Skip to content

Nagsagawa ako ng ḥajj at dumating sa akin ang buwanang dalaw ngunit nahiya ako na magpabatid sa isa man. Pumasok ako sa Ḥaram saka nagdasal ako, nagsagawa ako ng ṭawāf, at nagsagawa ako ng sa`y. Kaya ano po ang kailangan sa akin, sa pagkakaalam na dumating ito matapos ng nifās?

السؤال

T 1:

Nagsagawa ako ng ḥajj at dumating sa akin ang buwanang dalaw ngunit nahiya ako na magpabatid sa isa man. Pumasok ako sa Ḥaram saka nagdasal ako, nagsagawa ako ng ṭawāf, at nagsagawa ako ng sa`y. Kaya ano po ang kailangan sa akin, sa pagkakaalam na dumating ito matapos ng nifās?

س57: حججت، وجاءتني الدورة الشهرية، فاستحييت أن أخبر أحدًا، ودخلت الحرم، فصليت، وطفت، وسعيت، فماذا علي، علمًا بأنها جاءت بعد النّفاس؟

الجواب

S 1:

Hindi ipinahihintulot sa babae, kapag siya ay may regla o may nifās, na magdasal, maging sa Makkah man o sa bayan niya o sa alinmang lugar.

Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa babae: "HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?"

Nagkaisa nga ang mga Muslim sa hatol na hindi ipinahihintulot sa isang may regla na mag-ayuno at hindi ipinahihintulot sa kanya na magdasal.

Kailangan sa babae na gumawa niyon na magbalik-loob kay Allāh at na humingi ng tawad dahil sa naganap sa kanya.

Hinggil naman sa pagsasagawa ng ṭawāf niya sa kalagayan ng pagreregla, ito ay hindi tumpak. Hinggil naman sa pagsasagawa ng sa`y niya, tumpak ito dahil ang matimbang na pahayag ay ang pagpayag sa pagpapauna ng sa`y sa ṭawāf sa ḥajj. Batay rito, kinakailangan sa kanya na mag-ulit ng pagsasagawa ng ṭawāf dahil ang ṭawāf ng ifāḍah ay isang haligi mula sa mga haligi ng ḥajj. Hindi maisasagawa ang ikalawang pagkalas [sa iḥrām] malibang sa pamamagitan nito.

Sa pagbase rito, tunay na ang babaing ito ay hindi makikipagtalik sa asawa niya – kung siya ay nakapag-asawa – hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf at hindi magpapakasal – kung siya ay hindi nakapag-asawa – hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf. Si Allāh (napakataas Siya) ay pinakamaalam.

ﺟ57: لا يحلّ للمرأة إذا كانت حائضًا أو نفساء أن تصلّي، سواء في مكة أو في بلدها أو في أيّ مكانٍ؛ لقول النبيّ ﷺ في المرأة:

«أَلَيْسَ إِذَا حَاضَتْ لَمْ تُصَلِّ، وَلَمْ تَصُمْ؟» [1]،

وقد أجمع المسلمون على أنه لا يحلّ لحائضٍ أن تصوم، ولا يحلّ لها أن تصلّي.

[28] تقدم تخريجه.

وعلى هذه المرأة التي فعلت ذلك، عليها أن تتوب إلى الله، وأن تستغفر ممّا وقع منها.

وأما طوافها حال الحيض فهو غير صحيحٍ، وأما سعيها فصحيحٌ؛ لأن القول الراجح جواز تقديم السعي على الطواف في الحجّ، وعلى هذا فيجب عليها أن تعيد الطواف؛ لأن طواف الإفاضة ركنٌ من أركان الحجّ، ولا يتمّ التحلّل الثاني إلا به.

وبناءً عليه فإن هذه المرأة لا يباشرها زوجها -إن كانت متزوّجةً- حتى تطوف، ولا يعقد عليها النّكاح -إن كانت غير متزوّجةٍ- حتى تطوف، والله تعالى أعلم.