نبراس طالب (4)
نتدارس في هذا الكتاب تفسيرًا مختصرًا لسور: عبس، والتكوير، والانفطار، مع استخراج أهم الفوائد العلمية والتربوية والسلوكية من الآيات، ثم ندرس أوجه إعجاز القرآن الكريم. وعن نبينا محمد ﷺ وسنته نتعلم هديه ﷺ في التعامل مع المسلمين وغير المسلمين، ونتدارس المنهج النبوي في التعليم والدعوة إلى الله تعالى؛ لنكون على بصيرة ونحن نمارس مهمتنا في تربية أبنائنا، ودعوة مجتمعنا إلى منهج الله تعالى ورسوله ﷺ ، ولنزداد حبًّا وتعظيمًا للنبي ﷺ ، وننشر هديه في العالمين. وفي الجانب العقدي ندرس أنواعَ وصورَ الكفر والشرك والنفاق؛ لنَحْذَر من الوقوع فيها، مع بيان ضوابط التكفير وخطر التساهل فيه على الإيمان والديانة. ولأن شريعتنا الإسلامية شاملة لجميع شؤون الحياة فكان من الضروري تعلم فقه المعاملات المالية؛ حتى لا يقع المسلم في أكل المال الحرام، ويحرص على أكل الحلال من خلال معرفة حقوقه وواجباته في البيع والإجارة والشركة والوديعة وغيرها. وأخيرًا، نتعرف كيف راعى الإسلام إنسانية جميع الناس دون النظر لدينهم أو جنسهم، وذلك من خلال دارسة حقوق الإنسان مثل: حق الحياة وحق الأمان وحق العدل وحق الحرية.
Panimula ng Aklat
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagsisimula,
Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Ikaapat na Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus.
Mag-aaralan tayo sa aklat na ito ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga sūrah na `Abasa, At-Takwīr, at Al-Infiṭār, kalakip ng paghahango ng pinakamahalaga sa mga katuturang pangkaalaman, pang-edukasyon, pampag-uugali mula sa mga āyah, pagkatapos mag-aaral tayo ng mga anyo ng paghihimala ng Marangal na Qur'ān.
Buhat sa Propeta natin si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at Sunnah niya, matututuhan natin ang pagpatnubay niya sa pakikitungo sa mga Muslim at hindi mga Muslim. Mag-aaralan tayo ng metodolohiyang pampropeta sa pagtuturo at pag-aanyaya tungo kay Allāh upang tayo ay maging batay sa isang pagkatalos habang tayo ay nagsasagawa ng misyon natin sa pagdudulot ng edukasyon sa mga anak at pag-aanyaya sa lipunan natin tungo sa metodolohiya ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at upang madagdagan tayo ng pag-ibig at pagdakila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at magpalaganap tayo ng patnubay sa mga nilalang.
Sa aspetong pampaniniwala, mag-aaral tayo ng mga uri at mga anyo ng kawalang-pananampalataya (kufr), pagtatambal (shirk), at pagpapaimbabaw (nifāq) upang makapag-ingat tayo laban sa pagkakasadlak sa mga ito, kasama ng paglilinaw sa mga panuntunan ng takfīr (paghuhusga ng kawalang-pananampalataya) at panganib ng pagpapabaya rito sa pananampalataya at relihiyon.
Dahil ang Islāmikong Batas natin ay sumasaklaw sa lahat ng mga pumapatungkol sa buhay, naging kailangan ang matuto ng fiqh ng mga transaksiyong pampananalapi nang sa gayon hindi masadlak ang Muslim sa pakikinabang sa bawal na yaman at magsigasig siya sa pakikinabang sa yamang ipinahihintulot sa pamamagitan ng pag-alam sa mga karapatan niya at mga tungkulin niya sa pagbebenta, pagpapaupa, pagsososyo, paglalagak, at iba pa sa mga ito.
Sa huli, mapag-aalaman natin kung papaanong nagsaalang-alang ang Islām sa pagkatao ng lahat ng mga tao nang walang pagtingin sa relihiyon nila o lahi nila. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga karapatan ng tao, tulad ng karapatan sa buhay, karapatan sa katiwasayan, karapatan sa katarungan, at karapatan sa kalayaan.
Nagsikap nga kami sa pagpapalabas sa mga aklat na ito sa isang anyong umaalinsunod sa mga saligang pangkaalaman at mga sukatang pang-edukasyong makabago. Nagsaalang-alang kami sa paghahanda sa mga ito ng sumusunod:
Ang pagsisimula ng mga aralin sa pamamagitan ng isang pagpapaumpisang pupukaw sa pagpapahalaga mo, magdaragdag ng pagkaganyak mo, at tatawag ng pansin mo.
Ang paglalagay ng mga talahanayan, mga pigura, at mga tsart ng mga konsepto na tutulong sa iyo sa pag-unawa ng nilalamang pangkaalaman.
Ang paglalakip ng mga aktibidad na pampagtuturo na magsasakatotohanan ng mga layong pang-edukasyon alinsunod sa mga estratehiya ng pag-aaral na masigla. Nagsaalang-alang nga kami sa mga ito ng sumusunod:
- Ang integrasyon ng mga ito kasama ng nilalalaman sa pagsasakatotohanan sa mga layon ng aralin kasama ng pagkakaugnay ng mga ito sa kalikasan ng asignatura at pagkakakilanlan nito.
Ang pagpapalago ng mga aspeto ng personalidad mo at sarisaring kasanayan mo.
Ang pagkakauri-uri sa paraan ng pagpatupad nito sa pagitan ng pang-individuwal at panlipunan, ang pagkasarisari ng lugar ng pagpapatupad nito sa loob at labas ng klase, ang pagkauri-uri ng mga anyo nito sa pagitan ng aktibidad na pansulat, pansalita, pangkilos, at pang-isip.
- Ang paglalagay ng mga tanong ng pagtatasa (assessment) sa katapusan ng bawat aralin upang sulitin ang saklaw ng pagkaunawa mo sa aralin at mga layon nito.
Tunay na kami, yayamang naghain kami sa iyo ng aklat na ito, ay umaasa na ito ay maging isang tagapagsakatotohanan ng pinagpunyagian namin na kadalian ng asignaturang akademiko, kaliwanagan ng paglalahad, pagkaaktibo ng mga aktibidad, at pagkamasaklaw ng pagtatasa (assessment).
Dumadalangin kay Allāh (napakataas Siya) na magpakinabang Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga tagapaghanap ng kaalaman at tumanggap Siya mula sa amin; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.
Ang Unang Yunit: Ang Marangal na Qur'ān at ang Pagpapakahulugan Nito
Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah `Abasa (Qur'ān 80:1-23)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga salita sa mga āyah;
2. makapagpakahulugan ka sa mga āyah sa isang tumpak na pagpapakahulugan;
3. mapagpatotoo ka sa kadakilaan ng katayuan ng Marangal na Qur'ān;
4. makahango ka ng isang patunay na pang-isip sa posibilidad ng pagbuhay;
5. makapagsadamdamin ka sa pagtitimpi ni Allāh at awa Niya sa mga lingkod Niya;
6. makatulad ka sa metodolohiyang pang-Qur'ān sa pag-aanyaya tungo kay Allāh;
7. makapagsaulo ka ng mga marangal na āyah mula sa āyah 1 hanggang sa āyah 23 ng Sūrah `Abasa.
Ang Pagpapakilala sa Sūrah
Ang Sūrah `Abasa ay Makkīyah. Ang bilang ng mga āyah nito ay 42.
Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:
Ang Pangungusap - Ang Kahulugan Nito
sumimangot: nagalit at nag-iba ang mukha niya tumalikod: lumihis magpapakabusilak: magpakadalisay nag-aasikaso: tumutuon sa kanya nagwawalang-bahala: nag-abala-abalahan
dinalisay: malaya sa bawat karumihan
mga tagatala: mga tagasulat at sila ay mga anghel na mararangal
sumpain: panalangin laban sa kanya ng pagkasawi
nagtakda rito: naghanda rito para sa nababagay para rito
bubuhay rito: bubuhay rito matapos ng kamatayan
Ang mga Paksa ng mga Āyah
Ang Saloobin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Anak ni Ummu Maktūm
Ang Katayuan ng Marangal na Qur'ān
Ang Pagsumbat sa mga Tagatangging Sumampalataya at mga Tagapagkaila ng Pagbuhay
Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan
Ang Pagsisi sa Sugo sa Pag-ayaw sa Anak ni Ummu Maktūm
Samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo kasama ng ilan sa mga pinuno ng Liping Quraysh, habang nag-aanyaya sa kanila tungo sa Islām, nagsagawa si `Abdullāh na anak ni Ummu Maktūm ng pagsabad sa pag-uusap. Lumihis naman palayo roon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nag-iba ang mukha niya at hindi siya tumugon sa anak ni Ummu Maktūm. Kaya naman sinisi ni Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglihis na ito. Ito ay naging kadahilanan ng pagbaba ng mga āyah. {1. Sumimangot siya at tumalikod siya} {2. dahil dumating sa kanya ang bulag.} sapagkat ang anak ni Ummu Maktūm (malugod si Allāh sa kanya) ay nawala ng paningin.
{3. Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya ay magpapakabusilak [sa kasalanan]} Marahil ang anak ni Ummu Maktūm ay magpapakadalisay sa pamamagitan niya mula sa pagkakasala at madadagdagan ng kalinisan,
{4. o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?} o makikinabang sa pangaral mo.
{5. Hinggil sa nag-akalang nakasasapat,} palayo sa kapatnubayan at pananampalataya, {6. ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.} naghaharap ka sa kanya ng pakikipag-usap mo dala ng pagkaibig sa pag-anib niya sa Islām.
{7. Hindi kailangan sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan].} Walang anumang kailangan sa iyo kung hindi siya umanib sa Islām dahil ang kinakailangan sa iyo ay ang magpaabot, na naisagawa mo nga naman.
{8. Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi} {9. habang siya ay natatakot [kay Allāh],} Nangangamba siya kay Allāh. Siya ay ang anak ni Ummu Maktūm. {10. ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.} dahil sa pag-anyaya sa mga tagapagtambal.
Ang Katayuan ng Marangal na Qur'ān
{11. Aba'y hindi!} Huwag mong gawin ito sa isa pang pagkakataon. {Tunay na [ang mga] ito} Ibig sabihin: ang sūrah (kabanata) o ang mga āyah (talata). {pagpapaalaala} pangaral para sa iyo at para sa nilikha.
{12. kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nito.} magsaulo niyon at makinabang doon.
Ang pagpapaalaalang ito ay pinatatag. {13. [Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,} Ibig sabihin: nasa Tablerong Pinag-iingatan. {14. na inangat na dinalisay,} {15. na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,} {16. na mararangal na mabubuting-loob.} Mga anghel na pinarangalan na embahador sa pagitan ni Allāh at ng mga sugo Niya (sumakanila ang pangangalaga), sila ay mga tagapangilag magkasala, na pinagpala, na tagatalima.
Ang Pagsumbat sa mga Tagatangging Sumampalataya at mga Tagapagkaila ng Pagbuhay
Pinulaan ni Allāh ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagkaila ng pagbuhay {17. Sumpain ang tao; anong palatangging sumampalataya nito!} Ibig sabihin: Sumpain itong tagatangging sumampalataya na tagapagkaila ng pagbuhay, na hindi nakaalam {18. Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?} Ibig sabihin: Mula sa aling bagay nilikha siya ni Allāh nang sa gayon magpakamalaki siya sa Panginoon niya:? {19. Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.} Ibig sabiihin: Lumikha si Allāh sa kanya mula sa kaunting hamak ng likido na lumalabas mula sa lalaki papunta sa sinapupunan ng babae, pagkatapos nag-uunti-unti siya sa paglago hanggang sa maging isang kumpletong tao.
{20. Pagkatapos sa landas ay nagpadali Siya nito.} Pagkatapos ipinaliwanag sa kanya ang daan ng kabutihan at kasamaan. {21. Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.} {22. Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.} Matapos ng pagwawakas ng taning niya, nagbigay-kamatayan sa kanya si Allāh at nagparangal sa kanya bilang patay sapagkat gumawa para sa kanya ng isang libingang magtatakip sa kanya, pagkatapos kapag sumapit ang oras ng pagbangon ng patay, bubuhayin siya para sa pagtutuos at pagganti. {23. Aba'y hindi!} Sa kabila ng lahat ng mga pagpapalang iyon, tunay na ang tagatangging sumampalataya ay: {Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.} hindi gumawa sa ipinag-utos sa kanya ni Allāh na pagsampalataya at pagtalima at lumihis lamang at tumangging sumampalataya.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. ang pagsasaalang-alang sa mga kalagayan ng mga tao at ang pagpapahalaga sa tagapaghanap ng kaalaman;
2. ang kainaman ng Marangal na Qur'ān at ang kataasan ng katayuan nito;
3. ang kataasan ng katayuan ng mga anghel sa ganang kay Allāh at ang karikitan ng mga katangian nila;
4. ang paghango ng patunay sa pamamagitan ng mga nilikha ni Allāh sa kakayahan Niya sa pagbuhay muli;
5. ang pagtanggi ng mga tagapagkaila ng pagbuhay sa mga biyaya ni Allāh at mga katunayan ng kakayahan Niya;
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Tutugon ako.
Nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Muṣ`ab bin `Umayr (malugod si Allāh sa kanya) sa mga mamamayan ng Madīnah upang mag-anyaya sa kanila tungo sa Islām bago ng paglikas. Si Muṣ`ab bin `Umayr ay minsang nakaupo kasama ng mga pinuno ng mga lipi, na kabilang sa kanila si Sa`d bin Mu`ādh. Noong umanib sa Islām si Sa`d, pumunta ito sa mga kalipi nito at nagsabi sa kanila: {"... Papaano kayong nakaaalam sa lagay ko sa inyo?" Nagsabi sila: "Pinuno namin at ang mainam sa amin sa pananaw at ang mapalad sa amin sa talino." Nagsabi siya: "Tunay na ang salita ng kalalakihan ninyo at kababaihan ninyo laban sa akin ay bawal hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya." Kaya walang ginabi sa tahanan ng angkan ni `Abdul'ashhal na isang lalaki ni isang babae malibang naging lalaking Muslim at babaing Muslim.} (Sīrah Ibni Hishām 2/60) Pagbulay-bulayan mo ang kuwento, pagkatapos tugunin mo:
1. Hanguin mo mula sa kuwento:
A. Ang layon na pinagpunyagian ni Muṣ`ab (malugod si Allāh sa kanya) para maisakatuparan ito sa pamamagitan ng pag-aanyaya kay Sa`d bin Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya).
Na si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) ay maging isang kadahilanan sa pag-anib sa Islām ng mga kalipi nito.
B. Ang parirala na nagpapatunay sa pagkasakatuparan ng layong ito.
Kaya walang ginabi sa tahanan ng angkan ni `Abdul'ashhal na isang lalaki ni isang babae malibang naging lalaking Muslim at babaing Muslim.
2. Mag-ugnay ka sa pagitan ng nangyari sa kuwentong ito at sa pagpapahalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya sa mga pinuno ng Liping Quraysh.
Nagpahalaga si Muṣ`ab bin `Umayr (malugod si Allāh sa kanya) sa pag-aanyaya kay Sa`d bin Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya), ang pinuno ng lipi nito, bilang pagtulad sa isang pagpatnubay sa pamamagitan ng Propeta sa pag-aanyaya yayamang ang Propeta ay nagpapahalaga sa pag-aanyaya sa mga pinuno ng mga lipi dahil sila ay may malaking impluwensiya sa mga kalipi nila sapagkat kung sakaling umanib sila sa Islām ay susunod sa kanila ang mga kalipi nila at aanib sa Islām tulad nila.
3. Magmungkahi ka at ang mga kaklase mo ng mga kaparaanang naaangkop sa pag-anyaya sa ilan sa mga maaasahan ang laki ng pagpapakinabang nila sa mga Muslim.
Aktibidad 2: Tutugon ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Sūrah Al-Mu'minūn: {12. Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik. 13. Pagkatapos gumawa Kami sa kanya na isang patak sa isang pamamalagiang matibay. 14. Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng laman, saka lumikha Kami sa kimpal ng laman bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha. 15. Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay. 16. Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.} (Qur'ān 23:12-16) Basahin mo ang mga āyah, pagkatapos tumugon ka.
1. Isulat mo mula sa mga āyah ng aralin ang sumasang-ayon sa kahulugan ng mga marangal na āyah na ito.
{17. Sumpain ang tao; anong palatangging sumampalataya nito!} {18. Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?} {19. Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.} {20. Pagkatapos sa landas ay nagpadali Siya nito.} {21. Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.} {22. Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.} {23. Aba'y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.}
2. Hanguin mo ang mga punto ng pagkasang-ayon at pagkakaiba sa pagitan ng mga āyah ng Sūrah `Abasa at ng mga āyah ng Sūrah Al-Mu'minūn.
Ang mga Anyo ng Pagkakasang-ayon / Ang mga Anyo ng Pagkakaiba
Ang Pagkalikha sa Tao Mula sa Patak ng Punlay |Ang paglilinaw na ang mga yugto ng paglikha sa tao ay isang pagtatakda mula kay Allāh, ang Dakila. na si Allāh ay magbibigay-kamatayan sa tao, pagkatapos bubuhay sa kanya sa Araw ng Pagbangon. Namukod-tangi ang mga āyah ng Sūrah Al-Mu'minūn sa pagbanggit ng mga detalye ng paglikha sa tao at gayon din ang pagbubunyi kay Allāh na nagpaganda sa paglikha sa tao. Hindi nasaad ang pagdedetalyeng ito sa Sūrah `Abasa.
Aktibidad 3: Magpaparinig ako ng mga āyah.
Matapos ng pag-eksakto ng pagbigkas mo ng mga āyah ng aralin kasama ng tagapagturo, makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa pagpaparinig ng mga āyah na ito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ni Allāh: {magpapakabusilak} ay nangangahulugang:
(magpalabas ng zakāh ng yaman niya - magpakadalisay mula sa mga pagkakasala - humiling ng zakāh dahil sa karalitaan niya).
2. Ang sabi ni Allāh: {magpapakabusilak} ay nangangahulugang:
(lumihis palayo sa kanya
3. Ang sabi ni Allāh: {nag-aasikaso} ay nangangahulugang:
(nag-aasikaso: nagtuon sa kanya).
4. Ang pinakahigit sa mga tao sa pangangailangan sa pakikinabang mula sa kuwento ng anak ni Ummu Maktūm ay:
(ang mga tagapag-anyaya (dā`iyah) - ang mga pulitiko - ang mga administrador).
5. Naglarawan si Allāh sa tagapagkaila ng pagbuhay sa mga āyah na ito ay madalas:
(ang kawalang-katarungan - ang pagtangi - ang yaman).
6. Kabilang sa mga katangian ni Allāh na nalalantad sa mga āyah:
(ang pagpapaumanhin - ang lakas - ang pagkaawa).
PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Isulat mo ang kadahilanan ng pagbaba ng Sūrah `Abasa.
2. Paano inilarawan ni Allāh ang mga inasikaso ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? At bakit?
3. Paano inilarawan ni Allāh ang anak ni Ummu Maktūm (malugod si Allāh sa kanya)?
4. Buudin mo ang mga yugto ng paglikha sa tao, kasama ng paglilinaw sa katunayan niyon sa kakayahan ni Allāh.
5. Magsulat ka ng isang ideyang pampag-aanyaya na naaangkop ilathala sa social media, na nagpapaalaala rito sa mga tao ng pinag-ugatan ng pagkalikha sa kanila at pagwawakasan ng nauukol sa kanila matapos ng kamatayan nila. Gawin ito habang nagpapagabay sa mga āyah ng aralin.
2. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah `Abasa (Qur'ān 80:24-42)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga marangal na āyah mula sa āyah 24 hanggang sa āyah 42 ng Sūrah `Abasa;
2. makapagpaliwanag ka sa mga kahulugan ng mga bokabularyo ng mga āyah na naisaulo;
3. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinaiksing pagpapakahulugan;
4. makapaglinaw ka sa mga pagkakahayag ng mga biyaya ni Allāh sa pagkain at inumin;
5. matakot ka sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon.
{24. Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –} {25. na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,} {26. pagkatapos bumitak Kami sa lupa sa isang pagpapabitak,} {27. saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,} {28. at ubas at gulay,} {29. at oliba at datiles,} {30. at mga harding masukal,} {31. at prutas at damo –} {32. bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.} {33. Ngunit kapag dumating ang Dagundong} {34. sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,} {35. at ina niya at ama niya,} {36. at asawa niya at mga anak niya.} {37. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.} {38. May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,} {39. na tumatawa na nagagalak.} {40. May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.}
{41. May lulukob sa mga ito na isang panglaw.} {42. Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.}
Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:
Ang Pangungusap - Ang Kahulugan Nito
nagbuhos : nagpababa ng ulan mula sa langit
gulay: ang kinakain mula sa halaman habang sariwa gaya ng pipino at iba pa rito
masukal: marami ang mga punong-kahoy
damo: dayami at halaman na kinakain ng mga hayop
dagundong: malakas na sigaw ng pagbangon ng patay
asawa: maybahay
nagliliwanag: nagtatanglaw na nagniningning
alabok: alikabok at dumi
lulukob: iibabaw
panglaw: dilim at kaitiman
Ang mga Paksa ng mga Āyah
Ang Pagpapaalaala ng mga Biyaya ni Allāh
Ang mga Hilakbot sa Araw ng Pagbangon
Ang Pagkahati ng mga Tao sa Araw ng Pagbangon
Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan
Ang Pagpapaalaala ng mga Biyaya ni Allāh
Matapos na nabanggit ng mga naunang āyah ang pinag-ugatan ng pagkalikha sa tao, nagsisimula ang mga āyah na ito sa paglilinaw sa kadahilanan ng pananatili ng tao, na biyaya ng pagkain at inumin sapagkat nagsasabi si Allāh:
{Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –} Ito ay isang panuto mula kay Allāh para sa tao upang makatagpo siya ng isang iba pang pang-isip na patunay sa pagbuhay sa pamamagitan ng pag-iisip-isip sa pagkain niya kung papaanong nagpairal nito si Allāh para sa kanya. Pagkatapos binanggit ang detalye niyon:
{25. na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,} Tunay na Kami ay nagpababa ng tubig mula sa langit, {26. pagkatapos bumitak Kami sa lupa sa isang pagpapabitak,} 27. saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,} gaya ng trigo, mais, bigas, at iba pa sa mga ito, {28. at ubas at kumpay,} at mga ubas at mga halamang sariwa. {29. at oliba at datiles, 30. at mga harding masukal,} mga harding malaki ang mga punong-kahoy at sarisari ang mga bunga. {31. at prutas at damo – 32. bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.} bilang mga bunga at bilang damo na nagtatamasa rito kayo at ang mga hayupan ninyo.
Ang mga Hilakbot sa Araw ng Pagbangon
{33. Ngunit kapag dumating ang Dagundong} Ibig sabihin: ang malaking sigaw na bubuhay sa mga tao mula sa mga libingan nila para sa pagtutuos at pagganti. Iyon ay: {34. sa Araw na tatakas ang tao} Tatakas ang tao mula sa pinakainiibig sa mga tao para sa kanya, {mula sa kapatid niya,} {35. at ina niya at ama niya,} 36. at asawa niya at mga anak niya.} Magnanais siya na makaligtas mula sa hilakbot ng araw na iyon dahil {37. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.} Ibig sabihin: aabala sa kanya palayo sa pagpapahalaga sa iba pa sa kanya.
Ang Pagkahati ng mga Tao sa Araw ng Pagbangon
Mahahati ang mga tao sa Araw ng Pagbangon sa dalawang pangkat, na ang bawat isa sa dalawang ito ay may mga katangiang nagkakaibahan.
Ang unang pangkat ay may mga mukhang tumatanglaw: {38. May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag, 39. na tumatawa na nagagalak.} dahil sa natamo ng mga ito na ganti at karangalan. Sila ay ang mga maninirahan sa Paraiso.
Ang ikalawang pangkat ay may mga mukhang naalikabukan na pinadilim. {40. May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok. 41. May lulukob sa mga ito na isang panglaw.} Dahil sa nasasaksihan nila na kasagwaan ng hantungan bilang ganti sa kawalang-pananampalataya nila at pagsuway nila. {42. Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.} Sila ay ang mga tagapagmalabis, ang mga salarin, at ang mga tagatangging sumampalatayang masasamang-loob.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang kahalagahan ng pag-iisip-isip sa mga biyaya ni Allāh sa tao.
2. Ang pagkakinakailangan ng pasasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya at ang gamit ng mga ito sa pagtalima sa Kanya.
3. Ang kakayahan ni Allāh sa pagpapalabas ng halaman mula sa lupa ay isang patunay sa kakayahan Niya.
4. Nilikha ni Allāh ang halaman bilang kapakinabangan para sa tao at mga hayupan.
5. Ang tindi ng mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon ay magpapaabala sa bawat isa sarili niya.
6. Ang bawat isa sa mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya ay may mga tanda na magbubukod sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahambing ako.
Balikan mo ang pagtingin sa mga āyah 27-35 ng Sūrah An-Nāzi`āt, pagkatapos ihambing mo ang mga ito sa mga āyah ng araling ito at lilinaw sa iyo ang dalawang ehemplo sa pakikipag-usap sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa pagbuhay matapos ng kamayan. Ang hinihiling sa iyo ay ang pagsunod sa mga sumusunod na hakbang:
1. Sa ano nagkasang-ayon ang dalawang ehemplo? At sa ano namukod-tangi ang isa sa dalawang ito sa isa pa?
Ang mga anyo ng pagkasang-ayon sa pagitan ng dalawang sūrah ay ang pagpapanuto sa mga tagatangging sumampalataya na nagkakaila sa pagbuhay para humango ng patunay sa kakayahan ni Allāh sa pamamagitan ng pag-iisip-isip sa kadakilaan ng paglikha ni Allāh.
Ang pagpapangamba sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon.
Ang ikinabukod-tangi ng Sūrah An-Nāzi`āt ay ang pagpapanutong nasasamahan ng paninisi at pagmamasama.
Ang ikinabukod-tangi ng Sūrah An-Nāzi`āt ay ang pagpapanutong nasasamahan ng paninisi at pagmamasama.
2. Ipaliwanag mo kung papaano kang makikinabang mula sa paraan ng pakikipag-usap ng Qur'ān sa mga tagapagtambal sa pampag-aanyayang buhay mo.
Iniwan sa Estudyante
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Nagsabi si Allāh: {Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan.} (Qur'ān 23:101) Nagsabi rin Siya: {11. Magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya, 12. at ng asawa niya at kapatid niya, 13. at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya, 14. at ng sinumang nasa lupa nang lahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya.} (Qur'ān 70:11-14) Iugnay mo ang mga āyah na ito sa mga āyah ng aralin nang sa gayon makabuo sa iyo ng isang pinagsama-samang larawan ng kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
1. Magsulat ka ng isang paglalarawang nagbubuod dito ng masasaksihan sa limang linya.
2. Ano ang kailangan sa Muslim na gawin niya para maligtas mula roon?
3. Magbigay ka ng payo sa sinumang iibigin mo na ikaw ay maging isang kadahilanan ng kaligtasan niya sa Araw ng Pagbangon.
Aktibidad 3: Makikinig ako at bibigkas ako.
Buksan mo ang telepono (o kompyuter mo) at pumasok ka sa website na ito: https://www.tvquran.com/. Makinig ka sa mga āyah ng aralin mula sa tatlong magkakaibang tagabigkas, pagkatapos bigkasin mo ang mga ito sa isa sa mga kaklase mo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na pinili sa sumusunod:
Ang Parirala: Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah - Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah - Hindi tumpak
Ang mga mukha ng mga tagatangging sumampalataya ay magiging nakasimangot na nagkukunot-noo. Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah.
Ang mga mukha ng mga mananampalataya ay magiging nagliliwanag na nagniningning. Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah.
Tatakas ang tao mula sa mga tao sa kalahatan maliban sa anak niya at ina niya. Hindi tumpak.
Ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay isang patunay sa kakayahan ni Allāh sa pagbuhay. Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah.
Ang mga propeta ay mamamagitan para sa mga kamag-anak nilang mga tagatangging sumampalataya. Hindi tumpak.
____________________ Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah.
____________________ Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah.
PANUTO 2: Maglagay ka ng isang guhit sa ilalim ng sagot na naaangkop sa mga pag-uugali mo at mga damdamin mo:
1. Ang kakayahan mo sa pagkumbinsi sa katotohan ng pagbuhay ay (malaki - katamtaman - mahina).
2. Nagpupunyagi ka na maging kabilang sa mga mababalitaan ng nakagagalak na pagagalakin sa Araw ng Pagbangon? (Oo - Minsan - Hindi).
3. Nangangamba ka kapag nakababasa ka ng mga āyah ng mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon? (Palagi - Minsan - Hindi kailanman).
4. Nagpapasalamat ka kay Allāh sa biyaya ng pagkain sa pamamagitan ng (pagluluwalhati - pagkakawanggawa ng pagkain - pag-aayuno).
5. Makakakaya ka na maglarawan ng kalagayan ng mga mamamayan ng Paraiso at Impiyerno sa paraang (malakas - katamtaman - mahina).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Maghambing ka sa pagitan ng kalagayan ng mga mamamayan ng Paraiso at ng mga mamamayan ng Impiyerno.
2. Ilagay mo ang mga salitang ito sa mga pangungusap mula sa ganang iyo, na naglilinaw ng mga kahulugan ng mga ito (masukal - alabok - panglaw).
3. Humango ka ng patunay na si Allāh ay nagpababa para sa atin ng tubig at nagpalabas mula sa lupa ng halaman.
4. Ilarawan mo ang mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon gaya ng nasaad sa mga āyah.
5. Magbigay-katwiran ka: nagpaalaala sa atin si Allāh ng mga biyaya Niya sa atin.
6. Nagsabi si Allāh: {24. Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –} {25. na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,} {26. pagkatapos bumitak Kami sa lupa sa isang pagpapabitak,} {27. saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,} {28. at ubas at kumpay,} {29. at oliba at datiles,} {30. 30. at mga harding masukal,} {31. at prutas at damo –} {32. bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.} Bigyang-linaw mo ang mga āyah sa pamamagitan ng istilo mo habang naglilinaw ng mga pagkakalantad ng kakayahan ni Allāh at tungkulin mo tungo sa biyaya ng pagkain.
3. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah At-Takwīr (Qur'ān 81:1-29)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng Sūrah At-Takwīr;
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga salita at mga parirala sa mga āyah;
3. makapagpakahulugan ka ng mga āyah sa isang pinasimpleng pagpapakahulugan;
4. makapaglarawan ka sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon;
5. makapaglahad ka ng katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kainaman ni Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga);
6. makapagtaimtim ka sa sandali ng pagbanggit ng Araw ng Pagbangon.
Ang Pagpapakilala sa Sūrah
Ang Sūrah At-Takwīr ay Makkīyah. Ang bilang ng mga āyah nito ay 29. Tinatawag din ito bilang Sūrah Idhash-Shamsu Kuwwirat.
{1. Kapag ang araw ay ipinulupot,} {2. at kapag ang mga bituin ay pumanglaw,} {3. at kapag ang mga bundok ay iuusad,} {4. at kapag ang mga buntis na kamelyo ay ipinagwalang-bahala,} {5. at kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap,} {6. at kapag ang mga dagat ay pinagliyab,} {7. at kapag ang mga kaluluwa ay itinambal,} {8. at kapag ang [batang] babaing ibinaon nang buhay ay tinanong:} {9. dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,} {10. kapag ang mga pahina ay inilatag,} {11. kapag ang langit ay tinuklap,} {12. at kapag ang Impiyerno ay pinagliyab,} {13. at kapag ang Paraiso ay pinalapit;} {14. malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.} {15. Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong,} {16. na umiinog na nagtatago,} {17. at sa gabi kapag pumaroon-parito ito,} {18. at sa madaling-araw kapag huminga ito;} {19. tunay na [ang Qur'ān na] ito ay talagang sinabi sa isang sugong marangal,} {20. na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na matatag [sa katungkulan],} {21. na tinatalima, pagkatapos mapagkakatiwalaan.} {22. Ang kasamahan ninyo ay hindi isang baliw.} {23. Talaga ngang nakakita siya rıto sa abot-tanaw na malinaw.} {24. Siya, [sa pagpapaabot] sa nakalingid, ay hindi isang sakim.} {25. [Ang Qur'ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.} {26. Kaya saan kayo pupunta?} {27. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang,} {28. para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid,} {29. at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.}
Ang mga Kahulugan ng mga Salita at mga Parirala:
Ang Pangungusap - Ang Kahulugan Nito
ipinulupot: binalot at naglaho ang tanglaw nito
pumanglaw: bumagsak at nagkalatan
buntis na kamelyo: inahing kamelyo na lumipas sa pagbubuntis nito ang sampung buwan
ipinagwalang-bahala: pinabayaan:
kinalap: tinipon
pinag-apoy: pinuno ng apoy
babaing ibinaon nang buhay: batang babae na inilibing nang buhay
tinuklap: inalis at tinanggal
pinagliyab: pinagningas nang matinding pagningas
pinalapit: inilapit sa mga tagapangilag magkasala
umuurong: bumabalik
umiinog: planeta
nagtatago: tala na nagkukubli at naglalaho sa ilalim ng liwanag ng araw
pumaroon-parito: dumarating ang liwanag nito o lumilisan
huminga: dumating at tumanglaw
sinabi sa isang sugo: ipinaabot kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga)
hindi isang sakim: hindi nagmamaramot ng kasi at hindi nagkukulang sa pagpapaabot, na ang tinutukoy rito ay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
kasumpa-sumpa: itinaboy mula sa awa ni Allāh
Ang mga Paksa ng Āyah
- Ang mga Pangyayari ng Pagsisimula ng Araw ng Pagbangon
- Ang Pagkalap sa mga Tao Para sa Pagtutuos at Pagganti
- Ang Katapatan ng Sugo (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ang Kainaman ni Anghel Gabriel (Sumakanya ang Pangangalaga)
Ang Pagbibigay-linaw at ang Pagpapakahulugan
Ang mga Pangyayari ng Pagsisimula ng Araw ng Pagbangon
Nagkasunuran ang Sūrah At-Takwīr at ang mga tinalakay ng mga sūrah na bago nito na pagbanggit ng mga hilakbot ng Araw ng pagbangon sapagkat nagsabi si Allāh:
{1. Kapag ang araw ay ipinulupot, 2. at kapag ang mga bituin ay pumanglaw, 3. at kapag ang mga bundok ay iuusad,} Ibig sabihin: Naglaho ang tanglaw ng araw, bumagsak ang mga bituin at naglaho ang tanglaw ng mga ito, at gumalaw ang mga bundok hanggang sa nagbagsakan ang mga ito.
{4. at kapag ang mga buntis na kamelyo ay ipinagwalang-bahala, 5. at kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap,} Ibig sabihih: Pinabayaan ang mga kamelyong buntis hanggang sa nalaglag ang mga fetus nito at tinipon ang mga naninilang hayop sa dakilang araw na ito. {6. at kapag ang mga dagat ay pinag-apoy,} Kapag nagbagong-anyo ang mga dagat para maging mga apoy.
Ang Pagkalap sa mga Tao Para sa Pagtutuos at Pagganti
{7. at kapag ang mga kaluluwa ay itinambal,} Ibig sabihin: Maglalapitan ang bawat kahawig sa katulad nito kaya naman ang tagatangging sumampalataya ay kasama ng tagatangging sumampalataya at ang mananampalataya ay kasama ng mananampalataya.
{8. at kapag ang [batang] babaing ibinaon nang buhay ay tinanong:} 9. dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,} Ibig sabihin: Tatanungin ang batang babaing inilibing nang buhay tungkol sa dahilan ng pagpatay sa kanya. Iyon ay isang pagmamasama sa pumatay sa kanya at isang pagtawag-pansin para sa ganting-pinsala sa pumatay.
{10. kapag ang mga pahina ay inilatag,} Pagkatapos magliliparan ang mga pahina ng mga gawa ng mga tao at kukunin ng bawat isa ang talaan nito upang umalam nito.
{11. kapag ang langit ay tinuklap, 12. kapag ang Impiyerno ay pinagliyab, 13. at kapag ang Paraiso ay pinalapit; 14. malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.} Pagkatapos maglalaho ang langit at aalisin ito mula sa lugar nito, titindi ang Impiyerno ng Apoy sa paghahanda para sa pagtapon doon ng mga tagatangging sumampalataya, at lalapit ang Paraiso sa mga mananampalataya.
{14. malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.} Kaya malalaman ng bawat tao ang gawa niya at ang hantungan niya.
Ang Katapatan ng Sugo (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ang Kainaman ni Anghel Gabriel (Sumakanya ang Pangangalaga)
Sumusumpa si Allāh sa isang bilang ng mga dakilang nilikha Niya sapagkat nagsabi Siya: {15. Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong, 16. na umiinog na nagtatago,} Ibig sabihin: Sumusumpa ako sa mga bituin na nagkukubli ang liwanag ng mga ito sa maghapon at nagkukubli sa mga umpukan ng mga ito. {17. at sa gabi kapag pumaroon-parito ito, 18. at sa madaling-araw kapag huminga ito;} Sumumpa Siya sa gabi kapag dumating ito kasama ng dilim nito at sa umaga kapag lumitaw ang tanglaw nito sa katapatan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapabatid niya ng pagbaba ng Marangal na Qur'ān sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga). {19. tunay na [ang Qur'ān na] ito ay talagang sinabi sa isang sugong marangal, 20. na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na matatag [sa katungkulan], 21. na tinatalima, pagkatapos mapagkakatiwalaan.} Si Anghel Gabriel ay may lakas sa pagpapatupad ng ipinag-utos sa kanya at may katayuang angat sa ganang kay Allāh. Tumatalima sa kanya ang mga anghel. Siya ay pinagkakatiwalaan sa kasi na ibinaba niya.
{22. Ang kasamahan ninyo ay hindi isang baliw.} Ang kasi ay katotohanan at katapatan. Hindi ito gaya ng ipinararatang ninyo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay baliw. {23. Talaga ngang nakakita siya rıto sa abot-tanaw na malinaw. 24. Siya, [sa pagpapaabot] sa *nakalingid, ay hindi isang sakim.} Talaga ngang nakita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) at kinuha niya rito ang kasi at ipinaabot niya ito nang walang pagmamaramot o pagkukubli. {25. [Ang Qur'ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.} Ibig sabihin: Ang Qur'ān na ito ay hindi mula sa sabi ng isang demonyong itinaboy mula sa awa ni Allāh. {26. Kaya saan kayo pupunta?} Matapos ng mga patotoong ito sa kasinungalingan ninyo at katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? {27. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang,} Kaya walang iba ang Marangal na Qur'ān kundi isang pagpapaalaala para sa tao at jinn, lalo na {28. para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid, 29. at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} Sa kabila niyon, hindi maaari para sa isa man na mapatnubayan malibang may pagnanais ni Allāh, pagtutuon Niya, at pagtulong Niya.
Kabilang sa mahahangong katuturan mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang pagpapangamba sa sangkatauhan upang maghanda sila para sa Araw ng Pagbangon at anumang naroon na mga hilakbot.
2. Ang kataasan ng katayuan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang sumumpa si Alalh sa katapatan niya.
3. Ang kainaman ng pinagkakatiwalaan ng kasi na si Anghel Gabriel at ang kadakilaan ng katayuan niya.
4. Ang pagpapawalang-kinalaman sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpaparatang ng mga tagapagtambal sa kanya ng kabaliwan o karamutan sa pagpapaabot ng kasi.
5. Naisasakatotohanan ang pagkamatuwid at ang pagkakataon ng tao dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at kalooban Niya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Ang Pagpili ng Tama
Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na pinili sa sumusunod:
Ang mga Pangyayari sa Araw ng Pagbangon: Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah - Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah - Hindi tumpak
Ang Paglaho ng Langit Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah.
Ang Pag-ihip sa Tambuli at ang Pagkamatay ng mga Nilikha Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah.
Ang Pagkalatan ng mga Bituin at ang Pagbagsakan ng mga Ito Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah.
Ang Pagbanat sa Lupa at ang Pagtapon ng Nasa Loob Nito Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah.
Ang pananatili ng liwanag ng buwan sa Araw ng Pagbangon. hindi tumpak.
_____________________ Tumpak at nagpatunay rito ang mga āyah.
_____________________ Tumpak at hindi nagpatunay rito ang mga āyah.
Aktibidad 2: Maghahango ako.
Hanguin mo mula sa Sūrah At-Takwīr ang umaayon sa kahulugan ng mga sumusunod na āyah:
{Sa Araw na makatatagpo ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa niya na kabutihan na padadaluhin at sa anumang ginawa niya na kasagwaan, mag-aasam siya na kung sana sa pagitan niya at niyon ay may isang agwat na malayo.} (Qur'ān 3:30)
Ang sabi ni Allāh: {malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.} (Qur'ān 81:14)
{Sa bawat tao ay nagdikit Kami ng gawain niya sa leeg niya at magpapalabas Kami para sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng isang talaang masusumpungan niyang nakabuklat.} (Qur'ān 17:13)
Ang sabi ni Allāh: {kapag ang mga pahina ay inilatag,} (Qur'ān 81:10)
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
Ang sabi ni Allāh: {at kapag ang [batang] babaing ibinaon nang buhay ay tinanong:} (Qur'ān 81:8) ay isang patunay sa magaganap sa Kabilang-buhay na:
(katarungan ni Allāh - awa ni Allāh - kapangyarihan ni Allāh).
Ang pakikipagkita ng tao sa ganti ng gawa niya ay mahahango ang katuturan niyon mula sa sabi ni Allāh:
(kapag ang mga pahina ay inilatag - kapag ang Impiyerno ay pinagliyab - malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito.).
Ang "pinagningas sa apoy" ay kahulugan ng sabi ni Allāh:
{kinalap - pinag-apoy - pinagliyab).
May nasaad sa mga āyah na isang paglalarawan ng nagpapatibay sa katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
(ang pagkamapagkakatiwalaan - ang pagkaawa - ang katarungan).
Kabilang sa mga nakapangangambang masasaksihan sa Araw ng Pagbangon, na nasaad sa Sūrah At-Takwīr:
(ang pagkatuyo ng mga dagat - ang pagkabiyak ng buwan - ang paglatag ng mga pahina [ng gawa]).
PANUTO 2: Isulat mo ang marangal na āyah na nagpapatunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
Ang Katayuan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Kainaman ni Anghel Gabriel (Sumakanya ang Pangangalaga)
PANUTO 3: Ilarawan mo ang mga pangyayari ng Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng mga sumusunod na āyah: {1. Kapag ang araw ay ipinulupot, 2. at kapag ang mga bituin ay pumanglaw, 3. at kapag ang mga bundok ay iuusad, 4. at kapag ang mga buntis na kamelyo ay ipinagwalang-bahala, 5. at kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap, 6. at kapag ang mga dagat ay pinag-apoy, 7. at kapag ang mga kaluluwa ay ipinagpares,}
4. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah At-Al-Infiṭār (Qur'ān 81:1-19)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga āyah ng Sūrah Al-Infiṭār;
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah ng Sūrah Al-Infiṭār;
3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng Sūrah Al-Infiṭār nang maiksi;
4. makapag-isa-isa ka ng mga pangyayari na mauuna sa pagbuhay;
5. makapagbigay-patunay ka sa pagsusulat ng mga anghel ng mga gawa mula sa Sūrah Al-Infiṭār;
6. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahahangong katuturan mula sa mga āyah ng Sūrah Al-Infiṭār;
7. makapagsadamdamin ka sa kalubhaan ng Araw ng Pagbangon.
Aktibidad na Pang-umpisa
Ang Araw ng Pagbangon ay may ilang pangalan, na nasaad ang pagbanggit sa mga ito sa Marangal na Qur'ān.
Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng pangalang nasasaad sa Sūrah Al-Infiṭār, kasama ng paglilinaw sa kahulugan nito sa sumusunod:
Araw ng Pagpapasya. (✓) Araw ng Pagtutumbas. Araw ng Pagkikita
Ang Sūrah Al-Infiṭār ay Makkīyah. Nagsasalita ito tungkol sa Araw ng Pagbangon, mga hilakbot nito, at kahihinatnan ng mga tagapagpasinungaling dito. Maaaring hatiin ang marangal na sūrah sa tatlong parte gaya ng ipinaliwanag sa sumusunod na porma:
Ang Sūrah Al-Infiṭār
Una. Ang mga Pangyayari na Mauuna sa Pagbuhay
Ikalawa. Ang Pagbabala at ang Banta sa mga Tagasuway at mga Tagatangging Sumampalataya
Ikatlo. Ang Pagdakila sa Araw ng Pagbangon
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
{1. Kapag ang langit ay nabitak, 2. kapag ang mga tala ay naisabog, 3. kapag ang mga dagat ay isinambulat, 4. at kapag ang mga libingan ay hinalukay; 5. malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya. 6. O tao, ano ang dumaya sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay? 7. [Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo. 8. Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo. 9. Aba'y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa Pagtutumbas. 10. Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, 11. na mararangal na mga tagasulat. 12. Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo. 13. Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan. 14. Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno. 15. Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas. 16. Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban. 17. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas? 18. Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas? 19. [Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.} (Qur'ān 82:1-19)
Ang Pangungusap - Ang Kahulugan Nito
nabitak: nabiyak
naisabog: nagbagsakan
isinambulat: nagkahalu-halo ang isa't isa sa mga ito at ang tabang at ang alat ay naging magkatulad
hinalukay: binaliktad ang lupa ng mga ito
Una. Ang mga Pangyayari na Mauuna sa Pagbuhay
Nagsimula ang marangal na sūrah sa paglilinaw ng apat na pangyayaring pangsansinukob na mauuna sa pagbuhay. Ang mga ito ay:
{1. Kapag ang langit ay nabitak,} Ibig sabihin: Nabiyak ito.
{2. kapag ang mga tala ay naisabog,} Ibig sabihin: Nagbagsakan ang mga ito.
{3. kapag ang mga dagat ay isinambulat,} Ibig sabihin: Nagkahalu-halo ang isa't isa sa mga ito. Ang tabang at ang alat ay naging magkatulad.
{4. at kapag ang mga libingan ay hinalukay;} Ibig sabihin: Binaliktad ang lupa ng mga ito at binuhay ang mga patay ng mga ito.
