Skip to content

Ang paglabas ng dugo mula sa nagdadalang-tao sa maghapon ng Ramaḍān ay nakaaapekto ba sa pag-aayuno niya?

السؤال

T 1:

Ang paglabas ng dugo mula sa nagdadalang-tao sa maghapon ng Ramaḍān ay nakaaapekto ba sa pag-aayuno niya?

س14: نزول الدم من الحامل في نهار رمضان، هل يؤثّر على صومها؟

الجواب

S 1:

Kapag lumabas ang dugo ng regla at ang babae ay nag-aayuno, tunay na ang ayuno niya ay nasisira batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?"

Dahil dito, ibinibilang natin na ang regla ay kabilang sa mga nakasisira ng ayuno at ang nifās ay tulad nito. Ang paglabas ng dugo ng regla at nifās ay isang tagasira ng ayuno.

Ang paglabas ng dugo mula sa nagdadalang-tao sa maghapon ng Ramaḍān, kapag ito ay regla, tunay na ito ay gaya ng regla ng hindi nagdadalang-tao – ibig sabihin: nakaaapekto ito sa pag-aayuno – at kung ito ay hindi regla, tunay na ito ay hindi nakaaapekto.

Ang regla na maaaring maganap sa nagdadalang-tao ay na ito ay isang regular na regla na hindi napuputol sa kanya magmula ng nagdalangtao siya; bagkus dumarating ito sa kanya sa mga nakahiratiang panahon niya. Kaya ito ay isang regla batay sa matimbang na pahayag, na napagtitibay para rito ang mga patakaran ng regla.

Kapag naputol ang pagdurugo sa kanya, pagkatapos siya matapos niyon ay naging nakakikita ng isang pagdurugo na hindi ang nakahiratiang pagdurugo, tunay na ito ay hindi nakaaapekto sa ayuno niya dahil ito ay hindi isang regla.

ﺟ14: إذا خرج دم الحيض والأنثى صائمةٌ فإن صومها يفسد؛ لقول النبيّ ﷺ:

«أَلَيْسَ إِذَا حَاضَتْ لَمْ تُصَلِّ، وَلَمْ تَصُمْ؟» [1]

ولهذا نعدّه من المفطّرات، والنّفاس مثله، وخروج دم الحيض والنّفاس مفسدٌ للصوم.

[3] البخاري، كتاب الصوم، باب الحائض تترك الصوم والصلاة (1951).

ونزول الدم من الحامل في نهار رمضان إذا كان حيضًا فإنه كحيض غير الحامل، أي: يؤثّر على صومها، وإن لم يكن حيضًا فإنه لا يؤثّر.

والحيض الّذي يمكن أن يقع من الحامل هو أن يكون حيضًا مطردًا لم ينقطع عنها منذ حملت، بل كان يأتيها في أوقاتها المعتادة، فهذا حيضٌ على القول الراجح، يثبت له أحكام الحيض.

أما إذا انقطع الدم عنها، ثم صارت بعد ذلك ترى دمًا ليس هو الدم المعتاد، فإن هذا لا يؤثّر على صيامها؛ لأنه ليس بحيضٍ.