May nagbiyahe na isang babae para sa ḥajj at dinatnan siya ng buwanang kinahiratiang regla niya magmula ng limang araw mula sa petsa ng biyahe niya. Matapos ng pagdating niya sa mīqāt, nagsagawa siya ng ghusl at nagpasya siyang magsagawa ng iḥrām samantalang siya ay hindi pa nahinto mula sa kinahiratiang regla. Nang pagdating niya sa Makkah Mukarramah, nanatili siya sa labas ng Ḥaram at hindi siya gumawa ng anuman sa mga gawain ng ḥajj o `umrah. Nanatili siya sa Minā nang dalawang araw. Pagkatapos nahinto siya sa regla, nagsagawa siya ng ghusl, at nagsagawa siya ng lahat ng mga gawain ng `umrah habang siya ay walang regla. Pagkatapos nanumbalik ang pagdurugo sa kanya habang siya ay nasa ṭawāf ng ifāḍah para sa ḥajj ngunit siya ay nahiya at kumumpleto ng mga gawain ng ḥajj. Hindi siya nagpabatid nito sa walīy niya malibang matapos ng pagdating niya sa bayan niya. Ano ang hatol doon?
السؤال
T 1:

س48: سافرت امرأةٌ إلى الحجّ، وجاءتها العادة الشهريّة منذ خمسة أيامٍ من تاريخ سفرها، وبعد وصولها إلى الميقات اغتسلت وعقدت الإحرام، وهي لم تطهر من العادة، وحين وصولها إلى مكة المكرمة ظلت خارج الحرم، ولم تفعل شيئًا من شعائر الحجّ أو العمرة، ومكثت يومين في منًى، ثم طهرت، واغتسلت، وأدت جميع مناسك العمرة وهي طاهرٌ، ثمّ عاد الدم إليها وهي في طواف الإفاضة للحجّ، إلا أنها استحت، وأكملت مناسك الحجّ، ولم تخبر وليها إلا بعد وصولها إلى بلدها، فما حكم ذلك؟
الجواب
S 1:
Ang hatol kaugnay rito ay na ang pagdurugo na dinanas niya sa ṭawāf ng ifāḍah, kapag ito ay pagdurugo ng regla na nakaaalam siya sa kalikasan nito at mga pananakit nito, tunay na ang ṭawāf ng ifāḍah ay hindi natumpak. Inoobliga sa kanya na manumbalik sa Makkah upang magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah kaya magsasagawa siya ng iḥrām ng `umrah mula sa mīqāt, magsasagawa siya ng `umrah na may ṭawāf at sa`y, at magpapaikli siya ng buhok, pagkatapos magsasagawa siya ng ṭawāf ng ifāḍah.
Hinggil naman sa kapag ang pagdurugong ito ay hindi pagdurugo ng regla, ang dugong likas na nakikilala, at lumitaw lamang ito dahil sa katindihan ng siksikan o pagkasindak o anumang nakawangis niyon, tunay na ang ṭawāf niya ay natutumpak sa ganang hindi nagsasakundisyon ng ṭahārah sa pagsasagawa ng ṭawāf.
Kung hindi maaari sa kanya ang bumalik sa unang kaso yayamang siya ay nasa isang malayong bayan, ang ḥajj niya ay tumpak dahil siya ay hindi nakakakaya ng higit pa kaysa sa nagawa niya.
ﺟ48: الحكم في هذا: أنّ الدم الّذي أصابها في طواف الإفاضة إذا كان هو دم الحيض الّذي تعرفه بطبيعته وأوجاعه فإن طواف الإفاضة لم يصح، ويلزمها أن تعود إلى مكة؛ لتطوف طواف الإفاضة، فتحرم بعمرةٍ من الميقات، وتؤدّي العمرة بطوافٍ وسعيٍ، وتقصّر، ثم تطوف طواف الإفاضة.
أما إذا كان هذا الدم ليس دم الحيض، الدم الطبيعيّ المعروف، وإنما نشأ من شدّة الزّحام أو الروعة أو ما شابه ذلك، فإن طوافها يصحّ عند من لا يشترط الطهارة للطواف.
فإن لم يمكنها الرّجوع في المسألة الأولى، بحيث تكون في بلادٍ بعيدةٍ، فحجّها صحيحٌ؛ لأنها لا تستطيع أكثر ممّا صنعت.