan Islāmiko. Makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa paglilinaw sa pinakamahalaga sa mga tampok na katangian ng pagpapahalaga ng Islām sa pamilyang Muslim.

Maglagay ka ng mga pamantayang pang-Sharī`ah para sa pagpili ng asawa at maybahay na mga maayos.

Ang Pag-uutos ng Kagandahan ng Pakikisama sa Pagitan ng Mag-asawa - Ang Pag-uutos sa mga Magulang ng Kagandahan ng Pagpapalaki sa mga Anak

Aktibidad 3: Magbabasa ako at hahango ako.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, hanguin mo ang mga etiketang panlipunang nasasaad sa Sūrah Al-Ḥujurāt.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Ang mga kaasalan ay isa sa mga kinasasalalayan ng ekonomiyang Islāmiko.

Ang pagsusumikap sa pagkita ng ipinahihintulot ay kabilang sa mga sunnah ng mga Propeta.

Nagtangi ang Islām sa mga lalaki sa pagsasanggalang sa pribadong pag-aari nila hindi sa mga babae. (X)

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Ginawa ni Allāh na ang paglalamangan sa pagitan ng mga tao ay sa:

(ari-arian - mga anak - pangingilag magkasala).

Ang pagkakapantayan sa pagitan ng mga tao sa mga karapatan at mga tungkulin ay kabilang sa mga kakanyahan ng Sistemang:

(pampulitika - pang-ekonomiya - panlipunan).

Ang pagbabalansehan sa pagitan ng aspetong espirituwal at aspetong materyal ay kabilang sa mga kakanyahan ng sistemang:

(pampulitika - pang-ekonomiya - panlipunan).

Ang batayang panuntunan sa mga pakikitungo ay:

(ang pagkakinakailangan - ang pagpayag - ang pagbabawal).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Nagbawal si Allāh ng pagkita ng salapi mula sa bawal.

Ang pagsasaalang-alang ng Islām sa mga karapatan ng mga kamag-anak at mga maralita.

Nagkakalamangan ang mga tao sa kagandahan ng kaasalan.

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang sistemang pampanginoon. Ipaliwanag mo iyon.

Magbuod ka ng mga kakanyahan ng sistemang panlipunang Islāmiko.

Magpahayag ka sa tatlong linya ng pagpapahalaga ng Islām sa pamilya.

Ang Ikalimang Yunit: Ang mga Kaasalan at ang mga Etiketa

1. Mga Uri ng Hindi mga Muslim

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapagpaliwanag ka ng tinutukoy na hindi Muslim;

makapag-isa-isa ka sa mga saloobin sa Islām ng hindi mga Muslim;

makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng mu`āhad (kinasundo), musta'man (isinatiwasay), at dhimmīy (kinakalinga);

makapagtakda ka sa pinapayagang kalabanin mula sa hindi mga Muslim;

makapagsadamdamin ka sa katarungan ng Islām sa mga ugnayan nito sa hindi Muslim.

Pauna

Ang ugnayan ng Muslim sa hindi Muslim ay kabilang sa mga paksa na kinakailangan ang pag-aaral dito at ang pagkatuto rito dahil sa kahalagahan nito sa Sharī`ah at dahil sa dami ng pagkakamali rito sa gitna ng mga Muslim. Mayroon sa mga Muslim na nagpapalagay na ang hindi mga Muslim sa kalahatan nila ay nasa isang kalagayan ng digmaan at pangangaway na palagian sa mga Muslim. Mayroon sa mga Muslim na nakikipagtangkilikan at nag-aadya sa hindi Muslim laban sa kapatid niyang Muslim.

Sa araling ito, matutuhan natin ang saloobin ng Islām sa hindi mga Muslim. Bago niyon, mapag-aalaman natin ang pinakamahalaga sa mga saloobin nila sa mga Muslim.

Ang Tinutukoy na Hindi Muslim

Ang hindi Muslim ay ang bawat hindi sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.

Sumasaklaw roon ang sumusunod:

Ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano na hindi sumampalataya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang mga may relihiyong gawa-gawa gaya ng Hinduismo at Budhismo.

Ang mga ateista na nagkakaila sa kairalan ni Allāh at ang mga walang relihiyon na hindi sumasampalataya sa alinmang relihiyon.

Ang mga Saloobin sa Islām ng hindi mga Muslim

Ang mga Kāfir – o hindi mga Muslim – ay hindi nasa iisang antas sa mga saloobin nila sa Islām at mga Muslim. Nagsabi si Allāh: {Mayroon sa mga May Kasulatan na kung magtitiwala ka sa kanya ng isang bunton [na salapi] ay magsasauli siya nito sa iyo. Mayroon sa kanila na kung magtitiwala ka sa kanya ng isang dīnār ay hindi siya magsasauli nito sa iyo malibang hindi ka tumigil sa kanya na naniningil.} (Qur'ān 3:75)

Sina Abū Ṭālib at Al-Muṭ`im bin `Adīy ay hindi tulad nina Abū Lahab, Abū Jahl, at iba pa sa kanilang dalawa kabilang sa malalaki sa mga Kāfir ng Liping Quraysh. Ang mga hari na nakipagsulatan sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-alok sa kanila ng paanyaya niya ay hindi magkatulad. Sina Heracleus (ang hari ng Bizancio) at Al-Muqawqis (ang tagapamahala ng Ehipto) ay hindi naging tulad ni Khosrow (ang hari ng Persiya).

Naisasaposible ang pag-uuri sa hindi mga Muslim sa kasalukuyang panahon gaya ng sumusunod:

1. Ang mga Nasusuklam sa Islām

Sa mga ito ay mayroong mga nakikipagdigmaan at mga nangangaway sa mga Muslim dahilan sa isang hidwaang panrelihiyon o panlahi o pampulitika.

May umiiral na mga nasusuklam sa Islām subalit sila ay mga nakikipagpayapaan na hindi mga nangangaway sa mga Muslim. Nasuklam nga sila sa Islām dahilan sa mga tagaligaw na propaganda laban sa Batas ng Islām o laban sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o dahilan sa mga mali ng ilan sa mga Muslim.

2. Ang mga Mangmang sa Reyalidad ng Islām

Ang mga ito ay nakaririnig tungkol sa Islām subalit sila ay namamangmang sa reyalidad ng paniniwala nito, batas nito, at Sugo nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Naapektuhan nga ang higit na nakararami sa kanila ng tagaligaw na propaganda tungkol sa Islām at mga Muslim o mga maling pag-aasal ng ilan sa mga Muslim.

3. Ang mga Nagpapakamakatarungan sa mga Muslim

May umiiral na isang bilang na hindi kaunti mula sa hindi mga Muslim na mayroong pagpapakamakatarungan at katarungan sa mga Muslim. Ang ilan sa kanila ay nagtatanggol sa mga Muslim at nagtataguyod ng mga usapin ng mga ito. Nasa kanila ang mga mananaliksik.

4. Ang Hindi mga Nakakikilala sa Islām

Ang mga ito ay baka nakarinig ng pangalang "Islām" at baka hindi nakarinig kaya naman sila ay hindi nakaaalam ng anuman tungkol dito.

Ang mga Uri ng Hindi mga Muslim at ang mga Patakaran ng Ugnayan sa Kanila

Ang matatag na saloobin ng Islām sa lahat ng mga tao ay ang pag-aanyaya sa kanila tungo sa pagpasok dito. Nagsasabi si Allāh: {Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan,} (Qur'ān 7:158) Gayon din, nag-anyaya ang Islām tungo sa kagandahan ng pakikitungo sa kanila, katarungan sa kanila, at pag-iwas sa kawalang-katarungan sa kanila.

Naniniwala ang Muslim na ang bawat sinumang inabutan ng mensahe ng Islām matapos ng pagkapadala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) subalit ito ay namatay sa hindi Islām, ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 3:85) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa man mula sa Kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay siya nang hindi sumasampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 153.

Nagkakaiba-iba ang mga patakaran sa hindi mga Muslim sa Sharī`ah alinsunod sa kalikasan ng ugnayan nila sa mga Muslim yayamang nahahati ang hindi mga Muslim kaugnay roon sa sumusunod:

Ang mga Uri ng Hindi mga Muslim at ang Saloobin ng Islām sa Kanila

Ang Kaaway na Nakikipagdigmaan

Ang Kaaway na Kinasundo (Mu`āhad)

Ang Kaaway na Isinatiwasay (Musta'man)

Ang mga May Pagkalinga

Ang Hindi mga Nakikipag-awayan sa Islām

Una. Ang Kaaway na Nakikipagdigmaan

Siya ay hindi Muslim na nauugnay sa isang estadong nakikipag-awayan sa mga Muslim at nakikipaglaban sa kanila at walang kasunduan at katiwasayan sa pagitan niya at ng isa sa mga Muslim.

