Dumating sa akin ang buwanang kinahiratiang regla sa sandali ng ṣalāh. Ano po ang gagawin ko? Magbabayad po ba ako sa ṣalāh para sa yugto ng pagreregla?
السؤال
T 1:
Dumating sa akin ang buwanang kinahiratiang regla sa sandali ng ṣalāh. Ano po ang gagawin ko? Magbabayad po ba ako sa ṣalāh para sa yugto ng pagreregla?
س32: دخلت عليّ العادة الشهرية أثناء الصلاة، ماذا أفعل؟ وهل أقضي الصلاة عن مدة الحيض؟
الجواب
S 1:
Kapag nangyari ang pagreregla matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh – gaya ng pagreregla kalahating oras matapos ng paglihis ng katanghaliang-tapat, halimbawa – tunay na siya, matapos na nahinto sa pagreregla, ay magbabayad sa ṣalāh na ito na pumasok ang oras nito habang siya ay walang regla.
Batay ito sa sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103)
Hindi siya magbabayad sa ṣalāh para sa oras ng pagreregla batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mahabang ḥadīth:
"HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?"
Nagkaisa sa hatol ang mga may kaalaman na siya ay hindi magbabayad sa ṣalāh na nakaalpas sa kanya sa sandali ng yugto ng pagreregla.
Hinggil naman sa kapag nahinto siya sa regla at may natitira sa oras [ng isang ṣalāh] nang singtagal ng isang rak`ah o higit pa, tunay na siya ay magdarasal [ng ṣalāh ng] oras na iyon na nahinto siya sa regla roon. Batay ito sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa `aṣr bago lumubog ang araw ay nakaabot nga sa `aṣr."
Kaya kapag nahinto siya sa regla sa oras ng `aṣr o bago ng pagsikat ng araw at may natitira bago ng paglubog ng araw o pagsikat nito nang singtagal ng isang rak`ah, tunay na siya ay magdarasal ng `aṣr sa unang kaso at ng fajr sa ikalawang kaso.
ﺟ32: إذا حدث الحيض بعد دخول وقت الصلاة -كأن حاضت بعد الزوال بنصف ساعةٍ مثلًا- فإنها بعد أن تطهر من الحيض تقضي هذه الصلاة التي دخل وقتها وهي طاهرٌ؛ لقوله تعالى:
﴿...إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا﴾
[النساء:103].
ولا تقضي الصلاة عن وقت الحيض؛ لقوله ﷺ في الحديث الطويل:
«أَلَيْسَتْ إِذَا حَاضَتْ لَمْ تُصَلِّ، وَلَمْ تَصُمْ؟» [1]،
وأجمع أهل العلم أنها لا تقضي الصلاة التي فاتتها أثناء مدة الحيض.
[12] تقدم تخريجه.
أما إذا طهرت، وكان باقيًا من الوقت مقدار ركعةٍ فأكثر، فإنها تصلّي ذلك الوقت الذي طهرت فيه؛ لقوله ﷺ:
«مَنْ أَدْرَكَ رَكْعَةً مِنَ الْعَصْرِ قَبْلَ أَنْ تَغْرُبَ الشَّمْسُ، فَقَدْ أَدْرَكَ الْعَصْرَ» [2]،
فإذا طهرت وقت العصر، أو قبل طلوع الشمس، وكان باقيًا على غروب الشمس أو طلوعها مقدار ركعةٍ، فإنها تصلّي العصر في المسألة الأولى، والفجر في المسألة الثانية.
[13] تقدم تخريجه.