Ako ay papunta sa `umrah. Dumaan ako sa mīqāt habang ako ay may regla kaya hindi ako nagsagawa ng iḥrām. Nanatili ako sa Makkah hanggang sa nahinto ako sa regla saka nagsagawa ako ng iḥrām sa Makkah. Kaya ito ba ay pinapayagan? O ano ang gagawin ko? Ano ang kailangan sa akin?
السؤال
T 1:
Ako ay papunta sa `umrah. Dumaan ako sa mīqāt habang ako ay may regla kaya hindi ako nagsagawa ng iḥrām. Nanatili ako sa Makkah hanggang sa nahinto ako sa regla saka nagsagawa ako ng iḥrām sa Makkah. Kaya ito ba ay pinapayagan? O ano ang gagawin ko? Ano ang kailangan sa akin?
س54: أنا ذاهبةٌ للعمرة، ومررت بالميقات وأنا حائضٌ، فلم أحرم، وبقيت في مكة حتّى طهرت، فأحرمت من مكة، فهل هذا جائزٌ؟ أو ماذا أفعل؟ وما يجب عليّ؟
الجواب
S 1:
Ang gawaing ito ay hindi pinapayagan. Ang babaing nagnanais magsagawa ng `umrah ay hindi pinapayagan na lumampas sa mīqāt malibang nasa iḥrām, kahit pa siya ay may regla. Tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām habang siya ay may regla. Magaganap ang iḥrām niya at magiging tumpak.
Ang patunay para roon ay na si Asmā' bint `Umays na maybahay ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nanganak samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanunuluyan sa Dhulḥulayfah, na nagnanais magsagawa ng Ḥajj ng Pamamaalam. Nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Papaano po ang gagawin ko?" Nagsabi naman siya: "Magsagawa ka ng ghusl, magpasador ka ng isang tela, at magsagawa ka ng iḥrām."
Ang pagdurugo ng regla ay gaya ng pagdurugo ng nifās.
Kaya magsasabi tayo sa babaing may regla kapag dumaan siya sa mīqāt at siya ay nagnanais na magsagawa ng `umrah o ḥajj: "Magsagawa ka ng ghusl, magpasador ka ng isang tela, at magsagawa ka ng iḥrām."
Ang pagpapasador ay nangangahulugan na siya ay maglalagay sa ari niya ng napkin at magdidikit nito, pagkatapos magsasagawa ng iḥrām, maging sa ḥajj man o `umrah, subalit siya, kapag nakapagsagawa ng iḥrām at nakarating sa Makkah, ay hindi pupunta sa Bahay [ni Allāh] at hindi magsasagawa ng ṭawāf doon hanggang sa mahinto siya sa regla.
Dahil dito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā'ishah nang nagregla ito sa sandali ng pagsasagawa ng `umrah: "Gumawa ka ng ginagawa ng mga tagapagsagawa ng ḥajj ngunit huwag kang magsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa mahinto ka sa regla." Ito ay salaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy rin: "Bumanggit si `Ā'ishah na siya, noong nahinto sa regla, ay nagsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] at ng sa`y sa Ṣafā at Marwah.
Kaya nagpatunay ito na ang babae, kapag nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj o `umrah habang siya ay may regla o dinatnan siya ng regla bago ng pagsasagawa ng ṭawāf, ay hindi magsasagawa ng ṭawāf at hindi magsasagawa ng sa`y hanggang sa mahinto siya sa regla at makapagsagawa ng ghusl.
Kung sakali namang nagsagawa siya ng ṭawāf habang siya ay walang regla at matapos na nakatapos siya ng pagsasagawa ng ṭawāf ay dinatnan naman siya ng regla, tunay na siya ay magpapatuloy, magsasagawa ng sa`y kahit pa man sa kanya ay may regla, magpuputol ng buhok niya, at tatapos ng `umrah niya dahil ang sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah ay hindi isinasakundisyon para rito ang ṭahārah.
ﺟ54: هذا العمل ليس بجائزٍ، والمرأة الّتي تريد العمرة لا يجوز لها مجاوزة الميقات إلا بإحرامٍ حتى لو كانت حائضًا، فإنها تحرم وهي حائضٌ، وينعقد إحرامها، ويصحّ،
والدليل لذلك: أن أسماء بنت عميسٍ زوجة أبي بكرٍ رضي الله عنهما ولدت، والنبيّ ﷺ نازلٌ في ذي الحليفة، يريد حجة الوداع، فأرسلت إلى النبيّ ﷺ: كيف أصنع؟ قال:
«اغْتَسِلِي، وَاسْتَثْفِرِي بِثَوْبٍ، وَأَحْرِمِي» [1]،
ودم الحيض كدم النّفاس.
[24] تقدم تخريجه.
فنقول للمرأة الحائض إذا مرت بالميقات، وهي تريد العمرة أو الحج نقول لها: اغتسلي، واستثفري بثوبٍ، وأحرمي،
والاستثفار معناه: أنها تشدّ على فرجها خرقةً، وتربطها، ثم تحرم، سواء بالحجّ أو بالعمرة، ولكنها إذا أحرمت ووصلت إلى مكة لا تأتي إلى البيت، ولا تطوف به حتى تطهر، ولهذا قال النبيّ ﷺ لعائشة حين حاضت في أثناء العمرة، قال لها:
«افْعَلِي مَا يَفْعَلُ الْحَاجُّ، غَيْرَ أَلَّا تَطُوفِي فِي الْبَيْتِ حَتَّى تَطْهُرِي» [2]،
هذه رواية البخاريّ ومسلمٍ، وفي «صحيح البخاريّ» أيضًا،
«ذَكَرَتْ عَائِشَةُ أَنَّهَا لَمَّا طَهُرَتْ طَافَتْ بِالْبَيْتِ، وَبِالصَّفَا وَالْمَرْوَةِ» [3]،
فدل هذا على أن المرأة إذا أحرمت بالحجّ أو العمرة وهي حائضٌ، أو أتاها الحيض قبل الطواف، فإنها لا تطوف ولا تسعى حتى تطهر وتغتسل.
[26] البخاري، كتاب العمرة، باب عمرة التنعيم (1785).
[25] رواه البخاري، كتاب الحج، باب تقضي الحائض المناسك كلها إلا الطواف بالبيت (1650)، ومسلم، كتاب الحج، باب بيان وجوه الإحرام (120) (1211).
أما لو طافت وهي طاهرٌ، وبعد أن انتهت من الطواف جاءها الحيض، فإنها تستمرّ، وتسعى ولو كان عليها الحيض، وتقصّ من رأسها، وتنهي عمرتها؛ لأنّ السعي بين الصفا والمروة لا يشترط له الطهارة.