Ang sinumang kabilang sa kanila na nakakakaya sa pakikipaglaban at pakikipagdigma, ito ay didigmain at pinapayagan ang pagpatay sa kanya. Nagsabi si Allāh: {Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag.} (Qur'ān 2:190)

Ang sinumang hindi nakakakaya sa pakikipaglaban – tulad ng matatanda, mga monghe, mga paslit na hindi nasa sapat na gulang, mga babaing hindi mga nakikipaglaban, at mga may kapansanan sa isip o sa katawan – ay hindi pinapayagang patayin.

Ikalawa. Ang Kaaway na Kinasundo (Mu`āhad)

Siya ay ang Kāfir na nakikipagdigmaan na nagsasagawa sa mga Muslim ng isang kasunduan o isang tigil-labanan, tulad ng kasunduan ng kapayapaan ng Ḥudaybīyah na isinagawa ng Propeta sa mga Kāfir ng Liping Quraysh.

Ang kaaway na kinasundo ay hindi pinapayagan para sa isa sa mga Muslim ang magdulot sa kanya ng alinmang pananakit sa loob ng yugto ng kasunduan o tratado. Sumasaklaw ito sa lahat ng mga nauugnay sa mga mamamayan ng bayang iyon. Nagsasabi si Allāh: {Maliban sa mga nakipagkasunduan kayo kabilang sa mga tagapagtambal, pagkatapos hindi sila bumawas sa inyo ng anuman at hindi sila nakipagtaguyudan laban sa inyo sa isa man, kaya lumubos kayo sa kanila sa kasunduan sa kanila hanggang sa yugto nila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 9:4)

Ikatlo. Ang Kaaway na Isinatiwasay (Musta'man)

Siya ay nauugnay sa isang bayang nakikipagdigmaan sa mga Muslim subalit siya ay nakakuha ng isang katiwasayang pansarili mula sa mga Muslim sa pagpasok sa mga bayan nila, tulad ng mga turista o mga mangangalakal o mga alagad ng pamamahayag na nakakuha ng visa ng pagpasok sa estadong Islāmiko.

Ang mga ito at ang mga tulad ng mga ito ay hindi pinapayagan para sa Muslim na maminsala sa kanila sa loob ng yugto ng katiwasayan na ibinigay sa kanila. Nagsasabi si Allāh: {Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni Allāh. Pagkatapos paabutin mo siya sa pook ng kaligtasan niya. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakaaalam.} (Qur'ān 9:6)

Ikaapat. Ang mga May Pagkalinga

Sila ay ang hindi mga Muslim na namumuhay sa bayan ng Islām habang sa pagitan nila at ng mga Muslim ay may isang kasunduang palagian. Ang mga ito ay hindi pinapayagan ang pamiminsala sa kanila o ang paglabag sa mga pinakababanal nila.

Ikalima. Ang Hindi mga Nakikipag-awayan sa Islām

Ang mga ito ay ang pinakamalaking nakararami sa hindi mga Muslim yayamang nauugnay sila sa mga bayan na may mga ugnayang pangkapayapaan sa mga Muslim. Sa pagitan nila at ng mga Muslim ay walang mga digmaan.

Ang hindi mga nakikipag-awayan sa Islām ay hindi pinapayagan ang pamiminsala sa kanila. Nagsabi si Allāh: {Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo sa Relihiyon at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} (Qur'ān 60:8)

Ang Buod

Hindi pinapayagan ang pamiminsala sa hindi Muslim malibang kapag siya ay kaaway na nakikipagdigmaang nakakakaya sa pakikipaglaban at hindi nagkamit ng isang kasunduan o isang katiwasayan.

Ang mga Kāfir ay hindi nasa iisang antas kaya naman kailangan sa mga Muslim na magsaalang-alang niyon sa pakikitungo sa kanila at na magsikap sa abot ng pinakaya sa kanila tungo sa pagpapakaunti ng awayan at pagpapaganda ng imahen ng Islām at mga Muslim sa paningin ng hindi mga Muslim.

Nagkakamali ang ilan sa mga nagpakalabis kabilang sa mga Muslim na naglalagay sa hindi mga Muslim sa iisang bakuran at nagtuturing na ang payak na kawalang-pananampalataya ay nag-oobliga ng pakikipaglaban at pagpapahintulot ng pagkitil ng buhay.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbabasa ako at tutugon ako.

Ulitin mo ang pagbabasa ng aralin, pagkatapos kumpletuhin mo ang sumusunod na talahanayan:

Ang Uri

Kaaway na Nakikipagdigmang Nakakaya sa Pakikipaglaban

Kaaway na Nakikipagdigmaang Hindi Nakakaya sa Pakikipaglaban

Kaaway na Kinasundo

Kaaway na Isinatiwasay

Ang mga May Pagkalinga

Ang Hindi mga Nakikipag-awayan sa Islām

Ang Pagbibigay-kahulugan Dito

Ang Saloobin Natin Dito

Aktibidad 2: Magsasaalaala ako at tutugon ako.

Noong lumikas ang mga Muslim sa Etyopya, nagsugo ang mga Kāfir ng Makkah ng isang delegasyon kay Negus para magpabalik sa kanila sa Makkah. Nagparatang sila sa mga Muslim na ang mga ito ay nagdala ng isang relihiyong inimbento. Noong naipaliwanag ni Ja`far bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) kay Negus ang reyalidad ng Islām at nabigkas niya rito ang Sūrah Maryam, kumilala ang Negus sa katumpakan ng Islām, pagkatapos umanib ito sa Islām matapos niyon. Sa pamamagitan ng kuwentong ito, tugunin mo ang sumusunod:

Ano ang uri na kinauugnayan noon ni Negus bago ng pagpasok niya sa Islām?

Ipaliwanag mo ang kinakailangan sa atin tungo sa uring ito.

Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako at magpapahayag ako.

Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "Para bang ako ay tumitingin sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagkukwento siya ng isang propeta kabilang sa mga propeta. Humagupit sa kanya ang mga kalipi niya saka nagpadugo sila sa kanya habang siya ay nagpupunas sa dugo palayo sa mukha niya at nagsasabi: O Allāh, magpatawad Ka sa mga kalipi ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaalam." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3477 at Imām Muslim: 1792. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth na ito. Magsaalaala ka ng tulad ng pangyayaring ito na nangyari na sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsalakay sa Uḥud at sa kabila niyon siya ay nag-aanyaya sa mga kalipi niya at naghahangad para sa kanila ng kapatnubayan. Sa pamamagitan niyon:

Magpahayag ka sa tatlong linya ng pagbibigay-halaga mo sa pagtitiis ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sigasig niya sa kapatnubayan ng mga Kāfir, kahit pa man sila ay mga nakikipagdigmaang nangangaway.

Humango ka mula sa ḥadīth ng nagbibigay-diin sa sigasig ng Islām sa pag-aanyaya sa hindi mga Muslim at hindi sa pakikipaglaban sa kanila.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Kinakailangan ang pag-anyaya sa lahat ng mga uri ng hindi mga Muslim tungo sa Islām.

Pinapayagan ang pagpatay sa alinmang individuwal mula sa mga estadong nangangaway sa mga Muslim.

Naipatutupad ang mga patakaran sa hindi mga Muslim sa mga ateista.

Ang mga Kāfir ng Liping Quraysh ay kabilang sa mga may pagkalinga matapos ng kasunduan ng kapayapaan ng Ḥudaybīyah.

Nasusuklam ang iba sa mga tao sa Islām dahil sa mga kadahilanang pansarili at pampulitika.

Isinasabatas ang pagdalangin ng kapatnubayan sa sinumang nakikipaglaban sa mga Muslim.

Ang kinasundo (mu`āhad) ay ang namumuhay sa mga bayan ng mga Muslim sa isang palagiang paraan.

PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Kailangan sa mga Muslim ang pag-aanyaya sa lahat ng mga tao tungo sa Islām.

Ang pagbibigay ng katiwasayan sa kinasundo (mu`āhad) ay sa loob ng yugto ng kasunduan.

Ang pagsasamabuting-loob at ang paggawa ng maganda ay ukol sa hindi nangangaway sa mga Muslim

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ipaliwanag mo ang tinutukoy ng hindi mga Muslim.

Papaano mong ipakakahulugan ang pagkasuklam ng iba sa mga tao sa Islām?