Kapag naganap ang mga pangyayari, sasapit ang pagbangon at magsisimula ang pagtutuos. Ilalahad ang mga gawa ng mga tao sa kanila, kaya makikita ng bawat tao ang mga gawa niya. Nagsabi si Allāh: {5. malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya.} Ibig sabihin: Malalaman ng isang kaluluwa ang anumang isinagawa iwinaksi niya kaya hindi niya ginawa.
Ikalawa. Ang Pagbabala at ang Banta sa mga Tagasuway at mga Tagatangging Sumampalataya
Pagkatapos lumipat ang Sūrah matapos niyon sa pagbabala sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway sapagkat nagsabi si Allah:
{6. O tao, ano ang dumaya sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?} Ibig sabihin: Aling bagay ang luminlang sa iyo at nagpapusok sa iyo sa pagsuway kay Allāh? Papaano mong nagagawa iyon samantalang: {7. [Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo.} Ibig sabihin: Nilikha ka Niya matapos na ikaw ay wala at gumawa Siya sa iyo bilang nahubog ang pagkalikha, na inaangkop. {8. Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.} Ibig sabihin: Bumuo Siya sa iyo sa anyo na niloob Niya na ikaw ay maging gayon.
Pagkatapos nilinaw Niya (kaluwalhatian sa Kanya) ang kadahilanan ng pagkadayang ito sapagkat nagsabi Siya: {9. Aba'y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa pagtutumbas.} Ibig sabihin: Hindi ang pagkamapagbigay ni Allāh ang nandaya sa iyo. Nagpapusok sa inyo lamang sa mga pagsuway ang pagpapasinungaling ninyo sa Relihiyon, na ito ang ganti matapos ng pagbuhay.
Pagkatapos nagsabi Siya: {10. Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, 11. na mararangal na mga tagasulat. 12. Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.} Ibig sabihin: At papaano kayong nagpapasinungaling sa pagganti sa mga gawa? Nagtalaga nga si Allāh sa inyo ng mga anghel na mararangal, na nagsusulat hinggil sa inyo ng mga gawa ninyo upang tuusin kayo sa mga ito. Walang nakukubli sa kanila na anuman sa mga gawa ninyo.
Ikatlo. Ang Pagdakila sa Araw ng Pagbangon
Tunay na pagganti sa Araw ng Pagbangon ay magiging alinsunod sa mga gawa na ginawa ng tao. Ang mga tao sa araw na iyon ay dalawang pangkat: mananampalatayang mabuting-loob at tagatangging sumampalatayang masamang-loob.
Naglinaw nga si Allāh ng ganti sa bawat isa sa dalawang pangkat sapagkat nagsabi Siya:
A. {13. Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan.} Ibig sabihin: sa Paraiso at iyon ay dahil sa pagsasamabuting-loob nila at pagtalima nila kay Allāh sa Mundo.
B. {14. Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno.} Ibig sabihin: Sa isang apoy na nakatutupok dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamasamang-loob nila. {15. Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas.} Ibig sabihin: Papasok sila at pagdurusahin sila sa init nito sa Araw ng Pagganti. {16. Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.} Ibig sabihin: Kapag pumasok sila ay hindi sila makalalabas mula roon.
Pagkatapos dadakila si Allāh sa pumapatungkol sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsasabi Siya: {17. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?} Ibig sabihin: Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo Namin, kung ano ang Araw ng Pagtutumbas? Tunay na ito ay isang dakilang araw. Pagkatapos magbibigay-diin siya roon sapagkat nagsasabi siya: {18. Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?}
Ibig sabihin: Pagkatapos naglinaw si Allāh ng isa sa mga aspeto ng kalubhaan sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi Siya: {19. [Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.} Ibig sabihin: Hindi makapagdudulot ang isang tao ng isang pakinabang sa iba pang tao sa Araw ng Pagbangon; bagkus ang nauukol sa kabuuan nito ay kay Allāh lamang.
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang tindi ng mga pangyayari na mauuna sa pagbuhay, gaya ng pagkabiyak-biyak ng langit, pagkalatan ng mga bituin, at iba pa roon.
2. Ang pagsigasig sa paghahain ng mga gawang maayos na nagpapakinabang sa Kabilang-buhay.
3. Nilikha tayo ni Allāh sa isang pinakamagandang anyo. Ito ay humihiling ng pananampalataya sa Kanya at pagpapasalamat sa mga biyaya Niya.
4. Ang pagsusulat ng mga anghel ng mga gawa natin ay nag-oobliga ng pagpapakatuwid upang maligtas tayo sa Araw ng Pagbangon.
5. Ang mga tao sa Araw ng Pagbangon ay dalawang pangkat: isang nagsasamabuting-loob na tapat, na magiging nasa Kaginhawahan, at isang nagsasamasamang-loob na tagatangging sumampalataya, na magiging nasa Impiyerno.
6. Hindi magpapakinabang ang pamamagitan sa isa sa Araw ng Pagbangon malibang may pahintulot ni Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at pipili ako.
Kabilang sa mga araling mahahango ang katuturan mula sa Sūrah Al-Infiṭār na gumawa ang Muslim ng mga gawaing magpapakinabang sa kanya matapos ng kamatayan niya. Kaya alin sa mga sumusunod na gawain ang nakikita mo na naaangkop para sa iyo at bakit?
1. Ang Pagtuturo sa mga Tao
2. Pag-aakda ng Isang Aklat na Napakikinabangan
3. Ang Pakikilahok sa Pagpapatayo ng Isang Masjid
4. Pag-aanak ng mga Batang Matuwid
5. Paghuhukay ng Balon Para Mainuman
Aktibidad 2: Magsasaliksik ako at mag-iisip ako.
Nagpatunay ang Sūrah Al-Infiṭār na si Allāh ay lumikha sa atin sa isang pinakamagandang anyo. Sa liwanag niyon, tugunin mo ang sumusunod:
1. Magsulat ka mula sa Sūrah Al-A`lā at Sūrah At-Tīn ng nagpapatunay niyon.
(na lumikha saka humubog,) (Qur'ān 87:2)
{talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.} (Qur'ān 95:4)
2. Ipaliwanag mo ang ilan sa mga pagkakahayag ng pagpaparangal ni Allāh sa tao higit sa iba pa sa kanya kabilang sa mga nilikha.
Nagtangi si Allāh sa tao at nagparangal sa kanya sa pagkakaroon ng isip, kamalayan, pagsasalita, at pagkatuwid ng tindig; nagpadala sa kanya ng mga sugo, at nagpababa ng mga kasulatan para sa kapatnubayan niya.
Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako pagkatapos tutugon ako.
Tumukoy ang mga āyah sa pagbuhay mula sa mga libingan, pagkatapos sa paglalahad ng mga gawa ng mga tao sa kanila, subalit sa pagitan ng dalawang mangyayaring ito ay titindig ang mga tao nang isang matagal na pagtindig sa lupain ng kalapan [ng mga binuhay] hanggang sa magsimula ang pagtutuos at ang paglalahad ng mga gawa para mapag-alaman ang kalagayan ng mga tao sa sandali ng pagkakalap. Pagbulay-bulayan mo ang sumusunod na ḥadīth, pagkatapos hanguin mo ang mga hilakbot na ipinahihiwatig nito:
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ilalapit ang araw sa Araw ng Pagbangon sa nilikha. ... Ang mga tao ay ayon sa sukat ng mga gawa nila sa [pagkalubog sa] pawis. Kaya naman mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga bukungbukong niya, mayroon sa kanila magiging hanggang sa mga tuhod niya, mayroon sa kanila na magiging sa mga baywang niya, at mayroon sa kanila na rerendahan ng pawis sa isang pagrerenda." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2864.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling parirala sa sumusunod:
Kabilang sa mga pangyayari na mauuna sa pagbuhay ang pagsabog ng mga dagat. (✓)
Isinusulat ng mga anghel ang mga gawaing maganda hindi ang mga masagwa. (X)
Mayroong mga gawaing isusulat sa pahina ng gawa ng Muslim matapos ng kamatayan niya. (✓)
Mamamagitan ang Muslim sa Araw ng Pagbangon sa mga kamag-anak niyang tagatangging sumampalataya. (X)
May nasaad na tatlong pangalan ng Araw ng Pagbangon sa Sūrah Al-Infiṭār. (X)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nagpapahiwatig ang sabi ni Allāh: {at kapag ang mga libingan ay hinalukay;} ng:
(wakas ng Mundo - pagbuhay sa mga patay -damit ng mga libingan).
2. Kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali na nasasaad sa sūrah:
(ang paglabas nina Ya'jūj (Gog) at Ma'jūj (Magog) - ang pagkabiyak ng buwan - ang pagbagsak ng mga tala).
3. Kabilang sa mga hilakbot ng Huling Sandali na nasasaad sa sūrah:
(ang paglapit ng araw sa mga ulo - hindi magpapakinabang ang pamamagitan maliban may pahintulot ni Allāh - ang init at ang matinding siksikan).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay mula sa Sūrah Al-Infiṭār sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Paghahalu-halo ng mga dagat sa isa't isa sa mga ito.
{kapag ang mga dagat ay isinambulat,} (Qur'ān 82:3)
2. Nagtalaga si Allāh sa mga tao ng mga nagsusulat ng mga gawa nila.
{Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, na mararangal na mga tagasulat.} (Qur'ān 82:10-11)
3. Kapag pumasok ang mga masamang-loob sa Impiyerno, tunay na sila ay hindi makalalabas mula roon.
{Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.} (Qur'ān 82:16)
PANUTO 4: Magbigay-linaw ka sa bawat āyah mula sa sumusunod, kasama ng paglilinaw ng mahahangong katuturan mula rito:
1. {malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya.} (Qur'ān 82:5)
2. {[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.} (Qur'ān 82:19)
5. Ang Makkīy at ang Madanīy
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-kahulugan ka sa Makkīy at Madanīy sa Marangal na Qur'ān;
2. makapag-isa-isa ka sa mga panuntunan sa paghatol sa mga sūrah ng Qur'ān bilang Makkīy o Madanīy;
3. makatalos ka sa Makkīy at Madanīy ng Marangal na Qur'ān;
4. makapagbigay-halaga ka sa kahalagahan ng pag-alam sa Makkīy at Madanīy;
5. makahatol sa pagiging Makkīy ng sūrah o pagiging Madanīy sa pamamagitan ng natutuhan mo.
Aktibidad na Pang-umpisa
Sa pananaw mo, bakit naglimita ang mga maalam sa paghati ng Marangal na Qur'ān sa pagiging Makkīy at Madanīy gayong mayroong mga āyah na bumaba sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa hindi Makkah at Madīna, tulad ng sa Al-Hudaybīyah, Badr, at Uḥud?
Ito ay ang mapag-aalaman natin sa pamamagitan ng araling ito.
Nagpahalaga ang mga Muslim sa Marangal na Qur'ān nang dakilang pagpapahalaga. Kabilang sa mga pagkakahayag niyon ang pagbubukod nila sa pagitan ng pagiging Makkīy at Madanīy ng mga āyah ng Qur'ān. Kaya ano ang Makkīy at ang Madanīy? Ano ang mga tuntunin ng dalawang ito? Ano ang katuturan ng pag-alam sa dalawang ito? Ito ay matututuhan natin sa araling ito.
Ang Makkīy at ang Madanīy
Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Makkīy at Madanīy
Ikalawa. Ang mga Katuturang Inireresulta ng Pagkaalam sa Makkīy at Madanīy
Ikatlo. Ang mga Tuntunin ng Makkīy at Madanīy
Ikaapat. Ang mga Sūrah na Makkīy at Madanīy
Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Makkīy at Madanīy
Ang Makkīy ay ang bumaba mula sa Qur'ān bago ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah kahit pa man ang pagbaba nito ay hindi sa Makkah.
Ang Madanīy ay ang bumaba mula sa Qur'ān matapos ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit pa man ang pagbaba nito ay hindi sa Madīnah.
Ikalawa. Ang mga Katuturang Inireresulta ng Pagkaalam sa Makkīy at Madanīy
Ang pagkaalam sa Makkīy at Madanīy ay may ilang katuturan, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang pagkaintindi sa mga āyah at pagpapakahulugan sa mga ito ayon sa isang tumpak na pagpapakahulugan at ang pagluluklok sa mga ito ayon sa mga kahulugang naaangkop sa mga ito.
2. Ang pagbubukod ng nāsikh (āyah na tagapagpawalang-bisa sa ibang āyah) at mansūkh (āyah na pinawalang-bisa ng iba pang āyah).
Kapag may nasaad na dalawang āyah sa iisang paksa at nagpahiwatig ang bawat āyah ng magkaibang kahatulan, kung ang isa sa dalawang āyah ay Makkīy at ang isa pa ay Madanīy, tunay na tayo ay hahatol ayon sa ipinahiwatig ng āyah na Madanīy dahil ito ay tagapagwalang-bisa sa nasaad sa āyah na Makkīy dala ng pagsasaalang-alang sa pagkahuli ng pagbaba ng āyah na Madanīy.
3. Ang Paghango ng Katuturan Mula sa Pagkakaalam Dito sa Reyalidad ng Pampag-aanyaya (Panda`wah)
Ito ay yayamang nakikipag-usap ang tagapag-anyaya sa bawat pangkatin ayon sa ipakikinabang niya rito at ayon sa naaangkop dito sapagkat tunay na ang Qur'ān na Makkīy ay nakikipag-usap noon sa isang mayoriyang tagatangging sumampalataya na hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Huling Araw. Dumami sa Qur'ān na Makkīy ang pagbanggit sa mga pangkalahatang usapin ng Tawḥīd at ang nauugnay sa pagpapatibay sa pagkapropeta, pagbuhay, at iba pa rito. Hinggil naman sa Qur'ān na Madanīy, ito noon ay nakikipag-usap sa estadong Muslim na tumatag ang nauukol dito at ang pag-uutos at ang pagsaway rito ay ukol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya lumitaw ang mga pagbabatas at ang mga takdang parusa.
Ang tagapag-anyaya ay makikinabang mula rito sa pagsasarisari sa pakikipag-usap niya alinsunod sa mga inaanyāyahan at mga lagay.
4. Ang Pagbibigay-diin sa Paghihimala sa Marangal na Qur'ān
Kaya sa kabila ng pagkakaiba-iba ng panahon na binabaan ng Makkīy at Madanīy, gayunpaman ang istilo ay hindi nagkaiba-iba sa punto ng retorika at paglilinaw.
Ikatlo. Ang mga Tuntunin ng Makkīy at Madanīy
Ang pangunahing tuntunin ay na makilala ang Makkīy at ang Madanīy sa pamamagitan ng pagpapaabot. Ang tinutukoy ng pagpapaabot ay ang napagtibay ayon sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) at mga Tagasunod mula sa mga salaysay na nagpapabatid na ang sūrah ay Makkīy at Madanīy.
Sa sandali ng kawalan ng pagkakaroon ng pagpapaabot o pagkakaiba-iba rito, tunay na mayroong mga tuntuning nagbubukod sa pagitan ng Makkīy at Madanīy. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang bawat sūrah na nagsimula sa mga titik na hiwa-hiwalay, tulad ng Nūn, AlifLāmMīm, ḤāMīm, AlifLāmRā', KāfḤā'Ya AynSād', ay Makkīy, maliban sa Sūrah Al-Baqarah at sa Sūrah Āl `Imrān. Sa Sūrah Ar-Ra`d ay may pagkakaibahan ng pahayag.
2. Ang bawat sūrah na nasaad dito ang pananalitang kallā (Aba'y hindi!), ito ay Makkīy. Hindi nasaad ang pananalitang ito maliban sa ikalawang kalahati ng mga sūrah ng Marangal na Qur'ān.
3. Ang bawat sūrah na may sajdah (pagpapatirapa) ay Makkīy.
4. Ang bawat sūrah na nasaad dito ang pagbanggit sa mga mapagpaimbabaw, ito ay Madanīy dahil ang pagpapaimbabaw ay hindi lumitaw malibang sa Madīnah.
5. Ang bawat sūrah na binanggit dito ang pagkikipagdebate sa mga may kasulatan at mga kalagayan nila, ito ay Madanīy.
6. Ang karamihan sa mga sūrah na nasaad sa mga ito ang kasaysayan ng mga propeta at mga naunang kalipunan ay Makkīy.
Ikaapat. Ang mga Sūrah na Makkīy at Madanīy
Umaabot ang bilang ng mga sūrah na Madanīy sa 20 sūrah ayon sa pagkakasang-ayon ng mga maalam. Ang mga sūrah na Makkīy ay may bilang na 82 sūrah ayon sa pagkakasang-ayon at nagkaiba naman ang mga maalam sa pagtatakda ng 12 sūrah.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkakaiba-iba na ang sūrah ay naglaman ng mga āyah na bumaba sa Makkah at mga āyah na bumaba sa Madīnah.
Heto ang mga pangalan ng lahat ng mga sūrah sa talahanayan:
Ang mga sūrah na Madanīy ayon sa pagkasang-ayon ay 20 sūrah. Al-Baqarah - Āl `Imrān - An-Nisā' - Al-Mā'idah - Al-Anfāl - At-Tawbah - An-Nūr - Al-Aḥzāb - Muḥammad - Al-Fatḥ - Al-Ḥujurāt - Al-Ḥadīd - Al-Mujādilah - Al-Ḥashr - Al-Mumtaḥinah - Al-Jumu`ah - Al-Munāfiqūn - Aṭ-Ṭalāq - At-Taḥrīm - An-Naṣr.
Ang mga sūrah na nagkakaiba-iba ng pahayag sa mga ito ay 12 sūrah: Al-Fātiḥah - Ar-Ra`d - Ar-Raḥmān - Aṣ-Ṣaff - At-Taghābun - Al-Mutaffifin - Al-Qadr - Al-Bayyinah - Az-Zalzalah - Al-Ikhlāṣ - Al-Falaq - An-Nās.
Ang mga sūrah na Makkīy ayon sa pagkasang-ayon ay 82 sūrah. Ang maliban pa sa mga sūrah na nabanggit.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsusulat ka.
Magsulat ka ng mga pangalan ng limang sūrah na Makkīy sa kundisyon na sa bawat isa sa mga ito ay may isang tuntunin mula sa mga tuntunin ng Qur'ān na Makkīy.
Ang Sūrah / Ang Tuntunin
Aktibidad 2: Magsasaliksik ako at tutugon ako.
Nananaig sa mga sūrah na Makkīy ang kaiksian ng mga āyah at nananaig sa mga sūrah na Madanīy ang kahabaan ng mga āyah. Sa pamamagitan niyon:
1. Magbigay-patunay ka roon sa pamamagitan ng dalawang sūrah.
2. Magpatulong ka sa pamamagitan ng mga kaparaanan ng pagsasaliksik na mayroon sa paglilinaw sa mga kadahilanan niyon.
Aktibidad 3: Makikilahok ako at tutugon ako.
Sa pakikilahok sa mga kaklase mo, ipaliwanag mo kung papaano maaari sa iyo ang makahango ng katuturan sa pagkakaalam ng Makkīy at Madanīy sa kalagayan mong pampag-aanyaya.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang Ar-Ra`d ay kabilang sa mga sūrah na:
(Makkīy - Madanīy - nagkakaiba-iba ng pahayag hinggil dito).
2. Ang bawat sūrah na may sajdah (pagpapatirapa) ay:
(Makkīy - Madanīy - nagkakaiba-iba ng pahayag hinggil dito).
3. Kabilang sa mga katuturan ng pagkakaalam sa Makkīy at Madanīy:
(ang kadalian ng pagsasaulo - pagkakaalam ng nāsikh at mansūkh - ang pagkakaalam sa mga kadahilanan ng pagbaba).
PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng narito na mga kamalian:
1. Ang pagkaalam sa Makkīy at Madanīy ay nalalaman sa pamamagitan ng teksto hindi ng ijtihād.
Ang pagkaalam sa Makkīy at Madanīy ay sa pamamagitan ng pagpapaabot (naql) at ijtihād.
2. Ang bawat sūrah na nasaad dito ang pananalitang kallā (Aba'y hindi!), ito ay Madanīy.
Ang bawat sūrah na nasaad dito ang pananalitang kallā (Aba'y hindi!), ito ay Makkīy.
3. Nagkaiba-iba ang mga maalam kaugnay sa 11 sūrah kung ang mga ito ba ay Makkīy o Madanīy.
Nagkaiba-iba ang mga maalam kaugnay sa pagiging Makkīy at Madanīy ng 12 sūrah.
PANUTO 3: Alin sa mga sumusunod na sūrah ang at alin sa mga ito ang Madanīy, kasama ng paglilinaw sa tuntunin niyon.
(Sūrah At-Takāthur - Sūrah Al-Baqarah - Sūrah Al-Munāfiqūn - Sūrah Al-`Alaq).
PANUTO 4. Magbigay-kahulugan ka sa Makkīy at Madanīy sa Marangal na Qur'ān.
6. Ang Paghihimala ng Marangal na Qur'ān
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagtakda ka ng konsepto ng paghihimalang pang-Qur'ān;
2. makapag-isa-isa ka ng mga uri ng paghihimalang pang-Qur'ān;
3. makapaghalimbawa ka ng paghihimalang pampaglilinaw sa Marangal na Qur'ān;
4. makapagbuod ka ng mga yugto ng paghamon ng Marangal na Qur'ān sa mga Arabe;
5. makapagsadamdamin ka sa kadakilaan ng Marangal na Qur'ān at epekto nto sa buhay mo.
Isang larawan ng isang muṣḥaf na nakabukas at may nakalitaw rito na isang āyah: {maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito}
Nag-ayuda si Allāh sa mga Sugo Niya (sumakanila ang pangangalaga) sa pamamagitan ng mga himala na nagpapatunay sa katapatan nila. Kabilang sa kanila si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang ibinigay sa kanya ang tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao. Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4981 at Imām Muslim: 152. Ibig sabihin: Na ang lahat ng mga propeta ay binigyan ni Allāh ng mga himala na naging kadahilanan sa pagsampalataya ng mga tao. Hinggil naman sa himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ito ay ang Marangal na Qur'ān. Matututuhan natin sa araling ito ang konsepto ng paghihimalang pang-Qur'ān at mga uri nito.
Ang Konsepto ng Paghihimala ng Marangal na Qur'ān
Ang paghihimala ng Qur'ān ay ang kawalan ng kakayahan ng mga Arabeng mahusay sa wikang Arabe at ng mga dumating matapos nila sa paglalahad ng tulad ng Marangal na Qur'ān o tulad ng isang bahagi mula rito bilang pagtugon sa hamon, gayong sila ay nagmamay-ari ng mga kasangkapan ng wika at paglilinaw.
Ito ay nagpapatunay na ang Marangal na Qur'ān ay salita ni Allāh sa totoo at hindi salita ng tao.
Ang mga Yugto ng Paghamon ng Marangal na Qur'ān sa mga Arabe
Dumaan ang hamon ng Marangal na Qur'ān sa mga Arabe sa tatlong yugto. Ang mga ito ay:
Ang Unang Yugto. Ang paghamon na maglahad sila ng tulad ng Qur'ān sa kabuuan nito. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: "Talagang kung nagtipon ang tao at ang jinn para maglahad ng tulad ng Qur'ān na ito ay hindi sila makapaglalahad ng tulad nito at kahit pa ang iba sa kanila para sa iba pa ay naging mapagtaguyod."} (Qur'ān 17:88)
Ang Ikalawang Yugto. Ang paghamon na maglahad sila ng sampung sūrah na tulad ng mga sūrah ng Qur'ān. Nagsabi si Allāh: {O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: "Kaya maglahad kayo ng sampung kabanata *kabilang sa tulad nito* na mga ginawa-gawa at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat."} (Qur'ān 11:13)
Ang Ikatlong Yugto. Ang paghamon na maglahad sila ng nag-iisang isang sūrah na tulad ng mga sūrah ng Qur'ān. Nagsabi si Allāh: {Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo ng mga saksi ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat.} (Qur'ān 2:23)
Ang mga Uri ng Paghihimala sa Qur'ān
Ang paghihimalang pang-Qur'ān ay may maraming uri, na kabilang sa mga ito: ang paghihimalang pampaglilinaw, pampagpapabatid, pangkaalaman, at pampagbabatas. Ngayon ay pag-aaralan natin:
Ang Paghihimala sa Marangal na Qur'ān
Tinutukoy sa paghihimalang pampaglilinaw ang pagpaparating ng Marangal na Qur'ān ng mga kahulugan at mga patakaran nang may kalinawan at may istilong retorikal na nawawalang-kakayahan ang tao sa paglalahad ng tulad nito.
Bumaba nga Marangal na Qur'ān sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya ay iliteratong hindi nakaaalam ng pagbasa at pagsulat. Nagsabi si Allāh: {Hindi ka dati bumibigkas bago pa nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang nag-alinlangan ang mga tagapagpabula.} (Qur'ān 29:48) Kaya naman nagiging imposible na inihatid itong Aklat na nailalarawan sa paglilinaw na ito mula sa isang lalaking iliterato.
Kabilang sa mga anyo ng paghihimalang pampaglilinaw ang sumusunod:
1. Ang kaigsian sa pananalita, ang katapatan sa kahulugan sapagkat ang mga pananalita ng Qur'ān sa sukdulan ng kaigsian at ang mga kahulugan nito ay dakila.
2. Ang kaliwanagan ng mga kahulugan nito at pakikipag-usap nito kasama ng pagkakalarawan dito ng retorika at karikitan ng pagpapahayag kaya naiintindihan ito ng bata at matanda. Ang mga mahusay sa wikang Arabe ay nagtuturing dito bilang pinakamatatas at pinakamaganda sa pananalita.
Ang Paghihimalang Pampagpapabatid sa Marangal na Qur'ān
Ito ay ang paghihimala ng Qur'ān sa nilaman nito na mga pabatid. Kabilang doon ang sumusunod:
1. Ang pagpapabatid tungkol sa mga naunang kalipunan at mga naunang propeta. Ang mga pabatid na ito ay kabilang sa nakalingid na hindi nakaaalam nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) maliban sa paraan ng pagkasi. Nagsabi si Allāh: {Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 11:49)
2. Ang pagpapabatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa naganap sa panahon niya nang walang pagkadalo niya gaya ng nasaad sa Sūrah At-Tawbah at iba pa rito na mga pabatid tungkol sa mga mapagpaimbabaw at mga saloobin nila.
3. Ang pagpapabatid ng Marangal na Qur'ān tungkol sa isang pangkatin ng mga tagatangging sumampalataya ng Liping Quraysh na sila ay mamamatay sa kawalang-pananampalataya gaya nina Abū Lahab: {Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab} (Qur'ān 111:3) at Al-Walīd bin Al-Mughīrah: {Magsusunog Ako sa kanya sa Saqar.} (Qur'ān 74:26) Nanatili nga silang dalawa nang ilang taon matapos ng pagbaba ng mga āyah na ito at namatay silang dalawa sa kawalang-pananampalataya.
4. Ang pagpapabatid tungkol sa mga bagay-bagay na panghinaharap gaya ng pagpapabatid niya na ang Bizancio ay mananaig sa Persiya. Nagsabi si Allāh: {2. Nadaig ang Bizancio. 3. sa pinakamalapit na lupain. Sila, matapos na ng pagkadaig sa kanila, ay mananaig 4. sa tatlo hanggang siyam na taon. Sa kay Allāh ang pag-uutos bago pa niyan at matapos na niyan. Sa araw na iyon ay matutuwa ang mga mananampalataya} (Qur'ān 30:1-4) Nagkatotoo nga ipinabatid ng Marangal na Qur'ān.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-iisip ako at makikipagtalakayan ako.
Noong pinababa ni Allāh ang Marangal na Qur'ān at narinig ito ng mga Arabe, ginulat nito ang mga isip nila at pinakilos nito ang mga damdamin nila hanggang sa tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay nagpasailalim dito sa ilan sa mga pangyayari. Narinig nga nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) minsan habang bumibigkas ng Sūrah An-Najm saka noong nagpatirapa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa wakas nito, nagpatirapa sila kasama niya.
Ikaw, kapatid kong estudyante, ano ang mga āyah o ang mga sūrah na umaapekto sa puso mo?
Iniwan sa Estudyante.
Makipagtalakayan ka sa tagapagturo mo at mga kaklase mo sa pag-alam sa mga kaparaanan na nakatutulong sa iyo sa pag-intindi sa Marangal na Qur'ān at pagkaapekto rito.
Kabilang sa mga kaparaanang iminumungkahi: ang pagkatuto ng wikang Arabe - ang pagbabasa ng mga pakahulugan ng Qur'ān - ang pagbabasa ng Qur'ān nang may pagninilay-nilay - ang pakikinig sa Qur'ān mula sa mga tagabigkas na nagpakahusay - ang pagdarasal sa gabi sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur'ān - ang pagdalangin kay Allāh na gawin ang Qur'ān bilang tagsibol ng mga puso natin.
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Ang paglalahad ng mga paghahalintulad sa Marangal na Qur'ān ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga pagkakahayag ng paghihimalang pampaglilinaw. Pagbulay-bulayan mo ang paghahalintulad na ito: {O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon. Tunay na ang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw, kahit pa nagkaisa sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makapapasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.} (Qur'ān 22:73) Sa pakikipagtulungan sa tagapagturo mo:
1. Ipaliwanag mo ang kahulugan ng āyah nang maiksi.
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa mga anito na sinasamba ng iba sa mga tao, na ang mga ito ay hindi makakakaya sa paglikha ng iisang langaw kaya papaano na sa paglikha ng higit na malaki kaysa sa langaw at hindi nakakakaya na bumawi ng kinukuha ng mga langaw mula sa mga ito. Kaya matapos niyon may kawalang-kakayahan pa kaya?
2. Isulat mo ang mahahangong katuturan mula sa sabi ni Allāh: {Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.}
Ang {Humina ang humuhuli} ay tumutukoy sa sinasamba bukod pa kay Allāh. Ang {Humina ... ang hinuhuli.} ay ang langaw. Ito ay nagpapatunay sa kawalang-kakayahan ng iba pa kay Allāh sa paglikha ng anumang bagay.
Aktibidad 3: Makikinig ako at tutugon ako.
Tanungin mo ang tagapagturo mo tungkol sa pagpapakahulugan ng mga āyah (mula 1 hanggang sa 13) ng Sūrah Fuṣṣilat at sa kuwento ng pakikinig ni `Utbah bin Rabī`ah sa Qur'ān mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
1. Ilarawan mo ang kalagayan ni `Utbah bin Rabī`ah sa sandali ng pakikinig niya sa Qur'ān mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Noong narinig ni `Utbah ang Qur'ān mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nangamba siya na bumaba sa kanya ang pagdurusa at humiling siya sa Propeta na hindi kumpletuhin ang pagbigkas ang Marangal na Qur'ān.
2. Hanguin mo mula sa kuwento ang nagpapatunay sa paghihimalang panretorika ng Marangal na Qur'ān.
Si `Utbah ay kabilang noon sa mga mahuhusay sa wika ng mga Arabe. Noong narinig niya ang Marangal na Qur'ān, nalaman niya na ito ay hindi salita ng tao.
3. Ano ang mahahango mong katuturan mula sa istilo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikipag-usap kay `Utbah?
Ang sigasig ng tagapag-anyaya sa kapatnubayan ng mga tao - Ang pakikipag-usap sa mga inaanyāyahan nang may etiketa at paggalang - Ang pakikinig sa sinasabi ng inaanyāyahan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Natangi ang hamon sa mga Arabe dahil sila ay ang pinakamatatas sa mga tao. (X)
2. Nawalang-kakayahan ang mga Arabe sa pag-intindi sa Qur'ān at pagtalos sa mga kahulugan nito. (X)
3. Lumilitaw ang paghihimalang pampaglilinaw sa paglalahad ng mga paghahalintulad at kalaliman ng mga kahulugan. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na tugon mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga katuturan ng paghihimalang pang-Qur'ān:
(ang katunayan na ito ay salita ni Allāh - ang pagpapawalang-kakayahan sa mga Arabe sa pag-intindi ng Qur'ān - ang paglimita sa pinatalinghaga sa Qur'ān).
2. Ang hamon ni Allāh sa mga Arabe na maglahad sila ng sampung sūrah na tulad ng Qur'ān:
(ay hindi nila nakaya - ay naghatid sila ng pitong sūrah - ay naghatid sila ng siyam na sūrah).
3. Ang Paghihimalang Pang-Qur'ān ay:
(nagwakas sa pagpanaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) - umiiral hanggang sa wakas ng Mundo - nakaugnay sa paglaganap ng wikang Arabe).
4. Kabilang sa mga kahulugan ng paghihimala:
(ang kakayahan sa paggawa - ang pagkatamad at ang pananamlay - ang kahinaan ng pagnanais).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbuod ka ng mga yugto ng paghamon ng Marangal na Qur'ān sa mga Arabe;
2. Umamin ang iba sa mga tagatangging sumampalataya ng Liping Quraysh sa paghihimala ng Marangal na Qur'ān. Maglahad ka ng isang paghahalintulad doon.
7. Ang Paghihimalang Pangkaalaman at Pampagbabatas sa Marangal na Qur'ān
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makatalos ka sa pagkakaibahan ng konsepto paghihimalang pangkaalaman at paghihimalang pampagbabatas;
2. makapaghalimbawa ka ng paghihimalang pampaglilinaw sa Marangal na Qur'ān;
3. makapagpaliwanag ka ng mga anyo ng paghihimalang pampagbabatas;
4. makapagbigay-patunay ka na ang Marangal na Qur'ān ay tagapaghimalang salita ni Allāh;
5. makapagsadamdamin ka ng kadakilaan ng Marangal na Qur'ān at kabanalan nito.
Matapos na napag-aralan natin ang paghihimalang pampaglilinaw at pampagpapabatid ng Marangal na Qur'ān, dumating na ang oras para sa pag-aaral ng paghihimalang pangkaalaman at paghihimalang pampagbabatas.
Ang Paghihimalang Pangkaalaman sa Marangal na Qur'ān
Ang paghihimalang pangkaalaman ay ang pagpapabatid ng Qur'ān tungkol sa mga katotohanang pang-agham na hindi alam ng mga tao sa sandali ng pagbaba ng Marangal na Qur'ān. Ito ay nagpapatunay sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na ang Qur'ān ay salita ni Allāh dahil ang mga katotohanang pang-agham ay hindi alam ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kabilang sa mga Halimbawa ng Paghihimalang Pangkaalaman
Ang Unang Halig: Nagsasabi si Allāh: {Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya} (Qur'ān 15:22)
Napagtibay nga nang makaagham na ang mga hangin ay nagdadala ng mga pollen para sa pagsesemilya ng mga bulaklak upang ang mga ito ay maging bunga matapos niyon.
Ang Ikalawang Halimbawa: Nagsasabi si Allāh: {Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magpatnubay ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na kaasiwaan na para bang umaakyat siya sa kalangitan.} (Qur'ān 6:125) Napagtibay nga na ang tao, sa tuwing umaangat sa mga mataas na atmospera, ay nangangaunti sa kanya ang proporsiyon ng Oksiheno, na ikinadadahilan ng paninikip sa paghinga.
Ang Ikatlong Halimbawa: Nagsasabi si Allāh: {Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan} (Qur'ān 77:25)
Ang sabi ni Allāh na: {ipunan} ay mula sa hatak at pagsasama. Dito ay may pahiwatig sa "Batas ng Grabitasyon" na natuklasan noong ika-17 siglo.
Ang Paghihimala Pampagbabatas sa Marangal na Qur'ān
Ang paghihimalang pampagbabatas ay ang pagpapatibay sa kawalang-kakayahan ng tao sa paglalahad ng tulad ng mga pagbabatas ng Qur'ān at mga patakaran nito sa katarungan ng mga ito, katayugan ng mga ito, pagkamasaklaw ng mga ito para sa individuwal at lipunan, at kaangkupan ng mga ito para sa bawat panahon at lugar.
Kabilang sa nagpapatunay sa pagkaimposible na may mag-akda ng mga ito na isang tao, lalo na sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at na ito sa totoo ay mula sa ganang kay Allāh:
Ang mga Anyo ng Paghihimalang Pampagbabatas
1. Ang pagkalubos at ang katayugan sapagkat sa mga pagbabatas na pang-Qur'ān ay walang kakulangan o salungatan.
2. Ang pakikipagsang-ayon sa naturalesa at ang pagsasaalang-alang sa kalikasang pantao sapagkat walang natatagpuan sa mga ito na mga pag-aatang ng tungkuling higit sa kaya ng tao. Nagsabi si Allāh: {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito.} (Qur'ān 2:286) Nagsasaalang-alang din ang mga ito ng mga kalagayan ng pagkakailangan tulad ng pagpayag sa pagkain ng patay na hayop na hindi nakatay sa sandali ng pagkanapalitan. Nagsabi si Allāh: {samantalang nagdetalye nga Siya sa inyo ng ipinagbawal Niya sa inyo, maliban sa anumang napilitan kayo roon} (Qur'ān 6:119)
3. Ang pagkamasaklaw at ang pagkapanlahat. Ito ay naglalaman ng pagkamasaklaw na pampanahon, panlugar, at pampaksa sapagkat ito ay isang pagbabatas na naaangkop sa bawat panahon at lugar. Sumasaklaw ito sa lahat ng mga tao maging ano man ang mga kalagayan nila at ang mga panahon nila. Sumasaklaw din ito sa mga paniniwala, mga pagsamba, mga pakikitungo, mga kaasalan, at mga kaparusahan.
4. Ang Pangangalaga sa Limang Kailangan
Ang limang kailangan ay ang pundasyon ng buhay. Nasasadlak ang tao sa kapinsalaan sa Mundo at Kabilang-buhay dahil sa pagkawala sa isa sa mga ito. Dumating nga ang Islām upang mangalaga sa mga kailangang ito. Kabilang doon:
1. Ang Pangangalaga sa Relihiyon. Ito ay yayamang nagsabatas si Allāh ng mga pagsamba gaya ng ṣalāh at ḥajj para mangalaga sa Relihiyon. Gayon din, nagsabatas Siya ng pakikibaka para sa pagsanggalang sa Relihiyon laban sa mga kaaway. Nagsabi si Allāh: {Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo} (Qur'ān 2:190)
2. Ang Pangangalaga sa Buhay. Kaya naman nagbawal ang Islām ng pagpatay sa paraang walang katwiran at nagsabatas ito ng ganting-pinsala (qaṣāṣ). Nagsabi si Allāh: {Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh [na patayin] malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan ay nagtalaga Kami sa katangkilik niya ng isang kapamahalaan, ngunit huwag siyang magpakalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya.} (Qur'ān 17:33)
3. Ang Pangangalaga sa Isip. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabawal sa alak, mga nakalalasing, at lahat ng nag-aalis ng katinuan ng isip at nakapeperhuwisyo rito. Nagsabi si Allāh: {. O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito,} (Qur'ān 5:90)
4. Ang Pangangalaga sa Dangal. Kaya naman nagbawal ang Islām ng pangangalunya, paglabag sa mga dangal, at pagpaparatang sa mga inosenteng nakapag-asawang babae. {Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging mahalay at sumagwa bilang landas.} (Qur'ān 17:32)
5. Ang Pangangalaga sa Ari-arian. Kaya naman nagsabatas ang Islām ng pangangalakal at mga uri ng pagkitang pinahihintulutan at nagbawal ng patubo, pagnanakaw, pandaraya, at iba pa sa mga ito. Nagsabi si Allāh: {Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)
Ang Paghihimalang Pangkaalaman sa Marangal na Qur'ān
Paghihimalang Pampaglilinaw
Paghihimalang Pampagpapabatid
Paghihimalang Pangkaalaman
Paghihimalang Pampagbabatas
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Hahango ako.
Sa pakikilahok sa tagapagturo mo, hanguin mo ang uri ng paghihimalang pampagbabatas sa dalawang ḥadīth na ito.
Ang Teksto / Ang Paghihimalang Pampagbabatas na Mahahanguan ng Katuturan
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man kay Allāh, kung sakaling si Fāṭimah na anak ni Muḥammad ay nagnakaw, talagang puputulin ko ang kamay niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3475 at Imām Muslim: 1688. Ang Katarungan at ang Pagkamasaklaw sa Lahat ng mga Tao
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko sa pagkakamali, pagkalimot, at anumang napilitan sila." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 2043. Ang Pagsasaalang-alang sa Kalikasan ng Sangkatauhan
Aktibidad 2: Magbibigay-katwiran ako.
Banggitin mo ang pananaw mo sa mga sumusunod na kaso kasama ng pagbibigay-katwiran:
Ang Kaso / Sumasang-ayon ako / Hindi ako sumasang-ayon / Ang Pagbibigay-katwiran
Ang paghihimalang pampagbabatas ay sumasaklaw sa lahat ng mga pagbabatas ng pang-Qur'ān / (✓) dahil ang Qur'ān sa kabuuan nito ay mula sa ganang kay Allāh at ang lahat ng mga pagbabatas ay magkakapantay sa mga kakanyahan at mga katangian.
Mayroong isang paghihimalang pangkaalaman sa paglikha ng tao (✓) dahil ang Qur'ān ay bumanggit ng mga yugto ng pagkalikha sa tao at nagpatibay nga ang makabagong kaalaman sa mga yugtong ito.
Ang pagsasabi hinggil sa paghihimalang pangkaalaman ay nagpapakaunti ng pagdakila sa Qur'ān at katayuan nito (✓) dahil ang paghihimalang pangkaalaman ay nagbibigay-diin na ang Qur'ān ay mula sa ganang kay Allāh. Ito ay dumadakila sa Qur'ān sa mga kaluluwa ng mga tao.
Aktibidad 3: Mag-uuri ako.
Sa pakikipagtulungan mo sa tagapagturo mo, isulat mo ang uri ng paghihimalang pang-Qur'ān (pangkaalaman - pampagbabatas) sa harapan ng bawat āyah mula sa sumusunod:
Ang Āyah / Ang Uri ng Paghihimala
{Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng *mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan.} (Qur'ān 4:58) Ang Paghihimalang Pampagbabatas
{5. Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha. 6. Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,} (Qur'ān 86:5-7) || Ang Paghihimalang Pangkaalaman
{Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)
Ang Paghihimalang Pampagbabatas
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Sumasalig ang paghihimalang pangkaalaman sa mga matibay na katotohanan. (✓)
2. Natatangi ang pagbabatas pang-Qur'ān sa kapaligirang Arabe. (X)
3. Nagtangi ang pagbabatas sa pagitan ng mga lahing pantao. (X)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ni Allāh (Qur'ān 15:22): {Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya} ay tumutukoy sa:
(atmospera - pagkilos ng mga ulap - pagsesemilya ng tanim).
2. Ang sabi ni Allāh (Qur'ān 77:25): {Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan} ay tumutukoy sa:
(grabitasyon ng Daigdig - kabilugan ng Daigdig - pag-ikot ng Daigdig).
3. Kabilang sa mga anyo ng paghihimalang pampagbabatas sa Marangal na Qur'ān:
(ang pagkanakatatanggap ng kritisismo - ang pagkamasaklaw at ang pagkapanlahat - ang pananatili at ang hindi pag-unlad).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
Hanguin mo ang paghihimalang pang-Qur'ān sa sabi ni Allāh: {Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na kaasiwaan na para bang umaakyat siya sa kalangitan.} (Qur'ān 6:125)
Ang pagbabatas Islāmiko ay nagsasaalang-alang sa kalikasang pantao. Ipaliwanag mo iyon.
PANUTO 4: Ipaliwanag mo kung papaanong nangalaga ang pagbabatas Islāmiko sa limang kailangan.
Ang mga Kailangan / Papaanong pinangalagaan ang mga ito
Ang Relihiyon
Ang Buhay
Ang Isip
Ang Dangal
Ang Ari-arian
Ang Ikalawang Yunit: Ang Sunnah at ang mga Katangian ng Propeta
1. Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo ng mga Muslim
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-patunay sa kagandahan ng pagkikitungo ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sambahayan niya;
2. makahango ka ng patunay sa kagandahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikitungo sa mga Kasamahan niya at mga kapitbahay niya;
3. makapagbuod ka sa mga tampok na katangian ng pagpatnubay na pampropeta sa pakikitungo sa mga Muslim;
4. makapagsagawa ka ng pagtatasa sa mga kaasalan ng lipunan mo ayon sa liwanag ng patnubay na pampropeta;
5. makapagsadamdamin ka sa halaga ng mga magandang kaasalan sa Islām.
Nag-utos sa atin si Allāh ng pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi Siya: {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang *magandang huwaran} (Qur'ān 33:21)
Ang pagtulad na ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga pakikitungo niya. Upang makapagsakatotohanan tayo niyon, kailangan sa atin ang pag-alam sa patnubay niya. Dahil darating ang kahalagahan ng araling ito.
Una. Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa Sambahayan Niya
Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa mga Maybahay Niya
Isang Larawan ng Isang Lumang Bahay
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay maganda ang kaasalan sa mga maybahay niya, na marikit ang pakikisama: nakikipaglambingan siya sa kanila at nagpapakabait siya sa kanila. Siya ay ang nagsasabi: "Ang higit na mabuti sa inyo ay ang higit na mabuti sa maybahay niya, at ako ay ang higit na mabuti sa inyo sa maybahay ko." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 1977.
Kabilang sa nagpapatunay niyon:
Isang Larawang ng Isang Lumang Bahay
1. Ang Pag-alalay sa mga Maybahay Niya sa mga Gawaing Bahay
Ito ay bahagi ng karikitan ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagpapakumbaba niya. Nagsasabi si `Ā'ishah tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Noon siya ay nasa pagsisilbi sa mag-anak niya ngunit kapag dumating ang ṣalāh, lumalabas siya papunta sa ṣalāh." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 676.
2. Ang Paglabas Kasama ng mga Maybahay Niya Para sa Pamamasyal
Iyon ay para madagdagan ang pagpapalagayang-loob at ang pag-ibig sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag gumabi, ay naglalakad kasama ni Ā'isah habang nag-uusap." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5211 at Imām Muslim: 2445.
Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa mga Anak Niya
Ang pagkagiliw sa kanila at ang pagpaparangal sa kanila at kabilang doon na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumitindig noon kapag pumapasok sa kanya ang anak niyang si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya), humahalik dito, at nagpapaupo rito sa lugar niya.
Ang pagkagiliw niya kina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay maibigin sa lahat ng mga bata, maawain sa kanila, lalo na kina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn. Siya noon ay lumiligaya sa pagkakita sa kanilang dalawa, nagkakalong sa kanilang dalawa, humahalik sa kanilang dalawa, at nakikipaglambingan sa kanilang dalawa.
Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa mga Tagapagsilbi Niya
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaganda noon ng pakikitungo sa mga tagapagsilbi niya. Hindi nangyaring siya ay nanakit sa kanila o nanlait sa kanila o nag-atang sa kanila ng nagpapahirap sa kanila. Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Nagsilbi ako sa Sugo ni Allāh nang sampung taon. Sumpa man kay Allāh, hindi siya nagsabi sa akin ng pagkasuya kailanman at hindi siya nagsabi sa akin dahil sa anuman: Bakit ka gumawa ng ganyan? Bakit hindi ka gumawa ng ganito?" Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2309.
Ikalawa. Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa mga Kasamahan Niya
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakikitungo noon sa mga Kasamahan niya sa isang marangal na pakikitungo. Tumutugon siya sa paanyaya nila, dumadalaw siya sa mga maysakit nila, dumadalo siya sa mga libing nila, at dumadalangin siya para sa kanila at para sa mga anak nila. Siya noon ay madalas ang pagngiti sa kanila. Nakikipagbiruan siya sa kanila at nakikipagbiruan sila sa kanya dahil sa kaalaman nila sa karangalan ng mga kaasalan niya at kaāyahan ng sarili niya. Kabilang sa nagpapahiwatig doon:
1. Ang Pagpapakumbaba sa mga Kasamahan Niya
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay isang magandang tinutularan sa pagpapakumbaba sa mga Kasamahan niya sapagkat umuupo siya sa kanila gaya ng isa sa kanila. Nasaad sa ḥadīth: {Ang Sugo ni Alalh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay umuupo sa piling ng mga Kasamahan niya kaya naman dumarating ang estranghero saka hindi nakaaalam kung alin sa kanila siya hanggang sa magtanong ito...} Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4698 at Imām An-Nasā'īy:49915.
2. Ang Pagsasanggalang sa mga Kasamahan Niya at ang Pagtatanggol sa Kanila
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay nagsasanggalang sa mga Kasamahan niya laban sa panganib at kapahamakan. Ayon Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nahintakutan ang mga mamamayan ng Madīnah isang gabi kaya humayo ang mga tao sa dako ng tunog saka sumalubong sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nauna na siya sa mga tao sa tunog habang nagsasabi: "Hindi kayo masisindak, hindi kayo masisindak (ibig sabihin: Hindi kayo mahihintakutan, hindi kayo mangangamba)."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6033 at Imām Muslim: 2307.
Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa mga Kapitbahay Niya
1. Ang Pagpaparangal sa Kapitbahay at ang Paggawa ng Maganda sa Kanya
Nagtagubilin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpaparangal sa kapitbahay at nag-ugnay siya sa pagitan ng pagpaparangal niya at ng pananampalataya kay Allāh sapagkat nagsabi siya: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6019 at Imām Muslim: 48).
Ang pinakamababa sa mga antas ng paggawa ng maganda sa kapitbahay ang hindi pagperhuwisyo sa kanya. Ito rin ay kabilang sa mga patunay ng pananampalataya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay huwag siyang mamerhuwisyo ng kapitbahay niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5185 at Imām Muslim: 47.
2. Ang Pagbibigay ng mga Regalo sa Kapitbahay
Isang larawan ng isang bata na nagdadala ng isang lalagyan at kumakatok sa pinto ng kapitbahay, na para bang siya ay magbibigay ng regalo.
Ang pagbibigay ng mga regalo ay kabilang sa mga daan ng pagmamahal at pagpapalaganap ng pag-ibig. Nag-aruga nga ang Propeta sa mga Kasamahan niya ayon doon. Nagsabi si Abū Dharr Al-Ghifārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Tunay na ang matalik na kaibigan ko ay nagtagubilin sa akin sapagkat nagsabi siya: "Kapag nagluto ka ng sabaw, magdagdag ka ng tubig nito, pagkatapos tumingin ka sa isang sambahayan ng mga kapitbahay mo saka magbigay ka sa kanila mula rito ng isang nakabubuti."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2625.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Hahango ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ina ng mga mananampalataya na si Khadījah: "Sumampalataya nga siya sa akin nang tumangging sumampalataya sa akin ang mga tao, naniwala nga siya sa akin nang nagpasinungaling sa akin ang mga tao, umagapay nga siya sa akin ng yaman niya nang nagkait sa akin ang mga tao, at nagtustos nga sa akin si Allāh ng anak niya nang nagkait Ito sa akin ng mga anak ng mga [ibang] babae." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 24864. Sa pakikilahok sa pamilya mo,
1. Hanguin mo ang mga kaasalan na natututuhan natin mula sa ḥadīth na ito.
Ang pagkamapagbigay at ang pagbibigay ng salapi sa mga nangangailangan.
Si Khadījah ay may mga kapita-pitagang saloobin sa buhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tulad ng saloobin niya nang gabi ng pagsisimula ng pagkasi. Mag-ugnay ka sa pagitan ng saloobing ito at ng naunang ḥadīth.
Noong nakabalik ang Propeta mula sa yungib matapos ng pagbaba ng kasi sa kanya, nagpabatid siya sa maybahay niyang si Khadījah kaya nagsabi ito sa kanya: "Sumpa man kay Allāh, hindi magpapahiya sa iyo si Allāh magpakailanman; tunay na ikaw ay talagang nagpapanatili sa ugnayan sa kaanak, umaalalay sa mahina, nagbibigay sa nawawalan, nagpaparangal sa panauhin, at tumutulong sa mga dinapuan ng kasawian." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3 at Imām Muslim: 160 Ang tagapag-ugnay sa pagitan ng dalawa ay na si Khadījah (napakataas Siya) ay tulong at sandalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka naniniwala siya rito at nakilahok siya sa pagpapalaganap ng paanyaya.
Aktibidad 2: Kukumpleto ako ng talahanayan.
Pagbulay-bulayan mo ang pakikitungo sa mga kapitbahay sa lipunan mo, pagkatapos kumpletuhin mo ang sumusunod na talahanayan:
Ang mga pagkakahayag ng paggawa ng maganda sa kapitbahay / Ang mga pagkakahayag ng paggawa ng masagwa sa kapitbahay / Ang lunas sa mga pagkakahayag ng paggawa ng masagwa.
Ang pagdalaw sa mga maysakit / Ang pag-alam-alam sa mga kahihiyan ng kapitbahay / Hihiling ako sa imām ng masjid na magbigay ng sermon tungkol sa pagkabawal ng pag-alam-alam sa mga kahihiyan.
Ang pagdalo sa mga libing / Ang paglabag sa mga karapatan ng kapitbahay / Magpapaalaala ako sa kanila ng mga karapatan ng kapitbahay at hindi paglabag sa mga ito sa kabulaanan.
Ang pagbibigay ng pagbati / Ang panlalait sa kapitbahay / Magsusulat ako ng isang polyeto tungkol sa kagandahan ng kaasalan sa kapitbahay at magsasabit ako nito sa masjid.
Maaaring magdagdag ang estudyante ng mga iba pang pagkakahayag na hindi nabanggit.
Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.
May isang lalaking nakakita sa Propeta (sumakanya ang pangangalaga) na humahalik kay Al-Ḥasan bin `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) kaya nagsabi ito: "Tunay na mayroon akong sampung anak. Hindi ako humalik sa isa sa kanila." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5997 at Imām Muslim: 2318. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth na ito, pagkatapos tugunin mo:
1. Hangunin mo ang patnubay ng Propeta sa pakikitungo sa mga bata.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay gumigiliw sa mga bata, humahalik sa kanila, at nakikitungo sa kanila nang may pagkaawa.
2. Magsulat ka ng isang payo para sa sinumang nagmamalupit sa mga bata at nagpapadalas ng pagparusa sa kanila.
Nagtatagubilin ako sa iyo ng paggawa ng maganda sa mga bata at hindi pagmamalupit sa kanila sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay gumagawa ng maganda sa kanila at gumigiliw sa kanila. Sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mayroon tayong isang magandang tinutularan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang kakumpletuhan ng pananampalataya ay nakaugnay sa kagandahan ng pakikitungo sa mga kapitbahay. (✓)
2. Naglaan ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng isang lugar para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na walang nauupo roon na iba pa sa kanya. (X)
3. Ang pagsasagawa ng lalaki ng mga gawaing bahay ay nagpapakaunti ng pamimitagan sa kanya at paggalang sa kanya. (X)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang pinakamababa sa mga antas ng paggawa ng maganda sa kapitbahay ay na:
(magsanggalang ka ng bahay niya - tumigil ka sa pamemerhuwisyo sa kanya - dumalo ka sa libing niya).
2. Sa ḥadīth na: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa mag-anak niya." ang tinutukoy ng mag-anak dito ay:
(ang mga anak - ang maybahay - ang mga magulang).
3. Noong nahintakutan ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila), nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kayo masisindak,..." na nangangahulugang:
(Hindi kayo malulungkot - Hindi kayo mawawalan ng pag-asa - Hindi kayo mangangamba).
4. Ang ḥadīth na: "Kapag nagluto ka ng sabaw, magdagdag ka ng tubig nito,..."} ay nagpapahiwatig ng pagpaparangal sa mga kapitbahay sa pamamagitan ng:
(pagbibigay sa kanila ng mga regalo - pagtigil sa pamemerhuwisyo sa kanila - pagdalaw sa maysakit nila).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang kagandahan ng pakikitungo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga maybahay niya.
2. Ang pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya.
3. Ang pagkagiliw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga babaing anak niya at mga anak nila.
PANUTO 4: Bumuod ka ng mga tampok na katangian ng pagpatnubay na pampropeta sa pakikitungo sa mga Muslim;
2. Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa Hindi mga Muslim
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpatotoo ka sa kagandahan ng pagkikitungo ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga nakikipagsalungatan;
2. makapagbigay-patunay ka sa kahalagahan ng mga pinahahalagahang pangkaasalan (ethical values) sa pakikitungo sa hindi mga Muslim;
3. makapagpaliwanag ka sa mga tampok na katangian ng pagpatnubay na pampropeta sa pakikitungo sa hindi mga Muslim;
4. makaalam ka sa metodolohiya ng pakikitungo sa hindi mga Muslim;
5. makapagsadamdamin ka sa pag-ibig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at makatulad ka sa kanya sa mga pakikitungo niya.
Nagpapalagay ang iba sa mga tao na ang pagkakaiba-iba sa relihiyon ay isang kadahilanan para sa kasagwaan ng kaasalan sa mga nakikipagsalungatan at pagpayag sa kawalang-katarungan sa kanila. Dito magliliwanag ang kamalian niyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng pakikitungo ng Propeta sa hindi mga Muslim sa araling ito.
Ang Patnubay ng Propeta Kaugnay sa Hindi mga Muslim - Ang Kalayaan ng Paniniwala
- Ang Pag-anyaya sa Kanila sa Islām Ayon sa Pinakamagandang Paraan
- Ang Kagandahan ng Kasalan sa mga Nakikipagsalungatan
- Ang Kaluwagan at ang Pagpapaumanhin sa Kanila
- Ang Katarungan sa Kanila at ang Pagbabawal ng Kawalang-katarungan sa Kanila
- Ang Pagtupad sa mga Kasunduan sa Kanila
- Ang Pagganap sa mga Karapatang Personal
Ang pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga tao sa mga anyo nila at mga pinaniniwalaan nila ay kalakarang pandiyos. Nagsasabi si Allāh: {Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, talaga sanang gumawa Siya sa mga tao bilang kalipunan nag-iisa; ngunit hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba,} (Qur'ān 11:118)
Dahil doon, naglagay ang Islām ng mga tuntunin para sa pakikitungo sa hindi mga Muslim at lumitaw ang pagpapatupad sa mga ito nang may kalinawan sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang pinakamahalaga sa mga tuntuning ito ay ang sumusunod:
Una. Ang Hindi Pagpilit sa Relihiyon
Hindi namilit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isa man sa pagpasok sa Islām. Nagsabi si Allāh: {Walang pamimilit sa relihiyon; luminaw nga ang pagkagabay sa pagkalisya.} (Qur'ān 2:256) Kung sakaling ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakapangyayari sa pagpilit sa isang tao sa pananampalataya, talaga sanang ginawa niya iyon sa tiyuhin niyang si Abū Ṭālib at nalalabi sa mag-anak niya at angkan niya.
Ikalawa. Ang Pag-anyaya sa Kanila sa Islām Ayon sa Pinakamagandang Paraan
Nag-anyaya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao ayon sa pinakamagandang paraan, katwiran, at pagkumbinsi kasabay ng pananatili sa etiketa sa pakikipagdayalogo. Kabilang sa mga saloobin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay roon ang pakikipagdayalogo niya kay `Utbah bin Rabī`ah Al-Qurashīy at ang pakikipagdebate sa mga Kristiyano ng Najrān nang dumating sila sa Madīnah.
Namukod ang metodolohiya niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-anyaya sa hindi mga Muslim sa kaliwanagan at kabanayaran. Pumunta nga siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) minsan sa mga Hudyo ng Madīnah saka nanawagan siya sa kanila sapagkat nagsabi siya: "O katipunan ng mga Hudyo, umanib kayo sa Islām, maliligtas kayo." Kaya naman nagsabi sila: "Nakapagpaabot ka nga, O Ama ni Al-Qāsim." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6944 at Imām Muslim: 1765.
Ikatlo. Ang Kagandahan ng Kasalan sa mga Nakikipagsalungatan
Nakitungo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may pagkaawa sa mga tagatangging sumampalataya na hindi mga nakikipagdigmaan. Sinabi nga sa kanya: "O Sugo ni Allāh, manalangin ka laban sa mga tagapagtambal." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2599.
Ikaapat. Ang Kaluwagan at ang Pagpapaumanhin sa Kanila
Dumanas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamemerhuwisyong pangkatawan at pang-isip mula sa mga tagapagtambal ngunit tinapatan niya iyon ng pagtitiis at pagpapaumanhin. Kabilang sa pinakatanyag sa mga saloobin niya kaugnay roon ay nang pumunta sa kanya ang Anghel ng Kabundukan, na nagsasabi: "O Muḥammad, kung loloobin mo, magtataklob ako sa kanila ng Akhshabān (dalawang bundok sa Makkah)." Ngunit nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bagkus naghahangad ako na magpalabas si Allāh mula sa mga supling nila ng sasamba kay Allāh – tanging sa Kanya – nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3231 at Imām Muslim: 1795.
Nang pumasok ang Propeta Makkah (ika-8 na taon ng Hijrah) nang araw ng pagsakop, nagpaumanhin siya sa mga mamamayan nito.
Ikalima. Ang Katarungan sa Kanila at ang Pagbabawal ng Kawalang-katarungan sa Kanila
Ang katarungan ay ang pangunahing tuntunin sa pakikitungo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa hindi mga Muslim sapagkat hindi siya lumalabag sa katarungan sa kanila kaugnay sa ari-arian o buhay o dangal, bilang pagpapatupad sa sabi ni Allāh: {Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo sa Relihiyon at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na *magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} (Qur'ān 60:8) Bagkus ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangangaway sa hindi nakikipagdigmaan bilang kabilang sa malalaking kasalanan na nag-oobliga ng pagkakait ng Paraiso sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumatay ng isang kinasundo, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3166.
Ikaanim. Ang Pagtupad ng Propeta sa mga Kasunduan
Lumitaw ang pagtupad ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangalaga niya sa mga kasunduan sa mga Hudyo ng Madīnah sapagkat hindi siya nagpalayas sa kanila mula roon malibang dahilan sa pagtataksil nila. Tumupad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kasunduan niya sa mga tagatangging sumampalataya ng Liping Quraysh matapos ng kasunduan ng kapayapaan sa Al-Ḥudaybīyah (ika-6 na taon ng Hijrah). Hindi siya sumakop sa Makkah malibang dahilan sa pagtataksil nila sa kasunduan ng kapayapaan.
Ikapito. Ang Pagganap sa mga Karapatang Personal
Pumayag ang Islām sa pagdalaw sa hindi mga Muslim, pagbisita sa mga maysakit nila, pagkakaloob ng mga regalo sa kanila, pagtanggap ng mga regalo mula sa kanila, pakikipagtransaksiyon sa kanila sa pagbebenta at pagbili, at tulad niyon na mga pakikitungo. Ito ang ipinatupad ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikitungo niya sa hindi mga Muslim. Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang batang Hudyo noon na nagsisilbi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagkasakit ito kaya nagpunta rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dumadalaw rito. Umupo siya sa tabi ng ulo nito saka nagsabi rito: "Umanib ka sa Islām." Kaya tumingin ito sa ama nito habang iyon ay nasa tabi nito kaya nagsabi naman iyon: "Tumalima ka kay Abulqāsim (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Kaya umanib ito sa Islām saka lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nagsasabi: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na sumagip sa kanya mula sa Impiyerno."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1356.
Bahagi ng metodolohiya niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang hindi pagpapabaya sa aspetong pampag-aanyaya sa sandali ng mga pakikitungong iyon gaya ng lumitaw sa pangyayaring ito.
Ang katarungan sa hindi mga Muslim ay hindi nangangahulugan ng pagkilala sa paniniwala nila.
Ang katarungan sa hindi mga Muslim at ang pagbibigay sa kanila ng mga karapatan nila ay hindi nangangahulugan ng pagkilala sa maling pinaniniwalaan nila sapagkat matapos ng pagkapadala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi tumatanggap si Allāh mula sa mga tao ng isang reliyong iba pa sa Islām. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 3:85) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang isang nakaririnig hinggil sa akin mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay nang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 153.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako.
Sa pakikipagsunuran sa tagapagturo mo, huluhin mo ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na patunay mula sa mga anyo ng pakikitungo sa hindi mga Muslim.
Ang Patunay / Ang Ipinahihiwatig
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napararaan noon sa mga tagapagtambal sa Makkah at nagsasabi: "O mga tao, magsabi kayo na walang Diyos kundi si Allāh, magtatagumpay kayo." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 16023. Ang sigasig sa kapatnubayan nila at pag-aanyaya sa kanila sa Islām ayon sa pinakamagandang paraan.
Ang sabi ni Allāh: {Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda.} (Qur'ān 16:125) Ang Pag-anyaya sa Kanila sa Pamamagitan ng Karunungan at Pangaral na Maganda
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Nagkakauri-uri ang mga ugnayan sa hindi mga Muslim sa pagitan ng kapayapaan at digmaan sapagkat maaaring magaganap ang pakikipaglaban gaya ng nangyari sa pagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga tagatangging sumampalataya ng Liping Quraysh. Nagsabi si Allāh: {Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag.} (Qur'ān 2:190) Sa pakikilahok sa kaklase mo, pagbulay-bulayan mo ang āyah na ito, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
1. Ipaliwanag mo ang mga kadahilanan ng pakikibaka gaya ng nasaad sa āyah.
Nagsabatas si Allāh ng pakikibaka para sa paglaban sa mga tagapagtambal na tagalabag na kumakalaban sa mga Muslim.
2. Huhuluhin mo ang mga kaasalang kinakailangan tungo sa hindi mga Muslim kahit pa sa mga oras ng digmaan.
Ang pagkabawal ng pangangaway sa hindi Muslim sa paraang walang katwiran.
Aktibidad 3: Sasang-ayon ako at hindi ako sasang-ayon.
Nalaman mo na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumanap ng ilan sa mga karapatang personal ng hindi mga Muslim subalit kailangan sa iyo na makaalam ng kaibahan sa pagitan ng mga ito at ng pakikilahok na panrelihiyong natatangi sa kanila at na hindi iyon maging sa kapinsalaan ng paniniwala mo. Sa pamamagitan niyon, ipaliwanag mo kung ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na senaryo:
Ang Senaryo Sasang-ayon ako. Hindi ako sasang-ayon. Ang Pagbibigay-katwiran
Nakita mo ang kapitbahay mong Muslim na nananakit ng isang binatang hindi Muslim sa hindi Muslim sa paraang walang katwiran: (✓) dahil ang Islām ay nagbawal ng paglabag sa mga ibang tao sa paraang walang katwiran.
Nagkaloob sa iyo ang isang kasamahan ng isang regalo habang siya ay nag-aanyaya sa iyo para umalam sa relihiyon niya: (✓) dahil ang regalong ito ay maaaring makaaapekto sa puso ko para magsanhi sa akin na kumiling ako sa sinasabi niya. Ito ay makapipinsala sa paniniwala ko.
Nag-anyaya sa iyo ang isang kaklase para sa pagdalo sa isang pagdiriwang na panrelihiyon sa simbahan niya: (✓) dahil ang pagdalo doon ay isang pagkilala sa maling paniniwala niya. Dahil doon, hindi pinapayagan ang pagdalo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang katarungan ay obligasyon sa Muslim at hindi Muslim. (✓)
2. Ang pagtupad sa mga kasunduan ay natatangi sa hindi mga nakikipagdigmaan. (X)
3. Sumang-ayon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa alok ng Anghel ng Kabundukan. (X)
4. Pinapayagan ang Muslim sa pagdalo sa mga pagdiriwang ng simbahan. (X)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang hindi pagpilit sa mga tagatangging sumampalataya sa pagpasok sa Islām.
2. Ang kagandahan ng pakikpagdayologo at pakikipagdebate sa hindi mga Muslim.
3. Ang hindi pagpasok ng pumatay ng kinasundo sa Paraiso.
4. Ang pagtupad sa mga kasunduan sa hindi mga Muslim.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Nagsasabi si Allāh: {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.} (Qur'ān 21:107) Ayon sa liwanag ng āyah na ito, ipaliwanag mo ang mga pinakatampok sa pagkaawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa hindi mga Muslim.
2. Ano ang hatol ng pagdalaw sa maysakit na hindi Muslim? At ano ang patunay?
3. Ang Pagpatnubay ng Propeta sa Edukasyon at Pagtuturo
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa mga kaparaanan ng pagpatnubay na pampropeta sa edukasyon at pagtuturo;
2. makahango ka ng patunay sa mga istilo ng pagpatnubay na pampropeta sa edukasyon at pagtuturo;
3. makahango ka ng mga katangian ng tagapagturong matagumpay sa pamamagitan ng pagpatnubay na pampropeta sa pagtuturo;
4. makapagmungkahi ka ng mga kaparaanan ng pagpapalaganap ng pagtuturong panrelihiyon sa lipunan mo;
5. makapagsadamdamin ka sa pag-ibig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at makatulad ka sa kanya sa edukasyon at pagtuturo.
Kapag nagtakda si Allāh para sa iyo na ikaw ay maging isang tagapagturo, ano ang pinakamahalaga sa mga katangian na pagpupunyagian mo para magtaglay ng mga ito? Ano ang mga kaparaanan na gagamitin mo sa pag-eedukasyon at pagtuturo? Makilahok ka sa kaklase mo sa pagtugon sa dalawang tanong na ito, pagkatapos magsagawa ka ng pagtatasa sa pagsagot ninyong dalawa ayon sa liwanag ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa edukasyon at pagtuturo.
Ang Patnubay ng Propeta sa Edukasyon at Pagtuturo. - Ang Pagdadahan-dahan sa Pagtuturo
- Ang Kabaitan at ang Awa sa Mag-aaral
- Ang Praktikal na Pagsasanay sa Pagtuturo
- Ang Pagkumbinsing Pang-isip ng Mag-aaral
- Ang Pag-uuri-uri ng mga Kaparaanan ng Pagtuturo
Ang pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa edukasyon at pagtuturo ay may maraming tatak, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang Pagdadahan-dahan sa Pagtuturo
Ang pundasyong ng pagdadahan-dahang iyon ay ang mga tungkulin ng Relihiyon at ang mga haligi nito. Dahil dito, ang metodolohiyang pampropeta ay nagsisimula sa pagtuturo ng mga nauukol sa pananampalataya at mga paniniwala, pagkatapos mga pagsamba at mga patakaran. Ayon kay Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang kami ay mga batang magbibinata. Natutuhan namin ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān saka nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 61.
2. Ang Kabaitan at ang Awa sa Mag-aaral
Iyon ay nang sa gayon mabuksan ang puso ng mag-aaral at ang isip niya upang tumanggap siya ng kaalaman. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nga noon ay isang edukador na maawaing matimpiin. Kapag nagkamali ang isa, itinutumpak niya para rito ang mali nang may kahinahunan. Ayon kay Mu`āwiyah bin Al-Ḥakam na nagsabi: {Samantalang ako ay nagdarasal kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), biglang may bumahin na isang lalaking kabilang sa mga tao saka nagsabi ako: "Kaawaan ka ni Allāh." Kaya pumukol sa akin ang mga tao ng mga tingin nila. ... Noong nakapagdasal ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – ipantubos man ang ama ko sa kanya at ang ina ko – hindi ako nakakita ng isang tagapagturo bago niya ni matapos niya na higit na maganda sa pagtuturo kaysa sa kanya sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi siya umismid sa akin, hindi siya namalo sa akin, at hindi siya nanlait sa akin. Nagsabi siya: "Tunay na ang ṣalāh na ito ay hindi naangkop dito ang isang anuman mula sa pananalita ng mga tao. Ito lamang ay ang pagluluwalhati, ang pagdakila, at ang pagbigkas ng Qur'ān."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 537.
3. Ang Praktikal na Pagsasanay sa Pagtuturo
Tunay na ang pagpapatupad ng mga impormasyong nakikita ay ang pinakamainam sa mga paraan ng pagkikintal ng kaalaman. Dahil dito, humiling ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ng pagpapatupad sa ṣalāh at ḥajj kung paanong nagsagawa siya nito.
Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang batang lalaki habang ito ay nagbabalat ng isang tupa kaya nagsabi siya rito: "Tumabi ka nang sa gayon maipakita ko sa iyo." Ipinasok ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang kamay niya sa pagitan ng balat at laman saka nagsingit siya nito hanggang sa makubli ito sa kilikili at nagsabi siya: "O bata, ganito ka magbalat." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 185. Ang pagsingit ay ang pagpasok ng kamay sa pagitan ng balat ng tupa at laman nito.
4. Ang Pagkumbinsing Pang-isip sa Mag-aaral
Ito ay yayamang nakukumbinsi ang mag-aaral sa pagmamasid na pangkaisipan kaugnay sa isang usapin mula sa mga usapin. Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang babaing mula sa liping Juhaynah na dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ang ina ko ay namanata na magsagawa siya ng ḥajj ngunit hindi siya nakapagsagawa ng ḥajj hanggang sa namatay siya. Kaya magsasagawa po ba ako ng ḥajj para sa kanya?" Nagsabi siya: "Oo, magsagawa ka ng ḥajj para sa kanya. Sa tingin mo ba kung sakaling kailangan sa ina mo na magbayad ng utang, ikaw ba ay magbabayad? Magbayad ka kay Allāh sapagkat si Allāh ay higit na karapat-dapat sa pagtupad."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1852.
2. Ang Pag-uuri-uri ng mga Kaparaanan ng Pagtuturo
Gumamit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng maraming kaparaanan sa pagtuturo. Kabilang sa mga ito:
A. Ang Pagsenyas. Ang Propeta nga noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa marami sa mga pagkakataon ay sumesenyas ng kamay niya o ng daliri niya o ng ulo niya upang magturo siya sa pamamagitan ng senyas na ito ng isang bagay sa mag-aaral sapagkat nasaad sa ḥadīth: {"Ako at ang tagapag-aruga ng ulila sa Paraiso ay ganito." Sumenyas siya ng hintuturo at hinlalato at nagbuka siya sa pagitan ng dalawang ito nang kaunti.} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 5304.
B. Ang Pag-uulit-ulit. Ang Propeta nga noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-uulit-ulit ng pananalita niya sa tagadinig upang maintindihan nito iyon at maisaulo nito iyon. Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon, kapag bumati siya, ay bumabati nang makatatlo, at kapag nagsalita siya ng isang pangungusap, ay umuulit nito nang makatatlo." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6244.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at hahango ako.
Pagbulay-bulayan mo ang mga sumusunod na ḥadīth at hanguin mo mula sa mga ito ang pagpatnubay na pampropeta sa pagtuturo.
Ang ḥadīth / Ang pagpatnubay na ipinahihiwatig nito
Umihi ang isang Arabeng-disyerto sa masjid kaya nagalit sa kanya ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 220. / Ang pagkaawa sa mga inaanyāyahan.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū'' tulad ng wuḍū'', pagkatapos nagdasal ng dalawang rak`ah habang hindi siya kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, patatawarin sa kanya ang ipinauna niya na kasalanan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 159 at Imām Muslim: 226. / Ang edukasyon sa pamamagitan ng pagtulad na panggawain / Ang Praktikal na pagsasanay sa pagtuturo
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Gumuhit ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang guhit sa pamamagitan ng kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "Ito ay ang landas ni Allāh bilang tuwid." Pagkatapos gumuhit siya sa dakong kanan niya at kaliwa niya. Pagkatapos nagsabi siya: "Ang mga ito ang mga landas. Walang isang landas mula sa mga ito malibang dito ay may isang demonyong nag-aanyaya tungo rito." Pagkatapos bumigkas siya: {Na ito ay ang landasin Ko bilang tuwid, kaya sumunod kayo rito at huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas} (Qur'ān 6:153) Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 4437. Ang Paggamit ng mga Kaparaanang Pampag-aanyaya
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Ang pagtuturong Islāmiko ay may malaking papel sa pangangalaga sa pagkakilanlang Islāmiko lalo na mga estadong hindi nagsasalita ng Arabe. Sa pamamagitan niyon at sa pakikipagtalakayan sa mga kaklase mo sa grupo, ano ang mga pangangailangang pampagtuturong panrelihiyon na nakikita mo ang pagpapahalaga sa mga ito sa lipunan mo? Ano ang mga kaparaanang iminumungkahi para sa pagsasagawa sa mga ito.
Iniwan sa Estudyante
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagkauri-uri ang mga istilo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) alinsunod sa kalikasan ng mga mag-aaral. (✓)
2. Ang mga kaparaanan ng pagsulat at ang mga tsart ay nagpapadali sa mag-aaral. (✓)
3. Mahirap ang istilong pang-isip sa pagtuturo ng mga pagsamba. (X)
PANUTO 3: Ipaliwanag mo ang istilong pampagtuturong mahahanguan ng katuturan mula sa mga sumusunod na ḥadīth:
1. "Ako at ang tagapag-aruga ng ulila sa Paraiso ay ganito." Sumenyas siya ng hintuturo at hinlalato ..."
2. "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon, ... kapag nagsalita siya ng isang pangungusap, ay umuulit nito nang makatatlo."
3. Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang batang lalaki habang ito ay nagbabalat ng isang tupa kaya nagsabi siya rito: "Tumabi ka nang sa gayon maipakita ko sa iyo."
PANUTO 3: Bigyang-linaw mo ang pamamaraan ng pagpapatupad ng mga sumusunod na istilo sa edukasyon at pagtuturo:
(ang pag-uunti-unti - ang praktikal na pagsasanay - ang pagkumbinsing pang-isip).
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng isang patunay sa kabaitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mag-aaral kasama ng paglilinaw sa epekto niyon sa mga mag-aaral.
2. Humango ka ng mga katangian ng tagapagturong matagumpay sa pamamagitan ng pagpatnubay na pampropeta sa pagtuturo.
4. Ang Patnubay ng Propeta (Basbasan siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Pag-aanyaya
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpakahulugan ka sa tagumpay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya niya tungo kay Allāh;
2. makapag-alam ka sa mga istilo ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya;
3. makapagbigay-linaw ka sa kahalagahan ng pag-uunti-unti sa pag-aanyaya tungo kay Allāh;
4. makapagbuod ka ng mga tampok na katangian ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya;
5. makapagmungkahi ka ng mga kaparaanang pampag-aanyayang nababagay sa lipunan mo;
6. makapagsadamdamin ka sa pag-ibig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at makatulad ka sa kanya sa pag-aanyaya tungo kay Allāh.
Ang Tagumpay ng Propeta (Basbasan siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Pag-aanyaya Niya
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakadakila sa mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh sapagkat umanib sa Islām ang mga Arabe sa mga kamay niya at nagbago sila mula sa pagiging isang kalipunang kaaba-aba tungo sa pagiging pinakamahal sa mga kalipunan. Iyon ay dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at pagtutuon Niya, pagkatapos dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsakatuparan ng metodolohiyang makapanginoon sa pag-aanyaya yayamang gumawa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa sabi ni Allāh: {Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda.} (Qur'ān 16:125) Gayon din, ang sabi pa ni Allāh: {Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal."} (Qur'ān 12:108)
Kabilang sa mga tampok na katangian ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya:
Ang Pagpatnubay ng Propeta sa Pag-aanyaya
- Ang Pagkaawa at ang Kabaitan
- Ang Pagtitiis sa Perhuwisyo
- Ang Pag-uunti-unti sa Pag-aanyaya
- Ang Pagpapaginhawa at ang Pagkakatamtaman
1, Ang Pagkaawa at ang Kabaitan
Ito ang ipinagbunyi ni Allāh sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi Siya: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo.} (Qur'ān 3:159)
Dumaan na sa iyo ang ilan sa mga anyo ng kabaitan, kagandahan ng kaasalan, at kaluwagan sa araling: 2. Ang Patnubay ng Propeta sa Pakikitungo sa Hindi mga Muslim.
2. Ang Pagtitiis sa Perhuwisyo
Nagtiis ang Propeta sa mga inaanyāyahan at nagbata siya ng perhuwisyo nila magmula ng simula ng pag-aanyaya yayamang sumunod siya sa utos ni Allāh: {Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marikit.} (Qur'ān 70:5)
Nang nagpahayag sa Makkah ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-aanyaya, namerhuwisyo sa kanya ang mga tagapagtambal ngunit nagtiis siya sa pamemerhuwisyong sikolohikal gaya ng pagpaparatang sa kanya ng kabaliwan, pagsisinungaling, at panggagaway.
Gayon din, nagtiis siya sa pamemerhuwisyong pisikal. Ang halimbawa niyon ay ang pagtitiis niya sa mga mamayan ng Ṭā'if nang namerhuwisyo sila sa kanya at pumukol sa kanya ng bato.
Nang lumikas siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, nagtiis siya sa pakana ng mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw at pamemerhuwisyo nila tulad ng naganap sa pangyayari ng paninirang-puri na nagparatang rito ang mga mapagpaimbabaw sa dalisay niyang maybahay na si `Ā'isha (malugod si Allāh sa kanya).
Nagtiis siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikibaka sa landas ni Allāh hanggang sa halos napatay siya sa paglusob sa Uḥud noong ika-3 taon ng Hijrah. Nang tinamaan siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsabi siya, habang siya ay nagpupunas sa dugo palayo sa mukha niya: "O Allāh, magpatawad Ka sa mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3477 at Imām Muslim: 1792.
3. Ang Pag-uunti-unti sa Pag-aanyaya
Nauugnay ang metodolohiya ng pag-uunti-unti sa pag-aanyaya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ilang bagay, na kabilang sa mga ito:
Ang pag-uunti-unti sa pagpapaabot ng paanyaya at pagpili ng mga inaanyāyahan sapagkat nagsimula nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-aanyaya sa yugtong palihim. Ito ay sa isang paraang pang-individuwal para sa ilan sa mga kaibigan at mga kamag-anak, pagkatapos sa pag-aanyaya sa mga pinakamalapit sa angkan niya, pagkatapos sa mga mamamayan ng Makkah, pagkatpos sa lahat ng mga mamamayan ng Daigdig.
Ang pag-uunti-unti sa mga paksa ng pag-aanyaya sapagkat nagsimula ang Propeta ng pag-aanyaya niya sa Tawḥīd at pananampalataya. Nag-anyaya nga siya sa mga mamamayan ng Makkah, na nagsasabi: "O mga tao, magsabi kayo na walang Diyos kundi si Allāh, magtatagumpay kayo." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 16023. Pagkatapos nag-unti-unti ang pagbaba ng mga patakaran matapos niyon.
5. Ang Pagpapaginhawa at ang Pagkakatamtaman
Hindi nangyaring ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigat sa mga inaanyāyahan: hindi sa pag-aanyaya at hindi sa pagtuturo. Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay nagmamalasakit sa amin sa pamamagitan ng pangaral sa pagpili ng mga araw dala ng pagkasuklam sa panghihinawa sa amin." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 68 at Imām Muslim: 2821. Ibig sabihin: nagkakandili siya sa amin habang nagsasaalang-alang sa mga oras ng kasiglahan namin at hindi siya gumagawa niyon palagi nang sa gayon hindi dumapo sa amin ang pagkasawa.
Nang idinaing sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaki ang pagpapahaba ng isa sa mga imām sa ṣalāh, nagalit siya nang matindi, pagkatapos nagsabi: "Tunay na may kabilang sa inyo na mga nagpapalayo ng loob kaya ang alinman sa inyo na namuno sa ṣalāh sa mga tao ay magpagaan siya sapagkat na nasa kanila ang mahina, ang matanda, at ang may kailangan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 702 at Imām Muslim: 466.
Nag-anyaya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga alagad ng pagtalima sa pagpapamalagi rito kahit pa man ito ay kaunti sapagkat tinanong nga ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain ang higit na kaibig-ibig kay Allāh?" Kaya nagsabi siya: "Ang pinakanamamalagi kahit pa kumaunti." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 782.
Ang Pagmamalasakit ng Propeta sa Pagtutumpak ng mga Mali ng mga Inaanyāyahan
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay nagtutumpak sa mga mali ng mga inaanyāyahan upang ang mga gawa nila ay sumasang-ayon sa Batas at tinatanggap sa ganang kay Allāh. Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Kami noon, nang nagdasal kami sa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay nagsabi ng: "Ang Salām ay kay Gabriel, ang Salām ay kay Miguel, at ang Salām ay kay Polano." Kaya lumingon sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na si Allāh ay ang Salām kaya kapag nagdasal ang isa sa inyo ay magsabi siya: Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa atin at ukol sa mga maayos na lingkod ni Allāh.)"} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 831 at Imām Muslim: 402.
Bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtutumpak ng mali: na hindi siya bumabanggit ng pangalan ng nagkakamali. May nagsabi ngang isang binata: "Hindi ako magpapakasal sa mga babae," may nagsabi ngang isang iba pa: "Hindi ako kakain ng karne," at may nagsabi ngang ikatlo: "Hindi ako matutulog sa kama," ngunit nakarinig sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5063 at Imām Muslim: 1401.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) sa sandali ng paglalakbay niya sa Yemen: "Tunay na ikaw ay darating sa mga tao na may kasulatan kaya ang kauna-unahan sa ipaaanyaya mo sa kanila ang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya). Kapag nakakilala sila kay Allāh, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng limang dasal sa araw nila at gabi nila. Kapag ginawa nila, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng isang kawanggawa na kinukuha mula sa mga mayaman nila saka ibinibigay sa mga maralita nila." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1458 at Imām Muslim: 19. Nagpapatunay ang ḥadīth na ito sa pag-uunti-unti sa pag-aanyaya, kaya pagbulay-bulayan mo ito nang maigi, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
Nagpahiwatig ang ḥadīth sa kahalagahan ng pagkilala sa mga kalagayan ng lipunan. Hanguin mo iyon mula rito.
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`dh na ito ay mag-aanyaya sa mga taong kabilang sa mga may kasulatan. Dahil doon, nag-utos siya rito ng pagsisimula sa mga usapin ng pananampalataya, pagkatapos mga pagsamba.
Pagsunud-sunurin mo ang mga paksa ng pag-aanyaya alinsunod sa nasaad sa ḥadīth.
Ang pagsisimula sa pananampalataya kay Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya, pagkatapos ang paglipat sa mga pagsamba gaya ng ṣalāh at zakāh.
Ano ang pinakamahalaga sa mga paksang pampag-aanyaya na nakikita mo ang kahalagahan ng pagsisimula sa mga ito sa lipunan mo?
Iniwan sa estudyante - Alinsunod sa nakikita niya sa paligid niya. Ang mga ito ay ang ilan sa mga puntong pampagpapagabay:
Ang Pangangalaga sa Ṣalāh
Ang Pagsasaalaala sa Kamatayan at Tahanang Pangkabilang-buhay
Ang Pananatili ng mga Babae sa Ḥijāb
Ang Pag-iwan ng Panlilibak at Tsismis
Ang Hindi Pagtingin sa mga Ipinagbabawal
Aktibidad 2: Magmumungkahi ako ng isang programang pampag-aanyaya.
Sa pakikipagsanggunian sa grupo mo, magtakda ka ng pinakamahalaga sa mga istilo at mga kaparaanang pampag-aanyayang nakaapekto sa lipunan mo at magmungkahi ka ng isang programang pampag-aanyaya para sa paggawa ng mga ito.
Iniwan sa estudyante. Ang mga ito ay ang ilan sa mga puntong pampagpapagabay:
Ang Sermon sa Biyernes. Hihiling ako sa imām ng masjid na pumili ng mga paksang mag-aambag sa paglutas ng mga suliranin ng lipunan.
Ang mga umpukang pangkaalaman - Ang pagdaraos ng mga umpukang pangkaalaman para sa mga kabataan sa masjid para sa pagpapasaulo ng Qur'ān at pag-aaral ng Pampropetang Sunnah.
Ang pag-aanyayang pang-individuwal - Magtatakda ang bawat binata ng tatlo sa mga kamag-anak niya at pipili siya ng istilong nababagay para sa pag-anyaya sa kanila.
Aktibidad 2: Mag-iisip ako hinggil sa mga solusyon.
Ipaliwanag mo ang aksiyong pampag-aanyaya sa bawat senaryo mula sa sumusunod:
Ang Saloobin / Ang Pag-uugaling Pampag-aanyaya
Nakita mo ang kaklase mo na nagdarasal ng mga tungkuling ṣalāh at nag-iiwan ng mga kusang-loob na ṣalāh. / Makikipag-usap ako sa kanya nang may kahinahunan na mangalaga siya sa mga kusang-loob na ṣalāh bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nakarinig ka ng kapitbahay mo na nanlilibak o nagsasalita ng tsismis. / Maglilinaw ako sa kanya na ang panlilibak at ang tsismis ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at na kailangan sa kanya na magpigil nang sa gayon hindi siya magkasala.
Nakakita ka ng isang binatang namamalo ng isang bata nang may karahasan. / Pipigilan ko siya kung makakaya ko at ipababatid ko sa kanya na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaganda ng pakikitungo sa mga bata.
Nakatagpo ka ng pagkakaiba-iba sa masjid sa pamumuno sa ṣalāh. / Magpapabatid ako sa kanila na ang pinakakarapat-dapat sa pamumuno sa ṣalāh ay ang pinakamapagsaulo sa kanila ng Aklat ni Allāh, pagkatapos ang pinakamapagsaulo sa kanila ng Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos ang pinakamalaki sa kanila sa edad.
Namatay ang isa sa mga kamag-anak mo at nag-iwan siya ng mga ulilang maralita. / Aalalay ako sa kanila sa kinakailangan nila na salapi o pag-aaruga at hihiling ako sa sinumang makakakaya ng pag-alalay sa kanila na mag-alalay sa kanila.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagsisimula ang pag-uunti-unting pampag-aanyaya sa paglilinaw ng mga karapatan ng mga tao, pagkatapos mga karapatan ni Allāh. (X)
2. Ang karunungan ay humihiling ng pagtutumpak ng mga kamalian nang walang pagbanggit sa sinumang nasadlak sa mga ito. (✓)
3. Ang pagpapaginhawa sa mga inaanyāyahan ay hindi sumasalungat sa pangangalaga sa mga hangganan ni Allāh. (✓)
4. Nagtaglay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtitiis bago ng paglikas dahilan sa kakauntian ng bilang ng mga Muslim. (X)
5. Nagalit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahilan sa kamalian ng mga Kasamahan sa pagbigkas ng tashahhud. (X)
6. Kinakailangan ang pagpapatanyag sa tagasuway nang sa gayon hindi siya manumbalik sa paggawa ng pagsuway. (X)
7. Ang gawaing kaunti na namamalagi ay higit na mainam kaysa sa maraming naputol. (✓)
PANUTO 2: Papaano mong ipakakahulugan:
1. Ang tagumpay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya niya ay:
- dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtaglay ng pagtitiis, karunungan, at kagandahan ng kaasalan sa pag-aanyaya.
- dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpatuloy sa pag-aanyaya at hindi nawalan ng pag-asa sa pagtugon ng mga inaanyāyahan.
- dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang tinutularang dakila sapagkat siya noon ay nagpapatupad ng ipinaaanyaya niya.
- dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-unti-unti sa pag-aanyaya mula sa pinakamahalaga hanggang sa kasunod na mahalaga at nagsaalang-alang siya sa mga kalagayan ng mga inaanyāyahan.
2. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): "kaya ang kauna-unahan sa ipaaanyaya mo sa kanila ang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya)" ay:
dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsugo kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa mga taong kabilang sa mga kasulatan kaya bumagay na ang kauna-unahan sa ipaaanyaya nya sa kanila ay ang pananampalataya kay Allāh, ang paniniwala sa kaisahan Niya, at ang pagwaksi sa Shirk at pagsamba sa mga huwad na diyos.
PANUTO 3: Hanguin mo mula sa aralin ang sumusunod:
1. Ang tatlo sa mga tampok na katangian ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya sa mga tagasuway at mga nagkakamali kabilang sa mga Muslim.
2. Ang tatlo sa mga tampok na katangian ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya sa mga tagapagtambal tungo sa Islām.
5. Ang mga Katangian ng mga Tagapag-anyaya Tungo kay Allāh (Napakataas Siya)
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa mga katangian ng mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh;
2. makahango ka ng patunay mula sa Qur'ān o Sunnah ng mga katangian ng tagapag-anyaya;
3. makapaghalimbawa ka para sa bawat katangian mula sa katangian ng tagapag-anyayang Muslim;
4. makapagsagawa ka ng pagtatasa sa mga istilong pampag-aanyaya na ginagamit ng mga tagapag-anyaya sa bayan mo;
5. magsigasig ka sa pagtataglay ng mga kaasalan ng tagapag-anyaya.
Sino ang pinakakaibig-ibig sa mga kontemporaryong tagapag-anyaya sa puso mo? Ano ang mga katangian na tinataglay ng tagapag-anyayang ito? Maaari sa iyo sa araling ito ang magsagawa ng pagtatasa sa mga katangian ng tagapag-anyayang iyon sa pamamagitan ng ginamit niya.
Isang Larawan ng Isang Tagapag-anyaya na Nagbibigay ng Khuṭbah sa Harapan ng mga Tao
Ang mga Katangian ng Tagapag-anyaya
- Ang Pagpapakawagas Kay Allāh (Napakataas Siya)
- Ang Pagtulad sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
- Ang Kaalaman at ang Pagkatalos
- Ang Kagandahan ng Pagpili ng mga Istilo ng Pag-aanyaya
- Ang Pagtitiis at ang Kabaitan
1. Ang Pagpapakawagas Kay Allāh (Napakataas Siya)
Pinapakay sa pagpapakawagas (ikhlāṣ) na pakayin ng tao sa mga pagtalima niya at lahat ng mga gawain niya ang pagpapakalapit-loob kay Allāh lamang. Ang pagpapakawagas ay kinakailangan sa Muslim sa lahat ng mga gawain niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1 at Imām Muslim: 1907.
