Skip to content

"Bawat nakabubuti ay kawanggawa."}

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

"Bawat nakabubuti ay kawanggawa."}

«كُلُّ مَعْرُوفٍ صَدَقَةٌ».

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ni Jābir at nagsalaysay nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni Ḥudhayfah.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat paggawa ng maganda at pagpapakinabang sa mga ibang tao na salita o gawa ay magiging isang kawanggawa. Narito ang pabuya at ang gantimpala.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

معروف : المعروف اسم جامع لكل ما فيه نفع للآخرين من قول أو فعل.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang kawanggawa ay hindi nalilimitahan sa anumang inilalabas ng tao mula sa yaman niya; bagkus sumasaklaw ito sa bawat kabutihang ginagawa ng tao o sinasabi niya at ipinaabot niya sa mga ibang tao.

Nasaad dito ang pagpapaibig sa pagkakaloob ng nakabubuti at bawat anumang may pakinabang para sa mga ibang tao.

Ang hindi pagmamaliit sa anuman kabilang sa nakabubuti, kahit pa man ito ay kaunti.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (8/ 11) (6021).

Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 697) (1005).

Ang Karagdagan (4)

منحة العلام في شرح بلوغ المرام.

لعبد الله الفوزان (10/ 117).

توضيح الأحكام من بلوغ المرام.

للبسام (7/ 341).