Takdaan mo ang kaaway na nagsabatas ang Islām ng pakikipaglaban sa kanya.

Talusin mo ang pagkakaiba sa pagitan ng mu`āhad (kinasundo), musta'man (isinatiwasay), at dhimmīy (kinakalinga).

2. Ang mga Karapatang Panrelihiyon ng Hindi mga Muslim

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makahango ka ng patunay sa kawalan ng pamimilit sa Islām;

makahango ka ng patunay na ang hindi Muslim ay may kalayaan sa pagpili ng relihiyon niya;

makapagpaliwanag ka ng nilaman ng kalayaan sa pagpili ng paniniwala;

makapagsadamdamin ka sa kaluwagan ng Islām sa pakikitungo sa hindi Muslim;

makapagbigay ka ng pananalitang nagpapaalaala rito na ang Islām ay naggarantiya ng kalayaan ng paniniwala sa hindi Muslim.

Nagbigay ang Islām sa hindi Muslim ng mga karapatang kinakailangan sa atin na isaalang-alang natin. Mayroon sa mga ito na mga karapatang panrelihiyon, panlipunan, at pang-ekonomiya. Matututuhan natin sa araling ito ang mga karapatang panrelihiyon.

Ang mga Karapatang Panrelihiyon

Ang Pag-aanyaya sa Kanila Tungo sa Islām

Ang Hindi Pamimilit sa Islām

Ang Pangangalaga sa mga Tahanan ng Pagsamba

1. Ang Pag-aanyaya sa Kanila Tungo sa Islām

Kabilang sa pinakamahalaga sa mga karapatan ng hindi Muslim na mag-anyaya tayo sa kanya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pananampalataya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ang mensahe ng Islām ay pangkalahatan para sa lahat ng mga tao. Nagsabi si Allāh: {Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala,} (Qur'ān 34:28)

Ang misyon ng mga Muslim ay ang pagpapaabot ng paanyaya ng Islām. Nagsabi si Allāh: {Magsabi ka sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato: “Nagpasakop ba kayo?” Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot.} (Qur'ān 3:20)

Kabilang sa mga halimbawa roon ang isinalaysay ni Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang batang Hudyo noon na nagsisilbi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagkasakit ito kaya nagpunta rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dumadalaw rito. Umupo siya sa tabi ng ulo nito saka nagsabi rito: "Umanib ka sa Islām." Kaya tumingin ito sa ama nito habang iyon ay nasa tabi nito kaya nagsabi naman iyon: "Tumalima ka kay Abulqāsim (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Kaya umanib ito sa Islām saka lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nagsasabi: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na sumagip sa kanya mula sa Impiyerno."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1356.

Ang Hindi Pamimilit sa Islām

Hindi pinipilit ang isa sa pagpasok sa Islām. Nagsabi si Allāh: {Walang pamimilit sa relihiyon; luminaw nga ang pagkagabay sa pagkalisya.} (Qur'ān 2:256) Ang pag-anib sa Islām ay nakasalalay sa pagkahikayat na panloob at pagsukong pampuso. Kung sakaling pinilit ang isang tao sa pagpasok sa Islām, gagawa siya ng mga panlabas na gawaing panrelihiyon ng Islām samantalang siya ay naglilingid ng kawalang-pananampalataya. Ito ay isang pagpapaimbabaw na hindi maliligtas ang tagataglay nito mula sa Impiyerno.

Ayon doon, nagpatuloy ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapaabot ng paanyaya at pagpapaalaala alinsunod sa sabi ni Allāh: {Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot.} (Qur'ān 5:99) Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {21. Kaya magpaalaala ka; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang. 22. Hindi ka sa kanila isang tagapanaig.} (Qur'ān 88:21-22)

Gumawa nga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ayon doon sapagkat nagkasya sila sa paglalahad ng Islām at pag-aanyaya sa mga tao tungo roon. Ang halimbawa niyon ay na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay nagsabi sa isang matandang babaing Kristiyano: {"Umanib ka sa Islām, maliligtas ka. Nagpadala si Allāh kalakip ng katotohanan kay Muḥammad." Kaya nagsabi ito: "Ako ay mamamatay na." Kaya nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "O Allāh, sumaksi Ka."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy sa As-Sunan Al-Kubrā: 130.

3. Ang Pangangalaga sa mga Tahanan ng Pagsamba

Nagbigay ang Islām sa hindi mga Muslim ng karapatan sa pananatili ng mga tahanan ng mga pagsamba nila sa mga bayan na nasakop ng mga Muslim at pumigil ito sa paglagay sa mga iyon. Nagbigay nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang tipan para sa mga mamayan ng Najrān, na nasaad dito ang katiwasayan para sa mga sarili nila, mga ari-arian nila, at mga simbahan nila,

kasabay ng pagkilala sa karapatan nila sa pagsasagawa ng mga gawaing panrelihiyon ng relihiyon nila sa mga simbahan at iba pa sa mga ito na mga tahanan ng pagsamba at pagwaksi ng paghahayag sa mga ito sa mga pagtitipon ng mga Muslim, mga lansangan nila, at tulad niyon.

Ang Maling Akala ng Paglaganap ng Islām Dahil sa Pamumuwersa

Maaaring ipinahahayag ito bilang "Paglaganap ng Islām sa Pamamagitan ng Talim ng Tabak." Lumalaganap ang maling akalang ito sa gitna ng marami sa hindi mga Muslim. Maaari ang pagtugon dito gaya ng sumusunod:

Talaga ngang nagpatibay ang Islām ng isang pangunahing simulain: ang hindi pamimilit sa relihiyon.

Hindi namamalagi ang mga paniniwala sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng lakas at paniniil; bagkus sa pamamagitan ng katwiran, paghikayat, pag-ibig, at pagmamarangal. Dahil doon, kumapit ang mga bansang Islāmiko sa mga relihiyon ng mga ito sa kabila ng ipinagdurusa nila na mga pag-uusig at mga digmaan.

Hindi nangyaring ang mga digmaan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga pagsakop ng Islām ay para sa pagpuwersa sa mga tao sa pagpasok sa Islām; bagkus para sa pag-alis ng anumang pumipigil sa mga tao sa karapatan nila sa pag-intindi sa Islām at pagpasok dito. Dahil doon, noong nagwagi ang mga Muslim sa mga pagsakop ng Islām, hindi sila namilit sa isa man sa pag-anib sa Islām. May nagpatuloy na maraming pangkat ng mga tao sa relihiyon nila sa isang bilang ng mga siglo. May nanatiling maraming pangkat sa relihiyon ng mga ito hanggang sa ngayon. Halimbawa: ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano sa Ehipto, Sirya, Iraq, at iba pa sa mga ito.

May umiiral na mga estadong Islāmikong malaki sa Silangang Asya at gayon din sa Silangan at Kanlurang Afrika na hindi pinasok ng mga hukbo ng mga Muslim. Hindi natigil ang mga bilang ng mga Muslim na lumalago sa ilan sa mga bayan sa ngayon nang walang pamimilit o pagpuwersa.

Pumasok ang ilan sa mga pangkat ng mga tao sa Islām gayong sila ay mga nagwagi laban sa mga Muslim, tulad ng mga Tatar. Kaya namuwersa ba sa kanila ang mga Muslim sa pagpasok sa Islām sa kabila ng kahinaan ng mga Muslim at pagkatalo ng mga ito?

Magwawakas tayo sa pamamagitan ng dalawang pagsaksi ng dalawa sa mga iskolar ng Kanluran.

Nagsasabi ang Pranses na si Gustave Le Bon: "Napatunayan nga sa kasaysayan na ang mga relihiyon ay hindi maipipilit sa pamamagitan ng lakas. ... Gayunpaman, hindi lumaganap ang Qur'ān sa pamamagitan ng tabak. Bagkus lumaganap ito sa pamamagitan ng pag-aanyaya lamang at sa pamamagitan ng pag-aanyaya lamang yumakap dito ang iba't ibang bansa na sumakop sa mga Arabe bandang huli gaya ng mga Turko at mga Monggol." (La Civilization des Arabes, pahina 128-129.)

Nagsasabi ang Ingles na si Thomas Arnold: "Hindi tayo nakarinig ng tungkol sa alinmang planadong pagtatangka para ipilit sa mga pangkatin na hindi mga Muslim ang pagtanggap sa Islām o ng tungkol sa organisadong paniniil na nilalayon mula rito ang pagpuksa sa relihiyong Kristiyano." (The Preaching of Islam, pahina 98-99.)

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbabasa ako at hahango ako.

