Ang ina ko ay umabot sa edad na 65 taon. Mayroon siyang 19 taon na hindi siya nagsilang ng mga anak. Ngayon, mayroon siyang pagdurugo na tumagal na ng 3 taon. Ito ay mukhang isang karamdaman na dumating sa kanya sa yugtong iyon. Dahil siya ay sasalubong sa pag-aayuno, papaano ang ipapayo ninyo sa kanya at papaano ang gagawin ng tulad niya?
السؤال
T 1:
Ang ina ko ay umabot sa edad na 65 taon. Mayroon siyang 19 taon na hindi siya nagsilang ng mga anak. Ngayon, mayroon siyang pagdurugo na tumagal na ng 3 taon. Ito ay mukhang isang karamdaman na dumating sa kanya sa yugtong iyon. Dahil siya ay sasalubong sa pag-aayuno, papaano ang ipapayo ninyo sa kanya at papaano ang gagawin ng tulad niya?
س33: لي والدةٌ تبلغ من العمر خمسةً وستّين عامًا، ولها مدة تسع عشرة سنةً وهي لم تأت بأطفالٍ، والآن معها نزيف دمٍ، لها مدة ثلاث سنواتٍ، وهو مرضٌ -يبدو- أتاها في تلكم الفترة، ولأنها ستستقبل الصّيام، فكيف تنصحونها؟ وكيف يتصرف مثلها؟
الجواب
S 1:
Ang hatol sa tulad ng babaing ito na dumanas ng pagdurugo (hemmorage) ay na titigil siya sa ṣalāh at ayuno ayon sa haba ng naunang kinahiratiang regla niya bago ng pangyayaring ito na dinanas niya. Kaya kung bahagi ng kinahiratiang regla niya na ang regla ay dumarating sa kanya sa simula ng bawat buwan sa tagal na 6 araw, halimbawa, tunay na siya ay mananatili sa simula ng bawat buwan sa tagal na 6 araw na hindi nagdarasal at hindi nag-aayuno, saka kapag nagwakas ito ay magsasagawa siya ng ghusl, makapagdarasal siya, at makapag-ayuno.
Ang pamamaraan ng ṣalāh para sa babaing ito at mga tulad niya ay na siya ay maghuhugas ng ari niya nang lubusan, magtatapal siya rito, at magsasagawa siya ng wuḍū'. Gagawin niya iyon matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh na tungkulin. Gayon din, gagawin niya iyon kapag nagnais siya na magdasal ng sunnah sa hindi mga oras ng mga ṣalāh na tungkulin.
Sa kalagayang ito, at dahil sa hirap para sa kanya, pinapayagan sa kanya na ipagsama niya ang ṣalāh na ḍ̆uhr sa ṣalāh na `aṣr at ang ṣalāh na maghrib sa ṣalāh na `ishā̄' nang sa gayon ang gawain niyang ito ay iisa para sa dalawang ṣalāh: ang ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr,
iisa para sa dalawang ṣalāh: ang ṣalāh na maghrib at `ishā', at iisa para sa ṣalāh na fajr. Sa halip na gumawa siya niyon nang limang beses, gagawa siya niyon nang tatlong beses.
#Uulitin ko ito sa muli kaya magsasabi ako: Kapag nagnanais siya na magsagawa ng ṭahārah, maghuhugas siya ng ari niya, at magtatapal siya rito ng isang pantapal o kawangis nito nang sa gayon mangaunti ang lumalabas. Pagkatapos magsasagawa siya ng wuḍū', magdarasal siya ng ḍ̆uhr na apat na rak`ah, ng `aṣr na apat na rak`ah, ng maghrib na tatlong rak`ah, ng `ishā' na apat na rak`ah, at ng fajr na dalawang rak`ah. Ibig sabihin: siya ay hindi magpapaikli [ng mga ṣalāh] gaya ng inaakala ng ilan sa madla.
Subalit pinapayagan sa kanya na magsama ng dalawang ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr at ng dalawang ṣalāh na maghrib at `ishā'. Ang ḍ̆uhr kasama ng `aṣr ay maaaring pinahuhuli o pinauuna; at gayon din ang maghrib kasama ng `ishā', maaaring pinahuhuli o pinauuna. Kapag nagnais siya na magdasal ng sunnah sa pamamagitan ng wuḍū' na ito, walang maisisisi sa kanya.
ﺟ33: مثل هذه المرأة التي أصابها نزيف الدم حكمها: أن تترك الصلاة والصوم مدة عادتها السابقة قبل هذا الحدث الذي أصابها، فإذا كان من عادتها أن الحيض يأتيها من أول كلّ شهرٍ لمدة ستة أيامٍ مثلًا، فإنها تجلس من أول كلّ شهرٍ مدة ستة أيامٍ لا تصلّي ولا تصوم، فإذا انقضت اغتسلت وصلت وصامت.
وكيفية الصلاة لهذه وأمثالها: أنّها تغسل فرجها غسلًا تامًّا، وتعصبه، وتتوضأ، وتفعل ذلك بعد دخول وقت صلاة الفريضة، وكذلك تفعله إذا أرادت أن تتنفل في غير أوقات فرائض.
وفي هذه الحال -ومن أجل المشقة عليها- يجوز لها أن تجمع صلاة الظّهر مع العصر، وصلاة المغرب مع العشاء؛ حتى يكون عملها هذا واحدًا للصلاتين: صلاة الظّهر، والعصر.
وواحدًا للصلاتين: صلاة المغرب، والعشاء، وواحدًا لصلاة الفجر، بدلًا من أن تعمل ذلك خمس مراتٍ تعمله ثلاث مراتٍ.
وأعيده مرةً ثانيةً، فأقول: عندما تريد الطهارة تغسل فرجها، وتعصبه بخرقةٍ أو شبهها حتى يخف الخارج، ثم تتوضأ، وتصلّي الظّهر أربعًا، والعصر أربعًا، والمغرب ثلاثًا، والعشاء أربعًا، والفجر ركعتين، أي: أنها لا تقصر، كما يتوهمه بعض العامة،
ولكن يجوز لها أن تجمع بين صلاتي الظّهر والعصر، وبين صلاتي المغرب والعشاء، الظّهر مع العصر إمّا تأخيرًا أو تقديمًا، وكذلك المغرب مع العشاء إما تقديمًا أو تأخيرًا، وإذا أرادت أن تتنفل بهذا الوضوء فلا حرج عليها.