زيارة غار حراء

زيارة غار حراء

Ang Pagdalaw sa Yungib ng Ḥirā'

Language: lang_tl
Prepared by: Ang Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Version: 1.0
Translations 11
Amharic Bengali English Persian +7
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Ang Pagdalaw sa Yungib ng Ḥirā'

ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika

Naroroon ang Yungib ng Ḥirā' sa tuktok ng Jabal Nur (Bundok ng Liwanag) sa hilagang silangan ng Makkah Mukarramah. Tinataya ang taas ng bundok sa 634 metro.

Ang Yungib ay lubhang masikip na hindi nakapagkakasya sa higit sa tatlong tao sa pag-upo.

Ang Propeta nating marangal na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-iisa noon sa Yungib bago ng pagkapropeta sa mga gabing mangilan-ngilan at lalo na sa Ramaḍān para mag-isip at magbulay-bulay sa kaharian ni Allāh sa mga langit at lupa habang malayo sa mga tao. Naging isinakaibig-ibig na sa kanya ang pagsasarili.

Namumukod ang lugar na ito dahil sa mga katangiang kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito ang sumusunod:

Ito ay malayo sa kaingayan ng mga tao at panggagambala nila sapagkat ang bundok ay mahirap akyatin at ang daan ay isang matarik na balakid. Ito ay nalalayo sa Ka`bah nang humigit-kumulang dalawang kilometro. Nagkaroon dati ng isang siwang sa dakong kanluran ng Yungib, na makikita mula roon ang Pinarangalang Ka`bah kaya ito ay isang tagapag-anyaya ng pagbubulay-bulay at pag-iisip-isip.

Sa mapanglaw na lugar na ito at sa ibabaw ng tuktok ng baku-bakong bundok na iyon nagsimula ang pagsusugo sa marangal na Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at bumaba sa kanya ang kauna-unahan sa mga talata ng Qur'ān: {Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,} (Qur'ān 96:1)

Pagkatapos bumalik siya kay Khadījah (malugod si Allāh dito), na nangangambang nanghihilakbot dahil sa pangingilabot sa nakita niya, habang siya ay nagsasabi: "Balutin ninyo ako, balutin ninyo ako."[1] Basbasan siya ni Allāh, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya, at pangalagaan nang maraming pangangalaga hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

Kapatid kong Muslim na nagsasadya sa Yungib ng Ḥirā'. [1] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: Kitāb At-Tafsīr, numero 4642; at Imām Muslim: Kitāb Al-Īmān, Bāb Bad' Al-Waḥy Ilā Rasūl Allāh (ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam), numero 160.

Tunay na ang pagbabasa ng Muslim at ang pag-alam nito ng talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang utos dito. Ang kahalagahan niyon ay para sa pagpapakatulad sa kanya bilang isang tinutularan para sa atin sa lahat ng mga kalagayan niya at mga pumapatungkol sa kanya. Subalit ang hindi bahagi ng Relihiyon ni nagsaad nito ang dinalisay na Batas, bagkus naisaad ang pagsaway laban doon, ay ang maaaring ginagawa ng ilan sa mga tagadalaw – magpatnubay nawa sa atin si Allāh at sa kanila – na mga bagay-bagay na sumasalungat sa inihatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapatnubayan at paggabay, gaya ng mga nagpapahid-pahid sa mga bato at humihiling ng pagpapala sa mga punong-kahoy o gaya ng mga humahalik sa mga ito at dumidila sa mga ito o iba pa sa mga ito na mga gawaing minamasama.

Gumawa kaya ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng anuman mula roon o nag-utos nito o gumawa nito matapos niya ang mga Kasamahan niyang mararangal (malugod si Allāh sa kanila)? Aba hindi! Isang libong aba hindi! Ang higit na mabigat pa kaysa roon sa kabuuan niyon sa kasalanan ay ang mga nagpapasaklolo sa iba pa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sapagkat sa tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), nagsabi siya rito: "O bata, alalahanin mo si Allāh, alalahanin ka Niya. Alalahanin mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. ..."[2]

Alang-alang doon, kinailangan sa ating lahat ang pagpapayo sa kanila at ang pagtutol sa kanila batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay baguhin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.[3] [2] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy: Abwāb Ṣifah Al-Qiyāmah Wa Ar-Raqā'iq, numero 2516; Imām Aḥmad: Musnad `Uthmān Bin `Affān, numero 2763.

Ito ay bahagi ng karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim. Bahagi ng pagsunod ng tao sa utos ng Panginoon niya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) ang nasaad sa Sūrah Al-`Aṣr: {maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.} (Qur'ān 103:3) [3] Nagtala nito si Imām Muslim: Kitāb Al-Īmān, Kabanata: Ang paglilinaw sa pagiging ang pagsaway laban sa nakasasama ay bahagi ng pananampalataya, na ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan, at na ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama ay mga kinakailangan; numero 49.

Gayundin naman, ang ilan sa mga tao ay nagsasadya sa Yungib ng Ḥirā' sa sandali ng pagdalaw niya [sa Makkah] para sa ḥajj o para sa `umrah o para sa iba pa roon. Nagpapakatiis siya sa mga pasakit, nagbabata siya sa mga hirap, at pumapagod siya ng sarili niya sa isang gawaing ipinagpapalagay niya na ito ay isang pampalapit-loob sa ganang kay Allāh. Ang totoo ay hindi ganoon. Bagkus ang tulad nito ay pumapagod ng sarili niya sa isang walang pampalapit-loob dito at walang pagtalima kay Allāh; bagkus nasadlak siya rito sa sinaway ni Allāh.