Nagsabi si Allāh: {Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kabuuan nila nang lahatan. Kaya ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sa sila ay maging mga mananampalataya?} (Qur'ān 10:99) Pagbulay-bulayan mo ang āyah, pagkatapos hanguin mo ang ipinahihiwatig nito na mga panuto:

Hindi papasok ang lahat ng mga tao sa Islām.

Kailangan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapaabot at ang pag-aanyaya para sa Islām at hindi nasa kanya ang kapatnubayan ng mga tao.

Sumaway si Allāh laban sa pamimilit sa hindi Muslim sa pagpasok sa Islām.

Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako at tutugon ako.

Makipagtulungan ka kasama ng dalawa sa mga kaklase mo sa paggawa sa mga sumusunod na gawain:

Ang Islām ay ang pinakamabilis sa mga relihiyon sa paglaganap sa Daigdig. Kaya nagpapahiwatig ng ano iyon?

Nagpapahiwatig iyon na ang Islām ay ang totoong relihiyon at na ito ay naglalaman ng mga paniniwalang nakahihikayat, mga pinahahalagahang makatao, at mga kaasalang kapuri-puri na nagpapaibig sa pagyakap dito at pagpasok dito.

Magsaliksik ka sa pamamagitan ng internet ng bilang ng mga Muslim sa mga sumusunod na bayan: Indonesia, Pakistan, Bangladesh, India, at Nigeria.

Papaanong maaari kang magpabula sa pamamagitan ng sagot 1-2 sa sinumang nag-aangkin na ang Islām daw ay lumaganap sa pamamagitan ng lakas at pamimilit?

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Natatangi ang paanyaya ng Islām sa sinumang tatanggapin ito sa kanya o kalulugdan ito sa kanya.

Hinayaan ng Islām para sa hindi Muslim ang kalayaan ng pagpili ng paniniwala.

Umanib sa Islām ang mga Hudyo ng Madīnah matapos ng pagwawagi ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kanila.

Namilit ang mga Muslim sa mga Tatar sa pagpasok sa Islām.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na tugon mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kabilang sa mga karapatan ng hindi mga Muslim sa mga bayang Islāmiko:

(ang pag-aanyaya para sa relihiyon nila - ang hayaan ang mga tahanan ng pagsamba nila - ang pagpasok sa relihiyon nila).

Ang pangunahing simulain sa pagpapabula sa maling akala ng paglaganap ng Islām sa pamamagitan ng tabak ay:

(walang pamimilit sa relihiyon - ang paggawa ng maganda sa hindi Muslim - ang pakikipaglaban sa nangangaway).

Ang pinakamalaki sa mga estado ng Islām sa populasyon at hindi pinasok ng mga hukbo ng mga Muslim ay:

(ang Nigeria - ang Indonesia - ang Pakistan).

Ang pinakamabilis sa mga relihiyon sa paglaganap sa Daigdig ay:

(ang Kristiyanismo - ang Budhismo - ang Islām).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang Kahalagahan ng Pag-aanyaya sa Hindi mga Muslim

Ang Pangangalaga sa mga Simbahan at Tulad ng mga Ito sa mga Bayang Islāmiko

PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Bigyang-linaw mo ang tuntunin ng hindi pamimilit sa pagpasok sa Islām, habang nagpapaliwanag sa mga patunay nito at pagpapatupad ng mga Muslim dito.

Nagbibigay-diin ang kontemporaryong reyalidad sa paglaganap ng Islām nang walang pamimilit. Ipaliwanag mo iyon.

Papaano kang magpapabula sa maling akala ng paglaganap ng Islām sa pamamagitan ng pamimilit mula sa aspeto ng kasaysayan ng mga pagsakop ng Islām at paglaganap ng Islām sa maraming bayan nang walang mga digmaan?

3. Ang mga Karapatang Panlipunan ng Hindi mga Muslim

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapag-isa-isa ka sa mga karapatan ng hindi Muslim sa lipunang Islāmiko;

makahango ka ng patunay sa pangangalaga sa hindi Muslim at paggawa ng maganda sa kanya;

makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng kagandahan ng pakikitungo sa hindi Muslim at pakikipagtangkilikan sa kanya;

makapagsadamdamin ka sa katarungan ng Islām sa hindi mga Muslim.

Pauna

Matapos na nalaman natin ang mga karapatang panrelihiyon ng hindi mga Muslim, matututuhan natin sa araling ito ang mga karapatang panlipunan nila sa lipunang Islāmiko.

Ang mga Karapatan ng Hindi Muslim sa Lipunang Islāmiko

Ang Pagsanggalang Laban sa Kawalang-katarungan at Paglabag

Ang Magandang Pakikitungo

Ang Paggawa ng Maganda sa mga Magulang na Hindi mga Muslim

Ang Karapatan sa Trabaho, Pagkita, at Pagmamay-ari

Ang Pagpayag sa Pagkakawanggawa sa Kanila

Ang Pag-aaruga sa Mahihina at Matatanda

Nagkaloob ang Islām ng maraming karapatan sa hindi mga Muslim na hindi nakikipagdigmaan at hindi nangangaway sa mga Muslim. Sumasaklaw iyon sa mu`āhad (kinasundo), musta'man (isinatiwasay), ahludhdhimmah (may pagkalinga), at iba pa sa kanila kabilang sa mga may pakikipagpayapaan at tratado. Kabilang sa mga karapatang ito:

1. Ang Pagsanggalang Laban sa Kawalang-katarungan at Paglabag

Kinakailangan ang pagsanggalang sa mga buhay ng hindi mga Muslim at mga sarili nila. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumatay ng isang kinasundo, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa layong apatnapung taon." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3166.

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalang-katarungan sa kanila o pagkukulang sa mga karapatan nila sapagkat nagsabi siya: "... ang sinumang umapi sa isang kinasundo o nagkulang sa ukol sa kanya o nag-atang sa kanya ng [gawaing] higit sa kaya niya o kumuha mula sa kanya ng isang bagay nang walang kasiyahan ng sarili, ako ay ang tagapangatwiran niya sa Araw ng Pagbangon." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 3052.

2. Ang Magandang Pakikitungo

Nagsabatas si Allāh ng pagsasamabuting-loob at katarungan sa hindi mga nangangaway sapagkat nagsabi Siya: {Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo sa Relihiyon at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} (Qur'ān 60:8)

3. Ang Paggawa ng Maganda sa mga Magulang na Hindi mga Muslim

Nag-utos si Allāh ng kagandahan ng pakikisama sa mga magulang kahit pa nag-utos silang dalawa ng shirk sa anak nilang dalawa. Nagsabi si Allāh: {Kung *nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti.} (Qur'ān 31:15)

4. Ang Karapatan sa Trabaho, Pagkita, at Pagmamay-ari

Nagbigay ang Islām sa hindi mga Muslim ng kalayaan sa pagmamay-ari, trabaho, at pagkita sa lipunang Islāmiko sapagkat noon nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya ay nagtitinda at bumibili sa hindi mga Muslim.

5. Ang Pagpayag sa Pagkakawanggawa sa Kanila

Pinayagan ng Islām ang kawanggawa sa hindi mga Muslim. Ang mga Muslim nga noon ay nasusuklam doon hanggang sa bumaba ang sabi ni Allāh: {Hindi nasa iyo ang pagpatnubay sa kanila, subalit si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay ukol sa mga sarili ninyo. Hindi kayo gumugugol malibang sa paghahangad [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] at kayo ay hindi lalabagin sa katarungan.} (Qur'ān 2:272)

Ayon sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {May humingi sa kanya na isang babaing Hudyo kaya nagbigay siya rito saka nagsabi naman ito sa kanya: "Kumupkop nawa sa iyo si Allāh laban sa pagdurusa sa libingan." Nagmasama naman si `Ā'ishah niyon, ngunit noong nakita niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi siya rito saka nagsabi naman ito na hindi. Nagsabi si `Ā'ishah: "Pagkatapos nagsabi sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niyon: Tunay na ikinasi sa akin na kayo ay tutuksuhin sa mga libingan ninyo."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 26008, na may pananalitang malapit sa ganang kina Imām Al-Bukhārīy: 1049, at Imām Muslim: 903.

Hinggil naman sa zakāh, hindi pinapayagan ang pagpapalabas nito para sa hindi mga Muslim, malibang kapag ang hindi Muslim ay kabilang sa mapalulubag ang mga puso. Sila ay ang mga maaasahan ang pag-anib nila sa Islām."

