كتاب التوحيد
كتاب التوحيد أحد أهم الكتب في العقيدة الإسلامية، حيث يركز على مفهوم التوحيد وأهميته في الإسلام. يعرض الشيخ في هذا الكتاب أركان التوحيد الثلاثة: توحيد الربوبية، وتوحيد الألوهية، وتوحيد الأسماء والصفات. ويعزز أهمية التوحيد في عبادة الله وحده ونبذ الشرك بجميع صوره وأشكاله. يتميز الكتاب بأسلوبه الواضح والمباشر، مع استشهادات من القرآن الكريم والسنة النبوية لتوضيح المفاهيم. يعد مرجعًا أساسيًا لكل مسلم يسعى لفهم التوحيد بشكل صحيح وتطبيقه في حياته.
Ang Aklat ng Tawḥīd
Na Siyang Karapatan ni Allāh sa mga Tao
Pag-aakda ni Shaykh Al-Islām
Muḥammad bin `Abdulwahhāb At-Tamīmīy
1206 Hijrah
Pagmamalasakit
`Abdul`azīz bin Dākhil Al-Muṭayrīy
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Basbasan ni Allāh si Muḥammad sampu ng mag-anak nito at mga Kasamahan nito at pangalagaan Niya.
Ang Aklat ng Tawḥīd
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56)
Ang sabi pa Niya: {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis."} (Qur'ān 16:36)
Ang sabi pa Niya: {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal. Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba dahil sa pagkaawa at magsabi ka: "Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako]."} (Qur'ān 17:23-24)
Ang sabi pa Niya: {Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.} (Qur'ān 4:36)
Ang sabi pa Niya: {151. Sabihin mo: "Halikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda; huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dahil sa isang paghihikahos, Kami ay nagtutustos sa inyo at sa kanila; huwag kayong lumapit sa mga malaswa: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli; at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan." Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa 152. Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa kalakasan niya. Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at [pagtitimbang sa] timbangan ayon sa pagkamakatarungan. Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kapag nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo kahit pa sa isang may pagkakamag-anak. Sa kasunduan kay Allāh ay magpatupad kayo. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala. 153. Na ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 6:151-153)
Nagsabi si Ibnu Mas`ūd: {Ang sinumang nagnais na tumingin sa habilin ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na naroon ang selyo nito ay bumigkas ng sabi Niya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Halikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; – hanggang sa sabi Niya: – Na ito ay ang landasin Ko, tuwid,...} (Qur'ān 6:151-153)
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno saka nagsabi siya sa akin: "O Mu`ādh, nalalaman mo ba kung ano ang karapatan ni Allāh sa mga tao at kung ano ang karapatan ng mga tao kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi naman siya: "Ang karapatan ni Allāh sa mga tao ay na sumamba sila sa kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan naman ng mga tao kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magbabalita ng nakagagalak sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila dahil aasa sila."} Nagtala nito ang Dalawa sa Dalawang Ṣaḥīḥ.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang kasanhian sa paglikha ng jinn at tao.
Ang Ikalawa: Na ang pagsamba ay ang Tawḥīd dahil ang alitan ay kaugnay rito.
Ang Ikatlo: Na ang sinumang hindi nagsagawa nito ay hindi sumamba kay Allāh sapagkat nasaad dito ang kahulugan ng sabi Niya: {ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko;}
Ang Ikaapat: Ang kasanhian sa pagsusugo ng mga sugo.
Ang Ikalima: Na ang mensahe ay sumaklaw sa bawat kalipunan.
Ang Ikaanim: Na ang relihiyon ng mga propeta ay iisa.
Ang Ikapito: Ang malaking usapin: Na ang pagsamba kay Allāh ay hindi nangyayari malibang sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya sa mapagmalabis (ṭāghūt) sapagkat kaugnay rito ang kahulugan ng sabi Niya: {Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa mapagmalabis at sumasampalataya kay Allāh...} (Qur'ān 2:256)
Ang Ikawalo: Na ang mapagmalabis ay [taguring] pangkalahatan sa anumang sinamba bukod pa kay Allāh.
Ang Ikasiyam: Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa tatlong talatang isinatahasan sa Kabanata Al-An`ām sa ganang Kanunuan. Dito ay may sampung usapin, na ang una sa mga ito ay ang pagsaway laban sa Shirk.
Ang Ikasampu: Ang mga talatang isinatahasan sa Kabanata Al-Isrā' at dito ay may walong usapin. Nagsimula rito si Allāh sa sabi Niya: {Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa para mauuwi kang isang pinupulaang itinatatwa.} at winakasan Niya ito sa sabi Niya: {Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa sapagkat maipupukol ka sa Impiyerno bilang sinisising pinalalayas.} (Qur'ān 17:22-39) Tumawag-pansin sa atin si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa kadakilaan ng pumapatungkol sa mga usaping ito sa sabi Niya: {Iyon ay kabilang sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo na karunungan.} (Qur'ān 17:39)
Ang Ikalabing-isa: Ang talata sa Kabanata An-Nisā' na tinatawag na talata ng mga karapatan [ni Allāh] ay sinimulan ni Allāh sa sabi Niya: {Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.} (Qur'ān 3:39)
Ang Ikalabindalawa: Ang pagtawag-pansin sa habilin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkamatay niya.
Ang Ikalabintatlo: Ang pagkakaalam sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya) sa atin.
Ang Ikalabing-apat: Ang pagkakaalam sa karapatan ng mga tao sa Kanya kapag ginampanan nila ang karapatan Niya.
Ang Ikalabinlima: Na ang usaping ito ay hindi nalalaman ng higit na marami sa mga Kasamahan.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagpayag sa pagkukubli ng kaalaman dahil sa kapakanan.
Ang Ikalabimpito: Ang pagtuturing na kaibig-ibig ang pagbabalita ng sa Muslim ng anumang nagpapagalak sa kanya.
Ang Ikalabingwalo: Ang pangamba sa pananalig [lamang] sa lawak ng awa ni Allāh.
Ang Ikalabingsiyam: Ang pagsabi ng tinatanong tungkol sa hindi niya nalalaman: "Si Allāh at ang Sugo Niya ang higit na maalam."
Ang Ikadalawampu: Ang pagpayag sa pagtatangi sa ilan sa mga tao sa pagkakaloob ng kaalaman higit sa iba.
Ang Ikadalawampu't Isa: Ang pagpapakumbaba ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa pagsakay sa asno kasabay ng pagpapaangkas dito
Ang Ikadalawampu't Dalawa: Ang pagpayag sa pagpapaangkas sa sasakyang hayop.
Ang Ikadalawampu't Tatlo: Ang kalamangan ni Mu`ādh bin Jabal.
Ang Ikadalawampu't Apat: Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa usaping ito.
Kabanata: Ang Paglilinaw sa Kainaman ng Tawḥīd at ang Nagtatakip-sala sa mga Pagkakasala
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng kawalang-katarungan, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang katiwasayan at sila ay mga napapatnubayan.} (Qur'ān 6:82)
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh lamang nang walang katambal sa Kanya; na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya; na si Jesus ay lingkod ni Allāh, sugo Niya, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu mula sa Kanya; at [sumaksi na] ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo; magpapapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso sa kabila ng nangyaring anumang gawa."} Nagtala nito ang Dalawa at batay sa kanilang dalawa sa ḥadīth ni `Itbān: {"sapagkat tunay na si Allāh ay nagkait sa Apoy ng sinumang nagsabi ng [adhikaing] Walang Diyos kundi si Allāh habang naghahangad sa [pagsabing] iyon ng [ikalulugod] ng mukha ni Allāh."}
Ayon kay Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Nagsabi si Moises: "O Panginoon ko, magturo Ka sa akin ng isang bagay na sasambitin ko [sa pag-aalaala] sa Iyo at ipandadalangin ko sa Iyo." Nagsabi Siya: Magsabi ka, O Moises: "Walang Diyos kundi si Allāh." Nagsabi ito: "Ang lahat ng mga lingkod Mo ay nagsasabi nito? Nagsabi Siya: "O Moises, kung sakaling ang pitong langit at ang naninirahan sa mga ito na iba pa sa Akin at ang pitong lupa ay nasa isang pinagtitimbangan at ang [adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh ay nasa isa pang pinagtitimbangan, kikiling higit sa mga iyon ang [adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh."} Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Ḥibbān at Imām Al-Ḥākim at sumang-ayon ito sa katumpakan niyon.
Batay kay Imām At-Tirmidhīy – at sumang-ayon siya sa kagandahan ng ḥadīth na ito – ayon kay Anas: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): 'O anak ni Adan, tunay na ikaw – kung sakaling magdadala ka sa Akin ng makapupuno sa lupa na mga kasalanan pagkatapos nakipagtagpo ka sa Akin nang hindi ka nagtatambal sa Akin ng anuman – ay talagang dadalhan Ko ng makapupuno roon na kapatawaran."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang lawak ng kabutihang-loob ni Allāh.
Ang Ikalawa: Ang dami ng gantimpala ng Tawḥīd sa ganang kay Allāh.
Ang Ikatlo: Ang pagtatakip-sala Niya sa kabila niyon sa mga pagkakasala.
Ang Ikaapat: Ang pagpapakahulugan sa talata na nasa Kabanatang Al-An`ām (6:82).
Ang Ikalima: Ang pagbubulay-bulay sa limang nabanggit na nasa ḥadīth ni `Ubādah.
Ang Ikaanim: Na ikaw, kapag nagtugma ka nito at ng ḥadīth ni `Itbān at matapos nito, lilinaw sa iyo ang kahulugan ng pagsabi ng [adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh at lilinaw sa iyo ang kamalian ng mga nalinlang.
Ang Ikapito: Ang pagtawag-pansin para sa kundisyon na nasa ḥadīth ni `Itbān.
Ang Ikawalo: Ang pagiging ang mga propeta ay nangangailangan ng pagtawag-pansin sa kainaman ng [adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh.
Ang Ikasiyam: Ang pagtawag-pansin sa pagkamatimbang nito higit sa lahat ng mga nilikha sa kabila ng lahat na ang marami sa nagsasabi nito ay magaan ang [mga gawa sa] timbangan.
Ang Ikasampu: Ang teksto na nakasaad na ang mga lupa ay pito gaya ng mga langit.
Ang Ikalabing-isa: Na ang mga langit ay may mga naninirahan.
Ang Ikalabindalawa: Ang pagpapatibay sa mga katangian, na kasalungatan sa mga Ash`arīy.
Ang Ikalabintatlo: Na ikaw, kapag nakaalam ka sa ḥadīth ni Anas, ay makaaalam na ang sabi niya sa ḥadīth ni `Itbān: "sapagkat tunay na si Allāh ay nagkait sa Apoy ng sinumang nagsabi ng [adhikaing] Walang Diyos kundi si Allāh habang naghahangad sa [pagsabing] iyon ng [ikalulugod] ng mukha ni Allāh" ay na ang pag-iwan sa Shirk ay hindi ang pagsasabi nito sa pamamagitan ng dila.
Ang Ikalabing-apat: Magbulay-bulay ka sa pagtutugma ng pagiging sina Jesus at Muḥammad ay mga lingkod ni Allāh at mga sugo Niya.
Ang Ikalabinlima: Ang pagkakaalam sa pagkatangi ni Jesus sa pagiging siya ay salita ni Allāh.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagkakaalam sa pagiging si Jesus ay isang espiritu mula kay Allāh.
Ang Ikalabimpito: Ang pagkakaalam sa kainaman ng pananampalataya sa [pagkakaroon ng] Paraiso at Impiyerno.
Ang Ikalabingwalo: Ang pagkakaalam sa sabi niya: "sa kabila ng nangyaring anumang gawa."
Ang Ikalabingsiyam: Ang pagkakaalam na ang timbangan [ng mga gawa] ay may dalawang pinagtitimbangan.
Ang Ikadalawampu: Ang pagkakaalam sa pagbanggit ng mukha [ni Allāh].
Kabanata: Ang Sinumang Nagsakatotohanan sa Tawḥīd ay Papasok sa Paraiso nang Walang Pagtutuos
Ang sabi ni Allāh (pagkataas-taas Siya): {Tunay na si Abraham noon ay isang kalipunang masunurin kay Allāh bilang makatotoo – at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal – (Qur'ān 16:120)
Nagsabi Siya (napakataas Siya): {na silang sa Panginoon nila ay hindi nagtatambal,} (Qur'ān 23:59)
Ayon kay Ḥuṣayn bin `Abdurraḥmān na nagsabi: {Ako minsan ay nasa piling ni Sa`īd bin Jubayr saka nagsabi ito: "Alin sa inyo ang nakakita ng tala na ipinukol kahapon?" Kaya nagsabi ako: "Ako." Pagkatapos nagsabi ako: "Pansinin, tunay na ako ay hindi nasa pagdarasal sapagkat ako ay natuklaw." Nagsabi siya: "Kaya ano ang ginawa mo?" Nagsabi ako: "Nag-orasyon ako." Nagsabi siya: "Kaya ano naman ang nag-udyok sa iyo roon?" Nagsabi ako: "Isang ḥadīth na isinaysay sa amin ni Ash-Sha`bīy." Nagsabi siya: "Ano ang isinaysay niya sa inyo?" Nagsabi ako: "Nagsanaysay siya sa amin ayon kay Buraydah bin Al-Ḥuṣayb, na siya ay nagsabi: 'Walang orasyon malibang laban sa isang usog o isang kamandag.'" Nagsabi siya: "Nakagawa nga ng maganda ang sinumang tumigil sa narinig niya subalit nagsanaysay sa amin si Ibnu `Abbās ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: 'Inilahad sa akin ang mga kalipunan saka nakakita ako ng propeta samantalang kasama nito ang maliit na pangkat, ng propeta samantalang kasama nito ang lalaki at ang dalawang lalaki, at ng propeta samantalang walang kasama ito na isa man. Biglang may inangat para sa akin na isang malaking pangkat kaya nagpalagay ako na sila ay kalipunan ko, saka sinabi sa akin: Ito ay si Moises at ang mga tao niya. Saka tumingin ako, saka biglang may isang malaking pangkat, saka sinabi sa akin: Ito ay kalipunan mo; may kasama sa kanila na pitumpung libo na papasok ng Paraiso nang walang pagtutuos ni pagdurusa.'" Pagkatapos tumindig siya saka pumasok sa tahanan niya, saka tumalakay ang mga tao hinggil sa mga iyon. Nagsabi ang iba sa kanila: Kaya marahil sila ay ang mga sumama sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi naman ang iba pa sa kanila: Kaya marahil sila ay ang mga ipinanganak sa Islām sapagkat hindi sila nagtambal kay Allāh ng anuman. Bumanggit sila ng mga bagay-bagay saka lumabas sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpabatid sa kanila. Nagsabi siya: 'Sila ay ang mga hindi nagpapaorasyon, hindi nagpapapaso, at hindi naniniwala sa masamang pangitain, at sa Panginoon nila nananalig.' Tumindig si `Ukkāshah bin Miḥṣan saka nagsabi: 'O Sugo ni Allāh, dumalangin ka kay Allāh na gawin Niya akong kabilang sa kanila.' Kaya nagsabi siya: 'Ikaw ay kabilang sa kanila.' Pagkatapos may tumindig na isa pang lalaki saka nagsabi: 'Dumalangin ka kay Allāh na gawin Niya akong kabilang sa kanila.' Kaya nagsabi siya: 'Nakauna sa iyo roon si `Ukkāshah.'"}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagkakaalam sa mga antas ng mga tao sa Tawḥīd.
Ang Ikalawa: Kung ano ang kahulugan ng pagsasakatuparan nito.
Ang Ikatlo: Ang pagbubunyi Niya (kaluwalhatian sa Kanya) kay Abraham dahil sa pagiging ito ay hindi naging kabilang sa mga tagapagtambal.
Ang Ikaapat: Ang pagbubunyi Niya sa mga pinuno ng mga katangkilik dahil sa pagkakaligtas nila mula sa Shirk.
Ang Ikalima: Ang pagiging ang pag-iwan sa orasyon at pagpaso ay bahagi ng pagsasakatotohanan sa Tawḥīd.
Ang Ikaanim: Ang pagiging ang tagapagbuklod ng mga katangiang iyon ay ang pananalig.
Ikapito: Ang kalaliman ng kaalaman ng mga Kasamahan dahil sa pagkakaalam nila na sila ay hindi magkakamit niyon malibang may gawain.
Ang Ikawalo: Ang sigasig nila sa kabutihan.
Ang Ikasiyam: Ang kainaman ng kalipunang ito sa kantidad at kalidad.
Ang Ikasampu: Ang kainaman ng mga kasamahan ni Moises.
Ang Ikalabing-isa: Ang paglalahad ng mga kalipunan sa kanya (sumakanya ang pangangalaga).
Ang Ikalabindalawa: Na ang bawat kalipunan ay kakalapin nang mag-isa kasama ng propeta nito.
Ang Ikalabintatlo: Ang kakauntian ng mga tumugon sa mga propeta.
Ang Ikalabing-apat: Na ang sinumang hindi sinagot ng isa man ay darating nang mag-isa.
Ang Ikalabinlima: Ang bunga ng kaalamang ito ay ang hindi pagkalinlang dahil sa dami at ang hindi pagkakasya sa kakauntian.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagpayag sa orasyon laban sa usog at kamandag.
Ang Ikalabimpito: Ang kalaliman ng kaalaman ng Kanunuan dahil sa sabi niya: "Nakagawa nga ng maganda ang sinumang tumigil sa narinig niya subalit..." sapagkat nalaman na ang unang ḥadīth ay hindi sumasalungat sa ikalawa.
Ang Ikalabingwalo: Ang kalayuan ng Kanunuan sa pagbubunyi sa tao dahil sa [kainamang] hindi naman taglay nito.
Ang Ikalabingsiyam: Ang sabi niya: "Ikaw ay kabilang sa kanila" ay isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta.
Ang Ikadalawampu: Ang kainaman ni `Ukkāshah.
Ang Ikadalawampu't Isa: Ang paggamit ng mga pampaliguy-ligoy.
Ang Ikadalawampu't Dalawa: Ang kagandahan ng kaasalan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kabanata: Ang Pangamba sa Shirk
Ang sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.} (Qur'ān 4:48)
Nagsabi ang Khalīl (sumakanya ang pangangalaga): {at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito.} (Qur'ān 14:35)
Nasaad sa ḥadīth: {"Ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang maliit na pagtatambal." Kaya tinanong siya tungkol doon kaya nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao."}
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa bukod pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Batay kay Imām Muslim, ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang makikipagkita kay Allāh habang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang makikipagkita sa Kanya habang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pangamba sa Shirk.
Ang Ikalawa: Na ang pagpapakitang-tao ay kabilang sa Shirk.
Ang Ikatlo: Na ito ay kabilang sa Maliit na Shirk.
Ang Ikaapat: Na ito ay ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan niya para sa mga maayos na tao.
Ang Ikalima: Ang kalapitan ng Paraiso at Impiyerno.
Ang Ikaanim: Ang pagtutugma sa kalapitan ng dalawang ito sa iisang ḥadīth.
Ang Ikapito: Na ang sinumang makikipagkita sa Kanya habang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang makikipagkita sa Kanya habang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno kahit pa man siya ay kabilang pinakapalasamba sa mga tao.
Ang Ikawalo: Ang dakilang usapin ay ang paghiling ng Al-Khalīl para sa kanya at para sa mga anak niya ng pagsanggalang sa pagsamba sa mga anito.
Ang Ikasiyam: Ang pagsasaalang-alang niya sa kalagayan ng pinakamarami dahil sa sabi niya: {"Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay nagligaw sa marami sa mga tao."}
Ang Ikasampu: Nasaad dito ang pagpapakahulugan sa [adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh gaya ng nabanggit ni Imām Al-Bukhārīy.
Ang Ikalabing-isa: Ang kainaman ng sinumang naligtas mula sa Shirk.
Kabanata: Ang Pag-aanyaya Tungo sa Pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allāh
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal."} (Qur'ān 12:108)
Ayon kay Ibnu`Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagpadala siya kay Mu`ādh sa Yemen, ay nagsabi rito: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong kabilang sa mga May Kasulatan kaya ang kauna-unahan sa ipaaanyaya mo sa kanila ay ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh." – sa isang salaysay: "ang maniwala sila sa kaisahan ni Allāh." – "Kung sila ay tumalima sa iyo roon, ipaalam mo sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Kung sila ay tumalima sa iyo roon, ipaalam mo sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng kawanggawang kinukuha mula sa mga mayaman nila saka ibinabalik sa mga maralita nila. Kung sila ay tumalima sa iyo roon, kaingat ka sa mga mamahalin sa mga ari-arian nila at mangilag sa panalangin ng naaapi sapagkat tunay na sa pagitan nito at ni Allāh ay walang tabing."} Nagtala nito ang Dalawa.
Batay sa kanilang dalawa, ayon kay Sahl bin Sa`d: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa Araw ng Khaybar: "Talagang magbibigay nga ako ng watawat bukas sa isang lalaking umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya at umiibig doon si Allāh at ang Sugo Niya, na magpapawagi si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya." Kaya nagpamagdamag ang mga tao na tumatalakay sa gabi nila kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Kaya noong inumaga sila, pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Lahat sila ay nag-aasam na bigyan nito ngunit nagsabi siya: "Nasaan si `Alīy bin Abū Ṭālib?"
Kaya sinabi: "Siya ay nagdaraing ng mga mata niya." Kaya nagpasugo sila roon, saka pinapunta ito, saka dumura siya sa mga mata niyon at dumalangin para roon, saka gumaling iyon na para bang hindi nagkaroon iyon ng hapdi, saka ibinigay niya roon ang watawat, saka nagsabi: "Lumusot ka nang may paghihinay-hinay hanggang sa makatuloy ka sa teritoryo nila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila sa Islām at magpabatid ka sa kanila hinggil sa kinakailangan sa kanila mula sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya) sapagkat sumpa man kay Allāh, upang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa pinakamamahalin sa mga yaman."}
Ang yadūkūna ay nangangahulugang "tumatalakay sila."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Na ang pag-aanyaya tungo kay Allāh ay ang daan ng sinumang sumunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Ikalawa: Ang pagtawag-pansin sa pagpapakawagas dahil ang marami sa mga tao, kung sakaling nag-anyaya man tungo sa katotohanan, siya ay nag-aanyaya tungo sa sarili niya.
Ang Ikatlo: Na ang pagkatalos ay bahagi ng mga tungkulin.
Ang Ikaapat: Kabilang sa mga katunayan ng kagandahan ng Tawḥīd ang pagiging ito ay isang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh (napakataas Siya) sa pag-aalipusta.
Ang Ikalima: Na bahagi ng kapangitan ng Shirk ang pagiging ito ay pag-alipusta kay Allāh.
Ang Ikaanim: Ito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito: ang pagpapalayo sa mga Muslim sa mga tagapagtambal upang hindi maging kabilang sa mga ito kahit pa man hindi nagtambal.
Ang Ikapito: Ang pagiging ang Tawḥīd ay kauna-unahang kinakailangan.
Ang Ikawalo: Na ito ay ipinasisimula bago ng bawat anuman pati ng pagdarasal.
Ang Ikasiyam: Na ang kahulugan ng "ang maniwala sila sa kaisahan ni Allāh" ay ang kahulugan ng walang Diyos kundi si Allāh.
Ang Ikasampu: Na ang tao ay maaaring maging kabilang sa mga May Kasulatan samantalang siya ay hindi nakaaalam nito o nakaaalam nito samantalang siya ay hindi nagsasagawa nito.
Ang Ikalabing-isa: Ang pagtawag-pansin sa pagtuturo sa pamamagitan ng pag-uunti-unti.
Ang Ikalabindalawa: Ang pagsisimula sa pinakamahalaga saka sa higit na mahalaga.
Ang Ikalabintatlo: Ang Pinaggugulan ng Zakāh.
Ang Ikalabing-apat: Ang pagpawi ng nakaaalam ng maling akala sa nag-aaral.
Ang Ikalabinlima: Ang pagsaway laban sa pagkuha sa mamahalin sa mga ari-arian.
Ang Ikalabing-anim: Ang pangingilag sa panalangin ng naaapi.
Ang Ikalabimpito: Ang pagpapabatid na ito ay hindi tinatabingan.
Ang Ikalabingwalo: Kabilang sa mga patunay ng Tawḥīd ang nangyari sa Pinuno ng mga Isinugo at mga pinuno ng mga katangkilik [ni Allāh] na hirap, pagkagutom, at epidemya.
Ang Ikalabingsiyam: Ang sabi niya: "Talagang magbibigay nga ako ng watawat..." ay isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta.
Ang Ikadalawampu: Ang pagdura niya sa mga mata nito ay isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta rin.
Ang Ikadalawampu't-isa: Ang kalamangan ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Ikadalawampu't-dalawa: Ang kainaman ng mga Kasamahan sa pagtatalakay nila nang gabing iyon at pagkaabala nila tungkol sa nakagagalak na balita ng pagwawagi.