Ang tagapag-anyaya ay nasa isang matinding pangangailangan sa pagpapakawagas dahil siya ay tumatanyag sa gitna ng mga tao at dumaranas ng pagbubunyi nila sa kanya. Dahil dito, kinakailangan na magpakay siya sa pag-aanyaya niya ng kaluguran ng mukha ni Allāh at hindi siya magpakay ng katanyagan o papuri ng mga tao.
2. Ang Pagtulad sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Nabibigyang-diin sa tagapag-anyaya ang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa personal na buhay niya at pampag-aanyayang metodolohiya niya bilang pagsasakatotohanan ng sabi ni Allāh: {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran} (Qur'ān 33:21)
Ito ay humihiling sa tagapag-anyaya ng pag-aaral ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), talambuhay niya, at Sunnah niya kasama ng pagpapatupad niyon nang praktikal, lalo na at siya magiging tinutularan para mga inaanyāyahan niya. Ang paggawa ayon sa kaalaman ay higit na matindi sa pag-epekto sa mga inaanyāyahan kaysa sa pagsasabi nang walang mga gawa.
Ayon doon, mag-ingat ang tagapag-anyaya na magkaiba-iba ang mga gawa niya sa mga sabi niya sapagkat pumula si Allāh doon: {2. O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa? 3. Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.} (Qur'ān 61:2-3)
3. Ang Kaalaman at ang Pagkatalos
Nararapat sa mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh ang makaalam sa mga saligan ng mga patakarang pang-Sharī`ah at mga patunay sa mga ito at ang makapag-aral ng mga paksa na ipinaaanyaya nila sa mga tao yayamang papaanong mag-aanyaya ang tagapag-anyaya para sa isang bagay samantalang siya ay mangmang doon? Ito ay bahagi ng pagkatalos na nasaad sa sabi ni Allāh: {Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal."} (Qur'ān 12:108)
Bahagi ng pagkatalos din ang makaalam sa kalagayan ng mga inaanyāyahan at reyalidad nila, mga pundasyon ng pakikipagdayalogo, at mga kaparaanan ng pakikipag-ugnayan sa kanila.
4. Ang Kagandahan ng Pagpili ng mga Istilo ng Pag-aanyaya
Ito ay bahagi ng pagkatalos sa pag-aanyaya at nagpapahiwatig sa karunungan ng tagapag-anyaya at lalim ng kaalaman niya. Bumanggit nga si Allāh ng pinakamahalaga sa mga istilo ng pag-aanyaya sapagkat nagsabi Siya: {Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda.} (Qur'ān 16:125)
Nararapat sa tagapag-anyaya na piliin niya ang istilong nababagay sa pag-aanyaya. Kabilang doon:
Ang istilo ng karunungan, na ginagamit sa sinumang nakaalam sa katotohanan at gumagawa ayon dito subalit siya ay nangangailangan ng pagpapaalaala.
Ang pangaral na maganda, na ginagamit sa sinumang nakaalam sa katotohanan subalit siya ay nagkukulang sa paggawa ayon dito.
Ang pakikipagtalo ayon sa siyang pinakamaganda at ito ay magiging sa sinumang nagkakaila ng katotohanan o nakikipagtalo para sa kabulaanan.
5. Ang Pagtitiis at ang Kabaitan
Dumaan na sa iyo, mahal kong estudyante, ang pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtitiis sa perhuwisyo kasama ng kabaitan at kabanayaran sa mga inaanyāyahan, kaya balikan mo iyon sa nakalipas na aralin.
Tutukoy tayo rito ng kahalagahan ng pagtitiis sa mga inaanyāyahan sa paggawa ng mga pagtalima at paghikayat sa kanila sa mga ito. Nagsabi si Allāh: {Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya.} (Qur'ān 18:28)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Hahango ako.
Hanguin mo mula sa mga sumusunod na teksto ang mga katangian ng tagapag-anyaya na ipinahihiwatig nito.
Ang teksto / Ang katangiang mahahango ang katuturan
{Talaga ngang may pinasinungalingan na mga sugo bago mo pa ngunit nagtiis sila sa anumang ipinasinungaling sa kanila at ipinaminsala sa kanila hanggang sa pumunta sa kanila ang pag-aadya Namin.} (Qur'ān 6:34)
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) nang nagpadala siya rito sa Yemen: "umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan" Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1987. Ang Kagandahan ng Kaasalan
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang magandang porma, ang paghihinay-hinay, at ang pagpapakakatamtaman ay isang bahagi mula sa dalawampu't apat na bahagi ng pagkapropeta." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2010. / Ang Pagkakatamtaman at ang Pagkagitna - Ang Kagandahan ng Anyo
Nagsabi si `Abdullāh bin Salām bago ng pag-anib niya sa Islām tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... saka noong napaglinawan ako ng mukha ng Sugo ni Allāh, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng palasinungaling." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 2485 at Imām Ibnu Mājah: 1334. / Ang Katapatan - Ang Pagkamasāyahin ng Mukha.
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Pumasok ang marami sa mga tao sa Islām dahilan sa mga marangal na kaasalan ng mga Muslim sa mga pakikitungo nila. Ito ay nagpapatunay sa kahalagahan ng magandang tinutularan sa pag-aanyaya tungo kay Allāh. Sa pamamagitan niyon, tugunin mo ang sumusunod:
Magsulat ka ng isang kuwento o isang senaryo na nagpahanga sa iyo dahil sa epekto ng magandang tinutularan.
Iniwan sa Estudyante.
Magpaliwanag ka ng epekto ng magandang tinutularan sa pagdudulot ng edukasyon sa mga bata.
Ang magandang tinutularan ay may malaking epekto sa edukasyon dahil ito ay ang praktikal na pagpapatupad ng naririnig ng mga bata. Kapag sumalungat ang mga ginagawa ng edukador sa sinasabi niya, mangyayari ang pagkalito sa mga bata at marahil magdududa sila sa katumpakan ng sinasabi ng edukador sa kanila.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Naisasakatotohanan ang pagkatalos para sa tagapag-anyaya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat ng panitikan at kasaysayang Islāmiko. (X)
2. Kailangan sa tagapag-anyaya ang magsagawa ng mga kinakailangan at ang magsumikap sa paggawa ng mga kusang pagsamba. (✓)
3. Ang pag-ibig sa katanyagan ay kabilang sa mga katangian ng matagumpay na tagapag-anyaya. (X)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang pinakaideyal na istilo para sa pag-anyaya sa nakaaalam sa katotohanan at hindi gumagawa ayon dito ay:
(ang karunungan - ang pangaral - ang pakikipagtalo).
2. Ang ḥadīth na: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang." ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng katangian ng:
(pagpapakawagas - katapatan - pagkamapagkakatiwalaan).
3. Ang pinakaideyal na istilo para sa pag-anyaya sa nakaaalam sa katotohanan at hindi gumagawa ayon dito ay:
(ang karunungan - ang pangaral - ang pakikipagtalo).
4. Ang sabi ni Allāh: {Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo.} (Qur'ān 3:159) ay nagsaad ng isang patunay sa katangian ng:
(kabaitan at kabanayaran - pagtitiis at katatagan - magandang tinutularan).
PANUTO 3: Papaano mong ipakakahulugan ang kahalagahan ng pagkakilala ng tagapag-anyaya sa kalagayan ng mga inaanyāyahan?
Dahil ang pagkakilala ng tagapag-anyaya sa mga kalagayan ng mga inaanyāyahan ay umaalalay sa kanya sa sarisaring bagay, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pagpili ng paksa ng pag-aanyaya (ang pananampalataya - ang mga pagsamba - ang mga pakikitungo - ang mga kaasalan).
2. Ang pagpili ng paraan ng pag-aanyaya (ang pakikipag-usap sa emosyon - ang pagkumbinsing pang-isip).
3. Ang pagpili ng lugar at panahon kung saan pipili ng lugar at panahon na bumabagay sa inaanyāyahan.
4. Ang pagpili ng istilo ng pag-aanyaya (ang pagpapaibig o ang pagpapasindak ... at iba pa).
Ang pagpili ng mga bagay na ito nang maingat ay nakatutulong sa pagsasakatotohanan ng mga layon ng pag-aanyaya.
PANUTO 4: Magsulat ka ng isang patunay sa mga sumusunod na katangian ng tagapag-anyaya:
(ang katapatan - ang kagandahan ng kaasalan - ang pagtitimpi at ang pagdahan-dahan).
6. Ang Kainaman ng Sambahayan ng Propeta at ang mga Karapatan Nila
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka sa tinutukoy ng Sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
2. makapagbigay-linaw ka sa mga karapatan ng Sambahayan sa mga Muslim;
3. makahango ka ng patunay sa kainaman ng Sambahayan higit sa iba pa sa kanila;
4. makapagbuod ka ng mga kainamang natatangi sa iba sa Sambahayan;
5. makapagpatupad ka ng tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Sambahayan;
6. makapagpatupad ka ng mga pagkakahayag ng pagpapakalabis-labis kaugnay sa Sambahayan.
Narinig ni `Umar ang imām ng masjid na bumibigkas sa ṣalāh ng sabi ni Allāh: {Nagnanais lamang si Allāh na mag-alis sa inyo ng karumihan, O mga tao ng bahay, at magdalisay sa inyo nang isang pagdadalisay.} (Qur'ān 33:33)
Kaya nagtanong siya sa imām matapos ng ṣalāh kung sino ang mga tao ng bahay (Sambahayan) at kung bakit nagtangi sa kanila si Allāh sa marangal na āyah. Mayroon ba silang mga karapatang natatangi sa kanila?
Mapag-aalaman mo ang tugon, mahal kung mag-aaral, sa araling ito.
Sino ang Sambahayan?
Ang salitang Sambahayan ay nangangahulugan ng mag-anak ng lalaki, mga anak niya, at mga maybahay niya. Ang tinutukoy ng Sambahayan ay ang mga tao ng bahay ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na sumampalataya sa kanya gaya ng angkan ni Hāshim at angkan ni `Abdulmuṭṭalib at mga supling nila at gayon din ang mga maybahay niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Kainaman ng Sambahayan
Ang Sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may mga kapita-pitagang kainaman. Iyon ay dahil sa pananampalataya nila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at bilang pagpaparangal sa relasyon nila sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kabilang sa mga ito:
1. Nagdalisay sa kanila si Allāh mula sa mga mahalay at malaking kasalanan at nag-alis siya sa kanila ng karumihan ng demonyo. Nagsabi si Allāh: {Nagnanais lamang si Allāh na mag-alis sa inyo ng karumihan, O mga tao ng bahay, at magdalisay sa inyo nang isang pagdadalisay.} (Qur'ān 33:33)
2. Nag-utos si Allāh ng pag-ibig sa kanila at pagmamahal sa kanila bilang pagpaparangal kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi Siya: {Sabihin mo: "Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya maliban sa pagmamahal alang-alang sa pagkakamag-anak."} (Qur'ān 42:23) Ibig sabihin: Sabihin mo sa kanila, O Sugo ni Allāh: "Hindi ako humihiling sa inyo, O mga tao, ng isang pabuya dahil sa pag-aanyaya ko sa inyo, maliban na magmahal kayo sa Sambahayan ko at makiugnay sa kanila."
3. Ginawa ni Allāh ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga ina ng mga mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila.} (Qur'ān 33:6)
4. Ang lahat ng mga kainamang nasasaad sa mga Kasamahan at mga Lumikas ay napaloloob sa mga ito ang Sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pagiging higit na marapat.
Kabilang sa mga patakarang natatangi sa Sambahayan:
1. Hindi ipinahihintulot ang kawanggawa para sa kanila at ipinagbabawal sa kanila ang pakikinabang dito batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga kawanggawang ito ay tanging mga dumi ng mga tao at tunay na ang mga ito ay hindi ipinahihintulot kay Muḥammad at hindi sa mag-anak ni Muḥammad." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1072.
2. Ang pagdalangin ng basbas sa kanila kasama ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay kasunod matapos ng tashahhud sa ṣalāh at sa iba pa rito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin `abdika wa-rasūlika, kamā ṣAllāhta `alā Ibrāhīm; wa-bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad na lingkod Mo at Sugo Mo, gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham; at biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad, gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham.)" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6358.
3. Ang tagubilin ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa kanila sapagkat nagtagubilin siya sa Kalipunan ng kabutihan hinggil sa kanila sapagkat nagsabi siya: "Nagpapaalaala ako sa inyo kay Allāh kaugnay sa Sambahayan ko. Nagpapaalaala ako sa inyo kay Allāh kaugnay sa Sambahayan ko. Nagpapaalaala ako sa inyo kay Allāh kaugnay sa Sambahayan ko." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2408.
Ang mga Karapatan ng Sambahayan sa mga Muslim
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga karapatan ng Sambahayan sa kalahatan ng mga Muslim ang sumusunod:
1. Kinakailangan ang umibig sa Sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang tumangkilik sa kanila, at ang mag-adya sa kanila.
2. Ipinagbabawal ang masuklam sa kanila o ang mangaway sa kanila o ang magmithi ng kasagwaan sa kanila.
3. Kinakailangan ang magdakila sa halaga nila at ang magpatibay sa mga kainaman nila na nasasaad sa Qur'ān at Sunnah.
4. Ipinagbabawal ang paghamak sa kanila o ang pagparatang sa kanila ng kasagwaan o ang pag-alipusta sa kanila o ang pagsumpa sa kanila o tulad niyon.
6. Ipinagbabawal ang pag-aasawa sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pagbubukod sa karangalan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at bilang pagpaparangal sa dangal niya.
7. Tumatangging sumampalataya ang sinumang nagpaparatang sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā'isah ng pangangalunya matapos na nagpababa si Allāh sa Qur'ān ng kainosentehan niya.
Ang Pagpapakalabis-labis Kaugnay sa Sambahayan.
Nagsisigasig ang demonyo sa pagpapaligaw sa mga anak ni Adan at pumapasok siya sa bawat tao sa pamamagitan ng nababagay rito. Kaya mayroon sa mga tao na pinapasok niya mula sa pinto ng pagwawalang-bahala at pagsunod sa mga pagnanasa at mayroon sa kanila na pinapasok niya mula sa pinto ng pagpapakalabis-labis at pagpapakahigpit. May nasadlak nga na mga pangkating kabilang sa mga nauugnay sa Islām sa pagpapakalabis-labis kaugnay sa Sambahayan. Kabilang sa mga anyo niyon:
1. Ang pag-aangkin ng pagkasanggalang sa pagkakasala ng iba sa kanila at ang paggawa sa mga sinabi nila at mga ginawa nila bilang nasa antas ng pagkasi [ni Allāh].
2. Ang pagmamainam sa ilan sa Sambahayan higit sa ilan sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagkakamag-anak sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagpapakinabang nang walang maayos na gawa sapagkat itong si Abū Lahab na tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pupunta sa Impiyerno at gayon din si Abū Ṭālib sa kabila ng pagsasanggalang niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) subalit siya ay namatay sa kawalang-pananampalataya kaya siya ay naging kabilang sa mga mananahan sa Impiyerno.
Ang mga Aktibidad
Aktibad 1: Magsasaalaala ako at magsusulat ako.
Sa pamamagitan ng mga naunang impormasyon mo o elektronikong pagsasaliksik mo, magsulat ka ng ilan sa mga kainaman ng bawat isa:
1. `Alīy bin Abī Ṭālib Ṭālib (Malugod si Allāh sa Kanya)
Siya ay anak ng tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang kauna-unahan sa umanib sa Islām mula sa mga bata. Lumikas siya at nakibaka siya kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Siya ay isa sa mga binalitaan ng pagpasok sa Paraiso. Binalikat niya ang pagkakhalīfah ng mga Muslim matapos ng pagmartir kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya).
2. Ang Ina ng mga mananampalataya na si Khadījah (Malugod si Allāh sa Kanya)
Siya ay ang kauna-unahan sa umanib sa Islām mula sa mga babae. Dinamayan niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng yaman niya at sinuportahan niya ito sa pagpapalaganap ng Relihiyon. Ang lahat ng mga anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa kanya, maliban kay Ibrāhīm. Nagbalita ng nakagagalak sa kanya ang Propeta ng pagpasok sa Paraiso.
3. Si Fāṭimah, ang Anak ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nagmamahal sa kanya, humahalik sa kanya, at nagpapaupo sa kanya sa lugar nito. Nagsabi ito tungkol sa kanya: "Si Fāṭimah ay isang bahagi mula sa akin. Kaya naman ang sinumang nagpagalit sa kanya ay nagpagalit sa akin." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3714 at Imām Muslim: 2449. Nagbalita nga ng nakagagalak sa kanya ang Propeta ng pagpasok sa Paraiso. Siya ay maybahay ni `Alīy bin Abī Ṭālib Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) at ina nina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn na mga apo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
4. Ang Ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (Malugod si Allāh sa Kanya)
Siya ay anak ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay umiibig sa kanya. Bumaba ang kainosentehan niya sa Marangal na Qur'ān at tumanyag siya sa kaalaman at pag-unawa.
Aktibidad 2: Makikilahok ako sa kaklase ko.
Ang iba sa mga nauugnay sa sekta ng Shī`ah ay nagpaparatang sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng pagkasadlak sa mahalay. Sa pakikilahok sa kaklase mo, magsulat ka ng isang pagpapabula sa mga gawa-gawang ito, habang nagpapatulong sa mga sumusunod na teksto:
1. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga naghatid ng kabulaanan ay isang pulutong kabilang sa inyo. Huwag kayong mag-akalang ito ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila ang kinamit niya mula sa kasalanan. Ang bumalikat sa kalakihan niyon kabilang sa kanila, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat.} (Qur'ān 24:11)
Nagpababa si Allāh ng kainosentehan niya sa āyah na ito. Kaya ang sinumang nagduda sa kainosentehan niya, nagduda nga ito sa Marangal na Qur'ān. Ito ay isang pagpapasinungaling sa Marangal na Qur'ān at isang kawalang-pananampalataya kay Allāh.
2. Nagsabi si Allāh: {Ang mga babaing karima-rimarim ay ukol sa mga lalaking karima-rimarim at ang mga lalaking karima-rimarim ay ukol sa mga babaing karima-rimarim.} (Qur'ān 24:26)
Nagpapabatid sa atin si Allāh na ang lalaking karima-rimarim ay nag-aasawa ng isang babaing karimarimarim. Tayo ay nakatitiyak na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang lalaking kaaya-aya at nakapangasawa nga kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya). Kung sakaling siya ay isang babaing karima-rimarim, tiyak na hindi sana nagpahintulot si Allāh sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makasal dito.
3. Nagsabi si `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Alin po sa mga tao ang higit na iniibig sa iyo?" Nagsabi siya: " Si `Ā'ishah." Saka nagsabi ako: "Sa mga lalaki po?" Kaya nagsabi siya: "Ang ama niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3662 at Imām Muslim: 2384.
Nagpapatunay ito na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umiibig kay `Ā'ishah. Kung sakaling si `Ā'ishah ay gumagawa ng mahalay, talaga sanang hindi siya inibig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagagalit alang-alang kay Allāh.
4. Nagsabi si Imām An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "Ang kainosentehan ni `Ā'ishah sa paninirang-puri ay isang kainosentehang pantiyakan ayon sa teksto ng Mahal na Qur'ān sapagkat kung sakaling may nagpapaduda rito na isang – ang pagpapakupkop ay kay Allāh – siya ay naging isang tagatangging sumampalataya na tumalikod sa Islām ayon sa pagkakaisa ng hatol ng mga Muslim."
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagpaparatang kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng pangangalunya ay isang kawalang-pananampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol. (✓)
2. Natatangi ang mga kainaman ng Sambahayan kay Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya) at sa mga anak niya. (X)
3. Natatangi ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkabawal ng pag-aasawa sa kanila matapos ng pagpanaw niya. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga napaloloob sa Sambahayan ng Propeta:
(ang mga tiyuhin sa ina ng Propeta - ang mga maybahay ng Propeta - ang mga lolo ng Propeta).
2. Ang kauna-unahan sa sumampalataya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sina:
(Khadījah at `Alīy - Khadījah at `Ā'ishah - Khadījah at Fāṭimah).
PANUTO 2: Papaano mong ipakakahulugan:
1. Ang pagbabawal ng pagbibigay ng kawanggawa sa Sambahayan.
2. Ang Sambahayan ay hindi naisanggalang sa kasalanan.
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Sinu-sino ang Sambahayan?
2. Magsulat ka ng tatlo sa mga karapatan ng Sambahayan.
3. Humango ka ng patunay sa tatlong kainaman ng Sambahayan (malugod si Allāh sa kanila).
7. Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan at ang mga Karapatan Nila
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagtakda ka ng tinutukoy ng Kasamahan;
2. makahango ka ng patunay sa mga kainaman ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila);
3. makapagbuod ka ng mga kainamang natatangi sa ilan sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila);
4. makapag-isa-isa ka ng mga karapatan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa mga Muslim;
5. makatulad ka sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila), lalo na sa mga Khalīfah na Matino;
6. makapagdakila ka sa halaga ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila).
Ang Kasamahan ay: ang bawat tao na nakipagkita kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sumampalataya sa kanya, at namatay sa Islām.
Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan
Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay may maraming kainaman. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito:
Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan
- Nag-angat si Allāh ng Halaga Nila at Nagparangal sa Kanila Dahil sa Pagkasama sa Propeta
- Nagbunyi si Allāh sa Kanila sa Marangal na Qur'ān
- Ang mga Kasamahan ay ang Pinakamainam ng Kalipunan
- Nagbalita ang Propeta sa Ilan sa Kanila ng Pagpasok sa Paraiso
1. Nag-angat si Allāh ng halaga nila at nagparangal sa kanila dahil sa pagkasama sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagbalita Siya sa kanila ng pagpasok sa Paraiso sapagkat nagsabi Siya; {Ang mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga lumikas at mga tagaadya at ang mga sumunod sa kanila ayon sa paggawa ng maganda ay nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.} (Qur'ān 9:100)
2. Nagbunyi si Allāh sa kanila dahil sa mga kapuri-puring kaasalan at mga maayos na gawa sapagkat nagsabi Siya: {Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng isang kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa.} (Qur'ān 48:29)
3. Ang mga Kasamahan ay ang pinakamainam ng Kalipunan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakambuti sa mga tao ay ang salinlahi ko, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila ..." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2652 at Imām Muslim: 2533.
4. Ang mga binalitaan ng pagpasok sa Paraiso. Sila ay marami kabilang sa mga lalaki at mga babae gaya nina Bilāl, Khadījah, Fāṭimah, at iba pa sa kanila (malugod si Allāh sa kanila) subalit may sampung binanggit sa nag-iisang ḥadīth. Ito ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Si Abū Bakr ay sa Paraiso. Si `Umar ay sa Paraiso. Si `Uthmān ay sa Paraiso. Si `Ālīy ay sa Paraiso. Si Ṭalḥah ay sa Paraiso. Si Az-Zubayr ay sa Paraiso. Si `Abdurraḥmān bin `Awf ay sa Paraiso. Si Sa`d ay sa Paraiso. Si Saī`d ay sa Paraiso. Si Abū `Ubaydah bin Al-Jarrāḥ ay sa Paraiso." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3747.
5. Ang kainaman ng mga Khalīfah na Matino sapagkat gumabay sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para tumulad sa pamumuhay nila sapagkat nagsabi siya: "Manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Khalīfah na Matino na Pinatnubayan." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4607 at Imām At-Tirmidhīy: 2676.
Ang mga Karapatan ng mga Kasamahan (Malugod si Allāh sa Kanila) sa mga Muslim
Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila ay may maraming karapatan sa mga Muslim. Nasaad sa sumusunod ang pinakamahalaga sa mga karapatang ito:
Ang mga Karapatan ng mga Kasamahan
- Ang Pagkakinakailangan ng Pag-ibig sa Kanila, Paggalang sa Kanila, at Pagpaparangal sa Kanila
- Ang Pagdalangin at ang Paghingi ng Tawad Para sa Kanila at ang Pagpapakalugod sa Kanila
- Ang Pagkabawal ng Pag-alipusta sa Kanila o Panlalait sa Kanila o Pamimintas sa Kanila
- Ang Pagpapatibay sa mga Pangkalahatan at Pangnatatanging Kainaman Nila
- Ang Pagtatanggol sa Kanila at ang Pagtugon sa Namimintas
1. Ang Pagkakinakailangan ng Pag-ibig sa Kanila, Paggalang sa Kanila, at Pagpaparangal sa Kanila. Ito ay dahil nagkaroon sila ng karangalan ng pagkauna sa Islām, pakikibaka sa landas ni Allāh, at pagpapalaganap ng Islām sa Lupa.
2. Ang Pagdalangin at ang Paghingi ng Tawad Para sa Kanila at ang Pagpapakalugod sa Kanila. Tunay na si Allāh ay nagbunyi nga sa mga Lumikas at mga Tagaadya, pagkatapos nagsabi Siya: {Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya} (Qur'ān 59:10)
3. Ang Pagkabawal ng Pag-alipusta sa Kanila o Panlalait sa Kanila o Pamimintas sa Kanila. Ito ay dahil kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala batay sa ḥadīth: "Huwag kayong mang-alipusta sa mga Kasamahan ko ..." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3673 at Imām Muslim: 2540.
4. Ang Pagpapatibay sa mga Pangkalahatan at Pangnatatanging Kainaman Nila. Ito ay ang nasasaad sa Qur'ān o Sunnah. Ang pagmamalasakit sa pag-alam sa mga pabatid tungkol sa kanila at mga kalagayan nila, pag-aaral ng mga talambuhay nila, pagpapalaganap nito sa gitna ng mga Muslim, at ang pagtulad sa mga maayos na gawa nila.
5. Ang Pagtatanggol sa Kanila at ang Pagtugon sa Namimintas sa Karapatan Nila. Iyon ay dahil ang paninirang-puri sa kanila ay isang paninirang-puri sa Relihiyon dahil sila ang nagpaabot sa atin ng Relihiyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako kasama ng kaklase ko.
Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsaliksik ka ng patunay ng mga kainaman ng mga Kasamahan na babanggitin ang mga pangalan nila, pagkatapos maglahad ka ng sagot mo sa tagapagturo para sa pagtatasa rito.
Ang mga Kasamahan / Ang Patunay sa Kainaman Nila
Si Mu`ādh bin Jabal (Malugod si Allāh sa Kanya) "Ang pinakamaalam sa Kalipunan ko hinggil sa ipinahihintulot at bawal ay si Mu`ādh bin Jabal." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 12904.
Ang mga Nakadalo sa Pagsalakay sa Badr (Malugod si Allāh sa Kanila) {"Harinawa si Allāh ay tumingin sa mga nakadalo sa Badr." Kaya nagsabi siya: "Gawin ninyo ang niloob ninyo sapagkat itinakda nga para sa inyo ang Paraiso o sapagkat nagpatawad nga ako sa inyo."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3983 at Imām Muslim: 2494.
Ang mga Sumaksi sa Pangako ng Katapatan ng Riḍwān {Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo sa ilalim ng punong-kahoy} (Qur'ān 48:18)
Aktibidad 2: Hahango ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {8. [May ginugugol] para sa mga maralitang lumikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat. 9. Ang mga namalagi sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya bago pa ng mga iyon ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. 10. Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya ...} (Qur'ān 59:8-10)
Basahin mo ang mga naunang āyah, pagkatapos hanguin mo mula sa mga ito ang sumusunod:
1. Tatlo sa mga katangian ng mga Lumikas at mga gawa nila.
Naghahangad ng kaluguran ni Allāh - Nag-aadya kay Allāh at sa Sugo Niya - Ang katapatan
2. Tatlo sa mga katangian ng mga Tagaadya at mga gawa nila.
Umiibig sila sa mga Lumikas - Hindi sila naiinggit sa mga Lumikas sa itinangi sa mga ito ni Allāh - Nagtatangi sila ng iba sa kanila sa ari-arian higit sa mga sarili nila
3. Ang Panalangin ng mga Muslim sa mga Lumikas at mga Tagaadya:
{"Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya.} (Qur'ān 59:10)
Magsulat ka ng apat sa mga gawain na tutularan sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).
Ang pag-ibig ni Allāh at ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) - Ang pag-adya sa Relihiyong Islām - Ang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinag-utos niya at sinaway niya - Ang pagtuturo ng mga patakaran ng Islām at ang pagpapalaganap ng mga ito sa Kalipunang Islām (Tatanggapin mula sa estudyante ang alinmang maayos na tumpak na gawain.)
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang mga Kasamahan ay ang mga lalaking nakipanahon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). (X)
2. Nagbunyi kay Allāh sa mga Lumikas dahil sa pagpapakawagas at pag-aadya sa Relihiyon. (✓)
3. Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) na binalitaan ng pagpasok sa Paraiso ay walang tinakdaang bilang. (✓)
4. Kinakailangan ang umiibig sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) at ang maniwala sa pagkasanggalang sa kanila sa pagkakasala. (X)
5. Inilarawan ni Allāh ang mga Tagaadya sa pagtataglay ng altruismo (pagpapahalaga sa iba) at tagumpay. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang kagandahan ng mga kaasalan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila).
2. Ang mga pagsamba ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila) at ang pagpapakawagas nila.
3. Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila) ay ang pinakamainam ng Kalipunang Islām.
4. Ang pagtuturing na kaibig-ibig ng pagdalangin para sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila).
5. Ang pagbabawal sa pag-alipusta ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-linaw ka ng tatlo sa mga karapatan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila).
2. Gumabay sa atin ang Propeta sa pagtulad sa mga Khalīfah na Matino. Takdaan mo ang tatlo sa mga gawain na maaari nating tularan sa mga Khalīfah na Matino.
1. Ang pag-adya sa Relihiyon ni Allāh sa pamamagitan ng yaman at pagsisikap.
2. Ang pagtatanggol sa Islām at mga Muslim laban sa mga nangangaway.
3. Ang paggugol sa landas ni Allāh.
(Tatanggapin mula sa estudyante ang alinmang gawain kabilang sa ikinatanyag ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa Kanila).)
Ang Ikatlong Yunit: Ang Pananampalataya at ang Pagbubusilak
1. Ang kawalang-pananampalataya at ang mga Uri Nito
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa konsepto ng kawalang-pananampalataya;
2. makabanggit ka ng mga anyo ng kawalang-pananampalataya;
3. makahango ka ng patunay sa mga anyo ng Malaki at Maliit na Kawalang-pananampalataya;
4. makabanggit ka ng mga halimbawa ng Maliit na Kawalang-pananampalataya;
5. makapagsadamdamin ka ng panganib ng kawalang-pananampalataya sa Muslim.
Nagguniguni ang iba na ang kawalang-pananampalataya ay nalilimitahan sa pagkakaila sa kairalan ni Allāh. Ang reyalidad ay na mayroon itong isang bilang ng mga uri, gaya ng mapag-aalaman natin sa Araling ito.
Ang Pagbibigay-kahulugan sa kawalang-pananampalataya
Ang kawalang-pananampalataya ay ang bawat sabi, paniniwala, at gawa na sumisira sa saligan ng pananampalataya at kalubusan nito.
Kung ito ay sumisira sa saligan ng pananampalataya, ito ay Malaking kawalang-pananampalataya; at kung ito sumisira sa kalubusan ng pananampalataya, ito Maliit na kawalang-pananampalataya.
Ang mga Uri ng Malaking kawalang-pananampalataya - Ang kawalang-pananampalataya ng Pagpapasinungaling
- Ang kawalang-pananampalataya ng Pag-ayaw at Pagmamalaki
- Ang kawalang-pananampalataya ng Pagdududa o Pagpapalagay
- Ang kawalang-pananampalataya ng Pagtanggi
- Ang kawalang-pananampalataya ng Pagpapaimbabaw
- Ang kawalang-pananampalataya ng Pag-alipusta, Pangungutya, at Panunuya
Ang Malaking kawalang-pananampalataya
Ang Malaking kawalang-pananampalataya ay nagpapalabas sa tagapagtaglay nito sa kapaniwalaan ng Islām. Ang pinakamahalaga sa mga ito nito:
1. Ang kawalang-pananampalataya ng Pagpapasinungaling. Ito ay ang pagpapasinungaling sa mga sugo o ang pag-aangkin na sila raw ay naghatid ng kabulaanan. Nagsabi si Allāh: {Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?} (Qur'ān 29:68)
2. Ang kawalang-pananampalataya ng Pag-ayaw at Pagmamalaki. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtanggi sa Kapahayagan o pagpapakamalaki rito sa kabila ng pagkilala rito, tulad ng kawalang-pananampalataya ni Satanas. {[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan;" kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 2:34)
3. Ang kawalang-pananampalataya ng pagdududa o pagpapalagay. Ito ay ang kawalan ng katiyakan sa katapatan ng mga sugo at ang pagdududa sa nauukol sa kanila. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na ako ay Sugo ni Allāh. Walang makikipagtagpo kay Allāh na isang taong [sumaksi] sa dalawang ito, na hindi nagdududa sa dalawang ito, malibang papasok siya sa Paraiso." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 27.
4. Ang kawalang-pananampalataya ng Pagpapaimbabaw. Ito ay ang paglalantad ng pagkaanib sa Islām at pagkukubli ng kawalang-pananampalataya. Nagsabi si Allāh tungkol sa mga mapagpaimbabaw: {Iyon ay dahil sila ay sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, kaya nagpinid sa mga puso nila, kaya sila ay hindi nakapag-uunawa.} (Qur'ān 63:3)
5. Ang kawalang-pananampalataya ng Pag-alipusta, Pangungutya, at Panunuya. Ito ay na mangutya ang tao kay Allāh o sa mga sugo Niya (sumakanila ang pangangalaga), o mang-alipusta sa Relihiyon ni Allāh o sa isa sa mga anghel o mga propeta o magmaliit sa Marangal na Qur'ān o sa anuman mula rito. Nagsabi si Allāh: {Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: "Dati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang." Sabihin mo: "Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya? Huwag kayong magdahi-dahilan; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo.} (Qur'ān 9:65-66)
Ang mga Epekto ng Malaking kawalang-pananampalataya
Ang nakagagawa ng kawalang-pananampalataya ay kinakailangan ang magpakawalang-kaugnayan sa kanya. Ipinagbabawal ang pag-ibig sa kanya at ang pakikipagtangkilikan sa kanya. Hindi siya magmamana sa mga Muslim na kamag-anak niya at hindi magmamana sa kanya ang mga Muslim na kamag-anak niya. Paghihiwalayin siya at ang Muslim na maybahay niya. Kapag namatay siya, hindi siya dadasalan at hindi siya ililibing sa mga libingan ng mga Muslim.
Kabilang sa mga epekto ng Malaking kawalang-pananampalataya ay na ito ay:
1. nagpapawalang-kabuluhan sa gawa niya. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang tumanggi sa pananampalataya ay nawalang-kabuluhan nga ang gawa niya. Siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 5:5)
2. hahatak ng kahihiyan at pagkahamak. Nagsabi si Allāh: {at na si Allāh ay magpapahiya sa mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 9:2)
3. mag-oobliga ng pamamalagi sa tagapagtaglay nito sa Impiyerno: Nagsabi si Allāh: {Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat mapagtangging magpasalamat.} (Qur'ān 35:36)
Ang Maliit na kawalang-pananampalataya
Tinatawag ito na: "isang kawalang-pananampalatayang mababa sa isang kawalang-pananampalataya" dahil ito ay nagwawasak ng saligan ng pananampalataya; bagkus bumabawas ito roon at nagpapahina ito roon. Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan. Ang nakagagawa ng Maliit na kawalang-pananampalataya ay nasa isang mabigat na panganib sapagkat maaaring papasok siya sa Impiyerno dahilan dito subalit hindi siya pamamalagihin doon.
Ang uri ng kawalang-pananampalatayang ito ay may maraming anyo, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pakikipaglaban sa Muslim batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pakikipag-alipustaan sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 48 at Imām Muslim: 64. Kaya ang kawalang-pananampalataya rito ay Maliit na kawalang-pananampalataya dahil si Allāh ay nagsabi: {Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa;} (Qur'ān 49:9) Naglarawan si Allāh sa dalawang pangkat sa pagtataglay ng pananampalataya.
2. Ang paninirang-puri sa kaangkanan at pananaghoy sa patay. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at pananaghoy sa patay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 67.
3. Ang pag-uugnay ng kaangkanan sa hindi tunay na ama. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang lalaking nag-angkin ng kaangkanan ng iba pa sa ama niya – samantalang siya naman ay nakaaalam nito – malibang tumangging sumampalataya. Ang sinumang nag-angkin ng kaangkanan sa mga tao na walang ukol sa kanya sa kanila, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3508 at Imām Muslim: 61.
Ang Maliit na kawalang-pananampalataya ay hindi nagpapalabas sa tagapagsagawa nito mula sa Islām. Ukol sa kanya ang mga patakaran ng mga Muslim subalit siya ay pinagbabantaan ng kaparusahan sa Kabilang-buhay.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Hahango ako.
Ang pananampalataya ay sa pamamagitan ng puso at gawa ng mga bahagi ng katawan at gayon din ang kawalang-pananampalataya. Humango ka mula sa mga halimbawa ng bawat uri at magsulat ka ng mga ito sa sumusunod na talahanayan:
Ang Uri ng kawalang-pananampalataya / Mga Halimbawa
Ang kawalang-pananampalataya sa Pamamagitan ng Puso / Ang Pagkakaila, o ang Pagdududa sa Kaisahan ni Allāh, o sa Mensahe ng Propeta
Ang kawalang-pananampalataya sa Pamamagitan ng Puso / Ang Pag-alipusta kay Allāh at sa mga Sugo Niya (Sumakanila ang Pangangalaga), o ang Pangungutya sa Relihiyon, o ang Pagdalangin sa Iba pa kay Allāh
Ang Kawalang-pananampalataya sa Pamamagitan ng mga Bahagi ng Katawan / Ang Pagpapatirapa sa Iba pa kay Allāh
Aktibidad 2: Maghahambing ako.
Maghambing ka sa pagitan ng Malaking kawalang-pananampalataya at Maliit na kawalang-pananampalataya sa sumusunod:
Ang Malaking kawalang-pananampalataya / Ang Anyo ng Paghahambing / Ang Maliit na kawalang-pananampalataya
Ang Pagpapasinungaling sa mga Sugo at ang pangungutya sa Relihiyon / Kabilang sa mga Anyo Nito / Ang Pakikipaglaban sa Muslim at ang Paninirang-puri sa Kaangkanan
Nagpapalabas Ito sa Tagapagsagawa Nito Mula sa Kapaniwalaan / Ang Pagpapalabas sa Tagapagsagawa Nito Mula sa Kapaniwalaan / Hindi Ito Nagpapalabas sa Tagapagsagawa Nito Mula sa Kapaniwalaan
Nagpapamalagi Ito sa Tagapagsagawa Nito sa Impiyerno / Ang Pamamalagi ng Tagapagsagawa Nito sa Impiyerno / Hindi Ito Nagpapamalagi sa Tagapagsagawa Nito sa Impiyerno
Nag-oobliga Ito ng Pagpapawalang-kaugnayan sa Tagapagsagawa Nito / Ang Pagpapawalang-kaugnayan sa Tagagawa Nito / HIndi Ito Nag-oobliga ng Pagpapawalang-kaugnayan sa Tagapagsagawa Nito
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pag-alipusta sa lahat ng mga Muslim at ang pagsumpa sa kanila ay kabilang sa Malaking kawalang-pananampalataya. Mali
2 Nagmamana ang tagatangging sumampalataya sa Muslim subalit hindi nagmamana sa kanya ang Muslim. Mali
3. Nagaganap ang Malaking kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng dila o mga bahagi ng katawan. Tama
4. Natatangi ang Malaking kawalang-pananampalataya sa pagkakaila ng pagkapropeta ng mga may pagtitika kabilang sa mga sugo. Mali
5. Ang pangungutya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumasalungat sa saligan ng pananampalataya. Tama
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ni Allāh: {at na si Allāh ay magpapahiya sa mga tagatangging sumampalataya.} ay natatangi sa:
(Malaking kawalang-pananampalataya - Maliit na kawalang-pananampalataya - Mga Tagatangging Sumampalataya ng Liping Quraysh).
2. Nagpapatunay ang sabi ni Allāh na: {Ang sinumang tumanggi sa pananampalataya ay nawalang-kabuluhan nga ang gawa niya.}:
(na ang kawalang-pananampalataya ay nagpapawalang-saysay sa gawa - panganib ng Maliit na kawalang-pananampalataya - kakauntian ng mga gawa ng mga tagatangging sumampalataya).
3. Ang kawalang-pananampalataya ni Satanas ay kabilang sa mga halimbawa ng kawalang-pananampalataya ng:
(pagpapasinungaling - pagpapaimbabaw - pagmamalaki).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-linaw ka sa tinutukoy ng Maliit na kawalang-pananampalataya kasama ng paghahalimbawa.
2. Magsalita ka nang maigsi kasama ng pagbanggit ng patunay tungkol sa (kawalang-pananampalataya ng pangungutya - kawalang-pananampalataya ng pagpapaimbabaw - kawalang-pananampalataya ng pagpapasinungaling).
2. Ang Shirk at ang Panganib Nito
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka ng mga uri ng shirk;
2. makapaglinaw ka sa tinutukoy ng shirk;
3. makahango ka ng patunay sa reyalidad ng shirk mula sa Qur'ān at Sunnah.
4. makapaghalimbawa ka para sa Malaking Shirk;
5. makapagsulat ka ng isang artikulo tungkol sa panganib ng shirk;
6. makapagsadamdamin ka ng panganib ng shirk sa Muslim.
Lumaganap ang pagkakahayag ng shirk sa mga makabagong lipunan dahilan sa paglaho ng kaalamang pangrelihiyon. Ano ang pagtatasa mo sa pahayag na ito? Basahin mo ang aralin, pagkatapos magsagawa ka ng pagtatasa sa sagot mo sa wakas nito.
Ang Shirk (Pagtatambal)
- Ang Pagbibigay-kahulugan sa Shirk (Pagtatambal)
- Ang mga Halimbawa ng Malaking Shirk
- Ang Panganib ng Malaking Shirk
Ang Pagbibigay-kahulugan sa Shirk (Pagtatambal)
Ang shirk ay ang pagpapatibay ng katambal para kay Allāh sa sarili Niya o mga gawa Niya o mga katangian Niya o pagsamba sa Kanya.
Ito ay ang Malaking Shirk. Mayroong Maliit na Shirk, na mapag-aalaman natin sa darating na aralin ayon sa pahintulot ni Allāh.
Kabilang sa mga halimbawa ng Malaking Shirk:
1. Ang pag-aangkin ng kairalan ng mga diyos kasama kay Allāh, kahit pa man ang mga ito tagapagpagitna para sa pagpapakalapit-loob sa Kanya, gaya ng pag-aangkin ng mga mananamba ng mga anito. Nagsabi si Allāh: {Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya.} (Qur'ān 39:3)
2. Ang paniniwala sa kairalan ng isang tagapangasiwa para sa Sansinukob kasama kay Allāh at ang paghiling ng tulong o ayuda mula rito. Nagsabi si Allāh: {Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng isang Mapagbatid.} (Qur'ān 35:14)
3. Ang pagbaling sa iba pa kay Allāh ng anumang bahagi ng pagsamba, maging ang pagsamba man ay isang pamamanata, o isang pag-aalay o isang pagpapatirapa o isang pananalig o isang pananalangin o isang pagpapasaklolo o isang pagpapatulong o iba pa roon. {Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang –} (Qur'ān 6:162)
4. Ang paglapastangan sa mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya, na naghahango ng mga pangalan para sa mga diyos na walang-kabuluhan mula sa mga pangalan ni Allāh; o ang paniniwala na ang iba pa kay Allāh ay nakaaalam sa nakalingid o nagwawangis kay Allāh sa mga katangian ng mga nilikha. Nagsabi si Allāh: {Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 7:180)
Ang Panganib ng Malaking Shirk
Ang Malaking Shirk ay ang pinakamabigat sa mga pagkakasala at ang pinakamalaki sa malalaking kasalanan. Nagpapalabas ito sa tagapagsagawa nito mula sa Islām. Hindi siya magmamana sa mga Muslim na kamag-anak niya. Paghihiwalayin siya at ang Muslim na maybahay niya. Kinakailangan sa mga Muslim ang magpakawalang-kaugnayan sa kanya at ang hindi pag-ibig sa kanya o ang pakikipagtangkilikan sa kanya. Pamamalagiin ang tagapagsagawa nito sa Impiyerno kapag namatay siya nang hindi nagsisisi rito.
Kabilang din sa panganib nito rin ay na ito ay:
1. ang pinakamabigat na kawalang-katarungan. Nagsabi si Allāh: {tunay na ang pagtatambal ay talagang isang kawalang-katarungang sukdulan.} (Qur'ān 31:13)
2. nagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa niya. Nagsabi si Allāh: {Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 6:88)
3. magkakait sa tagapagsagawa nito ng paumanhin ni Allāh at kapatawaran Niya. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan.} (Qur'ān 4:48)
4. magkakait sa tagapagtambal ng Paraiso at magpapamalagi sa kanya sa Impiyerno. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.} (Qur'ān 5:72)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako.
Ang panghuhula at ang astrolohiya ay kabilang sa mga halimbawa ng Malaking Shirk dahil ang dalawang ito ay naglalaman ng pagtatambal kay Allāh sa katangian ng kaalaman sa Nakalingid. Ito ay natatangi kay Allāh. Ang sinumang naniniwala na mayroong nakaaalam sa Nakalingid na iba pa kay Allāh ay tumanggi ngang sumampalataya. Magsaliksik ka ng isang ḥadīth ng Propeta na nagpapaliwanag niyon.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula o isang palaalam ng nakaraan saka naniniwala siya rito sa sinasabi nito, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3904 at Imām At-Tirmidhīy: 135.
Aktibidad 2: Magbulay-bulay ako at makikipagtalakayan ako.
Ang pagkasadlak sa Shirk ay may maraming kadahilanan tulad ng kamangmangan sa Relihiyon at paggaya-gaya sa mga naunang ninuno. Maaari sa iyo ang makaalam sa mga iba pang kadahilanan sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa mga sumusunod na teksto kasama ng pakikipagtalakayan sa kaklase mo at paglalahad ng sagot sa tagapagturo mo.