6. Ang Pag-aaruga sa Mahihina at MatatandaAng Pag-aaruga sa Mahihina at Matatanda Kabilang sa Kanila

Kung ang hindi mga Muslim ay mga maralita, hindi nakakakaya ang magtrabaho, at wala silang mag-anak na magtataguyod sa nauukol sa kanila, nagbigay nga sa kanila ang Islām ng karapatan sa pag-aaruga sa kanila dahil sila ay mga sakop ng estado. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Lahat kayo ay pastol at lahat kayo ay pananagutin sa sakop niya. Ang pinuno ay pastol at pananagutin sa sakop niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 893 at Imām Muslim: 1829.

Sa panahon ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya), nag-utos siya ng pagbibigay sa mga matanda at mga maralita kabilang sa hindi mga Muslim ng mga salapi mula sa bahay-yaman.

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Kagandahan ng Pakikitungo at Pakikipagtangkilikan

Maaaring nakalilito sa ganang iba ang pag-uutos ng pagsasamabuting-loob, pagkamakatarungan sa hindi Muslim, at pagbabawal sa pakikipagtangkilikan. Dahil doon, kailangan sa atin na matuto ng kahulugan ng pakikipagtangkilikan upang makatalos tayo sa pagkakaiba sa pagitan nito at ng kagandahan ng pakikitungo.

Ang pakikipagtangkilikan ay ang pag-ibig, ang pag-aadya, ang pagsuporta sa hindi mga Muslim laban sa mga Muslim, at ang pagkalugod sa relihiyon nila.

Ang pakikipagtangkilikan [sa hindi Muslim] ay ipinagbabawal. Sumaway nga si Allāh laban dito sa sabi Niya: {Huwag gumawa ang mga mananampalataya sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay hindi siya kaugnay kay Allāh sa anuman,} (Qur'ān 3:28) Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 4:144)

Ang pagsaway laban sa pakikipagtangkilikan sa hindi mga Muslim ay hindi nangangahulugan ng kawalang-katarungan sa kanila at pangangaway sa kanila.

Ang pagsasamabuting-loob at ang kagandahan ng pakikitungo ay hindi nag-oobliga dahil dito ng pagkalugod sa relihiyon nila ni sa pag-aadya sa kanila laban sa mga Muslim.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako at hahango ako.

Makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa paghango ng mga karapatan ng hindi mga Muslim, na nasasaad sa mga sumusunod na teksto.

Ang mga Teksto

Nagsabi si Asmā' bint Abī Bakr: "O Sugo ni Allāh, dumating sa akin ang ina ko habang siya ay naghahangad [ng mabuting pakikitungo], kaya makikiugnay po ba ako sa kanya?" Nagsabi siya: "Oo, makipag-ugnay ka sa ina mo." (Ang ina niya noon ay hindi Muslim.) Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2620 at Imām Muslim:1003.

Nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Nagtatagubilin ako sa kanya [ng hindi mga Muslim na] nasa pagkalinga ni Allāh at pagkalinga ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tumupad siya sa kanila sa kasunduan sa kanila, na makipaglaban alang-alang sa kanila, at na hindi sila aatangan ng higit sa kaya nila." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3052.

May naghatid na isang lalaking tagapagtambal ng mga tupang inaakay niya saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paninda o kaloob?" Nagsabi ito: "Hindi; bagkus paninda." Kaya bumili siya mula rito ng isang tupa. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2216 at Imām Muslim: 2056.

Ang mga Karapatan

Ang Kagandahan ng Pakikisama at ang Pagsasamabuting-loob sa mga Kamag-anak Lalo na sa mga Magulang

Ang Pagtupad sa Kasunduan - Ang Pagsasanggalang at ang Pagtatanggol sa Kanila - Ang Hindi Pag-aatang sa Kanila ng Higit sa Nakakaya Nila

Ang Pagpayag sa mga Transaksiyong Pampananalapi

Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.

Sa sumusunod na talahanayan ay may isang talaan na may bilang ng mga gawain. Ang ilan sa mga ito ay kabilang sa ipinagbabawal na pakikipagtangkilikan sa hindi mga Muslim. Ang ilan pa sa mga ito ay kabilang sa pagsasamabuting-loob at kagandahan ng pakikitungo. Maglagay ka ng isang palatandaan sa harap ng anumang nababagay ang bawat parirala.

Ang mga Gawain Kasama ng Hindi mga Muslim

Ang Pakikilahok sa mga Panrelihiyong Pagdiriwang Nila

Ang Pagpapakawangis sa mga Kasuutan ng mga Alagad ng Relihiyon Kabilang sa Kanila

Ang Pagdalaw sa Maysakit at ang Pagbibigay sa Kanya ng Regalo

Ang Paniniktik Para sa Kapakanan ng Hindi mga Muslim

Ang Pagbati sa Pagdating ng Bagong Sanggol

Ang Pakikipag-adyaan sa mga Kāfir Laban sa mga Muslim

Pakikipagtangkilikang Ipinagbabawal

Kagandahan ng Pakikitungo

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Kinasusuklaman ang pakikipagkalakalan sa hindi Muslim sa mga bayan ng mga Muslim.

Kinakailangan ang paggawa ng maganda sa mga magulang kahit pa man sila ay hindi mga Muslim.

Kinakailangan ang paggawa ng maganda sa hindi Muslim kahit pa man nangaway ito sa mga Muslim.

Kinakailangan sa estadong Islāmiko na magsaalang-alang sa mga maralitang hindi mga Muslim.

Pumapantay ang Muslim sa iba pa sa kanya sa pagbabawal ng kawalang-katarungan.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Naglalaman ang karapatan ng pagsasanggalang sa hindi Muslim ng:

(pagbabawal sa kawalang-katarungan sa kanya - pakikipagtangkilikan sa kanya at pag-aadya sa kanya - pagwaksi ng pag-aanyaya sa kanya tungo sa Islām).

Ang pagsasanggalang sa ari-arian ng hindi Muslim ay kabilang sa mga karapatang:

(kinakailangan - itinuturing na kaibig-ibig - pinapayagan).

Naglalaman ang pakikipagtangkilikan sa hindi mga Muslim ng:

(katarungan sa kanila - pagkalugod sa relihiyon nila - paggawa ng maganda sa kanila).

Ang pangangalaga ng Islām sa mga karapatan ng hindi mga Muslim ay isinakundisyon sa:

(pag-ibig nila sa mga Muslim - hindi pangangaway nila sa mga Muslim - pagkalugod nila sa Sharī`ah).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang Banta sa Sinumang Pumatay ng Kinasundo

Ang Katarungan sa Hindi Muslim

Ang Pagkakawanggawa sa Hindi Muslim

PANUTO 4: Tugunin mo ang dalawang sumusunod na panuto:

Magbuod ka ng apat sa mga karapatan ng hindi mga Muslim.

Tumalos ka ng pagkakaiba sa pagitan ng pakikipagtangkilikan sa hindi mga Muslim at paggawa ng mabuti sa kanila.

4. Ang Fiqh ng Pag-aanyaya sa Hindi mga Muslim

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapag-isa-isa ka sa mga tampok na katangian ng fiqh ng pag-aanyaya sa hindi mga Muslim tungo sa Islām;

makahango ka ng patunay sa mga istilo ng pag-aanyaya;

makahulo ka ng mga kadahilanan ng tagumpay ng pag-aanyaya;

makapagsunud-sunod ka ng mga kaunahan (priority) ng pag-aanyaya sa lipunan mo;

makapagbigay-halaga ka sa epekto ng mga katangian ng tagapag-anyaya sa pagtanggap ng mga tao sa paanyaya niya;

makilahok ka sa mga gawain ng pag-aanyaya.

Pauna

Nalaman natin na ang kauna-unahang kinakailangan sa atin tungo sa hindi Muslim ay ang pag-aanyaya sa kanya tungo sa Islām. Iyon ay dahil tayo ay naniniwala na ang Islām ay ang totoong Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa mga lingkod Niya. Nagsabi si Allāh: {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3)

Upang magsagawa tayo ng kinakailangang ito, kailangan sa atin na matuto ng pag-aanyayang iyon. Mapag-aalaman natin ito sa araling ito.