Ang Ikadalawampu't-tatlo: Ang pananampalataya sa pagtatakda dahil sa pagtamo nito ng hindi nagsikap para rito at pagkakait nito sa nagsikap.
Ang Ikadalawampu't-apat: Ang etiketa sa pagsabi niya ng: "na may paghihinay-hinay mo."
Ang Ikadalawampu't-lima: Ang pag-aanyaya tungo sa Islām bago ng pakikipaglaban.
Ang Ikadalawampu't-anim: Na ito ay isinasabatas para sa mga inanyayahan bago niyon at mga kinalaban.
Ang Ikadalawampu't-pito: Ang pag-aanyaya sa pamamagitan ng karunungan batay sa sabi niya: "magpabatid ka sa kanila hinggil sa kinakailangan sa kanila."
Ang Ikadalawampu't-walo: Ang pagkakaalam hinggil sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya) sa Islām.
Ang Ikatatlumpu't-siyam: Ang gantimpala sa sinumang may napatnubayan sa mga kamay niya na iisang tao.
Ang Ikatatlumpu: Ang manumpa sa [pagkatig sa] hatol.
Kabanata: Ang Pagpapakahulugan sa Tawḥīd at Pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allāh
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, [na nagtatagisan] kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit, nag-aasam ng awa Niya, at nangangamba sa pagdurusa mula sa Kanya. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo ay laging pinangingilagan.} (Qur'ān 17:57)
Ang sabi pa Niya: {26. [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya na 'Tunay na ako ay walang kinalaman sa anumang sinasamba ninyo. 27. maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin." 28. Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik.} (Qur'ān 43:26-28)
Ang sabi pa Niya: {Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila!} (Qur'ān 9:31)
Ang sabi pa Niya: {Mayroon sa mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw, na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh.} (Qur'ān 2:165)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {"Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, magiging bawal labagin ang ari-arian niya at ang buhay niya; at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Ang pagliliwanag sa pakahulugang ito ay ang matapos nito na mga paksa.
Nasaad dito ang pinakamalaki sa mga usapin at ang pinakamahalaga sa mga ito:
Ang pagpapakahulugan sa Tawḥīd at ang pagpapakahulugan sa Pagsaksi at naglinaw siya nito sa pamamagitan ng mga maliwanag na bagay:
Kabilang dito ang isang talata sa Kabanata Al-Isrā', na nilinaw niya rito ang tugon sa mga tagapagtambal na dumadalangin sa mga taong maayos sapagkat nasaad dito ang paglilinaw na ito ay ang Malaking Shirk.
Kabilang dito ang isang talata sa Kabanatang At-Tawbah, na nilinaw niya rito na ang mga May Kasulatan ay {gumawa sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh} at nilinaw pa niya na sila ay "hindi inutusan kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos" gayong ang pagpapakahulugan dito na walang pagsusuliranin kaugnay rito ay ang pagtalima sa mga maalam at mga mananamba sa hindi pagsuway, hindi ang pagdalangin nila sa mga ito.
Kabilang dito ang sabi ng Al-Khalīl (sumakanya ang pangangalaga) sa mga tagatangging sumampalataya: {Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo, maliban sa lumalang sa akin...} Ibinukod Niya mula sa mga sinasamba nila ang Panginoon niya.
Binanggit Niya (kaluwalhatian sa Kanya) na ang kawalang-kaugnayang ito at ang pakikipagtangkilikang ito ay ang pagpapakahulugan sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh sapagkat nagsabi Siya: {Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik.} (Qur'ān 43:28)
Kabilang dito ang isang talata ng Kabanatang Al-Baqarah kaugnay sa mga tagatangging sumampalataya na nagsabi si Allāh kaugnay sa kanila: {Sila ay hindi mga makalalabas mula sa Apoy.} (Qur'ān 2:167) Bumanggit Siya na sila ay umiibig sa mga kaagaw [na ginawa] nila gaya ng pag-ibig kay Allāh. Kaya nagpatunay ito na sila ay umiibig kay Allāh nang dakilang pag-ibig ngunit hindi ito nagpapasok sa kanila sa Islām kaya papaano na sa sinumang umibig sa kaagaw nang higit na malaki kaysa sa pag-ibig kay Allāh?
Kaya papaano na sa sinumang hindi umibig kundi sa kaagaw lamang at hindi umibig kay Allāh?
Kabilang dito ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, magiging bawal labagin ang ari-arian niya at ang buhay niya; at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."
Ito ay kabilang sa pinakamabigat na naglilinaw sa kahulugan ng Walang Diyos Kundi si Allāh sapagkat tunay na hindi gumawa nito sa pagbigkas niyon bilang tagapagsanggalang sa buhay at ari-arian, bagkus ni ang pagkakaalam ng kahulugan niyon kalakip ng pagbigkas niyon, bagkus ni ang pagkilala roon, bagkus ni ang pagiging ito ay hindi dumadalangin kundi kay Allāh lamang nang walang katambal sa Kanya, bagkus hindi nagiging bawal labagin ang buhay niya at ang ari-arian hanggang sa mag-ugnay siya roon ng kawalang-pananampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh sapagkat kung nagduda siya o nag-atubili siya, hindi magiging bawal labagin ang ari-arian niya at ang buhay niya. Kaya kay linaw nito bilang usapin! Anong dakila nito at anong kapita-pitagan nito!
Kay linaw nito bilang paglilinaw! Anong liwanag nito! Bilang katwiran, anong tiyakan nito para sa nakikipaghidwaan!
Kabanata: Bahagi ng Shirk ang Pagsusuot ng Singsing, Sinulid, at Tulad ng Dalawang Ito Para sa Pag-alis ng Kamalasan o Pagtulak Nito.
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais sa akin si Allāh ng isang pinsala, sila kaya ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila kaya ay makapipigil ng awa Niya?" Sabihin mo: "Kasapatan sa akin si Allāh. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig."} (Qur'ān 39:38)
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking sa kamay nito ay may isang singsing na bronse kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi ito: "Laban sa tagapagpahina." Kaya nagsabi siya: "Alisin mo iyan sapagkat tunay na iyan ay hindi nakadaragdag sa iyo kundi ng isang panghihina; saka tunay na ikaw, kung sakaling namatay ka habang iyan ay nasa iyo, ay hindi magtatagumpay magpakailanman."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad nang may kawing ng pagkapaabot na walang maitututol dito.
Batay sa kanya, ayon kay `Uqbah bin `Āmir bilang ḥadīth na marfū`: "Ang sinumang nagsabit ng isang anting-anting ay hindi magpapalubos si Allāh para sa kanya. Ang sinumang nagsabit ng kabibi ay hindi magpapatiwasay si Allāh para sa kanya." Sa isang salaysay: "Ang sinumang nagsabit ng isang anting-anting ay nagtambal nga [kay Allāh]."
Batay kay Abū Ḥātim, ayon kay Ḥudhayfah: {Siya ay nakakita ng isang lalaking sa kamay niyon ay may sinulid laban sa lagnat kaya pinutol niya iyon at binigkas ang sabi Niya: {Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa kanila kay Allāh malibang habang sila ay mga tagapagtambal.}} (Qur'ān 12:106)
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang mariing pagsaway sa pagsusuot ng singsing, sinulid, at tulad ng dalawang ito para sa [layuning] tulad niyon.
Ang Ikalawa: Na ang Kasamahan, kung sakaling namatay habang ito ay nasa kanya, ay hindi magtatagumpay. Dito ay may isang tagasaksi sa pananalita ng mga Kasamahan na ang Maliit na Shirk ay higit na malaki kaysa sa malalaking kasalanan.
Ang Ikatlo: Na siya ay hindi nabigyang-paumanhin dahil sa kamangmangan.
Ang Ikaapat: Na ito ay hindi nagpapakinabang sa madalian; bagkus nakapipinsala ito batay sa sabi niya: "hindi nakadaragdag sa iyo kundi ng isang panghihina."
Ang Ikalima: Ang pagtutol sa pamamagitan ng mariing pagsaway sa sinumang gumawa ng tulad niyon.
Ang Ikaanim: Ang tahasang pagpapahayag na ang sinumang nagsabit ng anumang [anting-anting] ay ipauubaya siya rito.
Ang Ikapito: Ang tahasang pagpapahayag na ang sinumang nagsabit ng isang anting-anting ay nagtambal nga.
Ang Ikawalo: Na ang pagsasabit ng sinulid laban sa lagnat ay kabilang doon.
Ang Ikasiyam: Ang pagbigkas ni Ḥudhayfah ng talata [ng Qur'ān] ay isang patunay na ang mga Kasamahan ay nagpapatunay sa pamamagitan ng mga talata [ng Qur'ān] na kaugnay sa Malaking Shirk laban sa Maliit na Shirk, gaya ng binanggit ni Ibnu `Abbās sa isang talata ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang Ikasampu: Na ang pagsasabit ng kabibi laban sa usog ay kabilang doon.
Ang Ikalabing-isa: Ang pagdalangin laban sa sinumang nagsabit ng isang anting-anting na si Allāh ay hindi maglulubos para sa kanya. Ang sinumang nagsabit ng kabibi ya huwag na magpatiwasay si Allāh sa kanya. Ibig sabihin: Huwag nawa mag-iiwan si Allāh sa kanya [sa katiwasayan].
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa mga Orasyon at mga Anting-anting
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Bashīr Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga paglalakbay nito saka nagsugo ito ng isang sugo [na nag-uutos]: "Na walang ngang mananatili sa leeg ng mga kamelyo na isang kuwintas mula sa kuwerdas ng pana o isang kuwintas malibang pinutol ito."}
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga orasyon, ang mga anting-anting, at ang panggayuma ay Shirk."} Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Abū Dāwud.
Ang anting-anting ay isang bagay na isinasabit sa mga bata laban sa usog. Subalit kapag ang nakasabit ay mula sa Qur'ān, pumayag dito ang ilan sa Kanunuan. Ang ilan sa kanila ay hindi pumayag dito at nagtuturing rito kabilang sa sinasaway. Kabilang sa kanila si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
Ang mga orasyon ay ang tinatawag na mga agimat. Natangi kabilang sa mga ito ang patunay na kapag hindi naglaman ng Shirk ay pumayag dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa usog at kamandag.
Ang panggayuma ay isang bagay na ginagawa sa pag-aakala na ito ay nagpapaibig sa babae sa asawa nito at sa lalaki sa maybahay nito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Ukaym bilang ḥadīth na marfū`: "Ang sinumang nagsabit ng anumang [anting-anting] ay ipauubaya siya rito." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām At-Tirmidhīy.
Nagsalaysay si Imām Aḥmad ayon kay Ruwayfi` na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ruwayfi`, marahil ang buhay ay hahaba sa iyo kaya magpabatid ka sa mga tao na ang sinumang nagbuhol ng balbas niya o nagkuwintas ng kuwerdas ng pana o nag-ewang sa pamamagitan ng isang tuyong-dumi ng hayop o isang buto, tunay na si Muḥammad ay walang-kaugnayan sa kanya."}
Ayon kay Sa`īd bin Jubayr na nagsabi: {Ang sinumang pumutol ng isang anting-anting mula sa isang tao, ito ay magiging gaya ng panumbas ng pagpapalaya sa isang alipin." Nagsalaysay nito si Waki'.
Batay sa kanya, ayon kay Ibrāhīm na nagsabi: {Sila noon ay nasusuklam sa mga anting-anting sa kabuuan ng mga ito mula sa Qur'ān o iba pa sa Qur'ān.}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa mga orasyon at mga anting-anting.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa panggayuma.
Ang Ikatlo: Na ang tatlong ito sa kabuuan ng mga ito ay kabilang sa Shirk nang walang pagtatangi.
Ang Ikaapat: Na ang orasyon sa pamamagitan ng totoong pananalita laban sa usog at kamandag ay hindi kabilang doon.
Ang Ikalima: Na ang anting-anting, kapag ito ay naging mula sa Qur'ān, ay nagkaiba-iba nga ang mga maalam kung ito ba ay kabilang doon o hindi.
Ang Ikaanim: Na ang pagsasabit ng mga kuwerdas ng pana sa mga hayop laban sa usog ay kabilang doon.
Ang Ikapito: Ang matinding banta laban sa sinumang nagsabit ng kuwerdas ng pana.
Ang Ikawalo: Ang kainaman ng gantimpala sa sinumang pumutol ng isang anting-anting mula sa isang tao.
Ang Ikasiyam: Na ang pananalita ni Ibrāhīm ay hindi sumasalungat sa naunang nabanggit na pagkakaiba-iba dahil ang tinutukoy niya ay ang mga kasamahan ni `Abdullāh bin Mas`ūd.
Kabanata: Ang Sinumang Nagpapakamit ng Pagpapala sa Pamamagitan ng Isang Punong-kahoy o Isang Bato at Tulad ng Dalawang Ito
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {19. Kaya nakaisip ba kayo kina Allāt at Al`uzzā, 20. at kay Manāh, ang ikatlong iba pa? 21. Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae? 22. Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko. 23. Walang iba ang mga [anitong] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.} (Qur'ān 53:19-23)
Ayon kay Abū Wāqid Al-Laythīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumunta kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn samantalang kami ay mga bagong alis sa panahon ng kawalang-pananampalataya. Ang mga tagapagtambal ay may [punong] Sidrah, na namimintuho sila sa tabi nito at nagbibitin sila rito ng mga sandata nila, na tinatawag na May mga Pabitin. Saka naparaan naman kami sa isang sidrah kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa atin ng May mga Pabitin kung paanong mayroon silang May mga Pabitin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Si Allāh ay pinakadakila. Tunay na iyan ay ang mga kalakaran. Nagsabi kayo, sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, ng gaya sa sinabi ng mga anak ni Israel kay Moises (Qur'ān 7:138): {"...gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos." Nagsabi siya: "Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang."} Talagang sasakay nga kayo sa mga kalakaran ng mga bago ninyo."} Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon siya sa katumpakan nito.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa [dalawang] talata ng Kabanatang An-Najm (53:19-20).
Ang Ikalawa: Ang pagkakaalam sa anyo ng bagay na hiniling nila.
Ang Ikatlo: Ang pagiging siya ay hindi gumawa niyon.
Ang Ikaapat: Ang pagiging sila ay nagpakay ng pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan niyon dahil sa pagpapalagay nila na Siya ay nakaiibig niyon.
Ang Ikalima: Na kapag naging mangmang dito, ang iba pa sa kanila ay higit na marapat sa kamangmangan.
Ang Ikaanim: Na nagkaroon sila ng mga magandang gawa at pangako ng kapatawaran na hindi nagkaroon ang iba pa sa kanila.
Ang Ikapito: Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagbigay-paumanhin sa kanila; bagkus tumugon siya sa kanila sa pamamagitan ng sabi niya: "Si Allāh ay pinakadakila. Tunay na iyan ay ang mga kalakaran. Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga bago ninyo." Kaya pinagdiinan niya ang usapin sa pamamagitan ng tatlong ito.
Ang Ikawalo: Ang malaking usapin – at ito ay ang pinapakay – ay na siya ay nagpabatid na ang pagkakahiling nila ay gaya ng pagkakahiling ng mga anak ni Israel noong nagsabi ang mga ito kay Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos...}
Ang Ikasiyam: Na ang pagkakaila rito ay bahagi ng kahulugan ng [adhikaing] "Walang Diyos kundi si Allāh" kalakip ng kaeksaktuhan nito at pagkakubli nito sa mga iyon.
Ang Ikasampu: Na siya ay nanumpa sa [pagkatig sa] hatol at siya ay hindi nanunumpa malibang dahilan sa isang kapakanan.
Ang Ikalabing-isa: Na ang Shirk ay may malaki at maliit dahil sila ay hindi tumalikod [sa Islām] dahil dito.
Ang Ikalabindalawa: Ang sabi nila: "samantalang kami ay mga bagong alis sa panahon ng kawalang-pananampalataya" ay nagsaad na ang iba sa kanila ay nakaaalam niyon.
Ang Ikalabintatlo: Ang pagdakila kay Allāh (pagsabi ng Allāhu akbar) sa sandali ng pagtataka, na salungat sa sinumang nasuklam dito.
Ang Ikalabing-apat: Ang pagharang sa mga maidadahi-dahilan.
Ang Ikalabinlima: Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga alagad ng kamangmangan.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagkagalit sa sandali ng pagtuturo.
Ang Ikalabimpito: Ang panuntunang pangkabuuan batay sa sabi niya: "Tunay na iyan ay ang mga kalakaran."
Ang Ikalabingwalo: Na ito ay isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta dahil sa pagiging ito ay naganap gaya ng ipinabatid niya.
Ang Ikalabingsiyam: Na ang bawat anumang ipinampula ni Allāh sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa Qur'ān ay ukol sa atin.
Ang Ikadalawampu: Na napagtibay sa ganang mga Kasamahan na ang mga pagsamba ay ibinatay sa utos kaya naging narito ang pagtawag-pansin sa mga usapin ng libingan. Hinggil naman sa [itatanong sa nakalibing:] "Sino ang Panginoon mo?," maliwanag ito. Hinggil naman sa [itatanong:] "Sino ang propeta mo?," kabilang ito sa pagpapabatid niya hinggil sa mga balita ng nakalingid. Hinggil naman sa [itatanong:] "Ano ang relihiyon mo?," bahagi ito ng sabi nila: "gumawa ka para sa amin ng isang diyos..."
Ang Ikadalawampu't-isa: Na ang kalakaran ng mga May Kasulatan ay napupulaan gaya ng kalakaran ng mga tagapagtambal.
Ang Ikadalawampu't-dalawa: Na ang lumilipat mula sa kabulaanan na nakahiratian ng puso niya ay hindi natitiwasay na sa puso niya ay maging may natira pa mula sa nakahiratiang iyon batay sa sabi nila: "samantalang kami ay mga bagong alis sa panahon ng kawalang-pananampalataya."
Kabanata: Ang Nasaad sa Pag-aalay sa Iba pa Kay Allāh
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {162. Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang – 163. walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim."} (Qur'ān :162-163)
Ang sabi pa Niya: {Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay ka.} (Qur'ān 108:2)
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsalita sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng apat na pangungusap: "Sumpain ni Allāh ang sinumang kumatay para sa iba pa kay Allāh. Sumpain ni Allāh ang sinumang sumumpa sa mga magulang niya. Sumpain ni Allāh ang sinumang kumanlong sa isang erehe (kriminal). Sumpain ni Allāh ang sinumang nagpaiba ng mohon ng lupa."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ayon kay Ṭāriq bin Shihāb (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May pumasok sa Paraiso na isang lalaki dahil sa langaw at may pumasok sa Impiyerno na isang lalaki dahil sa langaw."
Nagsabi sila: "At papaano po iyon, O Sugo ni Allāh?"
Nagsabi siya: "May dumaan na dalawang lalaki sa mga taong may isang anitong walang nakalalampas doon na isa man hanggang sa maghandog ito para roon ng isang bagay.
Kaya nagsabi sila sa isa sa dalawa: 'Maghandog ka.'
Nagsabi ito: 'Wala akong taglay na isang bagay na maihahandog ko.'
Nagsabi sila rito: 'Maghandog ka kahit pa man isang langaw.' Kaya naghandog ito ng isang langaw kaya hinayaan nila ito sa landas nito kaya papasok ito sa Impiyerno.
Nagsabi naman sila sa isa pa: 'Maghandog ka.'
Kaya nagsabi ito: 'Hindi ako naging ukol maghandog sa isa man ng isang bagay bukod pa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).' Kaya tinaga nila ang leeg nito kaya papasok ito sa Paraiso."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa {Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko,...}
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa {Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay ka.}
Ang Ikatlo: Ang pagsisimula sa pagsumpa sa sinumang nag-alay sa iba pa kaya Allāh.
Ang Ikaapat: Ang pagsumpa sa sinumang sumumpa sa mga magulang niya at kabilang dito na sumpain mo ang mga magulang ng isang tao saka sumpain niya ang mga magulang mo.
Ang Ikalima: Ang pagsumpa sa sinumang kumanlong sa isang erehe. Siya ay ang tao na nagpapauso ng isang bagay na kinakailangan dito ang karapatan ni Allāh, saka dumudulog sa sinumang kakalinga sa kanya mula roon.
Ang Ikaanim: Ang pagsumpa sa sinumang nagpaiba sa mohon ng lupa. Ang mga ito ay ang mga hangganan na nagpapahiwalay sa pagitan ng karapatan mo at karapatan ng kapitbahay mo sa lupa. Nagpapaiba siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagsusulong o pag-uurong.
Ang Ikapito: Ang pagkakaiba sa pagitan ng pagsumpa sa taong tinukoy at ng pagsumpa sa mga kampon ng mga pagsuway sa paraang pangkalahatan.
Ang Ikawalo: Ang dakilang kuwentong ito ay ang kuwento ng langaw.
Ang Ikasiyam: Ang pagiging siya ay pumasok sa Impiyerno dahilan sa langaw na iyon na hindi niya pinapakay; bagkus ginawa niya iyon upang makawala siya sa kasamaan nila.
Ang Ikasampu: Ang pagkakaalam sa laki ng [pagkamuhi sa] Shirk sa mga puso ng mga mananampalataya: kung papaano siyang nagtiis doon sa pagpatay at hindi siya nakisang-ayon sa kanila sa pagkakahiling nila sa kabila ng pagiging sila ay hindi humiling maliban ng gawaing panlabas.
Ang Ikalabing-isa: Na ang [tinutukoy na] papasok sa Impiyerno ay isang Muslim dahil kung sakaling siya ay naging isang tagatangging sumampalataya ay hindi na sana nagsabi [ang Propeta]: "pumasok sa Impiyerno dahil sa langaw."
Ang Ikalabindalawa: Dito ay may isang tagasaksi sa tumpak na ḥadīth: "Ang Paraiso ay higit na malapit sa isa sa inyo kaysa sa mga sintas ng sandal niya. Ang impiyerno ay tulad niyon."
Ang Ikalabintatlo: Ang pagkakaalam na ang gawain ng puso ay ang pinakamabigat na pinapakay pati sa ganang mga mananamba ng mga diyus-diyusan.
Kabanata: Hindi Nag-aalay Para kay Allāh sa Isang Lugar na Pinag-aalayan Para sa Iba pa Kay Allāh
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Huwag kang tumayo sa loob niyon magpakailanman. Talagang ang isang masjid na itinatag sa pangingilag magkasala sa unang araw ay higit na karapat-dapat na tumayo ka sa loob niyon. Doon ay may mga lalaking naiibigang magpakadalisay. Si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakadalisay.} (Qur'ān 9:108)
Ayon kay Thābit bin Aḍ-Ḍaḥḥāk (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May namanatang isang lalaki na magkatay ng isang kamelyo sa Buwānah kaya nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya naman nagsabi siya: "Doon kaya ay may isang diyus-diyusan kabilang sa mga diyus-diyusan ng Panahon ng Kamangmangan na sinasamba?"
Nagsabi sila: "Wala po."
Nagsabi siya: "Doon kaya ay may isang pagdiriwang kabilang sa mga pagdiriwang nila?"
Nagsabi sila: "Wala po." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpatupad ka ng panata mo ngunit tunay na walang pagtupad para sa isang panata sa pagsuway kay Allāh ni sa anumang hindi minamay-ari ng anak ni Adan."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Ang kawing ng pagpapaabot nito ay ayon sa kundisyon nilang dalawa.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa sabi Niya: {Huwag kang tumayo sa loob niyon magpakailanman.}
Ang Ikalawa: Na ang pagsuway ay maaaring makaepekto [sa buhay] sa lupa at gayon din ang pagtalima.
Ang Ikatlo: Ang pagpapatugon ng usaping nakapag-aalinlangan sa usaping malinaw upang maglaho ang pagsusuliranin.
Ang Ikaapat: Ang pagpapadetalye ng tagapagbigay-hatol kapag nangailangan siya niyon.
Ang Ikalima: Na ang pagtukoy sa pook ng pamamanata ay walang maitututol doon kapag nawala ang mga tagahadlang.
Ang Ikaanim: Ang hadlang mula roon ay kapag doon noon ay may isang diyus-diyusan kabilang sa mga diyus-diyusan ng Panahon ng Kamangmangan, kahit matapos ng paglaho nito.
Ang Ikapito: Ang hadlang mula roon ay kapag doon noon ay may isang pagdiriwang kabilang sa mga pagdiriwang nila, kahit matapos ng paglaho nito.
Ang Ikawalo: Na hindi pinapayagan ang pagpapatupad sa anumang ipinanata sa pook na iyon dahil ito ay isang pamamanata ng pagsuway.
Ang Ikasiyam: Ang pag-iingat laban sa pakikipagwangis sa mga tagatambal sa mga pagdiriwang nila kahit pa man hindi nagpapakay niyon.
Ang Ikasampu: Walang pamamanata sa isang pagsuway.
Ang Ikalabing-isa: Walang pamamanata para sa anak ni Adan sa anumang hindi niya minamay-ari.
Kabanata: Bahagi ng Shirk ang Pamamanata sa Iba pa kay Allāh.