Ang Patunay / Ang Ipinahihiwatig
{Hindi ba kayo nakikipaglaban sa mga taong lumabag sa mga sinumpaan nila at nagbalak ng pagpapalisan sa Sugo samantalang sila ay nagpasimula [sa pakikipag-away] sa inyo sa unang pagkakataon? Natatakot ba kayo sa kanila gayong si Allāh ay higit na karapat-dapat na katakutan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya?} (Qur'ān 9:13) Ang Pagpapakalabis-labis Kaugnay sa mga Propeta
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa banal na ḥadīth: "Tunay na Ako ay lumikha ng mga lingkod Ko bilang mga makatotoo. Tunay na sila ay pinuntahan ng mga demonyo saka nagpagala ang mga ito sa kanila palayo sa Relihiyon nila, nagbawal ang mga ito sa kanila ng ipinahintulot Ko sa kanila, at nag-utos sa kanila ang mga ito na magtambal sila sa Akin ng hindi Ako nagbaba hinggil dito ng isang atas." Nagsalaysay nito sina Imām Muslim: 2865. Ang Pagsunod sa mga Demonyo
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaingat kayo sa pagpapakalabis-labis kaugnay sa Relihiyon sapagkat nagpahamak lamang sa bago ninyo ang pagpapakalabis-labis sa Relihiyon." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 1851 at Imām An-Nasā'īy: 3057. Ang Pagpapakalabis-labis at ang Pagpapakahigpit Kaugnay sa Relihiyon
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria. Ako lamang ay isang alipin kaya sabihin ninyo: Alipin ni Allāh at Sugo Niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3445. Ang Pagpapakalabis-labis Kaugnay sa Pagpapapuri
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 436 at Imām Muslim: 531. Ang Paggawa sa mga Libingan Bilang mga Sambahan
Aktibidad 3: Kukumpleto ako ng talahanayan.
Kumpletuhin mo ang sumusunod na talahanayan ayon sa hinihiling:
Ang Senaryo / Ang Hatol Dito / Ang Pagbibigay-katwiran
Nagdarasal si Ibrāhīm sa isang takdang masjid dahil sa kahusayan ng mga air conditioner at katahimikan sa masjid. / Pinapayagan / dahil sa pagpayag sa pagsasagawa ng ṣalāh sa alinmang masjid.
Nagdarasal si Sa`īd sa isang masjid na may isang libingan dahil ito ay higit na marami sa pagpapala kaysa sa nalalabi sa mga masjid. / Ipinagbabawal / dahil ang pagtamo ng pagpapala sa pamamagitan ng mga libingan ay hindi natutumpak.
Nagsasabi ang iba: "Tunay na si Allāh ay nagbigay kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ng ilan sa mga katangian ng pagkadiyos dahil siya noon ay nagbibigay-buhay sa mga patay." / Ipinagbabawal / dahil siya noon ay nagbibigay-buhay sa mga patay ayon sa utos ni Allāh.
Nagpasaklolo ang isang tao sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nag-aangkin siya na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaririnig sa kanya dahil ang Propeta ay buhay sa libingan nito. / Ipinagbabawal at shirk / dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay patay na. Ang buhay niya sa libingan niya ay hindi nagpapahintulot sa pagpapasaklolo sa kanya.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang mga patakaran sa Malaking Shirk ay nakawawangis ng Malaking kawalang-pananampalataya. Tama
1. Ang pag-ibig sa mga maayos na katangkilik ni Allāh ay nauuwi sa pagkakasadlak sa shirk. Mali
2. Ang shirk ay sumasaklaw sa pagbaling ng alinmang pagsamba sa iba pa kay Allāh. Tama
4. Tumatangging sumampalataya ang naniniwala na ang astrologo o ang manghuhula ay nakaaalam ng Nakalingid. Tama
5. Hindi tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng tagapagtambal, manghuhula, at mananamba ng mga anito. Mali
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga epekto ng Malaking Shirk:
(ang pagpapawalang-kabuluhan sa gawa - ang pagpapakamalaki laban sa pagsamba kay Allāh - ang kakulangan ng Tawḥīd).
2. Kabilang sa mga halimbawa ng Malaking Shirk:
(ang pagtamo ng pagpapala sa pamamagitan ng mga maayos na tao - ang pagsumamo sa mga maayos na tao - ang pagdalangin sa iba pa kay Allāh).
PANUTO 2: Papaano mong ipakakahulugan:
1. Ang astrolohiya at ang panghuhula ay shirk
dahil ang mga astrologo at ang mga manghuhula ay nag-aangkin ng pagkaalam sa Nakalingid at walang nakaaalam sa Nakalingid kundi si Allāh.
2. Hindi pinapayagan ang pagpapatulong sa iba pa kay Allāh sa anumang walang nakakakaya kundi si Allāh:
dahil walang nakapagdudulot ng pakinabang at pinsala kundi si Allāh.
3. Ang pagtatambal (shirk) ng tagapagkatay para sa iba pa kay Allāh ay:
dahil ang pagkakatay ay isang pagsamba at isang pag-aalay na hindi ibinabaling sa iba pa kay Allāh.
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng tatlo sa mga kadahilanan ng pagkasadlak sa shirk.
Ang Pagsunod sa mga Demonyo - Ang Paggawa ng mga Panginoon Bukod pa kay Allāh - Ang Pagpapakalabis-labis Kaugnay sa Relihiyon
2. Magsulat ka ng isang artikulo sa limang linya tungkol sa panganib ng Malaking Shirk/
S: Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan.} (Qur'ān 4:48)
Ayon sa liwanag ng āyah, kumpletuhin mo ang sumusunod:
Ang tinutukoy ng shirk sa āyah ay ang __________ Shirk. Malaki
Ang āyah ay patunay sa __________
lawak ng awa ni Allāh – bawat pagkakasala na maaaring magpapatawad dito si Allāh sa sinumang niloloob Niya maliban sa shirk hanggat hindi nagsisi rito ang tagapagsagawa nito.
3. Ang Maliit na Shirk
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-kahulugan ka sa Maliit na Shirk;
2. makapaglinaw ka sa panganib ng Maliit na Shirk;
3. makapag-isa-isa ka sa mga pagkakahayag ng Maliit na Shirk;
4. makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng Malaking Shirk at Maliit na Shirk;
5. makapagsadamdamin ka sa panganib ng Maliit na Shirk sa buhay ng Muslim at Relihiyon niya.
Ang iba sa mga tao, kapag nanumpa kay Allāh, ay nagsisinungaling sa panunumpa niya; at kapag nanumpa sa ama niya o sa karangalan niya, ay nagpapakatapat sa panunumpa niya. Kaya ano ang hatol sa panunumpa ng tao sa iba pa kay Allāh at ano ang hatol sa pagdakila niya sa isang panunumpang hindi panunumpa kay Allāh? Pagbulay-bulayan mo ang araling ito upang malaman mo ang sagot.
Ang mga Halimbawa ng Maliit na Shirk
- Na magnais ang tao sa gawa niya ng kamunduhan
- Ang mga Orasyon at ang mga Anting-anting
- Ang pag-uugnay ng kamalasan ay ang pesimismo at ang pangamba sa kapinsalaan mula sa ilan sa mga bagay
- Ang panunumpa sa Iba pa kay Allāh
Ang Pagbibigay-kahulugan sa Maliit na Shirk
Ito ay ang bawat pagkakasala na tinawag sa Marangal na Qur'ān o Pampropetang Sunnah bilang shirk samantalang ito ay hindi naman umaabot sa pagiging isang pagsamba sa iba pa kay Allāh.
Kabilang sa mga halimbawa ng Maliit na Shirk:
1. na magnais ang tao sa gawa niya ng kamunduhan:
Tulad ng paggawa ng Muslim ng isang pagtalima habang nagpapakay rito ng pagbubunyi ng mga tao o ng salapi o ng katanyagan o ng posisyon. Ang shirk na ito ay ipinagbabawal. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Shirk." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Shirk, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa pinakikitaang-tao ninyo noon sa Mundo saka tingnan ninyo kung makatatagpo ba kayo sa piling niya ng ganti?" Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 23630.
2. Ang mga Orasyon at ang mga Anting-anting
Ang orasyon (ruqyah) ay panalanging ipinantutulong sa paggaling mula sa sakit o tulad nito at isinusulat sa mga pananalitang hindi nalalaman ang kahulugan o sa mga pangalan ng mga demonyo o anumang nakawangis niyon.
Ang anting-anting ay ang isinasabit na yari sa mga abaloryo at tulad ng mga ito na may layon ng pagsasanggalang laban sa usog o laban sa mga masamang espiritu, gaya ng ginawa ng ina na nagsasabit sa mga leeg ng mga batay ng isang bagay dala ng isang pagpapalagay mula sa kanya na ang mga ito ay nagsasanggalang sa kanila laban sa usog.
Ang orasyon at ang anting-anting ay Maliit na Shirk subalit kapag naniniwala na ang orasyong iyon ay ang nagpapagaling o ang anting-anting na iyon ay ang nagsasanggalang, ito ay Malaking Shirk.
Kabilang sa nasaad kaugnay sa mga anting-anting ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsabit ng isang anting-anting ay nagtambal nga [kay Allāh]." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 17422.
Ang orasyon (ruqyah) na nasaad ang pagsaway laban dito ay ang isinusulat sa mga pananalitang hindi nalalaman ang kahulugan o sa mga pangalan ng mga demonyo o tulad ng mga ito. Hinggil naman sa orasyon sa pamamagitan ng Qur'ān at mga panalanging ayon sa Sharī`ah, ito ay pinapayagan at isinasabatas. Nag-orasyon nga isa sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng Sūrah Al-Fātiḥah sa isang lalaki na tinuklaw ng isang ahas, saka nagpatibay naman sa kanya doon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy na nagsabi: {Kami noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nagsabi: "O sugo ni Allāh, papaano po ang tingin mo roon?" Kaya nagsabi siya: "Maglahad kayo sa akin ng mga orasyon ninyo. Walang masama sa mga orasyon hanggat wala ritong shirk."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2200.
1. Ang Pag-uugnay ng Kamalasan
Ang pag-uugnay ng kamalasan ay ang pesimismo at ang pangamba sa kapinsalaan mula sa ilan sa mga bagay, gaya ng pesimismo sa ilan sa mga ibon at mga hayop o ilan sa mga numero, mga araw, at mga buwan; o ang pag-uugnay ng kamalasan sa ilan sa mga tao. Ito ay nagkakaila ng pananampalataya at kagandahan ng pananalig kay Allāh. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); "Ang pagtuturing ng kamalasan ay shirk, ang pagtuturing ng kamalasan ay shirk," nang makatatlo, "at walang kabilang sa atin maliban mayroon nito, subalit si Allāh ay nag-aalis nito sa pamamagitan ng pananalig." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3910 at Imām At-Tirmidhīy: 1614.
Ang Panunumpa sa Iba pa kay Allāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay tumanggi ngang sumampalataya o nagtambal nga [kay Allāh]." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3251 at Imām At-Tirmidhīy: 1535. Ito ay Maliit na Shirk dahil dito ay may pagdakila sa iba pa kay Allāh.
Ang Kahatulan sa Maliit na Shirk
Ang Maliit na Shirk ay ipinagbabawal. Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan at nagpapawalang-saysay sa gantimpala sa gawang nasasamahan ng pagpapakitang-tao. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2985.
Ang Maliit na Shirk ay hindi sumisira sa saligan ng Tawḥīd, bagkus nagkakaila sa kalubusan nito. Ang tagapagsagawa nito ay hindi natitigil sa pagiging Muslim. Ukol sa kanya ang mga patakaran ng mga Muslim subalit siya ay masasalang sa pagdurusa sa Kabilang-buhay kung hindi siya nagbalik-loob kay Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Hahango ako.
Nagaganap ang Maliit na Shirk sa layunin. Ito ay ang kubling shirk. Mayroong nakalantad na shirk sa pamamagitan ng sinasabi at ginagawa. Hanguin mo mula sa aralin ang mga halimbawa para sa bawat uri at isulat mo ang mga ito sa sumusunod na talahanayan:
Ang Uri ng kawalang-pananampalataya / Ang mga Halimbawa Nito
Ang Kubling Shirk Ang magdasal ang tao at magpahusay sa pagdarasal niya upang makita siya ng mga tao, pagkatapos papurihan nila siya.
Ang Shirk sa Pamamagitan ng Sinasabi Ang manumpa ang tao sa iba pa kay Allāh.
Ang Shirk sa Pamamagitan ng Ginagawa Ang magsabit ang tao ng anting-antin/
Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako kasama ng kaklase ko.
Isinasabatas ang orasyon (ruqyah) mula sa Marangal na Qur'ān, Pampropetang Sunnah, mga pangalan ni Allāh, at mga katangian Niya. Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo:
1. Isulat mo ang isa sa mga orasyon na itinuro sa atin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Ano ang pananaw mo sa pakikitungo ng lipunan mo sa orasyon.
Aktibidad 3: Maghahambing ako.
Maghambing ka sa pagitan ng Malaking Shirk at Maliit na Shirk alinsunod sa sumusunod talahanayan:
Ang Malaking Shirk / Ang Anyo ng Paghahambing / Ang Maliit na Shirk
ang pagbaling ng isang pagsamba sa iba pa kay Allāh. Ang pagbibigay-kahulugan / bawat gawaing pinangalanan sa Qur'ān o Sunnah bilang shirk (pagtatambal) at hindi umabot sa hangganan ng Malaking Shirk.
Ang pagpapasinungaling sa mga sugo at mga anghel ang pagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba kay Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya / Kabilang sa mga halimbawa nito / Ang paggamit ng mga anting-anting at mga orasyong hindi batay sa Sharī`ah.
Nagpapawalang-kabuluhan sa gawa ng tagapagsagawa ng shirk sa kabuuan nito / Ang pagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa / Nagpapawalang-kabuluhan sa gawa ng nauuganay rito
Pamamalagihin ang tagapagsagawa nito sa Impiyerno / Ang pamamalagi sa Impiyerno / Ang tagapagsagawa nito ay
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na "tumpak" sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na "mali" sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang Maliit na Shirk ay nagpapawalang-kabuluhan sa lahat ng mga gawa. Mali
2. Ang sinumang gumawa ng isang pagtalima alang-alang sa kamunduhan ay tumangging ngang sumampalataya. Mali
3. Nagturo sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga orasyong batay sa Sharī`ah. Tama
4. Ang Maliit na Shirk ay nagpapamalagi sa tagapagsagawa nito sa Impiyerno. Mali
5. Ang pag-aaral ng Paniniwala (`Aqīdah) ay nagpapakaunti ng paglaganap ng shirk. Tama
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga halimbawa ng Maliit na Shirk sa pamamagitan ng mga ginagawa:
(ang pag-alipusta kay Alalh - ang pagpapatirapa sa iba pa kay Allāh - ang paggamit ng anting-anting).
2. Ang pesimismo sa ilan sa mga ibon o mga hayop ay tinatawag na:
(pag-aabang - panghuhula (guessing) - pagtuturing ng kamalasan).
3. Kabilang sa mga halimbawa ng Maliit na Shirk sa pamamagitan ng mga pananalita:
(ang panlilibak at ang tsismis - ang panunumpa sa iba pa kay Allāh - ang pagpapasaklolo sa mga nilikha).
4. Ang paggamit ng anting-anting ay Maliit na Shirk at maaaring magiging Malaking Shirk kapag naniniwala na ito ay:
(kabilang sa mga kadahilanan ng pakinabang - nagpapakinabang mismo - hindi nakapipinsala kung nagpapakinabang).
PANUTO 3: Humango ka ng patunay sa pagpasok ng mga sumusunod gawain sa Maliit na Shirk:
(ang agimat - ang pagpapakitang-tao - ang panunumpa sa iba pa kay Allāh).
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Ano ang hatol sa Maliit na Shirk?
2. Isulat mo ang kaibahan sa pagitan ng Malaking Shirk at Maliit na Shirk sa punto ng epekto nito sa pagtanggap ng gawa.
3. Papaano kang makikipagharap sa mga pagkakahayag ng shirk sa lipunan natin?
4. Ang Pagpapaimbabaw at ang mga Uri Nito
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa mga pagkakahayag ng pagpapaimbabaw;
2. makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng Malaking Shirk at Maliit na Shirk;
3. makapaghulo ka ng panganib ng pagpapaimbabaw sa Muslim;
4. makabanggit ka ng mga halimbawa ng Malaking Pagpapaimbabaw at Maliit na Pagpapaimbabaw;
5. magsigasig ka sa paglayo sa pagpapaimbabaw;
Nakakikita tayo ng ilan sa mga nauugnay sa Islām na nanunuya sa Batas nito at nanghahamak sa mga Muslim at nagpupuri at nagbubunyi sa mga kaaway ng Relihiyon. Kaya ano ang paglalarawang ayon sa Sharī`ah sa mga ito? Ano ang hatol sa kanila sa Qur'ān at Sunnah. Upang mapag-alaman mo ang sagot, basahin mo ang araling ito.
Ang pagpapaimbabaw ay ang paghahayag ng tao ng kasalungatan ng ikinukubli niya. Kung ito ay nauuganay sa saligan ng paniniwala ng Islām, ito ay Malaking Pagpapaimbabaw; at kung ito naman ay nauugnay sa ilan sa mga gawain, ito ay Maliit na Pagpapaimbabaw.
Ang Pagpapaimbabaw
- Ang Pagbibigay-kahulugan sa Malaking Shirk
- Ang mga Katangian ng mga Mapagpaimbabaw
- Ang Maliit na Pagpapaimbabaw
- Ang mga Pagkakahayag ng Maliit na Pagpapaimbabaw.
Ang Malaking Pagpapaimbabaw
Tinatawag ito bilang ang Pampaniniwalang Pagpapaimbabaw. Ito ay sa pamamagitan ng paghahayag ng pagkakaugnay sa Islām sa panlabas subalit siya ay isang tagatangging sumampalataya sa puso niya.
Ito ay nagpapalaba mula sa kapaniwalaan at ang tagapagsagawa nito ay pamamalagiin sa Impiyerno, bagkus siya ay nasa pinakamababang palapag nito. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang mapag-adya,} (Qur'ān 4:145)
Ang mga Katangian ng mga Mapagpaimbabaw at ang mga Gawain Nila
1. Naghahayag sila ng pananampalataya at nagkukubli sila ng kawalang-pananampalataya. Nagsabi si Allāh: {Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Huling Araw," samantalang hindi sila mga mananampalataya. Nagtatangka silang mandaya kay Allāh at sa mga sumampalataya samantalang hindi sila nandaraya maliban sa mga sarili nila habang hindi nila nararamdaman.} (Qur'ān 2:8-9)
2. Nanggugulo sila sa lupa. Nagsabi si Allāh: {11. Kapag sinabi sa kanila: "Huwag kayong tagagulo sa lupa," nagsasabi sila: "Kami ay mga tagapagsaayos lamang." 12. Pansinin, tunay na sila ay ang mga tagapagtiwali subalit hindi sila nakararamdam.} (Qur'ān 2:11-12)
3. Nakikipagtangkilikan sila sa mga tagatangging sumampalataya at nag-aadya sila sa mga ito laban sa mga mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mapagpaimbabaw na ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit, na mga gumagawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 4:138-139)
4. Nag-uutos sila ng nakasasama at sumasaway sila sa nakabubuti. Nagsabi si Allāh: {Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay bahagi sila ng isa’t-isa. Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti,} (Qur'ān 9:67)
Ang Maliit na Pagpapaimbabaw at ang mga Pagkakalantad Nito
Tinatawag ito bilang ang pagpapaimbabaw na panggawain. Nakagagawa nito ang mahihina ang pananampalataya na mga Muslim. Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng anuman kabilang sa mga nakalantad na gawain ng mga mapagpaimbabaw.
Kabilang sa pagkakahayag ng Maliit na Pagpapaimbabaw:
1. Ang nasaad sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang naging nasa kanya ang isang katangian mula sa mga ito, naging nasa kanya ang isang katangian mula sa pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya; kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraidor siya; at kapag nakipag-alitan, nagmamasamang-loob siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 34 at Imām Muslim: 58.
2. Ang pagpapahuli sa ṣalāh, lalo na ṣalāh na fajr at `ishā'. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang ṣalāh na higit na mabigat sa mga mapagpaimbabaw kaysa sa fajr at `ishā'. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpalang] nasa dalawang ito ay talagang pupunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 657 at Imām Muslim: 651.
3. Ang pagmamadali sa ṣalāh at ang pagpapalampas nito sa oras nito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mapagpaimbabaw: "Umuupo siya na nag-aabang sa araw hanggang sa kapag ito ay naging nasa pagitan ng dalawang sungay ng demonyo, tatayo siya saka kakaripas nito nang apat na ulit, na hindi siya nag-aalaala kay Allāh dito kundi nang kaunti." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 622.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako at magbibigay-katwiran ako.
Sa pakikipagtulungan mo kasama ng mga kaklase mo, takdaan mo ang pagpapaimbabaw sa sumusunod, habang nagbibigay-katwiran sa sagot mo:
Ang gawain / Ang uri ng pagpapaimbabaw / ang pagbibigay-katwiran
Ang pagtraidor sa mga Muslim / Maliit / Dahil kabilang sa mga katangian ng mapagpaimbabaw: kapag nakipagkasundo ito ay nagtatraidor ito.
Ang kaligāyahan sa pagkawagi ng mga tagatangging sumampalataya / Malaki / Dahil ito ay pakikipagtangkilikan sa mga tagatangging sumampalataya
Ang pagsisinungaling at ang pagtataksil sa ipinagkatiwala / Maliit / Dahil ang kasagwaan ng kaasalan ay bahagi ng mga katangian ng mga mapagpaimbabaw
Ang kalungkutan sa paglaganap ng Islām / Malaki / Dahil ito ay kabilang sa mga anyo ng Pampaniniwalang Pagpapaimbabaw
Ang katamaran sa sandali ng pagtalima / Maliit / Dahil ang katamaran ay sa sandali ng pagtalima ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw
Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako kasama ng kaklase ko.
Nararapat sa Muslim na mangamba sa pagpapaimbabaw para sa sarili niya, lalo na kapag siya ay nagsasalita ng kabutihan at gumagawa ng kasamaan o siya nagbabaliktad nito dala ng pagkasuklam sa mga Muslim. Dahil doon, nagsasabi si Al-Ḥasan Al-Baṣrīy: "Walang nangamba sa pagpapaimbabaw kundi mananampalataya at walang natiwasay rito kundi mapagpaimbabaw." Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, isulat mo ang sumusunod:
1. Limang pagtalima na umaalalay sa Muslim sa paglayo sa pagpapaimbabaw.
Ang Pag-ibig kay Allāh at sa Sugo Niya - Ang Pag-ibig sa mga Mananampalataya = Ang Pakikipagsunuran sa Salaf - Ang Pag-iwan sa Pithaya - Ang Kaalaman
2. Limang pagsuway na kinakailangan ang pag-iwas sa mga ito nang sa gayon malayo ang Muslim sa pagpapaimbabaw.
Ang Pagsisinungaling - Ang Pagtataksil - Ang Pagtraidor - Ang Kasamaang-loob - Ang Pakikipagtangkilikan sa mga Tagatangging Sumampalataya
Aktibidad 3: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Ang pagpapaimbabaw ay isang karima-rimarim na sakit. Kapag lumaganap ang mga mapagpaimbabaw sa Kalipunang Islām, magpapahina sila nito at mag-aalis sila ng lakas nito. Dahil doon nagbigay-babala sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang pinakapinangangambahan na hindi ako nangamba para sa Kalipunan ko ay ang bawat mapagpaimbabaw na maalam ang dila." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 143. Dahil doon, kailangan sa atin ang magbunyag ng pakana ng mga mapagpaimbabaw at ang magbigay-babala laban sa mga kaisipan nila. Sa pakikipagtalakayan sa grupo mo, ano ang mga kaparaanan ng pakikipagharap sa pagkalitaw ng pagpapaimbabaw sa lipunan?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagsama sa mga maayos na tao ay umaalalay sa pag-iwas sa pagpapaimbabaw. Tama
2. Ang mananampalataya ay nangangamba na makapasok ang pagpapaimbabaw sa puso niya. Tama
3. Ang ṣalāh na ḍ̆uhr ay ang pinakamatindi sa mga ṣalāh para sa mga mapagpaimbabaw. Mali
4. Kinakailangan ang magbunyag ng mga plano ng mga mapagpaimbabaw at mga katangian nila. Tama
5. Ang pagpapaimbabaw ay isang bagay na pampuso na hindi lumilitaw sa [gawain ng] mga bahagi ng katawan.
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang kahahantungan ng mga mapagpaimbabaw ay Impiyerno.
2. Ang mga mapagpaimbabaw ay nakikipagtangkilikan sa mga tagatangging sumampalataya/
3. Ang pagpapaimbabaw ay nagpapahina sa lakas ng Kalipunang Islām.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Mag-isa-isa ka ng tatlo sa mga gawain ng Maliit na Pagpapaimbabaw.
2. Magbigay-linaw ka sa dalawa sa mga pagkakaiba sa pagitan ng Malaking Pagpapaimbabaw at Maliit na Pagpapaimbabaw.
3. Magmungkahi ka ng tatlo sa mga paraan ng paglayo sa pagpapaimbabaw.
5. Ang Takfīr at ang Panganib Nito
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-alam ka 2. makapag-alam sa Takfīr ;
2. makapag-isa-isa ka sa mga uri ng Takfīr;
3. makahango ka ng patunay mula sa Qur'ān o Sunnah sa panganib ng Takfīr;
4. makapagtakda ka sa mga kadahilanan ng Takfīr;
5. makapagsadamdamin ka sa panganib ng Takfīr sa individuwal at Kalipunan;
6. makapagmungkahi ng mga kaparaanan ng pagharap sa Takfīr.
Nakapapansin ang tagapagsubaybay ng mga website ng social media ng kairalan ng mga kaisipang pantakfīr sa ilan sa mga Muslim hanggang sa tunay na sila ay nagsasagawa ng Takfīr sa mga lipunang Islāmiko sa kabuuan nito. Katapat nito, nakatatagpo tayo ng ilan sa mga Muslim na hindi nagsasagawa ng Takfīr sa sinumang naniniwala sa pagsisinungaling daw ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Walang duda na ang kapwa pangkat ay nasa isang kamalian at pagkaligaw. Aalalay sa iyo ang araling ito sa pagkilala sa reyalidad ng Takfīr at mga uri nito.
Ang Pagbibigay-kahulugan sa Takfīr
Ang Takfīr ay ang pag-uugnay sa isa sa mga Muslim sa kawalang-pananampalataya.
Ang Takfīr ay isang kahatulang pang-Sharī`ah na ang sanggunian nito ay ang Qur'ān at ang Sunnah at inilalabas ng mga maalam sa Sharī`ah at paghuhukom, na humahatol ayon sa pinababa ni Allāh.
Ang mga Uri ng Takfīr
1. Ang Takfīr sa Kalahatan ng mga Tao
Ito ay kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan. Ito ay ang paraan ng mga kampon ng bid`ah at kamangmangan at kamangmangan sa mga patakaran ni Allāh.
2. Ang Takfīr sa mga Paglalarawan
Tulad ng pagsasabi ng mga may kaalaman: Ang sinumang nag-alipusta kay Allāh at sa Sugo Niya ay tumangging sumampalataya at ang sinumang nagpasinungaling sa pagbubuhay ay tumangging sumampalataya.
Ang pagtataguri ng mga paglalarawang ito at tulad ng mga ito ay isinasabatas kapag napagtibay ang patunay roon mula sa Qur'ān at Sunnah.
3. Ang Takfīr sa mga Persona
Ito ay ang paghahatol ng kawalang-pananampalataya ng persona na nasadlak sa isang bagay na nagpapalabas mula sa Islām. Ito ay hindi nagaganap hanggang sa magkaroon ng ilan sa mga kundisyon (matutuhan natin ang mga ito sa darating na aralin ayon sa pahintulot ni Allāh) kaya hindi hinahatulan ng kawalang-pananampalataya ang bawat sinumang nagsabi o gumawa ng nag-oobliga ng kawalang-pananampalataya.
Ang Panganib ng Takfīr
Ang paghatol ng kawalang-pananampalataya ay isang bagay na mapanganib. Ang pagsuong dito nang walang kaalaman ay isang paglabag sa kabanalan ng Relihiyon ni Allāh at Batas Niya, lalo na at ang Takfīr ay nagreresulta ng pagpapawalang-kaugnayan sa nakagawa nito, pagpapahiwalay sa kanya at maybahay niyang Muslimah, at hindi niya pagmamana sa mga Muslim na kamag-anak niya. Dahil doon, nagbigay-babala sa atin ang Kapahayagan laban sa pagtataguri ng kawalang-pananampalataya nang walang kaalamang pangkatiyakan.
Kabilang sa mga pagkapanganib ng Takfīr:
1. Na ang nagsasagawa ng Takfīr ay isang Muslim na hindi karapat-dapat sa pagsasagawa ng Takfīr kaya naman ito ay naging isang tagatangging sumampalataya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lalaking nagpaparatang sa isang lalaki ng pagkasuwail at walang nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya malibang babalik ito sa kanya kung ang pinararatangan ay hindi naging gayon." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6045 at Imām Muslim: 61.
2. Dito ay may isang pagsira sa kasunduang ipinag-utos sa atin ni Allāh na pangalagaan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng dasal natin, humarap sa qiblah natin, at kumain ng katay natin, iyon ang Muslim na may pangangalaga ni Allāh at pangangalaga ng Sugo Niya kaya huwag kayong lumabag kay Allāh sa pangangalaga Niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 391. Lumabag kayo kay Allāh: sumira kayo sa kasunduan sa Kanya,.
3. Humahantong ito sa pagtuturing na malalabag ang mga kabanalan na pinangalagaan ng Sharī`ah. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "sapagkat tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa pagitan ninyo ay banal gaya ng kabanalan ng araw ninyong ito sa buwan ninyong ito sa bayan ninyong ito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 67 at Imām Muslim: 1679.
4. Ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga pagkakasala yayamang nagwangis dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpatay sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Ang sinumang nagparatang sa isang mananampalataya ng isang kawalang-pananampalataya, ito ay gaya ng pagpatay sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6652.
5. Dito ay may pagkabulabog ng katiwasayan, estabilidad, at pagbukas ng pinto ng katiwalian at kaguluhan.
6. Dito ay may pagbalakid sa pag-aanyayang pang-Islām at pagbukas ng pinto ng para sa mga nag-aabang ng pagsira sa kaluwagan ng Relihiyon at awa nito.
7. Humahantong ito sa paglalayo ng loob sa Relihiyon, pagpapapangit ng imahen nito, at pag-aanyaya sa pagpapalabis-labis at pagpapakatindi.
Ang mga Kadahilanan ng Paglaganap ng Takfīr
Ang mga Kadahilanan ng Paglaganap ng Takfīr
- Ang Kamangmangan sa mga Patakaran ng Relihiyon
- Ang Pagkalihis Pangkaisipan sa Pamamagitan ng Paglayo sa mga Maalam
- Ang Pagmamataas sa mga Maalam at mga Alagad ng Relihiyon
- Ang Pagsunod sa Pithaya
1. Ang Kamangmangan sa mga Patakaran ng Relihiyon, mga Pinakapakay Nito, at mga Pundasyon ng Tumpak na Paniniwala
2. Ang Pagkalihis na Pangkaisipan Dahil sa Paglayo sa mga Kainamang Maalam at ang Paglapit sa mga Kampon ng mga Pithaya at mga Bid`ah
3. Ang Pagmamataas sa mga Maalam at mga Alagad ng Relihiyon at ang Kapusukan Laban sa Kanila
4. Ang Panunuot ng mga Kaisipang Makalabis-labis sa Isip ng Kabataan ng Kalipunan
5. Ang Pagsunod sa Pithaya at ang Paggawa sa Takfīr Bilang Kaparaanan ng Paghihiganti sa mga Tagasalungat
6. Ang Paglaganap ng mga Bid`ah at mga Nakasasama at ang Sumasabay sa mga Ito na mga Reaksiyong Hindi Nareregulahan ng mga Tuntunin ng Batas sa Lipunan
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1. Tutugon ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Alinmang lalaking nagsabi sa kapatid niya: O Kāfir, naging marapat nga dito ang isa sa kanila." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6104 at Imām Muslim: 60. Basahin mo ang ḥadīth, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
1. Isulat mo ang ugnayan ng ḥadīth sa paksa ng aralin.
Ang ḥadīth ay nagbibigay-babala laban sa Takfīr at naglilinaw sa panganib nito.
2. Maghulo ka mula sa ḥadīth ng panganib ng Takfīr.
Ang sinumang nagparatang sa isang Muslim ng isang kawalang-pananampalataya at hindi naman siya naging marapat doon, babalik ito sa tagapagparatang.
3. Magsulat ka ng isang pinaigsing payo na nagbibigay-babala kaugnay rito sa kabataan laban sa Takfīr at panganib nito sa lipunan.
Aktibidad 2: Magdaraos ako ng isang sesyong pantalakayan.
Magdaos ka ng isang sesyong pantalakayan kasama ng grupo ng mga mag-aaral kasama mo hinggil sa pakikipagharap sa paglaganap ng Takfīr lalo na sa gitna ng kabataan. Maaari sa inyo ang humango ng katuturan sa mga sumusunod na elemento:
1. Ang mga paraan ng pakikiharap sa mga kadahilanan ng pagkalitaw na ito.
2. Ang papel ng mga metodolohiya ng pagtuturo at pag-aanyaya.
3. Ang mga paraan ng pagpapagana ng social media at mga website sa internet.
4. Ang mga epekto ng mga masjid at mga tagapag-anyayang epektibo kaugnay roon.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang bawat sinumang nasadlak sa isang gawain kabilang sa mga gawain ng kawalang-pananampalataya, siya ay isang tagatangging sumampalataya. Mali
2. Ang pagsasagawa ng Takfīr nang kawalang katwiran ay isang panganib sa nagsasagawa nito bago ng hinatulan. Tama
3. Humahantong ang Takfīr sa paglalayo ng loob sa Relihiyon at pagpapapangit ng imahen nito. Tama
4. Ang Takfīr ay isang kahatulang pampaniniwala na walang kaugnayan sa buhay at ari-arian. Mali
5. Ang paglaganap ng kaalamang pang-Sharī`ah ay nagpapakaunti ng pagmamadali ng mga tao sa pagsasagawa ng Takfīr. Tama
PANUTO 3: Humango ka ng patunay sa isang pampropetang ḥadīth sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagsasagawa ng Takfīr sa Muslim ay tulad ng pagpatay sa kanya.
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagparatang sa isang mananampalataya ng isang kawalang-pananampalataya, ito ay gaya ng pagpatay sa kanya."
2. Ang panganib ng pagsasagawa ng Takfīr sa Muslim.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lalaking nagpaparatang sa isang lalaki ng pagkasuwail at walang nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya malibang babalik ito sa kanya kung ang pinararatangan ay hindi naging gayon."
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Sino ang may karapatan sa pagpapalabas ng kahatulan ng Takfīr?
2. Magpaliwanag ka ng dalawa sa mga epekto ng Takfīr sa lipunan.
3. Magbigay-linaw ka sa tinutukoy ng Takfīr ng mga paglalarawan at maglahad ka ng isang halimbawa rito.
4. Papaano mong ipakakahulugan ang paglaganap ng pagkalitaw ng Takfīr.
5. Magmungkahi ka ng dalawang kaparaanan para sa pakikiharap sa pagkalitaw ng Takfīr.
6. Ang mga patakaran ng Takfīr.
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagtakda ka sa mga kundisyon ng Takfīr;
2. makapaglinaw ka sa mga tagahadlang ng Takfīr;
3. makapagbigay-linaw ka sa mga patakaran ng Takfīr;
4. makahango ka ng patunay sa mga tuntunin ng Takfīr;
5. makapagbigay-halaga ka sa papel ng mga maalam sa paglunas sa suliranin ng pagpapakalabis-labis sa ضوابط
Tumukoy tayo sa nagdaang aralin na ang Takfīr sa mga individuwal ay may mga kundisyong matututuhan natin sa araling ito, kaya naman heto ang mga kundisyong iyon at kasama ng mga ito ang mga tagahadlang sa Takfīr at mga tuntunin nito.
Ang mga Tuntunin ng Takfīr
- Ang mga Kundisyon ng Paghatol ng Takfīr
- Ang mga Tagahadlang sa Takfīr
- Ang mga Tuntunin ng Takfīr
- Ang Paglunas sa Usapin ng Takfīr
Ang mga Kundisyon ng Paghatol ng Takfīr
1. Na sumalalay ang patunay sa pagiging ang gawaing ito ay kabilang sa ikinatatangging sumampalataya ng tagapagsagawa nito nang tahasan.
2. Na ang tagagawa ng kawalang-pananampalataya ay isang naatangan ng tungkulin, ibig sabihin: nasa tamang gulang na nakapag-uunawa.
3. Na mapagtibay ang pagkaganap ng gawain ng kawalang-pananampalataya mula sa taong naatangan ng tungkulin kaya na man hindi nakasasapat ang pagdududa o ang pagpapalagay.
4. Na ang tagagawa ay isang nakaaalam na nananadya at hindi dahil sa kamangmangan o pagkakamali o pagkalimot.
5. Na hindi nagkaroon ng alinmang tagahadlang ng Takfīr/
Ang mga Tagahadlang ng Takfīr
1. Ang hindi pagkakaatang ng tungkulin kaya ang hindi naatangan ng tungkulin gaya ng paslit o baliw ay hindi naipapataw sa kanya ang Takfīr batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa bata hanggang sa lumaki siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya o magkamalay siya." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4398 at Imām An-Nasā'īy: 3432.
2. Ang kamangmangan sa pamamagitan ng pagiging ang tagagawa ay isang mangmang sa pagkabawal ng ginawa niya.
3. Ang pagkakamali at ang pamimilit sapagkat ang sinumang nagsabi ng pananalita ng kawalang-pananampalataya dahil sa pagkakamali o pamimilit, hindi naipapataw sa kanya ang kawalang-pananampalataya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa Kalipunan ko sa pagkakamali, pagkalimot, at anumang napilitan sila." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 2045.
4. Ang pagbibigay-pakahulugan. Ito ay na maniwala ang tao ng paniniwala o gumawa ng gawaing nag-oobliga ng kawalang-pananampalataya habang siya ay nagpapalagay na ito ay hindi isang kawalang-pananampalataya o nakaiintindi ng tekstong pangkapahayagan ayon sa hindi kaukulan nito dahilan sa pagkakaroon ng isang maling akala sa kanya.
Ang mga Tuntunin ng Takfīr
Mayroong mga tuntuning kinakailangang sundin bago magsagawa ng Takfīr sa Muslim, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang batayang panuntunan sa lahat ng mga Muslim ay ang paghatol ng pagkaanib sa Islām at paniniwala sa Tawḥīd hanggang sa mapagtibay ang kasalungatan niyon nang tiyakan.
2. Ang mga patakaran sa kawalang-pananampalataya at pagkaanib sa Islām ay ayon sa nakalantad na kalagayan ng tao at hindi sa ikinukubli niya.
3. Hindi tumatangging sumampalataya ang isa sa mga Muslim dahil sa isang pagkakasala hanggat hindi siya nagtuturing na pinahihintulutan ang pagkakasalang ito.
4. Ang paglalatag ng katwiran at ang paglilinaw sa patunay sa reyalidad kaugnay sa kawalang-pananampalataya bago ng paghatol ng Takfīr sa kanya.
5. Ang pagsasaalang-alang sa mga naunang kundisyon ng Takfīr at ang pagpapakatiyak sa pagkakaroon ng lahat ng mga ito.
6. Ang kawalan ng kairalan ng alinman sa mga naunang tagahadlang sa Takfīr.
Ang Paglunas sa Usapin ng Takfīr
1. Ang pagpapalaganap ng kaalamang pang-Sharī`ah mula sa mga maalam na makapanginoon at ayon sa metodolohiya ng maayos na Salaf.
2. Ang pagpapanuto ng mga maalam sa kabataan tungo sa kaalaman at tumpak na pag-intindi ng Relihiyon at mga pinapakay nito.
3. Ang pananatili sa kabaitan, pagkakatamtaman, at pagwaksi ng pagpapakalabis-labis at pagpapakatindi sa Relihiyon.
4. Ang pag-anyaya sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda at ang pagtulak sa mga maling akala at ang pagtapat ng katwiran sa katwiran.
5. Ang pagbukas ng pinto ng dayalogo upang ito ay maging isang metodolohiyang pampag-aanyaya para sa pagtutumpak ng mga maling konsepto sa mga ibang tao.
Kailangan sa iyo, kapatid kong estudyante ng kaalaman, na mag-ingat sa paggamit ng mga kahatulan ng kawalang-pananampalataya sa mga ibang tao at na magkamalay ka na iyon ay kabilang sa pumapatungkol sa mga may kaalam at pagkaunawa. Kapag nakakita ka ng sinumang nasasadlak sa anuman doon, payuhan mo siya kung makakaya mong magpayo sa kanya sapagkat ang Muslim ay umiibig sa kabutihan para sa mga tao at nagpupunyagi para sa kapatnubayan nila.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.
Sa mga sumusunod na halimbawa, hindi pinapayagan ang paghatol ng Takfīr. Pagbulay-bulayan mo ang mga ito, pagkatapos isulat mo ang mga tagahadlang ng Takfīr sa bawat isa mula sa mga ito:
Ang Halimbawa / Ang Tagahadlang sa Takfīr
Namilit ang isang lalaki sa isang binatang Muslim na mag-alipusta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) / Ang Pamimilit
Nakakita ang isang munting bata ng ilan sa mga tao na nagpapatirapa sa isang anito kaya nagpatirapa siya kasama nila / Ang Kawalang ng Pagkaatang ng Tungkulin / Ang Pagkabata
Naniwala ang isang dalagang Muslimah sa pananalita ng mga astrologo at hindi siya nakaaalam na ang bagay na ito ay ipinagbabawal / Ang Kamangmangan
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Nagsasabi si Allāh: {Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: "Dati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang." Sabihin mo: "Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya? Huwag kayong magdahi-dahilan; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo.} (Qur'ān 9:65-66) Sa pakikilahok mo sa kaklase mo at sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, tugunin mo ang sumusunod:
1. Itakda mo ang anyo ng Takfīr sa dalawang āyah (ang Takfīr sa kalahatan, sa mga paglalarawan, at sa mga persona.
2. Hanguin mo ang kadahilanan ng Takfīr na nasasaad sa dalawang āyah.
Ang pangungutya kay Allāh at sa Sugo Niya.
3. Magsulat ka ng isang pinaiksing payo na nagbibigay-babala rito sa kabataan laban sa pag-alipusta sa Relihiyon ni Allāh at pangungutya rito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Hindi pinapayagan ang Takfīr nang walang isang patunay mula sa Qur'ān at Pampropetang Sunnah. Tama
2. Walang pagkakaiba sa pagitan ng Malaking kawalang-pananampalataya at Maliit na kawalang-pananampalataya dahil ang kahihinatnan ay iisa. Mali
3. Hindi tumatangging sumampalataya ang Muslim malibang kapag siya ay nakaaalam, nananadya, at nakapipili. Tama
4. Tumatangging sumampalataya ang nagtuturing na ipinahihintulot ang pagkakasala at hindi ang nasasadlak dito. Tama
5. Ang kamangmangan ay hindi humahadlang sa Takfīr dahil ang paghahanap ng kaalaman ay kinakailangan sa mga Muslim. Mali
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kapag nagsaposibilidad ng kawalang-pananampalataya o kasuwailan ang gawain, hahatulan ito ng:
(kawalang-pananampalataya bilang pag-iingat - kasuwailan sa Mundo at kawalang-pananampalataya sa Kabilang-buhay).
2. Isinasakundisyon sa paghatol na kawalang-pananampalataya sa isang persona na siya ay nakaaalam sa:
(pagkabawal ng gawaing ito - patunay ng Takfīr - mga saligan ng paniniwala).
3. Ang hindi pagkakaatang ng tungkulin ay ibinibilang na kabilang sa:
(mga kadahilanan ng Takfīr - mga pagkakahayag ng Takfīr - mga tagahadlang ng Takfīr).
4. Nahahadlangan ang Takfīr kasabay ng:
(pagkakamali - kaalaman - paglalayon).
5. Nahahadlangan ang Takfīr kasabay ng pagbibigay-pakahulugan dahil ang nakagagawa nito ay:
(mangmang sa saligan ng paghahatol -).
PANUTO 3: Humango ka ng patunay sa isang pampropetang ḥadīth sa bawat isa sa sumusunod:
1. Ang pamimilit ay kabilang sa mga tagahadlang ng Takfīr.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa Kalipunan ko sa pagkakamali, pagkalimot, at anumang napilitan sila."
1. Ang kasapatang gulang ay isang kundisyon sa Takfīr.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa bata hanggang sa lumaki siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya o magkamalay siya."
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-linaw ka sa tatlo sa mga tuntunin ng Takfīr.
2. Magsulat ka ng isang artikulo sa limang linya tungkol sa lunas sa pagkalitaw ng Takfīr, habang nagpapaliwanag ng papel ng mga maalam sa pakikipagharap sa pagkalitaw na ito.
Ang Ikaapat na Yunit: Ang Fiqh ng mga Patakaran
1. Ang Pinahihintulutang Pagkita at ang Bawal na Pagkita
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makatalos ka sa pagkakaiba sa pagitan ng konsepto ng pinahihintulutang pagkita at bawal na pagkita;
2. makapag-isa-isa ka sa mga magandang epekto ng pinahihintulutang pagkita;
3. makapagbuod ka ng mga masagwang epekto ng ipinagbabawal na pagkita;
4. makapagbigay ka ng isang pananalita tungkol sa mga epekto ng bawal na pagkita sa individuwal sa Mundo at Kabilang-buhay;
5. magsigasig ka sa pinahihintulutang pagkita at lumayo ka sa bawal na pagkita;
2. Ang yaman ay kabilang sa pinakadakila sa mga biyaya ni Allāh sa tao sapagkat ito ay isang kadahilanan ng pagtamo ng mga pangangailangan niya upang mamuhay siya nang may karangalan na walang paghingi sa mga tao o pagpapakaaba. Dahil doon, humimok ang Islām sa pagkita ng salapi at paggugol nito sa pinayagan ni Allāh.
Sa araling ito, kapatid kong mag-aaral, magtatalakay tayo ng kahalagahan ng pagkita ng pinahihintulutang salapi at ng panganib ng bawal na salapi.