Ang Fiqh ng Pag-aanyaya sa Hindi mga Muslim

Ang Pagkakaalam sa Kahalagahan ng Pag-aanyaya

Ang Kaalaman sa Islām at sa Kalagayan ng mga Inaanyāyahan

Ang Pag-uunti-unti at ang Pagsasaalang-alang sa mga Kaunahan (Priority)

Ang Pagpili ng Istilong Naaangkop

Ang Pagsasarisari ng mga Kaparaanang Pampag-aanyaya

Ang Magandang Tinutularan

Nangangailangan ang Muslim sa sandali ng pag-aanyaya niya sa hindi mga Muslim ng isang bilang ng mga bagay-bagay, na ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Ang Pagkakaalam sa Kahalagahan ng Pag-aanyaya at ang Kainaman Nito

Ang pag-aanyaya tungo kay Allāh ay kabilang sa pinakakapita-pitagan at pinakamainam sa mga gawain sapagkat tunay na ito ay propesyon ng mga propeta. Nagsasabi si Allāh: {O Propeta, tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak, bilang mapagbabala, bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ayon sa pahintulot Niya, at bilang sulo na nagbibigay-liwanag.} (Qur'ān 33:45-46)

Kaya nararapat sa tagapag-anyaya na makaalam sa kainaman ng pag-aanyaya at kahalagahan nito nang sa gayon tumuon siya rito at magbata siya ng mga kahirapan nito sapagkat ang hirap ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpapaibayo sa pabuya. Nagsabi si Allāh: {Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 41:33)

Nang nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) para makipaglaban sa mga mamamayan ng Khaybar, nagsabi siya rito: "Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila tungo sa Islām at magpabatid ka sa kanila ng kinakailangan sa kanila sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh dahil sa iyo ng isang lalaki ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa magkaroon ka ng mga pula ng mga kamelyo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3009 at Imām Muslim: 2406.

3. Ang Kaalaman sa Islām at sa Kalagayan ng mga Inaanyāyahan

Kinakailangan sa tagapag-anyaya na siya ay maging isang nakaaalam sa relihiyon at batas na nag-aanyaya siya sa mga tao tungo roon nang sa gayon makakaya siya sa pagkumbinsi sa kanila sa pamamagitan niyon, makapagpatibay siya sa mga katotohanan niyon sa pamamagitan ng mga patunay at mga patotoo, at makakaya siya sa pagpapabula sa mga maling akala. Nagsasabi si Allāh: {Sabihin mo: “Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal.”} (Qur'ān 12:108)

Gayon din, hindi makaiiwas na makaalam ang tagapag-anyaya sa mga kalagayan ng mga inaanyāyahan at reyalidad nila nang sa gayon kumausap siya sa kanila ayon sa nalalaman nila at nakipagtalakayan siya sa kanila kaugnay sa umaabala sa kanila at pinahahalagahan nila. Kaya halimbawa: ang mga kalagayan ng mga inaanyayahan sa mga bayan ng Kanluran ay naiiba sa Asya o Afrika at ang mga kalagayan ng mga edukado at mga nakapag-aral ay naiiba sa mga maralita at kamadlaan ng mga tao.

3. Ang Pag-uunti-unti at ang Pagsasaalang-alang sa mga Kaunahan (Priority)

Iyon ay sa pamamagitan ng pagsisimula ng tagapag-anyaya sa batayan ng Relihiyon (Tawḥīd), pagkatapos sa anumang sumusunod dito na mga tungkulin. Ito ay ang tinahak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya niya sapagkat nang nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen, nagsabi siya rito: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong kabilang sa mga may kasulatan. Kaya mag-anyaya ka sa kanila tungo sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na ako ay Sugo ni Allāh. Kaya kung sila ay tumalima roon, ipaalam mo sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng limang dasal sa bawat araw at gabi. Kaya kung sila ay tumalima roon, ipaalam mo sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng isang kawanggawa na kinukuha mula sa mga mayaman nila saka ibinabalik sa mga maralita nila." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1395 at Imām Muslim: 19.

Kaya bahagi ng pagkakamali na mag-anyaya tayo sa hindi mga Muslim tungo sa kabuuan ng Batas ng Islām sa iisang pagkakataon.

4. Ang Pagpili ng Istilong Naaangkop

Kailangan sa tagapag-anyaya na pumili ng istilong naaangkop para sa sinumang inaanyāyahan niya sapagkat bumanggit nga si Allāh ng isang bilang ng mga istilo sapagkat nagsabi Siya: {Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda.} (Qur'ān 16:125)

Mayroon sa mga tao na nakasasapat sa kanya ang paglalahad ng Batas ng Islām at ang paglilinaw ng mga kagandahan nito sa isang anyong simple at maliwanag.

Mayroon sa mga tao na nangangailangan ng isang magandang pangaral, isang pagpapaibig sa Islām, at isang pagpapasindak sa kawalang-pananampalataya rito.

Mayroon sa mga tao na nangangailangan ng isang dagdag sa mga patunay at mga patotoo kasama ng pagpapabula sa mga maling akala at pakikipagtalo ayon sa siyang pinakamaganda.

5. Ang Pagsasarisari ng mga Kaparaanang Pampag-aanyaya

Namumukod ang panahong ito sa dami ng mga kaparaanan ng pakikipagtalastasan at pamamahayag na pampubliko at pampribado. Kailangan sa mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh na gumamit ng lahat ng mga kaparaanang iyon. Halimbawa: ang mga pagsasahimpapawid na naririnig, ang mga channel na pantelebisyon, ang mga website, ang social media, at ang mga programa ng pakikipag-ugnayang personal sa pamamagitan ng mga telepono.

Ito ay bukod pa sa mga tradisyonal na kaparaanan, tulad ng mga aklat, mga lathalain, mga regalo, mga pagdalaw na pantahanan, pag-aanyaya sa mga lugar ng trabaho, mga kaparaanan ng mga pakikipag-ugnayan, at nalalabi sa mga kaparaanan ng mga pagtitipong panlipunan.

6. Ang Magandang Tinutularan

Ibinibilang ang magandang tinutularan bilang kabilang sa pinakamahalaga sa mga paraan ng pagpapalaganap ng Islām yayamang nakakikita ang inaanyāyahan sa tagapag-anyaya ng isang kaaya-ayang imahen para sa mga katuruan ng Islām at mga kaasalan nito. Lumaganap nga ang Islām sa marami sa mga bayan – lalo na sa Silangang Asya – dahilan sa mga katangian ng mga Muslim at mga kaasalan nilang maganda.

Kabilang sa pinakamahalaga sa mga katangian at mga kaasalan na nararapat na mailarawan sa mga ito ang Tagapag-anyaya:

ang kagandahan ng kaasalan at ang galak ng mukha sa pamamagitan ng pagngiti sapagkat nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kayo ay hindi magpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, subalit magpapasaya sa kanila mula sa inyo ang galak ng mukha at ang kagandahan ng kaasalan." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bazzār: 9319.

Ang Pagtitimpi at ang Kabaitan sa Inaanyāyahan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay mabait na nakaiibig sa kabaitan at nagbibigay dahil sa kabaitan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6927 at Imām Muslim: 2593.

Ang Pagtitiis sa mga Kahirapan, ang Katiyakan sa Katumpakan ng Islām, at ang Pag-aadya sa mga Alagad Nito. Nagsasabi si Allāh: {Gumawa Kami mula sa kanila ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.} (Qur'ān 32:24)

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Tatalakay ako at magtatakda ako.

Ang bawat lipunan ay may mga lagay nito na nagtatakda sa mga kaunahan (priority) ng pag-aanyaya rito at pinakamahalaga sa mga kahirapan na kinakaharap ng pag-aanyaya. Sa pamamagitan niyon, makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo, pagkatapos bumuod ka ng pinakamahalaga sa matatamo ninyo para roon kaugnay sa nauukol sa mga sumusunod na punto:

Ipaliwanag mo ang pinakamahalaga sa mga paksang pampag-aanyaya na kinakailangan ang pagpokus sa mga ito sa lipunan mo.

Takdaan mo ang pinakaprominente sa mga kahirapan na kinakaharap ng pag-aanyaya sa lipunan mo.

Magmungkahi ka ng mga kaparaanan sa pagharap sa mga kahirapang iyon.

Ano ang maaari na maisagawa mo at ng mga kaklase mo sa pag-aanyaya tungo kay Allāh?

Aktibidad 2: Magsasaliksik ako at tutugon ako.

Kabilang sa mga kadahilanan ng tagumpay ng tagapag-anyaya na magpakahusay siya sa wika ng mga inaanyāyahan. Nagsasabi si Allāh: {Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila,} (Qur'ān 14:4) Sa pamamagitan niyon, makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa sumusunod:

Saliksikin mo ang pinakaprominente sa mga website na pampag-aanyaya sa mga wika na sinasalita ng mga tao sa lipunan mo, pagkatapos ilathala mo ang mga ito sa pamamagitan ng mass media.