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.} (Qur'ān 76:7)
Ang sabi pa Niya: {Ang anumang ginugol ninyo na gugulin o ipinanata ninyo na panata, tunay na si Allāh ay nakaaalam nito.} (Qur'ān 2:270)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang namanata na tumalima kay Allāh ay tumalima ito sa Kanya at ang sinumang namanata na sumuway kay Allāh ay huwag itong sumuway sa Kanya."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagkakailangan ng pagpapatupad sa panata.
Ang Ikalawa: Kapag napagtibay ang pagiging ito ay isang pagsamba kay Allāh, ang pagbaling nito sa iba pa sa Kanya ay Shirk.
Ang Ikatlo: Na ang pamamanata ng pagsuway ay hindi pinapayagan ang pagpapatupad nito.
Kabanata: Kabilang sa Shirk ang Paghiling ng Pagkupkop sa Iba pa kay Allāh
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Na noon ay may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.} (Qur'ān 72:6)
Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan saka nagsabi: 'Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya,' hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tinuluyan niyang iyon."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Jinn (72:6).
Ang Ikalawa: Ang pagiging ito ay kabilang sa Shirk.
Ang Ikatlo: Ang pagpapatunay para roon sa pamamagitan ng ḥadīth dahil ang mga maaalam ay nagpapatunay sa pamamagitan nito na ang mga salita ni Allāh ay hindi nilikha. Nagsabi sila dahil ang paghiling ng pagkupkop sa nilikha ay Shirk.
Ang Ikaapat: Ang kainaman ng panalanging ito sa kabila ng pagkaiksi nito.
Ang Ikalima: Na ang pagiging ang bagay ay nagpapakamit ng isang kapakinabangang pakamundo gaya ng pagpigil ng isang kasamaan o pagtamo ng isang pakinabang ay hindi nagpapatunay na ito ay hindi kabilang sa Shirk.
Kabanata: Kabilang sa Shirk na Magpasaklolo sa Iba pa Kay Allāh o Manalangin sa Iba pa sa Kanya
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {106. Huwag kang dumalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." 107. Kung sasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi nito kundi Siya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kabutihan ay walang tagatulak sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.} (Qur'ān 10:106-107)
Ang sabi pa Niya: {Kaya maghangad kayo sa ganang kay Allāh ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya pababalikin kayo.} (Qur'ān 29:17)
Ang sabi pa Niya: {5. Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat? 6. Kapag kinalap ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala].} (Qur'ān 46:5-6)
Ang sabi pa Niya: {O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?} (Qur'ān 27:62)
Nagsalaysay si Imām Aṭ-Ṭabarānīy nang may kawing ng pagpapaabot niya: {Na noon sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may isang mapagpaimbabaw na nananakit ng mga mananampalataya kaya nagsabi ang ilan sa kanila: "Tumayo kayo kasama namin; magpasaklolo tayo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa mapagpaimbabaw na ito." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na hindi nagpapasaklolo sa akin at nagpapasaklolo lamang kay Allāh."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Na ang pag-uugnay ng pagdalangin sa pagpapasaklolo ay bahagi ng pag-uugnay ng pangkalahatan sa partikular.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa sabi Niya: {Huwag kang dumalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo.}
Ang Ikatlo: Na ito ay ang Malaking Shirk.
Ang Ikaapat: Na ang pinakamaayos sa mga tao, kung sakaling gumawa niyon bilang pagpapalugod sa iba pa sa Kanya, ay naging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.
Ang Ikalima: Ang pagpapakahulugan sa talata na matapos nito.
Ang Ikaanim: Ang pagiging iyon ay hindi nagpapakinabang sa Mundo kasabay ng pagiging iyon ay isang kawalang-pananampalataya.
Ang Ikapito: Ang pagpapakahulugan sa ikatlong talata.
Ang Ikawalo: Na ang paghiling ng panustos ay hindi nararapat kundi mula kay Allāh kung paano na ang Paraiso ay hindi hinihiling kundi mula sa Kanya.
Ang Ikasiyam: Ang pagpapakahulugan sa ikaapat na talata.
Ang Ikasampu: Na walang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumalangin sa iba pa kay Allāh.
Ang Ikalabing-isa: Na iyon ay nalilingat sa panalangin ng tagadalangin, na hindi nakaaalam tungkol dito.
Ang Ikalabindalawa: Na ang panalanging iyon ay isang kadahilanan ng pagkasuklam at pagkamuhi ng dinadalanginan sa tagapanalangin.
Ang Ikalabintatlo: Ang pagkatawag sa panalanging iyon bilang pagsamba para sa dinadalanginan.
Ang Ikalabing-apat: Ang pagtanggi ng dinadalanginan sa pagsambang iyon.
Ang Ikalabinlima: Na ang mga bagay na ito ay kadahilanan sa pagiging siya ay pinakaligaw sa mga tao.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagpapakahulugan sa ikalimang talata.
Ang Ikalabimpito: Ang kataka-takang bagay ay ang pag-amin ng mga mananamba ng mga diyus-diyusan na walang tumutugon sa nagigipit kundi si Allāh. Alang-alang dito, dumadalangin sila kay Allāh sa mga kagipitan habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon.
Ang Ikalabingwalo: Ang pagsasanggalang ng [Propetang] Hinirang (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagsanggalang sa Tawḥīd at ang pagpapakamagandang-asal kay Allāh.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {191. Nagtatambal ba sila ng hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha? 192. Hindi nakakakaya ang mga ito para sa kanila ng isang pag-aadya, at hindi sa mga sarili ng mga ito nakapag-aadya ang mga ito.} (Qur'ān 7:191-192)
Ang sabi pa Niya: {13. ...Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. 14. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng isang Mapagbatid.} (Qur'ān 35:13-14)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Tinamaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong [labanan ng] Araw ng Uḥud at nabasag ang ngiping pang-alis niya kaya nagsabi siya: "Papaano magtatagumpay ang mga taong nagpatama sa Propeta nila?" Kaya bumaba [ang sabi sa kanya]: {Walang ukol sa iyo mula sa pasya na anuman.}} (Qur'ān 3:28)
Kaugnay rito, ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagyukod sa huling pagkakayukod ng [dasal sa] madaling-araw: "O Allāh, sumpain Mo si Polano at si Polano," matapos na nagsasabi ng: "Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri." Kaya nagpababa si Allāh [ng sabi sa kanya]: {Walang ukol sa iyo mula sa pasya na anuman.}} (Qur'ān 3:28)
Sa isang salaysay: {Dumadalangin siya laban kina Ṣafwān bin Umayyah, Suhayl bin `Amr, at Al-Ḥarith bin Hishām, saka bumaba [ang sabi sa kanya]: {Walang ukol sa iyo mula sa pasya na anuman.}} (Qur'ān 3:28)
Kaugnay rito, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang pinababa sa kanya [ang Qur'ān 26:214]: {Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.} Kaya nagsabi siya: "O katipunan ng mga Quraysh" – o isang pangungusap na tulad nito – "bilhin ninyo ang mga sarili ninyo; hindi ako makapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman. O `Abbās bin `Abdulmuṭṭalib, hindi ako makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. O Ṣafīyah na tiyahin-sa-ama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi ako makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. O Fāṭimah na anak ni Muḥammad, humingi ka sa akin mula sa ari-arian ko ng anumang niloob mo; hindi ako makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa dalawang talata.
Ang Ikalawa: Ang kasaysayan ng [labanan sa] Uḥud.
Ang Ikatlo: Ang pagsusumamo ng Pinuno ng mga Isinugo habang nasa likuran niya ang mga pinuno ng mga katangkilik [ni Allāh] habang nag-aamen sa dasal.
Ang Ikaapat: Na ang mga taong dumadalangin siya laban sa kanila ay mga tagatangging sumampalataya.
Ang Ikalima: Na sila ay gumawa ng mga bagay na hindi ginawa ng karamihan sa mga tagatangging sumampalataya. Kabilang sa mga ito ang pagpapatama nila sa Propeta nila at ang pagsisigasig nila sa pagpatay sa kanya. Kabilang sa mga ito ang pagluray-luray sa mga patay gayong ang mga ito ay mga pinsan nila.
Ang Ikaanim: Nagpababa si Allāh [ng sabi] sa kanya kaugnay roon: {Walang ukol sa iyo mula sa pasya na anuman.}
Ang Ikapito: Ang sabi Niya: {o tumatanggap Siya sa kanila ng pagbabalik-loob o nagpaparusa Siya sa kanila} kaya naman tumanggap Siya sa kanila ng pagbabalik-loob sapagkat sumampalataya sila.
Ang Ikawalo: Ang panalangin [ng qunūt] sa [panahon ng] mga kalamidad.
Ang Ikasiyam: Ang pagbanggit sa mga taong dumadalangin laban sa kanila [ang tagapanalangin] sa ṣalāh ng mga pangalan nila at mga pangalan ng mga ama nila.
Ang Ikasampu: Ang pagsumpa sa taong tinutukoy sa qunūt.
Ang Ikalabing-isa: Ang kuwento niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong pinababa sa kanya: {Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.}
Ang Ikalabindalawa: Ang kaseryosohan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa usaping ito yayamang ginawa ang pag-uugnay sa kanya dahilan dito sa kabaliwan at gayon din [ang gagawin] kung sakaling ginawa iyon ng isang Muslim sa ngayon.
Ang Ikalabintatlo: Ang sabi niya sa malayo at malapit [sa kanya]: "hindi ako makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman," hanggang sa nagsabi pa siya: "O Fāṭimah na anak ni Muḥammad... hindi ako makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman."
Kaya kapag tahasang nagpahayag siya, samantalang siya ay ang Pinuno ng mga Isinugo, na siya ay hindi makapagdudulot ng anuman sa pinuno ng mga babae ng mga nilalang at sumampalataya ang tao na siya ay hindi nagsasabi maliban ng katotohanan, pagkatapos tumingin sa nangyari sa mga puso ng mga natatangi sa mga tao sa ngayon, lilinaw sa kanya ang pag-iwan sa Tawḥīd at ang "pagkakakaiba" ng Relihiyon.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hanggang sa nang naalisan ng hilakbot sa mga puso nila ay nagsabi sila: "Ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Ang katotohanan." Siya ay ang Mataas, ang Malaki.} (Qur'ān 34:23)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag nagtadhana si Allāh ng usapin sa langit, nagtatapik ang mga anghel ng mga pakpak nila bilang pagpapasailalim sa sabi Niya na para bang [ang tunog na] ito ay isang tanikala [na hinihila] sa ibabaw ng mga batong pinakinis, na tumatagos sa kanila iyon. Hanggang sa nang inaalis ang hilakbot sa mga puso nila, nagsabi sila: 'Ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?' Nagsabi sila: 'Ang totoo. Siya ay ang Mataas, ang Malaki.' Nakaririnig dito ang nagnanakaw-nakaw ng pakikinig. Ang nagnanakaw-nakaw ng pakikinig ay ganito: ang isa sa kanila ay nasa ibabaw ng iba pa. Naglarawan nito si Sufyān sa pamamagitan ng palad niya sapagkat naghilig siya nito at nagbuka siya ng mga daliri nito. Nakaririnig [ang jinn] ng salita saka nagpupukol siya nito sa sinumang nasa ilalim niya. Pagkatapos nagpupukol nito ang iba sa sinumang nasa ilalim niya, hanggang sa magpukol iyon nito sa dila ng manggagaway o manghuhula. Kaya baka umabot sa kanya ang bulalakaw bago siya magpukol nito at baka nakapukol siya nito bago umabot iyon sa kanya. Kaya magsisinungaling ang manghuhula kalakip nito ng isang daang kasinungalingan kaya sasabihin: 'Hindi nga ba nagsabi siya sa atin nang araw na ganito at ganyan ng ganito at ganyan?' Kaya pinaniniwalaan siya dahil sa salitang iyon na narinig mula sa langit."}
Ayon kay An-Nawwās bin Sam`ān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagnais si Allāh (napakataas Siya) na magkasi ng mensahe, nagsasalita Siya sa pamamagitan ng pagkakasi. May sumapit naman sa mga langit na isang pagyanig" – O nagsabi siya: isang panginginig na matindi – "dala ng pangamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya kapag nakarinig niyon ang mga naninirahan sa mga langit, hihimatayin sila at susubsob sila sa harap ni Allāh na mga nakapatirapa. Ang una sa mag-aangat ng ulo niya ay si [Anghel] Gabriel saka kakausap dito si Allāh mula sa kasi Niya ng anumang ninais Niya. Pagkatapos daraan si [Anghel] Gabriel sa mga anghel. Sa tuwing naparaan siya sa isang langit, magtatanong sa kanya ang mga anghel nito: 'Ano ang sinabi ng Panginoon natin, O Gabriel?'
Kaya magsasabi si [Anghel] Gabriel: 'Nagsabi Siya ng totoo. Siya ay ang Mataas, ang Malaki.' Kaya magsasabi sila sa kabuuan nila ng tulad ng sinabi ni [Anghel] Gabriel. Kaya naghahatid si [Anghel] Gabriel ng kasi tungo sa kung saan nag-utos si Allāh sa kanya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa talata.
Ang Ikalawa: Ang nasaad dito na katwiran sa pagpapabula sa Shirk lalo na sa sinumang nahumaling sa mga maayos na tao. Ito ay ang talata na sinabi: "Tunay na ito ay pumuputol sa mga ugat ng puno ng Shirk mula sa puso."
Ang Ikatlo: Ang pagpapakahulugan sa sabi Niya: {Nagsabi Siya ng katotohanan at Siya ay ang Mataas, ang Malaki.}
Ang Ikaapat: Ang kadahilanan ng pagtatanong nila tungkol doon.
Ang Ikalima: Na si Anghel Gabriel ay sumasagot sa kanila matapos niyon sa pamamagitan ng sabi niya: "Nagsabi Siya ng ganito at ganyan."
Ang Ikaanim: Ang pagbanggit na ang una sa mag-aangat ng ulo niya ay si Anghel Gabriel.
Ang Ikapito: Na siya ay nagsasabi sa mga naninirahan sa mga langit sa kabuuan nila dahil sila ay nagtatanong sa kanya.
Ang Ikawalo: Na ang pagkawalang-malay ay lalahat sa mga naninirahan sa mga langit sa kabuuan nila.
Ang Ikasiyam: Ang pagyanig-yanig ng mga langit dahil sa salita ni Allāh.
Ang Ikasampu: Na si Anghel Gabriel ay ang naghahatid ng kasi tungo sa kung saan nag-utos sa kanya si Allāh.
Ang Ikalabing-isa: Ang pagbanggit ng pagnanakaw-nakaw ng pakikinig ng mga demonyo.
Ang Ikalabindalawa: Ang katangian ng pagsakay nila sa isa't isa.
Ang Ikalabintatlo: Ang pagpapadala ng mga bulalakaw.
Ang Ikalabing-apat: Na minsan nakaaabot sa demonyo ang bulalakaw bago siya makapagpukol ng narinig.
Minsan nagpupukol siya nito sa tainga ng katangkilik niya na tao bago umabot sa kanya ang bulalakaw.
Ang Ikalabinlima: Ang pagiging ang manghuhula ay nagtototoo sa ilan sa mga pagkakataon.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagiging siya ay nagsisinungaling kalakip nito ng isang daang kasinungalingan.
Ang Ikalabimpito: Na hindi pinaniniwalaan ang kasinungalingan niya malibang dahil sa pangungusap na iyon na narinig mula sa langit.
Ang Ikalabingwalo: Ang pagtanggap ng mga kaluluwa ng kabulaanan: kung papaanong nahuhumaling sila sa iisa at hindi nagsasaalang-alang sa isang daan.
Ang Ikalabingsiyam: Ang pagiging sila ay tumatanggap mula sa isa't isa
ng pangungusap na iyon, nagsasaulo nito, at nagpapatunay sa pamamagitan nito.
Ang Ikadalawampu: Ang pagpapatibay sa mga katangian, na kasalungatan sa mga Ash`arīy na tagapag-alis-kahulugan ng katangian.
Ang Ikadalawampu't-isa: Ang tahasang pagpapahayag na ang pagyanig at ang pagkawalang-malay na iyon
ay dala ng pangamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang Ikadalawampu't-dalawa: Na sila ay susubsob sa harap ni Allāh na mga nakapatirapa.
Kabanata: Ang Pamamagitan
Ang sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila – walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 6:51)
Ang sabi pa Niya: {Sabihin mo: "Sa kay Allāh ang [pagpapahintulot ng] pamamagitan nang lahatan..."} (Qur'ān 39:44)
Ang sabi pa Niya: {Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya?} (Qur'ān 2:255)
Ang sabi pa Niya: {Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.} (Qur'ān 53:26)
Ang sabi pa Niya: {Sabihin mo: "Dumalangin kayo sa mga inangkin ninyo bukod pa kay Allāh, samantalang hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, walang ukol sa kanila sa mga ito na anumang pakikitambal [sa Kanya] at walang ukol sa Kanya mula sa kanila na anumang mapagtaguyod, at hindi nagpapakinabang ang pamamagitan sa harap Niya maliban sa para sa sinumang nagpahintulot Siya para rito."} (Qur'ān 34:22-23)
Nagsabi si Abu Al-`Abbās: "Nagkaila si Allāh para sa anumang iba sa Kanya ng bawat anumang kinahuhumalingan ng mga tagapagtambal, kaya naman nagkaila Siya na ang iba pa sa Kanya ay maging may isang paghahari o isang bahagi nito mula roon, o ito ay maging isang tulong para sa Kanya. Walang natira kundi ang pamamagitan. Kaya naglinaw Siya na ito ay hindi nagpapakinabang maliban sa sinumang pinahintulutan Niya na Panginoon, gaya ng sinabi Niya: {Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya.} (Qur'ān 21:28)"
Kaya ang pamamagitang ito, na ipinagpapalagay ng mga tagapagtambal, ay ikakaila sa Araw ng Pagbangon kung paanong nagkaila nito ang Qur'ān. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Na ito ay pupunta saka magpapatirapa sa harap ng Panginoon nito at magpupuri ito sa Kanya – at hindi muna ito magsisimula ng pamamagitan – pagkatapos sasabihin dito: 'Mag-angat ka ng ulo mo; magsabi ka, pakikinggan ito; humingi ka, bibigyan ka; at mamagitan ka, pamamagitanin ka.'"
Nagsabi sa kanya si Abū Hurayrah: "Sino po ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa pamamagitan mo?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh nang tapat mula sa puso niya."
Kaya naman ang pamamagitang iyon ay para sa mga may pagpapakawagas, ayon sa pahintulot ni Allāh, at hindi magiging para sa sinumang nagtambal kay Allāh.
Ang pinakadiwa nito ay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay ang nagmamabuting-loob sa mga may pagpapakawagas saka nagpapatawad sa kanila sa pamamagitan ng pagkakasangkapan ng panalangin ng sinumang pinahintulutan Niya na mamagitan upang magparangal Siya rito at magtamo ito ng tatayuang pinapupurihan.
Kaya ang pamamagitan na ikinaila ng Qur'ān ay ang anumang mayroong Shirk. Dahil dito, pinagtibay nito ang pamamagitan ayon sa pahintulot Niya sa ilang katayuan. Nilinaw nga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay hindi magiging [para sa sinuman] kundi para sa mga alagad ng Tawḥīd at pagpapakawagas. Nagwakas ang pananalita niya.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa mga talata.
Ang Ikalawa: Ang paglalarawan sa pamamagitang ikinakaila.
Ang Ikatlo: Ang paglalarawan sa pamamagitang pinagtitibay.
Ang Ikaapat: Ang pagbanggit ng pinakamalaking pamamagitan.
Ito ay ang tatayuang pinapupurihan.
Ang Ikalima: Ang paglalarawan sa gagawin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay hindi magsisimula ng pamamagitan, bagkus magpapatirapa muna.
Saka kapag nagpahintulot si Allāh sa kanya ay mamamagitan siya.
Ang Ikaanim: Sino ang pinakamaligaya sa mga tao dahil dito?
Ang Ikapito: Na ito ay hindi magiging para sa sinumang nagtambal kay Allāh.
Ang Ikawalo: Ang paglilinaw sa pinakadiwa nito.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 28:56)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Ibnu Al-Musayyib, ayon sa ama niya na nagsabi: {Noong nalapit kay Abū Ṭālib ang pagpanaw, pumunta sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) samantalang nasa piling niya si `Abdullāh ibnu Abi Umayyah at Abū Jahl saka nagsabi ito: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa dahil dito sa piling ni Allāh."
Kaya nagsabi ang dalawa sa kanya: "Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib?"
Kaya umulit ng alok sa kanya ang Propeta saka umulit [din ng tanong] ang dalawa saka ang naging kahuli-hulihan sa sinabi nito: "Siya ay nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib at tumanggi siya na magsabi na walang Diyos kundi si Allāh."
Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggat hindi ako sinasaway laban sa iyo."
Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit pa man ang mga ito ay mga may pagkakamag-anak, nang matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno.}} (Qur'ān 28:113)
Nagpababa Siya [sa Propeta ng isang talata] kaugnay kay Abū Ṭālib: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56)
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa sabi Niya: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.}
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugang sa sabi Niya: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal...}
Ang Ikatlo: Ito ay ang malaking usapin. Ang pagpapakahulugan sa sabi niya: {Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh}, na kasalungatan sa taglay ng nag-aangkin ng kaalaman.
Ang Ikaapat: Na sina Abū Jahl at ang mga kasama sa kanya ay nakaaalam sa tinutukoy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsabi siya sa tao: "Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh." Magpapangit nawa si Allāh sa sinumang si Abū Jahl ay higit na maalam kaysa sa kanya hinggil sa batayan ng Islām.
Ang Ikalima: Ang kaseryosohan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagpapalabis-labis niya sa [pag-alok ng] Islām sa tiyuhin niya.
Ang Ikaanim: Ang pagtugon sa sinumang nag-akala ng pagyakap sa Islām ni Abdulmuṭṭalib at mga kanunuan niya.
Ang Ikapito: Ang pagiging siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humingi ng tawad para rito ngunit hindi ito pinatawad; bagkus sinaway siya laban doon.
Ang Ikawalo: Ang pinsala sa tao ng mga kasamahan sa kasagwaan.
Ang Ikasiyam: Ang pinsala ng pagdakila sa mga kanunuan at mga malalaking tao.
Ang Ikasampu: Ang maling akala para sa mga tagapagpabula kaugnay roon ay dahil sa paggamit ng patunay ni Abū Jahl sa pamamagitan niyon.
Ang Ikalabing-isa: Ang tagasaksi sa pagiging ang [pagkatanggap ng] mga gawain ay batay sa mga pangwakas na gawain ay dahil kung sakaling si Abū Ṭālib ay nagsabi niyon, talagang nagpakinabang sana iyon sa kanya.
Ang Ikalabindalawa: Ang pagbubulay-bulay sa kalakihan ng maling akalang ito sa mga puso ng mga ligaw ay dahil nasaad sa kuwento na sila ay hindi nakipagtalo sa kanya kundi sa pamamagitan nito sa kabila ng pagpapalabis-labis niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pag-uulit-ulit niya [ng pagpapasaksi]. Alang-alang sa kasukdulan nito at kaliwanagan nito sa ganang kanila, nagkasya sila rito.
Kabanata: Ang Nasaad na ang Kadahilanan ng Kawalang-pananampalataya ng mga Anak ni Adan at Pag-iwan Nila ng Relihiyon nila ay ang Pagpapalabis Kaugnay sa mga Taong Maayos
Ang sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya...} (Qur'ān 4:171)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) hinggil sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Nagsabi sila: "Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr."} (Qur'ān 71:23)
Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga pangalan ng mga maayos lalaki kabilang sa mga kababayan ni Noe. Noong namatay sila, nagkasi ang demonyo sa mga kababayan nila na magtirik ang mga iyon sa mga pinagtitipunan ng mga iyon, na inuupuan noon ng mga iyon, ng mga imahen. Nagpangalan ang mga iyon sa mga ito ng mga pangalan nila. Kaya gumawa nito ang mga iyo at hindi naman sinamba ang mga ito. Hanggang sa nang namatay ang mga iyon at nakalimutan ang kaalaman ay sinamba ang mga ito."
Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim: "Nagsabi ang hindi iisa kabilang sa Kanunuan: Noong namatay sila, namintuho ang mga iyon sa mga libingan nila. Pagkatapos nagsaimahen ang mga iyon ng mga istatuwa nila. Pagkatapos tumagal sa mga iyon ang yugto kaya sumamba ang mga iyon sa kanila."
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin kung paanong nagpalabis sa pagpuri ang mga Kristiyano sa Anak ni Maria; ako ay isang lingkod lamang, kaya magsabi kayo na Lingkod ni Allāh at Sugo Niya [ako]."} Nagtala nito ang Dalawa.
Nagsabi pa siya: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaingat kayo sa pagpapalabis sapagkat ang nagpasawi sa mga nauna sa inyo ay ang pagpapalabis."}
Batay kay Imām Muslim, ayon kay Ibnu Mas`ūd: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nasawi ang mga nagpapakalabis-labis." Nagsabi siya nito nang makatatlo.}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Na ang sinumang nakaintindi sa paksang ito at dalawang paksa matapos nito, lilinaw sa kanya ang "pagkakakaiba" ng Islām.
