Skip to content

{Kami minsan ay nasa piling ni `Umar saka nagsabi siya: "Sinaway kami laban sa pagpapakahirap-hirap."}

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

{Kami minsan ay nasa piling ni `Umar saka nagsabi siya: "Sinaway kami laban sa pagpapakahirap-hirap."}

كُنَّا عِنْدَ عُمَرَ فَقَالَ: «نُهِينَا عَنِ التَّكَلُّفِ».

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa kanila laban sa pagsasagawa ng anumang may pahirap na wala namang pangangailangan doon, maging ito man ay salita o gawa.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Bahagi ng pagpapakahirap-hirap na sinasaway ang dami ng pagtatanong o na magpakahirap-hirap sa anumang wala namang kaalaman o magpakahigpit sa isang bagay na gumawa si Allāh dito ng isang kaluwagan.

Nararapat sa Muslim na magsanay siya ng sarili niya sa kaluwagan at kawalan ng pagpapakahirap-hirap sa salita at gawa: sa pagkain niya, inumin niya, mga sinasabi niya, at nalalabi sa mga kalagayan niya.

Ang Islām ay Relihiyon ng ginhawa.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (9/ 95) (7293).

Ang Karagdagan (10)

نزهة المتقين.

لمصطفى الخن وغيره (2/ 1136).

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (6/ 391).

فتح الباري شرح صحيح البخاري.

لابن حجر (13/ 270).

النهاية في غريب الحديث والأثر.

لابن الأثير (4/ 196).

تطريز رياض الصالحين.

لفيصل آل مبارك (ص930).