Una. Ang Pinahihintulutang Pagkita
Ang pinahihintulutang pagkita ay ang pagtipon ng yaman sa pamamagitan ng mga paraan at mga istilo na pinayagan ng Kapahayagan, tulad ng pangangalakal, pagsasaka, industriya, kaloob at regalo, pamana at tagubilin, paggamit ng mga personal na kakayahan, at iba pa.
Ang pinahihintulutang pagkita ay may mga magandang epekto sa kumikita nito. Kabilang doon:
1. Ang pagtalima sa utos ni Allāh at Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Allāh: {na mga tumugon kay Allāh at sa Sugo matapos na tumama sa kanila ang sugat. Ukol sa mga gumawa ng maganda kabilang sa kanila at nangilag magkasala ay isang pabuyang sukdulan.} (Qur'ān 2:172)
2. Ang kaligāyahan sa Mundo at ang tagumpay sa Kabilang-buhay. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtagumpay nga ang sinumang umanib sa Islām at tinustusan ng sapat na. Nagbigay-kasiyahan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng ibinigay sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1054. Ang kahulugan ay: na ang tagumpay ay nagiging ukol sa sinumang nagpasakop ng sarili niya kay Allāh at tinustusan naman siya ni Allāh ng panustos na sasapat sa kanya para hindi manghingi sa mga tao at hindi mangailangan sa kanila.
Ikalawa. Ang Bawal na Pagkita
Ang bawal na pagkita ay ang pagtamo ng yaman sa pamamagitan ng mga paraan at mga istilong ipinagbabawal ayon sa Sharī`ah, tulad ng pandaraya, pagnanakaw, pag-iimbak (hoarding), pangangamkam, panunuhol, sugal, patubo (ribā), pangangalakal ng alak, pakikinabang sa yaman ng ulila, at iba pa.
Ang bawal na pagkita ay may masagwang epekto sa buhay sa Mundo at Kabilang-buhay. Kabilang doon:
1. na ito ay isang kadahilanan sa pagtanggi sa panalangin: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"O mga tao, tunay na si Allāh ay kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng ipinag-utos Niya sa mga isinugo saka nagsabi Siya: {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} (Qur'ān 23:51) at nagsabi pa siya: {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.} (Qur'ān 2:172)." (Qur'ān 2:172) Pagkatapos binanggit niya (ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)) ang isang lalaki na nagpapahaba ng paglalakbay habang magulong maalikabok ang buhok, habang nag-uunat ng mga kamay niya patungo sa langit: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, at ang isinusuot niya ay bawal, at pinakain sa bawal, kaya paano siyang tutugunin dahil doon?"} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1015.
2. Ang Pagdanas ng Panalangin ng Naaapi Nang nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen, nag-utos siya rito na magturo sa mga tao ng mga haligi ng Islām at kabilang dito ang zakāh. Nagbibigay-babala siya rito laban sa pang-aapi sa kanila at pagkuha ng mga ari-arian nila ayon sa hindi karapatan sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "kaya kaingat ka sa mga mahal sa mga ari-arian sa kanila (pinakamainam sa mga ari-arian nila) at mangilag ka sa panalangin ng naaapi sapagkat tunay na sa pagitan niya at ni Allāh ay walang tabing." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1496 at Imām Muslim:191.
3. Ang Pagkawala ng mga Magandang Gawa at ang Pagkadagdag ng mga Masagwang Gawa Nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapakinabang sa mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan ay pinagbabantaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota kabilang sa kalipunan ko ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagbangon na may dalang dasal, ayuno, at zakāh. Darating siya samantalang nanlait nga kay ganito, nanirang-puri nga kay ganiyan, nakinabang nga ng yaman ni ganoon, nagpadanak nga ng dugo ni ganito, at nanakit nga kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Saka kung naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran ang kailangan sa kanya, kukuha mula sa mga kamalian nila saka itatapon sa kanya, pagkatapos itatapon siya sa Impiyerno." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2581.
2. Ang Paglaho ng Pagpapala Ang pakikinabang sa bawal na yaman ay kabilang sa mga kadahilanan ng paglaho ng pagpapala sa Mundo. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa nagbibilihan: "... kung nagtapat silang dalawa at naghayag silang dalawa, pagpapalain para sa kanilang dalawa ang pagbibilihan nilang dalawa; at kung naglihim silang dalawa at nagsinungaling silang dalawa, pupuksain ang pagpapala sa pagbibilihan nilang dalawa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2079 at Imām Muslim: 1532. Kaya ang sinumang magkubli ng mga kapintasan ng mga paninda at nagsinungaling sa paglalarawan sa mga ito, mawawala ang pagpapala mula sa tinutubo niya.
5. Ang Hindi Pagtanggap ng Paggugol Ang sinumang kumita ng salapi mula sa bawal, pagkatapos ginugol niya ito sa mga uri ng kabutihan at pagmamabuting-loob gaya ng kawanggawa, pagpapakain sa mga dukha, at tulad niyon, tunay na ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya..." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1015.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at tutugon ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi gagalaw ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa edad niya kung sa ano niya inubos ito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano niya ginawa, tungkol sa yaman niya kung mula sa ano niya kinita ito at kung sa ano niya ginugol ito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano niya ginamit ito?" Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2417. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth na ito, pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
1. Huluhin mo ang kadahilanan ng pagkatangi ng yaman sa dalawang tanong sa Araw ng Pagbangon.
dahil ang tukso ng yaman ay may dalawang dako: ang dako ng pagkita at dako ng paggugol.
2. Gunigunihin mo na ikaw ay nasa Araw ng Pagbangon, kaya magiging ano ang sagot sa dalawang tanong na ito?
Iniwan sa Estudyante.
3. Magsulat ka ng tatlong gawain na maaari sa iyo sa pamamagitan ng mga ito ang kumita ng ipinahihintulot na salapi sa lipunan mo, bukod pa sa binanggit sa aralin.
Iniwan sa Estudyante.
Aktibidad 3: Makikipagtulungan ako sa kaklase mo.
Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsulat ka ng hatol sa pagkita sa mga sumusunod na halimbawa kasama ng pagbibigay-katwiran, pagkatapos maglahad ka ng sagot mo sa tagapagturo para sa pagtatasa nito.
Ang Halimbawa ng Pagkita / Ang Hatol sa Pagkita / Ang Pagbibigay-katwiran
Pinapanaw ang isang lalaki kaya nagbaha-bahagi ang mga anak niya ng naiwan niya sa kanila: Pinahihintulutan / Dahil ito ay pamana.
Nagtago ng isang mangangalakal ng malaking kantidad ng bigas upang mangaunti sa palengke, pagkatapos magbebenta siya nito sa higit na mataas na presyo: Bawal / Dahil ito ay pag-iimbak (hoarding).
Nagtagubilin ang isang lalaki para sa kapitbahay niya ng isang bahagi ng yaman niya matapos ng pagpanaw niya: Pinahihintulutan / Dahil ito ay isang pinapayagang tagubilin.
Nagtatrabaho ang isang tao bilang accountant at kumuha siya ng salapi mula sa kabang-yaman ng trabaho nang hindi nagpapabatid sa tagapangasiwa: Bawal / Dahil ito ay pangungupit mula yamang pampubliko.
Naghalo ang isang tao ng tubig sa gatas upang dumami ang gatas at madadagdagan ang tubo: Bawal / Dahil ito ay pandaraya.
Nagtatrabaho ang isang tao sa pag-aalaga ng mga hayupan at nagbebenta ng mga gatas nito sa mga kapitbahay: Pinahihintulutan / Dahil ito ay pagbebenta.
Nagbenta ang isang binata ng mga magasin at mga CD na may mga mapanonood na hubad: Bawal / Dahil nagbenta siya ng isang bagay na ipinagbabawal.
Nangaway ang isang lalaki sa isa sa mga tao at kinuha niya ang mga ari-arian nito nang marahas. Bawal / Dahil ito ay pangangamkam.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Kailangan sa Muslim ang magpakaunti ng pagkita ng salapi dahil ito ay isang pasakit at isang pagsubok. (X)
2. Tumatanggap si Allāh ng kawanggawa mula sa sinumang nagkawanggawa ng isang salaping ipinagbabawal. (X)
3. Ang pakikinabang sa bawal ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon. (✓)
4. Ang bawal na pagkita ay nagpapakaunti ng pagpapala sa mga panustos. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga halimbawa ng pinahihintulutang pagkita:
(ang paggamit ng mga personal na kakayahan - ang pakikinabang sa patubo (ribā) - ang pag-iimbak (hoarding)).
2. Kabilang sa mga epekto ng bawal na pagkita:
(ang pamamalagi sa Impiyerno - ang pagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa - ang hindi pagtugon sa panalangin).
3. Kabilang sa mga halimbawa ng bawal na pagkita:
(ang sugal - ang kaloob at ang regalo - ang pagkukumpuni ng telepono).
4. Ang sinumang kumita ng ipinagbabawal na salapi, pagkatapos gumugol nito sa pakikibaka sa landas ni Allāh, tunay na ang paggugol niya ay:
(tatanggapin mula sa kanya - hindi tatanggapin mula sa kanya - tatanggapin mula sa kanya kung ang salapi ay malaki).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Kabilang sa mga epekto ng pinahihintulutang pagkita ang tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay/
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtagumpay nga ang sinumang umanib sa Islām at tinustusan ng sapat na. Nagbigay-kasiyahan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng ibinigay sa kanya."
2. Ang hindi pagtanggap sa paggugol mula sa sinumang kumita ng ipinagbabawal na salapi.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya..."
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng dalawang epekto sa Muslim mula sa mga epekto ng pinahihintulutang pagkita.
2. Mag-isa-isa ka ng lima sa mga halimbawa ng pinahihintulutang pagkitang umiiral sa kapaligiran mo.
3. Magsulat ka ng isang pananalita na limang linya tungkol sa mga epekto ng bawal na pagkita sa individuwal sa Mundo at Kabilang-buhay.
2. Ang Pag-iwas sa Bawal at ang mga Panuntunan ng mga Kontratang Pampananalapi
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-patunay ka sa pag-iwas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa bawal;
2. makapag-isa-isa ka ng mga panuntunan ng mga kontratang pampananalapi sa Islām;
3. makapagpaliwanag ka sa kahatulan sa pagsasakundisyon sa mga kontrata;
4. makahango ka ng patunay sa pagsasakundisyon ng pagkaluguran sa pagitan ng nagkokontratahan;
5. makapaghalimbawa ka ng pagbabawal sa anumang may pakikinabang sa mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan.
6. makaiwas ka sa bawal na pagkita at anumang narito na maling akala.
Nagnais si Aḥmad na bumili ng telepono mula kay Ibrāhīm kaya sumumpa si Ibrāhīm na ang telepono ay nasa isang napakahusay na kalagayan at na ang presyo nito ay 1,000 Dirham. Binili naman ni Aḥmad ang telepono, pagkatapos nakatagpo siya rito ng maraming problema at na ang presyo pala nito ay 400 Dirham. Ano ang pananaw mo sa ginawa ni Ibrāhīm? Ano ang hatol sa gawang ito? Ano ang mga tuntunin ng mga kontrata sa Islām? Para mapag-alaman ang sagot, basahin mo ang araling ito.
Ang Pag-iwas ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ng mga Kasamahan (Malugod sa Kanila si Allāh) sa Kasalanan
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay naghahanap noon ng pinahihintulutang pagkita at umiiwas sila sa bawal na pagkita at anumang may hinala ng bawal. Ang mga pangyayari sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay marami. Kabilang sa mga pangyayaring ito:
1. Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Napaaraan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang datiles sa daan kaya nagsabi siya: "Kung hindi dahil sa ako ay nangangamba na ito ay mula sa kawanggawa, talaga sanang kinain ko ito."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2431 at Imām Muslim: 1071. Alam na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi ipinahihintulot sa kanya ang pakikinabang sa yaman ng kawanggawa. Dahil doon iniwan niya ang datiles bilang pag-iwas sa kasalanan.
2. Sa iba pang ḥadīth: {Nakatagpo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang datiles sa ilalim ng tagiliran niya kaya kinain niya ito ngunit dinapuan siya ng di-pagkatutulog sa kahabaan ng gabi kaya tinanong siya ng isa sa mga maybahay niya tungkol doon kaya nagsabi naman siya: "Tunay na ako ay nakatagpo ng isang datiles sa ilalim ng tagiliran ko kaya kinain ko ito ngunit natakot ako na ito ay kabilang sa datiles ng kawanggawa."} (Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad (6820).
3. Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay tumutulad sa Propeta sa pag-iwas sa ipinagbabawal at paglayo sa anumang may mapaghihinalaan. Kabilang doon: {Si Abū Bakr ay may isang alipin noon na kumikita para sa kanya saka naghatid ang alipin isang araw ng isang pagkain saka kumain mula rito si Abū Bakr kaya nagsabi sa kanya ang alipin: "Nalalaman mo ba kung ano ito?" Kaya nagsabi si Abū Bakr: "At ano ito?" Nagsabi ito: "Ako noon ay nanghula sa isang tao sa Panahon ng Kamangmangan. Hindi naman ako mahusay sa panghuhula subalit ako ay nanlinlang sa kanya. Nakasalubong ko siya saka binigyan niya ako dahil doon. Ito ang kinainan mo." Kaya ipinasok ni Abū Bakr ang kamay niya [sa bibig] at isinuka ang bawat bagay sa tiyan niya.} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3842. Ang panghuhula ay ang pagpapabatid hinggil sa mangyayari sa hinaharap at ito ay kabilang sa ipinagbabawal na pagkita.
Ikalawa. Ang mga Panuntunan ng mga Kontratang Pampananalapi
Nagpahintulot ang Batas Islāmiko ng pagpapalitan ng mga ari-arian at mga napakikinabangan sa pagitan ng mga tao dahil iyon kabilang sa mga kailangan na sumasalalay sa mga ito ang buhay. Naglagay ang Shar`īah ng mga panuntunan para mag-organisa sa pagpapalitang ito. Kabilang sa mga panuntunang ito:
1. Ang pagpapahintulot sa lahat ng mga transaksiyon at mga kontrata maliban sa ipinagbawal ng Sharī`ah. Kaya naman ang bawat transaksiyon o kontratang nagkasundo rito ang nagkokontratahan ay pinapayagan, malibang kapag ang kontrata ay ipinagbabawal, gaya ng kontrata ng patubo; o naglaman ng isang bagay na ipinagbabawal, gaya ng pagbebenta ng alak.
2. Ang pagpapahintulot ng mga kundisyon sa pagitan ng nagkokontratahan. Nagpahintulot ang Shar`īah sa bawat isa sa nagkokontratahan na magsakundisyon ng anumang magsasakatuparan ng kapakanan mula sa kontrata, maging ito man ay pagbebenta o pagpapaarkila o sosyohan, hanggat hindi naglaman ang kundisyon ng isang bagay na ipinagbabawal. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga Muslim ay alinsunod sa mga kundisyon nila maliban sa isang kundisyon na nagbawal ng isang ipinahihintulot o nagpahintulot ng isang bawal." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1352.
3. Ang pagsasakundisyon na ang nagkokontrata ay pinapayagan ang pangangasiwa. Tinutukoy sa pinapayagan ang pangangasiwa ang taong nakapag-uunawang matino na mahusay sa pangangasiwa sa yaman. Dahil doon, hindi natutumpak ang kontrata mula sa nawalan ng pang-unawa o munting bata na hindi nakatatalos sa pagitan ng nagpapakinabang sa kanya at nakapipinsala sa kanya.
4. Ang pagsasakundisyon ng pagkakaluguran sa pagitan ng nagkokontratahan. Iyon ay sa lahat ng mga kontrata. Kaya naman hindi natutumpak ang kontrata mula sa pinilit na pinuwersa sa kontrata. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na hindi pinahihintulutan ang yaman ng tao malibang may kaāyahan ng sarili roon." (Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 20695.
5. Ang Pagkabawal ng Pagkokontratahan sa Anumang Ipinagbawal ng Sharī`ah. Kabilang doon:
A. Ang pagkokontratahan sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal, gaya ng pagbebenta ng alak, baboy, at mga larawang ipinagbabawal.
B. Ang pagkokontratahan sa pagpapaupa ng isang puwesto para sa isang gawaing ipinagbabawal, gaya ng pagpapaupa ng isang puwesto para sa pagbebenta ng alak.
C. Ang pakikilahok sa isang kompanyang nagpoprodukto ng mga ipinagbabawal gaya ng pagpoprodukto ng mga nakapipinsalang programa ng kompyuter.
6. Ang pagiging ang kinokontrata at ang presyo ay nalalaman. Isinasakundisyon sa kontrata na ang kinokontrata at ang presyo ay nalalaman sa kapwa nagkokontratahan. Kaya naman hindi pinapayagan na magsabi ang tagapagbenta sa mamimili: "Ipinagbibili ko ang isa sa dalawang kotse ko sa halaga ng perang nasa bulsa mo" dahil hindi niya itinakda ang kotse at ang presyo ay hindi tinakdaan.
7. Ang pagbabawal sa anumang may pakikinabang sa mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan. Kabilang sa mga halimbawa niyon:
A. Ang Pandaraya at ang Panggagantso Iyon ay sa pamamagitan ng pagkukubli ng tagapagbenta ng kapintasan sa paninda o paglalantad nito ayon sa kasalungatan ng kung ano ito o hindi paglubos ng gawaing napagkasunduan alinsunod sa mga panuntunan at mga batayang teknikal. Naparaan nga Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang lalaking nagbebenta ng pagkain kaya ipinasok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang kamay nya sa pagkain saka nakatagpo siya rito ng pamamasa kaya nagsabi siya: "Ano ito, O may-ari ng pagkain?" Nagsabi ito: "Tumama rito ang ulan, O Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya bakit hindi ka naglagay nito sa ibabaw ng pagkain upang makita ito ng mga tao. Ang sinumang nandaraya ay hindi kabilang sa akin." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 102.
B. Ang Panloloko Ito ay ang magbenta ng paninda sa isang presyong higit na mataas nang labis kaysa sa nakahiratiang presyo nito at lalong-lalo na kapag nagbenta siya nito sa sinumang hindi nakaaalam sa halaga nito, na para bang ang presyon ng damit ay 100 Dirham ngunit nagbebenta siya nito sa halagang 170 Dirham.
C. Ang Pag-iimbak (Hoarding) Ito ay ang magtago ng mga panindang kailangan sa mga tao, gaya ng pagkain, inumin, at tirahan, nang sa gayon madagdagan ang presyo ng mga ito nang malaking dagdag, pagkatapos magbebenta siya ng mga ito sa kanila sa presyong higit na mataas. Ito ay isang kawalang-katarungan sa mga tao at isang panggigipit sa kanila. Nagbawal ang Sharī`ah ng bawat kontrata o transaksiyon na naglalaman ng pag-iimbak.
Ang sinumang nagbulay-bulay sa mga patakaran ng mga transaksiyong pampananalapi ay makatatalos sa mga kagandahan ng Islām at kadakilaan ng Sharī`ah sapagkat walang anumang bagay na pinayagan ang Sharī`ah malibang dito ay may kapakanan para sa individuwal at lipunan at walang anumang bagay na ipinagbawal ng Sharī`ah malibang ang mga katiwalian nito ay nakahayag.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsusulat ako ng kahatulan at magbibigay-katwiran ako.
Pagbulay-bulayan mo ang mga sumusunod na kontrata, pagkatapos isulat mo ang kahatulan ng mga ito (tumpak - hindi tumpak) kasama ng paglilinaw sa kadahilanan.
Ang Kontrata
Ang kahatulan nito / Tumpak / Hindi tumpak
Ang Kadahilanan
Pinaupahan ni Ibrāhīm ang bahay niya sa halagang 100 Riyal sa isang buwan.
Nagsakundisyon ang tagapagbenta na ang presyo ay mga bote ng alak.
Nagbenta si Aḥmad ng ubas sa paggawang gumagawa ng mga alak.
Umupa ang isang tao ng isang manggagawa para magtrabaho sa taniman niya.
Sumali ang isang tao sa isang kompanya ng pagpoproduksiyon ng mga malaswang pelikula.
Aktibidad 2: Hahanguin ko ang tuntuning nawawala.
Ang mga sumusunod na kontrata ay hindi tumpak dahil ang mga ito ay nakawala ng isang panuntunan mula sa mga panuntunan ng mga kontratang pampananalapi sa Islām. Pagbulay-bulayan mo ang mga kontratang ito at isulat mo ang tuntuning nawawala sa bawat isa sa mga ito.
1. Pinuwersa ng isang tao ang kapitbahay niya na magbenta ng bahay nito nang walang pakikipagsang-ayon nito.
2. Nakikipagkalakalan ang isang tao ng mga droga at mga pampalasing.
3. Bumili si Aḥmad ng isang telepono sa halagang 100 Dirham at ibinenta niya ito sa kaibigan niya sa halagang 400 Dirham.
4. Tinipon ng isang mangangalakal ang lahat ng mga kasuutan hanggang sa nagmahal ang presyo ng mga ito, pagkatapos ibinenta niya ang mga ito sa halagang higit kaysa sa dating presyo ng mga ito.
Aktibidad 3: Makikilahok ako sa kaklase ko.
Sa pakikilahok sa kaklase mo, magsulat ka ng apat sa mga katuturan sa Mundo at Kabilang-buhay ng pag-iwas sa mga ipinagbabawal.
Kabilang sa mga katuturan sa Mundo at Kabilang-buhay ang pag-iwas sa bawal:
1. Isang kadahilanan ng pag-ibig ni Allāh.
2. Dito ay may pagtulad sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).
3. Isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso at kaligtasan mula sa Impiyerno.
4. Dito ay may pag-iwan sa mga kahina-hinala at paglayo sa mga ito.
5. Isang kadahilanan ng pagtugon sa panalangin.
(Ang mga katuturang ito ay panggabay at tatanggapin mula sa estudyante ang alinmang katuturang tumpak.)
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagsigasig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-iwas sa ipinagbabawal at anumang may kahina-hinala. (✓)
2. Humadlang ang Batas Islāmiko sa mga Muslim sa pag-imbento ng mga kontratang pampananalaping bago. (X)
3. Natutumpak sa balik na pumasok sa mga kontrata at mga pangangasiwang pampananalapi. (X)
4. Ang panloloko ay ang pagtago ng mga panindang kailangan hanggang sa magmahal ang presyo ng mga ito. (X)
5. Ipinagbabawal ang kontratahan sa ipinagbabawal kahit pa nagkasundo ang dalawang panig doon. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang ḥadīth na: "Kung hindi dahil sa ako ay nangangamba na ito ay mula sa kawanggawa, talaga sanang kinain ko ito." ay nagpapatunay sa:
(pag-iwas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bawal - lakas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) - katapatangan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)).
2. Ang ḥadīth na: "Ang sinumang nandaraya ay hindi kabilang sa akin." ay nagpapatunay sa pagbabawal sa:
(pag-iimbak - sugal - pandaraya).
3. Kapag nagbenta ang isang munting bata ng anuman mula sa mga pag-aari niya, tunay na ang kontrata ay:
(tumpak - hindi tumpak).
4. Ang pagbebenta ng paninda sa presyong higit sa nakahiratiang presyo nito sa sinumang hindi nakaaalam sa halaga nito ay:
(ang pandaraya - ang panloloko - ang pag-iimbak).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1, Ang pagpayag sa mga kundisyon sa pagitan ng nagkokontrahan hanggat hindi naglaman ang kundisyon ng isang ipinagbabawal.
2. Ang pagsasakundisyon ng pagkakaluguran sa pagitan ng nagkokontratahan.
3. Ang pagkabawal ng pandaraya sa mga transaksiyong pampananalapi.
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magbuod ka ng isang pangyayaring nagpapahiwatid sa pag-iwas sa bawal ng Kasamahan na si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya).
2. Mag-isa-isa ka ng apat sa mga panuntunan ng mga kontratang pampananalapi sa Islām.
Ang Pagbebenta at ang Pagpapaupa
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makahango ka ng patunay sa pagkaisinasabatas ng pagbebenta at pagpapaupa;
2. makatalos ka sa kaibahan sa pagitan ng konsepto ng pagbebenta at konsepto ng pagpapaupa;
3. makapaghalimbawa ka para sa bawat isa sa kontrata ng pagbebenta at kontrata ng pagpapaupa;
4. makapaghambing ka sa pagitan ng mga kundisyon ng pagbebenta at mga kundisyon ng pagpapaupa;
5. makapag-isa-isa ka sa mga uri ng pagpapaupa at makapaghalimbawa ka para sa uri mula sa mga ito;
5. makapanatili ka sa mga patakaran ng pagbebenta at pagpapaupa sa mga transaksiyon mong pampananalapi.
Ang pagbebenta at ng pagpapaupa ay isinasabatas sa Marangal na Qur'ān, Pampropetang Sunnah, at Ijmā` (Pagkakaisa ng Hatol). Nagsabi si Allāh tungkol sa pagbebenta: {Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagpapaupa: "Ibigay sa upahan ang upa niya bago matuyo ang pawis niya." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 2443. Nagkaisa sa hatol ang mga maalam sa pagkaisinasabatas ng pagbebenta at pagpapaupa. Sa sumusunod ay tatalakay tayo ng mga patakaran ng dalawang kontratang ito.
Una. Ang Kontrata ng Pagbebenta
1. Ang Tinutukoy ng Kontrata ng Pagbebenta Ang kontrata ng pagbebenta ay pagpapalitan ng isang ari-arian nang may layon ng pagmamay-ari. Ang ari-arian ay ang bawat anumang pinayagan ng Sharī`ah ang pakikinabang dito, tulad ng ginto, pilak, mga salapi, mga real estate, mga kasuutan, at iba pa. Nagaganap ang pagbebenta sa pamamagitan ng pagpapamay-ari ng mamimili ng bayad sa tagapagbenta katumbas ng pagpapamay-ari ng tagapagbenta ng paninda sa mamimili.
2. Ang mga Haligi ng Kontrata ng Pagbebenta. Ang mga haligi ng pagbebenta ay ang mga sangkap na nabubuo mula sa mga ito ang kontrata ng pagbebenta. Ang mga ito ay:
Ang Unang Haligi. Ang nagkokontratahan. Sila ay ang tagapagbenta at ang mamimili.
Ang Ikalawang Haligi. Ang Kinokontrata. Ang mga ito ay ang bayad at ang paninda (ang ibinebenta).
Ang Ikatlong Haligi. Ang pormularyo ng kontrata. Ito ay ang bawat anumang nagpapahiwatig ng pakikipagsang-ayon ng nagkokontratahan sa pagbibilihan.
Natutumpak ang pormularyo sa pamamagitan ng pagbigkas ng nagkokontratahan sa pagbibilihan o ng pagsulat ng kontrata o sa pamamagitan ng pagsulat ng tagapagbenta ng presyo ng paninda, saka magbabayad sa kanya ang mamimili ng pambayad nang walang pananalita o pagsusulat ng kontrata, gaya ng nangyayari sa malalaking pamilihan.
Ang mga Haligi ng Pagbebenta
Ang Nagkokontratahan
Ang Kinokontrata
Ang Pormularyo ng Kontrata
3. Ang mga Kundisyon ng Kontrata ng Pagbebenta
Ang mga ito ay ang lahat ng isinasakundisyon ng kairalan nito nang sa gayon ang pagbebenta ay maging tumpak ayon sa Sharī`ah. Kapag nawala ang isang kundisyon mula sa mga ito, hindi natutumpak ang pagbebenta. Kabilang sa mga kundisyong ito:
Ang Unang Kundisyon Ang pagkakaluguran ng tagapagbenta at mamimili.
Ang Ikalawang Kundisyon Na ang ibinebenta ay pinapayagang pakinabangan sapagkat hindi natutumpak ang pakikipagkontratahan sa isang ipinagbabawal.
Ang Ikatlong Kundisyon Na ang bawat isa sa tagapagbenta at mamimili ay pinapayagan ang pangangasiwa.
Ang Ikaapat na Kundisyon Na ang kinokontrata at ang presyo ay nalalaman. Nauna na ang paglilinaw sa apat na kundisyong ito sa naunang aralin.
Ang Ikalimang Kundisyon Ang pagkakamay-ari ng tagapagbenta ng kinokontrata (paninda) sapagkat hindi pinapayagan na magbenta ang isang tao ng isang bagay na hindi niya minamay-ari bata sa ḥadīth na: "Huwag mong ipagbili ang hindi sa iyo." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3503, Imām At-Tirmidhīy: 1232, at Imām An-Nasā'īy: 4613.
Ang Ikaanim na Kundisyon Ang kakayahan sa pagpapaabot ng paninda sapagkat hindi pinapayagan ang pagbebenta ng wala o hindi nakakayang ipaabot, gaya ng isang nagbebenta ng ninakaw na kotse niya, o isda na nasa tubig pa o ibon na nasa hangin pa, at iba pa dahil ito ay kabilang sa panlalalang na sinasaway sa ḥadīth: {Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagbebenta ng panlalalang.} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1513.
Ikalawa. Ang Kontrata ng Pagpapaupa
1. Ang tinutukoy ng kontrata ng pagpapaupa. Ang kontrata ng pagpapaupa ay isang kontrata ng pagpapamay-ari ng isang napakikinabangan kapalit ng isang panumbas. Sa pagpapaupa, nananatili ang bagay na inuupahan (gaya ng real estate) bilang pagmamay-ari ng may-ari nito. Ukol sa nangungupahan ang makinabang dito kapalit ng isang tinakdaang upa na babayaran niya. Ang halimbawa nito ay na magpaupa si Muḥammad ng apartment niya kay Ibrāhīm kapalit ng 100 Dolyar sa bawat buwan.
2. Ang mga Kundisyon ng Kontrata ng Pagpapaupa
Isinasakundisyon sa kontrata ng pagpapaupa ang nauna mula sa mga kundisyon ng kontrata ng pagbebenta kasabay ng pagpansin na ang mga kinokontrata sa pagpapaupa ay ang upa at ang napakikinabangan samantalang sa pagbebenta naman ang kinokontrata ay ang bayad at ang paninda.
3. Ang mga Uri ng Pagpapaupa
Ang Unang Uri Ang pagpapaupa ng mga napakikinabangan (pisikal na bagay), tulad ng pag-upa ni Aḥmad ng isang bahay upang tirahan kapalit ng isang tinakdaang upa.
Ang Ikalawang Uri: Ang pagpapaupa ng mga katawan (trabaho), tulad ng pag-upa ni Muḥammad ng isang karpintero para yumari para sa kanya ng isang silya kapalit ng isang tinakdaang upa at tulad ng empleyado na nag-eempleyo sa isang kompanya o isang sektor na pampamahalaan para magtrabaho ng mga tinakdaang trabaho kapalit ng buwanan o lingguhang suweldo.
4. Mga Usapin sa Kontrata ng Pagpapaupa
Ang Unang Usapin: Ang Oras ng Pagbabayad ng Upa
Pinapayagan na unahin ang upa bago ng simula ng trabaho, pinapayagan ang pagpapahuli nito hanggang sa katapusan ng trabaho, at pinapayagan na ito ay maging hulugan.
Ang Ikalawang Usapin: Ang Pagpapaupa sa Paggawa ng Pampalapit-loob at mga Pagtalima kay Allāh
Pinapayagan ang pagkuha ng upa sa mga pagtalima at mga gawain ng pagsasamabuting-loob, tulad ng pagsasagawa ng adhān, imāmah sa mga tao sa ṣalāh, at pagpapasaulo ng Qur'ān dahil ang upang ito ay hindi dahil sa paggawa ng pagsamba bagkus kapalit lamang ng dedikasyon ng tagagawa ng mga ito sa pagsasagawa ng mga ito.
Ang Ikatlong Usapin: Ang Pagpapaupa ng Bagay na Nauupahan
Kapag umupa ang isang tao ng isang takdang pisikal na bagay (bahay at iba pa), tunay na ipinahihintulot ipaupa ang pisikal na bagay na ito sa ibang tao kapag nalugod doon ang tagapagmay-ari at ang tradisyon sa bayan niya ay hindi humahadlang doon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1. Tutugon ako.
Pagbulay-bulayan mo ang mga sumusunod na kontrata, pagkatapos isulat mo ang anyo ng kamalian sa bawat kontrata mula sa mga ito:
Ang Kontrata / Ang Anyo ng Kamalian
Pinuwersa ng isang tao ang isang trabahador sa pagtatrabaho sa haba na isang araw kapalit ng 100 Dirham. Ang kawalang ng pagkakaroon ng pagkalugod.
Ibinenta ni Ibrāhīm ang bahay ng kasamahan niya sa ibang tao nang walang pagsang-ayon niyon. Ang pagbebenta ng hindi minamay-ari.
Pinagsisihan ni `Uthmān ang pagbebenta ng droga ngunit may natira sa kanya na kaunti kaya ibinenta niya ito. Nagbenta siya ng isang bagay na ipinagbabawal.
Nagsabi ang tagapagpaupa: "Pauupahan ko sa iyo ang bahay ko kapalit ng anumang nasa bulsa mo na pera." Ang presyo ay hindi nalalaman.
Bumili si Sa`īd ng isang kotse mula sa isang batang ang edad ay pitong taon. Ang tagapagbenta ay hindi marapat sa pakikipagkontratahan.
Aktibidad 2: Isusulat ko ang kahatulan.
Sa pamamagitan ng pag-aaral mo tungkol sa pagbebenta at pagpapaupa, linawin mo ang kahatulan ng mga sumusunod na kontrata sa punto ng katumpakan o kawalan nito.
1. Sumulat si Muḥammad ng liham para sa kaibigan niya na humihiling dito na bilhin ang kotse niya sa halagang 1,000 Dolyar. Sumulat naman sa kanya ang kaibigan niya sa isang liham na nagsasabing sumasang-ayon ito. Ang pagbebenta ay tumpak.
2. Nagsabi ang mangingisda sa mamimili: "Mangingisda ako ngayon. Ang anumang mahuhuli ko na mga isda ay ibebenta ko sa iyo ng 10 Dirham." Sumang-ayon naman ang mamimili. Ang pagbebenta ay hindi tumpak.
3. Nagsabi si Fāṭimah sa kaibigan niya: "Pauupahan ko sa iyo ang bahay ng kaibigan kong si Zaynab ng 100 Riyal sa isang buwan." Ang pagpapaupa ay hindi tumpak.
4. Umupa si Muḥammad ng isang kotse mula sa tagapagmay-ari nito. Pagkatapos nagsagawa siya ng pagpapaupa nito kay Ibrāhīm nang walang pagsang-ayon ng tagapagmay-ari nito. Ang pagpapaupa ay hindi tumpak.
5. Nagpapasaulo si Aḥmad ng Marangal na Qur'ān sa mga anak ng mga kapitbahay niya kapalit ng buwanang upa na ang halaga ay 100 Dirham. Ang pagpapaupa ay tumpak.
Aktibidad 3: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo, isasagawa ang paghahati-hati sa mga estudyante sa tatlong grupo. Magsusulat ang bawat grupo ng tatlo sa mga kasanhian ng pagsasabatas ng kontrata ng pagbebenta at kontrata ng pagpapaupa. Pagkatapos mamimili ang tagapagturo ng pinakamainam na sagot, magbabasa ang nanalong grupo ng sagot nito sa nalalabi sa mga grupo, at magbibigay rito ang tagapagturo ng isang premyo.
1. Sa pagpayag sa pagbebenta at pagpapaupa ay may isang pagtugon sa pangangailangan ng tao at isang pagtamo ng pakay niya dahil kung hindi, hahantong ang mga tao sa pangangamkam, pagnanakaw, at pakikipaglaban.
2. Ang mga tao ay mga nangangailangan ng mga paninda na nasa kamay ng ilan sa kanila at walang paraan para sa pagkaabot sa mga panindang ito kundi sa pamamagitan ng pagbebenta at pagpapaupa.
3. Ang pagpapalitan ng mga napakikinabangan sa pagitan ng mga tao ay dahil ang mga tao ay nangangailangan ng mga alagad ng mga propesyon para sa trabaho, ng mga bahay para tirahan, at ng mga kotse, mga instrumento, at tulad ng mga ito para pakinabangan. Dahil dito, pinayagan ni Allāh ang pagpapaupa para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao.
4. Ang mga manggagawa ay kumikita ng ikabubuhay nila at nangangalaga sa dignidad ng mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtatrabaho kapalit ng upa buhat sa iba sa kanila.
5. Ang tao ay hindi nakakakaya sa pagsasagawa ng lahat ng mga gawain at mga trabaho. Dahil doon, nangangailangan siya ng iba pa sa kanya para magsagawa ng mga ito. Hindi naisasagawa iyon malibang kapalit ng isang upa.
(Ang mga puntong ito ay panggabay at maaari para sa estudyante na magsulat ng mga ibang kasanhian.)
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Binibigyang-kahulugan "ang pagbebenta" na ito ay: isang kontrata ng pagpapamay-ari ng isang napakikinabangan kapalit ng isang panumbas. (X)
2. Pinapayagan na ibenta ni Aḥmad ang kotse ng kaibigan niya nang walang permiso nito. (X)
3. Pinapayagan ang pagbayad ng upa sa sandali ng pagkokontratahan o ang pagpapaliban nito hanggang sa katapusan ng kontrata. (✓)
4. Nagkaiba-iba ang mga faqīh sa pagkaisinasabatas ng kontrata ng pagpapaupa. (X)
5. Kabilang sa mga halimbawa ng pagpapaupa ng mga napakikinabangan na mag-arkila si Fāṭimah ng isang kotse kapalit ng isang tinakdaang upa. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga kundisyon ng kontrata ng pagbebenta:
(ang kakayahan sa pagpapaabot - ang kadalian ng paglalarawan - ang kalapitan ng lugar).
2. Kabilang sa mga haligi ng kontrata ng pagbebenta:
(ang nagkokontratahan - ang pagsulat ng kontrata - ang mga saksi).
3. Ang kahatulan sa pagpapaupa ng tagapagpaupa ng pisikal na bagay na inuupahan ay:
(ang pagpayag nang lubusan - ang hindi pagpayag nang lubusan - ang pagpayag kung nalugod ang tagapagmay-ari).
4. Nagtatrabaho si Ibrāhīm bilang mu'adhdhin kapalit ng upa. Ang hatol sa trabahong iyon ay:
(ang pagpayag - ang pagkasuklam - ang pagkabawal).
PANUTO 3: Maghambing ka sa pagitan ng pagbebenta at pagpapaupa ayon sa hinihiling sa sumusunod na talahanayan:
Ang Pagbebenta / Ang Anyo ng Paghahambing / Ang Pagpapaupa
Pakikipagpalitan ng isang ari-arian kapalit ng isang ari-arian sa layuning magmay-ari / Ang pagbibigay-kahulugan /
Ang kontrata ng pagpapamay-ari ng isang napakikinabangan kapalit ng isang panumbas ay pinapayagan / Ang Kahatulan / Pinapayagan
{Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} / Ang Patunay / "Ibigay sa upahan ang upa niya bago matuyo ang pawis niya."
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. (Isinasakundisyon sa pagbebenta na ang bawat isa sa tagapagbenta at mamimili ay pinapayagan ang pangangasiwa.) Ipaliwanag mo iyon.
2. Magbuod ka ng tatlo sa mga kundisyon ng kontrata ng pagbebenta.
3. Magsulat ka ng tig-iisang halimbawa para sa bawat isa sa: pagpapaupa ng mga pisikal na bagay at pagpapaupa ng mga katawan.
Ang mga Patakaran ng Sangla, Utang, at Lagak
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-kahulugan ka sa bawat isa sa sangla, utang, at lagak;
2. makahango ka ng patunay sa pagkaisinasabatas ng sangla, utang, at lagak;
3. makapagbigay-linaw ka sa mga kundisyon ng sangla;
4. makapagpaliwanag ka sa kahatulan ng utang at kasanhian nito;
5. makapagbuod ka sa mga patakaran ng kontrata ng lagak;
6. makapagsadamdamin ka sa kadakilaan ng Sharī`ah sa pagsasabatas sa mga kontrata ng pagbibigay-luwag at pampalapit-loob [kay Allāh].
Nagsabatas si Allāh ng ilan sa mga kontrata hindi bilang bahagi ng pagpapalitan ng mga napakikinabangan, gaya ng pagbebenta at pagpapaupa, bagkus sa paglalayon lamang ng pagpapatibay sa mga karapatan, kabaitan sa mga Muslim, at paghiling ng pampalapit-loob at gantimpala mula kay Allāh. Kaya ano ang mga kontratang ito? Ano ang mga patakaran ng mga ito? Basahin mo ang sumusunod na aralin upang malaman mo ang sagot.
Ang Unang Kontrata Ang Kontrata ng Sangla
Ang kontrata ng sangla ay kabilang mga kontrata ng mga pagpapatibay na naglalayon ng pagpapatibay ng mga karapatan ng mga nagkokontrata.
Binibigyang-kahulugan "ang sangla" na ito ay: isang pagkakalagay ng isang pisikal na bagay na pampananalapi na ibinimbin [palayo sa may-ari] dahil sa pagkakautang na tatanggapan ng bayad nito o ng presyo nito kapag nag-imposible ang pagtupad.
Kaya naman ang sangla ay nagpapatibay sa pagkakautang. Kukuha ang tagapagpautang ng karapatan niya mula sa sangla kapag hindi nakakaya ang nagkautang sa pagbabayad ng utang niya. Ang halimbawa nito ay na umutang si `Umar mula kay Muḥammad ng 100 Dolyar na babayaran matapos ng isang linggo, saka kukunin naman ni Muḥammad ang bisikleta ni `Umar bilang sangla hanggang sa isauli ni `Umar ang 100 Dolyar.
Ang Pagkaisinasabatas ng Pagsasangla
Ang pagsasangla ay isinasabatas. Ang patunay ay mula sa mula sa Qur'ān na sabi ni Allāh: {Kung kayo ay nasa isang paglalakbay at hindi kayo nakatagpo ng isang tagasulat, mga sanglang mapanghahawakan [ang kapalit].} (Qur'ān 2:283) at mula sa Pampropetang Sunnah: {Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumili ng pagkain mula sa isang Hudyo, [na babayaran] sa isang takdang oras at nagsangla rito ng isang baluting yari sa bakal.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2068 at Imām Muslim: 1603.
Ang mga kundisyong ng pisikal na bagay na nakasangla:
1. na ito ay isang ari-arian na natutumpak ang makinabang rito, maging ito man ay salapi, gaya ng ginto, o pisikal na bagay gaya ng kotse;
2. ang posibilidad ng pagbebenta nito sa sandali ng pagsapit ng taning, kaya naman hindi natutumpak ang pagsasangla ng pagkain na nagwawakas ang silbi nito;
3. na ito ay makakayang ipaabot, kaya naman hindi natutumpak ang pagsasangla ng kotseng ninakaw at tulad nito.
Ang Ikalawang Kontrata: Ang Kontrata ng Utang
Ang utang ay kabilang sa mga kontrata ng mga pag-aabuloy na hindi nag-aasam mula sa mga ito ng tubo ang tagapagpautang at naghahangad lamang siya rito ng pabuya at gantimpala mula kay Allāh.
Binibigyang-kahulugan "ang utang" na ito ay: isang pagpasa ng isang ari-arian sa makikinabang dito at isasauli ang kapalit nito, bilang paghiling ng gantimpala mula kay Allāh.
Ang Pagkaisinasabatas ng Pagpapautang at ang Kasanhian Nito: Ang pagpapautang ay isinasabatas batay sa sabi ni Allāh: {Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang pautang na maganda para pag-ibayuhin Niya nang maraming ibayo. Si Allāh ay nagpapagipit at nagpapaluwag, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.} (Qur'ān 2:245)
Ang pagpapautang kay Allāh ay kinapapalooban ng pagpapautang sa mga tao. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Walang anumang Muslim na nagpapautang sa isang Muslim ng isang pautang nang dalawang ulit malibang ito ay naging gaya ng kawanggawa nito nang isang ulit.} Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 2430.
Nagsabatas nga si Allāh ng pagpapautang para sa pag-alalay sa mga nangangailangan, pagtugon sa mga pangangailangan nila, at pakikipagtulungan sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala.
Ang Kahatulan sa Pagpapautang
Ang pagpapautang ay itinuturing na kaibig-ibig para sa tagapagpautang at pinapayagan para sa tagapangutang. Ipinagbabawal ang pagpapautang kapag nagkasang-ayon ang nagkokontratahan sa pagdaragdag dito. Halimbawa: na mangutang ang isang tao ng 100 Dirham saka magsasakundisyon sa kanya ang tagapagpautang na magsauli ito sa kanya ng 120 Dirham. Ito ay ang patubo, gaya ng darating na pagtatalakay sa susunod na aralin.
Ang Ikatlong Kontrata Ang Kontrata ng Lagak
Tinatawag ito na kontrata ng ipinagkakatiwalang bagay. Ito ay kabilang sa mga kontrata ng pag-aabuloy at pampalapit-loob [kay Allāh] na ibinibilang na kaibig-ibig para sa Muslim ang pagkontrata nito.
Binibigyang-kahulugan "ang lagak" na ito ay: Ang ari-arian na inilagay sa iba upang ingatan niya ito nang walang kabayaran. Halimbawa: na magbigay si Muḥammad ng 1,000 Dolyar kay Khālid upang ingatan nito iyon sa yugto ng isang taon, pagkatapos kukunin iyon ni Muḥammad sa katapusan ng yugto.
Ang Pagkaisinasabatas ng Paglagak at ang Kasanhian Nito Ang paglalagak ay isinasabatas batay sa sabi ni Allāh: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito.} (Qur'ān 4:58)
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nag-utos ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na magpaiwan para sa kanya sa Makkah hanggang sa maisauli nito para sa Sugo ni Allāh ang mga lagak na nasa kanya sa mga tao.} As-Sunan Al-Kubrā ni Imām Al-Bayhaqīy 6/472. Nagsabatas nga si Allāh ng paglalagak dahil sa dulot nito na pakikipagtulungan sa pag-iingat ng mga ari-arian ng mga Muslim at pagpapatibay sa kapatiran sa gitna nila.
Ang Kahatulan sa Lagak
Ang paglalagak ay itinuturing na kaibig-ibig. Ito ay nagiging kinakailangan kapag pinaglalagakan ay nakakakaya sa pag-iingat sa lagak at nakaalam na ang mga ari-arian ng nagpapalagak ay magdaranas ng pagkasira. Ipinagbabawal ang paglalagak kapag ang pinaglalagakan ay hindi nakakakaya sa pag-iingat nito o ang lagak mismo ay ipinagbabawal gaya ng alak.
Kabilang sa mga patakaran ng paglalagak:
1. Na ito ay isang kontratang hindi obligado sa dalawang panig kaya pinapayagan para sa isa sa nagkokontratahan na magpawalang-saysay nito kailanman niya loobin.