Linawin mo ang kahalagahan ng pagkatuto ng wikang Arabe para sa mga tagapag-anyaya na mga hindi nagsasalita nito at ang epekto niyon sa pagkamit ng mga kaalaman at pagpapalaganap ng pag-aanyaya.

Aktibidad 3: Magbabasa ako at hahango ako.

Nagsabi si Allāh: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin.} (Qur'ān 3:159) Ayon sa liwanag niyon:

Hanguin mo mula sa āyah ang mga katangian ng tagapag-anyaya at ang epekto ng mga ito sa pagtanggap ng pag-aanyaya niya.

Linawin mo ang pinakamahalaga sa mga katangian ng tagapag-anyaya na nakaaapekto sa iyo at nakaaapekto sa sinumang nasa paligid mo.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Ang kabaitan at ang kabanayaran ay nagpapatunay ng kahinaan ng personalidad ng tagapag-anyaya.

Ang pagsasarisari ng mga kaparaanan ng pag-aanyaya ay nagpapatunay ng kagalingan ng tagapag-anyaya.

Nagsisimula ang tagapag-anyaya sa pag-aanyaya sa mga tao ayon sa naging madali sa kanila.

Ang kalagayan ng inaanyāyahan ay ang nagtatakda sa pagpili ng istilo ng pag-aanyaya.

Ang pag-aanyaya tungo kay Allāh ay kabilang sa pinakamarangal sa mga gawain at pinakamainam sa mga ito.

Ang magandang pagsasabi ay nakaaapekto sa pagkuha ng mga puso at pagtanggap sa paanyaya.

PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:

Kinakailangan na matuto ang tagapag-anyaya ng mga saligan ng Sharī`ah at makaalam sa:

(mga pangalan ng mga inaanyāyahan - reyalidad ng mga inaanyāyahan - wika ng mga inaanyāyahan).

Kabilang sa mga paksa na nararapat ang pagsisimula sa pag-uusap tungkol sa mga ito sa mga inaanyāyahan ay:

(ang paglalarawan sa Paraiso - ang mga kusang-loob na gawain ng mga pagsamba - ang mga kagandahan ng Islām).

Gumagabay sa atin ang ḥadīth ng pagpapadala kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen tungo sa:

(pagdadahan-dahan sa pag-aanyaya - paggawa ng maganda sa hindi Muslim - pagpayag sa kawanggawa sa hindi Muslim).

PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:

Ang Epekto ng Kagandahan ng Kaasalan sa Pag-aanyaya

Ang Pagkasarisari ng mga Istilo ng Pag-aanyaya

Ang kagaspangan at ang katigasan ay nagbibigay-dahilan sa pagkalayo ng mga tao sa tagapag-anyaya.

Kinakailangan ang pag-aanyaya batay sa isang pagkatalos.

PANUTO 4: Tugunin mo ang dalawang sumusunod na panuto:

Pagsunud-sunurin mo ang mga kaunahan (priority) ng pag-aanyaya sa lipunan mo alinsunod sa natutuhan mo sa aralin.

Magpahayag ka sa limang linya ng mga tagapagdahilan ng tagumpay ng pag-aanyaya ayon sa liwanag ng nasaad sa aralin.

5. Ang Fiqh ng mga Minoriyang Muslim

Ang mga Layong Pampamamalakad:

Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:

makapaglinaw ka sa kahalagahan ng pagkapit sa pagkakakilanlang Islāmiko;

makapagpaliwanag ka sa mga pagkakahayag ng pagmamarangal sa Islām;

makapag-isa-isa ka sa pinakamahalaga sa mga gawaing panrelihiyon ng Islām;

makapagbigay-linaw ka sa pinakamahalaga sa mga kagandahan ng Islām;

makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng edukasyong Islāmiko;

makapagmarangal ka sa pagkakaanib mo sa Islām.

Pauna

Kasabay ng paglaganap ng Islām sa karamihan sa mga estado ng Daigdig, may nabuong mga minoriyang Muslim mula sa mga Muslim na lumikas sa mga bayang iyon o mula sa hindi mga Muslim na pumasok sa Islām kabilang sa mga naninirahan sa mga estadong iyon.

Humaharap ang mga minoriyang Muslim sa sarisaring kahirapan sa pagkapit sa Islām at pagsasagawa sa Batas nito. Tatangkain natin sa araling ito ang paglilinaw sa pinakamahalaga sa nararapat gawin para sa pagsasakatotohanan doon at pagharap sa mga kahirapang iyon.

Ang Fiqh ng mga Minoriya

Ang Pangangalaga sa Pagkakakilanlang Islāmiko

Ang Pagmamarangal sa Islām

Ang Paglalantad ng mga Gawaing Panrelihiyon ng Islām

Ang Pagpapalaganap ng mga Kagandahan ng Islām

Ang Pagpapahalaga sa Edukasyong Islāmiko

Ang Pagpapaginhawa at ang Pagwaksi sa Panatisismo at Pagkakaiba-iba

1. Ang Pangangalaga sa Pagkakakilanlang Islāmiko

Naisasakatuparan iyon sa pamamagitan ng katapatan ng pagkakaanib sa Relihiyong Islām, paniniwala sa Tawḥīd, pagsasagawa ng mga gawaing panrelihiyon at mga pagsamba, pagsunod sa mga pinahahalagahan at mga kaasalan, pagmamarangal at pagkapit sa lahat ng nauugnay sa Islām. Nagsabi si Allāh: {Kaya mangunyapit ka sa ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid.} (Qur'ān 43:43)

Kabilang sa mga gawain na naglalantad ng pagkakilanlang Islāmiko ang pagsasagawa ng mga ṣalāh sa mga masjid, ang pagpapalaganap ng wikang Arabe, ang pagsunod sa kasuutang ayon sa Sharī`ah, ang pagkain ng mga katay na kinatay alinsunod sa mga kundisyon ng Batas ng Islām.

Upang makapangalaga ang mga Muslim sa pagkakilanlan nila, kailangan sa kanila na hindi gumawa ng anuman kabilang sa ikinatangi ng mga iba pang relihiyon sapagkat nasaad ang pagbibigay-babala laban sa pagpapakawangis sa hindi mga Muslim. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 4031.

2. Ang Pagmamarangal sa Islām

Ang pagmamarangal sa Islām ay nagpapatunay ng katapatan ng pagkakaugnay roon. Kaya naman kailangan sa bawat Muslim na magmalaki sa relihiyon at magmarangal dito sapagkat ang pinakadakila sa mga biyaya ni Allāh sa tao ay na magtuon Siya rito sa Islām.

Ang pagmamarangal sa Islām ay nagkakaloob sa alagad nito ng tunay na kapangyarihan. Nagsabi si Allāh: {Sa kay Allāh ang karangalan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya,} (Qur'ān 63:8) Nagsasabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Kami ay mga taong nagparangal sa amin si Allāh sa pamamagitan ng Islām. Kapag naghangad kami ng karangalan sa pamamagitan ng iba pa rito, humahamak sa amin si Allāh."

Nalalantad ang pagmamarangal sa relihiyong Islāmiko sa paggawa ayon dito, pag-aanyaya tungo rito, paglalantad ng mga gawaing panrelihiyon nito, at pagpapalaganap ng mga kagandahan nito at mga kaasalan nito.

3. Ang Paglalantad ng mga Gawaing Panrelihiyon ng Islām

Tunay na ang paglalantad ng mga gawaing panrelihiyon ng Islām ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga pampalapit-loob kay Allāh at nagpapatunay ng pagdakila sa mga sagisag ni Allāh. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso.} (Qur'ān 22:32)

Alamin mo na ang paglalantad ng mga gawaing panrelihiyon ng Islām ay may karangalan para sa Muslim, pagtalima kay Allāh at sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pag-aanyaya sa iba para sa pagpasok sa Islām, at patotoo sa pagkapit ng tao sa pagkakilanlan sa kanya.

Kabilang sa mga gawaing panrelihiyong ito ang adhān, ang pagpapanatili ng limang ṣalāh sa konggregasyon, ang ṣalāh sa Biyernes at dalawang `īd, ang tarāwīḥ, ang pagdiriwang ng mga selebrasyong Islāmiko, at iba pa roon kabilang sa mga gawaing panrelihiyon.

Subalit nararapat na maisagawa iyon nang walang pambubulabog sa nalalabi sa mga pangkatin ng lipunan sapagkat maaaring hahantong iyon sa pagpapalayo ng loob sa Islām at pagdudulot ng pinsala sa mga Muslim.

