Kapag ang babae ay may buwanang kinahiratiang regla na 8 araw o 7 araw, pagkatapos nagpatuloy sa kanya nang isang beses o dalawang beses ang higit doon, ano ang hatol?
- الموضوعات
- الطهارةأحكام الحيض والنفاس
- التصنيف الشرعي
- الفقهالطهارةالحيض والنفاس والاستحاضة
السؤال
T 1:
Kapag ang babae ay may buwanang kinahiratiang regla na 8 araw o 7 araw, pagkatapos nagpatuloy sa kanya nang isang beses o dalawang beses ang higit doon, ano ang hatol?
س4: إذا كانت المرأة عادتها الشهرية ثمانية أيامٍ أو سبعة أيامٍ، ثم استمرت معها مرةً أو مرتين أكثر من ذلك، فما الحكم؟
الجواب
S 1:
Kapag ang kinahiratiang regla ng babaing ito ay 6 o 7 araw, pagkatapos humaba ang yugtong ito at naging 8 o 9 o 10 o 11 araw, tunay na siya ay mananatili na hindi nagdarasal hanggang sa mahinto siya sa regla.
Iyon ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naglimita ng isang takdang limit sa regla.
Nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya): {Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: "Ito ay pinsala...} (Qur'ān 2:222)
Kaya kapag ang pagdurugong ito ay nananatili, tunay na ang babae ay nasa kalagayan niya hanggang sa mahinto siya sa regla at makapagsagawa siya ng ghusl, pagkatapos magdarasal siya. Kapag dumating ang regla sa kanya sa kasunod na buwan nang kulang doon, tunay na siya ay magsasagawa ng ghusl kapag nahinto siya sa regla kahit pa hindi ito naging ayon sa naunang yugto.
Ang mahalaga ay na ang babae, kapag ang regla ay nariyan sa kanya, ay hindi magdarasal, maging ang regla man ay naaayon sa naunang kinahiratiang regla o labis dito o kulang dito; at kapag nahinto siya sa regla ay magdarasal siya.
ﺟ4: إذا كانت عادة هذه المرأة ستة أيامٍ أو سبعةً، ثم طالت هذه المدة، وصارت ثمانيةً أو تسعةً أو عشرةً أو أحد عشر يومًا فإنها تبقى لا تصلّي حتى تطهر،
وذلك لأن النبي ﷺ لم يحد حدًّا معيّنًا في الحيض، وقد قال الله تعالى:
﴿وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡمَحِيضِۖ قُلۡ هُوَ أَذٗى...﴾
[البقرة:222]،
فمتى كان هذا الدم باقيًا فإن المرأة على حالها حتى تطهر، وتغتسل، ثم تصلّي، فإذا جاءها في الشهر الثاني ناقصًا عن ذلك فإنها تغتسل إذا طهرت وإن لم يكن على المدة السابقة.
والمهمّ أن المرأة متى كان الحيض معها موجودًا فإنها لا تصلّي، سواءٌ كان الحيض موافقًا للعادة السابقة، أو زائدًا عنها، أو ناقصًا، وإذا طهرت تصلّي.