Makakikita siya mula sa kakayahan ni Allāh at pagpapabago-bago Niya ng mga puso ng kahanga-hanga.
Ang Ikalawa: Ang pagkakaalam sa kauna-unahang Shirk na nangyari sa lupa, na ito ay dahil sa maling akala sa mga maayos na tao.
Ang Ikatlo: Ang pagkakaalam sa kauna-unahang bagay na iniba dahil dito ang relihiyon ng mga propeta at ang kadahilanan niyon, sa kabila ng pagkaalam na si Allāh ay nagsugo sa kanila.
Ang Ikaapat: Ang pagtanggap sa mga bid`ah sa kabila ng pagiging ang mga batas at ang mga naturalesa ay tumututol sa mga iyon.
Ang Ikalima: Na ang kadahilanan niyon sa kabuuan niyon ay ang pagkahalo ng katotohanan sa kabulaanan.
Una: Ang pag-ibig sa mga maayos na tao.
Ikalawa: Ang paggawa ng mga taong kabilang sa mga alagad ng kaalaman at relihiyon ng isang bagay na nagnais sila dahil dito ng isang kabutihan ngunit nagpalagay naman ang mga matapos nila na sila ay nagnais dahil dito ng iba pa roon.
Ang Ikaanim: Ang pagpapakahulugan sa talata na nasa Kabanatang Nuḥ.
Ang Ikapito: Ang pagkakalikasan ng tao sa pagiging ang katotohanan ay nababawasan sa puso niya at ang kabulaanan ay nadaragdagan.
Ang Ikawalo: Dito ay may tagasaksi sa ipinaabot buhat sa Kanunuan na ang mga bid`ah ay kadahilanan ng kawalang-pananampalataya.
Ang Ikasiyam: Ang pagkakaalam ng demonyo hinggil sa kauuwian ng bid`ah kahit pa man gumanda ang pakay ng tagagawa.
Ang Ikasampu: Ang pagkakaalam sa pangkalahatang panuntunan: ang pagsaway laban sa pagpapakalabis at ang pagkakaalam sa kauuwian nito.
Ang Ikalabing-isa: Ang kapinsalaan ng pamimintuho sa libingan alang-alang sa isang maayos na gawain.
Ang Ikalabindalawa: Ang pagkakaalam sa pagsaway laban sa mga estatwa at ang kasanhian sa pag-aalis ng mga ito.
Ang Ikalabintatlo: Ang pagkakaalam sa bigat ng pumapatungkol sa kuwentong ito at tindi ng pangangailangan dito sa kabila ng pagkalingat dito.
Ang Ikalabing-apat: Ito ay pinakakataka-taka at pinakakataka-taka: ang pagkabasa nila rito sa mga aklat ng pagpapakahulugan [sa Qur'ān] at Ḥadīth, ang pagkaalam nila sa kahulugan ng pananalita, at ang pagiging si Allāh ay humarang sa pagitan nila at ng mga puso nila, naniwala pa sila na ang gawain ng mga kababayan ni Noe ay ang pinakamainam sa mga pagsamba at naniwala sila na ang sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya ay ang kawalang-pananampalataya na nagpapahintulot sa paglabag ng buhay at ari-arian.
Ang Ikalabinlima: Ang tahasang pagpapahayag na sila ay hindi nagnais maliban ng pamamagitan.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagpapalagay nila na ang mga maalam na nagsaimahen ng mga imahen ay nagnais [ng pagsamba] niyon.
Ang Ikalabimpito: Ang dakilang paglilinaw kaugnay sa sabi niya: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin kung paanong nagpalabis sa pagpuri ang mga Kristiyano sa Anak ni Maria..." Kaya ang mga basbas ni Allāh at ang pangangalaga Niya ay sumakanya. Nagpaabot siya ng malinaw na pagpapaabot.
Ang Ikalabingwalo: Ang payo niya sa atin hinggil sa pagkasawi ng mga nagpapakalabis-labis.
Ang Ikalabingsiyam: Ang tahasang pagpapahayag na ang mga ito ay hindi sinamba hanggang sa nakalimutan ang kaalaman sapagkat kaugnay sa mga ito ang paglilinaw sa pagkakaalam sa halaga ng pagkakaroon ng kaalam at kapinsalaan ng pagkawala nito.
Ang Ikadalawampu: Na ang kadahilanan ng pagkawala ng kaalaman ay ang pagkamatay ng mga maalam.
Kabanata: Ang Nasaad na Mariing Pagsaway sa Sinumang Sumamba kay Allāh sa Tabi ng Libingan ng Isang Maayos na Tao Kaya Papaano na Kapag Sinamba Niya Ito?
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Si Umm Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahan na nakita niya sa lupain ng Etyopya at ng nasa loob nito na mga imahen, kaya nagsabi ang Propeta: "Ang mga iyon, kapag namatay sa kanila ang maayos na tao o ang maayos na lingkod, ay nagtatayo sila sa ibabaw ng libingan niya ng isang sambahan at nagsasaimahen dito ng mga imaheng iyon. Ang mga iyon ay masasama sa nilikha sa ganang kay Allāh.
Kaya ang mga ito ay nagsama sa dalawang sigalot: sigalot ng mga libingan at sigalot ng mga estatwa."}
Batay sa Dalawang Ṣaḥīḥ, ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong pinalala [ang sakit] sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsimula siyang maglagay ng isang damit niya sa mukha niya ngunit kapag suminghap siya dahil dito ay hinahawi niya ito, saka nagsabi siya: "Isinusumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Nagbibigay-babala siya sa ginawa nila. Kung sakaling hindi dahil doon, itinampok sana ang libingan niya. Gayon pa man, ito ay kinatakutan na gawin bilang masjid. Nagtala nito ang Dalawa.
Batay kay Imām Muslim, ayon kay Jundub bin `Abdullāh na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), limang araw bago siya mamatay, habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapahayag kay Allāh ng kawalang-kinalaman na magkaroon ako mula sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh ay gumawa nga sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talagang gagawin ko si Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang mga bago pa ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}
Kaya sumaway nga siya laban doon sa huling bahagi ng buhay niya. Pagkatapos tunay na siya ay sumumpa – sa kontekstong ito – sa sinumang gumawa niyon. Ang pagdarasal sa tabi ng mga [libingang] ito ay kabilang doon, kahit pa hindi pinatayuan ng isang masjid. Ito ay ang kahulugan ng sinabi sa pararilang: "kinatakutan na gawin bilang masjid." Tunay na ang mga Kasamahan ay hindi naging ukol na magpatayo sa paligid ng libingan niya ng isang masjid. Bawat lugar na pinagsadyaan ng pagdarasal ay ginawa ngang isang masjid; bagkus bawat pook na pinagdarasalan ay tinatawag na isang masjid gaya ng sinabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ginawa para sa akin ang lupa bilang masjid at pandalisay."
Batay kay Imām Aḥmad nang may kawing ng pagkapaabot na mahusay, ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: "Tunay na kabilang sa masasama sa mga tao ang mga inabutan ng Huling Sandali habang sila ay mga buhay at ang mga gumagawa sa mga libingan bilang mga sambahan." Nagsalaysay nito si Abū Ḥātim at si Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito rin.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang nabanggit ng Sugo kaugnay sa sinumang nagpatayo ng isang masjid na pinagsasambahan kay Allāh sa tabi ng libingan ng isang taong maayos, kahit pa man tumumpak ang layon ng tagagawa.
Ang Ikalawa: Ang pagsaway laban sa mga estatwa at ang kahigpitan ng utos kaugnay roon.
Ang Ikatlo: Ang maisasaalang-alang sa pagpapalabis-labis niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay roon ay kung papaano siyang naglinaw muna nito sa kanila. Pagkatapos limang araw bago ng kamatayan niya ay nagsabi siya ng sinabi niya. Pagkatapos yayamang [napag-alaman niya] sa konteksto, hindi siya nagkasya sa naunang nabanggit.
Ang Ikaapat: Ang pagsaway niya laban sa paggawa nito sa tabi ng libingan niya bago magkaroon ng libingan niya.
Ang Ikalima: Na ito ay bahagi ng mga kalakaran ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila.
Ang Ikaanim: Ang pagsumpa Niya sa kanila roon.
Ang Ikapito: Na ang tinutukoy niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagbibigay-babala niya sa atin tungkol sa libingan niya.
Ang Ikawalo: Ang pagsasadahilan sa hindi pagtatampok ng libingan niya.
Ang Ikasiyam: Hinggil sa kahulugan ng paggawa rito bilang masjid.
Ang Ikasampu: Na siya ay nag-ugnay sa pagitan ng gumawa rito bilang masjid
at ng sasapitan ng Huling Sandali saka bumanggit siya sa pagdadahi-dahilan sa Shirk bago ng pagkaganap nito kasama ng wakas nito.
Ang Ikalabing-isa: Ang pagbanggit niya sa talumpati niya limang araw bago ng kamatayan niya ng tugon sa dalawang pangkatin na pinakamasama sa mga kampon ng mga bid`ah.
Gayon pa man, nagbukod sa kanila ang ilan sa Kanunuan mula sa 72 sekta. Sila ay ang Rāfiḍah at ang Jahmīyah. Dahilan sa Rāfiḍah, nangyari ang Shirk at ang pagsamba sa mga libingan. Sila ay ang kauna-unahan sa mga nagtayo sa mga ito ng mga masjid.
Ang Ikalabindalawa: Ang ipinansubok sa kanya(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tindi ng paghihingalo.
Ang Ikalabintatlo: Ang ipinarangal sa kanya na pagkakaibigang matalik [kay Allāh].
Ang Ikalabing-apat: Ang tahasang pagpapahayag na [ang pagkakaibigang matalik na] ito ay higit na mataas kaysa sa pag-ibig.
Ang Ikalabinlima: Ang tahasang pagpapahayag na si [Abū Bakr] Aṣ-Ṣiddīq ay pinakamainam sa mga Kasamahan.
Ang Ikalabing-anim: Ang pagpapahiwatig sa pagkakhalīfah niya.
Kabanata: Ang Nasaad na ang Pagpapalabis Kaugnay sa mga Libingan ng mga Maaayos na Tao ay Gagawa sa mga Ito Bilang mga Diyus-diyusan na Sinasamba Bukod pa Kay Allāh.
Nagsalaysay si Imām Mālik sa Al-Muwaṭṭa': {Na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusang sinasamba. Tumindi ang galit ni Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."}
Batay kay Ibnu Jarīr sa nang may kawing ng pagkapaabot niya ayon kay Sufyān, ayon kay Manṣūr, ayon kay Mujāhid: {nakaisip ba kayo kina Allāt at Al`uzzā,} (Qur'ān 53:19) Nagsabi siya: "Siya noon ay naghahanda para sa kanila ng sawīq, saka namatay siya, saka namintuho sila sa libingan niya."
Ganito ang sinabi ni Abū Al-Jawzā' ayon kay Ibnu `Abbās: "Siya noon ay naghahanda ng sawīq para sa mga nagsasagawa ng ḥajj."
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mga babaing dumadalaw sa mga libingan at ang mga gumagawa sa ibabaw ng mga ito ng mga sambahan at mga sulo.} Nagsalaysay nito ang mga May Sunnah.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa mga diyus-diyusan.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa pagsamba.
Ang Ikatlo: Na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi humiling ng pagkupkop maliban sa pinangangambahan niya na mangyari.
Ang Ikaapat: Ang pag-uugnay niya rito sa paggawa sa mga libingan ng mga propeta bilang mga masjid.
Ang Ikalima: Ang pagbanggit ng tindi ng galit mula kay Allāh.
Ang Ikaanim: Ito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga iyon: ang pagkakaalam sa paglalarawan ng pagsamba kay Allāt na kabilang sa pinakamalaki sa mga diyus-diyusan.
Ang Ikapito: Ang pagkakaalam na iyon ay libingan ng isang lalaking maayos.
Ang Ikawalo: Na [ang Allāt na] ito ay pangalan ng nakalibing sa libingan at ang pagbanggit ng kahulugan ng pagpapangalan.
Ang Ikasiyam: Ang pagsumpa Niya sa mga babaing paladalaw sa mga libingan.
Ang Ikasampu: Ang pagsumpa Niya sa sinumang nagpapailaw sa mga ito.
Kabanata: Ang nasaad sa Pagsanggalang ng [Propetang] Hinirang (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Bakuran ng Tawḥīd at Pagharang Niya sa Bawat Daan na Nagpaparating sa Shirk
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.} (Qur'ān 9:128)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyong gawin ang mga bahay ninyo bilang mga libingan. Huwag ninyong gawin ang libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang dalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud nang may kawing ng pagpapaabot na maganda. Ang mga tagapagsalaysay nito ay mga pinagkakatiwalaan.
Ayon kay `Alīy bin Al-Ḥusayn: {Siya ay nakakita ng isang lalaki na dumarating sa isang siwang na nasa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka pumapasok ito roon saka dumadalangin ito, kaya sinaway niya ito at nagsabi siya: "Magsasanaysay ba ako sa inyo ng isang ḥadīth na narinig ko mula sa ama ko ayon sa lolo ko ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: 'Huwag ninyong gawin ang puntod ko bilang pistahan ni ang mga bahay ninyo bilang mga libingan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng pangangalaga ay umaabot sa akin saan man kayo.'"} Nagsalaysay siya nito sa Al-Mukhtārah.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata (Qur'ān 9:128).
Ang Ikalawa: Ang pagpapalayo niya sa Kalipunan niya sa hangganang ito nang sukdulang kalayuan.
Ang Ikatlo: Ang pagbanggit sa sigasig niya sa atin, habag niya, at awa niya.
Ang Ikaapat: Ang pagsaway niya laban sa pagdalaw sa libingan niya sa isang paraang itinatangi gayong ang pagdalaw roon ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain.
Ang Ikalima: Ang pagsaway niya laban sa pagpapadalas ng pagdalaw [sa libingan].
Ang Ikaanim: Ang paghimok niya sa pagdarasal ng sunnah sa bahay.
Ang Ikapito: Na ito ay napagtitibay sa ganang kanila na siya ay hindi nagdarasal sa sementeryo.
Ang Ikawalo: Ang pagbibigay-dahilan niya roon na ang pagdalangin ng tao ng basbas at pangangalaga sa kanya ay umaabot sa kanya kahit pa man malayo siya, kaya walang pangangailangan sa ikinahihibang ng sinumang nagnais ng kalapitan [sa libingan niya].
Ang Ikasiyam: Ang pagiging siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa Barzakh, na pinaglalaharan ng mga gawain ng Kalipunan niya sa [pagdalangin ng] basbas at pangangalaga sa kanya.
Kabanata: Ang Nasaad na ang Ilan sa Kalipunang ito ay Sumasamba sa mga Diyus-diyusan
Ang sabi Niya (napakataas Siya): {Hindi ka ba nakaalam sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Sumasampalataya sila sa dinidiyos at mapagmalabis...} (Qur'ān 4:51)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Magbabalita kaya ako sa inyo ng higit na masama kaysa roon sa gantimpala sa ganang kay Allāh? [Ito ay sa] sinumang sumumpa sa kanya si Allāh, nagalit Siya sa kanya, at gumawa Siya kabilang sa kanila ng mga unggoy, mga baboy, at mga alipin ng mapagmalabis."} (Qur'ān 5:61)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan."} (Qur'ān 18:21)
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga bago sa inyo gaya ng pagkakasukat ng palaso sa [kasukat na] palaso; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa lungga ng ibid-disyerto ay talagang papasok kayo roon."
Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, sa mga Hudyo at mga Kristiyano ba?"
Nagsabi siya: "Kaya sino pa?"} Nagtala nito ang Dalawa.
Batay kay Imām Muslim ayon kay Thawban (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagpaurong para sa akin ng lupa kaya nakita ko ang mga silangan nito at ang mga kanluran nito. Tunay na ang Kalipunan ko ay aabot ang paghahari nito sa pinaurong para sa akin mula roon.
Binigyan ako ng dalawang kayamanan: ang pula at ang puti.
Tunay na ako ay humiling sa Panginoon ko para sa Kalipunan ko na hindi Siya magpahamak dito sa pamamagitan ng isang pangkalahatang kagutom at na hindi Siya magpangibabaw sa kanila ng isang kaaway na kabilang sa iba sa mga sarili nila para pumuksa ang mga ito sa pamayanan nila.
Tunay na ang Panginoon ko ay nagsabi: 'O Muḥammad, kapag nagtadhana Ako ng isang tadhana, tunay na ito ay hindi natututulan. Tunay na Ako ay nagbigay sa iyo [ng pangako] para sa Kalipunan mo na hindi Ako magpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pangkalahatang kagutom at na hindi Ako magpapangibabaw laban sa kanila ng isang kaaway na kabilang sa iba sa mga sarili nila para kumamkam sa pamayanan nila, kahit pa man nagtipon laban sa kanila ang mga nasa mga rehiyon nito, hanggang sa ang iba sa kanila ay nagpapahamak sa iba pa at nambibihag ang iba sa kanila sa iba pa.'"}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Barqānīy sa Ṣaḥīḥ niya at nagdagdag: "Nangangamba lamang ako para sa Kalipunan ko sa mga tagapangunang tagapagligaw. Kapag bumagsak sa kanila ang tabak, hindi ito iaangat hanggang sa Araw ng Pagbangon. Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa may kumapit na isang komunidad kabilang sa Kalipunan ko sa mga tagapagtambal at hanggang sa may sumamba na isang pangkat kabilang sa Kalipunan ko sa mga diyus-diyusan. Tunay na sa Kalipunan ko ay magkakaroon ng tatlumpung palasinungaling, na ang bawat [isa] sa kanila ay nag-aangkin na siya ay isang propeta samantalang ako ay ang Pangwakas ng mga Propeta – walang propeta matapos ko. May hindi maaalis sa katotohanan na isang pangkatin kabilang sa Kalipunan ko, na inaadya. Hindi pipinsala sa kanila ang sinumang nagtatwa sa kanila hanggang sa dumating ang utos ni Allāh –napakamapagpala Siya at napakataas."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang An-Nisā'.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Mā'idah.
Ang Ikatlo: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Kahf.
Ang Ikaapat: Ito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga iyon: kung ano ang kahulugan ng dinidiyos (jibt) at mapagmalabis (ṭāghūt) kaugnay sa
puntong ito.
Ito kaya ay paniniwala ng isang puso?
O ito ay pakikipagsang-ayon sa mga tagagawa niyon kasabay ng pagkasuklam doon at pagkaalam ng kabulaanan niyon?
Ang Ikalima: Ang sabi nila: "Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na nakaaalam sa kawalang-pananampalataya nila ay higit na napatnubayan sa landas kaysa sa mga mananampalataya."
Ang Ikaanim: Ito ay ang pinapakay sa kabanata: na ito ay hindi maiiwasan na matagpuan sa Kalipunang ito gaya ng napagtibay sa ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd.
Ang Ikapito: Ang tahasang pagpapahahayag ng pagkaganap nito – ang pagsamba sa mga diyus-diyusan – sa kalipunang ito sa maraming pangkat.
Ang Ikawalo: Ang kinamamanghaang kamangha-mangha ay ang paglabas ng mga nag-aangkin ng pagkapropeta tulad ni Al-Mukhtār sa kabila ng pagsasalita niya ng Dalawang Pagsaksi, tahasang pagpapahayag niya na siya ay bahagi ng Kalipunang ito, na ang Sugo ay totoo, na ang Qur'an ay totoo, at nasaad dito na si Muḥammad ay panghuli sa mga propeta, at sa kabila nito ay pinaniniwalaan siya rito kahit pa may maliwanag na pagsalungatan. Lumitaw si Al-Mukhtār sa huling panahon ng mga Kasamahan at sumunod sa kanya ang maraming tao.
Ang Ikasiyam: Ang nakagagalak na balita na ang katotohanan ay hindi maglalaho sa kabuuan kung paanong naglaho ito sa nakalipas na panahon; bagkus may hindi maalis dito na isang pangkatin.
Ang Ikasampu: Ang pinakasukdulang himala ay na sila, sa kabilang ng kakauntian nila, ay hindi napipinsala ng sinumang nagtatwa sa kanila ni ng sinumang sumalungat sa kanila.
Ang Ikalabing-isa: Na ang kundisyong iyon ay hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali.
Ang Ikalabindalawa: May nasaad dito na mga dakilang tanda. Kabilang sa mga ito ang pagpapabatid niya na si Allāh ay nagpaurong para sa kanya ng mga silangan at mga kanluran at nagpabatid siya ng kahulugan niyon saka naganap iyon kung paanong ipinabatid niya, na salungat sa timog at hilaga; ang pagpapabatid niya na siya ay binigyan ng dalawang kayamanan [ng Roma at Persiya]; ang pagpapabatid niya ng pagsagot sa panalangin niya para sa Kalipunan niya kaugnay sa dalawang [hiling]; ang pagpapabatid niya na siya ay pinagkaitan sa ikatlong [hiling]; ang pagpapabatid niya ng pagbagsak ng tabak at na ito ay hindi iaangat kapag bumagsak; ang pagpapabatid niya ng pagpapahamak ng iba sa kanila sa iba pa, ng pagbihag ng iba sa kanila sa iba pa, at ng pangamba niya para sa Kalipunan niya sa mga tagapangunang tagapagligaw; ang pagpapabatid niya ng paglitaw ng mga nagpapakapropeta sa Kalipunang ito; at ang pagpapabatid niya ng pamamalagi ng pangkating inaadya. Ang lahat ng ito ay naganap kung paanong nagpabatid siya bagaman ang bawat isa sa mga [pangyayaring] ito ay kabilang sa pinakamalayo sa maaabot ng mga isip.
Ang Ikalabintatlo: Ang paglilimita niya ng pangamba para sa Kalipunan niya sa mga tagapangunang tagapagligaw.
Ang Ikalabing-apat: Ang pagtawag-pansin sa kahulugan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Panggagaway
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nakaalam sila na talagang ang sinumang bumili nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi.} (Qur'ān 2:102)
Ang sabi pa Niya: {Sumasampalataya sila sa dinidiyos at mapagmalabis.} (Qur'ān 4:51)
Nagsabi si `Umar: "Ang dinidiyos ay ang panggagaway at ang mapagmalabis ay ang demonyo."
Nagsabi naman si Jābir: "Ang mga mapagmalabis ay mga manghuhula. Bumababa noon sa kanila ang demonyo. Sa bawat lipi ay may isa."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpahamak."
Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?"
Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay ng tao na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, ang pakikinabang sa patubo, ang pakikinabang sa ari-arian ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga nakapag-asawang nalilingat na babaing mananampalataya."}
Ayon kay Jundub bilang ḥadīth na marfū`: "Ang takdang parusa sa manggagaway ay ang pagtaga sa kanya ng tabak." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at nagsabi siya: "Ang tumpak ay na ito ay mawqūf."
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Bajālah bin `Abadah na nagsabi: {Sumulat si `Umar bin Al-Khaṭṭāb na [nagsasabi]: "Patayin ninyo ang bawat lalaking manggagaway at babaing manggagaway." Nagsabi siya: "Kaya pumatay kami ng tatlong manggagaway."}
May tumpak na ḥadīth ayon kay Ḥafṣah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nag-utos ng pagpatay ng isang babaing alipin niya na nanggaway sa kanya, kaya pinatay ito.
Gayon din ang tumpak na ḥadīth ayon kay Jundub.
Nagsabi si Imām Aḥmad [na ang pagpatay sa mga manggagaway ay sinasang-ayunan] ayon sa tatlo sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang An-Nisā'.
Ang Ikatlo: Ang pagpapakahulugan sa dinidiyos (jibt) at mapagmalabis (ṭāghūt) at ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito.
Ang Ikaapat: Na ang mapagmalabis (ṭāghūt) ay maaaring maging kabilang sa jinn at maaaring maging kabilang sa tao.
Ang Ikalima: Ang pagkakaalam sa pitong tagapagpahamak na itinatangi sa pagsaway.
Ang Ikaanim: Na ang manggagaway ay tumatangging sumampalataya.
Ang Ikapito: Na ang manggagaway ay pinapatay at hindi pinababalik-loob.
Ang Ikawalo: Ang pagkakaroon nito sa mga Muslim sa panahon ni `Umar kaya papaano na matapos niya?
Kabanata: Paglilinaw sa Isang Bagay Kabilang sa mga Uri ng Panggagaway
Nagsabi si Imām Aḥmad: Nagsanaysay sa amin si Muḥammad bin Ja`far, nagsanaysay sa amin si `Awf bin Al-`Alā', nagsanaysay sa amin si Ḥayyān bin Al-`Alā’, nagsanaysay sa amin si Qaṭan bin Qabīṣah ayon sa ama niya: {Ito ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang `iyāfah, ang ṭarq, at ang ṭiyarah ay kabilang sa jibt."}
Nagsabi si `Awf: "Ang `iyāfah ay ang pagtatabog ng ibon at ang ṭarq ay ang guhit na iginuguhit sa lupa [para sa panghuhula]."