2. Ang nilalagakan ay hindi kumukuha ng upa kapalit ng pag-iingat ng lagak dahil ang lagak ay kabilang sa mga kontrata ng mga pag-aabuloy.
3. Ang mga maidadagdag sa lagak (gaya ng baka na nanganganak) ay para sa tagapagmay-ari nito at ang mga gugulin ng lagak (gaya ng pagkain at gamot) ay kailangan sa kanya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako ng kahatulan.
Basahin mo ang mga sumusunod na patunay, pagkatapos takdaan mo ang kahatulan na pinatutunayan ng mga ito mula sa sumusunod: (Ipinagbabawal sa tagapangutang na maglayon ng hindi pagsasauli ng utang - Hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng pagbabayad ng utang sa tinakdaang petsa nang walang maikakatwiran - Itinuturing na kaibig-ibig para sa tagapangutang ang magpaliban ng oras ng pagbabayad kapag hindi nakaya ng tagapangutang ang magbayad). Itala mo ang kahatulan sa katapat ng patunay nito.
Ang mga Patunay / Ang Kahatulan na Pinatutunayan ng mga Ito
Nagsabi si Allāh: {Kung naging may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 2:280)
Itinuturing na kaibig-ibig para sa tagapangutang ang magpaliban ng oras ng pagbabayad kapag hindi nakaya ng tagapangutang ang magbayad.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang tumanggap ng mga ari-arian ng mga tao, na nagnanais ng pagsauli ng mga ito, magsasauli si Allāh para sa kanya; at ang sinumang tumanggap ng mga ito, na nagnanais ng pagsira sa mga ito, sisira sa kanya si Allāh." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2387.
Ipinagbabawal sa tagapangutang na maglayon ng hindi pagsasauli ng utang.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-aantala ng pagbayad ng mayaman ay kawalang-katarungan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2287 at Imām Muslim: 1564.
Hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng pagbabayad ng utang sa tinakdaang petsa nang walang maikakatwiran.
Aktibidad 2: Magbibigay-katwiran ako.
Pagbulay-bulayan mo ang mga sumusunod na kontrata, pagkatapos ipaliwanag mo ang kadahilanan ng hindi katumpakan ng mga ito.
Ang Kontrata / Ang Kadahilanan ng Hindi Katumpakan Nito
Nagsangla ang isang tao ng ninakaw na kotse niya sa kasamahan niya / Ang kawalan ng kakayahan sa pagpapaabot ng sangla.
Nagpautang si Muḥammad sa kapitbahay niya ng 50 Riyal sa kundisyon na magsauli siya nito sa halagang 60 Riyal / Dahil ito ay patubo.
Naglagak si Aḥmad ng mga ari-arian niya sa kapitbahay niya kapalit ng 100 Riyal sa isang taon / Dahil hindi natutumpak ang pagkuha ng upa sa kontrata ng paglalagak.
Naglagak ang magsasaka ng baka niya sa kapitbahay niya sa kundisyon na sasagutin ng kapitbahay ang mga gugulin ng pagpapagamot dito / Dahil ang mga gugulin ng lagak ay kailangan sa tagapagmay-ari nito.
Aktibidad 3: Magtatala ako ng saloobin ko.
Linawin mo ang tumpak na aksiyon na nararapat sa iyo na gawin sa mga sumusunod na senaryo.
Ang Senaryo / Ang Tumpak na Aksiyon
Nagpabatid sa iyo ang isang tao na ang pagsasangla ay kinasusuklaman dahil ay nagpapatunay sa kawalan ng tiwala sa pagitan ng mga Muslim.
Nagnais ka ng pagsasangla ng kapitbahay mo saka nagpabatid siya sa iyo na siya ay magbibigay sa iyo ng 10 bote ng alak.
Nangutang sa iyo ang kasamahan mo ng isang halaga ngunit hindi niya nakaya na magbayad nito sa napagkasunduang oras.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Kinukuha ang lagak para garantiya ng pagbabayad ng utang kapag nag-imposible ang pagtupad. (X)
2. Ang utang ay isang pagpasa ng isang ari-arian sa makikinabang dito at isasauli ang kapalit nito, bilang paghiling ng gantimpala mula kay Allāh. (✓)
3. Ang pagbibigay ng pautang ay kinakailangan sa tagapagpautang at itinuturing na kaibig-ibig sa tagapangutang. (X)
4. Kinakailangan ang lagak kapag ang pinaglalagakan ay naging hindi nakakakaya sa pag-iingat nito. (X)
5. Pinapayagan para sa bawat isa sa nagkokontratahan ang magpawalang-saysay sa paglalagak kailanman niya loobin. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kapag humiling ang tagapagpautang ng isang karagdagan sa halaga ng utang, tunay na ang kontratang ito ay:
(ipinagbabawal dahil ito ay patubo - itinuturing na kaibig-ibig dahil ito ay utang - kinasusuklaman dahil sa paghiling niya ng karagdagan).
2. Kabilang sa mga kundisyon ng nakasanglang pisikal na bagay na ito ay:
(isang ari-ariang natutumpak ang pakikinabang dito - maraming ari-ariang - mga pera at orasyon (ruqyah)).
3. Hindi kumukuha ang nilalagakan ng upa kapalit ng pag-iingat ng lagak dahil ito ay:
(isang kontratang kinakailangan - isang kontratang pinapayagan - isang kontrata ng pag-aabuloy).
4. Ang sabi ni Allāh: {Kung kayo ay nasa isang paglalakbay at hindi kayo nakatagpo ng isang tagasulat, mga sanglang mapanghahawakan [ang kapalit].} ay nagpapatunay sa:
(pagkakinakailangan ng pagsasangla - pagkaisinasabatas ng pagsasangla - pagkasuklam sa pagsasangla).
5. Isinabatas ng Islām ang paglalagak dahil taglay nito na:
(pag-iingat ng ari-arian - pagpapalitan ng ari-arian - pagkadagdag ng ari-arian).
PANUTO 3: Maghambing ka sa pagitan ng kontrata ng sangla, kontrata ng utang, at kontrata ng lagak ayon sa hinihiling sa sumusunod na talahanayan:
Ang Anyo ng Paghahambing / Ang Kontrata ng Sangla / Ang Kontrata ng Utang / Ang Kontrata ng Lagak
Ang Tinutukoy Rito
Ang Kahatulan Dito
Ang Patunay Rito
Ang Halimbawa Nito
5. Ang Patubo
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-kahulugan ka sa patubo;
2. makahango ka ng patunay sa pagkabawal ng patubo;
3. makatalos ka sa kaibahan sa pagitan ng patubo sa mga utang at patubo sa mga pagbebenta;
4. makapaghalimbawa ka ng patubo sa mga utang at patubo sa mga pagbebenta;
5. makapagpaliwanag ka sa mga kundisyon ng pagbebenta ng anim na uri sa pamamagitan ng iba sa mga ito;
6. makapagsadamdamin ka sa panganib ng patubo sa buhay natin.
Ang patubo (ribā) ay kabilang sa mga ipinagbabawal, na dumarami ang pag-uusap tungkol sa mga ito, dahilan sa pagkalaganap nito at pagsasalegal ng paggawa ayon dito sa mga bangko. Sa araling ito, matututuhan natin ang pinakamahalaga sa mga usapin ng patubo, kaya magsigasig ka, kapatid kong mag-aaral, sa pagkatuto ng mga patakarang ito.
Ang Pagbibigay-kahulugan sa Patubo
Ang patubo ay: ang karagdagan sa mga bagay na itinangi. (Ang mga ito ay ang mga bagay na ipinagbawal ng Sharī`ah ang patubo sa mga ito. Tatalakayin ang detalye ng mga ito sa sandali ng paglilinaw sa mga uri ng patubo.)
Ang Kahatulan sa Patubo
Ang patubo ay ipinagbabawal. Ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala ayon sa patunay ng Marangal na Qur'ān, Pampropetang Sunnah, at Ijmā` (Pagkakaisa sa Hatol). Nagsabi si Allāh: {Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275) Sa ḥadīth naman: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang tagapakinabang ng patubo, ang tagapagpakinabang nito, ang tagasulat nito, at mga tagasaksi nito. Nagsabi siya: "Sila ay magkapantay."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1596. Nagkaisa ng hatol ang Kalipunang Islām sa pagbabawal ng patubo.
Ang mga Uri ng Patubo
Ang Unang Uri: Ang Patubo sa mga Utang
Ito ay isang karagdagang isinasakundisyon sa utang. Para bang mangutang ang isang tao ng 100 Dolyar at magsakundisyon ang tagapagpautang ng pagsauli nito ng 110 Dolyar, kaya naman ang karagdagang ito sa utang ay patubo na ipinagbabawal ayon sa pagkakaisa sa hatol.
Ang Ikalawang Uri: Ang Patubo ng mga Pagbebenta (Ang Patubo ng Pagkalabis)
Ito ay ang pagbebenta ng isang uri mula sa anim na uri kapalit ng tulad nito kasama ng isang karagdagan sa isa sa dalawa. Ang Anim na Uri ay ang sumusunod: ang ginto, ang pilak, ang trigo, ang sebada, ang datiles, at ang asin.
Ang halimbawa nito: na magbenta si Muḥammad kay Khālid ng isang kilo ng trigo kapalit ng isang kilo at kalahati ng trigo.
Ang kahatulan dito: ang patubo ng pagkalabis, ipinagbabawal ayon sa mga teksto ng Pampropetang Sunnah. Kabilang sa mga patunay ng pagbabawal dito ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ginto ay kapalit ng ginto, ang pilak ay kapalit ng pilak, ang trigo ay kapalit ng trigo, ang sebada ay kapalit ng sebada, ang datiles ay kapalit ng datiles, at ang asin ay kapalit ng asin: [pagbabayad] sa isang tulad ng isang tulad, ng isang kapantay sa isang kapantay, ng isang kamay sa isang kamay. Kapag naman nagkaiba-iba ang mga uring ito, magbenta kayo kung papaanong niloob ninyo, kapag ito ay pagbabayad ng isang kamay sa isang kamay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1587. Sa isang salaysay naman: "... [pagbabayad] sa isang tulad ng isang tulad, at sa isang kamay ng isang kamay, ngunit ang sinumang nagdagdag o nagpadagdag, ay nagpatubo nga: ang tagakuha at ang tagabigay rito ay magkapantay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1584.
Mga Usapin sa Patubo
Ang Unang Usapin Ang Unang Usapin. Sa sandali ng pagbebenta ng alinmang uri kabilang sa Anim na Uri kapalit ng kauri nito (gaya ng pagbebenta ng ginto kapalit ng ginto o pagbebenta ng datiles kapalit ng datiles), may isinasakundisyong dalawang kundisyon:
1. Ang pagkakatulad-tulad sa kantidad, gaya ng pagbebenta ng 3 gramo ng ganito kapalit ng 3 gramo ng ginto;
2. Ang pagkuha sa pinagdarausan ng kontrata, kaya naman hindi natutumpak ang pagpapahuli ng pagkuha ng ibinenta matapos ng pagdaos ng kontrata.
Hinggil naman sa kapag nagkaiba-iba ang mga uri, gaya ng nagbebenta ng trigo kapalit ng sebada o ng ginto kapalit ng pilak, dito ay kinakailangan ang pagkuha sa pinagdarausan ng kontrata at hindi isinasakundisyon ang pagkakatulad-tulad sa kantidad. Kaya naman natutumpak, halimbawa, na magbenta ng 8 kilo ng sebada kapalit ng 10 kilo ng trigo, sa kundisyon na ang pagkuha ay sa pinagdarausan ng pagkokontratahan.
Ang Ikalawang Usapin Isinasakundisyon sa palitan ng pera (pagbili ng isang currency kapalit ng ibang currency) ang pagkuha sa pinagdarausan ng kontrata. Kaya kung sakaling may dumating na isang lalaki sa isang tagapagpalit ng pera at nagbigay siya rito ng isang lokal na pera kapalit ng isang dayuhang pera sa kundisyon na dalhin ang mga ito sa kanya matapos ng isang oras, halimbawa, hindi ito pinapayagan. Hindi rin isinasakundisyon ang pagkakapantayan sa pagitan ng halaga ng dalawang currency.
Ang Ikatlong Usapin Kapag nagbalik-loob ang tagapakinabang ng patubo, tunay na siya ay kukuha ng puhunan niya lamang. Hindi pinapayagan sa kanya ang kumuha ng karagdagan doon batay sa sabi ni Allāh: {Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan.} (Qur'ān 2:279)
Ang Ikaapat na Usapin Pinapayagan ang pagmamadali sa pagbayad ng utang bago ng oras nito kapalit ng pagpapaubaya sa isang bahagi nito, tulad ng pagiging ang isang tao ay may utang na 1,000 Dolyar, na ang petsa ng pagbabayad nito ay matapos ng isang taon. Makapag-aalok siya na magbayad ng 900 Dolyar lamang kapalit ng pagbabayad nito bago ng petsa. Kung sumang-ayon ang tagapagpautang, ito ay pinapayagan. Ang usaping ito ay tinatawag na "ilagay at madaliin."
Ang Ikalimang Usapin Nag-aalok ang ilan sa mga tindahan ng pagpapalit ng dalawang lumang paninda sa isang bagong paninda (gaya ng mga kotse at mga kagamitang pambahay). Ang anyong ito ay pinapayagan sa kundisyon na ito ay sa hindi Anim na Uri na nabanggit sa ḥadīth.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako sa mga kaklase ko.
Nagbawal ang Islām sa patubo dahil ito ay isang pagkita nang walang trabahong mabunga at dahil sa taglay nito na kawalang-katarungan. Sa pakikilahok sa mga kaklase mo, magsulat ka ng tatlo sa mga pinsala ng patubo sa individuwal at lipunan.
Ang mga Pinsala ng Patubo sa Individuwal Ang mga Pinsala ng Patubo sa Lipunan
Nadaragdagan ang maralita ng karalitaan / Nakapipinsala Ito sa ekonomiyang pangkalahatan
Hinahatak nito ang bagabag at ang lungkot / Pinupuksa nito ang pagpapala
Nahahantad siya sa galit ni Allāh / Nagdadahilan ito ng inflation
Aktibidad 2: Hahango ako.
Nagsasabi si Allāh: {O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya. Ngunit kung hindi ninyo ginawa, tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan.} (Qur’an 2:278-279)
Hanguin mo sa dalawang āyah:
1. Ang mga utos na ipinag-utos ni Allāh.
Ang pangingilag magkasala - Ang pagwaksi sa patubo - Ang pagkuha sa puhunan nang walang karagdagan.
2. Ang panganib ng pakikinabang sa patubo
Ang pakikidigma ni Allāh at ng Sugo Niya sa tagapakinabang sa patubo.
3. Ang pamamaraan ng pagbabalik-loob mula sa pakikinabang sa patubo.
Ang pagkuha sa puhunan nang walang karagdagan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang patubo sa mga utang ay: ang pagbebenta ng isang uri mula sa Anim na Uri kapalit ng tulad nito kasama ng isang karagdagan sa isa sa dalawang ito. (X)
2. Pinapayagan ang pagbebenta ng dalawang gramo ng bagong pilak kapalit ng dalawang gramo ng lumang pilak ayon sa kundisyon ng pag-aabutan. (✓)
3. Ipinagbabawal ang pagpapalit ng isang bagong telepono sa dalawang lumang telepono dahil ito ay kabilang sa patubo. (X)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1, Kapag ipinagpalit ni Aḥmad ang dalawang kotse sa isang kotse, tunay na ang transaksiyong ito ay:
(pinapayagan - kinasusuklaman - ipinagbabawal).
2. Ang nagbebenta ng trigo kapalit ng trigo o ng ginto kapalit ng ginto, kailangan sa kanya:
(ang pag-aabutan nang walang pagkakatulad-tulad - ang pagkakatulad-tulad nang walang pag-aabutan - ang pag-aabutan at ang pagkakatulad-tulad).
3. Kapag nagnais ang isang tao na bumili ng trigo kapalit ng taglay niya na ginto, tunay na kinakailangan:
(ang pagkakatulad-tulad at ang pag-aabutan - ang pag-aabutan sa pinagbilihan - ang pagkakatulad-tulad sa kantidad)
4. Ang kahatulan ng pagbebenta ng 4 gramo na lumang ginto kapalit ng 3 gramo ng bagong ginto ay:
(ang pagkabawal - ang pagpayag - ang pagkasuklam).
PANUTO 3: Basahin mo ang mga sumusunod na halimbawa, pagkatapos ilagay mo ang tanda na (✓) sa tumpak na lugar.
Ang Halimbawa: Patubo / Hindi patubo
Nagbenta si Hind ng 3 kilo ng asin na masama ang kalidad kapalit ng 2 kilo ng asin na mahusay ang kalidad. ✓
Bumili si `Umar ng isang telepono at natanggap niya ito kapalit ng 100 Dolyar na babayaran niya matapos ng dalawang buwan. Hindi patubo.
Sumapit ang oras ng pagbabayad ng utang kaya hiniling ng nangutang ang pagpapaliban ng bayad kapalit ng karagdagan sa utang. ✓
Sumang-ayon ang tagapagpautang sa pagbabayad sa utang nang kulang ng nangutang kapalit ng pagmamadali nito. Hindi ito patubo.
Ipinagpalit ng isang tao ang 100 Dolyar sa 150 ng currency ng bayan niya at nakuha niya ito sa oras ng transaksiyon. Hindi patubo.
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magbuod ka ng pinag-aralan mo tungkol sa patubo ng pagkalabis.
2. Magsulat ka ng dalawang patunay mula sa mga patunay ng pagbabawal sa patubo.
6. Ang mga Sosyohan
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa mga kasanhian ng pagsasabatas ng mga sosyohan;
2. makapagpakilala ka sa pinakamahalaga sa mga matandang sosyohan;
3. makapagpakilala ka sa pinakamahalaga sa mga kontemporaryong sosyohan;
4. makapagbuod ka sa mga kundisyon ng mga sosyohan sa fiqh na Islāmiko;
5. makapagbigay-linaw ka sa mga patakaran ng pagbabaha-bahagi ng mga tubo at mga kalugihan sa mga sosyohan;
6. magsigasig ka sa pagpapalago ng mga yaman mo sa pamamagitan ng mga pinapayagang paraan.
Lumitaw ang mga sosyohan upang tugunin ang pangangailangan ng mga tao sa pagpapalago ng yaman at pagpupuhunan nito. Kabilang sa mga kagandahan ng Sharī`ah na ito ay nagpahintulot sa pagsosyohan ng mga tao alang-alang sa pangangalakal at tubo. Doon ay may lang kapakanan yayamang tunay na
* Ang ilan sa mga tao ay nagmamay-ari ng yaman subalit hindi nakatatagpo ng oras para sa pagpapalago nito o hindi mahusay sa pagpupuhunan nito.
* Ang ilan sa mga tao ay may karanasan at oras sa pangangalakal ngunit hindi nagmamay-ari ng yaman para sa pagpupuhunan nito.
* Ang ilan sa mga tao ay nagmamay-ari ng yamang hindi nakasasapat para sa pagpupuhunan kaya nangangailangan para makisosyo sa iba.
Dahil doon, pinahintulutan ng Sharī`ah ang mga sosyohan upang magtulungan ang mga tao para sa pagsasakatuparan ng kapakanan ng individuwal at lipunan.
Ang mga Uri ng mga Sosyohan
Nang dumating ang Islām, mayroong ilang uri ng sosyohan. Kinilala nga ng Islām ang mga sosyohan na hindi naglalaman ng isang ipinagbabawal. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang Sosyohan ng Kapantay (`Inān) Ito ay ang pagsososyo ng dalawang tao o higit. Magbibigay ang bawat isa sa kanila ng isang halaga ng salapi at magsososyo sa trabaho. Ang tubo sa kanila ay alinsunod sa isang proporsiyong pinagkasang-ayunan nila. Hinggil naman sa kalugihan, alinsunod ito sa proporsiyon ng bawat isa sa kanila sa puhunan.
2. Ang Sosyohan ng Pagpapanegosyo (Muḍārabah) Ito ay ang pagiging ang puhunan ay mula sa isang kasosyo o higit sa isa at ang trabaho ay mula sa ibang kasosyo. Ang tubo ay hahatiin sa kanila alinsunod sa proporsiyon na napagsang-ayunan nila. Ang halimbawa nito ay na magbigay si Ibrāhīm ng 1,000 Dolyar kay Aḥmad upang makipagkalakalan ito sa kundisyon na ang tubo ay paghahatian nila o ayon sa proporsiyon na napagsang-ayunan nila. Hinggil naman sa kalugihang pampananalapi, magpapasan nito si Ibrāhīm at malulugi si Aḥmad sa pagpupunyagi niya at pagtatrabaho niya.
3. Ang Sosyohan ng mga Katawan Ito ay ang pagsosyohan ng dalawang tao o higit pa sa mga gawaing pangkatawan. Ang tubo sa kanila ay alinsunod sa proporsiyon na napagsang-ayunan nila. Ang sosyohang ito ay nababagay sa mga tao na mayroong mga kasanayan at mga karanasan subalit hindi nagmamay-ari ng salapi, kaya magsososyo sila sa trabaho kasama ng pagbaha-bahagi ng mga tubo. Ang halimbawa nito ay ang pagsosyohan ng dalawang dalubhasa sa kompyuter sa ilan sa mga trabaho: magtatrabaho ang isa sa kanila sa programming at ang isa naman ay sa pagdidisenyo, pagkatapos magbabaha-bahagi sila ng mga tubo ayon sa proporsiyon na napagsang-ayunan nila.
Sa kasalukuyang panahon, may lumitaw na mga uri ng mga sosyohan, na kabilang sa pinakaprominente sa mga ito:
1. Ang Sosyohan ng Pagtutuwangan (Joint-liability Company) Ito ay isang sosyohang pangkalakalan ng dalawang tao o higit pa. Dito, ang bawat kasosyo ay responsable sa isang responsabilidad na pampagtutuwangan at hindi nalimitahan sa mga utang ng sosyohan. Ang tubo sa kanila ay alinsunod sa proporsiyon sa puhunan o ayon sa napagsang-ayunan nila. Hinggil naman sa kalugihan, kinakailangan na ito ay maging alinsunod sa proporsiyon sa puhunan. Magpapasan ang lahat ng mga sosyo ng mga utang ng sosyohan mula sa mga salapi nilang personal.
2. Ang Sosyohan ng Pakikibahagi (Joint Venture) Ito ay isang sosyohang pangkalakalang naisasagawa sa pagitan ng dalawang tao o higit pa. Ang sosyohang ito ay hindi naisasagawa ang pagpaparehistro nito sa mga opisyal na kawanihan ng estado. Wala itong pangalang pangkalakalan. Nagsasagawa ang isa mga kasosyo ng paglagda sa mga kontrata ng sosyohan sa mga ibang tao. Ibinabaha-bahagi ang mga tubo alinsunod sa mga bahagi (mga proporsiyon ng pakikisosyo) o ayon sa pagkakaluguran ng mga kasosyo. Hinggil naman sa kalugihan, alinsunod ito sa mga proporsiyon ng pakikisosyo.
3. Ang Sosyohan na Pinagsamang Sapi (Joint-stock Company) Ito ay isang sosyohan ng isang bilang ng mga tao, na maaaring hindi nakakikilala ang isa't isa sa kanila. Hinahati rito ang puhunan sa mga maliit na parte na tinatawag na sapi (stock). Isinasagawa ang paglipat-lipat ng mga sapi na ito sa mga tao sa pamamagitan ng pagbebenta at pagbili.
Ang mga Kundisyon ng Katumpakan ng Sosyohan
Ang batayang panuntunan sa mga sosyohan, gaya ng nalalabi sa mga transaksiyon, ay ang katumpakan at ang pagpayag. Kaya naman pinapayagan para sa tao na makisosyo sa alinmang sosyohan sa kundisyon na hindi maglaman ang sosyohan ng mga aktibidad na ipinagbabawal o mga sinasawata ng Sharī`ah.
Naipatutupad sa mga sosyohan ang mga kundisyong pangkalahatan para sa katumpakan ng mga kontrata, na naunang nang tinalakay, karagdagan sa sumusunod:
1. Na ang aktibidad ng sosyohan ay pinapayagan, kaya naman hindi pinapayagan ang pagsosyo sa mga sosyohan na nakikipagkalakalan ng mga ipinagbabawal o nagkakaloob ng mga serbisyong ipinagbabawal gaya ng produksiyon ng mga alak, mga sigarilyo, at iba pa sa mga ito.
2. Na hindi maglaman ang mga transaksiyon ng sosyohan ng patubo, kaya naman hindi natutumpak ang pagsosyo sa mga sosyohan na nakikipagtransaksiyon ng patubo dahil ito ay ipinagbabawal.
3. Na ang puhunan ay nalalaman at natatakdaan at gayon din ang parte ng bawat kasosyo mula sa mga kasosyo bilang paghadlang sa salungatan at alitan sa pagitan ng mga kasosyo.
4. Na ang parte ng kasosyo mula sa tubo ay maging natatakdaan sa pamamagitan ng isang palasak na bahagi (gaya ng kalahati o isang kapat o isang katlo) o sa pamamagitan ng porsiyento (gaya ng 40% o 50%) at hindi pinapayagan ang pagtatakda ng tubo sa pamamagitang ng isang halagang tinakdaan (gaya ng 1,000 Dirham sa isang taon).
5. Na ang kalugihan ay maging alinsunod sa parte ng kasosyo sa puhunan, kaya kung sakaling ang parte ng kasosyo sa puhunan ay naging 35%, tunay na siya ay magpapasan mula sa kalugihan sa proporsiyon na 35% at hindi pinapayagan na magpasan siya ng higit na marami kaysa roon o higit na kaunti kaysa roon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbibigay-katwiran ako.
Bigyang-katwiran mo ang kamalian sa bawat halimbawa mula sa mga sumusunod na halimbawa at itala mo ang sagot mo sa sumusunod na talahanayan:
Ang Halimbawa / Ang Pagbibigay-katwiran
Nagsabi ang kaklase mo: "Tunay na ang mga sosyohan ay kinasusuklaman ayon sa Sharī`ah." / Pinayagan ng Sharī`ah ang mga sosyohan para sa pagpapalago ng mga salapi.
Nagsabi ang kapitbahay mo: "Ako ay nagmamagaling ng pamumuhunan ng mga salapi ko sa bangko dahil ang bangko ay ginagarantiyahan ang interes." / Nakikipagtransaksiyon ang mga bangko ng ipinagbabawal na patubo.
Nagkasang-ayon ang magkasosyo sa pagtatatag ng isang sosyohan ng pagtutuwangan (joint-liability partnership) sa kundisyon na magpasan ang isa sa magkasosyo ng mga kalugihan nang mag-isa. / Walang pag-iwas sa pagtutuwangan ng magkakasosyo sa pagpasan sa mga kalugihan ng sosyohan.
Tumanggi ang isang kasosyo sa pagpasan ng mga kalugihan sa sosyohan ng pakikibahagi (joint venture) dahil ang sosyohan ay hindi nakarehistro ayon sa batas. / Kinakailangan ang magpasan ng mga kalugihan ayon sa relihiyon, kahit pa ang sosyohan (kompanya) ay hindi nakarehistro ayon sa batas.
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Pagbulay-bulayan mo ang mga halimbawa ng mga sumusunod na sosyohan, pagkatapos ilagay mo ang tanda na (✓) sa tumpak na lugar, pagkatapos itala mo ang nawawalang kundisyon para sa katumpakan ng mga sosyohang hindi tumpak.
Ang Sosyohan / Ang Kahatulan / Ang Kundisyon na Hindi Naisakatuparan
Tumpak / Hindi tumpak
Nagsosyo ang dalawang tao sa pagtatatag ng isang kompanya para sa produksiyon ng gatas subalit ito ay nakikipagtransaksiyon sa patubo. Hindi tumpak / Na hindi maglaman ng patubo ang mga pakikipagtransaksiyon ng kompanya.
Lumahok ang isang tao sa isang sosyohan ng pagtutuwangan (joint-liability partnership) at nagbayad siya ng isang halagang hindi nalalaman ng mga kasosyo niya. Hindi tumpak / Na ang puhunan ay maging nalalaman at natatakdaan.
Nagsosyo ang dalawang binata sa pagtatatag ng isang kompanya ng pagkukumpuni ng mga kotse, kalakip ng pagbabaha-bahagi ng mga tubo sa kanilang dalawa nang magkapantay. ✓
Lumahok si Ibrāhīm sa isang sosyohan ng kapantay (`inān) at nagsakundisyon siya na kukuha mula sa mga tubo ngunit hindi siya magpapasan ng mga kalugihan. / Hindi tumpak / Na ang kalugihan ay alinsunod sa parte ng magkakasosyo sa puhunan.
Aktibidad 3: Makikilahok ako sa kaklase ko.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kaunti sila."} (Qur'ān 38:24) Sa pagsangguni sa pagpapakahulugan ng āyah na ito at sa pakikilahok sa kaklase mo, tugunin mo ang sumusunod:
1. Isulat mo ang ugnayan ng marangal na āyah sa paksa ng aralin.
Nagsasalita ang āyah tungkol sa mga sosyohan at na ang ilan sa mga kasosyo ay lumalabag sa katarungan sa kasosyo nila.
2. Magtala ka ng tatlong katangian na nararapat na magtaglay ng mga ito ang mangangalakal o ang kasosyong Muslim.
Ang katapatan - Ang Pagkamapagkakatiwalaan - Ang kaseryosohan at ang pagsusumikap
3. Ipaliwanag mo ang kapinsalaan ng kataksilan sa mga kontrata at mga sosyohan sa individuwal at lipunan.
Kapag lumaganap ang kataksilan sa mga kontrata at mga sosyohan, tunay na ang mga trabaho ay matitigil at mawawalan ang mga tao ng mga salapi nila at mga empleyo nila. Ito ay may isang malaking kapinsalaan sa individuwal at lipunan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang batayang panuntunan sa mga sosyohan ay ang pagpayag hanggat hindi naglaman ang mga ito ng isang bagay na ipinagbabawal. ✓
2. Ang sosyohan ng pagpapanegosyo (muḍārabah) ay nilalahukan ng mga kasosyo para sa pagtatrabaho ng mga katawan nila. X
3. Ang sosyohan ng pakikibahagi (joint venture) ay hindi pinapayagan dahil ito ay hindi nakarehistro ayon sa batas. X
4. Pinapayagan ang pagbabaha-bahagi ng mga tubo sa sosyohan ng pagtutuwangan (joint-liability partnership) alinsunod sa pagkasang-ayon. ✓
5. Ang pagbabaha-bahagi ng mga kalugihan sa sosyohan ng pakikibahagi (joint venture) ay alinsunod sa pagkakasang-ayon. X
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
Ang sosyohan na hindi isinasailalim sa mga hakbangin ng legal ng pagpapahayag ay ang sosyohan ng:
(pagtutuwangan - pagtatagubilin - pakikibahagi).
Kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng mga sosyohan na ang mga aktibidad ng mga ito ay maging:
(pinapayagan - pinatanyag - kabilang sa kinakailangan ng mga tao).
Ang pagbabaha-bahagi ng mga kalugihan sa mga sosyohan ay alinsunod sa:
(proporsiyon ng bawat kasosyo - kalagayan ng bawat kasosyo - pagkakasang-ayon sa pagitan ng mga kasosyo).
PANUTO 3: Ulitin mo ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng taglay ng mga ito na mga kamalian.
1. Nagsosyo ang magkasosyo sa sosyohan ng pagpapanegosyo (muḍārabah) sa pagbigay ng puhunan at nagsosyo sila sa trabaho.
2. Nahahati sa mga sapi ang puhunan sa sosyohan ng pakikibahagi.
3. Isinasakundisyon na ang tubo ng bawat kasosyo mula sa mga kasosyo ay natatakdaan sa proporsiyong 50% ng tubo.
PANUTO 4: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Isulat mo ang pinapakay sa sosyohan ng pagpapanegosyo (muḍārabah) at magbigay ka para rito ng isang halimbawa.
2. Mag-isa-isa ka ng tatlo sa mga kundisyon ng katumpakan ng mga sosyohan sa fiqh na Islāmiko.
3. Ang mga Operasyong Pambangkong Kontemporaryo
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-kahulugan ka sa pagbebenta ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili;
2. makapaglinaw ka sa kahatulan ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili;
3. makapaghambing sa pagitan ng debit card, credit card, at charge card;
4. makatalos ka sa kaibahan sa pagitan ng current deposit at investment deposit;
5. makasapi ka ng kahatulan ng mga investment deposit;
6. makapaghalaga ka kakayahang umangkop ng Sharī`ah at kaangkupan nito para sa bawat panahon at lugar.
Lumaganap ang mga bagong sistema sa mga reyalidad na pang-ekonomiyang moderno, kaya naman kailangan sa atin na mag-aral ng mga ito upang malaman natin ang paninindigan ng Sharrī`h sa mga ito. Sa araling ito, mag-aaralan tayo ng apat mula sa mga ito.
Una. Ang Pagbebenta ng Pakikipagtubuan ng Tagapag-utos ng Pagbili
Ang pagbebenta ng pakikipagtubuan ay kabilang sa mga pagbebenta ng pagkamapagkakatiwalaan. Ang mga ito ay mga pagbebentang nakasalig sa pagkamapagkakatiwalaan ng tagapagbenta sa pagpapabatid sa mamimili hinggil sa presyo na pinagbilhan ng paninda. Ang mga ito ay pinapayagan ayon sa Sharī`ah. Kabilang sa mga anyo ng mga ito na pinayagan ng mga maalam:
Ang pagbebenta ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili ay: na magbenta ang bahay-kalakal sa kliyente na nag-utos rito ng pagbili ng panindang iyon kasama ng paglalagay ng bahay-kalakal ng isang karagdagan sa presyo nito (ang tubo) matapos ng pagtatakda ng karagdagang iyon sa pangako.
Ang Halimbawa ng Pagbebenta ng Pakikipagtubuan ng Tagapag-utos ng Pagbili Nagnanais si Fāṭimah na bumili ng isang kotse sa halagang 90 libong Riyal na cash subalit siya ay hindi nagtataglay ng salapi kaya pumunta siya sa bangkong Islāmiko. Nagpabatid siya rito ng mga specification ng kotse at presyo nito para bilhin ng bangko ang kotse sa halagang 90 libong Riyal na cash at ipasok ito sa pag-aari ng bangko. Pagkatapos ibebenta ng bangko ang kotse kay Fāṭimah sa halagang 100 libong Riyal. Babayaran ito ni Fāṭimah nang hulugan.
Isinasakundisyon sa pagpayag sa pagbebenta ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili na hindi maganap ang transaksiyon sa pagitan ng tagapag-utos ng pagbili at ng bangko malibang matapos mabili ng bangko ang paninda mula sa orihinal na tagapagbenta at maaari nito iyon upang hindi maging bilang bahagi ng "pagbebenta ng hindi minamay-ari" na sinasaway ayon sa Sharī`ah.
Ikalawa. Ang Debit Card (larawan ng debit card)
Ito ay isang card na pambangko na naglalagay rito ang may-ari nito ng isang halaga ng salapi at maaari sa kanya na maglabas ng halagang ito kailanman niya loobin o magbayad sa pamamagitan nito ng halaga ng mga pinamili niya mula sa mga shopping center subalit siya ay hindi makakakaya na magbayad malibang ayon sa kantidad ng aktuwal na deposito niya sa bangko.
Ang debit card ay pinapayagan dahil ang tao ay naglalabas mula sa mga impok niya.
Ikatlo. Ang Credit Card at ang Charge Card (larawan ng credit card na Visa)
Ito ay isang card na pambangko na makakakaya ng may-ari nito ang maglabas mula sa deposito niya kailanman niya loobin o ipambayad ito sa halaga ng mga pinamili niya mula sa mga shopping center. Sa kalagayan ng pagkaubos ng deposito ng kliyente, maaari sa kanya na mangutang sa pamamagitan ng card na ito mula sa bangko ng isang halagang tinakdaan sa isang yugtong tinakdaan. Kung nagsagawa ang kliyente ng pagbabayad ng utang bago ng katapusan ng yugtong tinakdaan, walang karagdagang sisingilin sa kanya. Kung nahuli siya petsang tinakdaan, madadagdagan sa kanya ang ilan sa mga interes.
Ang credit card at ang charge card ay hindi pinapayagan ang pakikipagtransaksiyon sa pamamagitan ng mga ito dahil ito ay isang patubo (pagpapahuli ng singil sa utang kapalit ng karagdagan). Kapag nakipagtransaksiyon sa pamamagitan nito ang Muslim dahil kailangan, kinakailangan sa kanya ang hindi magpahuli sa oras ng tinakdaan sa pagbabayad ng utang.
Ikaapat. Ang mga Depositong Pambangko
Ang tinutukoy ng mga depositong pambangko ay: na maglagay ang isang tao ng mga salapi sa bangko upang ingatan ang mga ito para sa kanya o ipamuhunan ang mga ito.
Ang mga Uri ng mga Depositong Pambangko Ang mga depositong pambangko ay may sarisaring uri. Magtatalakay tayo mula sa mga ito ng dalawang uri:
Ang Unang Uri: Ang mga Current Deposit
Ito ay ang magbukas ang kliyente ng isang account sa bangko para sa pag-iingat ng salapi niya. Ang bangko ay may karapatan ng bangko sa mga salaping ito para sa kapakanan nito. Bahagi ng karapatan ng kliyente na mabawi niya ang mga salapi niya mula sa bangko kailanman niya loobin nang walang karagdagang sisingilin sa kanya.
Ito ay isang transaksiyon ng pangungutang na pinapayagan dahil ang tagapagdeposito ay bumabawi ng mga salapi niya lamang at hindi kumukuha para sa mga ito ng karagdagan (mga interes).
Ang Ikalawang Uri: Ang mga Investment Deposit
Ito ay ang magbukas ang kliyente ng isang account sa bangko at maglagay rito ng salapi na may layon ng pagpapalago nito, pamumuhunan (investment) nito, at pagkamit ng mga interes at mga tubo.
Nagkakaiba-iba ang kahatulan ngmga ito alinsunod sa uri ng bangko.
1. Sa mga bangkong Islāmiko: Ipinupuhunan ang mga depositong iyon sa transaksiyon ng pagpapanegosyo (muḍārabah), kaya naman ibinibigay ng tagapagdeposito ang mga salapi niya at nagsasagawa naman ang bangko ng pamumuhunan ng mga ito kapalit ng isang proporsiyon ng tubo at nagbibigay ito sa may-ari ng salapi ng isang proporsiyon ng tubo. Papasan ang dalawang panig ng tubo at kalugihan. Dahil doon, ito ay pinapayagan ayon sa Sharī`ah.
2. Sa mga bangkong pampagpapatubo: Ibinibilang ang mga depositong iyon na transaksiyon ng pagpapautang, ibig sabihin: na ang tagpagdeposito ay nagpapautang ng salaping ito sa bangko kapalit ng pagkamit ng isang nalalamang karagdagan. Sa pamamagitan niyon, nagkakamit ang tagapagdeposito ng pakinabang mula sa utang na ito. Ito ay ang patubong ipinagbabawal ayon sa Sharī`ah.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako kasama ng kaklase ko.
Sa pakikipagtulungan kasama ng kaklase mo, magsulat ka ng isang halimbawa para sa bawat isa mula sa sumusunod:
Ang Pagbebenta ng Pakikipagtubuan Bumili si Muḥammad ng isang kotse sa halagang 1,000 Dolyar. Pagkatapos nagpabatid siya kay Ibrāhīm na siya bumili niyon sa halagang ito at nagnanais siya na magbenta niyon kay Ibrāhīm sa halagang 1,200 Dolyar saka sumang-ayon naman si Ibrāhīm.
Ang Pagbebenta ng Pakikipagtubuan ng Tagapag-utos ng Pagbili Humiling si Muḥammad sa bangko na bumili ng isang kotseng tinakdaan sa halagang 100,000 Riyal kaya binili naman ito ng bangko mula sa may-ari. Pagkatapos ipinasa ito ng bangko sa halagang 120,000 Riyal sa ipinagpapalibang pagbayad.
Ang mga Investment Deposit sa mga Bangkong Islāmiko Nagdedeposito si Muḥammad ng halagang 1,000 Riyal sa bangko. Ipinupuhunan ng bangko ang halagang ito sa isang transaksiyon ng pagpapanegosyo (muḍārabah) at pinapasan ng dalawang panig ang tubo at ang kalugihan.
Ang mga Investment Deposit sa mga Bangkong Pampatubo Ito ay ang magpautang ang isang tao ng isang halaga ng salapi sa bangko para isang yugtong tinakdaan kapalit ng pagkamit ng isang nalalaman na karagdagan.
Aktibidad 3: Magbibigay-katwiran ako.
Magsulat ka ng kahatulan ng bawat halimbawa sa sumusunod (pinapayagan - hindi pinapayagan) kasama ng pagbibigay-katwiran.
Ang Halimbawa / Ang Kahatulan / Ang Pagbibigay-katwiran
Nakipagtransaksiyon si Zaynab sa bangko ng isang transaksiyon ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili upang bumili ang bangko para sa kanya ng isang bahay. / Pinapayagan ito / dahil ang pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili ay pinapayagan.
Kumuha si `Umar ng credit card at charge card para ipangutang ng salapi mula sa bangko. / Hindi pinapayagan ito / dahil sa pagkakaroon ng patubo.
Nagdeposito si Fāṭimah ng 10,000 Dirham sa isang bangkong Islāmiko upang mamuhunan ito niyon para sa kanya. / Pinapayagan ito / dahil ito ay isang pakikipagtubuan ayon sa Sharī`ah.
Kumuha ang isang empleyado ng debit card upang magdeposito rito ng buwanang suweldo niya. / Pinapayagan ito dahil sa hindi pagkakaroon ng karagdagan sa suweldo.
Nangamba ang isang na manakaw ang salapi niya kaya idineposito niya ito sa bangko nang walang mga interes. / Pinapayagan ito / dahil wala ditong patubo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagbebenta ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili ay hindi pinapayagan dahil ito ay isang panlalansi para sa patubo. X
2. Ang mga current deposit ay isang transaksiyon ng pagpapautang na hindi humahatak ng isang kapakinabangan. Dahil doon, iyon ay pinapayagan. ✓
3. Ang pagdeposito ng mga salapi sa mga bangkong Islāmiko ay bilang bahagi ng pagpapanegosyo (muḍārabah) na pinapayagan. ✓
PANUTO 2: Ipaliwanag mo ang pinapakay ng bawat isa sa:
(pagbebenta ng pakikipagtubuan para sa tagapag-utos ng pagbili - mga current deposit - mga investment deposit).
PANUTO 3: Papaano mong ipakakahulugan ang pagkakaiba-iba ng kahatulan sa mga investment deposit sa mga bangkong Islāmiko sa mga bangkong pampatubo?
PANUTO 4: Maghambing ka sa pagitan ng debit card at credit card ayon sa hinihiling sa sumusunod na talahanayan:
Ang debit card / Ang anyo ng paghahambing / Ang credit card at ang charge card
Ang mga ito ay mga card na pambangko na nilalagyan ng may-ari ng mga ito ng deposito ng salapi. Maaari sa kanya na maglabas nito o bumili sa pamamagitan nito kailanman niya loobin, nang walang posibilidad ng pagpapautang sa may-ari nito / Ang pinapakay rito / Ang mga ito ay mga card na pambangko na makakaya ng may-ari ng mga ito ang maglabas mula sa deposito niya, kasama ng pagpayag sa pagpapautang sa kanya sa loob ng isang yugto ng panahon.
Pinapayagan / Ang kahatulan nito / Hindi pinapayagan
8. Ang mga Transaksiyong Pampananalaping Kontemporaryo
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaghambing ka sa pagitan ng segurong komersiyal at segurong pampag-aarugaan;
2. makapagpaliwanag ka ng kahatulan ng pagbebenta nang pahulugan;
3. makapagbuod ka ng kahatulan ng pagsali sa mga sosyohan na pinagsamang sapi (joint-stock company);
4. makatalos ka sa kaibahan sa pagitan ng mga patakaran sa mga sapi at mga patakaran sa mga bono (bond);
5. makapagbigay-halaga ka sa papel ng Sharī`ah sa pagsaklaw nito sa mga patakaran sa mga makabagong usapin ng fiqh.
Dumami ang mga uri ng mga transaksiyong kontemporaryo at ang mga uri ng mga ito. Ang bawat isa mula sa mga ito ay may mga patakarang pang-Sharī`ah na natatangi, kaya naman kailangan sa iyo, o kapatid kong mag-aaral, na magpakaeksakto sa pagtalos ng kaibahan sa pagitan ng mga ito at makatalos s amga kadahilanan ng pagbabawal o pagpayag sa bawat isa mula sa mga ito.
Una. Ang Segurong Komersiyal
Ito ay isang kontratang naoobliga rito ang isineguro (insured) sa pagbabayad ng mga salapi sa panig ng pagseseguro kapalit ng pagbabayad sa kanya ng panig ng pagseseguro kung may nangyari sa kanya na mga pinsala.
Ito ay tulad ng seguro sa kotse yayamang nagbabayad ang kliyente ng buwanang premium. Hindi siya nakikinabang dito malibang kapag may naganap sa kanya na isang aksidente ng kotse sapagkat magbabayad ang kompanya ng seguro bilang kompensasyon sa aksidenteng ito.
Ito ay isang kontratang ipinagbabawal ayon sa Sharī`ah dahil ito ay kabilang sa mga pagbebenta ng panlalalang sapagkat ang mga salaping ibinabayad ng kliyente ay hindi nalalaman [ang kabuuan] at hindi siya nakaaalam kung mababawi kaya niya ang mga ito o hindi. Gayon din ang mga salapi na ibabayad ng kompanya, hindi ito nalalaman sa sandali ng kontrata.
Ikalawa. Ang Segurong Pampag-aarugaan (Pangkooperatiba)
Ito ay isang kontratang nagsososyo rito ang isang grupo ng mga tao sa pagbabayad ng isang takdang halaga para sa pagtulong sa sinumang dinapuan ng pinsala kabilang sa kanila.
Ito ay isang kontratang pinapayagan ayon sa Sharī`ah dahil ito ay kabilang sa mga kontrata ng mga pag-aabuloy yayamang nagbabayad ang sumusosyong ito ng halagang ito ayon sa kaluguran ng sarili, na nag-aabuloy sa pamamagitan ito sa sinumang nangangailangan dito kabilang sa kanila.
