Kapag nahinto sa regla ang may regla at nagsagawa siya ng ghusl matapos ng ṣalāh sa fajr at nagdasal siya at nabuo niya ang ayuno ng araw niya, kinakailangan ba sa kanya ang pagbabayad sa ayuno nito?
السؤال
T 1:
Kapag nahinto sa regla ang may regla at nagsagawa siya ng ghusl matapos ng ṣalāh sa fajr at nagdasal siya at nabuo niya ang ayuno ng araw niya, kinakailangan ba sa kanya ang pagbabayad sa ayuno nito?
س2: إذا طهرت الحائض، واغتسلت بعد صلاة الفجر، وصلت، وكملت صوم يومها، فهل يجب عليها قضاؤه؟
الجواب
S 1:
Kapag nahinto sa regla ang may regla kahit pa iisang minuto bago ng pagsapit ng fajr subalit nakapagtiyak siya ng kawalang-regla, tunay na kapag siya ay nasa Ramaḍān, tunay na inoobliga sa kanya ang pag-aayuno. Ang pag-aayuno niya sa araw na iyon ay magiging tumpak. Hindi inoobliga sa kanya ang pagbabayad sa ayuno nito dahil siya ay nag-ayuno habang siya ay walang regla. Kung hindi siya nakapagsagawa ng ghusl malibang matapos ng pagsapit ng fajr ay wala namang maisisisi.
Gayon din ang lalaki – kung sakaling siya ay junub (kailangan ng paligo) dahil sa isang pakikipagtalik o isang wet dream at kumain ng saḥūr at hindi nakapagsagawa ng ghusl malibang matapos ng pagsapit ng fajr, ang pag-aayuno niya ay magiging tumpak.
Sa puntong ito, nagnanais ako na tumawag-pansin sa isa pang usapin para sa mga babae kapag dinatnan sila ng regla samantalang sila ay nakapag-ayuno na sa araw na iyon. Tunay na ang ilan sa mga babae ay nagpapalagay na ang regla – kapag dinatnan sila nito matapos ng pagtigil-ayuno nila bago sila nagdasal ng `ishā̄' – ay nasira ang ayuno sa araw na iyon.
Ito ay walang batayan. Bagkus tunay na ang regla, kapag dinatnan siya nito kahit pa man isang saglit matapos ng paglubog ng araw, tunay na ang ayuno niya ay lubos at tumpak.
ﺟ2: إذا طهرت الحائض قبل طلوع الفجر ولو بدقيقةٍ واحدةٍ، ولكن تيقنت الطّهر، فإنه إذا كان في رمضان فإنه يلزمها الصوم، ويكون صومها ذلك اليوم صحيحًا، ولا يلزمها قضاؤه؛ لأنها صامت وهي طاهرٌ، وإن لم تغتسل إلا بعد طلوع الفجر فلا حرج،
كما أن الرجل لو كان جنبًا من جماعٍ أو احتلامٍ، وتسحر، ولم يغتسل إلا بعد طلوع الفجر، كان صومه صحيحًا.
وبهذه المناسبة أودّ أن أنبّه إلى أمرٍ آخر عند النّساء إذا أتاها الحيض وهي قد صامت ذلك اليوم، فإن بعض النّساء تظنّ أن الحيض إذا أتاها بعد فطرها قبل أن تصلّي العشاء فسد صوم ذلك اليوم،
وهذا لا أصل له، بل إن الحيض إذا أتاها بعد الغروب ولو بلحظةٍ فإن صومها تامٌّ وصحيحٌ.