"Ang jibt,"
sinabi ni Al-Ḥasan, "ay tunog ng demonyo."
Ang kawing ng pagpapaabot nito ay mahusay at batay kina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā’īy, at Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito at ang kawing ng pagkakapaabot nito ay mula sa kanya.
Ayon kay ni Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumipi ng isang sangay mula sa astrolohiya ay sumipi nga ng isang sangay mula sa panggagaway, na nagdaragdag siya ng idinaragdag niya."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud at ang kawing ng pagpapaabot niya ay tumpak.
Batay kay Imām An-Nasā'īy mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang sinumang nagbuhol ng isang buhol, pagkatapos umihip siya rito, ay nanggaway nga. Ang sinumang nanggaway ay nagtambal nga [kay Allāh]. Ang sinumang nagsabit ng anumang [anting-anting] ay ipauubaya siya rito."
Ayon kay Ibnu Mas`ūd: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Pansinin! Magbabalita kaya ako sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Batay sa Dalawa, ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na mula sa paglilinaw ay talagang may panggagaway."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Na ang `iyāfah, ang ṭarq, at ang ṭiyarah ay kabilang sa jibt.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa `iyāfah, ṭarq, at ṭiyarah.
Ang Ikatlo: Na ang astrolohiya ay isang uri ng panggagaway.
Ang Ikaapat: Na ang pagbuhol [ng pisi] kasama ng pag-ihip ay kabilang doon.
Ang Ikalima: Na ang tsismis ay kabilang doon.
Ang Ikaanim: Na kabilang doon ang ilan sa katatasan [sa pagsasalita].
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa mga Manghuhula at Tulad Nila
Nagsalaysay si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ayon sa Propeta na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang pangnakaraang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay saka naniniwala roon sa sinasabi niyon, hindi tatanggapin ang isang pagdarasal niya sa apatnapung araw."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap na manghuhula saka naniniwala roon sa sinasabi niyon, tumanggi ngang siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Batay sa apat na imām at kay Imām Al-Ḥākim,
na nagsabi siyang tumpak ito ayon sa kundisyon nilang dalawa: "Ang sinumang pumunta sa isang pangnakaraang manghuhula o isang panghinaharap na manghuhula saka naniwala roon sa sinasabi niyon, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
Batay rin kay Abū Ya`lā
nang may kawing ng pagkapaabot na mahusay, ayon kay Ibnu Mas`ūd, na ang tulad nito ay mawqūf.
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: "Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o may inugnayan ng kamalasan para sa kanya, o nanghula o may hinulaan para sa kanya, o nanggaway o may ginawayan para sa kanya. Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap na manghuhula saka naniniwala roon sa sinasabi niyon, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsalaysay nito si Al-Bazzār nang may kawing ng pagpapaabot na mahusay.
Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsaṭ nang may kawing ng pagpapaabot na maganda mula sa ḥadīth ni Ibnu `Abbās nang walang sabi niyang: "Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap na manghuhula..." hanggang sa hulihan nito.
Nagsabi si Imām Al-Baghawīy: "Ang `arrāf (pangnakaraang manghuhula) ay ang nag-aangkin ng pagkakaalam sa mga bagay sa pamamagitan ng mga paunang tanda na ipinantuturo niya sa ninakaw, lugar ng nawawalang bagay, at tulad niyon.
Sinasabi na siya ay ang kāhin (panghinaharap na manghuhula). Ang kāhin ay ang nagpapabatid tungkol sa mga nakalingid sa hinaharap.
Sinabi [rin na ito] ang nagpapabatid tungkol sa kalihim-lihiman."
Nagsabi Si Abu Al-`Abbās Ibnu Taymiyah: "Ang `arrāf ay isang katawagan para sa manghuhula, astrologo, rammāl (geomancer), at tulad nila kabilang sa mga nagsasalita kaugnay sa pagkakaalam sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga paraang ito."
Nagsabi si Ibnu `Abbās kaugnay sa mga taong nagsusulat ng mga abjad (alpabetong ginagamit sa panghuhula) at tumitingin sa mga bituin: "Hindi ako nakakikita sa sinumang gumawa niyan na may ukol sa kanya sa ganang kay Allāh na anumang bahagi."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Na hindi naipagsasama ang paniniwala sa manghuhula sa pananampalataya sa Qur'ān.
Ang ikalawa: Ang tahasang pagpapahayag na ito ay kawalang-pananampalataya.
Ang Ikatlo: Ang pagbanggit ng "ang sinumang...may hinulaan para sa kanya."
Ang Ikaapat: Ang pagbanggit ng "ang sinumang...may inugnayan ng kamalasan para sa kanya."
Ang Ikalima: Ang pagbanggit ng "ang sinumang...may ginawayan para sa kanya."
Ang Ikaanim: Ang pagbanggit ng "sinumang nag-aral ng mga abjad."
Ang Ikapito: Ang pagbanggit ng pagkakaiba sa pagitan ng kāhin at ng `arrāf.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Nushrah
Ayon kay Jābir: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinanong tungkol sa nushrah kaya nagsabi siya: "Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad nang may kawing ng pagkapaabot na mahusay at sa Imām Abū Dāwud at nagsabi: Tinanong si Aḥmad tungkol dito kaya nagsabi siya: "Si Ibnu Mas`ūd ay nasusuklam dito sa kabuuan nito."
Kaugnay kay Al-Bukhārīy ayon kay Qatādah: Nagsabi ako kay Ibnu Al-Musayyib: "May isang lalaking nagdurusa sa kulam o inaalis sa pakikipagtalik sa maybahay niya; lulunasan ba siya o bibigkasan siya ng nushrah?"
Nagsabi siya: "Walang maitututol diyan; nagnanais lamang sila sa pamamagitan niya ng pagpapagaling. Hinggil sa anumang nagpapakinabang, hindi ito sinasaway."
Isinalaysay ayon kay Al-Ḥasan na siya ay nagsabi: "Walang nakalulunas sa panggagaway maliban sa isang manggagaway."
Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim: "Ang nushrah ay ang paglunas ng panggagaway sa ginaway. Ito ay dalawang uri:
Una. Paglunas sa pamamagitan ng isang panggagaway tulad nito. Ito ay ang kabilang sa gawain ng demonyo. Dito ipinatutungkol ang sabi ni Al-Ḥasan sapagkat nagpapakalapit-loob ang tagabigkas ng nushrah at ang binibigkasan ng nushrah sa demonyo sa pamamagitan ng naiibigan nito kaya nagpapawalang-bisa ito ng gawain nito sa ginaway.
Ikalawa. Ang nushrah sa pamamagitan ng orasyon (ruqyah), [pagsambit ng] mga pagpapakupkop [kay Allāh], mga gamot, at mga panalanging pinahihintulutan. Ito ay pinapayagan."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa nushrah.
Ang Ikalawa: Ang pagkakaiba sa pagitan ng sinasaway at ng pinapayagan dito kabilang sa nag-aalis ng pagpapasuliranin.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Pag-uugnay ng Kamalasan
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Pansinin, tanging ang kamalasang inuugnay nila ay nasa ganang kay Allāh subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 7:131)
Ang sabi pa Niya: {Nagsabi sila: "Ang kamalasang inuugnay ninyo ay kasama sa inyo. [May kamalasang inuugnay] ba kung pinaalalahanan kayo? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis."} (Qur'ān 36:19)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagsabi: "Walang pagkahawa, walang pag-uugnay ng kamalasan, walang [kamalasan sa] kuwago, at walang [kamalasan sa buwan ng] Ṣafar."} Nagtala nito ang Dalawa.
Nagdagdag naman si Imām Muslim: "Walang talang tagapagpaulan at walang maligno."
Batay sa kanilang dalawa ayon kay Anas na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang pagkahawa at walang pag-uugnay ng kamalasan. Nagpapahanga sa akin ang mabuting pangitain." Nagsabi sila: "At ano po ang mabuting pangitain?"
Nagsabi siya: "Ang kaaya-ayang pangungusap."}
Batay kay Imām Abū Dāwud nang may kawing ng pagkapaabot na tumpak ayon kay `Uqbah bin `Āmir na nagsabi: {Binanggit ang pag-uugnay ng kamalasan sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Ang pinakamaganda sa mga ito ay ang magandang pangitain at hindi ito pumipigil sa isang Muslim. Kaya kapag nakakita ang isa sa inyo ng kinasusuklaman niya ay magsabi siya ng: Allāhumma lā ya’tī bi-lḥasanāti illā anta, wa lā yadfa`u -ssayyi’āti illa anta, wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bika (O Allāh, walang nagdadala ng mga maganda kundi Ikaw; walang nagtutulak ng mga masagwa kundi Ikaw; at walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan Mo)."}
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: "Ang pag-uugnay ng kamalasan ay isang pagtatambal [kay Allāh]. Ang pag-uugnay ng kamalasan ay isang pagtatambal [kay Allāh]. Walang kabilang sa atin malibang [nakararamdam nito] subalit si Allāh ay nag-aalis nito dahil sa pananalig." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud at si Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon siya sa katumpakan nito at naglagay siya sa hulihan nito ng mula sa sabi ni Ibnu Mas`ūd.
Batay kay Imām Aḥmad mula sa ḥadīth ni Ibnu `Umar: {"Ang sinumang humadlang sa kanya ang pag-uugnay ng kamalasan palayo sa pangangailangan niya ay nagtambal nga [kay Allāh]." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang panakip-sala roon?" Nagsabi siya: "Na magsabi ka ng Allāhumma lā khayra illā khayruka wa lā ṭayra illā ṭayruka wa lā ilāha ghayruka (O Allāh, walang kabutihan maliban sa kabutihan Mo, walang minamasamang tanda maliban sa minamasamang tanda Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo)."}
Batay sa kanya mula sa ḥadīth ni Al-Faḍl bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanya): "Tanging ang minamasamang tanda ay ang nagpapatuloy sa iyo o humahadlang sa iyo."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagtawag-pansin sa sabi Niya: {Pansinin, tanging ang kamalasang inuugnay nila ay nasa ganang kay Allāh} kasama ng sabi pa Niya: {Ang kamalasang inuugnay ninyo ay kasama sa inyo.}
Ang Ikalawa: Ang pagkakaila ng pagkahawa.
Ang Ikatlo Ang pagkakaila ng pag-uugnay ng kamalasan.
Ang Ikaapat: Ang pagkakaila ng [kamalasan sa] kuwago.
Ang Ikalima: Ang pagkakaila ng [kamalasan sa buwan ng] Ṣafar.
Ang Ikaanim: Na ang mabuting pangitain ay hindi kabilang doon; bagkus itinuturing na kaibig-ibig.
Ang Ikapito: Ang pagpapakahulugan sa mabuting pangitain.
Ang Ikawalo: Na ang nagaganap sa mga puso mula roon kalakip ng pagkasuklam doon ay hindi nakapipinsala; bagkus nag-aalis nito si Allāh dahil sa pananalig.
Ang Ikasiyam: Ang pagbanggit sa sasabihin ng sinumang nakatagpo nito.
Ang Ikasampu: Ang tahasang pagpapahayag na ang pag-uugnay ng kamalasan ay Shirk.
Ang Ikalabing-isa: Ang pagpapakahulugan sa pinupulaang pag-uugnay ng kamalasan.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Astrolohiya
Nagsabi si Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya: Nagsabi si Qatādah: "Lumikha si Allāh ng mga bituing ito dahil sa tatlong layon: bilang panggayak para sa langit, bilang mga pambato sa mga demonyo, at bilang mga palatandaang ikinapapatnubay. Kaya ang sinumang nagbigay-pakahulugan hinggil sa mga ito ng iba pa roon ay nagkamali, nagsayang ng bahagi niya, at nagpanggap ng wala siyang kaalaman hinggil doon." Nagwakas.
Nasuklam si Qatādah sa pag-aaral ng mga yugto ng buwan. Hindi nagpahintulot si Ibnu `Uyaynah rito. Bumanggit nito si Ḥarb buhat sa kanilang dalawa.
Nagpahintulot sa pag-aaral ng mga yugto ng buwan sina Aḥmad at Isḥāq.
Ayon kay
Abū Mūsā na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi papasok ng Paraiso: ang nagugumon sa alak, ang tagaputol ng ugnayang pangkaanak, at ang tagapaniwala sa panggagaway."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad at si Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang kasanhian ng paglikha ng mga bituin.
Ang Ikalawa: Ang pagtugon sa sinumang nag-akala ng iba pa roon.
Ang Ikatlo: Ang pagbanggit ng salungatan kaugnay sa pag-aaral ng mga yugto ng buwan.
Ang Ikaapat: Ang banta sa sinumang naniniwala sa anuman sa panggagaway, kahit pa man nakaaalam siya na ito ay kabulaanan.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Paghiling ng Ulan sa Pamamagitan ng mga Talang Tagapagpaulan
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.} (Qur'ān 56:82)
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May apat sa Kalipunan ko na kabilang sa nauukol sa Panahon ng Kamangmangan na hindi nila iniiwan: ang pagmamayabang sa pamamagitan ng mga katayuan, ang paninirang-puri sa mga kaangkanan [ng iba], ang paghingi ng ulan sa pamamagitan ng mga bituin, at ang pananaghoy."
Nagsabi pa siya: "Ang babaing nananaghoy, kapag hindi siya nagbalik-loob bago ng kamatayan niya, ay pababangunin sa Araw ng Pagbangon habang nakasuot ng isang damit mula sa alkitran at isang kamison mula sa galis."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Batay sa kanilang dalawa ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Namuno sa amin ang Sugo sa dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah kasunod ng pag-ulan na nangyari sa gabi. Noong nakatapos siya, humarap siya sa mga tao saka nagsabi: "Nalalaman kaya ninyo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Kinaumagahan mayroon sa mga lingkod Ko na isang mananampalataya sa Akin at isang tagatangging sumampalataya. Hinggil sa sinumang nagsabi: 'Inulan tayo dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya,' iyon ay isang mananampalataya sa Akin at isang tagatangging sumampalataya sa tala. Hinggil naman sa sinumang nagsabi: 'Inulan tayo dahil sa talang tagapagpaulan na ganito at gayon," iyon ay isang tagatangging sumampalataya sa Akin at isang mananampalataya sa tala."}
Batay sa kanilang dalawa mula sa ḥadīth
ni Ibnu `Abbās na kasingkahulugan niyon at nasaad dito: {Nagsabi ang iba sa kanila: "Talaga ngang nagkatotoo ang talang tagapagpaulan na ganito at gayon." Kaya nagpababa si Allāh ng mga talatang ito: {75. Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin, 76. at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan. 77. Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal, 78. na nasa isang Aklat na itinatago, 79. na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay, 80. na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang. 81. Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala? 82. Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.} (Qur'ān 56:75-82)
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Wāqi`ah.
Ang Ikalawa: Ang pagbanggit ng apat na kabilang sa nauukol sa Panahon ng Kamangmangan.
Ang Ikatlo: Ang pagbanggit ng kawalang-pananampalataya sa ilan sa mga iyon.
Ang Ikaapat: Na kabilang sa kawalang-pananampalataya ay ang hindi nagpapalabas sa tao sa Islām.
Ang Ikalima: Ang sabi Niya: "Kinaumagahan mayroon sa mga lingkod Ko na isang mananampalataya sa Akin at isang tagatangging sumampalataya dahilan sa pagbaba ng biyaya."
Ang Ikaanim: Ang pagkatanto sa pananampalataya sa lagay na ito.
Ang Ikapito: Ang pagkatanto sa kawalang-pananampalataya sa lagay na ito.
Ang Ikawalo: Ang pagkatanto sa sabi niya: "Talaga ngang nagkatotoo ang talang tagapagpaulan na ganito at gayon."
Ang Ikasiyam: Ang paglalahad ng maalam sa nag-aaral ng usapin sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol dito batay sa sabi niya: "Nalalaman kaya ninyo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?"
Ang Ikasampu: Ang banta sa babaing nananaghoy.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Mayroon sa mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw, na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh...} (Qur'ān 2:165)
Ang sabi pa Niya: {Sabihin mo: "Kung ang mga magulang ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang angkan ninyo, ang ilang yamang nakamtan ninyo, ang isang pangangalakal na kinatatakutan ninyo ang pagtumal nito, at ang ilang tirahang kinalulugdan ninyo ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa isang pakikibaka ayon sa landas Niya, mag-abang kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya." Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.} (Qur'ān 9:24)
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan."} Nagtala nito ang Dalawa.
Batay sa kanilang dalawa ayon kay Anas na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlo na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, makatatagpo siya dahil sa mga ito ng tamis ng pananampalataya: na si Allāh at ang Sugo niya ay maging higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa iba sa kanilang dalawa, na umibig siya sa tao nang hindi umiibig dito malibang dahil kay Allāh, at na masuklam siya na manumbalik sa kawalang-pananampalataya matapos na sumagip sa kanya si Allāh mula roon gaya ng pagkasuklam niya na itapon siya sa Apoy."}
Sa isang salaysay: "Walang nakatatagpong isa man ng tamis ng pananampalataya hanggang sa..."
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang sinumang umibig dahil kay Allāh, nasuklam dahil kay Allāh, nakipagtangkilikan dahil kay Allāh, at nakipag-away dahil kay Allāh ay ipatatamo lamang [sa kanya] ang pagtangkilik ni Allāh dahil doon. Hindi makatatagpo ang isang tao ng lasa ng pananampalataya, kahit pa dumami ang dasal niya at ang ayuno niya, hanggang sa siya ay maging gayon. Ang pangkalahatan ng pakikipagkapatiran ng mga tao ay naging batay nga sa nauukol sa Mundo. Iyon ay hindi nakapagdudulot sa tagagawa nito ng anuman.} Nagsalaysay nito si Ibnu Jarīr.
Nagsabi si Ibnu `Abbās kaugnay sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {nagkaputul-putol sa kanila ang mga ugnayan} na ito ay "ang pagmamahalan."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang At-Tawbah.
Ang Ikatlo Ang pagkakailangan ng pag-ibig sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa sarili, mag-anak, at ari-arian.
Ang Ikaapat: Na ang pagkakaila ng pananampalataya ay hindi nagpapahiwatig ng paglabas sa Islām.
Ang Ikalima: Na ang pananampalataya ay may tamis na maaaring matagpuan ng tao at maaaring hindi niya matagpuan.
Ang Ikaanim: Ang apat na gawain ng puso na hindi ipatatamo ang pagtangkilik ni Allāh kundi sa pamamagitan ng mga ito at hindi makatatagpo ang isang tao ng lasa ng pananampalataya kundi sa pamamagitan ng mga ito.
Ang Ikapito: Ang pagkaintindi ng Kasamahan sa reyalidad na ang pangkalahatan ng pakikipagkapatiran ay ayon sa nauukol sa Mundo.
Ang Ikawalo: Ang pagpapakahulugan sa: {nagkaputul-putol sa kanila ang mga ugnayan.}
Ang Ikasiyam: Na mayroon sa mga tagapagtambal na umiibig kay Allāh nang matinding pag-ibig.
Ang Ikasampu: Ang banta sa sinumang ang walong nabanggit ay naging higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa relihiyon niya.
Ang Ikalabing-isa: Na ang sinumang gumawa ng isang kaagaw [kay Allāh], na nakikipantay ang pag-ibig dito sa pag-ibig kay Allāh, siya ay gumawa ng Malaking Shirk.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Iyon lamang ay ang demonyo; nagpapangamba siya sa mga katangkilik niya kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay mga mananampalataya.} (Qur'ān 3:175)
Ang sabi pa Niya: {Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni Allāh ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagbigay ng zakāh, at hindi natakot maliban kay Allāh. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 9:18)
Ang sabi pa Niya: {Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan dahil kay Allāh ay nagtuturing sa pagsubok ng mga tao na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh.} (Qur'ān 29:10)
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: "Tunay na bahagi ng kahinaan ng katiyakan na magpalugod ka sa mga tao sa pamamagitan ng pagkainis ni Allāh, na pumuri ka sa kanila dahil sa panustos ni Allāh, at pumula ka sa kanila dahil sa hindi ibinigay sa iyo ni Allāh. Tunay na ang panustos ni Allāh ay hindi nahihila ng sigasig ng isang masigasig at hindi naitutulak ng pagkasuklam ng isang nasusuklam."
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naghanap ng kaluguran ni Allāh kapalit ng pagkainis ng mga tao, malulugod si Allāh sa kanya at magpapalugod sa kanya sa mga tao. Ang sinumang naghanap ng kaluguran ng mga tao kapalit ng pagkainis ni Allāh, maiinis si Allāh sa kanya at magpapainis sa kanya sa mga tao."} Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ niya.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Āl `Imrān.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang At-Tawbah (9:18).
Ang Ikatlo Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-`Ankabūt (29:10).
Ang Ikaapat: Na ang katiyakan ay humihina at lumalakas.
Ang Ikalima: Ang palatandaan ng kahinaan niyon at kabilang doon ang tatlong nabanggit na ito.
Ang Ikaanim: Na ang pagpapakawagas ng pangamba kay Allāh ay bahagi ng mga tungkulin.
Ang Ikapito: Ang pagbanggit ng gantimpala sa sinumang gumawa niyon.
Ang Ikawalo: Ang pagbanggit ng parusa ng sinumang nag-iwan niyon.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kay Allāh ay manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya.} (Qur'ān 5:23)
Ang sabi pa Niya: {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila,} (Qur'ān 8:2)
Ang sabi pa Niya: {O Propeta, kasapatan sa iyo si Allāh at sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 8:64)
Ang sabi pa Niya: {Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito.} (Qur'ān 65:3)
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {"Kasapatan sa amin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan." Nagsabi nito si Abraham (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang itinapon siya sa apoy. Nagsabi nito si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsabi sila sa kanya: "Tunay na ang mga tao ay nagtipon para sa inyo kaya matakot kayo sa kanila." Ngunit nakadagdag ito sa kanila ng pananampalataya at nagsabi sila: {Kasapatan sa amin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan.}} (Qur'ān 3:173) Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām An-Nasā'īy.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Na ang pananalig [kay Allāh] ay kabilang sa mga tungkulin.
Ang Ikalawa: Na ito ay kabilang sa mga kundisyon ng pananampalataya.
Ang Ikatlo: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Anfāl (8:2).
Ang Ikaapat: Ang pagpapakahulugan sa isang talata sa bandang hulihan nito (8:64).
Ang Ikalima: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Aṭ-Ṭalāq (65:3).
Ang Ikaanim: Ang bigat ng pumapatungkol sa pangungusap na ito. Ito ay sinabi ni Abraham (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali mga kagipitan.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kaya natiwasay ba sila sa pakana ni Allāh sapagkat walang natitiwasay sa pakana ni Allāh kundi ang mga taong lugi?} (Qur'ān 7:99)
Ang sabi pa Niya: {Nagsabi siya: "Sino ang nalalagutan ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?"} (Qur'ān 15:56)
Ayon kay Ibnu `Abbās: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinanong tungkol sa malalaking kasalanan kaya nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang pagkawala ng pag-asa sa habag ni Allāh, at ang pagkatiwasay sa pakana ni Allāh."}
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang pinakamalaki sa malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang pagkatiwasay sa pakana ni Allāh, ang pagkalagot ng pag-asa sa awa ni Allāh, at ang pagkawala ng pag-asa sa habag ni Allāh.} Nagsalaysay nito si `Abdurrazzāq.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-A`rāf (7:99).
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Ḥijr (15:56).
Ang Ikatlo: Ang tindi ng banta sa sinumang natiwasay sa pakana ni Allāh.
Ang Ikaapat: Ang tindi ng banta sa pagkalagot ng pag-asa.
Kabanata: Bahagi ng Pananampalataya kay Allāh ang Pagtitiis sa mga Takda ni Allāh
Ang sabi Niya (napakataas Siya): {Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur'ān 64:11)
Nagsabi si `Alqamah: "Siya ay ang lalaki. Dumadapo sa kanya ang kasawian, saka nakaaalam siya na ito ay mula sa ganang kay Allāh, saka nalulugod siya at nagpapasakop."
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May dalawang nasa mga tao, na sa kanila ay kawalang-pananamapalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}
Batay sa kanilang dalawa, ayon kay Ibnu Mas`ūd bilang ḥadīth na marfū`: "Hindi kabilang sa atin ang sinumang pumapalo sa mga pisngi, pumupunit ng mga damit, at nanawagan ng panawagan ng Panahon ng Kamangmangan."
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagnais si Allāh sa lingkod Niya ng kabutihan, magmamadali Siya para rito ng kaparusahan sa Mundo. Kapag nagnais Siya sa lingkod Niya ng kasamaan, magpipigil Siya para rito [ng parusa] sa pagkakasala nito hanggang sa magdala siya nito sa Araw ng Pagbangon."
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok. Tunay na si Allāh (napakataas Siya), kapag umibig Siya sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nainis, ukol sa kanya ay ang inis."} Sumang-ayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmidhīy.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang At-Taghābun (64:11).
Ang Ikalawa: Na ito ay bahagi ng pananampalataya kay Allāh.
