Kapag nahinto sa pagdurugo ang may regla o ang may nifās sa oras ng `aṣr, inoobliga ba sa kanya ang ṣalāh na ḍ̆uhr kasama sa `aṣr o walang inoobliga sa kanya kundi ang `aṣr lamang?
السؤال
T 1:
Kapag nahinto sa pagdurugo ang may regla o ang may nifās sa oras ng `aṣr, inoobliga ba sa kanya ang ṣalāh na ḍ̆uhr kasama sa `aṣr o walang inoobliga sa kanya kundi ang `aṣr lamang?
س12: إذا طهرت الحائض أو النّفساء وقت العصر، فهل تلزمها صلاة الظّهر مع العصر، أو لا يلزمها سوى العصر فقط؟
الجواب
S 1:
Ang matimbang na pahayag hinggil sa usaping ito ay na walang inoobliga sa kanya kundi ang ṣalāh na `aṣr lamang dahil walang patunay sa pagkatungkulin ng ṣalāh na ḍ̆uhr [dito]. Ang batayang panuntunan ay ang pag-iwas sa pagkakasisi. Pagkatapos tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa `aṣr bago lumubog ang araw ay nakaabot nga sa `aṣr."
Hindi nabanggit na naabutan ang ḍ̆uhr. Kung sakaling ang [ṣalāh na] ḍ̆uhr ay kinakailangan dito, talaga sanang nilinaw ito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); at dahil ang babae, kung sakaling nagregla siya matapos ng pagpasok ng oras ng ḍ̆uhr, ay hindi inoobliga kundi ng pagbabayad sa ṣalāh na ḍ̆uhr, hindi sa ṣalāh na `aṣr, bagamat ang ḍ̆uhr ay naisasama sa `aṣr. Walang pagkakaiba sa pagitan nito at ng anyo na naganap sa tanong tungkol dito.
Batay rito, ang matimbang na pahayag ay na walang inoobliga sa kanya kundi ang ṣalāh na `aṣr lamang dahil sa pagkapatunay ng teksto at analohiya rito. Gayon din ang pumapatungkol hinggil sa kung sakaling nahinto siya sa regla bago ng paglampas ng oras ng `ishā̄', tunay na walang inoobliga sa kanya kundi ang ṣalāh na `ishā̄' at hindi inoobliga sa kanya ang ṣalāh na maghrib.
ﺟ12: القول الراجح في هذه المسألة: أنه لا يلزمها إلا العصر فقط؛ لأنه لا دليل على وجوب صلاة الظّهر، والأصل براءة الذّمة، ثم إن النبي ﷺ قال:
«مَنْ أَدْرَكَ رَكْعَةً مِنَ الْعَصْرِ قَبْلَ أَنْ تَغْرُبَ الشَّمْسُ فَقَدْ أَدْرَكَ الْعَصْرَ» [1]،
ولم يذكر أنه أدرك الظّهر، ولو كان الظّهر واجبًا لبينه النبيّ ﷺ، ولأن المرأة لو حاضت بعد دخول وقت الظّهر لم يلزمها إلا قضاء صلاة الظّهر دون صلاة العصر، مع أن الظّهر تجمع إلى العصر، ولا فرق بينها وبين الصّورة التي وقع السّؤال عنها.
[2] البخاري، كتاب الصوم، باب الحائض تترك الصوم والصلاة (1951).
وعلى هذا يكون القول الراجح أنه لا يلزمها إلا صلاة العصر فقط؛ لدلالة النصّ والقياس عليها، وكذلك الشأن فيما لو طهرت قبل خروج وقت العشاء، فإنه لا يلزمها إلا صلاة العشاء، ولا تلزمها صلاة المغرب.