الأذكار التي تقال صباحًا ومساءً

الأذكار التي تقال صباحًا ومساءً

الأذكار التي تقال صباحًا ومساءً كتبها بخط يده فضيلة الشيخ العلامة محمد بن صالح العثيمين من صحيح الأذكار الثابتة عن النبي -صلى الله عليه وسلم-

Language: lang_tl
Prepared by:
Version: 2.0
Translations 56
Amharic Assamese Azerbaijani Bengali +52
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Sa ngalan ni Allah, ang Mahabagin, ang Maawain Mga Dhikr [Pag-alaala] na binibigkas sa umaga at hapon

( Allahu laa ilaaha illaa huwal hayyul Qayyuum, la ta`khudhuhu sinatuw walaa nawm, lahu maa fis samaawaati wamaa fill-ardh, man dhalladhii yashfa-`u `endahu illa bi-idhnihi, ya`lamu maa bayna aydiihim wamaa khalfahum, walaa yuheetuuna bishay-in min elmihii illa bimaa shaa, wasi-`a kursiyyuhus samaawati wal-ardh, walaa ya-`udhuhu hifdhuhumaa wahuwal `aliyyul `a`dheem) Si Allah, walang diyos na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Buhay, at ang patuloy na Tagapagpanatili [ng lahat]. Ang antok at idlip ay hindi makapananaig sa Kanya, sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Sino ba ang maaaring [makiusap upang] makapamagitan sa Kanya, malibang Kanyang pahintulutan. Kanyang nababatid ang anumang mangyayari sa kanila [ sa kabilang buhay] at kailanman ay hindi nila matatarok ang anumang bagay mula sa Kanyang nais. Ang Kanyang Kursi ay sumasakop[ sumasaklaw at umaabot] sa mga kalangitan at kalupaan. At [Siya ay] walang kapaguran sa pananatili sa kanila. At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila. [Al-Baqarah: 255] ( Ayatul Kursi)

(Aamanar rasuulu bimaa unzila ilayhi min rabbihi wal mu`minuun, Kullun Aamana billahi wa malaa-ikatihi wa kutubihi wa rusulih, laa nufarriqu bayna ahadim mir rusulih, wa qaaluu same`ena wa ata`na ghufraanaka rabbanaa wa ilaykal maseer) Ang Sugo si Muhammad] ay naniwala sa anumang ibinaba [o ipinahayag] sa kanya mula sa kanyang Panginoon at gayundin ang mga naniniwala. Silang lahat ay naniwala kay Allah at sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat at sa Kanyang mga sugo. [Sila ay nagsasabing]: "Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng sinuman sa Kanyang mga sugo," At sila ay nagsasabing: "aming narinig at aming sinunod.[Hangad po namin ang] Iyong kapatawaran, Aming Panginoon, at sa Iyo ang [aming huling] patutunguhan". (Laa yukallifullaahu nafsan illa wus-`aha, laha maa kasabat wa `alayha maktasabat, Rabbanaa laa tu-akhidhnaa in nasiyna aw akhta`na, Rabbanaa walaa tahmil `alaynaa isran kamaa hamaltahuu alalladheena min qablina, Rabbanaa walaa tuhammilna maalaa taaqata lanaa bihi, wa`fu `anna waghfirlanaa warhamnaa, anta mawlaana fansurnaa `alal qawmil kaafireen. Si Allah ay hindi magbibigay- pasanin sa isang kaluluwa maliban sa [abot ng] kakayahan nito. Makakamit nito ang [bunga ng] anumang [buting] pinagsumikapan nito, at papasanin nito ang [bunga ng] anumang [kasamaang] pinagsumikapan nito. " [O Allah] aming Panginoon, huwag Mong ipapataw ang sumbat sa amin kung kami man ay nakalimot o nagkamali, " [O Allah] aming Panginoon, huwag Mong iatang sa amin ang pasaning iniatang Mo sa mga nauna sa amin, " [O Allah], aming Panginoon, huwag Mong ipapasan sa amin ang anumang [ mga pasanin] na wala kaming kakayahan [magpasan ]para rito.Ipagpaumanhin Mo kami [sa aming mga kasalanan] at kahabagan Mo kami, Ikaw ang aming Tagapagtanggol, kaya igawad Mo sa amin ang tagumpay laban sa mga di-naniniwala. [Al-Baqarah: 285-286]

( Qul huwa -llāhu aḥad.) (Sabihin mo: "Siya, si Allah, ay iisa.) (Qul a`-udhu birabbil falaq) (Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway) Qul a`ūdhu birabbi -nnās, (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,) Ang buong tatlong kabanata ay bibigkasin ng tatlong beses

(A'ūdhu bikalimātillāhit tāmmāti min sharri ma khalaq) Nagpapakupkop ako sa lubos na mga salita ni Allah laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya tatlong ulit

"Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm. (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anuman sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam.)" tatlong ulit

"Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-l'islāmi dīnan, wa-bi-muḥammadin ṣalla –llāhu `alayhi wa-sallama nabīyā. (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – bilang Propeta.)" tatlong ulit

