Skip to content

May isang tagapagtanong na nagsasabing tunay na siya, magmula ng kinailangan sa kanya ang pag-aayuno, ay nag-aayuno sa Ramaḍān subalit siya ay hindi nagbabayad sa ayuno ng mga araw na tumitigil-ayuno siya dahilan sa buwanang dalaw at dahil sa kawalang-kaalaman niya sa bilang ng mga araw na tumigil-ayuno siya. Kaya naman siya ay humihiling ng paggabay sa kanya tungo sa kinakailangan sa kanya na gawin ngayon.

السؤال

T 1:

س30: سائلةٌ تقول: إنها منذ وجب عليها الصّيام وهي تصوم رمضان، ولكنها لا تقضي صيام الأيام التي تفطرها بسبب الدورة الشهرية، ولجهلها بعدد الأيام التي أفطرتها، فهي تطلب إرشادها إلى ما يجب عليها فعله الآن.

الجواب

S 1:

Nagpapalungkot sa atin na maganap ang tulad nito sa mga kababaihan ng mga mananampalataya sapagkat tunay na ang pag-iwan na ito – tumutukoy ako sa pag-iwan ng pagbabayad sa anumang kinakailangan sa kanya na pag-aayuno – ay maaaring isang kawalang-kaalaman at maaaring isang pagwawalang-bahala. Ang dalawang ito ay kapahamakan dahil ang gamot ng kawalang-kaalaman ay kaalaman at pagtatanong.

Hinggil naman sa pagwawalang-bahala, tunay na ang gamot nito ay ang pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang pagsasaalang-alang sa Kanya, ang pangamba sa parusa Niya, at ang pagdadali-dali tungo sa anumang naroon ang pagkalugod Niya.

Kaya kailangan sa babaing ito na magbalik-loob siya kay Allāh mula sa ginawa niya, na humingi siya ng tawad, at na magsiyasat siya sa mga araw na nakaligtaan niya sa abot ng makakaya niya saka magbayad siya sa ayuno sa mga ito. Sa pamamagitan nito, nag-aalis siya ng paninisi sa kanya at naghahangad naman tayo na tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya.

ﺟ30: يؤسفنا أن يقع مثل هذا بين نساء المؤمنين، فإن هذا الترك -أعني: ترك قضاء ما يجب عليها من الصّيام- إما أن يكون جهلًا، وإما أن يكون تهاونًا، وكلاهما مصيبةٌ؛ لأن الجهل دواؤه العلم والسّؤال،

وأما التهاون فإن دواءه تقوى الله عز وجل، ومراقبته، والخوف من عقابه، والمبادرة إلى ما فيه رضاه.

فعلى هذه المرأة أن تتوب إلى الله مما صنعت، وأن تستغفر، وأن تتحرى الأيام التي تركتها بقدر استطاعتها فتقضيها، وبهذا تبرأ ذمتها، ونرجو أن يقبل الله توبتها.