Ang likido ba na lumalabas mula sa babae – puti man o dilaw – ay ṭāhir (dalisay ayon sa Islām) o najis (marumi ayon sa Islām)? Kinakailangan ba rito ang wuḍū' sa kabila ng pagkakaalam na ito ay lumalabas nang tuluy-tuloy? Ano ang hatol kapag ito ay naging paputul-putol, lalo na at ang karamihan sa mga babae – higit sa lahat ang mga edukada – ay nagtuturing doon bilang isang likas na pamamasa (wetness), na hindi inoobliga dahil dito ang wuḍū'?
السؤال
T 1:
Ang likido ba na lumalabas mula sa babae – puti man o dilaw – ay ṭāhir (dalisay ayon sa Islām) o najis (marumi ayon sa Islām)? Kinakailangan ba rito ang wuḍū' sa kabila ng pagkakaalam na ito ay lumalabas nang tuluy-tuloy? Ano ang hatol kapag ito ay naging paputul-putol, lalo na at ang karamihan sa mga babae – higit sa lahat ang mga edukada – ay nagtuturing doon bilang isang likas na pamamasa (wetness), na hindi inoobliga dahil dito ang wuḍū'?
س35: هل السائل الّذي ينزل من المرأة -أبيض كان أم أصفر- طاهرٌ أو نجسٌ؟ وهل يجب فيه الوضوء، مع العلم بأنه ينزل مستمرًّا؟ وما الحكم إذا كان متقطّعًا، خاصةً أن غالب النّساء -لا سيما المتعلّمات- يعتبرن ذلك رطوبةً طبيعيةً، لا يلزم منه الوضوء؟
الجواب
S 1:
Ang hayag sa akin matapos ng pagsasaliksik ay na ang likidong lumalabas mula sa babae – kapag hindi ito lumalabas mula sa pantog (bladder) at lumalabas lamang mula sa matris – ay ṭāhir subalit ito ay nakasisira sa wuḍū' kahit pa ito ay ṭāhir dahil hindi isinasakundisyon sa tagasira ng wuḍū' na ito ay maging isang najis. Ang utot nga ay lumalabas mula sa anus gayong wala itong katawan at sa kabila niyon ay nakasisira sa wuḍū'.
Batay rito, kapag lumabas iyon mula sa babae habang siya ay may wuḍū', tunay na iyon ay nakasisira ng wuḍū'. Kailangan sa kanya ang magpanibago nito.
Kung iyon ay naging tuluy-tuloy, tunay na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū' subalit magsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh kapag pumasok ang oras niyon, magdarasal siya sa oras na ito na pinagsagawaan niya ng wuḍū' para sa ṣalāh na mga tungkulin at mga sunnah, makapagbabasa siya ng Qur'ān, at makagagawa siya ng niloob niya mula sa anumang pinapayagan sa kanya.
Nagsabi rin ang mga may kaalaman ng tulad nito kaugnay sa sinumang may kawalan ng pagpigil ng ihi. Ito ay ang hatol sa likido: sa punto ng ṭahārah, iyon ay ṭāhir; at sa punto ng pagsira niyon sa wuḍū', iyon ay tagasira ng wuḍū', maliban na iyon ay maging tuluy-tuloy sa kanya. Kung iyon ay naging tuluy-tuloy, tunay na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū' subalit kailangan sa babae na magsagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh maliban sa matapos ng pagpasok ng oras at na magtatapal siya.
Hinggil naman sa kung ito ay napuputol at naging bahagi ng kinahiratiang regla nito na maputol ito sa mga oras ng ṣalāh, tunay na siya ay magpapahuli ng ṣalāh hanggang sa oras na napuputol ito hanggat hindi siya natatakot sa pagkalampas ng oras; ngunit kung natatakot siya sa pagkalampas ng oras, tunay na siya ay magsasagawa ng wuḍū', magtatapal siya, at pagkatapos ay magdarasal.
