Skip to content

"Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}

Ayon kay Abū Muḥammad Al-Ḥasan bin Alīy bin Abī Ṭālib – ang apo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sinisinta nito – na nagsabi: {... Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}

«دَعْ مَا يَرِيبُك إلَى مَا لَا يَرِيبُكَ».

Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām An-Nasā'īy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng anumang nagdududa ka hinggil dito kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa anumang hindi nagdududa ka hinggil dito kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Kailangan sa Muslim ang pagbatay ng mga nauukol sa kanya sa katiyakan at ang pag-iwan sa pinagdududahan, at na siya sa pagrerelihiyon niya ay maging batay sa isang pagkatalos.

Ang pagsaway laban sa pagkasadlak sa mga maling akala.

Kapag ninais mo ang kapanatagan at ang kapahingahan, iwan mo ang pinagdududahan at itapon mo sa tabi.

Ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya yayamang nag-utos Siya sa kanila ng may dulot na kapahingahan ng kaluluwa at isip at sumaway Siya sa kanila laban sa may dulot na pagkabagabag at pagkalito.

Ang mga Sanggunian

Sunan An-Nasā'īy (8/ 327) (5711).

Sunan At-Tirmidhīy (4/ 286) (2518).

Musnad Aḥmad (3/ 248) (1723).

Ang Karagdagan (5)

التحفة الربانية في شرح الأربعين حديثًا النووية.

لإسماعيل الأنصاري (ص29).

شرح الأربعين النووية.

لابن عثيمين (ص153).

فتح القوي المتين في شرح الأربعين وتتمة الخمسين للنووي وابن رجب (ص56).