Talaga ngang dumating ako at ang maybahay ko mula sa Yanbu para magsagawa ng `umrah subalit nang pagdating ko sa Jeddah ay nagregla ang maybahay ko subalit ako ay nakakumpleto ng `umrah nang mag-isa, na wala ang maybahay ko. Kaya ano ang hatol kaugnay sa maybahay ko?
السؤال
T 1:
Talaga ngang dumating ako at ang maybahay ko mula sa Yanbu para magsagawa ng `umrah subalit nang pagdating ko sa Jeddah ay nagregla ang maybahay ko subalit ako ay nakakumpleto ng `umrah nang mag-isa, na wala ang maybahay ko. Kaya ano ang hatol kaugnay sa maybahay ko?
س55: لقد قدمت من ينبع للعمرة أنا وأهلي، ولكن حين وصولي إلى جدة أصبحت زوجتي حائضًا، ولكنّي أكملت العمرة بمفردي دون زوجتي، فما الحكم بالنّسبة لزوجتي؟
الجواب
S 1:
Ang hatol kaugnay sa maybahay mo ay na manatili siya hanggang sa mahinto siya sa regla, pagkatapos magsasagawa siya ng `umrah niya.
Ito ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagregla si Ṣafīyah (malugod si Allāh dito), ay nagsabi: "Mag-aantala ba sa atin siya?" Nagsabi sila: "Tunay na siya ay nagsagawa na ng ṭawāf ng ifāḍah." Nagsabi naman siya: "Kaya makahahayo na siya, samakatuwid."
Kaya ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-aantala ba sa atin siya?" ay isang patunay na kinakailangan sa babae na manatili – kapag nagregla ito bago ng ṭawāf ng ifāḍah – hanggang sa mahinto ito sa regla, pagkatapos magsasagawa ito ng ṭawāf.
Gayon din ang ṭawāf ng `umrah, tulad ito ng ṭawāf ng ifāḍah dahil ito ay isang haligi ng `umrah. Kaya kapag nagregla ang tagapagsagawa ng `umrah bago ng pagsasagawa ng ṭawāf, maghihintay siya hanggang sa mahinto siya sa regla, pagkatapos magsasagawa siya ng ṭawāf.
ﺟ55: الحكم بالنّسبة لزوجتك: أن تبقى حتى تطهر، ثم تقضي عمرتها؛ لأن النبي ﷺ لـما حاضت صفية رضي الله عنها قال:
«أَحَابِسَتُنَا هِيَ؟» قَالُوا: إِنَّهَا قَدْ أَفَاضَتْ. قَالَ: «فَلْتَنْفِرْ إِذًا» [1]،
فقوله ﷺ: «أحابستنا هي؟» دليلٌ على أنه يجب على المرأة أن تبقى -إذا حاضت قبل طواف الإفاضة- حتى تطهر، ثمّ تطوف.
[27] تقدم تخريجه.
وكذلك طواف العمرة مثل طواف الإفاضة؛ لأنه ركنٌ من العمرة، فإذا حاضت المعتمرة قبل الطواف انتظرت حتى تطهر، ثم تطوف.