Walang kaibahan sa pagitan ng kaunti at marami sapagkat ito sa kabuuan nito ay lumalabas mula sa labasan ng ihi kaya nakasisira ang kaunti nito at ang marami nito, na kasalungatan naman sa lumalabas mula sa nalalabing bahagi ng katawan gaya ng dugo at suka sapagkat tunay na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū': hindi ang kaunti niyon at hindi ang marami niyon.
Hinggil naman sa paniniwala ng ilan sa mga babae na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū', ito ay wala akong nalalamang batayan maliban sa isang sabi ni Ibnu Ḥazm (kaawaan siya ni Allāh) sapagkat tunay na siya ay nagsabi: "Tunay na ito ay hindi nakasisira ng wuḍū'" subalit siya ay hindi bumanggit para rito ng isang patunay. Kung sakaling nagkaroon siya ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah o sa mga sabi ng mga Kasamahan, talaga sanang ito ay naging isang katwiran.
Kailangan sa babae na mangilag magkasala kay Allāh at magsigasig sa ṭahārah niya sapagkat tunay na ang ṣalāh ay hindi tinatanggap nang walang ṭahārah kahit pa man magdasal siya ng isandaang beses. Bagkus tunay na ang ilan sa mga maalam ay nagsasabi: "Tunay na ang nagdarasal nang walang ṭahārah ay tumatangging sumampalataya dahil ito ay bahagi ng pangungutya sa mga tanda ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya)."
ﺟ35: الظاهر لي بعد البحث: أن السائل الخارج من المرأة إذا كان لا يخرج من المثانة، وإنما يخرج من الرحم، أنّه طاهرٌ، ولكنه ينقض الوضوء وإن كان طاهرًا؛ لأنه لا يشترط للناقض للوضوء أن يكون نجسًا، فها هي الرّيح تخرج من الدّبر، وليس لها جرمٌ، ومع ذلك تنقض الوضوء.
وعلى هذا، إذا خرج من المرأة وهي على وضوءٍ فإنه ينقض الوضوء، وعليها تجديده.
فإن كان مستمرًّا فإنه لا ينقض الوضوء، ولكن تتوضأ للصلاة إذا دخل وقتها، وتصلّي في هذا الوقت الّذي تتوضأ فيه فروضًا ونوافل، وتقرأ القرآن، وتفعل ما شاءت ممّا يباح لها،
كما قال أهل العلم نحو هذا فيمن به سلس البول، هذا هو حكم السائل من جهة الطهارة، فهو طاهرٌ، ومن جهة نقضه للوضوء، فهو ناقضٌ للوضوء إلا أن يكون مستمرًّا عليها، فإن كان مستمرًّا فإنه لا ينقض الوضوء، لكن على المرأة ألا تتوضأ للصلاة إلا بعد دخول الوقت، وأن تتحفظ.
أما إن كان منقطعًا، وكان من عادته أن ينقطع في أوقات الصلاة، فإنها تؤخّر الصلاة إلى الوقت الّذي ينقطع فيه، ما لم تخش خروج الوقت، فإن خشيت خروج الوقت فإنها تتوضأ، وتتلجم -تتحفظ- وتصلّي.
ولا فرق بين القليل والكثير؛ لأنه كله خارجٌ من السبيل، فيكون ناقضًا قليله وكثيره، بخلاف الذي يخرج من بقية البدن كالدم والقيء، فإنه لا ينقض الوضوء، لا قليله ولا كثيره.
وأما اعتقاد بعض النّساء أنه لا ينقض الوضوء فهذا لا أعلم له أصلًا، إلا قولًا لابن حزمٍ رحمه الله، فإنه يقول: إن هذا لا ينقض الوضوء، ولكنه لم يذكر لهذا دليلًا، ولو كان له دليلٌ من الكتاب والسّنة أو أقوال الصحابة لكان حجةً.
وعلى المرأة أن تتقي الله، وتحرص على طهارتها؛ فإن الصلاة لا تقبل بغير طهارةٍ ولو صلت مئة مرةٍ، بل إن بعض العلماء يقول: إن الذي يصلّي بلا طهارةٍ يكفر؛ لأن هذا من باب الاستهزاء بآيات الله سبحانه وتعالى.