Ang Ikatlo: Ang paninirang-puri sa kaangkanan.
Ang Ikaapat: Ang tindi ng banta sa sinumang pumapalo sa mga pisngi, pumupunit ng mga damit, at nanawagan ng panawagan ng Panahon ng Kamangmangan.
Ang Ikalima: Ang palatandaan ng pagnanais ni Allāh ng kabutihan sa lingkod Niya.
Ang Ikaanim: Ang palatandaan ng pagnanais ni Allāh ng kasamaan sa lingkod Niya.
Ang Ikapito: Ang palatandaan ng pag-ibig ni Allāh sa lingkod.
Ang Ikawalo: Ang pagbabawal sa pagkainis.
Ang Ikasiyam: Ang gantimpala sa pagkalugod sa pagsubok.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Pagpapakitang-tao
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."} (Qur'ān 18:110)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: {Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, iiwanan Ko siya kasama ng pagtatambal niya."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: {"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na nakapangangamba para sa inyo sa ganang akin kaysa sa Bulaang Kristo?"
Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang nakakubling pagtatambal: tumatayo ang lalaki saka nagdarasal saka nagpapaganda ng dasal niya dahil sa nakikita niya na pagtingin ng isang lalaki."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Kahf (18:110).
Ang Ikalawa: Ang sukdulang bagay kaugnay sa pagtanggi sa mabuting gawa kapag may pumasok dito na anuman para sa iba pa kay Allāh.
Ang Ikatlo: Ang pagbanggit sa kadahilanang nag-oobliga roon, ang kalubusan ng kawalang-pangangailangan [ni Allāh].
Ang Ikaapat: Na kabilang sa mga kadahilanan ay na Siya ay ang pinakamainam sa mga itinatambal [sa Kanya].
Ang Ikalima: Ang pangamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa mga Kasamahan niya dahil sa pagpapakitang-tao.
Ang Ikaanim: Na ang Propeta ay nagpakahulugan niyon na nagdarasal ang tao kay Allāh subalit nagpapaganda siya ng pagdarasal dahil sa nakikita niya na pagtingin ng isang lalaki sa kanya.
Kabanata: Bahagi ng Shirk ang Pagnanais ng Tao sa Gawain Niya ng Kamunduhan
Ang sabi Niya (napakataas Siya): {15. Ang sinumang nagnanais ng buhay na pangmundo at gayak nito, maglulubus-lubos Kami tungo sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kinukulangan. 16. Ang mga iyon, walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalang-kabuluhan ang niyari nila roon at walang-saysay ang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 11:15-16)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mapahamak nawa ang alipin ng dinar, mapahamak nawa ang alipin ng dirham,
mapahamak nawa ang alipin ng khamīṣah,
mapahamak nawa ang alipin ng khamīlah.
Kung binigyan siya ay nalulugod siya at kung hindi siya binigyan ay naiinis siya. Mapahamak nawa siya at mabinat nawa siya. Kapag natinik siya, hindi nawa siya makabunot.
Kagalakan ay ukol sa isang lingkod na humahawak sa renda ng kabayo niya alang-alang sa landas ni Allāh, habang nagulo ang buhok niya, na naaalikabukan ang mga paa niya.
Kung siya ay naging nasa pagbabantay sa harapan, siya ay naging nasa pagbabantay sa harapan;
at kung siya ay naging nasa pagbabantay sa likuran, siya ay naging nasa pagbabantay sa likuran.
[Napakakaraniwan niya na] kung nagpaalam siya ay hindi siya pinapayagan at kung namagitan siya ay hindi siya pinamamagitan."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagnanais ng tao ng [kapakanan sa] Mundo kapalit ng gawain [sa kapakanan] ng Kabilang-buhay.
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa talata ng Kabanatang Hūd (11:15-16)
Ang Ikatlo: Ang pagtawag sa taong Muslim na Alipin ng Dinar, ng Dirham, at ng Khamīṣah.
Ang Ikaapat: Ang pagpapakahulugan niyon na kung binigyan siya ay nalulugod siya at kung hindi siya binigyan ay naiinis siya.
Ang Ikalima: Ang [kahulugan ng] sabi niya: "Mapahamak nawa siya at mabinat nawa siya."
Ang Ikaanim: Ang [kahulugan ng] sabi niya: "Kapag natinik siya, hindi nawa siya makabunot."
Ang Ikapito: Ang pagbubunyi sa nakikibaka na nailalarawan sa mga [nabanggit na] katangiang iyon.
Kabanata: Ang sinumang tumalima sa mga maalam at mga pinuno sa pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh o pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allāh ay gumawa nga sa kanila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh.
Nagsabi si Ibnu `Abbās: {Halos may bumaba sa inyo na mga bato mula sa langit. Nagsasabi ako: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang nagsasabi naman kayong nagsabi sina Abū Bakr at `Umar.}
Nagsabi si Imām Aḥmad bin Ḥanbal: "Nagtaka ako sa mga taong nakaalam sa kawing ng pagpapaabot at katumpakan nito, na naniniwala sa pananaw ni Sufyān samantalang si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi: {Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 24:63) Nalalaman mo ba kung ano ang sigalot? Ang sigalot ay ang Shirk. Marahil, kapag may tumanggi sa ilan sa sabi niya, may magaganap sa puso niya na isang bahagi ng paglihis para mapahamak siya."
Ayon kay `Adīy bin Ḥātim: {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumibigkas ng talatang ito: {Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila!} (Qur'ān 9:31) Nagsabi ako: "Kaya nagsabi ako sa kanya: Tunay na kami ay hindi sumasamba sa kanila."
Nagsabi siya: "Hindi ba nagbabawal sila ng ipinahintulot ni Allāh kaya ipinagbabawal naman ninyo at nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh kaya ipinahihintulot naman ninyo?"
Kaya nagsabi ako: "Opo."
Nagsabi siya: "Kaya iyon ay ang pagsamba sa kanila."} Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad at si Imām At-Timidhīy sumang-ayon siya sa kagandahan nito.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang An-Nūr (24:63).
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang At-Tawbah (9:31).
Ang Ikatlo: Ang pagtawag-pansin sa kahulugan ng pagsamba na ikinaila ni `Adīy.
Ang Ikaapat: Ang paghahalimbawa ni Ibnu `Abbās kina Abū Bakr at `Umar at ang paghahalimbawa ni Imām Aḥmad kay Sufyān.
Ang Ikalima: Ang pagkakapalit ng mga kalagayan tungo sa puntong ito hanggang sa ganang higit na marami ang pagsamba sa mga monghe ay naging ang pinakamainam sa mga gawain at tinatawag na pagkasanto at ang pagsamba sa mga pantas ay naging ang kaalaman at ang pagkaunawa. Pagkatapos nag-iba ang mga kalagayan tungo sa [punto] na sinamba bukod pa kay Allāh ang hindi kabilang sa mga maayos na tao at sinamba ayon sa ikalawang kahulugan ang kabilang sa mga mangmang.
Kabanata: Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {60. Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol sa mapagmalabis samantalang inutusan nga sila na tumangging sumampalataya rito. Nagnanais ang demonyo na magligaw sa kanila sa isang pagkaligaw na malayo. 61. Kapag sinabi sa kanila: "Halikayo sa pinababa ni Allāh at sa Sugo," makakikita ka sa mga mapagpaimbabaw na tumututol sa iyo ng isang pagtutol. 62. Kaya papaano kapag may tumama sa kanila na isang kapahamakan dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, pagkatapos dumating sila sa iyo na nanunumpa kay Allāh: "Hindi kami nagnais maliban ng isang paggawa ng maganda at pagtutugma."} (Qur'ān 4:60-62)
Ang sabi pa Niya: {Kapag sinabi sa kanila: "Huwag kayong tagagulo sa lupa," nagsasabi sila: "Kami ay mga tagapagsaayos lamang."} (Qur'ān 2:11)
Ang sabi pa Niya: {Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Dumalangin kayo sa Kanya nang may pangamba at paghahangad. Tunay na ang awa ni Allāh ay malapit sa mga tagagawa ng maganda.} (Qur'ān 7:56)
Ang sabi pa Niya: {Kaya ang paghahatol ng Panahon ng Kamangmangan ba ay hinahangad nila? Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa paghatol para sa mga taong nakatitiyak?} (Qur'ān 5:50)
Ayon kay `Abullāh bin `Amr: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay sunod sa inihatid ko."}
Nagsabi si Imān An-Nawawīy: "Isang tumpak na ḥadīth ito, nagsalaysay kami nito sa aklat na Al-Ḥujjah nang may kawing ng pagpapaabot na tumpak."
Nagsabi si Ash-Sha`bīy: {Sa pagitan noon ng isang lalaking kabilang sa mga mapagpaimbabaw at ng isang lalaking kabilang sa mga Hudyo ay may alitan.
Kaya nagsabi ang Hudyo: "Magpapahatol tayo kay Muḥammad."
Nalaman nito na siya ay hindi kumukuha ng suhol.
Nagsabi ang mapagpaimbabaw: "Magpapahatol tayo sa mga Hudyo," dahil sa pagkaalam nito na sila ay kumukuha ng suhol.
Kaya nagkasundo sila na pumunta sa isang manghuhula sa Juhaynah para magpahatol doon. Kaya naman bumaba [ang talatang]: {Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw...} (Qur'ān 4:60-62)
Sinabi: Bumaba ito kaugnay sa dalawang lalaking nagkaalitan sapagkat nagsabi ang isa sa kanila: "Magsampa tayo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)" at nagsabi naman ang isa pa: "kay Ka`b bin Al-Ashraf." Pagkatapos nagsampa silang dalawa kay `Umar saka bumanggit sa kanya ang isa sa kanilang dalawa ng kuwento.
Kaya nagsabi siya sa hindi nalulugod sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ganoon ba?"
Nagsabi ito: "Oo." Kaya tinaga niya ito saka napatay niya ito.}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang An-Nisā' (4:42). Nasaad dito na pagtulong sa pag-intindi sa ṭāghūt (mapagmalabis).
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Baqarah (2:11): {Kapag sinabi sa kanila: "Huwag kayong tagagulo sa lupa,"...}
Ang Ikatlo: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-A`rāf (7:56): {Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito.}
Ang Ikaapat: Ang pagpapakahulugan sa: {Kaya ang paghahatol ng Panahon ng Kamangmangan ba ay hinahangad nila?} (Qur'ān 5:50)
Ang Ikalima: Ang sinabi ni Ash-Sha`bīy kaugnay sa kadahilanan ng pagbaba ng unang talata (Qur'ān 4:60).
Ang Ikaanim: Ang pagpapakahulugan sa pananampalatayang tapat at sinungaling.
Ang Ikapito: Ang kuwento ni `Umar kasama ng mapagpaimbabaw.
Ang Ikawalo: Ang pagiging ang pananampalataya ay hindi nangyayari sa isa hanggang sa ang pithaya nito ay maging sunod sa inihatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kabanata: Ang Sinumang Nagkaila ng Anuman sa mga Pangalan at mga Katangian
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {...habang sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain. Sabihin mo: "Siya ay ang Panginoon ko; walang Diyos kundi Siya. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko.} (Qur'ān 13:30)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: {Nagsabi si `Alīy: "Kumausap kayo sa mga tao ayon sa nalalaman nila. Nagnanais ba kayo na pasinungalingan si Allāh at ang Sugo Niya?"}
Nagsalaysay si `Abdurrazzāq ayon kay Ma`mar, ayon kay Ibnu Ṭāwus, ayon sa ama nito, ayon kay Ibnu `Abbās: {Siya ay nakakita ng isang lalaking nangatal noong nakarinig ito ng isang ḥadīth tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa mga katangian [ni Allāh] dala ng pagmamasama niyon. Kaya nagsabi si Ibnu `Abbās: "Ano ang sumindak sa mga ito? Nakatatagpo sila ng isang kaselanan sa [talatang] isinatahasan dito at nasasawi sila sa [talatang] pinatalinghaga rito."}
Noong nakarinig ang liping Quraysh sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit sa Ar-Raḥmān (Ang Napakamaawain), nagmasama sila niyon kaya nagpababa si Allāh ng talata hinggil sa kanila: {...habang sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain...} (Qur'ān 13:30)
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang kawalan ng pananampalataya dahil sa pagtanggi sa anuman sa mga pangalan at mga katangian [ni Allāh].
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Ar-Ra`d (13:30).
Ang Ikatlo: Ang pag-iwan sa pagsasalita ng hindi naiintindihan ng nakaririnig.
Ang Ikaapat: Ang pagbanggit ng pagsasadahilan na nagpapahantong sa pagpapasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man hindi nanadya ang tagapagkaila.
Ang Ikalima: Ang pananalita ni Ibnu `Abbās sa nagmasama ng isang bahagi mula roon at na iyon ay sumawi rito.
Kabanata: Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {Nakakikilala sila sa biyaya ni Allāh, pagkatapos nagkakaila sila nito, at ang higit na marami sa kanila ay tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 16:83)
Nagsabit si Mujāhid ng kahulugan nito: {Ito ay ang sabi ng tao: "Ito ay ari-arian ko; nagmana ako nito buhat sa mga magulang ko."}
Nagsabi si `Awn bin Abdillāh: "Kung sakaling wala si Polano, hindi nangyari ang ganito."
Nagsabi si Ibnu Qutaybah: "Nagsasabi sila na ito ay dahil sa pamamagitan ng mga diyos namin."
Nagsabi si Abu Al-`Abbās matapos ng ḥadīth ni Zayd bin Khālid na nagsasaad: {Na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: "Kinaumagahan mayroon sa mga lingkod Ko na naging isang mananampalataya sa Akin at isang tagatangging sumampalataya..." Nauna nang nabanggit ang ḥadīth.
Ito ay marami sa Qur'ān at Sunnah: pumupula si Allāh sa sinumang nagkakapit ng pagbibiyaya Niya sa iba pa sa Kanya at nagtatambal sa Kanya.
Nagsabi ang iba sa Kanunuan: "Ito ay gaya ng sabi nila: 'Ang hangin ay naging kaaya-aya at ang mandaragat ay bihasa,' at tulad niyon kabilang sa namumutawi sa dila ng marami."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa pagkakaalam sa biyaya at ang pagkakaila rito.
Ang Ikalawa: Ang pagkakaalam na [ang pagkakailang ito] ay namumutawi sa maraming dila.
Ang Ikatlo: Ang pagtawag sa pananalitang ito bilang pagkakaila sa biyaya.
Ang Ikaapat: Ang pagkakasama ng magkasalungat sa puso.
Kabanata: Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 2:22)
Ayon kay Ibnu `Abbās kaugnay sa talata: {Ang mga kaagaw ay ang pagtatambal, na higit na kubli kaysa sa paggapang ng langgam sa isang batong itim sa kadiliman ng gabi.
Ito ay na magsabi ka: "Sumpa man kay Allāh; sumpa man sa buhay mo, O Polana; at sumpa man sa buhay ko;"
at magsabi ka: "Kung sakaling wala ang tuta na ito, talagang pumunta sana sa atin ang mga magnanakaw.
Kung sakaling wala ang pato sa bahay, talagang pumunta sana ang mga magnanakaw;"
[gaya ng] sabi ng isang lalaki sa kasamahan niya: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo;"
at ng sabi ng isang lalaki: "Kung sakaling wala si Allāh at si Polano." Huwag kang maglagay rito kay Polano. Ito sa kabuuan nito ay may Shirk.} Nagsalaysay nito si Ibnu Abī Ḥātim.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya [kay Allāh]."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon sa kagandahan nito. Sumang-ayon naman sa katumpakan nito si Imām Al-Ḥākim.
Nagsabi si Ibnu Mas`ūd: "Ang sumumpa ako kay Allāh nang nagsisinungaling ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa sumumpa ako sa iba pa sa Kanya nang tapat."
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magsabing: Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano, subalit magsabi kayong: Ang niloob ni Allāh, PAGKATAPOS niloob ni Polano."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud nang may kawing ng pagkapaabot na tumpak.
Ayon kay Ibrāhīm An-Nakh`īy: {Siya ay nasusuklam na [magsabing]: "Nagpapakupkop ako kay Allāh AT sa iyo." Pinapayagan na magsabi: "...kay Allāh PAGKATAPOS sa iyo." Nagsabi siya: Magsasabi: "Kung sakaling wala si Allāh PAGKATAPOS si Polano," at huwag kayong magsabing: "Kung sakaling wala si Allāh AT si Polano."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Baqarah (Qur'ān 2:22) kaugnay sa "mga kaagaw."
Ang Ikalawa: Na ang mga Kasamahan ay nagpapakahulugan sa talatang bumaba kaugnay sa Malaking Shirk na ito ay sumasaklaw sa Maliit na Shirk.
Ang Ikatlo: Na ang panunumpa sa iba pa kay Allāh ay Shirk.
Ang Ikaapat: Na kapag sumumpa sa iba pa kay Allāh [kahit] nang tapat, ito ay higit na malaki [sa kasalanan] kaysa sa bulaang panunumpa.
Ang Ikalima: Ang pagkakaiba sa pagitan ng [pangatnig na] AT (wa) at ng [pangatnig na] PAGKATAPOS (thumma) sa pagsasalita.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Sinumang Hindi Nakumbinsi sa Panunumpa kay Allāh
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong manumpa sa mga magulang ninyo. Ang sinumang manunumpa kay Allāh ay magpakatapat. Ang sinumang pasumsumpain kay Allāh ay malugod. Ang sinumang hindi nalugod ay hindi kabilang [sa mga lingkod] ni Allāh."} Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah nang may kawing ng pagkapaabot na maganda.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa panunumpa sa mga magulang.
Ang Ikalawa: Ang pag-uutos sa pinasusumpa kay Allāh na malugod.
Ang Ikatlo: Ang banta sa sinumang hindi nalugod.
Kabanata: Ang Pagsabi ng Niloob ni Allāh AT Niloob Mo.
Ayon kay Qutaylah: {May isang Hudyo na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na kayo ay nagtatambal [kay Allāh].
Nagsasabi kayo: Niloob ni Allāh AT niloob mo.
Nagsasabi kayo: Sumpa man sa Ka`bah."
Kaya nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais sila na manumpa, na magsabi sila: "Sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah"
at na magsabi sila: "Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob mo."} Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy at sumang-ayon sa katumpakan nito.
Batay sa kanya rin, ayon kay Ibnu `Abbās: {Na may isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang niloob ni Allāh AT niloob mo." Kaya nagsabi siya: "Gumawa ka ba sa akin na isang kaagaw para kay Allāh? Ang niloob ni Allāh LAMANG."
Batay kay Imām Ibnu Mājah, ayon kay Aṭ-Ṭufayl, na kapatid ni `Ā’ishah sa ina nito, na nagsabi: {Nanaginip ako na pumunta ako sa isang pangkat ng mga Hudyo.
Nagsabi ako: "Tunay na kayo ay talagang kayo ang mga [mabuting] tao, kung sakaling hindi kayo nagsasabing: Si `Uzayr ay anak ni Allāh."
Nagsabi sila: "Tunay na kayo ay talagang kayo ang mga [mabuting] tao. kung sakaling hindi kayo nagsasabing: Ang niloob ni Allāh AT ni Muḥammad."
Pagkatapos naparaan ako sa isang pangkat ng mga Kristiyano saka nagsabi ako: "Tunay na kayo ay talagang kayo ang mga [mabuting] tao kung sakaling hindi kayo nagsasabing: Si Jesus ay anak ni Allāh."
Nagsabi sila: "Tunay na kayo ay talagang kayo ang mga [mabuting] tao kung sakaling hindi kayo nagsasabing: Ang niloob ni Allāh AT ni Muḥammad."
Kaya noong kinaumagahan, nagpabatid ako hinggil dito sa pinagpabatiran ko.
Pagkatapos pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpabatid ako sa kanya.
Nagsabi siya: "Nagpabatid ka ba hinggil dito sa isa man?"
Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi naman siya:
Kaya nagpuri ito kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "Sa pagpapatuloy,
tunay na si Ṭufayl ay nanaginip ng isang panaginip na nagpapabatid siya hinggil dito sa sinumang pinagpabatiran niya kabilang sa inyo.
Tunay na kayo ay nagsasabi ng isang pangungusap na noon ay pumipigil sa akin ang ganito at ang gayon na sumaway ako sa inyo laban doon.
Kaya huwag kayong magsabing: Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Muḥammad, subalit magsabi kayong: Ang niloob ni Allāh Lamang."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una Ang pagkakaalam ng mga Hudyo hinggil sa Maliit na Shirk.
Ang Ikalawa: Ang pagkaintindi ng tao [sa Shirk] kapag siya ay may pithaya.
Ang Ikatlo: Ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin na isang kaagaw para kay Allāh?" kaya papaano na sa sinumang nagsabing:
"O pinakamarangal sa nilikha, wala akong sinumang dudulugan, maliban sa iyo sa sandali ng pagdapo ng kariwaraang panlahat."
Ang Ikaapat: Na ito ay hindi kabilang sa Malaking Shirk batay sa sabi niya: "pumipigil sa akin ang ganito at ang gayon..."
Ang Ikalima: Na ang maayos na panaginip ay kabilang sa mga bahagi ng pagkakasi.
Ang Ikaanim: Na ito ay maaaring maging isang kadahilanan ng pagsasabatas ng ilan sa mga patakaran.
Kabanata: Ang Sinumang Umalipusta sa Panahon ay Nanakit nga Kay Allāh
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Nagsabi sila: "Walang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpahamak sa amin kundi ang panahon." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay.} (Qur'ān 45:24)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): Nananakit sa Akin ang anak ni Adan: umaalipusta siya sa panahon samantalang Ako ay ang Panahon; nagpapabagu-bago Ako ng gabi at maghapon."}
Sa isang salaysay: "Huwag kayong mag-alipusta sa panahon sapagkat tunay na si Allāh ay ang panahon."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa pag-alipusta sa panahon.
Ang Ikalawa: Ang pagtawag niya bilang "pananakit" para kay Allāh.
Ang Ikatlo: Ang pagbubulay-bulay sa sabi niya: "sapagkat tunay na si Allāh ay ang panahon."
Ang Ikaapat: Na ang tao ay maaaring maging nag-aalipusta samantalang hindi siya nagpapakay niyon sa puso niya.
Kabanata: Ang Pagtawag ng Hukom ng mga Hukom at Tulad Nito
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang pinakahamak na katawagan sa ganang kay Allāh ay isang lalaking tinawag na hari ng mga hari. Walang naghahari kundi si Allāh."}
Nagsabi si Sufyān: "Tulad ng Shāhān-e-Shāh." (Hari ng mga hari, na katawagan sa dating hari ng Iran. Ang Tagapagsalin.)
Sa isang salaysay: "Ang pinakanakangingitngit na lalaki kay Allāh sa Araw ng Pagbangon at ang pinakarima-rimarim sa Kanya..."
Ang sabi niyang "pinakahamak" ay nangangahulugang pinakaaba.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa pagtawag ng hari ng mga hari.
Ang Ikalawa: Na ang kaugnay sa kahulugan nito ay ang tulad nito gaya ng sinabi ni Sufyān.
Ang Ikatlo: Ang pagkatanto ng matinding pagsaway rito at sa tulad nito sa kabila ng pagkatiyak na ang puso ay hindi naglayon ng kahulugan nito.
Ang Ikaapat: Ang pagkatanto na ito ay pagpipitagan kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).
Kabanata: Ang Paggalang sa mga Pangalan ni Allāh (Napakataas Siya) at ang Pagpapaiba sa Pangalan Alang-alang Doon
Ayon kay Abū Shurayḥ: {Siya noon ay pinapalayawan ng Abulḥakam (Ama ng Pinakatagahatol) kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay ang Pinakatagahatol at ayon sa Kanya ang hatol."
Kaya nagsabi ito: "Tunay na ang mga kalipi ko, kapag nagkasalungatan sa isang bagay, ay pumupunta sa akin kaya humahatol ako sa pagitan nila saka nagagalak naman ang dalawang panig."
Kaya nagsabi siya: "Anong ganda nito! Kaya mayroon ka bang anak?"
Nagsabi ako: "Sina Shurayḥ, Muslim, at `Abdullāh."
Nagsabi siya: "Kaya sino ang pinakamatanda sa kanila?"
Nagsabi ako: "Si Shurayḥ."
Nagsabi siya: "Kaya ikaw si Abū Shurayḥ."} Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at iba pa sa kanya.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang paggalang sa mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya kahit pa man hindi naglalayon ng kahulugan nito.
Ang Ikalawa: Ang pagpapaiba ng pangalan alang-alang doon.
Ang Ikatlo: Ang pagpili sa [pangalan ng] pinakamatanda sa mga anak para sa kunyah (palayaw na pang-ama na nangangahulugang ama ni Polano).
