Papaanong magdarasal ang may regla ng dalawang rak`ah para sa iḥrām? Pinapayagan ba sa babaing may regla ang pag-uulit-ulit ng pagsambit ng mga talata ng Marangal na Qur'ān nang palihim o hindi?
السؤال
T 1:
Papaanong magdarasal ang may regla ng dalawang rak`ah para sa iḥrām? Pinapayagan ba sa babaing may regla ang pag-uulit-ulit ng pagsambit ng mga talata ng Marangal na Qur'ān nang palihim o hindi?
س47: كيف تصلّي الحائض ركعتي الإحرام؟ وهل يجوز للمرأة الحائض ترديد آي الذّكر الحكيم في سرّها، أو لا؟
الجواب
S 1:
Una: Nararapat na malaman natin na ang iḥrām ay walang ṣalāh para rito sapagkat tunay na hindi nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabatas sa Kalipunan niya ng isang ṣalāh para sa iḥrām: hindi sa sabi niya, hindi sa gawa niya, at hindi sa pagsang-ayon niya.
Ikalawa: Tunay na ang may reglang babaing ito na nagregla bago magsagawa ng iḥrām ay maaari sa kanya na magsagawa ng iḥrām habang siya ay may regla
dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos kay Asmā' bint `Umays na maybahay ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) nang nagkaroon siya ng nifās sa Dhulḥulayfah. Nag-utos ito sa kanya na magsagawa siya ng ghusl, magpasador siya ng isang tela, magsagawa siya ng iḥrām – ganito ang may regla rin – manatili siya sa iḥrām niya hanggang sa mahinto siya sa regla, pagkatapos magsagawa siya ng ṭawāf sa Ka`bah at magsagawa siya ng sa`y.
Hinggil sa sabi niya sa tanong: Ukol ba sa kanya na magbasa ng Qur'ān? Oo, ang may regla ay may karapatan na magbasa ng Qur'ān sa sandali ng pangangailangan o kapakanan. Hinggil naman sa walang pangangailangan o kapakanan, na nagnanais lamang siya na magbasa nito bilang pagpapakamananamba at bilang pagpapakalapit-loob kay Allāh, ang pinakamaganda ay hindi siya magbasa nito.
ﺟ47: أولًا: ينبغي أن نعلم أن الإحرام ليس له صلاةٌ؛ فإنه لم يرد عن النبيّ ﷺ أنه شرع لأمته صلاةً للإحرام لا بقوله، ولا بفعله، ولا بإقراره.
ثانيًا: إن هذه المرأة الحائض الّتي حاضت قبل أن تحرم يمكنها أن تحرم وهي حائضٌ؛ لأن النبي ﷺ أمر أسماء بنت عميسٍ امرأة أبي بكرٍ رضي الله عنهما حين نفست في ذي الحليفة، أمرها أن تغتسل وتستثفر بثوبٍ، وتحرم [1]، وهكذا الحائض أيضًا، وتبقى على إحرامها حتى تطهر، ثمّ تطوف بالبيت، وتسعى.
[18] رواه مسلم، كتاب الحج، باب حج النبي ﷺ (2137).
وأما قوله في السّؤال: هل لها أن تقرأ القرآن؟ فنعم، الحائض لها الحقّ أن تقرأ القرآن عند الحاجة أو المصلحة، أمّا بدون حاجةٍ ولا مصلحةٍ، إنما تريد أن تقرأه تعبّدًا وتقرّبًا إلى الله، فالأحسن ألا تقرأه.