Skip to content

Talaga ngang nagsagawa ako ng pagtupad sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj noong nakaraang taon. Tumupad ako sa lahat ng mga gawain ng ḥajj bukod sa ṭawāf ng ifāḍah at ṭawāf ng pamamaalam yayamang may isang maidadahilang legal na humadlang sa akin sa dalawang ito. Bumalik ako sa bahay ko sa Madīnah sa kundisyon na manumbalik ako isang araw upang magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah at ṭawāf ng pamamaalam. Dahil sa isang kamangmangan mula sa akin, kumalas nga ako mula sa bawat bagay [na bawal sa sandali ng iḥrām] at gumawa ako ng bawat bagay na ipinagbabawal sa sandali ng iḥrām. Nagtanong ako tungkol sa pagbabalik ko upang magsagawa ng ṭawāf ngunit sinabi sa akin: "Hindi natutumpak para sa iyo na magsagawa ng ṭawāf sapagkat nakasira ka na nito. Kailangan sa iyo ang pag-uulit, ibig sabihin: ang pag-uulit ng ḥajj sa muli sa darating na taon kalakip ng pag-aalay ng isang babaing baka o isang babaing kamelyo. Kaya ito po ba ay tumpak? Mayroon po bang iba pang solusyon? At ano po iyon? Nasira po ba ang ḥajj ko? Kailangan po ba sa akin ang pag-uulit nito? Magpabatid po kayo sa akin tungkol sa kinakailangang gawin. Pagpalain po kayo ni Allāh.

السؤال

T 1:

س51: لقد قمت بأداء فريضة الحجّ العام الماضي، وأديت جميع شعائر الحجّ ما عدا طواف الإفاضة وطواف الوداع، حيث منعني منهما عذرٌ شرعيٌّ، فرجعت إلى بيتي في الـمدينة على أن أعود في يومٍ من الأيام؛ لأطوف طواف الإفاضة وطواف الوداع، وبجهلٍ منّي بأمور الدّين فقد تحللت من كلّ شيءٍ، وفعلت كل شيءٍ يحرم أثناء الإحرام، وسألت عن رجوعي لأطوف، فقيل لي: لا يصحّ لك أن تطوفي، فقد أفسدتّه، وعليك الإعادة -أي: إعادة الحجّ مرةً أخرى- في العام المقبل، مع ذبح بقرةٍ أو ناقةٍ، فهل هذا صحيحٌ؟ وهل هناك حلٌّ آخر؟ وما هو؟ وهل فسد حجّي؟ وهل عليّ إعادته؟ أفيدوني عمّا يجب فعله، بارك الله فيكم.

الجواب

S 1:

Ito rin ay kabilang sa kasawian na nangyayari mula sa fatwā nang walang kaalaman. Ikaw sa kalagayang ito ay nangangailangan na bumalik sa Makkah at magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah lamang.

Hinggil naman sa ṭawāf ng pamamaalam, hindi kailangan sa iyo ang ṭawāf ng pamamaalam hanggat ikaw ay may regla sa sandali ng paglabas mula sa Makkah. Iyon ay dahil ang may regla ay hindi inoobliga sa kanya ang ṭawāf ng pamamaalam.

Batay ito sa ḥadīth ni Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa gawain nila ay [ṭawāf] sa Bahay [ni Allāh] ngunit siya ay nagpaumanhin sa may regla."

Sa isang salaysay ni Imām Abū Dāwud: "...na ang kahuli-hulihan sa gawain nila sa Bahay [ni Allāh] ay ang ṭawāf."

Ito ay dahil sa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong ipinabatid sa kanya na si Ṣafīyah ay nagsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah, ay nagsabi: "Kaya makahahayo na siya, samakatuwid."

Kaya nagpatunay ito na ang ṭawāf ng pamamaalam ay pinalalampas sa may regla.

Hinggil naman sa ṭawāf ng ifāḍah, walang pag-iwas sa iyo rito. Yayamang kumalas ka mula sa bawat bagay [na bawal sa sandali ng iḥrām] dahil sa kamangmangan, tunay na ito ay hindi makapipinsala sa iyo dahil ang mangmang na gumagawa ng isang anuman mula sa mga ipinagbabawal sa iḥrām ay walang anuman sa kanya.

Batay ito sa sabi Niya (napakataas Siya): {Panginoon namin, huwag Kang manisi sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} (Qur'ān 2:286)

Nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya): "Ginawa Ko nga."

Ang sabi pa Niya: {Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo.} (Qur'ān 33:5)

Kaya ang lahat ng mga ipinagbabawal na pinigil ni Allāh (napakataas Siya) sa nagsagawa ng iḥrām, kapag nakagawa siya nito, habang di-nakaaalam o nakalilimot o napipilitan, ay walang anuman sa kanya; subalit kapag naglaho ang naidadahilan niya, kinakailangan sa kanya na kumalas buhat sa anumang ikinalito niya.

ﺟ51: هذا أيضًا من البلاء الّذي يحصل من الفتوى بغير علمٍ، وأنت في هذه الحال يجب عليك أن ترجعي إلى مكة، وتطوفي طواف الإفاضة فقط.

أما طواف الوداع فليس عليك طواف وداعٍ ما دمت كنت حائضًا عند الخروج من مكة، وذلك لأن الحائض لا يلزمها طواف الوداع؛ لحديث ابن عباسٍ رضي الله عنهما:

«أُمِرَ النَّاسُ أَنْ يَكُونَ آخِرُ عَهْدِهِمْ بِالْبَيْتِ، إِلَّا أَنَّهُ خُفِّفَ عَنِ الْحَائِضِ» [1]،

وفي روايةٍ لأبي داود:

«أَنْ يَكُونَ آخِرُ عَهْدِهِمْ بِالْبَيْتِ الطَّوَافُ» [2].

ولأن النبي ﷺ لـمّا أخبر أنّ صفيّة طافت طواف الإفاضة قال:

«فَلْتَنْفِرْ إِذًا» [3]،

فدلّ هذا على أن طواف الوداع يسقط عن الحائض.

[19] أخرجه البخاري، كتاب الحج، باب طواف الوداع (1755)، ومسلم، كتاب الحج، باب وجوب طواف الوداع وسقوطه عن الحائض (380) (1328).

[20] أخرجه أبو داود، كتاب المناسك، باب الوداع (2002).

[21] أخرجه البخاري، كتاب الحيض، باب المرأة تحيض بعد الإفاضة (328)، ومسلم، كتاب الحج، الباب السابق (382) (1211).

أما طواف الإفاضة فلابد لك منه، ولـما كنت تحللت من كلّ شيءٍ جاهلةً فإن هذا لا يضرّك؛ لأن الجاهل الذي يفعل شيئًا من محظورات الإحرام لا شيء عليه؛ لقوله تعالى:

﴿...رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذۡنَآ إِن نَّسِينَآ أَوۡ أَخۡطَأۡنَاۚ...﴾

[البقرة:286]،

قال الله تعالى:

«قَدْ فَعَلْتُ» [4]،

وقوله:

﴿...وَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٞ فِيمَآ أَخۡطَأۡتُم بِهِۦ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتۡ قُلُوبُكُمۡۚ...﴾

[الأحزاب:5]،

فجميع الـمحظورات الّتي منعها الله تعالى على المحرم إذا فعلها جاهلًا أو ناسيًا أو مكرهًا فلا شيء عليه، لكن متى زال عذره وجب عليه أن يقلع عما تلبس به.

[22] أخرجه مسلم، كتاب الإيمان، باب بيان تجاوز الله تعالى عن حديث النفس (200) (126).