Skip to content

"Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo: Manahimik ka, sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo: Manahimik ka, sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."}

«إذا قُلْتَ لِصَاحِبِكَ: أَنْصِتْ، يومَ الجمعةِ، والْإِمامُ يَخْطُبُ، فَقَدْ لَغَوْتَ».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga etiketang kinakailangan para sa sinumang dumalo sa sermon sa Biyernes ang pananahimik para makinig sa tagapagsermon upang mapagnilay-nilayan ang mga pangaral; at na ang sinumang nagsalita – kahit pa man pinakakaunting pananalita – habang ang imām ay nagsesermon sapagkat nagsabi siya sa iba: "Tumahimik ka at makinig ka", nakaalpas nga sa kanya ang kainaman ng ṣalāh sa Biyernes.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

أَنْصِتْ: اسكت عن الكلام.

لَغَوْتَ: لغا أتى بقول ساقط، ليس فيه فائدة.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagbabawal ng pagsasalita sa sandali ng pakikinig sa sermon, kahit pa dahil sa pagsaway sa nakasasama o pagtugon sa pagbati o pagdalangin sa bumahin.

Naitatangi mula rito ang sinumang nakikipag-usap sa imām o kinakausap ng imām.

Ang pagpayag sa pagsasalita sa pagitan ng dalawang sermon sa sandali ng pangangailangan.

Kapag binanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ang imām ay nagsesermon, tunay na ikaw ay mananalangin ng basbas at pangangalaga sa kanya nang tahimik. Gayundin ang pag-amen sa panalangin.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (2/ 13) (934).

Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 583) (851).

Ang Karagdagan (10)

تيسير العلام شرح عمدة الأحكام.

للبسام (ص244).

تنبيه الأفهام.

للعثيمين (2/ 307).

الإلمام بشرح عمدة الأحكام.

لإسماعيل الأنصاري (1/ 195).

فتح الباري.

لابن حجر (2/ 409).

تاج العروس من جواهر القاموس.

لمحمّد الحسيني الزَّبيدي (39/ 463).