Kapag nahinto sa pagdurugo ang may regla o ang may nifās bago ng fajr at hindi siya nakapagsagawa ng ghusl kundi matapos ng fajr, tutumpak ba ang pag-aayuno niya o hindi?
السؤال
T 1:
Kapag nahinto sa pagdurugo ang may regla o ang may nifās bago ng fajr at hindi siya nakapagsagawa ng ghusl kundi matapos ng fajr, tutumpak ba ang pag-aayuno niya o hindi?
س7: إذا طهرت الحائض أو النّفساء قبل الفجر، ولم تغتسل إلا بعد الفجر، فهل يصحّ صومها، أو لا؟
الجواب
S 1:
Oo, tutumpak ang pag-aayuno ng babaing may regla kapag nahinto siya sa pagdurugo bago ng fajr at hindi siya nakapagsagawa ng ghusl kundi matapos ng pagsapit ng fajr, at gayon din ang may nifās, dahil siya sa sandaling iyon ay kabilang sa mga kailangang mag-ayuno. Siya ay kawangis ng sinumang may kalagayang junub; na kapag sumapit ang fajr habang ito ay junub, tunay na ang pag-aayuno nito ay tumpak.
Batay ito sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kaya ngayon ay makipagtalik kayo sa kanila at maghangad kayo ng isinatungkulin ni Allāh para sa inyo. Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw.} (Qur'ān 2:187)
Nang nagpahintulot si Allāh (napakataas Siya) ng pakikipagtalik hanggang sa bago luminaw ang fajr, naoobliga mula roon na hindi mangyari ang pagsasagawa ng ghusl kundi matapos ng pagsapit ng Fajr. Batay ito sa Hadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay inaabutan ng madaling-araw na junub dahil sa pakikipagtalik sa maybahay niya at siya ay mag-aayuno.
Nangangahulugan na siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay hindi nakapagsagawa ng ghusl dahil sa pagkajunub kundi matapos ng pagsapit ng madaling-araw.
ﺟ7: نعم، يصحّ صوم المرأة الحائض إذا طهرت قبل الفجر، ولم تغتسل إلا بعد طلوع الفجر، وكذلك النّفساء؛ لأنها حينئذٍ من أهل الصوم، وهي شبيهةٌ بمن عليه جنابةٌ، إذا طلع الفجر وهو جنبٌ فإن صومه يصحّ؛ لقوله تعالى:
﴿...فَٱلۡـَٰٔنَ بَٰشِرُوهُنَّ وَٱبۡتَغُواْ مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِ...﴾
[البقرة:187]،
وإذا أذن الله تعالى بالجماع إلى أن يتبين الفجر لزم من ذلك ألّا يكون الاغتسال إلا بعد طلوع الفجر، ولحديث عائشة رضي الله عنها
«أَنَّ النَّبِيَّ ﷺ كَانَ يُصْبِحُ جُنُبًا مِنْ جِمَاعِ أَهْلِهِ وَهُوَ صَائِمٌ» [1].
أي: أنه عليه الصلاة والسلام لا يغتسل عن الجنابة إلا بعد طلوع الصّبح.
[1] البخاري، كتاب الصوم، باب اغتسال الصائم (1931)، ومسلم، كتاب الصوم، باب صحة صوم من طلع عليه الفجر وهو جنب (75) (1109).