Skip to content

Ang mas`ā (pinagsasagawaan ng sa`y) ay bahagi ba ng Ḥaram? Lalapit ba roon ang may regla? Kinakailangan ba sa sinumang pumasok sa Ḥaram mula sa mas`ā na magdasal ng ṣalāh ng pagbati sa masjid?

السؤال

T 1:

Ang mas`ā (pinagsasagawaan ng sa`y) ay bahagi ba ng Ḥaram? Lalapit ba roon ang may regla? Kinakailangan ba sa sinumang pumasok sa Ḥaram mula sa mas`ā na magdasal ng ṣalāh ng pagbati sa masjid?

س56: هل المسعى من الحرم؟ وهل تقربه الحائض؟ وهل يجب على من دخل الحرم من المسعى أن يصلّي تحية المسجد؟

الجواب

S 1:

Ang lumilitaw ay na ang mas`ā ay hindi bahagi ng Ḥaram. Dahil doon, gumawa sila ng isang pader na naghihiwalay sa pagitan ng mas`ā at Ḥaram subalit ito ay isang maikling pader. Walang duda na ito ay mabuti para sa mga tao dahil kung sakaling ipinasok ito sa Ḥaram at ginawang bahagi nito, talaga sanang ang babae, kapag nagregla siya sa pagitan ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y, ay mapipigilan na magsagawa ng sa`y.

Ang maibibigay ko na fatwā ay na siya – kapag nagregla siya matapos ng pagsasagawa ng ṭawāf at bago ng pagsasagawa ng sa`y – ay magsasagawa ng sa`y dahil ang mas`ā ay hindi itinuturing na bahagi ng Ḥaram.

Hinggil naman sa ṣalāh ng pagbati sa masjid, sinasabi nga: "Tunay na ang tao – kapag nagsagawa siya ng sa`y matapos ng ṭawāf, pagkatapos nanumbalik siya sa masjid – ay magdarasal niyon. Kung sakali namang nakaiwan siya ng ṣalāh ng pagbati sa masjid, walang anuman sa kanya.

Ang pinakamainam ay na samantalahin niya ang pagkakataon at magdasal siya ng dalawang rak`ah dahil sa dulot ng ṣalāh sa lugar na ito na kainaman.

ﺟ56: الّذي يظهر أن المسعى ليس من المسجد، ولذلك جعلوا جدارًا فاصلًا بينهما، لكنه جدارٌ قصيرٌ، ولا شك أن هذا خيرٌ للناس؛ لأنه لو أدخل في المسجد وجعل منه، لكانت المرأة إذا حاضت بين الطواف والسعي امتنع عليها أن تسعى.

والّذي أفتي به: أنها إذا حاضت بعد الطواف وقبل السعي فإنها تسعى؛ لأن المسعى لا يعتبر من المسجد.

وأما تحية المسجد فقد يقال: إن الإنسان إذا سعى بعد الطواف، ثم عاد إلى المسجد، فإنه يصلّيها، ولو ترك تحية المسجد فلا شيء عليه،

والأفضل أن ينتهز الفرصة، ويصلّي ركعتين؛ لـما في الصلاة في هذا المكان من الفضل.