Kabanata: Ang Sinumang Nagbiro ng Anumang May Pagbanggit kay Allāh o ng Qur'ān o ng Sugo
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: "Dati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang." Sabihin mo: "Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya?} (Qur'ān 9:65)
Ayon kina Ibnu `Umar, Muḥammad bin Ka`b, Zayd bin Aslam, at Qatādah, pumasok ang ḥadīth ng isa't isa sa kanila: {Na may nagsabing isang lalaki kaugnay sa pagsalakay sa Tabūk: "Hindi kami nakakita ng tulad sa mga tagabigkas nating ito na higit na maibigin sa [pagpuno ng] mga tiyan, ni higit na sinungaling sa mga dila, ni higit na duwag sa sandali ng labanan." Tumutukoy ito sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niyang mga tagabigkas. Kaya nagsabi rito si `Awf bin Mālik: "Nagsinungaling ka; subalit ikaw ay mapagpaimbabaw. Talagang magpapabatid nga ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
Kaya pumunta si `Awf sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magpabatid sa kanya ngunit natagpuan nito ang Qur'ān na nauna na sa kanya.
Saka dumating naman ang lalaking iyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nakalisan na siya at nakasakay na siya sa inahing kamelyo niya.
Saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kami lamang naman ay nagbibiro at nag-uusap ng pag-uusap ng naglalakbay habang pumapawi sa pamamagitan nito ng pahirap sa daan." Nagsabi si Ibnu `Umar: Para bang ako ay nakatingin sa kanya habang bumibitin sa sinturon ng inahing kamelyo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ang bato ay nagtapilok sa mga paa niya habang siya ay nagsasabi: "Kami lamang naman ay nagbibiro at naglalaro." Kaya nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ng mula sa Qur'ān 9:65-66]: {Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayong nangungutya? Huwag kayong magdahi-dahilan; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo.} Hindi siya lumilingon doon at hindi na siya nagdaragdag [ng sasabihin] doon.}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ito ay ang mabigat: na ang sinumang nagbiro hinggil dito ay isang tagatangging sumampalataya.
Ang Ikalawa: Na ito ay ang pagpapakahulugan sa isang talata (Qur'ān 9:65) kaugnay sa sinumang gumawa niyan maging sino man siya.
Ang Ikatlo: Ang pagkakaiba sa pagitan ng tsismis at ng katapatan kay Allāh at sa Sugo Niya.
Ang Ikaapat: Ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapaumanhin na naiibigan ni Allāh at ng kagaspangan sa mga kaaway ni Allāh.
Ang Ikalima: Na kabilang sa pagdadahi-dahilan ang hindi nararapat na tanggapin.
Kabanata: Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang awa mula sa Amin nang matapos ng kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin at hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung pinabalik ako sa Panginoon ko, tunay na ukol sa akin sa ganang Kanya ay talagang pinakamaganda." Kaya talagang magbabalita nga Kami sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa ginawa nila at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang magaspang.} (Qur'ān 41:50)
Nagsabi si Mujāhid: {[Ang "Ito ay ukol sa akin" ay nangangahulugang:] "Ito ay dahil sa paggawa ko at ako ay binigyang-karapatan dito."}
Nagsabi si Ibnu `Abbās: {[Ang "Ito ay ukol sa akin" ay] tumutukoy ng mula sa taglay ko."}
Ang sabi pa Niya: {Nagsabi siya: "Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko."} (Qur'ān 28:78) Nagsabi si Qatādah [sa pagpapaliwanag nito]: "dahil sa isang kaalamang mula sa akin hinggil sa mga uri ng mga pagkakakitaan."
May nagsabi namang mga iba pa: "dahil sa isang kaalamang mula kay Allāh kung paanong ako para roon ay marapat."
Ito ang kahulugan ng sabi ni Mujāhid: "Binigyan ako nito dahil sa karangalan."
Ayon kay Abū Hurayrah: {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na may tatlong kabilang sa mga anak ni Israel: isang ketongin, isang panot, at isang bulag,
Nagnais si Allāh na sumubok sa kanila kaya nagpadala Siya sa kanila ng isang anghel.
Pumunta siya sa ketongin saka nagsabi: "Aling bagay ang higit na kaibig-ibig sa iyo?"
Nagsabi ito: "Isang magandang kulay at isang magandang balat at umalis sa akin ang minarumi nga sa akin ng mga tao."
Nagsabi [ang Propeta]: Kaya humipo siya rito at naalis dito ang karumihan nito saka binigyan ito ng isang magandang kulay at isang magandang balat.
Nagsabi siya: "Alin sa ari-arian ang higit na kaibig-ibig sa iyo?"
Nagsabi ito: "Ang mga kamelyo" – o "Ang mga baka," nagduda rito si Isḥāq. Kaya binigyan siya ng sampung buntis na kamelyo,
saka nagsabi siya rito: "Magdulot ng pagpapala si Allāh sa iyo dahil sa mga ito."
Nagsabi [ang Propeta]: Saka pumunta siya sa panot,
saka nagsabi: "Aling bagay ang higit na kaibig-ibig sa iyo?"
Nagsabi ito: "Isang magandang buhok at umalis sa akin ang minamarumi nga sa akin ng mga tao."
Kaya humipo siya rito saka naalis dito ang karumihan nito at binigyan ito ng isang magandang buhok.
Nagsabi siya: "Alin sa ari-arian ang higit na kaibig-ibig sa iyo?"
Nagsabi ito: "Ang mga baka o ang mga kamelyo." Kaya binigyan ito ng sampung buntis na baka.
Nagsabi siya rito: "Magdulot ng pagpapala si Allāh sa iyo dahil sa mga ito."
Saka pumunta siya sa bulag,
saka nagsabi: "Aling bagay ang higit na kaibig-ibig sa iyo?"
Nagsabi ito: "Na magpanumbalik si Allāh sa akin ng paningin ko para ipantingin ko sa mga tao." Kaya humipo siya rito saka nagpanumbalik si Allāh dito ng paningin nito.
Nagsabi siya: "Saka alin sa ari-arian ang higit na kaibig-ibig sa iyo?"
Nagsabi ito: "Ang mga tupa."
Kaya binigyan ito ng mga tupa na manganganak, saka nagbunga ang dalawang ito at nanganak ang isang ito.
Kaya nagkaroon [ang ketongin na] ito ng isang lambak ng mga kamelyo, nagkaroon [ang panot na] ito ng isang lambak ng mga baka, at nagkaroon [ang bulag na] ito ng isang lambak ng mga tupa.
Nagsabi [ang Propeta]: Pagkatapos tunay na siya ay pumunta sa ketongin [habang nakabalatkayo ayon] sa dating hitsura nito at anyo nito, saka nagsabi siya: "[Ako ay] isang lalaking dukha at isang kinapos sa daan na naubos na sa akin ang mga panggugol sa paglalakbay kong ito kaya walang pagpaparating para akin sa araw na ito kundi sa pamamagitan ni Allāh pagkatapos sa pamamagitan mo.
Humihingi ako sa iyo sa [ngalan ng] nagbigay sa iyo ng magandang kulay, magandang balat, at ari-arian ng isang kamelyo na makararating ako sa pamamagitan niyan sa paglalakbay ko."
Kaya nagsabi ito: "Ang mga tungkulin ay marami [sa akin]."
Kaya nagsabi siya: "Para bang ako ay nakakikilala sa iyo. Hindi ba noon ikaw ay isang ketongin na nagmamarumi sa iyo ang mga tao, isang maralita saka nagbigay sa iyo si Allāh ng ari-arian?"
Kaya nagsabi ito: "Nagmana lamang ako ng ari-ariang ito sa isang ninuno buhat sa isang ninuno."
Nagsabi siya: "Kung ikaw ay sinungaling, magpanumbalik nawa sa iyo si Allāh sa dating ikaw."
Nagsabi [ang Propeta]: Pumunta naman siya sa panot [habang nakabalatkayo ayon] sa dating hitsura nito at anyo nito,
saka nagsabi siya rito ng tulad sa sinabi niya sa [ketongin na] iyon at tumugon ito sa kanya ng tulad sa itinugon sa kanya ng [ketongin na] iyon.
Kaya nagsabi siya rito: "Kung ikaw ay sinungaling, magpanumbalik nawa sa iyo si Allāh sa dating ikaw."
Nagsabi [ang Propeta]: Pumunta naman siya sa bulag [habang nakabalatkayo ayon] sa dating hitsura nito at anyo nito, saka nagsabi: "[Ako ay] isang lalaking dukha at isang kinapos sa daan na naubos na sa akin ang mga panggugol sa paglalakbay kong ito kaya walang pagpaparating para akin sa araw na ito kundi sa pamamagitan ni Allāh pagkatapos sa pamamagitan mo.
Humihingi ako sa iyo sa [ngalan ng] nagbigay sa iyo ng nagpanumbalik sa iyo ng paningin mo ng isang tupa na makararating ako sa pamamagitan niyan sa paglalakbay ko."
Kaya nagsabi ito: "Noon ako ay isang bulag saka nagpanumbalik si Allāh sa akin ng paningin ko kaya kunin mo ang niloob mo at iwan mo ang niloob mo sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi ako pipigil sa iyo sa anumang kukunin mo dahil kay Allāh."
Kaya nagsabi ito: "Panatilihin mo ang ari-arian mo sapagkat sinubok lamang kayo saka nalugod si Allāh sa iyo at nainis Siya sa dalawang kasamahan mo."}[4] Nagtala nito ang Dalawa.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa talata (Qur'ān 41:50).
Ang Ikalawa: Kung ano ang kahulugan ng: {talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin..."}
Ang Ikatlo: Kung ano ang kahulugan ng sabi Niya: {Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko.} (Qur'ān 28:78)
Ang Ikaapat: Ang nasaad sa kahanga-hangang kuwentong ito na mga dakilang maisasaalang-alang.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ngunit noong nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang [anak na] maayos ay gumawa silang dalawa para sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa, ngunit napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila.} (Qur'ān 7:190)
Nagsabi si Ibnu Ḥazm: "Nagkaisa sila sa pagbabawal sa bawat pangalang ikinakapit ang unlaping `Abdu- sa pangalan ng iba kay Allāh gaya ng Abdu`Amr, Abdulka`bah, at anumang nakawangis niyon maliban sa `Abdulmuṭṭalib."
Ayon kay Ibnu `Abbās na nagsabi kaugnay sa talatang nabanggit: {Noong nakipagtalik si Adan kay Eva, nagdalang-tao ito, saka pumunta sa kanilang dalawa si Satanas saka nagsabi: "Tunay na ako ay ang kasamahan ninyo na nagpalabas sa inyong dalawa mula sa Paraiso. Talagang tatalima nga kayong dalawa sa akin o talagang maglalagay nga ako sa kanya ng dalawang sungay ng usa para lumabas siya mula sa tiyan mo para bumiyak siya riyan.
Talagang gagawin ko nga at talagang gagawin ko nga!," nagpapangamba siya sa kanilang dalawa,
"Magpangalan kayo sa kanya ng `Abdulḥarith (alipin ng mag-aararo)."
Tumanggi silang dalawa na tumalima sa kanya kaya lumabas ito na patay.
Pagkatapos nagdalang-tao [muli si Eva] kaya pumunta na naman siya sa kanilang dalawa saka nagsabi ng tulad sa sabi niya ngunit tumanggi silang dalawa na tumalima sa kanya kaya lumabas ito na patay.
Pagkatapos nagdalang-tao [muli si Eva] kaya bumanggit na naman siya sa kanilang dalawa saka nangibabaw sa kanilang dalawa ang pagkaibig sa anak kaya nagpangalan sila rito ng `Abdulḥarith.
Kaya iyon ang [pagpapakahulugan sa] sabi Niya: {gumawa silang dalawa para sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa...} (Qur'ān 7:190)} Nagsalaysay nito si Ibnu Abī Ḥātim.
Batay sa kanya nang may kawing ng pagkapaabot na tumpak, ayon kay Qatādah na nagsabi: "Mga katambal sa pagtalima sa Kanya at hindi sa pagsamba sa Kanya."
Batay sa kanya nang may kawing ng pagkapaabot na tumpak, ayon kay Mujāhid kaugnay sa sabi Niya: {Talagang kung magbibigay ka sa amin ng isang [anak na] maayos,} (Qur'ān 7:189). Sinabi: "Nabagabag sila na ito ay hindi maging isang tao."
Bumanggit siya ng kasingkahulugan nito ayon kina Al-Ḥasan, Sa`īd, at iba pa sa kanilang dalawa.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagbabawal sa bawat pangalang ikinakapit ang unlaping `Abdu- sa pangalan ng iba kay Allāh.
Ang ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa talata (Qur'ān 7:189).
Ang Ikatlo: Na ang Shirk na ito ay sa payak na pagpapangalan na hindi nilayon ang pinakadiwa nito.
Ang Ikaapat: Na ang pagkakaloob ni Allāh sa tao ng anak na babaing normal ay kabilang sa mga biyaya.
Ang Ikalima: Ang pagbanggit ng Kanunuan sa pagkakaiba sa pagitan ng Shirk sa pagsunod at Shirk sa pagsamba.
Kabanata: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga sumisinsay sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 7:180)
Bumanggit si Ibnu Abī Ḥātim ayon kay Ibnu `Abbās [na ang kahulugan ng]: {sumisinsay sa mga pangalan Niya} ay "nagtatambal."
Ayon pa sa kanya: "Nagpangalan sila ng Allāt mula sa Al-Ilāh (ang diyos) at ng Al`uzzā mula Al-`Azīz (ang makapangyarihan)."
Ayon naman kay Al-A`mash: "Nagpapasok sila ng mga ito [sa mga pangalan ni Allāh] ng hindi naman kabilang sa mga ito."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapatibay sa mga pangalan [ni Allāh].
Ang Ikalawa: Ang pagiging ang mga ito ay pinakamaganda.
Ang Ikatlo: Ang pag-uutos ng pagdalangin sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito.
Ang Ikaapat: Ang pag-iwan sa sinumang sumasalungat kabilang sa mga mangmang na tagasinsay.
Ang Ikalima: Ang pagpapakahulugan sa pagsinsay sa mga [pangalang] ito.
Ang Ikaanim: Ang banta sa sinumang suminsay.
Kabanata: Hindi Sinasabi ang Salām kay Allāh
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon, kapag kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Ang Salām ay ukol kay Allāh mula sa mga lingkod Niya. Ang Salām ay ukol kina Polano at Polano." Kaya nagsabi Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magsabi ng Salām kay Allāh sapagkat tunay na si Allāh ay ang Salām."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa Salām.
Ang ikalawa: Na ito ay isang pagbati.
Ang Ikatlo: Na ito ay hindi nababagay para kay Allāh.
Ang Ikaapat: Ang pagsasadahilan kaugnay roon.
Ang Ikalima: Ang pagtuturo sa kanila ng pagbati na nababagay para kay Allāh.
Kabanata: Ang Pagsabi ng: "O Allāh magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo."
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag ngang magsasabi ang isa sa iyo: 'O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo. O Allāh, maawa Ka sa akin kung niloob Mo.' Magpakatatag siya sa paghiling sapagkat tunay na si Allāh ay hindi napipilit."}
Batay kay Imām Muslim: "...at magpabigat siya ng pagkaibig sapagkat tunay na si Allāh ay hindi napabibigatan ng anumang ibinigay Niya."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa pagsasabi sa panalangin kay Allāh ng kung loloobin Mo.
Ang ikalawa: Ang paglilinaw sa pagsasadahilan kaugnay roon.
Ang Ikatlo: Ang sabi niya: "Magpakatatag siya sa paghiling..."
Ang Ikaapat: Ang pagpapabigat sa pagkaibig.
Ang Ikalima: Ang pagbibigay-dahilan sa bagay na ito.
Kabanata: Hindi Magsasabi: Ang Lalaking Alipin Ko at Babaing Alipin Ko
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag ngang magsasabi ang isa sa inyo: 'Pakainin mo ang panginoon. Huhugasan mo ang panginoon mo.' Magsabi siya roon: 'Ang ginoo ko o ang amo ko.' Huwag magsabi ang isa sa inyo: 'Ang lalaking alipin ko at ang babaing alipin ko.' Magsabi siya: 'Ang binata ko, ang dalaga ko, at ang paslit ko.'"}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa pagtawag [sa isang tao] ng: ang lalaking alipin ko o ang babaing alipin ko.
Ang ikalawa: Hindi magsasabi ang lingkod [sa amo]: "Ang panginoon ko" at hindi sasabihin sa kanya: "Pakainin mo ang panginoon mo."
Ang Ikatlo: Ang pagtuturo sa amo ng pagtawag sa lingkod bilang ang binata ko, ang dalaga, at ang paslit ko.
Ang Ikaapat: Ang pagtuturo sa lingkod ng pagtawag sa amo bilang ang amo ko o ang ginoo ko.
Ang Ikalima: Ang pagtawag-pansin sa ninanais dito: ang pagsasakatotohanan sa Tawḥīd pati na sa mga salita.
Kabanata: Hindi Tinatanggihan ang Sinumang Humingi sa Ngalan ni Allāh
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang humiling ng pagkupkop kay Allāh ay kupkupin ninyo. Ang sinumang humingi sa ngalan ni Allāh ay bigyan ninyo. Ang sinumang tumawag sa inyo ay sagutin ninyo. Ang sinumang gumawa sa inyo ng isang nakabubuti ay tumumbas kayo sa kanya ngunit kung hindi kayo nakatagpo ng maitutumbas sa kanya ay manalangin kayo para sa kanya nang sa gayon makita kayo na kayo ay tumumbas nga sa kanya."} Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā'īy nang may kawing ng pagkapaabot na tumpak.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagkupkop sa sinumang humiling ng pagkupkop kay Allāh.
Ang Ikalawa: Ang pagbibigay sa sinumang humingi sa ngalan ni Allāh.
Ang Ikatlo: Ang pagsagot sa pagtawag.
Ang Ikaapat: Ang pagtutumbas sa ginawa.
Ang Ikalima: Na ang panalangin ay panumbas ng sinumang hindi nakakaya sa pagtumbas kundi ng panalangin.
Ang Ikaanim: Ang sabi niya: "nang sa gayon makita kayo na kayo ay tumumbas nga sa kanya."
Kabanata: Walang Hihilingin Alang-alang sa Ikalulugod ng Mukha ni Allāh Kundi ang Paraiso
Ayon kay Jābir na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang hihilingin alang-alang sa ikalulugod ng mukha ni Allāh kundi ang Paraiso."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway na hilingin ang anuman alang-alang sa ikalulugod ng mukha ni Allāh kundi ang sukdulan sa mga hinihiling.
Ang ikalawa: Ang pagpapatibay sa katangian [ng pagkakaroon] ng mukha [ni Allāh].
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Pagsasabi ng Kung Sakaling
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Nagsasabi sila: "Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito."} (Qur'ān 3:154)
Ang sabi pa Niya: {[Sila] ang mga nagsabi sa mga kapatid nila samantalang namalagi sila: "Kung sakaling tumalima sila sa amin ay hindi sana sila napatay."} (Qur'ān 3:168)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magsigasig ka sa anumang nagpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag ka ngang panghihinaan. Kung may dumapo sa iyo na anuman ay huwag mong sabihin: 'Kung sakaling ako ay gumawa [niyon], talaga sanang iyon ay naging ganito at gayon;' subalit sabihin mo: 'Ang itinakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginagawa Niya.' sapagkat tunay na ang 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa dalawang talata sa Kabanatang Āl `Imrān (Qur'ān 3:154 at 3:168)
Ang Ikalawa: Ang tahasang pagsaway laban sa pagsabi ng "Kung sakaling..." kapag may dumapo sa iyo na anumang [masama].
Ang Ikatlo: Ang pagbibigay-kadahilanan sa usapin ay na iyon ay nagbubukas ng gawain ng demonyo.
Ang Ikaapat: Ang paggabay tungo sa magandang pananalita.
Ang Ikalima: Ang pag-uutos ng pagsisigasig sa anumang nagpapakinabang kalakip ng pagpapatulong kay Allāh.
Ang Ikaanim: Ang pagsaway laban sa kasalungat niyon [na pagpapatulong sa iba pa kay Allāh] at ito ay kahinaan.
Kabanata: Ang Pagsaway Laban sa Pag-alipusta sa Hangin
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong mag-alipusta sa hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinasusuklaman ninyo ay magsabi kayo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi –rrīḥī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bih;abutihan ng nasa loob nito, at kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop kami sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng nasa loob nito, at kasamaan ng ipinag-utos dito)."} Sumang-ayon sa katumpakan nito si Imām At-Tirmidhīy.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagsaway laban sa pag-alipusta sa hangin.
Ang Ikalawa: Ang paggabay sa pananalitang nagpapakinabang kapag nakakita ang tao ng kinasusuklaman niya.
Ang Ikatlo: Ang paggabay [sa kaalaman] na ang hangin ay inuutusan.
Ang Ikaapat: Na ito ay maaaring inuutusan ng isang kasamaan at maaaring inuutusan ng isang kabutihan.
Kabanata: Ang Sabi Niya (Napakataas Siya): {...nagpapalagay kay Allāh ng hindi totoo, na pagpapalagay ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsasabi sila: "May ukol kaya sa atin mula sa usapin na anuman?" Sabihin mo: "Tunay na ang usapin sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh." Nagkukubli sila sa mga sarili nila ng hindi nila inilalantad sa iyo. Nagsasabi sila: "Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito." Sabihin mo: "Kung sakaling kayo noon ay nasa mga bahay ninyo ay talaga sanang natampok ang mga itinakda sa kanila ang pagkapatay tungo sa mga pagpapaslangan sa kanila." [Ito ay] upang sumubok si Allāh sa nasa mga dibdib ninyo at upang sumala Siya sa nasa mga puso ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.} (Qur'ān 3:154)
Ang sabi pa Niya: {...na mga nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay ng kasagwaan. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si Allāh sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Kay saklap iyon bilang kahahantungan!} (Qur'ān 48:6)
Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim kaugnay sa unang talata: "Ipinagpakahulugan ang pagpapalagay na ito na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nag-aadya sa Sugo Niya at na ang gawain nito ay magmamaliw. Ipinagpakahulugan ito na ang dumapo sa Sugo ay hindi naging dahil sa pagtatakda ni Allāh at karunungan Niya kaya ipinagpakahulugan ito bilang pagkakaila ng karunungan, pagkakaila ng pagtatakda, at pagkakaila na malubos ang gawain ng Sugo Niya at magpangibabaw Siya sa [gawaing] ito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Ito ay ang pagpapalagay ng kasagwaan na nagpalagay ang mga mapagpaimbabaw at mga tagapagtambal sa nasaad Kabanatang Al-Fatḥ. Ito lamang ay naging ang pagpapalagay ng kasagwaan dahil ito ay pagpapalagay ng hindi naaangkop sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at hindi naaangkop sa karunungan Niya, pagpupuri sa Kanya, at pangako Niyang tapat.
Kaya ang sinumang nagpalagay na Siya ay nagpapanagumpay ng kabulaanan sa katotohanan nang isang pagpapanagumpay na namamalagi, na magmamaliw kasama rito ang katotohanan; o nagkaila na mangyari ang magaganap dahil sa pagtatadhana Niya at pagtatakda Niya; o nagkaila na ang pagtatakda Niya ay maging dahil sa isang malalim na kasanhian na naging karapat-dapat dito ang papuri, bagkus nag-akala na iyon ay dahil sa isang payak na kalooban; [ang lahat ng] iyon ay pagpapalagay ng mga tumangging sumampalataya. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa Apoy. Ang higit na marami sa mga tao ay nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay ng kasagwaan kaugnay sa natatangi sa kanila at kaugnay sa ginagawa Niya sa iba pa sa kanila. Walang naliligtas mula roon maliban sa sinumang nakaaalam kay Allāh, sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya, at sa nagpapaobliga sa karunungan Niya at papuri sa Kanya.
Kaya magmalasakit ang matalinong nagpapayo sa sarili niya ng ganito, magbalik-loob siya kay Allāh, at humingi siya ng tawad sa Kanya dahil sa pagpapalagay niya sa Panginoon niya ng pagpapalagay ng kasagwaan.
Kung sakaling sumuri ka sa sinumang sinuri mo, talagang nakakita ka sa nasa kanya ng isang pagmamatigas sa pagtatakda at isang paninisi rito at na ito raw ay nararapat na maging ganito at ganyan. May nagpapakaunti at may nagpaparami ng ganito. Suriin mo ang sarili mo: ikaw ba ay malaya [sa ganito]?
Kaya kung naligtas ka mula rito, maliligtas ka mula sa isang may mabigat na kapahamakan; at kung hindi naman, tunay na ako ay hindi nagpapalagay sa iyo bilang naliligtas."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Āl `Imrān (3:154).
Ang Ikalawa: Ang pagpapakahulugan sa isang talata ng Kabanatang Al-Fatḥ (48:6).
