Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

7 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina ni Sa`d ay namatay. Kaya alin pong kawanggawa ang pinakamainam? Nagsabi siya: "Ang tubig." Nagsabi ito: "Kaya humukay siya ng isang balon at nagsabi: 'Ito ay para sa ina ni Sa`d."}
Maganda dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah.
"Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito. Titingin siya sa kanan mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa kaliwa mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa nakaharap sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang Impiyerno sa tapat ng mukha niya. Kaya mangilag kayo sa Impiyerno, kahit pa man sa pamamagitan ng [pagkakawanggawa ng] kalahati ng isang datiles."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang mga gawain ay anim at ang mga tao ay apat. [Sa mga gawain] mayroong dalawang tagapag-obliga [ng Paraiso at Impiyerno], mayroong isang tulad katumbas ng isang tulad, mayroong isang maganda katumbas ng sampung tulad nito, at mayroong isang maganda katumbas ng pitong daan. Hinggil sa dalawang tagapag-obliga, ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh nang anuman ay papasok sa Impiyerno. Hinggil naman sa isang tulad katumbas ng isang tulad, ang sinumang nagbalak ng magandang gawa hanggang sa makaramdam nito ang puso niya at makaalam nito si Allāh mula sa kanya ay may itatala para sa kanya na isang maganda at ang sinumang gumawa ng masagwa ay may itatala laban sa kanya na masagwa. [Hinggil naman sa ikalima,] ang sinumang gumawa ng isang gawa ay tutumbasan ng sampung tulad nito. [Hinggil naman sa ikaanim,] ang sinumang gumugol ng isang paggugol sa landas ni Allāh ay may magandang gawa katumbas ng pitong daang maganda. Hinggil naman sa mga tao; may paluluwagan sa Mundo, na gigipitin sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo, na paluluwagan sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo at Kabilang-buhay; at may paluluwagan sa Mundo at Kabilang-buhay."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang naibawas ang isang kawanggawa mula sa yaman. Walang naidagdag si Allāh sa isang tao dahil sa pagpapaumanhin kundi karangalan. Walang nagpakumbabang isa man kay Allāh malibang nag-angat sa kanya si Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May mga taong kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, nakakuha ang mga may mga salapi ng mga pabuya. Nagdarasal sila kung paanong nagdarasal kami. Nag-aayuno sila kung paanong nag-aayuno kami. Nagkakawanggawa sila ng mga kalabisan ng mga yaman nila." Nagsabi siya: "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal, magkakaroon ba siya roon ng isang kasalanan?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya gayon din kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.