Aṣbaḥnā wa aṣbaḥa -lmulku lillāhi wa -lḥamdu lillāh; lā ilāha illa -llāh, waḥdahu lā sharīka lah, lahu -lmulku wa lahu -lḥamdu, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr; rabbi as'aluka khayra mā fī hādha -lyawmi wa khayra mā ba`dahu; wa a'ūdhu bika min sharri ma fī hādhal yawmi wamin sharri mā ba'dahu, rabbi a`ūdhu bika minal -lkasali wal harami wa sū'i -lkibari; a`ūdhu bika min `adhābin nnāri wa `adhābin fi -lqabr. (Sumapit kami sa umaga at nanatili sa umaga na ang paghahari ay kay Allah. Ang papuri ay ukol kay Allah. Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa lahat ng bagay ay Makapangyarihan. Panginoon ko, hinihiling ko sa Iyo ang mabuti sa araw na ito at ang mabuti pagkatapos nito, at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa masama sa araw na ito at sa masama pagkatapos nito. Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa katamaran at sa kasagwaan ng katandaan. Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa isang pagdurusa sa Apoy at sa isang pagdurusa sa libingan.) At sa hapon naman ay bigkasin ang: (Amsaynā wa amsal mulku lillāh) Sumapit kami sa hapon , at nanatili sa hapon na ang Paghahari ay kay Allah at bigkasin ang: (Rabbi as-aluka khayra mā fī hādhihil laylah) Panginoon ko, hinihiling ko ang mabuti sa gabing ito... hanggang sa dulo nito, at papalitan ang (Asbahnā wa asbaha) at ang ( hādha-lyawmi)

(Allāhumma bika asbahnā wa bika amsayna wa bika nahyā wabika namūtu wa ilaykan nushūr) O Allah, kami ay pumapasok sa umaga sa pamamagitan Mo at kami ay pumapasok sa gabi sa pamamagitan Mo. Nabubuhay kami sa Iyo at namamatay kami sa Iyo at sa Iyo kami ay titipunin At sa hapon naman ay bigkasin ang: (Allāhumma bika amsaynā wa bika asbahnā wa bika namūtu wabika nahyā wa ilayka -lmasēr) O Allah, kami ay pumapasok sa gabi sa pamamagitan Mo at kami ay pumapasok sa umaga sa pamamagitan Mo. Namamatay kami sa Iyo at nabubuhay kami sa Iyo at sa Iyo kami ay babalik

Allāhumma mā aṣbaḥa bī min ni`matin aw bi'aḥadim min khalqika faminka waḥdaka lā sharīka laka, falaka -lḥamdu wa laka -shshukru. (O Allah, ang anumang inumaga sa akin na biyaya o sa isa sa nilikha Mo ay mula sa Iyo: tanging sa Iyo, wala Kang katambal; kaya ukol sa Iyo ang papuri at ukol sa Iyo ang pasasalamat.) At sa hapon naman ay bigkasin ang: Allāhumma mā amsā bī

tatlong ulit

Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa -l'ākhirah, allāhumma innī as-aluka -l`afwa wa -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma -stur `awrātī wa āmin raw`ātī, allāhumma -ḥfađnī mim bayni yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allah, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allah, pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako traydurin mula sa ilalim ko.)

Allāhumma anta rabbī, lā ilāha illā anta, khalaqtanī wa anā `abduka, wa anā `alā `ahdika wa wa`dika ma -staṭa`tu, a`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu, abū'u laka bini`matika `alayya, wa abū'u bidhambī, faghfir lī fa'innahū lā yaghfiru -dhdhunūba illā ant. (O Allah, Ikaw ang Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa masama sa nagawa ko. Kinikilala ko sa Iyo ang biyaya Mo sa akin. Kinikilala ko sa Iyo ang kasalanan ko kaya patawarin Mo ako sapagkat walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)

Allāhumma fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍi, `ālima -lghaybi wa -shshahādati , rabba kulli shay'in wa malīkahu, ashhadu an lā ilāha illā anta, a`ūdhu bika min sharri nafsī, wa min sharri -shshayṭāni wa shirkihi, wa an aqtarifa `alā nafsī sū'an aw ajurrahu ilā muslim. (O Allah, Tagapaglalang ng langit at lupa, ang Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksi, Panginoon ng bawat bagay at Tagapagmay-ari nito, sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng sarili ko, laban sa kasamaan ng Demonyo at pagtatambal nito, at [laban sa] paggawa ko sa sarili ko ng isang kasagwaan o pagdulot niyon sa isang Muslim.)

Allāhumma innī asbahtu wa ush-hiduka, wa ush-hidu hamalata 'arshika, wa malā-ikatika, wa jamī-à khalqika, annaka anta-llāhu lā ilāha illā anta wahdaka lā sharīka lak, wa anna Muhamadan àbduka wa rasūluka (O Allah, sumapit sa akin ang umaga at ako ay nananawagan sa Iyo, sa mga nagdadala ng Iyong Trono, sa Iyong mga anghel, at sa lahat ng Iyong nilikha upang sumaksi na Ikaw ay si Allah, walang diyos maliban sa Iyo, at si Muhammad ay Iyong Lingkod at Sugo) At sa hapon ay Allāhumma innī amsaytu hanggang sa dulo nito (apat na ulit)

"Lā 'ilāha 'illa –llāhu waḥdahu lā s̆arīka lah, lahu –lmulku wa lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli s̆ay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa lahat ng bagay ay May-kakayahan.)" (100x) sa umaga at hapon

Ḥasbiya -llāhu lā ilāha illā huwa; `alayhi tawakkaltu, wa huwa rabbu -l`arshi -l`ađīm. (Sapat sa akin si Allah. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ako nanalig at Siya ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki.) (pitung ulit)

Subhānallāhi wa bihamdih (Napakaluwalhati ni Allah at kalakip ng papuri sa Kanya) (100x) sa umaga at hapon o sa dalawang ito.

Astaghfirullāha wa atūbu ilayhi (Humihingi ako ng tawad kay Allah at nagbabalik-loob ako sa Kanya) (100x)

Ito ang naging magaan sa pagsulat nito at hinihiling ko kay Allah na ito ay magbigay pakinabang.

Isinulat ni Muhammad Sālih Al-Ùthaimen noong 20-1-1418h