Skip to content

Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya."}

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang ): {Siya ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi; sumpa man sa Ka`bah." Kaya nagsabi ang Anak ni `Umar: "Huwag kang manumpa sa iba pa kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:

Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya."}

«مَنْ حَلَفَ بِغَيْرِ اللهِ فَقَدْ كَفَرَ أَوْ أَشْرَكَ».

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh at sa iba pa sa mga pangalan Nito at mga katangian Nito, tumanggi nga siyang sumampalataya kay Allāh o nagtambal nga siya dahil ang panunumpa ay humihiling ng pagdakila sa pinanunumpaan at ang kadakilaan ay tanging ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Kaya naman walang panunumpa kundi kay Allāh at sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Ang panunumpang ito ay kabilang sa Maliit na Shirk subalit kung sakaling ang nanunumpa ay nagdakila sa pinanunumpaan niya gaya ng pagdakila kay Allāh (napakataas Siya) o higit na matindi, sa sandaling iyon ito ay nagiging kabilang sa Malaking Shirk.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

من حلف: الحلف: اليمين، وهي توكيد الحكم بذكر معظّم تطمئن له نفس المخاطب.

كفر أو أشرك: يحتمل أن يكون هذا شكًّا من الراوي، ويحتمل أن تكون "أو" بمعنى الواو فيكون كفر وأشرك.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagdakila sa pamamagitan ng panunumpa ay isang karapatan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Kaya naman walang panunumpa kundi kay Allāh at sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.

Ang pagsisigasig ng mga Kasamahan sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, lalo na kapag ang nakasasama ay bahagi ng anumang nauugnay sa Shirk o Kufr (Kawalang-pananampalataya).

Ang mga Sanggunian

Sunan At-Tirmidhīy (3/ 194) (1535).

Sunan Abī Dāwud (5/ 154- 155) (3251).

Musnad Aḥmad (9/ 249) (5346).

(9/ 275) (5375).

(10/ 249) (6072).

(1/ 343).

Ang Karagdagan (11)

فتح المجيد شرح كتاب التوحيد.

لعبد الرحمن التميمي (ص413).

القول المفيد على كتاب التوحيد.

لابن عثيمين (2/ 214).

الملخص في شرح كتاب التوحيد.

لصالح الفوزان (ص326).

الجديد في شرح كتاب التوحيد.

لمحمد القرعاوي (ص365).

التمهيد لشرح كتاب التوحيد.

لصالح آل الشيخ (ص452).

فتاوى اللجنة الدائمة.