Ikatlo. Ang Pagbebenta Nang Pahulugan
Ito ay isang pagbebentang tumatanggap ang mamimili ng paninda sa kasalukuyan samantalang ipinagpapaliban ang pagbabayad ng halaga sa paraang pahulugan na nagkasang-ayon dito ang nagkokontratahan.
Ang halimbawa nito: ang pagbili ni Aḥmad ng isang bahay sa halagang 10,000 Dolyar, na babayaran sa bawat taon ng 1,000 Dolyar sa loob ng 10 taon.
Ito ay isang pagbebentang pinapayagan dahil sa pagkapaloob nito sa pagkapanlahat ng sabi ni Allāh: {Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)
Ikaapat. Ang mga Sosyohan na Pinagsamang sapi (Joint-stock Company) at ang mga Sapi
ang ito ay mga sosyohang pangkalakalang hinahati-hati ang puhunan ng mga ito sa mga sapi at ibinabaha-bahagi ang mga tubo alinsunod sa mga saping iyon.
Ang sapi ay ang parte ng kasosyo sa puhunan ng sosyohan na pinagsamang sapi (joint-stock company).
Ang kahatulan sa pagsapi sa mga sosyohang ito ay nagkakaiba-iba alinsunod sa aktibidad ng sosyohan, gaya ng sumusunod:
1. Pinapayagan ang pakikisali sa mga sosyohang ang aktibidad ng mga ito ay pinayagan at ang mga transaksiyon ng mga ito ay pinapayagan, tulad ng kompanya ng gatas na hindi nakikipagtransaksiyon sa patubo at iba pa rito kabilang sa mga ipinagbabawal.
2. Ipinagbabawal ang pakikisali sa mga sosyohang ang aktibidad ng mga ito ay ipinagbabawal, tulad ng mga sosyohang yumayari ng mga alak.
3. Ipinagbabawal ang pakikisali sa mga sosyohang nagkakahalu-halo [ang bawal at ang pinahihintulutan]. Ang mga ito ay ang ilan sa mga aktibidad ay pinapayagan at ang ilan ay ipinagbabawal, tulad ng kompanya ng gatas na nakikipagtransaksiyon sa patubo, kaya naman hindi pinapayagan ang pagbili ng mga sapi rito dahil sa pagkakahalu-halo ng pinahihintulutan sa bawal dito.
Ikalima: Ang mga Bono (Bond)
Ang bono ay isang dokumentong ibinibigay ng kompanyang pinagsamang sapi (joint-stock company) sa tao kapalit ng isang tinukoy na halaga ng salapi, na ipinauutang ng tao sa kompanya sa kundisyon na magsagawa ang kompanya ng pagbabayad ng mga tinukoy na interes matapos ng isang tinakdaang yugto ng panahon.
Humahantong ang mga kompanya sa pagbebenta ng mga bono nang sa gayon madagdagan ang puhunan ng mga ito nang walang pagkadagdag sa bilang ng mga nakikisali.
Ang mga bonong ito ay ipinagbabawal. Hindi pinapayagan ang pakikipagtransaksiyon sa mga ito dahil ang mga ito ay mga pautang na may interes na ginagarantiyahan, na babayaran ng kompanya sa mayari ng bono matapos ng pagwawakas ng yugto nito. Ito ay kabilang sa kauri ng pautang na humahatak ng pakinabang. Ito ay isang patubo na ipinagbabawal.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbibigay-katwiran ako.
Linawin mo ang kahatulan sa mga sumusunod na anyo kasama ng pagbibigay-katwiran, pagkatapos itala mo ang mga ito sa sumusunod na talahanayan:
Ang Anyo / Ang Kahatulan / Ang Pagbibigay-katwiran
Bumili ang isang tao ng mga sapi sa isang kompanyang nagpoprodukto ng mga karne ng mga baka at mga baboy. / Bawal / dahil ang pakikisali ay hindi pinapayagan sa mga kompanya na ang aktibidad ay nagkakahalu-halo [ang bawal at ang pinahihintulutan].
Bumili si Ibrāhīm ng mga bono na inialok ng isang kompanyang pinagsamang sapi (joint-stock company). / Bawal / dahil ang mga ito ay pautang na may interes na ginarantiyahan.
Bumili si Muḥammad ng isang kotse sa halagang 10,000 Dolyar at sumang-ayon siya sa tagapagtinda sa pagbabayad ng presyo sa sampung buwan. / Pinapayagan / dahil ito ay pagbebenta nang hulugan, at ito ay pinapayagan
Sumosyo si Fāṭimah sa mga kasamahan niya sa pabrika sa isang pondong pangkooperatiba. / Pinapayagan / dahil ito ay kabilang sa mga kontrata ng pag-aabuloy.
Aktibidad 2: Maghahambing ako.
Maghambing ka sa pagitan ng segurong komersiyal at segurong pampag-aarugaan (pangkooperatiba) sa sumusunod:
Ang Segurong Komersiyal / Ang Anyo ng Pghahambing / Ang Segurong Pampag-aarugaan
Ito ay isang kontratang naoobliga rito ang isineguro (insured) sa pagbabayad ng mga salapi sa panig ng pagseseguro kapalit ng pagbabayad sa kanya ng panig ng pagseseguro kung may nangyari sa kanya na mga pinsala. / Ang pagbibigay-kahulugan / Ito ay isang kontratang nagsososyo rito ang isang grupo ng mga tao sa pagbabayad ng isang takdang halaga para sa pagtulong sa sinumang dinapuan ng pinsala kabilang sa kanila.
Hindi pinapayagan / Ang kahatulang pang-Sharī`ah / Pinapayagan
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Pinapayagan ang segurong komersiyal dahil ito ay kabilang sa mga kontrata ng mga pag-aabuloy. (X)
2. Isinasakundisyon sa pagbebenta ng hulugan ang pagtatakda ng mga petsa ng paghuhulog. (✓)
3. Kinasusuklaman ang pakikisali sa mga kompanya na may aktibidad na pinapayagan. (X)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang ḥadīth: {Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagbebenta ng panlalalang.} Ipinapatunay ito sa pagkabawal ng:
(mga bono - pagbebenta ng pahulugan - segurong komersiyal).
2. Kabilang sa mga patunay ng pagpayag sa segurong pampag-aarugaan na ito ay:
(transaksiyon ng pag-aabuloy - hindi nag-oobliga - lumaganap sa gitna ng mga tao).
3. Ang kahatulan ng pakikisali sa mga kompanya na may aktibidad na nagkakahalu-halo [ang bawal at ang pinahihintulutan] ay:
(ang pagpayag - ang pagkasuklam - ang paghadlang).
PANUTO 3: Papaano mong ipakakahulugan ang pagpayag sa pagbebenta ng nang hulugan?
Dahil sa pagkapaloob nito sa pagkapanlahat ng sabi ni Allāh: {Nagpahintulot si Allāh ng pagbebenta at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)
PANUTO 4: Maghambing ka sa pagitan ng mga sapi at mga bono ayon sa hinihiling sa sumusunod na talahanayan:
Ang Anyo ng Paghahambing / Ang mga Sapi / Ang mga Bono
Ang Kahulugan
Ang Kahatulang Pang-Sharī`ah
Ang Ikalimang Yunit: Ang mga Kaasalan at ang mga Etiketa
1. Ang mga Karapatan ng Tao sa Islām
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-linaw ka sa konsepto ng mga karapatan ng tao;
2. makatalos ka sa kaibahan sa pagitan ng mga karapatan ng tao sa Islām at sa mga konstitusyong kanluranin;
3. makahango ka ng patunay mula sa Qur'ān at Sunnah sa mga karapatan ng tao;
4. makapag-isa-isa ka sa mga kakanyahan ng mga karapatan ng tao;
5. makapagbigay-halaga ka sa kadakilaan ng Islām sa pagtatanggol sa mga karapatan ng tao.
Nilikha ni Allāh ang tao at pinarangalan Niya ito. Pinatirapa Niya sa harap nito ang mga anghel. Itinangi Niya ito higit sa nalalabi sa mga nilikha. Pinagsilbi Niya para rito ang Sansinukob sa anumang narito. Pinababa Niya ang mga pagbabatas na nangangalaga sa karangalan nito. Nagbigay-babala Siya laban sa paghamak dito at kawalang-katarungan dito. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.} (Qur'ān 17:70)
Una. Ang Pagbibigay-kahulugan sa mga Karapatan ng Tao
Ang mga karapatan ng tao ay isang kabuuan ng anumang ikinarapat-dapat ng tao na mga karapatang materyal at moral, na nangangalaga sa karangalan niya,nagsasanggalang sa pagkatao niya, at nagsasagawa ng mga kapakanan niyang pangmundo at pangkabilang-buhay.
Ikalawa. Ang mga Uri ng mga Karapatan ng Tao
Sumasaklaw ang mga karapatan ng tao sa sumusunod:
1. Ang mga Karapatang Materyal at Moral
Ang mga karapatang materyal ay tulad ng pagkain, gamot, at tirahan. Ang mga karapatang moral ay tulad ng paniniwala at edukasyon.
2. Ang Karapatang Sibil, Pampulitika, at Pang-ekonomiya
Ang mga karapatang sibil ay tulad ng karapatan sa buhay at katarungan. Ang mga karapatang pampulitika ay tulad ng pakikilahok sa mga halalan at pagpili ng mga tagapamahala. Ang mga karapatang pang-ekonomiya ay tulad ng karapatan sa trabaho at pagkita.
Ikalawa. Ang mga Pundasyon ng mga Karapatan ng Tao sa Islām
* Ang Pundasyong Panrelihiyon Naaanyuan ito sa pagsasaisip sa pagmamasid ni Allāh at ganting pangkabilang-buhay para sa pangangalaga sa tao at karangalan niya mula sa mga teksto ng Qur'ān at Sunnah.
* Ang Pundasyong Legal Naaanyuan ito sa pagpapahatol sa mga tao sa Batas Islāmiko sa sandali ng pagkakaiba-iba, para sa paglutas ng alitan nila.
* Ang Pundasyong Pantradisyon Ito ay sa pamamagitan ng pagbalik sa mga tradisyon at mga kaugalian na hindi nakikisalungatan sa Sharī`ah.
* Ang Pundasyong Pangnaturalesa Ito ay yayamang isinanaturalesa ang tao sa pag-ibig sa kabutihan at katarungan at pagkasuklam sa kasamaan at kawalang-katarungan.
Ikaapat. Ang mga Layon ng mga Karapatan ng Tao sa Islām
Ang mga karapatan ng tao sa Islām ay may maraming layon, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pagsasakatotohanan sa pagkaalipin kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.
2. Ang pagpaparangal sa tao at ang pangangalaga sa karangalan niya at pagkatao niya.
3. Ang pagsasakatotohanan sa katarungan sa mga tao sa pangangalaga sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila.
4. Ang paglinang ng Daigdig at ang pagsasakatotohanan ng isang maayos na buhay para sa tao sa Daigdig.
5. Ang pagsasaayos ng kaluluwang pantao at ang paglayo sa katiwalian sa Daigdig.
Ikalima. Ang mga Kakanyahan ng mga Karapatan ng Tao sa Islām
1. Ang Pagkamakapanginoon sapagkat ang ugat ng mga karapatan ng tao ay mula sa ganang kay Allāh at ang pinagkunan nito ay ang Qur'ān, ang Sunnah, at ang mga pagbabatas na hinulo mula sa dalawang ito.
2. Ang Orihinalidad sapagkat hindi naglagay ng mga karapatan ng tao sa Islām bilang paggaya-gaya sa ibang kabihasnan; bagkus ito nauna sa iba pa rito. Gayon din, hindi naglagay nito dahilan sa mga pakikipagtunggaling pangkaisipan o mga kahilingang panghimagsikan.
3. Ang Reyalismo sapagkat ito ay nauugnay sa mga aktuwal na pangangailangan ng tao at hindi mga teoritikal na karapatang hindi tumatanggap ng pagpapatupad.
4. Ang Katatagan sapagkat hindi ito napapalitan ng mga pithaya ng isang tagapamahala, hindi ito naisasailalim sa awtoridad na pampulitika, at hindi ito nag-iiba kasabay ng pagkakaiba-iba ng mga katayuan at mga kalagayan.
5. Ang Pagkapandaigdigan sapagkat ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga tao nang walang pagtingin sa mga pinag-ugatan nila o mga lahi nila.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magdaraos ako ng isang pulutong na pantalakayan.
Noong ika-10 ng Disyembre, taong 1948 CE, inilabas ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao. Hindi natigil ang Kanluran sa paglalako nito at ng iba pa rito ng mga ideya tungkol sa mga karapatan ng tao. Sa liwanag niyon, magdaos ka ng isang pulutong na pantalakayan kasama ng grupo mo para magtalakay ng kaibahan sa pagitan ng mga karapatan ng tao sa Islām at mga karapatan niya sa kaisipang kanluranin, pagkatapos magsulat ka ng buod ng talakayan sa talahanayang ito:
Ang mga Karapatan ng Tao sa Islām / Ang Anyo ng Paghahambing / Ang mga Karapatan ng Tao sa Kaisipang Kanluranin
Lumitaw ito sa lilim ng Qur'ān at Sunnah / Ang pamamaraan ng paglitaw: lumitaw ito dahilan ng kawalang-katarungan sa Europa at pagsapit ng himagsikang Pranses
Ang Qur'ān, ang Sunnah, at nga mga Pinagkukunan ng Pagbabatas / Ang mga Pinagkukunan: Ang Batas at ang Tradisyong Pandaigdigan at ang mga Tratado
Ang Pagkamakapanginoon - Ang Orihinalidad - Ang Reyalismo / Ang mga Pundasyong Pangkaisipan - Ang Pagkanakasanayan - Ang Pang-individuwal
Ang Pagsasakatuparan ng Pagkaalipin kay Allāh - Ang Pagpaparangal sa Tao - Ang Katarungan / Ang mga Layon: ang Pagpaparangal sa Tao - Ang Pagkakapantay-pantay
Aktibidad 2: Magsasagawa ako ng pagtatasa sa lipunan ko.
Pagbulay-bulayan mo ang mga kalagayan ng mga tao sa lipunan mo at ang mga katayuan ng buhay nila. Pagkatapos ipaliwanag mo ang mga karapatan ng tao na hindi nila nakamit sa liwanag ng mga katuruan ng Islām.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang karapatan ng tao sa buhay at paniniwala ay nag-iiba-iba alinsunod sa mga kalagayan. (X)
2. Natatakan ang mga karapatan ng tao sa Islām ng kaliwanagan at orihinalidad. (✓)
3. Ang mga pandaigdigang tratado ay kabilang sa mga pinagkukunan ng mga karapatan ng tao sa Islām. (X)
4. Naglalayon ang mga karapatan ng tao ng pangangalaga sa buhay ng mga tao at karangalan nila. (✓)
5. Nakasentro ang mga karapatan ng tao sa Islām sa lipunang Muslim. (X)
PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Ipaliwanag mo ang tinutukoy sa bawat isa sa: (ang pagkamakapanginoon - ang reyalismo) sa mga karapatan ng tao.
1. Ang pagkamakapanginoon ay mga karapatan ng tao na ang pinagkukunan ng mga ito ang Qur'ān, Sunnah, at mga pagbabatas na hinulo mula sa dalawang ito.
Ang reyalismo ay ang mga karapatan ng tao na nakaugnay sa mga aktuwal na pangangailangan ng tao at lantay na mga teoretikal na pormularyo.
2. Buudin mo ang mga pundasyon ng mga karapatan ng tao sa Islām.
3. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.} (Qur'ān 17:70) Sa liwanag ng āyah na ito, magtakda ka ng:
A. dalawa sa mga karapatang materyal na pinangalagaan ng Islām para sa tao;
B. dalawa sa mga karapatang moral na pinangalagaan ng Islām para sa tao;
C. dalawa sa mga kakanyahan ng mga karapatan ng tao sa Islām.
2. Ang Karapatan sa Buhay at Katiwasayan
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglinaw ka sa tinutukoy ng karapatan sa buhay;
2. makahango ka ng patunay sa karapatan sa seguridad mula sa Qur'ān at Sunnah;
3. makapagpaliwanag ka ng mga pagbabatas ng Islām para sa pangangalaga ng buhay;
4. makapagtakda ka ng mga pundasyon ng pangangalaga ng Islām sa katiwasayan;
5. makapagsadamdamin ka sa panganib ng pangamba sa buhay ng tao.
Matapos na nag-aralan tayo ng mga karapatan ng mga tao sa isang pangkalahatang anyo, kailangan sa atin ngayon na magpalalim ng pagkakaalam natin sa pinakamahalaga sa mga karapatang iyon.
Una. Ang Karapatan sa Buhay
Naglalaman ang karapatan sa buhay ng karapatan ng tao sa pangangalaga sa pananatili niya sa lupa, pagsanggalang sa karangalan niya, at pag-iingat sa pagkatao niya. Ito ay isang karapatang binanal at iginagalang sa ganang lahat ng mga makalangit na batas.
Nagsabatas nga ang Islām ng mga patakaran para sa pag-iingat ng karapatan sa buhay. Kabilang doon:
Ang mga Pagbabatas ng Islām Para sa Pag-iingat sa Buhay:
- Ang pagbabawal sa pagpatay ng tao nang walang katwiran.
- Ang pagsasabatas ng ganting-pinsala (qiṣāṣ).
- Ang pag-uutos ng pangangalaga sa mga pantawid ng buhay.
- Ang pagbabawal sa aborsiyon.
- Ang pagbabawal sa pagpapatiwakal.
Ang pagbabawal sa pagpatay ng tao nang walang katwiran. Nagpinid ito ng lahat ng mga pinto ng mga pagdadahilang humahantong sa pagsira sa tao. Nagsabi si Allāh: {at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan."} (Qur'ān 17:33)
2. Ang pagsasabatas ng ganting-pinsala (qiṣāṣ) nang sa gayon mangamba ang mga kriminal at ang mga tagalabag. Nagsabi si Allāh: {Ukol sa inyo sa ganting-pinsala ay buhay, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:179)
3. Ang pag-uutos ng pangangalaga sa mga pantawid ng buhay tulad ng pagkain at gamot at ang pagpayag sa paggamit ng mga sinasawata, gaya ng pagkain ng hayop na namatay na hindi kinatay, kapag dumedepende roon ang pangangalaga sa buhay.
4. Ang pagbabawal sa aborsiyon (ang pagpatay ng fetus sa sinapupunan).
5. Ang pagbabawal sa pagpapatiwakal dahil ang buhay ay hindi pag-aari ng tagapagtaglay nito; bagkus ito ay isang kaloob mula kay Allāh, kaya naman hindi ipinahihintulot ang paglabag dito. Nagsabi si Allāh: {Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.} (Qur'ān 4:29) Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumatay ng sarili niya sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, ang pirasong balak niya ay malalagay sa kamay niya, na sasaksakin siya sa pamamagitan nito sa tiyan niya sa Apoy ng Impiyerno, bilang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5778 at Imām Muslim: 109.
Ikalawa. Ang Karapatan sa Seguridad
Kumilala ang Sharī`ah sa karapatan ng tao sa katiwasayang personal at paggalang sa mga pribadong usapin niya. Bumanggit nga si Allāh ng pagpapala Niya sa Liping Quraysh sa pamamagitan ng katiwasayan sapagkat nagsabi Siya: {na nagpakain sa kanila mula sa isang pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa isang pangamba.} (Qur'ān 106:4)
Ang Kahalagahan ng Katiwasayan sa Islām
1. Sa lilim ng katiwasayan, napupuno ang mga masjid, naisasagawa ang mga ṣalāh, at napangangalagaan ang mga dangal at ang mga ari-arian.
2. Sa lilim ng katiwasayan, pinatitiwasay ang mga daan, naipatutupad ang Batas ni Allāh, at naipalalaganap ang pag-aanyaya tungo sa kabutihan.
3. Sa bakuran ng katiwasayan, nangingibabaw ang kapanatagan, naghahari ang kabutihan at ang kariwasaan, at tumutuwid ang buhay.
Papaano nangalaga ang Sharī`ah sa katiwasayan?
1. Ang pagsasabatas ng mga takdang parusa at ganting-pinsala para sa paghadlang sa mga krimen na sumasaling sa mga individuwal sa mga sarili nila, mga katawan nila, mga dangal nila, at mga ari-arian nila.
2. Ang pagbabawal sa bawat pumupukaw sa tukso sa lipunang Muslim. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... kaya ang sinumang nagnais na magwatak-watak ng kaisahan ng Kalipunang ito samantalang ito ay buo, tagain ninyo siya ng tabak, maging sino man siya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1852.
3. Sumaway ang Islām laban sa pagpapangamba sa tao sa salita o sa gawa. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi pinahihintulutan para sa isang Muslim na magpasindak ng isang Muslim." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 5004.
4. Ang pagbabawal sa pagtutok sa iba ng sandata o ng anumang nakawawangis nito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi magtututok ang isa sa inyo sa kapatid niya ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam na marahil ang demonyo ay hahablot nito sa kamay niya, kaya babagsak siya sa isang hukay ng Impiyerno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7072 at Imām Muslim: 2617.
Papaano naisasakatotohanan ang katiwasayan?
1. Ang pananampalataya kay Allāh at ang pagsasakatotohanan ng pagkaalipin sa Kanya. Nagsabi si Allāh: {Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga bago pa nila bilang kahalili, talagang magbibigay-kapangyarihan nga Siya para sa kanila sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, matapos na ng pangamba nila, ng isang katiwasayan. Sumasamba sila sa akin habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman.} (Qur'ān 24:55)
2. Ang pagpapakatuwid sa batas ni Allāh. Nagsabi si Allāh {Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh," pagkatapos nagpakatuwid sila, ay walang pangamba sa kanila ni sila ay" malulungkot."} (Qur'ān 46:13)
3. Ang pag-uutos ng nakabubuti, ang pagsaway sa nakasasama, at ang paghadlang sa mga tagalabag nang sa gayon mangibabaw ang katarungan at ang katiwasayan sa mga tao sapagkat ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang buhay ko ay nasa kamay Niya, talagang mag-uutos nga kayo ng nakabubuti at sasaway nga kayo ng nakasasama o talagang malalapit nga si Allāh na magpadala sa inyo ng isang parusa mula sa Kanya, pagkatapos dadalangin kayo sa Kanya ngunit hindi tutugon sa inyo." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2169.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magpapaliwanag ako ng kahatulan.
Ipaliwanag mo ang kahatulan sa pagpatay sa mga sumusunod na halimbawa, kasama ng pagbibigay-katwiran, pagkatapos ilahad mo ang mga ito sa tagapagturo para magtasa ng mga ito.
Ang Halimbawa / Ang Kahatulan ng Pagpatay / Ang Pagbibigay-katwiran
Humatol ang hukom ng parusang kamatayan sa pumatay bilang ganting-pinsala. / Pinapayagan / dahil ang ganting-pinsala ay kinakailangan.
Pinalo ng isang lalaki ang anak ng kapitbahay niya kaya pinatay siya ng kapitbahay. / Ipinagbabawal / dahil ito ay isang kawalang-kasalanan at pagmamalabis.
Pinatay ng isang sundalo ang isa sa mga nakikipag-away sa bayan niya. / Kinakailangan / dahil siya ay nagtatanggol sa bayan niya at mga mamamayan nito.
Nagpaaborsiyon ang isang babae dala ng pangamba sa karukhaan. / Ipinagbabawal / dahil ito ay isang pagpatay ng kawalang-katarungan at ang panustos ay nasa kamay ni Allāh.
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Nagsabi si Allāh tungkol sa propeta Niyang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga): {[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, gawin Mo ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga} (Qur'ān 2:126) Sa pakikilahok sa kaklase mo, tugunin mo ang sumusunod:
1. Isulat mo ang ugnayan ng mga āyah na ito sa paksa ng aralin.
Ang katiwasayan ay isang pagpapala mula kay Allāh.
2. May nasaad sa āyah na dalawang karapatan kabilang sa mga karapatan ng tao. Ipaliwanag mo ang dalawang ito.
Ang Katiwasayan at ang Panustos
3. Huluhin mo ang kadahilanan ng panalangin ni Propeta Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa panalanging ito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Pinapayagan ang pagpatay ng buhay sa ganting-pinsala at pakikibaka sa mga nangangaway. Tama
2. Pinapayagan ang pagkain ng hayop na namatay na hindi kinatay sa sandali ng pangamba sa kamatayan dala ng gutom. Tama
PANUTO 2: Papaano mo ipakakahulugan:
1. Ang pagsasabatas ng ganting-pinsala at mga takdang parusa.
Para sa paghadlang ng mga krimen at paglabag sa mga karapatan ng mga ibang tao.
2. Ang kahalagahan ng katiwasayan sa Islām.
Sa pamamagitan ng katiwasayan, napupuno ang mga masjid at napangangalagaan ang mga dangal at ang mga ari-arian (o alinmang pagbibigay-katwiran mula sa nasaad sa aralin).
3. Ang pagbabawal sa pagtutok sa Muslim ng sandata.
Dahil sa dulot nito na pagpapangamba sa Muslim.
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Pagbabawal sa Pagpatay Nang Walang Anumang Katwiran
{at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan."} (Qur'ān 17:33)
2. Ang Pagbabawal sa Pagpapangamba sa mga Natitiwasay
"Hindi pinahihintulutan para sa isang Muslim na magpasindak ng isang Muslim." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 5004.
3. Ang Pagbabawal sa Pagpapatiwakal
{Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.} (Qur'ān 4:29)
PANUTO 4: Tugunin mo: Magbuod ka ng tatlo sa mga paraan ng pagsasakatotohanan ng katiwasayan.
Ang Pananampalataya kay Allāh - Ang Pagpapakatuwid - Ang Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama
3. Ang Karapatan sa Kalayaan at Katarungan
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsulat ka ng tinutukoy ng karapatan sa kalayaan sa Islām;
2. makahango ka ng patunay sa pagkilala ng Islām sa karapatan sa katarungan;
3. makapagbuod ka ng mga pagbabatas na kumikilala sa karapatan sa kalayaan at katarungan;
4. makapagmarangal ka sa pagbabatas ng Islām sa karapatan sa kalayaan at katarungan.
Nagsabi si `Umar: "Tunay na ang himagsikang Pranses (taong 1789) ay ang kauna-unahan na nanawagan ng mga simulain ng kalayaan, katarungan, at pagkakapantay-pantay." Nagsabi naman ang tagapagturo: "Hindi, anak; talaga ngang nauna ang Islām sa himagsikang Pranses sa paglilinaw sa mga karapatang ito, subalit ang Islām ay naglagay ng mga tuntunin ng kalayaan nang sa gayon hindi maghari ang kaguluhan sa lipunan." Ito ay ang liliwanag sa atin sa araling ito.
Una. Ang Karapatan sa Kalayaan
Ang kalayaan sa Islām ay nangangahulugan ng kakayahan ng tao sa pangangasiwa sa sarili niya at sa mga pumapatungkol sa kanya kung paano niyang niloloob nang walang tagatutol, sa kundisyon na hindi siya gumawa ng isang ipinagbabawal o hindi siya makapinsala sa mga ibang tao.
Nagsabatas nga ang Islām ng sarisaring pagbabatas para sa pangangalaga sa pantaong karapatang ito. Kabilang sa mga ito:
Ang mga Pagbabatas ng Islām Para sa Pag-iingat sa Kalayaan:
- Ang paglalagay ng mga pagbabatas na nagpapadali sa pagpapalaya sa mga alipin.
- Ang paghadlang sa pagpilit sa relihiyon.
- Ang kalayaan sa pag-iisip at pagpapakamalikhain.
- Ang kalayaang pampulitika.
1. Ang Paglalagay ng mga Pagbabatas na Nagpapadali sa Pagpapalaya sa mga Alipin
Nag-anyaya ang Islām tungo sa pagkalag ng kulyar ng mga alipin at paggawa sa pagpapalaya sa kanila na kabilang sa mga maayos na gawa. Nagsabi si Allāh: {11. Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan. 12. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan? 13. [Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,} (Qur'ān 90:11-13)
Nagsabatas ang Islām ng pagpapalaya ng mga alipin sa loob ng panakip-sala sa maling pagkapatay. Nagsabi si Allāh: {Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya} (Qur'ān 4:92)
Ang pagpapalaya rin ng mga alipin ay isa sa walong gugulin ng zakāh. Nagsabi si Allāh: {Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin} (Qur'ān 9:60)
2. Ang Paghadlang sa Pagpilit sa Relihiyon
Hindi namilit ang Islām sa isa man sa pagpasok dito sapagkat nagsabi si Allāh: {Walang pamimilit sa relihiyon.} (Qur'ān 2:256) Kumilala ang Islām sa pananatili ng hindi mga Muslim sa mga lipunang Muslim at nagpasya ito ng mga patakarang nagreregula sa mga ugnayan sa kanila at naglilinaw ng mga karapatan nila.
3. Ang Kalayaan sa Pag-iisip at Pagpapakamalikhain
Humimok ang Islām sa pag-iisip at pagmumuni-muni sa sarili at Sansinukob. Nagsabi si Allāh: {Hindi ba sila nag-isip-isip hinggil sa mga sarili nila? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at isang taning na tinukoy.} (Quir'an 30:8)
Naghikayat ang Islām ng bawat pagpapakamalikhaing nagpapadali para sa mga tao ng buhay nila. Dahil doon, nanguna noon ang Estadong Islāmiko sa mga agham na eksperimental gaya ng matematika, medisina, at astronomiya.
4. Ang Kalayaang Pampulitika
Ang tao ay may kalayaan sa gawaing pampulitika at pakikilahok sa mga nauukol sa estado sa balangkas ng mga patakaran ng Sharī`ah. Naglagay nga ang Islām ng simulain ng sanggunian at gumawa rito si Allāh bilang kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {at mga tumugon sa Panginoon nila, nagpanatili sa pagdarasal, at ang usapin nila ay sanggunian sa pagitan nila,} (Qur'ān 42:38)
Ikalawa. Ang Karapatan sa Katarungan
Nag-utos ang Islām ng katarungan at gumawa rito bilang isang pangunahing pinahahalagahan (value) sa lahat ng mga aspeto ng buhay pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan. Kabilang sa isinabatas ng Islām para sa pag-iingat sa karapatan sa katarungan:
Ang mga Pagbabatas ng Islām Para sa Pag-iingat sa Katarungan:
- Ang pag-uutos ng katarungan sa paghahatol.
- Ang pagbabawal sa kawalang-katarungan sa lahat ng mga porma nito.
- Ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harap ng Sharī`ah.
- Ang katarungan sa pagitan ng malakas at mahina.
1. Ang Pag-uutos ng Katarungan sa Paghahatol Nagsasabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan.} (Qur'ān 4:58) Ang salitang "tao" ay pangkalahatan, na napaloloob dito ang Muslim at ang tagatangging sumampalataya, at ang kaibigan at ang kaaway. Sa pamamagitan niyon, lumilinaw na ang karapatan sa katarungan ay ginarantiyahan sa lahat ng mga tao.
2. Ang Pagbabawal sa Kawalang-katarungan sa Lahat ng mga Porma Nito Sumasaklaw iyon sa kawalang-katarungan sa sarili o mag-anak o mga ibang tao, kahit pa sila ay naging kabilang sa mga kaaway, maging ang kawalang-katarungang ito ay sa ari-arian o sarili o dangal. Ginawa ni Allāh na matindi ang kahihinatnan ng kawalang-katarungan. Nagsabi Siya: {Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili samantalang nabigo nga ang sinumang nagpasan ng isang kawalang-katarungan.} (Qur'ān 20:111)
3. Ang Katarungan sa Pagitan ng mga Tao sa Harap ng Sharī`ah. || Nagsagawa ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkikintal ng karapatan sa katarungan nang walang pagsasaalang-alang sa kaangkanan o lahi upang magpatupad ang mga Muslim niyon sa mga pamilya nila at mga lipunan nila. Dahil doon, nagalit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsalita sa kanya ang ilan sa mga Kasamahan kaugnay sa hindi pagpapatupad ng takdang parusa sa pagnanakaw sa isang babaing kabilang sa isang maharlikang mag-anak. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagpasawi lamang sa mga bago ninyo na sila noon, kapag nagnakaw sa kanila ang maharlika, ay nagpapalampas dito, at kapag nagnakaw sa kanila ang mahina, ay nagpapatupad sila rito ng takdang parusa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3475 at Imām Muslim: 1688.
4. Ang Katarungan sa Pagitan ng Malakas at Mahina Ito ang ipinatupad ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Matinong Khalīfah. Kabilang doon na si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) noong binalikat niya ang pagkakhalīfah ay nagsabi: "Ang mahina sa inyo ay malakas sa ganang akin hanggang sa maipanumbalik ko sa kanya ang karapatan niya, kung niloob ni Allāh. Ang malakas sa inyo ay mahina hanggang sa makuha ko ang karapatan mula sa kanya, kung niloob ni Allāh." (Sīrah Ibni Hishām 2/661.)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako kasama ng grupo ko.
Nagkaiba-iba sa Islām ang mga kaisipang kanluraning kontemporaryo ng konsepto ng kalayaan at mga pagpapatupad nito. Sa liwanag niyon at sa pakikipagtulungan kasama ng grupo mo, magsulat ka kaugnay sa sumusunod:
1. Ang mga hangganan ng kalayaan na napagsang-ayunan sa pagitan ng Islām at mga kaisipang kontemporaryo.
Ang tao ay malaya hanggat hindi siya lumalabag sa mga karapatan ng mga ibang tao.
2. Talakayin mo ang isa mga usaping nagkakaibahan, tulad ng kalayaan sa kabaklaan o kalayaan sa pagpapalaganap ng mga kaisipang ateista.
Aktibidad 2: Maghahambing ako.
Sa pagitan ng katarungan at pagkakapantay-pantay ay may mga kaibahan sa konsepto at mga pagpapatupad. Sa liwanag niyon, magsagawa ka ng mga sumusunod na gawain:
1. Pagbulay-bulayan mo ang larawang ito. Pagkatapos sa pamamagitan ng paghahanap sa internet, ipaliwanag mo ang kaibahan sa pagitan ng katarungan at pagkakapantay-pantay.
2. Sa pakikipagtulungan kasama ng grupo mo, magsulat ka ng tatlong pagpapatupad ng katarungan at tatlo ng pagkakapantay-pantay sa pagbabatas Islāmiko.
3. Ngayon, maaari sa iyo na maghulo ng kaibahan sa pagitan ng konsepto ng katarungan sa Islām at konsepto ng pagkakapantay-pantay sa kaisipang kanluranin.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Sumasang-ayon ang Islām sa kaisipang kanluranin sa pagpapatupad ng katarungang panlipunan. Mali
2. Nagtangi ang Islām sa Muslim sa pagbabawal ng kawalang-katarungan niya sa ari-arian niya o sarili niya o dangal niya. Mali
3. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ay nalilimitahan ng nasaad sa mga pagbabatas Islāmiko. Tama
4. Pinayagan ng Islām ang mga taong protektado na magpalaganap ng relihiyon nila. Mali
5. Humimok ang Islām sa pagpapakamalikhain sa alinmang kaalamang napakikinabangan ng lipunan. Tama
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
Ang sabi ni Allāh: {Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin} Nagpapatunay sa pagbabatas ng pagpapalaya ng mga alipin sa pamamagitan ng mga yaman:
(ang panakip-sala - ang kawanggawa - ang zakāh).
Ang pagpupumilit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatupad ng takdang parusa sa babaing magnanakaw ay nagpapatibay sa karapatan sa:
(kalayaan - katarungan - buhay).
Kabilang sa mga karapatang pantaong pangkalahatan at walang-takda ang karapatan sa:
(kalayaan - katarungan - pagkakapantay-pantay).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Kalayaan sa Pag-iisip
{Hindi ba sila nag-isip-isip hinggil sa mga sarili nila? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at isang taning na tinukoy.} (Quir'an 30:8)
2. Ang Pagbabawal sa Kawalang-katarungan
{Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili samantalang nabigo nga ang sinumang nagpasan ng isang kawalang-katarungan.} (Qur'ān 20:111)
3. Ang Kainaman ng Pagpapalaya sa mga Alipin
{11. Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan. 12. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan? 13. [Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,} (Qur'ān 90:11-13)
5. Ang Pagkaisinasabatas ng Sangguniang Pampulitika
{at mga tumugon sa Panginoon nila, nagpanatili sa pagdarasal, at ang usapin nila ay sanggunian sa pagitan nila,} (Qur'ān 42:38)
5. Ang Katarungan sa Paglutas ng mga Alitan sa Pagitan ng mga Tao
{Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng *mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan.} (Qur'ān 4:58)
4. Ang Karapatan sa Pagmamay-ari at Paglipat
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1, makapagpaliwanag ka ng mga pagbabatas na nag-iingat sa karapatan sa pagmamay-ari;
2. makapaglinaw ka sa kahatulan sa pagsira sa mga pag-aaring pampubliko at pampribado;
3. makahango ka ng patunay sa pagkilala ng Sharī`ah sa karapatan ng tao sa paglipat;
4. makapagbuod ka ng mga pagbabatas na kumikilala sa karapatan sa paglipat;
5. makapaghalaga ka sa papel ng Sharī`ah sa pag-iingat ng karapatan sa pagmamay-ari at karapatan sa paglipat.
Una. Ang Karapatan sa Pagmamay-ari Isinasakarapatan para sa tao ang pagmamay-ari ng ari-arian at iba pa rito kabilang sa natatamasa sa Mundo at ang pangangasiwa rito nang may kalayaan hanggat kinikita niya ito mula sa pinahihintulutan at ginugugol niya ito sa pinahihintulutan. Nagsabatas nga ang Islām ng isang bilang ng mga pagbabatas para sa pag-iingat sa karapatang ito. Kabilang sa mga ito:
Ang mga Pagbabatas ng Islām Para sa Pag-iingat sa Karapatan sa Pagmamay-ari
- Ang Pagkilala sa Karapatan sa Pagkita ng Salapi
- Ang Pagkilala sa Pag-aaring Pang-individuwal
- Ang Pagsasabatas ng mga Transaksiyong Pampananalapi
- Ang Pagbabawal sa Pakikinabang sa mga Ari-arian ng mga Tao Ayon sa Kabulaanan
- Ang Pagbabawal sa Pagsira ng mga Pag-aari
1. Ang Pagkilala sa Pag-aaring Pang-individuwal Hindi pinapayagan ang paglabag sa pag-aari ng alinmang tao nang walang anumang karapatan nang walang anumang katwiran. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang lahat sa Muslim ay bawal labagin: ang buhay niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2564. Ang karapatang ito ay iniingatan para sa hindi Muslim din hanggat siya ay hindi nakikidigma.
2. Ang Pagkilala sa Karapatan sa Pagkita ng Salapi Kumilala ang Sharī`ah sa karapatan ng bawat tao sa alinmang aktibidad na pang-ekonomiyang pinapayagan. Nagsabi si Allāh: {Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay.} (Qur'ān 65:15)
3. Ang Pagsasabatas ng mga Transaksiyong Pampananalapi Ang halimbawa nito ay ang pagbebenta, ang pagpapaupa, ang pagsasangla, at iba pa sa mga ito. Naglagay ang Sharī`ah ng mga tuntunin para sa bawat transaksiyon, na sa pamamagitan nito napag-iingatan ang mga karapatan at napalalago ang mga yaman.
4. Ang Pagbabawal sa Pagsira ng mga Pag-aari Nagbawal ang Sharī`ah ng pagsira o pagsasayang ng mga ari-ariang pampubliko at pampribado o pagkuha ng mga ito nang walang karapatan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nasuklam para sa inyo ng tatlo: ang pagsasabi-sabi, ang pagsasayang ng yaman, at ang dami ng pagtatanong." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2408 at Imām Muslim: 593.
5. Ang Pagbabawal sa Pakikinabang sa mga Ari-arian ng mga Tao Ayon sa Kabulaanan Nagbawal ang Islām sa pakikinabang sa mga ari-arian ng mga tao ayon sa kabulaanan. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo ayon sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo.} (Qur'ān 4:29)
Gayon din, nagbawal Siya ng pangangamkam, pandaraya, at lahat ng mga anyo ng pakikinabang sa mga ari-arian ng mga tao ayon sa kabulaanan.
Ikalawa. Ang Karapatan sa Paglipat Kumilala ang Islām sa karapatan ng tao sa paglipat nang may kalayaan mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar nang walang pagkasailalim sa isang pamimilit o isang perhuwisyo. Ang aktuwal na reyalidad sa hinaba-haba ng mga nagdaang siglo ay pinakamabuting tagasaksi roon. Ang mga Muslim nga noon ay lumilipat sa mga bayan ng Islām nang may kalayaan: mula sa Andalusiya at Moroko sa kanluran hanggang sa mga hangganan ng Tsina sa silangan.
Kabilang sa mga pagbabatas na nag-iingat sa karapatang ito:
1. Ang pagbabawal sa pagpapalisan sa mga tao mula sa mga bahay nila nang walang karapatan.
Pumula si Allāh sa mga namumuwersa sa mga tao sa pag-iwan sa mga bayan nila nang walang karapatan sapagkat nagsabi Siya: {[Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay si Allāh."} (Qur'ān 22:40)
2. Ang Paggarantiya ng Kalayaan sa Paglipat Mula sa Isang Lugar Tungo sa Ibang Lugar
Humimok nga si Allāh sa paglalakbay sa lupa sa paghahanap ng kabuhayan sapagkat nagsabi Siya: {Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay.*} (Qur'ān 65:15) Ito ay isang pagkilala sa karapatan ng tao sa paglipat-lipat para sa mga layuning pinapayagan at isinasabatas.
3. Ang Pag-uutos ng Paglikas Para sa Pagkaya ng Pagsamba kay Allāh
Kinakailangan sa mga sinisiil ang paglikas mula sa pinamamayanan nila patungo sa ibang lugar upang makakaya sila roon sa pagsamba kay Allāh. Nagmasama nga si Allāh sa mga hindi lumikas sa kabila ng kawalan ng kakayahan nila sa pagsamba sa Kanya. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga pinapanaw ng mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila ay magsasabi [ang mga anghel]: "Nasa ano kayo noon?" Magsasabi sila: "Kami noon ay mga sinisiil sa lupa." Magsasabi sila: "Hindi ba nangyaring ang lupa ni Allāh ay malawak para lumikas kayo roon?" Kaya ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno – at masagwa ito bilang kahahantungan –} (Qur'ān 4:97)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako.
Sa liwanag ng pagkaintindi mo sa araling ito at bago nito, huluhin mo ang katotohanan na ipinahihiwatig ng mga sumusunod na teksto:
Ang mga Teksto / Ang Katotohanan na Ipinahihiwatig Nito
{Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.} (Qur'ān 4:29)
Ang Pangangalaga sa Buhay
{Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan.} (Qur'ān 2:279) Ang Katarungan / Ang Pagmamay-ari
{Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa kanila sa isang pinagbanalang tiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay} (Qur'ān 26:57)
Ang Seguridad
Nagsabi si Allāh: {Huwag kayong magbigay sa mga hunghang ng mga yaman ninyo na ginawa ni Allāh para sa inyo bilang pantaguyod.}
(Qur'ān 4:5)
Ang Pagmamay-ari {may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh,} (Qur'ān 73:20) Ang Pagmamay-ari / Ang Paglipat-lipat
Ang ḥadīth: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya sa mga kalamidad niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 46.
Ang Karapatan sa Seguridad Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa ari-arian niya, siya ay isang martir. Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa relihiyon niya, siya ay isang martir. Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa buhay niya, siya ay isang martir. Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa mag-anak niya, siya ay isang martir." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4772, Imām At-Tirmidhīy: 1421, at Imām An-Nasā'īy: 4095. Ang Karapatan sa Buhay / Ang Karapatan sa Pagmamay-ari / Ang Karapatan sa Seguridad
Aktibidad 2. Tutugon ako.
Ang pamumuhunang pampananalapi ay kabilang sa mga anyo ng karapatan sa pagmamay-ari. Sa liwanag ng pahayag na ito, magsulat ka ng sumusunod:
1. Tatlo sa mga mensahe ng pamumuhunan ng salapi sa Islām
Ang Pagbebenta - Ang Pagpapanegosyo - Ang Pagpapaupa.
2. Dalawa sa mga tuntunin ng pamumuhunang pampananalapi sa Islām.
Ang Pagbabawal sa Patubo - Ang Pagbabawal sa Pandaraya
Aktibidad 3: Magtatala ako ng pananaw ko.
Nagtadhana sa karapatan sa paglipat ang Artikulo 13 ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao. Kabilang doon:
1. Ang bawat tao ay may karapatan sa kalayaan ng paglipat at pagpili ng paninirahan niya sa loob ng mga hanggahan ng estado.
2. Ang bawat tao ay may karapatan sa paglisan sa alin mang bansa, kabilang doon ang bayan niya, at sa pagbabalik sa bayan niya.
Sa liwanag niyon, itala mo ang pananaw mo sa artikulong ito at ipaliwanag mo ang saklaw ng pakikipagsang-ayon nito sa Sharī`ah at ang epekto niyon sa pagmamarangal sa Islām at pagmamalaki rito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Isinasakarapatan para sa tao ang pagkita ng salapi at paggugol nito nang may kalayaang walang-takda.
2. Ang pagsasabatas ng mga sosyohan ay nagpapalago ng mga yaman at nangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari.
3. Isinasakarapatan para sa Muslim ang paglalakbay at ang paglikas sa paghahangad ng nagpapalugod kay Allāh.
4. Natatangi ang takdang parusa sa pagnanakaw sa pagnanakaw ng mga pag-aaring pribado.
5. Ipinagbabawal ang pagkulong sa tao sa isang kulungan o isang bayan malibang may karapatan.
6. Ang sinumang pumapatay dala ng pagtatanggol sa ari-arian niya o dangal niya, mayroon siyang pabuya ng mga martir.
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Pagbabawal sa Paglabag sa Pag-aari ng Iba
"Ang lahat sa Muslim ay bawal labagin: ang buhay niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2564.
2. Ang Pagbabawal sa Pagpapalisan sa mga Tao Mula sa mga Bahay Nila Nang Walang Karapatan
{[Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay si Allāh."} (Qur'ān 22:40)
3. Ang Pagpayag sa Paglalakbay sa Paghahanap ng Ikabubuhay
{may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh,} (Qur'ān 73:20)
PANUTO 3: Magbuod ka ng saloobin ng Islām sa karapatan sa pagmamay-ari ng ari-arian.
Ang tao ay may karapatan sa pagmamay-ari kapag ang ari-arian ay pinapayagan, hindi siya lumabag sa mga karapatan ng mga ibang tao, at nagpalabas siya mula rito ng karapatan ng zakāh.