Ang ilang kabilang sa kanila – magpatnubay nawa sa kanila si Allāh – ay nagsasagawa ng ilan sa mga gawaing nakikisalungatan sa paanyaya ng Tawḥīd na inihatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o gumagawa ng ilan sa mga bid`ah na ipinauso na yumuyurak sa kalubusan ng pananampalataya.

Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapakamananamba nga noon kay Allāh sa Yungib ng Ḥirā' bago ng pagbaba ng pagkasi sa kanya mula sa langit. Matapos ng pagsusunuran ng pagbaba ng pagkasi, hindi na siya nagsadya roon para manalangin ni para magdasal ni para sa iba pa roon.

Nanatili nga siya sa Makkah nang humigit-kumulang sa 13 taon, na hindi napagtibay buhat sa kanya na siya ay nagsadya sa Yungib ng Ḥirā' ni sa iba pa roon na mga lugar na ipinagpapalagay ng ilan sa mga tao na ang pagdalaw sa mga iyon ay isinasakaibig-ibig at pampalapit-loob kay Allāh.

Tunay na ang kaisa-isahang pook sa Makkah na isinasabatas ang pagsadya roon para sa pagsamba, pagdarasal, at pagdalangin ay ang Masjid na Pinakababanal lamang.

Hinggil naman sa mga lugar na pinagsasagawaan ng ḥajj ng tagapagsagawa ng ḥajj: ang `Arafah, ang Minā, at ang Muzdalifah, tunay na hindi isinasabatas ang pagsadya sa mga iyon kundi sa mga nalalamang araw ng ḥajj para sa bawat Muslim. Ito ay hindi ginagawa kundi sa mga itinatanging araw alinsunod sa isinabatas ni Allāh, na walang pagpapauna sa mga ito at walang pagpapahuli. Tanging sinasadya ang Masjid na Pinakababanal lamang. Walang hangganan sa oras nito gaya ng tumpak na nasaad sa hadith: "O mga anak ni `Abdumanāf, huwag kayong pumigil sa isang lumibot sa Bahay na ito at nagdasal sa alinmang oras na niloob niya sa gabi at maghapon." Nagsalaysay nito ang mga tagakalap ng mga sunnah.[4]

Kapatid kong Muslim na minamahal, kapag ang tatlong pinagdarausan ng pagsamba: ang `Arafah, ang Minā, at ang Muzdalifah; at ang mga pinagpupukulan na isinabatas ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga tao mula sa panahon ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) – at sinabing mula sa panahon ni Adan – ay pinaglalaanan ng isang panahon at isang kalagayang itinatakda, papaano matutumpak na mag-imbento ang mga tao ng mga iba pang lugar na pagsasadyaan nila para sa pagsamba at pampalapit-loob at gagawin nila ang mga oras nito na walang-takda para sa sinumang nagnais pumunta sa bawat panahon sa gaya ng Yungib ng Ḥirā' at iba pa roon? [4] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy: Abwāb Al-Ḥajj, Bāb Mā Jā'a Fi Aṣ-Ṣalāh Ba`da Al-`Aṣr Wa Ba`da Aṣ-Ṣubḥ Li-Man Yaṭūf, numero 868; Imām An-Nasā'īy: Kitāb Al-Mawāqīt, Bāb Ibāḥah Aṣ-Ṣalāh Fi As-Sā`āt Kullihā Bi-Makkah, numero 585.

Matapos ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsadya siya sa Makkah nang ilang ulit ngunit hindi na siya pumunta sa Yungib ng Ḥirā' magpakailanman. Kung sakaling ito ay naging isinasabatas at pampalapit-loob, talaga sanang nagsadya siya roon at talaga sanang naging siya ang pinakamarapat sa mga tao sa pagsasadya sa Yungib ng Ḥirā' dahil siya noon ay nagpapakamananamba roon bago ng pagkapropeta at may isang dakilang alaalang hindi nangyari sa isa man bago niya ni matapos niya.

Nalalaman na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng ikaapat na `umrah niya kasama ng ḥajj ng pamamaalam. Nagsagawa ng ḥajj kasama sa kanya ang mga pagkarami-rami sa mga Muslim, na walang nagpaiwan sa pagsasagawa ng ḥajj kasama niya kundi ang sinumang niloob ni Allāh. Sa panahong iyon sa kabuuan niyon, hindi siya, ni ang isa sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), umakyat sa Yungib ng Ḥirā' ni dumalaw roon ni sa anuman sa mga pook na nasa paligid ng Makkah. Hindi nagkaroon ng isang pagsamba kundi sa Masjid na Pinakababanal; sa pagitan ng Ṣafā at Marwah; at sa Minā, Muzdalifah, at `Arafah. Pagkatapos matapos ng mga Matinong Khalīfah niya at iba pa sa kanila kabilang sa mga nangungunang kauna-unahan, hindi sila tumatahak papunta sa Yungib ng Ḥirā' at sa dako roon para magdasal doon at manalangin o magkamit ng pagpapala sa tabi niyon.

Kung sakaling ito ay naging isang isinasabatas na isinasakaibig-ibig na naggagantimpala si Allāh rito, talaga sanang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naging pinakamaalam sa mga tao roon at pinakamaibigin doon kaysa sa sinuman matapos nila. Kaya kung hindi sila gumawa ng anuman mula roon, nalalaman na ito ay kabilang sa mga ipinausong bid`ah na sinasaway sa Batas at sa Relihiyon. Kaya naman ang sinumang sumuway matapos niyon at nagturing dito bilang isang pagsamba, isang pampalapit-loob, at isang pagtalima, sumunod nga siya sa iba pa sa landas nila at nagsabatas nga siya sa Relihiyon ng hindi nagpahintulot niyon si Allāh. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.} (Qur'ān 33:21)