Kailangan sa mga minoriyang Muslim na magtamo ng sibil at legal na mga karapatan ng mga ito sa paglalantad ng mga gawaing panrelihiyon.

4. Ang Pagpapalaganap ng mga Kagandahan ng Islām

Ang pagpapakilala sa mga kagandahan ng Islām at ang paglalahad ng mga reyalidad nito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga paraan ng pag-aanyaya tungo kay Allāh dahil ito ay nagpapakaunti ng mga alon ng pag-atake sa Islām at mga Muslim at nagpapagaan sa mga epekto ng tinatawag na Islamophobia o pagkatakot sa Islām.

Kabilang sa mga kagandahan ng Islām na nararapat ipalaganap:

- Ang halaga ng katarungan sa Islām at ang pagtatakwil sa rasismo at diskriminasyon sa mga tao. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe, ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni sa isang pula higit sa isang itim, ni sa isang itim higit sa isang pula maliban sa pangingilag magkasala." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 23489. Gayon din ang paglilinaw sa mga katunayan ng katarungan ng Islām sa hindi mga Muslim.

- Ang kainaman ng pag-aarugaan at pag-aawaan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, nagtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6011 at Imām Muslim: 2586 at ang pananalita ay kay Imām Muslim.

- Ang pag-uutos ng pagkakaisa at ang pagsaway laban sa pagkakawatak-watak. Nagsabi si Allāh: {Mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at huwag kayong magkawatak-watak.} (Qur'ān 3:103)

- Ang paglilinaw sa mga pinahahalagahan ng Islām at pinakamahalaga sa mga ipinag-uutos nito at mga sinasaway nito, tulad ng pag-uutos ng katarungan at pagsaway sa kawalang-katarungan. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag.} (Qur'ān 16:90)

5. Ang Pagpapahalaga sa Edukasyong Islāmiko

Nararapat sa mga minoriyang Muslim sa mga bayang hindi Muslim ang magpahalaga sa edukasyong Islāmiko dahil sa kahalagahan nito sa pangangalaga sa pagkakilanlang Islāmiko, pagpapakilala sa mga Muslim sa Relihiyon nila, at pagpapabula sa mga maling akala rito.

Kaya naman kailangan sa kanila ang magsikap sa pagpapatayo ng mga paaralan at mga silid-aralan at ang magturo sa mga masjid. Kung hindi nila nakaya iyon, maaari sa kanila ang makinabang mula sa pagtuturo sa pamamagitan ng internet.

Nararapat na maglaman ang kurikulum ng mga batayan ng paniniwalang tumpak, paglilinaw ng mga pinahahalagahan (values) ng Islām at mga kagandahan nito, pagpapasaulo ng Marangal na Qur'ān, at pagtuturo ng fiqh ng mga patakaran, kasabay ng pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng lipunan at mga usapin nito.

6. Ang Pagpapaginhawa at ang Pagwaksi sa Panatisismo at Pagkakaiba-iba

Kinakailangan sa mga minoriya ang magsaalang-alang sa mga lagay nila sa pagpili ng mga fatwā na pamfiqh. Kaya naman hindi nila pipiliin ang mga fatwā na mahigpit o ang nababagay sa buhay sa mga estadong Islāmiko hindi sa iba pa sa mga ito. Walang masama sa pagpili ng pinakamagaang pananaw hanggat ito ay tumpak.

Gayon din, kinakailangan ang magwaksi ng panatisismo sa isang pananaw o isang shaykh o isang madhhab sapagkat ito ay humahantong sa pagtatanim ng pagkakaibahan at pagkakawatak-watak.

Kaya naman ang mga minoriya ay nasa isang minamadaling pangangailangan sa pakikipagtulungan para sa pagtamo ng mga karapatan nila sa lipunan na pinamumuhayan nila yayaman din na ang pagkakaiba-iba ay naghahati-hati ng mga gawaing pampag-aanyayang pinakamalaki at naglalantad sa mga Muslim sa isang masagwang imahen, na maaaring babalakid sa mga tao sa pagpasok sa Islām.

Kabilang sa umaalalay sa pagpapakaunti ng mga pagkakaiba-iba ang pagbuo ng mga minoriyang Muslim ng mga kapisanan at mga konseho para sa pagtatalakay sa mga nauukol sa kanila at pagsasanggunian para sa pagpili ng pinakaangkop para sa kanila.

Ang mga Aktibidad

Aktibidad 1: Magbabasa ako at tutugon ako.

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang aabot nga ang Relihiyong ito sa inabot ng gabi at maghapon. Hindi mag-iiwan si Allāh ng isang bahay sa bayan ni sa ilang malibang magpapapasok doon si Allāh ng Relihiyong ito." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 16957. Nagpapatunay ang paglaganap ng Islām sa ngayon sa pagsasakatuparan ng nasaad sa ḥadīth. Sa pamamagitan niyan,

makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa pagsaliksik sa bilang ng mga Muslim sa Daigdig at pagkabaha-bahagi ng paglaganap nila sa lahat ng mga kontinente.

Humango ka ng patunay na ang mensahe ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang pandaigdigang mensahe.

{Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan,} (Qur'ān 7:158)

Ipaliwanag mo kung papaanong nakaapekto iyon sa pagpapalaganap ng Islām at pagpapakalat ng tiwala sa mga kaluluwa ng mga minoriyang Muslim.

Aktibidad 2: Magsasagawa ako ng pagtatasa (assessment) at magpapayo ako.

Makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo kaugnay sa mga kamalian na nagaganap sa ilan sa mga minoriyang Muslim, habang nagpapaliwanag sa kadahilanan ng kamalian at lunas nito.

Ang Pagkamahiyain sa Paglalantad ng Pagkakaanib sa Islām

Ang Pakikilahok sa mga Okasyong Panrelihiyon ng Hindi mga Muslim

Ang Paggawa Ayon sa mga Fatwā na Pamfiqh na Pinalabas Para sa mga Lipunang Arabe

Ang Pagkakaiba-iba ng Petsa ng Pagsisimula ng Pag-aayuno sa Buwan ng Ramaḍān at `Īdulfiṭr sa Nag-iisang Bayan

Aktibidad 3: Makikilahok ako at magsasaliksik ako.

Makilahok ka sa mga kaklase mo sa paghahanap sa internet ng mga website, mga programa, at mga channel na pangkaalaman at pampagtuturong nababagay para sa mga minoriyang Muslim. Pagkatapos magtala ka ng isang tala ng mga ito, na nagpapaliwanag ng uri ng mga ito, mga materyal na pangkaalaman na nasa mga ito, at pangalan ng tagapagtaguyod sa mga ito.

Ang Pagtatasa (Assessment)

PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:

Ang pagsasabatayang pangkaalamang pampananampalataya ay nagpapatatag sa mga Muslim sa Relihiyon nila.

Ang pinakamabigat na ikinararangal ng tao ay ang ari-arian at ang kapangyarihan.

Ang paglalantad ng mga gawaing panrelihiyon ng Islām ay nagpapatunay sa pagmamarangal ng Muslim sa Relihiyon niya.

Ang paggawa ayon sa pinakamadaling pananaw ay sumasalungat sa pagmamarangal sa Islām.

Kinakailangan ang pag-uumpisa sa pagtuturo ng mga pagkakaibahang pamfiqh sa mga minoriyang Muslim.

Ang pagbuo ng mga kapisanang pangkaalaman ay nagpapakaunti ng paghihidwaan sa pagitan ng mga minoriya.

Nararapat ang pagharap sa Islamophobia sa pamamagitan ng paglilinaw sa mga kagandahan ng Islām.

PANUTO 2: Papaano mo ipakakahulugan:

Ang pagkakailangan ng pangangalaga sa mga gawaing panrelihiyon nang walang pambubulabog sa mga may mga ibang relihiyon.

Ang kahalagahan ng edukasyong Islāmiko para sa mga minoriyang Muslim.

Ang kamalian ng pagpapatupad ng mga minoriyang Muslim ng mga fatwā na natatangi sa mga lipunang Arabe.

PANUTO 3: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:

Ipaliwanag mo ang kahalagahan ng mga masjid at mga sentrong Islāmiko sa pangangalaga sa pagkakilanlang Islāmiko at pagtuturo ng Relihiyon sa mga minoriyang Muslim.

Ipaliwanag mo kung papaanong nagmamarangal ang Muslim sa Relihiyon niya at nangangalaga sa pagkakaugnay niya sa Islām?

Bigyang-linaw mo sa pamamagitan ng istilo mo ang pinakamahalaga sa mga kagandahan ng Islām na kinakailangan ang paglilinaw sa mga ito.