Skip to content

Kapag nahinto sa regla ang babae matapos ng fajr (madaling-araw) kaagad-agad, titigil ba siya -sa nakasisira ng ayuno- at mag-aayuno sa araw na ito at ang araw [ng ayuno] niya ay magiging tanggap sa kanya o magiging kailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng araw na iyon?

السؤال

T 1:

Kapag nahinto sa regla ang babae matapos ng fajr (madaling-araw) kaagad-agad, titigil ba siya -sa nakasisira ng ayuno- at mag-aayuno sa araw na ito at ang araw [ng ayuno] niya ay magiging tanggap sa kanya o magiging kailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng araw na iyon?

س1: إذا طهرت الـمرأة بعد الفجر مباشرةً فهل تمسك وتصوم هذا اليوم، ويكون يومها لها، أو عليها قضاء ذلك اليوم؟

الجواب

S 1:

Kapag nahinto sa regla ang babae matapos ng pagsapit ng fajr (madaling-araw), ang mga maalam kaugnay sa imsāk (pagtigil sa nakasisira ng ayuno) niya ng araw na iyon ay may dalawang pahayag:

Ang Unang Pahayag: Na ito ay nag-oobliga sa kanya ng imsāk (pagtigil sa nakasisira ng ayuno) sa natitira sa araw na iyon subalit hindi tutuusin ito na tanggap sa kanya bagkus kinakailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno. Ito ay ang tumanyag mula sa madhhab (doktrina) ni Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh).

Ang Ikalawang Pahayag: Na ito ay hindi nag-oobliga sa kanya ng imsāk sa natitira sa araw na iyon dahil ito ay isang araw na hindi natutumpak ang pag-aayuno niya rito dahil sa pagiging siya sa simula nito ay may regla na hindi kabilang sa mga kailangang mag-ayuno. Kapag hindi ito natutumpak, walang natitira sa imsāk na isang katuturan. Ang panahong ito ay isang panahon na hindi naaangkop kaugnay sa kanya dahil siya ay inuutusan ng pagtigil-ayuno sa simula ng maghapon; bagkus ipinagbabawal sa kanya ang pag-aayuno rito sa simula ng maghapon.

Ang legal na pag-aayuno ay ang pagtigil sa mga nakasisira sa pag-aayuno bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.

Ang pahayag na ito, gaya ng natutunghayan mo, ay higit na matimbang kaysa sa pahayag hinggil sa pagkakaobliga ng imsāk. Batay sa kapwa pahayag, inoobliga sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng araw na ito.

ﺟ1: إذا طهرت المرأة بعد طلوع الفجر فللعلماء في إمساكها ذلك اليوم قولان:

القول الأول: أنه يلزمها الإمساك بقية ذلك اليوم، ولكنه لا يحسب لها، بل يجب عليها القضاء، وهذا هو المشهور من مذهب الإمام أحمد رحمه الله.

والقول الثاني: أنه لا يلزمها أن تمسك بقية ذلك اليوم؛ لأنه يومٌ لا يصحّ صومها فيه؛ لكونها في أوله حائضًا ليست من أهل الصّيام، وإذا لم يصح لم يبق للإمساك فائدةٌ، وهذا الزمن زمنٌ غير محترمٍ بالنّسبة لها؛ لأنها مأمورةٌ بفطره في أول النهار، بل محرمٌ عليها صومه في أول النهار،

والصوم الشرعيّ: هو الإمساك عن المفطّرات تعبّدًا لله عز وجل من طلوع الفجر إلى غروب الشمس.

وهذا القول -كما تراه- أرجح من القول بلزوم الإمساك، وعلى كلا القولين يلزمها قضاء هذا اليوم.