Ang Ikatlo: Ang pagpapabatid na [ang pagpapalagay ng kasagwaan na] iyon ay mga uring hindi natatakdaan
Ang Ikaapat: Na hindi naliligtas mula roon kundi ang sinumang nakakilala sa mga pangalan at mga katangian [ni Allāh] at nakakilala sa sarili niya.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa mga Tagapagkaila ng Pagtatakda
Nagsabi si Ibnu `Umar: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Ibnu `Umar ay nasa kamay Niya, kung sakaling nagkaroon ang isa sa kanila ng tulad sa [bundok ng] Uḥud na ginto, pagkatapos ginugol niya ito alang-alang sa landas ni Allāh, hindi tatanggap nito si Allāh mula sa kanya, hanggang sa sumampalataya siya sa pagtatakda." Pagkatapos humango siya ng patunay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang pananampalataya ay na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito.'" Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit: {Siya ay nagsabi sa anak niya: "Anak ko, tunay na ikaw ay hindi makatatagpo ng lasa ng pananampalataya hanggang sa makaalam ka na ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo. Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Tunay na ang kauna-unahan sa nilikha ni Allāh ay ang panulat. Saka nagsabi Siya rito: Sumulat ka, kaya nagsabi ito: Panginoon ko, at ano po ang isusulat ko?
Nagsabi Siya: Magsulat ka ng mga pagtatakda ng bawat bagay hanggang sa sumapit ang Huling Sandali.'
O anak ko, nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang namatay sa iba pa rito ay hindi kabilang sa akin.'"}
Sa isang salaysay ni Imām Aḥmad: "Tunay na ang kauna-unahan sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya) ay ang panulat. Saka nagsabi Siya rito: 'Sumulat ka,' kaya naganap sa sandaling iyon [ang pagsulat] hinggil sa anumang mangyayari hanggang sa Araw ng Pagbangon."
Sa isang salaysay ni Ibnu Wahb: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya ang sinumang hindi sumampalataya sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito, susunog sa kanya si Allāh sa Apoy."}
Nasaad sa Musnad at Sunnan, ayon kay Ibnu Ad-Daylamīy na nagsabi: {Pumunta ako kay Ubayy bin Ka`b saka nagsabi ako [sa kanya] na sa sarili ko ay may kaunting duda sa pagtatakda. Kaya nagsanaysay siya sa akin hinggil sa isang bagay nang harinawa si Allāh ay mag-alis niyon mula sa puso ko. Nagsabi siya: "Kung sakaling gumugol ka ng tulad sa [bundok ng] Uḥud na ginto, hindi tatanggap nito si Allāh mula sa iyo hanggang sa sumampalataya ka sa pagtatakda at makaalam ka na ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo. Kung sakaling namatay ka sa iba pa sa ganito, talagang ikaw ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy."
Nagsabi pa siya: "Kaya pumunta ako kina `Abdullān bin Mas`ūd, Ḥudhayfah bin Al-Yamān, at Zayd bin Thābit. Lahat sila ay nagsanaysay sa akin ng tulad niyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."} Isang ḥadīth na tumpak na isinalaysay ni Imām Al-Ḥākim sa Ṣaḥīḥ niya.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang paglilinaw sa tungkulin ng pananampalataya sa pagtatakda.
Ang ikalawa: Ang paglilinaw sa pamamaraan ng pananampalataya rito.
Ang Ikatlo: Ang pagpapawalang-kabuluhan sa gawa ng sinumang hindi sumampalataya sa pagtatakda.
Ang Ikaapat: Ang pagpapabatid na ang isa ay hindi nakatatagpo ng lasa ng pananampalataya hanggang sa sumampalataya siya sa pagtatakda.
Ang Ikalima: Ang pagbanggit sa kauna-unahan sa nilikha ni Allāh.
Ang Ikaanim: Na naganap [ang pagsulat] sa mga pagtatakda sa sandaling iyon hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali.
Ang Ikapito: Ang kawalang-kaugnayan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang hindi sumampalataya sa kanya.
Ang Ikawalo: Ang nakahiratian ng Kanunuan sa pag-aalis ng maling akala sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga maalam.
Ang Ikasiyam: Na ang mga maalam ay sumagot ng nakapag-aalis sa maling akala at iyon ay dahil sila ay nag-ugnay ng pananalita sa Sugo ni Allāh lamang (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa mga Tagapagsaimahen
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagtangkang lumikha gaya ng paglikha Ko. Kaya [hayaang] lumikha sila ng isang katiting o lumikha sila ng isang butil o lumikha sila ng isang sebada."} Nagtala nito ang Dalawa.
Batay sa kanilang dalawa, ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nanggagaya sa paglikha ni Allāh."}
Batay sa kanilang dalawa, ayon kay Ibnu `Abbās: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang bawat tagapagsaimahen ay [mapupunta] sa Apoy. Maglalagay para sa kanya sa bawat imahen na isinaimahen ng isang kaluluwa, na pagdurusahin siya dahil dito sa Impiyerno."}
Batay sa kanilang dalawa, ayon sa kanya batay sa ḥadīth na marfū`: "Ang sinumang nagsaimahen ng isang imahen sa Mundo ay aatangan na umihip dito ng espiritu at siya ay hindi makaiihip."
Batay kay Imām Muslim, ayon kay Abū Al-Hayyāj na nagsabi: {Nagsabi sa akin si `Alīy: "Pansinin, magpapadala ako sa iyo sa [gaya ng] pagpapadala sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): na hindi ka mag-iwan ng isang imahen malibang binura mo ito ni ng isang libingang nakausli malibang pinatag mo ito."}
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang matinding mariing pagsaway sa mga tagapagsaimahen.
Ang Ikalawa: Ang pagtawag-pansin sa pagsasadahilan [laban sa pagsasalarawan] ay ang pag-iwan ng magandang asal kay Allāh batay sa sabi Niya: "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagtangkang lumikha gaya ng paglikha Ko."
Ang Ikatlo: Ang pagtawag-pansin sa kakayahan Niya at kawalang-kakayahan nila batay sa sabi Niya: "Kaya [hayaang] lumikha sila ng isang katiting o lumikha sila ng isang butil o lumikha sila ng isang sebada."
Ang Ikaapat: Ang tahasang pagpapahayag na sila ay pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa.
Ang Ikalima: Na si Allāh ay lilikha ayon sa bilang ng bawat imahen ng kaluluwang magdudulot Siya ng pagdurusa sa pamamagitan nito tagapagsaimahen sa Impiyerno.
Ang Ikaanim: Na [ang tagapagsaimaheng] ito ay aatangan na umihip dito ng espiritu.
Ang Ikapito: Ang pag-uutos ng pagbura nito kapag natagpuan ito.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Pagpaparami ng Panunumpa
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Pag-ingatan ninyo ang mga panunumpa ninyo.} (Qur'ān 5:89)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na nagsasabi: "Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng kita."} Nagtala nito ang Dalawa.
Ayon kay Salmān: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May tatlong hindi kakausap sa kanila si Allāh, hindi Siya magpapabusilak sa kanila, at ukol sa kanila ay isang masakit na parusa: isang ubaning nangangalunya, isang naghihikahos na nagmamalaki, at isang lalaking gumawa kay Allāh bilang paninda niya: hindi siya bumibili malibang may panunumpa niya at hindi siya nagtitinda malibang may panunumpa niya."} Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy nang may kawing ng pagkapaabot na tumpak.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuti sa Kalipunan ko ay ang henerasyon ko, pagkatapos ang sumusunod sa kanila, pagkatapos ang sumusunod sa mga iyon."} Nagsabi si `Imrān: "Ngunit hindi ko nalalaman kung bumanggit ba siya ng matapos ng henerasyon niya nang dalawang ulit o tatlo." {"Pagkatapos tunay na matapos ninyo ay may mga tao na sasaksi habang hindi pinasasaksi, magtataksil at hindi mapagkakatiwalaan, mamamanata at hindi tutupad, at lilitaw sa kanila ang pagtaba."}
Kaugnay rito, ayon kay Ibnu Mas`ūd: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang henerasyon ko, pagkatapos ang sumusunod sa kanila, pagkatapos ang sumusunod sa mga iyon. Pagkatapos may darating na mga taong mauuna ang pagsaksi ng isa sa kanila sa panunumpa niya at [mauuna] ang panunumpa niya sa pagsaksi niya."}
Nagsabi si Ibrāhīm: "Sila noon ay namamalo sa amin para sa [pagpapakatotoo sa] pagsaksi at pangako, noong kami ay mga bata pa."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang tagubilin sa pag-iingat sa mga panunumpa.
Ang Ikalawa: Ang pagpapabatid na ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng pagpapala.
Ang Ikatlo: Ang matinding banta sa sinumang hindi nagtitinda o hindi bumibili malibang may panunumpa.
Ang Ikaapat: Ang pagtawag-pansin na ang pagkakasala ay bumibigat sa kabila ng kakauntian ng tagaudyok [sa pagkakasala].
Ang Ikalima: Ang pagpula sa mga sumusumpa habang hindi pinasusumpa.
Ang Ikaanim: Ang pagbubunyi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa unang tatlo o apat na henerasyon at ang pagbanggit sa mangyayari matapos nila.
Ang Ikapito: Ang pagpula sa mga sumasaksi habang hindi pinasasaksi.
Ang Ikawalo: Ang pagiging ang Kanunuan ay pumapalo sa mga bata para sa [pagpapakatotoo sa] pagsaksi at pangako.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Garantiya ni Allāh at Garantiya ng Propeta Niya
Ang sabi Niya: {Magpatupad kayo sa kasunduan kay Allāh kapag nakipagkasunduan kayo at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan ninyo matapos ng pagbibigay-diin sa mga ito. Gumawa nga kayo kay Allāh sa inyo bilang Mapagpanagot. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo.} (Qur'ān 16:91)
Ayon kay Buraydah na nagsabi: {Noon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagtalaga siya ng isang pinuno sa hukbo o isang batalyon, ay nagtatagubilin sa pinakasarili niya ng pangingilag magkasala kay Allāh at sa sinumang kasama niya na mga Muslim ng kabutihan sapagkat nagsabi siya: "Sumalakay kayo sa ngalan ni Allāh. Makipaglaban kayo alang-alang sa landas ni Allāh sa sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh. Sumalakay kayo. Huwag kayong mandaya sa samsam. Huwag kayong manluray-luray [ng patay]. Huwag kayong pumatay ng bata. Kapag nakipagtagpo ka sa kaaway mo kabilang sa mga tagapagtambal ay mag-anyaya ka sa kanila sa tatlong katangian, o mapagpipilian, saka alinman sa mga ito ang tugunin nila ay tanggapin mo sa kanila at magpigil ka [sa pakikipaglaban] sa kanila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila sa Islām. Kung tumugon naman sila sa iyo ay tanggapin mo sa kanila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila sa paglipat mula sa tahanan nila tungo sa tahanan ng mga lumikas. Magpabatid ka sa kanila na sila, kung gumawa niyon, ay magiging ukol sa kanila ang anumang ukol sa mga lumikas at magiging tungkulin sa kanila ang anumang tungkulin sa mga lumikas. Kung tumanggi naman sila na lumipat mula roon, magpabatid ka sa kanila na sila ay magiging gaya ng mga Arabeng-disyerto ng mga Muslim. Iiral sa kanila ang patakaran ni Allāh (napakataas Siya). Hindi sila magkakaroon sa nasamsam [sa digmaan] at nakumpiska [sa kalaban] ng anuman, maliban na makibaka sila kasama ng mga Muslim. Kung sila naman ay tumanggi, hingin mo sa kanila ang jizyah. Kung sila naman ay tumugon sa iyo, tanggapin mo sa kanila at magpigil ka [sa pakikipaglaban] sa kanila. Kung sila naman ay tumanggi, magpatulong ka kay Allāh at makipaglaban ka sa kanila. Kapag nakakubkob ka sa mga naninirahan sa muog saka nagnais sila sa iyo na gumawa ka para sa kanila sa garantiya ni Allāh at garantiya ng Propeta Niya, huwag kang gumawa para sa kanila ng garantiya ni Allāh at garantiya ng Propeta Niya; subalit gumawa ka para sa kanila sa garantiya mo at garantiya ng mga kasamahan mo sapagkat tunay na kayo, kung mangangalaga kayo sa mga garantiya ninyo at garantiya ng mga kasamahan ninyo, ay higit na magaan kaysa sa mangalaga kayo sa garantiya ni Allāh at garantiya ng Propeta Niya. Kaya huwag kang gumawa para sa kanila sa garantiya ni Allāh at garantiya ng Propeta Niya. Kapag nakakubkob ka sa mga naninirahan sa muog saka nagnais sila sa iyo na magsailalim ka sa kanila ayon sa patakaran ni Allāh, huwag kang magsailalim sa kanila ayon sa patakaran ni Allāh; subalit magsailalim ka sa kanila ayon sa patakaran mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nakaalam kung tatama ka sa kanila sa patakaran ni Allāh o hindi."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagkakaiba sa pagitan ng garantiya ni Allāh at ng Propeta niya, at ng garantiya ng mga Muslim.
Ang Ikalawa: Ang paggabay tungo sa higit na kaunti sa dalawang kalagayan sa panganib.
Ang Ikatlo: Ang sabi niya: "Sumalakay kayo sa ngalan ni Allāh."
Ang Ikaapat: Ang sabi niya: "Makipaglaban kayo sa landas ni Allāh sa sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh."
Ang Ikalima: Ang sabi niya: "magpatulong ka kay Allāh at makipaglaban ka sa kanila."
Ang Ikaanim: Ang pagkakaiba sa pagitan ng patakaran ni Allāh at ng patakaran ng mga maalam.
Ang Ikapito: Kaugnay sa pagiging ang mga Kasamahan ay humahatol sa sandali ng pangangailangan ayon sa isang patakarang hindi siya nakaaalam kung sumasang-ayon ba siya sa patakaran ni Allāh o hindi?
Kabanata: Ang Nasaad sa Panunumpa Kay Allāh
Ayon kay Jundub bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May nagsabing isang lalaki: 'Sumpa man kay Allāh, hindi magpapatawad si Allāh kay Polano.' Kaya nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): 'Sino itong nanunumpa ng pag-oobliga sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpawalang-saysay na sa gawa mo.'"} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Nasaad sa ḥadīth ni Abū Hurayrah na ang nagsabi ay isang lalaking mananamba. Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nagsalita siya ng isang pangungusap na nagpahamak sa Mundo niya
at Kabilang-buhay niya."
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagbibigay-babala laban sa panunumpa ng pag-oobliga kay Allāh.
Ang Ikalawa: Ang pagiging ang Impiyerno ay higit na malapit sa [bawat] isa sa atin kaysa sa sintas ng sandalyas niya.
Ang Ikatlo: Na ang Paraiso ay gaya niyon.
Ang Ikaapat: May nasaad dito na isang tagasaksi sa sabi niya: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng isang pangungusap na hindi niya pinag-uukulan ng pansin na mabubulid siya dahil dito sa apoy ng Impiyerno."
Ang Ikalima: Na ang tao ay maaaring mapatawad dahilan sa bagay na kabilang sa pinakakasuklam-suklam sa mga bagay sa kanya.
Kabanata: Hindi Magpapamagitan Kay Allāh sa Nilikha Niya
Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang Arabeng disyerto sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nalipol ang mga tao, nagutom ang mga bata, at nasawi ang mga hayupan kaya humingi ka ng ulan para sa amin sa Panginoon mo sapagkat tunay na kami ay nagpapamagitan kay Allāh sa iyo at sa iyo kay Allāh." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaluwalhatian kay Allāh! Kaluwalhatian kay Allāh!" Saka hindi natigil na nagluluwalhati siya hanggang sa napag-alaman iyon sa mga mukha ng mga Kasamahan. Pagkatapos nagsabi siya: "Kawawa ka naman, nakaaalam ka ba kung ano si Allāh? Tunay na ang pumapatungkol kay Allāh ay higit na mabigat kaysa roon. Tunay na hindi nagpapamagitan kay Allāh sa isa..." Binanggit ang ḥadīth at isinalaysay ito ni Imām Abū Dāwud.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagtutol niya sa nagsabi ng: "sapagkat tunay na kami ay nagpapamagitan kay Allāh sa iyo."
Ang Ikalawa: Ang pag-iba niya sa isang pag-ibang napag-alaman sa mga mukha ng mga Kasamahan niya dahil sa pangungusap na ito.
Ang Ikatlo: Na siya ay hindi nagmasama roon sa sabi niyon: "[nagpapamagitan kami] sa iyo kay Allāh."
Ang Ikaapat: Ang pagtawag-pansin sa pagpapakahulugan ng: "Kaluwalhatian kay Allāh."
Ang Ikalima: Na ang mga Muslim ay humihiling sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng panalangin ng paghingi ng ulan.
Kabanata: Ang Nasaad Kaugnay sa Pangangalaga ng Sugo (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Bakuran ng Tawḥīd at Pagpinid Niya sa mga Daan ng Shirk.
Ayon kay `Abdullāh bin Ash-Shikhkhīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumisan ako kasama ng delegasyon ng Angkang `Āmir patungo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi kami: "Ikaw ay amo namin."
Kaya nagsabi siya: "Ang Amo ay si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas)."
Nagsabi kami: "Ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakasukdulan sa amin sa kapangyarihan."
Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng sasabihin ninyo o ilan sa sasabihin ninyo at huwag ngang tumangay sa inyo ang demonyo."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud nang may kawing ng pagkapaabot na mahusay.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May mga taong nagsabi: "O Sugo ni Allāh, O pinakamabuti sa amin, anak ng pinakamabuti sa amin, amo namin, at anak ng amo namin." Kaya nagsabi siya: "O mga tao, magsabi kayo ng sasabihin ninyo at huwag ngang manghalina sa inyo ang demonyo. Ako ay si Muḥammad na Lingkod ni Allāh at Sugo Niya. Hindi ko iniibig na mag-angat kayo sa akin higit sa kalagayan kong pinaglagyan sa akin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."} Nagsalaysay nito si Imān An-Nasā’īy nang may kawing ng pagkapaabot na mahusay.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagbibigay-babala sa mga tao laban sa pagpapakalabis.
Ang Ikalawa: Ang nararapat na sabihin ng sinumang sinabihan na: "Ikaw ay amo namin."
Ang Ikatlo: Ang sabi niya: "huwag ngang tumangay sa inyo ang demonyo" gayong sila ay hindi nagsabi maliban ng totoo.
Ang Ikaapat: Ang sabi niya: "Hindi ko iniibig na mag-angat kayo sa akin higit sa kalagayan kong pinaglagyan sa akin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."
Kabanata: Ang Nasaad sa Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Ang lupa sa kalahatan ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya higit sa anumang itinatambal nila sa Kanya.} (Qur'ān 39:67)
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang pantas [na Hudyo] kabilang sa mga pantas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Muḥammad, tunay na kami ay nakatatagpo na si Allāh ay maglalagay ng mga langit sa isang daliri, ng mga lupa sa isang daliri, ng mga punong-kahoy sa isang daliri, ng tubig sa isang daliri, ng mga alabok sa isang daliri, at ng nalalabi sa nilikha sa isang daliri, saka magsasabi Siya: 'Ako ay ang Hari.'" Kaya naman tumawa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa lumitaw ang mga ngipin bago ng bagang niya bilang pagpapatotoo sa sabi ng pantas. Pagkatapos bumigkas siya: {Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya samantalang ang lupa ay lahatang isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon...}" (Qur'ān 39:67)}
Sa isang salaysay ni Imām Muslim: "[maglalagay] ng mga bundok at mga punong-kahoy sa isang daliri...Pagkatapos magyayanig Siya ng mga ito saka magsasabi: Ako ay si Allāh."
Sa isang salaysay ni Imām Al-Bukhārīy: "...maglalagay ng mga langit sa isang daliri, ng tubig sa isang daliri, ng mga alabok sa isang daliri, at ng nalalabi sa nilikha sa isang daliri..." Nagtala nito ang Dalawa.
Batay kay Imām Muslim, ayon kay Ibnu `Umar bilang ḥadīth na marfū`: {"Magbabalumbon si Allāh ng mga langit sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos kukunin Niya ang mga ito sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: 'Ako ang Hari. Nasaan ang mga palasupil? Nasaan ang mga nagpapakamalaki?' Pagkatapos magbabalumbon Siya ng pitong lupa. Pagkatapos kukunin Niya ang mga ito sa pamamagitan ng kaliwang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: 'Ako ang Hari. Nasaan ang mga palasupil? Nasaan ang mga nagpapakamalaki?'"}
Naisalaysay ayon kay Ibnu `Abbās na nagsabi: "Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng isang buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo."
Nagsabi si Ibnu Jarīr: Nagsanaysay sa akin si Yūnus: Nagpabatid sa amin si Ibnu Wahb, na nagsabi: Nagsabi si Ibnu Zayd: Nagsanaysay sa akin ang ama ko na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang iba ang pitong langit [sa paghahambing] sa silya [ni Allāh] kundi gaya ng pitong dirham na hinulma sa isang kalasag."}
Nagsabi siya: Nagsabi si Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang iba ang silya [sa paghahambing] sa trono kundi gaya ng isang singsing na bakal na itinapon sa gitna ng malawak na disyerto ng lupa."}
Ayon kay Ibnu Mas`ūd na nagsabi: {Sa pagitan ng langit na pinakamababa at ng sumusunod dito ay may limang daang taon [na layo]. Sa pagitan ng bawat langit at isang langit ay may limang daang taon [na layo]. Sa pagitan ng ikapitong langit at ng silya ay may limang daang taon [na layo]. Sa pagitan ng silya at ng tubig ay may limang daang taon [na layo]. Ang trono ay nasa ibabaw ng tubig. Si Allāh ay nasa ibabaw ng trono. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo.} Nagtala nito si Ibnu Mahdīy, ayon kay Ḥammād bin Salamah, ayon kay `Āṣim, ayon kay Zarr, ayon kay `Abdullāh. Nagsalaysay ayon sa tulad nito si Al-Mas`ūdīy, ayon kay `Āṣim, ayon kay Abū Wā’il, ayon kay `Abdullāh. Nagsabi nito si Al-Ḥāfiḍ̆ Adh-Dhabīy – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya). Nagsabi siya: Mayroon itong mga paraan [ng pagpapaabot].
Ayon kay Al-`Abbās bin `Adulmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaaalam kaya kayo kung ilan [ang layo] sa pagitan ng langit at lupa?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "Sa pagitan ng dalawang ito ay may agwat ng limang daang taon [na layo]. Mula sa bawat langit patungo sa isang langit ay may agwat ng limang daang taon [na layo]. Ang kapal ng bawat langit ay agwat ng limang daang taon [na layo]. Sa pagitan ng ikapitong langit at trono ay may isang dagat na sa pagitan ng ibaba nito at ng itaas nito ay may [layo na] gaya ng nasa pagitan ng langit at lupa. Si Allāh (napakataas Siya) ay nasa ibabaw niyon. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga anak ni Adan."}
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud at iba pa sa kanya.
Kaugnay rito ay may mga usapin:
Ang Una: Ang pagpapakahulugan sa sabi Niya (napakataas Siya): {samantalang ang lupa ay lahatang isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon.}
Ang Ikalawa: Tunay na ang mga kaalamang ito at ang mga tulad nito ay nananatili sa mga Hudyo na nasa panahon niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na hindi nagkakaila ng mga ito at hindi nagbibigay-pakahulugan ng mga ito.
Ang Ikatlo: Na ang pantas, noong bumanggit ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay pinaniwalaan ito ng Propeta, at bumaba ang [talata ng] Qur'ān nang may pagkilala niyon.
Ang Ikaapat: Ang pagkaganap ng pagtawa mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong bumanggit ang pantas ng dakilang kaalamang ito.
Ang Ikalima: Ang tahasang pagpapahayag ng pagbanggit sa mga kamay [ni Allāh] at na ang mga langit ay sa kanang kamay at ang mga lupa ay sa kabila.
Ang Ikaanim: Ang tahasang pagpapahayag ng pagtawag dito na kaliwa.
Ang Ikapito: Ang pagbanggit sa mga palasupil at mga nagpapakamalaki sa sandaling iyon.
Ang Ikawalo: Ang sabi niya: "gaya ng isang buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo."
Ang Ikasiyam: Ang kalakihan ng silya sa paghahambing sa langit.
Ang Ikasampu: Ang kalakihan ng trono sa paghahambing sa silya.
Ang Ikalabing-isa: Na ang trono ay iba pa sa silya at tubig.
Ang Ikalabindalawa: Kung ilan [ang layo] sa pagitan ng bawat langit patungo sa isang langit.
Ang Ikalabintatlo: Kung ilan [ang layo] sa pagitan ng ikapitong langit at ng silya.
Ang Ikalabing-apat: Kung ilan [ang layo] sa pagitan ng silya at tubig.
Ang Ikalabinlima: Na ang trono ay nasa ibabaw ng tubig.
Ang Ikalabing-anim: Na si Allāh ay nasa ibabaw ng trono.
Ang Ikalabimpito: Kung ilan [ang layo] sa pagitan ng langit at lupa.
Ang Ikalabingwalo: Ang kapal ng bawat langit ay limang daang taon [na layo].
Ang Ikalabingsiyam: Na ang dagat na nasa ibabaw ng mga langit ay may limang daang taon [na layo sa pagitan ng] itaas nito at ibaba nito. Si Allāh ay higit na maalam.
Natapos ang Aklat ng Tawḥīd dahil sa kabutihang-loob ni Allāh (napakataas Siya).